SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Balitang IATF muna po tayo: Aprubado na po ng inyong IATF ang bagong community quarantine classification simula Miyerkules, Setyembre a-otso hanggang katapusan ng buwan o Setyembre a-trenta.
Naka-flash po sa inyong screen ang mga lugar na nasa MECQ. Basahin po natin ito:
Ang mga nasa ilalim po ng MECQ ay ang mga Probinsiya ng Apayao, Bataan, Bulacan, Cavite, ang Siyudad po ng Lucena, ang Probinsiya ng Rizal at saka ng Laguna, ang Iloilo Province at ang Iloilo City, at ang Cagayan de Oro City.
Ang mga lugar naman po na mapapasailalim sa GCQ with heightened restrictions ay ang mga Probinsiya ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, Cagayan, Pangasinan, Quezon, Batangas, Naga City, Antique, Bacolod City, Capiz, Cebu Province, Lapu-Lapu City, Negros Oriental, Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Occidental, Caraga at Butuan City.
Ang mga lugar na mapapasailalim po sa General Community Quarantine, kasama po diyan ang National Capital Region, kasama rin po ang Baguio City, Kalinga, ang Abra, ang Benguet, ang Dagupan City, ang City of Santiago, Quirino, Isabela, Nueva Vizcaya, Tarlac, Occidental Mindoro, Puerto Princesa, Aklan, Guimaras, Negros Occidental, Cebu City, Mandaue City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Zamboanga del Norte, Misamis Occidental, Iligan City, Davao Oriental, Davao del Sur, ang General Santos City ang Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Cotabato City at Lanao del Sur.
Ang mga lugar po na hindi ko nabasa ay mapapasailalim po ng MGCQ.
Now, nabanggit ko na po ang National Capital Region ay mapapasailalim po sa GCQ. Magkakaroon po ng pilot dito po sa Metro Manila, at ito po iyong tinatawag nga natin na mga localized lockdowns ‘no. Maglalabas po ang inyong IATF ng guidelines for pilot areas kung hindi po mamaya ay bukas sa ating briefing. Kaya ko po hindi pa inanunsiyo ito, unang-una, wala pong in-approve na resolution tungkol dito sa mga granular lockdowns. Hindi lang po nagkaintindihan kaya may ilan tayong mga kasama na isinapubliko na ito. Pero kung kayo po ay magtatanong ng detalye kung ano ang mangyayari dito sa mga granular lockdowns, wala pa pong detalye kaya ko nga po hindi inanunsiyo. Siguro po kapag lumabas na iyan, at the latest, bukas, masasabi ko po sa inyo kung ano po iyong mga detailed na mga dos and don’ts kapag tayo po ay nag-resort na sa granular or localized lockdown ‘no. Uulitin ko po, ito’y pilot sa Metro Manila. So tama po kayo, baka dumating ang punto na mawawala ang mga community classifications. Pero ipa-pilot po muna natin ito, so hindi pa po iyan sigurado. Kaya nga po ngayong araw na ito ay ibinalita ko po kung ano ang magiging community quarantines mula a-otso ng Setyembre hanggang katapusan.
Now, sa mga ibang bagay naman po: Inaprubahan po ni Presidente Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng inyong IATF na tanggalin ang umiiral na travel restrictions sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia simula ngayong araw, a-sais ng Setyembre 2021.
Ang tanong: Tama po ba iyong sinasabi ni Vice President na wala na ngayong mga countries na naka-travel ban? Hindi po! Ang ginawa na lang nating classification, iyong mga bansang nasa red classification, bawal po pumasok sa Pilipinas. Iyong mga bansa na nasa green at yellow, ang green po, siyempre pupuwede silang pumasok at hanggang pitong araw po ang kanilang quarantine sa facility ‘no, sa quarantine facility. Tapos iyong mga nasa yellow po, sampung araw po sa mga quarantine facilities at apat na araw sa kanilang mga tahanan na supervised po ng ating mga local government units.
Now, paano ba ho tayo nagkaroon ng classification ng red, yellow at green? Well, ito po: Iyong IATF po ay nag-adopt ng yellow and green in addition nga po sa green list. Ang criteria po ay for populations greater than 100,000, the incidence rate cumulative new cases over the past 28 days per 100,000 shall be 50 to 500. Ito po iyong yellow list na moderate countries.
Now, for population less than 100,000 ang COVID cases count, shall be 50 to 500 and the testing rate of test for the past 28 days per 100,000 population as prescribed by the technical advisory group. Iyan po iyong yellow list. Nasaan iyong green list?
Sa red list, sige basahin ko na muna po iyong red list. Pero ang red list po for population greater than 100,000, iyong incidence rate shall be 500 and for population less than 100,000 na COVID-19 case counts shall be more than 500 and testing rate of test for the past 28 days per 100,000 populations ‘no. So I suppose dahil hindi ninyo sinama dito ang green, ibalik natin uli sa yellow.
Anything na hindi umaabot sa yellow, at again, for population greater than 100,000, ang incidence rate shall be 50 to 500.
So the green list countries are iyong mga kaso is less than 50 per 100,000 population. Okay? So malinaw po iyan.
Now, uulitin ko po: Mayroon pa rin tayong mga travel bans doon sa mga nasa red list. Ang green at saka ang yellow, pupuwede pong pumasok, ang pagkakaiba ay iyong number of days sa quarantine facility.
Okay po, ano po iyong mga bayan na ito, mga bansa na nasa iba’t ibang lists? So wala pa pong sa pinal na yellow and green pero mayroon po tayong red.
Ang ating mga nasa green list po ay American Samoa, Anguilla, Australia, Benin, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Republic of the Congo, Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands, Gabon, Hong Kong, Grenada, Hungary, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat, New Caledonia, New Zealand, Niger, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba, Saint Pierre and Miquelon, Sierra Leone, Sint Eustatius, Slovakia, and Taiwan.
Mamaya po ay lalabas iyong yellow list at saka iyong red list.
Inaprubahan din po ng inyong IATF ang soft launch ng VaxCertPH na gaganapin ngayong araw. Bibigyang prayoridad sa unang phase ng pagpapatupad ng VaxCertPH ang Overseas Filipino Workers at mga Pilipinong aalis po paibang bansa kung saan ang place of residence ay Metro Manila at Baguio City. Bubuksan ito sa general public at iba pang mga bagay at a later time.
Usaping bakuna naman po tayo: Nasa 35,838,964 na po ang total vaccines administered, nasa mahigit dalawampung milyon na po or 20,805,610 ang nakatanggap ng first dose. Samantala, ang fully vaccinated ay nasa mahigit labinlimang milyon or 15,033,354 ang nakatanggap ng first and second dose.
Pumunta naman po tayo sa COVID-19 updates: Ang total cases po, Number 14 po ang Pilipinas; ang active cases, Number 17; ang population per 100,000 ay 132; at ang case fatality rate nasa Number 89 po tayo at 1.65.
Sa Southeast Asia, nananatili po tayo na pang—[Wala rin sa Southeast Asia? Ayan o?]
Okay. So, never mind po. Wala yata sa Southeast Asia.
Okay. Nasa 20,019 ang bagong kaso ayon po sa September 5, 2021 datos ng DOH. Sa bilang na ito, nasa 95.4% ang mild at asymptomatic samantalang nasa 2.1% ang severe at critical. Mataas rin po ang atin recovery rate na nasa 90.8%. Mayroon na tayong 1,889,312 na mga gumaling. Samantala, malungkot naming binabalita na nasa 34,234 ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila. Nasa 1.65 po ang ating fatality rate.
