Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Bldg., Malacañang

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

As of 5:46 kahapon po ng hapon, ito po ang huling mensahe ng Presidente tungkol sa isyu ng pulitika: Things are clear now, I will run as vice president.

Usaping ayuda naman po tayo ‘no. Binabati natin ang mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila dahil otsenta porsiyento na or 9.1 billion pesos out of 11.2 billion ng ayuda ang naipamigay na sa ating mga low-income individuals and families as of August 24, 2021. Ibig sabihin, mahigit siyam na milyon ang nakatanggap na ng cash assistance. Ito na ang pinakamabilis na distribution na naisagawa sa Metro Manila simula nang pandemya.

Kaugnay nito, in-extend ng national government sa pamamagitan ng DILG ang ayuda payout hanggang katapusan, August 31.

Binabati rin po natin ang Caloocan City ha, ang natatanging LGU na nakakumpleto ng pamamahagi ng ayuda bago pa man ang deadline ng August 24. Congratulations, Mayor Malapitan!

Pumunta naman po tayo sa Oplan Balik Eskuwela 2021. Ongoing po ang enrolment ha para sa school year 2021-2022; nagsimula ito noong August 16 at magtatapos ng September 13, 2021. Ayon sa DepEd, sa September 13 ang unang araw ng klase sa mga pampublikong paaralan. Pero kahit na school opening sa September 13 ay tuluy-tuloy pa rin ang registration. Magparehistro po na sa napiling pampublikong mga paaralan.

As of August 25, 2021, nasa 31,433,450 ang total doses administered, samantalang nasa 13,371,734 ang fully vaccinated. Piliin natin na protektahan ang ating sarili at ang ating mga mahal sa buhay, magpabakuna na po. Libre, ligtas at gumagana ang bakuna anuman ang brand nito!

Ayon sa DOH, 99.77% ng bakunang ginamit ay walang untoward reaksiyon. At mamaya ay makakasama po natin si Dr. Lulu Bravo, isa na naman ating suki, para sa usaping adverse reactions.

Kaugnay po nito ha, pinuri ng World Health Organization o WHO ang ginawang bakunahan dito sa ating bayan. Sabi ni WHO Regional Director for the Western Pacific Dr. Takeshi Kasai, and I quote: “The Philippine government has been putting a significant effort in vaccinations. And I was very happy to hear yesterday that the vaccination coverage for the healthcare workers have already reached 95%, and for the elderly, the pace is already going up and reached more than 46%. I wanted really to encourage people to get the vaccine when your time comes.” Maraming salamat po sa WHO.

COVID-19 update naman po tayo:

Ito ang ranking po sa Pilipinas sa mundo, naku, tumaas po tayo ‘no pagdating po sa total cases ‘no, Number 60 na po tayo. Pero pagdating sa active cases, nananatiling Number 22. At pagdating po sa cases per 100,000 population, nananatiling 132; Number 91 naman po tayo sa case fatality rate na nananatiling 1.7%.

Nasa 13,573 ang mga bagong kaso ayon sa August 25, 2021 datos ng DOH. Mataas pa rin ang ating recovery rate na nasa 91.6%. Mayroon na po tayong 1,725,280 na mga gumaling. Samantalang malungkot po naming binabalita na nasa 32,492 ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila.

Tingnan naman po natin ang kalagayan ng ating mga ospital ha:

Seventy-two percent ang utilized ICU beds sa buong Pilipinas
Sixty-two percent ang utilized isolation beds
Sixty-eight percent utilized ward beds
Fifty-four percent utilized ventilators

Samantala, sa Metro Manila po:

Seventy-three percent ang utilized ICU beds
Sixty-one percent ang utilized isolation beds
Seventy percent ang utilized ward beds
Sixty-two percent ang utilized ventilators

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama po natin ngayon si Dra. Lulu Bravo, ang chairperson po ng National Adverse Events Following Immunization Committee, pediatric infectious disease and vaccinology at professor emeritus sa UP-PGH Manila. Ma’am, alam ninyo po, mayroon po kasing lumabas na listahan na may ilang daw mga bakuna mas maikli ang proteksiyon na binibigay sa mga nabakunahan, ano ba ho ang dapat isipin ng taumbayan tungkol dito sa ulat na ito, Dr. Lulu Bravo?

DR. LULU BRAVO: You know, Secretary Roque, this is very important for us kasi ang bakuna na inaprubahan ng ating FDA, lahat iyan ay safe and effective kapag ibinigay na sa publiko. Of course, magkakaiba rin ang mangyayaring duration ng immunity – we know that. Not all vaccines are created equal and iba-iba ang kanilang percentage ng efficacy at ang duration ng immunity.

But what we need to do right now is really to vaccinate as many as people as possible. Kasi ang sabi nga ng WHO, no one is safe until everyone is safe. If we can have our people—as much as 90% nga, iyon ang aking dream eh. Hindi lang 70%, 80% — 90% mabakunahan, matatapos natin itong pandemyang ito. At kung sa Pilipinas ay 90% ang mabakunahan, naku, magandang pangitain iyan dahil hindi na makakapag-transmit.

Alam mo, iyong tinatawag nating transmission, maski na sabihin mo na, okay, itong ibang bakuna ay six months lang, iyong isang bakuna ay one year pero kung may bakuna ang lahat ng magkakasama-sama, iyong transmission ay mari-reduce at maaaring bumaba to the point na wala nang kakalat na sakit. Iyon ang importante – na mas marami ang mabakunahan upang sa ganoon ang ating transmission ng COVID ay mabawasan at tuluyang mawala.

Alam ninyo po kasi, kung sasabihin ninyo, sige marami ang nagsasabi booster, booster kasi takot sila, eh hindi po iyon eh kasi hindi nga natin alam kung ang variant na darating sa inyo ay iyong mas malakas o iyong mas mahina o kung iyong—kasi by percentage lang po iyan. Sa ngayon nga talagang takot ang lahat ng tao sa Delta. Pero ang istratehiya po niyan sa buong mundo ay magbakuna nang magbakuna sapagka’t mas marami po ang mabakunahan, okay, mas maliit po ang tiyansa na kumalat.

At maski na po mag-booster kayo o sabihin ninyo, sige, magpapa-booster ako, eh hindi pa rin po ligtas eh sapagka’t iyon pong mga variant ay nadi-develop hangga’t hindi pa po bakunado ang 70 to 90 percent of our citizens.

So ang atin pong istratehiya diyan ay talagang … sa ngayon po ‘no, alam ninyo naman, hindi pa tayo adequate ang bakuna. Importante po na mas marami ang mabakunahan nang sa ganoon ay hindi rin mag-develop ang mas maraming variant; hindi po ito ang katapusan ng ating variant. Hanggang hindi po natatapos ang pandemya at nabakunahan ang 90% sana of our Filipinos and the world – hindi lang po ang Pilipinas, the world – hindi po matatapos ang pagkakaroon ng variant.

So maski po tayo magpa-booster, sabihin ninyo ganito, ganito, eh hindi naman po nabakunahan iyong iba, eh hindi pa rin po tayo matatapos ng ating mga pag-aalala o ang ating mga pagkatakot na baka isang araw ay dumating ulit ang COVID.

