USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Siksik pa rin po sa impormasyon at napapanahong balita ang laman ng talakayan natin ngayong araw ng Sabado. Makakasama po natin ang mga kinatawan ng ilang ahensiya ng pamahalaan na magbibigay impormasyon at paglilinaw sa mahalagang usapin sa bansa.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Sa nagpapatuloy na deliberasyon ng Senado sa 2022 National Budget, kabilang sa mga natalakay ang benepisyo ng mga health care workers. Senator Bong Go nanawagang ipasa ang panukalang batas na magtatalaga ng monthly fixed allowance sa mga medical frontliners habang may pandemya sa bansa. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Ngayong linggo po ay binuksan sa ilan pang mga rehiyon sa bansa ang VaxCertPH. Kaya naman kumustahin ang rollout ng digital vaccination certificate na ito ay makakausap po natin muli si DICT Undersecretary Manny Caintic. Good morning po, Usec.
DICT USEC. CAINTIC: Good morning po, Usec. Rocky. Good morning sa ating mga tagapakinig at tagapanood ng inyong programa.
USEC. IGNACIO: Usec., simula po nang mag-soft launch sa Baguio at Metro Manila ang VaxCertPH, ano po ‘yung ilan sa mga feedback na natanggap ninyo at ginawang adjustment para sa mas malawak pang rollout nito?
DICT USEC. CAINTIC: Una marami nga kaming nakuhang positive feedback, maraming natuwa na madali lang siyang gamitin lalung-lalo na kung ang mga records ninyo ay nandoon na, nai-submit ng LGU. Sa amin marami din kaming na-monitor sa ating social media postings, natutuwa kami na marami ring natuwa na tayo’y isa sa mga unang bansa na nakapag-issue noong World Health Organization standard na vaxcert.
Tapos iyong mga—sa mga konting negative feedback naman, iyon ngang maraming nakapansin na wala pa rin iyong record nila doon sa vaccine registry so kailangan ipadala ng mga LGU. Tapos may mga nagtatanong din about iyong confusion kung yellow card or vaxcert, tapos iyon din ‘yung isa pa, ‘yung natatagalan din ang pag-ayos noong mga LGU ng kanilang mga record; pero over and all marami namang positive feedback.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., so far ilan na po ang kabuuang bilang ng mga nakakatanggap na ng VaxCertPH mula po sa mga OFWs, Baguio at NCR residents nga una nang nakapag-rollout?
DICT USEC. CAINTIC: So far we have already issued 138,000 – 138 pa rin po ng mga vaxcert out of 225,000 requests nationwide. Statistics dito dahil kahit nag-soft launch na tayo sa NCR at Baguio at prinayoritize natin ang mga OFWs at saka international travelers, bukas naman talaga siya. Pero kung halimbawa nandoon ang record mo, eh ‘di good for you dahil malalabas na kaagad iyong vaxcert; pero ‘pag halimbawa mayroong data rectification na kailangan, inuuna namin ang mga OFWs at saka international travelers. So halos nationwide naman din pero limited release lang talaga, soft launch para hindi naman masyado pang dagsain.
As for the adjustments, Usec. Rocky, patuloy ang aming pakikipagtulungan sa ating DILG at sa mga LGUs at tuluy-tuloy po ang aming pag-train sa mga LGUs at pagtulong sa kanila sa pag-setup noong kanilang mga data rectification booth at saka iyong para din sa mga pagtulong sa mga taong hirap gumamit ng teknolohiya; pero online naman po ito, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyan nga po ang sunod kong ta—through website lang po ba ito na access sa ngayon o mayroon na ring mobile app version?
DICT USEC. CAINTIC: Actually, Usec. Rocky, website siya pero accessible din sa mobile. Madali lang talaga, bubuksan mo lang iyong browser mo. Apat na steps lang po, wala pa sigurong mga 3 minutes or 5 minutes tapos ka na. Iyong mobile version na ilulunsad namin, para ‘to babasa ng QR, gagamitin ng mga establishments and ports of entry and exit. So malapit na namin ‘tong ilabas din para ito mababasa iyong QR na na-generate. Pero iyong pag-apply, doon po tayo sa portal na accessible naman po sa mobile.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kahapon sinimulan naman iyong rollout ng VaxCertPH sa ilang mga rehiyon. Bakit dito lang muna sa Regions III, IV-A, Metro Cebu at Davao ito pong napiling nadagdag sa pilot rollout?
DICT USEC. CAINTIC: Ang ibig pong sabihin ng aming ng dagdag na pilot rollout, although na—sabi ko nga kanina online naman siya, nababasa siya ng—nag-a-access siya ng lahat – ang ibig sabihin ng aming rollout dito sa mga regions na ito, dito kami nagtutok, dito natin—nagpatulong tayo sa mga LGUs mag-setup noong data rectification booth. Ibig sabihin kung mayroong isang magrireklamo na wala pa rin iyong record niya sa Vaccine Immunization Registry eh puwedeng tulungan sila noong ilang LGU.
