Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (PTV – Tutok Erwin Tulfo)


Event Media Interview

TULFO: Magandang umaga, Secretary Roque, sir.

ROQUE: Magandang umaga, Pareng Erwin. At magandang umaga, Pilipinas.

TULFO: Yes, sir. Aba eh mukhang good news po ito ay palakpakan, iyon lamang problema natin dito, sigurado magkakatrapik-trapik ang Metro Manila dahil ang mga tao magsisilabasan na dahil Alert Level 3. Ano po ba ang mga pupuwede at hindi puwedeng gawin para malaman ng mga kababayan natin, sir, pati po ako, matandaan ko, Secretary?

ROQUE: Substantially po, 30% ng mga indoor dining, ng mga MICE o iyong mga meeting, pati iyong ating mga amusement ay pupuwede na pong magbukas ng 30% lamang, pero para sa bakunado ‘no, 50% po para sa lahat. Pero para mas accurate po ‘no, babasahin ko po isa-isa kung ano iyong mga 30 at 50%.

TULFO: Sige po. 

ROQUE: Unang-una po, iyong sinabi ko na nga po, iyong ating dine-in ay 30% po kapag bakunado, 50% kapag al fresco. Tapos po iyong MICE na tinatawag, ang ibig sabihin po ng MICE ay Meeting, Incentives, Conferences and Exhibition, 30% din po iyan. Iyong venues for social event gaya ng mga parties, wedding, reception [garbled]parties, 30% po iyan. Iyong visitor or tourist attraction, iyong mga amusement park or theme parks, iyong mga recreational venues, mga internet cafe’s, billiard halls, amusement arcades, bowling alley, skating rink, pati swimming pools, cinemas and movie houses at licensure or entrance qualifying examinations administered by the respective government agency ay magpapatuloy na rin po basta 30% po iyan, fully vaccinated individuals.

Sa ating mga religious gatherings, ganoon din po, 30% para sa fully vaccinated kung indoors at 50% kung outdoors. Tapos sinabi ko na nga po iyong dine-in at pati po iyong mga gyms ngayon, well, sabagay nabuksan naman talaga noong huling beses ay 30% po. So halos lahat na po ngayon magbubukas ng 30% for fully vaccinated individual.

TULFO: Ayun, narinig ko, sir, movie houses so pupuwede ng manood ng sine, sir, kung may sinehan na bukas?

ROQUE: Pero 30% po capacity, 30%.

TULFO: All right. Secretary, dito po muna tayo naman, dito sa bago na namang ipinalabas tungkol dito sa sinasabing mga green countries, sir. Hindi na po ba nadagdagan ng bansa ito? Kasi noong unang ina-announce ito noong isang araw, hindi po nabanggit na green countries, sinabi lang foreigners and balikbayans coming from overseas ay hindi na kailangang mag-quarantine, basta mayroong 72 hours na RT-PCR.

Pero nagbago po ito, ito nga at inilabas ninyo ito ngang mga nasa listahan. Ganoon pa rin po ba, sir, kapag galing ka sa—wala dito iyong country na pinanggalingan mo, for example US or Korea o Middle East ay five days pa rin, tapos ika’y mag-RT PCR on the 7th day paglabas ng resulta at saka ka palang papauwiin at tapusin mo ang iyong quarantine sa iyong bahay? Tama po ba?

ROQUE: Tama po iyan, basta hindi po green country, mayroon pa ring five days na quarantine; kapag green countries, 72 hours PCR bago po lumipad o pumasok ng bansa. So, mamayang hapon po isasapinal na naman natin kung ano iyong mga amendments sa mga green countries. So, tingnan lang po natin kung madadagdagan. Pero karaniwang nagtatanong po sa akin at napakadami ng nagtanong sa akin ay Amerika; ang Amerika po ay yellow country. So iyan po ay subject pa rin to five days of quarantine.

TULFO: Kasi napansin lang po dito, may mga nagti-text po sa amin—

ROQUE: Napuputol ka, Pareng Erwin.

TULFO: Tawagan naman kayo ulit, sir.

Secretary, sir, panghuling katanungan na lamang. Kasi may mga nagti-text po sa amin na mga OFW, sir. Sabi pong ganoon iyong listahan daw na green countries ng Pilipinas ay parang wala naman daw, wala namang mga Pilipino doon kagaya Comoros, Cameroon, mga Kiribati, Bhutan, Cook, Eritrea, hindi raw nila kilala ito, sir. Wala daw sila doon at saka itong Yemen?

ROQUE: Pasensiya ka na, natatawa din ako dito. Alam po ninyo, ganoon talaga iyon, may mga country na mababa na kaso ng COVID. So, (garbled) pero sa ngayon nga po, gaya ng sinasabi ko, halos lahat ng noong bansa na kung saan marami ang Pilipino ay yellow countries pa rin. So, iyan naman po ay subject lamang to five days quarantine. So, hindi na po masama iyong five days quarantine, at ito po ay dahil sa kagustuhan na rin ni Presidente.

Ang kuwento nito, noong tayo nga ay nanggaling nga sa New York, tinanong ni Presidente, “O ano gaano katagal ka sa quarantine?” Sabi ko, “Naku po, ten days, tapos ano pa, sa bahay pa four days.” Sabi niya, “Napakatagal ng ten days. Secretary Duque, pag-aralan nga kung paano mapapaiksi iyan.” Kaya po napaiksi iyan ng five days.

TULFO: May mga nagri-request, sir, kasi kung pupuwede bang iyong five days nga po dahil doon pa daw lalabas kung mayroong kang symptoms after five days, so tama lang daw iyong pag-a-RT-PCR. Pero ang request ng iba, pupuwede bang 24 hours iyong resulta, para six days ka lang sa hotel kung negative ka naman eh puwede ka nang pauwiin. Pupuwede raw po ba iyon?

ROQUE: Alam ninyo, halos lahat po ngayon is within 24 hours lumalabas na. So hindi na po uso iyong matagalang resulta. Sa dami po ngayon ng mga private laboratories, eh wala na po akong alam na lumalampas sa 24 hours. So, tama po kayo, pang-anim na araw na lang ngayon ang quarantine dahil lumalabas naman po within 24 hours after kunan ng specimen.

TULFO: Sir, matanong ko lang, nakapasyal ka na ba sa Tokelau at saka Tuvalu at Vanuatu? Ngayon ko lang po narinig ito, Sec eh. 

ROQUE: So, ibig sabihin po niyan ay talagang five days ang mga lugar na pinipirmihan ng mga Pilipino. Pero iyong mga lugar na iyan, narinig ko po iyan, kailangan kunin ko iyong mga botong iyan, ang hirap niyan, ang hirap makontak sila kasi iyong kanilang mga mission sa New York ay kakaunti ang mga tao nila. So talagang mahirap naman po talagang makontak iyong mga countries na iyan at aminado tayo walang masyadong Pilipinong nanggagaling diyan, pero ang basehan nga po natin ay binabase rin natin sa CDC ng Amerika at tinitingnan nila iyong average attack rate at two-week attack rate ng COVID.

TULFO: All right, Secretary Harry Roque, thank you po for having you with us this morning and for being a sport at napapatawa po namin kayo. Salamat po, Secretary Roque at magandang umaga po.

ROQUE: Maraming salamat po. Good day po.

 

END

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)