SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas, gayun na rin sa mga kababayan natin sa labas ng bansa. Sama-sama muli nating aalamin ngayong umaga ang mga maiinit na isyu tungkol sa COVID-19 at ang ginagawang pagtugon dito ng nasyonal at lokal na pamahalaan, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky!
USEC. IGNACIO: Makikibalita rin po tayo sa mga usapin [garbled] sa overseas employment ng ating mga kababayan at gayon din sa nalalapit na pagsisimula po ng face to face classes sa ilang piling lugar. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio!
SEC. ANDANAR: Rocky, simulan na natin ang makabuluhang usapan dito po sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Maraming lugar sa bansa ang kinakikitaan ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, isa sa mga ito ay ang probinsiya ng Camarines Norte, ating kumustahin ang kalagayan ng lalawigan kasama si Camarines Norte Governor Ed Tallado. Magandang umaga po sa inyo, Governor Ed.
CAMARINES NORTE GOV. TALLADO: Sec. Martin, magandang umaga po. Kay Usec. Rocky, magandang umaga rin po, at sa lahat po ng nanunood at nakikinig ng inyong programa.
SEC. ANDANAR: It’s good to see you once again, Governor. Sa kasalukuyan po ba ay ilan na po ang mga kaso ng COVID-19 sa inyong lugar at kumusta po ang mga nadadagdag sa mga ito bawat araw?
CAMARINES NORTE GOV. TALLADO: Bale po ngayon ‘no, ang total cases po namin [garbled]; ang active cases po namin is 675. So ito pong after ng March po, this year, bigla pong dumami ang [garbled] sa amin. Kasi nasanay po kami na before March [garbled] may three months kaming zero kami. Tapos nga po noong nagkaroon ng [garbled] variant, doon na po nag-umpisa iyong pagdami ng COVID-19 dito po sa aming lalawigan.
SEC. ANDANAR: Okay. Ano po ba ang nakikita ninyong dahilan ng pagtaas ng mga kaso sa inyong lugar, Governor Tallado?
CAMARINES NORTE GOV. TALLADO: [Garbled] dito sa amin ay umuulan then sobrang [garbled] karamihan po ng ubo, sipon [garbled] iyon kasi po ang symptoms ng COVID 19 pina-test natin iyon, malamang po [garbled].
SEC. ANDANAR: All right, Governor, kumustahin na rin po namin ang apat na naitalang Delta variant cases diyan. Kumusta po sila at kumusta ang contact tracing?
CAMARINES NORTE GOV. TALLADO: Ganito po iyan, Sec. Martin, [garbled] so nung i-antigen po namin [garbled] so na-isolate agad po namin kasi positive po sila ‘no. So iyon nga po, in-isolate natin [garbled] then iyong specimen ay dinala po sa Manila so nalaman po natin na positive ano po dahil iyon nga, sabi ko—
SEC. ANDANAR: Okay, balikan po natin si Governor, may problema po iyong ating linya ng telepono.
Samantala, Senador Bong Go sinusuportahan po naman ang pag-apruba sa limited pilot face to face classes sa mga low-risk areas. Pinapaalalahanan din ang mga awtoridad na ipatupad ang health protocols sa mga naturang lugar. Narito po ang report:
[VTR]
SEC. ANDANAR: Balikan po natin si Governor Ed Tallado ng Camarines Norte. Governor, you were saying na mga active cases at Delta cases diyan. Can you please elaborate?
CAMARINES NORTE GOV. TALLADO: Bale po may na-detect po kami na apat na pasyente na sila po ay positive sa Delta variant, ano po. Pero ito naman po ay hindi na nakapanghawa kasi nga po nadala agad natin ito sa isolation facility po ‘no galing po sa border. Kasi po ang ginagawa namin, kapag ikaw ay nag antigen sa border at nag-positive, dadalhin ka na po namin sa isolation facility.
Then, iyon nga po, iyong specimen ay dinala po sa Manila at iyon nga po nalaman na positive po sila sa Delta variant. Ito po ay dalawang driver at saka isang saleslady, at iyong isa naman po ay galing sa Probinsiya ng Albay, ano po. So hindi na po sila nakapagkalat pa ng COVID-19 na ito nga pong Delta variant.
SEC. ANDANAR: Pero kumusta naman po iyong contact tracing, Governor?
CAMARINES NORTE GOV. TALLADO: Iyong contact tracing po, talagang massive po ang ginagawa natin. Kaya nga po lumalaki nga po iyong nagpa-positive dahil nga po sa contact tracing na ginagawa natin.
SEC. ANDANAR: Governor, nabanggit ninyo po sa isang pahayag na puno na ang COVID-19 isolation ward sa Camarines Norte Provincial Hospital. Paano ninyo po sinusolusyunan ito gayong patuloy na dumarami nga ang nagpupositibo po diyan?
