Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Isang oras na talakayan kaugnay sa mga napapanahong issue sa bansa ang muli nating pagsasamahan ngayong araw ng Sabado.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa ating unang balita: Inanunsiyo na ng IATF ang bagong quarantine classifications at mas pinalawak na alert level system sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Simula November 1st hanggang November 14 sasailalim na sa Alert Level 4 ang:

  1. Aurora
  2. Bacolod City
  3. Negros Oriental
  4. Davao Occidental

Extended naman hanggang November 14 ang kasalukuyang umiiral na Alert Level 3 sa Metro Manila.

Kasama rin sa Alert Level 3 ang:

  1. Bataan
  2. Cavite
  3. Laguna
  4. Rizal
  5. Iloilo City
  6. Siquijor
  7. Lanao del Norte
  8. Davao City
  9. Davao del Norte
  10. Baguio City na [garbled] under special monitoring

Alert Level 2 naman ang:

  1. Angeles City
  2. Bulacan
  3. Nueva Ecija
  4. Olongapo City
  5. Pampanga
  6. Tarlac
  7. Batangas
  8. Quezon Province
  9. Lucena City
  10. Aklan
  11. Antique
  12. Capiz
  13. Guimaras
  14. Iloilo
  15. Negros Occidental
  16. Bohol
  17. Cebu City
  18. Lapu-Lapu City
  19. Mandaue City
  20. Cebu Province
  21. Bukidnon
  22. Cagayan de Oro City
  23. Camiguin
  24. Iligan City
  25. Misamis Occidental
  26. Misamis Oriental
  27. Davao de Oro
  28. Davao del Sur
  29. Davao Oriental

Tatagal din ang alert level status ng mga nabanggit na lugar hanggang November 14.

Samantala, narito naman ang quarantine classifications sa mga lugar na hindi kabilang sa alert level system simula November 1st hanggang November 15.

Under Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang:

  1. Mountain Province
  2. Catanduanes
  3. Zamboanga City

GCQ with Heightened Restriction naman para sa buong buwan ng Nobyembre ang:

  1. Abra
  2. Cagayan
  3. Isabela
  4. City of Santiago
  5. Nueva Vizcaya
  6. Quirino

Isang buwang GCQ naman ang: Ifugao, Benguet, Apayao, Kalinga, Ilocos Sur, Dagupan City, Batanes, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Palawan, Albay, Naga City, Camarines Norte, Tacloban City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, General Santos City, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao Norte, Surigao del Sur, Butuan City, Dinagat Islands, Cotabato City at Lanao del Sur.

Ang mga lugar na hindi nabanggit ay isasailalim sa Modified General Community Quarantine o MGCQ ngayong paparating na Nobyembre.

Bukod diyan naglabas na rin po ng bagong listahan ang IATF para sa mga bansang kabilang sa red, green at yellow lists. Classified under red list ang bansang Latvia, makikita naman po sa inyong TV screen ang mga bansang kabilang sa green list.

Ang mga lugar na hindi kasali sa red at green list ay automatic na mapapabilang sa yellow list – epektibo po ito simula November 1st hanggang November 15, 2021

Sa iba pang balita: Duterte administration mas pinalakas pa ang infrastructure development para po mapatatag ang legacy ni Pangulong Rodrigo Duterte. Senator Bong Go, tiniyak na patuloy ang mga pagsisikap ng pamahalaan para mabigyan ng komportableng buhay ang mga Pilipino. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Dahil sa patuloy na epekto nang pagtaas ng mga produktong petrolyo, ang pamahalaan gumagawa na po ng mga hakbang para matulungan maibsan ang mabigat na pasanin ng mga tsuper sa bansa.

Kahapon po inanunsiyo ng IATF na inaprubahan nila ang rekomendasyon ng DOTr patungkol sa seating capacity ng mga pampublikong transportasyon. Pinapayagan na pong magsakay nang full capacity ang mga PUVs simula po November 4 – kasama po diyan ang mga jeep, bus at tren na bumibiyahe sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Para po makibalita kaugnay ng balitang ‘yan, makakasama po natin sa puntong ito si LTFRB Chairman Martin Delgra III. Good morning po at welcome back po sa Laging Handa, Attorney.

LTFRB CHAIRMAN DELGRA III: Magandang umaga po Usec. Rocky at sa inyong mga tagapakinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, unahin ko na po kumustahin ang update kaugnay po sa ipinamamahaging fuel subsidy ng pamahalaan. Nasa magkano po ba ang inaasahang matatanggap ng mga drivers at kailan na po ito magsisimulang ipamahagi?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA III: Opo. Mayroon pong inapruba na pagri-release ng pondo na 1 billion pesos for the fuel subsidy – this is pursuant to the TRAIN Law kung saan mayroon pong probisyon doon na mabibigyang-ayuda by way of a fuel subsidy grant para doon sa PUJ – legitimate, qualified, franchise holders at sa mga tsuper. Dahil dito we have prepared for the downloading of the funds in so far as LTFRB is concerned at ipapaabot po natin ito sa DOTr at doon po natin kukunin iyong pondo galing sa DBM.

