Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Ngayong araw ng Sabado tuluy-tuloy ang ating pagsiserbisyo-publiko dahil sa loob ng isang oras ay pag-uusapan natin ang mga isyung dapat ninyong malaman kasama po ang ilang opisyal ng pamahalaan.

Mula po sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Una po sa ating mga balita: Muli pong lumago sa 7.1% ang Gross Domestic Product o GDP ng Pilipinas sa ikatlong quarter ng taong 2021. Ayon sa ilang opisyal, senyales ito na maganda ang ginagawa ng gobyerno sa pagsugpo ng COVID-19 sa bansa. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Kaugnay po ng balitang ‘yan, makakasama po natin sa programa si Undersecretary Rosemarie Edillon ng NEDA para bigyan pa tayo nang mas malalim na perspektibo sa pag-angat po ng ating ekonomiya. Magandang umaga po sa’yo, Usec. Rose.

NEDA USEC. EDILLON: Yes. Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Usec., although base po sa comparison ng ilang ekonomista ay bumagal nga raw po itong GDP growth natin nitong 3rd quarter mula sa 12% growth noong 2nd quarter. Tama ba na ito po ay better than expected pa rin considering po na nagpatupad ulit ng stricter protocol sa bansa nitong August and September?

NEDA USEC. EDILLON: Yes. Thank you rin sa pagkakataon na makapagpaliwanag ‘no. Noon kasing 2nd quarter we’re really coming from a very—iyong tinatawag nating very low base ‘no. If you remember noong 2nd quarter last year, ito ‘yung kasagsagan talaga ng ating ECQ at saka we’re still learning about the virus tapos inaayos pa natin iyong ating mga sistema kaya talagang last year, 2nd quarter last year -17% iyon. Kaya naman din kumbaga ang baba ng panggagalingan mo kaya naman din ang 2nd quarter this year 12% iyong itinaas so kaya rin mas mabilis ‘no. So—pero iyon nga, mayroon kang illusion na parang mabilis siya ‘no but actually because it’s coming from a low base.

Pero itong 3rd quarter tama ka rin ‘no na it’s actually better than expected although kami sa NEDA tinitingnan namin iyong iba pang mga indicators and we were really hoping talaga and expected din namin na magiging mas maganda iyong performance. Kasi nga kahit na nag-ECQ ulit tayo, nag-MECQ, ni-limit lang natin siya sa mga lugar na kung saan matataas talaga ang cases tapos marami rin tayong in-allow na mga sektor na mag-continue operations especially iyong manufacturing natin ‘no. At saka iyon din, iyong time na iyon ano din, nagsisimula na rin iyong ating accelerated vaccine rollout.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano iyong naging main driver o contributor sa gumagandang turnout ng economic recovery natin na is it really just the reopening daw po ng business?

NEDA USEC. EDILLON: Malaking bagay talaga iyong reopening ng business ‘no at saka malaking bagay din iyong nagri-reopen na rin iyong the rest of the world. Kasi on the production side, ang malaking contributor din dito is iyong ating manufacturing and then in manufacturing, iyong subsector na nakausad talaga ‘no is iyong sa electronics and then iyong food, food subsector, iyong food manufacturing.

So iyong electronics, karamihan ng demand dito malaki rin iyong demand ‘no from domestic pero marami dito ang demand is sa rest of the world kasi malaking sektor natin ang export, iyong electronics, so talagang malaki nagiging ganansya ng ating ekonomiya diyan.

So nandiyan din iyong construction kasi again in-allow natin magpatuloy ‘to noong 3rd quarter kahit na noong nagkakaroon tayo ng Delta, nagkaroon ng parang exemption ‘no ‘yung construction sector. So mataas din ang naging contribution nila to the economy.

Tapos in fact even wholesale and retail trade eh malaki rin ang naging contribution to the growth.

On the tinatawag nating expenditure side, iyong ating household consumption expenditure tumaas by 7.1% and so ang laki ang contribution nito to the growth; tapos sumunod din diyan iyong government spending and also iyong tinatawag natin capital formation which is actually contributed also by iyong spending on construction. So lahat ‘to kumbaga nagsama-sama ‘no, nagsama-sama sila na kaya malaki ang naging paglago ng ating ekonomiya nitong 3rd quarter.

USEC. IGNACIO: Opo. So, Usec., by yearend ano po ang projection ng economic managers natin sa GDP growth ng bansa?

NEDA USEC. EDILLON: Actually ang target natin is between 4 and 5 percent ‘no so ang year-to-date natin nasa 4.9% na tayo. So ibig sabihin malapit na tayo doon sa upper end of the target. We think we will meet the target na between 4 and 5 percent – actually iyong high end of the target, yes.

Pero ang inaasahan namin na mas tataas pa sana sa 5% kasi nakikita naman natin na patuloy ang kumbaga recovery natin nitong 4th quarter ‘no, largely helped by the accelerated vaccine rollout. So one is mami-meet natin ang targets, iyon that’s for sure and puwede pa nga natin malagpasan iyong target na iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sabi ninyo nga gumaganda iyong recovery pero kailan naman po expected na maibabalik sa pre-pandemic level ang GDP rate ng Pilipinas? Will this be attainable as early as the 1st quarter po ng 2022?