CAMARINES NORTE GOV. TALLADO: Bale po iyong pag-aari ng provincial government na mga hospitals katulad pong provincial hospital ay talagang punung-puno na po iyon ‘no. Ang bed capacity lang po noon is 46; ang bed occupied na po is 48. So ngayon po, ang ginawa po namin, gumawa po kami ng extension para sa 20 na tao na positive sa COVID-19.
So iyong ibang ospital naman po, iyong sa district hospital namin, ganoon din, puno na rin. Then iyong mga private hospital po, mayroon na lang … may isang ospital, isa na lang po ang bakante – iyon pong private hospital.
So talaga pong lumaki po, lumubo talaga iyong nagpa-positive sa amin dito sa Camarines Norte. Hindi lang po sa Camarines Norte naman eh, pati buong Bicol Region. Namu-monitor ko po kasi iyong mga araw-araw na nagpa-positive.
SEC. ANDANAR: Ini-encourage ninyo po ba ang home quarantine para sa mga residenteng asymptomatic at mild cases lang sa COVID-19 dahil nga sa mga punong isolation wards ng lalawigan?
CAM NORTE GOV. TALLADO: Bale po naglabas po kami ng executive order ito lang pong nakaraang linggo na mas mahigpit po na pagbabantay dahil nga po ang mga ospital nga po natin ay puno na na dapat kapag naka-home quarantine ka po dapat talagang bantayan ng barangay o ng mga barangay officials, barangay tanod at ng mga kapulisan po para hindi na po sila makalabas at hindi na sila puntahan ng mga kaibigan nila o sinuman.
SEC. ANDANAR: Nabanggit ninyo na mas paiigtingin na ng inyong LGU ang paghihigpit sa mga border. posible po ba ito lalo’t magkakadikit din ang probinsiya diyan sa buong Bicol Region?
CAM NORTE GOV. TALLADO: Kasi po ang Camarines Norte po malapit po kami sa Quezon Province, katabi po namin ang Quezon Province eh. Kami iyong unang probinsiya kapag papasok po kayo ng Bicol Region. So, kaya nga po consistent po ako talaga sa paghihigpit sa border eh. Talagang ginagastusan po namin ang pagbabantay sa borders kasi ito ang nakikita naman talagang makakatulong sa amin dito sa Camarines Norte.
SEC. ANDANAR: Dahil sa patuloy nga po na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa Bicol Region ay niri-refer ninyo ang mga non-COVID patients sa ibang mga ospital, health centers, or lying-in clinics. Gaano po katotoo ito, Governor?
CAM NORTE GOV. TALLADO: Bale po ang coordination po ng mga municipal health officer at saka ang PHO ko po, ang provincial health officer, ng DOH po, araw-araw rin po halos nag-uusap sila para pag-usapan at planuhin kung ano talaga iyong dapat gawin at iyong makakabuti sa probinsiya po namin.
SEC. ANDANAR: Sa kabila po nito, ang Camarines Norte pa rin po ang pangalawang may mababang kaso ng COVID-19 sa Bicol Region. Ibig sabihin, manageable at under control pa naman ang sitwasyon ninyo diyan, Governor?
CAM NORTE GOV. TALLADO: Opo, totoo po iyon dahil sabi ko nga po talagang ang pag-asa, malaki ang naitutulong po sa amin talaga ay ang paghihigpit sa border, kasi po naglagay po kami sa border na puwede silang magpa-antigen doon.
SEC. ANDANAR: Ano po ang inyong mensahe para sa inyong mga kababayan, Governor Tallado?
CAM NORTE GOV. TALLADO: Ito naman po ay lagi ko na pong sinasabi ito sa kanila na they observe iyong health protocol, mag-ingat dahil nga po hindi natin nakikita iyong kalaban natin. Ang mga tao naman po aware naman na eh kasi nanunood sila sa TV, sa mga radio, so narinig na po nila iyon.
So, iyon po ang lagi kong sinasabi sa kanila at kami naman ginagawa po namin ang lahat na para talagang makontrol natin itong pagdami ng COVID-19 sa aming probinsiya po.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, Camarines Norte Governor Edgardo Tallado. Mabuhay po kayo at always stay safe, Sir.
CAM NORTE GOV. TALLADO: Maraming salamat din po, Secretary Martin, kay Usec. Rocky. At kayo din po mag-ingat din po kayo. Ingat po tayong lahat para matapos na itong laban natin sa COVID-19. Mabuhay po ang ating bansa! Thank you.
SEC. ANDANAR: Iyan po muna ang talakayang ating pagsasaluhan ngayong umaga. Magkita-kita tayo muli bukas. Go ahead, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin.