So operational readiness, workforce readiness itong LGUs dito sa mga region na ito, naglaan nang sapat na tao para puwedeng tumulong. Pero as soon as ma-train na po natin lahat at makapag-ready na lahat ng LGUs, saka natin ini-nationwide.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., para lang din po malinaw ano po, ito po bang pilot rollout ay bukas na sa lahat ng mga residente sa mga nabanggit na rehiyon?
DICT USEC. CAINTIC: Opo. Bukas na bukas na siya na sa mga nabanggit na rehiyon at hindi lang na bukas siya, makakasigurado sila na may mapupuntahan silang mga LGUs na makakatulong sa kanila kung halimbawa kailangang iwasto ang kanilang datos.
USEC. IGNACIO: Saan po ba puwedeng magamit itong VaxCertPH at ano rin po ba iyong pinagkaiba nito sa yellow card na iniisyu ng Bureau of Quarantine.
DICT USEC. CAINTIC: Okay. Ang yellow card ay nagbibigay din ng impormasyon tulad ng sa mga bakuna maliban sa COVID. Ang atin pong VaxCert, tutok talaga siya sa COVID-19 Vaccine. Pero valid pa rin po ang yellow card lalo na sa bansa na pupuntahan ng traveler na nagri-require ng vaccination proof maliban sa COVID-19 tulad ng yellow fever, measles and whatever. May mga ganoon pong mga bansa sa Africa.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec, paano naman daw iyong mga kababayan nating walang access sa technology. Ano po iyong alternative para naman po magkaroon din sila ng VaxCertPH?
DICT USEC. CAINTIC: Iyon nga po iyong kaya kami may pilot launch talaga, kasi ang ibig sabihin doon, iyong LGUs doon sa regions na iyon, may sapat na booths para matulungan iyong walang kakayahang mag-access ng internet. So kapag pumunta sila doon sa mga booths na iyon, tinutulungan sila para makapag-generate ng VaxCert po.
USEC. IGNACIO: Usec, ilang araw po ba from their second dose, bago maaaring maisyuhan ng VaxCertPH ang isang individual o ito po ay babase na rin sa submission ng LGU?
DICT USEC. CAINTIC: Tama po kayo doon, Usec. Rocky. Binibigyan natin ng 48 hours ang LGU na makapagsumite ng mga datos ng nabakunahan. Marami naman po sa kanila ngayon, nakakapag-comply na po. So, 48 hours po usually nandoon na iyong record mo.
USEC. IGNACIO: Wow! Okay, maganda pong balita iyan. Kumustahin ko na rin po USec, ang compliance ng pagsa-submit din ng data sa VIMS (Vaccine Information Management System) ng DICT ang mga LGUs pati na rin po iyong ibang agency and organizations na nagsasagawa po ng vaccination. Hindi na po ba nagkakaroon ng problema dito sa tinatawag nating real time submission and accuracy of data?
DICT USEC. CAINTIC: Hindi na po. Hindi naman po ang system na ang problema, it’s really iyong manpower po talaga. So on the average across all the LGUs nag-a-average na po kami ng 80%. Dati-rati nasa mga 40% lang iyan, ngayon 80% na. So, may mga perfect lagi, may mga nahuhuli lang sandali. Minsan kapag may kalamidad, may bagyo, minsan made-delay sila sa pag-submit kapag maulan. Pero over and all po, mataas na po talaga ang compliance rate on a day to day basis po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kailan naman po iyong target na mabuksan itong VaxCertPH sa ibang mga rehiyon sa bansa?
DICT USEC. CAINTIC: Ang ibig sabihin natin na bubuksan na sa lahat ng rehiyon is iyong may kakayahan na ang mga LGUs makapag-set up ng booths, makapaglaan ng tao at ma-train natin. Trained na sila, iyong paglaan na lang ng mga booths at mga computers. Nagku-coordinate pa po kami sa DILG at mga LGU’s, Ma’am, kasi hindi naman po, Usec. Rocky, lahat may kayang mag-set up agad, bising-busy sila sa pagtuturok, bising-busy sa pag-aalaga din sa mga may sakit ngayon. So, binibigyan lang natin ng sapat na panahon po, siguro a few more weeks. Pero ang importante naman po, bukas ito online, so kung halimbawa maayos at nandoon na ang datos mo, puwede namang makakuha ka. May contact center naman na aalalay sa iyo at kung nandoon ka nga sa mga LGUs na malapit doon sa mga Region III, IV-A, VI,VII and NCR mataas ang chances na puwede kang alalayan ng LGU ninyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kunin ko na lamang iyong mensahe mo o paalala sa ating mga kababayan.
DICT USEC. CAINTIC: Okay. Una, magpabakuna na kayo. Paulit-ulit tayo diyan, kasi ginto ito, kung may chance na kayo magpabakuna, magpabakuna na kayo. Pangalawa, ulitin ko lang ang VaxCertPH is a self-service portal, hindi ninyo kailangang pumunta sa LGU ninyo para makuha ito. Kung may mobile phone kayo o computer naman sa bahay at may internet connection, puwede ninyong masubukan na hindi na kailangang lumabas pa.
