SEC. ROQUE: Magandang hapon, Pilipinas.
Humarap sa taumbayan po ang ating Presidente at ilang miyembro ng Gabinete para sa kaniyang regular Talk to the People. Ito po ang ilan sa mga nabanggit ni Presidente ‘no: Sa isyu po ng procurement ng face masks at PPEs, walang overpricing. Mismong si Chairman ng Commission on Audit, Michael Aguinaldo, ang nagsabi nito sa hearing sa House Committee on Good Government and Public Accountability; sinusugan ito ni COA Supervising Auditor for DOH Rhodora Ugay.
Pangalawa, lahat ay na-deliver; walang ghost delivery. Malinaw sa hearing sa Kamara na pinapayagan sa ilalim ng Republic Act 11469 or ang Bayanihan I na bumili ng goods kung mayroong pangangailangan sa pinakamabilis na pamamaraan or in the most expeditious manner as exemptions from the provisions of RA 9184 or the Government Procurement Reform Act. Bagaman ito ang nakasaad sa batas, malinaw din na nagsagawa pa rin ng market scan at nakakuha ng quotations sa iba’t ibang suppliers ang PS-DBM base sa technical specifications po ng DOH.
Samantala, nagbigay ng direktiba ang Pangulo sa Office of the Solicitor General na sumulat ng pormal na komunikasyon tungkol sa audit ng public funds na nakuha ng Philippine Red Cross.
Usaping bakuna naman po tayo. Good news: We reached a historical milestone in our national vaccination campaign, umabot na po sa mahigit na apatnapung milyon or 40,030,388 ang total vaccines administered ayon sa September 15, 2021 National COVID-19 Vaccination Dashboard. Ito ay mula sa 777,908 na naitala noong Marso. Sa bilang na ito, nasa 17,675,959 ang fully vaccinated. Sa Metro Manila, nasa 14,672,783 naman po ang total vaccines administered ‘no, ito po ay 86.83 ng ating coverage rate ‘no – porsiyento po iyan. Sa bilang na ito, nasa 6,184,386 naman po ang fully vaccinated, equivalent to 63.26% of the coverage rate.
Tandaan natin po ha, libre ang magpabakuna; magparehistro lamang po sa inyong LGU. Habang tumataas po ang mga nababakunahan, dumarami naman po ang vaccine supply. Dumating kagabi, Setyembre a-kinse, ang 753,480 doses ng Pfizer na binili ng pamahalaan. Darating mamaya naman po ang 661,200 doses ng AstraZeneca ‘no, ito po ay bukas, Setyembre 17.
COVID-19 updates naman po tayo ‘no. Ito po ang ranking ng Pilipinas sa mundo sang-ayon po sa Johns Hopkins: Number 9 po sa total cases, Number 15 sa active cases, Number 136 sa cases per 100,000, at Number 93 sa case fatality rate. At ang ating case fatality rate ay bahagyang bumaba at 1.57%. Nasa 16,989 po ang mga bagong kaso ayon sa September 15 datos ng DOH. Mataas pa rin po ang recovery rate, nasa 91% po ang recovery rate, mayroon na tayong higit sa dalawang milyon or 2,076,823 na mga gumaling. Samantalang malungkot po naming binabalita na nasa 35,742 na po ang binawian ng buhay – nakikiramay po kami.
Ito naman po ang kalagayan ng ating mga ospital ‘no: Sa ICU beds – 77% ang utilized sa buong Pilipinas; 79% ang utilized sa Metro Manila. Sa isolation beds – 69% po ang utilized sa buong Pilipinas; 66% po ang utilized sa NCR. Sa ward beds – 73% po ang utilized; sa Metro Manila ay 73%. At sa ventilators – 57% po ang nagagamit; sa Metro Manila po ay 61%.
Sa ibang mga bagay: Nirirespeto po natin iyong iba’t ibang opinyon tungkol sa aking nominasyon sa International Law Commission. Pero hindi naman po siguro justified na ang pagtututol sa aking nominasyon ay dahil sa pagkakaiba ng paniniwala sa pulitika at hindi sa aking credentials.
Unang-una po, ang International Law Commission ay hindi po International Criminal Court; hindi po iyan human rights body. Iyan po ay isang body ng mga eksperto sa international law para po sa mag-codify ng customary international law at para po magkaroon ng progressive development of international law.