NEDA USEC. EDILLON: Malaki ang pag-asa namin na ganoon nga mangyayari, Usec. Rocky ‘no. Actually sa ngayon, nasa mga 95% tayo ng ating pre-pandemic level so ibig sabihin noong 2019 na levels ‘no. And most probably tingin namin kung halimbawa mahihigitan natin iyong target na 4 to 5 percent, then baka by the end of the year makakarating na tayo doon sa ating pre-pandemic levels. Pero ang tantiya talaga namin is by the 1st quarter of 2022 mami-meet natin iyong pre-pandemic levels natin; so ibig sabihin catching up. [laughs]

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit din po ni NEDA Secretary Karl Chua na mas nagiging posible na maabot nga natin itong upper middle income country status by 2022 or 2023. Ano po bang ibig sabihin nito, Usec.; bakit po ito mahalaga?

NEDA USEC. EDILLON: Ah yes, Usec. Rocky. Kasi sa original target natin ‘no, in the original PDP, talagang nakalagay natin doon is by 2022 we would reach upper middle income country status. Actually kung hindi nangyari iyon pandemic, dapat noong 2020 na-reach na natin iyong upper middle income country pero ngayon balik tayo sa original target – mami-meet naman natin, tingin namin ‘no. Again, God willing iyon na by 2022 mari-reach natin iyong upper middle income country.

Ang ibig sabihin din kasi nito is patuloy na umaangat ang antas ng kabuhayan natin ‘no. So matagal tayong nasa—actually lahat ng mga bansa is matagal na nag-stay sa lower middle income country status. Pero kapag upper middle income country ka na, well number one is mataas ang—ibig sabihin nito mataas ang credit rating and you will have access to more capital actually so mas matutulungan ang ating mga—iyong mga gustong mag-expand ng negosyo kasi mas magiging maraming available na capital sa kanila and then lesser ang cost of capital.

So kapag halimbawa magiging mas marami iyong investments na iyon, ‘di mas marami rin iyong puwedeng magiging trabaho ng ating mga kababayan, there will be more employment opportunities and therefore, you know, higher income para sa ating mga kababayan. So malaking bagay ‘tong pagiging upper middle income country na ‘to. Malaking challenge talaga ‘no. Iyong iba, it takes several decades para makarating, kasi ano eh, kapag halimbawa nag-1,000 dollars income per capita ka, nasa lower-middle income country ka na.

Kapag halimbawa naipanhik mo iyan to upper-middle income country, ibig sabihin mga three thousand six hundred, three thousand seven hundred, medyo nagbabago iyan ‘no. Pero ibig sabihin naitaas mo by more than, mga three or four times, iyon iyong income per capita. So like I said, kapag halimbawa ganoon, marami pang mga magbubukas na opportunities para sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Alam ninyo naman po, Usec., kapag sinabing gumaganda ang ating ekonomiya, trabaho po ang hinahanap ng ating mga kababayan, ano po. Pero speaking of employment, Usec., sinabi rin po before ni Secretary Chua na posible pong ma-boost by 16,000 per week ang employment kapag po ibinaba nga sa Alert Level 2 ang Metro Manila which we are in now. So naabot po ba natin ang prediction na iyan?

NEDA USEC. EDILLON: Hintayin pa po natin iyong susunod na survey ‘no. So ini-expect namin iyon by the end of November, makikita natin iyong survey noong October. Pero ang tingin namin, kasi if you remember, lately pa lang tayo nagbaba to Alert Level 2, so ibig sabihin, makikita natin ang epekto niyan siguro mga December pa or January.

Pero talagang malaki ang benefit na dulot nitong pagbaba ng ating alert level kasi two things ang ibig sabihin noon: One is, well, yes, we are allowing more businesses to operate. Ibig sabihin, marami ang puwedeng makabalik sa trabaho. Another is, ibig sabihin kasi noon is we are able to keep this virus under control, so nama-manage natin ‘no. So that also adds to the confidence of iyong mga consumers, iyong mga kababayan natin and of course, iyan iyong mga magpapatakbo pa lalo ng ekonomiya, magkakaroon ng higher demand and therefore, you know, magkakaroon ng demand ng mga produkto ng ating mga negosyo.

So iyon ang ano, iyong sinasabi namin na virtuous cycle. So magandang bagay talaga itong naipababa natin ang ating alert level.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may tanong po iyong ating kasamahan sa media, ano po. Mula po kay Madz Recio at Athena Imperial ng GMA News: With the opening of businesses daw po, inaasahan ba na better ang Christmas and year 2022?

