Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas, tuluy-tuloy po ang paghahatid namin ng mga maiinit na balita’t impormasyon kaugnay sa mga issue ng ating bayan.

Mula sa PCOO, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky Ignacio.

USEC. IGNACIO: Magandang umaga po rin sa‘yo, Secretary Martin. Sa loob po ng isang oras makakasama natin sa programa ang mga panauhin na handang magbigay-linaw sa mga tanong ng taumbayan.

Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula rin sa PCOO.

SEC. ANDANAR: Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH, Rocky.

Iba’t ibang paraan po ang nauuso ngayon para kumita online subalit ang SEC may mahigpit na paalala para sa mga kababayan nating nagbabalak na pasukin po ang online investments – play-to-earn online games at iba pa, kaugnay diyan makakausap natin si Commissioner Kelvin Lee ng Securities and Exchange Commission. Magandang umaga po sa inyo, Commissioner.

SEC COMMISSIONER LEE: Hi, Sec. Martin. Good morning po.

SEC. ANDANAR: Okay. Unahin po muna natin itong good news, mas pinabilis na ang registration po naman, ang registration system para sa mga gustong magbukas ng negosyo sa bansa. Anong proseso na lang po ba ang kailangan nilang pagdaraanan kumpara noon, Commissioner Kelvin?

SEC COMMISSIONER LEE: Good morning, Sec. Martin. Iyon nga po ‘no, we now a OneSEC ang tawag po natin niyan ‘no – that is the one day registration system po natin ‘no. Ito po ay para sa mga proforma na systems so mabilis po ‘yan na processing ‘no. You can in theory process iyong mga documents in one day po.

SEC. ANDANAR: Base po sa inyong datos, kumusta po ang dami ng mga nagri-register na domestic corporation mula nang magka-pandemic? Dumami po ba o bumaba?

SEC COMMISSIONER LEE: Actually medyo nag-stabilize po, dumami na po, at the height of the pandemic po kasi, Sec. Martin, kumonti po ‘yan ‘no; we were down to like, siguro 100 to 500 applications lang per month. Ngayon po we’re back to normal na po ‘no, mas mataas pa nga – we’re doing mga 2,000 per month po yata roughly ‘no na mga incorporation. So that’s good, that’s shows na marami pong interesadong magnegosyo. They see hope nga po in—iyong ekonomiya po natin.

SEC. ANDANAR: Ito naman pong nauuso ngayon na Axie Infinity at iba pang kahalintulad na plataporma, nakapag-register na po ba sila sa SEC o may license na po ba sila to operate sa bansa?

SEC COMMISSIONER LEE: Base po sa verification ng records po namin ‘no, they did not register po as a business dito sa SEC. Wala rin po silang secondary license ‘no to conduct regulated activity – meaning iyong mga investment solicitation, wala pa silang lisensya for that.

Pero, Sec. Martin, if I may ‘no to be clear lang ‘no. We’re not saying na illegal po sila ha just because hindi sila nag-register. Kasi parehas po ‘yan sa maraming mga ibang online entities nandito sa Pilipinas ‘no. We are studying them all, iyong mga similar na crypto, mga online platforms, iyong mga play-to-earn… we’re trying to determine their legal status under our current laws ‘no.

So whether or not they are legal or illegal or need to register later on, that is something we still have to determine at the SEC. Pero while we’re waiting for that determination po kasi, naglabas po kami ng advisory reminding everyone to be careful before you transact with iyong mga ganoon na entities kasi these are online entities but they are foreign registered, not registered here in the Philippines. So we are requesting the public to be more careful before they transact nga iyong mga ganito po.

SEC. ANDANAR: Nabanggit po ng Bangko Sentral ng Pilipinas na hindi pa kailangan magparehistro ng mga play-to-earn gaming platforms na ito at minu-monitor ninyo sila closely pero it involves trading po of cryptocurrency. Wala po bang kahit anong jurisdiction dito ang SEC at BSP?

SEC COMMISSIONER LEE: Mayroon po ‘no, Sec. Martin. Kasi when it comes to security and digital assets, [unclear] like iyong mga ito, mga cryptocurrencies, they are considered a form of security. So [unclear] talaga by—under the jurisdiction ng SEC po ‘yan based on iyong mga how [unclear] the Securities Regulation Code. Pero siguro the question for us sa SEC, are these play platforms really considered as digital assets or securities. Iyon, hindi pa po clear kasi nga we’re still studying it ‘no.

And in relation to that, lalabas po sana ang SEC ng digital asset [unclear] rules and digital asset exchange rules which will help workout iyong mga jurisdictional issues pa nga ‘no. Axie, alam ko maraming people are interested na those rules. So we’re looking forward to issuing those rules para ma-stabilize po natin iyong industry within the year po sana.

As to the BSP pala, Sec. Martin, whether or not they have jurisdiction, siguro I’ll defer to them. Pero ang last meeting po namin and I think iyong announcement po nila before; they might be considered daw itong Axie as operator of payment system so it might be under their jurisdiction. Pero siguro I’ll defer to the BSP na po on that.

SEC. ANDANAR: Walang SEC requirement ang ganitong mga laro? Paano po matutukoy ng ating mga kababayan kung lehitimo iyong mga sinasalihan nila at anu-ano po iyong risk na maaaring mangyari sa pagsali nila sa mga ganitong uri ng gaming platforms?

SEC COMMISSIONER LEE: Well siguro to stay safe, Sec. Martin ‘no, to find out if legitimate po ba ang mga ‘to or hindi, iyong mga online foreign platforms – ang suggestion ko po talaga is to do your due diligence ‘no. Iyong mga public po mag-aral, mag-research, mag-check po kayo with SEC. Iyon na nga ang tagline po namin ‘no – Check with SEC ‘no – at tingnan mo if registered nga ba sila with either the SEC or the BSP para malaman mo iyong legitimacy nila ‘no. Kasi if they’re registered siyempre—or may indications that they are registered, then may chance na legitimate siya. Less likely na ma-scam ka or ma-risk iyong mga hard-earned pera ninyo po ‘no.