Tingnan naman po natin ang ating mga kalagayan sa ating mga ospital: Seventy percent na po ang nagagamit nating ICU beds on a national basis at saka dito po sa NCR; ang isolation beds po natin, 66% ang utilized sa national at 64% naman po ang utilized sa NCR; ang ward beds po, 71% sa national, 73% sa NCR; at ang ventilators ay 57% sa national at 62% sa NCR.
Okay. Kasama po natin DOH Undersecretary Charade Grande at PS-DBM OIC Jason Uayan. Unahin ko na po muna si Usec. Charade Grande.
DOH USEC. GRANDE: Good afternoon.
SEC. ROQUE: Good afternoon, Usec. Grande.
DOH USEC. GRANDE: Good afternoon, Secretary.
SEC. ROQUE: Unang-una ko po ay linawin po natin iyong binili po ng PS-DBM na 1,950 na PPE set. Ano ba ho ang kasama dito sa P1,950? Ito ba ay PPE lamang o may iba pang mga kasama?
DOH USEC. GRANDE: We would like to inform po that the DOH procured complete PPE sets. So, these are the components.
The complete set consists of nine components: Coverall suits; gloves; N95 mask; head cover; shoe cover; surgical mask; surgical gown; apron and face shield.
SEC. ROQUE: Ma’am, sandali po. Ma’am?
DOH USEC. GRANDE: This is to adequately, promptly and fully protect our healthcare workers.
SEC. ROQUE: Ma’am, sandali lang po, isa-isahin natin. Ma’am?
DOH USEC. GRANDE: Okay, sir.
SEC. ROQUE: Una ho, dahan-dahan lang po habang itinuturo ko po sa mannequin. Ano po iyong kabahagi sa binili natin?
DOH USEC. GRANDE: Coverall suit.
SEC. ROQUE: Okay. Iyong coverall suit po iyong nasa loob nito, iyong isang piraso po ng PPE. Okay, pangalawa po?
DOH USEC. GRANDE: Gloves.
SEC. ROQUE: Ito po, itong gloves. Pangatlo po?
DOH USEC. GRANDE: N95 mask.
SEC. ROQUE: Ito po iyong N95 mask. Okay, pang-apat?
DOH USEC. GRANDE: Head cover.
SEC. ROQUE: Ito po, sa loob po iyang head cover. Ito po iyong nasa loob ng coverall PPE. Okay.
DOH USEC. GRANDE: Shoe cover.
SEC. ROQUE: Ito po sa ilalim iyan iyong shoe cover. Iyon, iyong suot-suot po sa shoes. Ewan ko kung nakita ng camera. Okay.
DOH USEC. GRANDE: Surgical mask.
SEC. ROQUE: Ito po, iyong sa loob ng N95 mayroon pong surgical mask. So, dalawa pong mask iyan. Okay.
DOH USEC. GRANDE: Surgical gown.
SEC. ROQUE: Iyong surgical gown po itong blue na nasa ibabaw ng PPE.
DOH USEC. GRANDE: Apron.
SEC. ROQUE: Tapos ito po iyong apron.
DOH USEC. GRANDE: And then face shield.
SEC. ROQUE: At saka face shield. So, ang kabuuan po niyan, 1,950, correct po?
DOH USEC. GRANDE: Correct po. Nasa range po ng nasa P1,700 to less than P2,000 po.
SEC. ROQUE: Okay. Pero sa 1,950 hindi ba ho may tax pa iyan? 12% tax?
DOH USEC. GRANDE: Yes, Sir.
SEC. ROQUE: So, ire-reduce mo pa iyong 12% tax, correct?
DOH USEC. GRANDE: Yes po, Secretary.
SEC. ROQUE: Kaya po ang lumalabas, ang binili natin, ng PS-DBM is P1,950 less 12% tax kaya pumapatak po ng P1,700, correct po?
DOH USEC. GRANDE: Yes, Mr. Secretary.
SEC. ROQUE: Can someone reduce right now? Calculator baka tayo ay nagkakamali. 1,950 less 12% tax is? Ano ba iyan ang tagal naman niyan? 1,716. So, ang binili po ng DOH, 1,716.
Ang sunod kong tanong, Usec. Grande, eh sinasabi noong ilang mga tagapagsalita na hindi daw apples to apples. Eh, ano ba ho ang binili ng PS-DBM para sa DOH? Pupuwede ba hong magkaiba ng standard at specification noong binili seven days matapos ang Administrasyon ni Presidente Aquino at doon sa binili ng PS-DBM? Puwede ba hong specs iyan?
DOH USEC. GRANDE: Yes, Mr. Secretary. Ang quality po na binili na PPE ng Department of Health para po sa ating COVID-19 response, ang technical specifications po ay naaayon po sa standards ng WHO.
Ang PPEs po na idineliver po sa atin, it was inspected, verified and found to be in order and in conformity with the technical specifications po that was set by the DOH. Further po, not a single complaint up until today po, wala pa po tayong nari-receive na complaint on the quality of the PPE po na-procure at nagamit po ng ating healthcare workers as regards to its functionality and performance specifications.
Over to you, Mr. Secretary.
SEC. ROQUE: Yes. Well, okay. So what about iyong binili po nila sa previous administration seven days before the end of the Aquino Administration? Ang tanong ko po, kayo naman po have you been with the DOH under both Aquino and Duterte Administration?
DOH USEC. GRANDE: No, sir.
SEC. ROQUE: No.
DOH USEC. GRANDE: I was not part of the previous Administration, Mr. Secretary.
SEC. ROQUE: My question is, puwede ba hong nagbago iyong specs noong bumili sila na 3,800 sa specs na binili natin under the Duterte Administration?
DOH USEC. GRANDE: Ang DOH po, sa lahat po ng kanilang mga binibili, kagaya po ng mga PPEs po, ay niri-reference po ang WHO po, Sir.
SEC. ROQUE: Okay. So, common.
DOH USEC. GRANDE: Ang standards po ng WHO.
SEC. ROQUE: Common standards of the World Health Organization. Now, ang sabi po kasi nila, 3,800 iyong binili nila; 1,700 iyong ating binili kasi daw po may warranty. Tayo ba ho sa Administrasyon ni Presidente Duterte, kapag nagamit ng isang beses isang buong set anong ginagawa natin?
DOH USEC. GRANDE: Dapat po kailangan pong i-dispose po agad ang nagamit na pong PPE.
SEC. ROQUE: Ah okay. Kasi ang explanation noong isang babae eh may warranty daw sila. So, tayo, humihingi ba tayo ng warranty given na disposable ito?
DOH USEC. GRANDE: Hindi po dahil nga po disposable po agad ito considering po COVID-19 po ang pinag-uusapan po natin, Mr. Secretary. Kailangan po natin maging maingat.
SEC. ROQUE: Oo. Could it be na iyong kanilang presyo na 3,800, less 1,700 sa atin iyong difference is because of the warranty?
DOH USEC. GRANDE: Hindi ko po masabi, Mr. Secretary.
SEC. ROQUE: Kasi pupuwedeng kababalaghan din po, hindi ba ho ‘no?
DOH USEC. GRANDE: Hindi—
SEC. ROQUE: Anyway, we leave that to the people to judge the billion peso issue bakit 3,800 less 1,716 for a nine-piece set of PPE. Kayo na po ang maghusga dahil lahat naman po iyan nakabase sa common WHO standards. Well, thank you very much, Usec. Grande.
Now, Usec. Grande, can I also discuss daw the details of the granular lockdowns na ipa-pilot sa Metro Manila o wala pa po?
