Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Ibinaba na sa Alert Level 3 ang Metro Manila simula ngayong araw. Bagama’t mas maraming establisyimento ang magbubukas lalo ngayong payday weekend, mahigpit pa ring ipatutupad ang minimum health protocols sa buong rehiyon, iyan at usaping pang-agrikultura ang ating hihimayin ngayong araw ng Sabado.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Para po masigurong hindi maantala ang benepisyo ng mga health care frontliners habang patuloy ang pandemya, iba’t ibang mga panukalang batas ang isinusulong ni Senator Go para maisakatuparan ito kabilang na dito ang Senate bills 2398 at 2124. Panoorin natin ito para sa detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Ano nga ba ang naging pulso ng Metro Manila mayors sa pagbaba ng NCR sa Alert Level 3 at kukumustahin din natin ang mga unang oras ng pagpapatupad nito sa Kalakhang Maynila, kasama po natin si MMDA Chairman Benhur Abalos. Magandang umaga po, Chair Abalos!

MMDA CHAIR ABALOS: Magandang umaga Usec. Rocky at sa lahat po ng mga nakikinig at nanunood, magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, so far kumusta po ‘yung implementasyon nitong Alert Level 3 sa Metro Manila ngayong umaga?

MMDA CHAIR ABALOS: Well, maayos naman po ‘no, organisado naman. Ito’y inuobserbahan po natin ngayon dahil ‘yung mga paghihigpit ay nakatutok pa rin tayo lalo na sa mga kaso at of course ‘yung mga naka-mask ‘no, iyong mga minimum health protocols ‘no. Napakaimportante po nito.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, magkakaroon po ba ng unified guidelines ang lahat ng bayan dito sa Metro Manila para po matiyak na nakasusunod sa protocols ang mga binuksang business establishment lalo na po at baka po dagsain ngayon ‘yung mga malls dahil payday weekend?

MMDA CHAIR ABALOS: Well ganito po ‘yan ano, ang treatment natin sa Metro Manila hindi po tayo kaniya-kaniya ‘no, napagkasunduan po ng mga mayors ng Metro Manila na maski na sa klasipikasyon ng mga pilot noong araw na kung dati kung tutuusin mo ay it could be Alert 4 sa iba, Alert 3 sa iba – mas minabuti naming iisang alert lamang ang buong NCR sapagkat we have very porous borders. Ibig sabihin nasa kabilang city ka kaagad wala pang limang minuto, tabi-tabi tayo.

At nakita naman naming mas mabuti ito kung kaya’t lahat ng mga ordinansiya, lahat pati curfew, pati sa Undas, itong mga major policies ay iisa na lamang ang polisiya po rito as far as major policies are concerned, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Basahin ko lang po itong tanong ni Kris Jose ng Remate: Reaksiyon po daw sa sinabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na wala raw pong naging pag-uusap o ‘di umano’y pagpupulong na naganap sa pagitan ng Metro Manila mayors at ng IATF hinggil po sa bagong alert level kaya ang ibang mayor daw po ay nagtatanong at pinag-aaralang mabuti kung paano ligtas na maipatutupad ang bagong alert level system habang sinabi naman po ni Navotas Mayor Toby Tiangco na hindi daw po nila inirirekomenda ‘di umano ang pagpapaluwag sa restriction. Totoo po ba ito?

MMDA CHAIR ABALOS: Well, ganito po masasabi ko lang ukol dito ‘no, kasi baka mamaya mayroong mga tinatawag tayong mga misinterpretations ‘no na mga nasabi. Number one, nagkakaisa ang mga mayors as always in major policies. Number two, nagkaroon po kami ng pagpupulong dito last Sunday kasama po ang Department of Health – sila po ang pagpresenta tungkol sa sitwasyon po ngayon sa Metro Manila ‘no. Prinesenta nila, pinakita nila sa mga mayors ‘no tungkol po rito at open po sila sa katanungan. At sinabi nga ni—if I’m not mistaken, it was Dr. Alethea who was there, in-explain niya maigi kung bakit tayo bababa sa alert level ‘no at she was open to any questions ‘no.

At of course, I would like to point out lang po na pagdating sa pagbababa ng alert level, ayon sa pilot po natin na kondisyon, iisang ahensiya lamang ang magdi-determine dito – hindi po ang mga mayors ‘no, hindi po kung sinuman, even DTI.

Ayon sa kondisyon, it is only the Department of Health ‘no. Maaari kukuha siya ng feedback ‘no at mayroon siyang metrics pero Department of Health lang. Iyon ang pagkakataong magbigay ng mga suhestiyon, kung anong mga komento ‘no.

So inuulit ko ‘no: Ang mga mayors as always ay nagkakaisa and under the condition of the alert level, ang DOH po – sapagkat sila po ang may epidemiologist, sila ang may algorithm group ‘no, sila po ang eksperto pagdating sa kalusugan, kaya ang napag-usapan namin before ay we always defer to the wisdom of the IATF pagdating po rito; ganoon po ang nangyari.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Chair, nangyari na rin po before itong hindi raw pagkakakonsulta sa Metro Manila mayors about pagpapalit ng classification ng rehiyon. Wala ho bang standard process na maaari nang sundin para hindi nagkakabiglaan kapag nag-aanunsiyo ng bagong quarantine o alert level status, Chair?

