USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Estado ng ekonomiya at pagninegosyo, suporta para sa mga nagbabalak magbalik ng probinsiya at trabaho overseas ang ating aalamin ngayong araw ng Huwebes. Maya-maya lamang po ay makakasama natin sa isang oras ng talakayan ang mga kinatawan ng pamahalaan na handang magbigay-linaw sa tanong ng taumbayan, kaya tutok lang po kayo. Mula po sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!
Sa ating unang balita: Isinusulong ang posibleng pagpapatupad ng “No Bakuna, No Ayuda” policy para po sa mga 4Ps beneficiaries, subalit hindi naman sang-ayon diyan si Senator Bong Go. Dapat aniya magbigay ng insentibo at mapaintindi nang husto sa mamamayan ang kahalagahan ng pagbabakuna.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Sa pagbaba ng Metro Manila sa Alert Level 2, nadagdagan ang mga nagbukas na establishment kaya marami na rin sa ating mga kababayan ang balik-trabaho na. Inaasahan nga ang magandang epekto nito sa takbo ng ating ekonomiya sa huling quarter ng taon hanggang pumasok ang 2022, iyan po ang sentro ng ating usapan kasama po si Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez. Welcome back po sa Laging Handa, Secretary.
DTI SEC. LOPEZ: Hello! Magandang umaga po sa inyong lahat, sa ating mga tagasubaybay. Magandang umaga, Usec. Rocky!
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, halos mag-iisang linggo na po mula po noong ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila. So kumusta po ang pagtanggap ng mga tao sa mga newly opened businesses? Tanong din po iyan ni Cleizl Pardilla ng PTV.
DTI SEC. LOPEZ: Well, napakaganda ng feedback mula sa mga industriya – industriya ng mga restaurants, ng fast-food, ng malls. Alam ninyo po, noong nag-umpisa iyong pandemya, talagang bumagsak ang crowd po sa mga establisyemento na ito because high restrictions and high lockdowns. In fact, bumaba pa ito the level ng mga thirty, forty percent versus iyong pre-pandemic. Subalit ngayon, base sa at least iyong last weekend, nakikita nila iyong pagtaas na ng porsiyento. Some are saying na nagri-range sa 50% to 80% versus pre-pandemic levels ang naging tugon at naging percentage ng crowd na nakita natin dahil dito sa pagbubukas ng mga economic sectors.
At dahil dito, nabuhayan ng loob ang maraming mga SMEs, iyong mga maliliit na negosyo, at kasabay dito iyong mga trabaho na naibalik at mga nakabalik dahil po sa paglakas uli at pagsigla ng kanilang mga negosyo. So maganda ho ang feedback, and it’s just the first weekend. So hopefully, masasanay po ang ating mga kababayan, parang it’s moving towards a new normal at maging mas sustained iyong ganitong lakas ng pagbabalik ng mga customers nga nila at paglalakas ng negosyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kumusta rin po iyong monitoring naman ng DTI dito po sa mga establishment pagdating po sa pagsunod sa health protocols? May mga pinatawan po ba kayong parusa kasi talaga pong nakakabahala iyong mga naunang mga eksena noong pagbaba sa restrictions na mukhang nasabik po talaga iyong tao na pumunta sa mga malls, sa mga parke at iba pang public spaces?
DTI SEC. LOPEZ: Oo nga, Usec., lahat tayo talagang panay ang paalala natin. At in fact, mayroon ho silang responsibilidad, ang mga establisyemento, bawat branch, bawat retail outlet na pinupuntahan po natin, they are supposed to assign a full time safety and health protocol officer. Walang gagawin iyan kung hindi magsigurado na lahat ng mga tao doon sa establisyemento na iyon, customer man o workers, ay sumusunod doon sa minimum public health standard.
Walang iniwan din po iyan sa—it’s a mandate po, pati ho sa mga offices, doon sa mga opisina nila, mayroon din dapat committee at safety and health protocol officer kasi sila po iyong magpapanatili ng kaayusan at pagsunod dito sa minimum public health standard.
Kaya ho ang mga enforcers, hindi naman 24/7 nandiyan sa mga operations na iyan kaya ho talagang we are counting on the responsibility ng mga bawat establisyemento para talaga sa ganoon ay maiwasan iyan. Napansin ninyo sa mga malls, may mga … even the security guards, sila ang nag-a-act din as that safety and health protocol officer. Nagpapaalala sa mga pumapasok kung may nakataas na face shield or nakababang face mask, talagang sila po ang tagapaalala pati sa physical distancing.
So importante ho iyan na may mga officers tayo na magsisiguradong susunod diyan. At kapag ang atin pong mga kababayan, kapag may nakikita silang hindi sumusunod or iyong restaurant, for example, required natin vaccinated doon sa indoor operation, vaccinated iyong customer, at kapag hindi hinanap iyong card nila at kapag sinabi ng customer ‘vaccinated ako’ pero hindi hinanap iyong card, iyon po is a ground for telling us – the authorities, the LGUs – na itong restaurant na ito ay hindi sumusunod doon sa requirement po. Kasi ang requirement talaga, maghahanap ng proof ng vaccination. So things like these ‘no, iyong hindi sumusunod sa face mask, sa distancing, iyan po ay puwede hong i-report ng kahit sinong mamamayan natin.
