Press Briefing

Press Briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang

SEC. ROQUE: [Technical problem] … MECQ na una na ina-announce na GCQ with heightened restrictions kahapon, magtatagal ito hanggang katapusan o a-trenta ng Setyembre.

Tungkol naman sa pilot implementation guidelines sa NCR, ito ay kasalukuyang pinag-uusapan pa. Babalitaan namin kayo as soon as information becomes available.

Usaping bakuna po ‘no. As of September 6, 2021, nasa mahigit tatlumpu’t anim na milyon na o 36,190,983 ang total COVID-19 vaccines ang ating na-administer. Sa bilang na ito, halos dalawampung milyon or 20,907,411 ang nakatanggap ng first dose. Samantala, nasa 15,283,572 ang naka-two doses na or fully vaccinated.

Ito naman po ang lagay ng bakunahan sa Metro Manila ‘no as of September 6, 2021, nasa mahigit labintatlong milyon, 13,381,071 ang total doses administered. Nasa higit walong milyon naman po or 8,261,461 ang nakatanggap ng first dose, samantalang nasa higit limang milyon or 5,119,610 na ang nakatanggap ng two doses.

Inumpisahan natin kahapon ang issue sa Philippine Red Cross, sa paglalarawan dito bilang sui generis – ibig sabihin, hindi ito publiko at hindi rin ito pribado.

Kahapon din ay nabanggit ko ang ilan sa mga gawain ng Red Cross sa ilalim ni Senator Gordon na may kinalaman sa donasyon ng mga makina at test kits. Kaugnay nito, may hurisdiksyon ba ho ang Commission on Audit sa Philippine Red Cross?

Ang sagot: Mayroon po. Nakasulat po sa Article 9 ng ating Saligang Batas na ang COA ay may kapangyarihang magsagawa ng post-audit basis sa lahat ng accounts pertaining to expenditure or uses of funds by such non-government entities receiving subsidy or equity directly or indirectly from or through the government. Bukod pa po dito, nasa Republic Act # 10072 or ang Philippine Red Cross Act of 2009 na ang Philippine Red Cross shall at the end of every calendar year submit to the President of the Philippines its annual report containing its activities and showing its financial condition. Dagdag pa ng nasabing batas, ang Presidente ng Pilipinas ang siyang honorary president ng Philippine Red Cross.

Mayroon ding COA issuances na nag-a-allow na magsagawa ng special audit sa PRC, ito ay makikita sa COA Circular # 96-003 which prescribes accounting and auditing guidelines on the release of fund assistance to non-governmental organization or people’s organizations.

May basehan ba ang sinasabi ni Presidente na humingi sa COA ng special audit para sa PRC? Mayroon po! Malinaw sa Section 4.8 na isa sa tungkulin ng pamahalaan ay ang mag-request sa COA para sa special audits of NGO on a case-to-case basis.

Samantala, sa Section 6.2 ay nakasulat na ang COA ay may responsibilidad na magsagawa ng special audits ng NGOs/POs upon request by proper authorities or as determined by the chairman.

Ilan sa maaaring tingnan ng COA ay ang RT-PCR testing na isinagawa ng PRC, iyong MOA ng PRC sa Metro Manila mayors para sa mass COVID-19 testing, iyong MOA ng PRC sa PhilHealth kung saan nakatanggap ito ng 100 million pesos bilang advance payment for mobilization through interim reimbursement mechanism.

Malinaw kasi po na nakalagay sa PRC Charter na hindi ito maaaring kumita habang ginagampanan nito ang kaniyang mandato. Ang advance payment clause sa MOA ay klarong paglabag sa PRC Charter at Bayanihan to Heal as One Act kung saan reimbursement in the distribution of goods and services ang pinapayagan – ‘reimbursement,’ wala pong advance payment.

Bukod pa rito, 3,500 pesos po ang testing na sinisingil ng PRC, ito ay mas mataas sa 2,077 pesos na dapat nilang tanggapin kung ang mga kagamitan ay galing sa donasyon. Kaya kinakailangan nating malaman lahat ba ng mga makina ay donated, ilan ang donated, at magkano ang siningil; iyan po ang dapat ma-cover ng audit. Dagdag pa walang paid claims ang PRC testing facility noong nakaraang taon, kaya ang tanong: Ano ang basehan ng 100 million advance payments? Ilan lamang ito sa pananaw namin ay kinakailangan makita ng COA.

Bilang panghuli, para sa kaalaman ng lahat, simula 2016 ay wala pong sinumite ang PRC sa Presidente ng Pilipinas na annual report na naglaman ng kanilang mga gawain at nagpakita ng kanilang financial condition tulad ng pinag-uutos ng RA 10072.

COVID-19 updates naman po tayo: Nasa 22,415 ang bagong kaso ayon sa September 6, 2021 datos ng DOH. Sa bilang na ito, nasa 95.6% ang mild at asymptomatic. Samantala, nasa two percent naman po ang severe at critical. Mataas pa rin po ang ating recovery rate ha, nasa 90.8%. Mayroon po tayong 1,909,361 na mga gumaling na. Samantala, malungkot po naming binabalita na nasa 34,337 ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila. Nasa 1.63 po ang ating fatality rate.

Tingnan naman natin ang kalagayan ng ating mga ospital. Ang Metro Manila po ngayon: ICU beds utilized – 73%; isolation beds utilized – 63%; ward beds utilized – 74%; at ventilators utilized ay 63%. Sa buong Pilipinas po: ICU beds utilized is 76%; isolation utilized ay 66%; ward beds utilized ay 72%; at ang ventilators ay 57% utilized.

Good news po ha, that Japan Credit Rating Agency or JCRA affirmed the credit rating of the Philippines. We maintained our A- rating with a stable outlook. According to JCRA, and I quote, “Once the pandemic gets subdued, the country’s potential growth will recover and the economy is expected to return to a high growth path.”

Isa pang magandang balita po ha: Bumaba ang ating unemployment rate mula 7.7% noong June 2021 ay naging 6.9% ito noong July 2021 ayon sa July 2021 Labor Force Survey na inilabas ngayong araw ng PSA. We’re aiming and prioritizing the country’s total health para mas kakaunti ang mawalan ng trabaho habang pinapalakas natin ang ating healthcare capacity.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon ‘no—ay, uulitin po natin ‘no. Iyong una po kasi wala tayong sound system kanina ‘no. Ang Ilocos Norte po ay nasa MECQ mula September 7 to 30. Ang naunang classification po ng Ilocos Norte ay GCQ with heightened restrictions. Okay? Ito po ay from September 7 to 30, 2021.

Okay, kasama po natin ngayon ang ating mga guests, kasama po dito si Undersecretary Manny Caintic at kasama rin po si Dr. Alethea de Guzman ng Department of Health at si General Manager Anna Marie Rafael ng Benguet Electric Cooperative ‘no.

Unahin ko po muna si Undersecretary Caintic. Usec. Manny Caintic, vaxcert.ph, nagkaroon po tayo ng soft launch. Ano po ba itong vaxcert.ph? Paano puwedeng magpa-rehistro? Ano na po ang status ng ng vaxcert.ph? Usec. Manny Caintic.

DICT USEC. CAINTIC: Magandang tanghali, Secretary Roque. Allow me to present a few slides.

