SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas. Usapin sa bakuna, estado ng pagninegosyo at ang patuloy na pagtugon ng gobyerno sa mga kababayan nating nangangailangan nang agarang atensiyon-medikal ang muli nating tatalakayin ngayong araw ng Biyernes.
Mula sa PCOO, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Magandang umaga sa iyo, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Makikiisa rin sa isang oras ng diskusyon ang mga kawani ng pamahalaan na handang sumagot sa tanong ng taumbayan, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Mga kababayan, simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Sa ating unang balita: Naglabas ng rekomendasyon ang World Health Organization ngayong linggo tungkol sa pagbibigay ng booster shot para sa mga nakatatanda at may comorbidities na fully vaccinated. Ayon naman kay Senador Bong Go, dapat muna itong busisiin ng mga eksperto sa bansa kung talagang kailangan at upang mapaghandaan ng pamahalaan. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
SEC. ANDANAR: Madadagdagan na naman ang mga bubuksang establisyimento sa pagbaba ng Metro Manila sa Alert Level No. 3. Para alamin ang mga guidelines sa ilang sektor na magbabalik-operasyon, makakasama natin si DTI Undersecretary Ireneo Vizmonte. Magandang umaga po sa inyo at welcome sa Laging Handa, Undersecretary.
DTI USEC. VIZMONTE: Magandang umaga naman Sec. Martin at magandang umaga po sa inyong mga tagapakinig at mga tagasubaybay.
SEC. ANDANAR: Usec., simula bukas pinapayagan nang magbukas ang mga sinehan sa ilalim ng Alert Level 3, ano po ang magiging guidelines ng DTI para dito?
DTI USEC. VIZMONTE: Tama po ‘yan. Ang mga cinema po ay pinapayagan na pong magbukas at ito po ay sa 30% capacity ano. At mahalaga pong malaman natin na ito pong—nabibilang ito sa mga indoor operation so kailangan po vaccinated po ‘yung mga patrons and customers dito; gayun din po ‘yung mga workers dito po sa mga nasabing business establishment, kailangan po sila ay bakunado na rin.
At isa po sa mga mahahalagang gusto nating ma-implement na guidelines dito ay iyong kailangan po talaga mayroong mga distance between mga manunood ano, kailangan po ito ay mapasunod:
- Dapat may maganda pong air exchange o ventilation dahil alam naman po natin ang mga sinehan ay mga saradong lugar kaya mahalaga po ang air exchange at ventilation.
- Tuluy-tuloy po ang pagsusuot ng face mask, hindi pupuwedeng tanggalin kaya pinagbabawal po ang pagkain. Hindi pa po tayo puwedeng mag-enjoy ng inyong mga popcorn at kailangan po tuluy-tuloy ang suot at hindi ho puwedeng tanggalin ang face mask habang nasa loob po tayo ng sinehan.
Iyan po ang ilan lamang sa mga mahahalagang guidelines po na gusto nating ipatupad sa pagbubukas po ng mga cinemas.
SEC. ANDANAR: Usec., ilan po ang estimate ninyong magbubukas na sinehan dito sa Metro Manila since iyong iba kasi ay ginagamit na vaccination sites?
DTI USEC. VIZMONTE: Oho. Nakita po natin na hindi naman ganoon karami ‘yung ginagamit na vaccination site ano. Batay po doon sa aming mga na-survey, iyon pong mga mall particularly ay ginagamit po ‘yung parang mga vacant spaces po, not necessarily ‘yung sinehan para po dito. Pero mayroon pong mangilan-ngilan na nagagamit po ‘yung sinehan nila for vaccination.
Pero nakikita po natin na hindi po naman agad-agad na magbubukas ‘yung mga sinehan dahil mayroon po silang gagawing paghahanda para nga po maging naaayon ‘yung kanilang pagbubukas sa guidelines na inu-observe po natin dito po sa kanilang muling pagbubukas ng mga sinehan.
SEC. ANDANAR: Isa rin sa pinapayagan nang magbukas ang ilang recreational venues gaya ng internet cafes, amusement arcades, maging mga swimming pool. May specific guidelines na rin po ba tayo sa mga owners ng mga establishments na ito?
