SEC. ROQUE: Magandang tanghali po diyan sa Pilipinas. Galing po sa New York, sa Estados Unidos, ito po ang ating regular presidential press briefing.
Balitang IATF muna po tayo: Inaprubahan po ni Presidente Rodrigo Duterte ang travel restrictions sa mga bansa o lugar na nasa ilalim sa red list. Kasama rito ang Azerbaijan, Guadeloupe, Guam, Israel, Kosovo, Montenegro, North Macedonia, St. Lucia at Switzerland.
Lahat ng mga pasaherong manggaling sa binanggit kong red list countries labing-apat na araw bago dumating ng bansa ay bawal makapasok sa Pilipinas effective kahapon, Linggo, September 12, 2021, 12 noon hanggang September 18, 2021, 11:59 P.M., Manila Time.
Hindi kasama sa ban ang mga bumabalik na Pilipino via government initiated or non-government repatriation programs at special commercial flights na pinapayagan sa existing IATF resolutions. Kailangan ng RT-PCR testing sa ikapitong araw kung saan ang day of arrival ay Day 1. Kailangang makumpleto ang ten-day facility-based quarantine kahit nagnegatibo pa sa swab test.
Kung inyong matatandaan, una kaming naglabas ng green list na binuo ng 33 countries, jurisdictions or territories. Naka-flash sa inyong screen ang mga ito. Ang mga bansang wala sa green at red list ay nasa yellow list.
Balikan natin ang yellow, red and green classifications ay nakabase sa incidence rates at case counts at testing data.
Sa red list po, ito ang high-risk, mayroong incidence rate na mahigit sa 500 sa populasyong mahigit sa 100,000 at COVID-19 case counts na mahigit 500 sa populasyon na less than 100,000.
Kapag 50 to 500 ang incidence rates sa populasyon mahigit sa 100,000 at COVID-19 case count na 50 to 500 sa populasyon na less than 100,000, ito po ay nasa moderate risk or yellow list. Kung mas mabababa sa 50 ang incidence rate at case count, ito ay nasa green list.
Samantala, naglabas ng pahayag po si Executive Secretary Salvador Medialdea noong Sabado, September 11, sa nangyaring pagdinig sa Senado. Itong hearing ngayong Lunes, kung hindi ako nagkakamali ay pang-anim na po.
Basahin po natin ang ilang mahahalagang bahagi ng kaniyang pahayag, “We have 26,303 cases today.” Ito ay noong Sabado, September 11. “A surge has been ongoing for almost several days. And yet, most of our officials supposed to attend to this surge are being required to attend hearings for an alleged “grand plunder” which to date, nothing has been shown to prove their case except speculations drawn from bullying of resource persons, most of whom have already been criminally condemned.
PRRD stated that we have to bear with this pandemic. It is worldwide and each country has to address its own concerns. Agree! In our case however, we have a pandemic and at the same time, we have a circus in the very house where people are supposed to care for us.
I have a suggestion to those conducting the Senate hearings: Just file the necessary cases and leave it to the experts tasked to investigate them, while you do your jobs to legislate or conduct investigation properly in the aid of legislation. By doing so, you can preserve your energy for the coming elections.”
Usaping bakuna naman po tayo: Nasa 38,746,501 na po ang total vaccines administered ayon sa September 12, 2021 National COVID-19 Vaccination Dashboard. Sa bilang na ito, nasa 21,951,956 ang mga naka-first dose na at 167,794,545 ang mga naka-second dose na. Ibig sabihin po, mayroon na tayong 28.46% na mayroong first dose at 21.77% na naka-second dose. So tumaas po ha ang ating mga daily jabs noong Linggo, 121,231; noong Sabado, 356,363; at noong Biyernes, 540,793.
Sa Metro Manila naman po, 14,322,610 naman po ang total vaccines administered. Nasa 8,452,406 na po ang nakatanggap ng first dose at 5,870,204 naman po ang fully vaccinated as of September 12, 2021. Ibig sabihin po nito, sa NCR, 86.46 po ang ating coverage at ang ating mga naka-second dose ay 60.04%. Good job!
May pag-aaral ang Centers for Disease Control and Prevention o CDC ng Amerika kung saan ipinapakita na ang sampung beses mas mababa ang panganib na maospital o mamatay sa COVID-19 ang fully vaccinated kumpara sa mga hindi fully vaccinated.
