SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Usaping bakuna po muna tayo ha: Mahigit 58.2 million ang total doses na-administer na po sa buong Pilipinas as of October 28, 2021, ito po ay ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Sa bilang na ito, nasa 34.75% na po or mahigit 26.8 million ang fully vaccinated. Sa Metro Manila naman po ha, nasa 95.89 or mahigit 9.3 million na po ang nakatanggap ng first dose. Habang 86.93% or mahigit 8.4 million ang fully vaccinated. Good job po sa lahat; gawin natin ito sa buong bansa.
Samantala, nagpulong po kahapon, October 28, ang inyong IATF kung saan inaprubahan ang rekomendasyon na i-expand ang pagpapatupad ng pilot implementation na alert level system sa tatlo pang rehiyon, habang ang Baguio City naman ay area for special monitoring. Simula a-uno ng Nobyembre, kabilang na sa pilot ang Region III, VI at X.
Simula a-uno ng Nobyembre hanggang 14 ng Nobyembre 2021, ang mga sumusunod na lugar ay nasa Alert Level 4: Aurora, Bacolod City, Negros Oriental, Davao Occidental. Samantala. nasa Alert Level 3 naman po mula November 1 hanggang 14 ang Bataan, ang National Capital Region, ang Cavite, Laguna, Rizal, Iloilo City, Siquijor, Lanao Del Norte, Davao City at Davao Del Norte.
Ang siyudad ng Baguio ay isinama rin as a special area for special monitoring at mapapasailalim po sa Alert Level Number 3.
Nasa Alert Level Number 2 naman po mula Nobyembre a-uno hanggang Nobyembre katorse ang Angeles City, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac, Batangas, Quezon Province, Lucena City, Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Bohol, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu Province, Bukidnon, Cagayan De Oro City, Camiguin, Iligan City, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Davao De Oro, Davao Del Sur at Davao Oriental.
Ito naman po ang risk level classifications na inaprubahan sa mga lugar na hindi pa po kabilang sa expanded alert level systems implementation. MECQ mula Nobyembre a-uno hanggang a-kinse ng Nobyembre ang Mountain Province, Catanduanes at Zamboanga City.
Samantala, GCQ with heightened restrictions mula Nobyembre a-uno hanggang Nobyembre a-trenta ang Abra, Cagayan, Isabela, City of Santiago, Nueva Vizcaya at ang probinsiya ng Quirino.
Habang GCQ naman po sa buong buwan ng Nobyembre ang Ifugao, Benguet, Apayao, Kalinga, Ilocos Sur, Dagupan City, Batanes, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Palawan, Albay, Naga City at Camarines Norte sa Luzon. Sa Visayas: Tacloban City po. Sa Mindanao: Zamboanga Sibugay at Zamboanga Del Norte, Zamboanga Del Sur, General Santos City, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, Butuan City, Dinagat Islands, Cotabato City at Davao Del Sur.
Ang mga lugar na hindi nabanggit ay nasa MGCQ sa buong buwan ng Nobyembre.
Inaprubahan din po ng inyong IATF ang panibagong red, green at yellow list effective mula a-uno ng Nobyembre hanggang a-kinse po ng Nobyembre.
Nasa red list po ang isang bansa lang po, Latvia.
Samantala nasa green list ang mga sumusunod: Algeria, American Samoa, Bhutan, Burkina Faso, Cameroon, Chad, Mainland China, Comoros, Cook Islands, Eritrea, Falkland Island, ang Hong Kong, ang Kiribati, Madagascar, Mali, Marshall Islands, Federated State of Micronesia, Montserrat, Nauru, New Zealand, Nicaragua, Niger, Niue, North Korea, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of the Netherlands), Saint Helena, Saint Pierre and Miquelon, Samoa, Sierra Leone, Sint Eustatius, Solomon Islands, Sudan, Syria, Taiwan, Tajikistan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Uzbekistan, Vanuatu and Yemen.
Ang mga lugar na hindi nabanggit po ay nasa ilalim pa rin ng yellow list.
