USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Narito pong muli kami para sa isa na namang oras nang talakayan kaugnay sa mga issue na dapat malaman ng taumbayan ngayon pong panahon ng COVID-19 pandemic. Makikipag-ugnayan din tayo sa ating mga kababayan na naranasan po ang kaguluhan ngayon sa Afghanistan.
Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito Public Briefing #LagingHandaPH.
Una sa ating mga balita: Ngayong umaga ay muling humarap sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte upang ipaliwanag ang mga issue kaugnay sa mga naglabasang COA audit reports upang hindi mawala ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan. Sinabi ng Pangulo na hindi niya inaakusahan o kinakastigo ang COA; alam niyang ginagawa lamang ng komisyon ang trabaho nito. Gusto lamang niyang iparating ang sentimyento ng mga opisyal na nabahiran na korapsiyon ang pagkatao matapos maging subject ng kanilang audit report. Nais lamang din niya na i-figure ng COA ang regulasyon sa mga transaksiyon sa gobyerno upang hindi ito maabuso sa korapsiyon.
Hindi rin aniya niya ipinagtatanggol ang DOH, trabaho ito ng kagawaran. Nagbabahagi lamang aniya ito ng opinyon ng Pangulo; wala pa ring dahilan para patalsikin sa puwesto si DOH Secretary Francisco Duque III. Matapos nito, inutusan niya ang Kalihim na bayaran na ang nabinbing benepisyo ng mga healthcare workers sa pampubliko at pribadong sektor.
Tungkol naman sa ‘di umano’y overpriced na face mask at face shield na binili ng gobyerno, inutusan noon ng Pangulo ang DOH na bumili ng kinakailangang kagamitan sa kasagsagan ng pandemya kahit na hindi ito dumaan sa bidding pero sumunod pa rin sa proseso si Health Secretary Duque.
Ipinag-utos na rin ni Pangulong Duterte ang dismissal ni National Electrification Administration Chief Edgardo Masongsong sa kaniyang opisina matapos itong irekomenda ng PACC.
Sa ibang balita: Patuloy po ang pamahalaan sa maingat na pagbalanse sa kabuhayan at kaligtasan ng lahat, ayon kay Senator Bong Go, giit pa ng Senate Committee on Health Chairperson, buhay ng mga Pilipino ang laging prayoridad. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, lumapag na sa NAIA Terminal 2 kaninang umaga ang 1 million doses ng Sinovac vaccine at 260,800 doses ng Sinopharm vaccine na bahagi ng donasyon ng China sa Pilipinas. Para sa detalye, may ulat si Mark Fetalco:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Mark Fetalco.
Sa nangyayaring kaguluhan sa bansang Afghanistan, ilang pong mga OFWs natin doon ang nakukompromiso ngayon ang kaligtasan at kinakailangan ilikas. Isa po sa ligtas na nakalabas ng Afghanistan ang atin pong kababayan na si Elmer Presa na atin pong makakausap ngayong umaga. Magandang umaga sa’yo, Elmer!
MR. ELMER PRESA: Hello, ma’am. A pleasant morning; hope you guys are doing well.
USEC. IGNACIO: Opo. Lalo na kami, masaya kaming makita kayo Elmer. Kailan ka nakalabas ng Afghanistan at [garbled] ka [garbled]?
MR. ELMER PRESA: [Garbled] concerning our demobilization plan so we are coming all the way from Kabul. We used the military flights and now as we speak, we are currently over here in Doha, Qatar in the US facilities by the name of Al Udeid. We also established communication with our embassy over here in Qatar with Ms. Calañgian and then she provided us assurance that from here, we can travel straight going to Manila, Philippines hopefully today.
USEC. IGNACIO: So, gaano ka naging katagal sa Afghanistan at ano ang naging trabaho mo doon, bago pa ma-takeover ng Taliban group ang gobyerno doon? At generally ay maayos ba naman ang kabuhayan mo?
MR. ELMER PRESA: I started working there, since 2011 working as a dog handler. Basically, we are working at that time under the American company and then as we speak, currently nandito po ako sa British Company and I am currently the K9 Deputy Manager for Afghanistan and also Deputy Kennel. We are just supervising operations for diplomatic missions, United Nations, Embassies and the major airports over here in Afghanistan. Nakakalungkot lang po, kasi nagkaroon nga po ng mga ganitong hindi natin inaasahan, kaya medyo mawala po tayo sa pansamantala sa trabaho.
USEC. IGNACIO: Pero, Elmer, kami ay natutuwa na ikaw ay nasa Doha, Qatar na, nasa ligtas na lugar ka na. So paano mo ilalarawan iyong naging sitwasyon ninyo ng sumiklab ang gulo roon? Ikaw ba ay may kasama pa ring mga Pilipino noong nangyari?