We already have coordinated with Landbank para po magamit din iyong mga Pantawid Pasada Cards that we have used noong 2018 at saka 2019. Maalala ninyo po na itong programang fuel subsidy program nagsimula po ito noong naipasa iyong TRAIN Law at mayroon pong programa na tinatawag na Pantawid Pasada Program starting in 2018 and 2019 at pinagpatuloy po natin ito lalung-lalo na sa ngayon na tumataas na naman iyong presyo ng krudo sa pamilihan po.

USEC. IGNACIO: Attorney, paano po ang magiging sistema sa pamamahagi ng nasabing subsidy? Ito po ba ay directly na ibibigay po sa bawat beneficiaries o dadaan po sa mga operators pa?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA III: Iyong nakalagay sa batas po. Iyong Pantawid Pasada Card ay nasa operator, iyong tinatawag na franchise holder. Pero we are looking at ways by which maibaba din at magagamit mismo ng mga tsuper, kung saan sila po iyong bumibili ng krudo, lalung-lalo na iyong tinatawag nating mga traditional jeepney na iyong mga tsuper ay bumibiyahe sa ilalim ng tinatawag na boundary system. So sila po iyong gagamit, iyong mga tsuper ang gagamit, kasi sila po iyong bibili ng krudo sa gasolinahan po. Ganoon pa man, if I may, Usec. Rocky, habang nakipag-coordination meeting po tayo sa Landbank, makipag-coordination meeting din po tayo sa DOE, para mai-plastar iyong mga mekanismo patungkol sa mga oil companies that will be participating, pati na rin po iyong mga listahan ng mga participating gas stations. So, sa mga susunod na araw ay ipamamalita po natin ito para alam po ng mga tsuper kung saan po sila pupunta na mga gas stations po.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ito bang fuel subsidy, one time lang po ba itong gagawin?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA III: Iyong pagbaba at pagdi-disburse po, one time lang po iyan. Idadaan po natin doon sa Pantawid Pasada Cards, pero iyong paggagamit po ng subsidiya na ito, depende po doon sa tsuper kung kailangan po nila ng krudo. We would like just to point out, Usec. Rocky na this is a fuel subsidy. So, ibig sabihin po, iniibsan or the government, through the P1 billion fuel subsidy that was approved ay maibsan iyong presyo ng krudo kung saan tumaas po, kumpara sa dati. So, that is what government is trying to address. Kasi alam natin na nahihirapan din iyong mga tsuper at mga operator na bumili ng krudo dahil sa pagtaas po ng presyo ng krudo.

USEC. IGNACIO: Pero, Attorney, nasa ilan po iyong target na mabibigyan at saan din po manggagaling ang konkretong listahan para po sa magiging benepisyaryo nito?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA III: Opo. Iyong sa listahan po, Usec. Rocky manggagaling po sa LTFRB dahil nakalagay po sa batas na qualified at legitimate franchise holder. So, ibig sabihin, titingnan po natin iyong mga may prangkisa at iyong mga tumatakbo sa ngayon. Hindi naman din pupuwede nating maibigay sa tsuper na ang ginagamit po ay kahit na PUJ iyong itsura ay wala naman ding prangkisa. So, colorum po iyan. So iyon po iyong listahan po ay manggagaling sa LTFRB at ang gagamit din po ay iyong mga tsuper na bumibili ng krudo sa gasolinahan po.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, basahin ko lang po iyong tanong ni Leila Salaverria ng Inquirer ano po. Ito po iyong tanong niya sa inyo: Pina-process pa ba ang fare hike application ngayong mayroon ng fuel subsidy? At may specific date na po ba kung kailan magsisimula ang distribution ng subsidy?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA III: Opo. Dalawang tanong po iyon, Usec. Rocky. Una iyong petisyon na naihain po ng PUJ Transport Group sa ahensiya. Yes, we confirmed that we actually have received that, pero ang panawagan po natin ng Kagawaran ng Transportasyon at we subscribed to that appeal and that guidance na kung puwede, wala po tayong pagtaas ng presyo ng pamasahe. Kasi kahit na alam natin na tumataas iyong presyo ng krudo at kailangan din na tugunan iyong hiling ng mga transport group, mas marami pa po ang matatamaan at maaapektuhan kapag itataas natin iyong pamasahe. Kaya maganda po itong lumabas na fuel subsidy program, malaki po iyong pondo na in-approved ‘no, P1 billion para matugunan iyong hiling ng mga transport group na iyong pagtaas ng presyo sa krudo ay matugunan din. And without having to disadvantaged iyong commuting public, so iyon po.

