USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Ngayong Miyerkules muli nating tatalakayin ang maiinit na usapin kaugnay sa pagbabakuna at sa pagluluwag po ng ilang patakaran sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Binuksan na ang ika-isandaan at apatnapu’t siyam (149) na Malasakit Center sa bansa na matatagpuan po sa San Lorenzo Ruiz General Hospital sa Malabon City. Dinaluhan ito mismo ni Senator Bong Go kasama ng TV host na si Willie Revillame. Namigay rin sila ng ayuda para sa ilang pasyente at health workers doon. Narito po ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Bahagya mang lumuwag ang mga patakarang ipinatutupad sa ilang lugar sa bansa dahil sa pagpapalawig ng alert level system, hindi naman ito nangangahulugan na luluwagan na rin ang minimum public health standard lalo sa mga establisyemento, kaugnay niyan ay makakausap po natin si DILG Spokesperson, Undersecretary Jonathan Malaya. Good morning po, Usec.
DILG USEC. MALAYA: Yes. Good morning Usec. Rocky at good morning po sa lahat ng ating tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa ngayon ba ay may nakakarating sa inyong reports na hindi nababantayan ‘di umano nang maayos ang minimum public health standards sa mga establishment nila?
DILG USEC. MALAYA: Yes totoo po ‘yan, Usec. In fact, napakarami pong reports na nakakarating ngayon sa DILG – for example po ‘yung naging prusisyon sa Tondo ‘no na maliwanag po ang ating mga polisiya na outdoor religious gatherings ay pinapayagan po ngunit hanggang 70% lamang at kailangan po mayroong minimum public health standards at all times. At sa mga establishments naman po ay kailangan sumunod po tayo doon sa 50% indoor capacity at kailangan po fully vaccinated ‘no ang lahat ng mga nagda-dine-in dito at lahat ng mga empleyado ay vaccinated din ‘no.
Napansin ko po ‘no, kahit sa mismong personal ko pong pagbibisita ay maraming mga establisyimento hindi naman po nagri-require na makita iyong mga vaccination card ng iba’t ibang mga dining-in customers nila. So kung ganoon po na hindi naman iri-require iyong vaccination card eh hindi po [garbled] ‘yung ating mga minimum public health standards. Kailangan nga po sa pagpasok pa lamang ng mall ay kailangan ma-check na ang vaccination card ng mga papasok para malaman po ‘no kung sila ay bakunado o hindi and therefore eligible na pumasok sa mga establishments.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano ba ‘yung puwedeng parusa na kaharapin ng mga establishment na mapapatunayang hindi sumusunod o hindi nagpapairal ng minimum public health standard kasi parang dapat po malinaw sa kanila iyan para hindi maging complacent ano po?
DILG USEC. MALAYA: Tama po ‘yan, hindi po talaga tayo puwedeng maging complacent kasi nakita po natin sa ibang bansa ‘no kahit sa Europe, nagkakaroon po sila ng another surge doon dahil sa non-compliance ng mga tao sa minimum public health standards.
So ang DILG po sa pamamagitan ni Secretary Eduardo Año ay nagbibigay ng babala or warning sa lahat ng mga business establishments na hindi sumusunod sa mga minimum public health standards at hindi nagri-require ng mga vaccination card bago makapasok sa mga establishments.
At sa mga establisyimento pong mapapatunayang hindi sumusunod sa mga polisiyang ito ay puwede pong ma-revoke ang kanilang Safety Seal ‘no. ‘Pag na-revoke po ang Safety Seal na ibinigay sa inyo ng issuing authority ay mawawala po ‘yung inyong additional 10% additional capacity, operational capacity; at kung mayroon pong tinatawag na repeated violations ay ang DILG na po mismo ang magrirekomenda ng suspensiyon ng inyong business permit.
So, Usec. Rocky, humihingi po tayo ng tulong sa ating mga kababayan ‘no kasi kailangan nating magtulungan dito. Humihingi po kami ng tulong sa publiko na tulungan ninyo po ang pamahalaan na masigurong sumusunod ang mga establisyimento sa minimum public health standards. Please contact the issuing authority of the Safety Seal, makikita po natin ‘yan sa Safety Seal kung ang nag-issue ba ang DOT, DOLE, DTI, DILG at LGU.
At kung sakali naman pong DILG or LGU ang nag-issue ng Safety Seal, puwede po kayong tumawag sa amin para maimbestigahan po namin iyong establisyimentong iyon. Puwede po kayong tumawag sa 8925-0343, 8925-1144, 0927-4226300 or 0931-3849272 para po maaksiyunan ng DILG ang mga reklamo ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may clarification lang si Maricel Halili ano, isunod ko na tungkol dito sa mga vaccinated: Clarification lang daw po. Does it mean na lahat ng pupunta sa mall ay vaccinated na dapat? So, sa entrance pa lang ng mall ay kailangan na i-check ang vaccination card? Tanong po iyan ni Maricel Halili ng TV-5.
