SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon po ay araw ng Lunes, ika-6 sa buwan ng Setyembre 2021, sama-sama nating tatalakayin ang pinakamainit na balita sa bansa na may kaugnayan pa rin sa usapin sa COVID-19 pandemic. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Magandang umaga rin, Secretary Martin. Granular lockdown, clinical trials at edukasyon ang pag-uusapan natin kasama ang mga panauhin mula sa ilang ahensiya ng pamahalaan. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Kaya’t simulan po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Patuloy na pagsasagawa ng imbestigasyon sa Senado kaugnay pa rin sa mga report na inilabas ng Commission on Audit tungkol sa paggastos ng pondo para sa COVID-19 response ng pamahalaan, nananawagan si Senador Bong Go sa kapuwa senador na huwag itong haluan ng pulitika. Narito po ang detalye:
[VTR]
SEC. ANDANAR: Sa susunod na linggo, September 13, inaasahan ang pagsisimula ng academic year 2021 hanggang 2022. Kaya naman ngayong umaga, kumustahin po natin ang mga paghahandang ginagawa ng sektor ng edukasyon sa pangunguna ng Department of Education, makakasama po natin ang ating suki, si Undersecretary Nepo Malaluan. Magandang umaga po, Usec.
DEPED USEC. MALALUAN: Yes, magandang umaga sa iyo, Secretary Martin at saka kay Usec. Rocky.
SEC. ANDANAR: All set na po ba ang mga DepEd schools sa pagbubukas ng klase, Undersecretary? At ilan po in total ang mga estudyante na inaasahang magba-back to school sa susunod na linggo?
DEPED USEC. MALALUAN: Yes, Sec. Martin, puspusan ang paghahanda ng Department of Education sa pagbubukas ng klase ngayong September 13, sa susunod na Lunes na po iyan. Ang ating enrolment period ay hanggang September 13 pa kaya hinihikayat natin ang ating mga magulang na huwag nang maghintay ng last day of enrolment. Ngayon po, batay sa aming quick count ay 17.9, almost 18 million na ang ating enrolment; iyan po ay kumakatawan sa 68.5% na ng ating enrolment noong nakaraang taon na umabot ng 26.2.
Ang direktiba po ni Secretary ay mapantayan itong numerong ito dahil hinihikayat natin iyong mga enrollees natin last year to continue this school year, at saka iyong mga nagpaliban o nag-skip noong last year ay sana bumalik this school year.
So inaasahan natin na matumbasan, kung hindi man ay mahigitan iyong ating enrolment last year na 26.2 million, Sec. Martin.
SEC. ANDANAR: Noong nakaraang taon po, isa sa masasabing naging problema ng mga paaralan across the country ay ang printing ng learning modules. Ano po ang mga isinaayos o ginawang paghahanda ng DepEd para hindi na maulit ang mga ganitong problema?
DEPED USEC. MALALUAN: Well, una, Sec. Martin, noong nakaraang taon ay napaka-challenging ng ating pagbubukas ng klase. We had to make adjustments na bagong porma ng ating learning resources, at napakabilis na panahon ang ginugol para maihanda ito. At kagaya nga nang nasabi ninyo, dumadaan iyan sa development at quality assurance, at marami ay hindi umaabot doon sa takdang oras na maipalimbag na kaagad iyan kaya ang printing ay na-decentralize kagaya nang nakikita ninyo noong nakaraang taon.
At bukod diyan, dahil hindi lahat ay umabot sa central office quality assurance ay may mga nakakalusot na mga errors, at iyan naman ay nakita natin at iyan ang pinaigting natin, itong quality assurance natin. At saka itong mga ready to print ay mas natapos na at mayroon din tayong mga component doon sa third and fourth quarter na kinatuwang natin ang private publishing industry for both the development and the printing of the self-learning modules for the third and fourth quarter.
Pero itong sa first and second quarter ay ang ginagamit na natin ay iyong natapos ang quality assurance at central office level. At mayroon din kaunting bahagdan pa na tinatawag naming locally managed pero nagsagawa na ng training tayo sa quality assurance at the regional level.
Ang isa pang directive ni Secretary Briones ay mabawasan iyong ating dependence sa printed modules by effectively integrating itong ating iba pang porma ng learning resource, iyong digital format, hindi lamang itong printed na inililimbag na ito kung hindi mas magamit iyong digital format and platform, gayundin iyong mga naisalin sa educational TV episodes.
Nakaabot po tayo last year nang na-develop na more than 1,700 episodes for the first quarter, and more than 300 episodes for the second quarter. At iyan po ay nilalayon natin na mas ma-integrate ang ating mga guro at mga paaralan through the efforts of our regions and divisions doon sa kanilang instructional plan ngayong taon. So makakatulong po iyan na mas mabawasan iyong ating dependence dito sa printed modules.
Over to you, Sec. Martin.
SEC. ANDANAR: Tungkol naman po sa proposal na mag-conduct ng pilot face-to-face classes sa 120 schools. Dahil ito ay inaprubahan ng Department of Health, sa palagay ninyo po ba ay aaprubahan din ito ng Pangulong Duterte? At kailan po ito maipi-present ni Secretary Liling sa Pangulo?
