Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Samahan ninyo kami ngayong araw ng Biyernes para himayin ang mga maiinit na usapin na dapat po ninyong malaman. Maya-maya lamang ay makakasama natin sa isang oras na talakayan ang mga opisyal ng pamahalaan na handang sumagot sa tanong ng taumbayan.

Mula po sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Samantala, bigyan-daan po muna natin ang ilang mahalagang anunsiyo ng IATF mula kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

SEC. ROQUE: Magandang araw, Pilipinas. Balitang IATF po muna tayo ‘no.

Bilang pagsunod po sa direktiba ng Presidente at para tumaas ang demand ng COVID-19 vaccination, inaprubahan po ng inyong IATF ang mga sumusunod na measures na magti-take effect simula a-uno po ng Disyembre ng taong ito.

Kabilang dito ang pag-require ng mga establisyimento at employer sa public at private sector sa mga lugar na may sapat na supply ng COVID-19 vaccine na magpapabakuna ng kanilang eligible employees na nasa onsite work. Sa mga eligible employees na hindi bakunado, maaaring hindi sila matanggal sa trabaho dahil lamang sa rason na hindi sila bakunado. Pero kinakailangan nilang mag-undergo ng regular RT-PCR testing or antigen test at their own expense.

Kailangan fully vaccinated din ang eligible workers na nasa pampublikong transportasyon para magpatuloy ang kanilang operasyon. Maari namang tanggihan ng public and private establishments ang pagpasok o pagbibigay-serbisyo sa mga nananatiling hindi bakunado o sa mga partially vaccinated kahit na sila ay eligible naman for vaccination. Hindi kasama rito ang mga frontline at emergency services na tuluy-tuloy ang assistance sa lahat regardless of vaccination status.

Para lalo pang mapataas ang pagbabakuna, hinihikayat ang mga lokal na pamahalaan na maglabas ng mga kautusan o mga ordinansa na nagbibigay incentives para sa fully vaccinated individuals.

Para naman sa business establishments, maari silang mag-require ng proof of vaccination bago payagan ang mga indibidwal or entities na mag-undertake o mag-qualify sa ilang activities.

Isa pang measure ay hindi pagmarka ng absent sa lahat ng workers na mababakunahan sa oras ng trabaho basta magpakita lamang ng proof ng confirmed vaccination schedule. Kaugnay ng lahat na ito, tanging medical clearance na galing sa government health office o birth certificate ang magsisilbing sufficient at valid proof ineligibility for vaccination.

Hinihikayat din ang mga ahensiya ng pamahalaan na magpapatupad ng mga measures na nagbibigay-prayoridad sa fully vaccinated individuals availing of government programs and services.

Samantala, inaprubahan din ng inyong IATF ang rekomendasyon para sa expanded implementation of alert levels sa iba’t ibang lugar bilang pagsunod sa implementation phases provided sa ilalim ng Executive Order No. 151 Series of 2021. Ang schedule para sa pagpapatupad ng alert levels sa iba pang mga rehiyon ay ang mga sumusunod:

Sa Phase 2 po – Regions I, VIII at XII na magsisimula ngayong araw, November 12, 2021.
Sa Phase 3 po – Regions II, V and IX na magsisimula sa November 17, 2021.
Ang Phase 4 naman po ay ang Cordillera Administrative Region, ang Region IV-B, CARAGA, ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na magsisimula po sa November 22, 2021.

Para naman magkaroon nang tamang assessment sa paglalagay sa mga lugar sa ilalim ng
Alert Level 1, inatasan ng IATF ang National Task Force Against COVID-19 National Vaccines Operations Center at Department of Information and Technology na i-facilitate ang provision ng daily vaccination data tulad ng relevant data on target population and vaccination coverage per priority group.

Isasapinal naman ng Small Technical Group on Safety Seal ang listahan ng 3Cs establishments na isasama sa safety seal metric for Alert Level 1 de-escalation habang ang local government units ay inaatasan na magsagawa ng imbentaryo nang kabuuang bilang ng 3Cs establishments at bilang ng 3Cs establishments na may Safety Seal.

Samantala inaprubahan ng inyong IATF ang de-escalation ng Mountain Province sa General Community Quarantine simula November 16 ng taong ito hanggang November 30, 2021.

Naglabas din ang inyong IATF ng bagong listahan ng mga bansang kabilang sa green, red at yellow list na epektibo mula Nobyembre 16 hanggang a-trenta 2021.