Libre, ligtas at epektibo ang ating mga bakuna! Lahat ay pumasa sa ating Food and Drug Administration of FDA. Protektahan po natin ang ating mga sarili at pamilya, mga mahal sa buhay at ating komunidad.
Pumunta naman po tayo sa updates sa COVID-19: Nasa 21,411 po ang mga bagong kaso ayon sa September 12, 2021 datos ng DOH. Mataas pa rin po ang ating recovery rate na nasa 90.3%. Mayroon na tayong higit sa dalawang milyon or 2,010,271 na mga gumaling. Alam ninyo po, itong two million na ito ‘no bagama’t sila po ay nagkasakit, ang ibig sabihin, mayroon na rin po silang mga natural antibodies. Samantalang malungkot naming binabalita na nasa 35,145 ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa mga naulila. Nasa 1.58% po ang ating fatality rate.
Ito naman po ang kalagayan ng ating mga ospital ha, sa buong Pilipinas po ay 77% ang mga nagagamit na ICU beds at sa Metro Manila po ay 78% na ICU beds ang nagagamit. Sa buong Pilipinas, ang isolation beds ay 68% ang ginagamit; sa Metro Manila po ay 65%. Sa ward beds, 73% po ang ginagamit sa buong Pilipinas; 72% naman po sa Metro Manila. At ang mga ventilators na nagagamit sa buong Pilipinas ay 57%; 61% naman po ang nagagamit sa Metro Manila.
Sa ibang mga bagay: Ngayon ang unang araw ng pagbubukas ng klase sa pampublikong paaralan. Ang pagbubukas ng klase ng school year 2021 at 2022 ayon sa DepEd, tanda ng ating pagbabayanihan para sa isang ligtas na balik-eskuwela para sa ating mag-aaral, guro at iba pang stakeholders sa edukasyon. Sama-sama tayo sa ligtas na balik-eskuwela.
Nagpapasalamat kami sa natanggap nating suporta nang ating ipaglaban at naging boses ang karaniwang Pilipino sa IATF. Kabilang po rito si Voltaire Caballero, isang entrepreneur na nangutang para magnegosyo noong 2017. May labinlima siyang taon at kaniyang sinabi, and I quote, “Ninety-seven percent recovery, puwede naman sigurong maging healthy at mga hospitals na nagho-hold ng mga asymptomatic, pauuwin na lang for home quarantine para hindi mapuno ang hospital.” Hirap na hirap na ang tulad ni Voltaire sa hard lockdown.
Uulitin ko po ha: Tama na po ang paghihirap sa sambayanan, tama na po ang pagkakait ng karapatang magkaroon ng hanapbuhay. Nasa gitna pa po tayo ng pandemya at kailangan nating matutong mabuhay kasama po ang coronavirus.
Sa iba pang bagay: Narito po tayo ngayon sa New York dahil po pipili po ng tatlumpu’t apat ng mga miyembro ng International Law Commission ang mga miyembro ng United Nations. Ano ba ho itong International Law Commission? Hindi po ito hukuman, hindi po ito’y trabaho ‘no. Ito po’y tatlumpu’t apat na mga eksperto sa larangan ng international law. Ano po ang mandato nitong International Law Commission? Ito po ay iyong tinatawag na codification of customary international law at iyong progressive development of international law.
Talaga pong mahirap maintindihan iyan kasi. Kaya nga po importante na ikaw ay maging eksperto sa larangan ng international law. Ang customary law po kasi sa ayaw at gusto ng mga bansa, ito po ay binding on them at iyong progressive development naman po maski hindi pa po siya customary or hindi pa binding ay dapat ito ay ninanais na maging binding sa lahat ng mga bansa kaya po progressive ang tawag diyan.
Dalawa po ang ating plataporma kumbaga ‘no. Unang-una, kinakailangan magkaroon po ng isang tratado kung saan kinikilala po ng lahat ng mga bansa iyong tinatawag nating vaccine equality ‘no. Hindi po katanggap-tanggap na 85% ng lahat ng bakuna ay napunta lamang sa mga mayayaman. Kinakailangan po magkaroon tayo ng tratado kung saan ang lahat ng mga bansa sa daigdig ay magko-contribute sa isang pondo on the basis of ability to pay para bumili ng mga bakuna at ang mga bakunang ito naman ay ibibigay sa mga bansa depending on need.