MR. ELMER PRESA: Opo. Sa kasalukuyan, kasama ko po more or less, labing-isa kaming Pilipino ngayon inside the Air Mobility Command Center, US Military Forces Base. And then napakabilis po ng pangyayari, because we keep on monitoring the daily situational peace and order reports over Afghanistan. Talagang ano po, let say, in less than three months, since na nagkaroon po ng aggressive movement ang Taliban to get all those districts, provinces, before the pullout of US Forces on the 11th of September, na-manage po nila na makubkob ang kabuuang po ng Afghanistan. And the last city na nakuha po nila ay iyon pong Kabul, which is the capital of Afghanistan where we lived and we have our main office there.
USEC. IGNACIO: Elmer, alam namin na hindi lamang iyong sarili mo ang inisip mo. Ang alam namin, ikaw ay naglakas-loob din na sunduin ang mga kapwa mo OFWs na naipit sa ilang lugar sa Kabul. Iyong mga Taliban ba ay hindi naging maganda ang pakikitungo sa mga dayuhan, kagaya nating mga Pilipino?
MR. ELMER PRESA: Actually Afghanistan is like my second home, parang pangalawa ko ng bahay ito. Kahit papaano po nakakapagsalita tayo ng language nila. So noong naipit po iyong mga tropa natin, there is nobody who can, [so I asked if] there be a road mission to fetch them and bring them back. Kaya po nagpaalam po ako sa aming Chief Operating Officer na pangunahan ko po ang safety na pag-retrieve sa atin pong mga kababayang Pilipino. Awa ng Diyos po ay napagbigyan tayo ng Taliban sa aking pakikipag-usap sa kanila, upang maibalik ko pong ligtas ang mga tropa po natin. Unfortunately mayroon pa po tayong mga tropa doon na nananatili pa, lalo po iyong mga taga-United Nations, UN Projects at sila naman po ay ligtas, iyon po iyong ating mga pakikipag-ugnayan at impormasyon na nakakalap as we speak.
USEC. IGNACIO: Elmer, hindi ka ba natatakot noong ginawa mo iyan at nakipag-usap ka sa Taliban at para lang sa hindi pa nakakaalam, bakit ganoon na lamang iyong takot ng mga Afghans o iyong mga lokal doon sa magiging pamumuno ng Taliban?
MR. ELMER PRESA: Hindi po natin sila masisi, because 20 years ago, Taliban is the dominant political party leadership over there in Afghanistan. Alam po nila kung paano po ang naging pagtrato at pagkilos ng lideratong iyon, kaya nagkaroon po sila ng masidhing takot. Because ako po ay nag-i-interview rin sa mga kaibigan po natin doon na mga Afghan at hindi po natin sila masisi na kung bakit ganoon sila kaalarma pagdating po doon.
Tayo naman po ay na-assign sa iba’t ibang probinsya na mapanganib, subalit napakisamahan po natin at napag-aralan iyon pong iba’t ibang kaugalian po ng mga tao sa probinsya. Dito kasi ang style po ay parang ano, sila-sila at kami-kami system. That is why you need to understand their cultural awareness, kung paano sila pakikisamahan. At iyon po, doon naman po ay sanay naman po tayong mga Pilipino sa pakikisama, hindi lamang sa kapwa kung hindi sa iba’t ibang lahi.
USEC. IGNACIO: Alam mo, Elmer, base sa mga post sa social media, isa naman talaga sa nakita ko iyan. Isa rin ako sa mga natakot na talagang nagkakagulo dito sa paliparan dahil doon sa mga nagnanais na makaalis ng Afghanistan. Para sa mga Pilipino, ako iyong natakot para sa inyo na nandiyan, kasi may report na mayroon pang nabawian ng buhay, para lamang makasampa ng eroplano. Papaano kayo napabilang sa US military aircraft? Ilan kayong Pilipino na nakasakay? Sinabi mo kanina labing-isa, ito ba iyong mga sinundo mo at kasama mo sa Doha?
MR. ELMER PRESA: The mobilization, it’s a lot of coordination. Iyong amin pong top management, nagkaroon rin po kami ng debriefing, the day before the mobilization plan and we basically discussed how those Taliban treated us, because they ask me about their response. I just basically deliver to them the exact [intention during] negotiation that I gave with them. So, that give us more idea na especially with the management on how to handle the situation. So, paglabas, we are using the, iyon pong nakikita ninyo diyan ano, mayroon tayong mga commercial and military flights. So we just used the military flights area, iyon po ay may secured, kung saan ay marami po na mga sundalo mula po sa Estados Unidos, mula po sa Great Britain/UK and also Turkish na nag-assist po sa amin. Of course, hindi rin po tayo ginalaw ng mga Taliban doon, along the way, because they know that our intention is purposely to bring all our guys heading to the gate of the airport.
