SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Mga napapanahong balita at impormasyon ang muli naming ihahatid sa inyo ngayong araw ng Huwebes, ikalabing-apat [14] ng Oktubre. Mula sa PCOO, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar; magandang umaga, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Makakasama rin natin ang mga kinatawan ng pamahalaan na handang mabigay-linaw sa iba’t ibang isyu ng bayan, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Mga kababayan, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Sa ating unang balita: May mga bagong panuntunan na inilabas kagabi na magsisimula ngayong Sabado, October 16. Una diyan ay ang pag-apruba sa rekomendasyon na ibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila na tatagal hanggang October 31, 2021. Sa ilalim ng Alert Level 3, pinapayagan na sa 30% capacity ang mga indoor venues para lamang sa mga fully vaccinated individuals; habang 50% capacity naman para sa mga outdoor venues.
USEC. IGNACIO: Balik operasyon na rin po sa ilalim ng Alert System Level 3 ang mga sinehan pero with limited capacity. Pinapayagan din ang meetings, incentives, conferences at exhibitions gayun din ang permitted venues para sa mga social events tulad ng parties, kasal at family reunions. Bukas din po ang mga tourist attractions, amusements parks at recreational venues gaya ng internet cafés, amusement arcade, swimming pools at mga kagaya pang venues.
Puwede rin ang limited face to face classes for higher education, technical-vocational education, trainings, religious activities, gatherings for necrological services, licensure at specialty examination na awtorisado ng IATF.
Operational din ang mga establisyemento para sa dine-in services, personal care services gaya ng salons, spas at cosmetic services. Tuloy rin ang operasyon ng mga fitness studios, gyms, venues for non-contact exercise at sports.
SEC. ANDANAR: Samantala, ipinagbabawal pa rin sa ilalim ng Alert Level 3 ang face to face classes for basic education maliban sa mapapasamang eskuwelahan sa pilot run na gagawin ng DepEd, contact sports liban na lang sa ilang mga inaprubahan bubble-type setup ng IATF.
Bawal pa rin ang pagbubukas ng perya, playgrounds, karaoke, concert halls at theaters. Kasama rin sa hindi pinapayagang mag-operate ang casino, horse racing, sabong at iba pang gaming establishments maliban na lang sa mga awtorisado ng IATF at ng Office of the President.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagtitipon sa residential areas ng mga indibidwal na hindi nakakasama sa bahay.
USEC. IGNACIO: Bukod diyan, inanunsiyo na rin ng IATF kagabi na isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang ilang lugar sa Luzon kabilang ang Apayao, Kalinga, Batanes, Bulacan, Bataan, Cavite, Rizal, Laguna at Naga City. MECQ rin po sa Zamboanga City, Zamboanga del Norte sa Mindanao.
SEC. ANDANAR: GCQ with heightened restrictions naman po sa Abra, Baguio City, Ilocos Sur, Pangasinan, Cagayan, Isabela, City of Santiago, Nueva Vizcaya, Quirino, Quezon, Batangas, Bacolod City, Capiz, Lapu-Lapu City, Negros Oriental, Bohol, Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Cagayan de Oro City, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao de Oro, Butuan City at Surigao del Sur.
USEC. IGNACIO: Sasailalim naman sa General Community Quarantine ang Ilocos Norte, Dagupan City, Ifugao, Benguet, Tarlac, Lucena City, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Marinduque, Albay, Camarines Norte, Aklan, Antique, Guimaras, Negros Occidental, Iloilo City, Iloilo Province, Cebu City, Cebu Province, Mandaue City, Siquijor at Tacloban City.
SEC. ANDANAR: ECQ pa rin ang Zamboanga Sibugay, Misamis Occidental, Iligan City, Davao City, Davao Oriental, Davao del Sur, General Santos, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Island, Cotabato City at Lanao del Sur sa Mindanao.
Ang mga lugar na hindi naman nabanggit ay sasailalim sa Modified General Community Quarantine o MGCQ.
USEC. IGNACIO: Base rin po sa bagong guidelines na inaprubahan ng IATF para sa mga fully vaccinated foreigners at Filipino inbound passengers mula sa mga bansang nasa green list, simula ngayong araw, October 14, kailangan na lamang magpakita ng negative RT-PCR test taken within 72 hours mula sa bansang pinanggalingan upang hindi na sila i-require na mag-facility-based quarantine, subalit kinakailangang mag-self monitor para sa anumang sintomas ng COVID-19 sa loob ng labing-apat (14) na araw.
Para naman sa mga hindi pa bakunado, partially vaccinated at hindi nakapag-comply sa test before travel requirement, sila po ay isasailalim sa facility-based quarantine at RT-PCR test na kukunin sa ikalimang araw.
Sa iba pang balita: Senator Bong Go muling binalikan at binisita ang Malasakit Center sa Ozamiz City; sakripisyo ng medical frontliners sa harap ng kasalukuyang pandemic kinilala. Narito ang report:
[VTR]
SEC. ANDANAR: Kumustahin natin ang takbo ng TUPAD program ng labor department at paghahanda ng bansa para sa isasagawang pagpupulong ng government group ng International Labor Organization, makakasama po natin si Secretary Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment. Maayong buntag kanimo, Sec. Bebot. Maayong buntag. Welcome back.