Hindi po totoo na masama po ang record natin bilang isang human rights defender ‘no dahil mahigit tatlumpung taon po tayo nanindigan para sa karapatang pantao. Natigil po iyan siyempre po noong tayo po ay napunta ng gobyerno dahil bawal naman mag-practice po ng batas na siyang ginamit natin nang pinakulong natin ang mga Ampatuan na pumatay sa mga biktima ng Ampatuan massacre; iyong ginamit din po natin para ma-convict itong si Pemberton na pumatay kay Laude; at siyempre po, iyong ating pagtatayo bilang tagalitis doon sa mga biktima ng torture ‘no kasama n apo si Darius Evangelista. Nandiyan na rin po iyong mga kasong nakuha natin, iyong views sa Human Rights Committee that criminal libel is contrary to freedom of expression. Eh sino ba naman ho sa aking mga kritiko ang nakagawa ng ganito?
Siguro po linawin natin, ang pagtututol nila ay dahil ayaw nila iyong desisyon ko maging tagapagsalita ng Presidente. Pero nasa akin na po iyon dahil hindi ko naman po pupuwedeng talikuran ang isang Presidente na siyang nag-certify as urgent ng aking mga panukalang batas gaya po ng batas na ngayon na Universal Health Care, iyong libreng patubig, iyong libreng Wi-Fi, at iyong National AIDS Law na nagpapataw ng parusa sa mga taong magdi-discriminate laban sa mga HIV positive individuals.
Anyway, sa lahat po ng mga kandidato sa ILC, tayo po ay naninindigan na kinakailangan magkaroon ng draft treaty para po masigurado iyong tinatawag na vaccine equality. Hindi po katanggap-tanggap na 85% ng ating mga bakuna ay napupunta sa mga mayayamang bansa. May karapatan po ang lahat na mabuhay sa gitna ng pandemya.
At siyempre po, isa pa nating plataporma ay dahil nga po sa global warming tataas po ang ating mga karagatan, mawawala ang ating mga isla, babahain tayo. Ang tanong: Anong mangyayari sa ating teritoryo? At ako po ay naninindigan na kinakailangan magkaroon ng isang tratado na kung saan ang lahat ng ating boundaries bago tumaas po ang ating karagatan ay dapat maging conclusive dahil kung hindi po magkakaroon ng stability sa teritoryo, magkakaroon pa po tayo ng mas maraming hidwaan pagdating sa teritoryo.
Anyway, ang magdedesisyon po kung sino ang tatayong mga miyembro ng International Law Committee ay ang lahat ng miyembro ng United Nations.
Dito po nagtatapos ang ating presentasyon.
Makakasama natin po ngayong araw si PNP Chief Police General Guillermo Eleazar. Chief, bukas po ay ipatutupad na ang granular lockdown bilang isang pilot sa Metro Manila, kumusta na po ang ating kahandaan?
PGEN. ELEAZAR: Yes, Secretary Roque, sir! Sir Harry, actually po, ipinatutupad na po natin dito at ngayon po ay katanghalian na at nagsimula na kanina.
At base po doon sa ulat ng ating mga commanders, lalo na dito sa Metro Manila, generally peaceful, wala po tayong problema. Kung matatandaan po natin sa mga nakaraang araw ay binigyan natin ng direktiba ang lahat ng chiefs of police dito sa NCR na makipag-coordinate na sa kanilang mga local government units at alamin po itong mga prosesong gagawin nila. Even though mayroon tayo nga na mga guidelines coming from the IATF at tayo ay nasa Alert Level 4, doon sa partikular po na granular lockdown ay iyon po iyong ating binabantayan.
Noong magsimula po tayo kahapon, mayroon naman po tayo na 54 na barangays na nasa granular lockdown. Iyon po iyong dating pinaiiral na base na rin po doon sa ginagawa ng ating mga LGU.
So ngayon, para po sa kaalaman ng ating mga kababayan, dito po sa Metro Manila, ni-refocus po natin iyong ating mga personnel na kung dati ay nandoon po sila at nakatutok sa ating mga quarantine control points na nagco-conduct ng mga random checking ay hindi na po doon ang kanilang tutok ngayon. Ito po ay nandoon na sa mga lugar kung saan marami ang ating mga kababayan dahil nga marami na tayong mga permitted industries para siguraduhin na ang mga kababayan natin ay sumusunod sa minimum public health standard.
At para naman doon sa mga identified na lugar na placed under granular lockdown, nandoon po ang ating pulis pinangungunahan kasama ang iba pang force multiplier o barangay tanod ng naturang lugar para siguraduhin na tutupad po itong ating mga kababayan doon po sa mga lugar na iyon.
So, in general po, nakita natin naman na maayos at inaasahan po natin na sa mga susunod na oras o mga araw ay lalo pong ma-appreciate ng ating mga kababayan itong ating bagong Alert Level System at the same time sumunod po doon sa mga pinapahayag natin na mga alituntunin.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Chief Eleazar. At salamat for the correction kasi midnight po ngayon dito sa New York, so, nakakalimutan ko you are one day ahead of us.
Okay! Pumunta na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky, go ahead please.
USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary Roque. And good afternoon din po kay PNP Chief Eleazar.
Ang first question po mula kay Vanz Fernandez: With the possible threat of a terror attack in South East Asian countries including the Philippines according to the Japanese Foreign Ministry, has there been any sort of mobilization from the AFP or PNP? Does the NBI have any sort of information they are looking into? And what are the thoughts of President Duterte on this?
SEC. ROQUE: Well, alam naman po ninyo. Talaga naman pong tayo ay nasa heightened alert matapos po iyong nangyari sa Marawi ‘no at nagpapasalamat po tayo sa impormasyon. Pero lalo lang po nating pinaiigting ang ating kahandaan para po harapin ang posibleng terroristic attack muli ‘no.
Nakahanda naman po ang ating kapulisan at ang ating Hukbong Sandatahan at hinihiling din atin ang kooperasyon ng ating mga mamamayan, i-report po ninyo sa kapulisan kung mayroon kayong kaduda-dudang mga personalidad o di naman kaya mga kadudang mga bagay-bagay lalo na sa mga pampublikong lugar.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod pong tanong ay mula kay Ron Lopez ng Agence France- Presse: What was President Duterte’s reaction when he was informed of the ICC decision? And what were his orders to government agencies and officials when it comes to dealing with ICC prosecutors?
SEC. ROQUE: Bago ko sagutin iyan, Chief Eleazar, mayroon kayong idadagdag doon sa naunang tanong tungkol doon sa warning galing po sa Japanese authorities tungkol sa possible terroristic attack?
PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Yes, Sec Harry. Maraming salamat, USec. Rocky. Tama po iyon, iyon nga naiulat na from the Japanese embassy regarding this threat. At kami naman po sa aming hanay ay wala po kaming nari-receive na ganoong threat. But just the same, hindi po namin pinapagsasawalang bahala iyang impormasyon na iyan at patuloy ang ating monitoring na ginagawa.
So nagbigay na rin tayo ng direktiba sa ating intelligence unit, as well as sa atin na ring mga different commanders in the grounds na maging mapagmatyag. In fact, kahapon nga ay nag-react na rin iyong ating ibang mga pulis dahil nga sa pinuntahan nila itong mga lugar kung saan ang ating mga kababayan, sa mga pumupunta doon, itong mga permitted industries.
You know, in the implementation or enforcement of this IATF head protocols, sa pag-iikot natin, iyong visibility patrol na iyon, iyon na rin iyong ating crime prevention effort. At ngayon na nakarating sa ating kaalaman iyang impormasyon na iyan, even though hindi natin sinasabi na totoo o hindi, pero parte naman ng trabaho natin na panatilihing magbantay.
So ina-assure natin, both ang ating mga kababayan pati na ang ating mga foreign nationals, kasi very aggressive ang mga Japanese nationals na patuloy iyong ating kapulisan in progression with other units ng ating intelligence community para po magbantay at siguraduhin na tayo ay nakahanda sa anumang eventuality. Pero, just the same humingi tayo ng patuloy na kooperasyon ng ating kababayan. Ibigay ulat po sa amin kung mayroon kayong impormasyong natatanggap, naobserbahan na hindi normal para po maaksyunan kaagad ng ating Philippine National Police. Maraming salamat!
SEC. ROQUE: Thank you, Chief Eleazar.
Doon naman sa tanong kung ano ang naging reaksiyon ng Presidente, ako po iyong nagbalita kay Presidente habang siya po ay nagri-record ng kanyang Talk to the People. Tapos na po iyong pagri-record niya at siya po ay bumabasa ng mga pagbabati. Wala po, wala pong reaksiyon ang Presidente dahil sa mula’t mula niyan, sinasabi niya na siya ay mamamatay muna bago siya haharap sa mga dayuhang mga huwes. Kung mayroong reklamo, dapat dito isampa sa Pilipinas, dahil ang ating mga hukuman ay gumagana. At ang korte ng ICC ay walang hurisdiksiyon, puwede lang siyang mag-akto sa mga kaso kung ang mga hukuman natin ay hindi gumagana o ‘di naman kaya ay iyong tinatawag na unwilling na magkaroon ng hurisdiksiyon sa mga kaso na pinapatawan ng parusa, hindi lang po ng Rome Statute, kung hindi po ng ating batas sa Pilipinas na tinatawag na IHL Law.
So sa kanya, bahala sila kung ano ang gusto nilang gawin. Dahil nagkaroon na nga po ng desisyon ang Pre-Trial Chamber mismo ng ICC na nagsasabi na huwag na dapat itutuloy ang mga imbestigasyon na wala namang possibility na magkakaroon ng successful ng prosecution dahil iyan po ay pagsayang lamang ng oras at ng resources ng ICC mismo.
