Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao. Ngayon po ay araw ng Martes, October 19, 2021, sama-sama muli nating alamin ang mga maiinit na isyu sa bansa pagdating po sa usapin ng hanapbuhay at pagbabakuna. Bukod diyan ay kakamustahin din natin ang kasalukuyang sitwasyon sa Naga City at ang kanilang laban kontra COVID-19, gayun din po ang lagay ng mga pampribadong ospital sa bansa.

Mula po sa PCOO, ako po si Undersecretary Rocky Ignacio. Simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Tinungo ni Senator Bong Go ang mga bayan ng Buguey at Sta. Teresita sa Lalawigan ng Cagayan upang personal na kumustahin ang mga naging biktima ng Bagyong Maring. Kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan, namahagi rin ang Senador ng ayuda para sa kanila. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, abangan mamaya ang buong detalye ng pagbisita at pagtulong ni Senator Bong Go as health workers at mga pasyente sa Cagayan Valley Medical Center.

Samantala, muli nating kumustahin ang sitwasyon naman ng mga pribadong ospital sa Pilipinas kasama po si Dr. Jose Rene De Grano, ang presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. Magandang umaga po, Dok.

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Magandang umaga, Usec. Rocky at sa lahat ng ating nanunood at nakikinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 lalo po dito sa Metro Manila, masasabi po bang kahit paano ay nakakahinga nang maluwag ang ating mga ospital dito?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Sa tingin po natin ay medyo lumuluwag lalo na po sa tungkol sa datos na nakikita natin. Pero ang mga atin pong mga healthcare professionals, medyo nagbabala po na baka mamaya ay sobra naman tayong maluwag at bigla na naman tayong magkaroon ng surge in the next coming weeks. Kaya kong maaari po ay sundin po natin ang ating minimum health protocols dahil medyo lumuwag po nang konti lang ang ating mga pribadong hospitals.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, iyon nga po iyong sunod kong tanong: Hanggang ngayon po ba ay may pagtaas pa rin sa bilang ng critical to severe COVID-19 cases dito sa ating mga private hospital? Kahit pa dito sa Metro Manila ay may ganiyang scenario pa rin po ba?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Opo, kasi kung makikita ninyo, bumaba po ang ating active cases. Pero iyon pong porsiyento o percentage ng mga naku-confine as moderate, severe and critical, tumaas po iyan kasi nga po pagbaba ng total na active cases naman, iyong porsiyento po ng mga moderate, severe and critical, tumaas; dati po five percent iyan, ngayon ay almost 15%. So ibig sabihin po, hindi nagbabago iyong mga naho-hospitalize sa ating mga private facilities.

USEC. IGNACIO: Opo. Ibig sabihin nito, Dok, sa kasalukuyan ay dagsa pa rin po iyong dating ng COVID-19 patients kada araw o kahit paano po ay controllable ito sa ngayon?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Medyo nakukontrol naman po but, again, hindi po ibig sabihin ay maluwag na ‘no. Kasi iyon nga po, kung makikita natin, tumaas po ang porsiyento ng mga naku-confine, na ito po iyong moderate, severe and critical; lalo po iyong moderate at saka severe, medyo tumaas po eh, almost mga 12% po sila.

USEC. IGNACIO: Bakit po kaya ganoon, Dok, sa palagay ninyo parang tila may disconnect nga po sa nangyayaring bumababa iyong mga bagong nahahawaan? Pero katulad ng sinabi ninyo, dumarami iyong moderate hanggang severe. Pero marami na rin po iyong nababakunahan pero dumarami po iyong critical to severe cases; paano po kaya nangyari ito, Dok?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Well, siguro po ay kasi nga—alam ninyo kapag ang mga COVID cases naman po, hindi iyan katulad ng mga flu cases, mga ilang ano natin na sa ilang araw o kaya sabihin na natin mga isang linggo ay okay na, makakalabas na.

