USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayan sa iba’t ibang dako ng mundo. Ako po si Usec. Rocky Ignacio mula po sa PCOO.
Ilan po sa nakatakda nating pag-usapan ngayong araw ng Martes ang patuloy pa rin po nating laban kontra iligal na droga, ang estado ng mga kaso ng COVID-19 sa lugar ng Visayas, at iba pang isyu sa sektor ng transportasyon sa bansa. Kaya naman simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Bagama’t nasa kalagitnaan tayo ng ating laban kontra COVID-19 ay patuloy din ang ating laban kontra iligal na droga. Pag-usapan natin ang mga maiinit na isyu tungkol dito kasama si Justice Undersecretary Adrian Sugay. Good morning po, Usec.
DOJ USEC. SUGAY: Hi! Good morning, Usec. Rocky. At good morning sa ating mga tagapanood at tagapakinig.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pinaiimbestigahan po ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation o NBI ang 52 drug-related deaths na sangkot nga po itong mga pulis. Ano na po ba so far ang naging resulta ng imbestigasyon tungkol dito?
DOJ USEC. SUGAY: Okay. Alam mo, initially, iyon nga, nagkaroon ng direktiba kasi ang Presidente, iyon ang sa aming pagkakaalam, na dinirekta ang DOJ at ang PNP na ituloy ang imbestigasyon dito sa mga namatay sa resulta nitong mga anti-illegal drug operations ng Philippine National Police.
So sa ngayon ano, we’ve completed two sets ‘no, dalawang sets ng review ng mga dokumento. Pangalawa, ito iyong mga case folders na tinurn-over ng Philippine National Police through its Internal Affair Service sa DOJ. These are 51 out of 52 cases na kung saan inimbestigahan mismo ng IAS ng PNP, Internal Affair Service, itong mga namatay o iyong mga insidente ng mga may namatay as a result of iyong mga anti-illegal drug operations.
So sa ngayon, natapos na namin ang review na ito, ang DOJ, at ito ay aming iti-turnover o ibibigay sa National Bureau of Investigation for further case build-up sabi nga, or for further investigation.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., hindi ba naisumite na po ni DOJ Secretary Guevarra kay Presidente iyong resulta po ng case review ng Kagawaran sa mga umano’y pagmamalabis ng mga pulis sa war on drugs. Ibig sabihin ba nito ay talagang may basbas po ng Pangulo ang pagtuloy ng kaso nila sa NBI?
DOJ USEC. SUGAY: Ay, oo, iyon ang direktiba sa amin ‘no. Kasi iyong aming report na ginawa tungkol nga dito sa iyong resulta ng aming review nitong mga case folders na ito ay ibinigay na namin sa Office of the President. So nasa ating Presidente na iyan. At iyon nga, pagkatapos naming naibigay iyong report na ito sa kaniya, iyong aming recommendations, siya iyong nagbigay ng direktiba na ituloy ang imbestigasyon.
So ang aming pagkakaintindi rito ay siguro nararapat na ito’y ibigay namin sa National Bureau of Investigation for further investigation. So pagkakaintindi namin, ito’y malinaw na malinaw sa direktiba ng Presidente.
USEC. IGNACIO: Opo. Ayon din kay Secretary Guevarra, kung may sapat na ebidensiya ay maaaring kasuhan itong mga pulis na sangkot sa mga pagpatay na ito. Hindi po ba na-establish ang possible criminal liability ng mga sangkot sa war on drugs doon sa nai-submit na report kay Pangulong Duterte?
DOJ USEC. SUGAY: Usec., ganito, 51 cases ito ‘no. So mayroong mga iba na sa tingin namin ay baka—or sa tingin ng NBI, depende sa kanila ‘no kasi sila naman ang gagawa ng case build-up ‘no. Kung sa tingin nila ay mayroon nang sapat na basehan base doon sa mga case folders na isinabmit, kasi itong mga case folders na ito ay mayroon na namang mga findings ang IAS dito. Ibig sabihin, may mga ebidensiya na kasama na rito; iyon iba may mga reports na ng SOCO; mayroong mga initial investigation reports; iyong iba mayroong mga paraffin test results, ballistic test results.