Ang pangalawa pa ho nating tratado na sinasabi sa ating plataporma ay isang tratado kung saan ay kikilalanin ng buong daigdig na iyong mga teritoryong mawawala dahil po doon sa pagtaas ng ating karagatan dahil po sa global warming, dapat po iyong teritoryo na lupa na nagbibigay din ng teritoryo sa ating karagatan ay maging conclusive. Hindi na po dapat mabago maski malubog pa iyan sa tubig. Bakit po? Kasi kung magbabago po iyong ating mga teritoryo eh sigurado po magkakaroon po iyan ng hidwaan sa panig ng iba’t-ibang mga bansa. Hindi po ito full time job, itong International Law Commission, wala po itong suweldo. Mayroon lang pong mga pagpupulong na gagawin na kung hindi po ako nagkakamali ay ilang linggo kada taon. Wala pong suweldo.
Now, bagama’t ako po ay nominado ng Pilipinas, iyong paghalal po sa akin ay sa aking indibidwal na kapasidad bilang eksperto sa international law. Ito po ang subject na itinuro ko nang 15 taon sa UP, ito rin po ang dahilan kung bakit ako ay naging director ng Institute of International Legal Studies sa UP Law Center at kaya naman po tayo nagkaroon ng nominasyon para dito sa International Law Commission dahil noong kailan lamang po tayo po ay tumayo bilang presidente ng Asian Society of International Law, ang asosasyon ng lahat ng dalubhasa sa Asya.
Hahayaan ko na po ang mga estado sa daigdig na magdesisyon kung karapat-dapat ba ho ako na mahalal sa ILC pero ang kuwalipikasyon lang po, dapat eksperto po sa larangan ng International Law.
So, okay, maraming salamat po at pumunta na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky, go ahead please.
USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. Iyong una pong tanong mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: Why is the President spending time and resources digging up dirt in senators when there is much to address regarding the government’s COVID response and he even extended the state of emergency?
SEC. ROQUE: Unang-una, wala pong hupa ang ating COVID response. Nakikita ninyo naman po ninyo pataas nang pataas ang ating mga nababakunahan, at sa Metro Manila ‘no ay nasa 60% na po tayo ng nabakunahan ng second dose. So, wala pong hupa iyan.
Pero importante naman po na panindigan ng Presidente ang gobyerno, ang mga taong gobyerno lalung-lalo na kung sa tingin po ninyo ay wala naman pong mga pagkakasalang nagawa.
Kung mayroon po talagang korapsiyon dito, sampahan na lang po natin ng kaso at hayaan natin ng Ombudsman ang magdesisyon. Dahil kapag mayroong ebidensiya, masasampahan naman po iyan ng kaso, gaya ng mga nangyari sa ibang tao na mayroon talagang involvement sa pandarambong gaya ni Mrs. Napoles.
USEC. IGNACIO: Opo, ang second question po niya: If he says there is no corruption in the Pharmally deals, why doesn’t he just left the probe continue since there will nothing to discover? What is he worried about that he has to attack senators?
SEC. ROQUE: Ang sinasabi lang ng Presidente, iyong mga taong dumadalo sa pagpupulong kasama po diyan ang DOH Secretary, kasama po diyan ang Vaccine Czar, kasama po diyan ang Testing Czar, iyong oras na nauubos sa pagdalo ng mga pagpupulong na ito ay oras na dapat ginugugol sa COVID.
So, Trish, kaya nga po natatanggal ang oras at atensiyon ng ating mga opisyales na nakatutok sa COVID ay dahil sa mga pagpupulong na ito ‘no. Now, mapipigil po ba iyon ng Presidente? Hindi po, kasi nga po independiyente ang Senado. So hindi rin po tama iyong premise ng inyong tanong kung bakit gusto niyang pigilan iyan, dahil wala po iyan sa control ng Presidente.
Ang pakiusap lang, nasa gitna pa po tayo ng pandemya, hayaan natin na iyong mga taong talaga namang silang mga nakatutok sa COVID ay magawa ang kanilang mga katungkulan.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Roque, ang question po galing kay Leila Salaverria ng Inquirer – ito po iyong ikatlong tanong niya: What does the Palace say about a report that savings from projects that were discontinued because of the pandemic were used to fund infrastructure projects and not COVID response programs? Why did the admin use contingent funds for infrastructure projects that had nothing to do with COVID? Similar question with Ivan Mayrina ng GMA News.
