SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.
Mabuting balita po ‘no: Nagpulong at inaprubahan ng inyong IATF kahapon, November 4, ang pagbaba ng alert level sa Metro Manila. mula Alert Level 3, ito’y naging Alert Level 2. Magsisimula ito ngayong araw, Nobyembre a-singko, at magtatagal hanggang November 21.
Mamaya ay makakasama po natin si Usec. Vergeire ng Department of Health para ipaliwanag kung bakit at ano ang naging basehan ‘no para ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila.
Ano naman po ang ibig sabihin ng Alert Level 2? Tingnan po natin ang guidelines as of November 4, 2021: Pinapayagan na po lumabas ang mga bata sa Metro Manila under Alert Level 2. Puwede na ang intrazonal at interzonal movement. Kung inyong matatandaan sa dating guidelines ay pinapayagan ang intrazonal at interzonal travel base sa edad at comorbidities at sa pagbili ng essentials o pagtatrabaho sa pinapayagang industriya na may edad below 18 o kabilang sa vulnerable.
Sa ngayon, pinapayagan ang interzonal at intrazonal movement, pero maaari pa rin pong magbigay ng reasonable restrictions ang mga LGU na hindi mas mataas sa Alert Level 2.
Kaugnay nito, ayon sa CHED ha, pinapayagan ang limited face-to-face classes sa Alert Level 2 subject sa CHED guidelines, kasama po rito ang, Una, dapat fully vaccinated ang mga guro o faculty at mga estudyante; pangalawa, maximum of 50% room capacity; pangatlo, mayroong concurrence o suporta ng LGU concerned; pang-apat, kinakailangan mayroong retrofitting ng facilities na gagamitin para sa limited face-to-face classes as inspected and authorized by CHED.
Uulitin ko po: Pupuwede pong magkaroon ng limited face-to-face pero hindi po iyan instant. Hindi po magkakaroon ng face-to-face sa Lunes. Kinakailangan muna po pumayag ang mga LGUs at saka kinakailangan mag-retrofit muna po tayo ng mga classrooms.
Pero bawal pa rin po ang mga casino, karera ng kabayo, sabong at operasyon ng mga sabungan, lottery at betting shops at iba pang gaming establishments, liban na lamang po kung ito ay awtorisado ng IATF at ng Office of the President.
Ito naman po ang mga establisyemento na bukas o pinapayagan na mag-operate ng maximum 50% indoor venue capacity para sa fully vaccinated at sa mga below 18 kahit hindi po bakunado, 70% naman po sa outdoor venue capacity provided na ang lahat ng mga empleyado ay fully vaccinated at sumusunod sa mask, hugas at iwas, provided also na pinapayagan ang mga ito ng kanilang LGU. Ito po iyon ‘no:
Venues para sa iyong tinatawag nating MICE – meetings, conferences, at exhibitions
Pinapayagang venues para sa parties po, wedding receptions, engagement parties, wedding anniversaries, debut at birthday parties, family reunions at bridal and baby showers ‘no.
Visitor at tourist attractions tulad ng libraries, archives, museum, galleries, parks, plazas, public gardens, scenic viewpoints or overlooks at iba pa
Amusement parks or theme parks
Recreational venues tulad ng internet cafés, amusement arcades, bowling alleys, skating rinks, archery halls, swimming pools at iba pang katulad na venues, mga sinehan
Limited face-to-face or in-person classes para sa basic education subject prior approval ng Office of the President
Limited face-to-face or in-person classes para sa higher education at technical vocational education at training
In-person religious gatherings, gatherings para sa patay tulad ng lamay o burol kung ang yumao ay namatay hindi lamang sa COVID pati sa COVID-19 po ay puwede na po
Licensure or entrance qualifying exams na in-administer ng isang government agency at specialty exams na pinapayagan ng IATF subject sa health at safety guidelines
Ang dine-in services po ha subject sa DTI sector-specific protocols
Ang personal care establishments tulad ng barberya, parlor at nail spa at iyong mga mayroong aesthetic cosmetic services or procedures, make-up services, spa, reflexology, kasama na ang home service subject sa DTI sector-specific protocols.
Ang fitness studios po, gyms at venues for non-contact exercises subject sa DTI sector-specific protocols. Kinakailangan lamang naka-face mask at bawal pa rin ang group activities
Film, music, TV production subject sa joint guidelines ng DTI, DOLE at DOH.
Contact sports na pinapayagan ng LGU kung saan gagawin ang laro.
Funfairs o perya or kid amusement industries tulad ng playground, playroom at kiddie rides
Venues na mayroong live voice or wind instrument performance at audience tulad ng karaoke bars, clubs, concert halls at mga teatro
Pagtitipun-tipon sa mga bahay kung saan mayroong hindi kasama na parehas na household
Additional 20% po kung ang mga establisyemento ay nasa lugar kung saan ang vaccination coverage ay above 70 sa A2 o mga seniors at A3 or iyong mga may comorbidities. Additional ten percent naman po kung mayroon safety seal certificates ang establisyemento. Samantala, 50% onsite capacity naman po sa mga opisina ng gobyerno habang ina-apply pa rin ang work from home at iba pang flexible working arrangements.
Inaprubahan din po ng inyong IATF ang rekomendasyon na ibase ang alert level assignment sa datos na pinakamalapit sa implementation date. Simula Disyembre 1, 2021 ang alert level assignments ay madi-determine tuwing a-kinse at a-trenta ng buwan. Samantala, ang escalation ay puwedeng gawin sa kalagitnaan ng implementation period basta kinakailangan, habang ang de-escalation ay magagawa lamang sa katapusan ng two-week assessment period.
Usaping bakuna naman po tayo. Naku, good news pa rin po ‘no, inaasahang darating ngayong araw at bukas 1,733,940 doses ng Pfizer na binili ng pamahalaan through the Asian Development Bank.
Habang parami nang parami ang supply, parami rin nang parami ang nababakunahan. Nasa mahigit 62.4 million na po ang total doses administered sa Pilipinas as of November 4, iyan po ay ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Sa bilang na ito, 37.23 o mahigit 28.7 na po ang fully vaccinated sa buong bansa – malapit na po tayo sa 40% ha.
Good news pa rin po: Lumampas na tayo sa isang milyon na nabakunahan sa isang araw. Ito ay nangyari po kahapon, a-kuwatro ng Nobyembre. Umabot sa 1,119,389 po ang nabakunahan kahapon lamang. Bago nito, dalawang magkasunod na araw na humigit-kumulang isang milyon din po ang nabakunahan natin sa isang araw. Good job sa lahat mula sa ating mga lokal na pamahalaan, vaccinators at sa mga mamamayan!