So kung base rito, kung sa tingin ng NBI ay puwede nang magtuloy ng kaso, puwede nang i-file ang complaint against these erring police officers ‘no dito sa DOJ, sa ating National Prosecution Service, puwede na. Pero sa mga pagkakataon na sa tingin nila ay kulang pa at kailangan pang imbestigahan para magkalap pa ng ebidensiya ay nasa sa NBI na iyon. Pero iyong sa aming nakita, sa aming rekomendasyon at iyon nga, naging resulta ng aming rekomendasyon, karamihan dito sa mga kaso na ito ay talagang kailangang tignan nang mabuti at mukhang may mga proseso o iyon ating tinatawag na police protocols na hindi natupad.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., anong mga kaparusahan itong mga nakaabang sa mga mapapatunayang umabuso sa kanilang kapangyarihan?
DOJ USEC. SUGAY: Alam mo, bukod dito sa iyon nga iyong tinatawag natin na administrative liability, ang bahala dito ay ang Internal Affairs Service ng PNP ‘no at this is internal to the PNP. Puwede siyempre silang matanggal sa serbisyo, maaari silang puwedeng demotion, puwedeng suspension, depende iyan ‘no doon sa grabe, pagka-grabe ng nangyari kung may nakita ngang accountability o may nakitang possible liability.
Pero pagdating naman doon sa criminal liability which is iyon iyong subject ng ginagawa na review ng DOJ at posibleng iyon nga, i-refer namin ito sa National Bureau of Investigation puwedeng makasuhan sila ng … kung nakita na talagang may intensyon ng pagpatay dito sa ating mga iligal … iyong ating mga drug suspects ‘no, puwede silang makasuhan ng murder or at a very least, homicide. So ito iyong normal na criminal complaints or criminal prosecution against these erring police officers pursuant to iyong ating Revised Penal Code.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ito ho bang aksyon ninyo ay bunsod lamang ng umano’y pressure dahil nandiyan po iyong napipintong imbestigasyon ng ICC maging itong pronouncement ng Pangulo sa UN General Assembly?
DOJ USEC. SUGAY: Alam mo hindi naman, Usec. ‘no. Kasi sa amin, matagal na rin naman … last year pa namin inumpisahan ito, itong review na ito. Kung mayroon mang—alam mo sa amin, importante lang kung mayroong mga nakikita na may possible liability o may dapat managot for their actions whether it’s police officer o mga kasama natin sa kapulisan, whether it’s ordinary citizen, alam mo naman dito sa amin sa Department of Justice ‘no, sa pamumuno ni Secretary Guevarra, sa amin professional lang kami diyan. Kung talagang may dapat kasuhan, may dapat imbestigahan, iyon ang aming gagawin ‘no.
So whether or not there’s an ICC investigation, whether or not there’s pressure from anybody, kapag talagang may nagreklamo at nakita namin na may ginawa na hindi tama ay talagang kakasuhan namin iyan.
USEC. IGNACIO: Usec., ano naman po ang naging tugon ni PNP Chief Eleazar sa pagkakaso na ito ng NBI; at nasaan na ho ba itong mga sangkot na pulis na ito?
DOJ USEC. SUGAY: Okay. Alam mo nag-usap kami last week, nagkaroon ng pagpupulong last week si Secretary Guevarra at ang ating PNP Chief, si General Eleazar, at naging ano naman, para sa kanila, importante sa kanila, mahalaga kay General Eleazar na mapanagot ang iyong dapat panagutin ‘no. Kasi sa kanila, alam mo hindi ito maganda kung ano eh ‘no, parang lumalabas na parang pinababayaan itong mga malamang na nagkaroon ng isyu, nagkaroon ng problema as they were implementing the anti-illegal drug campaign. Kung mayroong mga lumabag o mayroong lumagpas doon sa kanilang mga dapat gawin ‘no, ang sabi naman ni General Eleazar, sabi niya suportado ito ng kapulisan, ng PNP, na kung sino iyong dapat mapanagot ay talagang dapat panagutin. So, wala namang problema sa kanila. In fact, itong mga case files na recent, itong 51 out of the 52, nanggaling mismo sa kanila and through the initiative of PNP Chief General Eleazar.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pagdating naman po dito sa Jonson-Ongpin case, ayon po sa inyo ay nakakuha na nga ng mga testimonya ang NBI mula doon sa mga nakasama nina Bree Jonson at Julian Ongpin [noong] gabi bago po iyong insidente at ‘di umano nga po ay nakitaan ng mga iligal na droga ang lugar kung saan namalagi ang dalawa. Nagtutugma-tugma po ba ang mga ito at may nakitang ebidensiya ang mga sinasabing testimonya?