For DTI, we can accept those reports sa 1384. Iyong hotline po natin para sa consumers, open din po para sa mga ganitong complaints so that we can give the lead to our enforcers para i-audit at bisitahin iyong mga establishments na iyon and we can also inform the LGUs concerned.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, itanong ko na lang po iyong tanong ni Sam Medenilla, follow up po doon sa positive feedback. Si Sam Medenilla po ng Business Mirror, ito po ang tanong niya sa inyo: With the positive feedback sa implementation ng alert level system, iri-recommend na po kaya ng DTI ang nationwide implementation ng nasabing system?
DTI SEC. LOPEZ: Ah, kung nationwide. Ang atin pong patakaran at ang procedure kasi talaga natin dito, depende sa situation, mga datos ng bawat lugar. So I think ganoong sistema pa rin ay effective po sa atin dahil hindi po talaga “one size, fits all” ito. Hindi iisang ano lang ‘no, sasabihin—ah, kung ang tanong ay iyong alert level system – yes, we can recommend.
Ang unang intindi ko kasi ay isang level para sa buong Pilipinas – hindi naman po. Pero kung iyong tatanungin ay puwede na kayang i-rollout iyong alert level system natin at of course, with varying levels depende sa situation ng lugar ay mukhang puwede naman po dahil so far po ay tagumpay naman po ang pag-i-implement ng alert level system.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, alam mo, mayroon din po kaming mga nakakausap na mga tao noong mga lumabas dala iyong kanilang mga anak, ang sabi nila, talaga namang kahit nakalabas na dala ang kanilang mga anak ay sila mismo po ay nag-iingat at sumusunod sa mga health protocols.
Pero sakali pong bumaba nga sa Alert Level 1 ang Metro Manila, may mga nakalatag po ba kayong plano para matiyak itong paglabas pa ng mga tao para po mamili kasi magpa-Pasko, manunood ng sine na nagbukas na rin po, kumain sa labas ay hindi po magiging sanhi ng panibagong surge, Secretary?
DTI SEC. LOPEZ: Iyan po kasing pagbaba ng mga Alert Level System natin even ngayon bumababa sa Alert Level 2, ang ibig sabihin lang po niyan bumababa ang risk sa lugar na iyon at para mabigyan din ng pagbubukas sa ekonomiya. So, it’s really for the economy and of course dito sa sektor na matagal nang hindi nakalabas ‘no, like iyong kabataan, for their mental health, importante po iyon.
But we always remind na ito po ay para ekonomiya pero ang virus ay nandiyan pa kaya ho kahit anong alert level pa iyan, kahit mag-alert level 1, iyong ating MPHS (minimum public health standard) ay hindi ho talaga bibitawan iyan, iyan po talaga. It is a requirement kahit anong Alert Level System.
So, iyong pag-iingat – pagsusuot ng mask, iyong distancing, iyong iwas and ensuring proper, very good ventilation sa mga saradong lugar, enclosed na lugar, iyan po ang mga critical elements na hindi ho mawawala as a requirement po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sinabi nga po na posibleng makabawi na rin ang ekonomiya ng bansa. Pero, Secretary, nasa magkano po iyong inaasahang itataas sa kita ng bansa dito po sa pagpapatupad ng Alert Level 2 sa Metro Manila at ano rin daw po iyong inaasahang epekto nito sa ekonomiya sa huling quarter ng taon?
DTI SEC. LOPEZ: Opo. As you know, ang report po ng NEDA kahapon or the other day ay at least iyong third quarter medyo higher than expectations ‘no, 7.1% growth. It is a continuation of a positive growth also coming from the second quarter na 12% growth. Kaya lang naman nagkaiba rin iyan, of course, nag-iba rin iyong base, tumaas na ang base noong third quarter of last year, kaya 7% growth.
But given that, itong year to date po natin, actually, 4.9% na ang growth ng ating ekonomiya. Ibig sabihin, this 2022, January to September ay 4.9%. Very likely po na mahi-hit na natin ang 5% growth for 2021. Dito po sa aking computation, we only need to hit 5.3% growth sa fourth quarter para maabot natin iyong 5% full year. Or to hit a 5.5% full year, we need to grow 7.1% sa fourth quarter.
So, iyan po iyong mga potential na puwede nating maabot. In other words, the economy can grow between 5 to 5.5% for the full year 2021. And if that happens, iyong pag-2022 natin, we only need to hit 4.8% growth of GDP para maabot na natin iyong GDP level noong 2019. Ibig sabihin, makabalik na tayo sa pre-pandemic level. That’s a recovery! Nakabalik na tayo sa pre-pandemic level ng 2019, kapag ma-hit natin kahit 4.9% lang of 2022.
Kapag ang mga targets po na tinitingnan ay 6% to 7%, so, ibig sabihin talagang masu-surpass na niya na iyong 2019 level sa 2022. Sa ngayon po sa ating talaan, iyon nga po, iyong year-to-date natin ay 4.9% but if you look into the level versus 2019, it’s still down by about 5.7%. So, hindi pa rin natin na-recover pa iyong 2019, kaya sinasabi ko 2022 really is the year of recovering back the 2019 level.