Halos isang milyon din po or 948,521 ang nabakunahan noong Miyerkules, November 3. Nasa halos isang milyon din o 932,762 ang nabakunahan noong Martes, November 2. Kung patuloy po na ganito na halos one million a day ang nababakunahan, maabot po natin talaga iyong target natin na population protection sa Disyembre. Keep up the good work, Philippines.
Sa Metro Manila, good job din po ‘no dahil nasa 97.45% na po o mahigit 9.5 million ang nakatanggap ng first dose habang 88.86 na po ang fully vaccinated o katumbas nang mahigit 8.6 million. Tandaan natin ha, kung ikaw po ay fully vaccinated, unang-una, makakapagtrabaho at mabibisita mo ang iyong mga mahal sa buhay kasama ang inyong mga pamilya. Tara na po ha at magpabakuna, bukas na po sa lahat na may edad din na dose at pataas.
SA COVID-19 updates naman po tayo: Magandang balita pa rin po ha, patuloy ang pagbaba ng mga bagong kaso. Nasa 1,766 na lamang po ito ayon sa December 4, 2021 datos ng DOH. Samantala, patuloy din pong bumababa ang ating positivity rate na nasa 6.6% ‘no – ang target po natin diyan ay five percent. Patuloy din ang pagtaas ng ating recovery rate, nasa 97.1% na po ito, nasa 2,714,658 na po ang mga gumagaling. Samantala, nasa 43,825 ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami. Nasa 1.57% po ang ating case fatality rate.
Ito naman po ang kalagayan ng ating mga ospital: Sa buong Pilipinas po ha, 43% na lang po ang utilized ICU beds; sa Metro Manila, mas mababa pa po, ito po ay nasa 37% lamang. Sa buong Pilipinas, 34% lang po ang utilized isolation beds; sa Metro Manila, nasa 28% lang po ito. Sa buong Pilipinas, 28% po ang utilized ward beds; sa Metro Manila, kapareho po ito na 28%. Sa buong Pilipinas at sa Metro Manila, ang nagagamit na mechanical ventilators ay nasa 28% lang po.
Makakasama natin ngayon po si Usec. Vergeire.
Usec., ano po iyong datos na pinagbasehan natin ng desisyon na ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila? At pangalawa, pakilinaw lang po kasi alam ninyo mayroon pa ring mga nagsasalita na dapat daw magbigay na ng third shot doon sa mga naturukan ng Sinovac. Eh, noong nanggaling po ako sa Amerika, ang binibigyan lamang ng third shot ay iyong mayroong mga immunocompromised at mga seniors. So, pakilinaw lang po ito dahil naguguluhan ang ating mga kababayan.
Usec. Vergeire?
DOH USEC. VERGEIRE: Thank you. Good afternoon, Secretary Harry Roque, at magandang hapon po sa inyong lahat.
Unang-una po iyong para sa Alert Level 2 ng National Capital Region. Kung matatandaan po nating lahat, noong isang linggo po ang National Capital Region ay nakapagtala pa rin ng 10.27 na average daily attack rate (ADAR). So, just to inform the public that we use metrics for case trends such as the two-week growth rate and the average daily attack rate and also our health care utilization. Last week, Metro Manila or NCR had 10.27 average daily attach rate, a negative two-week growth rate, at ang kanilang healthcare utilization ay less than 50% na. So, last week, they were in Alert Level 3 because of their ADAR na nasa more than 7 which is 10.27.
Pero during this week, bumaba na po nang bumaba pa halos ang mga kaso, ngayon po ang average na lang po ng daily cases sa Metro Manila is just 493 cases per day. It is already less than 500 at napababa na po natin ang kanilang average daily attack rate to just 5.36. That is less than 7 and according to our metrics, with the negative two-week growth rate, less than 7 average daily attack rate and less than 50% health care utilization, we can already deescalate an area to Alert Level 2. Kaya po nabigyan na ng approval ng IATF na maibaba na ang Metro Manila sa Alert Level 2.
Now, with regard to boosters po, katulad ng sabi po namin, simula’t sapul ang atin pong FDA ay patuloy na pinag-aaralan, kasama ng ating vaccine experts ito pong mga vaccine platforms na mayroon tayo. Nakapagsumite na po for application ng EUA., amended EUA ang Pfizer, ang AstraZeneca, ang Sinovac, para po ma-amend ang kanilang EUA so that they can use these vaccines para po sa third doses or boosters.
Pero hanggang sa ngayon po hindi pa ho tapos ang evaluation ng Food and Drug Administration dahil marami po tayong vaccine platforms. Compared to other countries, tayo po siguro iyong gumagamit ng ganito, pito o walong platform ng bakuna, iba’t-ibang bakuna. Kaya po iyong pag-aaral na imi-mix po natin at mga kombinasyon kung ano ang dapat ibigay kapag nag-boosters ay hanggang sa ngayon kumakalap tayo ng ebidensiya,
So, hihintayin lang po natin iyong Emergency Use Authority. Tama po iyong sinabi ni Secretary harry Roque, ang initial recommendations po ng WHO ibibigay muna ang third doses sa mga taong may immunocompromised stage, magbibigay ng boosters sa healthcare workers at sa senior citizens at pag-aaralan pa ho ulit pagkatapos nito kung magbibigay tayo to the rest of the population.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. Vergeire.
Uulitin ko lang po dahil kakagaling nga lang po natin sa New York. Sa Amerika po ngayon pa lang po naaprubahan at ipinapatupad iyong pagbibigay ng third shot sa mga immunocompromised at mga seniors. Ito po ay sa lahat ng brands ng bakuna, hindi po na-single out ang Sinovac. Kahit Pfizer or Moderna ay iyon po ang naging desisyon ng FDA. So, it is not brand specific iyong third shot kung hindi condition specific – sa mga A2 at A3 natin.
Pumunta na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky, go ahead please. Good morning! Good Friday morning.
DOH USEC. VERGEIRE: Opo. Secretary Roque, good afternoon po. And good afternoon din kay Usec. Vergeire.
Unang tanong po ni Pia Gutierrez, although may sinagot na po si Usec. Vergeire pero ang follow up po niya ay: Why the sudden decision when the NCR was supposed to stay under Alert Level 3 until the 14th? Similar question po iyan with Llanesca Panti ng GMA News Online.