Pangalawa may LGU booth tayong sini-set up nga doon sa mga cities na ito para matulungan kayo kung wala kayong access sa computer. Pangatlo mayroon tayong contact center para alalayan kayo at pang-apat hinihiling po natin ang kaunting pang-unawa ng mga tao sakaling may encoding error. Huwag kayong magalit o magtampo, rest assured maaayos din ito ng LGU ninyo at binigyan natin sila ng kakayahang maisagawa ang pag-ayos ng inyong datos.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras at impormasyon, DICT Undersecretary Manny Caintic. Salamat po.
DICT USEC. CAINTIC: Thank you, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: At para po makatulong sa takbo ng pagninegosyo, patuloy po iyong innovation at intervention efforts ng pamahalaan kahit ngayong panahon ng pandemya. Isa na po rito ang Small Enterprise Technology Upgrading Program or SETUP ng DOST. Para pag-usapan iyan makakausap po natin si Engineer Sancho Mabborang, Department of Science and Technology, Undersecretary for regional operations. Good morning po, Usec?
DOST USEC. MABBORANG: Magandang umaga, Usec. Rocky at magandang umaga sa inyong mga tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: Opo. Paano po nakatulong sa ating negosyante itong Small Enterprise Technology Upgrading Program o SETUP at ano pong klaseng technology ito na naibibigay ng DOST sa mga beneficiaries lalo ngayong may pandemya?
DOST USEC. MABBORANG: Salamat po, Usec. Rocky. Unang-una po, iyong Small Enterprise Technology Upgrading Program ay isang banner program ng DOST na ini-implement po primarily sa mga regional offices. So, ito po ay nagpu-provide ng financial at technical assistance ng sa ganoon po ay maging globally competitive iyong ating mga MSMEs, ma-increase po iyong kanilang productivity at magkaroon po sila ng pag-asa o ng kakayahan na maging competitive sa mga kumpanya, hindi lamang po dito sa Pilipinas kung hindi mga kumpanya na rin na katulad nila sa ibang bansa. So, marami pong pamamaraan nang pagtulong ang ating inihahatid.
Una po dito ay iyong provision ng mga equipment na kanilang kailangan. Halimbawa po ay kung sila ay nangangailangan ng mga advance na equipment at hindi ito kayang pondohan ng kanilang kumpanya ay maaari po namin itong ibigay.
Pangalawa po dito ay iyong mga consultancies na ating ibinibigay ano. So, iyong tinatawag natin na whole business approach na kung saan po nagbibigay tayo ng consultancy services from the inception of the project until implementation.
Pangatlo po dito at isa rin pong mahalagang pillar ng SETUP ay iyon pong training component, so iyon pong mga makabagong equipment. Kapag minsan po ay kulang sa kakayahan iyong ating mga kampanya upang iyon ay gamitin, upang iyon ay mapalago at minsan ay hindi alam kung papaano iyong mga preventive maintenance techniques, iyong operational techniques, so kasama rin po ito sa ating mga ipinu-provide at itinuturo sa kanila, Usec. Rocky.
Ngayon pong pandemic, banggitin ko lang po na hindi po tumigil iyong ating programa sa SETUP at kami po ay nagtataka, dahil sa kasalukuyan po iyong amin pong datos na hawak, mula January hanggang June ay mahigit limang daang kumpanya na sa buong Pilipinas sa iba’t ibang rehiyon ang ating natulungan.
At kami po ay natutuwa dahil iyong mga natulungan ng kumpanyang ito ay hindi po lumiit iyong negosyo bagkus marami tayong mga lockdown, mga quarantine status na medyo mahigpit ay lumaki pa po iyong kanilang negosyo at pamumuhunan at iyong iba sa kanila nga ay nag-expand pa ng negosyo kahit tayo po ay dumaranas ng pandemic.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., ito po ba ay may kasamang financing assistance at kung may pautang, hanggang magkano po ang naibibigay ninyong tulong sa mga negosyante?
DOST USEC. MABBORANG: Tama po kayo, ito po ay may kasamang financial assistance ano po at ito po ay may ceiling na hanggang P3 million pababa. Subalit kung kayo ay may kailangan ng higit P3 million ito po sa approving authority pa po ng Secretary. Ito po ay puwedeng bayaran sa loob ng 3 hanggang 5 taon depende po sa kakayahan ng kumpanya at ngayon nga po na may pandemic ay nagtakda tayo ng moratorium doon sa pagbabayad ano po.
So, sa pagtulong at pag-apruba ni Secretary Fortunato Dela Peña, ay nagkaroon po ng moratorium sa pagbabayad ng aming upa. Pangalawang period na po ito na kung saan nagkaroon tayo ng moratorium upang sa ganoon po ay mabigyan natin ng pagkakataon ang mga MSMEs natin na maka-recover, lumago iyong negosyo at hindi ninyo pa po isipin iyong babayaran sa DOST.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec., sa ngayon ilang MSMEs na po sa buong bansa ang natulungan ng programa at anu-anong mga sektor po ang naging priority o iyong may pinakamaraming beneficiaries?