Kaugnay nga po sa pagpayag ng Pangulo sa limited face-to-face classes sa higit isandaang eskuwelahan na papayagan sa pilot implementation ng face-to-face classes, 20 ang manggagaling sa mga pribadong paaralan. Kaya naman po kumustahin natin ang kanilang kahandaan kasama ang managing director ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines na si Atty. Joseph Noel Estrada.
Good morning po, Attorney.
ATTY. ESTRADA: Magandang umaga po sa inyo and also to Secretary Martin at sa inyong mga tagasubaybay. Magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Attorney, kunin ko muna iyong reaksiyon ninyo dito po sa gagawing pilot implementation ng face-to-face classes na inaasahan pong lalahukan ng 20 private schools. Kayo po ba ay sang-ayon at sumusuporta dito?
ATTY. ESTRADA: Well, malaking bagay po ito, so we support the concrete preparations for the reopening of our schools, iyong safe reopening of our schools. And sa palagay po namin ito ay isang malaking hakbang papunta nga po doon sa paghahanda natin ng pagbubukas ng mga eskuwelahan sa face-to-face classes.
Sa ngayon po, kami ay humingi na, pormal na po kaming humingi ng kopya ng guidelines from the Department of Education at iyon pong 20 na private schools na naaprubahan, hinihingi rin po namin ang detalye noon para mapag-aralan po namin at kung sakali ay kami ay makapagbigay rin ng mga kaunting suggestions para lalong mapagtibay iyong ating kahandaan.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, may tanong lang po ang kasama nating si Ian Cruz ng GMA News: May school po ba daw na COCOPEA na sumulat sa DepEd para mapasama sa 20 pribadong paaralan na kasama sa limited face-to-face classes? At kung mayroon, ano po ang paghahanda para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at maging ng mga non-teaching personnel ngayon pong nagpapatuloy ang pandemya?
ATTY. ESTRADA: Sa ngayon po, wala pa po kaming siguradong mga eskuwelahan kung sila ay nag-request na dumiretso sa Department of Education kaya hinihingi rin po namin iyong listahan ng 20 na napili ng Department of Education na mag-participate doon sa pilot testing.
Pero sa amin, siyempre ang paghahanda namin, we will comply with all the minimum requirements on health protocols, kasi po ang unang-una naming dapat na ma-assure ay iyon mga magulang ng mga bata, ng mga estudyante at iyan din po ang patuloy na tinatanong sa amin.
Kadalasan po ang tinatanong iyong vaccination, kung vaccinated na ba iyong mga teachers at school personnel at tinatanong din po nila kung kailan magkakaroon ng vaccines for the students ano.
May mga iba pong ganoon na gusto na rin nila na magkaroon ng in-person classes kaya lang may mga agam-agam pa tungkol sa kaligtasan ng kanilang mga anak. May mga nagtatanong din iyong papaano iyong gagamit ng mga public transportation, iyong mga ganiyan, papaano natin masisiguro.
Kaya ito po ay kinakalap din namin itong mga concerns para maidulog din namin sa ating Department of Education at sa DOH at iyon pong nagpa-finalize ng ating guidelines.
USEC. IGNACIO: Opo. May mga nagsasabi na po bang miyembro ninyo na tila palugi ang operasyon dito sa face-to-face classes dahil iilang grade level lang po ang papayagan at limitado pa ang bilang na [pumasok na mga mag-aaral] pero marami naman po ang kailangan paggastusan kagaya ng modification for health protocols, kuryente, atbp.?
ATTY. ESTRADA: Ang general sentiment po, ayon na rin sa aming pagtatanong sa aming mga miyembro ay gusto na rin talaga nila na magkaroon na ng face-to-face, kaya lang siyempre inaalam din nila na bago natin magawa iyon ay may mga kailangan tayo munang i-address sa mga issues and challenges.
Iyon ngang nabanggit mo rin na concern and operational issues, mga concerns din ng mga private schools lalo na iyong maliliit dahil definitely mayroon na naman itong cost sa ating mga schools. At tinatanong na rin nga iyong papaano iyong mga tanong about liabilities in case magkaroon ng surge or mayroong maka-contract na virus na mga bata dahil iyan po ay kailangan naming sagutin na mga tanong sa amin pong mga magulang.
So, pero naiintindihan po natin na kailangan po talaga na pagplanuhan na natin iyong pagbabalik sa in-person classes dahil hindi naman po natin talaga kakayanin na lagi na lang tayong online or remote learning at mayroon din po itong epekto ayon sa mga eksperto sa learning ng ating mga estudyante.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, sa bahagi naman po ng teaching and non-teaching staff ng mga eskuwelahang miyembro ninyo, nakahanda rin po kaya sila sa pagbabalik ng face-to-face, sa learning physically and mentally?
ATTY. ESTRADA: Mayroon po tayong mga nakakausap din na mga teachers, iyong mga iba gusto na rin nila na pumasok na rin at magkaroon ng in-person classes dahil nga sa mahirap, minsan may mga technical difficulties talaga sa online teaching. At iyong iba naman mayroon ding mga concerns about their safety ‘no going to schools and reporting physically sa mga schools.