DOLE SEC. BELLO: Sec. Martin, maayong buntag sa tanan [DIALECT] sa imong programa Laging Handa.
SEC. ANDANAR: Sec. Bebot, bago po matapos ang buwang kasalukuyan, pangungunahan po ng Pilipinas ang pinakaunang pagpupulong ng government group na International Labor Organization o ILO sa Switzerland, pakibahagi naman po, Secretary, ang magiging agenda ng nasabing pagpupulong at ano rin ang maaaring asahan ng mga manggagawang Pilipino mula dito?
DOLE SEC. BELLO: Alam mo, Sec. Martin, uupo ako bilang chairman ng ILO government sector. This is the first time in the 102 existence of ILO mayroong representative na uupo bilang chairman ng ILO government sector from an Asian country, a non-voting country pa, Sec. Martin.
Ngayon, ang aming ia-agenda diyan is to democratize the ILO process. Kasi, Sec. Martin, alam mo, kagaya ng sinabi ko I was surprised paano ako nanalo kasi ang Philippines is a non-voting delegate eh ang kalaban ko voting delegate. So, this is a first in the history of ILO and we would like to democratize the process by allowing all delegates to the ILO government sector the voting authority para sa ganoon lahat ay pantay-pantay na.
Now, sa larangan naman sa overseas work, Sec. Martin, we will also agenda the item on improving the employment contracts of all migrant workers in order to provide them sufficient security and safety as proper treatment. Iyon po ang ia-agenda ko pag-upo ko doon sa October 27.
SEC. ANDANAR: Bilang bago pong [garbled] ng mga pamahalaan sa ILO, ano pong mga mahahalagang responsibilidad ang gagampanan dito ng ating bansa?
DOLE SEC. BELLO: Well, we will preside, tayo ang magpi-preside niyan, Sec. Martin. [technical problem]
SEC. ANDANAR: Okay! Balikan natin si Secretary Bebot Bello dahil napakagandang development ito na tayo ang namumuno diyan. Rocky, ikaw muna!
USEC. IGNACIO: Opo. Samantala, halos isang linggo makalipas po ang pagtatapos ng paghahain ng COC para sa 2022 National Elections, kaliwa’t-kanan ang usapin kaugnay sa substitution ng mga kandidato sa ilang partido. Nilinaw naman ni Senator Go na buo ang loob niyang tumakbo sa darating na halalan a hindi siya reserba lang ng PDP-Laban. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
SEC. ANDANAR: Balikan po natin si Secretary Bebot Bello. Ulitin ko lang pong itong tanong, Sec. Bilang bago pong pinuno ng grupo ng mga pamahalaan sa ILO, ano pong mahahalagang responsibilidad ang gagampanan dito ng ating bansa?
DOLE SEC. BELLO: Unang-una, Sec. Martin, I will be there to preside over the meetings of the ILO Government Sector. I will be responsible for the setting of the agenda and the process [garbled] meetings of all these ILO Government [garbled].
Ang mahalaga diyan, Sec. Martin, ay iyong ating [garbled] na [garbled] which [technical problem].
SEC. ANDANAR: May problema sa linya ng komunikasyon. Okay. Balikan natin muli si Secretary Bebot Bello. In the meantime, USec. Rocky, hanggang dito na lamang ako at ikaw muna ang bahala sa interview kay Sec. Bebot once we reestablish connection.
Maraming salamat po mga kababayan. I’ll see you again tomorrow.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Samantala, dumako naman po tayo sa Cordillera Region kung saan patuloy ang operasyon para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Maring hatid ni Debbie Gasingan ang balita doon.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, balikan na po natin si Secretary Bello. Secretary Bello, good morning po! Si Rocky [ito].
DOLE SEC. BELLO: Hello! Good morning, USec. Rocky! Sorry, medyo mobile kasi ako eh.
USEC. IGNACIO: Opo. Wala pong problema. Secretary, sa pamamagitan nga po ng democratization ng ILO, ano daw po ang maaasahan ng ating mga OFWs at lokal na manggagawa mula dito?
DOLE SEC. BELLO: Kagaya ng sinabi, USec. Rocky, ia-agenda item ko iyong discussion on improving the employment contracts of all overseas workers para sa ganoon iyong kontrata nila ay matitiyak natin na iyong mga provisions will protect their interest, see to it that their rightful claim to their salaries, to their benefit as overseas workers including their security of tenure and proper treatment. Iyon ang aming ipaglalaban diyan sa first meeting of the ILO Government Sector, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pagdating naman po sa iba pang programa ng DOLE. Sa inyo pong datos, gaano na po karaming manggagawa mula sa informal sector sa buong bansa ang nabenepisyuhan niyong TUPAD program nang magsimula po ang pandemya at magkano na rin po ang naibigay sa ilalim nitong programa?
DOLE SEC. BELLO: Naku, Usec. Rocky, napakarami na tayong inabot na mga informal workers – umaabot na tayo ng mga around 2.6 million informal workers – and we have spent about P7 billion of the aid, financial aid to our workers. And then we also spent about P6 billion for the formal workers, ito ‘yung mga regular workers na nawalan ng trabaho o kaya kahit na may trabaho ay nabawasan ang kita dahil sa nabawasan ang trabaho.
