SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Usaping bakuna, sitwasyon sa probinsiya ng Aurora at operasyon po naman ng airline industry sa bansa ang ating hihimayin ngayong araw ng Biyernes. Mula sa PCOO, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Makakasama natin sa pagbibigay-linaw sa mahahalagang usaping ito ang mga kinatawan ng pamahalaan na laging handang sumagot sa mga tanong ng taumbayan. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio
SEC. ANDANAR: Mga kababayan, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Sa ating unang balita: Kagabi inaprubahan na ng IATF na ibaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila simula ngayong araw, November 5 hanggang November 21. Sa ilalim ng Alert Level 2 pinapayagan ang operasyon ng mga establisyemento sa 50% indoor capacity para sa mga fully vaccinated, habang 70% naman capacity sa outdoor para sa vaccinated at unvaccinated persons.
Kabilang sa pinapayagan na ring magbukas sa ilalim ng Alert Level 2 ang mga perya, kid amusement industry gaya ng playgrounds at playrooms maging ang mga venues with live performers.
Papayagan na rin ngayon na magsagawa ng limited face-to-face classes for basic education sa NCR basta aprubado ng Pangulo, at ang pagtitipon ng ilang indibidwal kahit hindi magkakasama sa isang bahay.
USEC. IGNACIO: Napagkasunduan din ng IATF na simula sa Disyembre tuwing ikalabinlima at ikatatlumpung araw ng mga buwan na lamang maglalabas ng bagong quarantine classifications at alert level sa mga rehiyon.
Ang escalation o pagtaas sa status ng isang lugar ay maaring gawin anumang araw sa loob ng implementation period. Ngunit ang de-escalation ay gagawin lamang pagkatapos ng two-week assessment period.
Sa iba pang balita: Pormal na ring binuksan sa mga Palaweño ang panibago nilang Malasakit Center. Sa kabuuan, umabot na po sa 148 ang mga Malasakit Centers nationwide na maaaring takbuhan ng mga kababayan nating nangangailangan ng tulong medikal. Narito po ang report:
[VTR]
SEC. ANDANAR: Samantala, target ng pamahalaan na masimulan na ngayong Nobyembre ang pagbibigay ng booster shot at third shot para sa mga health workers, senior citizens at immunocompromised individuals. Anu-anong mga bakuna nga ba ang posibleng gamitin para sa rollout? Makibalita tayo sa ginagawang pagsusuri ng Food and Drug Administration dito, makakasama po natin si Undersecretary Eric Domingo, Direktor po ng Food and Drug Administration. Welcome back to the program, Usec. Domingo.
FDA DG DOMINGO: Good morning, Sec. Martin. Magandang umaga po sa inyong lahat.
SEC. MARTIN: Usec., by second week of November, target masimulan ang pamamahagi ng booster shot at third dose pero iyon ay kung makapagpalabas ng rekomendasyon ang FDA at World Health Organization. May balita na po ba sa Emergency Use Authorization ng mga pharma companies sa pag-apply for booster or third dose?
FDA DG DOMINGO: Oo, Sec. Martin, mayroon na pong apat na companies na nag-apply sa atin ‘no ng booster or iyong third dose. And at the same time, iyon pong WHO at ito pong Department of Health din po natin, humiling na rin po sila sa FDA na tingnan iyong pagbigay ng third dose lalo na po kung heterologous or iyong ibang bakuna ang ibibigay aside from … na magkaiba doon sa first two doses.
So ito po ngayon ay inaaral na ng ating expert panel, lahat po ng mga possible combinations whether the same vaccine or a different po na third vaccine ang ibibigay. At minamadali naman po ‘no at itong ating pagsusuri ng mga datos ay matatapos po siguro within one to two weeks, kaya po maari naman po talagang maumpisahan natin ngayong buwan na ito ang pagbigay po ng extra dose doon po sa mga very selected po na group – ito nga pong healthcare workers and mga immunocompromised at saka mga people who are at risk of getting severe COVID.
SEC. ANDANAR: Linawin lang natin, Usec: Ang mga booster or third dose na gagamitin ay maaaring i-mix and match under the amended EUA na mga bakuna?
FDA DG DOMINGO: Opo, inaaral po natin. Unang-una, iyong inaaral natin iyong same vaccine, so ito po iyong in-apply ng mga kumpaniya mismo. At pati ang WHO, ito po iyong kaniyang hinihintay natin na rekomendasyon doon sa Sinovac. So kung nakadalawang vaccine po tayo, baka bigyan tayo ng pangatlong dose kung kinakailangan.