Ang paninindigan ni Presidente, lahat nang gustong magreklamo, bukas po ang ating mga hukuman sa Pilipinas. At noong tayo po ay naging partido sa tratado ng Roma, hindi po natin sinurender ang ating sobereniya at ang ating hurisdiksyon. Ang sabi lang natin, pupuwede lang gumalaw ang korte kung wala po tayong hukuman na magbibigay ng katarungan. At mayroon naman po tayong mga hukuman dito ngayon sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: From Currie Cator ng Manila Times, para po kay PNP Chief Eleazar, pero nasagot na po ni PNP Chief iyong tanong niya doon sa assessment ng pilot run sa NCR. From PTV naman po: General Eleazar, kumusta daw po iyong inter and intra zonal travel dito ngayon sa pagsisimula?
PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Yes, USec. Rocky, thank you. Dito po sa Metro Manila nga ay hindi na po ganoon ka-restricted ang ating pagta-travel. At alam naman po natin na iyon pong mga industries na napakahayag ay open na sila at doon sa mga lugar na sinasabi natin na bawal pa, iyon rin po ay atin na ring ipinaliwanag.
So, basically kung hindi kayo kasama sa negative list natin, puwede na pong full capacity na iyon. So in a such, pati iyong mga workers nila ay allowed na rin. So, that is within Metro Manila.
Pero tatandaan po natin, outside of Metro Manila, partikular the four provinces, ito pong Bulacan sa Norte at Laguna, Rizal at Cavite sa South, under MECQ pa rin po iyan. So iyon pong mga probisyon ng MECQ ay nandoon pa rin. Kaya nga kung ang mga checkpoint po natin, quarantine control points sa loob ng Metro Manila, iyan po ay ni-refocus natin sa mga granular lockdowns areas or doon sa mga establisyemento na nag-o-operate para magbantay doon ay iyon pong palabas ngayon ng Metro Manila, depende na rin po iyan. Kailangan APOR kayo, doon sa mga MECQ areas kung pupunta kayo doon. And your travel is work related.
So tandaan po natin iyon, Metro Manila, ito po iyong pilot natin, pilot area. But outside of Metro Manila, the existing provisions of MECQ, GCQ and MGCQ at still being implemented, lalung-lalo na ang labas ng Metro Manila. Kaya inuulit ko, the four adjacent provinces are all under MECQ.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, General Eleazar. Secretary Roque, ang susunod na magtatanong si Mela Lesmoras via Zoom ng PTV.
SEC. ROQUE: Go ahead, Mela.
MELA LESMORAS/PTV 4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque at kay General Eleazar. Secretary Roque, unahin ko lang po itong umiiral na bagong Alert Level System sa ating NCR. Para po sa Malacañang, para mas maintindihan ng ating mga kababayan, bakit nga po binago at ano iyong expected effects ng Malacañang, ng ating pamahalaan dito nga sa Alert Level 4 pagdating sa economic side at health side po?
SEC. ROQUE: Well, alam po natin na mas mahigit na nakakahawa ang Delta variant, pero ganoon pa man, hindi natin tinatanggap na iyong huling lockdown natin ay hindi pa rin natin napababa ang mga kaso, bagama’t palagi ko pong inuulit na it is within the forecast of FASSSTER ‘no. So, itong ating ginagawa pong pilot ngayon na sa granular lockdown at saka alert level system, ito po ay titingnan natin kung mas lalo natin mapababa at mapapahina iyong pagkalat ng COVID-19.
So ang siyensiya po diyan ay dahil alam naman natin kung nasaan iyong mga kuta ng COVID-19 at siguro kapag iyon ang sinarado talaga natin na wala talagang maglalabas–pasok kung hindi mga health professionals at saka iyong mga OFWs, eh baka naman talaga ma-contain iyong pagkalat dahil hindi na makakalabas doon sa lugar na kung saan marami sila ‘no.
So, inaasahan po natin na kung ito po ay maging matagumpay na bababa ang numero ng COVID, bagama’t gaya ng aking sinabi ‘no, 5 to 8 times more na nakakahawa po ang Delta variant.
MELA LESMORAS/PTV 4: Opo. And Secretary Roque, kasi sa bagong alert level system, ang pinakamababa ay Alert Level 1. Sa tingin po ba natin, kailan kaya maa-achieve ng NCR iyong Alert Level 1? Possible po kaya ito this year? Well, siyempre ang hiling ng ilan sa Pasko. Kailan po kaya natin makakayang maabot iyong Alert Level 1 na lang tayo?
SEC. ROQUE: Well, tinitingnan pareho pa rin ng ating criteria ‘no, iyong pagkalat ng sakit, two-week attack rate, daily attack rate, two-week average attack rate at saka iyong health care utilization rate.