NEDA USEC. EDILLON: Iyan po ang expectation din namin, that we will have a better Christmas than last year. Pero sana ay patuloy pa rin iyong pag-iingat ng lahat, kasi nakita naman natin sa ibang bansa. In Europe, nagkakaroon sila ng another na pagtaas ng mga kaso. Pero naniniwala kami na makakayanan natin ito. Mayroon tayong restraint na puwedeng i-exercise and we have shown naman to the world na nakayanan natin itong Delta variant. There were some still, you know, mga unfortunate na dumami ang cases, may mga dumami rin iyong mga namatay. Pero kung iku-compare natin sa naging experience ng ibang bansa, medyo mas maayos pa ng kaunti iyong ating pag-handle dito sa Delta na ito.

Pero ang ano namin is patuloy lang iyong pag-iingat and we think, you know, balansehin lang. Bawat isang tao, puwede niyang ibalanse iyong pag-participate sa economic activity at the same time, pag-participate doon sa pagkontrol nitong virus na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin kina Madz Recio at Athena Imperial: Reaksiyon po daw sa isinusulong ng private sector na maibaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila pagpasok po ng December?

NEDA USEC. EDILLON: Yes, kasama rin po ako sa data analytics ‘no, sa Sub-TWG. So mayroon naman kaming tinitingnan doon na metrics. So lahat naman itong mga decision na ito ay data-driven naman ito. So isa iyan sa mga pinagdidiskusyunan din namin sa data analytics. Actually, sa totoo lang, nasa sa atin iyon ‘no kung maipapababa natin talaga ang kaso.

Sa ngayon nakikita ko, ang baba ng 7-day moving average ng NCR. Sa huling tingin ko is nasa 160 ang 7-day moving average. Kailangan nating panatilihin na mababa siya for the next, siguro one week ‘no, ituloy-tuloy natin iyang ano na iyan kasi on the 15th actually, magkakaroon ng another determination ang data analytics. And ang tingin ko, ang isa sa mga titingnan namin, yes, the number of cases; next is iyong two-week growth rate – we want it negative. Ibig sabihin, patuloy iyong pagbaba ng kaso.

So kung halimbawa mapapanatili iyon, then puwede, puwede nating maipababa to Alert Level 1 by December.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ilang industry, trabaho o empleyado po iyong babalik kapag isinailalim – in case lang po – maisailalim na sa Alert Level 1 ang Metro Manila?

NEDA USEC. EDILLON: Yes, Usec. Rocky, wala akong data ngayon ‘no. Pero, of course, aside from the fact that it’s quarter four ‘no, sa quarter four talagang mataas na rin talaga iyang employment natin doon at lalo na kung halimbawa, you know, papayagan mo pa iyong mas marami na [ang makalabas] – on both sides ha, consumer and then iyong mga workers din. So iyon ang lagi naming sinasabi dito ‘no, balansehin din natin so pati iyong mga consumer sector ay kailangan din mai-allow natin na makalabas.

So like I said, unfortunately, I don’t have the numbers right now. But certainly, it will be a significant, significant na increase po ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., huling tanong po nina Athena Imperial at ni Madz Recio: Sinusuportahan po ba ng NEDA ang mandatory vaccination para sa workers na babalik on-site?

NEDA USEC. EDILLON: Lahat naman po ito is kailangang pinag-uusapan ng workers. Iyon naman ang framework na natin sa lahat ng mga labor regulations natin. So mayroon tayong, you know, importanteng-importante iyong consultation. Pero there’s actually wisdom na i-mandate natin iyon kasi we want na protected ang lahat ng workers. So kung mayroon kang unvaccinated diyan, then puwede mong ma-at risk ang iyong kasamang nagtatrabaho; or bakunado siya, ang puwedeng ma-at risk would be iyong nasa bahay nila na kunwari hindi puwedeng makapagbakuna for some reason.

So may responsibility rin talaga ang bawat isa, especially kung ano ka public facing iyong iyong industry ‘no. So mga nasa restaurant ka, saleslady ka kunwari sa mga departments stores, iyong ganoon, so front facing, public facing ka then ang laki ng responsibility mo para mapanatili ang safety ng public, lahat ng mga customers ninyo and lalo na iyong mga kasama mo sa trabaho.

Pero ang lahat na ito, ang tingin ko is idaan din sa maayos na pag-uusap. Maganda naman ang record natin sa mga ganitong klaseng, you know, mga regulations, workplace regulations na dinadaan natin sa consultation and I think, you know, sober minds will prevail. Iyong mga rational na pag-iisip ang magpi-prevail dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagbibigay impormasyon at siyempre pagsama sa amin ngayong umaga, NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, keep safe po USec.

NEDA USEC. EDILLON: Yes, sa ating lahat keep safe. Thank you very much.

USEC. IGNACIO: Samantala, sa mga susunod na linggo nga po ay ipatutupad ang alert level system sa lahat po ng rehiyon. Ikinakasa na nga po ang gagawing three day vaccination roll out sa buong bansa. Paano nga ba naghahanda ang mga provincial LGUs para diyan, makakausap po natin si Gov. Dax Cua, ng Quirino Province at presidente rin ng Union of Local Authorities of the Philippines. Good morning Gov.

QUIRINO GOV. CUA: Good morning po ma’am.