SEC. ROQUE: Unang-una po, sa ating batas, ang savings po ay pupuwede talagang magastos sa ibang mga kadahilanan, provided ito ay po sa kaparehong departamento. Ito po ay naging desisyon na ng Supreme Court doon sa tinatawag na disbursement acceleration program noong nakalipas na administrasyon.
Now, wala po akong personal na nalalaman na mga hindi nagastos na pondo na napunta sa infrastructure na hindi po related sa COVID. Ang alam ko po marami tayong mga infrastructure gaya ng mga make shift hospitals ‘no na tinatayo para nga po maparami iyong ating mga bed capacity pagdating po sa mga pasyente ng COVID. So, pupuwedeng maging infrastructure projects po iyan, pero related po sa COVID.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque. Ang susunod pong magtatanong via Zoom, si Mela Lesmoras ng PTV.
SEC. ROQUE: Go ahead, Mela.
MELA LESMORAS/PTV: Hello! Magandang araw po, Secretary Roque. Unahin ko lang po, dahil tuwing Monday, alam naman natin ito ang tanong ng marami nating kababayan: May Talk to the People po ba si Pangulong Duterte mamaya?
SEC. ROQUE: Mayroon po. Pero 8:30 po ang simula ng Talk to the People mamaya, so hindi ko lang po alam kung kailan mabo-broadcast.
MELA LESMORAS/PTV: And, Secretary Roque, dito naman po sa talagang pinag-uusapan pa rin ng alert level system sa NCR. I’m sure, iyon nga pinag-uusapan pa rin naman ito ng IAT. Pero just to be clear, kasi nitong weekend, may mga interviews po ang ilan nating mga opisyal about this, itatanong ko lang po kung dito nga ba sa alert level system ay isa lang na alert level ang idedeklara sa buong NCR at ito nga po bang granular lockdown naman, may mga nagtatanong na kung ito raw ba ay surprise iyong magiging implementasyon?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, nagpupulong as we speak ang IATF tungkol po dito. So siguro antayin na lang po natin ang pinal na desisyon. At kung mayroon naman pong desisyon ay ilalabas natin kaagaran. Pero as usual, kinukonsulta po talaga ang mga alkalde ng Metro Manila dahil sila naman po ang magpapatupad nitong pilot na ito at iyong magiging desisyon ay base na rin po sa kagustuhan ng ating mga local government units.
MELA LESMORAS/PTV: Opo. Ngayon lang, simula na nga ng balik-eskuwela sa ating basic education schools, may update po kaya, Secretary Roque, doon sa nabanggit natin before na magkakaroon ng pulong si Pangulong Duterte kasama nga ang education sector? Ano po kayang balita sa isinusulong na pilot face to face classes sa mga lugar na mababa iyong COVID-19 cases?
SEC. ROQUE: Well, obviously, hindi po naipakita sa Talk to the People iyan, pero nag-report po si Secretary Briones kay Presidente at si Presidente naman po ay positive ang kanyang reaksiyon doon sa possibility na magkakaroon po tayo ng pilot study on a very limited basis. Kung hindi po ako nagkakamali, mga 150 schools lang po ang ating pilot doon sa mga lugar po na kakaunti talaga ang kaso ng COVID. Pero antayin po natin ang pinal na decision, ang masasabi ko lang positive naman po ang reaksiyon ni Presidente provided na limited ang pilot at talaga doon sa mga lugar na mababa po ang bilang ng COVID.
MELA LESMORAS/PTV: Okay. Maraming salamat po, Secretary Roque and USec. Rocky.
SEC. ROQUE: Okay, balik tayo kay USec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary Roque. Tanong naman po Rosalie Coz ng UNTV: Ano ang desisyon ng IATF sa criteria ng alert level sa bagong quarantine strategy sa NCR? Any development daw po sa planong implementasyon ng paanong alert level system?
SEC. ROQUE: Pinagpaplanuhan po iyan as we speak.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: Ano ang update sa planong pilot face to face classes. Sa America na mataas ang vaccination rate, daanlibong estudyante ang COVID-19 positive dahil sa in-person learning. Sa atin wala pa tayong kalahati sa target adult population ng fully vaccinated. Pero ano ang latest directive ng Pangulo sa isyung face to face classes?