Sa kaugnay na bagay, inaprubahan po ng inyong IATF ang pag-expand sa yellow list ng limited international transit hub operations na dati nang inaprubahan para sa green list. Ito ay limitado lamang sa airside transfer sa pagitan ng Terminals I and II at within Terminal III ng NAIA.
Inaprubahan din ang pagbubuo ng sub-technical working group sa pamumuno ng DOTr para sa pag-formulate at pagrekomenda ng special pilot testing at quarantine protocols para sa mga biyaherong Pilipino, mga balikbayan at kanilang mga pamilya mula sa green at yellow list.
Samantala, inaprubahan ng inyong IATF ang rekomendasyon para sa pagtaas ng passenger capacity sa pampublikong transportasyon, kasama na rito ang road-based at rail transportasyon na bumibiyahe sa Metro Manila at kalapit na mga probinsiya, hanggang 70% full capacity. Ito Ay magsisimula sa November 4, 2021. Maglalabas po ang DOTr ng memo tungkol dito.
Sa usaping may kinalaman sa bakuna, inaprubahan ng inyong IATF ang mga istratehiya ng NTF at ng vaccination cluster para sa vaccination rollout for the rest of the pediatric population para maabot ang vaccination rate na 80% ng target population sa Disyembre 2021. So tuluy-tuloy po ang pagbabakuna ng ating mga tsikiting, mga kabataan.
Tungkol naman po sa VaxCertPH, inaprubahan ang rekomendasyon na buksan na ang pag-request ng COVID-19 digital vaccination certificates para sa domestic travel na rin po. Lahat ng local government units na walang electronic vaccine administration systems ay niri-require na gamitin ang DICT vaccine administration system para sa recording at databasing ng lahat ng vaccine information.
Inatasan ang DICT na magbigay ng updates dalawang beses sa isang linggo tungkol sa regional status ng submission compliance ng vaccination data sa Vaccine Information Management System (VIMS), habang ang DILG ay inatasan naman ng pamahalaan ang mga LGU tungkol sa kanilang nilabas na memorandum tungkol sa kahalagahan ng pagsumite ng vaccination data sa VIMS Central Database.
Ang mga indoor certification, qualifying examinations ng mga testing centers ay kinikilala at pinapayagan na ring magbigay ng specialty exams na pupuwede sa ilalim ng guidelines on the implementation of alert level systems for COVID-19 responses in pilot areas, maliban sa mga lugar na nasa Alert Level 5. Kailangan lamang na lahat ng mga empleyado at kukuha ng mga exams ay bakunado, sumusunod sa venue capacity at nag-oobserba sa minimum public health standards.
At panghuli, inaprubahan ng inyong IATF na amendahan ang guidelines on the implementation of alert level system for COVID-19 response in pilot areas na may kinalaman sa hotel and vaccination establishments at ang amendment sa rules for validating vaccination status na nakasaad sa IATF Resolution # 144-A.
Sa ibang mga bagay: Pinirmahan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act # 11593 kahapon, October 28, 2021, na nagri-reset po ng eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa 2025. Sang-ayon po sa batas na ito, binibigyan ng kapangyarihan ang ating Presidente na mag-appoint ng hanggang walumpu or 80 new interim members of the BTA who shall serve until June 30, 2025 or until their successors shall have been elected and qualified.
So iyan po ang ating mga mainit-init pang mga balita.
Pumunta na po tayo sa ating open forum. Go ahead, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque.
Ang una pong tanong mula kay Robina Asido sa Daily Manila Shimbun. Iyong first question po niya nasagot na daw po ito, iyong about ASEAN. Iyong second question niya: Is it true that President Duterte is being asked by PDP Laban to run for senator? Similar question po iyan with JP Soriano ng GMA News, Kris Jose ng Remate.
At follow up po ni Kris Jose: Sa tingin ninyo mapagbibigyan ba ng Pangulo ang panghihikayat na ito ng partido at may plano ba talaga si Pangulong Duterte na magretiro na sa pulitika?