And, Usec. Vergeire, ang follow up po ni Llanesca Panti: Why was the announcement of this sudden change in alert level made less than three hours before its effectivity? Considering such timeline, is it fair to the public especially to businesses which suddenly had to expand their operational capacity?
SEC. ROQUE: Siguro, Usec., sagutin ko na muna iyong latter part ng question ‘no. Alam ninyo po siyempre inanunsiyo kaagad iyan para nga mapagbigay-alam sa lahat na mas maraming makakapaghanapbuhay dahil mas marami po tayong sektor ng ekonomiya na binubuksan. Alam ninyo po mahirap kasi kung magtataas ng alert level kasi lilimitahan natin iyong mga magtatrabaho, lilimitahan natin iyong pagbubukas ng ekonomiya.
Pero siguro naman kung reverse gaya nito na pagbaba eh wala pong mawawala ‘no kahit mabilisan iyong announcement na ginawa ng IATF dahil ito po’y mabuting balita at ito po ‘yung pinakaaantay-antay na balita ng marami sa atin ‘no na para magkaroon muli ng hanapbuhay ang ating mga kababayan.
Doon naman sa desisyon na ibaba ang Alert Level 2, nasagot na po iyan ni Usec. Vergeire pero maybe kung mayroon pong idadagdag pa si Usec. Vergeire. Go ahead, ma’am.
DOH USEC. VERGEIRE: Ah, yes po. Gusto ko lang hong linawin din Sec. Harry and sa atin pong mga kababayan na iyon pong time period ng National Capital Region, hindi po siya tumugon doon sa 15 and 30th natin. Noong nagdesisyon po na ilagay ang National Capital Region sa Alert Level 3, hindi po siya doon sa mismong October 15 natin nailagay.
Kaya po ngayon noong atin pong napagdesisyunan ngayon, nakadalawang linggo na po sila sa Alert Level 3 that’s why it was already decided by IATF that they can already be deescalated.
SEC. ROQUE: Alam ninyo po, idadagdag ko lang ‘no. Talaga naman pong konserbatibo ang IATF kaya nga po minsan talagang nagkakaroon nang matinding debate na dapat magbukas na. Pero ‘pag nagsang-ayon po ang lahat na kinakailangan i-deescalate, mayroon naman pong dahilan iyan dahil nga po importante mas maraming hanapbuhay sa ating mga kababayan.
Pero paulit-ulit po naming sasabihin ni Usec. Vergeire ha, hindi po ibig sabihin na bumaba ng Alert Level 2 ay magpapabaya na tayo – anytime po habang nandiyan pa si COVID-19 ay pupuwedeng sumipa muli ang mga kaso. So kung tatagal itong Alert Level 2, kayo po ang magdidesisyon diyan – kinakailangan po patuloy ang mask, hugas iwas – at doon sa hindi pa nagpapabakuna, pabakuna na po tayo.
DOH USEC. VERGEIRE: Opo. For Usec. Vergeire pa rin po: Has there already been a decision by the IATF on the use of face shields in public? Similar question with Einjhel Ronquillo ng DZXL-RMN.
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Iyon pong face shields pinag-usapan din po kahapon sa IATF at nag-manifest po ang Department of Health na bigyan pa kami ng isang linggo para patuloy na pag-aralan. Ito pong face shield noong atin pong inirekomenda ‘to, ginamit po natin ang ebidensiya at basehan na binigay po ng ating mga eksperto. We have the leading CTG group na continuously evaluating therapeutics, diagnostics at saka ito pong mga face shield at face mask, kung ano po ang dulot nito na benepisyo para sa ating kababayan with regard to protection against COVID-19.
So ngayon po niri-re-evaluate nila lahat ng existing evidences at ‘pag lumabas na po ito, magkakaroon na po tayo nang appropriate recommendation for the face shields. Pero definitely the Department of Health supports naman po itong pong ease ng mga proteksiyon katulad ng mga face shield dito po sa mabababa ang transmission. Kailangan lang po natin ng ebidensiya para mas mabuo po natin ang ating rekomendasyon sa IATF.
DOH USEC. VERGEIRE: Opo. Thank you, Use. Vergeire. For Secretary Roque: Senator Bong Go said President Duterte is considering calls by his allies in PDP Laban to run for a Senate seat. May final decision na ba po ang Pangulo dito?
SEC. ROQUE: As far as I know wala pa pong pinal na desisyon. But as Senator Bong Go said, he is considering it.
DOH USEC. VERGEIRE: Opo. What about daw po your decision to run for senator? Similar question with Einjhel Ronquillo ng DZXL, Maricel Halili ng TV-5.
At ang follow up po ni Maricel Halili ng TV-5 diyan: When you said, I quote, “Let’s just say that when I found out what the extremist group did, I found a resolve to actually run. Why? I don’t want to see their allies elected into office.” Is this a confirmation of your plan? Did you still consider Mayor Sara’s plan for 2022 in making your decision?
SEC. ROQUE: Lahat po iyan ay kinukonsidera natin ‘no dahil may panahon pa naman po ‘no. Unang-una po iyong posibilidad na tatakbo rin po si Presidente para senador ‘no, iyan po ay isang positive na development as far as my own candidacy is concerned dahil patuloy pa rin kaming magkakasama ni Presidente ‘no sa kampanya ‘no.
Pangalawa po, siyempre po nagdadasal pa rin tayo ng milagro at kung mapapa-convince pa rin po natin si Mayor Sara bagama’t paulit-ulit din niyang sinasabi na wala na pong option na ‘yan ‘no pero siyempre po baka mayroon pang milagro ano.
Pero by and large po, ang aking mensahe eh sa demokrasya po ‘no talagang importante na piliin nang mabuti lalung-lalo na iyong gagawa ng polisiya sa sangay po ng Senado. Tama po, sinabi ko po na noong mga extremist groups ay tinawag akong ‘war criminal’ eh parang talagang ang aking naging resolve ay anong sinasabi nilang war criminal diyan ‘no at kinakailangan linisin sana iyong ating pangalan ‘no. At sa tingin ko ‘pag tayo’y nakakuha ng mandato sa taumbayan eh iyan po ay patunay na hindi naman sila naniniwala talaga doon sa mga paratang na tayo po’y war criminal.
Napakasakit po na tawagin tayong war criminal samantalang wala nga po tayong ginawa sa mahigit tatlumpung taon na tayo po’y nag-practice ng law kung hindi protektahan ang karapatan ng mga tao ng napakaraming indibidwal na. At ni minsan po hindi po tayo pumatay ng kapwa Pilipino dahil hindi po tayo naniniwala sa rebolusyon – hindi gaya noong mga nagparatang sa akin na war criminal po.