DILG USEC. MALAYA: Yes. Mas maganda po sa entrance pa lamang ng mall ay i-check na natin; ngayon ang hinihigpitan po natin ay iyong mga certain establishments within the mall. So ‘pag sinabi pong mga dining establishments, kailangan po ay vaccinated sila.
Ngayon mas maganda po sa pagpasok pa lamang ng mall ay tanungin na natin saan ho ba tayo pupunta at ‘pag sinabi pong restaurant ang pupuntahan at magda-dine-in, hingin na po kaagad iyong vaccination card para kung sakali man na hindi tsini-check doon sa establisyimentong iyon ay sa mall entrance pa lamang ay mahuli na natin at mapigil na natin iyong pagpasok ng mga unvaccinated individuals na hindi naman kailangan nagda-dine-in sa mga malls.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., halimbawa sa mall ‘di ba nandiyan iyong mga department store din. Eh kung pupunta ako, may bibilhin lang ako pero nagutom iyong kasama ko, bigla kaming kakain pero iyong isa hindi vaccinated; so, papaano po ‘yung magiging guidelines talaga?
DILG USEC. MALAYA: Yes. Kaya nga po kailangan po talaga doon sa mga restaurants, doon mismo iyong establishment owner must be very strict ‘no. Kaya nga po ang sinasabi natin, kung kayo po ay naisyuhan ng Safety Seal at hindi naman po kayo sumusunod sa mga pamantayan na ibinigay sa inyo ng Safety Seal ay puwede pong ma-revoke ‘yan ng issuing authority.
At kaya nga po kami humihingi ng tulong sa publiko na ireklamo po natin kung napansin po natin na nagpapapasok sila at hindi tsini-check iyong mga vaccination card, please either call the attention of the manager of the establishment o ipaalam ninyo po sa amin sa DILG through the numbers that we mentioned a while ago.
USEC. IGNACIO: Opo. Paglilinaw land din, Usec., hindi na rin ba dapat mag-require ng face shield sa mga establishments na nasa Alert Level 3 and below kahit kasama sila sa 3C? Tama po ba ito, Usec.?
DILG USEC. MALAYA: Yes, tama po. Kung babasahin po natin iyong memorandum ng Executive Secretary dated November 15, ang mandatory po talaga na paggagamitan ng mga face shield ay iyong mga ospital, quarantine settings at iyong ating mga healthcare workers, and of course kung ang isang lugar po ay nasa Alert Level 5 or under granular lockdown. Iyon po iyong mga mandatory settings.
Ngunit kung tayo po ay nasa Alert Level 4 na, iyon na pong LGU at private establishments, sila na po ang may discretion. So, under Alert Level 4, puwede pong magsabi ang – sabihin natin Caloocan – O, lahat kailangan mag-face shield. O kaya naman ang mall ang magsabi bawal makapasok, kailangan kayo ay naka-face shield.
Ngunit kung Alert Level 3, 2 and 1 na po, voluntary na po iyon sa individual kung magpi-face shield pa siya or hindi kahit ano man pong setting so long as it’s Alert Level 3, 2 and 1.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano naman daw po iyong reaksiyon ng DILG sa panawagan ni Pangulong Duterte na magpasa po iyong lokal na ordinansa para limitahan ulit ang paglabas naman ng mga unvaccinated children?
DILG USEC. MALAYA: Yes. Opo, suportado po namin of course ang panawagan ng ating Pangulo dahil nga po under the Omnibus Guidelines, it is the LGUs that have the authority over age restrictions. So, si Secretary Año po ay kinausap na ang mga mayor at sila ay inatasan na pag-aralan na po itong bagay na ito.
At ayon po kay Chairman Abalos ng MMDA, mayroon na po silang technical working group composed of the various City Health Officers para pag-aralan kung babaguhin ba iyong polisiya on minors entering malls, shopping centers and similar establishments.
So, suportado po natin iyan at marami na pong mga LGUs ang nagbabalangkas na po ng kanilang mga ordinansa. Ngunit mayroon pong iba na mayroon na pong executive order. In fact, ang Parañaque po ay naglabas ng EO ngayong araw kung saan niliwanag nila na sa Parañaque, 12 – 17 allowed if together with a fully vaccinated adult. Pero kapag below 12 ay hindi allowed, and allowed only in outdoor al fresco areas, provided accompanied by fully vaccinated individuals.