I am sorry, ano nga po iyong pangalawang tanong?

USEC. IGNACIO: Iyong second question po niya kung may specific date na daw po kung kailan magsisimula ang distribution ng subsidy?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA III: Opo. Wala pa pong specific date, pero with the instruction of Secretary Tugade, binibigyan po natin iyong pagpa-process ng pagkukuha ng pondo sa DBM. Pero even sa ngayon, kahit na wala pa po iyong pondo, inaayos na po namin with DBP kung papaano po natin idi-disburse. And as mentioned earlier, coordination meeting with [DOE] also for purposes of information dissemination doon sa mga oil companies participating in the fuel subsidy program at makuha din natin iyong listahan ng mga participating gas stations po.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, pero paano naman daw po iyong iba pang mga drivers, kagaya daw po ng UV Express, taxi at tricycle? May tulong din po ba tayo para sa kanila, since pati rin naman po sila ay apektado rin ng pagtaas ng produktong petrolyo?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA III: Opo. Dito po sa fuel subsidy program po na inapruba, eh this is pursuant to the TRAIN Law and the law is specific as to the recipient. So PUJ sector po ito ang makikinabang dito. But if I may, mayroon pong mga iba’t ibang mga programa naman para sa mga ibang modes of public transport. In fact, if I may, mayroon na pong approval ng IATF sa pagtaas ng passenger capacity. So with that, it would also help our public transport ensure viability sa pagtatakbo ng kanilang mga pampublikong mga sasakyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Magtutungo rin po tayo diyan. Pero, Chairman, sa bahagi po ng LTFRB, ano daw po ang masasabi ninyo dito sa isinusulong ngayon na suspension ng excise tax?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA III: I think we have to address that question to the DOF kasi that is an issue that is tax related. Ang amin po naman, gusto namin na insofar as the transport sector is concern, kung papaano po natin matutulungan at maibsan iyong gap nga from the time that the oil price was at a certain level na puwede pa silang kumita, eh ngayon tumaas na, iyon po ang gusto natin na masasagot. At as I have made mention, aside from the fuel subsidy, sinusulong at nai-propose at nagpapasalamat po tayo sa IATF, iyong proposal ng Kagawaran ng Transportasyon na itaas iyong passenger capacity.

On top of that, we also have coordinated with the DOE in having to appeal to the oil companies as well o iyong tinatawag a fuel discounts. Alam po natin from the DOE, mayroon po silang mga listahan ng mga oil companies who are offering fuel discounts. Ang gusto natin na itong fuel discount na ito at magpapatuloy at kung puwede nga maitaas. We learned that the fuel discounts varies from one peso to three pesos per liter. Ang hiling natin through the DOE na mananatili itong discount na ito, kung puwede nga maitaas pa up to P5 per liter discount at specific po sa public transport, para tulong na rin po sa ating mga tsuper at mga operator sa pampublikong sasakyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, nabanggit nga rin po ninyo iyong pagtataas sa seating capacity na aprubado ng IATF, kung hindi ako nagkakamali, nasa 70% ano po. Pero para malinaw lang daw po, saan lang daw pong areas lang po ito ipatutupad at ang mga ia-accommodate po ba ay parehong vaccinated at unvaccinated individuals?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA III: Opo. Iyong una po kung kailan, as what was proposed by DOTr and approved by IATF, magsisimula po ito sa November 4, iyong pagtaas ng seating capacity from 50% to 70%. Ito po ay aprubado na for road-based public transport – mga bus, mga jeep, UV express as well as sa ating mga train.

Inaayos pa po natin iyong mga preparasyon kasama na po iyong konsultasyon sa ating mga public transport operators and drivers para maikasa at mai-prepare po natin ng maayos sa pagsisimula ng pagtaas ng passenger capacity na ito. Magsisimula po ito sa Metro Manila muna and then eventually we will determine and approve the increase in passenger capacity sa ibang rehiyon ng bansa po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, tama po ba na pinapayagan na iyong tayuan sa mga bus?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA III: Opo, pagdating dito sa passenger capacity. In fact, mayroon po tayong ilalabas na memorandum circular para na rin sa maayos na information dissemination kung papaano natin itatalaga iyong 70% capacity kung saan po uupo at tatayo iyong mga pasahero for example sa bus para we would still able to maintain the minimum distance but at the same time not having to exceed the 70% capacity that was really approved.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon at pagbibigay ng impormasyon sa amin, LTFRB Chairman Martin Delgra III. Salamat po Attorney!