Ah pero ito, Secretary ha, kung kayo po ay nabakunahan at kayo po ay nagkaroon ng COVID din – kasi hindi naman po 100 percent na garantisado na hindi kayo magkakaroon ng COVID kung kayo ay nabakunahan – garantisado po na mild ang inyong magiging sakit.

Kung sakali man po, marami na po akong nakita doon sa aming adverse event following immunization, totoo po iyon na mayroon pa ring nagkakasakit at mayroon din po – sabi ninyo nga – namatay maski bakunado. Isa o dalawa lang po iyang nakikita namin so far pero iyan po, iyon iyong sinasabi namin na ang kanilang sakit ay may comorbidity. Ang kanila pong immune system ay hindi normal, so, hindi po sila talaga nakakasagot ng kagaya ng normal na tao sa sakit or sa bakuna. So, maaari po talaga na magkaroon sila ng masidhing sakit.

Kaya nga po iyong iba na bakunado maski na po magkaroon ng COVID, ng Delta, sinasabi natin ito pong Delta ay talagang mas mabilis, mas severe, mas malakas ang dating hindi ho ba, pero ang kanila pong sakit ay mild lang at hindi po sila naoospital. So, ito po iyong dapat nating ipaalala sa ating mamamayan, huwag po kayong mag-alala kung kayo ay bakunado. Mag-alala po kayo kung kayo ay hindi bakunado at iyon pong tinatawag na duration, hindi pa po tapos ang pag-aaral sa lahat ng bakuna.

Mayroon po ngayon, na sabi natin, iyon pong Pfizer noong Lunes binigyan ng US FDA ng kanilang final approval. Ano pong ibig sabihin noon? Ibig sabihin po noon, iyong final approval, nakita na nila na over a one year period safe iyong bakuna at iyong benefits na nakita sa bakuna ay talagang napakalaki at kung mayroon man pong side effects, iyan pong side effects na iyan ay treatable, posibleng magamot or posible naman na mild lang at hindi po kailangang mag-worry tungkol doon sa side effects na iyon. Iyon po ang inaasahan natin.

Pero sa ngayon po, iyong pong iba – mga AstraZeneca, Gamaleya, Sinovac – wala pa pong final approval ng US FDA or ng WHO. So, hangga’t hindi pa po natatapos iyan, wala pa po tayong certificate of product registration maski dito sa Pilipinas, eh naghihintay pa po tayo ng tinatawag nating outcome o resulta. Even the duration of immunity hindi pa po tapos iyan. Iyon pong sa Pfizer, nakita nila na kailangan by six to nine months kailangan ng mag-booster upang mapalakas.

Kaya lang po sa Amerika ay napakarami po nilang bakuna ng Pfizer at Moderna at puwede po silang magbigay sa kanilang buong populasyon. Eh, dito po sa atin, kulang pa ang bakuna natin, so, unahin po muna natin talaga na mabakunahan ang mas maraming Pilipino nang sa ganoon po hindi kumalat iyong variant at hindi po tayo mapuno sa mga ospital at hindi po talaga maraming mamamatay pa na mga hindi bakunado.

Iyon po ang mensahe ko at marami pong salamat, Secretary. Lahat po ng mga eksperto ay nagtutulung-tulong upang tingnan lahat ng mga tinatawag nating parent findings, parent studies base po sa siyensiya. Kami po ay tumutulong sa ating DOH at sa ating mga government health officials para maibigay ang pinakamagandang rekomendasyon para sa ating mga Pilipino upang makapagligtas ng mas maraming buhay at upang hindi po mapuno ang ating mga ospital at marami pa po ang maaaring mamatay, kasi hindi lang po iyong COVID eh, iyon pong hindi maoospital na hindi naman COVID hindi pa rin po makapasok dahil sa dami ng pasyente.

So, napakaganda po kung tayo ay magtutulung-tulong upang ang ating mga pasyente, ang atin pong mga Pilipino ay mabakunahan, mas marami sa mas madaling panahon upang pati po itong variant ay matalo natin sa lalong madaling panahon.

Marami pong salamat.

SEC. ROQUE: So, Dra. Bravo, ang mensahe ninyo, huwag na munang isipin kung gaano katagal ang proteksiyon na maibibigay ng bakuna, mas importante pa rin mas maparami natin iyong mga nababakunahan kaya dapat lahat ng Pilipino magpabakuna na, tama ba ho iyon?

DR. BRAVO: Tama po. Iyan po talaga ang sinasabi ng ating mga eksperto kasi hindi po kayo ligtas hanggat hindi ligtas ang lahat. Iyan naman po ang slogan ng WHO, hindi ba? No one is safe until everyone is safe.

Maski po kayo ay magpa-booster, maski po gawin ninyo lahat ng gagawin ninyo, eh darating po ang araw maaari pa rin pong makapagdala ng sakit iyong inyong mga kasambahay or inyong mga kasama sa bahay na hindi pa bakunado, even the elderly.

So, ang importante po, mayroon po talagang mga tao na hindi tinatalaban or hindi matalaban ng bakuna dahil po sa kanilang system. Iyong immune system po, wala pong perfect system sa isang tao, hindi po tayo pare-pareho. Kaya po, maski iyong duration of immunity hindi po pare-pareho sa mga tao. Mayroon pong mas maiksi; mayroon pong mas mahaba; mayroon pong middle ground.

So, hindi po tayo talagang aasa lang diyan sa mga naririnig natin sa ibang bansa sapagkat iyon pong ibang bansa ang genetics nila po, iyon pong kanilang system kumbaga, ihahambing ninyo sa mga Asians o mga Pilipino ay hindi pa rin po masasabing pare-pareho. Kaya nga po maganda maghintay po tayo ng mga makikita nating study dito rin po sa atin.

Marami pong gumagawa ng mga research studies – kami po, isa iyon – upang makita talaga ano po ang duration, ano po ang magiging epekto ng mga bakuna sa ating mga Pilipino. Sana po naman kaunting tiyaga, maghintay at magpabakuna lahat ng hindi pa bakunado hanggat maaari po.

Mayroon na tayong mga LGU na nagbubukas ng kanilang facility hind ba para sa ibang barangay dahil natapos na nila. Asahan po natin at take advantage po kung mayroon kayong opportunity na makapagpabakuna.

Iyon pong mga senior citizen maganda nga po at nasa 46% ang sabi ninyo, Secretary, ‘no sa elderly kasi ako po talaga iyong mga elderly, kahapon lang mayroon din kaming webinar, talagang tinututukan po natin ang elderly sapagkat hindi po sila ang talagang makakapunta agad-agad sa mga pasilidad kaya po pina-prioritize sila. Mayroon na ngang mga LGU na pumupunta talaga, nagmo-mobile van para dalawin at sila mismo mag-home visit sa mga elderly, take advantage of that. Kung iyon pong mga hindi makapunta na mga elderly at mga PWD sa ating mga LGU, i-register ninyo, i-report ninyo baka po sakali na mabigyan sila ng paraan para makapagpabakuna sa kanilang pamamahay.

Over to you.

SEC. ROQUE: Maraming-maraming salamat, Dr. Bravo.