DEPED USEC. MALALUAN: Iyan po ay hinihiling ni Secretary Briones na makasama tayo sa agenda sa susunod na pagpupulong ng Gabinete, full Cabinet man or partial Cabinet meeting na maiharap itong ating panukalang guidelines on pilot face-to-face at mga plano natin.
Ang ginawa po natin, Secretary Martin ay nagsanib na ang pagpaplano ng Department of Education at Department of Health. Mayroon po kaming inihanda na joint guidelines at iyan ay naiiprisenta na in its main framework and provisions sa IATF noong July 15.
Ang amin pong paghahanda ng mga paaralan doon sa ating pag-evaluate ng readiness nila ay tuluy-tuloy. Mayroon po tayong 638 schools na kabuuang bilang na iyan pa ay sinasala base doon sa kung saan ang papasok sa minimal health risk.
Ang ibig pong sabihin noong minimal health risk ay iyon lamang mga paaralan na nasa lugar na iyong last two weeks ay iyong ang growth rate ng COVID cases ay less than or equal to zero at saka ang kanilang daily attack rate ay less than one for every 100,000 population in the area, at iyan na ang minimal risk na pinakamababang risk [unclear] sa classification ng Department of Health.
At bukod diyan ay kasama iyong aming health and safety assessment tool para i-assess talaga itong mga paaralang ito. But as you mentioned, Sec. Martin, ay this will ultimately be subject to the approval of the President at siyempre ang Pangulo ay maraming mga konsiderasyon that have to be taken up.
And the reality now is that the reintroduction of face-to-face classes is not solely an education matter, it is also a public health matter and other considerations na kailangang maisaalang-alang ng Pangulo. Kaya ang ating proseso ay tinapos natin iyong paghahanda at coordination with DOH, nakapagharap din tayo sa IATF, but ultimately it will be the President that will decide.
SEC. ANDANAR: Paano po ang transition ng mga guro at mag-aaral from blended learning to face-to-face learning sakaling aprubahan ni Presidente ang implementation sa ilang pilot areas?
DEPED USEC. MALALUAN: Unang-una po, itong mga paaralang ito, schools na ito, ay hindi magiging full scale ang kanilang pag-conduct kung hindi dahil sa rekomendasyon ng Department of Health at ng medical experts na ating kinonsulta through the intercession of Department of Health ay mag-focus lamang po tayo doon sa first key stage – iyong Kindergarten to Grade 3 na mga estudyante.
At hindi po full operations itong mga ito. Sa maliit na number lamang per class ang ia-allow sa face-to-face. Ang pagkaalala ko ay 12 lamang sa mga kindergarten at saka not more than 16 sa Grades 1 to Grade 3 para maisiguro iyong physical distancing inside the classroom at saka iyong organized na pagpasok at paglabas ng mga mag-aaral.
Tatlong oras lamang po ang magiging panahon na gugugulin sa paaralan. Ang ibig sabihin po nito ay ang mga activities in school are mainly reinforcing activities to what will still be predominantly distance learning.
So, ito po ang konsepto ng blended learning na hindi iisang porma ng paghahatid ng pagkatuto. Napakahalaga din po iyong tinatawag nating operational framework na shared responsibility. Ito po ay magiging responsibilidad at commitment iyong kaligtasan, hindi lamang ng Department of Education kung hindi pati rin ng local government unit. Requirement po na may consent ang local executive dito sa lugar kung saan magaganap ito at voluntary po, with the consent of the parents and expressed permit of the parent na makilahok. Ang DOH ay katuwang natin.
So, talaga pong ang ating approach dito kung papayagan ng Pangulo ay extreme caution and maximum preventive measures at upang maiwasan at maipakita rin natin, maiwasan ang any infection and exposure. At kung hindi man ay maipakita natin ang kakayahan natin na i-manage iyong kung magkakaroon man ng infection and exposure in all the contingency preparations that we have made and so that we can gain confidence na maaari nga tayong mag-gradual na magbukas especially in areas na minimal iyong health risk, Secretary.
SEC. ANDANAR: Puntahan natin, Usec., si Undersecretary Rocky Ignacio para sa mga tanong mula sa mga kaibigan natin sa media.
USEC. IGNACIO: Good morning po, Usec. Malaluan. Tanong po ni Jayson Rubrico ng SMNI News: Doon daw po sa 120 schools na sasali sa pilot testing na limited face-to-face classes, 20 nito ay allotted for private school. Saan-saang lugar po gagawin ang pilot face-to-face classes at kung may na-identify na po ba kung anu-anong private schools po ito?
DEPED USEC. MALALUAN: Iyon pong sa public schools ay nabanggit ko na mayroon na tayo, matagal na actually itong napaghandaan na mahigit 638 na kung saan sinasala for COVID risk doon sa kung alin iyong papasok sa minimal na 100.