And then finally we also have a very big portion of our budget that went to Overseas Filipino Workers, ‘yung mga OFWs – we were able to assist 725,000 OFWs which involved about 12 billion pesos – iyon po ang naibigay nating tulong sa ating mga kababayan [garble] at saka sa informal sector, formal sector and Overseas Filipino Workers.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano naman daw po ang mga hakbang o [garbled] ginagawa ng DOLE upang [garbled] maulit ang naging isyu kamakailan hinggil sa umano’y iregularidad sa implementasyon nito at para daw po mas mapabuti pa ‘yung pagru-rollout ng programang TUPAD sa buong bansa?
DOLE SEC. BELLO: Alam mo, Usec. Rocky, sa buong bansa isa lang area nagkaproblema kami at ito ay inasikaso namin, pina-imbestigahan… investigation at pag natapos ‘yan ay hahabulin namin ‘yung mga personalities both from the government and the private sector na na-involved sa irregularity. Pero as a safety measure, sinuspend ko muna ang implementation ng TUPAD Program doon sa distrito ng Quezon City, Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, hinggil pa rin po sa implementasyon nitong serbisyong TUPAD ano po ah. Magkano na lamang daw po ang natitirang pondo nito para sa kasalukuyang taon at ilan pa po daw manggagawa mula sa informal sector ang inaasahang mabibigyan o mabibiyayaan hanggang matapos ang 2021?
DOLE SEC. BELLO: For this year 2021, Usec. Rocky, we still have about P2 billion kaya ito ay ipapamudmod namin sa ating mga informal workers dahil iyon ang utos ng ating Pangulo. Sabi nga, “Bebot ‘yung pera ng DOLE sa TUPAD, pera ng tao ‘yan, ibigay mo sa tao!” Kaya araw-araw nagkakaroon ng payout para makarating ang ayuda ng ating gobyerno sa ating mga informal workers na apektadong-apektado ng pandemya.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bigyang-daan ko lang ‘yung mga tanong ng ating kasamahan sa media ano po. Tanong po ni JP Nuñez ng UNTV: Ano po ang masasabi ng DOLE hinggil sa sinasabi ng ECOP na may ilang employer ang nanganganib na hindi makapagbigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado dahil sa krisis sa negosyo dahil po sa pandemya? May tulong po ba na maaaring ibigay ang DOLE sa mga employer na talagang naghihikahos pa rin ang negosyo?
DOLE SEC. BELLO: Alam mo, Usec. Rocky and JP ‘no… talagang I can feel the agony of the employers. Talaga namang hindi mo ma-deny na talagang apektado na ‘yung ating mga negosyante lalung-lalo na doon sa mga micro, small and medium enterprises, talagang gipit na gipit na sila. Ang problema nga lang JP and Usec. Rocky, itong 13th month pay is not only a legal but also a statutory obligation na kailangan bayaran. That’s why makipag-usap ako kay President Sergio Luis ng ECOP and we have a previous meeting with Secretary Mon Lopez of the Department of Trade and Industry na baka mabigyan ng soft loan ang ating mga employers para sa ganoon ay magampanan nila, they can fulfill their obligation under the law – and that is to pay the 13th month pay of all their employees on or before December 24 of this year.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano po ang naging tugon ng ECOP, Secretary, diyan sa mungkahi na ‘yan na soft loan?
DOLE SEC. BELLO: Mukhang okay, very positive ang reaction ni President Sergio Luis and sabi nga makikipag-usap siya kay [garbled] Lopez and probably we will also involve Secretary Dominguez of the Department of Finance because this involve loan facilities.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni JP: Ano po itong sinasabi daw na plano ng DOLE to declare travel ban sa Saudi Arabia. Ano po ang basis; totoo po ba ito, Secretary?
DOLE SEC. BELLO: Actually, Rocky, hindi ito plano – ito ay isang pag-aaral. Because alam mo, Rocky, way back if you recall… way back 2016, we have 11,000 OFWs in the Kingdom of Saudi Arabia who have not paid their salaries and end of services for 1 year up to 2 years. Reason for which no less than President Duterte authorized me to bring all of them home, ni-repatriate natin ‘yung ating mga kababayan involving about P3 billion to be able to bring all of them back home. But before doing that, Usec. Rocky, ang ginawa namin, we authorized a lawyer provided by the assistance to national by the DFA to pursue the claims of our OFWs.
O ngayon that was 2016, it is now 2021 – mayroon nang decision, na bayaran na ‘yung ating mga overseas workers pero hindi pa rin binabayaran. Nandiyan ‘yung pera, the claim of our overseas workers amounts to 4.6 billion pesos that is due to our more than 9,000 overseas workers. Kaya sabi ko kung hindi nila babayaran ‘yan, there is no use sending our overseas workers doon.
Kaya sabi ko kay Administrator Cacdac and Administrator Olalia ng POEA, pag-aralan ninyo na siguro it’s high time we have to show the people of Saudi na our people deserve the justice because they’ve been toiling for years just to get these claims nila.
