Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon pong araw ng Huwebes, muli ninyo kaming samahan sa isang oras na talakayan kasama ang mga kinatawan ng pamahalaan na handang sumagot at magbigay-linaw sa tanong ng bayan. Mula sa PCOO, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. At dalawang araw na lang din po ang natitira bago ang pagsasara ng COC filing sa Comelec, makikibalita muli tayo kung sinu-sino pa ang nadagdag at hahabol na maghain ng kandidatura para sa eleksiyon sa susunod na taon, kaya tutok lang po, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Patuloy ang pagdating ng mga kilalang pulitiko, celebrity at ordinaryong mamamayan sa Sofitel Harbor Garden Tent para ideklara ang pagnanais nilang tumakbo sa 2022 national elections, kaya alamin natin ang sitwasyon sa ikapitong araw ng COC filing kasama si Karen Villanda.

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa iyong report, Karen Villanda.

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Noon pong Sabado ay pormal nang naghain ng kandidatura sa pagka-bise si Senator Bong Go. Tiniyak naman ng Senador ang suporta para sa sinumang susunod na magiging pangulo ng bansa. Narito ang detalye:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Sa ilalim ng extended Alert Level 4 sa Metro Manila, pinapayagan na ang pagbubukas ng mga negosyo sa fitness industry. Nadagdagan na rin ang capacity sa iba pang mga establisyemento. Kumusta naman ba ang implementation ng IATF guidelines sa mga sektor na ito? Makakausap po natin si DTI Secretary Ramon Lopez tungkol sa ginagawa nilang monitoring. Good morning, Secretary Mon.

DTI SEC. LOPEZ: Good morning po, Sec. Martin at saka kay Usec. Rocky. Good morning po sa ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: Secretary Mon, last week ay pinayagan na ulit ang operasyon ng fitness industry sa ilalim ng Alert Level 4. Nakapanayam namin ang pinuno ng Philippine Fitness Alliance dito sa Laging Handa, at sabi nila ay naghihintay sila ng guidelines sa DTI para tuluyan na ngang makapagbukas. Naisyu na ho ba ang guidelines na ito; at ano iyong salient points sa guidelines?

DTI SEC. LOPEZ: Yes, Sec. Martin, na-issue na po natin ito last week, probably right your interview. Ito po ay set of guidelines that that will ensure iyong safe and, I guess, iyong safe and secure health protocols para ho sa mga pupunta sa mga ganoong establisyemento, iyong nabuksan natin na gyms and fitness centers, essentially requiring very good ventilation. So may mga engineering controls na sina-suggest doon kung papaano mapapaganda iyong ventilation sa loob ng mga facilities. Nandiyan na iyong pati paglagay ng mga air purifiers, pagbukas ng mga bintana, paglagay ng mga UV and other requirements para gumanda ang ventilation.

Of course, requirement din iyong physical distancing, sinabi diyan four meters apart at any given point in time. Four meters apat, ibig sabihin din niya, hindi mo puwedeng punuin iyong gyms. So at any given point time, mayroon din dapat maximum number of members or participants doon sa place na iyon, sa establisyemento na iyon. So may maximum number doon at any given point in time.

Nandiyan din po iyong aside from physical distancing, of course iyong mga sanitation facilities and essentially, ang pinaka-requirement sa lahat ay iyong walang tanggalan ng mask at wala ring group exercise.

Sa ngayon, ito po iyong nakikitang mas safe, the safest way of opening up of these establishments. Ang importante, iyong mga MSMEs na nasa ganitong business ay maka-resume na sila dahil namumroblema talaga sila noong araw na sarado sila and in the meantime ay tumatakbo ang renta, wala sila talagang mga revenues. But more importantly, kaya po na-reconsider ang gyms and fitness centers is iyong halaga ng exercises in boosting immunity lalo na sa ngayon sa panahon ng COVID at panahon ng pandemya. At any rate, Sec. Martin, just FYI din, kinu-consider po ng IATF ang pagbubukas din at reconsider ng mga ibang activities pa na nakikitang kailangang mas maingat tayo.