But as to the risk, medyo marami nga iyong risks eh. There’s data privacy risk, you don’t know what they’ll do with your data especially if they are not registered here in the Philippines. Iyong pera ninyo rin po, you don’t know what will happen to iyong pera ninyo kung malalabas pa ba ‘yan o hindi.

One example if I may ‘no, Sec. Mart, is kung narinig ninyo iyong nangyari kay—si Sir James Deakin, iyong isang blogger po yata ‘no na online. Pumasok po siya ng isang online foreign-registered platform tapos nagkaproblema yata, muntik na hindi lumabas iyong pera niya. More so na naging ano pa yata, I think na-zero pa yata iyong account niya ‘no – buti na lang naayos nila. But in that situation, medyo mahirap nga po for Mr. Deakin to try and seek legal recourse dito sa Pilipinas. If ever he would have to file a case sana wherever that company was registered abroad ‘no.

So siguro I emphasize the point, be careful – mag-research po kayo bago kayo pumasok sa mga ganito po.

SEC. ANDANAR: Sa ngayon, may mga existing protection po ba tayo para sa mga kababayan nating sumasali halimbawa sa mga cryptocurrency sites at play-to-earn gaming platforms?

SEC COMMISSIONER LEE: Well iyong palagi po naming sinasabi, Sec. Martin, is siguro you check with SEC, you determine whether or not it is registered with us ‘no. Kung registered kasi with the Philippines, then siyempre you have the protection of Philippine law and you can file the appropriate cases, you can even file with the SEC or the BSP. And then try to seek return of your money, try to see to seek justice nga po.

Pero kung foreign registered nga po kasi, iyon nga ang problema po natin, foreign-registered, not registered in the Philippines but they are supposedly operating here in the Philippines as an online platform, medyo marami po nga iyong risk ‘no and mas limited po iyong protection in that situation kasi nga the entity isn’t here in the Philippines – more than likely it’s technically operating in another country.

So the best protection nga po talaga in that situation, financial literacy ‘no – mag-aral po kayo, do your research, do your due diligence bago po kayo pumasok sa mga ganitong industry.

SEC. ANDANAR: Pag-usapan din po natin itong update sa mga lending applications. Nitong panahon ng pandemya, kumusta po ang turnout ng mga kababayan nating tumatangkilik sa mga online lending apps?

SEC COMMISSIONER LEE: Marami po, Sec. Martin ‘no, dumami po iyong—base sa mga report na nakukuha po namin, marami pong interest sa mga online lending apps ‘no. Kasi nga siguro it’s very simple, mabilis lang po kumuha ng pera ‘no based on the app ‘no, makakakuha ka kaagad within minutes. Pero before you get into that, I would encourage nga ‘no the public, mag-assess ka muna if you really need the money, you really need to borrow the money and if ever you do borrow, doon po kayo sa listahan ng SEC.

Mayroon po kasi tayong listahan sa SEC, iyong 88 online lending platforms, siyempre registered with the SEC. So iyon ang mga medyo mas credible po sana ‘no. I would suggest you go to the SEC website – www.sec.gov.ph – mayroon tayong listahan of the 88 registered online lending apps or better yet you go to one of the more larger lending apps ‘no – iyong mga Home Credit, Cashalo kasi at least iyon—or sila Tala, at least alam mo po medyo legitimate po sila ‘no.

SEC. ANDANAR: May mga reports pa rin po bang nakakarating sa inyo tungkol sa mga hina-harass na borrowers? Tama rin po ba na nito lamang nakaraang buwan ay apat na lending companies ang naipasara dahil sa privacy violations?

SEC COMM. LEE: Opo, mayroon po. The National Privacy Commission which deals with privacy issues, recently shutdown po yata apat na lending apps ‘no, if I recall correctly. So there are mga reports nga po na mga hina-harass, we get them. The SEC kasi is the primary agency that deals with lending companies under the Lending Company Regulation Act. So we issued, Sec. Martin, the MC 18, Memorandum Circular 18, iyong on unfair debt collection practices. So ito po iyong mga rules on what you can or cannot do, and binabawal po natin iyong mga nangha-harass. And if they do harass, you can file [a complaint] with the SEC.

And actually, ikuwento ko lang po very quickly iyong ibang numbers po namin, Sec. Martin, nag-cancel na nga po ang SEC ng ilang secondary licenses ‘no – 35 secondary licenses. We’ve revoked the secondary licenses of some violating lending companies; we’ve suspended three; we’ve issued [15 cease and desist orders] since the beginning of our jurisdiction. I think, we have revoked over 2,000 na nga po na lending companies na medyo alanganin po ‘no.

So we are very active at this [stage]. We are trying as much as possible to make sure na mas safe po nga din iyong public po when it comes to these lending applications when they come to these kinds of things.

SEC. ANDANAR: Bigyan-daan lang po natin ang tanong ng mga kasamahan natin sa media. Please go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Tanong po ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror sa inyo, Commissioner Lee: In 2023, PLCs or Publicly-Listed Companies will also need to submit their sustainability reports in addition to their annual reports applied to a Philippine setting. Considering the ongoing pandemic, do you believe that such SRs will reflect the true state of such PLCs?

SEC COMM. LEE: Yes, yes po. Yes po, Usec. Kasi, I’m going to be a little technical lang po ha. Iyong sustainability reporting po kasi is an important mechanism to determine whether or not iyong company, the publicly-listed company is following and doing the requirement for [unclear] in the future. And from what we are seeing, kasi nga the data is with us ‘no, from what we are seeing, mataas nga po iyong compliance rate ng mga publicly-listed companies. So we’re looking at mga 90 plus percent ‘no na compliance rate on this Publicly-Listed Companies which is unheard of in other jurisdictions.