DOH USEC. GRANDE: As to the granular lockdowns po, Mr. Secretary, we have the official spokesperson for IATF, so I will have to defer to you po, Mr. Secretary.
SEC. ROQUE: Maraming salamat. Kasi wala pa pong detalye na naibibigay sa akin ‘no. What I can say as of now is ang granular lockdowns, ang magdi-decide po diyan are provincial governors and municipal mayors at pupuwedeng ma-reverse ng IATF ang mga granular lockdowns.
Ang alam ko rin po at sinasabi ko nga po, isasapinal iyan kaya po hindi natin in-announce last week para sana noong isahang announcement na lang na kumpleto. The granular lockdown does not have to be an entire barangay. It can be a street, it can be a house, it can be a community. It should be as granular as we can.
At kaya naman po natin pina-pilot ito, nakita natin na maski tayo po ay nag-ECQ ay parang hindi masyadong bumaba ang mga kaso although I’d like to stress na according to the FASSSTER projections ay talagang we’re on track naman po, kaya lang mataas talaga ang mga kaso.
Pero ang tingin ng mga eksperto, mas epektibo po kung tayo po talaga ay magpapatupad ng systematic at scientific granular lockdowns. Okay? So ‘antayin na lang po natin ang mga detalye, paplantsahin po ‘yan today and tomorrow.
Kasama din po natin ang PS-DBM OIC Jayson Uayan ‘no. Mr. Uayan, again nga po pakisagot: Bakit ibinigay sa PS-DBM ng DOH iyong pagbibili ng mga roughly 42-billion worth of PPEs at iba pang kinakailangan na pinondohan po sang-ayon po sa Bayanihan 1 and 2?
PS-DBM OIC ATTY. UAYAN: Good afternoon, Mr. Secretary. Allow me to lay down the legal basis for which the procurement of the PPE was transferred and handled by PS-DBM:
The first legal basis is: The Letter of Instruction No. 755 which refers to the establishment of an integrated procurement system for the national government and its instrumentalities; specifically, it provided that PS-DBM is tasked to implement the provisions of the aforementioned LOI including the procurement of common use supplies and equipment.
The second legal basis is: The GPPB [Government Procurement Policy Board] Resolution 03-2020 wherein the GPBB approved a list of items submitted by the DOH needed to address the current state of public health emergency for inclusion in the list of common use supplies and equipment.
The third legal basis: For the purposes of centralizing certain functions, the functions of the Supply Coordination Office were initially transferred to the PS-DBM under Section 4 of Executive Order No. 285 which states that the functions of the Supply Coordination Office are hereby transferred as follows: to the Procurement Service Department of Budget and Management, operation of a government-wide procurement system for common use office supplies.
Fourth legal basis: EO 285 and LOI 755 were reiterated in Section 2 of EO 359 which states the Procurement Service of the Department of Budget and Management and its Interagency Bids and Awards Committee created under the Letter of Instructions No. 755 shall be maintained as the regular organizational units to implement and operate as central procurement system.
Fifth: Section 4 of Administrative Order 17 provides the following: Common use supplies shall be procured directly from the Procurement Service or its depots without need of public bidding as provided in Section 53.5 of the IRR of RA 9184.
The sixth legal basis is the DBM Circular 2013-40 which only requires the submission of an annual procurement plan for common use supplies and equipment by all national government agencies and other procuring government entities.
The seventh legal basis is: The manual of procedures for the procurement of goods and services volume 2 issued by the GPPB, pertinent portions of which are as follows: How does a procuring entity procure through the PS-DBM? The following steps are undertaken in the procurement: For the procurement of common use supplies, the procurement unit or office obtains from the PS-DBM its latest price list of common use supplies. It then prepares the APR where it will indicate the description, quantity and price of the goods that will be procured.
The 8th legal basis, Mr. Secretary, is found under Section 53E of RA 9184 which likewise provides the following: Subject to the guidelines specified in the IRR, purchases of goods from another agency of the government such as the Procurement Service of the DBM which is tasked with a centralized procurement of commonly used goods for the government in accordance with Letters of Instruction No. 755 and EO No. 359 Series of 1989.
The ninth legal basis is: The specific guidelines under Annex H of the IRR of 9184 expressly exempting agency-to-agency agreements for procurement of CSEs from the PS-DBM. Section A of it states: Agency-to-agency agreements shall be governed by the guidelines unless otherwise provided by a special law such as in the case of procurement of printing services from recognized government printers and procurement of common use supplies and equipment from the PS-DBM.
Lastly, Section 4K of RA 11469 provides to undertake the procurement of the following as the needs arise in the most expeditious manner as exemptions to the provisions of RA 9184 or the Government Procurement Act and other relevant laws.
Those are the legal basis, Mr. Secretary.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, OIC Jayson Uayan.
Now babalik ko lang po kayo sa mannequin ‘no. Nakita ninyo po iyong sa kaliwa, iyon po ‘yung 9-piece set. Pero dito sa kanan hinubaran ko po at para mapakita sa inyo kung ano iyong itsura ng PPE na WHO standard ‘no. Hindi po ‘yan made of cloth ha, hindi po ah. So makikita ninyo po, ‘yan iyong one-piece overall. Pero iyong presyo pong P1,950 less 12% tax na P1,700 plus is the whole 9-piece ensemble.
Okay. Punta na po tayo sa open forum. Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque at sa atin pong mga bisita.
Mayroon lang pong clarification si Jo Montemayor ng Malaya, pati rin po si Karen Lema ng Reuters: Kung approved na po ni President Duterte ang granular lockdown for Metro Manila at mga community quarantine classifications for the rest of the country?
SEC. ROQUE: Tapos na po ang approval ng community classification. In principle po sinabi ko naman po na itong pilot sa Metro Manila na granular lockdowns is already approved kaya lang po ang detalye ay ilalabas pa po either mamaya or bukas.
USEC. IGNACIO: Opo. From Leila Salaverria ng Inquirer, iyong unang tanong po niya about granular lockdown pero sabi ninyo nga po ididetalye pa. Ang second question niya: What kind of assistance can the government provide to PAL and other airlines as they struggle to survive the pandemic? Is it willing to waive certain charges that the government collect from them? If yes, which one?
SEC. ROQUE: Unang-una po, tumutulong na po ang gobyerno kasi alam natin na kinakailangan hindi mawala iyong sinasakyan ng mga Pilipino lalung-lalo na mga OFWs at kinakailangan patuloy nating magamit ang ating mga flag carriers pag-angkat po ng mga supplies at saka ng mga bakuna. So na-confirm ko na po na marami na pong mga charges ang winaive ng gobyerno at kasama na po dito iyong mga landing fees at saka iyong mga aerodrome fees.
Bukod pa po dito, mayroon po ngayong proposal ‘no kasi doon sa rehabilitation plan ng PAL eh mayroon silang exit financing na mga 150 million dollars. Ngayon po ang mga nagpapautang ay mga dayuhang mga financial institutions. Pero this is without prejudice po for our Landbank and DBP to also provide part of iyong kinakailangan na exit financing pero wala pa pong desisyon. Now by the time po kasi magkaroon ng exit financing, hindi na po insolvent ang PAL so they can already avail of loans from our Government Financial Offices ‘no, GFOs.
USEC. IGNACIO: Iyong third question po niya: What is the government’s plan para daw po sa workers ng PAL who could be affected by its bankruptcy filing and restructuring?
SEC. ROQUE: Wala na pong maaapektuhan. Nag-retrench na po ang PAL ng mga 2,300 bago po sila nag-file for bankruptcy so wala na pong inaasahan na additional retrenchment ang PAL.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Yes. Ang susunod po ay si Mela Lesmoras, please.
MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque at sa ating mga tagapagsalita. Secretary Roque, linawin lang po natin iyong para sa NCR. Bale ang ibig sabihin po ba nito ay aside from GCQ ay magkakaroon talaga nang masinsinang granular lockdowns? Puwede po bang pakipaliwanag po natin, elaborate further iyong magiging sistema po para sa NCR simula sa September 8?
SEC. ROQUE: Alam na po natin ang regime ng GCQ. Alam na po natin na magkakaroon na naman tayo ng mga restaurants, magkakaroon na naman tayo ng up to—ilang percent? 10% na religious gatherings so allowed na po ‘yan. Now alam na rin natin ang anyo ng granular lockdowns, it can be on a per house basis or it can be on a per street basis, it can be on a district basis, it can be on a barangay basis. Ang sigurado po tayo ngayon ay dahil GCQ naman ang Metro Manila, wala pong ECQ sa buong Metro Manila.
So what I do know of the granular lockdown is what we have already implemented by way of granular lockdowns. Kung mayroon pong mga additional na mga detalye, ‘yan po ay isasapubliko natin bukas.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And kailan kaya malalaman, sir, ng publiko iyong mga updates mismo mula naman kay Pangulong Duterte? May Talk to the People po ba mamaya at ano po iyong mga inaasahan nating madi-discuss if ever?
SEC. ROQUE: Wala pong Talk to the People mamaya ‘no. Ang problema po kasi ang daming pagpupulong ni Presidente as you probably have noticed na last po kasi ang Talk to the People at hindi na umaabot for broadcast for the same day dahil natatapos na kami ng ala una or alas dos. So ngayon po kinansel muna ang Talk to the People dahil punung-puno po iyong schedule ng Presidente.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. At pero mayroon po this week, sir?
SEC. ROQUE: I think magkakaroon naman po this week. Kaya lang ang ginagawa namin ngayon is as much as possible ‘pag may Talk to the People, walang ibang agenda si Presidente so we can broadcast on the same day.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. At panghuli na lamang pong katanungan, Secretary Roque, para lang din po mas malinaw sa ating mga kababayan: Ano po ba iyong maitutulong sa pagpapababa ng case kapag pinaigting talaga natin iyong granular lockdown imbes na iyong mga malawakang community quarantine po?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po ‘no, ang talagang magpapababa niyan ay MASK, HUGAS, IWAS at kung pupuwede na po, BAKUNA ‘no. Pangalawa kinakailangan po iyong mga local government units ay talagang pinapaigting dapat iyong kanilang prevention, detection, isolation, treatment and reintegration ‘no.
Now kaya po tayo nagri-resort sa granular lockdown, ito po ‘yung mga kasong kumpirmado in a certain geographical area. Now ang alam ko po mas mahigpit ang lockdown na ito kasi ang mga APORs pupuwedeng lumabas pero hindi na pupuwedeng bumalik. Ibig sabihin wala na pong labas-pasok kapag mayroon nang granular lockdown – that’s one of the new features that I can tell you ‘no.
So talagang istrikto po ang lockdown at magbibigay tayo ng ayuda doon sa mga naka-lockdown. So iyon po ‘yung diperensiya, pati po APOR – pupuwedeng opportunity na lumabas isang beses pero hindi na pababalikin. So talagang walang lalabas doon sa mga areas under localized lockdown kaya nga po sa tingin natin magiging mas epektibo ito.
MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po Secretary Roque at sa ating mga panauhin.
SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Yes, we go to Usec. Rocky please.
USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, iyong unang tanong ni Tuesday Niu ng DZBB natanong na rin ni Mela Lesmoras: kung anong klaseng APOR ang papayagan na makalabas kapag naka-lockdown. Ang second question niya: ‘Pag granular lockdown ba isang lugar o barangay, papayagan bang makabukas ang mga negosyo na sakop ng lockdown like grocery store, palengke, panaderya, laundry at iba pa?
SEC. ROQUE: Well, siguro po ‘antayin na lang natin ang detalye kasi kakaiba nga po itong lockdown na ito – wala talagang dapat movement kapag naka-localized lockdown – and I hesitate to answer now kasi hindi pa binibigay sa akin ang detalye.
Again, kaya ko nga po hindi po inanunsiyo ahead of time ito kasi this is exactly what I was trying to avoid ‘no na mayroong initiative na hindi ko naman tinago dahil previously sinabi ko naman approved in principle ‘no. Pero hindi ko na po inulit dahil wala pa iyong detalye so let’s just wait for the details.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question niya: ‘Pag daw po ba sinabing granular lockdown, ibig sabihin wala nang ECQ, MECQ, GCQ at MGCQ?
SEC. ROQUE: As part of the pilot, yes ‘no. Pero titingnan po natin kung magiging successful ‘yan kaya nga po pilot ang gagawin natin.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Okay. Punta naman tayo kay Ivan Mayrina, please.
IVAN MAYRINA/GMA7: Magandang hapon po salamat, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Magandang hapon, Ivan.
IVAN MAYRINA/GMA7: So this granular lockdown concept along with the lifting of the travel ban seems counter intuitive to a lot of people dahil ginagawa po natin ito kung kailan consistent na nasa 20,000 level iyong new cases natin. Can you explain to us, Secretary, why is this a better option given our current situation now?
SEC. ROQUE: Number one, let me correct you. Mayroon pa ring mga countries that will be covered by a travel ban, the red countries. So, let’s make that very clear. Para kasing iyong sinabi ni VP ‘yan eh na bakit wala nang mga countries na mayroong ban. Mayroon pa po, nasa red list po ‘yan.
Pangalawa, now we know what we did. Tayo’y nag-ECQ, tayo’y nag-MECQ and all the while we are on track with the FASSSTER projection. Eh ang FASSSTER projection po talaga is we will be between 37,000 and 22,500 all the way until end of September so mukhang tama naman iyong projections ng FASSSTER.
Pero ngayon po, the truth of the matter is apparently iyong ECQ as we practiced it may not be enough. So we’re trying to come up with a new strategy kaya nga po itong localized lockdown na ito, granular, is not the same granular lockdown that we knew.
One innovation is kung ika’y APOR, you can leave but you can no longer go back until matapos iyong granular lockdown; wala talagang labas-pasok.
For APORs you can leave once, ‘yan po iyong naaalala ko sa isang innovation ‘no and the rest we will announce later ‘no.
So it will be literally a complete lockdown kapag ikaw ay subject to granular lockdown at pati pagkain ibibigay na po ng gobyerno doon sa mga lugar na covered by granular lockdowns.
IVAN MAYRINA/GMA7: Okay. Very crucial po sa success itong bagong strategy na ito ay ang tamang pagpapatupad ng ating mga LGU. Basically, it’s really up to them na i-execute po ito nang tama. What have we done to capacitate the LGUs para masiguro pong magawa nila ito nang tama?
SEC. ROQUE: Well, unang-una, LGU naman talaga nagpapatupad na nito. Okay? Sila talaga iyong may kakayahan na magpatupad ng granular lockdowns ‘no. Pangalawa, this was done in consultation with them. Kaya nga po hindi ko inanunsiyo right after the IATF meeting is [because] the following day, eh magkakaroon pa ng pagpupulong with the mayors. Kaya intentionally, wala naman po akong sinabi noong matapos – noong Biyernes – because this was discussed on a Thursday afternoon, dahil I wanted to wait until after the consultations with the mayor. So we are finished with the consultations with the mayor, kaya nga po iyong detalye ng ilalabas natin will already consider the inputs from our mayors.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Okay. Where does our healthcare utilization figure into this new strategy, Secretary? Kasi ang mga healthcare workers po humihingi na ng timeout and may mga assertions that the numbers do not reflect the actual situation on the ground?
SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo, unang-una, lahat po ng mga numbers natin are the numbers recorded by our laboratories. So iyong mga numero po as to actual cases ay that’s based on the best effort na nanggagaling din po, hindi lang sa laboratories, kung hindi rin po sa local government units. So, it may not be perfect but it’s close to the actual situation on the ground.
Pangalawa, hindi naman po natin ilalagay din sa lower standards kung talagang iyong attack rate at saka iyong hospital care utilization ay hindi po parehong below critical. Kasi kung parehong critical iyan, eh talagang hindi natin aalisin sa mas mataas na quarantine classification. Kaya lang po natin ipapatupad ito sa Metro Manila, bagama’t kritikal po ang ating healthcare utilization rate ay bahagyang bumagal na po iyong pagkalat ng sakit lalung-lalo na iyong tinatawag nating R-naught. Ang problema nga lang po, maski napababa natin ang R0, talagang sadyang mas nakakahawa itong Delta, so mas marami iyong numero. So iyong kaniyang pagmu-multiply, maski mababa na iyong R-naught, marami pa rin iyong numero. Pero as we said, mabuti na lang po ay halos 50% na ang vaccination rate sa Metro Manila and, I think, that is the reason why hindi pa rin completely overrun ang ating mga health facilities – nagpapakita kung bakit dapat lahat po ay magpabakuna.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Okay, one final point with your indulgence, Sir. VP Leni had a number of things to say about the government’s pandemic response. Isa po: “Ang daming puwedeng gawin basta areglado ang pag-manage sa lahat. Ngayon parang kanya-kaniya pa rin kahit may IATF, walang kumukumpas, parang walang konduktor. Gusto ko ngang mag-volunteer, ang kaso mahirap mag-volunteer kung hindi ka naman mabibigyan ng blanket authority”. Welcome po ba ang tulong ni VP Leni, Secretary?
SEC. ROQUE: Sabihin na lang natin ang mga sinasabi ni VP Leni, you need to consider in connection with her ongoing advertisement. Pulitika lang po talaga. So to complement her paid advertisement for whatever position she will run, kasama na po diyan iyong mga sinasabi niya sa gobyerno.
Pero ibabalik ko na lang po kay VP Leni iyong quote ng WHO kasi nga po sabi ko from now on, I will not justify what the government has done with COVID, kasi that will be self-serving. Kaya ibabato ko po muli kung ano ang sinabi ng WHO. Hindi ba, Ivan, maniniwala naman tayo sa WHO dahil hindi naman iyan kabahagi ng ating pulitika. So, intindihin na lang po ninyo lahat na manggagaling sa bibig ni VP Leni, isabay po ninyo iyan sa jingle niya na pinatutugtog at alam na ninyo kung bakit sinasabi niya iyan, it’s election 2022. Pero hindi na po ako magsasabi kung tama o mali ang ginagawa ng gobyerno sa COVID kasi nagsalita na ang WHO.
Kaya nga po si Jovan ngayon naghahanap na naman, pero ang sabi ko nga ay dapat ready iyan ‘no dahil hinding-hindi na ako sasagot doon sa mga sinasabi ng oposisyon. Ipauubaya ko na sa tunay na mga eksperto kagaya ng WHO. So, Jovan, nasaan na ang sinabi ng WHO? Sandali lang, Ivan, niri-retrieve na natin ulit kasi ‘di ba, kahit anong sabihin ko, Ivan, pareho pa rin ang sasabihin ni VP Leni. So dito na lang tayo sa WHO.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: So, not welcome ang pambubolang sasabihin ni VP Leni at kung sino man sa oposisyon?
SEC. ROQUE: Babalikan po natin iyan kapag nahanap na ni Jovan.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: It’s all right, Sec., narinig na narinig iyan. Thank you very much.
SEC. ROQUE: Pero hindi, kailangang ulitin para maintindihan nila. In context, what she says is with the jingle, in fairness, maganda naman iyong jingle niya, medyo napapasayaw pa nga ako nang kaunti. Pero huwag po ninyong kakalimutan, pulitika na po ngayon. So habang naririnig ninyo ang mga pula ni VP Leni, sayawan na lang ninyo iyong kanyang jingle.
Okay, ito ang sabi ng WHO. Country Rep. Rabindra Abeyasinghe, “I believe they have a very good comprehensive plan. What we are concerned about is oftentimes the actual rollout faces challenges although you plan very well.” Mayroon pa pong isa iyan. Mayroon pa po, “All these showed, you have prepared and used the lockdown wisely to deal with the pandemic and the reflection is that you have managed to prevent a large number of deaths like we have seen in several other countries.”
May isa pa po iyan iyong doctor na Hapon. So, iyan po, hindi ko na po sasagutin iyong mga sinasabi, other than sayawan na muna ninyo iyong jingle niya, tapos doon ninyo i-consider ang sinasabi niya.
Dr. Takeshi Kasai, “The government has been putting a significant effort in vaccinations. And I was very happy to hear yesterday that the vaccination coverage already reached about 95% and for the elderly, the phase is already going up and reach more than 46%. I wanted really to encourage people to get the vaccine when your time comes.”
So, iyan na po ang sagot ko. Kapag kayo magtatanong po uli na kung tama o hindi ang response ng gobyerno, ito lang po ang isasagot ko ngayon dahil hindi po iyan self-serving.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you, Ivan. Yes. Usec. Rocky please.
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. Tanong ni Rosalie Coz ng UNTV: May open letter ang People’s Television Employees Association kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng umento sa sahod partikular ang mas makatarungang Complimentary Salary Adjustment para sa mga empleyado po nitong 15 taon na sa istasyon. Ano ang aksiyon ng tanggapan ni Pangulong Duterte kaugnay nito dahil kailangan ng approval ng Presidente?
SEC. ROQUE: Hahayaan na muna namin na kayong dalawa ni Secretary Martin Andanar deal with this.
USEC. IGNACIO: Ang kasunod po niyang tanong: Ano ang masasabi ng Pangulo sa umano ay demoralizing situation ng mga empleyado sa PTV na karamihan dito mga frontliners at nasa operations?
SEC. ROQUE: Again, I will have to defer to what Secretary Andanar and you will have to say about this.
USEC. IGNACIO: Okay, thank you, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you, Pia Rañada, please.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sec, just on the granular lockdowns. Is it right to say that this new system means that mayors and governors will be more independent? Kumbaga may flexibility for them to decide on these lockdowns and they’ll no longer wait for the national government? Or will DOH still be involved in the decisions on the lockdowns?
SEC. ROQUE: Well, alam mo ever since ang mga local government officials ang siyang nagdi-decide kung ano iyong mga areas subject to localized lockdown. So in that sense, they don’t have to be more independent, sila na po ang gumagawa niyan. Pero I understand, iyong bago naman dito is the fine-tuning of the concept itself, mas mahigpit po ang gagawin nating lockdown at diyan naman papasok iyong shared responsibility ng pagpo-provide ng ayuda doon sa mga areas that will be put on localized and granular lockdowns.
PIA RAÑADA/RAPPLER: So, does that mean, kasi right now, every two weeks, we decide on a new quarantine classification for Metro Manila, so with this new system does it mean na itong GCQ will last longer than two weeks, paano ba?