MMDA CHAIR ABALOS: Well not under my time ‘no. Wala akong nari-recall, Usec. Rocky ‘no, under my time; hindi ko lang alam noong wala pa ako sa MMDA.

Pero ang proseso kasi nito ay of course bago dumating iyong araw na iyon ay nag-uusap-usap kami and what we do, we ask DOH to present their findings. Pero napakaimportante kasi rito is we always vote as one, we act as one ‘no. At kung ano—kamuka niyan mamaya siguro mapag-uusapan natin iyong mga ibang ordinansa kamukha nitong curfew, mga alert levels ‘no—or not even alert levels, pagpalagay na natin even mga sementeryo ‘no, mga majors policies – we always decide on that ‘no.

Pero kung nakikita naming very extreme, I think there was that one case… one case na very extreme talaga ang nangyari na talagang iyon, nagpulong kaming mga mayors at kami na ang nauna sa IATF para mag-suggest ‘no. I would like to ano, para mag-suggest na i-ECQ ang Metro Manila at iyon ‘yung panahon na papasok ang Delta variant sa Metro Manila. Noong nakita naming nagtriple kaagad ito, agad-agad ang mga Metro Manila mayors ay nagbotohan na i-suggest sa IATF na unahan na ang Delta bago tumaas ‘no.

At kami ay sinang-ayunan ng mga negosyante rito kaya nagkaroon tayo ng ECQ, kaya nasapol natin iyong Delta. Kung tumaas man, nahuli kaagad natin sa ulo eh. That was the time, that was the only time na panahon ko na nakita kong talagang ang Metro Manila mayors ay nakaisa, and I brought that to the attention of the IATF.

Kasi ganito iyan, Usec. Rocky, under the IATF, pagdating sa mga COVID responses, hindi puwedeng gumalaw ang any LGU kung hindi approved ito ng IATF, otherwise, sa buong bansa magkakagulu-gulo tayo; sana maunawaan po ng mga nakikinig ngayon dito. Kung kaya’t importante sa lahat kung anuman ang kuru-kuro, idaan mo sa IATF, let them decide ‘no; at iyon ang sinusunod naming proseso sa Metro Manila.

Ang sinunod namin, ang prosesong sinasabi ng batas because we must respect the authorities at bago naman namin gawin iyon, nag-uusap-usap kami at inu-open po namin ito; pero pagdating sa alert level, kamukha nang nabanggit ko kanina, ang kondisyon ng pilot testing na ito ay iisa lamang – it’s only the DOH who will be the one to determine kung anong alert level po kayo, basta isipin natin, hanggang ngayon ay pilot pa rin po ito, ibig sabihin, eksperimento; pina-fine-tune po ito ng IATF.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, mula naman po kay Red Mendoza ng Manila Times, ito po ang tanong niya sa inyo: Ano po ang inyong masasabi sa mga agam-agam ng mga health expert na ang pagluluwag sa Alert Level 3 ay posibleng magdulot po ng [garbled] sa mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila dapat ay nananatili ito sa Alert Level 4 muna?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, ganito po iyon eh, kamukha ng sinabi ko, it was the DOH who said na pupuwede na ‘no. Ito’y kanilang nirekomenda at ito ay napagkasunduan ng IATF na tanggapin ang rekomendasyon.

Anu-ano ang metrics? Sa mga nakikinig po, ibig sabihin, anu-anong bagay-bagay ang dahilan bakit nila ibinaba. Tiningnan po nila ang reproductive rate. Ibig sabihin ng reproductive rate ay iyong panganganak nito ‘no. At of course, iyong panganganak nito ay, ito nga, kita ninyo iyong pagbaba ‘no. From 1.9 noong August 15 noong nagsimula tayo, halos September 16 o 17, 1.25, bumaba ng 0.16 noong October 14. Tapos iyong active cases, ganoon din, ang laki nang binaba. Hindi lamang iyon, pati iyong tinatawag nating 2-week growth rate ‘no, binabase po nila iyan pati iyong mga ICU, pati iyong tinatawag natin sa mga ospital, etc.

So again, it is DOH. So based on these factors, talagang sinabi nila dapat babaan. Ito lang at ito lang ang masasabi ko sa lahat: Tuluy-tuloy ang pagbaba, nakita ninyo ang trend pababa, pero ang susi rito ay isang bagay – huwag tayong bibitaw sa ating disiplina, bawat isa sa atin, ang maskara, ang social distance ‘no. Kailangan gawin natin sapagka’t nang sa ganoon ay mabuhay naman ang ating ekonomiya.

At hindi lamang iyon, hindi titigil ang mga mayors, hindi titigil ang mga medical frontliners sa tinatawag na PDITR. Anong ibig sabihin? Kung mayroong may sakit, iti-trace kaagad namin iyon; kung kinakailangang i-isolate, i-quarantine; kung kinakailangan mag-granular lockdown, gagawin po ng mga mayors iyon. Tuluy-tuloy ang pag-test, tuloy-tuloy ang pag-isolate and of course, iyong mga bakuna ng mga bata naman, iyan naman ang tinitingnan ng mga mayors po ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Red Mendoza: Sa tingin po ba ninyo, posibleng maging mas maluwag pa ang Metro Manila sa November 15? Kapag talagang tumaas pa ang mga taong nagpapabakuna, mapapayagan na rin po ba kaya ang mga Christmas party at mga iba pang mga Paskong events kapag mataas na po iyong vaccine coverage sa NCR? At ilan na po iyong total na naka-second dose sa Metro Manila?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, number 1, ibibigay ko muna iyong ating data. Ang ating data ay more or less, 16.8 million ang nabibigay sa Metro Manila. Isipin natin ang populasyon ng Metro Manila is 14 million approximately, 14 million; tatanggalin mo iyong 30% na mga bata, that’s about 9.87 million, ang tawag po diyan ay eligible population.