DOJ USEC. SUGAY: Usec., unang-una ‘no, siguro dapat sabihin on record ano, na itong kaso na ito is currently undergoing preliminary investigation. In fact, noong Biyernes nandito ang respondent but this is for the illegal drug case ano. Iyong respondent na si Mr. Ongpin nandito sa amin sa DOJ at siya ay nagsumite ng kaniyang counter affidavit ano.
Sa amin ‘no, kasi ang nangyari dito si Secretary Guevarra ay itinalaga o dinirekta ang NBI na tulungan ang Philippine National Police sa pag-imbestiga nitong kaso na ito. So, so far, ang mga ebidensiya na nakalap which is of course kasama dito sa preliminary investigation so far nagtutugma-tugma naman. Wala namang problema na nakikita so far.
Pero siguro, para sa amin ano, kung ano man iyong kalalabasan base dito sa ebidensiya na ito, iyong mga nakita at kung ano pa mang ebidensiyang maisusumite sa mga susunod na araw ay siguro pabayaan na muna natin ang National Prosecution Service na tingnan ito at siguruhin na mai-file iyong tamang kaso laban sa kung sinuman ang may kasalanan dito sa insidenteng ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., totoo ba iyong mga akusasyon na ‘di umano ay pinapatagal ng Philippine National Police (PNP) iyong pag-turnover ng internal organs ni Ms. Jonson sa NBI?
DOJ USEC. SUGAY: Usec., napag-usapan ito kasi nga last week nagpulong si Secretary Guevarra at si General Eleazar, si PNP Chief, nabanggit ito, napag-usapan ito. Alam ninyo, may mga bagay naman kasi na hindi naman basta-basta. May nangyaring krimen, so ang ating pulis ay nag-imbestiga.
May mga protocols, may mga procedures na dapat sundin pagdating dito sa mga krimen or crime scene, sa pagproseso ng crime scene, sa pagproseso ng, kunwari dito sa nangyari na ito ano, may namatay. Sa pagpuproseso doon sa labi ng namatay, ng nasawi ano dito sa insidente na ito ‘no.
Pero po sa aking pagkakaalam at nabanggit mismo ito – narinig ko – ni PNP Chief General Eleazar, siya na mismo ang talagang namagitan dito at nagsabing kung ano iyong kailangan ng pamilya ay ibigay ano. Kung iyong release ng mga organs, I think I understand na si General Eleazar mismo ang nagdirekta na i-release na ito sa kanila.
USEC. IGNACIO: Usec., kami po ay nagpapasalamat sa iyong panahon at sa mga paglilinaw. Justice Undersecretary Adrian Sugay. Mabuhay po kayo, Usec.!
DOJ USEC. SUGAY: Salamat Usec., at salamat sa ating mga tagapanood at tagapakinig. Magandang umaga.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Tumungo muna tayo sa Sofitel Harbor Garden Tent para alamin ang sitwasyon sa ika-limang araw ng filing ng certificate of candidacy sa COMELEC. Makakasama natin si Daniel Manalastas para sa update. Daniel?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, Daniel Manalastas.
Samantala, inaasahan na mayroong matatanggap ang bansa na mas maraming Pfizer vaccine na binili ng pamahalaan at donasyon ng Amerika. Ang ilan sa mga bakunang ito ay gagamitin sa pagbabakuna sa mga menor de edad.
Ayon din kay Senator Go, walang dapat masayang sa mga bakuna na ito kaya kinakailangang maiturok agad. Ang buong detalye sa report na ito.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Bawat lugar sa ating bansa ay patuloy pa ring lumalaban sa COVID-19. May mga rehiyon na pababa ang trend ng mga kaso. Pero sa Kabisayaan, ang datos daw ay hindi tumataas pero hindi rin naman po bumababa. Ibig sabihin, plateau.
