Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa. Ngayong araw ng Martes, October 26, ay muli nating tatalakayin ang mga napapanahong isyu tungkol sa sektor ng transportasyon at ang nagpapatuloy na pandemya. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Simulan na po natin ang makabuluhang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Ikaisandaan at apatnapu’t limang Malasakit Center sa bansa binuksan na sa PNP General Hospital sa Quezon City. Personal itong dinaluhan ng main proponent ng Malasakit Center Act na si Senator Bong Go. Narito ang report:

[VTR]

 

USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa huling tala ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa as of 4 P.M. kahapon

  • Umabot na sa kabuuang bilang na 2,761,307 ang mga nagka-COVID-19 sa bansa kung saan naitala ang 4,405 na mga dagdag na kaso kahapon.
  • Seven thousand five hundred sixty-one naman po ang bagong bilang ng mga gumaling kaya umabot na ito sa 2,661,602 total recoveries
  • Habang nasa 149 na katao po ang mga nasawi, suma total mayroon na tayo ngayong 41,942 total deaths.
  • Fifty-seven thousand seven hundred sixty-three 2.1% ng kabuuang kaso ang aktibo at kasalukuyang nagpapagaling.

Samantala, sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis ay ang linggu-linggo ring daing ng ating mga kababayan sa sektor ng transportasyon. At ayon pa sa mga eksperto, posibleng umabot hanggang sa susunod na taon ang pasakit na ito sa bulsa ng mga motorista. Kaya’t kumustahin natin ang sitwasyon ngayon ng ilang transport groups, kasama po natin si Liga ng Transportasyon at Operators National President Engineer Orlando Marquez. Magandang umaga po, Engineer!

LTOP PRES. ORLANDO MARQUEZ: Magandang umaga, Usec. Rocky. At magandang umaga sa inyong napakaraming, milyun-milyon na nanunood at nakikinig sa iyong programa.

USEC. IGNACIO: Opo, salamat po. Sir, kumusta po ang inyong grupo sa ngayon? So ano po ang masasabi ninyo sa sinasabing posibilidad na hanggang next year daw po ang pagtaas na ito ng presyo ng langis, Engineer?

LTOP PRES. ORLANDO MARQUEZ: Alam ninyo, Usec. Rocky, iyan nga po ang nakakalungkot dahil ganito nga na pandemic so talagang pinagsamantalahan tayo ng virus at pinagsamantalahan din tayo ng mga oil companies. At bilang lider na nasyonal sa Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, ako po ay hindi naniniwala na linggu-linggo ang pagtaas sa ibang bansa – hindi po ako maniniwala po doon. Dahil iyong biyahe lang po ng tanker natin mula Saudi Arabia hanggang dito ay hindi po kayang biyahihin po iyang ng 15 days/one month. Kaya iyon po iyong ating napapala doon sa pinayagan natin na ipasa iyong batas na deregulation law, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Isa po sa naging tugon ng pamahalaan dito ay ang pagbibigay ng fuel subsidy worth one billion pesos sa pamamagitan po ng LTFRB; kahit paano po ba ay makakatulong ito para po maibsan ang hinaing ng mga operators at drivers?

LTOP PRES. ORLANDO MARQUEZ: Napakalaking bagay, Usec. Rocky, iyong ibibigay nila sa amin dahil noong nakaraang linggo ay nagkaroon kami ng magandang pag-uusap nila Congressman Sarmiento diyan sa Committee on Transportation sa executive committee meeting namin, kasama po ang ating chairman Atty. Delgra at saka sila Assistant Secretary Pastor, Steven Pastor, kaya iyon po ay napakaganda—kasama ang DOE. So kami ay nagpapasalamat dahil itinawag sa akin ng opisina po ni Senator Imee Marcos na siya iyong nagpanukala at naggawa ng resolution para dito sa pondo na one billion. So malaking bagay po ito para doon sa ating mga transport.

At saka ang hinihiling namin talaga, Usec. Rocky, ay ibalik iyong aming binayaran na ten pesos na minimum. Masakit sa loob namin po na humingi ng ganito kaya lang napakatagal na po na tumataas na tumataas ang presyo ng ating fuel industry dahil deregulated nga, hindi naman po kami pinapakinggan kaya napilitan po kami na nag-file fare increase pero hindi namin talaga ito kagustuhan. Kaya kami ay nagpapasalamat na dininig naman kami ng Kongreso at saka ni Chairman Delgra at saka nila Asec. Pastor ng DOTr, kami po ay natutuwa para naman po maka-survive po kami.