May I ask for the slides to be shown? Magandang tanghali sa inyong lahat. Sa ngalan ng DICT, ngayong araw ay bibigyan po namin kayo ng maikling overview tungkol sa VaxCertPH na na-soft launch po kahapon para sa mga taga-NCR at Lungsod ng Baguio.

Ang VaxCertPH ng isang taong nabakunahan ay base sa laman ng nasa VIMS central database or Vaccine Information Management System. Ang VaxCertPH ay dinisenyo alinsunod sa digital documentation of COVID-19 certificates, vaccination status na guidelines ng World Health Organization.

Ang QR code ng inyong VaxCert.PH ay aakma sa impormasyong naibigay ng vaccinee sa kung anuman ang nalagay sa VIMS central database. Ang inyong VaxCertPH ay nahahati sa isang upper portion at isang lower portion. Sa upper portion ng inyong digital vaccination certificate ay makikita ang inyong mga personal na detalye, issuance details at inyong certificate ID number na may 9 na numero.

May karagdagang detalye pong nakalagay sa lower portion ng inyong VaxCert.PH na nagpapakita ng inyong dose number, petsa kung kailan nabakunahan, type ng bakuna, brand ng bakuna, pangalan ng manufacturer, alinsunod sa nakalistang pangalan nito sa FDA websites at ang lot number at bansa kung saan nabakunahan.

Ang VaxCertPH ay inyong digital vaccine certificate na gumagamit ng QR code at may nakapaloob na mga security measures kagaya ng paggamit ng private and public key. Ito po ay libre at maaaring ma-access sa ating self-service portal. Ang nilalaman po ng inyong VaxCert.PH ay ang vaccination status. Sa ngayon, iyon lamang pong mga kumpleto na ang bakuna ang siyang makakapag-generate ng kanilang VaxCertPH.

Ang VaxCertPH po ay gagamitin kasabay ng yellow card na ini-issue ng Bureau of Quarantine, na kinikilala po sa ibang bansa lalo na para sa mga sakit tulad ng yellow fever at iba pang mga sakit. Kaya naman mahalagang i-check muna ng taong maglalakbay palabas ng bansa kung ano ang kinakailangang pruweba ng vaccination status ng kanilang bansang pupuntahan.

Ang vaccine certificate ay hindi immunization passport. Isa po itong patunay lamang na ang isang tao ay nabakunahan dito sa Pilipinas at nakikita ang kaniyang datos sa VIMS. Hindi rin nito nilalayon na maging isang identification card at hindi nito nilalayon palitan ang ating National ID system initiative na tinatawag na PhilSys.

Ang taong may dala ng kanyang VaxCert ay kailangan pa rin magpakita ng pasaporte o ‘di kaya ID para patunayan ang kaniyang sariling identity at sa ngayon ay hindi po gagamitin ang VaxCert upang palitan ang yellow card na ini-issue ng BOQ para sa iba pang mga bakuna kagaya rin po ng aking mga nabanggit kanina.

Maaari po kayong makapag-generate ng inyong VaxCertPH kung kayo po ay kumpleto na ng inyong mga bakuna at ang detalye ng inyong record ay tama ang pagka-submit ng inyong LGU sa aming VIMS Central database. Sa ngayon, mga kumpleto lang po ang bakuna ang makapag-generate ng kanilang vaccine certificate. Ibig sabihin, hindi po makakapag-generate sa ngayon ng taong kulang pa ang bakuna at nabigyan less than 14 days ago.

Kaya po 14 days ang cut-off dahil ayon po sa IATF Resolution # 120, kailangan po ay makalipas muna ng 14 na araw mula sa inyong panghuling kumpletong vaccine dose bago magdeklarang fully vaccinated ang individual.

May mga pagkakataon na fully vaccinated na pero mali ang datos na na-submit sa VIMS central database. Kapag nangyari ito, hihingian ng mga tamang detalye ang vaccinee para maitama ng LGU ang kaniyang mga personal na datos at detalye ng kaniyang pagbabakuna sa VIMS.

Kung wala naman po ang inyong record sa VIMS ay halos kapareho lang sa proseso na pagdadaanan ninyo katulad ng taong may mali ang detalye sa VIMS. Ito ang mabibigyan ng no record found na resulta pagkatapos ng inyong pag-input ng detalye. Sundin lang po ang mga steps upang mailagay ng tama ang inyong record sa VIMS.

Aa ngayon ang mga OFW at mga paalis ng bansa ang prayoridad sa pagkuha ng VaxCertPH at gusto namin munang tibayin ang sistema pati proseso with the LGUs kaya sa NCR muna namin inilunsad ang sistema. Inaasahan po namin na sa mga susunod na mga araw o linggo ay bubuksan na po ito sa lahat ng mga Pilipino sa buong bansa at maaari rin po itong gamitin sa iba pang mga bagay maliban sa international travel.

Ito po ang hitsura ng inyong Vax.Cert.Ph, kung matagumpay po ninyong mai-generate ito sa loob lamang ng ilang mga clicks sa inyong smart phone or laptops.

Maraming salamat po at sana marami sa ating mga kababayan lalo na iyong mga OFWs at iba pang mga bibiyahe palabas ng bansa ang matulungan ng VaxCertPH. Thank you.

SEC. ROQUE: Oo, Usec. Alam ko po ay papunta kayo ng Kongreso dahil sa budget hearing, with the kind indulgence po of Doctor De Guzman and GM Rafael, can we ask our colleagues at the Malacañang Press Corps, itanong ninyo na po ang lahat ng tanong ninyo kay Usec. Manny Caintic. Usec. Rocky kung mayroon ka ring questions for Usec. Manny Caintic, pakitanong na rin ngayon.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque at sa lahat ng guests.

Kay Usec. Caintic, tanong po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Sa pag-implement daw po nang napakaraming apps for QR tracing tulad ng StaySafe, LGU QR code, S-Pass, VaxCert at iba pa, bakit hindi na lang daw po pag-isahin sa isang platform? Bakit kailangan pa na hiwa-hiwalay na apps pa ang gamitin ng tao para hindi maging hassle sa taumbayan at mayroon din po ba daw ng integration nito sa national at local government? Bakit hindi na lang po i-build-up ang StaySafe into an all-in-one app na tracing, vaccine passport and digital record system para sa COVID?

DICT USEC. CAINTIC: Salamat, Usec. Rocky. Tulad noong nasabi ko kanina, ang inutos po ng IATF ay gumawa ng paraan para makapagbigay ng patunay na ang isang tao ay nabakunahan na nang kumpleto.

Ang VaxCertPH hindi po siya app, isa po siyang portal para puwedeng puntahan ng tao para makuha ang kaniyang patunay. Para siyang birth certificate or NBI clearance.

Tama po ang suggestion na iyong mga apps na nandiyan sa mga LGUs ay kayanin po nilang ma-subsume, kaya po nilang kainin itong VaxCertPH para maibilang na sa kanilang app. Bibigyan po namin sila ng mga public key para itong mga apps na StaySafe, S-Pass at mga LGUs ay kaya po nilang isama itong patunay na ibibigay namin.

Iyong integration po na ‘yan ay patuloy naman, hinihikayat po natin silang makakabit doon. In fact, iyong IATA, International Travel Act, isa rin sa mga puwedeng kumain nitong QR code na ito. So tayo po nangunguna sa maraming mga ibang bansa sa paglabas nitong VaxCertPH na ito. Thank you.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Patrick de Jesus ng PTV: Usec. Caintic, kailan target na buksan na rin para sa general public ang VaxCertPH and kumusta daw po iyong soft launching kahapon?