Kabilang po sa mga green countries ang mga sumusunod: American Samoa, Bhutan, Chad, China (Mainland), Comoros, Cote d’Ivoire, Folkland Islands, Federated States of Micronesia, Guinea, Guinea-Bissau, Hong Kong SAR, India, Indonesia, Japan, Kosovo, Kuwait, Kyrgyzstan, Malawi, Mali, Marshall Islands, Montserrat, Morocco, Namibia, Niger, Northern Mariana Islands, Oman, Pakistan, Palau, Paraguay, Rwanda, Saint Bartholomew, Saint Pierre and Miquelon, Saudi Arabia, Senegal, Sierra Leone, Sint Eustatius, South Africa, Sudan, Taiwan, Togo, Uganda, United Arab Emirates, Zambia at Zimbabwe.

Samantala, may dalawang lugar na nasa ilalim po ng red list: ang Faroe Islands at The Netherlands. Lahat ng mga bansa na hindi ko nabanggit ay nasa yellow list.

Inaprubahan din po ng IATF ang rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs na kilalanin at tanggapin para sa pagtakda ng arrival quarantine protocols gayun din para sa interzonal at intra-zonal movement ang mga National COVID-19 Vaccination Certificates ng mga sumusunod na bansa: Australia, Czech Republic, Georgia, India, Japan, The Netherlands, United Kingdom, Turkey at Samoa.

Ang mga nasabing mga bansa ay dagdag pa sa iba pang mga bansa at territories at jurisdiction na nauna nang inaprubahan ng IATF ang kanilang mga proof of vaccination para kilalanin dito sa Pilipinas. Ang nasabing rekomendasyon ay without prejudice din sa iba pang proofs of vaccinations na aprubado ng IATF para sa lahat ng inbound travels. Kaugnay nito inatasan ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation One-Stop Shop at ang Bureau of Immigration para kilalanin lamang ang mga proofs of vaccination na inaprubahan ng IATF.

Samantala pinayagan din ng IATF ang rekomendasyon na payagan na po ang group activities sa mga fitness studios ha, gyms at iba pang venues para sa non-contact exercise at sports sa mga lugar na nasa Alert Level 2 – zumba time na naman po.

In-adopt din ng inyong IATF ang proposed guidelines ng Technical Education and Skills Development Authority para sa pagsagawa nang limited face-to-face training at assessment. Kaugnay nito, pinapayagan ang TESDA na mag-conduct nang limited face-to-face training at assessment mula singkuwenta hanggang 100% venue capacity sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 4 to 1. Samantala, walang face-to-face trainings at assessment ang papayagan sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 5.

Eh paano po iyong face shields? Mayroon na pong desisyon pero ito po ay for approval and possibly for announcement by the President himself.

Iyan lang po ang latest sa inyong IATF. Magandang umaga sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala, ang desisyon naman po nga sa pagsusuot ng face shield ay ipinasa na po sa Pangulo at maaring ianunsiyo mismo ni Pangulong Duterte sa mga susunod na araw.

Samantala sa ating unang balita: Senator Bong Go nanawagang paigtingin ang paghikayat sa mga Pilipinong mahihirap na magpabakuna at magbigay-insentibo para po sa mga miyembro ng 4Ps na mababakunahan. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, makibalita naman tayo sa mga isinasagawang pag-aaral ng DOST kaugnay sa mga bakuna. Sa mga susunod na araw nga po ay inaasahang masisimulan na ang clinical trials para sa paggamit ng magkaibang brand ng bakuna para po sa booster shot. Kumusta na nga ba ang paghahanda para dito? Makakasama po natin si Undersecretary Rowena Guevara ng Department of Science and Technology. Good morning po, Usec. Welcome back po sa Laging Handa.

DOST USEC GUEVARA: Magandang agham sa inyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., inaasahang magsisimula nga po ang clinical trials para sa vaccine mix and match ngayong buwan. As of today, ano po ang preparations na pinaplantsa ninyo para po matiyak na magiging smooth ang gagawing clinical study?

DOST USEC GUEVARA: Usec., ang mix and match [project team] ay nakikipag-ugnayan [sa] DOST at DOH sa mga paghahanda. Kabilang dito ang training, iyong tinatawag na good clinical practice ng mga tauhan ng project; paghahanda ng vaccinations sites [upang] ang mga LGU ay gagawin ang pag-aaral [sa] delivery ng kanilang mga bakuna.

Sa kasalukuyan, ongoing ang [pagsasagawa ng] virtual site initiation visit ng project team kasama ang kanilang mga research, clinical research organization (CRO).

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa ngayon ilan na po ba iyong participants sa trial? At saan-saang lugar po karamihan sa kanila magmumula? Hindi rin naman po ba kayo nahirapan na hikayatin iyong ating mga kababayan para sumali po dito?