Pero at the same time, iyon pong Health Technology Assessment Council ng Department of Health, may ni-recommend din na mga mix and match. Meaning, iba po iyong first two doses tapos iba iyong pangatlo. So ito po ay tinitingnan natin, ng mga eksperto natin, kung ano iyong mga combination na maaaring ibigay safely at makakadagdag ng benepisyo sa protection, at kasama po ito sa rekomendasyon na ilalabas po ng FDA.
SEC. ANDANAR: Kamakailan naman po ay inaprubahan na ng US FDA ang paggamit ng bakunang Pfizer sa mga edad lima hanggang labing-isa. Kumusta po ang finding so far sa rollout nito sa US at may ipinadala na rin po bang pag-aaral ang Pfizer sa FDA para mapasama na rin ang age group na ito sa papayagang bigyan ng bakuna dito po sa ating bansa?
FDA DG DOMINGO: Sec. Martin, iyong kanilang interim results are good ‘no, iyong safety niya at saka iyong efficacy profile sa age five to eleven ay maganda kaya rin napayagan na po ng EUA sa Amerika. Kaka-rollout pa lamang nito kaya inaabangan din nga natin iyong Real World Data na lalabas probably by next week [unclear] number of children will have been vaccinated already.
Doon sa huling experience natin sa kanila, sa Pfizer, usually kapag nakakuha po sila ng approval or authorization sa US FDA, after mga two to three weeks ay nag-a-apply na rin sila dito sa atin ng amendment at sinusumite rin nila sa atin iyong kanilang data.
So ang aking expectation is probably within this month of November ay mag-a-apply din po ng amendment sa EUA ang Pfizer to include children 5 to 12 (11) and we will be waiting for that application para po marebisa ng ating mga experts ang kanilang safety and efficacy data.
SEC. ANDANAR: Inaprubahan na ng WHO ang Emergency Use Listing (EUL) ng Indian vaccine na Covaxin. Since may EUA naman ito mula sa inyong ahensiya, hinihintay lang ba itong WHO listing para makapag-import tayo ng Covaxin vaccine mula po sa India?
FDA DG DOMINGO: Well, hindi naman po required iyong WHO EUL para makapag-import ng bakuna dito. Iyong EUA lamang galing FDA ang kailangan so, ito naman po noong June pa namin na-issue. So, I think ang ano na lamang po, ang [unclear] step would be iyong sa procurement, sa IATF po iyon ‘no, kina Secretary Galvez. Siya po ang nagsasabi kung aling bakuna ang bibilhin at gagamitin po dito sa atin.
SEC. ANDANAR: Usec., sa mga nakalipas naming panayam dito sa programa sa ating mga opisyal kung bakit mababa pa rin ang bilang ng mga nababakunahan ay dahil sa vaccine hesitancy at brand preference. Sa inyo na po manggaling bilang FDA chief kung kailangan bang mamili ng bakuna kontra COVID-19. Ano ba ang sinasabi ng mga datos natin pagdating sa efficacy ng mga bakuna?
FDA DG DOMINGO: Oo, Sec. Martin. Tuluy-tuloy naman po kasi ang pagmo-monitor natin sa mga nabakunahan including iyong mga nagkaka-adverse event at saka iyong nagkaka-breakthrough infections at nakita po natin na lahat ng bakuna kahit ano pong brand iyan ay talagang mayroong proteksiyon po siya na ibinibigay.
Lahat po ng nabakunahan ng iba’t-ibang brand ay nabawasan po talaga iyong kanilang probability na magkaroon ng COVID, magka-severe COVID at lalung-lalo na, mamatay from COVID-19. Kaya po talaga hindi po importante kung ano iyong brand, ang importante po ay mabakunahan at mabigyan ng proteksiyon. At hindi po kasi tayo magkakaroon ng population protection or ng herd immunity kung hindi mapoproteksiyunan at mababakunahan ang karamihan sa atin.
Kaya sana po ngayon na marami na tayong supply basta po natawag kayo sa LGU, magpabakuna na po tayo. Katulad ko, one of the first ako, Sinovac po ang binakuna sa akin, eh six months mahigit na po wala naman pong problema and I feel very good at wala naman po akong nagiging sakit.