At isa pang malaking gusto namin sana na ma-implement dahil po iyong nakakatakot na puro aksidente sa mga lumang sasakyan natin at bumubuga ng usok dahil nga po iyong binasa natin ho tungkol sa coronavirus ay iyan pong napakakapal po na ibinubuga na usok ng ating mga sasakyan na sana po ay pahintulutan na po ng Senado iyon pong PMVIC na makapag-operate dahil kami po talagang pinag-aralan namin nang mabuti ito na napakababa iyong aming bayarin. Nagtataka kami kung bakit ipinipilit ni Senator Grace Poe na pupunta kami sa PETC.

Kaya ito po ay panawagan sa ating mga kababayan, Usec. Rocky, lalung-lalo na kay Secretary Tugade na sana ho huwag silang mag-surrender dahil kami po ay nakasuporta dito sa programang totoong tamang procedure doon sa tinatawag na International Engineering Safety Standard Implementation, dapat po ay mayroon tayong ganitong PMVIC dahil lahat ng bansa, Usec. Rocky, ay sinusunod nila po ito at ito po iyong dumaan sa tamang engineering evaluation analysis, kumpleto po iyan.

Kaya kami po ay nananawagan kay Senator Grace Poe na sana ay kumuha siya ng totoong engineer na kaniyang consultant, hindi po iyong “konsuholtant” na pinagtitiwalaan niya na si Mr. Ariel Lim dahil po iyong si Ariel Lim, kilala ko po iyan. Kumpare ko pero wala akong personal sa personalidad niya. Kaya lang ho iyong ina-advice ni Mr. Ariel Lim eh sana ho ay graduate siya ng mechanical engineering para maniwala ako sa kaniya.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ulitin lang po natin ano, kayo po ba ay magkakaroon o nagkaroon ng dayalogo o koordinasyon sa LTFRB kung paano po iyong magiging paraan o sistema ng pamamahagi nito, itong pong sa subsidy ano? Nalaman ninyo po ba kung magkano iyong ibibigay na subsidy kada unit?

LTOP PRES. ORLANDO MARQUEZ: Wala pa po, Ma’am Rocky, dahil unang-una, ang usapin namin doon sa Kongreso noong last week ay magkakaroon kami ng second round executive meeting kay Congressman Sarmiento, kasama ko po sila Ka Obet Martin, ang presidente ng Pasang Masda at saka sila Ka Mody [Floranan] ng PISTON at saka sila [Ricardo] Boy Rebaño ng FEJODAP, iyong pumalit kay Mareng Zeny Maranan.

At nandudoon po kami at maganda ho dahil kami po ay puwedeng magrekomenda ng mga sistema kung papaano dahil ang rekomendasyon namin po, Ma’am, ay direkta na dapat sa driver, huwag ng ibigay sa operator dahil kapag ibigay na naman sa card ng operator eh baka hindi na naman iyong jeep ang malalagyan ng krudo, baka iyong Pajero na naman noong may-ari ng mga jeep, siya na naman ang magkakarga doon sa card kung card ilalagay. Kaya mas maganda po sa aming rekomendasyon, mismong dalahin noong driver iyong kanilang prangkisa na certified conformity galing sa LTFRB po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ito po raw ay para lamang sa mga bonafide PUV drivers at ano po ba ang ibig sabihin nito at paano masasabing bonafide ang isa pong nagmamaneho ng pampublikong sasakyan?

LTOP PRES. ORLANDO MARQUEZ: Ganito po iyon, Ma’am ano, iyong bonafide driver siya ho iyong in-authorize, mayroon siyang authority doon sa may-ari ng prangkisa ng sasakyan na siya ho iyong driver ni “Poncio Pilato” – iyong driver na iyon at hawak niya iyong papeles na kailangan ho ay mayroon tayong tinatawag na Xerox copy ng kaniyang signature na hawak-hawak ng driver niya para katunayan siya iyong authorized na driver niya na puwedeng mag-load doon sa diskuwento na ibibigay doon sa fuel subsidy na tinatawag. So, gusto namin na makipagharap ulit sa ating Kongreso para po magawa natin iyong tamang mechanics distribution po nito.