DTI USEC. VIZMONTE: Sec. Martin, tulad po noong nabanggit ko kanina, ‘yun pong dapat vaccinated lamang po ang puwedeng papasukin dito na mga customers. Iyan po ay io-observe din po dito sa mga nabanggit natin na ‘yung mga recreational venues at ang mga workers ganoon din po, kailangan fully vaccinated po sila. At sa Alert Level 3 po, ito po ay bukas po sila at 30% sa indoor at doon naman po sa mga recreational na outdoor ay 50% po sila.
Marami po tayong mga particular guidelines para po dito pero ito pong mga guidelines na po ito ay naaayon din po sa physical distancing, iyong pagkakaroon po ng mga safety officer dito po sa mga establishment na ito or safety—or ito po ‘yung nagbabantay na sinisigurado po nila na iyong mga tao, iyong mga customers ay sumusunod po sa pagsusuot ng face at kung kailangan pong face shield at iyon pong physical distancing ay nau-observe sa bawat venue po kung saan pinapayagan nang magbukas.
SEC. ANDANAR: Usec., ilang businesses po ang inaasahang magbubukas sa ilalim ng Alert Level 3 at ilan din po ang workforce na magbabalik-trabaho na?
DTI USEC. VIZMONTE: Marami-rami po ‘yan ano. Sec. Martin, halos lahat po ay napapayagan nang magbukas maliban lamang po doon sa mga nasa negative list po natin na mga negosyo tulad po noong mga bars and mga karaoke at mga kid amusement – ‘yan na lamang po ‘yung mga natitirang estaglisyimento na hindi pinapayagan. So halos mataas na porsiyento na po ang talagang makapagbubukas sa Alert Level 3.
At ganoon din po, ang mga workers po natin ay nakikita po natin na marami-rami rin po ‘yung mapapayagan na ngayon, siguro po mga 200 to 300 million ang makakapasok na po dahil dito po sa dagdag na pagbubukas sa mga business establishments.
SEC. ANDANAR: Sa usapin naman po ng loan programs, tama po bang may iaalok na programa ang SB Corp para sa mga MSMEs na mahihirapang magbigay ng 13th month pay para sa kanilang mga employee at paano po ang kalakaran dito?
DTI USEC. VIZMONTE: Ah, ganito po. Puwede po ‘yan doon sa mga pautang na nakalaan po sa ating mga MSMEs. One, doon sa CARES program na tinatawag na ito po ay nakasaad po sa Bayanihan na pinapautang po natin ‘yung amount na ibinigay po thru the Bayanihan 2. Mayroon po tayong amount na nakalagay po diyan na puwede pong i-access at no interest.
At mayroon po tayong mga programa na ang tawag po natin ‘yung P3 – Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso – ito naman po ay mga pautang na ipinadadaan po natin sa mga financing institution ano. So iyon pong nabanggit ninyo na pangangailangan sa mga pampasuweldo o pambigay sa bonus, puwede pong gamitin ito kung saka-sakaling kailangan po ng ating mga MSMEs.
SEC. ANDANAR: Nasa magkano po kaya ang ilalaang pondo at ilan po ang target beneficiaries, Undersecretary?
DTI USEC. VIZMONTE: Ito pong mga P3 po natin ay marami pong maku-cover ito, pero sa ngayon po ay mayroon po tayong mga amount na available dito sa—dito po sa CARES Program, mayroon po tayong mga natitira pang mga halagang hanggang dalawang bilyon na magiging available po sa ating mga MSME. At iyon naman pong P3 ay ongoing po ito, at marami po tayong tina-target dito na mabibigyan.
Pandagdag po rito ay mayroon din pong programa ang DTI, iyong livelihood seeding program kung saan mayroon po tayong puwedeng magbigay ng five to eight thousand starter kit para po doon sa mga gustong magsimula. At ito po ay hindi lamang doon sa mga under normal circumstances, puwede rin po iyang ibigay doon sa mga tao, mga kababayan po natin na naapektuhan ng bagyo o kaya’y nasalanta o nasunugan para makapagsimula po not necessarily borrowing from the banks but dito po sa five to eight thousand na starter kit ay puwede silang makapagsimula muli ng kanilang hanapbuhay.