Kayo po ang pupuwedeng maging war criminal dahil hanggang ngayon po napakadami ninyo nang tao sa Kongreso, hindi ninyo pa rin po tinitigil ang paggamit ng dahas.
DOH USEC. VERGEIRE: Okay. Thank you, Secretary Roque. Susunod pong magtatanong si Mela Lesmoras via Zoom.
MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque, kay Usec. Vergeire at kay Usec. Rocky. Secretary Roque, una lang: Kailan po kaya iyong next Talk to the People ni Pangulong Duterte?
SEC. ROQUE: Sandali lang ha, titingnan ko po iyong aking calendar ha. Monday po ang susunod na Talk to the People.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, sir, follow up lang po dito sa mga in-elaborate nating rules about nga sa Alert Level 2 sa Metro Manila; Usec. Vergeire can also answer po. Kasi hindi specifically nabanggit pero iyon nga, may kaunting mention naman. Pero just for the record, ibig sabihin po ba dito sa ating mga industriya sa mga social gatherings, religious gatherings, sa mga mall wala nang age restrictions? At dahil nga unvaccinated iyong mga bata, ibig sabihin po ba nito wala nang age restriction at wala na ring vaccination restrictions sa ating mga aktibidad at sa ating mga pinapayagang industriya?
SEC. ROQUE: Well, bago tayo sumagot diyan ‘no, ito kasing aide ko eh titingnan lang ang kalendaryo mali pa ang tingin. Tuesday po ang susunod na Talk to the People. Sorry for that po ‘no, that’s in the calendar.
Pagdating po sa second question ninyo, siguro po si Usec. Vergeire can answer.
DOH USEC. VERGEIRE: Ah yes po, Secretary Harry and Ms. Mela ‘no. Iyon pong Alert Level 2, wala ho tayong restrictions na binibigay except for the capacity of establishments. So nakalagay po mismo sa resolusyon ng IATF na anuman pong edad ang mayroon, maaari na po tayong pumunta dito po sa mga establishments na ‘to but the establishments have to enforce ito pong 50% capacity indoor and 70% capacity outdoor. So this will not differentiate between vaccinated and unvaccinated.
And kailangan lang ho namin pagbigay-alam at bigyan ng assurance ang ating mga kababayan, ang mga bata po kasi, they are the least vulnerable ‘no. So katulad noong sa face-to-face classes, katulad po noong pagpunta sa establisyemento, as long as we do the safety protocols, mothers will protect them, they are vaccinated – iyong mga magulang – iyon pong pagbabakuna sa mga bata, hindi po natin kailangang gawing hadlang para makapagbukas tayo ng ibang industriya.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And back to Secretary Roque lang po, ano lang iyong paalala ng Malacañang kasi like isa sa mga kontrobersiyal na kasama din doon sa mga bagong pinapayagan ay iyong mga karaoke bars? Ano po iyong paalala ng Malacañang doon sa ating mga kababayan na talagang excited na at pupunta na rin sa mga karaoke bars? Kailangan ba habang kumakanta ay naka-face mask? At paano natin mai-ensure na hindi magkakaroon ng surge kahit nga mas maraming industriya na iyong papayagan?
SEC. ROQUE: Well, unang-una ano, iyong mga indoor venues na 50% capacity, para sa mga bakunado lang po iyan; sa bahay na lang kayo kumanta. Kasi ang karanasan po natin sa New York, hindi ka pupuwedeng makapasok sa anything indoor na hindi nagpapakita ng iyong vaccination card at ng iyong ID para masigurado na ikaw nga iyong nabakunahan na. Pangalawa, kaya po natin ginawa itong Alert Level 2 dahil mababa nga po ang mga kaso ng COVID, pero anytime nga po pupuwedeng umakyat iyan knowing na mayroon pa nga ngayong mas matinding makahawang mga variant. So, kinakailangan po ingat pa rin. Maski na kayo ay nasa karaoke, puwede naman sigurong naka-face mask kumanta, tiyagain na ninyo. Kung tatanggalin po ninyo iyong [garbled] ingat pa rin po ang mensahe natin kasi kinakailangan po mapatagal natin itong Alert Level 2 at kung pupuwede nga po, mapababa pa natin sa Alert Level 1 dahil nakasalalay po diyan iyong hanapbuhay ng napakarami nating mga kababayan.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And last na lang po, Secretary Roque, tanong lang po ni Kaye Asuncion of PTV Sports: Ano po kaya iyong general guidelines sa sports in terms of [garbled] papayagan na rin kaya ulit iyong mga fans and spectators na makapanood?
SEC. ROQUE: Well, nakalagay naman po iyan doon sa ating mga guidelines ‘no, 50% pero bakunado lang po ang mga pupuwede na pumunta roon at dapat lahat ng mga tao sa venues ay bakunado. Tataas po ito sa 70% kung outdoors. Pero iyong mga organized sports competitions po ay dapat po ay kumonsulta pa rin sa IATF nang masigurado na iyong ating health protocols ay masusunod po.
MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po, Secretary Roque, kay Usec. Vergeire at kay Usec. Rocky.
SEC. ROQUE: Thank you, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.
DOH USEC. VERGEIRE: Yes. Thank you, Secretary Roque.
Tanong po mula kay Mikhail Flores of Agence France -Presse: Which schools in Metro Manila will be allowed to conduct limited face-to-face classes?
SEC. ROQUE: [Garbled] pupuwede na, pero mayroon pong mga kondisyon: Lahat ng professor at estudyante bakunado; mayroong pagpayag ng LGU; at mayroong retrofitting po ng mga classrooms para masiguradong may ventilation; at pang-apat, 50% lang po ang capacity ng mga classrooms. So bagama’t puwede na po, mayroong kondisyones po na dapat ma-satisfy bago magpi-face-to-face classes ang ating mga colleges and universities.
DOH USEC. VERGEIRE: Opo. Question from Red Mendoza ng Manila Times: Ngayon daw pong nasa Alert Level 2 na ang NCR, puwede na po bang mag-hold ng mga concert at leisure events tulad ng pop culture, convention, basta daw po sumunod lang sa venue restrictions?
SEC. ROQUE: Iyan po ay nakasaad sa ating guidelines, 50% capacity, kapag indoors at dapat fully vaccinated ang lahat.
