Press Briefing

Press Briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang

SEC. ROQUE: [TECHNICAL PROBLEM] … binili po ng ating pamahalaan, habang kahapon ng umaga, November 10, ay dumating naman po ang tatlong milyong doses ng Sinovac vaccine na binili po ng ating pamahalaan. At tulad ng una kong sinabi, dumating din po ang 793,900 AstraZeneca vaccine doses na donasyon ng bansang Alemanya sa Pilipinas through COVAX. Maraming salamat po sa bansang Alemanya.

Marami na po tayong supply, wala na pong dahilan para magsabi na wala pong bakuna o kulang ang bakuna kaya hindi nagpapabakuna. Anuman ang brand, ligtas at epektibo lahat ng ibinigay nating bakuna dahil lahat po iyan ay pumasa hindi lamang po sa ating FDA pati na rin po sa World Health Organization.

At para lalo pang mapataas ang ating vaccination rate tulad nga po ng una kong nabanggit dito, magkakaroon po tayo ng National COVID-19 Vaccination Day. Tatlong araw po ito ha, ang National COVID-19 Vaccination Day na gaganapin mula November 29 hanggang a-uno po ng Disyembre; target nating mabakunahan ang labinlimang milyong katao. Bayanihan po ang konsepto natin dito kung saan ang kooperasyon ng lahat ay kailangan. Makakasama natin ang buong pamahalaan kasama na ang mga LGUs, Sandatahang Lakas, at Pambansang Kapulisan, ang medical community pati na po ang religious organizations.

Mamaya ay makakasama natin si Dr. Kezia Rosario ng Secretariat ng National Vaccination Operations Center para pag-usapan ang mga detalye ng ating National Vaccination Day.

Samantala, magandang balita pa rin po ha: Mayroong lampas isang milyon or 1,052,500 ang nabakunahan kahapon. Nasa 66.8 million na po ang total vaccines administered sa buong Pilipinas as of November 10, 2021, iyan po ay ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Sa bilang na ito, nasa 39.51 na po, halos kwarenta porsiyento na or 30.4 million ang fully vaccinated. Congratulations Metro Manila ha, 100% na po ang nakatanggap ng first dose, samantalang 91.1% na po ang fully vaccinated.

Tara na po at magpabakuna ha, ang mga kabataang may edad dose hanggang disisiete ay maaari na pong bakunahan kontra COVID-19. Ibigay ang regalo ng proteksiyon sa buong pamilya. Iparehistro lamang ang inyong anak sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa inyong LGU o vaccination site para makakuha ng schedule para po sa bakuna. Dalhin ang mga sumusunod sa araw ng appointment: Una, iyong dokumento na nagpapatunay ng relasyon ng anak sa magulang tulad ng birth certificate, baptismal certificate at iba pa; pangalawa, valid ID ng babakunahan; pangatlo, valid ID ng magulang o guardian na may litrato ng magulang or guardian. Tandaan ha: Kailangan kasama ang parent or guardian sa vaccination site.

Sa COVID-19 update naman po tayo: Nasa 2,646 ang mga bagong kaso ayon sa November 12, 2021 datos ng DOH. Samantala ha, good news po ito, nasa 4.3% na po ang ating positivity rate eh ang target po natin ay five percent, mas mababa pa ngayon. Congratulations po!

Para po sa kaalaman ng lahat, nirirekomenda ng World Health Organization ang positivity rate ng less than five percent. Ayon sa WHO, kung ang positivity rate ay five percent o mas mataas dito, ibig sabihin nito ay may high virus transmission.

Samantala, patuloy ang pagtaas ng ating recovery rate – nasa 97.4 na po ito, nasa 2,735,508 ang mga gumaling. Samantala, nasa 44,665 po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami. Nasa 1.59% ang ating fatality rate.

Patuloy na gumaganda po ang ating hospital care utilization rate: Sa buong Pilipinas, 42% po ang utilized ICU beds; sa Metro Manila, nasa 40% po. Sa buong Pilipinas, 32% po ang utilized isolation beds; sa Metro Manila, ito po’y 26%. Sa buong Pilipinas, 24% po ang utilized ward beds; sa Metro Manila, nasa 25% po ito. Sa buong Pilipinas, 24% ang mechanical ventilators; sa Metro Manila, ito po ay nasa 23%.