Ang atin pong COVID cases lalo po kung moderate, tumatagal po iyan ng minimum na two weeks, kahit three or one month. Kaya iyon pong pag-stay nila sa ospital, matagalan po iyan; hindi po agad sila nakakauwi. So kung hindi po sila makauwi, kapag madagdagan pa, ayun, hindi po bumababa ang ating census sa mga ospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kumusta a po iyong medical supplies at equipment ng ating private hospitals gaya po ng oxygen at iyong mga gamot, sapat po ba para sa COVID-19 patients, Dok?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: So far po, iyong hinihintay natin ay iyong pagdagsa po ng Tocilizumab kasi right now po ay hindi pa rin ganoon kadami ang supply. Iyong Remdesivir, ayos po. Iyong iba pong supplies ng anti-COVID meds, medyo ayos. Pero iyong mga facilities na nasa outside of Metro Manila, nagsasabi sila na parang nagkakaubusan po ng oxygen supplies ‘no, lalo po iyong mga sa Visayas at Mindanao. Siguro po ay ang problema natin ay iyong sa transportasyon at pagdi-deliver po nitong mga ito, ng mga oxygen natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, may tanong po iyong ating kasamahan sa media para sa inyo. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Kakayanin pa po ng mga private hospitals na posible pang magluwag sa Alert Level 3 sa darating na Nobyembre – in case lang po ito – or December?

PHAPI PRES. DR. DE GRANO: Siguro po alam ninyo iyong pagluluwag natin, ngayon po ay nakikita natin iyong pagbaba ano, medyo bumababa iyong trend ano; pero ito po ay epekto po iyan ng ating Level 4 at saka MECQ before. Ngayong nag-Level 3 po tayo – kakaumpisa pa lang natin – let’s see po in the next two weeks or three weeks, titingnan po natin kung dadami ang kaso.

Kasi kung hindi po bumaba iyan at nag-plateau or biglang tumaas pa rin, palagay ko hindi po natin makikita ang pagbaba ng kaso natin. Kaya sana po ay huwag tayong masyadong kampante, sundin pa rin natin ang ating mga minimum health standards.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pa rin pong tanong ni Red Mendoza: Kumusta na po iyong distribution ng SRA o Special Risk Allowance ng ating mga health workers sa mga pribadong ospital; wala na po ba daw problema sa distribyusyon hindi po katulad ng dati?

PHAPI PRESIDENT DR. DE GRANO: So far naman po after a few so many months, medyo na-distribute naman po ang karamihan ano. Mayroon pa rin pong pailan-ilan na hindi but then inaayos na po ito ng ating mga LGUs at saka ng Department of Health para maipamahagi iyong ating mga SRAs sa ating mga private hospital health care workers.

USEC. IGNACIO: Opo. Huling tanong ni Red Mendoza: May estimate po ba tayo ng mga health care worker na umalis na sa trabaho sa mga pribadong ospital at gaano po kaapektado ang mga pribadong ospital sa mga pag-alis daw po ng mga health worker na ito kung mayroon man po?

PHAPI PRESIDENT DR. DE GRANO: Iyon nga po ang sinasabi natin for the past siguro mga two or three weeks nakita natin na medyo mga around 5% or more ng ating mga nurses, lalo na po ang ating mga nurses ay nagpa-file ng kanilang resignations dahil gusto ho nilang mag-work sa ibang bansa ano.

Iyon po ang ikinakatakot natin kasi kapag masyado tayong lumuwag sa pagpapalabas ng ating mga health care workers at wala naman tayong maipalit kaagad sa kanila ay baka tayo po ay maubusan ng mga health care workers at iyan po, medyo magiging limitado tayo, limited ang ating pagtanggap ng ating mga pasyente kasi kung wala po tayong tama o angkop na number ng mga health are professionals or health care workers, medyo mapipilay po ang pagtanggap natin sa ating mga COVID cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, sa kasalukuyan may mga nag-resign na po ba na health workers sa mga private hospitals; kung mayroon man po, ilang porsyento na po?

PHAPI PRESIDENT DR. DE GRANO: Opo, mayroon na po. Siguro ma at least 5-10% po iyan na nag-a-abroad lang ano. Hindi naman po agad sila umaalis na kapag nag-apply ay umaalis kaagad. Usually po, nagnu-notify na sila ng mga 30 days before para masabi nila na after 30 days siguro or kung matanggap nila iyong kanilang mga ticket or application approval ay bigla na silang [garbled] iyon po ang atin pong nakikita na siguro kung hindi po natin medyo mapipigilan itong pag-alis na ito baka po eh in another six months baka po maubusan na tayo ng mga nurses at mapipilay po talaga ang ating mga health facilities and health care system.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, dako naman po tayo dito sa usapin ng PhilHealth ano po. Tanong rin po ito ni Ivan Mayrina sa inyo ng GMA News: Ano na daw po iyong status ng utang ng PhilHealth sa mga private hospital? Sa kasalukuyan po ba ay kumusta iyong non-payment ng reimbursement claims ng PhilHealth sa inyong mga pribadong ospital?