USEC. IGNACIO: Engineer, ngayong aprubado na nga po itong fuel subsidy na ito na siya pong matagal na ring hinihiling ng ilang drivers at operators, sa palagay ninyo po ba may basehan pa rin sa pagpapatuloy naman ng fare hike petition o posible po bang ipagpaliban rin muna ito? Engineer?

LTOP PRES. ORLANDO MARQUEZ: Kami po, Ma’am, ay hindi na namin itutuloy yong aming additional fare increase. Ang usapan namin po, Usec. Rocky, ay sana po ay ibalik naman nila iyong piso. Kasi pinag-aawayan minsan iyong sukli na piso doon sa sampung piso na dalawang limang piso. Halimbawa, walang piso, alam ninyo naman iyong driver kung minsan kahit mayroon sabihin niyang wala.

So, mas maganda na lang dahil bayad naman po kami ng legal fare matrix sa sampung piso, ibalik na lang po nila doon, tapos iyong kung magkano iyong subsidy kailangan pag-usapan namin para at least makikita namin kung magkano iyong katapat noong aming nai-file kung tama ba iyong aming computation para naman makaagapay doon sa pangangailangan ng ating mga tsuper at operator, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Engineer, alam po natin talaga na malaking kabawasan sa kita ng bawat PUV driver itong limited passenger capacity sa mga pampublikong sasakyan. Ano pong masasabi ninyo sa isinusulong ngayon ng DOTr na ibalik na ang 100% passenger capacity sa mga PUV?

LTOP PRES. ORLANDO MARQUEZ: Kami po, Usec. Rocky, ay natutuwa doon sa desisyon ni Secretary Tugade na in-announce kaninang umaga ni ASec. Pastor ng DOTr, kaya lang po kami ay nakahanda pa rin na makipagtulungan doon sa tinatawag na dapat mayroon pa rin tayong scanner doon sa mga terminal, doon sa mga sakayan kasi po nagrirekomenda po kami sa mga lugar dahil mayroon pa rin pong pandemic hindi ba ho? Nandiyan pa rin po iyong kaaway na virus na hindi nakikita.

So, kami po ay talagang gustong tumulong sa ating gobyerno dahil unang-una po ay taumbayan kami, mga taumbayan ang sakay namin, ang naaapektuhan dito sa virus kaya ayaw na namin sana na bumalik iyan at sana po maintindihan ng ating mga kababayang pasahero, ang ating mga tsuper na kailangan sana ay ang aming rekomendasyon nga ay maglagay tayo ng designated area ng mga lugar na puwedeng sakayan ng mga bawat barangay para hindi po bawat kanto na naman sakay-baba – sakay-baba.

So, iyon ho ay talagang mayroong problema tayo doon. Kaya kami po ay gustong makipag-ugnayan na matagal na naming gustong makausap ang Metro Manila Mayors dahil marami pong problema namin doon sa Metro Manila Council dahil nga sa ini-implement nila na non-contact violation. Kung dito ko sasabihin lahat, Ma’am, sa programa ninyo baka makuha ko lahat ng oras po ninyo.

So, kami ay talagang nananawagan kami sa Metro Manila Mayors Council, iyong kanilang ini-implement na non-contact violation ay talagang hindi po tama para sa amin dahil wala pong legal na public consultation, Usec. Rocky. Hindi po kami pinatawag diyan, iyong mga nag-i-implement na mga siyudad sa Metro Manila, wala hong patawag sa amin, walang konsultasyon.  At ang masakit dito, pina-concessionaire nila sa pribado.

Nagpasa-pasa sila ng mga ordinansa pagkatapos ipapakontrata kami na hulihin kami, lahat tayo pati pribado. Ipapahuli kami sa pribado? Eh, huwag naman ganoon dahil kung hindi naman nila kayang i-implement eh huwag na lang silang magpasa ng batas. Iyan ho iyong panawagan namin, Usec. Rocky, sa ating mga kagalang-galang, kaibigan namin. Nagpapasalamat kami dahil sila po, Usec. Rocky, ang umalalay sa amin noong pandemya. Hindi po kami inalalayan – mayroon mang naalalayan ng DSWD – pero 85% ay walang nakatanggap na ayuda diyan sa ipinamimigay ng DSWD.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kayo po ba ay handa talaga o may patakaran na kayo para masiguro po na ligtas iyong mga pasaherong sasakay para po hindi rin magkaroon ng transmission ng COVID-19, Engineer?