Pero assuming Alert Level 4, puwedeng buksan iyong iba pero pinag-aaralan ngayon kung kailangang may safety seal muna, kailangan vaccinated muna dito sa mga indoor activities na ito. So, ito po iyong mga patuloy na reopening na kinu-consider para talagang mas maraming makabalik sa trabaho dito sa ating bayan.

SEC. ANDANAR: So far, ilan na ho bang gyms ang nakabalik na sa operasyon at sa inyong monitoring po, Secretary, nami-maintain naman po ba ang pagsunod sa guidelines o may naitala na ring lumabag?

DTI SEC. LOPEZ: Sa ngayon po, Sec. Martin, wala pa tayong naitatala na lumabag but all out po iyong ating mga monitoring agents. Of course, kasama natin lalo na sa mga bawat lugar iyong mga LGUs. So, ongoing po ito.

Sa ating talaan may mga over 3,000 na mga gym establishments lalo na dito lang muna, especially dito sa NCR kaya napakaimportanteng ma-monitor sila with the help of the LGUs, DTI, DILG and DOH.

SEC. ANDANAR: Nadagdagan din ng another 10% ang capacity sa dine-in at outdoor services pero humihirit pa raw po kayo na kung puwede madagdagan pa ito. Hanggang ilan pa sana ang balak ninyong ipadagdag, Secretary Mon, at paano po makakasiguro na safe pa rin ang bilang na ito?

DTI SEC. LOPEZ: At least po, kung dito ho sa Alert Level 4, I think for these activities, we’re very happy already where it is. It has been increased to 20% from 10%, only fully vaccinated indoor for dine-in and kasama na rin ang gym and of course the personal care, at may additional 10 percentage points kapag may safety seal. So, at least puwede silang mag-maximum ng 50% sa indoor and of course sa outdoor naman ay 30% plus 10% safety seal, so, 40% sa outdoor.

So for Alert Level 4, I think this is good enough. Ang atin pong pinag-aaralan ngayon would be other activities. Kunwari, hindi pa naibalik iyong mga therapeutic, mga massage and all that. Marami ring nasa ganiyang industriya, marami ring nagtatrabahong nahihintay diyan na makabalik.

Kaya ho in general, it’s a general review that if it will help in job generating, in other words, bringing back the jobs, ay mag-reopen pa tayo at ang essence po ng ating mga moves ngayon ay to allow more continuity in business at iiba-ibahin na lang ang operating capacity depending on the Alert Level System.

But at least may kasiguraduhan na ang mga MSMEs ay tuluy-tuloy na mag-o-operate pati na iyong mga nagtatrabaho ay hindi po pahinto-hinto, hindi open-close, open-close. It will be a continuing employment for them because nakita po natin ang mga statistics talagang hindi pa ho tayo nakakabalik sa pre-pandemic level lalo na ho pagdating sa trabaho, pagdating sa economic output. We’re still below 6%

SEC. ANDANAR: Kaugnay naman po sa isinusulong din ni Pangulong Duterte na pag-reduce ng quarantine days para sa air travelers, ano ho ba ang nakikita ninyong bentahe kung iiklian na ang isolation ng mga pasaherong bumibiyahe papasok po ng ating bansa?

DTI SEC. LOPEZ: Napakahalaga po iyong sinabi po ng ating Pangulo. Unang-una, of course, mas iikli po with the shortening of the period of quarantine lalo na for vaccinated individuals. Una po, mas gagaan or luluwag po ang occupation dito sa ating mga quarantine facilities. Of course, doon sa mga individuals affected, hindi po rin sila masyadong kailangang gumastos, makakatipid po sa pagbayad sa mga facilities na ito. More importantly, iyong mga investors, mamumuhunan na gustong pumunta po dito, actually ho, ano ho sila nadi-discourage sila kapag naririnig nila noon na ten days plus four days, so fourteen days quarantine. They’re really discouraged kaya ho in a way nakakaapekto rin iyan sa paglago, pag-recover natin ‘no, tinitingnan ho iyan.