DICT USEC. CAINTIC: Tulad ng nasabi ko po kanina, Usec. Rocky, binibigyan namin nang sapat na panahon para makita namin iyong response noong mga LGU, kung kumusta ang kanilang pag-unlock noong mga requests for data rectification. Kahapon maganda ang turnout sa Navotas at sa iba pang mga cities sa NCR. Inaalam namin, winawasto namin, ini-improve namin muna ang proseso para pagdating sa national launch eh na-perfect na natin at naiwasto na natin ang ating mga proseso.

Bigyan lang tayo ng ilang linggo at mabubuksan din naman.

Ulitin ko lang po, Usec. Rocky, marami pa pong ibang bansa sa mundo na wala pa pong ganitong sistema. Nangunguna po tayo at ang World Health Organization niru-rollout pa lang din sa ibang mga bansa ang pagsunod noong kanilang standard. Tayo po sa Pilipinas nauna na po tayo, isa tayo sa mga nauuna. So hintay-hintay lang po konti.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Patrick de Jesus ng PTV: Ano po ang ginagawa ng DICT sa mga hindi maka-access ng record sa VaxCertPH? For example, iyong mga tumanggap na po ng first does sa ibang bansa.

DICT USEC. CAINTIC: Sa ngayon po iyong mga nabakunahan sa ibang bansa wala pa pong guidelines ang IATF at NVOC kung paano natin sila i-accommodate. Ang utos po sa amin ngayon is unahin muna iyong patunay kung dito ka nabakunahan nang kumpleto. Iyon muna ang ating focus sa VaxCert at iyong pag-aayos nga noong datos kasabay natin—kasama natin ang mga LGUs sa pagwawasto noong datos.

USEC. IGNACIO: Opo. From Maricel Halili ng TV-5: Sa soft launching daw po ng VaxCertPH website, kailangan pa bang kumuha ng BOQ issued yellow cards or sapat na iyong vaccination certificate para po sa VaxCertPH website para makaalis ng bansa? Ano daw po ang difference ng dalawang ito?

DICT USEC. CAINTIC: Sa ngayon po, Usec. Rocky, ang BOQ—ang VaxCert nakatuon lang sa COVID-19 vaccinations. Iyong yellow card kailangan po iyon sa mga ibang bakuna tulad ng yellow fever, measles, polio na baka kailangan ng inyong place of destination. Kung kaya sinasabi namin sa mga maglalayag na alamin in advance kung ano ang requirement sa kanilang pupuntahan na destinasyon para malaman nila kung kailangan. Halimbawa sa Africa, sa Africa po important po na magkaroon ka ng yellow card kasi hindi ka papapasukin doon kung hindi ka pa nabakunahan ng yellow fever at baka doon ka pa matamaan.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you. Iyong second question po ni Maricel Halili ay katulad din ng tanong ni Patrick de Jesus. Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Usec. Manny Caintic. Puntahan na muna natin si Pia Rañada, may tanong siya para kay Usec. Caintic please. Go ahead, Pia.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Hi! Good morning, Usec. Sir, just to clarify: In a few weeks, ready na po for general public iyong VaxCert? Can we say within October or within November?

DICT USEC. CAINTIC: Opo. Perhaps within October, ma’am, we will try our best. As I said earlier, our main objective is not so much on the system per se but on the readiness of the LGU to be able to rectify the records that they sent to us anyway. It is also on them, the onus is with them to rectify the records that they own and they put. So we have a system in place also for data rectification which we have taught the NCR and we have actually taught many LGUs already in advance. But prudence dictated that we started with NCR first because this is where we will be able to perfect the not-so of use—nuances that we might discover.

PIA RAÑADA/RAPPLER: And last question. So lahat na po ng LGUs nationwide have submitted their lists? It’s completed?

DICT USEC. CAINTIC: Hindi po. There is a level of completeness and ano naman, submission completion. But that is why every day we have the vaccine rollout meeting chaired by Secretary Vince Dizon. So apart from making sure that we are able to get their counts of the vaccinations, we always implore their help in making sure they also submit the line lists within 48 hours.

PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Salamat.

DICT USEC. CAINTIC: Thank you po.

SEC. ROQUE: Si Trish Terada has a question also for Usec. Manny Caintic.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Good afternoon, Spox. Good afternoon, Usec. Caintic. Sir, just one question ‘no. Kasi we’re dealing with the pandemic for a year and a half na. Bakit hanggang ngayon po, sir, hindi pa natin ma-perfect iyong—kumbaga iyong systems? Like for example StaySafe app, hindi pa siya ma-integrate because this is crucial in the contact tracing. And bakit parang iyong vaccination certificate, why is it coming late na kumbaga we’re already in the middle of the vaccination rollout? Why didn’t it come ahead or parang even before pa tayo nag-start ng rollout? Saan po ba nagkakaproblema in terms of these things?

DICT USEC. CAINTIC: Okay. I’d like to correct first the perception that the vaccine certificate is late. As I said earlier, even before the World Health Organization standard on digital certificate came out on July 27, we have been one of the very early countries who have already tried to adhere. World Health attests to that. So tayo po ay isa sa mga unang bansa. So the standards were released in July 27 and we were able to finish it actually way before.

What we needed to help though is to perfect the data coming in to the system. The challenge however was that in our thrust which is also the vaccine thrust to jab as many as we can, in as fast as we can. We had to go on with the vaccination while we are also allowing the LGUs to catch up in the submission. We are not a very rich country so it is challenge for the LGUs especially those with do not have enough equipment to submit their line list religiously every day. So that’s the challenge, Triciah, it’s not so much the system – it is the religiousness of sending those data faithfully every day.

As for the contact tracing, I believe the DILG who has now been the recipient of the StaySafe is still continuously updating that tracing app of theirs. As for integrating all the contact tracing, the DICT alongside the DOH have already created the central warehouse wherein various contact tracing apps from LGUs are now able to send data. So ibig sabihin if there are contact trace data from one LGU, it can now be seen by the other LGU.

But as to StaySafe enhancements and rollout, I would like to leave that to DILG who is in charge with that app.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you very much, Usec. Manny. Salamat po!

SEC. ROQUE: Okay, so wala na pong may question kay Usec. Manny Caintic. Thank you very much, Usec. Manny Caintic.

Kasama din po natin si DOH Director Alethea De Guzman. Now, mga kababayan, we were ready to discuss four pages worth of script on the details of granular lockdown. We were however requested by the Secretariat of the IATF including Usec. Vergeire not to discuss them as planned. So iyong mga tanong po sa detalye ng granular lockdown, huwag na po muna nating itanong dahil apparently paplantsahin pa po. Mayroon pong pinaplantsa at gusto na magkaroon ng final meeting ang IATF. So, hindi po natin diniskas iyan. Ang pagpupulong naman po ay alas-tres. So, ang pakiusap ko lang po, hindi pa po natin niri-release ang detalye ng granular lockdown. Ang pakiusap ko rin po pati sa ating mga alkalde, hintayin muna po natin ang meeting ng 3:00 o’clock and if need be, magkakaroon po tayo ng special press briefing either mamayang hapon or bukas, Wednesday, maski wala tayong schedule ng press briefing para ianunsiyo ang detalye ng granular lockdown. Nonetheless, puwede naman nating malaman kay Dra. Alethea De Guzman, bakit tayo magga-granular lockdown sa panahon na mataas ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. So, Director De Guzman?