Ngayon, iyong 9.8 diyan mo ibabase. Sa 9.8, nakaka-79.45, halos 80% na tayo. Ito ay 7.7 million na dalawang dose. At sa mga one dose, ito ay higit-kumulang 92% o iyong tinatawag na nine million ‘no. Ngayon, iyong nag-first dose na iyan, magsi-second dose iyan. Ilagay na lang natin after one month which is November 14 from October 14, kasi kamukha ng Sputnik, Pfizer, that’s 21 days; kamukha ng Sinovac, Moderna, Sinopharm, that’s 28 days; and of course, Janssen, one. So pagdating ng one month, ang napu-forecast namin sa Metro Manila which is November 14, hal0s 88% na tiga-Metro Manila, dalawa na ho ang bakuna.

Ngayon, kung isasama mo pa rito iyong magsi-second dose ng AstraZeneca na binakunahan October 14, that’s three months from that, mga January 14, Metro Manila would be hitting 95.44% — napakalaking bagay.

Pero hindi pa iyon ang good news, may mas goo d news pa doon. Ang mas good news pa roon, sinisimulan na nating bakunahan ang ating mga minors, ang ating mga bata, ang ating mga anak.

USEC. IGNACIO: Opo. Ihabol ko lang ang tanong po ni Dano Tingcungco ng GMA News: Ano po ang outlook sa polisiya sa mga bata sa labas? May mga LGU na bawal pa po na bawal pa raw lumabas pero may mga LGU na puwede na raw pong lumabas iyong mga bata. Magkakaroon po ba ng unified policy lalo na katulad nang nabanggit ninyo, nagsisimula na po iyong pagbabakuna sa ating mga kabataan?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, ang polisiya po talaga ngayon generally, ang mga bata ay talagang puwedeng mag-exercise within their own subdivision, purok, etc.; pero mamayang gabi po ay mag-uusap kami dahil mayroong bagong scope about intra-mobility and inter-mobility. Ito ay pag-uusapan namin mamayang gabi ng mga mayors kasama sila Usec. Densing; kasama hopefully, sila Usec. Vergeire or sila Dra. Alethea para pag-usapan naman iyong mobility ng mga minors in Metro Manila para iisa po ulit ang boses ng polisiya po natin dito. Mamayang gabi po iyon, mga alas siyete or alas sais ng gabi.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi po ni WHO Representative Dr. Rabi Abeyasinghe na ang posibilidad daw po ng pagtaas ng kaso ay hindi raw po manggagaling sa Metro Manila mismo kung hindi sa mga kalapit na lugar na wala pang mataas na vaccine coverage tulad ng Central Luzon at CALABARZON na nagtatrabaho po sa Metro Manila. So ano po ang masasabi ninyo dito?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Kaya nga po ‘no, kami, kung ano ang ibigay sa aming bakuna, magbabakuna kami. Sapagka’t ang binabakunahan ng Metro Manila ay hindi lang tiga-Metro Manila; mga workers po at karamihan ibang workers natin ay galing po sa mga karatig probinsiya po natin. Ang tawag po natin is that “We Vax as One”, we vaccinate as one.

Nakikiisa po kami sa lahat, hindi lang tiga-Metro Manila. Itutuloy po ng mga mayors po ito, ang pagtutulungan hindi lamang within Metro Manila kung hindi sa mga karatig, sa lahat po. Maski hindi ka tiga-Metro Manila, tutulong po kami; iyan po ang misyon po ng atin pong lahat ng mga Metro Manila mayors.

USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, ngayon pong marami nang lalabas ng kanilang bahay, ang coding po ba ay mananatili pa ring suspended sa Alert Level 3?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Opo. Actually, Usec. Rocky. Pabayaan mong ipaliwanag ko sa mga nakikinig ngayon kung bakit sinususpinde namin ang mga color coding ‘no.

Kasi alam ninyo po ang ating public transportation, of course, hindi pa siya normal ngayon. I’m talking of the public network, iyong mga buses natin, mass transport, mga LRT ‘no. So habang inaayos po iyan, hanggang maaari po sana ay sinususpinde muna namin ang color coding sapagka’t isipin mo kung isa lang ang kotse mo, saan ka sasakay? Sasakay ka sa dyip, sasakay ka sa bus, sasakay sa MRT, at baka magkasiksikan lalo ‘no. So iniisip namin, sige na lang payagan na lang natin.

At pangalawa, iyan kasing sasakyan mo, personal bubble mo iyan e, kung nandiyan ka parati, you feel safe, etc. Siyempre kung ito ay pagbabawalan natin, iyong ibang may sasakyan, makikiangkas, hindi ba? So ito’y patulong na rin tungkol dito sa impeksiyon.