SEC. ANDANAR: Usec., sa ibang usapin po naman, pinapayagan at nagsimula nang magbenta ng mga accredited antigen test kits sa ilang drug stores. Pero para lang din po malinaw, sino lang po ba ang pinapayagang makabili nito at maaaring mag-administer ng test?
FDA DG DOMINGO: Sa Pilipinas po, wala pa tayong approved na self-administered kit kasi kahit po mag-self-administered naman kayo ng test kit, wala naman pong tatanggap ng resultang iyon. Hindi naman po iyan gagamitin sa eroplano, hindi naman po iyan puwedeng gamitin pang-travel ninyo from one area to another at sa ospital hindi rin naman po tatanggapin, uulitin din.
Lahat po ng test kits sa Pilipinas have to be procured/bought with the prescription of a doctor. Pagkatapos po, ang mag-a-administer nito dapat ay health professional at siya rin po ang mag-i-interpret ng resulta at magdi-discuss po sa pasyente. So, kailangan pa rin po natin, at under the guidance of a health professional po.
SEC. ANDANAR: Ngayong nagiging available na nga po itong pagbili ng test kits, papaano po natin iniiwasan iyong posibleng hoarding at reselling ng mga antigen test kits online? Baka po kasi iyong iba ay samantalahin itong pagbebenta lalo na ng mga hindi rehistradong test kits.
FDA DG DOMINGO: Totoo iyan, Sec. Martin, marami po talagang nananamantala. Lalo na po minsan mga counterfeit ang nabibili o kaya po ay mga low quality. So, huwag po kayong bibili online ng gamot at saka mga test kit dahil bawal po ito at hindi po tayo nakakasiguro sa kalidad nito, baka lalo pa pong makasama.
Marami na tayong nahuli sa tulong po ng PNP at saka ng NBI. Ang FDA po ay iyong ating regulatory enforcement unit, tuluy-tuloy po iyan na nanghuhuli sa Luzon, Visayas, Mindanao. May mga hoarders na po tayo na nahuli at nakasuhan ng kasong kriminal.
At the same time, nakikipagtrabaho po kami kasama ang mga online platforms like Facebook, itong Lazada, Shopee, to make sure ang mga products na hindi po dapat ibenta online ay hind maging available. At kung mayroon po, paki-report lang po ninyo sa amin sa fda.gov.ph website para po mahuli po natin sila.
SEC. ANDANAR: Undersecretary, bagaman patuloy na bumababa po ang ating cases, kumusta po ang estado ng breakthrough infections since nagluluwag na rin po ang ating bansa?
FDA DG DOMINGO: Well, Sec. Martin, ang maganda naman sa ngayon bumababa ang cases, bumababa din iyong breakthrough infections especially doon sa healthcare workers natin. Sa PGH, nakita ko iyong datos for the past week, parang halos wala ng healthcare workers na nagkakasakit.
Pero, iyon nga, hindi tayo dapat maging kampante, kailangan po sigurudahin natin na tuluy-tuloy ang pagbaba kasi hanggang mayroon pa pong kaso ng COVID na umiikot sa atin eh may virus pa po na maaaring kumalat.
So, sana po ganitong nagluluwag na tayo sa ating mga restrictions, please take extra care. Iyon pa rin pong personal responsibility natin sa sarili natin, sa mga anak natin na maliliit, sa mga senior citizen natin sa bahay, huwag po sana nating luluwagan kasi ayaw po nating magkaroon ulit ng flare up ng infections dito sa atin.
SEC. ANDANAR: Usec., bigyan-daan po natin ang tanong ng mga kasamahan sa media. Go ahead Usec. Rocky Ignacio.
USEC. IGNACIO: Magandang umaga po, Usec. Domingo. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Nag-issue na ng EUA ang Indonesia sa bakuna ng Novavax, mako-consider po ba ito ng FDA sa posibleng pag-approve ng bakuna in the coming weeks?
FDA DG DOMINGO: Oo, Red, pinadala na rin sa amin kahapon ng Novavax iyong nakuha nilang EUA from Indonesia at ito iyong sinusuri at inaaral namin ngayon. Of course, we will be taking this into consideration at ang sabi nila malapit na rin yatang makuha iyong EUA nila form India. So, aaralin po natin lahat ito at makita kung sapat na para po makapagbigay din tayo ng EUA dito sa Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Red Mendoza: Nag-apply na po ba ng EUA ang mga posibleng manufacturer or distributor ng Molnupiravir pagkatapos aprubahan ng United Kingdom ang gamot na ito?