USEC. IGNACIO: Gov., opo. Unahin ko lang muna kumustahin itong implementasyon ng alert level system sa ilang mga probinsiya. Last month, nakapag-adjust naman po ba ang ating mga LGUs dito po sa pag-impose ng guidelines sa bagong polisiya.

QUIRINO GOV. CUA: Ma’am, siyempre iyan po ang directive ng IATF at ng ating Pangulo, at we support that para maging uniformed iyon pong categorization at system natin sa buong bansa at sa convenience na rin po iyon ng ating mga travelers at ng ating mga kababayan; nag-a-adopt naman po ang mga LGU.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, matapos pong lagdaan ni Pangulong Duterte itong EO 151, tuluyan na nga pong ipatutupad sa buong bansa ang alert system; ano po ang reaction dito ng iba pang mga provincial LGUs? Tingin ninyo po ba sapat iyong panahon na inilatag para po makapag-adjust sila? Kasi last time po, ito iyong naging hirit ng ilang governors na huwag daw po ora-orada ang pagpapatupad ng alert level.

QUIRINO GOV. CUA: Opo. Nagpapasalamat din kami at naging flexible din ang ating Pangulo at nagkaroon ng staggered implementation. Ang nangyari po, there are certain regions na magiging kasama sa first batch and the some region second batch at iyong iba ay doon sa pangdulo. Para siyempre kasi hindi sabay-sabay na ang learning curve ‘no at saka iyong situation ay in-asses na rin ng ating experts. So, maganda naman ang kinalabasan nitong adjustment ng national government at in fact nagpapasalamat kami sa Pangulo.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Gov., base po sa nakikitang sitwasyon ngayon sa NCR sa ilalim ng Alert Level 2 ramdam na nga po iyong pagdami ng tao sa malls at iba pang pasyalan. Governor, ito rin ho ba sinabi ngayon ay pareho po sa probinsiya at may pagkabahala po ba kayo dito sa biglang pagdagsa ng tao sa labas? Kasi nga po ang tagal ninyo maingatan na huwag magkahawaan sa inyong lugar and then bigla ho suddenly nagluwag po ng restrictions ngayon.

QUIRINO GOV. CUA: Yes ma’am, alam ninyo po talagang tama kayo this is are really the balancing act ‘no, talagang maging mapanuri at mag-ingat tayong lahat. Pero, tinitingnan kasi din natin iyong kabalanse nito which is the [unclear] of our local economy at gusto rin naman nating magkaroon ng mga hanapbuhay para sa atin mga kaprobinsiyahan, kababayan. That’s why, hinahanap natin iyong balance.

Pero, tama talaga at we adjust at we opened up little by little, we can expect na siyempre more opening with more possible cases of COVID. Pero—kaya ang isang mini-mitigate natin ay through vaccination effort, dumadating naman na ang milyon milyong bakuna dito sa Pilipinas na tinutugunan ng mga LGUs upang bilisan ang pagbabakuna at tama naman po ang direction ng ating national government na doon tayo mag-concentrate. Siguro—ay sige po, sige po ma’am.

USEC. IGNACIO: Go ahead Governor, go ahead.

QUIRINO GOV. CUA: Siguro po, maidagdag ko lang na noong nakita ko po ang ulat ng NEDA na compared to last year same quarter our, this quarter our GDP grew by 7.1 % which means we are on our path to recovery economic wise siguro. So, since that kasi dapat talaga and at we open up to further fuel the economy, dapat lang mag-ingat, dapat i-implement talaga natin ng mahusay itong mga minimum health standard, mag-mask pa rin sana tayo kasi kailangan pa rin natin iyan kahit bakunado and then with that and more vaccination hopefully ma-sustain natin iyong economic growth, more jobs, more income for our families hopefully maka-recover na po tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, issue nga po ngayon iyong kakulangan ng supply sa syringe or hiringgilya. Sa alin pong mga rehiyon po ba may shortage ngayon?

QUIRINO GOV. CUA: Nakaabot po sa aming liga ang talakayan nito na sa isang, at least one region, I think 5 yata iyon, ay nagkulang iyong syringe. Na-deliver yata iyong bakuna at hindi naman nai-deliver iyong syringe at hindi naman naabisuhan in advance. So, siguro ang susi lang talaga diyan is closer coordination between the LGUs and the DOH.

Siyempre kung maibigay nila iyong syringe mababakuna namin po iyan pero hindi naman nila naibigay—at kung mahihirapan po sila, kung masasabihan kami ng maaga puwede rin naman kaming mag-procure. Pero, siyempre kung hindi namin alam at hindi namin napaghandaan di wala po talaga syringe na maibabagay doon sa atin bakuna. Pero, in other regions naman the syringe are available. So, I think pockets of ano lang iyan, pockets of management po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa naging pahayag po ni Vaccine Czar Secretary Galvez, dapat daw po maging creative ang LGUs para po tugunan ang ilang kakulangan para sa medical supplies. So, ano pong diskarte ang ginagawa ninyo para lang po magtuloy-tuloy pa rin iyong bakunahan kahit may problemang ganito?

