Press Briefing

Press Briefing of Acting Presidential Spokesperson CabSec Karlo Nograles


Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang

CABSEC: Magandang tanghali po sa ating mga kababayan at sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps.

The President started the week by joining his counterparts from the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) and the People’s Republic of China in a productive discussion at the ASEAN China Special Summit to commemorate the 30th Anniversary of Dialogue Relations.

Here are some of the highlights:

  1. The President acknowledged China’s timely assistance to ASEAN’s COVID-19 pandemic response efforts highlighting that China is the first dialogue partner that ASEAN engaged when COVID-19 broke out and among the first to provide vaccines when these were scarce.
  2. The President welcomed China’s ratification of the Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement underscoring that enhanced multilateralism and connectivity will be the drivers of inclusive and comprehensive recovery.
  3. The President reiterated the call for urgent climate action by supporting the work of the ASEAN Centre for Biodiversity hosted by the Philippines.
  4. The President raised the South China Sea issue, expressed grave concern in the recent event in the Ayungin Shoal and called for self-restraint. He likewise told China to remain committed to the conclusion of an effective and substantive code of conduct in the South China Sea.

Kaugnay sa isyu ng Ayungin Shoal, dumating na ang resupply boats sa Ayungin Shoal at nakarating na sa BRP Sierra Madre ngayong tanghali.

Samantala, nagsimula na kahapon, November 22, ang rollout ng booster shots sa A2 o mga senior citizens at additional shots para naman sa A3 o iyong may mga immunocompromised. Kasama sa A3 o mga immunocompromised ay ang mayroon immunodeficiency state, may HIV virus, active cancer or malignancy, transplant recipients, at mga pasyenteng nasa immunosuppressives.

Paalala lamang po, hindi pa po nirirekomenda ang additional or booster doses sa general population. Mamaya ay makakasama natin si FDA Director General Eric Domingo para ipaliwanag sa atin ang mga detalye nitong panuntunan.

Sa usaping bakuna: Dumating kaninang umaga, November 23, ang 682,360 doses ng Moderna vaccine na binili ng pamahalaan. Samantala, nasa halos 76.5 million ang kabuuang bilang ng doses ng bakuna na naiturok sa buong Pilipinas as of November 22, 2021 ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Sa bilang na ito, nasa 43.88% or almost 33.8 million na ang fully vaccinated. Habang sa Metro Manila ay higit one hundred percent or 10.3 million na ang nakatanggap ng first dose, samantalang 94.04% o mahigit 9.1 million na ang fully vaccinated.

Sa COVID-19 update naman po: Nasa 984 ang mga bagong kaso ayon sa datos ng DOH na may petsang November 22, 2021. Ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso sa kauna-unahang pagkakataon ngayong 2021 ay mas mababa na sa 20,000. Ito na ang pinakamababa since June 18, 2020. Ang 2.8% positivity rate naman ang pangalawang pinakamababa mula nang naging available ang testing data noong April 2020. Kung matatandaan po natin, March 2020 ang kauna-unahang kaso ng local transmission ng COVID-19 sa bansa. Nasa 97.6% naman ang porsiyento ng gumaling, ibig sabihin, nasa mahigit 2.7 million ang gumaling habang nasa 1.67% ang ating fatality rate. Malungkot naming binabalita sa inyo na kahapon ay nagtala tayo ng 218 sa bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa COVID-19. Suma total ay mayroon na tayong 47,288 COVID deaths.

Below 40% pa rin ang ating hospital care utilization rate. Sa buong Pilipinas, nasa 32% ang ICU bed utilization; 31% naman ang sa Metro Manila. Twenty-seven percent naman ang utilized isolation beds sa buong Pilipinas; sa Metro Manila, ito ay nasa 24%. Samantala, 17% ang utilized ward beds; 23% naman dito sa Metro Manila. Pagdating naman sa ventilators, ang utilized sa buong Pilipinas ay nasa 18%; 20% naman sa buong Metro Manila.

Gayun pa man, bumababa man ang bilang ng mga numero kaugnay sa pandemya, patuloy po ang ating paalala sa ating mga kababayan: Sumunod sa mask, hugas, iwas at magpabakuna.

Isa pang mahalagang update: Ininspeksyon kahapon ni Pangulong Duterte ang mga proyekto sa lungsod ng General Santos. Sa General Santos Airport, personal na ininspeksyon ng Pangulo ang pinalawak at mas pinaayos na passenger terminal building, ang mga modernong navigational aids at ang pinatayong CAAP administration building. Kung dati ay nasa 800,000 passengers ang kayang ma-accommodate ng passenger terminal building sa isang taon, ang pasilidad ay kaya na ngayong mag-accommodate ng dalawang milyong pasahero kada taon.

Ininspeksyon din ng Pangulo ang katatapos lamang na Port Operations Building amenity complex ng Port of General Santos sa Makar Wharf. Kung noon ay siksikan, makipot, mainit at lumang-luma ang transit shed at warehouse ng pantalan, ngayon ay moderno, mas malawak at mas maganda na ito. Nasa 3,000 square meters na ang Port Operations Building amenity complex, aabot sa 1,300 na malalaking barko kada taon ang kayang i-accommodate ng Port of General Santos.

Samantala, nalagdaan na ang Memorandum Order #57 kung saan inatasan ang pagsusumite ng citizen’s charter ng bawat ahensiya ng gobyerno kasama na ang state universities and colleges at mga local government units. Ito ay bilang pagtalima sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act. Pagkatapos ng briefing na ito ay bibigyan namin ng kopya ang MPC.