Ngayon hindi binabayaran kaya sabi ko and I asked, I send a memorandum to the President requesting him permission to consider a deployment ban to the Kingdom of Saudi Arabia kung hindi nila mabayaran ‘yung pera na pinaghirapan ng ating mga OFW for so many years. So ‘yun po ang plano, pag-aralan namin, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Saleema Refran ng GMA-7: Marami pong nawalan ng trabaho nitong nagkapandemya. Sa ngayon po ba nakikita natin na mas magkakaroon ng job opportunities ngayong Christmas season at pagbaba ng alert level sa Metro Manila?
DOLE SEC. BELLO: Naku napakagandang balita ‘yan, Usec. Rocky ‘no, at napalundag nga ako kahapon noong niluwagan ng ating IATF ‘yung mga protocols at saka ‘yung mga alert levels. At dinagdagan pa nila ‘yung pinakiusap namin ni Sec. Jun Esperon at saka si Sec. Mon Lopez na kapag mayroon silang safety seal, at saka baksinado eh madagdagan ‘yung capacity from 30 to another 20 percent at from 50 to another 20 percent – that would be 70% – this will revive our economy, gaganda nang konti ang negosyo; ‘pag gumanda ang negosyo, gaganda ang employment opportunities.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mula pa rin po kay Saleema Refran ng GMA News: Anu-ano pong trabaho ang nanunumbalik po ngayon at saang mga industriya; requirement daw po ba dito ang dapat bakunado na?
DOLE SEC. BELLO: Iyong pinakamagandang—iyong gusto natin ngayon iyong ano, construction industry, manufacturing industry, iyong BPO – ‘yan ang mga umuusad na, Rocky.
At saka iyong patakaran na hindi puwedeng pumasok kung hindi bakunado, walang legal basis. You cannot make it mandatory for a person or a worker to be vaccinated to be able to report to work kasi wala pang batas. We need a law for that purpose. Kung walang batas, hindi mo mapilit kahit sino lalung-lalo na ang mga manggagawa na magpabakuna.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon. Maraming salamat po sa pagsama ninyo sa amin ngayong umaga, Secretary Bebot Bello III. Mabuhay po kayo, Secretary.
DOLE SEC. BELLO: Maraming salamat, Rocky. Mabuhay din po kayo ni Sec. Martin. Mabuhay ang PTV-4. MASK, HUGAS, IWAS. Good morning po.
USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, alamin natin ang update sa pamamahagi ng ayuda ng DSWD sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Maring at ang patuloy na distribution ng food aid sa mga lugar na naka-granular lockdown, makakausap natin ngayon si DSWD Spokesperson Assistant Secretary Glenda Relova. Good morning, ASec.
DSWD ASEC. RELOVA: Hello, good morning, USec. Rocky at good morning po sa inyong tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec, hingi muna kami ng update ano po, kaugnay dito sa pamamahagi ng ayuda ng DSWD sa mga kababayan nating talaga namang nasalanta ng bagyo sa ilang bahagi po ng Northern Luzon. Anu-ano pong mga tulong na iyong naipamahagi sa mga apektadong regions at ilang pamilya po ang nakatanggap na nito, Asec?
DSWD ASEC. RELOVA: Sa kasalukuyan ay nakapamahagi na ang departamento ng humanitarian assistance na nagkakalahalaga ng 2.7 million pesos sa Regions I, II at CAR. Sa bilang na ito, mahigit 1.8 million ang nagmula sa DSWD, samantalang 934,000 naman ang nagmula sa lokal na pamahalaan. Ang DSWD Field Offices at ang National Resource Operations Center ay may nakaantabay na pondo na 1.05 billion at as of October 13, 6 PM, ang report na nakuha ng aming DROMIC (Disaster Response Operations Monitoring and Information Center), mayroon na tayong 45,000 na pamilya na apektado ng nasabi na typhoon at around 175,501 na katao naman ito sa 553 barangays sa Regions I, II, III, X, CARAGA, NCR at CAR.
USEC. IGNACIO: Opo, sa usapin naman po ng ayuda, dalawang araw po bago magtapos ang extended alert level 4 sa Metro Manila. Kumusta po iyong pamamahagi ninyo ng ayuda sa mga barangay na naka-lockdown?
DSWD ASEC. RELOVA: USec. Rocky, as of October 13, siyam lang na LGU iyong may official na request sa DSWD ng family food packs. So ito ay ang Pasay, Pateros, Quezon City, San Juan, Caloocan City, Makati City, Mandaluyong, Manila at Parañaque.
So patuloy pa rin kami na nakikipag-ugnayan doon sa ating ibang mga local government units, though mayroon naman kaming naka-preposition sa kanila na tig-1,000 na food packs in case they will be needing it. 15,500 doon sa ating 16 na LGU. So as of October 13, mayroon ng naipamigay ang DSWD na 45,775 na family food packs na nagkakahalaga ng 27.696 million pesos. Ito ay doon lang sa pilot areas natin ng granular lockdown.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ASec., sa ngayon ba masasabi natin na may sapat pang pondo ang ahensiya para sa mga susunod pang relief operation kung sakaling may humabol pa, naku naman na bagyo at sama ng panahon, maging nationwide rin ang implementation ang implementation ng granular lockdowns hanggang matapos po iyong taon, Asec?