FDA DG DOMINGO: Well, iyon pong MSD, iyong pong manufacturer niyan sa United Kingdom, hindi pa po nag-apply dito sa atin. Pero mayroon po silang licensee o iyong mga pinapayagang mag-manufacture po ng gamot na nag-a-apply po ng mga compassionate special permit dito sa Pilipinas at in fact, maraming ospital na po ang nag-grant natin ng compassionate special permit para po magkaroon ng access sa gamot na ito kahit hindi pa po isya fully registered dito sa atin.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po Red Mendoza ng Manila Times: Sa tingin po ba ng FDA may posibilidad na maging regular na ang at home COVID-19 test by next year? May mga nag-apply na po ba na mga test kit manufacturer?
FDA DG DOMINGO: May mga nag-apply na po ‘no ng mga self-administered test kits at hinihintay lamang po namin ang advise ng Department of Health kasi mayroon po silang panel ng experts on laboratories para malaman kung ito ba ay magiging useful sa laban natin against COVID-19.
So, at this time hinihintay po natin iyong kasagutan ng tanong natin sa DOH kung palagay ba nila ay magagamit natin itong mga self-test kits dito sa Pilipinas at saka po natin susuriin iyong mga application.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa pagsama ninyo sa aming programa ngayong umaga, Usec. Eric Domingo ng FDA. Mabuhay po kayo, Sir!
FDA DG DOMINGO: Maraming salamat, Sec. Martin at saka Usec. Rocky. Magandang tanghali po.
SEC. ANDANAR: Mga kababayan, hanggang dito na lamang ang ating pagsasama. Magkita-kita po tayo next week. Go ahead, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Secretary Martin.
Sa iba pang balita, pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasama ang iba pang mga opisyal, ang inagurasyon ng Puerto Princesa Seaport Project Expansion sa Palawan. Inaasahang malaki ang maitutulong ng seaport expansion na ito sa sector ng turismo at ekonomiya ng probinsiya.
Para sa iba pang detalye, may live report ang aming kasama na si Naomi Tiburcio mula sa Palawan. Naomi?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong report, Naomi Tiburcio.
Sa pagbaba ng mga naitatalang COVID cases sa bansa, unti-unti na ring niluluwagan ang guidelines kasama na diyan ang pagbiyahe sa loob at labas ng bansa. Kumusta nga ba ang sitwasyon sa ating paliparan at ang ating airline industry in general, makakasama po natin si Attorney Carmelo Arcilla, ang Executive Director ng Civil Aeronautics Board. Good morning po, Attorney.
CAB EXEC. DIR. ARCILLA: Good morning, Usec. Ignacio and of course Secretary Andanar. Thank you for the opportunity [garbled]…
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, so far kumusta po ang operasyon ng mga airlines natin ngayong unti-unti na pong niluluwagan ang travel restrictions? Dumidikit na po ba ang bilang ng mga flights natin ngayon kumpara noong pre-pandemic situation?
CAB EXEC. DIR. ARCILLA: Actually nitong mga nakaraang buwan nagkaroon tayo ng downturn ano dahil alam naman natin nagkaroon ng outbreak iyong Delta variant. Kaya mula noong July—iyong July ang ganda noon, I mean naka-666,000 passengers ang NAIA during that month ano. Pero nag-decline iyan dahil doon sa—dati ang arrival limit natin sa NAIA—international arrival natin is nasa 5,000 na pero noong magkaroon ng Delta variant binaba ito sa 2,000. Ngayon fortunately in October naitaas na ito sa 3,000 at simula noong Nobyembre a-uno ay nagawa na itong 4,000 uli.
So hopefully with the apparent decline in the rate of infection eh tuluy-tuloy na although of course the road is still fraught with uncertainties pero sana naman magtuluy-tuloy na para yumabong na muli ang ating air connectivity na napakaimportante sa pagsulong ng ating ekonomiya at ng overall well-being ng ating bansa.
USEC. IGNACIO: Attorney, tiyak pong maraming mga kababayan natin ang magsisiuwian para po magbakasyon ngayong papalapit na po iyong Christmas season. So, paano po naghahanda ang mga airline companies para dito? May projected number na rin po ba kayo kung nasa ilang bookings po ang posibleng abutin by December, Attorney?