DIR. DE GUZMAN: Spox, magandang tanghali po. And sa lahat po ng nanunood at nakikinig, good afternoon. So ito pong policy shift na pinag-uusapan natin, it came from the analysis of our data showing that whenever we put these areas under lockdown, kapag tiningnan talaga natin, iyong 80% ng mga bagong kaso po natin ay actually hindi naman po sa lahat ng barangay ng buong siyudad o ng buong munisipyo. Base po sa nakita natin sa NCR, naglalaro lamang from 11 to 30% of whole barangay are actually contributing to 80% of our cases.

Ikalawa din po, nakikita natin na ang mga ECQ, ang MECQ natin ay panandalian lamang, it’s really there to be implemented temporarily and it’s there to buy us time para po lalo pa nating ma-improve ang ating mga public health and critical care capacities. At liban po sa pag-impose ng mga ganitong restricted wide scale lockdowns, mayroon pa tayong tatlong major strategies na dapat po nating i-implement at i-enhance dahil sila po iyong ating core strategies to reduce the numbers.

The first is our adherence to the minimum public health standards; the second is improving our health system capacity and this is defined right now as shortening the interval from case detection to isolation to just under [unclear]; and the last po is or vaccination coverage. Our projections done by our partner FASSSTER showed it even at lower community quarantine levels, if we improve these three strategies, halos iyong epekto po niya ay halos katulad na po kung tayo nga po ay nag-ECQ. So, this is our way to balance health and economy. We want to be able to reduce cases, but at the same time, safely open up our sectors so that people can continue working. Iyan po, Spox.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Dra. Alethea De Guzman.

Kasama rin po natin, at congratulations po, ang ating dating kasama dito sa Malacañang, dating Assistant Secretary Ana Marie Rafael na ngayon ay General Manager na ng Benguet Electric Cooperative. Ma’am, congratulations ‘no! Pero paki-explain nga po, bakit mayroong mga taong nagsasabi na hindi daw po kayo General Manager, pero ngayon po kinikilala kayo ng Office of the President as the duly appointed General Manager of the Benguet Electric Cooperative? Ano ba ho iyong naging proseso at itinalaga kayo bilang BENECO General Manager, GM Marie Rafael, Atty. Rafael?

BENECO GM RAFAEL: Magandang hapon po, Secretary, Usec. Rocky and sa mga kasama natin sa Malacañang Press Corps at sa lahat ng ating mga kababayan na nanunood at nakikinig ngayon. Maraming salamat po for this opportunity.

Tayo po ay nagdaan sa napakahabang proseso na pag-apply na general manager po ng BENECO, at actually nag-umpisa po ako noong July 2020 at napaka-tedious po ng proseso na iyan na pinagdaanan po natin. And doon po sa proseso na iyan, we have undergone tatlong interviews, background investigation and noong Mayo po naendorso tayo, ni-reject naman po ng BOD, ng ilang BOD ng BENECO. Pero ngayon po noong August 27 po ay pina-receive po ng National Electrification Administration ang ating appointment bilang General Manager ng BENECO. Pero gumagawa pa rin po ng isyu ang ibang mga [miyembro ng] Board of Directors ng BENECO.

Napakasalimuot po pala. Ako po na galing sa gobyerno ay nagtataka, kasi napakasalimuot pala ng kanilang mga pinaggagawa sa mga electric cooperatives. So iyong experience ko po doon sa isang taon ko po na naghintay ng application at nag-undergo ng selection process ay sobrang napaka-rigorous po. And I hope po na dito sa experience ko po na ito, mabuksan na po lahat ang mga bakanteng posisyon na general manager sa lahat ng electric cooperatives sa Pilipinas and they should be undergoing the same process that I have gone through. At gusto nating mas lumiwanag po ang ating mga electric cooperatives para po hindi ginagawang milking cow po ng ibang mga opisyales po para makatakbo po sila sa mga posisyon po sa Kongreso. Maraming salamat, Secretary.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Atty. Ana Marie Rafael, General Manager ng Benguet Electric Cooperative. Alam po ninyo si GM Rafael, before she transferred to Malacañang, was for five years, a graft investigator at the Ombudsman. So lahat po tayong mga subscribers ng Benguet Electric Cooperative, ang mabuting balita po ‘no, uunahin niyang linisin ang Benguet Electric Cooperative. Hintayin po natin iyan.

So pumunta na po tayo sa open forum para sa mga tanong natin kay Director Alethea De Guzman at kay BENECO GM Marie Rafael at kung mayroon po kayong katanungan para sa akin din. Go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary Roque. Good afternoon kay GM Rafael and kay Doc. Alethea.  Question from Leila Salaverria ng Inquirer: How will the government measure the success of the granular lockdowns? By how much should the cases slowdown or be reduced by the government to consider it for implementation in other regions?

SEC. ROQUE:  Gaya ng sinabi ko po kanina ‘no, we had a four-page single space presentation, napakahaba pong presentation on the details, pero hindi pa po sa amin pina-discuss iyan ng Secretariat ng IATF. So lahat po ng tanong muna sa granular lockdown, ipa-defer po muna natin ‘no. Pero, I think the question of Leila can be answered. Ang tanong niya ay what are we aiming for ‘no, when it comes to the granular lockdown and why are we implementing this. Dr. De Guzman?

DR. DE GUZMAN: Ang ating gustong marating ay mapababa ang mga kaso and beyond that, mapababa talaga iyong porsiyento ng nagiging severe, critical at fatality. Sa ngayon po, nabanggit nga po ni Sec. Harry, iyon pong tinatawag nating performance matrix ay kasama po sa pag-uusapan at ipa-finalize po sa gagawing meeting po later.             

USEC. IGNACIO: Thank you, Doc. Alethea. From Leila Salaverria pa rin for Secretary Roque: What is the President’s directive if any about the 1.36 billion pesos owed by POGOs to the government? The President lifted the ban on casinos because the government needs more funds, will it run after this August?

SEC. ROQUE: I can confirm po na even during ECQ, eh pinayagan ang mga POGO ng Presidente mismo kasi kinakailangan natin iyong kita, dahil ginagamit ni Presidente ang kita para sa ating COVID responses.  Hindi pa naman po kumpirmado na mayroong 1.36 billion na utang ang mga POGO. So tatanungin po natin iyan sa PAGCOR at tatanungin po natin iyan sa BIR.

Pero lahat po ng dapat bayaran ng mga POGOs dapat bayaran. Kasi iyan lang po ang dahilan kung bakit pinabuksan sila ng Presidente, pati sa panahon ng ECQ dahil kinakailangan natin ng kita. So, kung wala namang kita tayong nakukubra sa kanila, walang dahilan para magpatuloy sila ng operasyon. Pero kumpirmahin po muna natin dahil alam naman ninyo sa panahon ng pulitika, marami talagang impormasyon na binabato. We will confirm and kung totoo po na hindi nababayaran, dapat bayaran po iyan, otherwise, walang saysay ang pagbubukas ng POGO sa atin.                                 