Anyway, ang ating mga traffic naman ay minu-monitor po ito araw-araw ng MMDA. Mga peak hours, medyo sabihin na nating nagbabago na, talagang dumadami na ang sasakyan dito. Pero sa ngayon, sa aming pag-aaral, kaya pa po naman ‘no. So sana maunawaan ninyo. But stay tuned, huwag kayong mag-alala, MMDA parati po naming minu-monitor at iyong mga… lalo na iyong mga lugar na masisikip ay talagang binabantayan po namin iyan. Just stay tuned po at we will constantly monitor the traffic in Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, kahapon po sinimulan na nga ‘yung bakunahan sa mga 12 to 17 years old at ang sabi po ng DOH-NCR by next week, tig-iisang ospital po sa bawat bayan ang idadagdag para po magbakuna ng mga bata. Paano naman po nakasuporta ang mga LGUs dito at anong hakbang ang ginagawa natin para mas mapalawak pa rin itong pagbabakuna sa mga bata?

MMDA CHAIR ABALOS: Well number one po ano, nagkakaroon na kami ng mga preregistration ng mga bata noong araw pa. Lahat ng local government ay pinaghandaan ho namin ho itong panahon na ito.

Pangalawa po ang ating mga magbabakuna, ang ating mga doktor ay nakahanda na po iyan parati, all that we will be waiting for would really be for the vaccines. Once pumayag na po hindi lamang iyong mga children with comorbidities pero sabihin na nila general population of children, handa po ang mayors dahil halos tapos na po tayo ‘no, halos ilang percent na. We’ve hit almost 79.45, that’s close to 80% with two doses. So iyong natitirang 30% for the children or kukonti na lang po ito sa mga bata, I’m sure sa template na ginawa ng mga mayors, sa sites nila, sa manpower nila and most importantly sa systems po nila, handang-handa po ang Metro Manila mayors for our children.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, ilang araw na po ang Undas, naglabas nga po kayo ng resolution kaugnay sa pagsasara ng mga sementeryo sa Metro Manila. Ang tanong po ni Angel Movido ng ABS-CBN News: May magbabago ba sa direktiba tungkol sa pagsasara ng mga sementeryo sa Undas sa ilalim po ng Alert Level 3?

MMDA CHAIR ABALOS: Well under Alert Level 3 ‘no, ito po ay halos pareho pa lang noong last year ‘no. Number one, isasarado namin ang Undas ng 29, 30, 31, 1, 2… and 1 and 2 – ito’y limang araw. Bakit? Sapagkat para huwag tayong magkasiksikan. Ito po ‘yung ginawa last year ‘no, last year ito po ‘yung ginawa. Kaya nga po natin ginawa ito sapagkat para hindi lang araw ng Undas tayo magsisiksikan, i-spread out namin ito.

Ang pangalawang tanong: Chairman bakit naman limang araw? Kasi kung gagawin po na dalawang araw lamang, baka mamaya magsiksikan noong araw na pinakamalapit sa November 1. Iyon naman ang dahilan dito, para ma-spread out lang po ang pasok natin.

Ngayong with Alert Level 3 just be guided na lang, sa mga percentage na sinasabi nila. Of course may mga percentage ‘yan ‘no, ‘yung tinatawag na mga open spaces and non-open spaces ‘no. I think under alert level kung hindi ako nagkakamali sa open spaces kamukha nito, it’s about 30% ang nakalagay po; kaya nga ginagawa ito ng mga mayors to at least maintain that ano, huwag maging superspreader event on one day which is November 1.

USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon, MMDA Chairperson Benhur Abalos. Mabuhay po kayo, sir!

MMDA CHAIR ABALOS: Stay safe po. Salamat po. Thank you.

USEC. IGNACIO: Samantala, pinsala hindi lang sa imprastraktura kundi maging sa agrikultura ang iniwan ng bagyo o kalamidad sa bansa. Ang mga kababayan nating magsasaka at mangingisda hirap na nga ring bumangon dahil sa pandemya, dinadagdagan pa po ng problema sa smuggling ng mga agricultural products. Alamin po natin ang tugon ng Department of Agriculture sa mga isyung ‘yan, makakausap po natin si DA Assistant Secretary Kristine Evangelista. Good morning, Asec.

DA ASEC. EVANGELISTA: Good morning ma’am at good morning po sa lahat ng inyong tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., sa kabuuan nasa magkano na po ba ang iniwang pinsala sa agrikultura ng Bagyong Maring; ilang magsasaka raw po at mangingisda pa ang naapektuhan ng bagyo?

DA ASEC. EVANGELISTA: Ma’am, as of October 15 po nasa 1.2 billion na po ang ating agricultural loss at umaabot na po sa 42,000 na mga magsasaka at mangingisda ang apektado po ng nakaraang bagyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Paano naman po nakasuporta ang Department of Agriculture sa kababayan nating mga magsasaka at mangingisda; anu-ano daw pong tulong ang ipinaabot natin sa kanila, Asec.?

DA ASEC. EVANGELISTA: Mayroon po tayo ‘no. As our quick response po, mayroon po tayong mga binhi na ibibigay sa kanila para sa rice, sa corn – umaabot po ‘yan sa mga 168,000 po – para matulungan sila sa pagtanim nila ‘no para ‘pag ready na lupa, makapagtanim sila muli, hindi na ho sila mag-alala kung saan nila kukunin ang pambili ng kanilang mga binhi.