DOST USEC GUEVARA: Sa kasalukuyan, hindi pa tayo nagri-recruit kasi hinihintay pa namin ang final approval ng FDA bago tayo magsimula ng pagbabakuna. Nguni’t ang project team ay handa naman po na.

Ang mga LGU ng Manila, Marikina, Muntinlupa City, Davao City at Dasmariñas City, Cavite ay kabilang sa mga trial sites ng project. Siniguro po ng project team na may mga tauhan sa vaccine sites na siyang tutulong sa recruitment at sa pag-i-explain sa mga sasali kung para saan ang pag-aaral. Sila rin ang nakikipag-ugnayan nang mabuti sa mga LGUs.

Base doon sa mga ibang mga clinical trials na sinasagawa, hindi naman namin nakikita na mahihirapan tayong hikayatin ang ating mga kababayan na sumali dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., linawin lang po natin: Sinu-sino lang po ba iyong mga ikinu-consider ng DOST na puwedeng makapag-participate po sa clinical trial? Sila po ba ay naka [garbled] dose na po ng vaccine [garbled] talagang hindi pa po nababakunahan?

DOST USEC GUEVARA: Ang mga sasali ay dapat edad labinwalo na tao at pataas. Dapat din papasok sila sa mga inclusion criteria ng study katulad na dapat hindi pa sila nababakunahan at hindi sila nagkaroon ng COVID-19.

Ang iba pang inclusion criteria ay ang mga sumusunod:

  • Ang mga kalahok ay papayag na magbigay ng written informed consent para sa partisipasyon sa trial.
  • Ang kalahok din ay dapat tiyakin na susunod sa mga scheduled visits, laboratory tests at iba pang aktibidades o procedures ng research.
  • Ang mga babae ay hindi dapat buntis, at mga babae na may kakayanan magbuntis ay kinakailangang gumamit ng epektibong contraceptive pagkatapos makuha ang first dose hanggang tatlong buwan pagkatapos ng second or third dose.
  • Kung ang kalahok ay mayroong comorbidities, kinakailangan na ang sakit ay makitang medically stable base sa pagsusuri ng investigator. Iyong walang acute na senyales at sintomas kaugnay sa nasabing sakit or comorbidity ng kalahok sa oras ng vaccination.
  • At siyempre, mayroong PhilHealth.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., anu-ano pong mga bakuna natin ang puwede bang gamitin dito sa mix and match trials?

DOST USEC GUEVARA: Mayroon tayong tatlong grupo ‘no. Iyong isang grupo na pag-aaral ay bibigyan ng Sinovac at Sinovac lang. Tapos iyong pangalawang grupo naman, madami sila ‘no, bibigyan ng Sinovac bilang first dose, tapos 250 bibigyan ng Pfizer BioTech, Moderna o AstraZeneca o Sputnik V bilang second dose. Iyong pangatlong grupo naman. Iyong pangatlong grupo naman ang mayroong third dose o booster. Sinovac ang ibibigay na una at second dose, tapos Pfizer, Moderna, AstraZeneca o Sputnik V ang gagamitin na third dose. Lahat ng bakuna ay galing sa Department of Health at mayroong Emergency Use Authorization [ng] Food and Drug Administration. Maaaring madagdagan ang bakuna na kasali sa trial depende sa available [supply ng] DOH.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., may balita na po ba from FDA regarding naman sa clearance nitong clinical trials?

DOST USEC GUEVARA: Binibilisan talaga ng FDA ang pag-a-approve nitong mga clinical trials natin. Kung dati ay anim na buwan, ngayon less than 21 days ay nailalabas nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ilang buwan po ba tatagal itong vaccine mix and match clinical trials? At kailan din po iyong earliest month na maaaring makapag-[release] na ng preliminary results?

DOST USEC GUEVARA: Ang pagbabakuna ay tatagal lamang ng hanggang limang buwan. Nguni’t ang mga participants ay ipa-follow up at pangangalagaan na ng project team na binubuo ng medical experts ng hanggang isang taon.

Inaasahang may unang interim analysis o preliminary results na kapag nakapag-enroll na tayo ng 1,000 participants. Inaasahan nating makamit [garbled] hanggang tatlong buwan. So ang hope namin mag-uumpisa tayo [garbled] na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., mayroon din po kayong gagawin bang clinical trials para dito sa sleep-aid supplement na Melatonin? Ano naman po iyong susukatin sa pag-aaral na ito?