Pero ito pong desisyon na madagdagan at magbigay ng allocation sa private schools ay ito lamang nakaraang linggo na naging direktiba ni Secretary Briones para makita rin natin iyong operational experience mula naman sa hanay ng mga pribadong paaralan. So, ito po ay bago pa lamang, sa pakikipag-ugnayan sa DOH, nagkasundo kami na ang Department of Education at Department of Health na maglaan ng 20 slots para a private schools para maging mas buo iyong karanasan natin dito sa pilot face-to-face na ito.
So, iyon pong 20 paaralan na iyan n private schools, iyan ang hindi pa tukoy mismo dahil magkakaroon po ng proseso ng evaluation similar doon sa dinaanan nitong mga public schools at iyon ang tukoy na natin kung alin ang mga makakasali. So, kasama po iyan doon sa joint guidelines na ilalabas ng Department of Health and Department of Education.
That is already for endorsement to the respective principals of the two departments. And once it is issued then we can proceed with the selection period for the 20 private schools. But for the public schools, inuulit ko lang po, Usec. Rocky, na handa na at tukoy na kung ano iyong mga paaralan kung sakaling magkakaroon ng approval tayo mula sa Pangulo.
USEC. IGNACIO: Opo. Kasunod pong tanong niya: Ilang estudyante daw po kada room? Naka-PPE ba ang mga teachers? Puwede bang kumain ang mga estudyante sa mga canteen o classroom?
DEPED USEC. MALALUAN: Dito po sa class size natin ay maximum of twelve learners lamang for Kinder; maximum of 16 lamang for Grades 1, 2,3, ang makakalahok dito sa klase at as I mentioned, first key stage at tatlong oras lamang po sila sa loob ng paaralan for the kindergarten to Grade 3. So, hindi po sila doon manananghalian, maaaring magkaroon ng snacks but they will have to be – kung kailan nila aalisin iyong kanilang mga face mask – ay they will be in different places.
Nilinaw at in-emphasize din po ng ating mga medical experts iyong ventilation noong silid-aralan – so ito po ay bukas ang mga bintana at saka ang pintuan at hindi gagamit ng air conditioning.
So kailangan din ay iyong lugar na magagamit—dahil hindi naman full scale pa dito sa pilot ay doon sa mga well ventilated classrooms gawin at kung may open spaces man.
So iyan po ay ating tinitingnan at ang mangyayari po nito kung maa-approve ng Pangulo ay ang first stage nito ay iyong orientation ng mga magulang dahil bago pong set of students ito. So may mga, siguro at minimum of one week na iyong preparation with the new set of students and their parents will have to happen across this evaluated schools.
So iyong PPE po kasama ‘yan sa—hindi po full PPE na parang sa ospital kung hindi iyong ating regular PPEs – iyong face masks, face shields at saka kasama na iyong mga sanitation standards and other health protocols; kasama po iyong mga detection, pag-test [garbled]. [Garbled] region ay bagama’t nagmungkahi ay hindi makakasama pero mayroon na din silang readiness dito. So iyong iba 49 in a region, may ibang kaunti lamang – 13 in a region – and many of these in the regions are really in remote areas.
Siguro in the next few days we might be at liberty to disclose some of the schools lalung-lalo na kung magkakaroon nang paborableng tugon ang Pangulo doon sa magiging rekomendasyon ng joint recommendation na ito ng Department of Education and Department of Health, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang pong tanong ni Marvin Calas ng UNTV: Paano po natin pipiliin iyong mga estudyante na magpa-participate sa physical classes? At last po ni Jayson ay may update data po ba ng mga vaccinated teachers and employees na papayagan po or kung papayagan ba itong mga non-vaccinated teachers sa pilot ng face-to-face classes?
DEPED USEC. MALALUAN: Well, sa pagpili po… dahil kinikilala natin na hindi lahat ay makakasama dito dahil limited din ang scope. Unang-una, first case stage lang – kindergarten to grade three ang kalakhan. Mayroon kaming in-allot na limang paaralan ng senior high school para sa tech-voc na mga estudyante pero iyong kalakhan ay first case stage, K to 3. So ang una pong level niyan ay, una is iyong may permiso so ‘yan is already a first level of reduction dahil kinikilala natin na hindi lahat ng mga magulang ay komportableng payagan iyong kanilang mga anak na lumahok dito sa pilot face-to-face.
Ngayon kung sobra pa rin po ang numero ng mga magbu-volunteer na lumahok ay mayroon po kami na kasama sa ating operational framework iyong including the most marginalized. In other words, in the prioritization, tinitingnan natin iyong kalagayan noong mag-aaral. Unang-una, iyong mas nangangailangan ng face-to-face classes among the students will be prioritized. Halimbawa po ay iyong mga medyo sa pagtatasa ng guro ay—in the learning progress ay kailangan nang mas masusing pagtutok ng ating mga guro, iyon ay puwedeng makasama sa priority at saka iyong talagang kulang o wala na instructional support na maaaring maibigay sa bahay. Halimbawa ay ang mga magulang ay parehong nagtatrabaho o kaya ang magulang ay nahihirapan iyong mag-provide ng instructional partnership. At tukoy naman po ‘yan ng ating mga guro kung sino sa mga mag-aaral nila ang talagang mas nangangailangan ng complementation of face-to-face classes with the distance learning ay iyon po ang mapa-prioritize.