PHAPI PRESIDENT DR. DE GRANO: Iyon nga po ano, nagrireklamo pa rin po ang ating mga ibang pribadong hospitals kasi nga po iyong kanilang ini-expect na payment para sa mga COVID cases noong 2020 ay medyo naantala pa rin ang pagbabayad ng PhilHealth. Iyon po ang malaking porsyento na kanilang ini-expect na babayaran ng PhilHealth.

Nakakapagbigay naman po ng pakaunti-kaunti ang PhilHealth sa mga non-COVID cases na recent ‘no pero iyon pong dati na hinihingi namin na dapat ay babayaran nila before the end of October, ito pong mga claims na ito ay nagmula na pa po iyan noong 2020 – mga COVID claims. Iyon po karamihan po sa mga iyon ay halos hindi pa rin po naibibigay ng PhilHealth.

USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol na tanong po ni Lei Alviz ng GMA News kaugnay pa rin ng usapin ng sa PhilHealth: Kumusta na po iyong problema ng private hospitals sa PhilHealth claims sa mga ospital sa GenSan po? Umabot na umano sa mahigit 800 million ang hindi pa nababayaran sa kanila ng PhilHealth. Maaari daw po ng mapilitan ang mga ospital na magsara dahil dito.

PHAPI PRESIDENT DR. DE GRANO: Opo. Hindi lang po actually sa General Santos City ano. Sa General Santos City po walong malalaking ospital po iyon amounting to – ang claim po nila 834 million at sila po ang nagsasabi na kung hindi maaayos ito ay baka hindi na po sila mag-renew.

And then bukod pa po dito, iyong pitong malalaking hospitals po na nanggagaling sa Iloilo City, ganoon din po. Sa kasalukuyan po nag-uusap na po sila ng PhilHealth at ini-expect nila na maayos ito ‘no.

Pero iyon din po, pati po iyong ating mga ospital sa Northern Luzon nagkakaproblema pa po sila at hindi sila magkaayos ng data na ibinibigay ng PhilHealth sa mga different hospitals; kaya iyon po, malaki pa po ang problema natin diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, linawin lang po natin, nagkakaroon po, may pag-uusap ngayon ang private hospital at ang PhilHealth para dito po sa kanilang mga dapat bayaran?

PHAPI PRESIDENT DR. DE GRANO: Yes po. Tuloy-tuloy naman po ang pag-uusap at tinutulungan din kami ng ARTA para maayos kaagad iyan and then iyong nga po hinihintay na po namin ngayon ang desisyon din ng ating central or main office ng PhilHealth kung papaano nila masosolusyunan iyong mga hinihiling ng mga different private hospitals.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, maraming miyembro ninyo pa rin po ba ang hindi magri-renew sa PhilHealth ng kanilang accreditation?

PHAPI PRESIDENT DR. DE GRANO: Iyon po ang sa ngayon ang binabalak ng ating mga ospital; iyon po ay kaya naman po tinutuloy-tuloy pa rin namin ang pag-uusap dahil siyempre ang kapakanan po ng ating mga beneficiary – ang ating mga miyembro ng PhilHealth ang ating iniisip ano po. At ang gagawin po niyan kung talagang hindi pa po magkasundo at hindi sila mabayaran, iyong mga hospitals, ang mangyayari naman po ay tuloy-tuloy po naman ang serbisyo ang mangyayari lang po ay direct na pong hihingi ng refund ang ating mga kababayan sa PhilHealth pero magbabayad muna po sila nang buo sa ating private hospitals in case po na hindi na po sila mag-renew sa PhilHealth.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyan po nga ang tanong sa inyo ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon sa aming panayam sa inyo, Dr. Jose Rene De Grano, ang presidente ng PHAPI. Mabuhay po kayo, Doc!

PHAPI PRESIDENT DR. DE GRANO: Salamat po, USec.

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling tala ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa:

  • As of 4 P.M. kahapon, umabot na sa 2,727,286 ang kabuuang bilang ng mga nagka-COVID-19 sa bansa;
  • 6,943 sa mga ito ang bagong naitala kahapon.
  • 19,687 naman ang mga bagong naka-recover mula sa COVID-19 kaya umabot na ito sa 2,617,693.
  • Sa kabilang banda, mababa naman ang nadagdag sa mga nasawi kahapon sa bilang na 86 para maging 40,761 ang total death.
  • Sa kasalukuyan, 68,832 pa rin ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Matapos po ang pagbisita ni Senator Bong Go sa mga biktima ng Bagyong Maring sa Buguey at Santa Teresita sa Cagayan kahapon, nagtungo rin ang Senador sa Malasakit Center na nasa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City bilang bahagi ng kaniyang pangako ng pagtiyak na ang mga Pilipino ay may access sa mataas na kalidad ng serbisyong pangkalusugan.

Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: May ilan umanong employer sa bansa ang hindi nagpapasahod sa kanilang mga manggagawa na hindi pa bakunado kontra COVID-19 – bagay na inalmahan ng ilang labor groups. Nararapat nga ba ang sistemang iyan? Aalamin po natin mula mismo kay Undersecretary Benjo Santos Benavidez ng Labor Relations, Social Protection and Policy Support mula po sa Department of Labor and Employment. Magandang umaga po, Usec.!

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Magandang umaga din po Usec. Rocky at magandang umaga po sa ating mga kababayang manggagawa at mga negosyante.

USEC. IGNACIO: Usec., ano ba ang stand o posisyon ng DOLE pagdating dito sa balitang ilang employers ang hindi nagpapasahod sa mga unvaccinated employees?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Well isa lang po ang stand ng Department of Labor diyan – bawal na bawal po iyong ganoong iskema.

USEC. IGNACIO: Uhum. Pero marami rin bang reports na nakakarating sa inyo na kagaya nito o kayo po ba ay nakikipag-ugnayan na sa TUCP dito po sa isiniwalat nilang issue na ito?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Actually po ay—kami po ay patuloy naman iyong inspection na isinasagawa ng aming mga inspector, ng mga regional offices at wala pa naman po kaming nakitang mga kumpanya na hindi binabayaran ‘yung kanilang manggagawa dahil hindi pa bakunado.

So kami po ay nakikipag-ugnayan na sa TUCP para alamin sinu-sino ba itong mga korporasyon na ‘to na hindi nagpapasahod ng kanilang mga manggagawa dahil hindi pa bakunado.

Alam ninyo po at least dalawang violation po ito na ginagawa ng isang employer: una, iyong non-payment of wages; at pangalawa, unlawful po ito, ‘yung withholding of wages. May criminal aspect nga po ‘yung withholding of wages at ito po ay may kaakibat na parusang pagkakakulong at multa o kaya man multa at pagkakakulong.

Pero ‘yung unang bahagi po, ‘yung non-payment of wages, ito po ay isang administrative proceeding lang; ito po ay nasa hurisdiksiyon po ng Department of Labor.

So sa atin pong mga kababayan na may mga ganito pong problema, huwag ho silang mag-hesitate na i-report po ito sa Department of Labor and Employment.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., anong gagawing hakbang ng DOLE para linawin na iligal itong ganitong gawain ng ilang employers; naglabas na ba kayo ng memorandum tungkol dito?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Well ito po ‘yung ilalabas po ng Department of Labor and Employment at ganoon din po ‘yung ginagawa po natin sa mga programa kagaya po nito at sa amin din pong mga programa sa social media.

Gusto po naming ipagbigay-alam sa publiko, sa mga manggagawa na bawal po ‘yung ganito pong iskema na ‘no vaccine, no pay’ policy – iligal po ito.

Kung maaalala ninyo po noong early this year, nakapagpalabas na rin po kami ng isang labor advisory – iyon naman po ay patungkol po sa ‘no vaccine, no work’ policy – at ang posisyon po ng DOLE doon ay bawal din. Mas lalo na po itong polisiyang ito na pinag-uusapan ngayon na ang mga manggagawang hindi bakunado ay walang sahod – bawal na bawal po iyan!

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa inilabas na IATF guidelines, ang mga nag-o-operate na establisyimento under the alert level system ay dapat po mga bakunadong empleyado lamang ang nagsiserbisyo sa mga customer ng tindahan. Hindi po ba nagiging sanhi ito ng diskriminasyon o problema sa [garbled]?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Well iyon pong inilabas ng Inter-Agency Task Force na resolution, iyon po ay isang exception to the rule. Kasi ang general rule po talaga doon po sa mga establisyimentong ito ay bawal pa po talaga silang mag-operate o bawal pa po ‘yung dine-in. Pero para po mapayagan po nating makapag-operate po sila nang sa ganoon ay makapasok na rin iyong kanilang mga manggagawa at may kita na rin po sila at sahod, iyon po ang ginawa po nating resolution – sinuportahan po natin iyon.