LTOP PRES. ORLANDO MARQUEZ: Kaya nga po, Usec. Rocky, kami ay nananawagan na mismo dito sa inyong programa at saka sa iba pang radio na tumatawag sa amin na nag-i-interview, kami po ay nakahanda na talaga dahil ako mismo personalidad ko po at saka sila Ka Obet Martin ng Pasang Masda, sila Boy Vargas ng ALTODAP, sila Boy Rebaño ng FEJODAP at saka sina Pareng Lino Villaraza ng UV Express at saka sa bus sina Ma’am Juliet diyan sa bus organization, provincial at saka Metro Manila, kami po ay nagkakaisa ngayon dahil kami ay pare-parehas na hindi po nakatanggap doon sa tinatawag na 85% of the total drivers and individual operators, hindi po nakatanggap ng ayuda na ipinamimigay po ng DSWD.

Kaya nagpapasalamat po kami sa lahat ng local government na umalalay sa amin dahil sila po ang nagbigay sa amin. Dadalawa lang po, pangalanan ko po ‘yung nagbigay sa amin nang personal na tulong sa amin – si Senator Imee Marcos namigay sa amin ng bigas, ipinamigay namin sa miyembro; si Senator Bong Go, siya po ‘yung kauna-unahan na nagbigay sa amin ng mga food pack kaya nagpapasalamat po kami sa kanila.

Iyong mga iba po na natulungan namin mga nakaraang eleksiyon, hindi po kami tinawag na  magbigay man lang sana ni kahit man lang isang kilong bigas.

USEC. IGNACIO: Opo. Engineer, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga sa aming programa ano po – Engr. Orlando Marquez, LTOP National President.

LTOP PRES. ORLANDO MARQUEZ: Maraming salamat, Usec. Rocky. At gusto ko lang ulitin po na sana ho ay payagan na at i-implement at sana pakiusap po namin kay Senator Grace Poe na iyon pong programa ng PNVIC [Private Motor Vehicle Inspection Centers] ay napakaganda, sinusuportahan amin ‘yan dahil naintindihan namin ang engineering system ng ating public transport. Kaya sana ho si Senator Grace Poe kumuha siya nang marunong na consultant, hindi po ‘yung consultant ninyo diyan na wala naman pong alam. Salamat po! Magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Engineer, maraming salamat din po!

Samantala, Senator Christopher ‘Bong’ Go nilinaw ang mga usap-usapan na ‘di umano’y pagbibigay niya ng daan para sa isa pang kandidato para tumakbo sa nalalapit na halalan sa 2022. Pagdidiin ni Go, buo ang desisyon niya sa kandidatura bilang Bise Presidente. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Isa po ang Aklan sa mga kilalang probinsya sa bansa lalo’t dito po matatagpuan ang ipinagmamalaki nating Boracay Beach. At kamakailan nga po isang good news ang inanunsiyo ng lokal na pamahalaan lalo’t para sa mga biyaherong nagpaplanong bumisita sa mala-paraisong lugar. Kaugnay niyan, makakausap po natin si Dr. Cornelio Cuachon mula po sa Aklan Provincial Health Office. Magandang umaga po, Dr. Cuachon!

DR. CUACHON: Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumustahin ko muna po ‘yung lagay ng inyong probinsya ngayong pandemya. Ano na po ‘yung kabuuang bilang ng mga aktibong kaso diyan sa Aklan?

DR. CUACHON: As of kahapon po iyong ating active cases are only 35 pero sa kabuuan po mayroon tayong total na 12,618. Pero bumaba na po ‘yung kaso namin dahil ‘yung two-week growth rate po namin is -49% at saka po ‘yung average daily attack rate po namin is .59% at saka ‘yung health care utilization po namin is .47%.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, sa ngayon po ay kumusta po ‘yung pagpapatupad ng General Community Quarantine sa inyong probinsya hanggang October 31st?