Doon sa question po ng vaccination, ang atin pong latest update, lagi po nating kinakalap ‘yan. There is a unit in the Department of Education through our DepEd Task Force on COVID, ‘yan ay na-setup as early as February of last year noong pumutok itong pandemic and they are the ones responsible for the coordination of our vaccination program for teachers.
Tayo po ay represented dito sa NVOC natin at ang ating tinutulak parati diyan ay institutional approach to the vaccination of our teachers. Although of course it will still be through the local government units, iyong actual vaccination process but we are always working out an institutional approach.
So sa ngayon po sa kabuuan ng bansa ay ang nabanggit sa atin ay—we’ll be approaching 30% overall pero may mga regions po tayo na priorities at iyong limang geographical priorities ng ating NVOC: Siyempre ang National Capital Region at diyan po ang update natin ay umaabot na tayo sa 80%; ang Region IV-A ay nearly 60%; doon po sa Western Visayas ay 47% na. So iyon pong mga areas na talagang priority sa national vaccination because of the level of infection in those areas ay doon din po tayo mas mataas ang rate of vaccination.
But may kasunduan po din tayo with Department of Health na iyong mga nasa schools na kalahok dito sa pilot face-to-face ay kahit hindi nasa priority areas ay bibigyan ng konsiderasyon para sa vaccination iyong mga guro na magiging kalahok.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyong panahon at good luck sa buong DepEd ‘no sa pagbubukas ng klase sa darating na linggo. Mabuhay po kayo, DepEd Usec. Nepo Malaluan! Stay safe.
DEPED USEC. MALALUAN: Thank you very much, Sec. Martin, Usec. Rocky.
SEC. ANDANAR: At iyan po muna ang talakayang hatid ko sa inyo ngayong umaga. Magkita-kita po tayong muli bukas. Usec. Rocky, please go ahead.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Secretary Martin.
Samantala, isa pang Malasakit Center ang muling binuksan sa Jolo, Sulu kamakailan. Ito na ang ikalawang Malasakit Center sa naturang lugar. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa halip na community quarantine, simula sa Miyerkules, September 8 ay inirerekomenda na ng IATF sa Pangulo ang granular lockdown sa buong Metro Manila. Ibig sabihin sa halip na malawakang restriction ang ipatupad, mas targeted na ang gagawing paghihigpit sa mga barangay, subdivision o kalyeng may mataas na kaso ng hawaan ng COVID-19. Alamin natin kung ano ang mga dapat asahan ng taumbayan sa bagong patakarang ito ng pamahalaan. Makakausap po natin ang tagapagsalita ng National Task Force against COVID-19, Retired General Restituto Padilla, Jr. Magandang umaga po, General.
RET. GEN. PADILLA: Magandang umaga sa inyong lahat at harinawa po ay nasa mabuti kayong kalagayan lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. General, unahin na po natin itong pag-shift sa pagpapatupad ng granular lockdown, instead dito sa community quarantine. Bakit po sa palagay ninyo ay mas magiging epektibong approach ito kumpara sa mas malawakang lockdown ngayong tumataas din po iyong bilang ng mga nadi-detect na Delta variant sa Pilipinas?
RET. GEN. PADILLA: Usec. Rocky, unang-una, ang granular lockdown po ay actually pinatutupad na po natin sa mga ilang lugar on a selected basis. So, hindi po ito malawakan, pinipili lang po muna. Kaya itong panukala na ang i-implement ay granular lockdown, ganoon din ang mangyayari, hindi ito malawakan muna at pinag-aaralan pang mabuti ng ating technical team kung makakabuti ba o talagang makakatulong sa pagbaba ng kaso. Hinihintay din at inaantabayanan din natin kung ano iyong mga implementing guidelines na gagawin. Kasi ang atin pong objective ay payagan pong gumalaw ang ibang mga lugar na hindi naman po natin nakikitaan ng pagtaas ng kaso, sa pag-asa na makita natin na umusad iyong mga lugar na ito at matulungan iyong ekonomiya.
At ganoon din, pagbabantay doon sa mga lugar na marami tayong nakikitang kaso para mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga kababayan sa mga lugar iyon. Kaya ito na iyong sinasabi natin noon pa na delicate balancing act between public health at saka ang ekonomiya natin. Dahil alam naman natin malaki po ang naging epekto ng malawakan at istriktong lockdown sa ating ekonomiya noong mga nakaraang buwan at noong nakaraang taon. So, para po magkaroon po ng pagbabalanse at matulungan din naman natin iyong mga kababayan natin na kailangang panatilihin iyong kanilang mga trabaho. Ito po ang gagawin natin, pero sa una pong pagkakataon selective basis lang po muna.