SEC. ROQUE: Well, nabasa ko rin po sa balita na hinihikayat nga po ng PDP Laban na tumakbo bilang senador ang Presidente pero hindi ko pa po naitatanong kay Presidente kung gagawin nga niya po ito ‘no at pakikinggan itong suhestiyon ng PDP Laban.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. Ang susunod pong magtatanong via Zoom, si Triciah Terada ng CNN Philippines.
SEC. ROQUE: Go ahead, Triciah.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi. Good afternoon, Spox Harry. Sir, doon lang sa alert level system. I saw Metro Manila is under Alert Level 3 pero the past few days napag-uusapan po iyong posibleng pagbaba ng classification sa Metro Manila. Bakit po hindi natuloy, sir, iyong Alert Level 2 or pagbaba ng Metro Manila sa Alert Level 2? Ano po iyong mga tiningnan ng IATF?
SEC. ROQUE: Well, tinitingnan po natin iyong projection noong FASSSTER ‘no. At bagama’t talaga namang lahat ng datos po’y nagpapakita na bumababa ang attack rate, bumababa ang hospital care utilization rate, siyempre po habang nagtataas tayo ng—unang-una transportasyon, up to 70% of capacity, tataas po ang mobility.
So inaasahan po natin that with increased mobility eh posible rin po na tumaas ang mga kaso ng COVID ‘no. So sabihin na lang po natin na inuunti-unti natin iyong pagbaba ng alert level system nang sa ganoon ay hindi naman biglang sumipa muli ang numero ng mga kaso ng COVID.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, doon na lang po sa list ng mga countries, for example sa green list. Why is China under green list, sir, kung recently nagkakaroon po sila ng lockdowns and tumataas po iyong mga kaso nila?
SEC. ROQUE: Localized po iyong lockdown sa China pero ang ating classification po ay datos based on a nationwide basis.
TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Thank you very much, Spox Harry.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Trish. Balik tayo kay Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. Ang tanong ay mula kay Cresilyn Catarong ng SMNI: Inihahanda na po ng Senado ang isasampang petisyon sa Supreme Court patungkol sa pagbabawal ni Pangulong Duterte sa kaniyang Gabinete na dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. Sa pagdinig ng naturang komite, nagpulong na umano ang mga senador hinggil dito at nagkasundong kuwestiyunin ang ligalidad ng naturang kautusan ng Punong Ehekutibo. Ano po ang inyong masasabi ukol dito?
SEC. ROQUE: Eh iyan naman po, sinangguni na ng Presidente sa Senado. Kung sa tingin nila ay mali iyang order na in-issue ng Presidente, dalhin sa ating Kataas-taasang Hukuman ‘no dahil after all talaga namang ang Kataas-taasang Hukuman ang magriresolba kapag nagkaroon po ng ibang pananaw ang Ehekutibo at ang iba pang sangay ng ating gobyerno.
So we welcome that initiative po nang sa ganoon matigil na ang bangayan. At tingin ko naman parehong sangay ng gobyerno ay susunod po sa order ng ating Kataas-taasang Hukuman.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po ni Cresilyn: Patuloy ang panawagan o request ng business sector na mas luwagan pa ang restriction o ibaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila. Gaano kalaki ang tsansa na maibaba—nabanggit ninyo na nga po, Alert Level 3. Kumusta daw po ang COVID situation sa NCR?
SEC. ROQUE: Tingnan lang po natin ‘no kasi gaya ng aking sinabi bagama’t lahat ng projections ay pababa po ang numero, baka naman iyong increase in mobility ay magdulot nang pagtaas ng kaso. So ito naman po’y for the next two weeks, kung hindi naman po tumaas ang kaso despite the increase in mobility dahil nga po bakunado ang mahigit sa 85% sa Metro Manila ay ibababa at ibababa naman po natin ‘yan sa Alert Level 2.
So ‘antayin na lang po natin itong two weeks na ito, panigurado lang po ito para dahan-dahan iyong ating pagbubukas.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question po niya: Ano ang aasahang incentives na matatanggap mula sa Office of the President ng gymnastics superstar na si Carlos Yulo sa pag-uwi nito sa bansa?