QUIRINO GOV. CUA: Well, siguro learning experience na rin po iyan. So we can always have the stock of syringes on standby, even if its guaranteed ng national government na kapag nagbigay ng bakuna ay may kasamang syringe. Magtabi na rin ng konti ang LGU para lang, to ensure continuity of our vaccination average.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, tina-target na rin po itong roll out para sa booster shots at third dose in the coming weeks. Ano naman po iyong strategy ninyo para dito lalo’t sabay-sabay po ang mga sector na nagpapabakuna?

QUIRINO GOV. CUA: Ma’am, sa tingin ko po iyang pag-o-open ng booster for frontliners and other health workers natin, very important po iyan kasi critical sila in maintaining our defense against COVID. Ang magandang balita po, napakadali naman i-identify ang ating health care frontliners. So, hinahanda na po talaga ito ng mahusay at nakikipag-ugnayan tayo sa mga official sa DOH upang mailatag ng maganda itong booster shots.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, may issue pa rin sa vaccine hesitancy ano po? Pero, kayo po, papaano ninyo ina-address at ano po iyong mga efforts na ginagawa ng LGUs natin para po maisakatuparan itong nationwide vaccination?

QUIRINO GOV. CUA: Oo nga ma’am, iyan ay isang napakabigat na tanong that is vaccine hesitancy at vaccine preference. Ikinambal ko na po kasi minsan magkakabit po iyang isyu na yan. Tama po, ang napansin ng maraming mga probinsiya pag umabot po ng mga 50%, 40 to 50% total vaccination pati second dose, napapansin namin parang humihina iyong demand. Ibig sabihin iyong pila o iyong kagustuhan ng mamamayan na magpabakuna parang bumababa, nagwi-wane kasi iyong iba hindi talaga masyadong interesado.

So, talagang campaign talaga ito, talagang kailangan magbigay ng incentives and this incentives whether in policy, in privilege or actual items or actual services or program for incentives. Actually, mayroon na po tayong mga incentives na kapag bakunado tayo puwede tayong lumabas lalo na iyong ating mga lolo at lola.

Kapag bakunado tayo may mga privileges na ibinibigay; kung hindi naman tayo bakunado ay may mga activities that will be restricted or kailangan magpadala ka pa ng mga negative test. So, those I things that all LGUs are already doing at mayroon din mga LGUs na nagpapa-raffle sa mga vaccination para—baka manalo ka ng Cellphone o mabigyan ka ng livelihood package or different programs from national government, puwede rin natin isama sa incentives for vaccination.

So, at huli na lang siguro ma’am, ito ay isang panawagan sa ating mga kapatid sa religious sector, sa Simbahan at iba’t ibang mga religious organization na sana tulungan po ang ating gobyerno sa kampanya sa pagbabakuna. Wala po tayong intentions na tapakan ang karapatan ng mga religion natin ng iba’t ibang grupo ngunit nakikiusap lang tayo ito’y para sa kabutihan ng ating lahat ng mamamayan at sabi ng Presidente “If were not all protected then none of us are protected.” So, kaya hinahabol po natin talaga iyong herd immunity, So, sana po humihingi tayong tulong sa ating mga Simbahan at sa ating mga religious groups.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media para sa inyo – si Red Mendoza po ng Manila Times: Ano na lang po daw ang mga probinsiyang may nakikita kayong problema pagdating sa mga cold storage facility at pag-deliver or pag-administer ng bakuna?

QUIRINO GOV. CUA: Ma’am, wala po akong [listahan]. Sorry po, hindi ko po dala iyong listahan ko ngayon. But ang nakikita natin very minimal na lang iyan, halos lahat ng probinsiya have stepped up. Actually nagbabakuna tayo for almost half a year or more than half a year at nakasanayan na natin iyong mga sistema sa logistics, cold storage. Hindi ko naman masabing perfect na pero karamihan ng mga probinsiya, if not all, naka-ready naman na at tumutugon na sa hamon ng management.

Siguro ang dapat ko sigurong ipaliwanag, Ma’am, iyong transportation at logistic – padala ng bakuna doon sa mga remote area, doon sa mga tuktok ng bundok na walang kalsada, sa mga isla na walang ruta, walang naglalayag kaya hindi gaanong madaling i-access – iyon ang mga logistical problems that we need to solve in order to vaccinate all of our kababayans.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, panghuli na lang. Hingin ko na lang po ang stand ng local government outside Metro Manila dito po sa paggamit ng face shield. Ano po ang tingin ng ULAP dito?

QUIRINO GOV. CUA: Ang aming panawagan diyan, Ma’am, ay simple lang – iyang face shield siguro ay kung pupuwede po ibigay na sa LGU ang desisyon. Anyway it’s an additional layer of safety. Namandato naman nationwide itong face mask, baka iyong face shield ibigay na sa LGU – si LGU na po ang mag-determine according to their doctors kung kailangan bang mag-face shield in certain circumstances at sila na rin ang magpatupad. So iyon po ang panawagan, pero kung anuman maging desisyon kami ay susunod at su-support naman sa ating national government.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Quirino Governor Dax Cua, ang Presidente po ng Union of Local Authorities of the Philippines. Mabuhay po kayo.