LTFRB CHAIRMAN DELGRA III: Salamat din po USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, patuloy po ang pagpapaabot ng tulong ng tanggapan ni Sen. Bong Go, sa mga kababayan nating nawalan ng kabuhayan ngayong pandemya. Ang kaniyang team iba’t ibang bayan sa Laguna ang sinuyod para po mamahagi ng ayuda, present din ang DSWD na nagbigay naman po ng tulong pinansiyal sa mga kuwalipikadong benepisyaryo. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Tuluy-tuloy din ang mga programang ginagawa ng pamahalaan para sa mga kababayan nating mga katutubo lalo na’t maging ang pamumuhay nila ay apektado ng COVID-19 pandemic, kumustahin natin sila mula po mismo kay Dr. Angelica Cachola, ang Medical Officer ng National Commission on Indigenous People. Magandang umaga po Doc!

DR. CACHOLA: Magandang umaga po USec., magandang umaga din po lalung lalo na po sa mga mamamayan ng ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta na po ang kalagayan ng indigenous communities lalo na po sa pagharap nila sa mga hamong dala pa rin po ng pandemya sa kabuhayan at siyempre sa kanila pong kalusugan, Doc?

DR. CACHOLA: Sige, sa ngayon po sabi naman po natin [garbled] ng 24 year ng IPRA ay mas malaya na ang ating indigenous cultural communities, at pagdating naman po sa pagharap ng pandemya sa ngayon, tunay na lahat naman po ay apektado at marami sa kapatid na katutubo lalo na iyong mga nagtatrabaho at mga pamilya at mga na-stranded sa iba’t ibang lugar at sa maraming parte ng bansa, nagsara ang kanilang pinagtatrabahuhan. So, natigil nga po. So dito naapektuhan ang kanilang kabuhayan.

Sa kalusugan naman po, may mga kapatid din po tayo na mga katutubo na hindi rin po talaga maiiwasan na maapektuhan din po ng sakit na COVID, may mga iba po talaga na dumudulog din sa ating mga tanggapan at sa ating pasilidad para magpatulong po kasabay ng pagkakaroon ng epekto sa pandemyang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ilan na po iyong nabakunahang IP natin sa kasalukuyan?

DR. CACHOLA: Sa kasalukuyan po sa tala ng NCIP po, mayroon na pong mga humigit kumulang na [garbled] na kapatid natin na nabakunahan po at ito po iyong tala ng National Commission on Indigenous People po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, paano naman po nasisiguro—[signal cut].

[COMMERCIAL]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #Laging Handa PH. Muli po natin balikan si Dr. Angelica Cachola. Doc, pasensiya na po no balikan ko lang po itong tanong kanina: Ilan na po ba ang nabakunahan na IPs sa ngayon?

DR. CACHOLA: Sa ngayon po USec., mayroon na po tayong 1,072,457 na nabakunahan na IPs po ayon po sa tala ng ating Komisyon po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, paano po nasisigurong naaabot ang mga services at interventions ng pamahalaan para po matulungan sila sa gitna ng pandemya at lalo’t karamihan po sa komunidad nila ay mahirap puntahan?

DR. CACHOLA: Yes. Mula pa po noong nagkaroon ng pandemya noong nakaraang taon, hindi po tumigil ang atin komisyon sa pagbibigay ng serbisyo sa ating mga kapatid na katutubo. Sa sitwasyong ganito, mas pinaigting nga ng ating komisyon ang pagbibigay-serbisyo dahil mas kailangan ng katutubong pamayanan ang tulong natin. So sa tulong ng ating mga IP leaders, IP mandatory representatives ng buong Pilipinas na silang nagsilbing boses ng ating komunidad sa tulong din ng ating gobyerno at lalo na iyong ating mga katuwang sa pagpapaabot ng serbisyo sa katutubong pamayanan, pinapairal natin ngayon iyong sinasabi natin na whole of government approach.

So napapahatid po sa mga katutubong pamayanan ang tulong ng gobyerno sa pamamagitan nga ng tulung-tulong na koordinasyon ng lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan. So sila po ngayon ay ganap na nagtutulung-tulong sa pagkilala, paggalang at respeto lalo na sa pagtaguyod ng kanilang karapatan. Ang NCIP ay mayroon din po tayong mga regional offices, provincial offices, community service centers kung saan po dumudulog ang ating mga kapatid na katutubo at siyempre sa tulong na rin po ng EO 70, mas naaabot natin ngayon ang ating mga katutubong pamayanan po at mas napapabilis ang pagbigay sa kanila ng serbisyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Ngayong malapit nang magtapos ang selebrasyon po ng Indigenous People’s Month, ano pa po ‘yung mga culminating activity ninyo ngayong October, Doc?

DR. CACHOLA: Opo. Iyong pag-celebrate po natin ng IP month, isang buwan po iyan na pagdiriwang na isinagawa natin mula pa po noong October 1. At sa taong ito, mayroon po tayong tema na “IPRA@24: Paglalakbay ng mga Katutubong Mamamayan Para sa Tunay na Pagkilala, Paggalang at Sariling Pamamahala”. Ang temang ito po naglalaman ng [mga kuwento] ng buhay sa patuloy na paglalakbay ng ating mga kapatid na katutubo tungo sa pagtaguyod at pagpalakas sa kanilang sariling pamamahala ng kanilang pamayanan, at siyempre pagkilala at pagrespeto sa kani-kanilang karapatan at paniniwala.