Ngayong araw, inaalala natin ang mga naging biktima ng Maguindanao massacre. Kung inyong matatandaan, sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon nakamit natin ang katarungan para sa mga biktima ng naturang kaso pagkatapos mahatulan ang mga napatunayang may sala noong 2019. Patuloy po nating sinusulong ang kalayaan sa pamamahayag.

Maraming salamat po. I now turn you over to FDA Director General Eric Domingo via Zoom para ipaliwanag ang booster shots or additional vaccine doses.

FDA DIRECTOR GENERAL ERIC DOMINGO: Hi! Magandang tanghali, Sec. Karlo, sa press corps at sa inyo pong lahat.

Magbibigay lang po ako ng kaunting updates on the booster ng atin pong mga bakuna, pagbabakuna ng additional shots na naumpisahan na rin po noong Friday. And just to give you an idea kung ano po ba itong mga tinatawag na booster shots, gusto ko lang po munang ipaalala ulit na as of now lahat po ng bakunang ginagamit sa Pilipinas are still under Emergency Use Authorization. Wala pa pong nag-a-apply sa atin ng for approval. Siguro mauuna iyon pong Pfizer na nag-apply na sa Amerika pero dito sa atin ay hinahanda pa rin daw nila iyong kanilang application hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa ibang bansa. And we have other vaccines that are being used under EUA. Ang pinakahuli pong nabigyan namin ng EUA ay iyong Covavax, ito po iyong counterpart ng Novavax naman sa Amerika ‘no. Sa Serum Institute of India, Covavax po ang kaniyang pangalan.

Kaya kapag naglabas po kami ng Emergency Use Authorization, very, very specific po lahat iyon ano – kung saan siyang factory ginawa; kung ano iyong good manufacturing practices certification ng company ngayon; kung anong edad siya ginagamit; at saka kung ano ang interval ng doses at kung ilang doses.

So, every time magkakaroon ng pagbabago, halimbawa sa age group, halimbawa sa pagdadagdag ng bakuna ng pangatlo, kailangan pong mag-apply sa FDA ng variation doon sa kanilang Emergency Use Authorization at kailangan magsa-submit sila of course ng scientific evidence to support that amendment.

In the case of additional doses or booster vaccines doses, ang nag-apply po for variation ay ang Pfizer na nag-apply ng variation para magdagdag ng pangatlong dose doon sa kanilang bakuna mismo.

Iyong AstraZeneca, nag-apply din po iyan ng additional third dose para po doon sa kanilang bakuna rin kaya o homologous ang tawag natin diyan dahil pareho.

Ang Sinovac, nag-apply din po siya ng third dose, same vaccine at ganoon din po ang Sputnik. Pero ang Sputnik po nag-apply siya ng amendment both as a homologous booster na ibig sabihin, pangatlong dose; at as a heterologous booster, ibig sabihin in-apply po niya ang kanilang bakuna, iyong Sputnik Light, bilang booster sa mga tao na nabigyan ng ibang bakuna na, na brand na nauna.

At the same time, ang Department of Health at ang Health Technology Assessment Council ay binigyan sila ng rekomendasyon at in-apply din po iyon ng amendment ng Department of Health sa FDA iyong mga iba’t-iba naman pong heterologous vaccine combinations.

So, ang na-approve po after po itong pag-aralan ng ating mga vaccine experts, in-approve natin ang paggamit ng Pfizer bilang homologous na booster; ang AstraZeneca bilang homologous booster din sa mga nakatanggap na ng Astra dati; at ganoon din po ang Sinovac bilang homologous booster sa mga taong nakatanggap na ng dalawang Sinovac.

Iyon naman pong na-approve natin ang Sputnik as lieu for use, as a heterologous booster. Ibig sabihin, kung ibang bakuna ang natanggap natin, ito pong Sputnik ay maaari pong matanggap as a third dose.

At iyon pong Department of Health na listahan, marami pong na-approve ‘no na heterologous combination, iba-iba pong combination at ito po ngayon ang dinesisyunan ng DOH kung alin ang gagamitin nila.

Ngayon, hindi pa po natin pinapayagan ang paggamit ng booster vaccines sa lahat po ng mamamayan. Unang-una, ang Emergency Use Authorization kailangan magpakita na benefit outweighs the risk. So, kung sino po iyong mga taong pinakamalaki ang benepisyo na makakuha doon sa additional dose, iyon ang ating uunahin kasi siyempre po bawat bakuna mayroon naman po talagang possible na side effects. Kaya kung mababa lang naman po ang risk right now na magkaroon ng sakit eh hindi po masyadong malaki ang possible benefit.

At siyempre po, pinaka-importante pa rin na bakunahan muna iyong mga hindi pa nababakunahan or hindi pa kumpleto ang kanilang bakuna. Pero at the same time, alam po natin na lumampas na nang anim na buwan iyong vaccine ng iba nating kababayan lalo na iyong unang nabakunahan katulad po ng mga health care professionals.

So, ito po ngayon, iyong population groups na at this time ay allowed na nating bigyan po ng additional shot:

Iyon pong health care professionals. Iyon pong mga nagtatrabaho sa mga ospital, 18 years and above who have frequent exposure to COVID-19. Sila po ay kailangan nating bakunahan kasi sila po iyong laging exposed, araw-araw gumagamot po sila ng may COVID. Pangalawa, ito po ang tamang panahon dahil talagang sila, mga six, seven, eight months na ang completion ng kanilang dose at habang kaunti ang cases natin ng COVID na inaalagaan, ngayon natin sila gustong bigyan ng bakuna ‘no.