SEC. ROQUE: Well, positive po ang reaksiyon niya pero wala pa pong go-signal to have ito. So, kumbaga naghahanda po tayo sa pilot, pero wala pang actual go-signal.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: May balak ba kayong kasuhan ang nag-leak ng video at nagpakalat ng e-mail daw ninyo diumano na nag-a-apply kayo sa UN? Hindi ba sila liable sa data privacy act at anti-wiretapping law?
SEC. ROQUE: Sa tingin ko po liable, at liable din po for revealing public secrets. Pero hahayaan ko na po iyan sa IATF, at iyan naman po ay napag-usapan kanina sa IATF.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. Ang susunod pong magtatanong via Zoom, si Triciah Terada ng CNN Philippines.
SEC. ROQUE: Go ahead, Trish.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Spox Harry. Spox, unahin ko lang po iyong doon sa nomination po ninyo diyan sa ILC. Sir, can you say about iyong calls for the ILC to reject leaders—an open letter and they are stating some reasons why you should be rejected? Hindi ko na lang, sir, isa-isahin lahat, pero iyong brief messages are for example, one, Mr. Roque works against the interest of international justice. And then, they were quoting you saying, as saying I am confident to the pre-trial chamber would reject the request for investigation, during one of our briefings po, this happened actually in the PNP’s Headquarters. Tapos they’re also saying that you actively promoted that the government will not cooperate with the ICC and you received the people’s insensitive remarks circumventing regulations and questionable actions in defense of government policies and pronouncements among other things. Want can you say about this, sir, that they are calling for your rejection?
SEC. ROQUE: Wala po kasi desisyon naman iyan ng mga estado. Kung pakikinggan sila ng estado, eh ‘di wala tayong magagawa. Pero, Trish, kung ang kanilang dahilan ay dahil sa International Criminal Court, hindi po lahat ng bansa ay miyembro ng International Court. In fact, karamihan po ng buboto, hindi nga po sila miyembro ng International Criminal Court. Minorya po ng miyembro ng General Assembly ang mga miyembro ng International Criminal Court.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, what can you say about accusations that, you know, throughout the course of you being Spokesperson, you have shown daw blatant disrespect for the rule of law and human rights?
SEC. ROQUE: That’s absolutely bereft of legal merit po, kasi kung mayroon iyon, dapat may kaso na ako ‘no. In fact, I am according the people their right to information by relaying correct and the accurate information, iyan po ang dahilan kung bakit ko po tinanggap itong trabahong ito. At naniniwala po ako na karamihan po kung hindi po talaga malaking porsiyento ng ating mga mamamayan ay nakikita naman po na ginagawa natin ng tama ang ating trabaho. FOI po or Freedom of Information ay isang karapatang pantao din.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, on another topic. Iyong IATF, you said is currently meeting about the alert level system on the implementation of it. Pero where are we now, sir? Where is the IATF now in terms of discussions? Ano po iyong mga kumbaga mga considerations na tinitingnan nila ngayon? Kumbaga bakit may contention pa rin po as of this time?
SEC. ROQUE: Wala naman pong contention, pinaplantsa na lang po finally. Dati naman sinabi ko na iyong dalawa na hindi pa napapagkasunduan: Ano iyong alert level para sa Metro Manila; at pangalawa, kung bibigyan nga ba ng mga pribilehiyo iyong mga nabakunahan na?
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Pero, sir, kailan po namin maririnig kaya iyong final decision ng IATF because iyon nga po, many businesses, establishments are worried na baka mag-ready na naman sila tapos hindi na naman po matuloy? So, parang in terms of foresight lang, sir, kailan po kaya mabibigay iyong decision ng IATF?
SEC. ROQUE: Well, sasabihin ko po sa IATF kinakailangan natin ng pinal na desisyon dahil inaasahan ng taumbayan iyan.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Thank you very much, Spox Harry.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Trish.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary Roque, ang tanong po mula kay Red Medoza ng Manila Times: Sinabi daw po ni Dr. Limpin na dapat i-fire kayo ng Pangulo, while sinasabi ng militanteng Coalition for People’s Right to Health na sumusobra na raw kayo kaya gusto raw po nila na hindi lang ikaw at si Secretary Duque ang mag-resign kung hindi pati ang Pangulo at palitan na siya ni VP Leni Robredo bilang constitutional successor. Ano po ang inyong masasabi dito?