Kahapon po, iyon po ‘yung culmination ng ating IPRA celebration. So kahapon po nagmensahe po ang ating kagalang-galang na Pangulo, si President Rodrigo Roa Duterte para sa mga kapatid nating katutubo. Nagmensahe rin po ang mga kilalang personalidad na naging daan upang maisakatuparan ang IPRA – sina former President Gloria Macapagal-Arroyo, Atty. Gregorio A. Andolana. Mayroon din pong mensahe sa atin si [garbled] at siyempre from House of Representatives, si Congressman Jesse Mangaoang. At nagmensahe din po ang ating mga butihing Commissioner.

Kahapon din po nagkaroon din ng parangal sa mga kawani ng NCIP na matagal nang nagbibigay ng serbisyo para sa mga Indigenous Peoples. At siyempre may mga pag-award ng mga nanalo sa mga patimpalak tulad ng photo contest, NCIP [heritage] at nagkaroon din ng pagtatanghal ng mga cultural presentation mula sa ibang katutubong grupo sa bansa. Kung hindi po napanood mayroon po ‘yan, mapapanood po sa NCIP Facebook page.

At kahapon din po, nagkaroon din po nang peaceful rally ang kawani ng NCIP po sa harap ng central office. Mayroon din po pala kahapon iyong photo exhibit launching sa international airport po, so inaanyayahan po ang lahat na tingnan po ito. Naitanghal din po pala kagabi iyong mga katutubong kasuotan, [pagkakakilanlan ng] natural na [garbled]. So iyon po ‘yung ating culmination po kagabi, Ma’am Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo para sa lahat po ng stakeholders na nangangalaga sa kapakanan at karapatan po ng mga Indigenous Peoples sa ating bansa.

DR. CACHOLA: Salamat [garbled]. So sa pagpapatuloy ng ating adbokasiya tungo sa ganap na pagpakilala ng karapatan ng katutubong pamayanan, huwag nating kalimutan na ibahagi sa mga susunod na henerasyon ang kuwento at makulay na kasaysayan at kultura ng ating mga katutubo. Ito ay patuloy na isinasabuhay at iniingatan ngayon ng ating mga katutubo.

At maliban nga sa [pagbibigay] nang karampatang recognition sa kanilang mga karapatan, inaanyayahan po natin ang ating mga partner stakeholders na [palakasin] natin ang pundasyon na kanilang inilatag – ito ay iyong [garbled] pangkalahatang responsibilidad naman natin. So tulungan po natin ang mga katutubo na maisakatuparan iyong kanilang mga 11 building blocks – ito ‘yung pagkumpirma sa kanilang indigenous political structures, ang pagrehistro at pag-accredit ng kanilang Indigenous Peoples organization, ang pagkilala o delineation ng kanilang certificate of ancestral domain title, ang pag-establish ng kanilang ancestral domain management office at paggawa ng kanilang mga ADSDPP (Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plan) at palakasin ang kanilang management.

At siyempre patuloy din ang paggalang natin sana sa free and prior informed consent ng mga katutubo at marami pa hong iba na sana po ay maging katuwang namin po kayong lahat sa mga gawain na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbabahagi ng impormasyon at panahon, Dr. Angelica Cachola, ang Medical Officer ng National Commission on Indigenous People. Mabuhay po kayo.

DR. CACHOLA: Salamat, Usec.

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. As of 4 P.M. kahapon, October 29, 2021:

Nakapagtala ang DOH ng bagong 4,043 COVID cases kaya umabot na sa 2,779,943 ang kabuuang bilang nito sa Pilipinas.
44 ang nadagdag sa mga pumanaw para sa 42,621 na total COVID-19 deaths.
3,224 naman ang bilang ng mga gumaling kahapon kaya umakyat na sa 2,686,692 ang total recoveries.
Ang active cases naman natin ay 50,630 o katumbas po ng 1.8% ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa bansa.

Bago po ilathala ang case bulletin na ito kahapon, naunang inanunsiyo ng DOH ang karagdagang 3,439 new recoveries [garbled] death cases na backlog pa noong Setyembre at mga unang linggo ng Oktubre. Ito po ay dahil sa problema sa COVID KAYA system. Patuloy pang inaayos ng DICT ang nasabing issue.

Bakuna at mga istratehiya ng pamahalaan upang mapagtagumpayan natin ang laban kontra COVID-19, ang atin pong pag-uusapan. Muli po nating makakasama sa programa si National Task Force on COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa. Good morning po, Doc Ted.