DOST USEC. MABBORANG: Sa ngayon po ay napakalaki na po noong mga natulungan. Nag-start po ito, USec. Rocky, noong 2002, at sa kasalukuyan po humigit kumulang 100,000 kumpanya na po o firms na MSMEs ang natulungan. Ngayon taon lamang po ng 2021 ay mayroon ho tayong 507 na natulungan na kumpanya.
So, ito po ay tumutulong sa iba’t-ibang sektor, nandito po ang agriculture, nandito po ang food processing, metal and engineering, health and pharmaceuticals, gifts and house decors, furniture at 8 sector po ito na kung saan po ay nakatuon iyong priority at focus ng DOST.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., ano na daw po ang naging impact o contribution sa economic growth ng komunidad kung saan naruroon ang inyong mga DOST SETUP [Small Enterprise Technology Upgrading Program] beneficiaries?
DOST USEC. MABBORANG: Ay, napakaganda po, USec. Rocky, unang-una po ay direct, iyong employment ano sa kasalukuyan po ay humigit 293,000 iyong ating na-generate na employment at sa kasalukuyan po ngayong taon na ito ay mahigit 3,000 na po iyong ating na-create na trabaho. Alam naman po natin na mahirap ang maghanap ng trabaho ngayong may pandemya subalit nakapag-create po tayo ng humigit kumulang na 3,000 at sabi ko nga po humigit kumulang na 100,000 iyong employment.
Pangalawa po rito, USec. Rocky, ay doon po sa sector ng food processing na kung saan iyong ating firms ay nangangailangan ng raw materials ay nakakatulong po doon sa ating mga farmers dahil sila po iyong bumibili noong mga output, agricultural output ng ating mga farmers na matatagpuan po, karamihan po dito sa kanayunan.
Alam din po natin na napakahirap magbenta ng agricultural produce lalong-lalo na po kung ito mga perishable. So, iyong kanila pong mga agricultural output na kanilang pinu-produce sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas ay nabibili po ng ating mga food processors.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., para sa mga nanunood at interesado na maging benepisyaryo ng SETUP program, paano po nilang malalaman kung sila po ay qualified dito?
DOST USEC. MABBORANG: Maganda po iyong inyong katanungan USec. Rocky. Unang-una po ay tayo ay mayroong mga provincial offices sa buong Pilipinas, mayroon din po tayong iba’t-ibang Regional offices at tayo po ay puwede nilang i-access sa ating mga websites at dito po ay maaari nilang makita kung ano po iyong mga requirements na dapat nilang i-comply upang sa ganoon po ay maging kuwalipikado sila doon sa pag-avail ng SETUP program.
So, sa ngayon po, tayo ay mayroon na set-up sa 16 regions, 17 kasama na po ang BARMM at ito po ay tuloy-tuloy po ang ating pagbibigay ng assistance. So, magpapatuloy po ito USec. Rocky, hanggang sa susunod na taon at sa mga darating na taon pa at umaasa po kami na mabibigyan po ng mas mataas na budget ang DOST ng sa ganoon ay mas marami pong makinabang dito sa aming programa.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., bukod po sa SETUP program ng DOST, may iba pa po bang pinag-aaralang program ang DOST na puwedeng makatulong sa iba pa nating mga kababayan ngayon pong pandemic?
DOST USEC. MABBORANG: Mayroon po kaming iyon programa natin isa na kung saan tayo rin ay naka-focus, iyong tinatawag po natin USec. Rocky, na CEST or Community Empowerment thru Science and Technology.
Actually, mayroon ho itong limang entry points: iyong economic development, health and nutrition, human resource development, environmental protection at iyong panghuli po ay disaster risk reduction and climate change adaptation.
So, natutuwa po kami dahil ang pinupuntirya po nito ay makatulong doon sa mga GIDA or Geographically Isolated and Disadvantaged communities natin sa buong Pilipinas at iyong marginalized groups po kagaya ng IPs.
Sa kasalukuyan po, ngayong taong 2021 ay may mga 70 communities na po kaming natulungan at matutuwa po kayo dahil ito po talaga iyong mga nangangailangan ng tulong na mga komunidad.
Let’s say wala pong source ng tubig at iyong source ng tubig po nila ay hindi po malinis at hindi po potable iyong gagamitin o pang-inom, hindi puwedeng pang-inom iyong tubig. Tayo po ay tumutulong dito sa pagbibigay po ng mga teknolohiya upang ito po ay maging potable at maging drinkable water at marami po kaming magagandang kuwento rito, USec. Rocky, sa iba’t-ibang rehiyon.
Banggitin ko lang po iyong MIMAROPA Region na kung saan medyo marami pong areas ang mahirap dito at iyong pong mga technologies na aming ibinigay at iyong mga livelihood din po na ating ibinigay ay malaki po ang naitulong doon sa mga komunidad na aking nasabi.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon DOST Under Secretary for Regional Operations Engineer Sancho Mabborang, mabuhay po kayo USec.
DOST USEC. MABBORANG: Mabuhay po kayo uli USec. Rocky, salamat po.