USEC. IGNACIO: Tanong ni Maricel Halili ng TV 5: Ano po iyong mga factors na ikukonsidera para isailalim ang isang lugar sa granular lockdown at paano po ang proseso ng approval dito? Will this be implemented after September 7?
RET. GEN. PADILLA: Well, Maricel, as I mentioned, nabanggit ko kanina, kasalukuyan pa ngayong pinag-aaralan nang mabuti at hinihintay natin iyong mga guidelines na manggagaling po sa ating technical team. So, kapag lumabas na po ito, isi-share po natin at ibabahagi po natin ito sa lahat ng sa ganoon, maintindihan po nila. Doon sa implementing guidelines, we expect po na nandoon po iyong parameters ng selection kung saan po mag-a-apply ang granular lockdown. Pero by in-large, ang talaga pong objective noon ay iyong nabanggit ko na kanina – para magkaroon po ng mas mainam na management ng public health and at the same time papayagan iyong ating ekonomiya na umusad at mapangalagaan iyong mga trabaho na kailangan nating bantayan.
USEC. IGNACIO: Sa ilalim po ng granular lockdown, nangangahulugan din po ba ito na proceed na tayo na sa new normal itong mga lugar na hindi naman isasailalim sa lockdown o magkakaroon pa po ba ng restrictions na ipatutupad sa kanila?
RET. GEN. PADILLA: Well, unang-una iyong bottom line at saka common denominator hindi mawawala; ito iyong pagsunod ng maigi sa ating minimum public health protocol. So nariyan pa rin po ang pagsuot ng mask ng maayos, ang paggamit ng face shield lalo na po kapag nagpupunta sa mataong lugar at sa mga lugar na may pangangambang makahawa. So, ganoon din ang parang paghuhugas at pag-iwas sa matataong lugar.
So, it is perhaps our process of transitioning to a new normal na magbibigay ng daan how to live with the virus na ginagawa na rin ng ibang mga bansa. So hindi na natin puwedeng ilagay sa suspended animation ang buhay natin, ‘ika nga. Kinakailangan natin na makakuha tayo ng pagkakataon na mapayagan na mag-transition tayo dito sa tinatawag nating new normal. Kaya living with the virus is happening to be or becoming to be the common agenda ng lahat ng mga bansa na nagnanais na gumalaw pa.
USEC. IGNACIO: Opo. Papaano naman daw po iyong mga business establishments, kagaya ng mga restaurant; at iba pang activities kagaya ng religions gatherings kagaya ng libing, kasal at iba pang mga aktibidad na niri-restrict under the current community quarantine? Papayagan na po ba sila ng full capacity?
RET. GEN. PADILLA: Yes. Nakikita namin na magbibigay-daan ito sa gradual easing. Hindi naman sinasabing biglang bukas kaagad, so maaaring magbigay daan ito sa dahan-dahang pagbubukas ng mga negosyo, dahan-dahang pagbibigay ng pahintulot na magkaroon ng gathering po sa mga simbahan nang hindi po mabilisan o madamihang tao agad; paunti-unti lang. Pero ito po iyong pagbibigay-daan sa normalization na sinasabi natin at pinag-uusapan natin kanina. At ang expected dito ay habang umuusad ang ating pagbabakuna, lumawak at gumaganda rin ang ating mga magiging pagbaba ng kaso dahil mas marami na pong nagiging protektado na mga kababayan natin.
So kaya nga po, hinihikayat natin at nagbigay na rin ng assurance ang ating mga LGUs na tuluy-tuloy pa rin po tayo sa pag-roll-out ng ating mga pagbabakuna sa iba’t ibang LGUs lalo na po doon sa mga lugar na may nakikitang pagtaas at sa datos na lumalabas, kapag nabakunahan ay kadalasan hindi nao-ospital at nagiging mild or asymptomatic lang. so bilang pagbibigay-daan sa pagpuprotekta sa mga hindi pa nababakunahan, iyon po iyong restriction. Pero dito po sa paglabas at pagpunta sa mga essential activities ng ating mga vaccinated individual, mas magiging maluwag.
USEC. IGNACIO: May tanong lang po si Sam Medenilla ng Business Mirror: Magkakaroon pa rin kaya ng ayuda from the national government na ibibigay sa mga areas na malalagay under granular lockdown?
RET. GEN. PADILLA: Well, tulung-tulong naman ito, kaya nga tayo nagbabayanihan. Ang ating mga LGUs, although sila talaga ang nakatutok sa pagpapatupad nitong mga lockdown na ito, granular as it is, sila rin ang tutulong sa kanilang mga constituents with the assistance of national government. So kung hindi na kinakaya ng LGU, papasok naman ang national government at hinihintay lang naman ang abiso ng mga LGU kung ano talaga ang tulong na kakailanganin nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Basahin ko lang po itong tanong ni Vic Tahod mula po sa DZAR 1026 Sonshine Radio: Sa pagpapatupad po ng granular lockdown, tutulong din po ba ang pulis sa pagbabantay sa mga area na isasailalim sa lockdown?