USEC. IGNACIO: Pero sa tantiya mo, Elmer ilan pang mga Pilipino ang nasa Kabul? At alam mo ba ang sitwasyon ng ilan sa mga naiwan pa nating kababayan doon?
MR. ELMER PRESA: Kanina po, Ma’am, noong nag-check ako sa aming WhatsApp group sa Afghanistan, marami na po tayong mga kababayan na nakalabas. Mayroon tayong more or less anim, na kababayan na nasa UK. We have some 30 Filipino as I heard, they are in Islamabad, Pakistan. And for us, 13 na po kami ngayon dito, because continuous po iyong pagdating ng mga eroplano na nanggagaling po mula sa Kabul na naglilikas ng mga tao para po dalhin sila rito sa ligtas po na mga lugar kung saan po sila dadalhin sa final destination.
So, let’s say more or less mga nasa 50 pa po na kababayan natin. And I also volunteer myself in case na magkaroon pa po tayo ng repatriation, whatever, puwede po tayong makipag-ugnayan sa iba’t iba pong mga lugar para po sa mas mabilis po na repatriation ng atin pong ibang mga kababayan na maaaring nandoon po at naipit pa sa mga probinsiya.
USEC. IGNACIO: Pero, Elmer, may kilala ka bang Pilipino na mas nais pa rin na manatili diyan sa Afghanistan sa kabila ng mga pangyayari?
MR. ELMER PRESA: Yes Ma’am, marami pa rin po tayong mga kababayan na naroon sa Afghanistan, ang mas ninanais po ay manatili. Basically because trabaho po to support their family, they receiving good wages, good pay until na dumating po itong kaguluhan ngayon. Kaya talagang marami po na masasabi nating apektado sa pagkakataong ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon ay hinihintay ninyo na lang iyong flights. Ngayon po ba kayo naka-schedule bumalik ng Pilipinas, Elmer?
MR. ELMER PRESA: Yes ma’am. Ina-assist po tayo ni Vice Consul Monica Calañgian ng Embahada ng Pilipinas dito po sa Doha, Qatar, nagkaroon po tayo ng ugnayan po sa kaniya at maging ang mga bagong dating nating mga kababayan na mula sa Kabul ay ina-assist po natin sa pagpa-process ng kanila pong paper work, passports, information. So, they can get into the flights anytime pag nagkaroon po ng opportunity.
USEC. IGNACIO: kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Ginoong Elmer Presa, ingat po kayo kami po ay natutuwa na nakita at nakilala namin po kayo ngayong araw. Salamat po!
MR. ELMER PRESA: Maraming salamat po, god bless you all!
USEC. IGNACIO: Samantala, sa isang pahayag nilinaw ng opisina ng Ombudsman na gumugulong na ang imbestigasyon sa Department of Health bago pa man lumabas ang pinag-uusapan ngayon COA annual audit report sa kagawaran. June 2020 pa lamang ay tinutukan na nila ang nangyaring procurement ng test kits, PPEs, maging ang hindi pagbibigay agad ng benepisyo sa mga health care workers na nagkasakit at nasawi sa COVID-19.
Nasa 5 opisyal na nga raw ng DOH ang napatawan ng preventive suspension noong October 2020, malaking tulong naman ang 2020 COA Audit report sa kanilang ginagawang imbestigasyon, ibabangga anila ito ng Ombudsman sa naging obserbasyon ng COA sa kanilang naging findings at ang resulta nito ay ipapaalam nila sa concerned agencies at sa Kongreso para po sa karampatang pagbabatas.
Ayon pa kay Ombudsman Samuel Martires, hindi na gumagana ang task force na binuo ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales na awtomatikong nag-iimbestiga sa mga findings ng COA. Ito ay dahil sa ilang legal infirmities sa memorandum of agreements sa pagitan ng COA Auditors at Ombudsman investigators gaya na lamang ng usurpation of authority.