So, kapag ito ho ay naiklian, marami ho ang matutuwa diyan lalo na iyong mga visiting investors na gustong pag-aralan ang ating bansa para sa kanilang investment plans. At siyempre, iyong mga bumabalik din na mga current investors dito at iyong mga officials nila, part of their operation, makakatulong din iyang pag-ikli ng quarantine days/quarantine period para talagang sila din, lumabas man sila, hindi sila mag-aalangan na, “Ah, okay, reasonable iyong length ng quarantine period.” Maybe after the test on the fifth day maybe sixth day or seventh day, then makalabas na sila. Kaysa ngayon na hindi sila nagpaplanong umalis kasi iniisip na nila pagbalik nila 14 days na hindi pa sila makakabalik sa trabaho nila.

So, maraming considerations ang mga mai-improve dito kapag ito po ay nagawa natin iyong improvement na iyan sa quarantine period.

SEC. ANDANAR: Sa ibang usapin naman, Sec. Mon. Base sa PSA, umakyat sa 3.88 million ang nawalan ng trabaho nitong August. Ano po ang impact nito sa economic recovery natin sa mga susunod na buwan?

DTI SEC. LOPEZ: Ay naku! Kaya ho napaka-importante po, Sec. Martin, na ipagpatuloy na move towards this reopening. At least opening sectors safely and now that tumataas po ang ating vaccination rate, we can put in the dimension na instead of a close facility or establishment at a high alert level, we can allow certain movement. A little opening in the economy for this ‘3Cs’ activities at i-require na lang natin iyong vaccinated para sa ganoon ay safe pa ring makakabalik.

Ito po, sinasabi lang po natin itong paggamit ng vaccination dito po sa Alert Level 4 for specific activities kasi otherwise sarado po itong activities na ito. We are not recommending segregation sa mga other areas na allowed naman sa ngayon ang lahat, whether vaccinated or unvaccinated at ito po ay nakakatulong din sa pag-revive ng economy dahil mas maraming nakakapasok at nakakabalik sa kanilang trabaho at saka hindi po natin pinipigilan iyong mga unvaccinated.

Tapos nandiyan po iyong safety protocols, inu-observe po. We believe that it is also safe for everyone. But in high-risk cities, this is where we have to be very careful and really require – lalo na kapag indoor – iyong vaccinated individuals. Kapag outdoor, hindi po natin niri-require iyong distinction between vaccinated and unvaccinated.

SEC. ANDANAR: Secretary, bigyan po natin ng daan ang mga tanong ng ating kasamahan sa media. U/Sec. Rocky, please go ahead.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Andanar.

Secretary Mon, ito naman po ay galing naman kay Einjhel Ronquillo ng DZXL-RMN: Ano pong negosyo na binabanggit ninyo na ikinukonsidera rin pong mabuksan? Kasama po ba dito ang sinehan at arcade?

DTI SEC. LOPEZ: Yes, kasama po iyan sa konsiderasyon. Pero I think those activities are being reconsidered for Level 3 kasi as it is right now, iyong ating mga prohibitions sa Alert Level 3, naka-prohibit po iyong mga example na mga cinema and arcades.  So, if ever mapalitan iyan for Alert Level 3, not Alert Level 4.

Per0 for Alert Level 4, iyong mga iniisip pa na mga activities na puwedeng i-reconsider, ito po iyong mga naiwan pa na mga other personal care services na as long as mayroon pong mga safety protocols na inu-observe ay i-allow na rin po iyan.

So, iyong mga hindi pa nasama, kasi dito sa personal care services natin apat lang ang activities na in-allow hindi ba, ito iyong barber shops, salon, I think nail care services ‘no, so, very limited po ang ating nasama pa dito sa personal care services. So, ang niri-reconsider po, iyong other personal care services sa Alert Level 4.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito naman po ay galing kay Sam Medenilla ng Business Mirror: What is your initial assessment daw po of the two-week extension of Alert Level System pilot test in Metro Manila? What is the impact of the revised guidelines so far? And when are you implementing Alert Level System in the provinces and why?