DOST USEC GUEVARA: Ang pag-aaral ng Melatonin ay tinitingnan kung ito ay maaaring maging adjuvant treatment para sa mga pasyente na may COVID-19 na may pneumonia at nasa ospital. Ina-assess kung ang high dose Melatonin ay makakatulong sa pagpapataas ng survival at recovery rate sa pagbaba ng severity at kung ito ay may epekto sa kabuuang clinical improvements ng pasyente. Ang clinical trial na ito ay pinamumunuan ni Dr. Rafael Castillo ng Manila Doctors Hospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Pinaplano na rin po ng DOST na gumawa ng test kits para sa ilang mga nakakahawang sakit. Pero, Usec., anong uri po ba ng communicable disease lang muna iyong ipa-prioritize ng DOST? Kasama na po ba rito iyong sa COVID?

DOST USEC GUEVARA: May mga nakakahawang sakit tulad ng COVID-19, TB, HIV at neglected tropical diseases na binigyang prayoridad ng DOST sa paggawa ng mga nasabing diagnostic tests. Mahalaga na maisulong ito upang maagap na matugunan ang mga nasabing sakit sa pamamagitan ng maagang diagnosis.

Sa katunayan ay naipaglabas na natin kayo ng mga test kits para sa COVID-19 at saka nailabas na rin dati ng grupo nila Dr. Raul Destura iyong para sa Dengue. Sunod-sunod na nilang ilalabas iyong para sa Leptospirosis, Chikunguniya, Zika.

USEC. IGNACIO: Opo. Para lang po sa kaalaman ng publiko ano po, USec., bakit po mahalaga na maisulong at magkaroon tayo ng ganitong uri ng diagnostic test?

DOST USEC. GUEVARA: Alam mo, kasi mas maigi na maagang ma-diagnose para – una – di makahawa; at pangalawa, para hindi [garbled] natin [garbled] sa sakit na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., kailangan ninyo po ito target na simulan? Bahagi na rin po ba ito ng pondo ninyo for next year?

DOST USEC. GUEVARA: Sa kasalukuyan, may mga proyekto na rin tayong ginawa tungkol sa pag-develop ng mga nasabing diagnostic kits. [garbled] noon ay nakalaan ang pondo para sa magsasaliksik para sa paggawa ng napapanahong diagnostic tests. May mga inilaan na ring pondo ang DOST para sa mga nasabing proyekto sa mga susunod na taon.

So, sa kasalukuyan mayroon siguro kaming mga lima hanggang walo na mga projects na ongoing na at ini-expect natin na sunod-sunod itong lalabas siguro mula towards end of next year hanggang 2023.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon at panahon, Undersecretary Rowena Guevara ng DOST. Mabuhay po kayo!

DOST USEC. GUEVARA: Maraming salamat!

USEC. IGNACIO: Samantala, nakatakda namang magpalit ng liderato sa Philippine National Police ngayong araw. Magtungo tayo sa Camp Crame para sa updates, naroon ang kasama nating si Bea Bernardo. Bea?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report. Bea Bernardo.

Patuloy po na pinapalakas ang kakayahan ng bansa pagdating sa maritime law enforcement at pagtiyak sa seguridad sa mga naglalayag sa ating karagatan, para po kumustahin ang lagay ng kanilang operasyon, makakausap po natin si Commodore Armand Balilo, ang spokesperson ng Philippine Coast Guard.

Magandang umaga po, sir!

PCG SPOX CMDR. BALILO: USec., magandang umaga! Magandang umaga po sa lahat ng inyong mga tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, last week binuksan na nga po iyong upgraded station ng Philippine Coast Guard sa Pag-asa Island. Ano po ba ang maaaring asahan dito at gaano kalaking tulong ito sa pagpatrolya sa mga pinag-aagawang isla?

PCG SPOX CMDR. BALILO: Hindi lang naman po ito dahil sa pagbabantay doon sa ating mga teritoryo. Ito pong aming upgraded Coast Guard station ay para din po sa pagmu-monitor ng mga maritime safety concerns ng Philippine Coast Guard at pagbabantay din po sa ating mga fishermen.

Of course, lagi po nating isinasaalang-alang na mayroon po tayong mga patrol operations dito sa West Philippine Sea at ito po ang magsisilbing parang command center o iyong pinaka-hub ng ating operation po diyan po sa West Philippine Sea.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, bukod po dito sa Pag-asa Island Station, may iba pa po ba tayong inaasahang ire-rehabilitate o itatayong headquarters ang Coast Guard sa iba pang bahagi ng bansa para po sa mas pinalawak na pagbabantay dagat?