RET. GEN. PADILLA: Opo. Magkakaroon din po ng patuloy na tulungan ang ating DILG, ang PNP sa ating mga LGUs lalo na po dito sa mga lugar na sinasabi natin. Kasi iyong enforcement ay napakaimportante at tulad nga ng nabanggit ng ating Chief PNP ‘no, itong panahon ng Kapaskuhan nakikita natin na itong pagluluwag ay maaaring magdulot ng mobility ng ating mga kababayan. So, bilang pagbabantay sa posibleng sa mga pagtaas ng kaso at ma-prevent natin ito, iyong ating enforcement side ay patuloy nating gagawin. At ang pinakamainam na nag-i-enforce niyan ay ang ating mga security at police personnel.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sa proposed granular lockdowns, papayagan na po ba ang mga sector na hindi pa po nagbubukas simula noong nagsarado ang bansa tulad po ng sinehan, arcade at iba pang mga non-essential activities as long as masusunod daw po iyong health standards?
RET. GEN. PADILLA: As I mentioned kanina ‘no na patuloy ang ating mga technical team na pinag-aaralan ito, iyong paglagay ng mga guidelines at saka implementing rules sa mga magluluwag o magkakaroon ng granular lockdown at iyong pagbibigyan na buksan at payagan ang mga negosyo ay kasama na rin po siguro doon sa implementing guidelines na iyan, kaya antabayanan po natin at nakakasigurado po kami na bilang pagbibigay-daan sa pagbubukas ng ekonomiya, maaari pong maisama ito under very strict restrictions or gradual easing na gagawin nila.
USEC. IGNACIO: Opo. General, bukod daw po sa granular lockdown simula ngayong araw din ay effective na po iyong pag-lift ng travel ban sa sampung bansa matapos ang ilang buwan na pagpapatupad nito para po maiwasan ang mabilis na pagdami ng Delta variant sa bansa. Ano daw po kaya ang dahilan sa move na ito?
RET. GEN. PADILLA: Ang atin namang pagbubukas at pagbibigay-daan doon sa mga restricted countries na ito ay dahil sa nakita nating pagbabago ng mga kaso sa mga lugar na ito.
Kung naalala mo ninyo nagkaroon po ng surge sa India, pero ngayon nakukontrol na po nila at hindi na po ganoon kataas ang mga kaso nila. So, bilang pagbibigay-daan din doon sa pangangailangan na kailangan nating tanggapin iyong mga kababayan natin na nanggagaling sa mga lugar na ito at iyong mga ibang kailangang mag-negosyo rito, kailangang bumiyahe, kaya nga po tayo nagbubukas at nagbibigay daan sa easing sa mga restricted countries.
Pero hindi ito nangangahulugan na dire-diretso na sila. Susunod pa rin po sila sa napaka-istriktong quarantine protocol. Kailangang nilang manatili sa quarantine facilities ng 10 days iti-test po sila ng RT-PCR sa 7th day at aantayin nila iyong resulta nito. At ipagpapatuloy nila para makumpleto ang 14-day quarantine nila, four days of which ay sa bahay.
USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon. General Resty Padilla Jr., ang tagapagsalita ng National Task Force against COVID-19. Mabuhay po kayo at ingat po!
RET. GEN. PADILLA: Maraming salamat, USec. at sa lahat po ng nakibahagi at paalala lang po, mag-ingat po tayo patuloy sa pag-iwas sa virus sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum public health standards natin; at magbakuna kung panahon na po natin. Maraming salamat po!
USEC. IGNACIO: Salamat po. Samantala, laman ng balita ngayon ang kakapusan ng supply ng ilang gamot sa COVID-19 gaya ng Tocilizumab. Ang ating pamahalaan patuloy naman po ang pagtuklas sa iba pang medisina panlaban po sa virus sa pamamagitan ng clinical trials, sa puntong ito muli tayong makibalita sa pagsasaliksik na ginagawa ng DOST tungkol dito, kasama si Dr. Jaime Montoya ang Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development, good morning po, Director.
DOST DIR. MONTOYA: Magandang umaga, USec. Rocky. At magandang umaga sa lahat ng ating mga tagasubaybay, tagapakinig.
USEC. IGNACIO: Opo. Ngayong buwan po ng Setyembre, inaasahang magki-clinical trials para po dito sa Ivermectin drug. Ano po iyon mga last missions na ginagawa ng DOST para rito?
DOST DIR. MONTOYA: Well, unang-una po, alam naman natin na mayroong mga nangyari po, kasi tayo kasama sa International Clinical Trials Consortium, kung saan po iyong mga bansa na nagsasagawa ng trial ay kasama po sa consortium na ito. At dahil po may mga nag-review ng ating mga protocol na galing po sa international key Reviewers po nitong consortium na ito ay binago po natin ang ilang bagay, aspeto sa ating protocol para mas mapaganda pa po ito.
At ito po sa kasalukuyan ay tinatapos na iyong review ng Ethics at Technical Review po bago po ito magsimula, dahil ang target po natin ay this month po iyon dapat magsimula.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Montoya, sa kabila po ng panawagan at isyu kaugnay sa paggamit ng Ivermectin kontra COVID-19? Ano po iyong paliwanag ng DOST sa pagpapatuloy rin ng clinical trials nito sa bansa?