CAB EXEC. DIR. ARCILLA: Oo, iyan ay tradisyon na sa ating mga Pilipino, ang Christmas season ay talagang ano ‘yan, there is an uptick in thetraffic at even iyong mga nagmumula pa sa ibang bansa ay nagsisiuwian at dito nag-i-spend ng kanilang holiday kung kaya’t nakahanda naman ang ating gobyerno sa pangunguna ni Secretary Tugade. Ang bilin niya eh kinakailangan lagi tayong handa at magkaroon ng—nakahanda kaming magkaroon ng special flights ano, chartered flights kung kinakailangan dahil sa ngayon ay mayroon pa ring limitasyon ang international arrivals sa NAIA at ito nga ay nasa 4,000 ngayon ano at umaasa tayo na sa susunod na linggo sana ay tumaas pa ito at maging 5,000 uli or even more ano. So matutugunan natin iyong pangangailangan ng mga mananakay natin lalo na sa panahon na ito ng Christmas season.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, bagama’t may pagluluwag nga po ano pero may iba po bang mga request o concern na inilalapit sa inyo itong ating mga airline companies regarding po sa guidelines at iba pang protocols?
CAB EXEC. DIR. ARCILLA: Actually mayroong isang lumulutang na suliranin ngayon ano kasi dahil doon sa limitasyon ng daily arrival sa NAIA, international – we call it passenger cap na 4,000 – eh iyon po ay inia-allocate sa mga foreign airlines at pati na rin sa mga local airlines kung kaya’t limitado po ang kanilang naisasakay ano. Ngayon po ang mga local airlines, komo sila ay naka-hub dito sa Pilipinas – ibig sabihin ang kanilang talagang sentro/pinagmumulan ay ang ating bayan at lumilipad sila sa maraming bansa, siyempre ang isang local airline like Cebu Pacific or PAL, mas maraming allocation iyan kumpara sa isang foreign airline ano.
At dahil dito naiku-concentrate ng ating local airlines ang kanilang allocation sa mga high demand markets. Sa ngayon po ang high demand markets, komo wala tayong leisure travel sa ngayon, ang high demand market po talaga ay OFWs kasi iyon pong mga finished contract na mga OFWs ay kailangang umuwi dahil wala na silang titirhan kung finished contract tapos iyon namang mga idi-deploy kailangan ding makasakay ano. So naii-concentrate po nila doon sa mga market na iyon, ang pangunahin po diyan Saudi Arabia at ang United Arab Emirates notably ang Dubai ano.
Subalit nagkaroon po ng kaunting problema, dahil ang Dubai Civil Aviation po ay pinatawan ng cap. Komo sa ngayon, ang umiiral na cap ng Emirates Air, iyan ang airline ng Dubai, ay nasa 90 na pasahero sa bawat araw. Pero iyong pabalik po ng Dubai, wala pong cap iyon. Ngayon ang ginawa po ng Dubai Civil Aviation Authority ay pinatawan din po ng cap iyong ating airlines, PAL and Cebu Pacific na dapat daw kung ano iyong cap nila na 90 per day, eh dapat iyon din ang cap ng mga local airlines natin ano. So, iyan po ay naging isang problema ngayon dahil nabawasan po ang mga flights tapos maroon pa pong isang naging pangalawang suliranin ano. Kasi dahil po diyan sa limitasyon na cap na iyan naisip po ni Secretary Tugade ang isang istratihiya na magkaroon ng tinatawag na triangulated flights. Ang ibig pong sabihin niyan, kung ang PAL ay galing sa Dubai at limitado siya ng 90 pasahero lamang sa Manila, ang gagawin po niya magsasakay siya ng marami, pero imbes na lumapag siya ng Manila, lalapag siya ng Cebu at doon magka-quarantine iyong ibang mga pasahero bago lumipad papuntang Manila at kapag itigil niyan ng pagbaba ng pasahero sa Cebu, ibaba naman niya iyong 90 na quota niya sa Manila para hindi siya lumampas doon sa quota ano.
Eh sa kasamaang palad po, maganda sana iyong istratehiya at ginagawa rin po iyan ng Emirates Air dahil mayroon silang ganiyang karapatan doon sa existing air services agreement ng dalawang bansa, pero pinagbalawan po ang ating dalawang airline.