PCG SPOX CMDR. BALILO: Marami po tayong mga proyekto sa pangunguna po ni Secretary Art Tugade. Alam ninyo, hindi lang mga buildings ang mayroong bago sa Philippine Coast Guard. Nagsimula kami noong 2016 ng 7,000, ngayon ho 21,000 na at sinisikap pa po ni Secretary Tugade na madagdagan pa ang compliment natin.

Last week po, nagpasinaya din po ng building dito po sa Iloilo, bagong headquarters po at marami pa pong maliliit na mga substations natin na ginagawa sa kasalukuyan para po maging isang maayos ang mga headquarters ng Philippine Coast Guard sa grass root level po na tutulong sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, sa ngayon, kumusta na po iyong sitwasyon sa pagpapatrolya ng tropa natin sa mga pinag-aagawang isla? Tama po ba na may mga nakahimpil pa rin na mga sasakyang pandagat ang China doon sa area; at mga ilan pa po iyong natira matapos tayong maghain po ng protesta?

PCG SPOX CMDR. BALILO: Tuloy po iyong ating pagpa-patrol sa West Philippine Sea. Kasama po natin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para po mapanatili na ang presensiya ng pamahalaang Pilipinas ay nandoon at ma-monitor din po iyong mangingisda doon sa area.

Wala lang po akong data at information tungkol sa ilan pa sapagkat ang National Task Force on West Philippine Sea ang nagbibigay nito. Ang sinisigurado ko po sa inyo, hindi po tayo nawawalan ng presence sa kasalukuyan doon at nagpapalitan po ng barko ang Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources doon sa area.

USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, wala naman po ba tayong naitatalang alarming incident so far gaya po noong unang mga pagtataboy sa mga Pilipinong mangingisda?

PCG SPOX CMDR. BALILO: So far, ang report na natanggap po namin, USec. Rocky, wala po tayong mga ganoong insidente.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ibang usapin naman po ano, ano naman po iyong reaksiyon ninyo dito sa pagnanais ni Pangulong Duterte na magkaroon ng dagdag na maritime aircraft ang Philippine Coast Guard? Kung sakali, paano po ba ito makakatulong sa mga operasyon ng Philippine Coast Guard?

PCG SPOX CMDR. BALILO: Nagpapasalamat tayo, USec. Rocky, sa Pangulong Duterte ‘no. Nakita niya kasi iyong in-acquire po natin, iyong Cessna, sa Palawan last week ‘no at ito ay kinomisyon. Naipaliwanag ni Secretary Tugade na magiging malaking tulong kung magkakaroon pa ng panibagong aircraft ang Philippine Coast Guard ng katulad nito.

Ito ay makakatulong po sa ating maritime domain awareness, sa mga search and rescue efforts po ng Philippine Coast Guard kahit po doon sa pagdadala ng mga vaccines, pagdadala ng mga medical supplies na ginagawa pa natin gamit iyong mga Lumang eroplano.

Sabi nga ng Pangulo, dagdagan pa natin ng tatlo, at kami po ay natutuwa sapagkat lalaki po ang ating masasakupang mapapatrolan kapag gagamitin natin itong eroplanong ito. Of course, kasama diyan iyong sa pinag-aagawang mga teritoryo pati iyong Benham Rise at pati iyong Southern Philippines na maku-cover natin pagdating po sa maritime domain awareness.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Commodore, bukod dito sa karagdagang air asset, ano pa po ba iyong mga pinakakailangang suporta ng Philippine Coast Guard mula sa pamahalaan para po makatulong dito sa pag-boost ng ating maritime security?

PCG SPOX CMDR. BALILO: Kasama na rin po diyan iyong pagdadagdag po ng mga floating assets. Ibig sabihin po, mas maraming barko sa karagatan nangangahulugan po ng matibay na presensiya ng Philippine Coast Guard para masawata iyong ating mga kababayan na nagnanais gumawa ng kamalian o ng offense ng mga maritime violations dito sa ating karagatan.

Kasama na din po diyan sa pagbabantay iyon pong mapanatili iyon pong mapanatili iyong ating marine environment para po sa susunod na henerasyon at of course iyong seguridad po laban sa terorismo at droga.

Next year po, may parating na dalawang malaking barko galing sa Japan. Ito po ang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard at iyon po ay gagamitin natin para sa atin pong mga operations lalung-lalo na po sa Southern Philippines at dito po sa West Philippine Sea.

USEC. IGNACIO: Opo. May PCG Auxiliary Forces din po ano, pero ano po iyong ginagawa nila, Commodore, para po sa ating maritime security? At sa kasalukuyan, ilan po ba iyong puwersa natin na ito at patuloy po ba iyon recruitment?