SEC. ANDANAR: Pinaplano po ng pamahalaan na magtayo ng One Oxygen Command Center sa mga rehiyon sa bansa dahil sa problema nga sa supply nito sa mga ospital, paano po ang magiging sistema at ang magiging role ng DTI dito, Undersecretary?
DTI USEC. VIZMONTE: Tama po iyan, pinag-aaralan na po iyong One Oxygen Command. So sa ngayon ay konsepto po ito. At kapag naipatupad po ito ay gusto po sana natin na magkaroon ng mga One Oxygen Command hindi lamang nationally, puwede na rin makapag-setup po nito sa mga regional offices, regional centers.
Ito po ay sa pamamagitan po ng DTI at saka DOH dahil right now po, mayroon tayong tinatawag na oxygen task force na ang chair po … ay co-chaired by the Department of Trade and Industry para po magkaroon tayo ng supply and demand situationer; at ang DOH naman po ay para ma-locate po natin kung saan po talaga iyong demand at kung saan ilalagay at saan may pagkukulang. Sila po ang mga ahensiya na nagtutulung-tulong para po talaga makarating po ang mga oxygen supply sa tamang lugar, sa tamang panahon.
SEC. ANDANAR: May target date na po ba tayo? Kailan po ito posibleng simulan; sa ngayon po, kumusta na po ang estado naman ng supply ng medical-grade na oxygen sa bansa?
DTI USEC. VIZMONTE: Nakikita po natin na mayroon namang coordination na nangyayari sa pamamagitan po ng DOH at DTI. Tuluy-tuloy po iyan ano, na masiguro po na through the task force ng oxygen na talaga pong mayroon tayong karampatang koordinasyon doon po sa mga suppliers po, nasa supply chain ng oxygen pati na rin po iyong mga government offices natin na in-charge ng moving these goods from one place to another.
So mayroon na po tayo ngayong in place. Pero malaking tulong po kapag nai-setup po natin itong One Oxygen Command para po talaga mas maging efficient ang pagpapadala ng mga oxygen sa mga regions at sa mga ospital.
So wala pa po akong ideya kung kailan ito masisimulan, but meanwhile, tuluy-tuloy po ang ating effort para masiguro na ang oxygen po ay sapat iyong ginagawa natin ngayon sa production side at nakakarating po ito sa mga ospital at sa mga lugar na kailangan ito, even doon sa atin pong mga tindahan sa tamang panahon po.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa pagsama sa amin ngayong umaga, DTI Undersecretary Ireneo Vizmonte. Mabuhay po kayo, sir!
DTI USEC. VIZMONTE: Mabuhay din po kayo, Sec. Martin, at maraming salamat din po sa pagkakataon at sa lahat po ng tagapakinig po natin, magandang umaga po sa ating lahat.
SEC. ANDANAR: Samantala, hanggang dito na lang muna ang ating pagsama sa talakayan ngayong linggo, kita-kita po ulit tayo next week. Go ahead, Usec. Rocky Ignacio!
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Sec. Martin.
Samantala, ngayong araw na po magsisimula ang pagbabakuna para sa mga edad labindalawa (12) hanggang labimpito (17) sa ilang mga piling ospital sa bansa. Uunahing bakunahan sa mga nabanggit na edad ang mga may comorbidity na kabataan gamit ang mga bakunang Pfizer at Moderna. Nakatutok sa ceremonial vaccination sa National Children’s Hospital dito sa Quezon City si Mark Fetalco:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong ulat, Mark Fetalco.
Kaugnay diyan ay makikibalita rin tayo sa magiging takbo ng bakunahan sa mga designated hospital sa Metro Manila sa mga susunod pang araw. Makakausap po natin sa puntong ito si Dr. Gloria Balboa, ang Director ng NCR Center for Health Development. Magandang umaga po, Dok!
