Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas. Ngayong araw ng Biyernes makakasama natin sa programa ang mga panauhin mula sa ilang ahensiya ng pamahalaan para pag-usapan ang iba’t ibang isyu ng bayan.

Mula sa PCOO ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Ngayon pong ikawalo rin ng Oktubre, ang deadline ng filing of Certificate of Candidacy para sa mga tatakbo sa 2022 national at local elections. Tutukan natin ang pinakahuling pangyayari sa Sofitel maya-maya lamang.

Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Mga kababayan, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating talakayan ngayong umaga, kumustahin natin kung ano nga ba ang inaasahang epekto ng naitatalang inflation rate nitong mga nakaraang buwan sa patuloy na economic recovery ng bansa maging ang sitwasyon ng mga bangko ngayong may pandemya at umuusbong ang digital transactions, makakausap po natin si Bangko Sentral Governor Benjamin Diokno. Magandang umaga, Governor, it’s good to see you again.

BSP GOV. DIOKNO: Good morning Martin and good morning Rocky.

SEC. ANDANAR: Governor, nitong Martes inilabas ang inflation rate ng PSA na nasa 4.8%. Pero bago po ‘yan, ang inyo nga pong naging projection ay nasa 4.8 to 5.6 percent ang range para sa buwan ng Setyembre. Kung tutuusin eh mataas-taas pa rin po ang numerong naitala, Gov. Ano po ba ang masasabi ninyo na naging contributor sa bahaging pagbaba o bahagyang pagbaba ng inflation nitong nakaraang buwan at bakit hindi naging malaki ang naibawas?

BSP GOV. DIOKNO: Ang inflation rate nitong Setyembre na 4.8% nabanggit mo nga ay nasa mababang bahagi ng aming projection na 4.8 to 5.6 percent. Ito rin ay mas mababa kumpara sa 4.9% noong nakaraang buwan. Ang dahilan niyan ay dahil sa mataas na presyo ng karne, isda, gulay; at ‘yung sa gulay naman at isda ay dahil ‘yan sa epekto noong mga bagyo ‘no; samantalang ‘yung inflation sa karne naman ay dahil din sa African Swine Fever na nagpapababa ng supply ng baboy.

Ganoon pa man ang maagap na aksiyon ng pamahalaan ay nakapagpababa sa meat inflation dahil mula sa 22.1% noong Mayo, ang meat inflation ngayon ay bumagal na sa 15.6% at maari pa itong bumaba dahil sa kasalukuyang programa natin ng importasyon ng karneng baboy at pansamantalang pagbaba ng taripa nito. Nakatulong din sa pagbagal ng year-on-year inflation iyong tinatawag na base effects dahil sa pagtaas ng pamasahe noong 2020. Natatandaan natin kung tumaas nang malaki ang pamasahe sa tricycle dahil nga sa pagpapatupad ng social distancing protocol noong nakaraang taon. Ito ngayon ay paunting nawawala dahil sa—comparing this year with last year at ngayon bumababa na rin ‘yung tinatawag na transport inflation.

SEC. ANDANAR: May estimated forecast na po ba kayo kung ilan pa po ang posibleng abutin ng inflation rate bago matapos ang taong ito?

BSP GOV. DIOKNO: Ang inaasahan namin ay patuloy na pagbaba ng inflation hanggang matapos ang taon. Alam mo ang target ng Bangko Sentral ay 3% plus or minus 1% so it’s 2 to 4. So itong taon na ito dahil nga sa mataas na inflation noong mga nakaraang buwan ay mag-a-average siya ng 4.4% pero bababa ito sa 3.3% sa next year, 2022, at 3.2% sa 2023. Inaasahan namin huhupa ang epekto noong supply side factors sa susunod na taon kung kaya’t pantay lamang ang tinatayang posibilidad ng inflation sa 2022 at 2023 ay lalampas o bababa sa aming—hindi lalampas o bababa sa aming mga projections.

SEC. ANDANAR: Dahil sa unstable inflation rate, ngayon pa lang po ay kinu-consider nang magkaroon ng adjustment sa monetary policy o interest rate hike ang BSP.

BSP GOV. DIOKNO: Sa kasalukuyan ang monetary policy ng BSP ay nakatuon pa rin sa pagbibigay ng suporta upang patuloy na makabangon ang ating ekonomiya. So patuloy din ang pagpapatupad ng mga programang pangpamahalaan upang mapunuan ang kakulangan ng supply ng pagkain at maibsan ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin.

Sa panig ng BSP, kami po ay masusing nakabantay sa mga datos at kaganapan sa ekonomiya at handang kumilos kung kinakailangan upang mapangalagaan ang price stability ng ating ekonomiya.

SEC. ANDANAR: Sa ngayon, may nakikitang signs po ba ang BSP na gumaganda na ang takbo ng ekonomiya at ano rin pong masasabi ninyo sa momentum ng economic recovery natin?