PCG SPOX CMDR. BALILO: Opo. Ang Philippine Coast Guard Auxiliary ay mga volunteers natin, mga civilian volunteers na tumutulong sa atin. In fact, gusto ko lang sabihin, USec. Rocky, itong Coast Guard Station Kalayaan ay halos initiative po ng Philippine Coast Guard Auxiliary. Katulong natin namin sila sa pagtatayo nito at malaki po ang pondo na naibigay din nila para sa pagtatayo nito.

Mayroon pong programa si Secretary Art Tugade, iyong pagtatayo po ng Nationwide Coastal Coast Guard Auxiliary. Ito po iyong mga recruit namin sa mga grass root level, katulad po ng mga mangingisda at mga community organizer, para po magsilbing eyes and ears o katulong natin sa pagbabantay ng karagatan, pagsawata ng mga krimen, at sa mga civic actions po. Niri-recruit po natin iyan, nagsimula na po ang massive recruitment dito po sa Manila noong nakaraang buwan.

Nagpunta na rin po sa Palawan, sa Siargao, sa Bohol. At iyan po ay si Secretary Tugade mismo ang nangunguna at plano po namin, lahat ng coastal community ay lagyan po nitong mga Coastal Coast Guard Auxiliary at sa loob po ng kanilang paglilingkod, pag-aaralan po natin na baka po puwedeng bigyan sila kahit allowance katulad na rin po ng suggestion ni Executive Secretary Bingbong Medialdea.

USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, kasali na rin po iyong Philippine Coast Guard bilang miyembro nitong Joint Peace and Security Coordinating Council. So, ano po ang magiging responsibilidad ng Philippine Coast Guard dito?

PCG SPOX CMDR. BALILO: Malaki po ang responsibilidad ng Philippine Coast Guard dito. Sapagkat itong partnership ng AFP, ng PNP at saka ng Philippine Coast Guard ay magiging matibay po ang ating security operations laban po sa mga kalaban ng estado. Kami naman po ay mayroong mga tauhan at mayroong mga assets na puwedeng i-contribute sa anumang pagkilos, both ng AFP at saka ng PNP sa anumang time na kailanganin ng Philippine Coast Guard po sa paglaban sa terorismo, sa krimen at iyon na nga po, mai-maintain iyong peace and security ng ating bayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tungkol naman po sa bakunahan. Ang puwersa po ng AFP at PNP ay inatasan na tumulong sa mas pinaigting na vaccination rollout sa buong bansa. Pero sa bahagi po ng Philippine Coast Guard, ano po ba iyong mga paraan natin para makatulong sa vaccination rollout sa mga LGUs lalo na po iyong sa mga remote islands natin?

PCG SPOX CMDR. BALILO: Actually po may directive na ang aming Commandant, si Admiral Leo Laroya, na ang amin pong mga nurses, mga medical teams na nakakalat din po sa buong Pilipinas puwede pong gamitin ng Department of Health para tumulong sa bakunahan. Ang Coast Guard po ay nag-recruit kami ng mga medtechs noong kasagsagan nitong pandemya para po tumulong sa pagsa-swab at bukod doon, ginather (gather) din po namin iyong mga nurses para po sa aming mga checkpoints at doon sa mga health activities. Ang sabi po ni Admiral Laroya, kung sa ngayon na ang pangangailangan ay vaccination, ilalaan po natin iyong mga tauhan natin na makakatulong dito sa pagkilos ng gobyerno para mapalawak pa iyong numero ng nabakunahan nating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon po, nasa ilang porsiyento na sa hanay po ng Coast Guard ang bakunado?

PCG SPOX CMDR. BALILO: Dito po sa Headquarters, halos lahat po ay bakunado na. Siguro mga nasa 90% na kami dito, maliban lang po iyong mga buntis at saka iyong may mga karamdaman na nagpapatingin pa. Pero po sa amin pong mga districts at mga regional offices, tuloy pa po ang bakunahan at siguro mga nasa 60 to 70% na po iyong mga tauhan naming nabakunahan. Ang aming leadership na dapat nasa frontline ng Philippine Coast Guard, dapat maging 100% ang vaccination at iyan naman po ay ang aming tina-target nitong susunod na mga araw.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon at panahon, Commodore Armand Balilo, ang tagapagsalita ng Philippine Coast guard. Sir, salamat po.

PCG SPOX CMDR. BALILO: Salamat, Usec. Rocky. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Para naman po sa pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. As of 4:00 PM ng November 11, umabot na po sa 2,811,248 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID sa bansa matapos makapagtala ang DOH ng 1,974 na mga bagong kaso kahapon.