So, ito pong Parañaque ay mayroon ng EO pending approval ng kanilang ordinansa. Ang sabi po sa akin ay bukas ay pag-uusapan na sa kanilang konseho kung ito na iyong magiging pinal nilang polisiya which is kapag below 12, not allowed to go to the mall or shopping center except in al fresco areas.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit ninyo nga na nakipag-usap na si Secretary Año sa ating mga LGUs, so, kailan po natin inaasahan magkakaroon ng instruction para sa mga LGUs tungkol dito at papaano po kung kasama iyon, anong edad talaga ang pagbabawalan at kung talagang magiging specific na sa mall lang talaga ire-restrict iyong mga bata o sa lahat ng pampublikong lugar?
DILG USEC. MALAYA: Dahil nga po, Usec. Rocky, nasa kapangyarihan po ito ng mga LGUs under the Omnibus Guidelines ay hinihintay po natin iyong magiging pinal nilang desisyon.
May technical working group na po sila na binuo. I understand nag-meeting nga po ito kahapon and the meetings are continuous and sa tingin ko po as soon as matapos na iyong trabaho ng technical working group at ma-forward na po sa mga mayors ay makakapaglabas na po ng announcement ang ating MMDA for at least Metro Manila.
Pero sa iba pong mga lugar ay ganoon din po ano, the LGUs have the authority to determine kung anong magiging polisiya nila sa kanilang lugar.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero hindi po ba daw ito magiging taliwas doon sa masaya at malayang Pasko na target ng pamahalaan kung lilimitahan daw po iyong paglabas ng mga bata?
At saka baka, Usec., dapat ba pare-pareho ng patakaran ang mga LGU para hindi nagkakaroon ng kalituhan kung papaano iyong magiging guidelines?
DILG USEC. MALAYA: Yes, kaya nga po ang sistema po sa Metro Manila ay nag-uusap-usap iyong mga mayors para sa buong NCR ay isa lamang po iyong ating polisiya. At puwede rin po itong gawin sa mga probinsiya, puwede pong magpatawag ng meeting ang ating mga gobernador sa kanilang mga component cities and municipalities o kaya naman po ang pangulo ng liga ng mga munisipyo or League of Municipalities sa kani-kanilang mga probinsiya para mapag-usapan po kung ano iyong uniformed policy. Kasi tama nga po kayo, Usec., baka nga po maging mahirap na sundin kung iba’t ibang magkakatabing lugar ay iba-iba ang mga polisiya.
Ngayon doon naman po sa tanong tungkol sa masayang Pasko, of course, gusto po natin ng mas masayang Pasko ngunit kailangan pa rin nating mag-ingat. Hindi po tayo puwedeng maging complacent, baka po iyong sobrang kasiyahan naman natin sa Pasko ay maging sanhi naman po ng surge at balik na naman po tayo sa step 1.
So, sa tingin ko po ay maganda po na pinag-aaralan nating mabuti iyong ating mga polisiya para po lagi po tayong handa kung ano man po ang mga posibleng mangyari.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may tanong lang po si Sam Medenilla ng Business Mirror sa inyo, basahin ko na lang po ano: Ilan na po kayang LGU na nakasuhan ng DILG for its inability to meets its vaccine target, at vaccine wastage?
DILG USEC. MALAYA: I would expect po in the next few days magkakaroon po kami ng announcement diyan. Show cause order muna po ang [garbled].
USEC. IGNACIO: Usec., nag-choppy ka, medyo hindi po naintindihan. Puwede po bang pakiulit nang inyong binanggit, Usec.?
Okay, babalikan natin si Usec. Malaya, nagkaroon lang ng problema sa ating linya ng komunikasyon.
Samantala, naitala kahapon sa bansa ang pinakamababang bagong kaso ng COVID-19 ngayong taon. 849 new cases lamang ang iniulat ng Department of Health para sa kabuuang bilang na 2,819,341 COVID-19 cases. 2,393 naman ang mga bagong gumaling mula sa sakit kaya 2,748,069 na ang total recoveries sa bansa.
Pinakamababa naman ngayong linggo ang 99 na mga nasawi. Suma total po ay may 45,808 na deaths na; sa kasalukuyan, 0.9% na lang po ang total cases ang nananatiling aktibo sa bilang na 25,464 active cases.
Simula ngayong araw ay puwede na pong magpaturok ng booster shot ang mga health care workers na kabilang sa A1 priority sector ng pamahalaan. Para saksihan ang ceremonial vaccination na ito, nasa National Kidney and Transplant Institute si Louisa Erispe. Louisa?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Louisa Erispe.
Samantala, balikan na po natin si DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya. USec., ulitin ko lang iyong tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Ilan na po kayang LGU ang nakasuhan ng DILG for its inability to meet its vaccine target at vaccine wastage?