DOH USEC. VERGEIRE: From Red Mendoza pa rin po, for USEC. VERGEIRE: Usec. Vergeire, pumayag na daw po ang DTI na hindi na kailangan ang face shields sa mga sinehan. Ano po ang reaksiyon ng DOH at ng IATF dito?
USEC. VERGEIRE: Well, pinag-usapan naman po iyan doon sa IATF. Dahil iyong difficulty nga ng isang tao, kapag sila ay nanunood ng sine na may face shield sila. Ang ating mga eksperto naman po, at least iyong ating Apat-Dapat mayroon pong masusunod naman na physical distancing, wearing of mask. At saka alam po natin iyong mga sinehan, they were required to have these adequate or appropriate ventilations standards na mag-comply sila as part of the safety seal. So, having three out of four is good enough to protect our population when they go to cinemas.
DOH USEC. VERGEIRE: Opo. Susunod pong magtatanong, Secretary Roque, si Ivan Mayrina ng GMA News via Zoom.
SEC. ROQUE: Go ahead. Ivan.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Magandang hapon po sa lahat. Sec, unahin ko na po itong paghingi ng reaksiyon sa mga binitiwang pahayag ni Senator Gordon sa Blue Ribbon Committee hearing kahapon. Kinowt (quoted) niya po iyong bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte noong June 28, 2017 kung saan sinabi niya ‘marami akong ninanakaw, pero ubos na’ and contrasted it with his statement during his last Talk to the People na hindi raw siya corrupt tulad nina Gordon. Ano hong reaksiyon ng Palasyo dito?
SEC. ROQUE: Eh alam naman ninyo itong mga usaping pulitika, hindi na dapat nagri-react diyan. Paulit-ulit naming sinasabi, si Presidente po sa kaniyang napakatagal na karera sa paglilingkod wala pong disallowance ang COA. Ang mayroon pong disallowance, si Senator Gordon, ibalik ang pera at nanawagan para sa pananagutan sa panig naman po ng Ombudsman. Hayaan na lang natin kung ngumawa siya nang ngumawa dahil alam naman po natin kung ano ang riyalidad: Wala pong disallowance sa COA ang Presidente sa mahigit na 40 anyos niyang karera sa pulitika.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: And what of that statement in 2017 kung saan sinabi niyang marami akong ninanakaw pero ubos na? Is that a joke?
SEC. ROQUE: I think that is a joke po. Dahil ang paninindigan po ng Presidente, hindi po siya tatagal sa pulitika kung siya po ay corrupt.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Okay. Two more points from Senator Gordon, if I may just lob them into one question, sir. Ang sinabi din niya, the President’s memo is doing damage to the search for truth. At sinabi din niya, he pointed out that it’s coincidental when President Duterte became friends with Michael Yang, Philippine Foreign policy has changed.
SEC. ROQUE: Alam mo, recently, habang humihingi ka ng reaksiyon, napapatawa na lang ako eh. Nakakatawa naman iyon na ang relasyon niya kay Michael Yang can change foreign policy – hindi po. Ang foreign policy po ay dinidikta ng ating pang-national na interest. Ang ating current foreign policy po, hindi po natin sinu-surrender ang ating teritoryo pero isusulong po natin ang pupuwedeng maisulong sa larangan po ng investments at ng kalakalan. Doon po sa una ninyong tanong, ano nga ba iyong una mong tanong?
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Iyong memo daw ng Pangulo is preventing to search the truth?
SEC. ROQUE: Unang-una po, res ipsa loquitur, nakasampung hearing po sila with full cooperation of all members of the Cabinet. Natapos naman ang sampung hearing. Hindi ko pa alam kung ako ang kinakailangan nilang sagutin as far as the Cabinet members are concerned. At kung titingnan po ninyo ang mga tinatalakay na nila ay lihis na doon sa isyu, mayroon bang overprice, mayroon bang paglabag sa ating mga bidding rules.
Mayroon na silang mga collateral issues na kung totoo, aaktuhan naman ng gobyerno kagaya nang hindi pagbabayad ng buwis. Pero sa ngayon po, wala na po talagang mga issues na may kinalaman sa overprice o sa paglabag ng ating bidding rules in aid of elections lang po iyan.
Pero as the President has predicted, eh lalo nilang ipagpatuloy ang useless na mga hearings na nagsasayang ng salapi ng taumbayan, lalo silang mawawalan ng suporta.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Ang susunod ko pong tanong, Sec., puwede ring sagutin ni Usec. Vergeire. Marami pong Overseas Filipinos ang gustong mag-Pasko sa Pilipinas pero napipigilan sila doon sa five-day quarantine pa rin from yellow countries tulad po halimbawa ng America. Is there a chance that we might add more countries to the green list? Or kung hindi man, eh mag-relax po tayo ng ating quarantine requirements from yellow countries para mas mapaigsi pa? Is there a scientific or medical basis to support that?
SEC. ROQUE: Well, what I can confirm is mayroon tayong technical working group na pinag-aaralan po ito ng mabuti dahil siyempre mas gusto natin na mag-engganyo ng mga kapwa Pilipino lalung-lalo na na umuwi. Pero titingnan po natin ang siyensiya. Titingnan po natin ang datos, at pinag-aaralan po iyan; hindi po iyan isinantabi. As we are speaking, experts are studying the matter.
Usec. Vergeire?
USEC. VERGEIRE: Yes, Sec. Yes, sir, mayroon na pong pag-uusap nga tungkol dito. Katulad kahapon po sa IATF naman ay nabigyan na ng ganitong pagdidiskusyon ukol dito. We just need to look at the science of it because when we say that we have classified countries, nag-adopt po tayo ng listahan at sistema na ginagamit ng WHO at saka ng CDC.
So ito pong mga risk classification ng bawat bansa, scientifically proven po iyong kanilang ginamit na metrics diyan. As to our quarantine protocols po kasi, ito po iyong pinag-aralan mismo ng ating mga eksperto na makapagsasabi that we can be assured that there won’t be forward transmission kapag ni-release po natin ng mas maaga ang ating mga kababayan from abroad. But there had been several requests already coming from different embassies na pag-isipan natin at tingnan through the IATF dahil may mga foreign relations tayo with.
So, pinag-aralan po natin. Mayroon na nga po tayo, tama po si Secretary na mayroon na po tayong TWG na nabuo. Next week po pag-uusapan po uli kung ano po ang masasabi ng ating mga eksperto.
IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Sir, one last. Is there a good chance na mapagbigyan po iyong request ng ilang mga embahada?
SEC. ROQUE: Well—Go ahead, ma’am.