Atin pong kumustahin ang buong Visayas region at ang mga hakbangin na ginagawa ng pamahalaan upang ingatan ang mga residente doon. Makakasama po nating muli si General Melquiades Feliciano, ang IATF chief implementer sa Visayas.
Good morning po, General!
IATF-VISAYAS GEN. FELICIANO: Good morning sa iyo, Usec. Rocky at good morning sa tagapanood ng PTV Philippines.
USEC. IGNACIO: Opo. General, inaasahan po ba iyong pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Visayas, partikular na sa Negros Island na sinasabi po ng ilang medical doctors doon na magiging malala ‘di umano ngayong kalagitnaan ng Oktubre? Gaano po kaposible ito?
GEN. FELICIANO: Well let me explain that by region ano, Usec. Rocky. Kasi ‘yung mga pagtaas ng mga cases if we will be considering the whole Visayas is through regional mga data ‘no because these are group of islands.
Now let me start with Region VII muna. Sa Region VII actually, ‘yung rise ng Region VII started in the first week of July and it peaked from the second week of August so one and a half months siya nag-peak ‘no. That time during its peak, umabot ng 70% ang capacity utilization rate ng mga private hospitals natin but considering that these are only accounting for the COVID beds, iyong staffing noon kulang so it actually reached on the critical level as far as the health care workers are concerned.
Now ang sitwasyon naman ng Central Visayas, since last month ‘no, on the first week of September, dahan-dahan na siyang bumaba. So ngayon ang cases mababa na, manageable siya and the COR now of the private hospital is at 26.8%. So stable na itong Central Visayas so hopefully we can maintain it with the strong COVID response sa mga community, I believe that this could be maintained ‘no.
Now punta naman tayo dako ng Western Visayas na dito talaga it started the rise probably a month ago ‘no. From the previous rise 3 months ago, nag-rise siya ulit because probably this is now the effect of the Delta variant as the dominant variant in the region ‘no particularly Bacolod City, Iloilo City and the Province of Iloilo. Now sa ngayon, actually nagpi-peak sila ngayon sa kanilang cases but I’m confident mayroon silang mga established COVID response particularly ang Bacolod City and they are now mobilizing all the efforts that they are having there. So ang trend niyan is after the peak, they will be able to manage it ‘no, control the spread and I’m expecting probably in the coming weeks or even a month, we will expect actually lowering of the statistics noong area.
Now for Eastern Visayas, Region VIII, actually ang Region VIII hindi siya masyadong affected ‘no for the reason that iyong transmission kasi depends on the setting ‘no just like Region VII and Region VI, they have highly urbanized areas where there are many economic activities, maraming gatherings ‘no, maraming movements. So ang increase ng mga statistics ng mga cases ay mas mabilis compare natin dito sa Region VIII ‘no where medyo cities na malalaki doon are Tacloban City and Ormoc City that’s why ang Southern Leyte, siya ‘yung may matataas na kaso. But compared to the other regions, mas mababa pa rin siya. So I think, I believe na in the coming weeks puwede nang ipababa noong mga regions ang kanilang mga kaso.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, General, bakit daw po nag-plateau ‘yung kaso sa Visayas?
GEN. FELICIANO: Well actually ako, personally—personal experience ko rin ito, iba kasi ‘yung pag-treat ng Delta variant ‘no – mahirap siyang i-manage, mahirap siyang i-control ‘yung spread compared to the previous last year’s SARS-CoV-2 po natin na ordinary variants ‘no or virus and also the P3 that we have experienced here ‘no. Medyo mahirap talaga ‘tong i-handle that’s why there’s a certain point na magpa-plateau siya until such time na if continuous ‘yung implementation ng mga protocols natin at ma-shape ‘yung behavior noong mga tao on how to really be following the right protocols, doon natin siya makikita na bababa siya because the transmission is always closely related to the behavior of the people.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, General, kung sakali lang po ‘no, kung sakali lang po na lumala ang mga kaso ng COVID-19 sa bahaging ‘yun ng Kabisayaan, masasabi ninyo po bang ang LGU ng Negros Island ay nakahanda at anong tulong po ang handang ibigay ng iba pang mga probinsya sa kanila?