DILG USEC. MALAYA: Yes, tinatapos na po namin, USec., at bina-validate iyong report mula sa National Vaccine Operation Center. So, baka po before the end of the week ay magkakaroon po kami ng issuance ng mga show cause orders, as soon as aprubahan po ni Secretary Eduardo Año iyong issuance nito sa mga LGU. So, please give us a few days, USec, before we make that announcement.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question niya: May update na po kaya sa Sultan Kudarat probe?
DILG USEC. MALAYA: Specifically… anong sa Sultan Kudarat, USec.?
USEC. IGNACIO: Naku, hindi rin ako sigurado, USec.. Iyon lang po ang tinanong niya kung may probe, baka din po sa may wastage po bang nangyari sa Sultan Kudarat. Hindi rin po natin alam. Tanungin ko po muna kayo ng iba. Antayin natin iyong magiging follow up ni Sam Medenilla tungkol naman po sa VaxCertPH.
USec., ang DILG po ba ay may assistance para sa mga LGU na nadi-delay sa pag-upload ng vaccination data?
DILG USEC. MALAYA: Yes, mayroon po. Ang problema po kasi natin sa encoding ng vaccination data is the problem of the sufficient number of encoders. Kasi nga po habang tumataas po iyong ating vaccination, we need more encoders to be encoding the vaccination line list na pinapadala po sa DICT at sa DOH.
So, nakipag-ugnayan po sa Department of Labor and Employment at ang maganda naman pong balita ay binuksan po ng DOLE ang kanilang government internship program para po makapag-hire tayo ng additional encoders.
So, for NCR mayroon po silang binuksang isang daang slots na puwedeng i-hire ng mga encoders na ia-assign natin sa iba’t ibang mga local government units na nangangailangan ng additional encoders. So, para po ito iyong ginawa natin, USec. Rocky noong nag-hire tayo ng mga contact tracers, may mga pinadala din po ang DILG at ang DOLE through TUPAD para po makapag-hire ng tracers.
This time naman po ang gagamitin natin iyong government internship program ng DOLE para nga po matulungan ang mga LGUs na madagdagan ang kanilang encoders para mawala na po iyong kanilang backlog.
USEC. IGNACIO: Opo. Nag-message na po si Sam Medenilla. Sa Davao Del Sur po daw ito: iyon daw pong nasunog na vaccine?
DILG USEC. MALAYA: Ah, hindi po iyon sa Davao Del Sur, sa Pagadian City po iyon. Dalawa pong joint investigation, dalawang level po iyan. Mayroong level na report nanggagaling sa NBI at sa Bureau of Fire Protection, nagpadala po tayo ng special team ng Bureau of Fire Protection doon sa Pagadian City sa Provincial Health para malaman po kung saan ba talaga nagsimula iyong sunog, dahil iba-iba po iyong witness testimony.
So, ginagamitan po natin ng makabagong teknolohiya para malaman kung saan nanggaling iyong sunog.
So, mayroon din po tayong parallel investigation na ginagawa naman ng DOH at ng DILG at ang naging instruction po ni Secretary Año sa aming Regional Director sa Zamboanga Peninsula ay i-consolidate iyong mga report na iyon at kapag mayroon na po kaming final report, we will of course release the results to the public.
USEC. IGNACIO: USec. Maraming salamat po sa inyong panahon, Undersecretary ng DILG Jonathan Malaya.
DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat po, USec. at mabuhay po kayo!
USEC. IGNACIO: Para alamin ang iba pang detalye sa rollout ng booster shots na nagsimula ngayong araw makakausap natin ngayong umaga si Undersecretary Eric Domingo, ang Director General ng Food and Drug Administration, good morning po, Usec!
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Ay good morning, USec. Rocky. Magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: USec. ano daw po ang naging consideration para ma-aprubahan ang AstraZeneca, Pfizer, Sinovac at Sputnik bilang booster shot at iba pa sa mga sinasabing magiging third dose?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Oo, USec. Rocky mayroon akong maikling presentation para ma-explain natin sa ating mga kababayan at saka sa press—at saka dumadami po iyong brand na nakita nila na ginagamit ng DOH para po sa vaccination ng ating mga health care workers starting today; puwede po nating ipakita iyong ating power point?
So sa ngayon mayroon po tayong walo na bakuna na dito ginagamit sa Pilipinas under emergency Use Authorization, kaya po medyo marami iyong possible combinations natin ng booster lalo na kung iisipin natin iyong tinatawag na heterologous booster or iba po iyong ginamit na first and second dose, tapos iba iyong third dose.