And the prognosis, maganda po because starting October which is the fourth quarter talagang nandiyan na po iyong bumaba na tayo sa Alert Level 3, Level 2 at more reopening, more sectors that are allowed to open at higher percentage operating capacity. So, ibig sabihin po niyan magtutuluy-tuloy na po sana ito at with more vaccine rollout, tumataas po ang vaccinated rate, almost 100% na dito sa NCR pati sa ibang lugar din ay inihahabol, nagka-catch up sila at saka iyong mga ibang probinsiya. So with that and plus iyong medicines, iyong mga therapeutics, pharmaceuticals, madali ng gumaling ang magkaroon ng COVID at hindi na maging severe and critical. Sa ganoon mababawasan na ang mga cases na nasa ospital at ang mga mamamatay.
And with that, mas magiging tuluy-tuloy na po ang iyong pagbabalik natin sa malakas na ekonomiya and recovery remembering that prior to the pandemic, we were the second fastest growing economy – 6.6% growth ang ating ekonomiya, second fastest in Southeast Asia.
I’m happy to say also we’re the fourth fastest, fourth biggest recipient ng FDI (Foreign Direct Investment) ‘no. Even now, even during the time of pandemic, our FDI has been growing, 43% versus last year and growing 30% versus 2019, higher than pre-pandemic ang ating foreign direct investment.
So, hindi po totoo na ang Pilipinas nahuhuli sa mga ganitong bagay, sa investment. Ang exports ay 20% growth po year-to-date, higher also than 2019 pre-pandemic level. Hindi lamang sa 2020 na pandemic, higher also than pre-pandemic level or 2019, higher by almost 10% ‘no, itong exports po natin.
So again, very good signs. These are all inputs to GDP, the investments and also iyong exports. And of course alam na po natin, kapag may investment, may trabaho. So, mas maraming trabahong makakabalik, makakapasok. We need all these investments para mas maraming trabaho at makaka-improve sa ating poverty level. Mas maraming mamamayan natin ang may trabaho. Remember, isang trabaho makakaligtas iyan sa pamilya out of poverty.
So, iyon po, napakaganda ng ating mga indication. Sa Pilipinas po iyan, totoo pong nangyayari iyan base po sa ating mga data.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pero anu-ano daw pong sektor ang may pinakamalaking contribution dito po sa 7.1 GDP growth?
DTI SEC. LOPEZ: Of course, ang malaki pong tumutulong dito sa ating sector of course sa ngayon po ay services at saka manufacturing industry. At saka dito naman po sa mga manufacturing, a big part of manufacturing, as you know, biggest export group natin, lahat ng mga electronics, mga technology businesses.
Electronics account for over 60% — 62% of total exports. Malakas po ang growth ng ating electronics sector. Nandiyan din po iyong mga processed agriculture products, kasama rin po iyan. Of course, some mineral products ‘no, pero ang malaki rin po itong mga electronics at iyong processing/manufacturing sector.
USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo nga, Secretary, na maganda rin po iyong ating foreign direct investment ano po. Pero papaano daw po ang hakbang na gagawin ninyo para po mas mahikayat pa ang dagdag na foreign investment sa ating bansa?
DTI SEC. LOPEZ: Thank you, Usec. Rocky. Actually, ongoing kahit noong pandemya, tinuluy-tuloy po ng Duterte Administration ang pagreporma sa maraming bagay-bagay dito sa ating economic environment.
Naalala ninyo iyong ipinasa iyong CREATE, iyong Corporate Recovery and tax Incentive Act na kung saan napababa ang corporate income tax rate, so panghikayat iyan sa investors. Maraming SMEs din ang natulungan diyan kasi iyong 30% corporate income tax rate ay magiging 20% para sa SMEs at magiging 25% para sa large enterprises. Napalawak din at napadami ang mga sektor at maraming taon of income tax holiday, four to seven years ang income tax holiday at mayroon pang mga ibang insentibo. So, it’s a good investment incentive regime.
Pangalawa po ay ongoing na po iyong mga discussions sa Senate. Ang balita ko po naipasa na rin sa Senado ang RTLA, iyong Retail Trade Liberalization Act na isa-submit po sa Presidente o kung hindi man ay baka bagong submitted ngayon sa Malacañang para sa Presidente para pirmahan.
Nandiyan po iyong iba pang reporma, sa Public Service Act pati sa Foreign Investment Act na kung saan ay makakapaghikayat pa ng mas maraming foreign investors dito sa ating bayan.
Moving forward, ito po iyong inaasahan nating mga major reforms dahil ang mga foreign investors ito lang ho ang tinitingnan na mga reporma na hinihintay nila and of course banking also on the very good economic fundamentals ng ating bansa.
The fundamentals I was speaking of – the fast growth rate, our entry into FTAs kaya importante ho iyong RCEP. Kasi ‘pag may part tayo ng isang free trade zone, ang mga investors dito maglu-locate to be able to sell to the markets of all those participating in the free trade area so very important po ‘yan – sa mga FTAs natin – very important din po ‘yung mga investment promotion that we are doing, very important din iyong dami ng tao dito sa Pilipinas which is a good market also for these investors. We have 110 million – out of the 110 million population, 49 million manpower resource ‘yan, mga nagtatrabaho/workers na hinahanap din ng mga investors.