DOH USEC. VERGEIRE: Sige po, Sec. I would just like to say that we still base it on science and we still base it on the system that we have right now. But of course, pinag-aaralan nga po at magbibigay tayo ng information in the next days.
SEC. ROQUE: USec., mayroon lang akong suhestiyon ‘no. Kasi kaming dalawa ni Sec. Dizon nanggaling sa magkaibang estado sa Amerika ‘no, siya’y nasa California, ako’y nasa New York kung saan napakataas ng mga vaccination rates.
So, ang suhestiyon ko po siguro dahil ang Estados Unidos naman ay federal form of government, talagang 50 mga estado po iyan, baka naman pupuwede natin na ang ating classification sa Estados Unidos ay base doon sa individual state at hindi doon sa buong Amerika.
Kasi napakadaming estado naman po diyan gaya ng New York at saka ng California na napakataas na talaga ng kanilang vaccination rate at napakababa na ng kaso pero doon sa mga estado na ayaw magpabakuna ay talagang sila ay dapat manatili sa yellow list. Suggestion lang po, USec.
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Sec. So, actually, pinag-aralan din po namin iyong mga infections coming from Red, Yellow na mga countries—and Green. So, nakita naman ho natin iyong mga rates ng infection ng mga nanggagaling sa specific countries na nagri-request na ngayon ng ganitong exemptions at nakita naman natin na hindi naman siya significantly high.
So, isa po iyan sa magiging basehan natin para pag-usapan po ito lahat. So, again, we will be informing up the IATF decides next Thursday.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat.
IVAN MAYRINA/GMA7: Thank you, USec. Thank you, Sec.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Ivan. Back to USec. Rocky, please.
DOH USEC. VERGEIRE: Opo. Secretary Roque, mayroon lang pong request si Einjhel Ronquillo ng DZXL RMN: Kung puwede daw po pakiulit iyong sinabi ninyo sa pagbi-videoke part kasi daw po nagputul-putol iyong puwede daw pong naka-face mask? Nagputul-putol daw po kasi kayo.
SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po, pinapayagan na iyong mga entertainment gaya ng karaoke ‘no na 50% capacity pero ito po ay para sa bakunado lamang ‘no sa lahat ng mga parokyano at sa lahat ng mga empleyado.
Pero sa akin po, mag-iingat pa rin ako, kung puwede namang kumanta nang naka-face mask eh kumanta na po kayo nang naka-face mask kasi bamagat nais nating mabuhay muli ang mga industriya gaya ng karaoke, ayaw naman nating maging super spreader events iyan.
So, kung pupuwede po, kumanta kayo nang naka-face mask pero hindi naman po requirement siguro iyan kung mayroong espasyo ‘no between doon sa kakanta at doon sa mga ibang kasama; pero mas mabuti po talaga mag-face mask habang kumakanta.
I’m sure si USec. Vergeire agrees with this.
DOH USEC. VERGEIRE: Opo. Tanong naman po mula kay Rosalie Coz ng UNTV: Gaano daw po nakatitiyak nga ang pamahalaan na hindi raw magriresulta sa super spreader event sa mas maluwag na restriction sa Metro Manila? Ipinauubaya na lang ba natin sa publiko ang pagsunod sa health protocols para maiwasan ang outbreaks, so papaano ito masisiguradong maipatutupad pa kahit deescalated na ang alert level sa rehiyon?
SEC. ROQUE: Alam mo, USec., iyong ating natatamo na tagumpay sa COVID ay hindi naman talaga dahil sa gobyerno iyan, Iyan po ay dahil sa taumbayan na mismo. Pinili po ng taumbayan na pababain ang mga kaso ng COVID sa pamamagitan ng mask, hugas, Iwas at bakuna dahil nais nilang maghanapbuhay at pagod na pagod na sila sa total lockdown.
Kinakailangang makabalik na tayo sa ating mga buhay na nakilala natin bago dumating nga itong COVID-19. So, ang panawagan natin, hindi po gobyerno ang magagarantiya na hindi po sisipa muli ang numero kung hindi ang mga mamamayan. Ang magagawa lang po natin ay magbigay ng oportunidad para makapaghanapbuhay ang lahat pero iyong pagsipa ng kaso, nasa kamay po iyan ng taumbayan.
Mask, hugas, iwas at bakuna pa rin po.
DOH USEC. VERGEIRE: Opo. Tanong pa rin po ni Rosalie Coz ng UNTV: Ano daw po ang ikinukonsidera ng pamahalaan para daw po palawigin ang Alert Level Systems sa buong bansa?
SEC. ROQUE: Well, USec. Vergeire?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, sir. So, pareho pa rin po iyong metrics natin na ikinukonsidera. Iyon pong mga ginagamit natin, iyon po ang tinitingnan natin pero ngayon hindi na ho natin sinasabi na a specific alert level lang ang puwedeng makasama sa pilot. Naglagay na po tayo ng schedule ng lahat ng areas in the country kung saan sila po ay makakasama na doon sa implementasyon nitong shift in policy.
So, mayroon na ho tayong areas ngayon na bago na makakasama sa pilot implementation next week and then hanggang sa dulo po ng Nobyembre. Pagdating po ng December 1, buong populasyon na po or buong areas of the country will be part of the shift in policy at mag-uumpisa na po tayo ng full implementation nito.
So, ang ikinukonsidera po natin dito would be nakita natin in NCR when we started off, it was effective. Nakita natin napababa ang kaso because of these different interventions at sinunod na ho natin ang ibang lugar. So, ang aim po natin, mapalawak po natin ang implementasyon sa buong bansa by December 1.
DOH USEC. VERGEIRE: Opo. USec. Vergeire, mula po kay Marichu Villanueva ng Philippine Star: How about iyong church capacity under Alert Level 2?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky, ganoon pa rin po ‘no, So, as we have said, it’s 50% capacity indoors and 70% capacity outdoors. Sinabi rin po doon sa IATF Resolution kailangan bakunado po and for 18 years and below, hindi po natin niri-require na vaccinated sila dahil alam po natin na nag-uumpisa pa lang bakunahan sa kanila.
But for those who are going to attend these 3Cs, iyong tinatawag nating close, crowded, at saka close contact settings, kailangan bakunado po kayo. So, in churches, kailangan po bakunado po ang ating mag-a-attend, 50% capacity po sila.