DOST DIR. MONTOYA: Well, sabi ko nga kanina, tayo po ay kasama sa International Clinical Trials Consortium. So alam po ng ibang bansa kung ano ang ginagawa natin. At base po sa rekomendasyon ng malalaking grupo, katulad ng World Health Organization, National Institute of Health, at saka Centers for Disease Control. Sinasabi pa po nila at sumusuporta sa patuloy na pag-aaral tungkol sa Ivermectin, dahil hindi pa po sapat ebidensiya para sabihin na ito ba ay nakatutulong o hindi nakatutulong sa mga pasyente na mayroong COVID-19. So ito po ay patuloy pa nating gagawin at bukod pa dito ay napakahalaga na magkaroon tayo ng lokal na datos tungkol sa mga Pilipino na nabibigyan ng gamot na ito, para sa po sa safety issue, sa mga posibleng side effect at kung ito po ay totoong mabisa sa mga Pilipinong may COVID-19.
So, binabase po natin ito sa rekomendasyon nitong malalaking grupo na ito na kailangang gumawa pa ng clinical trial para talagang magkaroon ng sapat na ebidensiya na magsasabi kung ito ba ay magagamit o hindi para sa COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, isa rin po sa gamot na pinag-aaralan itong Molnupiravir drug na posibleng panggamot sa mga tinamaan ng COVID-19? Pero ano po ba iyong preliminary result sa isinasagawang pag-aaral sa gamot na ito sa ibang bansa? Balita po namin magkakaroon ng phase 3 clinical trial sa Pilipinas, tama po ba?
DOST DIR. MONTOYA: Ang katunayan po diyan, USec., mayroon na pong nangyayari na phase 3 clinical trial, isinasagawa po ito sa Lung Center of the Philippines. So, ito po ay ginagawa po ng independent group para makita kung ito po ay magagamit para sa COVID-19.
So, wala pa po tayong resulta regarding that, kasi ongoing pa po iyong trial. So malalaman po natin maybe by next month po iyong preliminary, iyong tinatawag na interim analysis kung magiging available, pero iyon po ay depende kung ma-achieve na nila iyong kanilang target na dami ng mga lalahok po sa pag-aaral na ito.
USEC. IGNACIO: Tungkol naman sa iba pang isinasagawang clinical trial para sa posibleng gamot sa COVID-19 gaya po ng Virgin Coconut Oil at Tawa-Tawa. Kumusta na po iyong analysis ninyo so far? Maglalabas na po ba kayo ng rekomendasyon anytime soon?
DOST DIR. MONTOYA: Yeah, anytime soon po, maglalabas na po tayo ng ating resulta para po sa VCO, dahil natapos na po last month, katapusan ng Agosto iyong pag-aaral po tungkol sa…kung ito ay puwedeng gamitin sa mga pasyenteng nasa ospital na mayroong COVID-19.
Ganundin po iyong sa Lagundi na natapos din po last month kung ito ay makatutulong para mas maaga po ang paggaling ng ating mga pasyenteng may COVID-19.
Pinag-aaralan na po ang mga datos ay iyan po ay lalabas anytime this month.
Iyong sa Tawa-Tawa po ay hindi pa po nila nahi-hit iyong target na dami ng pasyente na kasama sa pag-aaral, kaya po ito ay patuloy pa at hopefully, baka naman matapos na iyan within the month. So iyon po ang update po dito sa tatlong tinitingnan po natin na posibleng makatulong para maagapan at mapabilis ang paggaling ng ating mga pasyente na mayroong COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Montoya, may pahabol lang pong tanong si Celerina Monte sa inyo: Supposedly daw po, July iyong unang target ng trial ng Ivermectin, bakit po nadi-delay? Paano natin malalaman kung effective po ba o hindi kung dilly-dally sa pagka-conduct ng trial?
DOST DIR. MONTOYA: Ipaliwanag ko lang po ‘no. May mga targets po tayo, pero ang pagpo-proseso po at pagsisimula ng pag-aaral ay mahaba pong proseso iyan. Hindi po iyan puwedeng basta gawin na lang.
Unang-una po, iyong protocol na siyang magiging disenyo ng pag-aaral, ito po ay bina-base sa pinaka-latest development na nangyayari sa ibang bansa. So, dahil po sa International Clinical Trial Consortium kasama tayo, tinitingnan at binago po ang ilang aspeto ng protocol na maigi po, dahil at least tama po at talagang maganda ang sisimulang pag-aaral.
Ikalawa po ito po ay kailangang magkaroon ng ethics approval – ibig sabihin po, kailangang maproteksiyunan ang karapatan at kabutihan ng mga lalahok po sa pag-aaral na ito. Bukod pa po doon sa technical review na sinabi ko. So, ito po ay nangyayari pa po ngayon at makakaasa kayo na bagama’t tayo pong lahat ay gusto nating magsimula ito.