DR. HERBOSA: Hi. Good morning Usec. Rocky and good morning to everyone na nakasubaybay sa Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, mukhang abalang-abala kayo pero unahin ko na po itong tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Athena Imperial ng GMA News: Kahapon daw po may sinabi ang DOH na 9 areas na tumaas ang positivity rate. May we know kung anu-anong mga lugar po ito?

DR. HERBOSA: There are several areas na tumataas ang cases, hindi ko ho kabisado iyong lahat noong mga lugar but definitely binibigyan ng attention ito kung ano iyong clustering nitong mga kasong ito.

USEC. IGNACIO: Okay. Sunod po niyang tanong: Anu-ano po iyong consideration kaya nanatiling Alert Level 3 pa rin ang National Capital Region?

DR. HERBOSA: Well, as you know, ang ating mga Mayors of the National Capital Region have been very cautions. Although they like to open up, nakita nga na when we lowered alert levels, nabibigla iyong ating mga kababayan at nae-excite siguro at nakita naman ninyo iyong mga pangyayari sa mga lugar kagaya ng Dolomite na nagdadagsaan masyado ang mga tao.

So hindi ko masisi ang ating mga local chief executives and policy makers to do this release of restriction very slowly na tuloy naman mau-open ang economy. Kita naman ninyo, mas matrapik na ngayon at madami na ring taong nakakalabas. But very important, maganda naman ang situation natin sa vaccination rate sa NCR. So, I think wala sigurong bagong outbreak na mangyayari.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Ted, bukod diyan nadagdagan rin iyong mga lugar na isinailalim sa alert level system. Doc, ano po ba ang nagiging basis ng NTF o ng IATF sa pagpili po ng mga lugar na isasailalim sa alert level system?

DR. HERBOSA: Well, number one, pinipili namin iyong mga lugar na mataas ang economic activity or business opportunities o mga tourist destination; so, binabantayan iyan.

Number two, kinakausap iyong mga Local Chief Executives and mga Mayors, to make sure they are ready to implement iyong mga patakaran ng alert level system. Kasi ang kakabit ng alert level system ay iyong tinatawag na localized lockdown, kailangan puwede kang mag-implement ng localized lockdown sa isang area ng may clustering at magdala ng mega swabbing at mega testing para ma-test at ma-contact trace.

So kapag hindi ready iyong LGU, mahirap lumipat agad sa alert level system and we had cases ng LGU na parang nabibigla sila. Sabi, hindi muna balik pa kami doon sa community quarantine, kasi ire-retrain mo at ire-repurpose mo iyong buong Epidemiology Surveillance Unit mo, iyong team na humahanda at nagriresponde. Pero kaya naman iyan at unti-unti dumadami iyong mga gumagamit ng alert level system at ako ay natutuwa dito sapagkat sa pamamaraan na ito, nakakapagpangalakal iyong ating mga kababayan na business will continue and we can put [garbled] spread from COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, ano na lamang po ang factors na binabantayan hanggang ngayon bago ito tuluyang ipatupad sa buong bansa?

DR. HERBOSA: Iyong capacity nga noong isang unit, ng isang LGU para maipatupad iyong kailangang epidemiologic responses, so iyong may testing capacity sila, may mga contact tracer sila at kaya nila ma-implement iyong aming mga procedures.

USEC. IGNACIO: Doc. Ted, pabor po ba kayo sa naging desisyon na payagan na rin iyong 70% o full capacity sa mga pampublikong sasakyan?

DR. HERBOSA: Oo. Starting November 4, narinig ko nga si USec. Delgra na in-explain niya ng pag-increase ng 50 to 70%. Ang paalala ko lang sa ating mga kababayan na nagpa-public transport, sundin iyong mga minimum public health standard.

Mayroon kaming mga seven commandments: iyong kapag may lagnat ka at may sintomas ka huwag ka nang sumakay sa public transport; kapag sumakay ka huwag kang masyadong magsalita, huwag kang gagamit ng cellphone—I mean, huwag magsasalita o sasagot ng tawag sa cellphone at magsuot pa rin ng face mask at face shield doon sa mga public transport. I think maaano natin ito, mai-implement natin ito lalo na kung ang travel mo sa iyong public transport ay less than 30 minutes, mas less ang chance mo na ma-infect.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, kinukonsidera ba ng DOH na payagan na rin mag-procure ng investigational COVID-19 drugs ang mga hospitals sa oras na makapaglabas nga po ng policy ang DOH tungkol dito. Paano po ito makakatulong sa mga ospital, pati na rin po sa laban natin sa kontra-COVID-19?

DR. HERBOSA: Magandang tanong iyan, USec. Rocky, kasi maraming bagong gamot na lumalabas panlaban sa treatment ng COVID-19. And as of now, because they are experimental, makukuha lang natin sila sa pamamagitan ng tinatawag na compassionate special permit na binibigay ng FDA Philippines sa hospital at doon sa doctor and patient. So iyan lahat na iyan kailangan very specific at mayroong mga requirements to report kung ano iyung mga side effect nitong gamot na ito, dahil experimental.