So, ito po iyong mga company, iyon pong apat na kumpanya na ito, iyong kumpanya mismo ay nag-apply po ng EUA amendment para masama sa EUA nila iyong paggamit ng additional dose:
- Iyong Pfizer nag-apply po siya para as homologous, ibig sabihin kung nakadalawang Pfizer, additional na Pfizer.
- Ganoon din po ang AstraZeneca nag-apply din po siya ng EUA amendment as homologous booster.
- Ang Sinovac din po, nag-apply siya ng EUA as homologous booster.
- Iyon namang Sputnik, nag-apply po siya dalawa as EUA ng homologous, meaning siya rin po ang gagamitin ng nakatanggap ng Sputnik at bilang heterologous booster nag-apply siya na maaaring gamitin iyong kaniyang bakuna sa mga nabakunahan na ng iba na brand.
- Pero, puwera pa doon sa apat na kampanya, ang Department of Health mismo ay nag-apply po ng EUA doon sa mga iba pa pong brand na hindi kasama sa apat na ito, as heterologous vaccine. Meaning bakuna po, kahit iba ang naibigay.
So, noong inaral po ito ng Vaccine Experts natin, tiningnan nila iyong safety, iyon pong additional na protection na naibibigay or pang-stimulation po ng immune response na naibibigay ng additional dose at tiningnan po nila ang data na available sa iba’t ibang bansa, katulad po ng mga data from US-FDA, European Medicines Agency at saka mga pag-aaral sa iba’t ibang bansa para makita kung ano ang puwede nating gamitin na additional dose na bakuna.
At dito po sa slide na ito makikita po natin iyong mga naaprubahan ng FDA.
- So, unang-una iyong FDA po, iyong application niya as homologous booster ay pinayagan po natin, nakita natin na kung dalawang Pfizer, ang pangatlong Pfizer ay nakakatulong after six months.
- Iyong AstraZeneca po na-approve din natin iyong kanilang use as homologous na booster.
- Iyong Sinovac din po as homologous booster.
- Iyong sa Sputnik, ang nakita po ng experts natin, maaari siyang gamitin as heterologous booster, ibig sabihin maaari po siyang ibigay sa mga tao na nabigyan na ng ibang bakuna dati, ibang brand.
- Iyon naman pong Department of Health ng mga listahan po ng mga Health Technology Assessment Council, karamihan naman po sa kanila ay nakita natin na maaari silang gamitin bilang heterologous vaccine combination. So kahit ano po ang natanggap na first and second dose, puwede pong gamitan ng ibang vaccine as third dose.
Kaya po kung makikita natin ngayon iyong inilabas po ng listahan ng bakuna ng Department of Health para sa mga healthcare workers ay more than three or four brands po ang makikita natin doon na maaari nilang—binibigay nila ano bilang booster ngayon sa atin pong mga healthcare workers.
So, unang-una iyon pong binigay natin na EUA amendment hindi pa po ito pangkalahatan or hindi po ito for the general public, kasi po kahit po iyong mga pag-aaral as of now, at iyong iba pong mga gobyerno na nagbibigay ng booster as of now ay very selective pa rin. Unang-una, priority po natin iyong mga health care professionals na lagi po silang nai-expose sa COVID, dahil lalo na sila iyong pinaka-una nating nabakunahan at mga anim, pito, walong buwan na since their vaccination; so ito po ay uunahin natin sila.
Lalo na ngayon habang kakaunti ang kaso ng ating mga COVID para po talagang lumakas sila in case man magkaroon pa tayo ng mga outbreak later on, at siyempre po kailangan natin kasi sila during the vaccinations days sa November 29, 30, December 1. So, uunahin po natin ang ating health workers.
Ang pangalawa po na magiging priority ay iyong mga tao na after receiving their two doses ay posibleng hindi pa sila nakapag-mount ng malakas na malakas na immune response dahil mahina pa iyong kanilang immune capacity, iyong kanila pong immune system.
Ito po ang mga senior citizens na mas mahina ang immune response sa bakuna at iyon pong mga pasyenteng may sakit that makes them immunocompromised. So, sila po iyong pangalawa. Sa kanila talaga pong additional dose ito as part of their vaccination kasi nga kulang sa kanila iyong dalawang dose lamang.
And then pangatlo po na magiging priority ay iyong mga tao na maaari pong kapag naka-COVID kahit vaccinated ay at risk of getting severe COVID and dying from COVID. So, ito po iyong mga may comorbidity na maaaring less than 60 years old sila, pero kung hypertensive, diabetic, may sakit sa puso, di po ba? Ito ay kailangang dagdagan po ang proteksiyon nila kaya sila po ang ating magiging third priority.