Kasama pa po doon iyong mga kababayan po natin na naapektuhan po ‘yung kanilang mga animals, ‘yung livestock po. Mayroon po tayong mga gamot para sa kanilang mga farm animals para hindi na rin sila gumastos, ito po ‘yung tugon ng Department of Agriculture.

Bukod po doon siyempre doon sa mga gusto ng kapital, mayroon po tayong ACPC [Agricultural Credit Policy Council], mayroon din po tayong PCIC [Philippine Crop Insurance Corporation]. Ang ACPC po zero interest po ito, ito po ay loan. Ang PCIC naman po, insurance naman po ito; but initially ang amin pong binibilisan para mapa-disburse na po at mabigay sa ating mga kababayang magsasaka’t mangingisda ay iyong ating mga binhi at iyong mga gamot para sa kanilang mga livestock, mga animals po.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., dito po sa emergency loan program ng Department of Agriculture, paano po ‘yung assessment para sa mga nag-a-apply? Iyon daw po bang may mga existing loans na naapektuhan ng bagyo ay maaari pa ring makasali dito?

DA ASEC. EVANGELISTA: Dahil ito po ay emergency ‘no, this is in partnership with our ACPC and siguro ang pinakamaigi po ay makipag-ugnayan sila sa amin para matulungan namin at mahanapan natin ng paraan kung paano po lahat ng naapektuhan ay makakuha ng loan. Mayroon pong mga guidelines ang ating ACPC para sa ganitong mga bagay. So there are ways ‘no para matulungan sila not only immediate but also part of the recovery po, ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., nagkaroon nga po ng taas-presyo sa ilang mga produkto dahil sa Bagyong Maring. Anong hakbang po ng DA para naman maibsan ang pasaning ito sa mga consumer at paano rin po ang pagtitiyak ninyo para hindi naman po maabuso ang pagtaas ng presyo?

DA ASEC. EVANGELISTA: Sa mga gulay po ‘no, nakita natin ang paggalaw ng gulay dahil ito nga rin ay epekto noong nasalantang mga produce natin. Definitely ‘pag nabawasan po ang yield dahil natamaan ng bagyo, tataas po ang price points ng ating mga gulay dahil iyong logistical cost ganoon pa rin po and yet mas konti na po ang nadadala sa merkado. Diyan po ang nakita natin through agribusiness, iyong sa cost structure kaya iyan po nararamdaman na natin na gumalaw po talaga ang presyo ng gulay.

However, mayroon po tayong ibang mga sources po katulad ng Region III na puwede nating pag-angkatan pangdagdag po sa gulay na pangangailangan dito sa Metro Manila. So right now ang pinagkakaabalahan po ng Department of Agriculture lalo na po ang agribusiness and marketing is to find other alternative sources of vegetables. Iyong dati pong galing sa Region II per se, maghanap po ng iba pang mga lugar na nagtatanim din po ng mga lowland vegetables para po mapunuan ang pangangailangang gulay dito sa Metro Manila.

So basically we are augmenting from different regions po to make sure na hindi masyadong magalaw ang presyo ng gulay para na rin po sa ating mga consumers dito, ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero bukod po sa epekto ng nagdaang bagyo, posible na rin bang asahan ng ating mga mamimili na tataas pa ang presyo ng mga agricultural products habang mas lumalapit po ang Christmas season?

DA ASEC. EVANGELISTA: Well in the past, ma’am, nakita ho natin mayroon ganoong mga movements ‘no. I think that is basically a business decision pagdating po sa ating mga retailers. At tandaan po natin na sila po ay mga negosyante and ang panahon ng Pasko eh dati mayroong mas malaking buying capacity ang ating mga kababayan dahil may mga Christmas bonus at iba pa. Pero ngayon pong panahon ng pandemya eh sana po’y magtulung-tulong tayo ‘no, napaka-affected tayo economically.

So we are also asking our retailers na sana hindi tumaas ang presyo, tuluy-tuloy po ang aming pagbantay sa supply to make sure na hindi po ang supply ang maging dahilan para sa paggalaw ng presyo.

Mayroon pa po tayong mga Kadiwa, Kadiwa Stores are being put in 17 cities here in NCR – this is an alternative place po para makuha na mas mura na gulay ‘yung ating mga kababayan. So tulong-tulong lang po, ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Dahil naman sa umaakyat na presyo ng krudo, Asec., naaapektuhan din ang bentahan ng abono at [garbled] ang mga magsasaka dito dahil doble na po ‘yung inilaki ng halaga. Umaapela po sila nang libreng abono mula sa inyong kagawaran, tumataas din daw po kasi ang production cost nila samantalang barat naman daw po na binibili sa kanila ang mga palay. Ano pong masasabi ninyo dito?

DA ASEC. EVANGELISTA: Ito po ay pinag-aaralang mabuti ng Department of Agriculture. Alam po natin na ang cost nga po, apektado tayo’t even sa logistics side; hindi lang sa production side, pati sa logistics. Kaya pagdating po ng commodity dito sa Metro Manila, gumagalaw ang presyo. Even sa production side, sabi ninyo nga po, kapag gumalaw ang mga agricultural inputs, iyong presyo ng agricultural inputs, definitely tataas ang production cost ng ating mga magsasaka.