USEC. IGNACIO: Salamat po. Samantala damang-dama ng bawat Pilipino ang hirap ng buhay dahil sa taas presyo ng mga bilihin kaya naman bumuo ang Department of Agriculture ng Bantay Presyo Task Force na naglalayong supilin ang pag-overprice ng mga bilihin. Ang buong detalye alamin natin dito sa Ani at Kita.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Walang patid ang mga isinasagawang bakunahan sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa mas mabilis na pagkamit sa target population protection. Kasabay ng groundbreaking ceremony ng Malasakit Center building sa Cotabato Regional and Medical Center ay nagpaabot din ng pasasalamat at kaunting ayuda si Senator Bong Go para sa mga medical frontliners at pasyente ng ospital. Narito ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Narito naman ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. As of 5 P.M. kahapon, September 24, 2021, nakapagtala ang DOH ng 18,659 new cases kaya umakyat na sa 2,453,328 ang total number of confirmed cases sa Pilipinas; 9,088 naman ang nadagdag sa mga gumaling kaya umabot na ito sa 2,240,599. Samantala, dahil sa technical issues ng COVID-KAYA system, wala pong naitalang pumanaw kahapon kaya nananatili pa rin sa 37,405 ang total COVID-19 deaths. Ang active cases ay nasa 175,324 sa kasalukuyan.
Para po sa dagdag na update sa paglilinaw sa mga issue kaugnay sa laban natin kontra COVID-19, muli nating makakasama si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Good morning, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa inyong media briefing kahapon, ilang bahagi lang po ng Luzon ang nakitaan nang pagtaas pa ng mga kaso ng COVID-19, tama po ba ito, Usec.? At kung oo, aling mga lalawigan o siyudad po ang mga ito?
DOH USEC. VERGEIRE: Nakita natin, Usec. Rocky, as what we have reported yesterday, bumababa po ang trend ng mga kaso sa Bulacan, sa Cavite, sa Laguna at saka sa Rizal. Ngunit the rest of Luzon ay nakikitaan pa rin po natin nang pagtaas at ito po iyong mga region na Region I, Region II, Region IV-B, Region V, iyong CAR at saka iyong iba pa hong mga areas sa Region III at iba pang areas sa Region IV-A.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bigyang-daan ko na lang din po iyong tanong ng kasamahan natin sa media ano po. Mula kay Michael Delizo: Ano po ang paliwanag dito sa zero death kahapon?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. Ang atin pong COVID-KAYA system ay nagkakaroon ho tayo uli ng issue sa storage and the Department of Information and Communications Technology, ang DICT, na siyang namamahala po nito ay inaayos po nila sa ngayon. Kapag hindi po gumagana ang ating COVID-KAYA at hindi tayo makakuha ng mga datos dito, ang nangyayari po, hindi ho natin nakukuha iyong mga specific details katulad ho ng mga deaths.
Ang ginagawa lang ho natin para makapag-report tayo ng mga kaso ay nagma-manual po kami, kinukuha ho namin manually sa CDRS iyon pong mga positibong kaso. Pero sa CDRS po kasi hindi natin makikita iyong status noong mga individuals kaya wala ho tayong deaths na nai-report kahapon. Ngunit ang sabi naman ng DICT ay nama-manage na po nila. As soon as we will be able to extract data from COVID-KAYA mairi-report na ho natin ulit ang mga deaths.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Michael Delizo: Kumusta po ang trend ng COVID cases sa nakalipas na linggo?
DOH USEC. VERGEIRE: Makikita po natin ano iyong trend. Bagama’t nakikita natin ang pagbaba, unti-unting pagbaba. Nakita po natin in the previous week, bumagal po ang pagtaas ng mga kaso, and this past week, nakita naman natin unti-unti pong nababawasan o nagdi-decline ang mga numero ng kaso. But we would like to emphasize to everybody that we should cautiously interpret our current data, dahil alam po natin ngayon na mayroon po tayong mga issues sa laboratory outputs. Nakita po nating bumaba ang laboratory. Ang pagbibigay, ang pagti-test ito pong ating laboratory outputs. And we are also trying to analyze if the use of antigen test na hindi pa po natin naisasama sa ngayon sa ating mga datos ay nakakaapekto dito. So, I just like to remind everybody, let’s cautiously interpret the data. Ituloy pa rin po natin iyong ating pagpuprotekta sa ating sarili at sa ating komunidad.
USEC. IGNACIO: Opo. USec, sa ngayon po ba ay Nakausap na ninyo ang mga laboratoryo at may clear picture na po ba tayo kung bakit mababa na nag test na nagagawa nitong mga nakaraang linggo?
DOH USEC. VERGEIRE: Mayroon po tayong ilang factors that we are trying to consider as reasons kung bakit bumababa po ang output ng laboratories at katulad nga ng sabi ko, unang-una na po diyan na tinitingnan natin ay iyong paggamit ng antigen test. Hindi lang naman po local governments natin ngayon ang gumagamit niyan, gumagamit na rin po iyong ating mga ibang doctor natin sa ospital, ginagamit iyan, ginagamit din po ng mga tao sa kanilang bahay. So, kailangan lang po talagang mai-report ito pong mga antigen test results, kailangan din po tama iyong paggamit.