DOH USEC. VERGEIRE: Okay. Mula pa rin po kay Rosalie Coz: Regarding po sa massive vaccination sa provincial level, ano po ang tugon ninyo sa sinabi ni LPP President Marinduque Governor Velasco na dapat daw po makonsulta ng national government ang LGUs regarding vaccination targets dahil tinatrabaho pa ng iba iyong cold storage facilities nila at vaccinators. Bibigyan ba sila ng time para makapag-adjust upang mapaigting ang kampanya ng pagbabakuna given iyong pahayag ng Pangulo kamakailan na patawan ng sanction iyon daw pong mababagal umaksiyon?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, alam mo, USec. Rocky, kasama ako doon sa pagpupulong kay Presidente at ako naman ang nagsabi ng panig ng mga lokal na pamahalaan. Dahil ngayong buwan lang naman Oktubre talaga bumuhos ang supply, bago diyan talaga namang patak-patak ang supply at hindi nga nakakadiretso ang supply sa mga munisipyo.
So, dahil dito kinakailangan naman magkaroon ng learning curve kumbaga iyong ating mga lokal na pamahalaan na sapat na ngayon ang bakuna at talagang dapat full blast. So, huwag naman po kayong mag-alala, hindi naman po intensyon ng Pangulo na gipitin ang ating mga lokal na pamahalaan pero ipinaparating niya iyong mensahe na importante na mabigyan ng proteksiyon sa lalong mabilis na panahon ang ating mga kababayan.
So, iyon po, I can assure Governor Velasco [garbled] ginigipit, binibigyan lang po natin ng prayoridad talaga ang pagbabakuna. At hindi naman po lahat ay kinakailangan ng cold sub-zero cold storage facility ‘no, iyan po ay para sa Pfizer lang naman at para sa Moderna, pero karamihan po ng supply natin ordinary refrigeration lang po ang required.
DOH USEC. VERGEIRE: Okay. Thank you, Secretary Roque. Susunod pong magtatanong si Trisha Terada via Zoom ng CNN Philippines.
SEC. ROQUE: Go ahead, Trish.
TRISHA TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Spox, to USec. Vergeire and to USec. Rocky!
Sir, unahin ko lang po iyong doon sa pagluluwag ng Alert Level System ‘cause ngayon nga po marami na ang papayagan but of course there is still the restriction in some establishment na kailangan iyong vaccination cards. How are we going, sir, to address concerns na as early as now nag-Alert Level 3 may mga establishments na hindi na nagtsi-check ng vaccination cards and mayroon din pong instances na may mga namemeke daw po ng vaccination cards? How are we going to address this?
SEC. ROQUE: Alam mo, Trish, kagagaling ko lang sa Amerika at iyan po ang sistema sa Amerika. Hindi ka talaga makakapasok sa anything indoors kung hindi ka magpapakita ng vaccination cards. At ang aking obserbasyon, mas advance nga tayo kasi mayroon tayong vaxcert.ph. Napakadami pang mga Amerikano na ang ginagamit ay iyong manual form.
So, sa akin po ay kinakailangan po talaga ng kooperasyon ng lahat dahil kung kayo’y magpapapasok po ng unvaccinated at hindi ninyo ipatutupad iyong ating requirement na para sa vaccinated lang iyong ating mga indoor venues eh talagang kakalat pong muli ang COVID at kapag kumalat po ang COVID, aakyat na naman ang alert level natin at magsasarado na naman ang mga negosyo.
So, sa mga negosyante, kung gusto ninyo pong magpatuloy na magbukas ang inyong mga establisyemento, ipatupad ninyo po ang no vaccine no entry policy.
So, iyon naman pong sa tanong ninyo na paano masisiguro na hindi sisipa muli, well, nasagot ko na po iyan talaga. Government can only formulate policies, ultimately kooperasyon ng buong sambayanan po ang kinakailangan nang makabangon po ang ating ekonomiya at makapagbalik-buhay po tayo dahil nga po sa bakuna.
TRISHA TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, but what about iyong incident for example na mga namemeke ng vaccination cards? Paano po plano i-address ng government iyon?
SEC. ROQUE: Well, unang-una, kapag kayo po ay nameke, kayo po ang nagbibigay ng danyos sa inyong mga buhay. This is not just an issue of law enforcement; you are endangering the lives of many including yours.
Pero mayroon din po tayong batas – falsification of public documents, at ang vaccination cards po ay public document. May kulong po iyan.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, doon na lang po sa panawagan or tanong ng Love is not Tourism na group, it’s been a while po, sir, at humihingi pa rin po sila ng tulong at saka nagtatanong sila kung kailan daw po papapasukin iyong mga tourist visa holders?
SEC. ROQUE: Well, unang-una, hindi naman tayo nag-iisa na ipinagbawal ang pagpasok ng turista. In fact, nababalita nga na ang Thailand ay nagbukas sa turismo pero ngayon lang po iyan, araw pa lang ang binibilang. Doon nga po sa Bali, nagbukas sila, wala namang airlines na lumilipad sa Bali, Indonesia. So hindi po tayo nag-iisa ‘no. Ngayon pa lang po na ilang mga bansa ay nagbubukas.
Sa Estados Unidos po, November 10 pa lang nila papayagan ang mga bisita galing sa Europe na makapasok ng Amerika, at hindi ko na-realize iyan ‘no kasi ang mga Pilipino ay pinapapasok naman nila ‘no. Talagang sadyang mas mataas pala talaga iyong kaso sa Europe na naging dahilan na all this time pala, hindi sila pupuwedeng makapasok ng Amerika.
So in due time po. We will open tourism in due time ‘no. At ngayon nga po na Alert Level 2, that’s very encouraging. At titingnan din po natin iyong mga karanasan ng ibang bansa na nagbukas na po para sa international tourism.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, one last for you, then I’ll go very briefly lang later to Usec. Vergeire. Sir, in light lang po doon sa petition to cancel the COC of Bongbong Marcos. ‘Di ba po kasi the government or the Duterte administration is very keen on collecting unpaid taxes especially, Sir, sa mga oligarchs. Why is the government parang it doesn’t seem na or are there efforts from the government to collect taxes from the Marcoses kasi billions ito, Sir, and it would really help the, you know, fight against COVID-19?
SEC. ROQUE: Let me put things in context ‘no. Napakatagal nang isyu iyang Marcos, so kung mayroon pong dapat nagpatupad ng unpaid taxes, hindi na po Duterte administration po iyon. Bakit? Dahil lahat po ng tax collectibles mayroon din po iyang prescriptive period, okay. So hindi ko lang po alam kung covered na siya ng prescriptive period, but certainly from ‘86 to now is more than 30 years ‘no. So hindi ko po alam, dahil ang alam ko ay halos lahat nagpi-prescribe kapag expiration of 30 years except international crimes which are imprescriptible.