BSP GOV. DIOKNO: Marami na tayong mga signs na gumaganda na ekonomiya natin ano. Kaya nga from last year medyo negative growth rate tayo last year pero ngayon na 2nd quarter umangat na iyong ating ekonomiya ‘no at iyong pagbangon ng ekonomiya noong 2nd quarter ay halos lahat ng sektor ay gumanda – construction industry, services ang medyo hindi umangat lang, although flat lang siya [garbled] pero makikita natin na gumaganda na talaga ‘yung ekonomiya natin sa dahan-dahang pagbubukas natin ng ekonomiya.

SEC. ANDANAR: Pagdating naman sa patuloy na paghina ng palitan ng piso kontra dolyar, tingin ninyo po ba’y magtutuluy-tuloy pa po ito? Kailan ninyo rin po nakikita na muling tataas ang palitan ng piso?

BSP GOV. DIOKNO: Alinsunod sa floating or market determined exchange rate policy natin, ang Bangko Sentral ay hindi nagtatakda ng exchange rate o palitan ng piso kontra sa anumang salapi gaya ng dolyar. Sa halip ang exchange rate natin ay hinahayaan ng BSP na gumalaw alinsunod sa puwersa ng demand at supply sa merkado.

Sa mga susunod na buwan inaasahan na ang piso ay patuloy na magiging matatag sa tulong nang muling paglakas ng mga structural inflows o palagian na pinagmumulan ng dolyar ng Pilipinas katulad ng overseas Filipino remittances, kita ng business process outsourcing at saka ‘yung inflow rin ng foreign direct investments. So lalakas pa ang piso sa mga susunod na buwan.

SEC. ANDANAR: Kumusta naman po ang lagay ng mga bangko natin more than one year since magka-pandemic, mas marami na rin ba ang nagshi-shift ng operations to digital banking?

BSP GOV. DIOKNO: Well ‘yung estado ng banking community natin ay matibay, matatag at kasi natuto tayo noong leksiyon noong Asian financial crisis so ngayon mas matatag ang ating mga bangko. Mayroon silang maraming buffers so hindi ko inaasahan na magkakaroon ng problema ang Philippine banking industry.

Ngayon naman ‘yung pagshi-shift ng operation to digital banking, natural nangyari ‘yan dahil nga sa pandemic at saka programa rin naman natin ‘yan. Hinahangad natin na ang Pilipinas ay magshi-shift from what I call cash heavy to a cash light society. In fact inaasahan namin na by 2023, iyon ‘yung taon na bababa ako sa Bangko Sentral ay at least by 50% ng mga transaksiyon ng Pilipinas ay digital na ‘no. In fact iyong last year, 2020, 20% – in other words 1 out of 5 peso transaction ay digital na at maganda ang performance ng ekonomiya natin ngayon.

SEC. ANDANAR: Gov., ano naman ang posisyon ninyo sa 12% tax sa digital transactions at maging ang tax, the rich bills na nakahain sa Kamara?

BSP GOV. DIOKNO: Well bilang isang dating propesor ng economics ‘no, ang lagi kong sinasabi it’s better to tax people on the basis of what they take away from society, consumption iyon, rather than what you contribute to society which is your income ‘no. So maganda talaga ‘yung value added tax. So pinag-uusapan ‘to ngayon sa Kongreso pero I think ang maganda diyan ay iyong maliliit na transaksiyon na nakakatulong sa ating mga mamamayan at para rin ma-encourage sila ng digital services ay i-exempt natin sa VAT ‘no. In general, I think VAT is a good tax, pero iyong mga small transactions, let say, less than 500 pesos ay i-exempt natin sa Value Added Tax.

SEC. ANDANAR: Tungkol naman po sa posibleng charging limit na i-impose ng BSP sa mga operators of payment system, may update na rin po ba tayo tungkol dito? At kung maaari po ay ipaliwanag lang din po natin sa mga manunood kung ano po ang mga OPS.

BSP GOV. DIOKNO: Well, ang OPS ay iyong tinatawag na operators of payment system. Ang policy ng BSP diyan ay reasonable at market-based pricing upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga consumers na gumagamit ng digital payments.

So ang pinapataw ng operators of payment system or OPS at payment service providers na fees at presyo ay kinakailangang sumunod sa prinsipyong iyon. Ang OPS ay nagpapatakbo ng platform na ginagamit upang ipatupad ang payment instruction at transaksiyon ng mga kalahok nito. Ang ibang platforms na pinapatakbo ng OPS ay ginagamit din upang mabayaran iyong mga bilihin, produkto man or serbisyo, sa pamamagitan ng cash or digital na paraan.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa pagsama sa amin ngayong umaga, BSP Governor Benjamin Diokno. Mabuhay po kayo, Sir. Ingat po.

BSP GOV. DIOKNO: Thank you. Thank you, Martin. And thank you, Rocky.

SEC. ANDANAR: Samantala, hanggang dito na lang po muna ang ating pagsasama ngayong talakayan. Kita-kita po tayo ulit next week. Go ahead, Undersecretary Rocky Ignacio.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin Andanar.