USEC. IGNACIO: From Yellow ng CCTV for Spox: Recently the US Intelligence community has compiled a so-called report on the origins of COVID-19 aiming to slander and attack China. We have noted that in the Philippines, people from different walks of life have launched an online petition urging WHO to investigate Fort Detrick in the US and opposing the politicization of the issue of virus tracing. How do you view this investigation report led by the US Intelligence community? How do you think the virus tracing issue should be investigated?

SEC. ROQUE: I have repeatedly said po that the Philippines opposes the politicization of the so-called origins of the COVID-19. Hayaan na po natin, let us allow the WHO to investigate in this matter and meanwhile we call for international cooperation in beating this virus.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Mela Lesmoras, please.

MELA LESMORAS/PTV: Hi! Good afternoon, Secretary Roque at sa ating mga panauhin.

Secretary Roque, unahin ko ang po, ano po ba ang schedule ni Pangulong Duterte? May inaasahan po ba tayong Talk to the People mula sa kanya ngayong gabi at ano pa po kaya iyong mga aasahan nating public events ni Pangulo?

SEC. ROQUE: Mayroon po. Mamaya po itutuloy iyong Talk to the People at sana po mai-broadcast on the same day. At ang alam ko mayroon lamang isang meeting ahead of time ‘no, so sana po ma-broadcast within the day.

And I also know that the PDP-Laban convention will proceed as scheduled on a different venue dahil MECQ sa original venue nila sa Bulacan. They have apparently have transferred to Pampanga and there’s a possibility that the President will make a personal appearance pero may back-up din po na virtual appearance.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. And Secretary Roque, kasi kahapon po ay nagkaroon na naman ng all-time high, mas mataas nang ilang daan sa COVID-19 cases. Ano pong masasabi ninyo rito at ano po kaya iyong mga agenda tungkol sa COVID-19 na tatalakayin ni Pangulong Duterte mamaya?

SEC. ROQUE: Again po mga kaibigan, hindi ko sinasabi na hindi tayo dapat maabala sa mataas na mga kaso kasi talagang nakakaabala iyan dahil ang Delta ay five to eight times more nakakahawa. Pero ibabalik ko kayo doon sa FASSSTER projection ‘no. Ang FASSSTER projection po natin, uulitin ko, we are within the projection. Hindi po natin prinoject na bababa ang kaso dahil sa ECQ, ang prinoject lang natin, mami-maintain natin anywhere between 20,000 to 37,500 ang mga kaso if we impose two weeks of ECQ; two weeks of MECQ na ginawa po natin and we are within the range of the FASSSTER projection.

Talagang matindi po na nakakahawa ang Delta kaya po ang numero ay matataas pero hindi naman po natin tatanggapin na forever mataas iyan kasi maski bumaba ang ating R naught to one or less, sa dami ng mga kaso, sabihin na lang natin dudoble sila overtime, eh talagang marami pa rin ang mga kaso. Kaya nga po mag-a-attempt tayo ng bagong istratehiya, itong localized lockdown na mas mahigpit.

So, Dr. Alethea De Guzman, as the Epidemiologist, ano po ang masasabi ninyo?

DR. DE GUZMAN: Salamat po, Spox.

So, tama po iyon ‘no, nakikita natin na posible pa rin pong tumaas ang kaso and that’s the nature of the Delta variant of concern. Pero iyong ating mino-monitor ‘no parang tulad po noong Abril, ang higit nating binabantayan ay dumadami o lumalaki ba iyong proportion na nagiging severe at critical at ang ating mga fatalities? Nakikita natin ngayon hindi po malaki ang itinataas ang proportion na magiging severe at critical. Numbers, yes, but the proportion to cases – low po. Ganoon din po para sa ating deaths. Parang kaakibat or kasabay ng pagdami ng kaso ang pagdami rin po ng deaths pero kung ikukumpara iyong total deaths to total cases, hindi po natin nakikita and in fact, our cumulative CFR [case fatality rate] is even getting lower ‘no.

So, iyon po iyong tatlong datos na gusto nating isabay na mai-report para naman po makita natin na tayo po ay nakakaagapay or nama-manage pa rin naman po natin iyong ating mga cases.

SEC. ROQUE: Ibabalik ko po kayo. Wait, ibabalik ko lang po kayo doon sa FASSSTER projection.

[Pakibalik lang sa screen ang FASSSTER projection, please. Okay… paki balik po iyong FASSSTER projection].

Makikita ninyo na that not only are within the range of anywhere between 20,000 and 37,500 pero iyong red line sa taas, kung hindi po tayo nag-impose ng dalawang linggong ECQ; dalawang linggong MECQ, we would have hit 200,000 cases by September 9 which is two days from now.

So, makikita ninyo po iyong diperensiya na hindi tayo umabot ng 200,000 kung hindi tayo nag-ECQ at MECQ. Iyan po iyong sinasabi natin na we are on track with the FASSSTER projection.

Yes, please. Next question, please.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. And my last question lang, Secretary Roque. Kasi kasabay naman ng COVID-19 ay may ilang panig sa bansa na nakikipaglaban naman sa kalamidad, ano po ang masasabi ni Pangulong Duterte ngayon ngang may Bagyong Jolina sa Pilipinas? Ano po iyong marching orders at mensahe po ng Malacañang sa ating mga kababayang apektado ng bagyo?

SEC. ROQUE: Well, naka-preposition na po ang ating magiging tulong galing sa DSWD. nakahanda po ang ating mga centers na paglilipatan kung kinakailangan lumikas sa mga tinitirahan. Handa rin po ang ating mga health protocols sa mga health centers na iyan. At ang sinasabi ko po, sanay na po tayo sa mga paghamon dahil po sa bagyo at sa ulan eh paigtingin lang po natin iyong mga health protocols lalung-lalo na kung pupunta po tayo sa mga evacuation centers. Pero handa po tayo, nandiyan po lahat ng tulong, naka-preposition na.

MELA LESMORAS/PTV: Okay. Maraming salamat po, Secretary Roque at sa ating mga guests.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mela. Punta tayo ulit kay USec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. From Ina Reformina, ABS-CBN: Election lawyer Atty. Romulo Macalintal urges the Comelec to come up with rules and regulations on the implementation of Section 261(d) of the Omnibus Election Code which mandates that all releases of the DSWD shall be turned over to and administered and disbursed by the Philippine National Red Cross subject to COA rules in the event of calamity or disaster. Macalintal said that while this provision was not applicable in the past, it will apply in Halalan 2022 because of the current COVID-19 pandemic. Ang question po: Reaksiyon lang sa statement on the applicability of this provision in next year’s polls because we are in pandemic and will the executive be willing for DSWD to turn over all releases of its funds to PRC for disbursement during the 45-day period ng local campaign?

SEC. ROQUE: That’s a decision to be made by Comelec, an independent constitutional body. I do not know why you want an opinion from the Office of the President ‘no. Pero I don’t know what the Comelec will mandate but the chairman of the Philippine Red Cross will also be a candidate.

USEC. IGNACIO: From Red Mendoza ng Manila Times for Doc Alethea kaya lang po tungkol pa rin po ito sa granular lockdown. Iyon lang po muna, Secretary Rocky.

SEC. ROQUE: Okay. Punta tayo kay Trish Terada, please, for other questions.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi. Good afternoon, Spox! Spox, I understand we’re still waiting for the final guidelines in the granular lockdowns. Pero, sir, we’re just interested why is this taking a while and bakit po na-announce na siya kung hindi pa po final iyong guidelines?