QUIRINO GOV. CUA: Maraming salamat po, Ma’am, mabuhay din.

USEC. IGNACIO: Mga magsasakang naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal ang binisita ng outreach team ni Senator Bong Go sa Silang, Cavite kamakailan. Ang Department of Agriculture nagpaabot din ng suportang makinarya, binhi at abono sa kanila. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. Base sa report ng Department of Health nadagdagan ng 1,894 ang bilang ng mga bagong kaso kahapon, kaya umabot na sa 2,813,115 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa; 170 naman po ang naitalang nasawi kaya umabot na sa 45,035 ang total COVID-19 deaths. Samantala, umabot na sa 2,738,975 ang mga gumaling sa sakit matapos magdagdag ng 1,421 new recoveries kahapon. Ang active cases naman natin ay nasa 29,105 sa kasalukuyan. Isang porsiyento rin iyan ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID sa bansa.

Nito naman pong Huwebes, November 11, naitala ng pamahalaan ang pinakamataas na bilang ng mga nabakunahan sa loob ng isang araw – umabot ito sa 1,239,981. Kaya po sa mga hindi pa nakakakuha ng kanilang COVID-19 vaccine, makiisa na po sa pag-RESBAKUNA.

Sa puntong ito makibalita po tayo sa sitwasyon ng bansa kontra COVID-19. Muli nating makakasama sa programa si Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang umaga, Usec.

DOH USEC. VERGEIRE: Good morning po, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Usec., kanina po napag-usapan namin ni Governor Dax Cua itong kakulangan ng hiringgilya sa ating vaccination centers. Nabanggit ninyo po na nag-procure na tayo ng 44 million syringes sa UNICEF. Pero habang hinihintay po iyan, tama po ba na nagbaba na rin kayo ng pondo sa mga regional offices para po sa pagbili ng hiringgilya at nasa magkano po ba ang inilaang pondo dito ng DOH at kailan po inaasahang magagamit ng ating mga vaccinators on the ground?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So as early as June noong nakita na po natin na mukhang magkakaroon tayo ng kakulangan dito sa hiringgilya na ginagamit for mRNA vaccines, tayo po ay nakapagbaba ng memo sa ating mga regional office that they can use their funds dahil nakita ho namin iyong mga pondo natin ay marami pa rin sa regional office para bumili po ng ganitong hiringgilya na ginagamit. We are procuring parang an alternative dito po sa auto-disable syringe ng mRNA vaccines, ito pong mga tuberculin syringes ang binibili po ng regional offices natin.

So iyong mga local governments po kailangan lang pong makipag-ugnayan sa ating regional offices so that they can be provided with this alternative form of syringes para po dito sa bakuna ng mRNA.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kahapon po ay maraming bagong patakaran ang inanunsiyo ng IATF. Isa na po dito iyong pagbabalik ng group exercise sa mga gym kagaya po siguro ng zumba classes. May guidelines po bang dapat sundin tungkol dito, Usec.?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So unang-una kailangan bakunado ang ating mga employees at saka iyong mga tao doon sa gym na may mga ganitong klaseng fitness facilities. Kailangan din iyong mga pupunta fully vaccinated sila. Kailangan po walang group activities na gagawin and of course iyong safety protocols natin na kailangan laging naka-mask iyong mga taong pupunta sa gym, may mga engineering controls at ang pinakaimportante po iyong ventilation standards – may adequate na daluyan ng hangin. Kung hindi po magagawa, kailangan mayroon sila noong mga technical na HEPA (High Efficiency Particulate Air) filters para po hindi po nag-i-stay iyong virus kung sakaling mayroong may sakit. And most importantly, mayroon dapat po silang symptom screening, iyong pagpasok pa lang ho ng mga tao kailangan natsi-check nila kung may sintomas o ‘di kaya mayroon pong history of exposure.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano po ba iyong naging resulta sa naging pagpupulong ng IATF tungkol po dito sa paggamit ng face shield? Unanimous po ba iyong naging desisyon? Tanong din po iyan nila Madz Recio at Athena Imperial ng GMA News.

DOH USEC. VERGEIRE: So last Thursday, Usec. Rocky, nagkaroon na po ng pagpupulong. Experts and DOH were able to present to the IATF regarding iyong mga ebidensiya ng face shield at anu-ano iyong mga rekomendasyon; so, nagkaroon ng diskusyon, siyempre magkakasama tayo ng iba’t ibang ahensiya diyan. At nagkaroon ng final agreement, and ito ay ibibigay at naibigay na sa Office of the President, wherein the Office of the President will decide and inform the public pagkatapos po nilang mapag-aralan din.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Madz Recio at Athena Imperial: Isinusulong po ng private sector kung puwedeng maging Alert Level 1 ang NCR bago mag-Pasko. Pero may mga humihiling din na huwag naman po sanang itaon sa Christmas rush ang mas pinaluwag pang restriction para raw po maingatan na rin ang publiko.