Alam ninyo po, unti-unti na po nating binu-boom iyong ekonomiya; ngayon po sa NCR mataas na rin ‘yung vaccination rate so sana po ay tuluy-tuloy na po ito. Now as—to make a point, iyon po ay—ang general rule pa rin po ay ang ‘no vaccine, no work’ policy ay iligal pero may mga pagkakataon po tayo kung saan pinapayagan naman po ng pamahalaan sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force resolution ang mga ganito pong proseso o iskema.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ano iyong masasabi ninyo na may mga ilan pa ring business groups at organization na sang-ayon sa sistemang ‘no jab, no work or no pay’?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Well alam ninyo po noong kami po ay maglabas ng labor advisory early this year, pinag-aralan po namin iyon nang maigi. Iyong labor advisory po namin ay nakabase sa isang probisyon po ng Konstitusyon at ito po iyong karapatan ng mga manggagawa sa kasiguraduhan sa trabaho. Ang mga manggagawa po ay hindi po puwedeng tanggalin nang walang sapat na dahilan o wala pong prosesong pinagdaanan.

Sa tingin po namin sa Department of Labor and Employment, iyong non-inoculation, iyong the fact that the employee is not vaccinated, hindi po siya sapat na dahilan para po siya ay tanggalin o kaya suspendehin po sa trabaho. Nakalagay po iyan sa ating Konstitusyon at ito po ay nakalagay din sa Labor Code of the Philippines.

Ang sa tingin po namin, kailangan pong magkaroon po ng isang legal cover or legal basis para po ito ay gawin o maging justified – gawin ng mga employer at iba pa pong mga enterprises.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., papaano doon sa pagha-hire? Kung gusto ng employer na bakunado, ano po ang masasabi ng DOLE dito?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Well alam ninyo po, mayroon po tayo ngayong bagong batas at nakapaloob po doon sa Section 12 po noong bagong batas na iyon, 11525, ito po ‘yung patungkol sa batas natin sa pagbabakuna – ipinagbabawal po na i-require iyong vaccination card para po makapaghanap ng bagong trabaho o makahanap o lumipat sa bagong trabaho. Bawal po iyon, very expressed in the law na ito ay ipinagbabawal!

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., punta naman tayo sa usapin ng posibleng deployment ban sa Saudi Arabia. May balita na ba kung kailan matuloy itong deployment ban? Ano po ang mangyayari sa mga OFW nating nandoon sakaling matuloy po ito?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Well alam ninyo po, nakakalungkot po iyong sitwasyon ng ating iba pong mga kababayan na OFW at willing po o may kagustuhan pong mangibang-bansa at magtrabaho.

Pero alam ninyo po, ngayon pong linggo ay bibiyahe po ang aming Kalihim kasama ang aming Administrators ng OWWA at ng POEA upang pag-usapan po ito; matagal na po naming idinulog sa gobyerno po ng Saudi Arabia iyong sitwasyon ng mga maraming manggagawang OFW na hindi po napasahod.

Alam ninyo po noong pumasok po si Secretary Bello noong 2016, may pinauwi po kaming libu-libong mga manggagawa. Pinauwi po iyon subalit mayroon pa pong pagkakautang iyong kanilang kumpanya – kung hindi po nagkakamali, mahigit pong 4 billion pesos. So ito po ay isa sa mga konsiderasyon sa pagdidesisyon po ng Kalihim kung ano ang tama pong gawin para po sa issue po ng deployment sa bansa po ng Saudi Arabia.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., mayroon ba kayong sinet (set) na deadline kung kailan dapat mabayaran ang ating mga OFWs ng kanilang unpaid wages at benefits?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Opo. Actually matagal na po iyon, bago pa po magpandemya ang commitment po ay mabayaran po kaagad ang libu-libong manggagawang nagtrabaho na at wala pa ring sahod. Pero unfortunately as we speak, nasa pandemya po tayo, mas kailangan po nila noong tulong-pinansiyal – wala pa rin pong forthcoming na payment noong kanilang mga sahod. Uulitin ko po: Pinagtrabahuhan na po nila iyon, kabayaran na lang po iyong kulang.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., sa usapin naman ng 13th month pay assistance ng government. Bukod po ba sa soft loans, ito po ba ay isa-subsidize ng pamahalaan at ano ang mangyayari dito, USec.?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Well, alam po ninyo itong usapin sa 13th month pay, hindi po ito bago. Naging usapin na rin po ito noong nakaraang taon at ang posisyon po namin noong nakaraang taon ay kapareho ng posisyon po namin ngayon.