So, gusto po nating ipaalala na after i-review po ng ating mga expert ang pagdadagdag po ng bakuna at saka iyong additional dose ng bakuna nakita naman po talaga na the benefits of vaccination outweighs the risk. Bawat ineksiyon po sa atin, may possible po siyempre po iyan na adverse events. Pero karamihan po ay nararamdaman naman ay iyong mga mild lamang, kakaunti lamang ang nagkakaroon ng moderate or severe na adverse event sa bakuna. Kaya, kailangan lamang pong bantayan ang mga binabakunahan at alam naman po natin na effective pa rin talaga ang ating mga bakuna.
Iyong boosters po, of course, iku-consider lamang naman when a significant proportion of a eligible individuals have been vaccinated. So, after the health care workers, ito pong sa mga senior citizens at saka sa mga may comorbids malamang po iyan ay unahin din ng DOH doon sa mga lugar na matataas na po talaga ang coverage. Katulad po ng Metro Manila or iyong mga siyudad na malalaki – Cebu at saka Davao at iyong mga LGUs sa Iloilo halimbawa – ito po iyong napakataas na ng coverage ng kanilang vaccination.
Siyempre po doon sa mga lugar na mababa pa ang coverage, priority pa rin po natin mabakunahan muna ang mas maraming tao na hindi pa nababakunahan. Dahil hindi po tayo magkakaroon ng population protection kung malaking part ng ating komunidad ay hindi pa nakakatanggap maski isang bakuna.
And of course, ito pong mga recommendations are based on early reports ano at saka very early data mostly tiningnan po iyong mga antibody levels. So, hindi pa talaga direct correlation with actual protection and actual incidence of illness. Kaya as we get more data maaari pa pong magbago ang mga recommendations po ng ating mga eksperto dito sa additional vaccine shots.
And additionally, gusto lang po nating magbigay ng isang bago po nating balita na ngayong araw po na ito, mayroon tayong dagdag na isa pong bakuna na under emergency use authorization. Ito po ay nag-apply sa atin a few months ago at ito iyong tinatawag nating SARS-COV-2 protein na ano particle vaccine.
Bagong klase po ng bakuna ito, ito po ay iyong tinatawag na protein-based subunit vaccine na isang party po na pure part of the antigenic na parte po noong virus ang kaniyang niri-replicate pagkatapos ito po ay ini-inject para mag-elicit po ng immune response.
Ito po iyong nalalaman, kinilala siya sa brand na Covavax or sa America ay Novavax. Ang nag-apply po sa atin dito ay ang manufacturing galing sa Serum Institute of India kung saan Covovax po ang pangalan niya and it is approved for the active immunization of individuals 18 years older above for the prevention of COVID-19.
Ito po ay binibigay din sa dalawang dose, .5ml po ang ibinibigay at least 3 weeks to 4 weeks apart. So, dalawang dose din po ito at nakita po sa kaniyang mga clinical trial na very mild ang mga adverse events na reported at maganda naman po ang safety profile niya and an efficacy rate of preventing COVID-19 of about 89.7% po ang kaniyang efficacy rate.
So, ito po ay isang possible natin na maaaring magamit na bakuna lalung-lalo na po siguro sa towards the end of the year or sa darating na 2022.
Iyon lang Usec. Rocky, maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Unahin ko na iyong tanong ni Tuesday Niu ng DZBB: Bakit daw po walang Moderna dito sa listahan na gagamitin sa booster shots?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: So, katulad noong in-explain ko kanina, Usec. Rocky, iyong Moderna mismo, iyong company hindi siya nag-apply ng amendment ng EUA niya. Pero, iyon pong DOH kasama po ang Moderna, kasama po iyong Janssen doon sa mga in-apply nila po ng EUA sa ating amendment.
Kaya po kung makikita ninyo ngayon iyong inilabas na listahan ng DOH, kasama po minsan diyan iyong mga bakuna katulad po ng Moderna at saka Janssen bagama’t iyon pong kumpanya mismo ay hindi nag-apply sa atin ng EUA.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pakipaliwanag din daw po iyong recommended vaccine na mix and match na inilabas ng DOH. Bale Sinovac lang po ba talaga ang hindi puwedeng ihalo sa ibang brand? Tama po ba ito? Habang ang AstraZeneca, Pfizer at Moderna ay puwede pero half dose at bakit daw po half dose lang, Usec.?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: So, unang-una po hindi po ito mix and match no, ang tinatawag nating mix and match ay kung iba ang first dose mo tapos iba ang second dose mo. So, ito po ay additional dose or tinatawag na booster dose kapag po nakumpleto ninyo na iyong dalawang vaccines ninyo, in case of most vaccines or one vaccine lang in case of Janssen.