Usec., malaki po ba talaga ang tiyansa na magbalik na sa new normal scenario ang Metro Manila o malabo pa po ang Alert Level 1 kung pagbabasehan po ang mga pamantayang inilatag ng Department of Health?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no, so kailangan maintindihan po ng ating mga kababayan na iyong alert level metrics natin para sa Alert Level 1, kailangan pong maobserbahan ho nating maigi kasi kailangan iyong low-risk ng National Capital Region, for example, kailangan ma-sustain natin ito ng dalawang incubation period; so oobserbahan po natin.

Always remember iyong mobility po at saka iyong pagsunod sa minimum public health standards at saka iyong response ng local governments will matter a lot. Sa pagtaas ng mobility, we anticipate na baka bababa ang atin pong pagku-comply sa minimum public health standards, and that will cause an increase in the number of cases. So we remind everybody: Magtulung-tulong po tayo para masustina po natin itong low risk o mababang mga kaso so that we can eventually be de-escalated to Alert Level 1.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ito naman pong—iniimbestigahan ninyo na po ba itong kaso ng dalawang taong gulang na bata na nagpositibo umano sa antigen test matapos pong mamasyal sa isang mall? Tanong din po iyan ni Red Mendoza ng Manila Times. Nakausap na po ba ng DOH ang doktor ng sinasabing two-year old patient?

DOH USEC. VERGEIRE: We have already instructed our regional office ‘no to look into this matter. Pero kailangan maintindihan din po ng ating mga kababayan, unang-una po, marami pa hong puwedeng maging factors at mga reasons kung bakit nagkaroon ng sakit ang bata. Hindi lang po iyong pagpunta sa mall, maaaring doon lang sa bahay ay doon na siya nahawa; maaaring ang mga nakakatanda niyang kasama sa bahay ay lumalabas at nagtatrabaho. So mayroon hong mga factors na kailangan nating tingnan.

Pangalawa, nagpapaalala lang ho tayo sa ating mga magulang na atin pong bigyan ng extra care ang ating mga bata lalung-lalo na ngayon na marami pong mga tao. Kapag nakita po natin na parang crowded na iyong lugar, huwag na po nating isama iyong ating mga kabataan.

Amin pong titingnan itong nangyaring ito at saka bibigyan ho natin ng information ang public in the coming days.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., magagawan pa raw po ba ng back tracing dito? Sa tingin po ba ng DOH ay maaaring magbabago pa iyong reglamento pagdating sa paglabas ng mga menor de edad dahil po sa insidenteng ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Usec. Rocky, kailangan ho maintindihan natin ‘no, binubuksan ho natin ang specific sectors pero mayroon din hong obligasyon ang ating mga kababayan na mag-follow sa safety protocols and especially our mothers and guardians na kapag nakita na ho natin na crowded na iyong lugar, punung-puno ng tao, huwag na muna po tayong tumuloy lalung-lalo na po kung kasama ang ating mga anak. Kapag tayo ay lalabas at ito ay importante, tingnan lang ho natin kung kailangan pa nating isama ang ating mga kabataan sa pagpunta diyan.

Let us remember the objective of having children out is for them to be able to get sunlight, to have exercise, but not to go into these crowded malls.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Red Mendoza: Hindi po ba naalarma ang DOH sa kasong ito o baka isa lamang itong isolated case at hindi naman po makakaapekto sa ating pag-implement ng Alert Level 2 dito sa Metro Manila?

DOH USEC. VERGEIRE: I don’t think it’s going to affect our implementation. As you have said, it is an isolated case; pangalawa, hindi naman po natin matutukoy with certainty na iyon talaga ang naging cause ng pagkakasakit ng bata. Kaya ang kailangan lang ho natin ay magbigay talaga ng patuloy na paalala sa ating mga kababayan na patuloy nating sundin ang minimum public health standards. At para sa ating mga magulang, ilalabas natin ang ating mga kabataan, ang ating mga anak pero umiiwas tayo doon sa mga lugar na puwedeng magkasakit ang ating mga anak.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Weng Hidalgo ng ABS-CBN News: Kumusta po iyong assessment ng DOH sa paglabas ng mga bata after one week na payagan na sila?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, kapag tiningnan naman ho natin ano, we can only say—kung pinag-uusapan ay numero ng kaso, we can only see that about two to three weeks after we start implementation; so patuloy ho nating oobserbahan iyan.

Pero one thing that I can tell you, marami pong mga kabataan na nakikita natin ‘no, they go to parks, they go to open spaces at nakikita natin iyong tuwa ng mga kabataan because this also gives them, ito pong parang sa mental health nila ay mag-i-improve and this is also in preparation because face to face classes will soon be opened also.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: May mga bata po bang nai-report na nag-positive sa COVID? Paano po ia-address ito kung sakali lang mag-surge ulit ang cases?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, kapag tumaas naman po ang kaso, Usec. Rocky, maaapektuhan niyan iyong metrics natin sa alert level system. Kaya nga sabi natin, itong alert level system na ito, dynamic po iyan. It cannot [unclear] halimbawa na masu-sustain ba iyan ng isa, dalawang linggo, apat na linggo, kailangan binabantayan kasi maaaring magbago. Kapag tumaas ang kaso, definitely, maiba ang alert level system ng isang lugar. Kaya kailangan tuluy-tuloy po tayong magtulung-tulong para hindi po tumaas na ang alert level system dito sa NCR.