DSWD ASEC. RELOVA: Malugod po naming ipinababatid na handa at sapat ang pondo ng ahensiya upang magbigay ng augmentation assistance sa mga lungsod na magpapatupad ng granular lockdown, in case po na iru-rollout po natin ito sa iba’t ibang areas ay i-adopt po ito nationwide, ganoon din po sa ating mga nasalanta ng bagyo.
Sa katunayan nga po as of October 13, mayroon pa po tayong 1.05 billion na naka-standby funds po sa atin. So 138 million po dito iyong standby funds sa central office at mayroon po tayong around 387,000 na food packs po na naka-preposition po sa iba’t ibang filed offices po natin at satellites offices sa buong bansa po.
USEC. IGNACIO: Opo. Mainit din po, Asec, binabato ang usapin ngayon sa ahensiya, itong paglalaan ng nasa higit 50 milyong pondo ng Social Amelioration Program sa financial service provider na Starpay. Totoo po ba na kumpara sa ibang e-wallet companies ay pinakamalaki po ang bahagi na ipinagkatiwala sa Starpay para umano sa pamamahagi ng ayuda? Ano po ang naging paglilinaw ng DSWD dito?
DSWD ASEC. RELOVA: Nais pong bigyang-linaw ng DSWD na kami po ay nakapag-partner sa anim po na financial service provider. So tatlo po ito na bangko, talo po ito na EMIs. So. lahat po ito ay equally mayroong distribution noong una ng allocation ng ating mga benepisyaryo at ito po ay ayon na rin sa pakikipagtulungan din po sa amin ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
So overtime po napatunayan na habang pumapasok ang data base na ini-encode po ng ating mga local government units, nakita po na higit pong 70% ang wala pong telephone number. At muli po nating ni-recalibrate at in-offer dito sa anim na financial service provider kung sino ang makakapagbigay ng ayuda sa ating mga benepisyaryo na walang telepono. At dalawa lang po iyong nag-signify nito, ito po ay si RCBC at si Starpay.
So kaya po ang alokasyon po ay napunta kay Starpay, dahil sila po at si RCBC lamang ang nag-manifest at nag-submit po ng business proposal na kaya po nilang magsagawa ng mixed payout, iyon po iyong tinatawag nating may digital wallet, ganoon din po iyong manual payout.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ASec, ano po iyong assurance ng DSWD sa publiko na dumaan sa proseso ang pagpili po ng Starpay bilang payout partner?
DSWD ASEC. RELOVA: Opo. Sa pagtukoy po ng ating mga financial service provider, humingi po kami ng technical assistance sa Central Bank upang makagawa po tayo ng Terms of Reference. Ito po ay nagbigay po tayo ng equal opportunity sa lahat po ng ating financial institution na lumahok po bilang kaagapay ng DSWD sa pamimigay po ng ayuda na ito.
So, ilan lamang po sa pangunahing konsiderasyon sa pagpili po natin ng ating mga financial service provider ay iyong lisensiya nila bilang EMI at ang kapasidad po nila para makapaggawa ng restricted transactional account; ang pagkakaroon ng balanse na kakayahan ng mga FSP at kakayahan ng mga benepisyaryo na mag-cash out; karagdagan dito ay ang pagkakaroon nila ng established business model; karanasan sa commercial rollout at uri ng cash out points na makakatulong sa pagtiyak ng liquidity o pagkakaroon po ng sapat na pera kung kukunin ito ng ating mga benepisyaryo.
So lahat po ito ay masusi na pinagdaanan at pito po ang nagbigay sa amin ng proposal at anim po ang nakapasa at lahat po silang nakapasa ay kinuha po natin bilang partner po natin sa pamamahagi ng ayuda.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec, pero may nasisilip po ang Senado ngayon na umano’y discrepancies pagdating sa distributed cash assistance gamit ang Starpay. Puwede rin po ba ninyong linawin ang isyung ito, Asec?
DSWD ASEC. RELOVA: Opo. Binibigyang-diin po ng departamento na ang lahat ng pondo na ibinigay po sa ating mga financial service provider ay accounted for at wala po tayong nawawalang pondo.
Ang lahat po ng mga ayuda ay pinamamahagi ay sinuportahan po ito ng liquidation reports na isinabmit po sa atin ng ating mga financial service provider. Tinitiyak din po ng ahensiya na ang mga prosesong isinagawa ng mga FSPs, ganoon din po ng DSWD sa payout ay alinsunod po sa mga proseso na aprubado po ng Bangko Sentral ng Pilipinas at naaayon din po sa umiiral na government accounting rules and procedures.