Punta na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Good afternoon, Dr. Bravo.

Tanong po mula kay Rose Novenario ng Hataw: Pinatatanong ng government employees kung kailan nila matatanggap ang Performance Based Bonus para sa taong 2019 at 2020? On time daw mag-submit ng requirements pero kahit naka-comply na ay sobrang atrasado ang pagri-release ng PBB gaya ng para sa taong 2018 ay noong 2020 nila natanggap.

SEC. ROQUE: Well, tinanong po namin ‘yan sa Office of the Executive Secretary – ang sagot po nila ay depende po iyan sa pagsusumite ng mga requirements ng iba’t ibang ahensiya ‘no. More often than not po ay mayroong kulang ang compliance sa mga agency. ‘Pag nakumpleto naman po ang mga requirements ay ilalabas kaagad ng DBM ang pondo para diyan sa special Performance Based Bonus.

USEC. IGNACIO: Tanong naman ni Kris Jose ng Remate/Remate Online: Reaksiyon sa panawagan ni dating Senador Bongbong Marcos na dapat ding mabigyan ng SRA ang mga contact tracer. Ang katuwiran ng dating senador, isa ang mga contact tracer sa mga malapit sa panganib dahil sa pakikipag-usap sa mga close contact ng mga pasyenteng nagpositibo. Maari kaya daw pong mapasama at kung may budget para dito?

SEC. ROQUE: Eh ‘yung SRA po natin sang-ayon po ‘yan doon sa Bayanihan Law ‘no at ang definition po ng sinong dapat mabigyan ng SRA eh iyong mga medical frontliners. Sa ngayon po, hindi po kasama sa depinisyon ang mga contact tracers. Ang SRA fund po ay administered ng DOH at hindi po ng DILG pero kung magkakaroon po siguro nang panibagong supplemental budget o sa 2022 budget, pupuwede naman pong ikonsidera ‘yan. Maraming salamat sa suhestiyon po.

USEC. IGNACIO: Ang susunod po niyang tanong: Reaksiyon sa sinabi ni Magdalo Partylist Representative Cabochan na kaya raw nagdesisyon ang Pangulo na tanggapin ang alok ng PDP Laban na tumakbo bilang bise presidente ay dahil takot itong makulong, maprotektahan ang kaniyang sarili at manatili sa kapangyarihan.

SEC. ROQUE: Hindi na po dapat magbigay ng reaksiyon diyan ‘no dahil wala naman pong kinalaman ‘yang mga opinyon ng opposition sa desisyon ni Presidente. Ulitin ko lang po: kaya po tatakbo ang Presidente bilang bise presidente dahil mayroon siyang unfinished business – korapsiyon, droga.

USEC. IGNACIO: Sunod po niyang tanong: Hindi daw po lingid sa kaalaman ng lahat na may edad na si Pangulong Duterte at palagi niyang sinasabi na kapag natapos ang kaniyang termino ay balik Davao na siya at magriretiro na sa pulitika. Sa napipintong pagtakbo ng Pangulo bilang bise presidente, sa tingin ninyo ay kakayanin pa ng Pangulo ang anim na taong panunungkulan sakaling manalo sa nalalapit na halalan?

SEC. ROQUE: Eh iyan po’y hamon ng tadhana na sinasagot ng ating Presidente. Pero tingnan na lang po natin kung ano talaga mangyayari on or before October 8 ng taong ito.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Mela Lesmoras, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque at kay Dra. Bravo. Secretary Roque, unahin ko lang po ‘no kasi ‘ber’ months na next week at sakto naman na magkakaroon tayo nang bagong quarantine classifications. Sa NCR, are we eyeing to further relax to GCQ para makabangon na po iyong ating mga negosyo?

SEC. ROQUE: Hindi ko po masasabi ‘no because that’s a collegial decision. Pero sa ngayon po ang ating healthcare utilization rate nasa high risk ‘no. Pero bagama’t high risk po siya, nasa low high risk ‘no – 72 at 73. At to the credit of Metro Manila residents na halos kalahati na ang bakunado, ito po siguro ang dahilan kung bakit hindi pa nau-overwhelm ang ating healthcare system bagama’t napakadami po talagang mga bagong kaso na nadi-develop. Iyan po ang patunay na gumagana po ang bakuna.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And usually, sir, every Thursday may IATF meeting kayo. Ngayon po bang Thursday mayroon po at ano po iyong mga inaasahan nating agenda?

SEC. ROQUE: Mayroon po. Kasama na po diyan iyong preliminary report para sa community classifications – quarantine classifications.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And for my last question, Secretary Roque, puwede po kay Dra. Bravo?

SEC. ROQUE: Go ahead, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Dra. Lulu, may mga reports po kasi na kahit—may mga—especially sa social media, may mga nagsasabing kahit bakunado na may mga namamatay na rin ngayon dahil sa COVID-19 at sa tindi nga ng sitwasyon. Just to be clear, confirmed po ba ito? Mayroon po bang mga ganitong reports sa adverse events committee at ano po ba iyong masasabi ninyo rito?

DR. BRAVO: Well, alam mo, Mela, mayroon talaga – isa o dalawa. Sa milyun-milyong nabakunahan at sabi nga ni Secretary Roque, almost 13 million ang fully vaccinated. So imagine sa 13 million fully vaccinated, kung may makita ka na isa o dalawa na namatay – iyan po ay talagang medyo siguro ‘yan iyong mayroong abnormal na immune system. Kasi hindi naman natin sinasabi na 100% garantisado ang efficacy ng bakuna. Mayroon pong mga tao na talagang hindi tatalaban ng bakuna dahil ang kanilang immune system ay hindi normal; hindi po sila nakaka-develop nang tamang antibody level; hindi po sila talagang normal na mayroon po silang comorbidity na tinatawag; sila po iyong dati eh maaring nakainom nang maraming steroids or sila po ay ginagamot nang may ‘immunomodulator’ ang tawag po doon – iyon po ‘yung nakakapagpabago ng response ng katawan sa mga antigen kaya hindi po malakas ang kanilang antibody protection.

Eh hindi nga naman po natin masasabi na lahat po sila ay talagang mapuprotektahan, wala pong bakunang ganiyan. Maski ano pong bakuna – ma-Pfizer, ma-Astra, ma-Sinovac, ma-Gamaleya – lahat po ‘yan ay walang 100% efficacious maski po fully vaccinated. Kaya lang po ang importante is makapag-report hangga’t maaga magagawan po ng treatment kung sakali po at mayroon silang sakit at mabibigyan po nang tamang lunas. Kasi kung minsan po nahuhuli ang lahat eh, mayroon po kasing takot magpunta sa doktor or magpunta sa ospital kapag sila’y nakakaramdam na at iyon po ang nagiging dahilan kung bakit sila nasasawi.

Ang importante po sa ating mga kababayan kung sila po ay fully vaccinated, mayroon naman po silang report, mayroon po silang way of reporting at kung sila man po ay magkasakit eh bibigyan naman po nang tamang lunas. Kaya po importante nakita namin sa adverse event committee na talaga pong marami naman, kung mayroon man pong nabakunahan ay minor or mild lang po iyong symptom. Ang talaga pong nagkakaroon ng COVID na severe, iyon pong partially or first dose pa lang or tinatawag natin partially vaccinated or hindi pa po umaabot doon sa sinasabi nating two weeks after the second dose.