So noon pong Biyernes nagpatawag kaagad tayo ng meeting ng mga concerned civil aviation agencies at ng ating mga stakeholders, sa mga airlines to chart the course of our action and to strategize and so, kahapon po sinulatan na natin ang Dubai Civil Aviation Authority upang igiit ang ating argumento na kung iyang triangulated flights na iyan ay nagagawa dito sa Pilipinas ng Emirates Air ay dapat din pong payagan ng Dubai magawa ng ating mga local airlines dito at iyan po ay hindi para makalamang, kung hindi para ma-maximize po natin iyong mga quarantine facilities na hindi masyadong nagagamit sa Cebu, sa Clark, sa Davao at maging sa Subic ano.
So naghihintay po tayo ng kasagutan at mayroon naman din po tayong mga contingency plan ano. Iyon ngang sinabi natin na special charter flights noon pong Oktubre ay ang Emirates Air nakalipad ng 10 special flights, ang PAL 18, ang Cebu Pacific 10. So iyan po iyong kung sakaling magkaroon ng gipitan, ng stranding eh iyan po ang magiging pamamaraan natin ano. Pangalawa po at panghuli – napapahaba iyong aking paliwanag – iyong pangalawa po eh nagkataon naman na ang Dubai ay isang mega hub. Ibig kong sabihin, ito ay konektado sa napakaraming bansa, siguro mga mahigit sa 200 o 250 countries. So ang isang option po ng uuwi mula sa Dubai, puwede po siyang umuwi via third country, halimbawa Bangkok, via Hongkong, via Singapore. Napakarami pong nililiparan ng Emirates Air na kung sana puwede namang kumunekta ang isang Pilipino mula doon sa third country na iyon papunta sa Pilipinas. Pasensiya na po kayo at mahaba masyado iyong aking paliwanag. Thank you.
USEC. IGNACIO: Attorney, okay lang po, wala pong problema. Pero balita po namin, patuloy pa rin pong tumataas ang bilang naman ng mga natatanggap na complaints lalo na po sa domestic flights ano po. Ano po iyong kadalasang concern ng ating mga kababayan at bakit po umakyat pa rin kahit nagno-normalize po iyong situation?
CAB EXEC. DIR. ARCILLA: Actually, ang overwhelming majority po ng ating complaint ay sa refund, dahil nga nagkakaroon ng [maraming] cancellation ng flights dahil medyo may uncertainty pa ang merkado dahil sa mga restrictions, nagkakaroon ng outbreak. So marami po ang cancelation. So, ang resulta po niyan siyempre, natural na hihingi ng refund ang mga pasahero. Noon pong 2020, sa kalagitnaan ng pagkakaroon ng malaking loses ang mga airlines, nagkaroon po sila ng suliranin sa kanilang equity, na-erode po iyong kanilang equity, nawalan po sila ng pambayad at iyong iba nga po sa ngayon, even as we are talking, struggling po ang mga airlines. Sa ibang bansa, iyong iba ay nakapagsara na din at hindi na naka-survive.
So, nagkaroon po ng delay iyong mga refund at in fact ang atin pong IATF ay naglabas ng isang resolusyon noong 2020 na binigyan ng option ang mga airline na hindi muna mag-refund kung hindi iyong value ng ticket ay ilagay sa isang tinatawag na travel fund. Iyong travel fund ay parang nakadeposito iyong pera ng pasahero na puwede niyang ilipat kahit na anong oras kung kailan niya gusto. So, makakapagpa-book siya, pero iyan pong option na iyan ay natapos na noong Disyembre 2020. So na-obliga na po ang mga airlines na mag-refund.
So sa amin pong pagsusuri naman, unti-unti nang nakakatugon ang ating mga airlines sa kanilang obligasyon ng refund at isa pong medyo balakid din diyan kung matatawag nating balakid, eh siyempre karamihan po ng mga nagbabayad eh, gumagamit din ng mga credit card ano. Pero ang credit card system po, may sarili din silang mga patakaran, kapag sa reversal, prior to COVID po, ang reversal period is, if I remember it right, nasa mga between 3o to 35 working days ang processing noong reversal ng mga credit card ng mga acquiring banks ano. Ngayon medyo tumagal pa, umaabot ng six months. Subalit iyan pong bagay na iyan ay medyo hindi natin saklaw sa ngayon, dahil iyan po ay mga banking procedures. So inaasahan po natin na mag-i-improve din iyang sistema na iyan dahil medyo matagal nga po iyong reversal ng mga credit card. So, we also call the attention of the credit establishments, ano.
USEC. IGNACIO: Attorney, nito pong nakaraang buwan, sunud-sunod po na nagkaroon ng lockdown, dahil sa Delta variant. Sa tantiya po ninyo, nasa magkano pong halaga ang nawala sa airlines companies ngayong taon at gaano katagal sa tingin po ninyo iyong aabutin para tuluyan po talagang maka-recover ang aviation industry natin?