Pinapabatid din po ng ahensiya na mayroon po kaming inabot na 94% na physical accomplishment kahit na po 80% ito, dahil ito po iyong tinatawag na doon po sa pangalawang aspeto ng programa natin sa Bayanihan 2, magkaiba po iyong per capita nito. So we could be serving beneficiaries more, while spending less. At ito pong 80% po na aming nagastos o na-obligate and na-disburse ay naibahagi natin sa ating naibahagi natin sa ating mga kababayan. Samantalang po iyong 20% po na hindi po nagastos ay naibalik naman po ng departamento sa Bureau of Treasury; so lahat po ay accounted for.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec. tama po ba na nagkaroon din ng refund mula sa Starpay para sa mga beneficiaries na hindi maka-avail ng e-service, nasa magkano po ito at naipamahagi na po ba ito sa intended beneficiaries?
DSWD ASEC. RELOVA: USec. Rocky, matatandaan na itinigil ng ahensiya ang paggamit ng financial service provider noong April 2021, ito ang nagbigay-daan sa amin sa pagsasagawa ng mano-manong pamamahagi. So specifically for Starpay nagbalik po sila ng 8.2 billion, dahil ito po ay may mga data quality issues ang ating mga benepisyaryo – iyong mali po ang kanilang spelling, mali po iyong address. So may mga data quality issues po ito at ito po ay ibinalik nila sa DSWD.
Samantalang ang kaukulang halaga po ng 8.2 billion, ito naman po ang ginamit namin para mag-reprocess po tayo ay mabayaran po natin ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng ating mga field offices sa pamamagitan ng ating mga special disbursing officers po.
USEC. IGNACIO: Sa ngayon, Asec, ilan pa iyong hanggang ngayon po ang hindi pa rin nakakatanggap ng SAP at target na mabigyan mula po noong huling lockdown nitong Agosto?
DSWD ASEC. RELOVA: USec. Rocky, mangilan-ngilan na lang po ito sa mga areas po ng NCR at saka po sa Region III and ang figure po is medyo volatile kasi po ito po ay aming bina-validate. Kinakailangan po nating unawain na madami po sa ating mga kababayan na nagki-claim na hindi po daw nila natanggap.
Subalit ang atin pong Social Amelioration Program ay per family basis po ito, hindi ito po pang individual at over time nakikita po natin na one of their family members have received Social Amelioration Program probably from DSWD, probably from SSS, mayroon po sa DOLE, mayroon pong sa DA. So, lahat po ng ito ay atin pong ibinabangga dahil hindi po pupuwedeng magdoble ang Social Amelioration Program sa isang pamilya.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec., ano na lang po ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan lalo na sa mga may agam-agam kaugnay ng distribution ng SAP.
DSWD ASEC. RELOVA: Maraming salamat USec. Rocky. Nais po namin ipabatid na patuloy po ang DSWD sa pagpapaabot ng tulong para sa ating mga kababayan, higit lalo sa mga apektado ng pandemya at sa mga dumadaang kalamidad. Gayundin, sinisiguro ng ahensiya na naiparating natin ang tulong financial sa mga karapat-dapat at tanging mga lehitimong benepisyaryo lamang sa ilalim ng ating Social Amelioration Program.
Ang mga agam-agam ay panibagong hamon para sa aming departamento subalit makaaasa po kayo na kasama ninyo ang ahensiya ng DSWD sa mahaba-haba pa natin labang na ito sa pamamagitan ng patuloy na pagsuporta sa ating mga kababayan ng may kalinga at malasakit. Maraming salamat po USec. Rocky, at mabuhay po kayo!
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa pagbibigay linaw at sa inyong oras Assistant Secretary Glenda Relova, ng DSWD.
Samantala, patuloy na lumalawak ang operasyon ng mga registration sites ng Philippine Statistic Authority para sa National ID.
50 milyon hanggang 70 milyon Filipinos kasi ang target ng NEDA na makapag-parehistro bago matapos itong taon. Kakayanin nga bang maabot ang target na iyan, alamin po natin mula kay PSA Assistant Secretary Rose Bautista. Welcome back po ASEC. Bautista.
PSA ASEC. BAUTISTA: Magandang umaga naman sa iyo USec. Rocky, at sa iyong mga tagapanood at tagapakinig.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec., nasaan na po tayo ngayon sa PhilSys registration?
PSA ASEC. BAUTISTA: Walang boses, hindi ko siya marinig.
USEC. IGNACIO: Opo. Can you hear me now ASec?
PSA ASEC. BAUTISTA: USec. Rocky, hindi ko narinig iyong tinanong.
USEC. IGNACIO: O sige, ito po ulitin ko na lang ASec. Pero, naririnig ninyo na ako ASec?
PSA ASEC. BAUTISTA: Yes, loud and clear, naririnig na kita ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Nasaan na po tayo ngayon sa PhilSys registration ASec?
PSA ASEC. BAUTISTA: Okay. Sa PhilSys registration alam naman natin may Step 1 tayo, ito iyong ngayon ang gumagana ay iyong online registration. Mayroon na tayong 43.2 milyon as of October 8 na dumaan sa Step 1 registration, ang target nga natin dito is about 70 milyon.
Actually 70 milyon or plus. Iyong target naman namin na 70 milyon, maaring hindi lahat ito ay tumuloy sa Step 2 itong taon na ito kasi ito iyong pag-enroll ng iyong demographic characteristics at iyong schedule mo for your Step 2 registration.