DOH-NCR DIRECTOR DR. BALBOA: Magandang umaga rin sa inyo at sa lahat po ng mga nakikinig sa ating programa.
USEC. IGNACIO: Opo. Dok, simula nga po ngayong araw iyong pagbabakuna sa mga bata. Pero ngayong araw, tama po ba, na 15 to 17 years old lang muna ang binakunahan; at kailan po naman puwedeng magpabakuna ang mga 12 to 14 years old?
DOH-NCR DIRECTOR DR. BALBOA: Okay. Actually, iyon nga iyong priority pero kung nandiyan naman na rin iyong mga iba kasi siyempre kung nakapila na ay binibigyan na rin. So kina-categorize lang natin ano, like for example, may master list kasi sila so ayaw naman nating magkaroon ng crowding dito sa ating mga vaccination sites.
So para lang hindi ganoon na magdagsaan, ang kina-categorize muna ay 15 to 17 muna tapos… pero kung konti iyong dumating, then mayroon naman iyong lower age, pupuwede rin po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok, ilan po iyong target na ma-accommodate para ngayong araw?
DOH-NCR DIRECTOR DR. BALBOA: Iyong ngayon kasing araw na ito, ano ito—kasi like, for example, sa NCH, galing kami doon, may naka-register na doon na 200. Pero depende nga doon sa tagal nung siyempre iyong proseso nila, so kung ilan iyong matatapos today, iyon po iyong tatapusin nila. Hopefully, matapos iyong 200 na nakarehistro.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok, so far, nasa ilang bakuna po iyong allotted para sa pagbabakuna sa mga bata sa Metro Manila? Dadagdagan pa po ba ang ospital na ito in the coming weeks?
DOH-NCR DIRECTOR DR. BALBOA: Ganito, for this week, there are eight na hospitals ‘no and they were given yong 1,170 doses bawat isa dito. Ngayon, kapag kukulangin pa iyon eh ‘di bibigyan pa rin. Tapos, next week naman ay mayroon tayo dito sa Metro Manila na one per LGU na hospital and mayroon din na ibang private hospital na nag-volunteer din, so, isasama na rin po naitn iyan but just the same comorbidities din po itong mga batang ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, saan po ba nagbase ng listahan, ito po ba ay galing lamang sa mga ospital o may naisama na rin po doon sa mga nagpalista sa kani-kanilang mga LGU?
DOH-NCR DIRECTOR DR. BALBOA: Iyong itong week na ito, iyon munang mga pasyente nitong mga hospitals na ito. Kung napansin ninyo, mga children’s hospital ito, so, ito iyong mga medyo mas marami na mga pasyenteng mga bata na may comorbidities kaya sila po iyong na-prioritize at mayroong mga private hospitals, so hindi lang government na kinonsider din po natin kasi marami din silang pasyenteng mga bata na nandoon.
Ngayon, iyong para naman sa next week kasi io-open na nga sa lahat ng LGUs pero since spacing po kaya namili po tayo ng isang—iyong LGU actually ang namili ng kanilang hospital na kung saan doon naman [garbled] hindi lang iyong pasyente na doon sa ospital na iyon pero puwedeng pasyente sa iba basta’t lang mayroong mga requirement [garbled] birth certificate, ating mga consent, IDs, at saka iyong [garbled]. So, puwdeng hindi lang doon sa ospital na iyon, this is the second week, puwedeng galing sa ibang hospital pero with comorbidities and with all the documents na [garbled].
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, ibig sabihin sa ngayon po bawal po ba ang walk-in pero next week po kapag nandiyan na iyong LGU, papayagan po ba ang magkaroon ng walk-in?
DOH-NCR DIRECTOR DR. BALBOA: Yes, yes. In short, iyan po iyon. Okay.
USEC. IGNACIO: Opo. So, papayagan po kapag next week puwede pong mag-walk-in—
DOH-NCR DIRECTOR DR. BALBOA: Sa Next week—
USEC. IGNACIO: —kapag may LGU na po.
DOH-NCR DIRECTOR DR. BALBOA: Yes po.