So kung mayroon pong naging pabaya, it’s not the Duterte administration because quite frankly, kung mayroon mang mga tax due, hindi ko po alam if prescription has set in ‘no. Kasi mas maikli po iyong period ng prescriptive period para habulin ang mga unpaid taxes.
So iyon po iyong sa aspeto ng unpaid taxes. Pero iyong sinasabi nila na mayroon na raw conviction involving moral turpitude, wala po akong nalalaman and we leave that matter to the Comelec kasi ang Comelec naman ang magdi-disqualify sa kaniya kung talagang mayroon na siyang prior conviction.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you very much, Spox Harry. Sir, just one last with Undersecretary Vergeire po.
SEC. ROQUE: Go ahead please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi, Usec. Vergeire! Good afternoon po. Follow up lang po doon sa face shield because nabanggit ninyo po that you’re waiting for the findings or results ng pag-aaral ng groups on face shield. How soon can we possibly get evidence or the results about it? And kailan po kaya posibleng [technical problem] face shields?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Iyon pong Living CPG, mayroon silang 8 P.M. meeting tonight, pag-uusapan na po iyong kanilang re-evaluated findings on the face shields. On Monday, we have already [technical problem] Living CPG, so mga Thursday po ay makakapagbigay na tayo ng appropriate recommendation [technical problem].
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you very much, Usec. Vergeire. Thank you very much, Spox Harry and to Usec. Rocky.
SEC. ROQUE: Thank you, Trish. Back to Usec Rocky, please.
DOH USEC. VERGEIRE: Opo. Secretary, tanong ni Kris Jose ng Remate, pareho sila ng tanong ni Einjhel Ronquillo ng DZXL: Paano raw po masisiguro ang safety ng mga kabataan kung maa-allow na sila sa mga malls at puwede sa dine-in kung kasama iyong mga magulang?
SEC. ROQUE: Well, kagaya ng sabi ko po ‘no, nandiyan po ang mga magulang, hindi naman po talaga estado ang nagpuprotekta on a daily basis. Kinakailangan po iyong mga magulang to exercise their legal obligation, to exercise their parental authority.
DOH USEC. VERGEIRE: Opo. Ang sunod po niyang tanong: Ano raw pong mga LGUs ang magpatupad pa rin ng curfew hour since lifted na simula ngayon ang curfew hour sa Metro Manila?
SEC. ROQUE: Ang alam ko po ‘no, sang-ayon kay Chairman Abalos, sa Metro Manila ay wala naman pong nagpapatupad ng curfew hours. Now, pero ang paglilinaw po, sa mga adults po ay wala, pero abangan na lang po natin kung may announcement sila ng curfew para sa mga kabataan.
DOH USEC. VERGEIRE: Opo. Pangatlong tanong niya: Ano raw pong mga malls ang pumayag na i-adjust ang kanilang mall operating hours? Hanggang kailan tatagal po ito?
SEC. ROQUE: Well, ang nabanggit din po ni Chairman Abalos na ilan sa mga malls na pumayag na ay iyong SM, Ayala, iyong Villar malls at ilan pang mga maliliit na mga department stores.
DOH USEC. VERGEIRE: Opo. Secretary, pasensiya na po, mayroon lang gustong magtanong sa inyo pero ito po ay concerned citizen, si [unclear] Durano: Thailand daw po has recently re-opened its border to international fully vaccinated tourists. Considering that the Philippines will host the World Travel and Tourism Council Global Summit in March 2022, is the IATF Philippines preparing to follow a similar path to re-opening tourism to international fully vaccinated tourists as soon as or once we have fully vaccinated 40 to 50% of our target population?
SEC. ROQUE: Tama po kayo, pupuwedeng mangyari iyan ‘no. Pero kaya nga po, kinakailangan ma-achieve natin ang population protection by December. Now, tinitingnan din po natin ang magiging karanasan ng Thailand dahil isa siya sa pinakauna na nagbukas ng turismo. At hindi naman nakapagtataka iyan dahil talagang napakalaking porsiyento ng ekonomiya ng Thailand ay nakasalalay sa turismo kagaya rin po ng Pilipinas, kaya lang mas dependent talaga sila sa tourism ‘no kung ikukumpara sa atin.
So pag-aaralan po natin ang datos. Pag-aaralan natin ang karanasan ng Thailand. At kung talaga naman pong mayroon tayong population protection ay wala naman po sigurong basehan para hindi tayo magbukas din sa international tourism, but in due time. Sa tamang panahon po.
DOH USEC. VERGEIRE: Opo. Iyong tanong po ni Llanesca Panti ng GMA News ay nasagot na rin po ni Usec. Vergeire about iyong booster shot po sa health workers. Salamat po, Secretary Roque, Usec. Vergeire.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat kay Usec. Vergeire. At maraming salamat sa lahat ng naging kasama natin sa Malacañang Press Corps.
Well, ako po ay magtatapos not on behalf of the President but in my personal capacity ‘no. Maraming salamat po doon sa mga nagbibigay ng suporta doon sa posibilidad na tayo ay tumakbong muli. Pero malinaw po ang dahilan ko ‘no, kinakailangan ko pong malinis ang pangalan ko matapos nilang batuhin ako at tawagin na war criminal. Sa buong buhay ko po, 30 years more or less, wala po tayong ginawa kung hindi protektahan ang lahat ng inaapi sa lipunan – ang Maguindanao massacre, si Jennifer Laude, si Adonis, iyong mga peryodistang napakadaming nademanda for libel – hindi po makatarungang iyong ginawa nila na in an attempt to embarrass us international ay tinawag nila tayong war criminal. Ang solusyon po diyan, humingi ng mandato sa taumbayan para malaman natin kung talagang pinaniwalaan ng taumbayan na tayo po ay isang war criminal or kung suportado nila tayo sa mga nagawa na natin at gagawin pa sa mga darating na taon na binigay sa atin ng Panginoon.
So maraming salamat po, Pilipinas, sa inyong patuloy na pagsuporta. At ngayon po na tayo ay nasa Alert Level # 2 na sa Metro Manila, ulitin ko lang po ha: Ang kinabukasan natin, ang alert level natin sa mga darating na panahon, nakasalalay po iyan sa ating kamay; hindi po iyan nakasalalay sa gobyerno. Mask, hugas, iwas at bakuna pa rin po ang solusyon.
Magandang hapon, Pilipinas.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center