SEC. ROQUE: Well, ako, I announced it in principle and I said the guidelines will follow so that people more or less will know what to expect ‘no and we were ready to come up with preliminary guidelines pero I understand mayroong mga pahabol pang suggestions at inputs ang mga local government units. So, iyon lang po ang hinihintay natin.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: So, Spox, kung magla-lapse na po today iyong current quarantine classification natin then we move on to the new quarantine classification or kumbaga they need decision for tomorrow, paano po makakapag-ready iyong mga establishments natin and iyong mga tao who need to go to work?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, we are on GCQ. At on the basis of what others have said –alam ninyo po ito ang problema ‘no – although we are supposedly, we have the monopoly of release of information para hindi nagkakagulo, marami na pong impormasyon na lumabas ‘no. Ako, narinig ko na rin po iyon ‘no, na iyong one, two, three, four – Alert Level 1, 2, 3, 4 – at may mga industriya na mabubuksan, masasarado depende on Alert Level 1, 2, 3, 4.

So ang masasabi ko na lang po, hintayin ninyo within the day. Pero to be reasonable naman po, kung hindi talaga lalabas iyang mga guidelines na iyan today, well, the effectivity will have to be day after tomorrow, to be fair, kasi hindi alam ng tao kung ano ang mangyayari lalo na iyong mga industriya na pupuwedeng magbukas depending on what alert level is imposed on the different LGUs. Kasi iba-iba pong alert level magkakaroon ang iba’t ibang siyudad sa Metro Manila. Pero sa buong bansa po, epektibo na po lahat ng quarantine classifications.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So, sir, kung iyong rules will be effective a day after tomorrow, paano po iyong situation natin bukas? GCQ po pero kumbaga parang GCQ na regular, free for all or parang GCQ with heightened restrictions? Paano po ba iyong magiging mindset dapat ng tao?

SEC. ROQUE: I would suggest wait muna tayo. Pero we have done it before, iyong panahon na nagkaroon tayo ng heightened GCQ na hindi pupuwede ang dine-in, we allowed the dine-ins to operate until end of the day after announcements have been made. So we will be reasonable kasi tama naman na the application should be prospective after malaman ng taumbayan.

So kaya nga po today, we were hoping to announce it para alam na ng tao ang gagawin bukas. But since talagang nagkaroon po ng desisyon na huwag muna at mayroon pang huling pinaplantsa, let’s leave it at that. Dahil kapag lumabas naman po iyan mamayang hapon, maybe even mamayang hapon ay ilalabas din po natin ang impormasyon na iyan.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Sir, final question. In a post over the weekend, you mentioned na makakamit na ang 50% population protection in October. Bakit po siya October, Sir? Hindi po ba kaya iyong remaining eight percent ng population, to achieve population protection this month?

SEC. ROQUE: Well, better to put it at a later date than at an earlier kung hindi makamit. Pero I’m kampante po na an eight percent ay kakayanin din naman ng September but let’s put it at October to be safe.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS:  All right. Thank you very much, Spox Harry.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Trish. We go back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary. Tanong ni Pia Gutierrez, similar question kay Maricel Halili ng TV5 at kay Llanesca Panti ng GMA News tungkol pa rin po ito sa granular lockdown. Tanong naman po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Ano po ang Palace reaction regarding sa pag-increase ng inflation last August to 4.9% compared to the 2.4% in the same period last year?

SEC. ROQUE: Well, siyempre po, unang-una, ang dahilan: Tumaas po ang inflation dahil tumaas po ang inflation pagdating po sa gulay at pagdating po sa iba pang pagkain other than, lalung-lalo na sa isda. Siguro po it has something to do with the weather too ‘no. Sunud-sunod iyong ating mga bagyo at tumaas ang presyo ng gulay at tumaas din po ang presyo ng ating isda.

Pero mabuting balita po ay mula po tayo po ay nag-angkat ng baboy ay bumababa na po ang presyo ng baboy. So gumagawa po tayo ngayon ng mga hakbang para mapababa pa ang presyo ng gulay at saka presyo ng isda ‘no dahil ito po talaga ay sadyang mataas po ang contribution sa inflation.

So tinitingnan na po natin at mag-i-implement na rin tayo ng mga patakaran para maparami ang supply, lalung-lalo na po ng isda dahil pinakamataas po na tumaas ang presyo ay ang isda.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Ano rin daw po ang reaction ninyo sa pag-decline sa number of unemployed workers last July which went down to 3.07 million compared to the 4.14 million in the same period in 2020? Is this trend sustainable in the coming months?

SEC. ROQUE: Siyempre po mabuting balita po iyong pagbaba ng unemployment rate dahil ibig sabihin mas marami ang may hanapbuhay po ‘no. Ito po ay naging ganito dahil na rin po doon sa pag-alis natin ng mga quarantine restrictions ‘no, pagpaluwag ng ating ekonomiya. Sana po patuloy na ang pagbubukas ng ekonomiya nang mas marami pa sa atin ang magkaroon ng hanapbuhay. We are aiming for total health po. Hindi naman pupuwede na habang napapababa ang kaso ng COVID-19 ay dumadami nga iyong hanay ng walang trabaho at hanay ng mga nagugutom.

So uulitin ko lang po ‘no, talagang mas matinding nakakahawa itong si Delta variant, pero habang tayo po ay mayroong sapat na kakayahan para gamutin ang mga seryosong nagkakasakit ay susubukan po nating buksan pa rin ang ating ekonomiya. At itong change in strategy to localize ay kabahagi na nga po ito ng ating istratehiya para manatiling bukas hanggang maaari ang ekonomiya nang mabawasan ang hanay ng nagugutom.

USEC. IGNACIO: Opo. From Maricel Halili ng TV5 [no audio] NCR. Sabi kasi ni MMDA Chair Abalos, GCQ with heightened restrictions daw at hindi GCQ kagaya nang inanunsiyo kahapon.

SEC. ROQUE: Eh kakausapin ko po siya ‘no kasi alam ko, mayroon talagang mga restrictions because of the granular lockdown. Pero pagdating po doon sa resolution talaga na in-adopt ng ating IATF, Metro Manila is under GCQ but i-implement nga po natin iyong pilot on granular lockdowns na mas marami rin pong restrictions depending on kung ano iyong alert level in a given local government unit.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Okay. Pia Rañada please for other questions.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, I just want to ask about the parts of the guidelines you already announced. So, sir, for example iyong sinabi ninyong lockout of barangays, iyong mga APOR, what if we get locked out, where will they still in that scenario?

SEC. ROQUE: Mamaya na po iyan. Mamaya na natin i-address iyan, isa iyan doon sa mga issues na ina-address. Pero ang definition ng APOR talaga, health personnel or allied health professionals ‘no. So mamaya po natin i-address iyan.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. For Dr. De Guzman. Ma’am, earlier you mentioned na iyong 80% of cases in Metro Manila come from a few barangays. What is it about these barangays which led to so many cases?

DR. DE GUZMAN: Pia, iyong ating basehan ngayon ay iyong dami ng kaso ‘no. At nakita natin iyong 11 to 30 percent of this barangay are actually the larger barangay ‘no. So parang intuitively, if you have a larger population, you really have a larger number of cases. Pero tama ka din, ito nga iyong fineed [feed] back nga natin sa ating mga mayors para alamin ‘no ano ba iyong puwede nating gawin para even if they have large population, they can still markedly reduce their cases.