So we’re doing very well when it comes to that. The companies are interested. My understanding is based on the reported data na binigay po sa akin, they are working very hard on this and they are making sure that these things are accurate and legitimate ‘no especially considering a lot of them are working with large foundations from abroad, for example, the Global Report Initiative which focuses on sustainability issues.

So medyo baka teknikal na po, but bottom line is yes, I firmly believe that most of these sustainability reports that are submitted to us are good, accurate. We are actually looking forward to making it mandatory nga po sana sa 2023 under the Memorandum Circular po namin. But whether or not we will do that, siguro let’s assess kasi, I am a little worried about compliance and the difficulties of compliance because of ano nga po ‘no, iyong COVID, baka mahirapan po iyong mga constituents po natin, iyong Publicly-Listed Companies. Sorry ha, medyo naging technical po. [Laughs]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong impormasyon, SEC Commissioner Kelvin Lee. Mabuhay po kayo, Sir!

SEC COMM. LEE: Thank you, Sir.

SEC. ANDANAR: Hanggang dito na lamang ang ating partisipasyon ngayong umaga. Magsama-sama po ulit tayo next week. Ikaw na muna, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Secretary Martin.

Senator Bong Go nagbabala na posibleng kapusin ang ating bansa sa healthcare workers; sinuportahan naman niya ang panawagan ni Pangulong Duterte na i-deploy ang AFP at PNP medical corps sa mga ospital. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, makibalita naman po tayo sa takbo ng imbestigasyon ng PNP kay Bree Johnson case; [unclear] PNP at DOJ sa drug war cases na nabanggit ng Pangulong Duterte sa kaniyang speech sa UN General Assembly at iba pang isyu kaugnay sa alert level system sa NCR, muli nating makakasama si PNP Chief Guillermo Eleazar. Good morning po, General. Welcome back.

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Yes, magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky, ganoon din sa mga nakikinig at nanunood sa inyong programa.

USEC. IGNACIO: Opo. General, tungkol po sa pagkamatay ni Bree na iniugnay ngayon kay Julian Ongpin na anak ng tycoon na si Roberto Ongpin, may bagong update na po ba sa imbestigasyon lalo’t inilabas na rin po kahapon iyong kopya ng CCTV sa tinutuluyan nina Bree at umano ay kasintahan nitong si Julian Ongpin? Tanong din po iyan ni Vic Tahod ng Sonshine Radio.

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Yes, kahapon po ay kasama ng ating PNP, dumating na rin po iyong NBI para magsagawa nang muling pagsisiyasat doon po sa crime scene. At nalaman din natin na nag-undergo pa ng panibagong autopsy si Bree with NBI. Napakaganda po ng koordinasyon ng PNP at NBI, and kami po ay available sa napakagandang kooperasyon na ito. Just like what the SITG or iyong Special Investigation Task Group na inilabas through the Regional Director ng Police Regional Office 1, Police Brig. Gen. Emmanuel Peralta, wala pa naman po tayong konklusyon diyan at hindi natin isinasantabi iyong foul play.

So lahat po nito ay ating binibigay iyong update sa ating mga kababayan. At makakaasa po kayo ng talagang transparent at talagang makatotohanan na pag-iimbestiga dito sa kasong ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Bea Bernardo ng PTV: It was earlier reported po na suicide diumano ang nangyari. Sa crime scene po ba ay may nakitang evidence na mag-indicate na nag-suicide nga po si Bree?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Actually, iyon po iyong claim ni Julian. At kaya nga po iyong mga pieces of evidence na nandoon at hihintayin pa rin natin ang resulta ng mga tests lahat nang ginagawa. So only after that, after considering all of these pieces of evidence ay doon po tayo makakapag-conclude. Sinasabi nga natin na sa ngayon, hindi po natin puwedeng i-rule out pa lahat iyon. So kami po ay humihingi ng pag-unawa at patience sa ating mga kababayan.

Alam ninyo, USec. Rocky, puwede kasi naman natin sabihin noong una na saka na lang kami maglalabas ng statement pero siyempre sa atin dito eh mahirap na sabihin iyon, baka sabihin may pinagtatakpan tayo lalo na at sinasabing itong person of interest is talagang isang maimpluwensiya nating kababayan.

Pero inuulit namin po sa inyo, ito talaga ang pagkakataon na gusto naming ipakita na ang atin pong kapulisan ay talagang may integridad sa pag-iimbestiga nitong mga ito. At iginagalang po namin ang pamilya ni Bree [Jonson] para po humingi ng tulong din sa iba like the NBI. At itong magandang kooperasyon na ito at collaboration at tinututukan nating mga kababayan ay magpapatunay na talagang magiging maayos ang lahat ang imbestigasyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong niya: Base po sa medico legal ni Bree [Jonson] released by the attending hospital na dinala noong araw na namatay siya, may sign of struggle siya such as hematoma sa dalawang braso at likod. Nakita rin po ba ito ng PNP sa kanilang investigation?

PGEN. ELEAZAR: Actually, contrary to that po, iba naman po iyong autopsy na unang inilabas. Sa autopsy na iyon eh makikita po iyong markings sa leeg pero wala pong mga nakasaad doon na ibang bruises. Kaya nga po na mas maganda na nagkaroon ng pangalawang autopsy doon. So, all of these are ang purpose nito ay para po magkaroon ng mas magandang imbestigasyon at malaman talaga natin ang katotohanan.

USEC. IGNACIO: Huling tanong po ni Bea Bernardo regarding po sa P13.6 million drugs na nakuha sa Sulu: May lead na po ba ang PNP kung sino ang source na droga at napasok sa bansa?