SEC. ROQUE: Siyempre mayroon ‘no. Ang alam ko iyong manggagaling sa ating Philippine Sports Commission ‘ata iyon ‘no, eh mayroon na siyang assured na P750,000. Pero pagpupulungan pa po sa Office of the Executive Secretary kung magkano talaga ang karagdagang incentive na ibibigay ng Presidente dahil kung matatandaan ninyo, iyong mga nagwawagi naman sa mga international events na ganiyan, mayroon pa pong karagdagang pabuya na binibigay ang Office of the President.
Congratulations uli po kay Carlos Yulo.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Leila Salaverria ng Inquirer: The Senate found that Pharmally and its executives may not have paid the proper taxes after bagging multibillion pesos deals from the government. What is the administration going to do about this? Will it support a tax audit of these government suppliers?
SEC. ROQUE: Aba’y kung talagang hindi sila nagbayad ng buwis, kinakailangan habulin ‘no at hindi pa naman covered iyan, ‘yung tinatawag na prescriptive period ‘no. So ang sa akin po ang unang issue, overprice – wala! Ang susunod na issue – May paglabag ba ng bidding rules? Wala, dahil sa batas na iyan. Pero ngayon ibang issue ang nilalabas nila – non-payment of taxes. Ay naku po, siyempre po ang Ehekutibo ang mangunguna na mangolekta ng taxes kung talagang kinakailangang kolektahin iyan dahil kinakailangan natin ng pondo sa panahon ng pandemya. Huwag po kayong mag-alala, hindi po natutulog sa pansitan ang ating BIR – kung talagang may kulang pong taxes, hahabulin po natin ‘yan – and that is guaranteed.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya: What does the Palace think of the petition asking the Supreme Court for a writ of kalikasan to direct the government to curb plastic pollution? Does it believe this is necessary?
SEC. ROQUE: Paumanhin po, I have not read the petition and I cannot comment at alam ninyo naman po ang proseso diyan ‘pag mayroong nagsampa ng petition, sasagot naman po ang gobyerno sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General.
Ask me again po kapag mayroon na pong sagot ang OSG dahil iyan po ang magiging posisyon ng gobyerno.
USEC. IGNACIO: Opo. How does it view the environment groups contention that the government has been negligent in allowing plastic waste to accumulate?
SEC. ROQUE: As I said po, hindi ko pa nakikita ang petition. Napakahirap naman bilang isang abogado, myself ‘no, na magkomento sa isang petisyon na hindi pa natin nakita.
USEC. IGNACIO: From Llanesca Panti ng GMA News Online: Senator Hontiveros showed supposed photos of President Duterte met with certain Wang Min who chairs XCMG group in 2017. XCMG is one of the suppliers of DBM-PS in procuring medical supplies amid pandemic and senators are questioning why a construction company like XCMG is supplying medical supplies? May statement kaya kung totoong kilala ni Pangulong Duterte ang Chairman ng XCMG? Similar question with JP Soriano ng GMA News.
SEC. ROQUE: Alam mo lahat po ng public officers, lahat ng public figures hindi po nila naku-control talaga kung sino makikipag-picture sa kanila. At dahil usong-uso po ngayon ang picture-picture lalo na maraming cellphone, wala naman pong [garbled] conclude kung mayroon lang larawan. Let’s just say under the laws of rules of evidence ‘no, iyong picture pong iyan ay ebidensiya lamang of the existence of the picture – it cannot prove relationship. Ikaw naman senadora, masyado ka namang imaginative ‘no.
Whatever it is, the picture only proves na nakipag-pose sa selfie-selfie, sa picture ang ating Presidente. Eh bakit, sino bang taong-gobyerno ang hindi nakikipag-picture? Ako nga mismo gusto kong iwasan eh hindi ko rin maiwasan ‘no kasi nga baka gamitin iyong picture at sabihing malapit ako diyan ‘no. So, pero hindi po natin maiwasan [garbled] lalung-lalo na ikaw ay Presidente at mayroong foreign investor na gustong mag-invest sa Pilipinas.