Muli naman po nating makakasama si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque para ihatid sa atin ang mahalagang anunsiyo mula sa IATF. Good morning. Go ahead, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Good morning, Usec. Rocky. At magandang tanghali, Pilipinas.

Usaping bakuna po muna tayo: Halos 49 million or 48,925,560 na po ang total doses administered sa buong Pilipinas as of October 7, 2021 ayon po sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Sa bilang na ito, nasa halos 23 million or 22,874,013 ang fully vaccinated. Samantala, sa Metro Manila, nasa 90.85% na po ha ang nakakuha ng first dose; nasa 8,881,768 ang na-administer na second dose – napakagandang balita po ito – habang nasa 76.97 naman po o 7,525,021 ang fully vaccinated. Uulitin ko po ha, 76.9% na po or 7,525,021 ang fully vaccinated. Kung magtutuloy-tuloy ito, talagang magiging merry po ang ating Christmas. Suma total ay mayroon na tayong 16,406,789 na vaccines administered.

Sa balitang IATF naman po ‘no, inaprubahan po at naglabas noong Huwebes, October 7, ang inyong IATF ng updated testing at quarantine protocols sa mga galing sa green at yellow list countries. Magsisimula po ito sa Oktubre a-otso ng taong ito. Sa mga fully vaccinated na mula sa green or yellow list, kailangan nilang mag-facility-based quarantine hanggang lumabas ang kanilang negative RT-PCR test na isasagawa sa ikalimang araw. Pagkatapos nito, kinakailangan nilang mag-home quarantine hanggang sa ikasampung araw. Samantala, ang mga hindi bakunado, partially vaccinated o mga pasahero na hindi ma-verify o makumpirma ang kanilang vaccination status na galing sa green or yellow list countries ay kinakailangang mag-facility-based quarantine hanggang lumabas ang kanilang RT-PCR test na isasagawa sa ikapitong araw. Pagkatapos nito, kinakailangang mag-home quarantine hanggang sa ikalabing-apat na araw.

Ulitin ko po ha: Sa mga fully vaccinated – five days facility quarantine; PCR test; five days home quarantine. Sa mga hindi bakunado – seven days facility-[based] quarantine; seven days home quarantine.

Dapat tiyakin ng Bureau of Quarantine ang istriktong symptom monitoring habang nasa facility ang pasahero.

Sa kaso ng mga dayuhan o foreign nationals, kinakailangang makakuha sila ng sariling prebooked accommodation na hindi bababa sa anim na araw para sa fully vaccinated. Walong araw naman sa mga dayuhan na hindi bakunado, partially vaccinated o mga hindi ma-verify o makumpirma ang kanilang vaccination status.

Ito naman po ang dokumentong tinatanggap para ma-verify ang vaccination status: Una, certification from the Philippine Overseas Labor Office mula sa country of origin sa mga OFW, kanilang asawa, mga magulang at mga anak na kasama nila sa biyahe. Pangalawa, VaxCertPH digital vaccination certificate o BOQ issued international certificate of vaccination or prophylaxis para sa mga Filipino o dayuhang fully vaccinated sa Pilipinas. At panghuli, national digital certificate galing sa foreign government na tumanggap ng VaxCertPH sa ilalim ng reciprocal arrangements or BOQ issued ICV para sa mga non-OFWs at dayuhang fully vaccinated abroad.

Inaprubahan din ng inyong IATF ang protocols para sa close contact ng probable, suspect or confirmed COVID-19 cases. Sa mga fully vaccinated ho ha at close contacts ng probable at confirmed COVID-19 cases ay maaaring mag-quarantine ng pitong araw basta siya ay walang pinakitang sintomas sa loob ng pitong araw. Kung sakaling kailangan ng asymptomatic individual na magpa-swab test, kailangan ma-test nang hindi mas maaga sa ikalimang araw pagkatapos niyang ma-expose. Kung nagpositibo o nagkaroon ng mga sintomas, kailangan sumunod sa testing at isolation protocols.

Samantala, hindi po kailangan ng testing at quarantine sa close contacts na na-trace na lumampas ng pitong araw at walang pinakitang sintomas.

Sa mga hindi bakunado or partially vaccinated na may close contact na suspect, probable at confirmed COVID-19 cases, kailangan nilang mag-quarantine ng labing-apat na araw.

Naglagay din ang inyong IATF ng bagong probisyon sa guidelines on the pilot implementation of alert level systems for COVID-19 response in the National Capital Region. Pinapayagan na po ang point to point interzonal travel sa mga lugar na nasa General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine sa mga below 18 years old, mga fully vaccinated na lampas 65 years of age, fully vaccinated na mayroong comorbidities, fully vaccinated na mga buntis subject sa guidelines at health protocols ng Department of Tourism and the local government unit of destination.