So, hindi po ito mix and match, additional po talaga siya na vaccine. So, kailangan makumpleto ninyo muna iyong inyong primary vaccination with the same two vaccines pagkatapos magbibigay po ng additional. Pero, totoo po iyan, ang mga vaccines experts natin, ang kanila pong recommendation ay kung magbibigay po tayo ng additional vaccines either same dose.
At kung ito naman ay magiging iba ang bakuna na ibibigay, sa Sinovac po maaari po siyang tumanggap ng mga iba-ibang brand ano. Pero, si Sinovac na binibigay lamang po siya sa mga nabigyan din ng Sinovac dati. Kasi po ang recommendations ng ating experts kapag nabigyan ka ng mga mas bago ng mga vehicle ng vaccines katulad ng mRNA or iyong Adenoviral vector, baka walang dagdag na epekto kapag binigyan siya ng mas lumang vaccine na inactivated virus katulad po ng Sinovac.
So, kung ang natanggap ninyo dati ay mRNA or Adenoviral vector mga ganoong klase rin po na bakuna ang ibinibigay po sa kanila na additional dose. So, ang Sinovac po binibigay lamang na additional dose sa nakatanggap din ng Sinovac as first and second dose.
USEC. IGNACIO: Okay, opo. Pero Usec., wala po ba sa guidelines ng DOH ang Sputnik Light na as per your recommendation ay puwedeng ihalo sa ibang brand bilang heterologous? Pero, bakit daw po kaya hindi ito naisama?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well, palagay ko po kasama naman kasi sa sinasala ng panel ng DOH iyon ano rin po, iyong supply kung ano iyong kanilang available at saka kung ano po iyong maidi-distribute nila right now sa mga health workers.
So, I’m sure it will also be considered, lalung-lalo na po pag mas dumami na iyong bibigyan po natin ng booster o ng additional shots once we expand for example doon sa iyon nga pong senior citizen, iyon pong mga immunocompromised at saka iyong may comorbidities. So, I think marami po kasing factors na kinu-consider ang DOH sa pagbigay nila ngayon and maybe they just want to limit muna to a few vaccines na ibibigay as booster.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., dito naman daw sa bakunahan sa mga bata, specifically sa edad 5 to 11 years old. Sa ngayon ay may assessment na rin po bang ginagawa ang FDA kung anong vaccines brand ang ligtas para sa kanila lalo na at mainit po iyong usapin sa pagpayag na makalabas sila ng bahay?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Usec. Rocky, ang 5 to 11 year old sa ngayon po ang mayroon pa lamang niyan na emergency authorization sa US FDA ay iyong Pfizer at kakaumpisa pa lamang nila ng pag-roll out. So, we are eagerly awaiting data at saka information para makita natin iyong magiging effect niya.
Pero, iyon pong kaniyang application dito wala pa po. Ini-expect natin within this month siguro ay mag-a-apply na rin po sila ng EUA amendment to include 5 to 11 year olds. Pero, hinihintay pa po natin iyan at ang pagkakaintindi natin it’s a lower dose than that na ginagamit natin ngayon sa 12 and above.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nitong mga nakaraang buwan ay may mga panawagan na i-grant na raw po ng FDA iyon full authorization ng mga bakuna para daw po hindi ma-discourage ang marami sa mahabang pila sa vaccination sites. So, kailan ninyo po ba nakikitang posibleng ma-grant ng full authorization itong mga bakuna?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well kasi, Usec. Rocky, kailangan mag-apply muna iyong kumpanya ‘no at ang kumpanya ay mag-a-apply po ng authorization kapag kumpleto na ang kanilang clinical trial data; at siguro po ‘pag ready na silang mag-supply at ready na silang magbenta ‘no to the private sector with the full commercial authorization. Unfortunately at this time, wala pa pong nag-a-apply sa atin ‘no ng full authorization at hindi naman po kami puwedeng mag-grant ng authorization sa isang produkto na hindi po nanghihingi ‘no ng full authorization.
I’m confident na siguro po kinukumpleto lang naman nila iyong kanilang mga dokumento at tinatapos ang mga clinical trial and by the first quarter of next year siguro po ay mayroon nang mag-a-apply at ito naman po ay aaksiyunan at ie-evaluate nang mabilisan ng FDA ‘pag dumating po iyong mga application na ito sa atin.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon – FDA Director General Eric Domingo.