Based on our recent analysis with the almost 6,000 plus that were submitted to us na resulta ng antigen, when we validated this, only about 300 plus were according to the purpose that it was used, iyong tama po iyong gamit, so ito lang po ang puwede naming isama out of these many antigen test that were done. Because people are using this for screening borders, screening for work, screening for certain activities. And that is not right or proper use of antigen at baka magkaroon tayo ng inaccurate results.
Kaya po kami ay nakikiusap at nanawagan sa ating mga local government and sa ating mga kababayan na may tamang gamit po ang antigen test, para po makakuha tayo ng accurate na result at ito po ang dapat nating makuha at maisama sa ating kuwenta ng mga datos sa pang-araw-araw.
USEC. IGNACIO: Opo. USec, kahapon nga po, inatasan na ng IATF ang DOH NCR na paigtingin iyong registration and collection of results mula sa mga facilities na nagsasagawa ng antigen test. So, paano po ba ang gagawin ninyo para tiyakin na accounted talaga ang lahat ng antigen test kits na naibigay na na-administer ngayon sa publiko at hindi lang po tayo naka-rely sa voluntary na pagri-report ng mga kababayan natin sa mga BHERT?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, so hindi po dapat voluntary ang pagri-report ng resulta ng antigen test. It should be naimamandato po natin na ang local governments ay talagang magri-report sa atin at sila naman from the local government’s end, makuha nila lahat ng mga gumagamit at makapag-report po sa kanila. Kaya po kami ay nakipag-coordinate na with the MMDA and the National Task Force para matulungan po tayo na ma-mobilized po natin pati ang mga regional offices ng DILG at saka DOH, so that we can have this registration process for clinics or iyon pong mga local governments na gumagamit. May specific na po tayo na reporting system for that na ibabahagi sa kanila. So that we can make this official at maging mandato po ng bawat gumagamit ng antigen na mai-report po ito sa ating gobyerno.
USEC. IGNACIO: Opo. USec. kailan naman po inaasahang magri-reflect sa daily tally ng DOH itong mga positive result mula sa antigen test?
DOH USEC. VERGEIRE: Unti-unti na po nating ipapasok itong mga positive results ng antigen test after we validate ito pong mga nairi-report sa atin. So, simula po next week, unti-unti na po nating ipapasok iyan at magkakaroon naman tayo ng qualifier kung ilan ang RT-PCR, ilan naman po ang antigen test doon po sa kasong ire-report natin sa ating public.
USEC. IGNACIO: Usec. mula naman kay Crissy Dimatulac ng CNN Philippines. May we get DOH reaction on the revelation yesterday during the senate inquiry which includes that expiration dates of face shields from Pharmally were tampered with. At tanong rin po ni Red Mendoza ng Manila Times ay kung may katotohanan po ba na ang mga face shield ay nag-i-expire?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky, just like any other medical commodity, mayroon din naman pong mga tinatawag na shelf life, shelf life po ang tawag. Ito po ng mga face shields na binibili po kasi namin, this is not for the community, this is medical-grade and this is used by our health care workers. So, ito pong mga face shields na ito, mayroon po siyang mga parte na maaring magkaroon ng deterioration over time. So katulad po ng mga face shield ng ibang nabibili for our health care workers, mayroon po siyang parang foam na nakadikit diyan para hindi masakit para sa mga noo ng ating healthcare workers at ito pong mga foam na ito overtime napu-pulverized po iyan, nadudurog, iyong iba nagdi-discolor din po iyan. So iyan po iyong kasama doon sa shelf life na tinatawag natin that we need to assess and determined kung okay pa siya or hindi kapag nai-deliver po sa atin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong niya ay binaligtad ng Centers for Disease Control and Prevention ng America ang naunang payo ng FDA din ng America ang tungkol po sa paggamit ng booster doses sa mga matatanda at mga at risk? Ano po ang masasabi ng DOH dito? Ito po ba ay magpapadagdag sa konsiderasyon ng all experts group sa pag-recommend ng booster doses?
DOH USEC. VERGEIRE: Actually, USec. Rocky, we had answered this issue on booster shot repeatedly. So our experts are still continuously looking for evidence at inaaral pa ho talaga ito ng mga eksperto. Napakalaking Halimbawa po ang nangyari sa US kung saan nagkaroon ng opposing views ang FDA nila at saka iyong CDC. At iyan po ay isang senyales talaga na talagang hindi pa po sapat ang ebidensiya para sa booster shots, because even reputable institutions are having contradicting opinion or views about this. Kaya nga po dito sa atin ang ating mga eksperto talaga with DOH are really studying the advantages and the disadvantages and the completed evidences.
So ‘antayin po natin na magkaroon tayo ng kumpletong ebidensiya dahil kailangan po naming mai-guarantee na kapag ibinigay na po natin ito, this would really provide that protection to our health care workers and the other vulnerable population here in the country. So hanggang sa ngayon po ang amin pong rekomendasyon, we wait for further evidence, pinag-aaralang maigi and tayo naman po ay pabor na magbigay ng booster. Pero kailangan may sapat tayong ebidensiya para maging basehan. So that we can guarantee the protection of our public kapag nagbigay tayo ng booster shots.