So, inaayos yata nila para maging magkaroon ng better access, baka similar to the EUL o EUA system na mabigyan iyang mga new drugs lalo na kung maganda ang efficacy nila kagaya noong sa vaccines ‘no; nagbigay ng EUA ang FDA at nagagamit at nabibili ng pamahalaan.

As of now ang masasabi ko lang iyong mga naghahanap nitong mga ito, na nababasa nila sa internet ay available by compassionate special permit ng special hospitals na nakipag-arrange sa FDA through a research project na aaralin lahat ng mga pasyenteng makakatanggap nitong mga gamot na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, sa usapin naman po bakuna ano po, tuluy-tuloy nga po iyong pagdating ng mga supply sa bansa. So ano pong mga hakbang ang gagawin para daw po mas mapabilis pa ang vaccination rollout; ilan po ba ang target natin na madagdag na vaccinators?

DR. HERBOSA: Napakaganda ng tanong na iyan. So, we are now at this point na marami tayong supply. In fact, nasa airport ako ngayon para salubungin iyong over one million doses of AstraZeneca donated sa atin ng government of Japan. At noong isang araw, lumampas na tayo sa 100 million doses na na padating natin sa Pilipinas. So, about 58 million na ang nabakunahan natin.

Pero naaalala mo, USec. Rocky, tinarget muna natin ang NCR, Metro Cebu at Metro Davao sa pagbabakuna. Right now, ini-increase natin doon sa mga regions outside NCR; so iyan ang strategy natin.

In fact, ang problems natin ngayon, because most of the vaccines now are iyong Pfizer, Moderna ay gagawa tayo ng system na tinatawag na just in time delivery kasi matindi ang requirement for cold chain nitong mga current vaccines that we are holding. Hindi siya kagaya noong dati cold chain lang, ngayon talagang ultra low temperature freezer, so the only solution we are finding is iyong tinatawag na on time delivery na ‘pag nabigay sa inyong ang LGU, ma-vaccinate ninyo kaagad sa mga taong mangangailangan.

Number two, iyong sinabi mo, magdadagdag ng tayo ng more vaccinators, may mga LGU na hindi makapag-vaccinate araw-araw, kasi nga ginagawa din noong vaccination site, iyong ibang vaccination program natin sa expanded program of immunization. So, dadagdagan natin sila from the nursing students, dental students, medical students para makatulong sa pagdami ng mababakunahan. So ito ay ginagawan din sa tulong ng CHED. Ang CHED nag-allocate din ng kanilang mga universities, state universities and colleges para maging additional vaccination sites lalo na sa ating mga kabataan. So tumutulong lahat, iyong whole of government; iyong private sector din tumutulong na maging vaccination sites, para mag-increase at makuha natin iyong tina-target ni Sec. Galvez na 1.5 million doses per day.

Kahapon nakapagbakuna tayo ng 707,000 in one day; so, lumalapit tayo doon sa 1 million a day and hopefully by next week ma-attain natin iyan with all the adjustments and recalibration, ma-attain natin iyong 1.5 million vaccines per day, para before Christmas, nakapag-70 million na tayo at least ng Pilipinong vaccinated.

USEC. IGNACIO: Nabanggit na nga po ninyo iyong gagawin ninyong strategy kaugnay po sa problema o iyong mga logistical challenges problema dahil sa cold storage facility. Pero ang sinasabi po dito ay from 70 million na target mabakunahan, maging 50 million na lang po ito sa pagtatapos ng taon? Palagay po ba ninyo mahi-hit pa rin natin iyong revised target ng pamahalaan?

DR. HERBOSA: Oh yes, definitely. As of now, we have inoculated 58 million doses na sa ating mga kababayan and I think kalahati noon already is—more than half of that is the fully vaccinated. So pataas ng pataas iyong rate natin, nasa 32% na tayo eh; so, hopefully makukuha natin iyong 50% fully vaccinated by the end of December.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong naman po sa inyo si Red Mendoza ng Manila Times: Sa inyo daw pong pag-iikot sa mga hospitals habang nagkakaroon ng mga vaccination activity, masasabi po ba natin na nakakaluwag-luwag na ang mga ospital natin at nakakayanan na ang surge?

DR. HERBOSA: Yes, definitely, the hospitals have felt iyong decrease ng new cases and vacancies in the ICU. Ang problema, USec. Rocky, papalitan sila ngayon ng mga non-COVID, iyong mga dating hindi makapagpagamot at makapagpa-hospital ay ngayon ay pumapasok pa rin sa hospital. So, busy pa rin iyong mga kasamahan nating healthcare worker sa iba’t-ibang pampubliko at pampribadong hospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang sunod po niyang tanong: may hakbang po ba na gagawin ang NTF sa gitna ng survey ng Bloomberg na kulelat pa rin ang bansa pagdating sa pandemic resiliency?