Sa iba pang balita, mga bayan ng Culaba, Maripipi, Cabucgayan at Biliran sa lalawigan ng Biliran ang inikot ng tanggapan ni Sen. Go, aabot sa mahigit 1,000 indibidwal ang nakatanggap ng ayuda mula sa kaniyang outreach team. Ang DSWD may tulong ring financial para sa mga kapos palad nating kababayan. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Alamin natin ang mga programa ng Pag-IBIG Fund na makatutulong po sa mga kababayan natin ngayong panahon ng pandemya. Sasagutin din ng ahensiya ang isyu kaugnay sa umano’y kuwestiyonable na pagbili ng mga sasakyan ang tanggapan, makakausap po natin ngayon si Atty. Kalin Franco-Garcia, ang spokesperson po ng Pag-IBIG Fund. Magandang umaga po Attorney!
PAGIBIG SPOX ATTY. FRANCO-GARCIA: Magandang umaga Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta na po ang kalagayan ng Pag-IBIG Fund ngayong mangangalahati na po ang taon?
PAGIBIG SPOX ATTY. FRANCO-GARCIA: Oo. So, this year 2021, things are looking good po for Pag-IBIG Fund ‘no, at nakikita po namin that we are on the road to recovery. So, unang-una po, noong end of 2020 wala pa po iyong number ng active membership namin. So, ibig sabihin kumonti po tayo iyong tao na nagbabayad, na naghuhulog Pag-IBIG Fund. Pero, ngayon pong January to June 2021 umakyat po ito from 12 million noong end of 2020 naging 13 million.
So, nakakatuwa po kasi it is also an indication na nagri-recover din ang ating bansa kasi marami na naman ang naghuhulog sa Pag-IBIG Fund. Ngayong din June of 2021, naka-13 billion na po kami na pagkolekta sa mga hulog na iyan, lalo pang nakakatuwa ‘no, kasi po ang MP2 ng Pag-IBIG or ang voluntary savings program natin ay nakakolekta ng P13 billion ngayong January to June 2021, that is 113% increase compared to 2020. Lalo po kaming natutuwa sa Pag-IBIG Fund dahil po voluntary ito. So, ito po ay proof na nagtitiwala pa rin ang ating taong bayan sa Pag-IBIG fund.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, noong nakaraang buwan ay nag-anunsiyo kayo dito sa ating programa na tinatawag na Home Saver Programs. Ano po ang benepisyo ng programang ito para po sa ating mga mamamayan?
PAGIBIG SPOX ATTY. FRANCO-GARCIA: Ito pong Home Savers Programs ay para sa mga Housing Loan borrowers na nakaligtaan or talagang hindi lang po kinaya na magbayad ng housing loan amortization buwan-buwan. Ang sinasabi po namin sa kanila huwag po kayong matakot. Puwede po kayong lumapit sa Pag-IBIG Fund, mayroon po kaming remedies diyan under the Home Savers Program.
Kung puwede Usec. Rocky, isa-isahin ko lang para malaman nila. So, iyong Unang-una po, ay iyong penalty condonation under the Home Saver Program. So, dahil po kung hindi kayo makapagbayad ng on time talaga po nag-i-impose kami ng penalty pero po lumapit lang po kayo sa amin we can have the penalties waived, ayan po iyong unang-unang remedy. Iyong pangalawang remedy naman, ay iyong plan of payment. So, ano po iyong plan of payments? Puwede ninyong hulugan iyong hindi ninyo nababayaran by installment so instead of medyo mabigat sa bulsa no kung isang bagsakan iyong hindi ninyo na nabayaran dati, puwede pong hulug-hulugan na lang natin. Pangatlo po, ito po iyong para sa mga housing loan borrowers natin na medyo matagal na hindi nakapagbayad.
Mayroon po kaming inu-offer na housing loan restructuring, so kung sa plan of payments po puwede ninyong hulugan iyong hindi ninyo nabayaran over a period of 6 months, sa Housing Loan Restructuring, sinasabi po namin kung hindi ninyo nabayaran puwede ninyong hulugan over the remaining term of your loans. So, that can be 10 years, that can be 15 years, depende po nga sa kontrata ninyo with Pag-IBIG fund.
At iyong pang-apat po ay iyong Housing Loan Revaluation, ano po iyong ginagawa namin sa Housing Loan Revaluation? Pupuntahan po namin iyong bahay ninyo at ia-appraise namin ulit. Okay, bakit namin iyon gagawin? Minsan po pag matagal ng hindi nabayaran ay nag-a-accumulate po iyong penalties, dumadami, lumalaki na alam naman po namin dahil po dumami na iyong penalties baka po -, baka lang po ‘no – iyong naging utang ninyo sa Pag-IBIG fund mas malaki na kaysa sa halaga ng bahay ninyo.
So, ang remedy po namin ‘sige tingnan natin ano na ba talaga iyong halaga ng bahay mo ngayon ikumpara natin ngayon sa outstanding balance mo with Pag-IBIG fund.’ Kung mas maliit naman iyong halaga ng bahay mo, iyon na lang po ang puwede ninyong bayaran with us. So, all the rest po parang kinu-condone na lang ng Pag-IBIG fund.