So iyong pagbigay po ng mga abono, iyan po ay tinitingnang mabuti at doon po sa ating mga rice farmers, mayroon po tayong fertilizers at saka seeds na ipamimigay ngayong Oktubre po iyan.

So makakaasa po kayo na makakatulong ang Department of Agriculture to augment at para ho hindi ninyo masyadong pasanin ang paggalaw ng presyo ng mga agricultural inputs po.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., mayroon lang po ng tanong si Reymund Tinaza sa inyo ng Bombo Radyo. Ito po ang tanong niya: Wala ba talagang magagawa ang gobyerno lalo na ang DA sa mga annual problem ng mga magsasaka sa Benguet? Lagi-lagi na lang daw po nasasayang, nabubulok ang mga produce ng mga magsasaka doon kapag nagkakaroon ng overproduction gaya daw po sa carrots, sayote.

Hindi ba talaga magagawa ng DA na sila na ang bibili, aangkat sa mga produktong gulay para dalhin sa Maynila kaysa pabayaang mabulok, itatapon na lamang po ang mga gulay na kulang na kulang sa Metro Manila?

DA ASEC. EVANGELISTA: Ma’am, at this point po, ang ginagawa ng Department of Agriculture ay nakipagtulungan po kami sa mga kooperatiba pati po sa lokal na pamahalaan. Binigyan po namin sila ng trading capital para sila po mismo ay makabili ng mga produce ng mga nasasakupan nilang mga magsasaka.

Iyong sa cooperatives po, hanggang mga three million trading capital po kaya ang coop po, iyon po ang partner namin ngayon para bumili sa ating mga magsasaka.

However, aside from that, nakikipagtulungan din po kami sa lokal na pamahalaan kasi kailangan po naming maayos ang cropping calendar. Very important po para sa amin na alam namin kung sino ang nagtatanim ng ano, saan at kailan aanihin para alam po natin ang volume na aanihin bago pa anihin, at the same time, makakuha na po tayo ng buyer para maganda po ang presyo ng pagbenta ng ating magsasaka.

And also, nakikipag-usap po tayo, mayroon po tayong move towards clustering ‘no. Because when we cluster our farmers, sila po mismo alam nila kung ano ang dapat itanim para maiwasan po natin ang oversupply. Kasi ang oversupply nga po, iyan po ang rason kung bakit bumabagsak din po ang presyo ng kanilang tinanim.

But again, if we go back doon sa pagbili po ng mga produkto ng ating mga magsasaka, yes, we are already looking into that; we are working on it. And right now, funds are being given to local government, as well as cooperatives as trading capital para po mabili ang mga produce ng mga magsasaka sa kanilang lugar. Tapos, market naman po, sagot din ng Department of Agriculture ang paghanap kung saan naman po nila ibibenta iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., kaugnay naman po sa smuggling ng mga gulay, may update na po ba sa imbestigasyon tungkol dito; at paano rin po kayo nakikipagtulungan sa Bureau of Customs para sa imbestigasyon?

DA ASEC. EVANGELISTA: Ito pong smuggling, tama po kayo, ito po ay something that we are working on together with the Bureau of Customs. Basically, the Bureau of Customs is taking the lead as far as this issue is concerned. But Department of Agriculture, we have our Bureau of Plant Industry, and we are making sure ‘no na from our end, wala po tayong mga permits na ibinibigay na makakasama po sa ating mga local producers.

And then tuluy-tuloy po, sabi nga po ni Secretary Dar, kailangan ang pakikipag-ugnayan sa BOC para siguradong hindi po makapasok ang mga smuggled commodities. Kasi po ang ating—ang stakeholders po talaga ng Department of Agriculture ang talagang natatamaan po kapag mayroon tayong mga smuggled items na ganito nga po.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay, Asec., nagpapasalamat sa inyong oras at pagbibigay-impormasyon, Department of Agriculture Assistance Secretary Kristine Evangelista. Asec., laging bukas po ang aming programa para maipaabot sa mas marami nating kababayan ang mga programa ng inyong ahensiya gaya na lang po ng mga itinatampok natin tuwing Sabado dito sa Ani at Kita. Salamat po, Asec.

DA ASEC. EVANGELISTA: Maraming salamat din, ma’am. At magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Kaugnay nga po diyan sa milyong-milyong magsasaka at mangingisda sa Pilipinas, layunin ng Department of Agriculture na wala sa kanilang maiiwanan at lahat ay maabot ng mga programa at intervention ng Kagawaran. Iyan po ay ginawang posible ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture or RSBSA, ngayong umaga, mas kilalanin natin ang programang ito kasama si Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan dito sa Ani at Kita.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. As of 4:00 pm kahapon October 15, 2021:

  • Nakapagtala ang DOH ng 7,625 ng mga bagong nagpositibo sa sakit kaya umakyat na sa 2,705,792 ang total number of confirmed cases sa Pilipinas.
  • 203 ang naitalang pumanaw kahapon kaya’t umabot na sa 40,424 ang total COVID-19 deaths sa bansa.
  • 13,363 ang nadagdag sa mga gumaling kaya umabot na ito 2,586,369.
  • Ang active cases naman po sa kasalukuyan ay nasa 78,999 o katumbas ng 2.9% ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa bansa.