PGEN. ELEAZAR: Well, patuloy ang pag-iimbestiga na ginagawa natin diyan at iyan ay bahagi naman ng ating effort. So, makakaasa po kayo na itong ating ginagawang operation against big time illegal drug syndicates and grupo ay maaasahan natin iyan dahil napakaganda po ng kooperasyon na ginagawa ng iba’t-ibang mga ahensiya na nagtataguyod nito sa pangunguna ng ating PDEA.

So, just like the operations na nangyari doon po sa Zambales, Bataan, at Cavite na nagresulta sa mahigit halos anim na bilyong worth of shabu, ito hong mga follow-up operation natin ay ito ay bunga ng intelligence fusion, magandang ugnayan ng iba’t-ibang ahensiya natin sa pangunguna ng PDEA.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa statement po ni Pangulong Duterte sa UN General Assembly noong isang araw, nabanggit po niya na inatasan ang PNP at DOJ na i-review ang campaign against illegal drugs ng pamahalaan. Sa bahagi po ng PNP, kumusta na po ito?

PGEN. ELEAZAR: Well, USec. Rocky, dati na po namang ginawa iyan kasi kung matatandaan natin after the initial findings ng UN, ang kaniya pong naging recommendation is for the review of these drugs cases at nagbigay ng imprimatur noon pa man ang ating Pangulo sa DOJ kaya nga kami ay nagbigay ng kooperasyon sa DOJ at ito ay patuloy naming gagawin.

In fact, lalo natin itong palalakasin. Nagkaroon na kami ng initial na koordinasyon na through text messages with Secretary Guevarra para po doon sa aming gagawin na mga susunod pang hakbang pati na po iyong unang assessment nila doon sa first batch ng mga folders na na-forward natin sa kanila.

So, makakaasa po ang ating mga kababayan with this direct guidance from our President eh lalo po na mas magiging maganda ang coordination namin para po sa review ng mga kasong ito.

[AD]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH, kasama pa rin po natin si PNP Chief Guillermo Eleazar.

General, nakapagsumite na raw po ang DOJ sa Pangulo ng kanilang rekomendasyon tungkol dito. Kumusta na po ang naging pagtanggap ng PNP sa findings ng DOJ at ano ang aksyon na aasahan namin po mula sa inyo bunga ng imbestigasyong isinagawa ng DOJ?

PGEN. ELEAZAR: Well, USec. Rocky, hindi pa po kami nag-uusap ni Secretary Guevarra tungkol po doon sa kanilang initial findings, parang mga advanced info pa lang iyon. Kaya nga iyon po iyong isa sa magiging topics namin kapag kami po ay nag-usap doon po sa kanilang initial findings. At makakaasa po kayo kung anuman ang findings na iyan ay iyan po ay aming pagbabasehan para sa mga aksyon na gagawin natin.

Ang bottom-line diyan ay patuloy na kooperasyon ng PNP sa atin pong DJ para po sa pag-review nitong mga kasong ito at kung paano pa namin mai-improve ang aming operations para po dito sa ating campaign against illegal drugs.

USEC. IGNACIO: Opo. General, sa usapin naman po ng Alert Level Systems sa Metro Manila, ano rin po iyong assessment ninyo sa unang linggo ng Alert Level 4 sa NCR? As of date, ilan na po iyong mga nahuling lumabag sa protocol? Marami-rami na naman ba ito, General?

PGEN. ELEAZAR: USec. Rocky, doon sa walong araw starting from September 16 hanggang kahapon, September 23, nagtala tayo ng 93,894 na atin pong mga violators na na accost, nag-a-average iyan ng 11,712.

So, ito po ay mababa nang kaunti doon sa average natin during MECQ na 26 days na 12.6 or 12,600 na araw-araw but just the same, itong 11,700 daily na ito for the past eight days ay marami pa rin. 51% niyan ay binigyan namin ng warning; 43% naman iyan iyong ating tiniketan; at 6% ang dinala sa police station. So, sa ngayon naman ay generally peaceful itong walong araw na ito at narinig nga natin sa ibang IATF officials na maganda so far itong ating pilot test na ito.

By the way, as of yesterday, ay 220 ang reported sa atin na mga places/mga areas placed under granular lockdown. Ito ay within the 82 barangays ng siyam na cities out of the 17 cities and municipality dito sa atin sa Metro Manila.

These 220 specific areas, ito po ay nakaapekto nang 2,697 na mga household involving 8,550 individuals. So, napakaganda kung titingnan natin kasi nga regardless of the Alert Level na ngayon nga is Alert Level 4 tayo nagkataon. Pero iyong granular lockdown, iyan lang ang talagang sasabihin natin na pinakamahigpit at iyong higpit na iyan, uulitin natin, iyan ay mas mahigpit o mas properly kaysa doon sa nasa ECQ tayo. Kumbaga, higpitan talaga natin sa ilang lugar na kailangan talaga natin na higpitan, huwag idamay ang iba.

Iyon ang konsepto ng granular lockdown na nakita natin na tingin ko is magiging epektibo kung ito po ay mai-implement nang maayos at siyempre, through the cooperation ng publiko.

USEC. IGNACIO: Opo. General, sa direksiyon naman ng Pangulo na gamitin ang PNP Medical Corps bilang dagdag puwersa sa mga ospital sa gitna po sa COVID Delta variant surge, ito po ba ay posible at gaano ang inaasahang medical personnel ng PNP na tutulong?

PGEN. ELEAZAR: USec. Rocky, tama iyon. Even before naman nagbigay na ng direktiba ang ating Pangulo para sa ating mga kapulisan na tumulong dito. Alam ninyo, ang ating pulis talaga sa lahat naman ng activities na ginagawa ng ating pamahalaan partikular ng ating LGU ay laging nandiyan iyan. Hindi lang iyan sa simpleng pagpapatupad ng mga protocol kung hindi pati na rin sa vaccination program, vaccination natin, pati na rin itong pagbibigay ng ayuda sa Oplan Kalinga, lahat na po iyan.