Na ang 13th month pay, ito po ay isang statutory obligation, ito po ay base sa batas, mai-extinguish lamang kung magkaroon po ng tamang bayad ang ating mga manggagawa. Pero alam po ninyo mayroong mga assistance, form of assistance na puwede pong itulong iyong pamahalaan sa ating mga korporasyon, sa ating mga employer lalung-lalo na iyong mga maliit.

Una na nga po dito iyong nasambit kong pautang at ang pagkakaalam ko ay wala o kaya ay napakaliit po ng interes. Pangalawa po, gusto po naming linawin sa pamamagitan na rin ng labor advisory na sa tingin ko ang pagkakaunawa po kasi ng karamihan sa ating mga employer ay ang 13th month pay ay iyong kabuuang monthly salary ng manggagawa. Pero hindi po ganoon iyong computation ng 13th month pay. Dahil na nga rin pong marami pong mga manggagawa ang hindi po nakapasok at nagpatupad po tayo ng mga suspension of work. Sa tingin ko po proportionate lang, iyon naman po talaga ang tamang computation ng 13th month pay.

Proportionate po ng 13th month pay ang kailangang bayaran ng mga employer at dahil po doon, mas maliit po ang amount na kailangan po nilang gugulin para po ibayad sa ating mga manggagawa.

So, ilalabas po namin iyong labor advisory na iyon upang linawin magkano ba talaga ang amount na matatanggap ng isang manggagawa lalung-lalo na ngayong panahon po ng pandemya.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., may pahabol lang na tanong si Sam Medenilla ng Business Mirror sa inyo ano: Ano daw po ang compliance rate ng mga inspected companies ng DOLE noong 2020 sa pagbayad ng 13th month pay ng kanilang workers; mas mataas o mas mababa pa kaya ito compared sa 2019?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Hindi ko po maibigay iyong specific na comparative data. Pero last year po, mga nasa 85% iyong compliance rate ng mga corporation patungkol po sa pagbabayad po ng 13th month pay.

Hayaan po ninyo sa kaibigan po nating si Sam, kukunin po natin iyong datos noong nakaraang taong 2019.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ito galing kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Last August daw po, you were quoted as saying that the DOLE is conducting an investigation on companies implementing a no vaccine, no work policy? Bigyan daw po ninyo kami ng update sa investigation? Ilang kumpanya at ilang empleyado po ang involved dito?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Well, ang nakarating lang po sa akin iyong isang kumpanya, ito po ay nasa Makati na nakabalik naman po sa trabaho na iyong manggagawa. Pero base po sa inspection na isinasagawa po ng Department of Labor and Employment, wala pa po kaming nakitang kumpanya na nagba-violate po sa ganitong polisiya.

Kaya kami po ay nananawagan sa mga manggagawa at sa mga kaibigan po nating may alam na mayroong mga kumpanyang nagpapatupad ng ‘no work, no vaccine policy’ i-report po ninyo sa Department of Labor and Employment ng sa ganoon ay ma-call po namin iyong attention at mapapuntahan na rin sa aming mga inspector.

USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin at impormasyon, Undersecretary Benjo Santos Benavidez ng DOLE. Mabuhay po at salamat, Usec!

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Maraming salamat po at magandang umaga sa ating lahat. Sa ating mga manggagawa, magpabakuna na po tayo.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Huwag po kayong bibitiw, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Isa ang Naga City sa patuloy na nakapagtatala ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahilan para ideklara ang lungsod bilang high risk. Dahil dito, ipinatutupad po ang Modified Enhanced Community Quarantine sa lugar hanggang sa katapusan ng buwan.

Kumustahin natin ang sitwasyon ng ating mga kababayan doon, kasama po natin si Dr. Aurora Teresa Daluro, ang Chief Epidemiology ng Department of Health Bicol. Magandang umaga po Doc.!

DR. DALURO: Magandang umaga po ma’am at sa mga ating mga tagapakinig at tagapanood po.

USEC. IGNACIO: Doc., sa kasalukuyan po ba ay ilan na iyong kaso ng COVID-19 sa Naga City at ilan po sa mga ito ang aktibo sa ngayon?

DR. DALURO: Ma’am, sa Naga City mayroon po tayong as of yesterday po, we have 43 cases na nai-report at kung titingnan po natin iyong active cases natin sa Naga City ay 1,578 po.

USEC. IGNACIO: Pero, ilan po sa kabuuang kaso na ito iyong masasabi po natin na severe cases at gaano po ito kalala?

DR. DALURO: Okay. So, teka lang po, iyong severe cases? Wait lang po ha at itsi-check natin. Sa atin po sa Naga City, iyong mga severe cases po doon sa breakdown na iyon as of yesterday po ang Naga City ay mayroon pong—doon po sa total active cases mayroon po siyang 1,472.