Pagdating naman sa Step 2, ito iyong pagpunta mo sa registration center for the capture of biometrics at I’m very happy to say that despite all the challenges that we have sa COVID, we have registered 34.99 milyon as of October 6 and our target for Step 2 this year ay 50 milyon.
Pero, marami-rami pa rin iyan kasi hindi natin alam dahil alam mo naman pag bumagyo kagaya ng nangyari sa Cagayan, nagkakaroon tayo ng disruption or suspension of registration operations.
Pagdating naman sa nakatanggap na ng kanilang ID, ang report ng aming PhilPost as of September 30, ay mayroon ng 2.2 million na Filipinos na nakatanggap na ng kanilang Phil ID, at ang target naman namin para sa taong ito ay makapag-distribute kami sa 15 million na Filipinos iyong kanilang Phil ID.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec., ito nga sinabi ninyo na nga habang may pandemya. So, ano pa iyong strategy ngayon ng PSA at iba ahensiya pa ng gobyerno na bahagi po ng PhilSys para mas marami pang mga Pilipino ang magkaroon ng Phil ID?
PSA ASEC. BAUTISTA: Ang pinaka-main strategy na ginagamit namin ngayon para makapag-patuloy na magpa-rehistro ang ating mga kapwa Pilipino na hindi pa nakarehistro ay mag-register online. So, itong online registration, pupunta lang sila sa ating websites, iyong register.philsys.gov.ph para mairehistro at ma-save na iyong kanilang demographic characteristic.
Maaring mahirapan silang mag-book, kung hindi pa sila makapag-book okay lang iyong basta ma-save na nila iyong kanilang information. Pero, mayroon pa kaming isang strategy na ginagawa, ginagawa ng field offices namin kasi alam mo naman hindi lahat may- access to an internet or walang laptop or cellphone.
Our field offices continue to do mobile registration at the barangay level. So, pag ganoon ang nangyari puwede silang diretso sa Step 1, Step 2. So, makikipag-coordinate lang sila sa kanilang barangay kung kailan at iyon naman barangay makikipag-coordinate sa Munisipyo doon sa schedule ng kanilang mobile registration.
So, huwag lang po silang mainip at mag-ingat po tayo sa maraming crowd, ayaw din po namin na magkakagulo ang mga tao pagdating sa registration lalo sa mga malls na open. Kaya po very strictly niri-request namin na ang pupunta sa mall ay iyong mga registered schedules. Pero tumatanggap po ang ating malls kapag hindi dumating iyong naka-rehistro, puwede silang tumanggap ng tinatawag nating walk-in.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec., puwede bang magpa-rehistro sa national ID ang mga bagong silang na sanggol at paano daw po ang magiging sistema para dito?
PSA ASEC. BAUTISTA: Para sa mga bagong silang na sanggol, kasama sila. Una, kasama sila sa registration kasi wala tayong ini-exclude na Pilipino para sa registration pati iyong ating mga Filipinos who are abroad, still Filipinos who are abroad can register including those who are resident aliens in the Philippines.
So, ngayon ang priority natin ay iyong adult population. So, hindi namin—while we have requested priority na payagan ng IATF ang below 18 but above 15, may mga lugar na ipinagbabawal pa rin lumabas iyong ganoon category na edad at including 65 and iyong 66 and over.
Para naman doon sa below 15 years old, iyong 5 to 15 puwede silang magrehistro pero kailangan kasama iyong kanilang guardian or magulang when they go to the registration center. Pero, ngayon hindi nga natin sila priority tapos magkakaroon ng recapture ng kanilang biometrics when they reach aged 15.
Doon naman sa below 5 years old ano, iyong below 5 years pag nag-register sila iyong lang demographic characteristic plus picture. Kasi, wala pa silang biometric capture at mali-link iyong kanilang information doon sa PSN ng kanilang parents or guardian.
So, right now, dine-develop din namin iyong concept ng registration na kapag pinanganak na, let say from a health facility ay ma-automatic puwede ng kumbaga i-save iyong demographic characteristic noong ipinanganak na sanggol, nandoon pa lang siya doon sa hospital tapos pag naparehistro na siya sa local civil registrar ay doon naman namin kukunin para for the corresponding issuance or capture up to iyong F2 although iyong biometric capture ay picture lang wala pang iris at wala pa siyang mga finger print scan.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec., ano naman po iyong paalala natin sa mga magri-register sa PhilSys lalung-lalo na online at lalo na ngayon alam naman po natin laganap iyong scam on line?
PSA ASEC. BAUTISTA: Ang unang-unang paalala namin ay make sure na nandoon sila sa official websites ng PSA at itong mga websites na ito ay ang philsys.gov.ph o kaya sa Facebook, ito iyong wwwfacebook.compsaphilsys official. Kasi, magsa-submit sila ng information.
So, importante na nandoon sila sa tamang website, kailangan nilang ingatan ito dahil lalo na naglalagay sila o tinatanong sila ng mga impormasyon at alam naman natin na puwede silang mapunta sa identification theft, manakaw ang kanilang pagkakakilanlan at ang kanilang pagkatao dahil lang nagbigay sila ng impormasyon sa maling authority.