DR. CUACHON: Yes po, under GCQ pa rin tayo pero kami po’y nananawagan na sumunod pa rin sa mga pinapasunod ng gobyerno – ‘yung mga minimum public health standard at saka ‘yung pagpabakuna po kasi ito po ‘yung makakabigay sa atin ng proteksiyon kahit anong klase na variant na COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, tatanggap nga po ang Boracay Island nang fully vaccinated tourist kahit na hindi na sila magpakita ng negative RT-PCR test. Maari ninyo po bang ipaliwanag sa publiko kung bakit po naging ganito ang desisyon ninyo?

DR. CUACHON: Actually wala pa po. Iyong tourist po is ano pa lang, iyong lately po na lumabas sa advisory ngayon na iyong tourist coming from Panay Island, iyong apat na provinces sa Aklan, Capiz, Antique, Iloilo plus ‘yung Guimaras.

So ‘yung mga local tourist po, puwede na silang pumunta dito kung sila po ay fully vaccinated at mayroon po silang certification ng VaxCertPH. Kung wala po silang certification coming from the VaxCertPH, so kailangan po nilang may negative RT-PCR.

Sa ngayon po iyong mga tourists coming from NCR or Metro Manila ay ganoon pa rin po ‘yung requirement, ‘yung negative RT-PCR.

USEC. IGNACIO: Opo. So ‘yung mga apat na nabanggit ninyo lang lugar ‘yung pupuwedeng fully vaccinated lang po, Doc?

DR. CUACHON: Yes po, kasama po ‘yung Guimaras.

Bale ‘yung Panay Island and Guimaras na mga tourist kung gusto pumunta sa Boracay, puwede na pong walang negative RT-PCR basta mayroon po silang certification, iyong VaxCertPH na fully vaccinated po sila.

USEC. IGNACIO: So iyon pong naka-first dose pa lang ang naituturok sa kanila, required pa rin po silang mag-present ng negative RT-PCR test mula po ito dito sa apat na lugar ninyong nabanggit, Doc?

DR. CUACHON: Tama po. Kasi ‘pag sinabi natin na fully vaccinated, dapat naka-receive na sila ng dalawang dose ng bakuna kung iyong bakuna is two doses. Pero kung iyong bakuna is one dose like Johnson and Johnson is fully vaccinated na po sila once naka-receive na sila ng single dose.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, sa tingin ninyo kailan po maipatutupad itong bagong panuntunan?

DR. CUACHON: Sa ngayon po kasi ang fully vaccinated na mga tourism workers sa Isla ng Boracay is almost 91% na, tapos ‘yung sa community naman is more or less 62%. So kung ma-achieve na po natin iyong 70% na fully vaccinated ng Isla ng Boracay kasi may population siya na almost 34,000 eh so may possibility po na luluwagan na po natin iyong mga travel restrictions.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ulitin lang natin. Anu-anong mga dokumento at proseso na kinakailangan po nilang dalhin at pagdaanan para po makabisita sa Boracay kapag naipatupad na ito?

DR. CUACHON: Of course kailangan po may certification sila na fully vaccinated galing sa DICT, ‘yung VaxCertPH and then of course ‘yung online health declaration card and then ipapakita rin po ‘yung of course ‘yung accommodation nila kung ilang araw sila sa Boracay. Usually iyon lang naman po ang hinahanap na mga dokumento.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ulitin lang natin iyong lugar na binanggit ninyo kanina na pupuwede nang walang RT-PCR negative test result?

DR. CUACHON: Yes po. Iyong Panay Island po comprising the province of Antique, Capiz and Iloilo kasama na po diyan iyong Aklan plus iyong Guimaras Province po – ito po ‘yung ina-allow na natin iyong fully vaccinated basta may VaxCertPH na certification. Pero kung wala po, kailangan po silang magpakita ng negative RT-PCR.

USEC. IGNACIO: Opo. Kung mangyayari nga po itong no more RT-PCR test negative result, tiyak po na dadagsa ang mga turista ano po. Hindi po ba kayo nangangamba na baka magsimula muli ang pagkalat ng COVID at mayroon po ba kayong inihandang mga patakaran para tiyakin at masiguro po iyong kaligtasan ng ating mga turista?