Ngayon tingnan po natin ha, 2017 po iyong larawan… napakatagal pa po niyan bago magkaroon ng pandemya. So wala po talagang kinalaman iyang larawan na ‘yan ‘no. Bakit nag-supply ng medical? Eh kung talagang nag-supply po ng medical supplies, eh siguro po may kakayahan silang mag-supply. Kasi gaya ng nakita natin sa hearings po ‘no ng Senado, iyong Pharmally eh kapag hindi ka nakapag-deliver at hindi pumasa sa standard ng gobyerno at hindi tinanggap, hindi ka babayaran. So siguro po hindi naman makaka-supply ‘yan kung wala silang medical supplies din bagama’t iba ang kanilang main line of business.
SEC. ROQUE: Opo. Iyong kaniyang third question: When does the Palace expect the positivity rate to go down at 5% which is the threshold set by the WHO?
SEC. ROQUE: Well, alam mo napakahirap po masabi ‘yan ‘no dahil mayroon po talaga tayong mga projections ng FASSSTER ‘no. Pero sa ngayon po ang ating positivity rate ay nasa 8.6% ‘no, so pababa na po ‘yan.
Tandaan ninyo po ha, ito ay tumaas hanggang bente singko hanggang trenta porsiyento at the peak of our cases ‘no. So I cannot say po because I do not have a crystal ball ‘no, pero all the indications indicate na pababa po ang lahat ng datos and that will include the positivity rate. Kaunti na lang naman po ang hahabulin natin dahil five percent nga po ang maximum threshold according to the WHO.
Pero kung ang tanong ay kailan, naku, I don’t think anyone is in a position to predict that. Siguro naman po kung magpapatuloy tayo ng mask, hugas, iwas at bakuna, in the near future.
USEC. IGNACIO: Okay. Tanong naman po mula kay Maricel Halili ng TV5: Former Comelec Chair Christian Monsod calls for public appointment hearing for the four new Comelec commissioners that will be appointed by President Duterte. What do you think of this? Do you support the idea to ensure the credibility of the election?
SEC. ROQUE: Built-in na po iyan sa Saligang Batas noong binuo ang Commission on Appointments. Iyan po ang dahilan kung bakit mayroon tayong confirmation hearings. Public hearings po iyan. So iyan po iyong hinihingi na hearings ni dating Chairman Monsod. Nasa Saligang Batas po iyan at katungkulan ng miyembro ng Commission on Appointments na ipatupad iyong nasa Saligang Batas at magkaroon nga ng appointment hearings.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: Will the government review the transaction of Malampaya ang Dennis Uy’s Udenna? Senator Gatchalian said, Udenna is highly leveraged, so how can they buy and operate the assets of Malampaya?
SEC. ROQUE: Naku, iyan po ay kaso na na sinampa sa Ombudsman. Hahayaan na po ng Presidente na Ombudsman ang magdesisyon dahil nasa hurisdiksyon na po iyan ng Ombudsman.
USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: There was a proposal daw po that all candidates must undergo drug test. Do you support this?
SEC. ROQUE: Well, number one ‘no, kung ako ay kandidato, boluntaryo kong gagawin iyan para additional basis na ako ay piliin ng taumbayan. Pero I am not aware of any law that requires it. So I think beyond voluntary compliance ay hindi naman po natin pupuwedeng i-prescribe iyan kasi wala pong ibang kuwalipikasyon na nakasaad sa Saligang Batas para maging kandidato kung hindi ikaw ay Pilipino at of a certain age.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay JP Soriano ng GMA News: Senator Gordon said, we need BIR to do their job in asking documentations from them since Pharmally won’t cooperate. I quote, “Tungkulin ito ng BIR pero pinigilan sila ng pinakamataas na pinuno ng bayan. Siguro dapat itanong ng taumbayan kay Tatay Digong, ‘Tatay, dapat pinangangalagaan mga anak. Ang pinangangalagaan China, interest ni Michael Yang, ni Linconn, Indians na Filipino na Dargani, si Twinkle na nagkaroon ng magandang-magandang kotse.” And Senator Gordon also mentioned, I quote, “Ang Pangulo ang number one backer ni Mohit Dargani ng Pharmally. Noong pina-contempt, imbes magsalita, nawala na lang sa virtual meeting. Ibig sabihin tumakas na at umeskapo na po at naging fugitive sa Senado at hindi na sila nagpakitang magkapatid. Patunay may tinatagong kasalanan itong mga ito. Patunay na malakas ang loob, may backer silang malaki.” Any comment or reaction?