So iyon po ang tinatawag nating medyo delikado pa, hindi pa sila fully protected. Iyon naman pong mga fully vaccinated, mark my word – iyon po ‘yung mild lang ang symptom. Marami na po kaming nakita pero bakunado po, magpasalamat kayo kung kayo man po ay makakuha ng Delta or anumang variant, kung kayo po ay bakunado mild lang po ang symptoms. Pero kailangan ninyo pa ring mag-isolate at mag-quarantine upang sa ganoon ay hindi po kumalat doon sa mga hindi bakunado at doon po sa maski bakunado ay mayroong comorbid na nakakapag-distract or nakakapag-barrier doon sa kanilang pagbibigay ng proteksiyon. Okay, thank you.

MELA LESMORAS/PTV4: Thank you po Dra. Bravo at Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Salamat, Mela. Punta na tayo kay Usec. Rocky please.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Tanong ni Leila Salaverria: UNICEF and NEDA have warned of the consequences of not resuming face-to-face classes including learning loss, mental distress, worsening inequality, school closure also lead to economic losses. How soon can in-person classes begin in the country? Similar question with Cresilyn Catarong ng SMNI.

SEC. ROQUE: Well, unang-una po ‘no, sang-ayon sa batas ang Presidente po magdidesisyon at inaantay naman po ng ating Department of Education ang pagsang-ayon ng ating Presidente para mag-conduct ng pilot face-to-face classes sa ilang mga paaralan sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID.

Now tatlo po ang kinukonsidera para dito sa pagsimula ng pilot ‘no: Una iyong approval nga po nga po ng ating Presidente; pangalawa iyong state of risk classification na ipapataw po ng IATF; at pangatlo, iyong state ng ekonomiya ‘no. At siyempre po kinakailangan din iyong pagpayag ng ating mga lokal na pamahalaan.

So, ang kasagutan po diyan, ang sabi ni Presidente, baka i-consider na niya ang pilot at least kapag marami na ang nabakunahan; at sa Metro Manila po, papunta na tayo sa 50%. Bagama’t sa buong Pilipinas po talaga kinakailangan humabol iyong mga ibang rehiyon dahil outside of Metro Manila, ang pinakamataas na pong porsiyento na nabakunahan ay diyan po sa CAR. Pero papunta na po tayo roon dahil mayroon naman talagang mga lugar na napakatagal ng MGCQ. So baka pupuwede po doon sa mga lugar na iyon, pero hayaan po muna nating magkaroon ng kumpiyansa ang ating Presidente na hayaan ito dahil ang Presidente po mismo ay ang ama at lolo ng mga nag-aaral sa mababang paaralan.

USEC. IGNACIO: Second question niya: What will it take for the government to allow the resumption of in-person classes in low-risk areas? Does the government think the benefits of keeping students at home outweigh the risk if they are allowed to return to school in the low-risk areas?

SEC. ROQUE: Ang masasabi ko lang po na talagang naghahanda po ng presentasyon ang ilang piling miyembro ng IATF para kay Presidente, para maipakita na iyong advantages ngayon na magsimula at least ang pilot, outweighs the disadvantages na hindi tayo nagpi-face to face. At siguro isasama na rin sa presentation para kay Presidente itong report ng UNICEF.

USEC. IGNACIO: Opo. How can the country daw po expect an improvement of the pandemic situation when the President is going to focus on running for VP? As it stands, the country has the third highest cases in the region, our healthcare system is not optional and the economy has yet to recover. How can this improve if the President’s attention will be divided?

SEC. ROQUE: Hindi naman po natin pupuwedeng limitahan ang karapatan ng Presidente na tumakbo. Iyan po ay karapatan ng lahat ng Pilipino. Pero sa tingin ko po sa mula’t mula, number one ang priority ng Presidente itong COVID. At kaya nga po kahit papaano, kahit kaunti ang ating resources kung ikukumpara sa iba, kahit sinusolo ng mga mayayamang bansa ang mga bakuna, eh umuubra naman tayo na nama-manage naman po natin fairly well ang ating COVID response. At tingin ko po kahit anong maging plano ng ating Presidente, pangunahing atensiyon pa rin niya ang pandemya.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Maraming salamat. Pia Rañada, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, just quickly on the face-to-face classes. You mentioned iyong IATF is creating a presentation on this. How soon can this be presented to the President so he can make a decision?

SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam. Pero this has been approved in principle na maghahanda ng presentation, siguro about three weeks ago ‘no. So, I think the presentation should be ready soon. Pero this is just a presentation to help the President makes a decision kung pupuwede nang mag-pilot at least doon sa mga lugar na mababa po ang kaso ng COVID-19.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So what is the earliest anything related to this can be presented? Kasi some senators were highlighting na parang may lack of sense of urgency among government officials, when iyon nga, children are suffering from this loss of opportunity. So, when will the next cabinet meeting be? For example, will be on the agenda or any other meeting where this urgent matter can be taken up by the President?

SEC. ROQUE: Well, sa tingin ko po bago magbukas ang ating pasukan sa Setyembre ay at least magkakaroon ng presentation

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Sir, just moving on to other issues. What was the President’s reaction to his daughter’s statement yesterday where she said that PDP-Laban is in disarray? She even said it’s nothing but a sitcom. And it doesn’t sound like she is keen to support the party in the 2022 elections. Is that what made the President feel that it’s clear now for him that he should be run for VP? What was his reaction?

SEC. ROQUE: You’re correct. I think among others, the statement was the basis for the President to conclude that things are clear now, that he can run for Vice President, because I think his perception is that Mayor Sara Duterte will not run for elections.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Is that his conclusion, that Mayor Sara is not running?

SEC. ROQUE: Because, you know, the President’s stand remains – delicadeza dictates that only Duterte will run. So, since only one Duterte will run and in his perception, Mayor Sara will not run, then he can run for vice president. But, alam ninyo, nothing is final ‘no until October. And meanwhile this is a family matter, so I would hope that the rest of the nation give the father and the daughter breathing space to discuss and agree on future course of action.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Spox, have you gotten to the reason why that portion of his speech was cut to from the Talk to the People? Was it an accident, a mistake or was it intentional?

SEC. ROQUE: No, all I got was, number one, all of the Talk to the People are edited heavily. In fact, I told you before, nagagalit na nga iyong mga kasama ko sa small IATF meetings na whenever I bring political issues, matagal na matagal ang meeting and almost all of it is cut ‘no.

Secondly, one consideration was, the matter involved discussions involving family members. So, that was another consideration, that whoever edited it thought that the matter is a family matter and should be left between father and daughter.

PIA RAÑADA/RAPPLER: But hasn’t he discussed Mayor Sara also in previous speeches in public?

SEC. ROQUE: Well, all I can say at this point, and I’m only Presidential Spokesperson ‘no, is that let’s let the father and daughter resolve this issue.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, who was the one who instructed RTVM to cut it out because it was a family matter?

SEC. ROQUE: I do not know.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Is it someone from RTVM or someone from OP?