142 ang mga bagong nasawi, kaya umakyat na sa 44,866 ang total COVID-19 deaths.

2,388 naman po ang nadagdag na gumaling, kaya umabot na sa 2,737,722 ang ating recoveries.

Ang active cases sa kasalukuyan ay nasa 28,660. Katumbas pa rin po iyan ng isang porsiyento ng kabuuang bilang ng mga nahawaan ng virus sa bansa.

Sa pagbaba po ng Metro Manila sa mas maluwag na alert level. May naging epekto nga ba ito pagdating sa mga naitatalang tawag ng One Hospital Command Center? Iyan po ang ating aalamin mula sa kanilang Medical Officer na si Dr. Marylaine Padlan. Welcome back, Doc.

DR. PADLAN: Hello po. Magandang tanghali po sa mga nanunood. Magandang tanghali po, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, last week, ipinatupad ang Alert Level 2 sa Metro Manila. So far kumusta po iyong assessment ninyo sa bilang ng mga tumatawag sa One Hospital Command Center? Medyo nakakahinga-hinga na po ba tayo?

DR. PADLAN: Doon sa mga nakaraang linggo po, ang ating mga calls ay nasa average po ng around 150 new request per day pa rin po. Mahirap pa ring sabihin ‘no, na effect po ito noong Alert Level 2, dahil last week pa lang po ito. Kailangan pa po nating tingnan pa sa mga susunod na araw noong tinap (tap) natin iyong mga data natin from these days kung ano ang magiging effect niya, kasi kailangan nating i-consider iyong cause noong disease, pag-identify ng signs and symptoms and of course iyong pag-test din ng ating mga kababayan din po. So, mayroong pagbaba na, naglalaro na tayo sa around 150. Pero iyong effect ng Alert Level 2, kailangan pa pong pag-aralan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pagdating naman po sa sitwasyon ng mga hospital at quarantine facilities, masasabi po ba natin na talagang bumubuti na iyong sitwasyon sa NCR pati na rin po sa mga karatig probinsiya nito? Balita po namin, marami na po iyong pansamantala munang isinara ang kanilang quarantine facilities, dahil po sa maliit daw po na bilang ng mga dinadalang pasyente. Ito po ba ay may katotohanan, Doc. Marylaine?

DR. PADLAN: In terms po sa utilization rate natin, in terms of the hospitals and isolation facilities po, bumababa po siya ano. So, puwede nating masabing bumubuti po. In terms naman po doon sa mga isolation facilities, dahil po doon sa pagbaba ng ating mga case, nagbawas din po kami ng mga beds sa isolation facilities. But once na we see or once na may nakita po tayo na increasing trend ulit sa ating mga COVID cases, magdadagdag naman po kami kung kinakailangan po ulit na mga bed sa ating mga isolation facilities po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon Doc, ilan po iyong average na nasa waiting list ng One Hospital Command Center kada araw?

DR. PADLAN: Ngayon po sa aming waiting list, mas mabilis kaming nakakapasok ngayon ng mga cases especially iyong mga emergency po talaga na mga cases. Pero minsan may hintayan pa rin po na around mga 3 to 5 cases per day, pero madali rin po namin itong nari-resolved ‘no, dahil nga po minsan hinihintay lang namin talaga iyong mga COVID test results nila bago po namin sila maipasok.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, madalas pa rin po ba iyong demand na i-refer iyong mga pasyente mula sa ibang regions papunta dito sa mga ospital dito sa Metro Manila? O kaya na po na ng mga probinsiya na tugunan iyong sarili nilang medical needs?

DR. PADLAN: Mayroon pa rin po ngayon na mga cases na kailangan pa rin naming i-refer dito sa NCR as iyong mga tertiary hospitals, those who needs specialist ay nandito pa rin po sa NCR. Pero ang ginagawa pa rin po namin is, we try to exhaust as much as possible, iyong ating mga hospital sa regions, kasi kung kaya naman po nila iyong cases ng mga citizens po nila within their region, ire-refer naman po namin doon. But once na na-identified na talagang specialist iyong kailangan and nasa NCR lang po sila, hindi po namin maiiwasan talaga na mag-refer po dito sa ating mga tertiary hospitals within Metro Manila po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa ngayon, may matutukoy po ba kayong lugar na medyo nakikitaan pa rin po ng pahirapan sa pag-admit ng pasyente sa mga ospital? At may mga high risk pa rin po ba pagdating sa ICU beds.

DR. PADLAN: Ngayon po no, in terms sa ating pag-refer ‘no, lahat naman po ng regions ngayon ay nasa low risk na po iyong ating mga utilization rate. Pero in terms naman po kung mayroon mga pahirapan na areas na wala pong specific rate na wala po kaming nakikitang trend.