As you know in other countries, hindi po lahat ng bansa ay maraming talents or labor—or workforce. Dito sa Pilipinas, they all these and bulk of our 800,000 annual graduates are those in the science and technology, engineering and math, STEM ‘no, STEM graduates. And so ibig sabihin marami silang puwedeng makuha ditong workers if they will locate their investments here at dito sila mag-o-operate especially if they’re looking for mga engineers, mga technology innovation oriented mga workers, nandito po iyon.
We’re not talking of cheap labor, we’re talking of high value workforce that is present here in the Philippines and being recognized a good source of all these talents. Pilipinas po ang nari-recognize diyan. So there are—hopefully we can just improve the investment environment para talagang tuluy-tuloy makahikayat nang mas maraming pang foreign investors at investments would mean jobs.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong ko lang po iyong ilang tanong na ipinadala ng ating kasamahan sa media. May tanong po si Raffy Ayeng ng Daily Tribune: Allowed na po ba ang mga bata sa mga malls as long as kasama nila ang kanilang mga magulang pero bawal pa rin po sila sa public transport. Is there a way na mawawala po ang ganitong guidelines na ipinag-uutos ng DOTr?
DTI SEC. LOPEZ: Sa huli ko hong narinig sa polisiya na iyan ay hindi naman ipinagbabawal ang minor sa public transport. Siguro kailangan ma-correct iyong information na iyon, nilinaw po iyan ng—narinig ko DOTr mga 2 or 3 days ago, nilinaw po iyan.
So hindi bawal sa public transport in the same way na kasi accepted or ina-allow naman sila sa mga public places ngayon basta kasama ang adult lalo na ‘pag indoor, vaccinated adult.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong po si Cleizl Pardilla ng PTV: Ano po ang masasabi naman ng DTI sa ‘no-vaccine, no tiangge’ proposal this holiday season? Kung DTI po ang magdi-decide, okay lang ba daw po sa inyo ito at bakit?
DTI SEC. LOPEZ: No-vaccine, no-tiangge – ngayon ko lang narinig ‘yan. Pero ang prinsipyo ho kasi natin sa vaccine sa ngayon is really ‘pag indoor talagang niri-require natin iyong customers vaccinated. Bakit? Kasi po we’re really trying to prevent iyong transmission ‘no and we know very well—at saka ang vaccinated alam natin na kung sila man ay—for the safety ‘no, kung sila man ay matamaan ng COVID ay hindi ho sila maging malala ang kaso o hindi maging severe and critical.
Kaya po at least diyan po sa—‘pag indoor it’s already a requirement. Pero ‘pag outdoor, we don’t have to require that. Ang polisiya po ng IATF, vaccinated and unvaccinated are both welcome. So depende ho sa lugar, kahit anong activity ‘yan depende ho sa lugar.
Ngayon kung pag-uusapan naman ay iyong vaccinated requirement let’s say sa trabaho, again hindi po natin sina-suggest na gawing requirement ‘yan. Ang atin pong sina-suggest ay gawing insentibo ‘yan, gawing preference. In other words kung mag-a-apply tayo ng trabaho ay puwedeng ilagay naman ng kumpanya, they are free to do that – may prerogative sila, imbes na government magsabi, companies can also give a prerogative na to hire only health people or vaccinated people. ‘Di ba mayroon tayong mga physical/medical test ‘pag nag-a-apply sa mga opisina, ganiyan din po iyon, puwede nilang gawing preference, preferably vaccinated.
So at least sa maraming nag-a-apply ay preferred nila iyong vaccinated at I’m sure mayroon din silang mga requirement na let’s say hindi mapunuan ng vaccinated, puwede rin silang ng unvaccinated – nasa sa kanila po iyon. But it can be made as a preference, kumbaga may additional point ka for hiring kung ikaw ay vaccinated.
Ganoon din sa ‘pag existing workers, hindi nila puwedeng paalisin kapag hindi vaccinated pero puwede silang maglagay ng mga incentives para doon sa mga vaccinated para mahikayat iyong unvaccinated na magpa-vaccine na din. So insentibo, lets’ say sa promotion – mas may merits, positive merits ka ‘pag vaccinated and the like ‘no, other incentives that they can think of for the vaccinated employees.
USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang, Secretary, dahil malapit na daw po ang Kapaskuhan. Iyon daw pong ating noche buena items, iyong presyo, mananatili po bang matatag ito o magkakaroon nang pagtaas? Kung mayroon man po, mga magkano daw po?
DTI SEC. LOPEZ: Oo. I would say relatively matatag or stable ito dahil nagsabi na iyong mga manufacturers – more than half ng ating mga SKUs or iyong mga stock keeping unit – ibig sabihin iyong sa bawat brand may iba-ibang sizes, may iba-ibang flavor. Lahat po ‘yan binilang ho natin at more than one-half ay nagsabing hindi magtataas ng presyo at iyong iba ay magbababa pa ng mga SKUs nila. And there is—it’s a good representation, may mga hamon doon, quezo de bola – lahat noong noche buena – pasta, sauce, fruit cocktail… ito po ay mga brands na mga hindi magtataas din.
Kaya ho ang mungkahi ng DTI, ang aming ipu-promote at ipa-publish itong mga SKUs na ‘to, ang mga brands na ‘to na mga hindi magtataas para talagang ma-promote natin sila.