Kasi in case magkaroon man po ng mga surge uli sa darating na taon halimbawa or the next few years, gusto natin siyempre iyong health workforce natin malakas iyan. Hindi dapat sila nagkakasakit kasi po since nagbakunahan tayo, iyong mga health workers natin wala naman pong namamatay na sa COVID. Kung nagkakaroon man sila, mild or moderate na sakit. Kaya lang po tuwing mayroong magkakasakit sa kanila, sila ay inaano natin, tinatago natin sila, ina-isolate natin for 14 days, hindi sila nakakapagtrabaho at nababawasan ang workforce. So, iyan po ang una nating kailangang bakunahan ng booster.

Pangalawa, iyon pong mga senior citizen or iyong mga tao na mayroong immunocompromised. Kasi iyon pong ibang matatanda na at kung immunocompromised, after makatanggap po sila ng kanilang second dose, baka hindi po kasing taas iyong immune reaction na nagkakaroon sa katawan nila compared for example sa 30-40 years old na malusog. So, kailangan po nilang madagdagan ng dose para tumaas iyong kanilang immune reaction at iyong immune system nila ay lalong sumigla.

At ang isa pa po kasi nating nakikita, alam naman po natin iniri-report ng FDA na may breakthrough infections. Ang breakthrough infections po 90% iyan sa less than 60 years old, 10% lang po ang senior citizen na may breakthrough infections kasi nasa bahay naman sila. Pero halos lahat po ng namamatay na breakthrough infections ay senior citizens kaya sila po talaga iyong kailangan natin dahil at risk sila of getting severe COVID and dying from COVID more than anybody else.

And then pangatlo na pinapayagan na po natin, iyon pong 18-60 years old pero may comorbidities na napi-predispose po sila na kung magka-COVID sila ay maging severe at saka mamatay from COVID.

So, ito po muna ngayon at this time ‘no and it is given six months after completion of the second dose, puwera lang po kung ang natanggap ay Janssen na single dose o iyong Sputnik Light, maaari na pong bigyan ng additional dose ito nang three months after ng kanilang pagbabakuna.

So, gusto lang po namin ipaalala uli, ng FDA na sa atin pong pagmo-monitor, nakikita po natin that the benefits of vaccination outweigh the risk. Talagang mas marami po tayong naisasalba kaysa po doon sa mga adverse events na iniri-report sa atin that are very rare and happened less than 1% of the population and vaccines are effective and critical to control the pandemic.

Iyon pong ating booster, sinasabi nga natin should be considered. Quite a significant portion of eligible individuals have been vaccinated. So, kapag mas marami na ang nababakunahan, siguro po maaari na rin tayong mag-start doon sa general public ano, pero depende pa po sa pag-aaral natin at sa impormasyon kung makikita na talagang the benefit outweighs the risk.

And since marami pa po tayong nakakuha na impormasyon araw-araw hindi lang po dito sa Pilipinas na-experience natin, kung hindi sa mga pag-aaral at saka sa experience sa ibang bansa, nalalaman po natin that the recommendation may change ‘no as more data becomes available. Araw-araw po may mga bagong scientific evidence that we take into consideration para po mabago ang ating mga rekomendasyon.

So, sa ngayon, ito po iyong ginagamit ng atin pong DOH na mga available. Nakita na rin po siguro ninyo ito.

So, for group A1, kapag po nakatanggap ng kahit anumang bakuna, maaari pong magbigay ng homologous vaccine or heterologous vaccine after six months. Iyon naman pong Janssen o iyong Johnson & Johnson, after three months maaari na pong magbigay ng isang heterologous na vaccine, iyong pong AstraZeneca, Pfizer or Moderna.

So, iyon lang, Sec. Karlo. Maraming salamat.

SEC. NOGRALES: Maraming, maraming salamat, DG Domingo. Tumungo naman po tayo kay Usec. Rocky para sa mga katanungan mula sa MPC.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Nograles, and kay Undersecretary Domingo.

Ang una pong tanong mula po kay Rosalie Coz ng UNTV: Sa mga nakalipas na linggo po, nananatili pong mataas ang COVID-19 deaths sa bansa kahit po pababa ang health care utilization rate ng COVID-19. Tinatalakay ba ito sa IATF? Ano ang masasabi sa kasalukuyang clinical management ng severe/critical COVID-19 patients sa bansa? Mas marami na available treatment ngayon, bakit hindi pa rin natin ma-improve ang management ng critical illness sa COVID-19?

CABSEC NOGRALES: Opo. Pinag-uusapan lagi ‘yan sa IATF ‘no, ang mga numero at mga data, mga datos at nakikita po natin ‘no na 9 out of 10 na mga COVID cases na nasa hospital po ay unvaccinated. Kaya nga po ini-emphasize po talaga natin iyong vaccination, full vaccination na kinakailangan lalung-lalo na ng mga senior citizens, mga immunocompromised – lahat po ‘yan na kailangan po talaga nating protektahan laban sa COVID-19.

Kaya number one kailangan po na fully vaccinated sila at pangalawa po para sa booster shots or additional shots ay kabilang na rin po sila dito sa patakaran natin ng pagbu-booster at additional shots.

Siguro tanungin rin po natin si FDA DG Domingo kung may maidadagdag pa po siya.