SEC. ROQUE: Iyong pagpalit ni VP Leni, iyon talaga iyong gusto ng oposisyon sa mula’t mula. Day one, gusto na nilang palitan si Presidente. Doon naman sa mga sinasabi ni Dr. Limpin, well, na kay Presidente po iyan. Unfortunately, only the President can fire me and only the President can fire Secretary Duque.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Jerome Aning ng Inquire: Senator Gordon released on his social media page this Saturday an infographic showing the DTI price for a PPE set at 945 and compared this with the PPE set brought by Pharmally Pharmaceuticals at P1,910. However, the Senator only mentioned six components of the PPE set compared to the nine pieces that you and DOH Undersecretary Grande demonstrated last week using mannequins. In the Gordon list, goggles are mentioned pero wala pa iyong surgical mask, surgical gown, apron and face shields which you showed on the mannequins. The Senator’s claim of overpricing can be easily proved or disproved by the components of the PPE set. What is the correct number of components – six or nine?
SEC. ROQUE: Well, obvious po ano, res ipsa loquitur, the thing speaks for itself. Mas mababa iyong sinasabi ni Senator Gordon kasi hindi nga po 9-piece set iyan. Kagaya ng sinabi ko po noong ako ay nagpa-practice pa, isa sa pinakamalaking supplier ay nagbi-bid po para rito at hindi ho nila nakuha kasi hindi nila talaga kaya iyong presyo.
Iyong 1,950 po, mayroon pang less taxes iyan, so, lumalabas po iyan P1,716 at kasama pa po doon iyong cost of transportation, iyong insurance at saka iyong freight at ang pinakamatindi po, self-financed po iyan dahil hindi po iyan babayaran hanggang hindi dumating at maging accepted ng ating gobyerno.
So, matindi po talaga iyong mga terms of reference ng ating PS-DBM dahilan kung bakit pati iyong sarili kong dating kliyente na napakagaling talaga mag-angkat, sumuko po dahil sa baba ng presyo.
USEC. IGNACIO: From Ivan Mayrina ng GMA News: Komento daw po ni Vice President Leni sa lumalabas sa Senate Blue Ribbon Committee investigation: “Ang akala natin noong umpisa inefficiency lang, mahina iyong pag-asikaso pero ngayon lumalabas na grabe iyong korapsiyon at a time na nagkakamatayan na iyong mga tao.” Ano daw po ang Palace reaction?
SEC. ROQUE: Well, iba-iba pong pananaw ng mga abogado iyan. Pero para sa akin po na tingin ko naman po, 35 taon na tayong nagpa-practice almost—hindi naman, 30 years na tayo hindi pala 35, 30 years na tayong nagpa-practice ng batas, wala pa po akong nakikitang ebidensiya ng korapsyon kasi nga po maski iyong P900 na sinasabi ni Senator Gordon, anim lang po iyon, hindi siyam na piraso at makikita ninyo naman po iyong hindi kasama doon sa presyo ni Senator Gordon ay mga malalaking bagay – iyong apron at saka gown, hindi lang po iyong masks.
So, makikita naman po natin, the thing speaks for itself. Wala na po talagang makapagbigay ng presyo na P1,716 na garantisadong made-deliver on a certain date at kasama po ang cost, insurance at freight at walang bayad kung hindi pa ma-deliver at ma-accept.
USEC. IGNACIO: From Kyle Atienza ng Business World: Philippine General Hospital spokesman Dr. Jonas del Rosario said earlier this morning that the PGH daw is currently stretched out or is facing a staffing crisis noting that some volunteer doctors at the main COVID-19 referral hospital are now quitting while its health workers are getting sick. Ano po ang mga hakbang ang gagawin ng gobyerno to augment PGH workforce and boost its capacity?