GEN. FELICIANO: Well actually sa ngayon ang Negros, they are recruiting, DOH VI is recruiting additional nurses para i-augment sa mga hospitals nila including the TTMF ‘no. And iyong Region VII actually tumutulong din naman sa Negros Island, iyong mga convalescent plasma and other assistance ‘no na binibigay naman. Plus we also continuously monitoring their activities ‘no, ‘yung mga private doctors ngayon doon, they are having in their group chat on how to really treat those patients especially the mild ones para hindi na sila mag-progress into moderate or up to critical level. So maraming measures na ginagawa ‘no and the LGUs are there and the government agencies, they are one in hand ‘no dealing with this crisis.
USEC. IGNACIO: Opo. General, 90% po ng mga nagkaka-COVID-19 sa Negros ay mga unvaccinated individual. Dahil po ba ito sa kadahilanang ayaw magpabakuna ng mga residente o dahil po sa kakulangan ng supply ng bakuna?
GEN. FELICIANO: Well unang-una ‘no as of late and the previous week, ang Negros, hindi siya isa sa mga priorities noong national ‘no so that’s why ‘yung mga vaccines na bigay sa kanila are still lacking ‘no – so isang reason ‘yun. Plus of course mayroon din tayong mga tinatawag na hesitancy stage sa mga tao where we really need to make efforts to convince them. But now since the vaccines are arriving now in volume, I believe for this month, every LGU in—in fact and the whole Visayas will be given enough vaccine for their jab administration.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa ibang balita naman po, General, isa po ang Cebu Island sa pilot areas na magkakaroon ng rollout ng mga bakuna kontra COVID-19 para po sa mga edad—batang edad 12 hanggang 17 years old ngayong buwan. Maari ninyo po bang ilahad sa publiko ang detalye tungkol dito?
GEN. FELICIANO: Well actually we anticipated that ‘no by, you know, requiring the Metro Cebu LGUs to have a masterlist on their pediatric category ‘no – these are the 12 to 17 years old na kabataan natin. And in fact kung—may ibang LGU na kagaya ng Naga City, 100% na ‘yung kaniyang masterlist sa mga 12 to 17 years old na mga bata in preparation for the vaccination probably in the mid of this month if the national government will allow. So we will be doing it to this pediatric group ‘no and as of now actually, all the LGUs of Metro Cebu are having their masterlisting on the 12 to 17 years old pediatric group.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa kasalukuyan po ba, ilan po ang kabilang sa inyong lugar dito sa tinatawag na pediatric population?
GEN. FELICIANO: Well at the average ‘no, mag-a-average lang tayo for the LGUs. The 12 to 17 years old accounts to the 12% of the local population. So Metro Cebu has—or the whole Province of Cebu has 2.7 million that’s why we are expecting to have a 324,000 12 to 17 years old vaccinees.
USEC. IGNACIO: Opo. General, kayo po ba ay nakonsulta ni Gov. Gwen Garcia sa pag-alis po ng swab test requirement sa mga pupunta sa Cebu? Pabor po ba ang IATF dito at tingin ninyo po ba sapat na ‘yung medical certificate bilang travel requirement?
GEN. FELICIANO: Well actually si Gov. Gwen Garcia has always a plan on how to open or steer the economic activity in the province particularly tourism ‘no as one of the major economic activities here in Cebu Province. That’s why when she assessed the situation ‘no can accommodate anyone ‘no probably without requiring because we have this what we call the community response in place. So she is always trying to balance ‘no the health and economy and that’s why in her assessment, ‘yung pagbukas sa border ng Cebu Island will help in the economic recovery of the different businesses dito. And, sa tingin ko naman iyong medical certificate, of course it’s the responsibility of [ours] to really have a correct assessment on each individual that will go to travel and it’s a sort of giving empowerment to the doctors to really help in our pandemic response.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, General sa inyong pagbibigay balita sa sitwasyon diyan sa Visayas. General Melquiades Feliciano, ang Chief Implementer ng IATF Visayas. Mabuhay po kayo at stay safe, General.