So magkakahalo din po iyong mga concerns dahil sa private schools ang decision-making is per school ‘no, hindi po kami puwedeng makapag-decide ng para sa lahat at iyon din po ang isang nagiging challenge ‘no para po sa implementation dito sa private sector.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, parang kalimitan ang concern is iyong talagang bakuna ano. Pero palagay ninyo, dapat bang required din na fully vaccinated na ang mga guro at iba pang school staff dito po sa pagbabalik ng face-to-face? At sa kabuuan ay ilan na po ba ang mga nababakunahang personnel sa mga member-schools ninyo sa COCOPEA?
ATTY. ESTRADA: Sa palagay ko po importante po ito, itong vaccination ng ating mga teachers kasi ‘yan din po ang unang-unang tinatanong ng mga magulang kung kanila pong mapapayagan nang bumalik sa mga schools, sa eskuwelahan ang kanilang mga anak.
So mahalaga po iyon na vaccinated iyong ating mga teachers at iyan din po ang ipinatutupad ng karamihan ng mga private schools. At kung titingnan po natin iyong ibang sectors, niri-require na rin po ‘no na nabakunahan – kahit iyong mga barber shops or mga dine-in na restaurants niri-require po na fully vaccinated iyong mga gagamit po ng mga establishments.
I think we can also use that standard lalung-lalo na po sa private schools dahil mataas po iyong demand din po sa amin, iyong amin pong responsibility and accountability sa amin pong mga estudyante at sa mga magulang dahil nga po sila ay nagbabayad po ng tuition.
So sa ngayon naman po mataas ang aming vaccination rate sa aming mga teachers, iyong acceptability na kailangan po talagang magpabakuna. Kung mayroon man pong kakulangan ay iyon pong mga general limitations lang din po, I think sa supply ng vaccines at iyong mga general na challenges sa pagpapabakuna. Pero lahat po sila ay karamihan sa aming miyembro ay sang-ayon po sila na kailangan pong magpabakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Nagkaroon po ba kayo ng consultation sa mga parents ano po at willing po kaya sila na ibalik sa faced-to-face classes ang kanilang mga anak o may iba pa silang mga concerns?
ATTY. ESTRADA: Mayroon po kaming ginawang survey sa amin pong mga member-schools at lumabas po doon mayroong substantial percentage ng mga magulang na gusto na rin po na magkaroon na ng in-person classes or pagbabalik. Kaya lang po siyempre may mga karagdagan na concern na bago ito mapatupad, iyon nga po gusto nilang ma-assure iyong kaligtasan ng kanilang mga anak.
So marami pa pong mga questions na sila po ay dinudulog po nila. Pero iyon pong general na whether we—general question whether we need to go back to physical classes or not. Mayroon na pong substantial number or percentage of the parents that are willing and agree that we should start preparing for the in-person classes very soon.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, as per DepEd ay required ang parent’s consent bago makabalik ang mga anak nila sa face-to-face classes. Paano po ang workaround sa mga ayaw? Posible bang sa isang klase po ay may naka-face-to-face learning at may naka-online? So, paano po kaya iyong sa tingin ninyo’y magiging [garbled]?
ATTY. ESTRADA: Ito nga po ang—tama po iyong nabanggit ninyo, dahil nga ito ay voluntary at it requires consent, maaring sa isang private schools ay dalawa iyong mode of delivery – mayroong online at mayroon face-to-face. At kapag ganoon po ang nangyari siyempre may mga—mayroon po ‘yan mga difficulties, mayroong cost, mayroong limitations sa resources kaya po ‘yan ay gusto rin namin na idulog sa atin pong Department of Education kung papaano po natin maa-address ito.
Dahil hindi naman po sapat ‘no ang mga resources ng mga private schools para magpatupad ng dalawang sistema sa isang school year. At iyan din po ang maaaring anytime baka iyong pumayag na in-person baka biglang sasabihin nila on certain days ayaw nilang papasukin iyong kanilang mga anak. So these are the operational issues that we have to address moving forward ‘no.
And iyon pong sa consent kasi, parang naririnig ko lang din sa mga discussions ‘no although hindi pa po ito malinaw, iyon nga pong liability. Kasi ‘pag sinabi natin na the parents will sign off on consent, siyempre mayroon doon mga conditions eh na hindi liable ang eskuwelahan or walang magiging liable in case magkaroon ng virus or maka-contract ng virus iyong estudyante. Kaya lang kapag ganiyan po eh baka maging prohibitive ‘no, so ang ibig sabihin is baka hindi na lang papasukin ng mga magulang ang kanilang mga anak kung mayroong waivers na papamirmahan sa kanila. So ‘yan din po ang isang tinitingnan namin na dapat sigurong ma-address doon sa guidelines.