SEC. ROQUE: Wala po. Kuwentong kutsero lang iyan. Salita-salita lang iyan ni Senator Gordon. Wala siyang kahit anong ebidensiya o basehan para sa mga sinasabi niya other than pikon siya kasi lumalabas habang siya ay nagsasabi na he is for good governance dahil iyan po ang trabaho ng Blue Ribbon, eh siya mismo pala ay mayroon nang pananagutan na pinatunayan na po ng Commission on Audit. So sabi nga po ni Presidente, ‘Senator Gordon, bago magmalinis, ibalik ang pera ng taumbayan.’
USEC. IGNACIO: Ang second question po ni JP Soriano ng GMA News: Senator Gordon says, I quote, “Nangangahulugan kung espiya, nakuha niya kumpiyansa ng pinakamataas na pinuno ng bansa na si Ginoong Duterte. Nakapasok sa koridor ng power hanggang sa bedroom ng Pangulo. Makukuha at madadala niya sa kaniyang bansa sapagka’t foreigner.” Ano raw po ang comment ng Palasyo?
SEC. ROQUE: [Laughs] Puwede ba iyong tawa ko iyon na iyong comment ko? Baka magalit pa si Presidente dahil nagpapasok ng lalake sa kuwarto niya. [Laughs] Next question please.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: On continuing Senate Blue Ribbon Committee hearing on Pharmally, Senator Gordon says, I quote, “Hindi natin mabibitawan ito. Talagang maraming makikita, pinuproteksiyunan ang Pangulo. Ang conclusion, hindi ko lang masabi nang husto, talagang may kinalaman ba ang Pangulo dito kasi lumalakas ang loob ni Ong, ni Dargani, ni Yang, lahat ng mga banyaga sapagka’t kayo ang abogado nila. Kayo ang sumasagot para sa kanila. Kayo ang nagtatago sa kanilang katiwalian. Kayo ang dapat managot ultimately.” Ano po ang reaction ng Palasyo?
SEC. ROQUE: Guni-guni po iyan. Malinaw sa kaniyang sinasabi eh iyan po ay kaniyang mga ispekulasyon; wala pong ebidensiya. Alam ninyo kaya nga po dapat iiwan na natin iyong isyu sa pandarambong doon sa Ombudsman kasi doon, alam nila ang batas at alam nila kung paano mag-appreciate ng ebidensiya. Pero iyong ganiyan pong mga konklusyon na walang basehan, guni-guni po iyan, salitang pulitika.
USEC. IGNACIO: From Joseph Morong ng GMA News: Regarding public transportation, NCR and nearby provinces, katulad daw po ng provincial buses, are they included here? And how does a 70% capacity look like?
SEC. ROQUE: Well, na-approve na po iyan ng IATF at hintayin na lang po natin iyong detalye na iisyu po ng DOTr.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque. Iyon po muna iyong mga tanong na nakuha natin sa mga kasamahan natin sa media.
SEC. ROQUE: Maraming salamat sa iyo, Usec. Rocky. At dahil wala na pong tanong, sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque, nagpapasalamat sa inyong patuloy na pagtangkilik sa ating press briefing at nagpapaalala: Mayroon pong pagkakaiba sa katotohanan, sa napatunayan at mga paratang at guni-guni at imahinasyon ng mga namumulitika.
Magandang araw po sa inyong lahat.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center