So, hindi ko po alam kung kailan natin makakamit iyan. Pero ang importante po sa Metro Manila eh, mahigit 60% na po ang ating pagbabakuna. At nakikita naman natin na bagama’t tumataas pa rin ang mga kaso, mayroon pa ring espasyo ating mga ospital. Ibig sabihin, mas marami talaga ang nagiging asymptomatic at saka mild at iyan naman po talaga ang garantiya kapag marami na pong bakunado.
So, habang dumadami po ang nababakunahan sa Metro Manila, nagkakaroon po tayo nang mas mataas na kumpiyansa na pupuwede na tayong magbukas ng ekonomiya at iyon naman po ang ating ninanais ‘no. Maski tumaas ang numero basta mataas din ang hanay ng mga nababakunahan eh bababa po unang-una iyong mga namamatay at saka bababa rin po iyong mga kinakailangang ma-ospital.
MELA LESMORAS/PTV: Opo. And for my final question kay General Eleazar lang po. General Eleazar, sabi kasi kanina ni DILG Secretary Año sa Talk to the People ay mas mahigpit nga iyong gagawing health protocols dito nga sa new Alert Level System. Mula sa panig ng PNP, ang tanong kasi ng marami nating kababayan, anu-ano ba iyong mga huhulihin under Alert Level 4 at mga paalala ninyo pa po para nga tuluy-tuloy na maging peaceful itong situation natin?
PGEN. ELEAZAR: Salamat. Actually, ang ating babantayan ngayon ay iyong mga kababayan natin na nasa labas na susunod sa minimum public health standard.
Alam ninyo, gusto ko lang iulat na for the past 26 days na under MECQ tayo sa Metro Manila mula noong April 21 hanggang kahapon ay nagtala po tayo na nag-a-average ng 12,600 araw-araw iyong ating naa-accost, total of 328,000 po iyon. So, ia-average lang natin siya na 12,600.
Sa buong Pilipinas naman, ang average natin for the past 26 days ay 63,400. So, iyon, nakita na natin na hindi sumusunod. So, iyon ang paghihigpit na gagawin ng ating pulis dahil nga marami ng permitted industries na bukas even dito sa ating Alert Level 4.
Ang ating pulis natin ngayon ay hindi lang sa checkpoint kung hindi sa lugar kung saan pumupunta ang ating kababayan para siguraduhin na sila ay sumusunod dito po sa ating mga health protocol. Dahil ang tried and tested formula natin talaga, kapag nasa labas ka ay sundin itong mga non-pharmaceutical na mga interventions na dapat nating gawin.
At para doon naman sa granular lockdown, ito ang sinasabi natin na talagang pinakamalapit sa katotohanan na total lockdown. Kumbaga, itong ginawa nga natin ngayon na sa Alert Level System tayo na mayroong granular lockdown, nagkataon lang na nasa Level 4 tayo.
Pero kung tutuusin natin kung nasa Level 1,2,3,4, ito po iyong sabihin natin na malapit sa kaluwagan base sa transmission ng ating infection at saka pati iyong mga utilization rate ng ating ICU at pati na rin iyong hospital beds.
Eh, ito po kasi ay nagtutukoy ito sa puwede pa ring gawin na mayroong granular lockdown. Puwedeng maluwag sa ekonomiya pero sinusunod iyong mga protocol at the same time puwedeng specific or focus iyong may granular lockdown na ang the only APOR na nandoon basically is only the healthcare worker. Kayo pong member ng media at kami ring mga pulis, doon po sa granular lockdown hindi po tayo APOR except doon sa pulis na nakabantay siya doon. Pero kung doon ka nakatira, ibang usapan po iyon. It’s either doon ka tumira for the rest of the lockdown or doon ka na lang sa opisina
So, mahirap po iyon na sinasabi nga na kung ang sakit ng ating katawan ay sa kalingkingan lang eh bakit naman natin gagamutin iyong buong katawan. Well, logic will tell us na kung ito po will be properly implemented, kami ay naniniwala na ito po ay makakatulong talaga sa ating ekonomiya at ganoon din sa ating lahat dahil ang pulis natin mula noon, isang taon at kalahati na, nakita natin po lahat ang ating adjustment base sa ating sitwasyon.
At sana po sumunod ang ating mga kababayan para po sa katagumpayan nitong pilot test na ito na puwedeng gawin sana sa buong Pilipinas para ma-address na nating iyong ating problema. Maraming salamat, Usec. Rocky.
MELA LESMORAS/PTV: Okay. Thank you so much po.
SEC. ROQUE: Ang susunod na magtatanong ay si—
USEC. IGNACIO: Secretary Roque?