SEC. ROQUE: Let’s just say, we are on pilot yet. Titingnan po natin kung talagang mas epektibo nga itong mas pinaigting nating localized granular lockdowns. If it proves to be more successful, despite the fact that we have projections from FASSSTER, then we will implement it. Iyon po iyong nature ng pilot, to find out if it will work.
PIA RAÑADA/RAPPLER: And, Secretary, what’s the latest on the decision on face-to-face classes? I understand it’s supposed to be discussed in the Cabinet meeting. Will this meeting happen and ano na po ang nasabi ng Presidente about this?
SEC. ROQUE: Okay, sa isang Talk to the People I brought this up to the President, okay. At ang sabi ko nga po, ang magpipresinta sa kanya hindi lang Department of Education, kasi ang isyu ng face-to-face has ceased to be a purely education issue. It is a multi-disciplinary issue now involving the health department because of mental health issues, effect to the children and the lack of socialization on the children as well as an economic problem because we are dealing with the generation that could possibly be lost as a result of iyong hybrid na ini-implement natin. seized
So we agreed that a small group will present to the President. So, it’s not really a Cabinet meeting that is important, but iyong small group that in principle the IATF has agreed to will make that presentation to the President.
Now, ang initial reaction ng Presidente, kung talagang pilot at sa mga areas na mababa talaga ang kaso, he may allow it. Pero dapat pilot muna and areas na mababa talaga ang kaso. Just do that we could as I said pilot it and see if it works, if it can be implemented in other areas.
PIA RAÑADA/RAPPLER: When will this meeting take place?
SEC. ROQUE: Well, I wanted to schedule it as early as possible, but we are coordinating. Kasi useless to discuss it in a big body like a Cabinet meeting. I really wanted to be in intimate meeting with the President, just on the topic.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, just on the 2022 proposed budget. Many citizens and lawmakers are questioning why there was a 170 million budget cut from RITM which is our premier testing center and laboratory. Sir, can you explain this? Why the cut?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, pagdating sa testing, hindi naman po RITM lang ang nagti-testing. In fact, napakadami na po nating testing. We started with RITM as the lone laboratory. But now—ano na bang last figure natin? Hindi ko memoryado ‘no. But we are now doing 72,000 tests a day ‘no. And ang number of laboratories natin is thousands already ‘no, if I’m not mistaken. So but I’m sure there are other reasons behind this. So ang pagdating natin sa testing, we’re now relying almost exclusively—not exclusively naman, but to a very large degree on the private sector.
PIA RAÑADA/RAPPLER: But, sir, iyon nga, doesn’t that jack up the cost then to the consumer if there is a big public institution doing it, wouldn’t this lower cost? And everyone naman says na, even si Testing Czar Vince Dizon says that we need to test more. So why not even just restore the old budget of RITM, instead there was an actual reduction in its budget? Like many people don’t see the logic in this.
SEC. ROQUE: I don’t personally know why, pero kung testing ang pinag-uusapan, it’s because a huge chunk of our testing is now being undertaken by the private sector ‘no. Now, as to the cost, I hope it will go down ‘no kasi nga mayroon naman tayong incentives for machines that are donated and the testing kits that were donated, dapat hindi po kapareho ng singil kapag hindi po iyan donated ‘no.
At saka I believe, with market forces too, the prices will also go down. In fact, mayroon na pong pinag-uusapan muli na bagong price ceiling pagdating sa PCR testing. Antayin lang po natin kung ano iyong magiging bagong price ceiling, but I believe it will become a lower price ceiling.
PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Thank you, Sec.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Pia. Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes, tanong ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Vice President Robredo called Malacañang’s move to question the Aquino administration purchase of PPE a lame attempt to divert the issues raised against the DOH and PS-DBM. How do you wish to respond?
SEC. ROQUE: Spoken like a true candidate for 2022. The fact remains, we are compliant with WHO standards, napakalaki po ng diperensiya for them to wiggle their way out of this reality and fact – 1,700 as against 3,800. And people of the Philippines, tingnan ninyo po kung ano ang binili natin, kumpletong-kumpleto po, nine-piece po iyan at it is based on WHO standards. Ang nakikita ninyo po ngayon ay iyong PPE lang, pinahubaran ko po si babaeng mannequin para makita iyong overall na PPE, pero si lalakeng mannequin po has the nine-piece suit that we bought for 1,716 as against 3,800.
Now, kung hindi pa kayo kumbinsido, well, iyon nga po ‘no, anything that comes out now, of the mouth of the Vice President, please construe it together with her jingle for 2022.
USEC. IGNACIO: Second question po: Vice President Robredo expressed disappointment that the government is relaxing the country’s travel restrictions imposed on ten countries, including UAE, despite the persisting threat of COVID-19 variant. What was the basis in relaxing travel curbs? And how will the government ensure that travelers entering Philippines are not COVID carriers?
SEC. ROQUE: Again po, usaping pulitika lang iyan. Unang-una, mayroon pa po tayong mga travel bans, ito po iyong mga red countries. Pangalawa, patuloy pa rin po nating pinapaigting ang ating border controls kasi hindi po natin binabago iyong quarantine protocol. Ngayon po iyong mga countries na nasa red dati, ngayon po ay nasa yellow ‘no kasama na iyong UAE. Pero kasama pa rin po iyan iyong mandatory 10-day facility quarantine at four days na LGU supervised home quarantine – 14-day quarantine pa rin po iyan.
Now, if I remember correctly po, magugulat kayo, may mga ibang bansa na napakataas na rin po ng vaccination rate ay nasa red ngayon kasi mataas iyong kanilang mga kaso. Pero I will defer until the final list is released.
USEC. IGNACIO: From Red Mendoza ng Manila Times to Atty. Charade: Will the IATF consider suggestions to reopen other sectors na hindi pa nagbubukas for the past 15 months like cinemas, arcade centers and other non-essential activities as long as masusunod naman ang minimum health standards?
DOH USEC. GRANDE: Again po, Usec. Rocky, our official spokesperson for IATF is Secretary Harry po, so we’ll defer po to Secretary Harry po. Over to you po. Thank you.
SEC. ROQUE: Sa ngayon po ay hindi pa rin nababago ang ating negative list. So the negative list remains, at kasama pa po diyan iyong ating mga movie houses. But we will see po ‘no. Dahil talaga naman pong as Metro Manila reaches population protection, ang riyalidad po is we can be more open as far as the economy is concerned. But hindi pa po napag-usapan iyong revoking the negative list; nandiyan pa rin po iyong negative list.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano raw po ang masasabi ninyo sa mga nagsasabi na parang may underreporting ang kaso ng COVID-19 sa ating bansa at tayo ay natatalo na sa laban sa COVID-19?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, iyong pagsipa ng kaso is worldwide. Totoo po kung may underreporting ay lalabas at lalabas naman po iyan. Dati po, panlima tayo sa Southeast Asia; ngayon po, pangatlo na tayo sa Southeast Asia. So kung may underreporting, siguro hindi naman lalabas itong ganito. But for the longest time, we were number 5. Pero ang diperensiya naman po tignan ninyo ‘no: 157 as against Indonesia’s 155, as against Thailand’s 152. So we’re now Number 3 in Southeast Asia. There is no underreporting po because that is the honest to goodness reports of the laboratories and the local government units.
USEC. IGNACIO: From Llanesca Panti ng GMA News Online: Congresswoman Brosas said that proposed 2022 budget includes a ten-billion growth equity fund for LGUs which she called a ten-billion pork barrel variant since LGU beneficiaries are not identified. Do you agree with this?