So, uulitin ko lang po ano, kung kayo ay hindi na nakakapagbayad ng inyong housing loan sa Pag-IBIG fund. Huwag ninyo pong pabayaan, please come and talk with us okay. I-mention ko na rin po ngayon ang aming contact channels, you can dial 8-PAG-IBIG OR 87244244, you can email us, ito po ang aming email address. Contact us at Pag-Ibigfund.com.ph.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, bukod diyan may bagong loan program po ba ang Pag-IBIG fund na maasahan ng ating mga miyembro?
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, bukod diyan may bagong loan program po ba ang Pag-IBIG Fund na maaasahan ng ating mga miyembro?
PAGIBIG SPOX ATTY. FRANCO-GARCIA: Ah, yes po. We have one in the works, ang tawag po doon ay HEAL – Home Equity Appreciation Loan. So, ano po iyong HEAL? So titingnan po namin ngayon ang halaga ng inyong bahay; ima-minus po namin iyong outstanding balance ninyo sa Pag-IBIG Fund tapos iyong net value po ng bahay puwede ninyo ulit utangin sa Pag-IBIG Fund, Iyan. So it’s an additional loan for our housing loan borrowers.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, may ibig po ba kayo na ianunsiyo para sa ating mga kababayan na nanunood at nakikinig sa atin ngayon partikular po iyong mga miyembro ng Pag-IBIG?
PAGIBIG SPOX ATTY. FRANCO-GARCIA: Opo. Yes, mayroon po kaming good news ‘no sa aming housing loan borrowers nagbibigay po kami ng incentive or reward, okay. Kung kayo po ay updated sa inyong housing loan payment sa Pag-IBIG Fund, may chance po kayong manalo ng 1 million pesos sa aming grand draw this December. So ang tawag po namin dito ay isang raffle promo, Iyan po – ‘Be Updated, Get Rewarded’.
USEC. IGNACIO: Uhum. Pero, Attorney, marami pa rin po ba iyong nag-a-avail ng inyong mga programa sa gitna nga ng nararanasan nating pandemya?
PAGIBIG SPOX ATTY. FRANCO-GARCIA: Ah yes po, Usec. Rocky. So na-mention ko po kanina na parang on the mend na po si Pag-IBIG Fund ‘no. We are recovering, we think, from the effects of the pandemic. Ngayon pong January to June 2021, nakapagpautang po tayo ng 44 billion pesos para sa housing loan. So ibig sabihin nakatulong po tayo sa mahigit 43,000 members na magkaroon ng sarili nilang bahay. Para naman po sa cash loan, nakapaglabas po kami ng 21 billion pesos at ito po ay nakatulong sa almost 1 million members ng Pag-IBIG Fund.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, alam namin na patuloy iyong paghahatid ng serbisyo ng Pag-IBIG. Pero paano naman po ninyo masisiguro iyong mga hakbang na ipatutupad ninyo ay ligtas na paraan dahil na rin po sa umiiral pa ring pandemya?
PAGIBIG SPOX ATTY. FRANCO-GARCIA: Opo. So nilabas pa lang kahapon po yata ang bagong community quarantine classifications ‘no. So kami po sa Pag-IBIG Fund kahit po naka-ECQ tayo or kahit naka-Modified ECQ, bukas pa rin po ang aming mga opisina. So bukas po kami from 9 A.M. to 3 P.M., mayroon po lang kaming limited na face-to-face transactions. So puwede po kayong pumunta, ang lahat po ng loan applications ‘no, not just housing loan – kasama na po ang short term loan – puwede pong mag-apply sa Virtual Pag-IBIG so that is our online platform. Kung hindi po tayo masyadong techie, puwede rin ninyo pong i-accomplish hard copies, sige po, at ilagay lang po sa drop box sa aming mga opisina.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, sa ibang usapin naman po tayo ano. Kinukuwestiyon po ng Commission on Audit ang pagbili ng inyong tanggapan ng nasa dalawampu’t isang mga sasakyan noong 2020 nang hindi aprubado ng opisina ng Pangulo. Ano po ang paliwanag ng Pag-IBIG tungkol dito?
PAGIBIG SPOX ATTY. FRANCO-GARCIA: Ah yes, oo. So iklaro ko lang po iyong issue ‘no. Mayroon po kaming car plan, ‘ayan… tapos noon pong 2014 naglabas po si COA ng recommendation na bawasan namin iyong aming car plan. So in 2015, okay, we modified the car plan, ‘ayan po, modification ng car plan in 2015. Noon pong may mga nag-avail po of that modified car plan in 2020, sinabihan po kami ni COA na iyong modification po ay kailangang ipaalam sa Office of the President.