DTI SEC. LOPEZ: Iyong mga decision po, I guess it will be sooner, iyong pag-asses nitong pilot study natin dito sa NCR because actually marami na ring nagri-request na sana ma-implement na nga itong Alert Level System and granular lockdown pati ho sa areas outside Metro Manila, sa lahat po ng mga probinsya. So antabayanan po ‘yan, ito po I think malapit na ho nating ma-rollout ito as soon as mayroon tayong approval and of course ‘yung assessment mula dito sa IATF at upon the approval of our President.

And with respect to ‘yung improvement sa economy, of course malaking tulong itong nagbago ang guidelines at nagbukas pa tayo ng—or nag-increase pa tayo ng levels of operating capacity. We believe na nakapagpabalik pa tayo nang mas maraming trabaho, times three noong dating 10%. Imagine ngayon puwedeng 30% so we multiply it by 3. Kung dati sinasabi nating mga close to 200,000 maybe now it’s close to 600,000 ang naibalik just on these areas sa Metro Manila kung saan natin in-allow ‘yan and with that of course more revenues at makabalik ang mas maraming nagtatrabaho pati ‘yung economic activity, tataas ang mga revenues ng ating mga maliliit na negosyante.

USEC. IGNACIO: ‘Yung ikalawang tanong po ni Sam Medenilla ay nasagot ninyo na rin po, Secretary Lopez. Ito pong tanong ni Raffy Ayeng ng Daily Tribune: Ipinananawagan po ng LUTUC mga employers na siguruhin po ang 13th month pay ng mga manggagawa ngayong December. Ngunit sa tingin po ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, malabo ito dahil sa baon sa utang ang karamihan sa mga MSMEs. Sinabi niya na dapat daw po ang gobyerno ang magbigay ng solusyon para dito. Ano po ang puwedeng maging solusyon ng gobyerno sa problemang ito?

DTI SEC. LOPEZ: Well ‘yung last year naging ganiyan din ang challenge sa ating mga—especially mga micro SMEs. I’m trying to recall kung nakapagbigay ng ayuda ang DOLE subalit parati hong mayroon naman tayo iyong programa noong pautang dito sa ating CARES program at of course nandiyan ang DBP/Landbank sa mga pautang for mga working capital for the businesses; so ‘yun po ‘yung nakikita nating immediate solution dito sa mga mangangailangan dahil requirement nga po ang pagbayad ng 13th month pay.

Of course with this reopening na nangyayari ngayon ay tinutulak po natin, hopefully bumalik nga itong mga much-needed businesses and revenues ng itong maliliit na businesses para talagang makabawi sila at masabi nga na at least may benta sila ngayon kaysa sa nakasarado sila. So ‘yun ho ang nakikita nating solusyon dito kaya patuloy hong binubuksan ang ating ekonomiya lalo na ngayon bumababa ang mga cases, hopefully in the next assessment magtuluy-tuloy na para mag-move na tayo sa Level 3, Alert Level 3. Sa Alert Level 3 mas maraming—

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Secretary Mon Lopez ng Department of Trade and Industry. Mabuhay po kayo, Sec., at mag-ingat po kayo lagi ha.

DTI SEC. LOPEZ: Same to you, Sec. Martin and Usec. Rocky. Maraming salamat po, mabuhay kayo, stay safe!

SEC. ANDANAR: Samantala, hanggang dito na lang muna ang aking partisipasyon sa programa. I’ll see you again tomorrow. Usec. Rocky, take it away.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin.

Kanina nga po ay humarap na sa publiko si Vice President Leni Robredo para po ipahayag ang kaniyang desisyon para sa susunod na halalan. Si Vice President Robredo ay nagdeklara ng kaniyang kandidatura sa pagka-presidente. Inaasahan rin ang kaniyang paghahain ng COC sa Comelec ngayon o bukas, ang huling araw ng filing. Abangan po natin ang update tungkol diyan dito sa PTV.

Dumako naman po tayo sa Kabikulan kung saan pasisinayaan mamaya ang bagong gawing Bicol International Airport live mula sa Daraga, Albay si Ryan Lesigues. Ryan…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong report, Ryan Lesigues.