SEC. ROQUE: I do not know.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Is there someone who is trying to control which Presidential remarks are heard by the public? And if so, why would they do that?

SEC. ROQUE: I don’t think so. I think it was pursuant to Standard Operating Procedure, kasi if you were to broadcast the whole thing, sometimes the meetings can go on for as long as five hours; and you can’t broadcast for five hours.

PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Thank you, Spox.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Pia. Let’s go back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary Roque. From Rosalie Coz of UNTV: Ano ang reaksiyon ng Palasyo sa ulat na ang kawalan ng matibay na desisyon sa 2022 political plans ni Pangulong Duterte at Senator Go ay dahilan sa bangayan ng dalawang pamilya ng Pangulo?

SEC. ROQUE: Wala po. That is not something that I can answer as Presidential Spokesperson. Hindi ko po alam kung mayroong totoong bangayan. But in any case, it’s very clear that this is a family matter, so I stay away from it.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question niya: Ano rin ang reaksiyon ninyo sa nagsasabing may gumagamit daw sa Presidente para sa kanilang political ambitions?

SEC. ROQUE: Wala po akong kinalaman diyan. Wala po akong alam tungkol diyan.

USEC. IGNACIO: Ang third question: Bakit hindi mapanindigan ni Presidente at ni Senator Go ang kanilang planong pagtakbo bilang tandem?

SEC. ROQUE: Ang sabi po ni Presidente as of yesterday, bahala po si Senator Go to make up his mind dahil he can only make a decision for himself. That’s when he told me that things are clear now and he will run for vice president.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Thank you very much. Ivan Mayrina, please?

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Hi! Good afternoon. Magandang hapon po sa lahat. Sec, i-pursue ko lang po iyong tungkol sa pag-i-edit ano. Nabanggit ninyo iyong mga Talk to the People ay karaniwang ini-edit naman talaga. So who normally decides what goes on air and what does not, at naiba po ba iyong taong ito dito sa particular Talk to the People noong Martes?

SEC. ROQUE: I do not know. Kasi alam mo kami, kapag tapos ng Talk to the People, alas-onse, alas-dose, we are just raring to go home. At ako naman, like everyone else, we’re just raring to go to bed ‘no. So I do not know. I can find out, but actually it’s beyond my scope of functions dahil alam naman ninyo, I belong to a separate department, the Office of the Presidential Spokesperson.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Nakarating po ba sa kaalaman ng Pangulo na na-edit ang isang mahalagang bahagi ng kaniyang pahayag? And how did he react to it?

SEC. ROQUE: I told him so. And ang kasagutan niya is—

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Nagalit po ba siya?

SEC. ROQUE: Hindi. Ang sabi lang niya, well, siguro ang importanteng marating ngayon na malaman ng taumbayan is things are clear now, I will run for vice president.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Okay, thank you for that. Nabanggit ninyo na po, Secretary, na ito ay family matter. Pero how do you react to skeptics na nagsasabi po na ito ay bahagi ng isang malaking sarsuela?

SEC. ROQUE: Over naman iyan. I don’t think people would want to be exposed to this kind of a controversy just for a sarsuela. Over naman iyan.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: But bahagi din po ng pahayag ni Mayor Sara iyong araw daw na namin ng Pangulo sa kaniya na siya ay tatakbo sa pagkapangalawang pangulo and she described it as an unpleasant event. What do you about this, sir? Can you tell us the circumstances of this meeting?

SEC. ROQUE: Nothing, I know nothing. I know only as much on the basis of the statement of Mayor Sara.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Okay. Sec., on another point. Kinukuwestiyon po ng ilang mga mambabatas iyong priorities ng administrasyon as reflected on the proposed 2022 budget. Ang pagkakalarawan po ni Representative Arlene Brosas ng Gabriela ay tagilid daw ito –more than one trillion for infra and a mere one percent of that for hospitals and health centers. Senator Nancy Binay pointed out, 11 billion for anti-insurgency pero binawasan ng 170 million ng RITM. How does the Palace react to this?

SEC. ROQUE: Unang-una, I do not concede the percentage as mentioned by Representative Brosas ‘no. Ang importante po is, dalawang bagay ang ating pinaghahandaan para sa susunod na taon: Unang-una, iyong paglaban natin sa sakit mismo; pangalawa, iyong pagbangon ng ating bayan dahil nga sa pandemya.

So huwag po nating masamain na malaki po iyong ating budget for Build Build Build kasi iyong Build Build Build po, iyan ang magbibigay ng hanapbuhay sa napakarami nating mga kababayan. Huwag na po tayong umasa sa ayuda, bigyan po natin sila ng hanapbuhay kaya nga po mataas ang budget natin doon sa mga bagay-bagay na magpu-provide ng stimulus sa ating ekonomiya.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Sec., panghuli po. Let me take this opportunity, in the light of this incident na may na-edit out na mahahalagang bahagi ng pahayag ng Pangulo. Is it even an option na i-live na lang po ang mga Talk to the People? At mas pabor din po iyon sa amin para sa mga colleagues ko sa MPC.

SEC. ROQUE: Again, as you know, I belong to a separate department and the people in charge of broadcasting it belongs to a separate department. So that’s beyond the scope of my functions. But I will suggest.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Maraming salamat, Secretary. Magandang hapon po sa lahat.

SEC. ROQUE: Salamat, Ivan, at magandang araw din. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. Question from Prince Golez ng Abante Politiko: Cabinet Secretary Karlo Nograles yesterday said the ruling PDP Laban party will nominate Senator Bong Go as its official presidential candidate in 2022. He claimed that the Senator is most qualified to lead the country. Do you agree that Senator Go is most qualified to be the next President? Is his experience as freshman senator and long-time assistant of the President already enough to say that he’s most qualified for the highest elective post?

SEC. ROQUE: I’m the Presidential Spokesperson po; I can only repeat what the President said. And he said, it is up to Senator Go to make up his mind, whether or not he will run for the position of president.

USEC. IGNACIO: Opo. From Alvin Baltazar of Radyo Pilipinas for DR. LULU BRAVO: Wala bang dapat alalahanin ang mga nakatanggap na ng bakuna six months ago amid reports na nagsasabing may mga bakuna gaya ng Sinovac na ang bisa nito ay hanggang anim na buwan lamang?

DR. BRAVO: Alam ninyo po, ang dapat nating alalahanin ay hindi po kung kailan kayo dapat matakot sa duration kasi po lahat ng bakuna at lahat ng mga official recommendation ay naaayon sa mga pananaliksik na ginagawa ng mga eksperto.

Ang dapat po nating alalahanin at talagang ipag-promote sa ating mga kababayan ay magpabakuna, magpabakuna, magpabakuna. Iyan po ang dapat ninyong alalahanin, na iyong mga kasambahay at ang mga tao na nakapaligid pa sa ating mga anak, sa mga bata ay hindi pa bakunado.