CAB EXEC. DIR. ARCILLA: Hindi ko po hawak ngayon, unfortunately, iyong data tungkol sa loses ano, pero napakalaki po. As of noong mga nakakaraang buwan ang tanda ko, nasa 48 billion ang loses noong mga airlines, eh noon pa po iyang maraming buwan ang nakaraan. At in fact, ang PAL nga po ngayon ay nasa isang proseso ng rehabilitation, nag-file po sila ng chapter 11, iyong bankruptcy proceeding sa America at dito din sa Pilipinas para ma-restructure nila iyong kanilang mga utang at ma-rehabilitate nila ang kanilang airline. At ang mga airline po natin ngayon ay nag-scale down, lahat po ng airlines sa buong mundo ay nag-streamline ng kanilang mga operations at iyong ibang mga eroplano ay nakagarehe sa disyerto at talaga pong nagkaroon ng liquidity problems lahat. Pero hindi po sila sumusuko at inaasahan po nila na magbabago, mag-i-improve ang [garbled]. Ang maganda-ganda pong balita, iyong mga eksperto sa aviation industry, global experts ay nagsasabi noon na mga 2024 pa makaka-recover ang global airlines.
May nagsasabi noon na mga 2024 pa makaka-recover ang global airlines. Pero ngayon po, medyo gumanda, sabi nila mga middle of 2023 ay maaaring makabangon na iyong ating mga airlines at iyan po ay magandang balita dahil alam naman natin na ang airline is a very vital economic tool ano.
Kailangan na kailangan po ang connectivity sa negosyo, sa logistic, sa people to people exchange, tourism. Ang tourism po ay ang—ang pinakamahalagang haligi po ng tourism ay ang air connectivity lalo na sa isang bansang kapareho natin na isang archipelago na 99.9% ng turista natin ay airborne. Kaya po napakahalaga na ma-revive natin ang ating aviation industry at magandang balita na ang estimate nila ngayon ay baka 2023 middle o kulang-kulang na 2 taon baka maka-recover na tayo at makabalik sa triple gate levels po.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagbibigay impormasyon. Attorney Carmelo Arcilla, Executive Director ng Civil Aeronautics Board, salamat po Attorney.
CAB EXEC. DIR. ARCILLA: Salamat po USec. Ignacio and Secretary Andanar, sa pagkakataong ibinigay ninyo sa akin ngayong umaga.
USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa:
- Muling nakapagtala ang DOH ng higit 1,000 cases kahapon kaya umabot na sa 2,795,642 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID sa bansa.
- Muli naman pong tumaas sa 239 ang mga bagong nasawi kaya umakyat na 43,825 ang total covid-19 deaths.
- 2,591 ang nadagdag na gumaling kaya umabot na sa 2,714,658 ang ating recoveries.
- Patuloy din ang pagbaba ng active cases sa bansa na nasa 37,159 na lamang, katumbas po iyan ng 1.3% ng kabuuang bilang ng mga nahawaan ng virus sa bansa.
Isa po ang probinsiya ng Aurora na isinailalim sa alert level 4 hanggang November 14, para kumustahin ang health care situation at implementasyon ng alert system doon, makakausap po natin si Dr. Luisito Teh, ang Provincial Health Officer ng Aurora Province. Magandang umaga po sa inyo Doc. Doc., can you hear me? Pa-unmute po Doc. Opo. Doc, Opo. Babalikan po natin si Dr. Teh.
Samantala, maraming tobacco farmer ang umaaray dahil sa epekto ng pandemya at nakalipas na mga kalamidad sa kanilang hanapbuhay. Para maibsan man lang po ang hirap ng mga magsasaka, isinusulong ngayon ang pamamahagi sa mga LGUs ng buwis na nalikom sa ilalim ng Tobacco Excise Tax. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Muli po nating balikan si Dr. Luisito Teh. Doc? Good morning po, Doc.
AURORA PHO DR. TEH: Magandang umaga po USec. Ignacio, okay na po ba?
USEC. IGNACIO: So far, kumusta po ang obserbasyon ninyo sa unang linggo ng implementasyon ng alert system sa probinsiya po?