Sa November 15 inaasahang sisimulan na po ang pilot run ng face-to-face classes sa ilang low risk areas sa bansa. Kahapon po isinapubliko ng DepEd ang mga paaralan na lalahok dito at para alamin ang iba pang detalye tungkol diyan, makakausap po natin si DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan. Welcome back po, Usec.

DEPED USEC. MALALUAN: Yes. Magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky; kay Sec. Martin din na iniwan ka ngayon at sa ating mga kababayan. Magandang umaga po!

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano po bang paliwanag bakit po out of 638 nominated schools eh 59 lang po ang initial na pumasa for pilot face-to-face classes at kailan din po inaasahang mapupuno itong 120 slots?

DEPED USEC. MALALUAN: Well ito kasi, Usec. Rocky, ay dalawang bahagi – ‘yung isang bahagi ay iyong kahandaan ng mga paaralan na i-comply iyong mga health standards sa kanilang schools. Pero ang isang layer nang pag-assess ay mula sa DOH kung ito bang mga paaralan na ito ay nasa mga lugar na ligtas batay sa risk assessment nila ng mga kaso ng COVID doon sa kanilang area.

So doon sa pangalawang bahaging ‘yan ay inaasahan natin na assistance sa atin ay nanggagaling sa DOH, doon sa kanilang granular risk assessment nitong mga paaralang ito. At ang kanila namang commitment ay every week ay magbibigay sila nang updated risk analysis ng mga paaralan natin. Actually [garbled] itong mga nominated schools na makakapag-assess noong readiness nila and batay diyan ay [garbled] ito hanggang maabot natin ‘yung inaprubahan ng Pangulo na isandaan dalawampung paaralan kabilang [garbled] na private schools, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may isasali rin po bang NCR school dito lalo na’t nakikita na bumababa naman po ‘yung positivity rate dito sa rehiyon?

DEPED USEC. MALALUAN: Well mayroon tayong mga nominado na private schools so nakabatay ‘yan doon sa next risk analysis or risk assessment ng DOH kung may makakapasok na schools. Pero noong pakikipagpulong din namin sa mga mayors nitong nakaraang linggo ay ang mungkahi nila ay kung sila naman ay gustong makita as one ang kilos nila dito sa NCR ay hinihiling nila na kung masasali na ang NCR ay lahat ng mga siyudad sa NCR ay mayroong kahit isang representative school dito sa pilot, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may pahabol lang tanong si Joseph Morong ng GMA News. Ang tanong po niya ay: Ligtas po ba talaga itong face-to-face na?

DEPED USEC. MALALUAN: Well kaya nga ang ating pagbalangkas ng ating guidelines ay jointly with the DOH. Binibigyan natin ng—under our guidelines layers of protection ang lahat ng kalahok dito at the level of the person, the household or the family, the schools and the community. At tingin natin, kaya din tayo napakaingat na may pilot phase tayo ay para makita natin iyong effectiveness nitong [guidelines].

Kaya malinaw iyong framework na ang shared responsibility ay hindi lamang ng DepEd, kasama diyan ang DOH, kasama ang ating Local Government Units at saka iyong mga magulang. Kaya rin voluntary ito sa ating mga mag-aaral na lalahok with the expressed consent of their parents.  So, all of these are intended to give the maximum and cumulative layers of protection para sa ating mga anak at saka sa ating mga guro din na lumalahok dito sa pilot face-to-face, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., ngayong pinangalanan na nga po ng DepEd ang ilan sa mga   naaprubahang eskuwelahan, ano po ang sunod na magiging hakbang nila lalo na po sa pamimili ng participants na teacher at estudyante?

DEPED USEC. MALALUAN: Napagkasunduan na natin sa Department of Education na silang haharap sa mga bata dapat ay bakunado, ganoon din iyong non-teaching personnel. Ngayong nabigyan tayo ng schools ay ang ating mga paaralan ay nakikipag-ugnayan at nagkakaroon ng orientation sa mga magulang at saka [garbled] na ito. Kaya din ang umpisa ng face-to-face classes ay doon sa November 15, in time for the second quarter of the school year.