USEC. IGNACIO: Opo. So, Attorney, base nga po sa isang international report isa ang Pilipinas sa dalawang bansang ‘di umano’y nahuhuli na sa pagpapatupad ng new normal sa sektor ng edukasyon. Sa palagay ninyo po ba ay malaking factor ito kung bakit nagdesisyon nang ibalik ang face-to-face learning sa Pilipinas?
ATTY. ESTRADA: Palagay ko po malaking factor din iyon na tinitingnan natin dahil ngayon mayroon tayong access sa mga international standards and models on safety in reopening of the schools at nagkaroon din tayo nang mahabang preparasyon. And I think nandoon na rin nga iyong pressure and urgency para nga po sa ating mga estudyante dahil marami na rin pong mga lumalabas na mga ibang problema sa prolonged online or flexible learning – nandiyan po iyong mental health na nababanggit at iyong digital [garbled] kasi hindi lahat po ng estudyante ay mayroong access sa online learning and use of gadgets and the internet.
So palagay ko po talagang nandiyan na rin iyong urgency na buksan natin at bigyan natin ng options iyong atin pong mga estudyante at mga magulang but of course putting the safety and security of our students first.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kumustahin na rin po namin ang enrollment sa private school ngayong school year. Totoo po bang bumaba ang bilang ng mga enrollees at ito’y nasa critical state na? Totoo po ba ito? Ano po ‘yung inyong panawagan ukol dito?
ATTY. ESTRADA: Base po sa latest quick count na galing po sa Department of Education, mababa po ang enrollment sa private sector – nasa 60% pa lang po tayo ng enrollment, 60% of last year. Pero po iyong last year’s enrollment is only half of the enrollment in the pre-pandemic school year so talagang mababa po. At tama po kayo, mayroon pong mga eskuwelahan na talagang nasa critical state na at problema po iyong paano sila makakapagpatuloy given the very low turnout of enrollment at affected na rin po iyong kanilang mga school personnel, iyong kanilang mga teachers dahil nakasalalay din po ‘yan sa available resources ng eskuwelahan.
Kaya po kami po ay—again, we request and we pray for government intervention, economic intervention – baka po mayroon tayong puwedeng maibigay na subsidiya diretso na po sa ating mga estudyante, diretso na po sa ating mga teachers para po makatulong din po ito sa continuity of delivery of education. Mayroon naman pong mga tulong na na mga nakaraan katulad po sa Bayanihan 2 and hopefully mayroon pa po iyong mga kasunod ‘no lalung-lalo na po ngayon na kailangan nating mag-transition to face-to-face delivery at again may mga ano po ‘yan, additional costs ‘no. So instead po na ipasa ‘yan sa atin pong mga estudyante’t magulang, maganda madiretso na po ‘yung subsidy sa kanila, na tulong galing po sa gobyerno.
At panghuli po iyong amin pong panawagan na magkaroon po, maipasa na po iyong batas para po malinawan na iyong tax incentive na binibigay sa mga proprietary educational institutions na ibinigay po ng CREATE Law na pinirmahan po ng ating Pangulo noong March ngayong taon. So iyan po ay inaasahan po namin na sana ay maipasa na po soon, bago po matapos itong third session ng 18th Congress. Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero kunin ko lang din iyong mensahe ninyo dito sa ating mga kababayan at siyempre dito sa mga magulang na pinaghahandaan na rin kahit papaano, itong posible pong face-to-face classes?
ATTY. ESTRADA: Siguro ang masasabi ko na lang, lalo na sa ating mga magulang na katulad ko ay patuloy po tayong makipag-ugnayan doon po sa ating mga eskuwelahan kung ano po iyong maaari nating maitulong o mai-suggest para lalo pong mapagtibay iyong mga policies and guidelines para po sa safe reopening of our schools and of course, we also cooperate with our respective local governments kasi ngayon po ang talagang, I think ang magiging decision-makers ay iyon pong nasa mga localities kung gaano po sila at gaano din po kahanda ang atin pong mga eskuwelahan. So, kahit po nagpa-pilot test pa, I think it will really help a lot in finalizing the needed guidelines kung mayroon po talaga tayong maririnig na mga suggestions at mga concerns na rin ng mga issues galing po sa ating mga magulang mismo at sa atin pong mga estudyante.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at mga paglilinaw, COCOPEA Managing Director Joseph Noel Estrada. Mabuhay po kayo at stay safe po, Attorney.
ATTY. ESTRADA: Maraming salamat po at magandang umaga pong muli.
USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling tala ng kaso ng COVID-19 sa bansa. As of 4:00PM kahapon umabot na po sa 2,385,616 ang kabuuang bilang ng nagka-COVID-19 sa bansa. 18,900 sa mga ito ang bagong naitala kahapon. 20,171 ang mga bagong naka-recover mula sa virus, kaya nasa 2,171,830 [ang mga gumaling]. Sa kabilang banda, mababa naman po ang nadagdag sa mga na mga nasawi kahapon sa bilang na 146. Ito po ay umabot na sa 36,934 total deaths. Sa kasalukuyan 176,850 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kahapon po inanunsiyo naman ng Department of Health na ang Delta variant na po ang pinaka-common or dominanteng variant sa bansa. Nakapagdagdag kasi ng 319 ng bagong kaso nito para sa kabuuang bilang na 3,027. Sumunod sa dami ang Beta at ikatlo naman po ang Alpha variant.
Senator Bong Go personal na naghatid ng tulong sa mga kapwa niya Davaoeños na apektado ng pandemya. May hiwalay din pong tulong ang ilang ahensiya ng gobyerno para sa kanila. Panoorin po natin ito.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa mga industriyang bumabangon ngayong nagbubukas na ang ekonomiya ng iba’t ibang bansa ay ang kabuhayan ng ating mga kababayang Overseas Filipino Workers o OFW. Kumustahin natin ang sector na ito kasama po si POEA Administrator, Undersecretary Bernard Olalia ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Magandang umaga po, Usec?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Magandang umaga po, Usec. Magandang umaga po sa mga nanunood po sa programa.
USEC. IGNACIO: Usec, nito lamang pong nakaraang linggo ay naglabas ng [pahayag] si Finance Department Secretary Carlos Dominguez III na sinusuportahan po nila ang paggawa ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipino. So ano po ang epekto nito para tuluyan na talagang maisabatas ang bagong departamento para sa ating mga OFWs?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Tama po, kayo, Usec. ‘no. Kasalukuyan pong ginagawa ngayon iyong batas para po sa creation ng Department of Overseas Filipinos and Migrant Workers. Ang intention po ng batas na ito ay upang tugunan iyong pangangailangan ng ating mga kababayan lalo na po iyong mga OFWs at iyong mga migrant workers po natin katulad po, kasama na diyan iyong Filipino Migrant Workers na nagtatrabaho po sa ibang bansa.
Importante po kasi iyong pagsasabatas na ito nang sa ganoon po iyong tinatawag nating policy coherence ng iba’t ibang ahensiyang involved ay maayos po natin. Kasama po kasi na pag-iisahin iyong mga consuls ng ating POEA, iyon pong ILAB (International Labor Affairs Bureaus) sa Department of Labor and Employment, iyon pong sa UMWA (Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs) sa DFA, kasama rin po iyong sa DSWD at huwag na rin po nating kalimutan ang COF o iyong ating Commission on Overseas Filipinos. Pag-iisahin po ito sa loob ng isang departamento ng sa ganoon maiwasan po natin iyong confusion at magkaroon po tayo ng more efficiency in the delivery of our services to answer iyong mga problema po and concerns ng ating OFWs at mga Migrant Filipino Workers po.
USEC. IGNACIO: Usec., sa iba naman pong balita, kinakitaan po ng pagtaas ng OFW remittances kasabay ng muling pagbubukas ng ekonomiya sa bawat bansa. So kailan po ito nagsimula muling tumaas at magkano po ang inilaki nito?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Alam ninyo po iyong pag-angat ng ating remittances ng mga OFW ay maganda pong—para ipakita po na patuloy ang pagbubukas ng ekonomiya sa iba’t-ibang mga destination countries natin. Nagsimula pong umangat ito pong taon na ito ‘no kung saan sumabay din po sa pag-angat ng ating deployment ng ating mga OFWs.
At napaka-importante po na tulungan natin iyong mga OFWs natin dahil sa pagbubukas ng ekonomiya ng ibang bansa at pag-e-ease ng travel restrictions sabayan po natin iyong deployment ng nais magtrabaho sa abroad, iyong mga may opportunities po para maibigay po natin iyong mga pagtatrabaho ng ating OFWs.
USEC. IGNACIO: Opo. So, ano po ba iyong epekto ng pagtaas ng OFW remittances para sa ekonomiya ng ating bansa USec.?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Mukha pong nawala ah. Pakiulit nga po, wala po akong narinig? Hello?
USEC. IGNACIO: Kasi nga sinabi po natin na umangat nga po iyong ating OFW remittances. So, para sa kaalaman din po ng ating mga kababayan, ano po iyong epekto nito sa ekonomiya ng bansa, ito pong pagtaas ng ating OFW remittances?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku, USec., napaka-importante po iyong pag-increase ng OFW remittances dahil sa pamamagitan po nito maraming pera ang naipapadala ng ating mga nagtatrabahong OFW sa abroad dito po sa mga pami-pamilya nila dito sa Pilipinas at ito pong niri-remit nilang mga suweldo sa kanila-kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas ay siya pong ginagamit naman sa mga pang-araw-araw na gastos – sa pagkain, sa kanilang mga edukasyon at sa iba-iba pang pangangailangan ng ating mga OFWs families.