Kaya nga po kung kinakailangang—at ito naman ay nakita natin sa nakaraang mga buwan na during our vaccination, may mga teams naman talaga tayo or pulis, itong sinabi natin na may medical background na tumutulong sa ating LGU.

Sa ngayon sa ating accounting, we have at least 2,500 personnel outside of service natin na mayroong medical background na puwedeng magsilbing medical reserve force natin at iyon nga, ito po ay naka-assign sa iba’t-ibang lugar sa buong Pilipinas.

So, ang atin pong mga LGU kung sila ay may pangangailangan, just coordinate with the local commanders natin, kagaya ng ginagawa rin sa Metro Manila na naging bahagi kami ng vaccination teams. So, ang kailangan lang po siyempre ay kailangan may kaunti rin iyan na refresher noong training kung ano ang dapat nilang gawin?

Kung ito ay vaccination, so maturuan sila. Kung ito naman ay sa o-augment sa mga health care facilities natin like hospitals, eh puwede rin po iyon as long as i-brief lang sila ng mga dapat gawin doon sa mga respective facilities ng specific areas concerned.

USEC. IGNACIO: Opo. General, may tanong lang po iyong kasama natin sa media. Mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. Ito po ang tanong niya: You will retire as PNP Chief on November 13, when you reach the age of 56. As early as now, there are calls by a certain movement for you [to run as senator], do you have a plan on politics after your retirement daw po?

PNP GEN. ELEAZAR: Well, actually po iyong mga panawagan sa aking pagtakbong senador, iyon po siguro ay, I take this as public appreciation doon sa ginagawa ng ating PNP sa ating trabaho ngayon at iyon naman po is collective effort, hindi naman po iyon ay sa akin lamang.

So, ako po ay naniniwala na ang ating PNP sa aking pamumuno ngayon ay isusulong lang po namin iyan. So, I don’t want to be distracted, Usec. Rocky, at itutuloy ko lang po ito ngayon na less than two months na lang hanggang makaabot po ako doon sa araw na aking pagriretiro. Ito po ay aking gagawin pa ang lahat ng puwedeng gawin bilang hepe ng Pambansang Pulisya.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, PNP Chief Guillermo Eleazar.

PNP GEN. ELEAZAR: Maraming salamat, Usec. Rocky. Magandang tanghali po sa ating lahat, mabuhay po kayo at mag-ingat po tayong lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. Base po sa report ng Department of Health as of September 23, 2021, umakyat na sa 2,434,753 ang ating total COVID cases matapos itong madagdagan ng 17,411 na mga bagong kaso kahapon. 177 ang mga nadagdag na nasawi, kaya umabot na sa 37,405 ang total COVID-19 deaths.

Patuloy din naman po ang recovery sa mga tinamaan ng sakit na umakyat na sa 2,231,558 matapos itong madagdagan ng 14,090 new recoveries. Ang active cases natin sa kasalukuyan ay 165,790.

Sa iba pang balita, patuloy po ang paghikayat ni Sen. Bong Go sa mga kababayan natin na magpabakuna na lalo na po ang mga economic front liners. Kasabay ng kaniyang panawagan ay namahagi rin ang kaniyang outreach team ng ayuda sa ilang mga kababayan natin sa Castillejos at San Narciso Zambales. Narito ang buong detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: At para po ihatid sa atin ang mahalagang anunsiyo mula sa IATF, makakasama po natin si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque. Good morning po Secretary, go ahead po sa inyong announcement.

SEC. ROQUE: Good morning Usec. Rocky at good morning Pilipinas. Balitang IATF lang tayo simulan po natin sa usaping bakuna. Mahigit 43,088,582 doses ang total vaccines administered sa buong bansa as of September 23, 2021. Sa bilang pong ito 19,671,725 ang fully vaccinated.

Samantala, sa Metro Manila po ay nasa higit 15,000,000 or 15,175,704 doses ang ating na-administer. Nasa 85.3% po or 8,339,430 ang nabakunahan at 69.93% naman po or 6,836,274 ang fully vaccinated.

Sa balitang IATF po, nagpulong kahapon ang inyong IATF at ito ang ilan sa mga napagkasunduan: Itinaas po ang Community Quarantine classification ng Abra, Baguio City at Bohol sa GCQ with heightened restrictions, habang ang Ilocos Norte naman po ay ibinaba sa GCQ. Epektibo po ito ngayong araw September 24 at tatagal hanggang September 30, 2021.

Inatasan din ng inyong IATF ang kanilang Regional IATF Task Force na i-monitor ang allocation at utilization ng Rapid Anti-Gen test para ma-improve ang reporting ng COVID-19 cases. Kaugnay nito, ang Department of Health – National Capital Region Center for Health Development ay inatasan na i-facilitate ang registration ng facilities na gumagamit ng Rapid Antigen kits.

Kailangan tiyakin ng DOH-NCR CHD na ang antigen line test ay maka-consolidate ng health facilities, temporary treatment and monitoring facilities at sariling LGUs. May kinalaman pa rin ito para mapabuti po ang reporting ng COVID-19 cases, kinakailangan madagdagan ng disease surveillance staff at encoders.

Inaprubahan din po ng inyong IATF na authorized persons outside of residence ang mga opisyal at mga empleyado ng COMELEC kaugnay sa filing ng Certificate of Nomination at Certificate of Acceptance of Nomination for party-list groups at Certificate of Candidacy at Certificate of nomination at acceptance ng mga aspirants sa May 2022 elections.

  • Kasama sa APORs ang chairperson, president or in their absence, ang secretary general or authorized representative ng political party, sectoral party at iba pa.
  • Aspirants o kanilang authorized representatives, companions as authorized under COMELEC Resolution No. 10717, Comelec officials, personnel na magsusumite ng hard copies ng Certificate of Candidacy at related documents materials sa COMELEC main office.