Sa puntong ito makikibalita tayo sa takbo ng vaccination roll-out, supply ng bakuna at iba pang usapin kaugnay sa laban ng bansa kontra COVID-19 mula kay Department of Health Under Secretary Maria Rosario Vergeire, good morning po USec.

DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po USec. Rocky, good morning po to all of you!

USEC. IGNACIO: Opo. USec., kahapon nga po ay sinimulan na ang roll out ng pagbabakuna sa mga kabataan. Ang tanong po ni Red Mendoza, ng Manila Times at ni Jeffrey Hernaiz, ng ABS-CBN news: Kumusta po ang unang araw ng Pediatric vaccination sa mga pilot sites? Ano ang latest number ng vaccinated minors at wala po bang naging mga untoward incident or reaction na na-experience ang mga bata?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes USec. Rocky, actually naging matagumpay po iyong simula ng ating vaccinations roll out for our pediatric population with comorbidities kahapon. As of 8:00 pm last night, ang total po na nabakunahan nang mga kabataan na may comorbidities was 1,151.

ito po ay naitala kagabi pagkatapos po makapagsumite itong 8 hospital na kasama po natin dito and according to the reports, wala po tayong nai-report na untoward adverse reaction among this children vaccinated.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong niyang tanong, reaction ninyo daw po sa sinasabi ni WHO Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, na ang posibilidad ng pagtaas ng kaso, hindi daw po manggaling sa Metro Manila mismo kung hindi sa mga kalapit na lugar na wala pang mataas na vaccine coverage tulad daw po ng Central Luzon at Calabarzon na nagta-trabaho sa Metro Manila; ano po ang masasabi ng DOH dito?

DOH USEC. VERGEIRE: May posibilidad naman iyan USec. Rocky ‘no. Kasi pag tiningnan natin talaga ang day time population ng Metro Manila ay kaiba sa night time population dahil marami pong trabahador na nanggagaling dito po sa mga karatig probinsiya at karatig region natin, but we need to also understand na ito pong ating pagbabakuna ay nira-rump-up na natin.

So, kasabay po noong sa NCR, we have included the class areas of Metro Manila which are Region III and Region IV-A dito po sa pagtataas ng antas ng pagbabakuna natin. Iyong atin pong pinagpapatuloy ito pong pagpu-focus sa mga areas outside of the NCR and hopefully makakahabol na rin po sila.

Ito pong pagtaas ng kaso kung saka-sakali ay gusto nating mapigilan especially outside of Metro Manila dahil ang kapasidad nila ay hindi kapareho dito sa NCR. Kaya po, ang pagbabakuna talaga ay isa sa mga susi para mapigilan po natin na tumaas ang mga kaso here in NCR and even outside of NCR.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Michael Delizo, ng ABS-CBN News: Kumusta po ang trend ng COVID cases sa nakalipas na 7 araw? At bagama’t kasabay po ng Cavite, Laguna at Bulacan ang NCR sa pagbaba ng kaso. Bakit po naiwan sila sa MECQ at hindi pa ring pinapayagang magluwag o magbukas ng ilang establisyimento tulad po ng gym at salon?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes USec. Rocky, actually ito pong mga lugar na inyong nabanggit ay hindi po kasama doon sa shift in our policy no, itong ginagawa nating pilot implementation that’s one.

Number two, ito pong mga lugar na ito pag tiningnan natin ang kanilang mga matrix o mga datos ay matataas pa rin po pati ang kanilang hospital utilization kaya po nanatili po sila sa ganiyang level of quarantine classification kaya gusto pa rin po nating makasiguro na hindi po patuloy na tataas ang mga kaso at paggamit ng mga hospital diyan sa mga piling lugar na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., nabanggit ninyo po sa media forum kahapon na ang ipinatutupad na alert level system ay data science based. Ang tanong po ng marami, sa lahat po ba ng panahon ay nagkakapareho ang projection ng data science at nangyayari in reality? Gaya na lang dito sa [garbled] natin COVID?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky, kailangan ho maintindihan ng ating mga kababayan, do we all with based our decisions with data and science. Pero, kailangan laging may konteksto. So, pag ginagawa ho natin iyan its going to be context specific. Ibig sabihin, tinitingnan din po natin iyong reality sa ground.

So, even do we used science for our matrix, tinitingnan din natin what’s happening on the ground? Ano po iyong feedback ng local government? What are the observations? Kaya, pag tiningnan nga ho natin and we always that, when we do projections based on science. Base sa mga assumptions na ginagamit natin hindi po ito [garbled] katulad noong sinabi natin na magkakaroon ng ganoon kadami na mga kaso in NCR by the end of September.

Pero, noong dumating po iyong end ng September, kalahati lang po ang naging kaso dito sa NCR. So, ibig sabihin po iyong assumptions natin na binigay dito sa projections na ito because of the context of the specific local government that we were able to include on their vaccination, naka-improved sa kanilang PDICR, hindi natin naabot ang ganoong kataas na kaso. So, lahat po ng ginagawa, yes it’s science in everyday space pero mayroon pong konteksto what’s happening on the ground.