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Oo, Sec. Karlo, Usec. Rocky ‘no. Actually, ang atin pong mortality rate sa mga COVID-19 ay napakababa – it’s less 1.5% – this is actually one of the lowest sa buong mundo ‘no. So maganda po ang manage natin ng cases. Sa ngayon talagang for severe cases, very limited po ang gamot na ginagamit sa buong mundo – itong mga Remdesivir, Tocilizumab. Ang mga bago po nating gamot ngayon na pumapasok, iyong mga Molnupiravir, [garbled] are given to mild cases – mild to moderate in the hope of preventing severe cases.

So good news po ‘yan, makikita siguro natin in the next few months na kapag maaga tapos nagamot ay mababawasan ang mapupunta sa severe cases. Pero kaya lang po siguro napapansin ninyo ngayon medyo mataas minsan iyong mga deaths na niri-report, kasi marami dito – alam po ni Sec. Karlo ‘to – mga backlogs, mga ngayon lamang naku-confirm kaya po ngayon niri-report. Hindi po ibig sabihin na namatay po iyan within the last few days ‘no. Maaari pong dati pa ‘yan pero ngayon lang po kasi niri-report at nabibilang.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ay mula kay Vic Somintac: Can we get daw po Palace reaction regarding Senator and presidential candidate Ping Lacson’s personal visit in Pag-asa Island, West Philippine Sea at nagtanim ng Philippine flag doon?

CABSEC NOGRALES: Well, bilang senador, malaya naman po niyang gawin iyan dahil kasama naman po iyan sa territory ng Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. From Jopel Pelenio ng DWIZ: Nagbanta po si Filipino pole vault ace EJ Obiena na agad magriretiro if the National Athletics Federation will not withdraw their ongoing inquiry laban po sa kaniya kasunod ng kabiguan umano niyang mabayaran ang kaniyang Ukrainian coach. But even the foreign coach ni Obiena, dinenay [denied] na ang allegation at sinasabing sinisira lamang ng National Athletics Federation ang pangarap at kinabukasan ni Obiena. Ano po ang reaksiyon dito ng Palace? Do you think na dapat pong itigil ng Athletics Federation ang pagdinig against Obiena?

CABSEC NOGRALES: Nagsalita na po ang PSC tungkol sa concern at issue po na ‘yan at inaasahan natin na mas magiging pang proactive ang PSC at imu-monitor po natin iyong developments ng concern po na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. From Jo Montemayor: Any comment po sa Lakas-CMD statement that President Duterte is still their top choice for senator?

CABSEC NOGRALES: Iyan lamang po ay patunay sa mga accomplishments ni Pangulong Duterte at patunay lamang din po na sa paniwala na kapag siya po’y naihalal bilang senador ng Republika ng Pilipinas ay mapagpatuloy niya rin iyong mga nasimulan niya lalo na sa mga programa kontra kriminalidad, terorismo, kontra droga, kontra korapsiyon at sa mga economic programs niya kabilang ang Build, Build, Build at siyempre iyong patuloy na pagtulong niya sa mga mahihirap nating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Nograles.

CABSEC NOGRALES: Maraming salamat, Usec. Rocky. Tumungo naman po tayo kay Mela Lesmoras ng PTV-4.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi. Good afternoon, Secretary Nograles, kay Usec. Domingo at kay Usec. Rocky. Secretary Nograles, unahin ko lang po. May Talk to the People po ba si Pangulong Duterte mamaya at kailan kaya ito kung sakali at ano pa po ‘yung mga schedule niya na dapat abangan ng publiko?

CABSEC NOGRALES: Opo. Tonight, based sa indicative schedule, ay mayroon po siyang Talk to the People at iyong ibang mga schedules po niya, we will release it as soon as it becomes available to the public.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, Secretary Nograles, tungkol lang po sa national vaccination days. Just for the records, idideklara na po ba officially na holiday ito or ito po’y magiging special working days itong 29 at December 1? At paano po ba ‘yung magiging participation ni Pangulong Duterte dito? Mag-iikot po ba siya sa mga vaccination sites o kaya naman would he set as an example by taking booster shot publicly?

CABSEC NOGRALES: Iyong issuance po tungkol dito, abangan na lang po natin. But at the soonest possible time ‘pag in-issue na po ‘yung—from Malacañang, ia-announce po natin agad ‘no.

With regards sa participation ng iba’t ibang mga miyembro ng Gabinete, mayroon pong mga invitations na binigay sa selected Cabinet members para doon sa kick off na gaganapin sa November 29 at iyong iba pang mga dates ay mayroon pong in-charge diyan.

Tungkol naman din po doon sa kay Pangulo, iyong tanong mo kung magbu-booster ba or additional shot siya?

MELA LESMORAS/PTV4: Opo, and kung mag-iikot po siya rin.

CABSEC NOGRALES: Iyong pag-iikot niya, abangan na lang po natin kung ano iyong magiging—ang lalabas ‘no doon sa kaniyang schedule at Appointments Office. At iyong kung tatanggap ba siya, isasapubliko ba ang additional or booster shots ay that’s actually between the President and his personal physician so abangan na lang po natin kung ano maging advice ng kaniyang personal physician.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Secretary Nograles, just a quick follow up. Sa isang panayam po kasi ni Secretary Galvez nabanggit niya na magiging special working days iyong 29 and 1. So as of now habang wala pa iyong order mula kay Pangulong Duterte, tama po, abangan pa rin natin kung ano iyong mangyayari?