USEC. IGNACIO: Opo. May mga last minute preparations pa po ba na inilalapit sa inyo ang ilang mga ospital na magsasagawa ng pagbabakuna?
DOH-NCR DIRECTOR DR. BALBOA: Iyong itong sa week na ito, iyong walo ay na-inspect na po lahat iyan. Kahapon at saka noong isang araw nagkaroon pa nga ng simulation exercise no kasi kailangan natin makita na iyong buong proseso na parang i-simulate natin para makita natin kung anong puwedeng mga gap, mga pagkukulang pa and then iyong mga iba naman binisita naman po natin.
Of course, we have to look at the site kung iyon capacity; iyong mga [garbled] in place; at saka iyong ventilation, ganiyan; iyong manpower, enough ba ho ba iyong manpower, iyong mga magbabakuna kasi mayroong depende sa kapasidad noong vaccination site, mayroong required number of vaccination team. Nandoon iyong logistics, siyempre iyong bakuna kailangan nandiyan, iyong mga collateral, syringes and very important iyong ating cold storage kasi Pfizer po itong ginagamit natin na bakuna, so, alam natin sensitive ito sa temperature change ‘no.
So, kailangan mayroon silang [garbled] and then iyong entire cold chain management is in place and then kaya nga po nilagay sa mga ospital because iyon nga, dahil ang mga batang ito may comorbidities, iyong possibility na magkaroon ito ng mga komplikasyon or any untoward incident, ay nasa ospital na sila, available iyong mga emergency equipment, ang mga procedures na [garbled] at nandoon po ang mga espesyalista natin kaya po natin ginawa sa mga ospital.
Ngayon, iyong second week, iyon po bibisitahin din po namin lahat po ng mga na-identify na mga hospitals para makita na lahat ho ito ay in place kasi ayaw ho natin magkaroon ng aberya para smooth sailing po itong ating pagbabakuna sa ating mga bata.
USEC. IGNACIO: Kailan naman daw po magsisimula iyong pagbabakuna para naman po sa mga healthy kids?
DOH-NCR DIRECTOR DR. BALBOA: Tingnan po natin after itong two-week na ito kasi after po ng two weeks kasi dito nga sa NCR ang pilot io-open na po sa mga ibang rehiyon iyong mga naka-meet naman ng 50% nang nabakunahan sa mga senior citizens nila kasi siyempre may mga priority pa rin ho tayo, itong ating mga senior citizens, may mga ibang adults na may comorbidities. So, titignan po natin as we go along kung maio-pen na doon sa general na walang comorbidities.
So, kaya nga ho phasing kasi we will have to look at ano iyong mga mangyayari [garbled] natin plus of course, iyong availability ng ating bakuna, we have to [garbled] na talagang nandiyan na, marami, para hindi ho tayo magkaroon ng problema pa.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc Gloria, ano na po ang paalala ninyo naman para sa mga kasamang magulang ng mga magpapabakuna? Anu-ano iyong mga dapat nilang ihanda bago pumunta sa ospital?
DOH-NCR DIRECTOR DR. BALBOA: Opo. Unang-una po, kami’y nagpapasalamat sa ating mga magulang na willing po na pabakunahan ang kanilang mga anak. So kailangan bago ho pumunta sa ating mga vaccination site mayroon na ho kayong nakuhang medical certificate ng inyong mga anak ‘no kung ano iyong kanilang comorbidity at may clearance na puwedeng bakunahan.
Tapos, kailangang ihanda iyong—mayroon kasing consent form na pipirmahan ang ating mga magulang. Tapos magdala rin sila ng IDs and then iyong bata kung medyo nakakaintindi na, mayroon din siyang pinipirmahan na assent form ‘no pero iyong mas maliliit na bata kasi kahit hindi naman mandatory iyon, iyon lang mga nakakaintindi ang pipirma
Plus, siyempre kapag pupunta sa bakunahan kailangan kuwan naman, nakakain hindi iyong gutom at talagang ano ito para—kasi nakakadagdag din iyon kapag gutom, magpapabakuna baka magkaroon ng aberya iisipin dahil sa bakuna, iyon pala gutom lang iyong bata or even iyong mga magulang. So, kailangan ihanda rin talaga ang kanilang mga sarili nang sa ganoon ay hindi magkaroon ng problema po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, huwag naman sana pero sakaling magkaroon ng side effect ang bakuna sa mga bata, ano po ang magiging proseso?