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Maraming salamat. Ingat din po kayo.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, suportado naman ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan o PDDS at ang standard bearer nito na si Senator Bong Go si Davao City Mayor Sara Duterte sa kaniyang pagtakbo bilang bise presidente, ayon naman kay Senator Go, kahit magkaiba sila ng partido ay handa rin siyang suportahan ang kandidatura ng alkalde. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, isa pang paraan kung paano po pinadali ng GSIS ang pakikipagtransaksiyon ng mga miyembro sa ahensiya ang ating pag-uusapan ngayong araw. Aalamin natin iyan mula sa Vice President ng Mindanao Office ng GSIS Vis-Min Operations Group, Ms. Vilma Fuentes. Good morning po, VP Vilma.
GSIS VP FUENTES: Good morning Usec. Rocky at magandang umaga sa mga tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, ano po ‘yung makikita na o ano po itong GTAP na sinasabi?
GSIS VP FUENTES: Ang GTAP o Guide to Transactions and Processes ay pinakaunang electronic at online citizens charter ng isang government agency sa bansa. Ito ay nagsisilbing gabay sa GSIS services ng mga kliyente sa halip na tarpaulin kagaya ng dati, ginawang electronic kiosk na may touch screen feature ang GSIS citizens charter na makikita sa lobby ng GSIS offices nationwide at accessible na rin ito online.
Pumangalawa po ang GSIS sa Singapore, nanalo po ito ng international award – we got the silver trophy under the category of technological innovation on frontline services. Ang innovation na ito, Usec. Rocky, ay bilang pagsunod sa Republic Act No. 11032 or Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ma’am, ano daw po ‘yung makikita sa GTAP at paano po maa-access ang GTAP?
GSIS VP FUENTES: Makikita sa GTAP lahat ng proseso or mga transaksiyon na mayroon ang isang member ng GSIS. Ito ay nagpu-provide po ng information about GSIS mandate, ang coverage, vision-mission and core values and quality policy, social insurance transactions and services, housing transaction, general insurance transactions, modes for filing under the new normal, feedback mechanism at sino ang puwedeng mag-avail ng product or service. Nandoon din iyong checklist of requirements at saka iyong step-by-step procedure ng client kung anong gagawin nila and processing time at kung sino ang responsible na tao o nagpuproseso ng isang transaksiyon ng ating member o isang pensioner.
Paano maa-access ang GTAP? Ito ay ‘pag pumunta po kayo sa GSIS nasa lobby lang po ito – you tap kasi touch screen po ito or puwede kayong mag-login at the comfort of your homes. Puwede kayong mag-login sa website ng GSIS or directly mag-login kayo sa gtap.gsis.gov.ph at soon to come, Usec. Rocky, ay nasa mobile app na rin ito ng GSIS or the GSIS Touch. Niru-rollout na po ito, nasa testing process na po kami. Ito’y maru-rollout na sa ating mga members hopefully within this year. Lahat po ng ating GSIS members at ating pensioners ay puwedeng mag-access ng GTAP natin or Guide to Transaction and Processes.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ma’am, kung may mga katanungan o nais ng karagdagang impormasyon, ano daw po ang kanilang puwedeng gawin?
GSIS VP FUENTES: Bisitahin lang nila ang www.gsis.gov.ph or GSIS Facebook page at gsis.ph or mag-email sa GSIS Cares at gsis.gov.ph or tumawag sa 8847-4747 iyong mga taga-Metro Manila or shortcut, Usec. Rocky, puwede nilang tawagan ang telephone number ko since ang number ko po ang nandiyan sa feedback mechanism – it’s 0917-7002427 – ito po ‘yung nandoon sa citizens charter mismo namin na numero.
USEC. IGNACIO: Okay. Ma’am, kami po ay nagpapasalamat sa inyo. Thank you for joining us today, Vice President Vilma Fuentes from the GSIS Vis-Min Operations Group. Salamat po and keep safe.
GSIS VP FUENTES: Thank you. Ingat din kayo!
USEC. IGNACIO: Samantala, sa loob ng dalawang araw na pag-iikot ay umabot naman sa higit dalawang libong residente sa Lucban, Quezon ang hinatiran ng tulong ng tanggapan ni Senator Bong Go kasama po ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan sa Philippine Broadcasting Service. Iuulat iyan ni Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.
Mula nang magka-pandemya, hinikayat ng gobyerno ang publiko na gawing online na lamang ang kanilang mga transaksiyon, kaya isinusulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas-North Luzon ang mga digital cash payment platforms. Narito ang ulat ni Alah Sungduan ng PTV-Cordillera
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, nagdesisyon na ang Davao City Government na i-lift ang 72-hour negative RT-PCR test results para sa mga land travellers na papasok sa lungsod na siya namang ikinatuwa ng mga dumadaan sa border checkpoint. Ang report ni Julius Pacot.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito.
Lagi pong tandaan ang mask, hugas, iwas at bakuna lalo na ngayong 38 days na lamang po at Pasko na.
Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita tayo muli bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)