So ang sagot po namin sa COA, we continue to coordinate with them, ang sa tingin po namin iyong batas po na nagsasabi na kailangan ng approval of the Office of the President is there ‘no to guard against excesses. So excesses meaning kung may karagdagang benepisyo or may bagong benepisyo. So sabi po namin, ito nga po sinunod namin po kayo in 2014, binawasan po namin iyong car plan benefits at dahil po reduction naman po siya, we think po it could be more efficient na hindi na po iakyat sa Office of the President at makadagdag pa sa red tape.
So iyon lang po ngayon, we are still coordinating with COA. We are sure naman po that we will reach a resolution.
USEC. IGNACIO: Okay. Attorney, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at paliwanag at pati na rin sa inyong oras. Attorney Kalin Franco-Garcia, ang Spokesperson po ng Pag-IBIG Fund. Mabuhay po kayo, Attorney.
AGIBIG SPOX ATTY. FRANCO-GARCIA: Maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Sa pagtutulungan ng Department of Agriculture at DOLE-OWWA ay nabuo ang programa para sa mga kababayan nating OFW na hindi pinalad sa ibang bansa. Sa ilalim ng programang ito ay maaari nang makapagpatayo nang sariling negosyo ang ating mga OFW. Sama-sama nating silipin kung paano ba sila umani at kumita sa pamamagitan ng programang Micro-Agri Kabuhayan Para sa Balikbayan Program. Dito lamang iyan sa Ani at Kita.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa kahapon, August 20, 2021, naitala ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 mula po ng tumama ang pandemya:
- Ito po ay 17,231 na katao, kaya sumampa na sa 1,807,800 ang total number of confirmed cases sa Pilipinas.
- Dahil diyan ang active cases naman ay patuloy ring umakyat, sa ngayon mayroon po tayong 123,251.
- Malaking bilang din po ang nadagdag sa mga pumanaw sa virus, 317 po ang naitalang nasawi, kaya umabot na sa 31, 198 ang total COVID-19 deaths.
- Ang mga kababayan naman nating gumaling sa sakit ay umakyat na sa 1,653,351 matapos itong madagdagan ng 5, 595 new recoveries.
At para mas maunawaan po natin ang record-breaking figures ng COVID-19 na naitala kahapon, makakausap po natin si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Usec. magandang umaga po.
DOH USEC. VERGEIRE: Good morning po, USec. Rocky and good morning to all of you!
USEC. IGNACIO: Opo. USec. unahin na po natin itong tanong ni Aiko Miguel ng UNTV, ni Jamie Santos ng GMA News, ni Red Mendoza ng Manila Times at ni John Eric Mendoza ng Inquirer. Ayon daw po sa Philippine Genome Center in an interview this morning, may community transmission na po ng Delta variant based on sequence samples ng June and July in NCR. Ang NCR daw po ang epicenter ng Delta, can you please confirm this; ano po ang detalye?
DOH USEC. VERGEIRE: Base po doon sa mga nakukuha nating samples and the results coming from the Philippine Genome Center, mukhang iyan po talaga iyong pinapakita na ano, that the community transmission is there; but as I always say, mula pa naman po noong umpisa. We treat this already as a community transmission at iyon na po iyong mga aksiyon na ginagawa natin.
Kailangan lang natin ng enough evidence so that we can official declare. But definitely government has already pursued actions, when it comes to this transmission level sa ating bansa at talagang iyon na po ang naging aksiyon natin mula pa noong umpisa.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod naman pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Ngayong lumalapit na sa dalawang milyon ang total na kaso ng COVID sa Pilipinas, nababahala po ba ang DOH sa milestone na ito; at ano po ang masasabi ninyo na ang bansa natin ay tutuntong sa ganitong karami ng kaso?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, kapag tiningnan po natin ang mga numero, huwag nating tingnan iyong cumulative number, let us look at the active number of cases. So, kapag tiningnan po natin tumataas ang aktibong kaso, ito po ang dapat pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno, para po natin ma-accommodate lahat kung sakali sa iba’t ibang facilities na mayroon tayo sa ngayon.
Kapag tiningnan po natin ang ating mga projections, mukhang tataas pa rin po talaga ang mga kaso sa mga susunod na araw, kaya dapat talaga iyong paghahanda ay nandiyan pa rin. Atin pong tinutugunan lahat po ng aspeto ng ating response so that we can prevent further increase in the number of cases.
USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Bianca Dava ng ABS-CBN News: How do you see the deescalating of Metro Manila to MECQ to affect COVID-19 cases in the region and nearby provinces? Many establishments, even non-essential are now allowed to open which could entice people to go out or their homes? Wala po bang disconnect dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky, kailangan ko lang i-clarify. Unang-una, hindi lang po iyong community quarantine lockdowns na tinatawag natin ang sagot sa pandemyang ito. Noong nag-usap po ang ating mga eksperto, kasama po ng ating mga iba’t ibang ahensiya on data analytics, nakita natin that ito pong ginawa nating ECQ compared to our previous ECQs, parang hindi magkakaroon ng malaking dent o epekto doon sa tumataas na mga kaso, dahil ang dami na pong modification.
So what we recommended would be MECQ, but there should be granular lockdowns at kailangan talaga mapukpok natin na tumaas po ang bakunahan. Pangalawa, iyon pong ating isho-shorten from the time that we detect to isolate; at saka iyong pangatlo po, dapat compliance to minimum public health standards. Ito pong mga projections natin, base po iyan diyan sa tatlong factors na iyan. So kung sakaling mai-improve po natin ng maayos iyan, tayo po ay magkakaroon ng pagbaba ng kaso.
So, hindi po tayo nag-ease ng restrictions, wala pong bukas na establishments na non-essential ngayon; kahit na nilagay sa MECQ, hindi pa rin po pinayagan ng non-essential sectors. So, ibig sabihin po ang pinapalabas lang po iyong mga magtatrabaho talaga for the essential sectors na mayroon tayo sa ngayon.
So, actually, this is no really a disconnect, hindi rin po tayo nagbaba ng ating restriction kung titingnan nating maigi ang ating mga pamantayan, atin lang po talagang pinokus (focus) ang ating response ngayon sa local government so that we can be able to improve our PDITR response.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Jamie Santos ng GMA News: May plano po bang magbigay ng mga panibagong rekomendasyon ang DOH sa IATF para po makontrol ang pagdami ng tinatamaan ng virus sa bansa?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes po. Mayroon na po tayong binubuo ngayon. Actually, we were able to present already sa ating IATF for this past two meetings, ito pong re-strategizing, para po mas magkaroon tayo ng pagkontrol dito sa pagtaas ng mga kaso.
So, ito na lang po ang inaantay natin, kaunting analysis pa po at saka kaunting protocols na kailangang isama diyan, para po magkaroon na ng final approval from the IATF. This is not just the work of DOH; this is a work of the data analytics group of the IATF kung saan ang ibang ahensiya ay kasama rin, pati ang economic cluster, pati po ang ating mga eksperto ay kasama diyan.
USEC. IGNACIO: Tanong naman ni Crissy Dimatulac ng CNN Philippines: Do you think it is still a good idea to push through with MECQ; at ano pong assistance ang i-extend ng DOH sa hospitals, given that they are expected to accommodate more patients?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, ang assistance naman po ng Department of Health simula’t sapol eh naandiyan. Whatever committee quarantine classification we have, ina-assist po natin sila. So ngayon po, mas pinaiigting po natin ang pagbibigay sa kanila ng tulong lalung-lalo na para ma-enable sila to expand their beds, also we are providing equipment and supply and of course iyong ating benepisyo para sa mga healthcare workers natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Galing naman kay Michael Delizo ng ABS-CBN News: Ngayong tapos na po iyong ikalabing-apat na araw ng ECQ, ano daw po iyong projection natin sa trend ng mga kaso? May inasahan na ba tayong pagbaba at saan pong lugar pinakamaraming nagkasakit sa nakalipas na linggo, at ano ang age group na pinaka-infected?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, unang-una, Usec. Rocky, katulad ng lagi naming pinapaliwanag, ang epekto po ng kahit na anong intervention can only be experienced two to three weeks after, because of the incubation period of the virus. So kapag tiningnan ho natin, kahit natapos ngayon iyong dalawang linggong ECQ natin, makikita po natin ang epekto nito kung bababa man o tataas after two to three weeks po natin iyan maitatala.
Pangalawa, ang atin pong breakdown ng mga kaso, mostly are coming from the National Capital Region, it’s about 27%; and then ang susunod po iyong Region IV-A, about 21% of cases of this recent week; and then we have Region III, we have Region VII and Region II. So ito po iyong top five regions that are contributing to the number of cases we are reporting for this past days. As to the age groups po, nandoon pa rin po iyong most of those getting infected are from 20 to 49 years old. So, these are the people siguro na lumalabas because of essential, because of work.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit mo kanina na magpapatuloy naman po iyong pagtaas ng kaso. So, kailan po natin nakikita na magpi-peak iyong numero at kailan naman po natin makikita iyong, sana naman po, iyong huhupa iyong pagtaas.