PIA RAÑADA/RAPPLER: And then, sabi ninyo rin earlier that improved compliance sa health protocols, quicker isolation after detection is just as good as ECQ. What’s the data to prove this?

DR. DE GUZMAN: We support this on the projections done po by FASSSTER wherein we compared paano kung naiwan lang tayo ng ECQ but we had no improvements, we just paved iyong baseline lamang ‘no, iyong performance sa tatlong metrics na ito. Papaano kung ibinaba natin ang ating scenario to just an ECQ, MECQ followed by GCQ but we improve these three performance metrics. At nakita natin mas maliit ang dami ng active cases natin with the lower CQ level but very significant improvements in these three metrics.

At dagdag ko lang ‘no, even when we deescalated from ECQ in the previous spikes, we were actually to continually push down our numbers even though MECQ na tayo or GCQ with heightened restrictions. So those are some of the information we have that supports that statement.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  And lastly, is the DOH recommending for this concept of granular lockdowns that the lockdowns will apply only to residential areas? For example, like malls or iyong mga hubs where businesses operate, will they be exempt from those hard lockdowns or could they be also lockdown and in what scenarios iyon?

DR. DE GUZMAN: Actually, iyong lockdown, granular lockdown, matagal na nating ginagawa ito. Ito iyong nabanggit ng NTF na containment strategy kung saan pinakikita niya puwedeng as large as a barangay, but what we’re recommending is we can scale it down. If you have to do just a house lockdown, a street lockdown, then do so. But yes, puwede rin naman kasi mga establishment. Paano [technical problem]

SEC. ROQUE: Nawala, nawala, Dr. De Guzman.

DR. DE GUZMAN: … the previous criteria natin ang pag-lockdown, pero iyong policy shift natin na ngayon nga ay pina-finalize, it talks about restrictions at a sectoral level po. So those are a bit different from the granular lockdowns that we’re talking about.

PIA RAÑADA/RAPPLER:  Okay. In what sense different? Sectoral, meaning? Anong difference?

DR. DE GUZMAN:Ah, no. The sectoral—I think it was previous—it talks about the closed space, the crowded places and our—where there is higher risk of transmission. At iyon nga iyong kasama na pina-finalize sa ating guidelines.

So we’ll give a feedback on what those specific provisions are once it’s approved by IATF.

PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Thank you.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Pia and Dr. De Guzman. Balik tayo ulit kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong ni Kris Jose ng Remate/Remate Online: Reaksiyon po sa sinabi ng grupo ng health workers na wala nang karapatan pa na ipresenta nina Pangulong Duterte at Mayor Sara ang kanilang sarili sa harap ng publiko. Wala raw pong karapatan ang mga ito na tumakbo sa 2022 national elections. Giit ng grupong Medical Action Group ay ibang administrasyon daw po ang kailangan ng bansa para tuluyang makabangon sa pandemic na sa loob ng dalawang taon wala raw pong nagawa ang administrasyong Duterte habang sa ibang bansa ay normal na ang pamumuhay. Sa Pilipinas ay nasa ikatlong COVID surge pa bunsod na rin ng mga palpak na COVID response ng pamahalaan.

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung saang planeta nakatira ‘yang mga health workers na ayaw kay Presidente kasi buong daigdig po ang sinasalanta ng ganitong problema. Hindi lang po tayo ang nasa third wave, halos lahat po ng mga bansa nasa third wave dahil ang Delta variant po ngayon ay talagang kalat na sa buong daigdig.

Now alam ninyo kasi, napakahirap iyong mga tanong na ‘yan na parang iyong mga maliliit na grupo eh iyan iyong pananaw ng buong hanay ng health workers. Hindi po, isang grupo lang ‘yan – iyong MAG na grupo ang tawag ‘ata ‘yan ‘no. At they’re entitled to their opinion, obviously iba ang presidente nila. Pero mayroon din pong mga medical frontliners na nagpapasalamat sa benepisyo na naibigay sa kanila at pagkilala sa kanilang bayanihan.

Mahirap po talaga ang buhay ng medical frontliners ngayon dahil hindi pa po humuhupa ang pandemya at nagpapakita naman po tayo ng pasasalamat at utang na loob sa kanila. Pero nirirespeto rin po namin na mayroong kakaunti na talagang wala pong mabuting masabi tungkol sa ating Presidente. Hayaan ninyo silang bumoto ng kanilang presidential candidate and good luck!

USEC. IGNACIO: Opo. From Joseph Morong para po kay Doc de Guzman: What do you think is the effect of the granular lockdown on hospital utilization?

DR. DE GUZMAN: Tulad ng nabanggit ko kanina ‘no, ang granular lockdown ay dati na nating ginagawa ‘no. Ngayon nga lang sa policy shift, hindi na tayo mag-i-implement ng wide scale ECQ or higher CQ classifications. So ang gusto nating makita ay ano iyong posibleng epekto. Well, una, makakapagpababa ng kaso upang ito ay magta-translate din into lower utilization rate. Ikalawa, when we do granular lockdowns, we recommend that to do active case finding ‘no and enhance their contact tracing para po mapabilis na mahanap ang kaso, ma-isolate sila at kung kinakailangan ng referral sa ospital ay ma-refer po agad – and that will translate to a lower proportion of severe and critical cases and fatalities po. Pero tulad ng nabanggit ko rin po kanina, itong mga pinag-uusapan nating performance matrix ay pina-finalize pa po and for approval po of our IATF.

USEC. IGNACIO: Opo. And also under that regime daw po, can LGU escalate to MECQ or ECQ city-wide level?

DR. DE GUZMAN: Iyong atin namang mga component cities ‘no at municipalities ay mayroon naman po talagang autonomy to escalate themselves to a higher CQ. But since this pilot will be for NCR, one of the things we’re finalizing nga is the alert levels po ‘no. Pero iyong granular lockdowns po, ‘yan ay dati na pong under the authority of our LGU to impose po ‘no based on our current provisions.

USEC. IGNACIO: Opo. From Rose Novenario ng Hataw, for BENECO GM Marie Rafael: Ano po ang dahilan at tinututulan hanggang ngayon ng BENECO Board of Directors ang appointment mo bilang BENECO General Manager?

BENECO GM RAFAEL: Actually, noong una nagtataka po ako kung bakit sobra ang defiance ng BENECO BOD doon sa ating appointment po na pina-receive ng NEA. Pero ngayon po medyo nagkakaroon na rin ng linaw kasi nagri-request po tayo ng official na audit report from NEA doon sa mga finances po ng BENECO since last year po at ang daming mga loans po na hindi po inaaprubahan ng NEA pero ginagastos pa rin ng ating mga BOD at ibang mga opisyal po diyan sa BENECO. Kaya malamang iyon din po, medyo uncomfortable po sila siguro doon sa pagpasok natin.

USEC. IGNACIO: From Rose Novenario pa rin po: Sinibak ni Pangulong Duterte si NEA Chief Masongsong bunsod po ng katiwalian at reklamong pinagamit ng electric cooperatives para po maihalal ang partylist representative sa Kongreso. Bilang GM ng BENECO, papayagan mo bang gamitin ang BENECO sa 2022 elections?