CABSEC NOGRALES: Iyan po ‘yung recommendation at kaya nga po iyan ay nirirekomenda ay para naman po iyong mga kailangan magpabakuna ay mayroon po silang—kumbaga mayroon silang—mabibigyan sila ng pahintulot at permiso ng kanilang mga employer na magpabakuna on those days kaya ang naisip is special working holidays. Iyong hindi naman kailangan magpabakuna dahil tapos na at hindi naman kasama doon sa kailangan magpabakuna ay makapagtrabaho para naman umandar ang ating ekonomiya. Alam ninyo naman na napakaimportante po ng 4th quarter para sa ating economic growth. So iyon po ‘yung naging recommendation, abangan na lang po natin ano iyong ilalabas na issuance mula sa Malacañang.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo at panghuli na lamang po, Secretary Nograles. Kasi kahapon nga ay PRRD slams China’s acts in Ayungin at sinabi ito ni Pangulong Duterte mismo sa harap ni Chinese President Xi Jinping. May impormasyon po ba tayo kung ano ‘yung naging reaksiyon ni President Xi at nagkaroon po ba siya ng message of assurance or apology sa harap din ng naging ASEAN-China Special Summit?

CABSEC NOGRALES: I-refer na lang po siguro natin sa DFA kung mayroon bang naging reaksiyon. But to my knowledge, hindi pa po nakarating sa amin ang any information tungkol diyan.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Maraming salamat po, Secretary Nograles, at kay Usec. Domingo, Usec. Rocky.

CABSEC NOGRALES: Salamat, Mela. Salamat din kay Secretary Galvez. Usec. Rocky…

USEC. IGNACIO: Secretary Nograles, ang tanong po mula kay Jo Montemayor ay nasagot ninyo na po, iyong tungkol sa posibleng booster shot ni Presidente at kung anong brand. Iyong tanong po ni Tuesday Niu, pareho sila ng tanong ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror ay nasagot ninyo na rin, requesting po noong EO para po sa special working holidays sa November 29 to December 1st.

Tanong po ni Neil Jerome Morales ng Reuters: Maria Ressa’s lawyers including Amal Clooney in a news conference today urged the government to drop state cases against Ressa to show the world that it respects human rights as the world will be watching the Nobel Peace Prize ceremony. The government has a few months to go and it can still show the world that the Philippines is a beacon of democracy and liberty. May we ask for the Presidential Palace comment on this?

SEC. NOGRALES: Iyong kaso po ay nasa korte na. At siyempre the judiciary is a co-equal branch ng executive at nirirespeto po natin iyong judiciary and our courts at nirirespeto po natin sila at tayo po ay malaki ang ating confidence level siyempre at paniwala sa ating courts of law that they will do the proper thing. So, the judiciary being a co-equal branch of government ay nirirespeto po natin sila as a co-equal branch of government. So nasa korte naman po iyan.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Nograles.

SEC. NOGRALES: Let’s go to Triciah Terada ng CNN.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi! Good afternoon, Sec. Karlo and to DG Eric and to Usec. Rocky. Sir, first question because there is a blast of scam jab offers via text message and many tend to attribute it or to blame it doon po sa possible leak sa contact tracing data. Kasi marami ang nagsasabi na nangyari lang itong pagsisimula ng text blast after mag-fill in ng mga contact tracing data. May directive po ba iyong Palasyo sa National Privacy Commission about this and is this cause of concern for the IATF?

SEC. NOGRALES: Iyong NTC is already investigating the matter.  And of course, it is also within the purview and mandate ng National Privacy Commission to also investigate the matter. So, hintayin natin iyong [investigation].

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, is this a cause of concern for the IATF na possible na leak?

SEC. NOGRALES: Oo, siyempre kapag privacy issue iyan, it’s always a cause of concern not only for the IATF but for government and for the public siyempre. Kaya nandiyan po iyong NTC and National Privacy (Commission). They have their mandate; they know what they must do, and we will continue to monitor them in the performance of their mandates.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you very much, Sec. Karlo. Sir, just one question for DG Eric po.

DG DOMINGO: Yeah. Hi, Triciah!

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi! Good afternoon, DG Eric. Sir, follow up lang po doon sa pediatric vaccination. Your assessment, I think parang ilang weeks na po siyang nagro-rollout. And kailan po kaya possible na simulan iyong pediatric vaccination to younger ages, like ages 4 to 11, kagaya po noong ginagawa sa US?

DG DOMINGO: The last data, I saw about that two weeks ago. We have already about 500,000 na pediatric vaccinations both with Pfizer mostly and then some Moderna, and the adverse event monitoring is very, very low – less than 1% and mga mild lang naman. I think the most severe was allergies and mayroong isang bata na nag-hyperventilate. So, so far, so good and we are still continuing with that. But like I said, it’s only until 12 years old pataas.

The 5- to 12-year-old vaccines, I think by Pfizer, we hope that they will be sending in their application for an EUA very soon. Nagtanong na sila, they already asked for the list of requirements and they told us that they are completing the requirements. Mayroon lang yata kasing difference kaunti doon sa formulation ng vaccine for children. So, it’s like a new EUA, kasi medyo may bagong innovation doon sa product.

But, other than that, ang Sinovac din, hinihintay namin na mag-submit ulit ng data nila for children below 18 years old. They just have to complete some more data to give to our vaccine experts. And we hope to get that soon. So, iyon iyong dalawang possible vaccines for children below 12 – coming soon.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, kung sa estimates lang po, when do you possibly see the vaccination for younger children, iyong 4 to 11 na range?