DR. CUACHON: Kailangan po kasi masunod din iyong minimum public health standard. Even fully vaccinated na tayo, dapat iyong mga pagsuot ng face mask at saka face shield, pag-sanitize ng kamay, pati iyong physical and social distancing, dapat palagi po siyang nasusunod.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, paano naman po ninyo masisiguro na walang ibang lulusot na hindi dumaan sa tamang proseso ito pong makakapasok sa Boracay Island?

DR. CUACHON: Actually po nagkakaroon dito ng validation iyong mga dumarating na mga tourist, iyong mga may dala na RT-PCR. So tinatawagan po iyong mga laboratory kung talagang authentic po iyong lab result, kaya lang mayroon pa ring mga kababayan natin na may mga fake RT-PCR. So, through validation po nakikita ng province, kung iyong RT-PCR nila is talagang tama po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ayon po kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, inaasahan po talaga ng Boracay Island, iyong magiging pinakaunang tourist island destination na mayroon po talagang 100 vaccinated workers at resident. Ito po ba ay naibigay na, kumusta na po ang pagbabakuna sa Boracay?

DR. CUACHON: Ongoing po ngayon. Noong last Thursday may dumating na 35, 100 doses ng Pfizer. Actually po sa Boracay may tatlo na po na vaccination site doon, nagdagdag po ng isang vaccination site at nagdagdag na rin po ng mga human resource for health, iyong mga DOH nurses as vaccinators na na-deploy po doon para mapabilis o iyong kanilang pagbabakuna po doon.

USEC. IGNACIO: Opo. Kung magtutuluy-tuloy nga po ang pagbuti ng vaccination rate sa Aklan, masasabi bang handa na rin ang Aklan sakaling palawigin pa rin diyan iyong alert level system?

DR. CUACHON: Sa ngayon po kasi iyong ini-implement pa namin iyong General community Quarantine. But more than six weeks na po na mababa na talaga iyong cases namin. Iyong for the last week, iyong average lang namin, one to two cases per day, kaya nagpapasalamat po kami sa mga kababayan namin na talagang sumusunod po sa mga minimum public health standard.

USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin. Pero kumusta po ang vaccination rollout sa kabuuan diyan, Doc?

DR. CUACHON: Iyong fully vaccinated namin dito is 25% pa lang kami. Pero ngayon  po is ini-expect namin na mas dadami iyong pagdating ng bakuna and then iyon ating namang mga partners from the rural health units is once may supply ng bakuna, talagang inuubos kaagad nila, para mabigyan ulit tayo ng additional supply dito po sa Province of Aklan.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, Dr. Cornelio Cuachon mula po sa Aklan Provincial Health Office. Mabuhay po kayo, Doc.

DR. CUACHON: Maraming salamat po and stay safe.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 [COMMERCIAL BREAK]

 USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Ihahatid po iyan ni Ria Arevalo mula sa PBS-Radyo Pilipinas. Ria?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

Dumako naman tayo sa pinakahuling balita sa Cebu. May report si John Aroa.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Nag-inspection po si MMDA Chair Benhur Abalos sa ilang sementeryo para matiyak na nasusunod ang health protocols lalo’t inaasahan ang posibleng pagdagsa ng mga tao sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay bago pansamantalang isara sa Biyernes ang mga Sementeryo. Ang detalye mula kay Patrick De Jesus, live.

 [NEWS REPORT]

 USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Patrick de Jesus.

Samantala, patuloy ang pagkilos ng Anti-Red Tape Authority or ARTA upang sugpuin ang mga illegal na gawain at anumang katiwalian sa pamahalaan. Highlight nga ng ARTA ang dalawang inisyatibo nito na Regulatory Impact Assessment o RIA manual at Report Card Survey o RCS.

Para ipaliwanag iyan, makakasama natin ngayong umaga si ARTA Deputy Director General for Operations Undersecretary Ernesto Perez. Magandang umaga po Usec.

Okay, babalikan po natin si Usec. Perez.

Magbabalik muli ang Public Briefing Laging Handa PH.

 [COMMERCIAL]

USEC. IGNACIO: Balikan po natin si ARTA Deputy Director General for Operations, Undersecretary Ernesto Perez. Good morning po, Usec.