DOH-NCR DIRECTOR DR. BALBOA: Okay. Ito nga po kasi since nandoon naman sa hospital, so, they will be treated properly ‘no. Mayroon tayong mga emergency medicines diyan, espesyalista, mga equipment, [garbled] mismo na doon sa hospital. So, doon maibibigay na iyong kaukulang lunas or kung anumang [garbled] management sa kanila.
And siyempre, [garbled] baka mga iba [garbled] ano, may PhilHealth naman po tayo dito sa ating mga ospital and since ito naman ay proyekt0 ng gobyerno at ito ay para sa pangkalahatan ay ibibigay po lahat iyong kung anuman ang kailangan ng ating mga pasyente kasi parte ito ng adverse effects following immunization kung talagang makikita nga it’s really because of the immunization na nabigay.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, paano ninyo na lang po mahihikayat ang mga magulang na ipa-register na rin iyong kanilang mga anak para po magpabakuna laban sa COVID-19?
DOH-NCR DIRECTOR DR. BALBOA: Opo. Nananawagan po kami sa ating mga kababayan, sa ating mga magulang na sana nga po ipabakuna na ang kanilang mga anak, 12-17 years old kasi nagkakaroon din ho talaga ng kaso sa ating mga kabataan kahit pa nga kaunti lang iyan pero kaunti man ay may epekto rin sa ating pangkalahatang ano ito – itong fight against COVID-19.
So, babakunahan po sila at mayroon naman ho tayong mga hospitals, mga health facilities, mga doktor na pupuwede pong tumulong at makapagbigay talaga ng tamang mga payo kung paano po ang gagawin lalo na nga po kung kayo ay may agam-agam, kung papabakunahan man o hindi eh kaikangan pong komunsulta po tayo doon sa mga tama pong mga health workers para mabigyan ng tamang advice po.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagpapaunlak sa aming programa, Dr. Gloria Balboa, Director ng NCR Center for Health Development. Mabuhay po kayo!
DOH-NCR DIRECTOR DR. BALBOA: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa.
Base po sa report ng Department of Health, as of 4:40 PM, October 14, 2021:
- Umakyat na sa 2,698,232 ang ating total COVID cases matapos itong madagdagan ng 7,835 kahapon
- 154 naman po ang mga nadagdag na nasawi,
- kaya umabot na sa 40,221 ang total COVID-19 deaths.
- Patuloy naman ang pag-recover sa mga tinatamaan ng sakit na umakyat na sa 2,573,161 matapos itong madagdagan ng 5,317 new recoveries.
- Ang active cases natin sa kasalukuyan ay 84,850 na lamang po or 3.1% ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa bansa.
At para muling makibalita sa operasyon ng One Hospital Command Center sa nakalipas na linggo, muli nating makakausap si Dr. Marylaine Padlan, Medical Officer III ng One Hospital Command Center. Welcome back po, Doc.
- PADLAN: Hello po, magandang tanghali po USec. Rocky at magandang tanghali po sa lahat ng nanunood po.
USEC. IGNACIO: Doc, dahil ngayon po iyong patuloy na nga na pagbaba ng cases dito sa Metro Manila simula bukas ay ibababa na po sa alert level 3, pero sa bahagi po ng One Hospital Command Center, kumusta po ang naging operasyon ninyo this week? Ito po ba ay reflective naman ng papagandang sitwasyon na sa National Capital Region?
- PADLAN: okay po. So noong nakaraang linggo po, noong October ‘no, same pa rin po iyong trends namin, iyong request na nari-receive po namin per day, still play or still ranges between 200 to 300 ‘no, most of them still comes from NCR ‘no.
But compared to our surge last August and September, definitely ‘no talagang bumaba iyong ating mga number ng kaso.