Kasi iyon pong pagbabakuna ang tanging paraan upang talagang makawala tayo dito sa COVID na ito. Kasi kung … maski na po kayo magpa-booster or sabihin ninyo, ‘Ay naku, magpapa-booster ako maski walang rekomendasyon,’ marami pong ganiyan, nakikita natin, ay hindi po ibig sabihin noon ay ligtas na kayo. Sapagka’t no one is safe until everyone is safe. Iyon po ang dapat nating alalahanin, hindi po iyong ‘Okay, six months na, magpapabakuna na ako.’ Iyon po ang ginagawa sa mga bayan na marami silang bakuna kagaya ng Estados Unidos at saka sa Israel. Pero iyon po ay almost 50% to 90% ng kanilang mga tao ay bakunado na at kukonti na lang po iyong—ang nao-ospital po ay iyong mga hindi bakunado. Sabi nga nila, mayroon silang epidemic of the unvaccinated.

So iyon po ang iniiwasan natin na iyong mga mao-ospital na napakarami ay iyong mga hindi bakunado. Kung kayo po ay bakunado, magpasalamat kayo nabigyan tayo ng bakuna na libre at talaga naman po iyon ang kailangan natin. Pero mag-promote po tayo, magsabi tayo sa ating mga kasambahay na kailangan pong magpabakuna nang sa ganoon tayo po ay lahat maliligtas at hindi po isang portion lamang o iyong mayaman lang or kung sinuman na in high position ang sasabihin ay siya lang ang bakunado – hindi po dapat ganoon. Lahat po tayo ay pantay-pantay kung atin pong maa-access sana ang pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you po. From Alvin Baltazar ng Radyo Pilipinas for Secretary Roque: Ano ang plano ng pamahalaan para sa mga health workers kung pag-uusapan iyong pagbibigay sa kanila ng booster shots? Ano ang timeline? Is it possible na mabigyan na rin sila this year lalo’t sila ang numero unong exposed habang ang iba sa kanila, bagama’t nasaksakan na ng bakuna ay malapit din na mag-lapse iyong six months effectivity ng vaccine?

SEC. ROQUE: Wala pa pong pinag-uusapan ang IATF tungkol rito, which is not to say hindi pag-uusapan. Pero antayin na lang po natin ang rekomendasyon ng ating expert panel pagdating sa vaccines na aaktuhan naman po ng IATF.

USEC. IGNACIO: From Maricel Halili ng TV 5: Based daw po sa OCTA Research, Cavite is the second province with the highest number of COVID cases as of August 25. Governor Jonvic Remulla said they need six million doses to achieve herd immunity kaso 4,000 a day lang po ang idinagdag sa kanila na tatagal lang ng 15 days. Kung ganoon, aabot ng 25 months na bago matapos ang vaccination program nila. Kaya ang pakiusap niya, payagan na ang LGU na umangkat ng sarili nilang supply. This has been an issue since the start of the vaccination program, paulit-ulit. Shouldn’t there be a change on strategy to address these concerns?

SEC. ROQUE: Well, Governor Remulla, your wish is granted. Talaga naman pong pinaplano ng gobyerno na ngayong malapit nang mag-50% ang Metro Manila ay karamihan na po ng mga bakuna ay ipapadala natin doon sa mga karatig-probinsiya ng Metro Manila, iyong plus areas, pati na rin po doon sa mga lugar na nagsu-surge ‘no.

Sa katunayan po, Governor Remulla, ang Region IV-A po kung saan kabahagi ang Cavite will receive in September 3,814,000 doses ‘no. And for the rest of the fourth quarter, 4-A will receive the biggest allocation at 17,475,388. So you can see that in the last quarter, magkakaroon po kayo ng almost 20 million dosages na good for ten million. So inaasahan po natin na makakahabol po ang plus areas sa Metro Manila.

So dito po ‘no, marami po itong mga datos na ito, pero ang Metro Manila po ay mababawasan na po ang ating allocation. Sa Setyembre po, mahigit-kumulang isang milyon na lang ang makukuha ng Metro Manila; at sa fourth quarter, mahigit-kumulang apat na milyon na lang ang makukuha po ng Metro Manila kasi 50% na nga po ang nabakunahan.

Ang pinakamalaki po na makakakuha ng fourth quarter: Region IV-A, almost 20 million; pagkatapos po diyan ay Region III na almost 17 million.

USEC. IGNACIO: Okay, sir. Second question niya: What was the reaction daw po ni President Duterte about the statement of Mayor Sara saying that they should stop talking about her? She said, President Duterte and Senator Go should own up publicly their decision to run as tandem.

SEC. ROQUE: Already answered po, “Things are clear now.” And uulitin ko po, ang sabi niya, it’s up to Senator Bong Go to make up his mind.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Isn’t this a ploy, the other faction of PDP thinks that Go-Duterte tandem is just a distraction from the real candidate, Mayor Sara, to protect her from political attacks?

SEC. ROQUE: [Laughs] Natatawa po ako kasi sa tono ni Mayor Sara mukhang malinaw na hindi po ito zarzuela ‘no. So anyway, I’ll leave it at that. As I said, it’s a family affair.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Thank you very much. Trish Terada, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi! Good afternoon, Spox. Spox, just a quick follow up doon po sa nabanggit ninyo kanina, in connection nga sa pagtakbo ni President, that we are managing fairly well dito sa ating COVID response. Sir, what are the parameters or paano natin nasasabi that we are managing fairly well with, for example, we could not go as far as beyond GCQ at least for Metro Manila; children could not go to school; marami pa rin po ang nagugutom, then there are reports right now na mga healthcare workers are already resigning, private hospitals are threatening to disengage from PhilHealth; and back and forth po tayo sa mga strict lockdowns.

SEC. ROQUE: Well, obviously I cannot agree with you ‘no. If you want an agreement from me from what you said, I will have to disagree. Unang-una, death – 1.7, a lot lower than the world average of 2.1. In the end, what matters is nababawasan natin iyong mga namamatay.

Pangalawa, nagagamot ba natin iyong mga seryosong nagkakasakit? Kung makikita ninyo po ngayon ano, iyong datos natin, kung i-flash natin ulit ‘no, bagamat mayroon tayong active cases na 125,378 eh 0.6 naman po ang critical at 1.2 ang severe. Kaya nga po kung titingnan ninyo ang ating healthcare utilization rate, yes, we are in high risk pero lower sa 70s po, so, mayroon pa tayong espasyo ‘no.

So, iyan po ang mga importanteng bagay na dapat ikonsidera. We are limiting as much as we can, the deaths arising from COVID-19.

Dra. Bravo, as medical expert, tama ba ho ang aking mga sinabi and would you say that we are managing the pandemic rather well?

DR. BRAVO: Well, I will always say, the WHO has said it and you have said it earlier, na maganda naman ang response ng Pilipinas dito sa COVID, hindi ba? Ako nga natuwa rin doon eh, Secretary, kasi ako as a WHO technical advisory consultant long time ago, noong kabataan ko pa, ngayon mahirap na eh. Ang hirap kasi maging WHO technical adviser. Pero iyan – na-mention – iyan ay isang measurement hindi dito nanggaling dito locally kung hindi galing sa international.