Iyon po ang latest sa inyong IATF. Back to Usec. Rocky, kung mayroon tayong mga katanungan?

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary Roque, may tanong po ang ating kasama sa media. Unahin ko na po itong tanong ni Jam Punzalan ng ABS-CBN News Online: You and other officials are getting flak for turning the inauguration of a Valenzuela vaccination hub into a campaign sortie-like event where you repeatedly praise a VP bet and a senatorial aspirant. How do you address this criticism? In future pandemic-related events, can the public expect more praises for administration allies who are running in the 2022 polls?

SEC. ROQUE: Alam mo, Jam, talagang you cannot please everyone. Bahala na po ang taumbayan. Pero ang importante po na nagkakaroon tayo ng pinakamalaking vaccination center sa Valenzuela, nabigyan natin po iyan ng komemorasyon. And nagkataon po mayroon po doong senador na kandidato rin sa vice president, siyempre kahit papaano ‘no ay magbibigay ng suporta iyong ilang mga nagsalita, kasama na po ako doon.

Pero iyong nangyari po kahapon ay iisa lang naman po ang proklamadong kandidato doon, so sa tingin ko po ay hindi po iyon campaign rally. Ano lang po iyan, pula lang ng mga walang mapakitang mga achievements at accomplishments sa gitna ng pandemya at puro lang po pula.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Llanesca Panti ng GMA News Online: Are you in favor on the call of the UN Rights Commission to make drug war probe findings public; why or why not?

SEC. ROQUE: Wala pong itinatago iyong imbestigasyon ng DOJ dahil kapag natapos po ang imbestigasyon at kinakailangan magsampa ng kaso, isasapubliko po lahat iyan dahil lahat po namang isinasampang records sa ating hukuman ay public documents.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Llanesca Panti: Do you agree with the ICC prosecutor saying ICC probe on drug war will reveal truth and ensure accountability; why or why not?

SEC. ROQUE: Sana po pero without the cooperation of the State, mahihirapan po sila to uncover the truth ‘no. So, ang sa akin lang naman po kung mayroon talagang may reklamo laban sa drug war, isampa po natin dito sa Pilipinas nang mabigyan po kayo ng katarungan.

USEC. IGNACIO: Opo. Huling tanong po niya: What is the Palace position on NCR Mayors of wanting a pilot in-person classes in each city amid the pandemic?

SEC. ROQUE: Hindi po natin kailan binabalewala ang panawagan at rekomendasyon ng mga Metro Manila Mayors dahil sila naman po ang nagpapatupad ng mga polisiya ng IATF. So, pakikinggan po sila.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong impormasyon, Spokesperson Secretary Harry Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, USec. Rocky at maraming salamat Pilipinas sa inyong patuloy na pagtangkilik sa Presidential Spokesperson.

Sa totoo lang po, hindi ko po alam kung naririto pa ako sa Lunes dahil sinabi ko naman po na tayo po ay maghahain ng Certificate of Candidacy kung maghahain si Mayor Sara Duterte. Nagdadasal pa rin po tayo na sana po matuloy na ang kandidatura ni Mayor Sara, so, kung matutuloy po ang paghahain na iyan baka mamaya kinakailangang magpaalam na ngayon. Pero kung hindi po matuloy iyan, I’ll see you on Monday.

Maraming salamat po at magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

Samantala, dumako na po tayo sa pinakahuling pangyayari sa Sofitel at alamin natin kung sinu-sino nga ba ang mga last minute COC filers. Mag-uulat nang live si Sweeden Velado-Ramirez:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Sweeden Velado-Ramirez.

Sa iba pang balita: Senator Bong go, umapela sa kaniyang mga kapwa kandidato na unahin ang serbisyo publiko at hindi ang pulitika. Hinikayat din niya ang lahat na magkaisa at magtulungan para sa kapakanan ng mga Pilipino ngayong may pandemya. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Iba-iba po ang istilo ng mga sindikato para makapangloko kahit nasa gitna tayo ng pandemya. Kabilang na po dito ang carnapping scheme na pa-level up nang pa-level up ang paraan ng panggagantso, paano nga ba maiiwasang mabiktima ng ganitong modus? Kaugnay po diyan, makakausap po natin si Police Colonel Christian Dela Cruz, ang Public Information Officer ng PNP Highway Patrol Group.

Good morning po, sir!

PNP-HPG PCOL. DELA CRUZ: Good morning po Usec. Rocky at sa mga nakikinig at nanunood ng PTV Philippines. Magandang umaga po!

USEC. IGNACIO: Colonel, laganap na naman po itong “rent-tangay at rent-sangla scheme” at iba pang modus sa mga sasakyan, hindi nga ba siya bagong krimen pero may ibang pamamaraan daw po ang mga suspek para makapangbiktima. So, para sa kaalaman po ng publiko, paano po ba iyong kalakaran sa ganitong gawain ng mga sindikato?