May choice ang consumer, iyon ang bilhin nila; huwag na nilang bilhin iyong nagtaas ang presyo. Hindi natin maiwasan may magtataas po diyan pero ang ni-require naman namin doon sa magtataas hindi lalagpas ng 3%. So iyon po ang aming ginawang requirement dito para doon sa mga nagtitinda ng noche buena products.
So hindi rin—mas mababa pa iyong 3% kaysa sa inflation rate na 4% ‘no; so at least magiging manageable iyong pagtaas ng mga ilang produkto.
But again reminder, more than one-half po ang hindi magtataas so doon an tayo sa mga hindi magtataas, may option po tayo as consumers.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong impormasyon at pagsama sa amin, Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez. Sir, salamat po!
DTI SEC. LOPEZ: Thank you po. Salamat po, Usec. Rocky!
Samantala, puntahan naman atin ang ilang sa Christmas shopping areas ng bansa para alamin ang lagay ng bentahan at maging galaw ng mga tao ngayon. Nasa Divisoria po sa Maynila si Cleizl Pardilla. Cleizl…
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Cleizl Pardilla.
Ngayon pong panahon ng pandemya, marami po ang nawalan ng kita, kaya’t nagpaplano na lamang umuwi ng probinsiya para doon ulit makapagsimula. Ang pamahalaan po ay may alok namang tulong at suporta para sa kanila, sa ilalim po iyan ng Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program. Para pag-usapan iyan makakasama po natin si Miss Agnes Agay, Group Manager ng Management Services Group ng National Housing Authority. Good morning po, Miss Agnes?
NHA HEAD SECRETARIAT AGAY: Good morning po, Usec. Rocky and good morning po sa lahat ng nagsusubaybay po sa ating programa.
USEC. IGNACIO: Opo. Miss Agnes, last year ng sinimulan po itong Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program ano po. As of today, ilan na po iyong nakapag-avail ng serbisyong ito?
NHA HEAD SECRETARIAT AGAY: Just a brief background, Usec. Rocky. The program talaga, itong BP2 program ay napirmahan based on an Executive Order by President Duterte in May 2020. At ito ay naglalayon na magbigay, matiyak ang kasiguraduhan sa trabaho, maitaguyod ang proyektong pang-industriya sa kanayunan, in our countryside at mapaunlad ang pamumuhay ng bawat pamilyang magnanais na bumalik sa kanilang home provinces. So, we really want this program to be self-sustaining at dahil ito ay isang bahagi ng strategy of government para magkaroon ng balanseng pag-unlad sa lahat ng ating rehiyon.
So to date, we have already dispatched po, mga 390 beneficiaries with family members as of October 28, 2021. In fact, currently as of today, mayroon po tayong ongoing dispatch operations doon po sa BP2 dito po sa Agham Road, Quezon City. At may mga pamilya po tayong ipapadala sa Cebu at sa Bohol.
USEC. IGNACIO: Opo. Alam ninyo, Miss Agnes napakalaking tulong po ito dito sa ating mga kababayan na talagang nais na lang magbalik-probinsya. Pero kumusta naman po ang sitwasyon ng mga BP2 beneficiaries? Nasu-sustain naman po ba iyong livelihood programs at tulong ng pamahalaan makalipas po ang isang taon?
NHA HEAD SECRETARIAT AGAY: Yes. Lahat po naman ng mga counterpart agencies sa regions, they do their own monitoring sa mga beneficiaries natin because this is a long term program. So, hindi lang naman po iyong one time assistance ibinibigay natin sa kanila. In fact, like for example, DSWD po, binibigyan iyong mga beneficiaries po na wala silang talagang bahay doon, but nakikitira muna sa mga kamag-anak ay binibigyan po ng rental assistance. So ongoing po ang monitoring natin sa mga pamilyang ito. Other than that po, iyong mga DOLE and DTI, they provide and they linked these beneficiaries para ma-empleyo or kung anuman iyong puwedeng trabaho na maibibigay doon sa kanilang areas. TESDA po is continually providing them with trainings. Depende po doon sa skills na nilagay nila at indicated nila doon sa application nila, and DepEd naman po nili-link sa mga schools at saka sa kanilang mga anak ‘no, iyong mga anak ng beneficiaries natin.
Lately po, we have a tie up with Jaime Ongpin Foundation na mag-provide po ng around 500 mobile tablets for the students po, ito iyong mga anak ng mga benepisyaryo natin at 50 units on desktop computers. So the desktop computers po ay [ibibigay natin ito] sa LGUs so that it will help them in their monitoring of our beneficiaries, ganiyan po ang ating ano. And the Jaime Ongpin Foundation also will be providing us with an ambulance po na we can use in our dispatch operations for emergency cases. Ganoon po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Miss Agnes, may request lang po si Tuesday Niu ng DZBB: Kung puwede daw pong pakiulit kung ilan po iyong mga napauwi na as of October 28, kasi po ay nag-garbled daw po iyong audio ninyo kanina. Salamat po, Miss Agnes.
NHA HEAD SECRETARIAT AGAY: Usec, we have napauwi natin, about 390 beneficiaries with family members as of October 28 po.
USEC. IGNACIO: Opo. Miss Agnes, kayo po ba daw ay tumatanggap pa rin ng applications, para po dito sa Balik Probinsya. Natatandaan ko po kasi na pansamantala po itong nagbigay daan dito sa Hatid-Tulong, para po sa mga na-stranded na LSI po na nandito sa Metro Manila?