DG DOMINGO: I would think before the end of the year. I am pretty sure Pfizer is to be ready and the Sinovac also told us that their data is being collated and will be submitted soon. So, I believe before the end of the year, we are going to have vaccines for children below 12.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you very much, DG Eric. And thank you also, Sec. Karlo.

SEC. NOGRALES: Maraming salamat. Back to Usec. Rocky for additional questions.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary Nograles. From Johnna Villaviray ng Asahi Manila, nasagot ninyo, Secretary, pero baka may madagdag lang po kayo about Ayungin Shoal: The President in his statement at the ASEAN-China Summit chair that we abhor what happened in Ayungin Shoal recently. He sounded direct and critical of Chinese action in the South China Sea. It’s unusual for the President to speak this way when it comes to China. What does he hope to accomplish by changing his tones so close to the end of his term?

SEC. NOGRALES: I think the President has always been consistent sa UN General Assembly, sa mga ASEAN Summits. Lagi niyang binabalik-balikan iyong UNCLOS at iyong ating Arbitral Award. So, bumabalik siya lagi doon at lagi niyang sinasabi iyong importance ng peace and unity, importance of peaceful resolution ng ating disputes. So, very consistent si Pangulo diyan sa isyu at concern po na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. From Jopel Pelenio of DWIZ.  Natanong na pala ito last briefing.

From Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. For Usec. Domingo: You recently stated that COVID-19 vaccines may have full authorization from the Philippines Food and Drug Administration by early next year but no drug-maker has applied for full market authorization yet. Can’t the government dispense with authorization requirement so that the vaccines can be brought in and distributed as soon as possible?

DG DOMINGO: Well, actually, Usec. Rocky may naka-ready na kami na express lane for that and definitely could expedite it kapag nag-apply. Pero ang marketing authorization po kasi is very particular to each company who owns the product. So, hindi pupuwede ito na basta na lamang ibigay ng FDA. Kailangan po kung sino ang may-ari noong bakuna, dahil may intellectual property po sila, sila po ang mag-a-apply niyan, magpapakita noong kanilang quality data, iyong kanila pong safety and efficacy at kapag nakita natin maaari na po siyang ibenta ay papayagan po ng FDA. Pero until mag-apply po ang kumpanya, hindi po natin   iyan maaaring payagan na ibenta ng kahit po sino.

USEC. IGNACIO: Opo. From MJ Blancaflor of Daily Tribune: The President said yesterday that the presidential aspirant he had accused of using illegal drugs eluded law enforcers since he allegedly takes drugs in exclusive places katulad sa yate or in the air. Is it an admission daw po that rich people evaded the government’s drug war? Ito po ba ang reason kung bakit may perception na mahihirap lamang ang nahuhuli o napapatay?

SEC. NOGRALES: Hindi po. Actually, kung titingnan natin ang datos, according to PDEA, pati ang ating mga law enforcement agencies ay marami na po tayong nahuli na mga high value targets na lumalabag sa Dangerous Drugs Act ‘no. Pangalawa ang mensahe lamang po ni Pangulo dito ay siyempre kailangan din po natin ng kooperasyon ng bawat isa, ng publiko lalo na. So kung may nalalaman po na impormasyon ay patuloy na panawagan for the public to cooperate and inform our law enforcement agencies kapag may nalalaman po sila. Pangatlo po, iyong Philippine National Police natin has already issued a statement that they are already conducting a fact-finding investigation regarding the matter.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya: After the President called the presidential aspirant Bongbong Marcos lazy and spoiled, Mayor Sara asked her supporters in Tagum City to protect her running mate from criticism. Does it show a widening rift between the President and his eldest daughter?

SEC. NOGRALES: They belong to different political parties. At siyempre as with any different political parties, mayroong mga common candidates at mayroong mga candidates na sinusuportahan for other positions ang either party.  So, political exercise like the elections ay normal po na magkaroon ng ganiyan, pagkakaiba ng sinusuportahang mga kandidato.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question po niya: Will there be a last-ditch effort on the part of the ruling PDP-Laban to reach out to Mayor Sara and ask her to support your presidential bet instead of Mr. Marcos? Is the party pessimistic na magbabago pa ang isip ni Mayor Sarah?

SEC. NOGRALES: Sa pagkakaalam ko po, ang PDP-Laban ay magkakaroon ng isang national council meeting na gaganapin a few weeks from now. So, maaaring pag-usapan po ng partido ang concern o isyu   po na iyan or ang question po na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. From Aiko Miguel ng UNTV for DG Domingo: Ang Office of the Vice President ay mayroon ng supply ng Molnupiravir. Is this allowed under CSP? Paano ang monitoring sa mga mabibigyan ng anti-viral pill? Ilan na ang hospital na may CSP at may pending application for Molnupiravir? Similar question po with Red Mendoza ng Manila Times.

FDA DIRECTOR GENERAL ERIC DOMINGO: As of now, Usec. Rocky, Red at saka Aiko, mayroon na tayong 89 hospitals na mayroong Compassionate Special Permit for Molnupiravir. And I believe there are three importers that are supplying the hospitals na mga licensee … galing sa mga suppliers na … manufacturers na licensee ng MSD ‘no.