GEN. FELICIANO: Maraming salamat din, Usec. Rocky at sa lahat ng tagapanood.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, dumako naman tayo sa huling tala ng mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
As of 8:00 PM kahapon umabot na po sa kabuuang bilang ng 2,604,040 ang mga nagkaka-COVID-19 sa bansa kung saan naitala ang 10,748 na mga dagdag na kaso.
Nananatili pa ring mataas ang bilang ng mga naitalang gumaling mula sa sakit na nasa 16,523 kahapon. Kaya umabot na ito sa 2,459,052 total recoveries.
61 naman po ang mga bagong nasawi, sumatotal ay may 38,828 total deaths na po tayo sa kasalukuyan. 106,160 naman po sa kabuuang kaso ay aktibo at kasalukuyan pang pinapagaling.
Apat na araw na namahagi po ng tulong ang outreach team ni Senator Christopher ‘Bong’ Go sa lalawigan ng Leyte na labis na naapektuhan ang pamumuhay dahil sa pandemya. Kasama rin ang ilang ahensiya ng pamahalaan na patuloy na tumutulong para po makabangon sa dagok ng COVID-19 ang mga kabilang sa pinakamahihirap na sector ng lipunan. Narito po ang unang bahagi ng report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Isa sa mga malaking naapektuhan nang pumasok ang pandemya ay ang sektor ng transportasyon. Marami ang kailangang isakripisyo para sa health protocols. Ang tanong: Tumatalima ba lahat para sa mas ligtas na biyahe?
Para po talakayin iyan at iba pang maiinit na usapin sa sektor na ito, makakasama po natin ngayong umaga si Brigadier General Manuel Gonzales, ang I-ACT Chief at Assistant Secretary for Special Concerns ng Department of Transportation. Magandang umaga po, Sir?
BGEN. GONZALES: Magandang umaga po, Usec. Rocky at saka sa mga sumusubaybay sa iyong palatuntunan po. Magandang umaga.
USEC. IGNACIO: General, unahin po muna natin ito ‘no. Hindi po itinuloy ng gobyerno ang paggamit ng Move It sa platform ng Grab para po sa motorcycle ride hailing service dahil umano sa pagpalya nilang sumunod sa guidelines. So, anu-ano pong mga paglabag po ba ang nakita nila?
BGEN. GONZALES: Usec. Rocky, kasi ganito po, bago ko po sagutin iyan, bigyan ko lang po kayo ng maiksing background.
So ito po ay nagsimula sa creation ng motorcycle pilot study po na ang na-involved po dito ay tatlong stakeholder – iyong Angkas, Move It at saka Joy Ride na in-allow po ng mambabatas natin na sila iyong ma-involved sa pilot study.
So ito pong tatlo na ito ay sila po iyong ginawa natin para mapagkunan ng data para sa ating mga mambabatas na magkaroon ng guidelines kung tama bang ang motorcycle taxi is applicable sa atin. So, based on that po, krineate (Created) iyong pilot study. So, sa pilot study po, kami ang naatasang gumawa ng guidelines para malaman at guma-gather ng data para matukoy kung ito ngang motorcycle taxi is safe sa ating magiging mga customer o mga mag-a-avail ng motorcycle taxi.
So, ang nangyari po dito, Usec. Rocky, tinatanong po ninyo iyong paglabag. So, initially po na-allowed sila magkaroon ng collaboration ng Move It at ang Grab, in a sense na ang gagamitin lang po dito, based on the agreement is iyong application ng Grab na pag-avail ng customer, dapat ire-redirect ng Grab ito sa Move It. Ganoon po ang naging agreement nito, Usec. Rocky.
So, ang nangyari po noong nag-launch sila, I think that was September 23, hindi po natupad iyong agreement na iyon. Instead iyong Grab po, sila na lahat naggagawa ng mga transaction, booking at saka iyong sa mga payment. In short iyong transaction hindi na po nasunod, dapat ire-redirect po nila iyon sa Move It. So, these are, isa sa mga violation po na nangyari po.