SEC. ROQUE: Usec. Rocky, yes. Go ahead, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: From Currie Cator ng Manila Times: The ICC has authorized an investigation not only into the drug war killings but also on the so-called Davao Death Squad. This means summons and arrest warrants can be issued against the President. What happens now? Is the President going to just keep threatening the ICC with his words?
SEC. ROQUE: Mali po iyan. Wala pa pong power to summons ang ating hukuman. Ito po ay panimula pa lamang ng preliminary examination. So, alam ninyo po kasi ang sistema na ginagawa nila sa ICC, iyan po ay tinatawag na inquisitorial. Dito po sa Pilipinas, ang mga nagrereklamo, sila po iyong nagsusumite ng mga ebidensiya. Pero sa kanilang sistema, iyong prosecutor hahanap ng ebidensiya, hindi ibinibigay sa prosecutor.
Ang problema eh kung hindi na tayo miyembro at wala ng duty to cooperate, paano sila makakakalap ng ebidensiya? Sa isang killing kinakailangan mayroong police report, eh paanong gagawin nila? Hindi magko-cooperate ang mga pulis para ibigay ang police report? Hindi magko-cooperate ang autopsy; iyong forensics expert noon na naggagawa ng medico legal ‘no. Hindi magko-cooperate iyong pulis kung ano iyong mga naging resulta ng kanilang imbestigasyon ‘no.
So, iyan po ang sinasabi mismo ng ICC pre-trial chamber nang sinabi niya na dapat iyong prosecutor eh huwag magtuloy sa imbestigasyon kung hindi naman magreresulta sa satisfactory at successful prosecution dahil walang kooperasyon. Now, nabaligtad po iyang ganiyang desisyon dahil ang sabi ng appellate tribunal, well, nasa prosecutor pa rin iyon maski alam niyang walang cooperation at mahirap na makakuha ng ebidensiya para magkaroon ng successful prosecution, kung gusto pa rin mag-imbestiga, nasa sa kaniya iyan.
Kaya kung titingnan ninyo po, napakadaming mga kaso, taon na po ang nakalipas, nakabinbin po ang preliminary investigation kasi wala nga po silang makalap na ebidensiya. So, ang aking prediksyon po, matutulog lang po iyang kasong iyan dahil in the absence of cooperation, lalung-lalo na sa kapulisan eh wala po talagang ebidensiya na makakalap.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo says the Administration won’t do anything to prevent the probe but if the President still won’t cooperate, wouldn’t that stall the investigation?
SEC. ROQUE: Well, iyon nga po eh, sinabi na mismo ng ICC pre-trial chamber iyan, huwag mag-aksaya ng panahon sa mga kaso na dahil walang kooperasyon ay hindi magreresulta po sa isang successful na prosecution.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question niya: Panelo also says the probe was just a political and propaganda apparatus. Is the government accusing the ICC of intentionally launching an investigation just to dethrone the President?
SEC. ROQUE: Well, sabihin na lang po natin ganito ‘no, ngayong nasa New York po ako nakakausap ko ang mga kapatid natin sa Africa, may punto. There was a time na lahat ng mga African nations belonging to the African Union ay nais nang bumitiw sa ICC. Bakit? Ang perception nila pinupuruhan ang mga Africans.
So, ganiyan din po ang pananaw ng Presidente. Bakit mo ako iimbestigahan eh alam mo namang gumagana ang hukuman ko. Noong kami ay pumayag na maging miyembro sa ICC, pumayag lang kami na pupuwedeng gumalaw ang ICC kung ang mga hukuman namin ay hindi na gumagana, eh gumagana iyan. So, dapat hindi talaga nagsimula ang imbestigasyon dahil labag iyan doon sa consent o iyong pagpayag natin maging partido sa tratado na nakabase doon sa prinsipyo ng complementarity na aakto lang ang ICC if the local institutions are unable or unwilling.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod na magtatanong, Secretary Roque, si Pia Rañada ng Rappler via Zoom.
SEC. ROQUE: Go ahead, Pia.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Yes. Sir, you were saying that non-cooperation is likely going to be a basis for the ICC to [conduct] a real investigation or a formal or the next stage in the investigation. But, Sir, how about, Sir, iyong case of Afghanistan where initially they withdrew or did not approve of the investigation because nga the government didn’t want to cooperate but then they reverse the decision and that’s why now there is an ongoing Afghanistan investigation. So, given that, you know, palagi namang hurdle iyon eh, iyong non-cooperation, and yet prosecutors were able to move forward in certain cases. So, why will the government simply not just participate so that you can – once and for all – prove that wala namang human rights abuses in the drug war?