At kung may makita silang mga peke na mga ganoon, na mga websites, tawagan kami sa aming hotline 1388 or mag-email sa infophilsys.gov.ph para mapa-imbestigahan namin iyong mga ganoon kasi bawal na bawal po siya. Pati po iyong simpleng sasabihin tutulong sa iyo para kuhanan ka ng appointment, bawal din po iyon kasi ito ay libre.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa mga nakatapos na ng PhilSys registration ASec., paano naman po maiingatan ng registrant ang kanilang Phil ID?
PSA ASEC. BAUTISTA: Tama iyan, maganda iyong tanong mo iyan. Kasi iyong iba excited na excited. Kagaya ngayon 2 milyon pa lang iyung mayroong PhilSys ID out of 35 million na nairehistro namin. So, excited sila, pinu-post nila sa media, huwag po ninyong gawin iyon. Huwag ninyo pong i-post sa social media, huwag ninyong picturan at ingatan po natin kasi nandoon po ang inyong tinatawag na PhilSys serial number na dapat po ay very confidential.
Ngayon, para naman po doon sa mayroon na silang—nakapag-register na sila hanggang Step 2, inaantay po nila ang kanilang ID, ingatan ninyo po iyong transaction slip na ibinigay sa inyo, gagamitin ninyo lang po talaga iyon pag dumating iyong ID ninyo ipapakita ninyo patunay na kayo nga ito. Huwag ninyo din itong i-post dahil iyong transaction number na iyon ay may link doon sa inyong ID.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., may ilang hindi raw po tinatanggap ang national ID sa mga banking transactions dahil walang pirma. May hakbang na po ba tayo tungkol dito?
PSA ASEC. BAUTISTA: Yes, USec. Rocky, nakikipag-coordinate—actually una nag-issue kami ng advisory para sa pagtanggap ng National ID, recognition of the National ID as sufficient proof of identity without the need na manghingi pa ng iba pang ID. Aside from that, we are conducting webinars sa mga financial institutions at other government institutions on the acceptance of the national ID na hindi nila hahanapan ng signature kasi ito ay isang digital ID na mas malakas ang authentication, mayroon siyang offline at online authentication.
Nagbibigay din po kami ng webinars na dini-describe iyon covered at overt features ng ating ID para makasigurado iyong ating mga relying parties na ito nga ay hindi pekeng ID. At the same time, asides from that sumulat din kami na isama sa listahan ng mga establishment ano, iyong listahan nila ng mga recognized ID iyong Phil ID at marami ng tumugon sa aming request na iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec., halimbawa naman daw po may nais na ipa-correct na pangalan sa naimprentang National ID, saan daw po sila maaring mag-request?
PSA ASEC. BAUTISTA: Tama po. Kapag po may kamalian sa inyong ID puwede po tayong mag-request para ito ay ma-correct at maisyuhan kayo uli ng panibagong ID. Kaya lang itong feature na ito ngayon ay hindi pa available sa aming mga registration centers.
Eventually, ito po ay magiging available sa aming mga fixed registration centers that will be located nationwide para po doon sa mga may maling nakalagay or kahit na hindi mali gusto mong magpa-update dahil ikaw ay nag-asawa na. Dati single ang nakalagay sa iyong marital status. Ito po ay magiging available sa mga fixed registration centers ng PSA nationwide beginning next year po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano po ang mga information na maibibigay ninyo ukol sa paparating naman na mobile ID?
PSA ASEC. BAUTISTA: Abangan po ng ating mga kliyente or mga Pilipino, lahat ng mga nagpa-rehistro, na kapag po pumasa na kayo sa PSA. Ibig sabihin, back end services, nag-register ka Step 1, Step 2, inaantay bago dumating ang iyong ID pag na generate na iyong PSN ay puwede ka na ring makapag-generate ng iyong mobile ID.
Pero, dito may kailangan ka, kailangang mayroon kang smart phone or a tablet para maka-generate ka. Kukunin mo iyong app sa Google play or store and then pag mayroon ka na ng mobile ID actually kahit wala ka ng physical ID ay makakapag-avail ka ng benefits, the same benefits, the same access na maa-avail kung ikaw ay may hawak na mobile ID.
Actually, ang National Phil-ID, iyong physical card. Ang maganda dito sa mobile ID, puwede mong i-limit iyong information na makikita kasi ipapakita mo iyon ano. Puwede mong i-limit ang information maitatago mo. May mga options kang ganoon at siyempre hindi ito mawawala huwag lang pag nawala iyong cellphone mo, iyon doon siya mawawala dahil nandoon siya.
Pero, hindi siya kagaya ng ID, physical ID na puwede mong mawala dahil nanakaw iyong bag. So, ito iyong isang proyekto that the PSA is working on and we hope to be able to launch it very soon. Ang target namin is early next year, early next year ay mayroon na tayong nitong mobile ID.
USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon at sa inyong panahon. Assistant Secretary Rose Bautista. Mabuhay po kayo ASec.
PSA ASEC. BAUTISTA: Maraming salamat USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayan tampok naming ngayon araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipag-tulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Mga kababayan, 72 days na lamang po at Pasko na. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita uli po tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #Laging Handa PH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center