Nabasa ko naman iyong sa news kanina, iyong sa OVP, I think they are partnering with the hospital, itong QualiMed. Itong QualiMed Hospital, mayroon naman sila, kasama sila sa listahan ng mga ospital na may Compassionate Special Permit. So they just have to follow iyong ating regulations na, of course, kailangan ililista nila iyong mga pasyente na pagbibigyan nila at iri-report nila sa FDA iyong utilization and outcome ng mga pasyenteng nabigyan ng gamot na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang follow up po ni Red Mendoza ng Manila Times para kay DG Domingo: Ligal ba ito and allowed ba ito under the terms of the CSP? Hindi ba maaaring ikapahamak ng mga patients na ang mga doktor ay magbibigay lang ng prescription and i-dispense ang Molnupiravir nang walang monitoring?

FDA DIRECTOR GENERAL ERIC DOMINGO: Kailangan po sumunod sila sa … katulad ng sinabi ko rin, hindi naman siguro sa Office of the Vice President sila magbibigay ng gamot dahil bawal iyon. So dapat po doon sa ospital na may Compassionate Special Permit, maaaring i-refer ang pasyente doon at iyong mga doctors doon ang magbibigay ng gamot with full understanding siyempre ng pasyente na ang gamot na ito ay hindi pa rehistrado sa FDA kung hindi ibinibigay lamang under a special permit and it is still an investigational drug at hindi pa po fully registered. Pagkatapos po noon, kailangang niri-report ng ospital at ng doktor sa amin kung kanino binigay at saka kung ano po ang naging outcome, kung gumaling ba or hindi, halimbawa, ang mga pasyenteng ito.

USEC. IGNACIO: Thank you po. Secretary Nograles, from Jerome Aning ng PDI: Is the President’s information on the presidential candidate who is taking cocaine current or past information? Yesterday daw po in GenSan, the President said the candidate was using cocaine. And in his second speech in Mindoro last Friday, he said he knew about it when he was Mayor. If the President’s information is current, should the President just ask the police to conduct a “tokhang” visit on the candidate and urge him to undergo drug rehabilitation?

CABSEC NOGRALES: Gaya ng nabanggit ko kanina, it is now undergoing fact-finding investigation ng Philippine National Police in coordination with the PDEA.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: Last week in your briefing, you said President’s information on the candidate who is taking cocaine may have come from intel reports. However, in two of his three previous speeches, the President kept saying, “Itanong ninyo sa mga mayayaman.” Does the President have direct knowledge about this candidate taking cocaine? Because if he does, can he just order the police to file a case.

CABSEC NOGRALES: Opo, kasama naman po iyan sa fact-finding na investigation na ginagawa ng PNP at with the support ng PDEA. At tandaan po natin ‘no na marami sa mga naging successful na operations ng PDEA at ng ating law enforcement agencies ay dahil po sa kooperasyon din po ng publiko ‘no, mga informants, those citizens who cooperate and who provide information, necessary information to our PDEA agents and our Philippine National Police.

So nandoon pa rin iyong ating panawagan sa publiko ‘no, at ang PDEA has always emphasized na mayroon silang hotline, even through social media kung saan puwedeng makipag-ugnayan ang publiko kung may nalalaman silang any information about anyone who are violating the dangerous drugs law. So walang pinipili iyan at lahat naman po ng information na puwedeng i-provide ng public is welcome to our law enforcement agencies.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question po niya: Yesterday daw po in GenSan, the President said rich people snort cocaine habang sila ay nasa kanilang mga yate. How can this loophole in the war on drugs be addressed by the government? What if iyong yate po ay nasa international waters, can a person be charged and prosecuted criminally if he takes illegal drugs on a yacht and that a yacht is on international waters or high seas?

CABSEC NOGRALES: Ang law enforcement agencies natin, pati ang DOJ, know how to handle cases like this. So sa pagkakaalam ko bilang abogado ‘no, kapag registered sa Pilipinas ‘no at nasa international seas ang vessel ay iyong laws of the Philippines will apply. Kapag foreign vessel naman sa international seas, iyong jurisdiction ng Philippines wala doon. Pero kapag registered sa Pilipinas at nasa international seas, nasa jurisdiction po ng Pinas, ng Philippines.

So alam na po ng ating mga law enforcement agencies, ang DOJ, what particular international laws. Plus we can also always get the help and cooperation also of our partners in the international community in terms of enforcing our anti-drugs law.

USEC. IGNACIO: From Jopel Pelenio of DWIZ: Sumalang na po sa voluntary drug test sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sina presidential aspirant Senator Lacson and vice presidentiable Senator Sotto para po magsilbing halimbawa raw po sa iba pang kandidato for this coming 2022 elections; kapwa negatibo ang resulta ng kanilang drug test. Do you think na dapat na rin pong sumunod dito ang lahat ng presidential at vice presidential candidates upang mapatunayan na walang katotohanan ang naging pahayag ni Pangulong Duterte na may presidential aspirant na gumagamit ng cocaine? Similar question po ni Vic Somintac ng Net 25 at Kyle Atienza ng BusinessWorld. 

CABSEC NOGRALES: Opo, again, that’s voluntary. Even if hindi siya kasama sa mga requirements for candidates, whether presidential, vice presidential, senator o kung anumang posisyon, it’s purely voluntary at nasa kanila po iyon kung magpa-voluntary drug test sila para isapubliko na sila ay drug-free, then it’s entirely up to these candidates po.

USEC. IGNACIO: Opo. From Ace Romero ng Philippine Star: Reaksiyon po ng—the camp of former Senator Marcos issued a statement stating that he tested negative for cocaine use.

CABSEC NOGRALES: Opo, anong…

USEC. IGNACIO: Statement daw po.