ARTA USEC. PEREZ: Magandang umaga po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Usec., bahagi po ng mandato ng Anti-Red Tape Authority  or ARTA iyong pabilisin po at ayusin ang serbisyo ng gobyerno. Kaugnay po nito, kayo po ay nagsasagawa ng mga Regulatory Impact Assessment trainings. Para po sa ating mga tagasubaybay, ano po ba itong Regulatory Impact Assessment?

ARTA USEC. PEREZ: Magandang umaga Usec. Rocky. Ito pong Regulatory Impact Assessment, ito po ay sistematikong proseso na niri-require ng ating batas under Section 5 kung saan lahat ng mga regulasyon at polisiya na ipinapatupad ng ating mga ahensiya sa gobyerno ay dapat mag-undergo nitong tinatawag na Regulatory Impact Assessment para siguraduhin na ang kanilang regulasyon na ipinapatupad ay angkop at hindi nakakadagdag na pahirap at gastos sa ating taumbayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., mandatory ba ang pagsasagawa ng regulatory impact assessment at sino-sino po ang kailangang magsagawa nito?

ARTA USEC. PEREZ: Tama po kayo. Under Section 5 po ng Ease of Doing Business law, lahat po ng agencies belonging sa ating Executive kagaya po ng mga national government agencies, government-owned and controlled corporations, state universities and colleges. Kasama na rin po iyong mga local government units ay required under Section 5 ng batas na mag-comply po sa requirements ng Regulatory Impact Assessments na lahat ng kanilang regulasyon na ipapasakatuparan ay dapat mag-undergo nitong sistematikong proseso na ito na RIA na ating tinatawag.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ilang ahensiya na po iyong naitala na nagsasagawa na nitong Regulatory Impact Assessment?

ARTA USEC. PEREZ: As of this month po starting 2019, mga 143 agencies na po ang nag-undergo ng RIA training, sa tulong po ng ating mga kasamahan sa Development Academy of the Philippines na inumpisahan natin noong 2019. Natigil lang po ito iyong full RIA ng 2020, pero nag-resume po tayo ng 2021.

Isinama na rin po natin, na nakikipagtulungan sa atin ang University of the Philippines – Public Administration and Governance Foundation sa tulong din po ng US International Agency for Development kung saan sa taon pong ito ay 48 agency ang nag-undergo ng RIA training under doon sa part ng UP at 44 agencies naman sa Development Academy of the Philippines.

Itong last quarter, starting last week of October hanggang December, nadagdagan po ng thirteen o labing tatlo na ahensiya ng gobyerno ang nagsasagawa po ng training sa Regulatory Impact Assessment.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabalitaan din po namin Usec., na ang ARTA po ay maglulunsad ng Regulatory Impact Assessment Manual. So, anu-ano po ang nilalaman nito?

ARTA USEC. PEREZ: Itong October 28 po, magkakaroon tayo ng launching ng RIA Manual. Dito po nakasaad ang lahat ng elemento, ang proseso, ang metodolohiya at ang assessment or evaluation kung saan magga-guide po ito sa mga ahensiya, magpu-provide po ito ng template kung paano po mag-comply sa requirement ng RIA.

Mayroon na rin pong templated na tinatawag nating Regulatory Impact Statement kung saan ang regulasyon ay magsisigurado ng ating taumbayan na ito po ay nag-undergo ng konsultasyon, nag-undergo ng cost-benefit analysis, standard cost model at maging sure po na ang regulasyon na ito ay hindi nagdadagdag ng pahirap sa additional proseso o kaya gastos para sa ating taumbayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Aside from that Usec, ano po ang benepisyong makukuha ng mga Pilipino sa pagpapatupad ng RIA?

 ARTA USEC. PEREZ: Ay sigurado po na kapag lahat ng mga ahensiya ay magsang-ayon o ipasakatuparan ang RIA ay makakasigurado po ang ating mga taumbayan na hindi sila mahihirapan sa tuwing sila ay makikipag-negosasyon o transaksiyon sa ating gobyerno.

Ma-ensure po nito na ang regulasyon ay hindi dagdag pahirap o dagdag gastos para sa kanila at mayroon dito pong sistema na kung saan sila ay makapagdulog ng kanilang reklamo sa ahensiya sa pamamagitan po ng Anti-Red Tape Authority.