SEC. ROQUE: Well, patuloy po ang recruitment ng ating DOH para sa mga medical professionals na either volunteer or magsusuweldo po ‘no. Ang mabuting balita po ay marami naman po tayong mga bagong graduates, mga bagong pasang nurses. Pagdating naman po sa mga doctor ay ayun nga po, ginagawa natin ang lahat para magsipagtapos iyong ating mga doktor at magkaroon ng examination para hindi po tayo maubusan ng mga doktor.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ito namang susunod na tanong ni Llanesca Panti at saka ni Ace Romero, nasagot ninyo na rin sa tanong ni Trish Terada pero basahin ko na lang po baka may dagdag pa kayo. FLAG led by Atty. Chel Diokno opposes Spox’ nomination in International Law Commission for contempt of law and lack of integrity and character particularly on undermining ICC. Ano daw po ang response ninyo? Si Ace Romero naman po sabi niya: Secretary, the Free Legal Assistance Group strongly objects to your nomination to the International Law Commission saying you do not possess the qualification for a seat at the Commission and you demonstrated contempt for the rule of law. What do you say to this?
SEC. ROQUE: Obviously gross ignorance of what the ILC is all about. Hiwalay po ang ILC sa ICC, wala pong kinalaman ang ILC sa ICC at I will repeat, hindi po mayorya ng bansa sa daigdig ay miyembro ng ICC.
USEC. IGNACIO: Opo. Question from—
SEC. ROQUE: Ang America, ang Tsina, ang Russia, hindi po iyan mga miyembro ng ICC.
USEC. IGNACIO: Question from Ivan Mayrina: Leaders of Hugpong Para Kay Sara today appealed to President Rodrigo Duterte not to run for Vice President in the 2022 elections and instead give way to Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. [They have the same] stand that only one Duterte can run for a national post in next year’s polls.
SEC. ROQUE: Alam ninyo naman ang posisyon ko pagdating po sa usaping mag-ama. Hayaan na po natin silang magdesisyon—
USEC. IGNACIO: From—
SEC. ROQUE: Hindi pa naman po tapos ang lahat ‘no. Ang malinaw, kapareho ng Presidente po at si Mayor ay nagkakaisa sa paninindigan na isa lang sa kanilang puwedeng tumakbo. Habang hindi pa po dumarating ang October 8, hindi pa po natin alam kung sino sa dalawang Duterte ang maghahain ng kanilang Certificate of Candidacy.
USEC. IGNACIO: From Joseph Morong ng GMA News: Can you elaborate on what the President said that he will stop government transactions with Red Cross? What transactions are these? And is the President serious?
SEC. ROQUE: I don’t see any reason bakit hindi po siya seryoso dahil malaki naman pong pondo ang nabibigay ng national government sa Red Cross galing po sa PAGCOR, galing sa PCSO. Kinakailangan po kasi sumunod sa sinasabi ng Saligang Batas at ng batas na basta pondo ng gobyerno, pupuwede pong i-audit ng Commission on Audit. Ang tanong ko lang naman po, kung walang itinatago, bakit ayaw magpa-audit?
USEC. IGNACIO: Question from Haydee Sampang ng DZAS-FEBC: May panukala po ang health experts na as we implement granular lockdowns with alert levels, dapat ire-channel ang government funds for face shields and face masks sa free mass testing, ayuda and contact tracing. Ito daw po ang dapat gawin sa harap ng inaasahang increase sa mobility dahil sa implementation ng localized lockdowns.
SEC. ROQUE: Well, ang pagkakaintindi ko po talaga eh talaga namang binibigyan natin ng prayoridad ang PDITR at kasama po diyan ang testing at saka ang contact tracing.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: May limang doktor na bakunado ng Sinovac ang hospitalized ngayon due to severe COVID. Hudyat na ba ito para bigyan ang medical workers ng booster shot lalo na iyong mga tumanggap ng Sinovac vaccines?
SEC. ROQUE: Well, moot and academic na po iyan kasi nabalitaan ko naman na nagdesisyon na po ang NITAG, iyong ating mga eksperto sa bakuna na magbibigay po ng booster shots sa mga health workers.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque. Iyon lang po muna iyong mga nakuha nating questions.
SEC. ROQUE: Well, maraming salamat, Usec. Rocky at maraming salamat sa lahat ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.
Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing: Pilipinas, mayroon din pong katapusan itong paghihirap dahil sa COVID. Kaunting hintay na lang po dahil nakita ninyo naman, 60% na po ang bakunado sa Metro Manila. Malapit na po ang ating population protection.
Magandang araw po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)