NHA HEAD SECRETARIAT AGAY: Yes, Usec. Rocky, it’s a continuing, nagtatanggap po kami, continuing po iyong applications. Mag-log in lang po sila sa BP2 website natin, iyong www.balikprobinsya.ph. At tuluy-tuloy po, ang NHA po as being the Secretariat for the program, kami po iyong tuluy-tuloy na bine-verify po itong mga beneficiaries na ito at lahat po ng applications nila, we give it to DSWD kung saan naman po lalong ina-assess iyong eligibility nila to the program. So, ganoon po, tuluy-tuloy po ang ating application. They will just have to go to our website, iyong sinabi ko na pong website, www.balikprobinsya.ph.
USEC. IGNACIO: Miss Agnes, ito po iyong parating tanong sa atin ng ating mga kababayan: Gaano katagal po daw iyong maaaring hintayin ng mga nag-file ng applications sa BP2. Iyong iba raw po kasi last year pa nag-apply. Mayroon na rin daw pong nakauwi na sa kanilang probinsya. Pero saka lamang daw po sila nakakatanggap ng tawag?
NHA HEAD SECRETARIAT AGAY: Iyon na nga ang nagiging challenge din natin ngayon. Because we are waiting for the LGUs, their confirmation, their acceptance of these beneficiaries. So, sila ang hinihintay natin. But we closely coordinate with them. In fact, to date, based on the applicants, ongoing po lahat ng coordination namin based on the number of applicants kung saan po talaga nila gustong bumalik in terms of provinces. We are now coordinating with about 28 provinces and by next year po, aakyat ito to about 85 provinces.
USEC. IGNACIO: Opo. Ngayon pong marami-rami na sa Metro Manila ang nabakunahan na, Miss Agnes. May pagbabago po ba sa requirements at proseso para po sa mga umuuwi nating kababayan? Nagkaroon din ba kayo ng pag-uusap or coordination po sa mga LGU tungkol dito?
NHA HEAD SECRETARIAT AGAY: Istrikto po tayo, istrikto po tayo lagi sa ating quarantine protocols and all the health protocols na kailangang i-undergo ng mga beneficiaries. Noong una, we were implementing a 14-day quarantine, pero home quarantine for our beneficiaries, pero ito po ay ini-implementa lamang natin kung niri-request po ng receiving province of LGU. At lahat naman po sila will undergo an RT-PCR test po dito sa ating depot bago po sila paliparin or papuntahin sa kanilang home provinces.
In fact po, iyong coordination natin, this program really would entail a very close coordination po with our local government units. So even prior to the dispatch nagku-coordinate na po tayo sa mga receiving LGUs. We informed them that these are the numbers and upon na-vet na po ng DSWD that they are qualified, we coordinate closely and we require to submit po their letter of acceptance na talagang tatanggapin po nila itong mga beneficiary.
So, for the past year po, we have already iyong mga beneficiaries natin ay nakauwi na sa Leyte, sa Iloilo, sa Isabela, Camarines Sur, Negros Occidental, Davao Del Norte at Camiguin. So this time po, iyong ongoing dispatch operations natin sa depot, mayroon po tayong pauuwiin na mga beneficiaries naman po natin sa Cebu at Bohol.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Miss Agnes, mayroon po ba kayong paraan para ma-monitor kung may bumabalik pang beneficiaries dito sa Manila? In case mayroon po, ano po ang ginagawa ninyo pagdating sa ganitong sitwasyon?
NHA HEAD SECRETARIAT AGAY: So far po, wala pa naman po kaming report from our end ‘no or nari-report ng LGU or our counter agencies for that matter. So, pero definitely po this will be a task kasi para naman po in the coming weeks magkakaroon ng program assessment and this will be one of the challenges and the issues that we have to be addressed, it would be a risk factor.
USEC. IGNACIO: Opo. Miss Agnes, kumustahin ko na rin po iyong housing construction ng NHA sa pilot village ng mga BP2 beneficiaries sa Lanao Del Norte. Kumusta na po iyong proseso sa ilalim ng nasabing proyekto.
NHA HEAD SECRETARIAT AGAY: Yes USec. Rocky, itong really, this is the pilot BP2 housing projects natin. Naumpisahan ito sa Kauswagan ‘no, dito sa Kauswagan, Lanao Del Norte. So, ang ano po nito ay magbi-build po tayo dito ng about 100 housing units, ipa-flash ko ngayon, kung titingnan ninyo this is about 2 bed rooms in a 80 square meter lot and 30 square meter floor area.
So, ang commitment po ng Regional Manager sa Region po ng Lanao, dito po sa Lanao is that this will be physically completed po, magiging physically completed po by the end of the year.
USEC. IGNACIO: Opo. Miss Agnes, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagbibigay impormasyon. Ma’am Agnes Agay, ang Manager ng Management Services Group ng National Housing Authority. Maraming salamat po Miss Agnes!
NHA HEAD SECRETARIAT AGAY: Thank you USec. Rocky, at salamat po sa lahat.