Gusto lang nating siguraduhin na tama po ang pamamaraan at methodology o iyong paraan kung paano gagawin pag-aaral para magiging kapani-paniwala ang resulta na ito. Tayo naman po ay makakagawa ng interim analysis. So based on our projection, kahit po nangangalahati pa lang iyong ating research, puwede na po maglabas ng preliminary na datos para po magka-idea tayo kung ano po ang nangyayari sa resulta ng pag-aaral na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: May mga nagsasabi na waste of money lang po ang Ivermectin trial sa ating bansa dahil hindi naman po napatunayang ito ay nakakagamot laban sa COVID-19. Ano po ang masasabi ng PCHRD dito? At itutuloy pa rin po ba ang trial?
DOST DIR. MONTOYA: Katulad ng sinabi ko kanina, kung inyong titingnan ang rekomendasyon ng tatlong malalaking grupo na tumitingin sa gamit ng Ivermectin – World Health Organization, National Institute of Health ng Amerika at CDC ng Amerika, pati po iyong International Clinical Trials Consortium na kung saan tayo po ay kasama – sila po ay unanimous in saying na kailangan pong gumawa pa ng clinical trial dahil wala pa pong sapat na ebidensiya para magsabing we therefore or against the use of Ivermectin for COVID-19.
Sa larangan po ng siyensiya, siyensiya po ang sasagot sa tanong na ito at ang pamamaraan lang puwedeng gawin ay sa pamamagitan ng clinical trial. Bukod pa po diyan kailangan nating magkaroon ng datos para sa mga Pilipino. Hindi po ito nangangahulugan na kung ito ay safe at effective sa ibang bansa ay ganoon din po ang mangyayari sa ating mga kababayan at sa Pilipino kapag ito po ay ginamit. Kaya kailangan po at napakahalaga itong datos na ito para sigurado tayong makapaglalabas ng findings at conclusion kung ito po ay talagang gagamitin sa mga Pilipino para sa COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po ni Ivan Mayrina ng GMA News, pero tungkol po ito sa booster shots, mukhang parang, basahin ko na lang po kung masasagot ninyo, Doc. Montoya ano po: Iyong booster shot daw po kasi hanggang six months lang iyong efficacy ng Sinovac. Matatapos ang six months ngayong September ng mga nabakunahan na healthcare workers this month. What is the latest on the possible booster shot daw po for high-risk priority group katulad ng healthcare workers?
DOST DIR. MONTOYA: Iyong paggamit po nitong booster na tinatawag na third dose para sa ilang bakuna, ito po ay pinag-uusapan pa rin po, dahil hindi po ito madaling isyu na sasagutin, dahil maraming mga bagay na kailangang ikonsidera. Unang-una, iyong datos po na magsasabi talaga kung kailangan na ba talagang bakunahan dahil bumaba na ang proteksiyon after 6 or 8 months ‘no. So kailangan pong pag-aralang mabuti. At ikalawa po, tayo po ay tumitingin din sa global supply, dahil alam naman po natin na ang tanong po diyan ay gusto ba natin na bigyan pa ng additional dose ang mga nabigyan na o nakatapos na ng pagbabakuna o unahin muna natin na mabigyan lahat ng Pilipino at least ng bakuna po, makatapos ng bakuna bago tayo mag-isip ng booster para ma-achieve natin iyong tinatawag na population protection o herd immunity. So, lahat po iyan ay pinag-aaralang mabuti ng ating all experts at ng ating Department of Health bago tayo maglabas ng desisyon regarding sa mga tanong na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong si Joseph Morong ng GMA News: Would you know if my shortage ng Tocilizumab at paano po ito? Does it worry you na kailangang-kailangan ito dahil sa dami ng cases? What are the alternatives daw po to tocilizumab?
DOST DIR. MONTOYA: Salamat sa tanong na iyan. Yes, nagkakaproblema po, base po sa ating kaalaman ay nagkakaroon po ng problema sa supply po ng tocilizumab na nangyari na rin po noon na nagkaroon ng increased demand, lalo na ngayon kasi dumadami po ang kaso. Mayroon naman pong mga alternatibo na puwedeng gamitin kung wala po ang Tocilizumab. Halimbawa po ay alam ko po ay inaprubahan na po ng FDA for compassionate use ang Baricitinib. Isa po ito na gamot na puwede ring ibigay para po sa may COVID-19 at mayroon pa pong ibang gamot na tinitingnan para po replacement just in case po na ang mahirap talagang kunin ang Tocilizumab.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon at impormasyon, Director Jaime Montoya mula po sa DOST. Doc, mabuhay po kayo!
DOST DIR. MONTOYA: Yes, maraming salamat po muli at magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Si Senate Committee Chair on Health na mismo ang nagsabi na dapat ay lahat po healthcare workers sa mga COVID referral hospital at mabigyan ng special risk allowance, imbes ang mga direktang may contact lang sa COVID patients. Ang report narito po.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan sa Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po muli si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO at ito ang PUBLIC BRIEFING #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)