USEC. IGNACIO: USec., using our projections by the end of the year. Ano po ang nakikita nating figure sa daily COVID infections, iyan po ay kung wala ng sumulpot na bagong variant?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes USec. Rocky, no. So, mayroon ho tayong bagong projections na ginagawa noong faster tool natin as of October 4, mayroon din tayong projections until November 15 at pinapakita po nito na dito po sa National Capital Region we will just have about 1,126 cases by November.

Kung atin pong patuloy na ma-improved ang ating vaccination coverage at saka mapapanatili po natin iyong detection to isolation ng 4 na araw. Ngayon, kung mas mag-i-improved pa rin po diyan sa 4 days na iyan ang detection sa isolation and mas mag-improved pa ang vaccination coverage mas bababa pa ho dito sa numerong ito ang atin pong magiging mga kaso by November 15.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., ano ang masasabi naman ng Department of Health sa naging pahayag ng WHO na magkakaroon ng booster shots ang mga immunocompromised at mga seniors na nakatanggap ng Sinovac at Sinopharm?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes po no, USec. Rocky, kailangan po nating ilagay sa konteksto: Unang-una, iyong official document na lumabas po sa WHO did not specifically state any type of vaccine. Ang maliwanag lang po doon, ang sinasabi doon kailangan ng 3rd doses doon po sa mga immunocompromised individuals at maari rin doon sa mga ating mga nakakatanda. Iyon po iyong nakalagay doon and nakalagay din po doon na mayroon pong official recommendation na ilalabas ang WHO at iyong kanilang [garbled] team by November.

So, antayin po natin iyang final recommendations na iyan, kailangan pong maging maingat tayo sa pagbibigay nitong mga sites ng vaccines kapag nagbibigay tayo ng report kasi baka maapektuhan po ang vaccines confidence ng ating mga kababayan when in fact ang sinasabi naman ay iyong immunocompromised ay hindi maka-mount ng responses. It’s not really about the vaccines pero kung paano po natin ibibigay ito.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., paglilinaw lang sabi ninyo wala pong nabanggit na vaccine ang WHO para sa booster shots. Pero, ang lumabas po kasi sa mga balita, iyong Sinovac o Sinopharm lang iyong dapat ay recommended po for booster shots.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, no. So, nililinaw ko rin po doon po sa kanilang official article or documentation, WHO did not specifically mentioned itong mga pangalan or brand ng bakuna. Ito po ay nanggaling sa kanilang mga spokesperson, iyong mga nagsasalita sa media and they were the one who mentioned about the specific type of vaccines.

Actually, doon po sa kanilang documentation hindi lang po iyong Chinese vaccines ang kanilang nairekomenda kung hindi mayroon din hong pagbabanggit sa Janssen at saka sa AstraZeneca and although doon po sa atin pong HTAC [Health Technology Assessment Council] recommendations, hindi rin po siningle-out ang Chinese vaccines.

Sa palagay nga po diyan, lahat ng klase ng bakuna maari po nating pag-aralan para ibigay for 3rd doses para po sa ating mga kababayan specific sa inyong immunocompromised individuals at saka senior citizens, again, let me reiterate lahat po ng ating mga bakuna continue to protect against severe disease and deaths and that is visual evidence.

As explained po doon sa WHO na document, iba po ang booster doses dito sa additional doses na kanilang inirirekomenda or iyong 3rd doses. Ito po ngayon ay pinag-uusapan ng WHO para po dito sa additional doses for immunocompromised and hindi po nila binanggit iyong boosters to the general population.

So, kailangan lang pong maintindihan ng ating mga kababayan na mayroon pong pagkakaiba ang booster doses sa additional doses or 3rd dose habang nirirekomenda ngayon 3rd doses or additional doses para po doon sa ating mga immunocompromised individuals, for senior citizens and even for health care workers. Ito po ang ating mga plano, under way na, pinag-uusapan na po ito kung paano po natin maipapatupad.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., hinimok po ni Sen. Drilon ang DOH na ang natitirang pondo para sa mga unfilled plantilla positions sa DOH ay gawin na lang daw pong SRA para sa mga non-medical personnel sa mga hospital. May action na po ba ang DOH tungkol dito?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky. Actually, nagpalabas na po tayo ng order sa lahat po ng ating mga facility na dina-direct po natin lahat po ng head of offices of our facilities to expedite the filling up of all of this vacant positions and mag-submit po sila sa Office of the Secretary ng kanilang road map or plan on how they will be able to complete this filling-up of vacancies by the end of the year.

Pinag-aaralan din po ng ating Kagawaran kung ito pong rekomendasyon ni Senator Drilon, kung saka-sakali nakikipag-usap po tayo with the Department of Budget and Management how we can be able to utilize all of this fund and mapagbigyan din po natin na maisama ang mga ganitong health care worker or non-medical personnel sa ating mga facility.

USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Salamat po USec.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Tuloy ang kampanya ng pamahalaan para mahikayat ang maraming Pilipino na magpabakuna kontra COVID-19 na isang paraan para makamtan ang herd immunity sa bansa. Kasabay nito ay ang pagtulong sa mga pinaka-mahihirap na populasyon sa bansa na apektado ang pangkabuhayan dahil sa pandemic. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para naman po sa pinaka-huling pangyayari sa iba’t-ibang mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Aaron Bayato ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Aaron Bayato.

At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw, ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Mga kababayan 70 days na lamang po at Pasko na. Ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita po uli tayo sa Lunes dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center