USEC. IGNACIO: Samantala, ibinaba na ng pamahalaan sa Alert Level 3 status ang bansang Iraq mula sa dating Alert Level 4 kaya pinapayagan na rin po ang pagbabalik doon ng ating OFWs. Bukod diyan inaasahan tatanggap na rin po ng foreign workers ang bansang South Korea, iyan naman po ang usaping hihimayin natin kasama po natin si Attorney Bernard Olalia, ang Administrator po ng Philippine Overseas Employees Administration. Good morning, Attorney.
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Good morning po USec., good morning po sa mga nakikinig din po at nanunood sa inyong programa.
USEC. IGNACIO: Opo. Welcome back sa Laging Handa. Attorney, noong nakaraang linggo lamang po ay atin ng ibinalita mula po 4 to 3 ang Alert Level sa bansang Iraq dahil sa bumubuting sitwasyon dito. Ano na po ang magiging epekto nito mula sa ating ipinatupad na total ban noong 2020 sa nasabing bansa?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Opo. Napakagandang development nito no, iyong pagbaba ng alert level sa bansang Iraq [garbled] ay nag-issue ang POEA [garbled] o resolution para po ipa-announce sa ating mga kababayan na ang mga balik manggagawa or iyong return workers papunta po sa bansang Iraq ay puwede ng bumalik at iyong nasa Iraq naman po ay puwedeng magbakasyon sa Pilipinas ngayong December dahil Christmas season po at dahil napapanahon po na bigyan naman natin ng pagkakataon iyong mga matatagal na nating mga kababayan na nasa abroad [garbled] na nasa bansang Iraq na makauwi at makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, dahil papayagan na nga pong muli ang pagdi-deploy ng OFW sa bansang Iraq, naglabas po ng isang ngang resolution ang POEA hinggil dito. Pakibahagi naman po sa amin iyong nilalaman ng nasabing resolution lalo na kung sino po ba iyong exempted sa umiiral na ban at ano din po iyong kailangan nilang i-comply para po mag-qualify dito sa exemption requirements kung mayroon man po.
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Tama po kayo USec. Rocky. Unang-una, iyon pong alert level at tayo po ay nag-isyu nga ng resolution, nakalagay po doon malinaw [garbled] na ating papayagan ang mga new hires ‘no, iyong mga bagong OFWs. Ang papayagan lamang po ay iyong mga return OFWs o iyong mga tinatawag nating balik manggagawa.
Sila po iyong may existing and live employment contracts at sila po ay pupunta ng Pilipinas para magbakasyon o di kaya sila po ay naririto po at babalik muli sa kanilang mga employers po doon.
Ang mga requirements po ay kinakailangan pong isumite sa amin pong tanggapan o doon po sa aming POLO or embahada or embassy sa Pilipinas doon upang sila ay mabigyan ng certification na sila po ay makakauwi at makakabalik sa Pilipinas.
Pangunahing mga dokumento rito, kailangan patunayan nila na sila ay may existing contract, iyong kanilang kontrata, iyong mga kontrata ipakita po nila at isa pa pong napaka-importante rin, mayroon pong certification o plano iyong kani-kanilang employer kung papaano sila tutulungan in case na magkaroon po ng problema. So, ilan lamang po iyon sa mga dokumento na kailangan-kailangang ipakita para po ma-avail nila iyong magiging pagbabalik or pagiging BM po nila o balik manggagawa.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ilan naman po iyong inaasahan natin na muling made-deploy sa bansang Iraq dahil nga po sa pagbaba ng alert level status at saan-saan po mga sektor o industriya nabibilang iyong karamihan sa kanila at kailan daw po mag-uumpisa ang muling pagdi-deploy sa kanila sa ilalim po ng Alert Level 3 status?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Opo. USec. Rocky, ang Alert Level 3 po kasi, ito po iyong tinatawag na for voluntary repatriation na kung saan hindi muna papayagan ang new hires ‘no [garbled]. Iyong mga balik manggagawa, iyong dati na pong mga OFWs na nagtatrabaho doon at mayroon po silang kontrata.
Malaking bilang po ito at karamihan po ay mga skilled at saka professional workers natin. Sila po ay nagtatrabaho sa mga international organization, sa mga entities po na may mga inu-offer na trabaho doon katulad po ng mga engineers, iyong mga consultant at iyong iba-ibang pang mga skilled at key professional natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Bukod po sa bansang Iraq, pinapayagan din po muli iyong mga, Attorney, pagdi-deploy sa South Korea dahil sa pagluluwag dito ng restrictions. So, gaano po karaming kababayan natin ang nasa ilalim ng entry permit system or EPS na maaari pong makinabang sa pagbabalik ng nasabing deployment, Attorney?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku, tama po kayo. Ang kagandahan nito pagka nagsimula ang pagbubukas ng mga [garbled] destination markets natin sunud-sunod eh. [Garbled] hindi lamang po South Korea ang nagbigay ng abiso na sila ay magbubukas, nandiyan din po ang bansang Japan, nandiyan rin po ang bansang Taiwan.
Ang bansang Korea po ay nag-abiso na, na sa simula po ng katapusan ng November, tatanggap na po sila muli ng ating mga OFW na naantala ang pag-alis noon pa pong nakaraang taon dahil din po sa pandemya. Pinakamarami po rito iyong mga new hires po natin at saka iyong [garbled] natin ang EPS o iyong employment permit system no.