So, masusing paghahanda at inuulit natin na ang isa sa layer of protection dito sa paaralan ay siguraduhin na bakunado ang mga guro at saka mga non-teaching personnel na makakalahok dito sa face-to-face classes. [Garbled] ay ating hinihingi din ang vaccination  status at the house para kung may vulnerable members of the family itong batang papasok ay makipag-ugnayan din tayo sa ating vaccination task force o National Task Force na sana ay maisama.

May meeting nga kami bukas with the NTF for the vaccination of teachers and non-teaching personnel at isasama rin namin sa agenda iyong aspeto ng vaccination of household of any vulnerable members of the family or household of the students that will participate, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., ano naman po iyong dapat asahan ng mga magulang at mag-aaral ng mga schools na kabilang sa face-to-face classes? Ongoing na rin po ba iyong written consent forms para sa mga magulang?

DEPED USEC. MALALUAN: Yes, kasama iyan doon sa orientation. Kasama rin sa orientation iyong tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga tahanan, kasi ang protection, USec. Rocky, hindi sa loob lamang ng silid-aralan, kailangan pati sa loob ng tahanan at saka during the travel of the students to and from the school. So, iyong ating mga screening for any symptoms ay hindi lamang kailangang gawin sa loob ng paaralan, kung hindi even the households, kung mayroong screening din ng mga members of the family.

So, [garbled] kaya nga shared responsibility ang framework natin, USec. Rocky. Kailangan, para maging consistent iyong effectiveness ng ating mga guidelines ay [hindi putul-putol], walang patid iyong observance nito from the household to their travel to and from the schools to the classroom at iyong members of the family ay kailangang observing it in their respective private activities or other activity.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., hingi na lang po kami ng update kung ilang porsiyento ng mga teachers ang kabilang sa face-to-face classes ang vaccinated po?

DEPED USEC. MALALUAN: Sa ating record ay doon sa 638 schools ay 3,000 na lamang of the more than 16,ooo teachers and school leaders ang kailangan pang mabakunahan.  Kailangan ito dahil iba’t ibang munisipyo ito. Iyon ang aming theme ng meeting namin bukas with the NTF, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Hinimok po, USec., ng ilang mambabatas na paikliin iyong timeline ng pilot run ng face-to-face classes. So, ano po ang tugon dito ng DepEd?

DEPED USEC. MALALUAN: Kino-consider natin iyan ‘no. Pero itong pilot na ito, kaya napakasusi, sa tingin natin ay very critical ang [garbled] to the expansions. So we are being very careful with this phase, kasi kahit maliit lamang na school ang participating dito ay malaki ang impact nito doon sa expansion phase. Nonetheless, yes, we are considering it. In fact, after the Senate committee meeting ay nagpulong din kami noong technical team with the Department of Education just to review again. And so, we are considering that suggestion from our counterparts in the legislative department.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at siyempre sa pagbabahagi po ng ilang detalye sa magiging pilot run ng face-to-face classes, DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan. Mabuhay po kayo, USec.

DEPED USEC. MALALUAN: Maraming salamat, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Mag-iisang buwan na mula po nang magsimula ang klase sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kaya naman po patuloy din ang pag-iingat ng mga guro sa banta ng COVID-19. Isa na nga riyan ang pagkakaroon ng alternative work arrangement ng ilang guro sa Cordillera Region. Para sa detalye may report si Eddie Carta.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Isang mega vaccination hub pa ang binuksan ng pamahalaan sa lungsod ng Valenzuela bago ang nakatakdang pagbabakuna sa mas maraming Pilipino ngayong Oktubre, para sa detalye may report si Rod Lagusan:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat sa iyong report Rod Lagusan. Tuwing unang linggo po ng Oktubre ipinagdiriwang natin ang Elderly Pilipino Week at ngayong panahon ng pandemya dumoble po ang pag-aasikaso natin kina lolo at lola dahil madali silang kapitan ng virus kaya’t nabibilang na sa high risk group.