Sa partisipasyon naman po ng Pilipinas sa WHO solidarity trial for COVID-19 vaccines, inaprubahan din po ng inyong IATF bilang health care workers ang researchers, workers at members at affiliate staff ng solidarity trial vaccine teams. Pinayagan sila na mag-inter-zonal at intra-zonal movement regardless of community quarantine classifications and impositions of granular lockdowns.

Kasama rin sa inaprubahan ang paglabas ng kanilang mga bahay ng mga target participants at eligible patients sa mga lugar na nasa granular lockdown basta sila ay sasali sa clinical trial ngunit hindi sila maaaring umalis ng lugar na nasa granular lockdown.

Samantala, inactivate ng inyong IATF ang Small Technical Working Group na binubuo ng DILG, DOH, DOT, DOTr, DOST at PNP para sa amendments ng uniformed travel protocols for land, air and sea. Idinagdag bilang miyembro ng STWG ang DICT, NEDA at MMDA. Iha-harmonize din ng STWG ang documentary requirements ng lahat ng LGUs at inter-operability ng available applications tulad ng StaySafe S-Pass, VaxCert, TRAZE at iba pa.

Ang meeting ng inyong IATF din kahapon ay nag-amyenda ng ilang bahagi ng guidelines on the pilot implementation of Alert Level System for COVID-19 response in the National Capital Region. Ilan sa dinagdagan ay may kinalaman sa individual outdoor exercises na pinapayagan na basta hindi required manatili sa kaniyang bahay ang mag-i-ehersisyo; ito ay effective immediately.

Isa pang binago ay ang pagpayag sa lamay at libing na kinrimate [cremate] na namatay sa COVID-19 regardless of community quarantine; ito’y effective immediately.

Samantala bawal pa rin po ha ang lahat ng contact sports – indoor or outdoor man – except kung ito ay nasa bubble setup; wala pa rin pong mga gyms. Bawal din ang personal care establishments na may aesthetic cosmetic services or procedures, make-up services, spas, reflexology, aesthetics, wellness at holistic services at ibang katulad na procedures kasama ang home services. Ang mga ito’y magti-take effect simula October 1, 2021 kung sakaling ma-extend po ang pilot implementation sa NCR.

At panghuli, pinayagan ng IATF ang Grand Coronation Event ng Miss Universe Philippines na gaganapin po sa Bohol mula September 26 hanggang October 1, 2021 subject sa health and safety protocols at approval ng Provincial Government of Bohol.

Dito po nagtatapos ang presentasyon. Puwede po tayong sumagot ng ilang mga katanungan.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kahapon po inaprubahan ni Pangulong Duterte ang paglimita sa paggamit ng face shield, kailan po inaasahang mailalabas ang final guidelines para dito?

SEC. ROQUE: Well ang sabi naman po ng Presidente hindi na kinakailangan mag-face shield sa labas except kung mayroong close, close-contact at—ano pa iyong isang C? Close, close-contact and—nakalimutan ko na iyong isang C pa ‘no. Pero sundin lang po natin ‘yung patakaran na ‘yan at ito naman po ay ibig sabihin kung ika’y nasa labas at hindi covered ng 3Cs ay hindi na kinakailangang magsuot ng face shield.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong po ni Rosalie Coz ng UNTV: Sa pilot run ng limited face-to-face classes, ang rekomendasyon po ng Vaccine Expert Panel na si Dr. Solante na dapat pong mabakunahan muna ang mga bata bago ang in-person learning dahil sa risk of exposure sa COVID-19 at mas nakakahawang [garbled]. Ano po ang posisyon ng Pangulo at ng IATF dito?

SEC. ROQUE: Bago ko sagutin ‘yan ‘no, iyong 3Cs ay close, crowded at close-contact. So maski kayo’y nasa labas, kung mayroong—iyong close siyempre hindi na applicable iyon ‘no. Kung crowded at close-contact kinakailangan pa ring mag-face shield.

Now we appreciate po the advice of Dr. Solante, alam ninyo naman suki rin natin ‘yan sa ating mga press briefing dahil talagang siya ay infectious disease specialist. Pero sa ngayon po, hindi pa po natin mababakunahan ang mga kabataan ‘no kasi hindi pa tayo nagsisimula. Ito naman po ay limited po ‘no na pilot involving only 120 ‘no, 100 na public school at saka 20—at saka mga lugar na mababa po talaga ang kaso, sa mga MGCQ areas.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, unahin ko na lang iyong—humihingi ng clarification lang si Leila Salaverria ng Inquirer: Iyong ibig bang sabihin ng ‘new rules’ is bibilangin na po iyong nag-positive sa rapid antigen test sa COVID cases?

SEC. ROQUE: ‘Yan po ang ating objective ‘no para maging mas mabuti iyong picture natin kung ilan ang total cases natin ‘no; pero siyempre iyong mga positibo, subject pa rin po ‘yan for confirmatory tests.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Rosalie Coz ng UNTV: Ano daw po ang reaksiyon ng IATF [garbled] DILG Undersecretary Diño na isuot ang vaccination cards tulad ng IDs kapag pupunta po sa public places? May ilan po daw tumuligsa dito at nagsasabing paraan na naman daw po ito para kumita sa ID strap.

SEC. ROQUE: Hindi pa po ‘yan polisiya, ‘yan po ay suhestiyon. Pero ang inaatupag po natin ay iyong paggamit po ng VaxCertPH para high-tech naman po tayo, ipa-flash na lang natin iyong ating mga cellular phones.

USEC. IGNACIO: Opo. May follow up lang po si Ivan Mayrina: ‘Pag sinabi ninyo daw pong crowded, how do we define crowded? [Garbled] number po ba for a certain space?