At katulad ng sabi ko nga sa inyo kanina, oobserbahan po natin at pag-aaralan in maybe two to three weeks, that’s the time that we can see if cases will increase in specific sectors of the population.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po nina Madz Recio at Athena Imperial ng GMA News: DILG Secretary Año said pinag-uusapan na po iyong pagbabago sa restrictions ng minors na papayagang makapasok sa mall; ano po ba iyong recommendation ng DOH tungkol dito?

DOH USEC. VERGEIRE: Nandoon pa rin ho tayo doon sa posisyon natin na iyong 3Cs po – iyong closed areas, crowded areas at saka those with possibility of close contact – ay dapat talaga ay pag-ingatan natin maigi. So kailangan po nating pag-usapan iyan, local governments will have that authority naman po, nakalagay iyan sa IATF resolution as to who can enter this kind of establishments.

Pero kailangan din po nating tingnang maigi kung paano natin babalangkasin ang resolusyon o ang agreements na ito dahil may mga essential services din po inside this kind of establishments na kailangan ng ating mga kabataan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong nila: DepEd said malaki po ang tiyansa na magkaroon din ng face-to-face classes sa NCR given the current COVID-19 situation. Ligtas po ba ito para sa mga estudyante?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So ito pong face-to-face implementation po ng Department of Education is a pilot. So ang Alert Level 2 areas po talaga ay kasama na dapat doon sa mga areas na puwedeng mag-face-to-face pilot implementation na, kaya isasama na po natin ang National Capital Region. But it doesn’t mean na lahat na agad ng eskuwelahan ay makakasama. Pipili muna ang Department of Education ng mga piling eskuwelahan na kapag in-assess natin, we can ensure that the safety of the students will be there.

Noong pinatupad ho ang face-to-face classes or pilot implementation, naglagay na ho tayo ng safeguards diyan para po alam natin na hindi magkakasakit ang ating kabataan o kung magkasakit man ay very minimal lang. So hindi po dapat ikapangamba ng ating mga magulang iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa usapin naman ng booster shots. May mga reports na po ba raw na nakarating sa inyo na may individual na nabigyan ng booster shot kahit wala pang approval ng FDA; at kung mayroon man, may datos po ba kayong hawak kung ilan na ang mga lumabag? At kailan din po inaasahang mailalabas iyong guidelines para raw po sa pamamahagi ng booster at third shot?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no, marami po tayong naririnig na mga reports na marami na ho sa ating mga kababayan ay nagkakaroon nitong booster shots. Unang-una, gusto kong ipaalala, wala pa ho tayong Emergency Use Authority para diyan. Kung saka-sakaling magkaroon ng sila ng untoward reaction, hindi po natin iyan mamu-monitor because they are doing it and not reporting to the Department of Health.

Pangalawa po, iyong guidelines po, inaantay lang po natin iyong Emergency Use Authority from the Food and Drug Administration, and then the guidelines will be issued by DOH for its operationalization. So antayin na lang po natin, huwag ho tayong magmadali dahil marami pa ho tayong kailangang pag-aralan dahil mga bagong bakuna po ito, kailangan masiguro ng gobyerno na ito ay magiging ligtas at epektibo para sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kunin ko na lamang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So sa patuloy po natin na nakikita natin na nagluluwag po tayo ng ating mga industriya at mga sektor, sana po ang ating mga kababayan lagi po tayong aware, lagi po tayong focused, ang virus po ay nandito pa. Pero kailangan lang po talaga na magkaroon ng hanapbuhay ang ating mga kababayan.

So we just remind everybody, let’s continue to practice minimum public health standards. Lagi po nating iisipin na kapag naproteksiyunan ninyo po ang inyong sarili, mapuproteksiyunan ninyo rin po ang inyong pamilya at ang ating komunidad. So, patuloy po tayong mag-ingat at tulungan po natin ang gobyerno para unti-unti po tayong makabalik doon sa ating kinagawian noong pre-pandemic.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

DOH USEC. VERGEIRE: Thank you very much po.

USEC. IGNACIO: Sa gitna ng mga agam-agam ng publiko kaugnay sa pagtakbo bilang bise presidente ni Senator Bong Go, nagpasalamat ang senador sa kaniyang mga tagasuporta at hinimok ang mga ito na ipagdasal anuman ang magiging resulta ng kaniyang kandidatura. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para sa pinakahuling pangyayari sa iba pang lalawigan sa bansa, puntahan naman natin si Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Aaron Bayato.

Dumako naman po tayo sa Davao City. Alamin natin ang pinakahuling update sa lagay ng kanilang laban kontra COVID-19. May report si Clodet Loreto.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.

Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Mga kababayan, 42 days na lamang po at Pasko na.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po ulit tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center