Ano nga ba ang mga programa na ipinaabot ng pamahalaan para proteksiyunan sila, para talakayin iyan kasama po natin si Atty. Franklin Quijano, ng National Commission on Senior Citizens. Good morning po Attorney. Attorney can you hear me? Pa-unmute lang po, iyan. Opo, good morning po Attorney!

Sige, babalikan po natin si Attorney. Iba pang balita, 4 na mga bayan sa Bulacan ang sinadya naman ng tanggapan ni Sen. Go, para mamahagi ng ayuda sa mga residenteng lubos na apektado ng pandemya. Ang DSWD, nagbahagi rin ng hiwalay na tulong para sa mga Bulakenyo. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Dalawang araw bago ang tuluyang pagtatapos ng COC filing para sa national at local elections, ilang kandidato na po sa Davao Region ang nakapaghain ng kanilang COC. Para sa detalye, may report si Hannah Salcedo ng PTV-Davao:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Muli po nating balikan si Attorney Quijano, good morning Attorney.

ATTY. QUIJANO: Good morning USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Attorney good morning po.

ATTY. QUIJANO: Good morning sa buong bansang Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ito pong linggo nga po ay ipinagdiriwang sa bansa, katulad ng senior citizens ano po. ano po ba ang napiling tema ngayong taon Attorney?

ATTY. QUIJANO: Well, ang tema po ay “Lolo at Lola ay Mahalaga.”

USEC. IGNACIO: Attorney, bukod sa frontliners, mga senior citizens po talaga ang kabilang dito sa priority na mabakunahan, kumusta na po iyong vaccination turn out sa mga lolo’t lola at ilan na po iyong target na mabakunahan pa?

ATTY. QUIJANO: Alam ninyo po, from the looks of it mataas iyong turn out in a very so much in the roll out. Ang Metro Manila po mataas ang turn out but may mga areas na mababa po ang turn out dahil nga po iyong roll out naman hindi pa pinapabahagi doon sa mga local government units, alam ninyo po iba’t-ibang roll out numbers ang ibinibigay.

So, we are really hoping that when the vaccines would reach the LGUs, sana po ipaalam din sa mga senior citizens association and we hope na mapaalam ninyo po sa NCSC, sa National Commission on Senior Citizens, para mapaalam natin sa lahat ng mga senior citizens na ang mga bayan at mga lungsod ay may mga maraming bakuna na rin.

So, we are hoping that the public information and I am happy that before, kayo USec. Rocky, ay tumutulong din sa information din ng mga senior citizens. Sa ngayon, more than 3 milyon, almost 4 milyon na ang nabakunahan na.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, nagkakaproblema rin po ba tayo sa pagsunod sa second dose schedule nila upang hindi naman po masayang iyong bakunang itinurok sa ating mga lolo’t lola?

ATTY. QUIJANO: Alam ninyo po USec. Rocky, masigasig ang mga senior citizens at maraming senior citizen ang tumatawag na kung puwede lang puntahan sila sa bahay nila, kung puwede lang magbahay-bahay, you know doon sa mga barangays pupunta ang ating mga vaccination team and I’m happy also that there are certain local government units na natutulungan iyong mga health workers even the hospitals are already areas there sa vaccination happen.

So, USec. Rocky, importanteng-importante po na iyong pagbabakuna will have to really be supported by all including the frontliners. Minsan kasi, we will just rely on DOH or the local frontliners ng local government units and therefore kukonti lang po ang nagtatrabaho niyan but when other doctor, nurses will help, mas madali po iyong pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, sabi ninyo nga maganda iyong turnout, marami ang gusto pong magpabakuna na senior citizens. So, kumusta naman po iyong paraan o proseso na mas lalo pa po talaga natin silang mahikayat na magpabakuna?