PNP-HPG PCOL. DELA CRUZ: USec. Rocky at sa mga nanunood, nagpapasalamat po ako at ang pamunuan ng HPG ay nabigyan ng pagkakataon na ganito para ma-warning-an po iyong mga kababayan natin. Isa po sa mga ano po niyan ay iyong [garbled]. Kailangan po, katulad po ng rent-tangay, isa pong modus iyan, nag-umpisa po iyan, na-record po natin noong 2015. Medyo lumaki po iyan noong 2015 to 2017.

And mayroong mga nagiging insidente, pero isa po sa modus po ng mga sindikato ay kung ang sasakyan po natin, gusto pong kumita – lalo na po iyong bagong labas po natin sa casa at may monthly amortization tayo – iyan pupuntahan po tayo ng mga suspect o sindikato po, kukumbinsihin po tayo na aarkilahin iyong sasakyan ninyo, natin na kalalabas lang po ng casa na in a monthly basis, iyong may monthly amortization, sila na po ang magbabayad ng monthly amortization, palalakihin lang po nila iyong monthly amortization. Sasabihin, kunwari po, ang gagawin po, kung ang monthly amortization po natin, Usec. Rocky na 20,000, gagawin po nilang P30,000 o P35,000. Sasabihin nila gagamitin lang po sa isang company o gagamitin nila sa hatid-sundo, iyong mga ganoon po iyong mga ano nila eh.

Once na pumayag po tayo, pinaarkila po natin sa kanila in a monthly basis, siguro po mga isa, dalawa o tatlong hulog lang po iyan at malalaman na lang po ninyo, hindi po nila hinuhulugan iyan doon sa bangko kung saan mayroon kayong kasulatan na sila ang maghulog sa bangko at malalaman na lang po ninyo, susulatan na lang po tayo ng bangko na hindi po nila hinuhulugan, isa po iyan. Ganoon din po sa rent-tangay din po, kung mayroon pong scheme na sila ang maghuhulog sa bangko o maghuhulog po sa inyo, mag-a-advance po sila ng mga tatlo hanggang apat o sabihin nating anim na buwan. Pero iyong sasakyan din po, malalaman na lang po natin na naibenta na rin sa iba.

Iyon po iyong mga modus na nangyayari po sa ngayon. Iyan po iyong tinatawag na rent-tangay. Kaya po napakaimportante po na kung tayo po ay makikipag-transact lalo na po sa hindi ninyo kakilala, eh dapat po alamin po natin kung ano po iyong background nila. Kung mayroon po silang mga IDs or mga dokumento na pini-present sa atin, ipa-double check po natin. Lalo na po iyong mga IDs, kung may company IDs puntahan po natin, kung ano iyong company at tingnan po natin kung talagang legitimate po iyong tao na iyon. Iyon po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Colonel, mukhang pinag-aaralan din ng mga sindikato iyong kanilang bibiktimahin, ano po. Pero ano po iyong kakaharaping parusa ng mga mapapatunayang sangkot sa ganitong modus at posible rin po bang may kaharapin na asunto ang isang biktima sa pagtangkilik po ng modus na sasakyan?

PNP-HPG PCOL. DELA CRUZ: Opo, iyong tinatawag nga po nating technical carnapping, kasi po noong araw po bago po pumutok iyang scheme na iyan, iyong rent-tangay, rent-sangla, iyong labas-casa mode syndicate na kung saan ilalabas iyong sasakyan mo, gamitin iyong pangalan para makapag-(unclear) Isa po iyon—sa technical carnapping po, dahil sa batas po, iyong RA 10883, ang isa pong suspect na napatunayang kinarnap niya o napatunayan po sa ganiyang krimen, puwede po siyang makulong ng hanggang 20 taon, isang araw hanggang 30 years kung ito po ay—kasi mayroon po tayong modalities na carnapping before, iyong forcibly taken, stolen one part and failed to return.

Under the law po, kung iyan po ay naganap na hindi naman po ginamitan ng violence against or intimidation of persons, puwedeng makulong hanggang 20 years to 30 years. Kung ito naman po ay ginamitan ng violence against or intimidation of persons or force upon things, puwede po siyang makulong ng 30 years to 40 years. And kung ang biktima po ay namatay, pinatay or ni-rape ay may pagkakakulong po ito ng life imprisonment. Opo, iyan po iyong mga puwedeng kaharapin ng mga involved po sa carnapping, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Colonel, papaano po iyong nabiktima ng sindikato, puwede po ba silang maging liable din?

PNP-HPG PCOL. DELA CRUZ: Opo. Kasi po ang HPG [unclear] pupuwede pong maging liable sila, [unclear] at kung mapapatunayan po nang katulad sa [unclear] iyong gagamit po ng mga fictitious name, iyong tao or magagamit ng mga ID na peke, pupuwede po nating kasuhan iyan, using fictitious name na ginamit nila para makapagpalabas po ng mga sasakyan, tapos papalabasin nila sa legitimate na nandoon sila sa isang company, pupuwede po naming kasuhan iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, pero kumusta po ang overall assessment ninyo sa carnapping case sa bansa ngayong panahon ng pandemic? At so far, gaano karaming sasakyan na rin po ang nari-recover mula sa mga successful investigation o operation po ng PNP-HPG?