So, nagtutulung-tulong naman ang ating mga eksperto and I think this is the best way to address all the situation hindi lang po iyong isa o dalawang opinyon ang nangingibabaw. Ang ginagawa po ng mga eksperto at iyon naman talaga ang ating mga ginagawa mula last year pa, hindi ba iba’t-ibang komite iyan? Kaniya-kaniyang komite pero alam mo every week nagsasama-sama lahat ng komite, mga isandaan iyan upang pagpag-usapan kung ano ang mga naging desisyon ng bawat komite tungkol sa prioritization ng bakuna; tungkol sa mga adverse event ng bakuna; tungkol sa cost-effectiveness ng bakuna; tungkol sa mga new data.

Ito importante huh – ano iyong mga bagong datos, kasi ito po iyong ginagawa natin, moving target po tayo. Hindi po tayo na kung ano iyong tama na rekomendasyon na sinabi natin last month eh iyon din po ngayon. Kaya nga hindi po tayo dapat talagang nangunguna dito sa ating mga all experts committee. Ang gusto po natin sana ay magtiwala kayo sa mga eksperto sapagkat kung kayo po ay nagtitiwala sa mga doktor para sa inyong pansariling paggagamot, bakit po hindi kayo magtiwala ngayon dito sa mga eksperto na nag-aaral?

Araw-araw po iyan, kulang ang po ang apat na oras para magbasa, para mag-usap, para mag-committee meetings upang sa ganoon mabigyan natin ang ating mga Pilipino ng tamang rekomendasyon na naaayon sa pinakamaraming mabebenepisyuhan. Iyon nga po, hindi perfect lahat ng ating solusyon pero ginagawa po ang lahat upang ang ating mga rekomendasyon ay makabubuti sa pinakamaraming Pilipino at ito po ay science-based, may ebidensiya po tayo tuwing tayo ay magbibigay ng mga rekomendasyon. Iyon po ang dapat pagtiwalaan ng mga Pilipino. At sa ngayon po ang masasabi po natin, iyan ang pinakamagandang service – iyon pong mga doktor.

Serbisyo po iyan sa publiko. Marami po dito gumagawa ng kanilang dapat gawin nang walang tinitingnang compensation or anumang salary, pro bono po. Napakarami po, masasabi ko po iyan sa inyo, iyan po ay totoong-totoo. Ang atin pong mga frontliners ay nagbabayanihan din, nag-uusap-usap, so, ito lang po talaga ang lagi kong mensahe. Doon po tayo maniwala sa tunay na eksperto, huwag po doon sa mga nagsasabi-sabi kung anu-anong sarili nilang opinion.

Ako po ay hindi nagbibigay ng sariling opinyon sa totoo lang, sapagkat isinasaalang-alang ko po ang nagiging rekomendasyon ng ating mga eksperto at naniniwala po ako na hindi isang tao lang ang puwede ninyong asahan sa ganitong pandemya. Even WHO says that, hindi ho ba? Araw-araw po mayroong WHO na nasa Facebook upang magsabi sa buong mundo. At kami po naman ay nagsu-subscribe diyan dahil sino po ang paniniwalaan natin, hindi po ba? Gusto ninyong maniwala sa mga sabi-sabi, sa mga conspiracy theories na ang bakuna ay nakamamatay, nakaka-zombie?

Napakamali po noon sa aking palagay sapagkat kayo po kapag nagpagamot, doktor po ang pinupuntahan ninyo, hindi ho ba? Iyong mga espesyalista talaga. Nandito po, pinagsama-sama natin ang mga espesyalista. Nandito po sila ngayon upang tumulong para makalabas tayo sa pandemyang ito. Kung minsan nga po nakakasama ng loob kasi ginagawa na po natin ang lahat ng ating makakaya upang makawala sa pandemya at upang ating mabigyan nang tamang rekomendasyon ang ating mga Pilipino pero kung minsan po eh nabu-bully pa rin tayo kung minsan ‘di ba? ‘Masaklap, Kuya Eddie,’ kumbaga.

Pero iyan po. Eksperto ay nandiyan po upang magsama-sama at iyon po ang ating pabilibin sa ating COVID kasi po sakit po iyan. Hindi po iyan kagaya ng giyera nandoon ang mga sundalo pero ngayon po may giyera rin tayo pero isang mikrobyo po na hindi ninyo nakikita at kailangan lang po ang ating mga doktor na tunay na eksperto at tunay na espesyalista ang kailangan pong maging frontliner natin sa pagsupo ng ating pandemya.

Over to you.

SEC. ROQUE: And thank you very much. Thank you, Doc. and Trish because tour question has been asked one million times. Are we managing well? Uulitin ko na lang po and I’m flashing on the screen kung anong sinabi mismo ng WHO. If you do not want to believe me and obviously many of the members of the Malacañang Press Corps don’t believe me because it’s been asked a million times, I will then quote what the WHO country representative Rabindra Abeyasinghe has said about how we have managed the pandemic so far:

“I believe they have a very good comprehensive plan. What we’re concerned about is oftentimes the actual rollout faces challenges although you planned very well. And – [Ito po iyong evaluation niya] – as all these showed you have prepared and used the lockdown wisely to deal with the pandemic and the reflection is that you have managed to prevent a large number of deaths like we have seen in several other countries.”

So, please next time you ask me I will just flash this on the screen kasi anything I say might be construed as self-serving. Hayaan na natin iyong specialized agency ng United Nations, WHO, ang magsabi if we have managed it well or not. We have managed it well according to the WHO.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Spox, what about iyong effect niya with the quality of life? Do you think in that sense we’re also managing well?

SEC. ROQUE: Eh, talagang mahirap po ang quality of life habang may pandemya, kaya nga po ang pakiusap lahat ng eksperto, magpabakuna na po tayo dahil tanging sa pagbabakuna lang tayo makakabalik-buhay.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Spox, kahapon po si Secretary Duque sa Senate hearing admitted that iyong contact tracing app, iyong StaySafe app has very limited, almost no impact in efforts to tracking possible close contact of COVID-19 cases or suspects. What does Malacañang have to say about this considering that this StaySafe app is backed by the Palace?

SEC. ROQUE: We will ask the DICT to explain kung bakit ganiyan ang naging conclusion ni Secretary Duque. In any event, that’s a cause for concern for the Palace because alam natin na importanteng-importante ang automation para sa contact tracing.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, pahabol lang po na mga tanong ng kasama natin sa MPC. From Tuesday Niu: Ano raw po ba ang ibig sabihin ng latest statement ng Pangulo? Tatakbo daw ba siya o hindi or tumakbo man o hindi si Mayor Sara, tatakbo pa rin daw po ba siyang vice president? Ganoon daw po ba iyon?

SEC. ROQUE: Hindi nagbabago ang posisyon ng Presidente: Delicadeza. Only one Duterte can run.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, last na po, pahabol lang po ng kasama naman natin na si Llanesca Panti: Ano daw po ang mangyayari doon sa pangako ng President to support Congressman Martin Romualdez for Vice President in 2022?

SEC. ROQUE: Eh, kung tatakbo po si Congressman Romualdez, susuportahan pa rin niya pero wala naman pong indication na tatakbo si Congressman Romualdez as Vice President.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Ibig sabihin po ba, Sir, kung halimbawang tatakbo si Cong. Romualdez, hindi necessarily na magba-back out si Pangulo from running for vice president?