SEC. ROQUE: Guni-guni lang po iyan. Ano ba ho itong tinatawag na equity fund? Ako po iyong isa sa tumayong abogado ni Governor Mandanas para diyan sa Mandanas ruling. Ang sabi po ng ruling na iyan, kinakailangan kasama sa IRA na automatically released sa ating mga lokal na pamahalaan iyong Customs duties at pati iyong value-added tax na dati-rati ay hindi po kasama.
So ang mangyayari po ngayon sa taong ito, iyong sinumite nating budget sa Kongreso, 2022, kauna-unahang pagkakataon, ibibigay po natin iyong mas malaking IRA sa mga lokal na pamahalaan, equivalent to 37% more, more or less, iyong kanilang additional na IRA.
Pero kapalit po nang mas mataas na IRA, nandiyan din iyong mas maraming devolved na services ‘no, kasama na iyong mga serbisyo ng DSWD, ng Department of Agriculture at saka ng Department of Health.
Ngayon, ang problema po, hindi lahat ng mga lokal na pamahalaan ay gaya ng Makati na mayaman. Mayroon po talagang mga munisipyo na fourth class, fifth class, sixth class. Ito po iyong maski gawin mong 37% more ang kanilang budget, hindi po sapat para sagutin iyong gastos dati ng DA, DOH at saka ng DSWD. So diyan po papasok iyong equity fund. Ibibigay po natin ito sa mga fourth, fifth and sixth class municipalities. Kung hindi po iyan specified, well, at least masasabi po iyan sa Kongreso that will go to the fourth, fifth and sixth class municipalities, at alam naman po natin kung sinu-sino itong mga munisipyong ito.
So, iyan po iyong tinatawag na equity fund. Iyan po ay nakasaad sa EO 138 kung saan pinaghahanda na ng Executive department ang lahat ng national agencies at LGUs na gumawa ng kanilang devolution plan.
USEC. IGNACIO: From Cresilyn Catarong ng SMNI: Secretary Roque, sinabi raw po o ipinahayag ni Mayor Isko na dapat magtatag na raw ng dagdag na ospital at minungkahi niya na huwag nang bumili ng face shield. Ito po ang sinabi niya, I quote, “Isang taon at ilang buwan na, wala pa silang naitatatag na ospital. These are the things nagulat tayo, bilyun-bilyon ang ginastos ninyo sa face shield, eh sa akin pahirap lang sa tao iyan. Gastos lang iyan sa tao. Gamitin natin ang face shield sa ospital. Huwag nating i-require ang tao. Wala nga tayong naibibigay na trabaho, pinapagastos pa natin ang tao. Wala namang science. Tayo na lang sa buong mundo Pilipinas o sa buong mundo, I mean, magaling ba tayo sa kanila? Iyon pala bilyun-bilyon ang gagastusin nila. Ako panawagan ko bilang mamamayan, bilang COVID survivor, gamot na muna kaysa plastic iyon ang bilhin.”
Bukod dito, nanawagan din po ang Alkalde ng Tocilizumab at Remdesivir ang bilhin at hindi face shield. Ano raw po ang masasabi ninyo?
SEC. ROQUE: Well, kaibigan ko po itong si Yorme ‘no. Pero gaya po ni VP, eh kandidato rin po iyan. Mark my word, hindi pa po nag-aanunsiyo iyan pero sigurado po ako kandidato kaya asahan natin itong mga ganitong salita ‘no dahil kinakailangan nilang ligawan ang mamamayan.
Pero unang-una po ‘no, iyong face shield na binili po natin, kasama po doon sa PPEs ay para po iyan sa mga frontliners. Hindi ko po alam kung talagang malaki iyong budget na ginamit natin para mamigay ng face shield. Pero ang alam ko po, karamihan ng face shields talaga, tayo po ang bumibili. Wala po akong nakuhang libreng face shield pati sa gobyerno ‘no. So tayo po ang bumibili, at mabuti na lang mura na lang po ang halaga niyan ‘no kung hindi ako nagkakamali, 10 to 15 pesos na lang ‘no.
Pangalawa po, eh iyan po ay naka-siyensiya, nakabase naman po sa siyensiya at iprinisenta na po natin ang datos na galing po sa mga dalubhasa. Now, whether or not kinakailangang ipagpatuloy, sabi ko nga po pati ang WHO, pinag-aaralan po iyan. Dahil so far po, ang hindi natin matatanggal, epektibo po iyan sa pagbibigay ng proteksiyon sa ating mga mata dahil pupuwede namang pumasok si COVID-19 sa ating mga mata.
Now, pagdating doon sa mga gamot, totoo po nagkukulang tayo pagdating sa Tocilizumab, iyong ‘Toci’ na tinatawag ko, pero humahanap na po tayo ng alternatibo at nakahanap naman po tayo. Ang alternatibo ay Baricitinib at ito po ay binibili na rin natin. Kaya po tayo nagkukulang ay hindi sa hindi tayo bumibili ng Toci kung hindi world supply problem pong muli. Wala po tayong magagawa diyan dahil hindi naman natin mina-manufacture iyan ‘no at patuloy naman po ang ating Remdesivir, hindi po tayo nagkukulang. Kaya nga po bilang as a fellow COVID, anim pong Remdesivir ang ginamit ko sa katawan ko at hindi na po siya mahal. Ang ibinayad ko po diyan one thousand something lang kada vial sa PGH.
So, huwag po tayong magpadala sa usaping pulitika. Madami na pong kandidato, lahat po magsasabi sila ng kung anu-anong mga bagay para suyuin kayo. Pero ang katotohanan po, lahat po ng gamot ay naririyan, kung nagkukulang tayo ng Toci, hindi po dahil sa hindi tayo bumili kung hindi walang supply at humahanap po ng alternatibo.
USEC. IGNACIO: Follow-up po ni Joseph Morong ng GMA News: Kung may warning daw po ang government sa nagbebenta sa black market ng Tocilizumab?
SEC. ROQUE: Well, ang Tocilizumab po, hindi ko po alam kasi kung ano siya eh, kung mayroon na siyang commercial approval. Kung mayroon kasing commercial approval iyan, well, it can be sold commercially pero I’m not sure, I will check po kung covered na siya ng commercial use. Kung hindi po, hindi po siya dapat mabenta in the market.
USEC. IGNACIO: Tanong ni Jerome Aning ng PDI: Ano daw po ang concrete move ni President Duterte regarding sa plano to have Philippine Red Cross audited by COA? Has he made formal communications with the Red Cross leadership about this, considering that he is the Red Cross Honorary President, appointed six governors of Red Cross, and receives a copy of the annual financial report from Red Cross?
SEC. ROQUE: Alam ninyo, po ito ang sitwasyon ng Red Cross, kasi napakatagal ko pong umupo, hindi po sa Red Cross society kung hindi sa National IHL Committee.
Ang Red Cross po, medyo kaunting lecture lang, binuo po iyan, finound [found] po iyan noong isang Swiso, mayaman po iyan, si Henry Dunant. Isang beses po kinailangan niya iyong kontrata niya na mapirmahan ni Bonaparte eh nandoon po sa Battlefield of Solferino. So, pinuntahan po niya at nahabag siya sa nakita niya doon sa mga mandirigma na sugatan at namamatay na iniiwan na lamang sa lansangan para mamatay. So, ang sabi niya, hindi katanggap-tanggap ito dahil mga tao iyan, bumuo tayo ng isang organisasyon na makakapasok sa mga digmaan para magbigay ng mga humanitarian assistance sa mga sugatan at mga namatay. Iyan po iyong simula ng Red Cross/Red Crescent Movement.