PNP-HPG PCOL. DELA CRUZ: Alam po ninyo, Usec. Rocky, malaki po ang ibinaba ng carnapping cases mula noong 2019 to present, itong 2021. Actually po, ito pong 2021, may recovered po tayo na almost 586 na vehicle, including the motorcycles. And on 202o, mayroon tayong recovered na 536 and on 2019, may recovered po tayo na 274. At napakalaki din po ng ibinaba [ngayon] ng carnapping po. Ngayon po from January to September, mayroon lang tayong 135 cases ng carnapping po sa motor vehicle po. Opo.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, basahin ko lang po itong ipinadalang tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Zandro Ochona ng ABS-CBN News: Marami pa rin po bang nahuhuling lumalabag sa mga health protocols sa mga pampublikong sasakyan? Ano rin po iyong mga common na paglabag at ano po ang ginagawa sa mga lumalabag?

PNP-HPG PCOL. DELA CRUZ: Opo. Alam po ninyo, isa rin po sa mandato natin lalo na po ngayon pong nasa pandemic tayo. Alam po ninyo ang highway patrol mayroon po 17 regional offices iyan. Araw-araw po mayroon po kaming mga checkpoint and lalo na iyong mga ‘Oplan’ po natin. Kung makikita po ninyo, kasama po namin iyong mga local police and iyong mga empleyado po ng mga municipality or city. Para kapag nag-operate po kami titingnan po namin kung iyong mga sasakyan ay hindi puno or puno at kung mayroong pong hindi mga naka-face mask or naka-face shield na mga pasahero. Ang tinitikitan po namin ay iyong driver po, lalo na po iyong mga pampasaherong sasakyan ng PUJ and buses po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong niya, Colonel, saan daw po ba puwedeng magsumbong kapag ang pasahero ay may nakitang paglabag mula sa mga pampublikong sasakyan, pati rin iyong mga gustong magsumbong kaugnay sa rent-tangay at rent-sangla?

PNP-HPG PCOL. DELA CRUZ: Actually po, Ma’am, mayroon po dito lang po sa highway patrol po. Puwede lang po kayong makipag-ugnayan po sa amin dito po sa main sa highway patrol, anytime po. (Garbled) Bawat office, mayroon kaming Provincial Highway Patrol Team, puwede po kayong makipag-ugnayan din doon. Opo.

USEC. IGNACIO: Iyon po ay nakalagay sa mga PNP Headquarters ba, Colonel?

PNP-HPG PCOL. DELA CRUZ: Hindi po Ma’am, iyong iba po, kagaya din po nasa headquarters natin. Katulad po dito sa ano, katulad po dito sa Metro Manila, iyong aming sa Quezon City. Sa lahat po ng ano dito city mayroon po kami. Makipag-ugnayan lang po kayo doon at matutugunan [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, medyo naputol-putol kayo doon. Pero maraming salamat po sa inyong panahon. Police Colonel Christian Dela Cruz, ang PIO-PNP-HPG, mabuhay po kayo Colonel.

PNP-HPG PCOL. DELA CRUZ: Ma’am, maraming, maraming salamat po. USec. Rocky, maraming salamat po!

USEC. IGNACIO: Opo. Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. Base po sa report ng DOH as of October 7, 2021:

  • Umakyat na sa 2,632,881 ang ating total COVID cases matapos itong madagdagan ng 10,019 na katao kahapon.
  • 109 naman ang mga nadagdag na nasawi kaya umabot sa 38,937 ang total covid-19 deaths.
  • Patuloy naman ang recovery sa mga tinatamaan ng sakit na umakyat na sa 2,478,660 matapos itong madagdagan ng 7,425 new recoveries.
  • At ang ating active cases sa kasalukuyan ay 115,328 or 4.4% ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa bansa.
  • Ayon pa sa Department of Health ia-anunsiyo nila ngayong Biyernes ang naging backlog sa COVID-19 deaths dahil sa naging problema ng COVID-Kaya system nitong mga nakaraang araw.

Sa pagbaba po ng bansa sa low risk category tuluyan na rin nga bang bumababa ang bilang ng mga tumatawag sa One Hospital Command Center, makikibalita tayo sa kanilang naging operasyon sa nakalipas na linggo, muli po nating makakausap si Dr. Marylaine Padlan, Medical Officer III ng One Hospital Command Center. Doc., welcome back po.

  1. PADLAN: Hello po, magandang tanghali po USec. Rocky and magandang tanghali po sa lahat po ng nanunood po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., unahin na po natin ano? Kumusta na po itong average daily calls na natatanggap nitong nagdaang linggo?