AURORA PHO DR. TEH: Okay lang po siya at ginagamit po namin iyong pagkakataon na lalo pang mapalakas iyong vaccination namin dito sa lalawigan. Bagama’t sa estimate po in two weeks ay bababa na po kami ng level 2.
USEC. IGNACIO: Opo. Okay. Pero, Doc., tama po ba na MGCQ kayo sa buong buwan ng Oktubre? Tingin ninyo posible pong naging kampante ang mga residente noong nakaraang buwan kaya po may pagtaas sa cases at kinakailangan higpitan iyong restriction sa Aurora?
AURORA PHO DR. TEH: Maari pong ganoon kaya po kami nagkaroon ng second surge. Ang kagandahan lang po nito, ito pong second surge namin ay hindi po kagaya o resulta noong first surge noong nakaraang taon dahil sa ngayon po ay kalahati lang noong surge noong nakaraang taon iyong naabot at ito ay bumaba ng muli. Sa ngayon ay nasa 81 na lamang iyong aming active cases at ito ay nakakalat sa iba-ibang munisipyo ng aming lalawigan.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., may mga munisipalidad pa po ba na under special monitoring dahil sa naitatalang cases? Ilan po iyong active cases ninyo ngayon? Pakiulit po Doc.
AURORA PHO DR. TEH: Sa ngayon po ay mayroon kaming 81 na active cases. Iyong karamihan po nito, iyong nasa 27 ay sa bayan ng Maria Aurora at iyong 19 ay nasa Baler and the rest po na mga 3, 7 ganoon nandoon sa ibang Munisipyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc., kumusta naman po iyong utilization rate pagdating po sa quarantine facilities at hospital beds?
AURORA PHO DR. TEH: Sa hospital beds po ay–sa ngayon po ay 8 na lamang iyong laman ng aming hospital dahil iyong 13 po dito ay naibaba na doon sa ating step down facility. So, maluwag na po iyong ating hospital pero hindi po natin hinihintay na dumami ulit. Iyong atin pong quarantine facility ay… iyong isa po doon ay bakante na sa ngayon at iyong isa po ay mayroon pa pong mga 21 na nagku-quarantine. Ito po ay mga bagong dating dito sa aming lalawigan.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., sa usapin naman po ng bakuna. Nasa ilang porsiyento na po sa target population ng probinsiya ang fully vaccinated na? May mangilan-ngilan pa rin po ba na ayaw pa ring magpabakuna?
AURORA PHO DR. TEH: Marami pa rin pong ayaw magbakuna. Pero sa ngayon po ay nasa 30% na iyong fully vaccinated ng province at in one-month ito po ay aabot ng 44% dahil mayroon na kaming additional na 22,000 mahigit na nakatanggap na ng kanilang first dose. Sa ngayon po ay sige-sige po iyong aming pagbabakuna.
Mayroon na kaming mobile teams na gumagala sa mga community, bukod pa po ito doon sa mga team ng bawat munisipyo and tulong-tulong po iyong mga frontliners dito from DOH to Bureau of Fire, PNP at sa iyong probinsiya at iyong munisipyo sa pagsasagawa nitong mga pagbabakuna na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc., pinabibilisan na po iyong vaccination roll out sa mga probinsiya ano po. So, ano po iyong ginagawa ninyong strategies para po maabot iyong daily imposed target na mabakunahan? Nagsimula na rin po ba kayo ng vaccination roll out para sa mga kabataan? Kung nagsimula na, kumusta na po ito?
AURORA PHO DR. TEH: Yes, oo. Iyong ngang initial na binigay sa amin na target per day ay na-reach na namin iyong recently and then mayroon tayong bago na target, iyon iyong aming pinagsisikapan and last weekend nag-start po tayo noong vaccination para dito sa 12 to 17 years old with comorbidity and ang initial lang naman po na naging problema is iyong documentation. Ito nga ay may comorbidity or ito iyong kaniyang guardian or parents. Mga ganoon simpleng bagay pero sa ngayon ay okay na siya at maganda na iyong daloy.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon at pagbibigay impormasyon sa amin. Dr. Luisito Teh, Provincial Health Officer ng Aurora Province. Stay safe po Doc.
AURORA PHO DR. TEH: Magandang umaga, salamat din po USec. Ignacio.
USEC. IGNACIO: Update kaugnay sa pediatric vaccination rollout naman ang ihahatid ng ating kasamahan na si Hannah Salcedo ng PTV-Davao.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.
Ang public briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Mga kababayan 50 days na lamang po at Pasko na.
Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center