SEC. ROQUE: I was there when the President said that, I forgot the occasion, it was a signing of bills into law, and I believe the President said that he is a man of his word. So, dahil binitawan niyang salita na kung tatakbo si Congressman Romualdez susuportahan niya. I believe if Congressman Romualdez will run, he will not run for vice president.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Thank you very much, Spox Harry. Salamat po.

SEC. ROQUE: Thank you, Trish. Punta tayo kay Usec. Rocky again.

USEC. IGNACIO: Yes. Iyong first question po ni Ace Romero natanong na ni Pia Rañada at saka ni Ivan Mayrina about doon sa pagka-edit po ng portion sa Talk to the People. Ang second question po niya: How can Malacañang call the issue involving the President and his daughter a family affair when it involves electoral post, specifically, the two highest post in the land?

SEC. ROQUE: Because the decision to run or to not run is still a personal decision. It is a constitutional right of citizens and as far as the President’s sense of delicadeza is concerned, only one Duterte can run and that is the context by which I say let the father and daughter deal with the issues.

USEC. IGNACIO: Opo. From Pia Gutierrez, ABS-CBN: Sabi daw po ng DILG magkakaroon ng policy shift on lockdowns. How would this work? Naaprubahan na ba ito? Ibig sabihin ba mawawala na ang sistema ng quarantine classifications ng IATF in favour of granular lockdowns? What is the science behind this?

SEC. ROQUE: Sa mula’t mula po, the science supports and our experience supports the view na mas epektibo po talaga ang localized and granular lockdowns.

USEC. IGNACIO: From Joseph Morong, GMA News: Does Malacañang have any appeals to the hospitals that want to disengage from PhilHealth due to non-payment of claims?

SEC. ROQUE: Naku, ewan ko po kung na-edit out din iyong sinabi ko sa PhilHealth ‘no. Pero nilabas ko rin po ito sa harap ng Presidente noong huling Talk to the People at inulit ni Presidente ang kautusan niya kay Atty. Gierran – bayaran niya nang bayaran – dahil sa panahon ng pandemya, we cannot afford to lose the cooperation of the private hospitals na nagbibigay po ng 60% to 70% ng mga pangangailangan nating kalusugan.

USEC. IGNACIO: Opo. Susunod niyang tanong: Would you have data on how much PhilHealth owes these hospitals and how many hospitals are under investigation for allegedly fraudulent claims?

SEC. ROQUE: So I believe pati iyong aking intervention siguro hindi na napakita dahil masyadong mahaba ‘no. Hindi na napakita rin iyong aking—pinakita naman ‘no pero I think ang allegation ng private hospitals – this is an allegation of the private hospitals ‘no – is around 9 billion.

USEC. IGNACIO: Opo. From Pia Gutierrez: Follow up lang daw po sa latest pronouncement ni Pangulong Duterte. Ibig sabihin na ang pagtakbo niya daw po bilang vice president ay hindi na dependent sa kung tatakbong pangulo si Mayor Sara?

SEC. ROQUE: Only one Duterte can run.

USEC. IGNACIO: Okay po. From Kyle Atienza: Alliance of Health Workers earlier today announced that the planned August 31 strike of health workers is likely to happen saying health workers were not happy with yesterday’s Senate hearing sa release daw po ng unpaid benefits para sa health workers because iyong DOH was focused only on the SRA or Special Risk Allowance. May we get your comment: What will the President do if the DOH fails to release the other unpaid benefits para po sa health workers?

SEC. ROQUE: Sa mula’t mula po ‘no binibigyan ng prayoridad ng Presidente ang pagbibigay ng mga benepisyo para sa ating mga frontliners ‘no. So siya na po ang nagbigay ng taning – no ifs, no buts – the SRAs and everything else that the health workers are entitled to should be released within 10 days. Iyon ‘yung pagkakaintindi ko po sa mandato ng Presidente. Hindi naman niya po ini-specify na SRA lang – lahat ng dapat ibigay na benepisyo dapat maibigay.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up po ni Pia Gutierrez: Ibig ba daw pong sabihin kung mawawala na iyong sistema ng quarantine classifications ng IATF in favor of granular lockdowns, how would this work? Naaprubahan po ba ito?

SEC. ROQUE: ‘Antayin po natin ang mga pronouncements ng IATF ‘no. We are moving towards the direction na dahil ang LGUs naman talaga ang nakakaalam kung nasaan iyong mga areas eh papunta tayo roon ‘no, pero wala pa pong detalye. It’s a principle that has been approved as a principle pero the details hindi pa po na-approve.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from—iyong tanong po ni Llanesca Panti nasagot ninyo na at saka ni Tuesday Niu. From Raffy Ayeng of Daily Tribune: May bagong proposal si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na bakuna bubble, allowing both vaccinated and unvaccinated to visit malls, restaurants but the unvaccinated should present negative RT-PCR test. Ano po ang reaksiyon ng Palasyo? May chance po kaya itong umusad para mas mabuksan ang mga establishment gaya ng mga restaurants na hikahos na ang state?

SEC. ROQUE: Well, I’m sure we will consider that lalung-lalo na sa lugar na gaya ng Metro Manila na palapit na po iyong 50%. Pero sa ngayon po, wala pa pong action taken.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Prince Golez: Now that President Duterte thinks that his daughter is not running for president, paano na po ang senatorial plan ninyo, Spox? In June you said, you would run if Mayor Sara seeks the presidency.

SEC. ROQUE: My Senate political plans have nothing to do with the President and this is a presidential press briefing. So hindi ko po masasagot iyan because it’s not something for the President to decide.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Leila Salaverria po ng Inquirer, follow up po niya: As Presidential Spox, does Secretary Roque have a position on the editing of the speech which omitted portions that failed to give the entire picture of the President’s position? Will it not be misrepresentation of the President’s position to edit out pertinent portions?

SEC. ROQUE: Wala po akong posisyon diyan dahil nakita ninyo naman ang pangyayari – bago pa ako magbigay noong kumpirmasyon eh dalawang miyembro na ng Gabinete na naruroon sa pagpupulong na iyon ang nagsabi kung ano nangyari. So ang importante lang po I can give confirmation at kaya naman po siguro iyan ang dahilan kung bakit palagi akong naimbita doon sa Talk to the People dahil my job is to speak for the President. And my rule is, unless it comes from the President’s mouth, I cannot attribute it to the President.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up lang din po ni Kyle Atienza ng Business World: Alliance of Health Workers earlier today announce that the planned August 31 strike of health workers is likely to happen saying health workers were not happy daw po with yesterday’s Senate hearing on the release of unpaid benefits for health workers because the DOH was focused only on the SRA or Special Risk Allowance.

SEC. ROQUE: Usec., asked and answered na po ‘yan.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you very much, Secretary.

SEC. ROQUE: Well, maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik sa ating presidential press briefing. Maraming salamat po sa aming suki – Professor Emeritus Dr. Lulu Bravo. Maraming salamat, Usec. Rocky. At maraming sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque’ng nagsasabi: Mga kababayan, darating at darating po ang October 8, ang last day nang pagpa-file ng Certificate of Registration. Konting tulog na lang po ‘yan, malalaman natin with finality kung sino ang kukuha ng mandato ng taumbayan.

Magandang hapon po sa inyong lahat.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center