  1. PADLAN: Noong nakaraang linggo po no, nag-maintain po tayo with around 200 to 300 calls pa din daily or iyong mga request na nari-receive po natin po na marami pa rin po. Karamihan pa rin po ng mga nari-receive namin calls ay more of hospital request pa rin no rather than an isolation request.

Then iyong ganoon pa rin, halos walang pinagbago sa statistic namin, pinaka-marami pa rin naming nari-receive or iyong maraming tumatawag, maraming nagri-request po humihingi ng tulong sa amin is from NCR pa rin po, then Region IV-A and Region III.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., ayon po sa huling report ni Secretary Duque, sa Talk to the Nation nitong Miyerkules nasa average nga po, 200 calls daw po iyong kada araw ang natatanggap ng One Hospital Command Center. So, gaano kalaki po ba ang bahagi dito ng Metro Manila at iba pang tumatawag mula sa ibang regions?

  1. PADLAN: Marami pa rin po ‘no na tumatawag ay NCR, sila pa rin po iyong bulk of our calls or request still comes from NCR. Pero, mayroon nga rin pa rin po na tumatawag pa rin sa mga regions natin IV-A and Region III.

Pero, dahil nga po may mga Regional o OHCC na rin tayo no, unti-unti rin na rin naman iyong for example iyong mga ibang regions na pag may tumatawag po sa amin na galing ibang regions niri-refer na lang po namin doon sa kanilang mga regional o OHCC para sila din po ang mag-facilitate po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., ano po iyong mga challenges na kinakaharap pa rin po ng One Hospital Command Center pagdating po sa pagri-refer ng mga pasyente?

  1. PADLAN: Actually, mga challenges po namin when it comes to referring patients po, one is; kahit 1 year or more than a year na rin po tayo no with sa pandemic natin, may takot pa rin po na iyong iba nating mga kababayan mga ating pasyente natin, mga kliyente regarding sa pag-admit natin nga sa mga hospital dahil nga mahahalo po sila sa mga suspect na case or doon sa mga confirmed na case and then pati iyong, even sa pag-testing po ano pag swab, minsan hesitant pa rin sila magpa-swab because natatakot sila sa magiging result.

So, what we do, we try to educate our patients and clients regarding the situations and ano po iyong puwedeng mangyari para at least matulungan po natin especially iyong mga symptomatic and very severe symptoms na patients. Then ang iba pang difficulties po namin most of our clients po kasi, may financial difficulties. So, usually sa government po natin, government-owned health facilities po namin sila niri-refer po kasi iyon nga po hindi po nila afford mag-private and then iyong availability rin po ng transportation dahil minsan marami po sa isang lugar iyong mga kaso.

So, may hintayan or delay sa paghanap ng mga transportation na available and of course iyong usual kahit may konting pagluwag po ‘no sa ating mga hospital, may pahirapan pa rin ng pagpasok kasi nga po hindi pa rin natin ma-control iyong dagsa ng tao sa ER ng mga hospitals natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc., nararamdaman ninyo na po ba sa One Hospital Command Center itong bahagyang pagluwag na sa ating mga hospital? How about po sa TTMF or iyong temporary treatment and monitoring facilities natin?

  1. PADLAN: Yes po, nararamdaman naman po namin iyong bahagyang pagluwag po natin sa mga hospital kumpara noong peak po talaga, noong surge lalo na po noong kalagitnaan noong August and iyong katapusan noong August na nagkakaroon ng pahirapan.

Ngayon po, mas may napapasok po kami ngayon sa mga hospital pero hindi po ibig sabihin walang difficulty ‘no, may paghihirap pa rin pong makapasok dahil nga po sa ER pa rin po lagi ang pasok ng mga pasyente namin, hindi po sila diretso sa ward, ER pa rin po lagi ang pasok nila and again hindi natin nako-control kasi may mga iba pong mga patients na hindi na rin po tumatawag sa amin at dumidiretso sila sa ER.

Regarding with sa mga TTMF naman po natin naramdaman din po namin ito, iyong epekto ng bahagyang pagbaba ng mga cases natin mas nakakabilis na po tayong maka-refer sa mga isolation facility and mas mabilis na po iyong pag-transfer natin sa mga patients from community to TTMF compared noong surges na may konting hintayan pa because of lack of transportation and vacancy but right now po ‘no, dahil bumaba naman, bahagyang bumaba lumuwag din naman po iyong sa TTMF natin po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., lagi nga pong komento ng Metro Mayors na nasa alert level system ang nagiging basehan ng DOH ay ang pagkapuno po ng mga hospital nila na karamihan ay mga dayo naman ang naka-admit kaya hindi po sila maalis-alis sa Alert Level 4. May ginagawa ba ang One Hospital Command Center para hindi na po magkaroon ng malaking referral ng mga pasyente dito sa NCR mula sa mga karatig probinsiya?