So, wala pong nagawa iyong Technical Working Group, since hindi sila tumupad sa ganoong agreement, sinuspinde na po iyong collaboration na iyon for the meantime po. So, ganoon po, Usec. Rocky ang nangyari.
USEC. IGNACIO: Opo. Umaasa po ba ang Grab na sa kabila po ng nangyari ay matutuloy pa rin ang kanilang partnership kasama o ang Move It. Possible pa rin po ba ito, General?
BGEN. GONZALES: Sa ngayon po, Usec. Rocky, dahil nga po suspended iyong collaboration, we are still evaluating, dadaan na naman po ulit iyan sa study and evaluation whether masusunod man, kung anuman iyong dapat na gawin nila doon sa nasabing agreement. Ito po ay maaaring mag-appeal po sila or mag-ano ng reconsideration, kung just in case ma-comply nila iyong mga unang agreement na nagawa na po nila.
USEC. IGNACIO: General, dako naman po sa Inter-Agency Council for Traffic or I-Act, kumusta na po iyong mga ginagawang pagroronda upang masiguro na sumusunod ang ating mga nasa sector ng transportasyon sa mga ipinatutupad na health protocols?
BGEN. GONZALES: Sa ngayon po ang i-ACT is continuously conducting it’s, number one, ang priority po namin dito is iyong enforcement ng health and safety protocol in various public transport, kasama na po iyong sa mga vans, PUJ, buses. Ang ginagawa po namin is ini-enforce po namin ang tinatawag na 7 commandments na-create ng DOTr based on the guidelines ng IATF po.
7 po iyan, iyon 7 commandments na iyan, mga enforcers natin ginagawa iyan to make sure na iyong public transport natin, mga pasahero, commuters, mananakay ay secured from this infections ng corona virus. Let me cite lang USec. Rocky ‘no iyong 7 ipinatutupad namin:
- Iyong pagsusuot ng facemask and face shield dapat po ang pasahero natin, commuter nandidiyan, mayroon sila nito.
- Bawal ang magsalita or pakikipag-usap o pagsagot sa mga telepono,
- Bawal din kumain sa loob ng public transport,
- Kailangan may sapat na ventilation ang isang private transport o vehicle.
- Kailangan may frequent dis-infection ang bawat transport unit natin po no,
- Bawal magsakay ng symptomatic passenger.
- Ang pang-7 po na ini-enforce namin ay kinakailangan sumunod sa appropriate physical distancing.
Kaya po iyong may mga marshal tayo, i-ACT Marshals na sumasakay sa mga public transport po USec. Rocky. So, tuloy-tuloy po itong ginagawa natin na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. General, may nagbago po ba sa panuntunan noong sumailalim sa alert level system ang NCR at ano rin po ang naging observation ninyo sa mga bumibiyaheng PUVs noong nagbago ang polisiya dito sa NCR?
BGEN. GONZALES: USec. Rocky, iyong enforcement namin, iyong policy namin wala pong nagbago doon, kung ano iyong nasimulan po namin is ganoon pa rin iyon. 50% or one seat apart sa public transport po ini-enforce pa rin po namin iyon. Ganoon pa rin po iyon since nag-start tayo maski nagkaroon ng tinatawag na Alert Level 4 po natin.
Iyong 7 commandments protocol ini-enforce natin iyan, iyong 50% capacity bawat public transport po ganoon pa rin iyong USec. Rocky, para sa kaalaman po ng ating mananakay or iyong ating public transport operator wala pong nagbago diyan ganoon pa rin po iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, General, so far po ba ilang mga illegal at colorum na sasakyan na ang inyong nasisita at nahuhuli? Kung mayroon man po no, at ito po ba ay nationwide?
BGEN. GONZALES: Bigyan ko po kayo ng data since January hanggang ngayon po no, ang nahuli po naming colorum ay umaabot ng around 419 colorum vehicle po. So, kaninang umaga lang po, nag-anti-colorum operations kami, mayroon po kaming nahuling 5 dito sa bandang southern part sa CALABARZON area.
Tuloy-tuloy po ang operation ng anti-colorum operation namin, nationwide po ito, nag-o-operate kami sa Luzon, different region po dito sa Luzon and we are also operating in Visayas and Mindanao dahil po may i-ACT offices kami po in Visayas and Mindanao po USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. General, ano po ba iyong nakaambang parusa o multa para doon sa mga hindi nakakasunod sa mga ipinatutupad na mga patakaran ng i-ACT?