SEC. ROQUE: Because it is a violation of our sovereignty and our jurisdiction. Iyong consent natin to be a member, did not mean that we waived our sovereignty and jurisdiction. Napaka-importante niyang soberenya. Iyong hurisdiksiyon kasi isang aspeto iyan ng soberenya at iyan nga iyong hurisdiksiyon na maglitis ng mga kaso at gumawa ng batas. So, hindi po natin iyan binalewala noong tayo ay naging miyembro ng ICC dahil ang sabi lang natin, papayag lang tayo sa hurisdiksiyon ng ICC kung hindi gumagana ang lokal na hukuman.
Tama ka na doon sa kaso sa Afghanistan nabaligtad iyong pre-trial chamber ‘no at ang sabi ng hukuman eh hayaan mo ang prosecution mag-determine kung gusto pa rin niyang mag-imbestiga pero hindi pa rin po iyan naisasampa sa hukuman at napakadami pong mga kasong nakabinbin sa level ng pre-trial investigation dahil alam naman ng prosecutor na kapag siya ay nagsampa ng kaso, kinakailangan niya ng proof beyond reasonable doubt at tatlong huwes ang magdi-determine kung napruwebahan nga iyan ng prosecution. Napakahirap na burden po iyon.
PIA RAÑADA/RAPPLER: And then, Sec., you are also citing as one reason iyong we have naman a robust justice system and it’s enough to prosecute these alleged abuses. But, sir, the pre-trial chamber, one of its determinations was that this justice system does not exist—I mean, this robust mechanism that you say. Can I just quote a line from the decision, they said that, “Fifth, the supporting material indicates that the Philippine authorities have failed to take meaningful steps to investigate or prosecute the killings. It appears that only few cases have proceeded to trial, and that only the case of the murder of Kian Delos Santos has proceeded to judgment.” And that the PCOO even identified the deaths of drug personalities as achievements in the year-end report of administration.
So, sir, can you just—they already found themselves na wala ngang … parang kumbaga, the justice system is not working here. So what happens now, will the government now hasten these cases, maybe make a special initiatives so that these cases finally reach trial and lead to more convictions faster?
SEC. ROQUE: Unang-una, that’s erroneous; and pangalawa, that’s actually a prejudgment. Kasi at the level of preliminary investigation, kinakailangan ma-satisfy din iyong requirement ng complementarity ‘no. So even before they conduct the preliminary investigation, mayroon nang conclusion na hindi raw gumagana ang lokal na hukuman.
Alam mo, iyong delay, problema iyan hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa ICC na rin. Alam mo ba iyong preliminary examination laban sa Inglatera para din sa mga war crimes na diumano’y ginawa sa Afghanistan ‘no, sampung taon iyong preliminary examination.
So kapag ang mga akusado ay mga from developed countries na mga puti, sampung taon sila nagdidesisyon, at ang desisyon doon ay para huwag nang ituloy ang preliminary investigation. Pero kapag hindi mga taga-developed countries kagaya ng Pilipinas, napakabilis ng resolusyon. At ganiyan din ang ginagawa ng ICC sa mga akusado na galing sa bansa ng Africa, siyang dahilan kung bakit kamuntik na na halos lahat ng miyembro ng Africa ay umalis sa International Criminal Court.
PIA RAÑADA/RAPPLER: So that’s your response to the ICC pre-trial chamber na that’s just the way it is? These cases will really take—
SEC. ROQUE: That’ the way it is! There is general dissatisfaction even from the ranks of ICC state parties.
PIA RAÑADA/RAPPLER: How about, sir, iyong public statement of the President saying he will grant pardon to any policemen accused of wrongdoing as long as they are doing it during anti-drug operations? Kasi the pre-trial chamber also identified those statements as one way to determine reasonable basis na may parang lack of justice system reparations and …
SEC. ROQUE: No, what they have to prove are the elements of crimes against humanity, that there is systematic and widespread attack against civilian populations because they are civilian populations. At iyong mga ganiyang salita, that does not prove the elements of the crime.
PIA RAÑADA/RAPPLER: But what will the Palace now—kasi iyon nga, iyong issue of transparency, if you’re really willing to make sure that walang human rights abuses in the drug war, people are calling for DOJ and PNP to share the police records of the 52 cases of abuses by the police found by the DOJ. So will the DOJ or PNP now share these police records with CHR, CSOs and maybe even the public?
SEC. ROQUE: Parang huli ka naman sa balita. General Eleazar is here, they agreed to share all their case files involving deaths during police encounters. Is this true, Chief Eleazar? Hindi lang 52; thousands of files they have, in fact, shared with the Department of Justice. Sige, you elucidate this point, Chief Eleazar.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Hindi, alam naman iyong sharing with the DOJ. It’s the sharing with the CHR and the public that we’re asking about now. Will you do that?