Wait lang po, asymptomatic. Mayroon po siyang 1,472 na cumulative cases of which 4 po iyong asymptomatic na naidagdag and mayroon po siya sa mild 3,068 na total na cases po. Ang nadagdag po na mild is 3 and for the moderate cases mayroon po siyang 2,042 na cumulative number of cases; may nadagdag pong 3 sa Naga City.

Para doon naman po sa severe, mayroon siyang 123 cumulative cases na active po at ang naidagdag po ay zero po and for the critical cases na cumulative, mayroon po siyang 36 at mayroon po siyang naidagdag na 1 new case kahapon po and we have 839 for verification po na cumulative number of cases but wala na pong nadagdag kahapon ng for verification sa siyudad po ng Naga.

USEC. IGNACIO: Doc., ang Naga City po kasi nakapagtala kayo ng 61% one week growth rate ng COVID-19 infections; so ano po ba iyong nakita ninyong dahilan nito?

DR. DALURO: Sa Naga City po. So, ang Naga City ay nandoon po kasi iyong end referral facility natin. So, which is aggravated po iyong cases; so, ang naitala po natin sa Naga City na assessment based on a one week growth rate and average daily attack rate, ang mayroon po tayo sa Naga City—noong previous na evaluation po period po is October 3 to October 9 high po siya ang risk classification and from October 10 to October 16 high din po iyong kanyang risk classification.

USEC. IGNACIO: Doc., may tanong lang po iyong kasamahan natin sa media. Si Evelyn Quiroz, po ng Pilipino Mirror: DOH Region V was observed to have a spike in the incidents of new variant of concern, kabilang po iyong Delta as of September. Can you give us an update po on the current situations in the region; ano po ang hakbang ng DOH kaugnay dito?

DR. DALURO:: So, tama po kayo mayroon kaming recent spike in the number of cases and iyong last pong release natin which is was more of Delta and iyong Naga po mayroong mga Delta cases po tayong nai-report from several Barangays.

And as one of the actions done po na with to be IATF and on its own also mayroon pong mga ginagawa ang ating siyudad ng Naga. Mayroon po silang every weekend MECQ and it’s going on for the past 4 weeks na po. So kung titingnan—and mayroon na po silang, at noong last October 13 iyong kanilang lab na pinapa-evaluate po nila sa DOH naisyuhan na ng license to operate and nag-start na po sila ng operation last October 13 and iyan po nga iyong naging inauguration.

So, as regarding to the diagnosis ng ating cases, may lab na po ang Naga City and mayroon po siyang pinapatupad na weekend MECQ kasi na-observe po nila na marami na pong lumalabas at medyo nag-e-exceeds na rin po naman iyong ibang mga areas ng kinakainan at saka iyong lumalabas din po sa city. So, mayroon na din silang curfew at may ini-establish na check point. Kasi marami po iyong entry point ng Naga City since this is considered as the heart of Bicol.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, pagdating naman po sa mga hospital natin diyan sa Naga City, sapat pa rin po ba ang pasilidad at mga kagamitan para tugunan po ang pangangailangan ng mga pasyente?

DR. DALURO: Ah yes. Napakagandang tanong po iyan ma’am. So, with this aggregated also since ang Bicol Medical Center is the big end referral facility which situated in Naga. So, dinisaggregate po natin iyong ating end referral facilities ng COVID ng DOH po sa Bicol and since ang BMC po, the Bicol Medical Center is in Naga City which disaggregated this.

So, we computed for the average admissions po for the past week as parehas po ng ADAR at saka iyong two week growth rate and kung titingnan po natin ang admission sa Bicol Medical Center ay ano po siya, 72.7% po.

Ibig sabihin high ang utilization rate and mayroon po siyang—isolation beds for COVID utilization is already at 87% or 88% which is equivalent to critical and mayroon po tayong COVID ward beds na moderate po at 60, 67% po from the Bicol Medical Center which is in Naga City and ICU beds na utilization at 63 or 63.2% which is equivalent to moderate.

And over all po iyong mechanical ventilators utilization for COVID in the Bicol Medical Center is at 68.0 which is equivalent to moderate. So, ito po ay may naka-establish po silang One Hospital Command and there is another hospital end referral facility which is in Camarines Sur but seldom po nairi-refer po doon iyong mga cases natin sa Naga City. So, it’s at the Bicol Medical Center mostly where cases in Naga City are being referred.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, bukod po sa mahigpit—

DR. DALURO: So, yes po.