Ito rin po na mga remittances na ito ay nagsisilbing foreign currency reserve ng ating bansa kaya napakalaking tulong po iyong pag-angat ng mga OFW remittances both in the national and in particular sa atin pong mga pamilya ng atin pong OFWs.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., itanong ko lang po iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media. May tanong po sa inyo si Sam Medenilla, ng Business Mirror: Ilang OFWs na po kaya ang na-deploy ng POEA this year and is this expected to be higher or low compared po sa deployment ng figures last year?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Kung ikukumpara po natin iyong ating figures doon sa deployment last year no, noong 2020 na kasagsagan ng pandemic at iyon pong deployment natin ngayong 2021, on a month to month basis, nakikita po natin iyong malaking pag-angat ng ating deployment po ngayon. Kung mayroon po tayong… halos 74% na ibinaba sa deployment last year, ngayon po ay unti-unti na siyang umaangat. Sa land based deployment po natin hindi na po tayo bumaba ng mahigit 30,000 per month.
Ang ibig pong sabihin nito, lumuluwag na po iyong pagbubukas ng ekonomiya ng iyong mga countries of destination natin pati po iyong mga travel and border restrictions ay unti-unti na rin pong lumuluwag. Sa ating mga sea based sector naman po halos nasa 40,000 na po tayo ng deployment every month, ito po iyong ating figure prior to the pre-pandemic stage po natin. So, ibig sabihin, unti-unti na rin pong gumaganda iyong pagdi-deploy po natin ng mga seafarers po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., ang second question ni Sam Medenilla, pa din ng Business Mirror: Ano daw pong destination countries ang may increase sa demand ng OFWs ngayong taon?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku, pagka pinag-uusapan po natin ang mga demand ng mga OFWs natin nangunguna po dito iyong sector ng HCWs or iyong Health Care Workers no. sa June po, katulad po ng UK, sa Germany, mataas po iyong pangangailangan ng kanilang HCWs particularly nurses dahil ito po ang mga frontliners nila tulad din dito sa atin nitong mga pandemic na ito.
Sa Middle East, ganoon din po mataas din po ang demand sa mga countries tulad po ng KSA, Qatar, Kuwait, ng mga nurses po natin. Maliban po sa mga HCWs natin pati po iyong mga technologically based OFWs po natin o iyong mga skilled kung tawagin, yan din po ay in demand ngayon mga panahon na ito.
Sa seafaring industry naman ang in demand po diyan the usual is iyong mga cargo vessels, iyong mga transport vessels, mga petroleum vessels na siya pong nagdi-deliver ng mga supply over the world no using the seafaring or the maritime sector, iyan po ang mga in demand ngayon. Ang cruise ship po ay unti-unti na rin pong nagbubukas.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., pero, kumusta na po iyong implementation ng special lane para sa ating OFWs na kukuha naman po ng yellow cards, naibsan na ba iyong tagal ng pag-proseso nito ngayon USec.?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku pag binabanggit po natin ang yellow card, ito po iyong requirement ng mga countries of destination natin. Nangunguna po dito iyong bansang Hong Kong, kung maalala ninyo na kinakailangang may maipakitang isa ngang document iyong ating OFW na siya ay bakunado na. Ngayon, dahil po sa karamihan po ng mga OFWs ay nag-a-apply ng conversion ng kanilang LGU vaccine cards to yellow card na ini-issue po natin ng BoQ ay napakarami pong nag-a-apply.
Kaya ang BoQ naman po at ang OWWA ay gumawa ng paraan para mag-establish ng tinatawag na green lane, may sarili pong platform ang BoQ para po sa mga OFWs papunta po ng mga destination countries katulad ng Hong Kong na kung saan makukuha po nila iyong kanilang yellow card sa maigsing panahon lamang.
Doon naman po sa nagmamadali kasi sila po ay paalis na at kailangan na nila iyong yellow card nila. Puwede po silang humingi ng tulong sa opisina po ng BoQ kasama na rin po ang OWWA para sila po ay magabayan at matulungan upang mapadali po iyong pagkuha ng kanilang yellow card.
USEC. IGNACIO: Opo. USec. May mga vaccine brand preference pa rin po ba na naiuulat sa ibang bansa at nakakaapekto pa rin po ba ito sa deployment ng OFWs natin? Kumusta rin po iyong pag-prioritize ng mga migrant workers pagdating po sa bakunahan dito sa bansa?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Pagdating po sa usapin ng vaccine preference, iyan po kasi ay karapatan ng ating mga countries of destination kaya ang ginagawa po natin tayo po ay nakikipag-collaborate sa pamamagitan po ng ating mga Labor Attaché at ang POEA ay naglalabas ng appropriate labor advisory para po sabihin sa mga OFWs natin kung ano ang vaccine preference doon sa kanilang pupuntahang countries, para alam po nila kung anong klaseng bakuna ang kanila pong kukunin.