Kinakailangan lamang po may ipakikita silang CCV, ito po iyong Certificate of Confirmation of Visa. Importante po ito para sila po ay makapag-proseso na at makapag-isyu na po ng OEC ang atin pong ahensiya para sa patuloy na pagbalik ng ating mga OFWs at lalung-lalo na iyong mga new hires papunta po ng South Korea.
At ipaalala ko rin po no, importanteng mag-comply po tayo doon sa mga strict regulations nila o pagdating po sa quarantine at sa COVID protocols, iyong mga negative PCR-Test o iyong mga kinakailangan mag-undergo po sila ng quarantine protocol, napakaimportante po noon. Pero, ang pinakamahalaga po dito, lahat po iyan ay libre at babayaran po ng mga foreign employers.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa usapin naman po ng deployment pa din ano po. Naabot na po ba ng bansa itong 6,500 ceiling para sa pagdi-deploy ng ating mga health care workers para po sa kasalukuyang taon at mayroon na rin po ba tayong request sa IATF na ito’y dagdagan bago po matapos ang taon?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Yes po, Usec. Rocky ano. Unfortunately, dahil nga po mayroon tayong ipinapatupad na cap, na ayon po sa IATF resolution, na sinusunod po ng POEA bilang implementing body ay naabot na iyong 6,500 nito pong unang linggo ng November 2021.
Ang ibig sabihin po nito, mula Enero, January 21 hanggang first week of November 2021 nasa 6,500 na po iyong ating nai-deploy na HCWs. Sila po iyong mga nurses, nursing assistant at saka mga nursing [unclear] po natin ano. Ang ibig pong sabihin nito, ihihinto natin ang pagpuproseso sa hindi po sakop ng mga exempted categories.
Iyong matagal na exempted categories, ito po iyong tulad ng deployment natin sa government plan natin. Mayroon po tayong dini-deploy na mga nurses under the KSA agreements sa Kingdom of Saudi Arabia, papayagan po natin iyon sa SRO natin.
Papayagan din po natin iyong deployment natin sa Germany under the Triple Win Project no, papayagan din po natin iyong deployment natin for nurses for Japan, under the EPA, iyong employment permit project po natin doon ano. Ito po iyong mga bansa na kung saan mayroon tayong Bilateral Labor Agreements at papayagan din po natin iyong deployment natin na mga Balik Manggagawa Health Care Workers.
Sila po iyong uuwi ngayong Pasko at sila po ay may mga babalikang employers at kaya dahil doon hindi po sila sakop ng cap. Ang kagandahan po nito, ito naman pong cap na ito ay hanggang December 31, 2021. So, pagsimula po ng Enero 2022, panibago na naman pong bilang iyong ating susundin sa cap no.
Ang TWG-MCS natin or iyong Technical Working Group Mission Critical Skills ay nagka-conduct po ng regular assessment para po tingnan iyong datos kung ano po iyong pinaka-mainam na rekomendasyon po nila sa IATF at sila po ay nagsumite na ng kanilang recommendation at pinag-aaralan po ng ating mahal na Secretary iyon kung pupuwede na pong luwagan dahil po sa mga recent developments.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, isa lang pong mabilis na sagot, may pahabol po kasi na tanong si Sam Medenilla ng Business Mirror para sa inyo: Ano daw po iyong example ng incentives na ipu-provide ng POEA sa mga ethical recruiters under the National Action Plan for Ethical Recruitment? Kailan po kaya mag-start ang POEA mag-extend ng nasabing incentives to qualified beneficiaries?
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Opo. Alam ninyo po iyong National Action Plan na binabanggit po ng kasama nating si Sam, kasalukuyan pong nagkakaroon ng pagpupulong ngayon para po doon sa pag-i-implement ng national action plan nga para po makakuha tayo ng tinatawag nating fair and ethical recruitment.
Ang isa po sa mga incentives na iniisip diyan siyempre iyon pong bigyan natin ng incentives iyong mga foreign employers at saka iyong mga PRAs (Philippine Recruitment Agencies) natin na nagku-comply sa ating mga POEA rules and regulations lalung-lalo na iyong provision po ng ating batas para po sa ating migrant workers natin.
Halimbawa po iyong kanilang lisensiya, ito po ay 4 na taon ay puwede po natin bigyan ng extension na automatic dahil sila naman po ay may good track record. Ang ibig sabihin hindi nila pinapabayaan ang kanilang mga dine-deploy na mga OFWs, patuloy po silang nagmu-monitor at patuloy na tinutulungan iyong mga OFWs na na-deploy nila sa ibang bansa. Ilan lamang iyan po doon po sa mga iniisip natin na mga incentives para po i-promote iyong tinatawag na fair ethical recruitment.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong impormasyon at panahon, Attorney Bernard Olalia, Administrator ng Philippine Overseas Employment Administration.
POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Salamat din po, Usec. Ingat po tayong lahat.
USEC. IGNACIO: Patuloy po ang pag-iikot ni Sen. Bong Go, sa mga Malasakit Center sa bansa para bisitahin ang mga benepisyaryo nito at personal na maghatid ng tulong at pasasalamat sa mga medical frontliners. Kamakailan ay sa Malasakit Center sa Antipolo nagtungo ang kaniyang team para po mamahagi ng ayuda. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.
Mga kababayan 44 days na lamang po at Pasko na.
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po ulit tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)