USEC. IGNACIO: Bukod po dito sa mahigpit na restriction, eh mahalaga rin Doc., iyong testing, tracing at vaccination; so ano po ang ginagawa ng DOH Regional office diyan katulong po o katuwang ang mga LGU para po paigtingin ang mga ito?

DR. DALURO: Yes ma’am. So, iyong contact tracing kahit po itong hiring po ay naibibigay po sa DILG. We manage, we do the training for the contact tracing for those hired by DILG and positioned at LGU’s and if they need retraining we train them. So, ang amin din po naman, when it comes to testing we have the Bicol ano po, we have a sub national reference lab here in Legazpi City, Albay where the big, where the CHD is located.

Ito po iyong biggest lab po natin na ang capacity is over ano po, over a thousand cases. So, can accommodate 1,200 to 1300 per day na specimen of which iyong bag ng specimens naman po na hindi naa-address ng ating labs in Naga, iyong ating Bicol Medical Center na COVID -19 labs pumupunta po sa atin dito.

So, basically po, we are coordinating with DILG regarding doon sa contact tracing po na training or sila po ang nagpapa-train sa atin and also po iyong… we have also po sa DOH po we have our disease surveillance officers na strategically placed at the Provincial Epidemiology and Surveillance Unit and the Municipal NCP Epidemiology and Surveillance Units to assist po in a case detection sa atin mga local government units.

And this DSO’s also formed a group under the leadership of the Municipal Health Officer to do the contact tracing as well as iyong swabbing. So, they’re supposed to be a team sa ibaba po but siyempre although iyon din po pag sa increase in the number cases, sometimes po naano din sila sa trabaho nati-tigil. So, mayroon pong back-up plans ang atin LGU for that and also for the vaccination.

So, we are working on the vaccination and the DOH at the regional level also has issued a moratorium this October 18 until November 15 to rump-up po iyong ating target na 50% or better po sa national target na vaccination accomplishment for all age po, for the whole population. All out po ang aming staff sa provincial offices to assist the local governments in monitoring the vaccination.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., pero ilang porsiyento na po ang nabakunahan sa region?

DR. DALURO: Hello?

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., ilan na po iyong nabakunahan sa buong, ilang porsiyento na po iyong nabakunahan sa buong Bicol region?

DR. DALURO: So, ang ating vaccination coverage po for the whole region as of yesterday. So, this a daily report from the vaccination group po. For the Bicol region ang total accomplishment is at 66% po.

So, we disaggregated this accomplishment po if I may read; for Albay mayroon po tayong—ini-exclude po namin iyong 7 cities.

When we read po iyong data ng province this is from the municipalities and the succeeding pong data ire-read ko po iyong 7 cities: So, in Albay, we have 56% utilization rate ng vaccine; sa Camarines Norte we have 68%; Camarines Sur, we have 71%; Catanduanes 75%; Masbate at 58%; and Sorsogon at 58%.

For the cities na 7 po ng buong Bicol: for Legazpi City in Albay we have 84% utilization rate; in Ligao City in Albay we have 57%; Tabacco City in Albay also we have 68% utilization rate. For the city of Naga in Camarines Sur we have 79% utilization rate; In Iriga also in Camarines Sur, we have 67% utilization. For the province of, for the City of Masbate in Masbate City we have 65% utilization rate and for Sorsogon City in Sorsogon, we have 65% utilization rate po.

USEC. IGNACIO: Okay, Doc., kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay impormasyon sa amin at sa pagpapaabot sa kalagayan diyan sa Naga City at sa region, Dr. Aurora Teresa Daluro, ang Chief Regional Epidemiologist ng DOH Bicol. Maraming salamat po Doc.!

DR. DALURO: Maraming, maraming salamat po ma’am and stay safe.

USEC. IGNACIO: Puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa mga lalawigan ng bansa. Ihahatid po iyan ni Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas:

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Ria Arevalo, ng Radyo Pilipinas. Samantala, sa Davao region patuloy na ang pagbaba ng bilang ng nagpupositibo sa COVID-19, may report si Jay Lagang:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Julius Pacot ng PTV Davao. Maraming salamat din sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito na po nagtatapos ang isang oras nating talakayan para pag-usapan ang mga napapanahong isyu sa bansa. Paalala lamang po na patuloy tayong mag-ingat at manatiling ligtas dahil 67 days na lang po ay Pasko na.

Muli ako po si USec. Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!

###


News and Information Bureau-Data Processing Center