So, in terms naman po kung reflective po ito, iyong alert level system natin sa data that we have, mahirap po sabihin iyon ‘no because iyong calls naman po namin kasi, hindi naman siya purely galing sa NCR. We still receive calls from different provinces, from different regions. While iyong alert level system natin, was only implemented naman po sa NCR lang.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, kung kayo po iyong Tatanungin sa parte po ng One Hospital Command, ano po ang assessment ninyo dito sa isang buwang pilot implementation ng alert level system sa Metro Manila?
- PADLAN: In terms po sa implementation dito sa NCR nakatulong po siya, dahil na-control iyong mga cases natin sa ground na po; nakita naman po natin bumababa iyong daily cases natin. So, mas kumonti iyong nagri-require ng isolation facilities o ng hospitalization. But in our perspective na mahirap pong maging kampante, we still to be careful, because iyong pag-change ng ating alert level system, means people will become more mobile. So kailangan natin na panatilihin pa rin iyong ating mga health protocols. We will still follow out health protocols and minimum health standards po, para maiwasan na natin iyong pag-akyat ulit ng mga kaso natin po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, bagama’t may pagbaba na nga po ng cases dito sa Metro Manila. Sabi nga po ninyo may kahirapan pa rin sa pag-admit ng mga cases sa mga health facilities. Pero paano po natin maikukumpara iyong bilis ng pag-refer ng One Hospital Command doon sa mga nasa waiting list, nito pong kasagsagang surge sa ngayon?
- PADLAN: Kung ikukumpara po natin noong surge last August and September, ‘di hamak po noon na since noong last week of September and the start of October, mas mabilis and mas madami na po kaming nari-refer sa mga hospital ngayon. Nakatulong din po iyong pagbaba ng case ‘no lalo na po dito sa NCR po.
USEC. IGNACIO: Opo. Nababanggit lang ng ilang ospital po na kaya hindi sila makatanggap ng mga bagong pasyente ay dahil sa kakulangan ng medical supplies gaya po ng oxygen. Iyan din po ba ang nagiging challenge ninyo sa pagri-refer sa One Hospital Command Center?
- PADLAN: Iyong lack of supplies po natin pati iyong oxygen, they are part of the challenge that we face really and DOH continuously responds naman po sa demands ng ating mga hospitals po ‘no.
Nagkakaroon lang po talaga ng kahirapan, dahil nga most of the cases na ngayon na halos nari-receive po namin, dahil bumaba na po iyong surge is usually mga severe or critical patients. So they really require tertiary care or specialized care or multi-specialized care na po ‘no. Kaya ito rin po iyong isa sa mga challenges na kinakaharap din namin.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, nabanggit po ninyo sa amin na karamihan sa mga pasyenteng tumatawag sa One Hospital Command Center ay may financial difficulty. Kaya nairi-refer po sa mga government-owned hospital. So paano po kung walang available na government hospital na malapit sa client, ano po ang ginagawa ng One Hospital Command Center?
- PADLAN: Kapag nakaka-receive po kami ng call from a patient or from a client with financial difficulty and requiring hospital management. We still look po, ang unang step namin is look for an LGU owned hospital or government- owned or DOH-owned hospitals within the vicinity of the patient.
Kung ang kaso po ng patient ay moderate, puwede pa po kaming makapaghanap ng ibang hospital na may medyo mas malayo pa sa patient as long as amenable iyong patient with the distance. If ang patient ay critical, severe or critical and needs immediate hospital assessment, hospital management, we offer to the patient, to the client to bring them to a private hospital and we offer assistance and help na rin po sa mga patients natin for the financial aid. Mayroon din naman tayong mga different agencies that can help them when they are being managed in the hospital po such us iyong PCSO and Malasakit naman po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, binagyo kamakailan ang Northern Luzon, wala naman po bang naging problema sa operasyon natin doon? Hindi rin po ba naapektuhan itong mga ospital para mahirapan kayong magpa-admit ng mga bagong pasyente?