USEC. IGNACIO: Opo. USec, Samantala pinaiimbestigahan na nga po ni Pangulong Duterte ang umano’y false positive test results mula sa ilang Red Cross facilities. Ano na po ang mga hakbang ng DOH tungkol dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky. So, ang ating reference laboratory naman ay nakapanghingi at nag-aantay pa tayo ng mga ibang dokumento at saka specimens coming from the laboratories in question. So, sa ngayon po, gusto ko lang ipaalala sa ating mga kababayan, ito naman po ay regular na proseso ng Department of Health with our National Reference Laboratory. Nagkakaroon po tayo nitong regular quality assurance monitoring kung saan tinitingnan po natin itong mga bagay na ito, dahil ang isang specimen or ang isang test maari po iyan maapektuhan ng maraming factors from the time that we collected the specimen to the time we do the test and to the time that we released results.
So, tinitingnan po lahat iyan, so that we assure that all laboratories in the country have quality results na iniisyu po. So, that is part of the process. But this time, we are trying just to look into this matter, para makapagbigay din po ng further information to the Office of the President.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Angel Movido ng ABS-CBN News, may impormasyon na po ba kayo sa bagong guidelines sa paggamit ng face shield?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky, so we already, we are able to answer this question yesterday. Kung saan ang sabi nga po natin ang pinagmulan po ng polisiya ng face shield, was a joint memo circular among eight government agencies, so ito po iyong DOH, DTI, DOLE, DILG, DOTR, DPWH even the Philippine Sports Commission and Games and Amusement Board. Kasama sa joint memo circular. So ito po ang ginawan natin ng revision, draft at pinaikot na po sa iba’t ibang mga ahensiya na kasama para magkaroon ng concurrence. Kapag nagkaroon na po ng concurrence, we can be able to issue out this revised memo circular kung saan nakalagay naman po dito that we have refocused iyong paggamit ng face shield kung saan mandatory po siya sa high-risk areas under the 3Cs framework.
So iyon pong mga indoor activities kung saan may crowding or exposure for risk ay diyan po kailangan gamit iyan katulad ng mga establishments and transportation. Sa indoor and outdoor dining, kailangan gamit po except kung kumakain na kayo. For indoor and outdoor gatherings or crowded settings, kahit po sa labas pero crowded kailangan po suot-suot pa rin po natin ang face shield at iyon pong iba pa hong mga establishments or activities na makakasama dito sa ‘3Cs’ framework natin. And one of our emphasis on the revision would be that, para po doon sa mga Alert Levels 3, 4 and 5 highly recommended po natin itong paggamit ng face shield.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong si Red Mendoza ng Manila Times, Usec.: May danger po ba ang isang face shield na ang shelf life ay expired?
DOH USEC. VERGEIRE: Hindi naman sa danger sa sinasabi natin na—what do you call this? It’s going to affect itong danger na sinasabi, iyong ating mga health care workers. Kailangan siyempre kumpleto at saka maayos ang maibigay po natin sa kanilang mga gamit para sila ay protektado sa sakit. So kailangan lang ho nating i-validate talaga if these deliveries ay talagang nagkaroon ng mga ganitong kakulangan. Pero as far as DOH is concerned, whatever we were able to deliver to all of our health care workers ay maayos po. Hindi rin ho kami tumatanggap talaga ng may mga sira o hindi kaya ay may mga ganiyang klaseng discoloration or nasira na iyong foam, hindi ho namin iyan tinatanggap. We do inspections also.
USEC. IGNACIO: Okay. Mula naman po kay Dano Tingcungco ng GMA News: Ano po ang plano ng DOH para matugunan ang problema sa sapat na bilang ng health care workers sa mga ospital partikular sa kakulangan ng mga doktor at nurse ng mga ospital?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So our emergency hiring is still being implemented kung saan mayroon ho kaming mga hina-hire na mga health care workers to augment staff in the hospitals.
Pangalawa po, ito pong kanilang mga benepisyo ay talagang inaayos po natin sa ngayon. We are lobbying for budget so that we can be able to continuously provide these additional benefits to our health care workers.
Pangatlo po, sinisiguro namin iyong kanilang kaligtasan. Kaya nga po kami ay nagka-townhall meetings with them last week sa ating mga iba’t ibang klase ng health care workers at ipinaliwanag sa kanila kung ano naman po ang mga plano ng Department of Health para matugunan ang pagtaas ng mga kaso ng health care workers na nagkakasakit sa ngayon.