BGEN. GONZALES: Sa ano po, para sa kaparusahan no, unang-una, sa colorum vehicle po. Sa colorum vehicle, three [3] months po minimum ang impoundment ng isang vehicle. Let say, ang isang colorum van, bus o jeepney po iyan or private vehicle, 3 months po bago nila ma-claim iyon.
Magkano naman po ang bayad, mayroon pong penalty iyan no sa type of vehicle. Para sa jeep po P50,000 iyong pagtubos niyan sa impounding area; sa sedan or iyong car P120,000 po; iyong van is P200,000; at ang pinakamataas po dito iyong bus is P1,000,000. Sa mga traffic violation naman po ay nagmumulta rin sila kung matitikitan po sila ano.
Bigyan ko po kayo ng example, for non-compliance to the sanitary measures po sa public transport mayroon mga penalty iyan po diyan. First offense is P2,000, second offense is P3,000 po at pangatlong offense po ay papatong siya ng P10,000 no, for non-compliance to sanitary measures.
For violation naman po sa physical distancing mayroon po iyan, naku-cover siya sa overloading kasi hindi nasusunod iyong physical distancing, p1,000 naman po iyon ang penalty diyan. For lack of special permit of the operators, iyon na nga po iyong sa colorum iyon and for other violation po P1,000 po. Iyan po iyong ini-impose natin sa violation natin health and safety protocol po.
USEC. IGNACIO: Opo. General, paano po ba ninyo masisiguro na nagagampanan ninyo sa I-ACT iyong mga tungkulin and at the same time ay nakakasunod po kayo sa mga ipinatutupad na health protocols lalo na po at rumuronda pa kayo?
BGEN. GONZALES: Ang ginagawa po namin dito USec. Rocky, una lahat naman po ng tao namin sa I-ACT, first vaccinated po sila no, nagagampanan nila iyon at kung may mga tauhan kami na nagkakaroon ng sintomas, agad pong ina-isolate sila.
Para sa inyong kaalaman po USec. Rocky, at sa tagapanood, ang i-ACT personnel po nag-a-undergo ng testing normally no, iyong iba po dito is twice a month no, lalo iyong nadi-deploy sa ibang area but monthly po nagkakaroon kami ng RT-PCR testing sa aming mga enforcers, sa lahat po. In fact, lahat ng enforcers ng i-ACT is fully vaccinated.
So, continuous po iyong ano namin, pagmu-monitor sa mga personnel natin dahil consider nga sila as frontliners and sila mismo lumalapit sa mga pasahero, sa mga driver, conductor to enforce, pagsabihan iyong mga tao na sumunod sa tinatawag nating health and safety protocols. Para nga po sa lahat, makaiwas tayo, makatulong tayo sa mga kababayan natin at ganoon rin iyong mga enforcers na makaiwas din sa hawaan ng COVID-19 USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyong ibinahagi ninyo BGEN. Manuel Gonzales, mabuhay po kayo.
BGEN. GONZALES: Maraming salamat rin po USec. Rocky, sa pagkakataon ito, maraming salamat at mabuhay po tayong lahat and stay safe and healthy always.
USEC. IGNACIO: Samantala, mag-uulat naman ng live mula sa Pangasinan si Rachel Garcia ng PTV-Cordillera, Rachelle.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Rachel Garcia ng PTV- Cordillera.
Sa gitna naman ng pandemya, may naging dagdag pasakit pa sa mga residente ng Barangay Sambag Uno sa Cebu City. Sa kabila nito, agad namang nagpaabot ng tulong ang pamahalaan. May ulat si John Aroa ng PTV-Cebu.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Nakabantay naman po sa Davao region ang kasamahan nating si Jay Lagang. Jay?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito na po nagtatapos ang isang oras nating talakayan para pag-usapan ang mga isyu sa bansa.
Paalala lamang po na patuloy tayong mag-ingat at manatiling ligtas lalo na 81 days na lamang po at Pasko na.
Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center