ATTY. QUIJANO: USec. Rocky, I think the issue of rollout is very important. Iyong pagpapadala ng bakuna doon sa mga rehiyon at sa mga munisipyo at lungsod becomes very important thing. Information has to be shared to all and sana when IATF and NTF will give the numbers doon sa mga local government units, mapaalam din sa lahat ng mga asosasyon, mga PISCAP, OSCA at lahat ng mga senior citizens groups para malaman nila kung gaano kadami iyong dapat pumunta sa kanila.

And then of course the other thing is, we really asking the local government units to improve on the delivery system. This is the biggest room that we can occupy, the room for improvement. So, sana we will improve on and learn from the best practices. There are some city in Metro Manila na bahay-bahay po iyong pagbakuna and that means that masipag din po iyong rollout.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, mayroon din po kayong isinusulong na pagkakaroon ng integrated database para sa health profile ng mga senior citizens. May mga hakbang na po ba para maisakatuparan ito ng NCSC?

ATTY. QUIJANO: Well, USec. Rocky, we’re happy to inform that the first step which is the passing of the implementing rules and regulations before all the things of the programs. Kasi, kailangan may complete mandate ang National Commission of Senior Citizens and being a new unit, being a new institutions in government before the Republic Act which is Republic Act 11350 will be implemented kailangan kumpleto rin ang implementing rules.

And we would like to probably tell you that on October 4, nai-publish na po sa official gazette ang ating implementing rules and we will wait for 15 days before it becomes fully implemented. Then we will proceed with the programs and one of them I hope will be supported by the other units of government.

But also there’s a lot of volunteer coming from the regional experts in order to really define a large database for the senior citizens. Alam ninyo po USec. Rocky, kaming mga senior citizens minsan kami lang ang nakakaalam sa sarili naming health profile kung ano ang mga hinaing namin. Only us would know and the family perhaps.

But if you have a large database, then even the Department of Health would be able to know sino ang dapat bigyan ng maintenance medicine and all. So, that is why isa po sa unang pangangailangan ng commission ay iyong large database that should be shared not only by the commission but also by the different senior citizens organizations and associations.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ito po bang database na ito ay makakatulong din sa mga hakbang na ginagawa  ng commission para po matiyak na hindi po naaantala ang pension at iba pang suporta para sa mga senior citizens lalo na ngayon panahon po ng pandemya?

ATTY. QUIJANO: That is correct po. In fact, because this information is shared by all, iyong database po ay madaling makuha. Of course, on data privacy we have to protect the data, but madali nating mai-share doon sa mga financial institutions, also that is still sent sa mga senior citizens. Doon iyon po, USec. Rocky, the senior citizens are resolve in anything diskarte na maibalik din iyong dating sigla.

We want to help in the turnaround of the economy, and so one of the programs that we are also doing is the volunteer system na iyong mga senior citizens na gustong tumulong doon sa exercise development whether public or private tayo ay makakatulong by means of organizing themselves and looking back at their skill sets kung anong mga importanteng mga skills nila na puwedeng maibigay sa next generation.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin at siyempre sa inyong panahon, Attorney Franklin Quijano ng National Commission of Senior Citizens. Mabuhay po kayo at ang mga kababayan nating lolo at lola.

ATTY. QUIJANO: Maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. Base sa report ng Department of Health as of October 6, 2021, umakyat na sa 2,622,917 ang total number of confirmed cases ng Pilipinas matapos itong madagdagan ng 9,868 cases kahapon.

Samantala, dahil pa rin po sa technical issues ng COVID KAYA system magkasunod na araw na pong wala ulit naitatalang nasawi ang DOH kaya’t nananatili sa 38,828 ang total COVID-19 deaths.

Patuloy naman po ang paggaling ng mga kababayan natin mula sa sakit na ngayon po ay nasa 2,471,282 matapos itong madagdagan ng 133 new recoveries. Maliit na bilang nga lang po iyan kumpara sa mga nakaraang araw. Ang active cases natin sa kasalukuyan ay nasa 112,807 katumbas po iyan ng 4.3% ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa bansa.

At iyan po ang mga talakayang tampok namin ngayong araw.

Maraming salamat po sa ating partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP).

Mga kababayan 79 days na lamang po at Pasko na.

Ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita po ulit tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)