USEC. IGNACIO: Opo. Patuloy nga po ang pagsasagawa rin ng ARTA ng iba’t-ibang proyekto at inisyatibo na makakatulong sa pagpapabuti ng serbisyo sa gobyerno, ano po? Balita ko rin po bukod po sa RIA Manual, ilulunsad din ng ARTA itong Report Card Survey. Ano naman po itong Report Card Survey at ano po ang layunin nito?

ARTA USEC. PEREZ: Ang Report Card Survey, ay parang connect, naka-connect ito sa Regulatory Impact Assessment Requirement. Ito po ay isang paraan kung saan ang ahensiya ay malalaman ng mga alternative authority na ito ba ay nagku-comply sa requirement ng citizens charter at sa lahat ng mga provision ng ating batas on Ease of Doing Business law.

Ito rin po ay makakapagbigay ng pagkakataon sa taumbayan na nakikipag-transaction sa gobyerno kung ito po ba ay nag-undergo po ba sila ng pahirap at may dagdag gastos po ba? May fixer? At the same time, ito pong Report Card Survey ay magiging paraan upang ma-recognized naman natin ang ating mga ahensiya na tumutupad sa batas ng Ease of Doing Business law at the same time ay parang ating basehan para mabigyan sila ng recognition or award sa pag-comply po sa mga requirements ng Ease of Doing Business law.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit ninyo nga na layon talagang masukat ang overall performance ng ahensiya. So, ano naman po iyong pagbabasehan upang masukat nga ang mga ito

ARTA USEC. PEREZ: Apat po ang elemento dito. Number 1, ang ARTA po ay maglalabas ng mga guide questions no, 10 guidelines tapos ang sino man na mayroong transaction sa gobyerno ay mag-anu po, magpi-fill-up sila ng mga guide questions at doon po nila ipapahayag ang kanilang eksperiyensya sa ahensiya.

Sasabihin po nila kung ito po ba ay nakadagdag hirap sa kanila, nakadagdag gastos at the same time malalaman din po natin kung ang ahensiya naman ay nagdagdag pahirap o requirements sa taumbayan. At ito po ay gagawin din naman na basehan para i-recognized o bigyan sila ng award o recognition ang ating mga [ahensiya ng] gobyerno sa pamamagitan po ng Report Card Survey.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ano iyong inaasahang resulta sa pagpapatupad ng Report Card Survey?

ARTA USEC. PEREZ: Iri-rate po ang government agency. Kasi, ang sinuman na mayroong halimbawa, billing o transaksiyon sa isang ahensiya, bago po matapos ang kaniyang transaksiyon, mayroon po itong mga ten question na dapat niyang fill-up-an o sasagutin at dito ang taumbayan ay sasabihin niya honestly. Ano ba ang karanasan mo sa pag-transact mo sa ahensiyang ito? Mayroon ka bang naranasan na mahirap? Mayroon bang additional cost? Ano ang iyong overall rating? Ito po ang sasabihin niya ito sa guide question.

Sa pamamaraan po nito, sa pamamagitan nito ay malalaman ng ARTA kung ang ahensiya na kung saan ang aplikante ay nagkaroon ng masamang karanasan, kagaya ng halimbawa mayroong discourtesy, hindi naging professional o kaya nagdagdag gastos at nagdagdag pahirap. Ang aplikante po ay puwede niyang sabihin iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Aabangan po namin iyang Report Card Survey at makita kung anu-ano po iyong ahensiya man na mag-e-excel ano po. Usec., kailan po ito iru-rollout?

ARTA USEC. PEREZ: Sa November 11 po magkakaroon ng soft launching ang Report Card Survey tapos magkakaroon po ng pilot run starting din sa November up to December. Pero ang complete rollout nito ay sa next year, 2022, bago po matapos ang Administrasyong Duterte by June 30 po.

USEC. IGNACIO: All right. Maraming salamat po sa inyong pagbabahagi ng impormasyon patungkol sa inyong inisyatiba, Undersecretary Ernesto Perez ng ARTA. Mabuhay po kayo at stay safe po.

ARTA USEC. PEREZ: Maraming salamat po at magandang hapon po sa lahat.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Mga kababayan maraming salamat po sa walang sawang pagsubaybay. Patuloy ang aming paalala na tayo po ay maging maingat at manatiling ligtas lalo na’t 60 days na lamang po at Pasko na.

Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita tayo muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 ###

                                     

News and Information Bureau-Data Processing Center