So lahat po ito ay pinapaalam natin sa kanila, so that they will be more encouraged to join the force in our hospitals para madagdagan po ang ating mga cadre doon.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni JP Soriano ng GMA News: Pinapayagan or papayagan na ba ang mga bata na lumabas para mag-exercise o maglaro? Ano po chances na ibalik iyong nabalam na pagpayag ng IATF na payagan ulit makalabas ang mga bata, at least, sa outdoor?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, dito ngayon sa ating mga alert levels na tinatawag, Usec. Rocky, mayroon po tayong mga iba’t ibang restrictions diyan. Of course kung nandoon ka isang high risk na alert level katulad ng alert level [5] at Alert Level 4, kasama po sa sectoral restriction ang age. So hindi ho natin puwedeng palabasin ang mga bata or iyong 18 years old and below at saka iyong matatanda na 65 years old and above.
Mayroon din ho tayong siyempreng binigay na authority sa ating local governments kung kanila naman pong masisiguro na ito pong ating mga kabataan ay maaaring lumabas at magiging safe sila, maaari po nilang gawin iyan pero doon po sa lower levels ng alert katulad sa Alert Level 3, Alert Level 2 at Alert Level 1. But definitely sa mga high risk areas, hindi pa ho natin puwedeng mapayagan ang ganitong paglabas ng mga kabataan natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong niya: MMDA Chairman Benhur Abalos in an interview said that Metro Manila may ease to a looser quarantine after the pilot implementation of Alert Level 4 if COVID-19 indications continue to improve. May mga indications po ba na nag-improve na ang COVID-19 situation and possible na mailagay sa Alert Level 3 ang NCR?
DOH USEC. VERGEIRE: Lahat pong iyan, Usec. Rocky, pinag-aaralan natin ngayon. We have just finished one week of implementing this pilot. So kailangan pa ho natin nang mas madaming panahon katulad nitong linggong darating para makita natin kung sadya talaga na itong pagbaba ng mga kaso ay talagang maia-attribute na natin na talagang nagiging effective ang ating response.
Pangalawa po kailangan din natin tingnan, nag-i-improve ba iyong mga kailangan natin i-improve when we did the pilot. Nag-improve ba ang bakunahan? Nag-improve ba o na-shorten ba natin ang duration from detection to isolation? Nag-improve ba ang compliance sa minimum public health standards? So lahat ng ito po ay titingnan natin sa pagsasagawa natin ng assessment and we will be informing the public pagkatapos po nito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tanong naman po ni Crissy Dimatulac: Iyong pong tungkol sa Pharmally official na umano’y tinamper nga nila iyong shelf life ng face shields na dineliver sa kanila. Ano daw po ang reaksiyon ng DOH dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Well iniimbestigahan na iyan, Usec. Rocky, and I think we just leave it to our legislators na doon sa imbestigasyon at hintayin po natin ang lalabas na resulta nitong imbestigasyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay JP Soriano: Doon daw po sa hearing ng House of Representatives, according to DOH Assistant Secretary Ronquillo – 92,000 physicians and 44,000 nurses ang kulang dahil sa pandemic. Are these figures accurate and respectively? Ano po ang ginagawa na ng DOH to fill the gap?
DOH USEC. VERGEIRE: Well simula’t sapul naman, Usec. Rocky, we had our forecast already kung ano iyong estimated na number ng mga health care workers na kailangan natin base po doon sa ating mga itinatalang datos. Kaya nga po tayo nagkaroon ng target noon that we needed additional 15,000 health care workers to supplement the current cadres in our hospitals, and that was previously doon sa 2020 po natin na mga trends at mga datos.
So ito pong binibigay na mga estimates na ito, it’s not cast in stone because we know that our situation is very dynamic, nag-i-evolve po siya – araw-araw tataas tapos makakakita tayo nang pagbaba. So ito pong mga ito, ballpark figure iyan or numbers na atin pong inilalagay para we can do planning for this at mapaghandaan.
So, sa ngayon po katulad ng sabi natin, nagkakaroon kami ng purposive hiring para po sa mga facilities natin para madagdagan and hopefully iyong ating long term na plan is for us to be able to generate or produce on our own. Kaya po dapat binabantayan natin iyong mga nag-i-enroll sa ating mga eskuwelahan na health care workers, makita natin kung ano iyong specific type ng health care workers na kulang na kulang tayo sa bansa para ma-produce natin iyan in the coming years.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon at siyempre iyong walang sawang pagpapaunlak sa aming imbitasyon Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ingat po kayo USec., salamat po.
DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Sen. Bong Go, patuloy sa pagtupad sa kaniyang pangakong walang tulog na serbisyo sa mga Pilipinong apektado ang kabuhayan ng pandemya at mga trahedya. Panoorin po natin ito:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Para naman po sa pinakahuling pangyayari sa iba pang lalawigan sa bansa. Puntahan naman natin si Aaron Bayato mula sa PBS Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Aaron Bayato ng PBS Radyo Pilipinas; maghahatid din po ng balita mula naman sa Davao Region ang ating kasamahan na si Claudette Loreto.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Mga kababayan 91 days na lamang po at Pasko na, muli ang amin din pong paghikayat sa lahat na magpabakuna na po at hangga’t maaari ay umiwas po muna sa mga social gatherings para sa tuluyang pagbaba ng kaso at masayang pagdiriwang ng Pasko.
Ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita po uli tayo sa Lunes dito lamang sa #LagingHandaPH Public Briefing.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center