Now, lahat po ng bansa ng daigdig ay kabahagi ng Geneva Conventions kung saan binuo ang Red Cross at talagang itinalaga po ang ICRC – International Committee of the Red Cross bilang tagapagpatupad ng Geneva Conventions. Mayroon po tayong mga Red Cross societies – Red Cross, Red Crescent, Red Diamond – ito po ay mga support services na tumutulong sa ICRC dahil ang ICRC talagang pandigmaan po iyan at saka natural disasters, pero iyong support nila, ito po iyong mga societies at kabahagi po diyan iyong Philippine National Red Cross.
Now, dahil nga po doon sa intimate relation ng societies at ng ICRC at dahil lahat ng bansa ay kabahagi ng Geneva Convention, ang tawag po sa Red Cross it is sui generis, it is neither public nor private. It is not public because it is not wholly funded by government, marami pong pera nila ay nanggagaling sa pribadong sektor. Pero hindi rin siya completely private, in fact, kung hindi po ako nagkakamali, itsitsek ko po ito pero parang ang empleyado dahil mas malaki ang benepisyo ng GSIS, itsitsek ko po ito, pero parang ang mga empleyado ay GSIS. I could be wrong pero ganoon po kaya siya sui generis.
So, tama po dahil hindi naman lahat ng pondo ng PRC ay galing sa gobyerno, hindi talaga i-subject ng audit ng COA but insofar as tumatanggap ang PNRC ng government support, kinakailangan i-audit. Anong dapat i-audit?
Unang-una, iyong sinabi ni Presidente, ibinibigay ba ang mga benepisyo sa mga senior citizen? Pangalawa, ang ating requirement po is kapag ang makina at ang test kits donated, P1,100 ang dapat singilin sa RT-PCR test; kapag lahat po iyan ay pribado, 4,000. Ang tanong: Sa bilyun-bilyon na tinanggap na bayad ng PRC for RT-PCR, ano bang basehan ng pagsingil nila? Minsan inilabas ko na iyan, ang sabi ni Senator Gordon, “Hoy, Harry Roque, hindi ka kasali rito, huwag kang magsalita.”
Kasi tama po iyon, ang alam ko halos lahat ng makina ng Red Cross donated, bakit ang singil 4,000? Eh, alam naman po natin na kapag donated ang machines dapat mas mababa sa 4,000 ang singil sa RT-PCR. So, minsan inilabas ko na po iyan at ngayon po sa pag-uutos ni Presidente, gusto niyang malaman sa PhilHealth bakit kayo nagbayad ng P4,000? Sigurado ba ang makinang ginamit sa lahat ng mga ibinayad na 4,000 na iyan ay binili?
Pangalawa, may isa pa pong issue, pero idedetalye ko ito kasi wala pang dokumento. Dapat din nating malaman na iyon nga, iyong suma total, ilan iyong mga makina na na-donate sa Red Cross ng pribadong sektor? At pangalawa, magkano naman ang idineklara na presyo ng mga makina na donated? Bakit po? Kasi pupuwede na iyong donated machine ay binili ng mas mababang presyo pero mas mataas ang recorded na presyo. Hindi ko po sinasabing nangyari na iyan. Iyan po ang dapat ma-audit. Ito po ang areas na dapat i-audit ng COA dahil ito po may involved iyong not only public funds but also mayroon din ditong issues of good governance.
Now, I confirm po na ang suweldo ng mga nagtatrabaho sa PRC ay sa ilalim po ng GSIS bagamat hindi nga po lahat ng operasyon nila ay ino-audit ng COA. So, mali rin po iyong sinasabi ng ilan diyan na walang pakialam ang COA sa PRC. Iyong mga tao po nila ay GSIS members. At iyong mga nagte-test sa kanila, gobyerno po at some point ang nagbigay ng libreng housing para sa kanila. So, kasama po iyon sa audit dahil nga po sui generis ang PRC – neither fully public neither is it fully private. Sorry po ba’t kinailangan ikuwento pati si Henry Dunant para maintindihan ninyo.
Okay?
USEC. IGNACIO: Iyong second question po niya, Secretary, nasagot ninyo na about doon sa alleged new pork barrel ‘variant’. Ang third question niya, clarification lang daw po: For Secretary Roque, kaugnay daw po ng pronouncement that Pharmally Corp. paid a small down payment for the PPEs ordered by the government but the Secretary later said na binayaran na lang ng Pharmally upon delivery of the PPEs which was one of the factors why it was awarded the emergency procurement contract. How much was the down payment if any?
SEC. ROQUE: I stand corrected, mali po ako doon. Walang kahit anong down payment na ibinigay sa Pharmally. It was delivered to the Philippines, bayad ka ng iyong transportation; bayad ka ng inyong taxes and on a specific date, in transferable date para sa delivery.
I stand corrected. Lahat po ng mga quotes na ibinigay sa PS-DBM, mayroong kakaunting specified na down payment between 20 – 30 pero napili po ang Pharmally kasi ‘no accepted delivery, no payment’ at kasama po diyan iyong halaga ng transportation and taxes.
USEC. IGNACIO: From Sam Medenilla po ng Business Mirror: Kung may ia-allocate na funds ang national government for areas which will be placed under granular lockdown during the pilot of these schemes sa NCR and Baguio? If yes, magkano po daw ito?
SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po it will be a shared responsibility pero ang detalye po hintayin na lang natin.
USEC. IGNACIO: Last question na lang po, clarification lang ni Joseph Morong: Iyon daw pong Tocilizumab, 13,000 siya pero sa black market it sells up to 100,000. The company that has certificate of product regulate from FDA I think, Sir.
SEC. ROQUE: Well, kung mayroon po silang certificate of product registration baka commercially available. Iyan po nangyayari kapag mataas ang supply ‘no. Pero mayroon na po tayong alternatibo – Baricitinib – okay, oral medication po iyan in lieu of Tocilizumab. Kasi ang Tocilizumab hindi naman ako binigyan niyan pero iyan po iyong sagot sa pamamaga ng mga veins sa lungs ‘no, anti-inflammatory drug po iyan. So mayroon na tayong alternatibong ginagamit o gagamitin dahil wala nga po masyadong supply.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.
SEC. ROQUE: Well, maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat din po kay Usec. Charade Grande ng DOH at si PS-DBM OIC Jayson Uayan. Maraming salamat din po sa ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corps.
Well, the date po today is September 6, isang buwan na lang po halos filing na ng Certificate of Candidacy. Pulitika na po ngayon. Pilipinas, huwag ninyo namang isipin na ang mga pangyayari ay hindi po kaugnay sa parating na pulitika natin. Tama naman po kasi, bagama’t mayroon pang pandemya eh hindi rin naman nililipat ang petsa ng eleksiyon. Ang sinasabi ko lang po, kinakailangan po mas maigting ang gamit ng utak kapag kayo po ay nakakarinig ng mga paratang at pakinggan din naman ang sinasabi ng gobyerno.
Hindi ko po alam talaga kung anong nangyari ha, diyan sa Pharmally na iyan. Ang alam ko lang po ay facts. Heto po ang binili: 9-piece PPE set sa halagang P1,716; hindi po nila dini-deny P3,800 ang binili nila. Pareho po na PPEs na binili natin ay WHO compliant. Hindi ko po sinasabi na ang P3,800 ay hindi overpriced or overpriced. Ang sigurado ako, kung nakakabili po ng P3,800 – ang P1,716 ay hindi po overpriced. Pulitika na po ngayon, kinakailangan maging mas maingat at mas matalino sa pag-a-analyze po ng mga naririnig.
Magandang hapon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)