DOH USEC. VERGEIRE: Well, base po sa projections Usec. Rocky, no. So, may mga different projections tayo, dito po sa gagawin natin kung magsa-start tayo ng MECQ ngayong araw na ito hanggang sa end of September. Base sa projection, we will have about 66,000 cases by August 31 and 269,000 active cases by September 30 here in NCR. Pero, kailangan maintindihan ng ating mga kababayan na projections lang ito.
Ang ipinapasok po sa projections ay mga assumptions. Iyong assumptions po natin dito kung atin mai-improved ang ating vaccination, kung atin pong mai-improve iyong ating case detection to isolation at saka iyong ating compliance to minimum public health standards beyond doon sa pinasok natin doon sa assumptions natin ay maipababa pa ho natin ito.
So, ibig sabihin hindi naman talaga certain na mangyayari na iyan kung maiaayos po natin ang ating response ng mas maigi. If we can further improve and then we will not be able to reach this number.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., base naman sa SWS survey, 29% ng mga kababayan natin ang walang access sa bakuna. Ano po ba iyong rason bakit may ilan pa rin po ang walang access sa bakuna at ano rin po iyong efforts ng DOH na matugunan ito?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, kapag tiningnan naman ho natin talaga, mayroon talagang gaps tayo because of the supply factor. Hindi pa ho stable ang supply ng mga bakuna dito sa ating bansa, kaya po naman po talaga ang gobyerno pinaiigting ang ating negosasyon sa mga manufacturers all over the world para po tayo makakuha ng mas maraming bakuna. So, in the coming months we will get more vaccines and hopefully we will close this gap.
Another thing would be our strategies in vaccinating. Kung mapapansin po natin ngayon tayo po ay per vaccination sites tayo. So, inuumpisahan na ho ng ating mga local government especially for the vulnerable population na nagbabahay-bahay na po sila para mas ma-improve natin ang ating vaccination rate at mas magkaroon ng access ang mas maraming tao.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. May pahabol na tanong si Jamie Santos: Reaction po ninyo sa panawagan ng ilang Kongresista na unahing bigyan ng booster/additional shots ang mga frontline health workers at ang mga taong mahihina ang resistensiya dahil sila daw po ang pinaka-vulnerable sa bagong variants ng SARS COV-2 na siyang sanhi ng sakit ng COVID-19?
DOH USEC. VERGEIRE: Iyan naman po talaga ang direksiyon ng ating gobyerno, ng DOH, panguna kasama po ng ating mga eksperto iyan talaga ang binibigyan ng prayoridad sa pag-aaral nitong mga booster doses na ito. Pero katulad po ng lagi naming sinasabi kailangang hintayin po muna natin ang sufficient evidence to say that it is going to be safe for our citizens na magbigay tayo ng booster. Sa ngayon po ang mga pag-aaral ukol sa booster shots ay hindi pa rin ganoon kakumpleto kaya ayaw pa hong magrekomenda ng ating mga eksperto.
Ikalawa, hindi pa rin po stable ang supplies ng bakuna dito po sa ating bansa. So, kung sakaling uumpisahan natin ito, magkakaroon po ng inequity at lalong magkakaroon ng inaccessibility o mawawalan ng access ang marami pa rin nating mga kababayan na hindi pa nakaka-receive kahit isang dose ng bakuna natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Madz Recio ng GMA News: Nagkaroon daw po ng power system failure kagabi sa Visayas. May na-monitor po ba tayo na naapektuhan na cold change storage sa lugar? Mayroon din po bang naapektuhan na mga hospital?
DOH USEC. VERGEIRE: Atin pong kinakalap ngayon ang impormasyon, Usec. Rocky, because we heard of this and we are asking for a report already. Pero kailangan tandaan po ng ating mga kababayan na mayroon po tayong mga contingency kapag nagkakaroon ng mga power outages o mga shortage ng power. Mayroon ho tayong mga naka-standby na generators, especially dito po sa mga storage facilities natin for vaccine. So, hopefully ito pong mga ito ay nagawa during the time na nawalan po ng kuryente para walang masayang na bakuna. Kinakalap pa natin ang additional information.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita, mahigit 3,000 mga residente ng Dauin, sa Negros Oriental ang nakatanggap din ng tulong mula sa opisina ni Sen. Bong Go. Ang DTI at DSWD ay namahagi ng hiwalay na ayuda para sa mga piling benepisyaryo. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw.
Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Magkita-kita po uli tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center