  1. PADLAN: Opo. Iyong sa alert level system naman po natin hindi lang naman po iyong sa HCUR iyong basis po ng ating ng ating alert level system, nandiyan din po iyong pag-case count or iyong pag-increase or pagdami ng mga cases or pagbaba ng mga cases sa isang area pati rin po iyong presence po ng variant of concern natin which is current data now, still the Delta virus.

So, isang factor lang po no iyong HCUR na puwedeng mag-determine ng alert level system. We need to look sa other factor na rin na na-mention ko po. Regarding po sa pag-refer po natin sa NCR ng mga case, hindi po natin maiiwasan po talaga dito sa One Hospital Command Center dahil po we are giving the best ‘no, we are giving them or we’re offering rather the appropriate facility for the patients for their conditions.

And alam naman po natin na iyong mga tertiary hospitals, the big hospitals, they are found here in NCR. So if the patient needs tertiary services, they need specialized services that are only found here in NCR ‘no, we cannot help but to refer them here in the NCR hospitals kasi po buhay din naman po iyong pinag-uusapan natin and we need to give the appropriate care for them.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kahit po ba bumuti na ‘yung sitwasyon ay pananatilihin pa rin po ang kasalukuyang dami ng staff at facilities ninyo? Ang operational expenses ninyo po ba ay naipasok na rin sa 2022 budget ng DOH?

  1. PADLAN: For the staffing po and facilities po ‘no, currently imi-maintain po namin ‘yung aming operations po ngayon kasi kailangan pa rin po namin i-monitor ‘yung mga situations, we will continue to still handle calls. And of course we want to improve ‘no, our procurement of our data din ‘no because kami nga rin po ‘yung parang nagiging bridge ‘no ng community and towards the hospital settings.

Regarding naman po sa mga isolation facilities ‘no, ‘yung mga isolation facility pinag-aaralan po iyon ‘no, kung tuloy pong magluwag o lumuwag ‘yung ating mga isolation facilities, tingnan natin po kung puwede na nating limitahan ‘yung mga isolation facilities. But kapag nagkaroon po ulit ng surge, mayroon na po tayong parang system na mag-o-open po tayo ulit ng additional facilities.

Then when it comes to our project proposal, nakapag-submit na rin naman po kami ng budget proposal po namin sa DOH para po na mas maayos po ‘yung system namin po dito and mas mapaigi pa po namin ‘yung pag-refer po namin sa mga patients especially those from the community po towards the proper health facility po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ano na lang po ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan? Pakibanggit na lang din po ulit ang available hotlines ng One Hospital Command Center para po sa ating mga manunood.

  1. PADLAN: Okay po. So para sa ating mga kababayan po ‘no, kahit na mayroon pa tayong pagbaba ngayon po ng ating mga cases, that doesn’t mean na hindi na po nag-i-exist ang COVID ‘no. It’s still there, it’s still present and we need to still do our role, our job as citizens and as Filipinos to protect one another and to protect our family. So, please continue practicing the minimum health standards – hugas kamay, iwas at mask. Kung hindi kailangan lumabas ng bahay just please stay at home. If ever lalabas, please maintain social distancing ‘no.

And just in case na kailangan ninyo pong magpaospital or magpa-isolate, magpatulong po ‘no or minsan kung hindi ninyo alam kung ano ang gagawin – nagkasintomas kayo or nag-positive po kayo – don’t hesitate to call us. You can call us again through the DOH COVID Hotline 1555. Okay, so this is toll free ‘no, ‘yung 1555 or you can reach us through our different mobile numbers – we still have our Globe and our Smart number. So our Smart is 0919-9773333. We have our Globe number, 0915-7777777 so 0915 then pitong 7, okay. Then we also have our landline that is 8865-0500.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon, Dr. Marylaine Padlan ng One Hospital Command Center. Salamat po, Doc.

  1. PADLAN: Thank you po, Usec. Rocky. Salamat po. Ingat po kayo lagi.

USEC. IGNACIO: Samantala, ika-142nd Malasakit Center binuksan sa Valenzuela City bilang bahagi nang patuloy na pagsisikap ni Senator Bong Go na mapaganda ang kalidad ng healthcare sa ating bansa. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Kumustahin naman natin ang takbo ng COC filing sa mga local Comelec offices sa norte. May report ang ating kasamahan na si Jorton Campana ng PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa Davao City naman pinapayagan na ang mga pagpupulong, conferences at social events matapos isailalim ang lungsod sa General Community Quarantine ngayong buwan ng Oktubre. Ang detalye hatid ni Jay Lagang:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Kilala ang Pilipinas bilang isa sa largest producers ng mga prutas sa buong mundo kaya naman hindi nakapagtataka na iba’t ibang byproducts na ang nagagawa ng ating mga kababayan mula dito. Alamin natin ang pinagmulan ng proudly Filipino fruit wine na hanggang sa ibang bansa ay hinahangaan ng mga banyaga. Abangan iyan bukas sa Ani at Kita.

At iyan po ang mga balita at talakayan tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Mga kababayan 78 days na lamang po at Pasko na.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po uli tayo bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center