DR. HERBOSA: Well, we always take all criticism positively ‘no, we will try to improve if confirmed ang findings nila. We will look at some of those perimeters, hindi naman kailangan sagutin iyon. Importante ay ma-improve natin, ang pinakamaganda walang namamatay. Sa akin bilang isang Doktor, walang namamatay; iyong Bloomberg is more economic and openness of the country ‘no.

So, I think nakikita ninyo naman na because the epidemic curve is on deceleration or pabagal na, nag-o-open-up na tayo, niluluwagan na natin ang restrictions sa airport, sa quarantine, sa fully vaccinated. Inu-open na natin ang tourist destination, inu-open na rin natin ang mga schools.

So, I think iyong mga parameters na ginamit ng Bloomberg, unti-unti na nating nagagawa sapagkat huli naman tayo among the countries that were listed there. Isa tayo sa huli na nagkaroon ng Delta surge, ang ibig sabihin noon, matagal nating na-control bago nakapasok ang Delta variant sa Philippines.

Kasi, October pa iyan sa India, in fact, pumutok nitong early part of this year. So, ako, to me I always look at the big picture makita natin talaga. Pero we always welcome constructive criticism para mapaganda pa ang ating pandemic response.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, pahabol na lang po ano, panghuli na lang ito. Tanong po ni Athena Imperial ng GMA News: Presidential Adviser Joey Concepcion, calls IATF to consider daw po the removing facility-based quarantine requirement for Filipinos who are fully vaccinated. Ito raw po kasi ang primary reason ng travelers from North America on why they won’t travel to the Philippines this holiday; testing at home na lang daw po. Ano daw po ang reaction ninyo dito Doc. Ted?

DR. HERBOSA: Well, ang basis kasi ng facility quarantine sa atin is dependent on your country of origin. If your country of origin is not green, kasi ngayon pagka green ka at fully vaccinated, Filipino or foreigner you are act already allow to not do the facility quarantine but do your home quarantine or hotel quarantine.

Pero, if you come from yellow or red country, iba iyong rules. So, sa yellow, kailangan mag-hotel or facility quarantine ng 7 days, swab on the 5th day at kapag negative puwede nang lumabas, so binaba na iyan ‘no. Pagkatapos kapag red country talagang 10 days facility and then 14 days.

Ganoon din kapag unvaccinated, talagang 14 days but definitely naibaba na to 7 days iyong fully vaccinated in a non-green countries, kaya iyong green country, maluwag na po niluluwagan na. So, I think it’s really more of understanding kung bakit may policy na ganiyan.

Medyo restrictive siya pero the effects of another outbreak, iyong mapasukan tayo, lalo na ngayon mayroong mga balitang bagong Delta plus or the AY.4.2 sub-variant ang Delta na 20-30% more transmissible at iyong nakita natin galing Mauritius – mga binabantayang variant. Anytime, puwedeng bumulusok iyan at ganoon din mahihirapan na naman tayo, hindi na naman tayo makakapag-open ng ating economy.

So, I think basta naintindihan ng ating mga kababayan iyong principle, I think nagkakalituhan lang because it keeps changing every two weeks. So, I think iyon ang mga importante, subaybayan kung ano iyong changes sa ating quarantine rules and hope that by December maluwagan natin ito, dumami iyong makauwing Filipino for Christmas.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po, alam naming abalang-abala kayo. Doc. Ted. Anong oras ang dating ng AstraZeneca?

DR. HERBOSA: 12:30 po, kaya nandito na tayo sa airport, Terminal 1 at hinihintay na natin iyong pag-arrive ng airplane and hopefully mabigyan nang welcome ceremony po. More than 1 million doses of AstraZeneca donated by the government of Japan at mamayang hapon, 4:30, mayroon na naman tayong another over 1 million donated naman by COVAX, ng World Health Organization.

USEC. IGNACIO: AstraZeneca din po iyong donated by COVAX?

DR. HERBOSA: Yes! Oo, AstraZeneca din iyon.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong impormasyon at panahon, Dr. Ted Herbosa, ang Special Adviser ng National Task Force for COVID-19. Stay safe po Doc. Ted.

DR. HERBOSA: Stay safe, Usec. Rocky, and good afternoon everyone.

USEC. IGNACIO: Sa mga nakapagpabakuna na hindi lang po protection ang dala niyan sa inyo. Aba’y puwede pa kayong magkamit ng instant papremyo sa pamamagitan po ng Bakunado Panalo raffle promo, may tsansa kayong mag-uwi ng P1 million na grand prize. Paano sumali, panoorin po natin ito?

[VTR]

USEC. IGNACIO: Para naman po sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan po natin si Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato.

At iyan po ang mga balitang aming nakalap. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Mga kababayan 56 days na lamang po at Pasko na.

Ako si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po ulit tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center