Kaya po tayo rin ay nakikipag-ugnayan lalung-lalo na ng OWWA at ang DOLE ay nakikipag-ugnayan po kasama po ang mga private recruitment agencies sa mga LGU at mga ahensiya po at mga entities na nagbibigay ng bakuna sa ating mga OFWs. Kung ano po iyong kinakailangang vaccine na requirement na kanilang country of destination, iyon po iyong ibinibigay natin ng sa ganoon sila po naman ay mai-deploy natin kasi importante po ngayon na tutulong po tayo sa deployment ng ating mga OFWs.
Kasalukuyan po ang vaccination ng ating OFWs, kasi kung maalala po ninyo ginagawa na pong A1 ang level or priority ng mga OFWs at nakikipagtulungan nga po ang kani-kanilang ahensiya para magabayan ang mga kani-kanilang dine-deploy po na OFWs.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., ano naman po iyong masasabi ninyo doon sa illegal recruiters at human traffickers na ginagamit ang online dating apps para daw po silawin ang mga naghahanap ng trabaho abroad at nasa ilang kaso na po kaya ito ang inyong mga nahuhuli?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku, iyan pong mga ganiyang scam laganap po iyan lalung-lalo na ngayong panahon ng pandemya. Iyon hong digital platform kung tawagin natin, kasama na diyan ang Facebook, maraming pong nag-a-advertise diyan at ngayon iyong ayon sa aming datos, kaya nga po naglabas ang POEA ng appropriate labor advisory na nagbibigay po ng babala sa ating mga OFWs na gumagamit ng dating applications no.
Kung kayo po ay papatol sa mga ganiyang dating application at naghahanap po kayo ng mga romantic partners ay kayo po ay maging mapanuri kung kayo ay OFW. Lalung-lalo na iyong pong mga partner po ninyo diyan sa dating application na iyon ay nag-o-offer ng mga employment opportunities. Huwag po kayong papatol at sigurado po kayo magiging biktima na ng online scam using this dating application.
May mga makikita po diyan na nagsasabi na may mga trabaho at kayo ay niri-refer sa isang visa consultancy firm at bibigyan kayo ng proseso kung papaano po ang gagawin ninyo para kayo ay makakuha ng trabaho abroad. Huwag po kayong papatol, siguraduhin lamang po ninyo na bago kayo pumatol sa mga employment opportunities ay mag-refer muna kayo sa official POEA websites.
Ang ating wwwpoea.gov.ph at nandudoon po ang lahat ng tamang impormasyon para sa po sa lahat ng lehitimong JOs or job orders po na available sa mga destination countries po natin. Marami na pong nabiktima kaya nga po iyong mga nabibiktima nito ay iniri-refer ng ating POEA sa ating legal assistance division na siya naman pong tumutulong para makipag-ugnayan doon sa mga biktima ‘no.
Marami na pong nabiktima. Kaya nga po iyong mga nabibiktima nito ay iniri-refer ng ating POEA sa ating legal assistance division na siya naman pong tumutulong para makipag-ugnayan doon sa mga biktima. Ang POEA naman, lalung-lalo ang Anti-Illegal Recruitment Branch ay aktibo para po sugpuin iyong mga ganitong mga scam at kami po ay nakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang online platforms para po tanggalin sana at nang hindi na sila makapagbiktima ng mga kawawa po nating OFWs.
USEC. IGNACIO: Salamat po Usec. Olalia, sa inyong pagbibigay-linaw at muling pagsama sa amin ngayong araw. Salamat po.
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Anumang oras po at marami pong salamat din at ingat po tayong lahat.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Ihahatid iyan ni Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Ria Arevalo, mula po sa PBS-Radyo Pilipinas.
Nasa 18 public schools naman po mula sa Davao Region ang inaasahang makikilahok sa magiging implementation ng limited face-to-face classes sa bansa. Ang detalye mula kay Hannah Salcedo ng PTV-Davao.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, hinihiling rin ng Sagada LGU sa Mountain Province na pahintulutan na rin ang face-to-face learning sa kanilang munisipalidad. May report si Danielle Grace de Guzman.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Patuloy namang bumubuti ang sitwasyon ng COVID-19 sa Cebu City. Bukod sa bumababang occupancy rate, bumaba rin ang positivity rate sa lungsod pero ang pagbakuna dito malayo pa raw sa 50% na target na populasyon. Ang detalye mula kay John Aroa.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa pagsama ninyo sa amin ngayong umaga. At mga kababayan, 95 days to go at Pasko na.
At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita tayong muli bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center