BENECO GM RAFAEL: Sisiguraduhin ko po na hindi na magagamit po ang BENECO at sana po hindi na rin magamit po ang ibang mga electric cooperatives para sa 2022 elections po.
Sana po wala na pong makukuha po lalung-lalo na po at si Administrator Masongsong ay hindi na po niya kayang kontrolin ang mga electric cooperatives po sa mga probinsya. At iyon po ang kampanya po natin na sana po ang mga electric cooperatives po lalung-lalo na ang ano po sa Mindanao at pati na rin po dito sa Luzon, huwag na rin po kayong magbigay po. At mga member-consumers po natin, tingnan po ninyo iyong inyong mga binabayaran na bill at baka diyan po sa DSM po nandiyan po iyong mga contributions po na binibigay po ng mga electric cooperatives sa mga partylist po gaya ng PHILRECA.

USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Roque mula pa rin po kay Rose Novenario: May epekto kaya sa tungkulin ng Kongreso na gumawa ng batas ang House Resolution Power Bloc sa Kamara na pumipigil sa NEA na magtalaga ng General Manager ng electric cooperatives gaya ng BENECO kahit dumaan sa tamang proseso?

SEC. ROQUE: Wala po. Ang trabaho po ng Kongreso – taga-gawa po ng polisiya; ang nagpapatupad po niyan Ehekutibo. So with all due respects to my former colleagues in Congress, eh lumagay naman po tayo sa tama ‘no. You can exercise oversight functions pero ang appointment po is an executive decision. Respetuhin po tayo ng hurisdiksiyon.

USEC. IGNACIO: Opo. From Cherry Light/SMNI News: May list na po ba ng yellow at red classification na inaprubahan din ng IATF bukod pa sa green list countries?

SEC. ROQUE: As I said, we were asked not to proceed with our planned presentation on the details of the granular lockdown. So we will defer to that decision.

USEC. IGNACIO: Opo. Pakilinaw lang po kung sino pong mga inbound passengers ang dapat na sumailalim sa 14-day quarantine at kung sinu-sino din po ang dapat i-quarantine ng 10 days at seven days pagdating sa bansa?

SEC. ROQUE: Well, uulitin ko po ‘no, iyong mga green countries, iyong mga Pilipino na umalis at pumunta sa green countries na sumunod po doon sa proseso ng verification ng kanilang vaccine status, kapag pumunta sila sa green country, pagbalik puwede pong seven-day facility quarantine. Iyong mga yellow countries po ay kinakailangan ten-day facility quarantine at four days sa LGU; at iyong mga red countries, travel ban po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. From Ivan Mayrina ng GMA News. Marking the 6th month of the bloody Sunday massacre in Southern Tagalog, workers and unionist filed a complaint before the International Labor Organization regarding the human rights violation of the Duterte Regime, particularly the killing of workers.

SEC. ROQUE: Hintayin po natin kung ano ang magiging desisyon ng ILO.

USEC. IGNACIO: Opo. From Ivan Mayrina pa rin ng GMA News: Kasama po kayo sa inireklamo   sa Ombudsman ng organisasyong Pinoy Action, isang nagpakilalang NGO at think tank laban sa paglabag ng mga opisyal ng gobyerno sa COVID response protocols. Ito ay may kaugnayan sa inyong paglabag diumano sa quarantine restrictions nang magtungo kayo sa Subic to swim with the Dolphins noong July 20, 2020 at pag-dive sa Boracay noong February 2021 at mag-conduct ng meeting sa Bantayan, Cebu nang walang social distancing noong November 2020. Reaksiyon daw po ninyo?

SEC. ROQUE: Eh di mabuti nang makita ko po, napatunayan na wala po akong nilabag. Lahat po ng ginawa ko sang-ayon sa prevailing quarantine classifications. Magsampa na po kayo ng ibang reklamo dahil madi-dismiss lang iyan. Tapos na nga po iyong imbestigasyon sa Bantayan, mayroon ng report po diyan. Anyway, pero we welcome that po para naman may saysay iyong mga gustong manggulo ng gobyerno.

USEC. IGNACIO: Opo. From Kyle Atienza ng Business World: International anti-corruption group, Graph Map, is urging the Philippine government to pass a whistleblower protection law as it  is raises questions over alleged irregularities and his pandemic deal. Anti-graft group Transparency International has said that whistleblowing is one of the most effective ways to prevent state corruption. Bills aiming to encourage whistleblowers and protect them as witness in judicial proceedings were filed in the previous Congress, but they were not prioritized. Will the President push for the passage of a whistleblower protection law before his term ends next year? Groups have cited the Duterte administration’s lack of political will to pass anti-corruption measures. May we get your reaction po?

SEC. ROQUE: Well, ako po iyong pinakaunang naghain ng whistleblower act noong 17th Congress, at hindi ko nga po naisabatas dahil 18 buwan lang po tayong nanatili sa Kongreso. Agree po ako na kinakailangan magkaroon ng whistleblower act dahil alam po ninyo talagang maraming katiwalian ang nalaman natin dahil sa mga whistleblowers – fertilizer scams, swine scams, halos lahat ng scam, dahil po iyan sa whistle blowers ‘no. At kinakailangang bigyan natin sila ng proteksiyon kung nais nating maparusahan iyong mga mandarambong sa gobyerno. Well, I hope that the administration will certify this as urgent and I will certainly suggest that it be certified as urgent.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question po, Lawyer Dino De Leon recently said that the Office of the Ombudsman denied his and other lawyers request for President Duterte’s SALN in a letter dated September 1st. The Ombudsman’s denial of the request was made a year after the Office of the President rejected a similar request by them. The Philippine Center for Investigative Journalism in October last year said, its request for the President’s wealth records had been tossed back and forth between the Ombudsman and OP. Ano po ang reaksiyon dito ng Palasyo? What does they say about the President’s commitment to fight corruption?

SEC. ROQUE: We defer to the policy of the Ombudsman as a constitutional body po.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Well, Dra. De Guzman, bago po tayo magtapos, ano pong advisory natin sa mga naghihintay ng second dose ng Sputnik na muli pong naantala yata?

DIR. DE GUZMAN: Salamat, Spox ‘no. Una, gusto nating i-reassure iyong mga nakatanggap na ng first dose ng Sputnik na puwede po nating hintayin, after six months after the first dose bago po natin makuha ang second dose. Ikalawa, iyong unang dose pa lamang po ng Sputnik can actually confer a high efficacy rate. I think they are reporting it at already an 80% na efficacy rate. At ikatlo po, ang atin namang vaccine czar ay talaga namang nagtatrabaho para nga po makarating na po iyong ating second dose ng Sputnik.  Iyon pong mga naging discussion on alternate or boosters or mixing of vaccines are still in discuss po at the NITAG level.

SEC. ROQUE: Okay, so kung wala na pong tayong mga katanungan, maraming salamat po kay DICT Undersecretary Manny Caintic, kay DOH Director Alethea De Guzman at kay BENECO General Manager Atty. Marie Rafael. Maraming salamat, Usec. Rocky. At maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Sa ngalan po ng inyong Presidente, Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque ang nagsasabi: Pilipinas, huwag mainip, matatapos din ang ating hinagpis dahil sa pandemyang ito. Nariyan na ang bakuna, kinakailangan lang pabakuna na po tayo. Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)