SEC. ROQUE: Well crowded has a common meaning – matao, maraming tao bagama’t open air.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Mela Lesmoras ng PTV: Sa isang webinar ng SWS, ibinahagi [garbled] na napanatili po ni Pangulong Duterte iyong kaniya pong mataas na satisfaction rating sa kabila ng COVID-19 pandemic, bagama’t ngayon po bahagya itong bumababa, ano po ang masasabi ninyo dito? Pareho po sila ng tanong ni Maricel Halili ng TV-5. Ang tanong po ni Maricel: Saan ninyo daw po ito ia-at[garbled] at kung ito daw po ay cause of concern dahil malapit na ang eleksiyon?

SEC. ROQUE: Well inaasahan naman po natin na walang presidente na hindi bumaba sa kaniyang trust and satisfactory rating habang palapit na po ang eleksiyon. Siyempre habang mag-i-eleksiyon na, iyong mga kakandidato eh hahanap ng paraan para mapababa iyong rating ng administrasyon dahil kung hindi, wala silang pag-asang manalo. Pero itong bahagyang pagbaba po ay hindi naman po mabilis na pagbaba ‘no – 75 po – at tingin ko naman po dahil mayroon pa tayong 3% na margin for error, mahigit-kumulang na hindi naman po tataas ng 7 points ang binaba ng ating Presidente. So that is po hindi masyadong alarming and it is still very good by any standards.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Mela Lesmoras: May inisyal na naging diskusyon po ba ang IATF kahapon kung papagaanin ang Alert Level 4 sa NCR? Kailan target na ipatupad ang Alert Level System sa nalalabing bahagi ng bansa?

SEC. ROQUE: Wala pa, Mela, kasi hindi pa tapos ang pilot, ‘antayin muna natin matapos ang pilot.

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Einjhel [garbled] DZXL-RMN: Aprubado na ba ni Pangulong Duterte iyong pagbabakuna sa mga kabataan sa susunod na buwan?

SEC. ROQUE: Hindi pa po. Suhestiyon ni Secretary Galvez at pag-uusapan po ‘yan ng IATF.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Joseph Morong ng GMA News: 1Sambayan particularly Justice Carpio says President Duterte is on top of the Pharmally Pharmaceuticals. There was no way our military planes could have flown to China without his [garbled]?

SEC. ROQUE: Lilinawin ko po ah, talagang in-order po ni Presidente na gamitin ang mga C-130 natin para sa PPE. Pero hindi po ito ang PPE na sinupply po ng Pharmally, mayroon pa rin naman pong mga ibang mga sinupply.

So ang Pharmally po ang kontrata nila, sila ang magdadala sa Pilipinas. So kasama po sa kanilang kontrata iyong cost, iyong insurance at saka iyong transportation kaya nga po it was a very good deal for government kasi wala tayong downpayment at mababayaran lang sila kapag na-deliver na sa Pilipinas at accepted ng ating gobyerno. Uulitin ko po ah: Justice, sabi po ni Chairman Aguinaldo, walang overprice!

So ngayon naman po ang isyu ay sa paggamit ng C-130. Again, ang mga pinaggamitan po ng C-130 ay iyong mga kinakailangan natin na aangkatin ‘no. Pero iyong kontrata po ng Pharmally, sila po ang nagdala dito sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod na tanong ni Joseph Morong: President cannot invoke executive privilege because [masks] are neither a matter of diplomatic secrets nor national security?

SEC. ROQUE: Wala pong ini-invoke na executive privilege as of now. Ang ini-invoke po natin ay iyong desisyon ng Korte Suprema na kapag pinagbawalan ng Presidente ay hindi pupuwedeng ma-cite in contempt dahil sila po, ang mga Gabinete, ay matataas na opisyales pero sila po ay dapat sumunod din sa pag-uutos ng Pangulo.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula kay Triciah Terada ng CNN Philippines: Does the Palace support calls to extend voter’s registration? Will the President certify as urgent the bills pushing for extension of voter registration?

SEC. ROQUE: This is a matter po of policy. Iyan po ay exclusive jurisdiction ng Kongreso. Igagalang po natin kung ano ang magiging desisyon ng ating Lehislatura. At ang nagpapatupad naman po niyan ay Comelec ‘no, so it is not something that involves the Executive.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyo, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. Rocky. Iyan ang pinakamaraming tatlong questions na aking narinig. [Laughs] So maraming salamat. Have a good day.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Bumababa na nga po ang reproduction rate sa Metro Manila base sa OCTA Research, pero ramdam din nga ba ang epekto nito sa dami ng mga tumatawag sa One Hospital Command Center nitong nagdaang linggo? Para sa update, muli po nating makakausap si Dr. Marylaine Padlan ng One Hospital Command Center. Good morning po, Dok.

  1. MARYLAINE PADLAN: Good morning po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Dok, kumustahin ko po muna ang operasyon ninyo [sa nakaraang linggo], may pagbabago na po ba sa dami ng mga tumatawag mula sa Metro Manila at ibang rehiyon? Iyan din po ang tanong ni Sheena Torno ng SMNI News. Enough po ba ang personnel ninyo para ma-manage iyong mga tawag or ma-accommodate iyong callers or patients na dumudulog sa inyong tanggapan?

  1. MARYLAINE PADLAN: Sige po, iyong una po munang tanong po, iyong una ninyong tanong is kumusta po iyong operations po namin sa nakaraang linggo ‘no. So this last week, napansin po namin na iyong average namin na 400 to 500 na requests na nari-receive po ay bumaba naman siya to 300 to 400. But it doesn’t mean na it is something to be happy kasi marami pa rin po iyong calls na 300 to 400.