- PADLAN: Base po sa report ng ating mga regional OHCC, tuluy-tuloy naman po iyong pag-admit ng ating mga ospital doon sa Northern Luzon. Nagkakaroon lang po ng kahirapan as communication was affected and iyong pag-transfer po ng ating mga patients, naging affected din po, dahil naging mahirap because of the landslide, because of the rain ‘no. Nahihirapang mag-mobilize iyong ating mga ambulance po. But nonetheless, continue pa rin naman po iyong pag-mobilize sa ating mga transportation and pag-accept po ng mga hospitals po natin sa Northern Luzon po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, marami pa rin bang tumatawag sa One Hospital Command Center na hindi COVID-related concern o kumusta rin po iyong referral status sa kanila?
- PADLAN: Yes po, ‘no. Mayroon pa rin kaming natatanggap na mga non-COVID concerns lalong-lalo na noong bumaba na iyong mga cases natin na mga COVID cases, mas dumami po iyong mga concerns na mostly related sa mga chronic diseases, such as cancer, kidney diseases po ‘no.
So nagiging challenges po namin sa kanila is that—napari-refer naman po namin, hindi naman po tumitigil ang mga ospital sa pagtanggap ng mga non-COVID cases natin ‘no. Pero ang nagiging parang challenge lang namin is hospitals also do require the RT-PCR status or the COVID status whether its antigen are RT-PCR status of our patients as it will also help the hospital determine kung saan po ilalagay sa clean ward po ba, sa COVID ward po ba nila. And it also a mean ‘no for the patients to be protected as well, lalo na itong mga may chronic diseases, sila iyong mas prone na magkaroon ng severe conditions kapag naapektuhan ng COVID. So iyon po iyong parang nagiging challenge namin, kasi nagkakaroon na ng katagalan dahil kailangan pang i-determine iyong COVID status ng mga patients po natin na non-COVID iyong concerns po.
USEC. IGNACIO: Doc. Marylaine, kunin ko lang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan.
- PADLAN: Ayan po, so para sa ating mga kababayan ‘no lalo na iyong mga nasa NCR, kahit Alert Level 3 na po tayo, continue pa rin po natin ang pagsuot ng mask, paghugas ng kamay, ang pag-social distancing. And still ‘no kahit marami na pong nagbubukas na mga malls, mga establishments, kung puwede namang hindi lumabas ng bahay, let’s just stay at home in order to protect ourselves and protect our family.
And again if you have any questions/queries regarding COVID-19, you have concerns, nagkaroon ng pagkakataon that you need assistance.
If you need assistance regarding whether it’s COVID-19 or non-COVID-19, whether for isolation or hospital management, do not hesitate no to contact our lines po, dito sa One Hospital Command Center po.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon at impormasyon Dr. Marylaine Padlan, ng One Hospital Command Center. Stay safe po.
- PADLAN: Thank you po USec. Rocky, stay safe po and happy weekend po!
USEC. IGNACIO: Aabot naman sa 600 na pamilya sa Tagum City ang hinatiran ng ayuda ng team ni Sen. Bong Go; ang mga ahensiya ng pamahalaan, namahagi rin ng tulong para sa mga piling benepisyaryo. Panoorin po natin ito:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Agad namang nagparating ng tulong ang Department of Agriculture para sa mga kababayan nating magsasaka na naapektuhan ng Bagyong Maring kamakailan. Para sa detalye may report si Phoebe Kate Valdez ng PTV Cordillera.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Sa Davao City naman, naghahanda na ang lokal na pamahalaan para sa karagdagang vaccination sites sa pagsasagawa ng Bakuna Nights sa lungsod. Sa detalye may report si Hannah Salcedo:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Sa kabi-kabilang kalamidad na nararanasan ng bansa na kalimitang nakakaapekto sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda, kailangan talaga ng isang epektibong sistema para mabigyan ng agarang tulong ang ating agricultural frontliners. Iyan po ang aalamin natin bukas mula mismo sa Department of Agriculture, abangan iyan sa Ani at Kita.
At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw, ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Mga kababayan 71 days na lamang po at Pasko na.
Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Under Secretary Rocky Ignacio, magkita-kita po uli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center