CABSEC NOGRALES: Like I said, it’s voluntary for any presidential candidate, vice presidential candidate, senatorial candidate or any candidate for that matter to undergo voluntary drug test at isapubliko po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang tanong po ni Ace Romero: Nag-isyu daw po ng statement iyong camp ni former Senator Marcos, he tested negative for cocaine use.

CABSEC NOGRALES: Sorry, Usec. Rocky, that’s a statement and they’re asking for?

USEC. IGNACIO: Reaction po.

CABSEC NOGRALES: Opo. Like I said, it’s purely voluntary. It’s up to the candidate if he wants to take a drug test and release it to the public, then—voluntary po iyan, opo.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong: Maaari na po kayang mapagbigyan ang hiling ng ilang pribadong eskuwelahan na miyembro ng Coordinating Council of Private Educational Association of the Philippines o COCOPEA na mapabilang o makasama sa pilot testing ng face-to-face classes lalo na ngayong tuluy-tuloy na po ang pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa?

CABSEC NOGRALES: Sa pagkakaalam ko ay nag-uusap at nakikipag-ugnayan na rin po iyong COCOPEA with DepEd. Nagkaroon na po sila ng mga initial meetings, at they are finalizing—alam ko may mga guidelines ang DepEd; na-communicate na po iyan sa COCOPEA for them to follow. And if they follow all the guidelines, then DepEd will grant them the permission to conduct face-to-face classes. So mayroon na po silang coordination efforts na ginagawa.

USEC. IGNACIO: Opo. From Ivan Mayrina ng GMA News: What actions will the Palace take on PCOO officials, specifically Mr. Dominique Tajon, who were censured by the Senate after they were caught drinking alcohol and exhibited improper behavior while budget deliberations were ongoing? Similar questions with Llanesca Panti of GMA News Online.

SEC. NOGRALES: We referred the matter to the head of agency, and we are confident that the head of agency will take the necessary actions.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second pong tanong ni Ivan Mayrina: Does the President continue to support Pastor Apollo Quiboloy? Will the President allow his extradition to the US should the US formally request it?

SEC. NOGRALES: As a lawyer and as a former prosecutor, and the Chief Executive of the country, he will execute the laws accordingly.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, may follow-up lang po si Celerina Monte ng NHK: In a statement, Bongbong Marcos says he took a cocaine test yesterday and the result was submitted this morning to the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), the office of the Chief of the PNP, and the National Bureau of Investigation. Won’t you encourage Marcos to go directly to PDEA and have himself tested there?

SEC. NOGRALES: As I mentioned, this is really purely voluntary act for any candidate in whatsoever position. So, it’s really up to them how they would want to conduct their voluntary drug test and if they want to submit it to the public. Nasa kanila po iyon.

USEC. IGNACIO: From Pia Gutierrez ng ABS-CBN for DG Domingo: Is Molnupiravir already available in the market? Magkano po ito? May mga napabalita nang nag-order ng gamot na ito bago pa man daw po magkaroon ng EUA. Ilegal ba ito?

FDA DG USEC. DOMINGUEZ: Hindi naman po ano. It’s not yet out in the market, meaning hindi pa po ito mabibili sa mga botika nang kahit sino. Pero even before the EUA, there are now 89 hospitals have gotten a compassionate special permit from the FDA. So, kapag ganoon po, maaari nang i-import ito, iyon lang, under strict control lamang po. They just have to report to FDA on the utilization of the products.

USEC. IGNACIO: Opo. From Vanz Fernandez to Secretary N0grales: With the latest daw pong illegal incursion of Chinese Coast Guard in Philippines’ territory resulting in a water cannon attack on Philippine supply boats heading to resupply Philippine forces in the area, why did the supply ships have no escort and where were the nearest units of the PCG or Philippine Navy?

SEC. NOGRALES: Iyong pagpapadala po ng resupply boats at ang pagdating po nila doon without any escorts is just a testament and proof that we can peacefully supply ang resupply our Filipino citizens there.

USEC. IGNACIO: Opo. Is this being seen daw po as an act of aggression against our military security forces?

SEC. NOGRALES: Nagsalita na po si Pangulong Duterte tungkol sa issue na iyan and the DFA has already released a statement with regard to that issue and concern and our resupply boats have already reached Ayungin Shoal.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong third question niya iyan na nga po nasagot ninyo na, Secretary Nograles.

Tanong po ni Pia Gutierrez: Reaksiyon daw po sa statement ng PAMALAKAYA saying that President Duterte’s statement denouncing the recent water cannon incident in the West Philippine Sea is too little too late and that it is under the Duterte Administration that China has intensified its militarization and aggression in the West Philippine Sea. They added that Duterte’s pivot against China is a subtle electioneering and to preserve his political career as majority of the Filipinos want to assert our rights in the Philippine Sea.

SEC. NOGRALES: Hindi po totoo lahat ng mga paratang na iyon. DFA acted swiftly, the President spoke about the issue. Ang resupply boats po natin ay nakarating sa Ayungin Shoal.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Nograles and DG Domingo. Salamat po sa MPC.

SEC. NOGRALES: Maraming, maraming salamat, Usec. Rocky and DG Domingo.

Mga kababayan, sa kabila ng maraming hamon at tagumpay nananatili ang pangangailangan para sa pinagkaisang adhikain para sa paghilom at pagbangon ng bayan. Hanggang ngayon nananatili ang ating panawagan: Kailangan nating magtulungan.

Maraming salamat po. Ingat po lagi. God bless.

 

###

News and Information Bureau-Data Processing Center