SEC. ROQUE: Well, ang importante kasi ay DOJ. Kasi DOJ, sa ating sistemang ligal, ang magsasampa ng kaso. Walang kapangyarihang magsampa ng kaso ang CHR.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Yeah, but giving it to CHR would at least give the impression that you are willing to be more transparent about these cases.
SEC. ROQUE: We don’t care about impression. We care about the fact that the pillars of criminal justice system are working.
PIA RAÑADA/RAPPLER: You don’t care about transparency?
SEC. ROQUE: Why would I care about transparency when we’re ensuring that guilty individuals are investigated, prosecuted and punished for their acts. Iyon ang importante, kasi ang obligasyon ng estado, when there is a violation of a right, is to provide an adequate domestic legal remedy to the victims, at iyon nga po iyong obligasyon na litisin at parusahan ang mga nagkakasala.
PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Last question, Spox. The pre-trial chamber also recognized that states have a responsibility and the right to carry out anti-drug operations. But they said that the drug war carried out by the Duterte administration can in no way be considered a legitimate anti-drug law enforcement based on the document submitted by the prosecutor. Reaction to this and what will you now do about the drug war campaign given this determination?
SEC. ROQUE: That’s a preliminary assessment without the benefit of preliminary investigation, and should not be given much weight and attention.
PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Thank you, Sec.
SEC. ROQUE: Thank you very much. Yes, punta naman tayo uli kay Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque. From Leila Salaverria ng Inquirer: For clarification, is there a particular reason why it has to be the SolGen who has to write the COA to order the PRC audit?
SEC. ROQUE: Because according to the Administrative Code, the OSG is the legal counsel of the Republic.
USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: What will be the government’s course of action if the COA will refuse to audit the PRC?
SEC. ROQUE: That’s speculative po because we are confident that the COA knows its job and that unfortunately, the PRC is not cognizant of the constitutional provision that all public funds should be subjected to audit by COA.
USEC. IGNACIO: Opo. From Ivan Mayrina ng GMA News: Reaksiyon sana ng Palasyo sa pahayag daw po ni Mayor Inday Sara kahapon, and I quote, “Mayroon kaming maayos na kasunduan ni Pangulong Duterte sa aming karera. Ibigay po natin sa kaniya ang pinakamalakas na suporta sa kaniyang desisyon na tumakbo bilang vice president.” Can you tell us more about this agreement, Secretary Roque?
SEC. ROQUE: I will have to defer to the spokesperson of Mayro Sara who is Mayor Christina Garcia Frasco.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyon pong tanong ni Kyle Atienza ng BusinessWorld: Will the Philippines under the Duterte administration allow ICC investigators to enter the country? Why not?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, wala pong dayuhang nakakapasok sa Pilipinas except for those with long staying visas. So ngayon po, because we are limiting the entry of foreigners, lahat naman po ng mga foreigners, iyong mga turista and otherwise, iyong walang mga long stay visas are not allowed into the Philippines.
USEC. IGNACIO: From Joseph Morong ng GMA News: Your statement on the pre-trial chamber said, it [would] rather not continue investigation because it will be difficult. But there is quote from the chamber which contradicts you, I quote, “In this regard, the chamber considers that it does not follow that an investigation should not be opened where facts or accounts are difficult to establish, unclear or conflicting. Such circumstances in fact call for an investigation to be opened, provided that the relevant requirements have been met.” It does not follow that an investigation should not be opened, it said.
SEC. ROQUE: Well, I admit po ‘no that is the decision of the appellate tribunal. Pero ang sinasabi ko po, mas naniniwala ako na iyong tama ang desisyon ng pre-trial chamber. Kasi kung ikaw po ay bihasa sa criminal prosecution at sa litigation, kung wala kang ebidensiya, wala ka ring kaso. At kung walang kooperasyon, wala ka rin kaso ‘no dahil wala kang ebidensiya na maibibigay sa hukuman.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque, General Eleazar.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. Rocky. Dahil wala na po tayong mga katanungan, maraming salamat, Chief Eleazar. Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.
Sa ngalan po ng inyong Presidente, ito po ang inyong Spokesperson Harry Roque na nagsasabi: Pilipinas, tayo po ay isang soberenya at independiyenteng bansa. Habang gumagana ang ating mga hukuman, hindi pupuwedeng manghimasok ang kahit sinong dayuhan. At iyan po ang basehan ng ating pagiging miyembro ng ICC, na hinding-hindi natin isu-surrender ang ating soberenya kung hindi sa mga pagkakataon na hindi gumagana ang ating mga hukuman at ang ating mga institusyon. Hindi po iyan ang pangyayari sa Pilipinas ngayon. Kinakailangan po, ang lahat may reklamo laban doon sa ating war against drug, isampa po ang reklamo sa ating prosecution na isasampa naman sa hukuman kung mayroon pong ebidensiya.
Magandang hapon po sa inyong lahat.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center