Ang nagiging factor lang po talaga kung bakit minsan nahihirapan kami sa mga pagpasok sa mga hospitals ay iyong case po ng pasyente ‘no, marami silang needs ‘no, specialized iyong needs nila kaya nagkakaroon kami ng challenge kung baga na maipasok po iyong pasyente.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., tanong ko lang: Ano po iyong update dito sa One Oxygen Command Center, may latest po ba tayo tungkol dito?

DR. PADLAN: Mayroon po tayong task force or task group dito for our One Oxygen Command Center. So, ang nangyayari lang po natin so far ngayon po ay nagmu-monitor po kami ng mga demands ng hospital thru our networks po sa Regions kung mayroon pong need ng hospital ng oxygen po, now within our… or rather among our hospitals and health facilities in different places and kapag mayroon naman po, we will coordinate po with the appropriate agencies naman po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., ngayong lumuluwag-luwag ang mga health care institutions sa bansa. Paano ginagamit ng One Hospital Command Center ang panahon ito para po mag-strategize, pagbutihin ang sistema o paghandaan na huwag na po sana ang pagtaas muli ng kaso at confinement?

DR. PADLAN: So, ngayon po na bumababa ang case natin, ang ginagawa po namin is niri-review and ini-improve namin iyong data analysis po namin, iyong call receiving system po namin niri-review po namin and ini-improve din namin po. Iyong referral system namin and networks pinagtitibay pa po namin and then ini-empower po namin ‘no, pina-strengthen po namin ngayon iyong ating Regional OHCC po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, Marylaine, kunin ko na lamang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan at puwede ninyo po ba ulit banggitin iyong mga hotline numbers ng One Hospital Command Center na maaari po nilang tawagan.

DR. PADLAN: Okay po. Sa atin mga kababayan po na ngayon iyong mga alert level systems ay ipapatupad na rin po sa mga ibang lugar maliban sa Metro Manila. We have to be conscious po ‘no or kailangan po natin maging aware na hindi po porke’t mababa iyong alert level system ay wala na po si COVID ‘no, nandiyan pa rin po si COVID, patuloy pa rin po ang ating laban sa kaniya as long as may nagpa-positive pa rin po nandiyan pa rin si COVID, may potential pa rin po mag-outbreak.

So, kailangan pa rin po natin na sumunod sa ating mga minimum health standard protocols, please continue to wear your mask, wash your hands, social distance or iwasan pa rin po natin iyong mga hindi kailangan na paglabas or stay at home as much as possible and then ang dagdag siguro natin na kailangan is to continuously to check yourself and your family for any symptoms ‘no.

Kasi once na may symptoms ka, do not hesitate to ask for medical advice, for medical consult para mas maagapan po natin and mas ma-control po natin iyong ating sakit specially kung COVID nga po iyon.

And just in case po na medyo hesitant po kayo or nangangailangan po kayo ng direction, nangangailangan po kayo ng medical guidance or tulong po sa paghahanap ng mga hospital, mga health facilities do not hesitate po to contact po us sa One Hospital Command Center po doon po sa aming DOH COVID hotline na 1555, that is toll free po, and then we have our three other lines. We have our Globe line that is: 0915-7777777, so, 0915 then pitong 7; then 09199773333 for our Smart hotline; and then for landline that’s 0288650500 po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong impormasyon at panahon Dr. Marylaine Padlan ng One Hospital Command Center. Salamat po!

DR. PADLAN: Thank you po USec., magandang tanghali po at ingat po.

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Aabot sa mahigit 700 mga residente at mga displaced workers sa Antipolo City ang hinatiran po ng ayuda ng tanggapan ni Senator Go. Ang mga ahensiya gaya po ng Department ng Health at Department of Agriculture nagpaabot din po ng hiwalay na tulong para sa mga piling residente. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para naman po sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa puntahan po natin si Merry Ann Bastasa ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Merry Ann Bastasa ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, PUV drivers sa Baguio City patuloy na hinihikayat na magpabakuna na. Sa ngayon po, patuloy na umiiral ang ‘no-bakuna, no-biyahe’ sa siyudad. Ang detalye mula kay Debbie Gasingan ng PTV-Cordillera:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Patuloy naman ang mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad sa mga pampasaherong sasakyan sa Davao City. Kamakailan, ilang mga tsuper ang nahuli at nasampolan dahil sa paglabag sa physical distancing. May ulat si Julius Pacot ng PTV Davao:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.

Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Mga kababayan, 43 days na lamang po at Pasko na.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center