Then iyong same po naman sa mga region, ganoon pa rin po na marami pa rin po kaming nari-receive na tawag sa NCR, sa Region IV. Pero ang nakita naming observation ay kumpara sa last week po at kumpara noong huling linggo ng Agosto, bumaba po iyong number ng calla pero hindi pa rin po siya parang significant iyong pagbaba po ‘no. Marami pa rin po kasing nari-receive na call.

Then iyong tanong po regarding sa personnel. So nagpi-prepare naman po kami about sa anticipation kung tataas po iyong mga calls natin na mari-receive or kaakibat ng pagtaas ng mga cases. Nag-hire po kami ng additional workforce, and tina-try namin, ginagawa namin iyong best and nakikita naman po namin na mas marami na po kaming naki-cater ngayon po na mga requests po.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula po kay Vic Tahod ng 1026 Sonshine Radio: Kumusta na ho ang kalagayan ng mga ospital sa Metro Manila at sa mga karatig na probinsiya? Nagkakaproblema pa rin po ba ngayon kung saan ilalagay ang mga [pasyente] ng COVID-19 dahil sa full capacity na po iyong iba?

  1. MARYLAINE PADLAN: Ano pa rin po ‘no, in terms naman po sa pag-refer po natin sa hospital, mayroon pa rin pong hirap pa rin naman po ‘no, mayroon pa rin namang challenges kaming nai-encounter sa pag-refer ‘no. Pero mas napapasok na po namin ngayon iyong ating mga pasyente ngayon sa ospital dito sa NCR.

Iyong atin naman capacity po sa beds po natin sa mga hospital, nag-iiba naman po iyan daily, kahit nga minsan hourly. Kasi po iyong mga pasyente naman po ay mayroon ding umaalis, nadi-discharge, then mayroon din pong pumapasok, may pumapalit din naman po kapag dumarating sila sa ER po.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, may tanong po si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: You have stated that contrary to government’s statistics, hospitals in Metro Manila and nearby provinces are already operating at full capacity and are being [overwhelmed] with COVID-19 patients and that the healthcare utilization data presented by the government showing that utilization rate is still below 100 does not reflect the situation on the ground because it does not include the situation in hospital emergency rooms. What could be the reason why the government is trying to paint a pretty picture when in fact, things are looking grim?

  1. MARYLAINE PADLAN: Iyong sa hospital care utilization rate naman po ‘no, during the time of reporting, iyon naman po iyong census ng hospital according din sa allocated beds nila and iyon naman po kasi ay hindi po real time ‘no; depende sa time ng reporting iyong ating binibigay na data. So sabi ko nga kanina, every hour naman po ay nagbabago iyong availabilities ng mga beds po natin – may napupuno, then may nababakante po ‘no.

So in terms naman po sa pag-admit po natin sa hospitals, ER level naman po kasi lagi iyong entrance natin ‘no kapag nagri-refer po tayo. And ito po ang pinaka-fluid, pinakalaging ever changing in terms of the numbers of patients. So hindi po natin talaga masasabi exactly kung ano po talaga iyong value so, kaya nga ginagawa po namin talaga, dinu-double check po namin para rin ma-refer po namin nang maayos iyong ating mga pasyente po.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, nitong linggo, hindi na po bumaba sa isandaan ang naitatalang COVID deaths. Sa palagay po ba ninyo, malaking factor po rito iyong sitwasyon sa pahirapang pag-admit ngayon ng mga pasyente?

  1. MARYLAINE PADLAN: Posible po na isang factor po iyon ‘no na nahihirapan po makapasok sa hospital. But we have to consider that the reports of tally ng COVID deaths ay kasama rin po dito ay iyong mga already hospitalized po na COVID patients, mga critical patients po na nama-manage na rin po naman sa hospital. Kasama rin po iyon sa COVID deaths na tally po.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, sa tantiya po ng DOH, inaasahang tataas pa iyong cases pagdating ng Oktubre. Kayo po ba ay may paghahandang ginagawa, ang One Hospital Command Center natin para dito?

  1. MARYLAINE PADLAN: Aside po sa nag-hire po kami ng mga additional agents po, we continue to update our connectivity para mas maayos po namin mabigay iyong serbisyo po natin sa taumbayan po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok, may solusyon po ba or alternative para sa mga nagta-try na tumawag sa One Hospital Command Center pero hindi makapasok sa linya? Kung tumatanggap din po ba kayo ng concern sa Facebook page ninyo?

  1. MARYLAINE PADLAN: Mayroon naman po kaming Facebook page. Minu-monitor naman po namin iyon pero ang recommended pa rin po namin is to call directly po sa amin kasi mas diretso po iyon sa agent namin po kapag tawag po iyong ginawa ninyo sa amin.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po, Dok, ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon. Kami ay umaasa na kahit papaano ay bubuti na rin iyong sitwasyon ng ating bansa tungkol pa rin sa COVID. Maraming salamat po sa inyo, Dr. Marylaine Padlan ng One Hospital Command Center.

  1. MARYLAINE PADLAN: Thank you po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Aabot sa 900 residente at micro entrepreneurs sa [mga bayan] ng Iloilo ang sinuyod ng team ni Senator Bong Go para mamahagi ng tulong sa mga kababayan nating lubhang apektado ng pandemya. Nakibahagi rin po ang DSWD sa pamamagitan ng livelihood program. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Mula po sa PTV-Cordillera, may ulat naman ang kasamahan nating si Jorton Campana.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Isang malaking suliranin ng bawat ordinaryong mamamayan ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Kadalasan pa nga hindi na sumasapat ang kinikita ng isang mamamayan sa kaniyang mga gastusin sa bawat araw. Kaya naman ang suliranin na ito ay agad na binigyang solusyon ng Department of Agriculture. Sila po ay bumuo ng Bantay Presyo Task Force. Ang gampanin at layunin nito ay aalamin natin bukas sa Ani at Kita.

[AVP]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Mga kababayan, 92 days na lamang po at Pasko na. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po uli tayo bukas, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center