Sa ibang mga bagay: Inaasahang dadalo po ang ating Presidente Rodrigo Roa Duterte sa 2021 Asia-Pacific Economic Cooperation or APEC Economic Leaders’ Meeting via video conference na magsisimula ngayong araw, a-onse ng Nobyembre hanggang bukas, a-dose ng Nobyembre. Inaasahang makakasama ng Pangulo ang kaniyang counterparts sa 28th APEC Economic Leaders’ Meeting chaired po ng New Zealand. Inaasahan din na makikibahagi si Presidente sa APEC Business Advisory Council Dialogue kasama ang iba pang mga lider kung saan kaniyang sasabihin ang posisyon ng Pilipinas sa isyu ng inclusion at sustainability sa gitna ng kinahaharap na pandemya at climate change.

At sa ibang mga bagay, magandang balita pa rin po: Mas dumami po ang dayuhang namumuhunan sa bansa. Foreign Direct Investment or FDI inflows from January to August of this year, according to the Bangko Sentral ng Pilipinas, reached 6.4 billion – an increase of 39.7 compared to the 4.6 billion net inflows of January to August of last year. Let us therefore continue to ramp up our vaccination. Palakasin ang pagbabakuna nang sa ganoon po ay makapagbalik-buhay para sa hanapbuhay ang lahat.

Dito po nagtatapos ang ating briefing ha. Kasama po natin ngayon si Dra. Kezia Rosario ng National Vaccination Operation Center para bigyan tayo ng detalye doon sa gagawin nating National Vaccination Day. Dok?

NVOC DR. ROSARIO: Magandang umaga po sa lahat and to all the viewers po ng ating programa. We are thankful po na nakasama kami ngayon dito sa Laging Handa briefing (sic).

The National Vaccination Operations Center is very thankful po sa efforts ng lahat na nationwide sa pagbabakuna. However, may ilalaan din tayo ng special days na i-ramp up pa natin iyong pagbabakuna para talaga lahat tayo ay protektado pagdating na ng December.

So konting presentation lang po natin on the COVID-19 Vaccination Day na pinaghahanda po ng gobyerno so in partnership with everyone. So iyong proposal po natin, ang konsepto talaga nito is iyong bayanihan concept in which tayong lahat ay sama-sama sa pagtugon ng call na tayo po ay magbabakuna on certain days ‘no. While we know na marami na pong bakuna sa bansa, puwede na tayong mag-ramp up talaga ng pagbabakuna.

So ang panawagan ng ating national government is magsama-sama tayo dito sa 3-day campaign para po ma-push pa natin iyong pagbabakuna while we have the—

Napi-feel na natin na tumataas iyong accomplishment natin. Last week pumapalo na tayo ng mga 100,000 and one million doses in a day. Ngayon din, this week [garbled] we expect na for this three days, mas madami pa iyong mabakunahan natin. So we are targeting at least 15 million individuals iyong mababakunahan in three days’ time.

So iyong konsepto ay bayanihan, so sama-sama tayong lahat. We are waiting for the issuance ng ating executive order para ma-declare po itong [garbled] para suportahan iyong pagbabakuna natin for this 3-day campaign.

So iyong konsepto talaga is moving all of the communities, iyong societies, as well as all the government agencies para po tayo makapag-implement ng programa na ito.

Iyong target natin will be around [garbled] a day ‘no so that it will be a total of 15 million for the three-day program tapos sabay-sabay nating i-implement po in all of the regions, sa 16 regions kasama po iyong BARMM. So simultaneous within the three days, gagawin po ito from November 29, 30 at saka December 1. So iyon [garbled]

SEC. ROQUE: Ma’am, nawawala po kayo.

NVOC DR. ROSARIO: [Garbled] po natin is [garbled] while we move all our logistics and [garbled]—naririnig po ba ako? Sorry.

SEC. ROQUE: Go ahead po, go ahead.

DR. ROSARIO/NVOC: I-mobilize lahat ng mga tao natin sa convergence points, una. And ang ating [gagawin is dadalhin] iyong mga tao and communities to this convergence point po para mabakunahan po sila. So, iyong target natin, as we’ve said ‘no, nilatag natin iyong targets per region while the National Capital Region nakita natin kanina na na-reach na po nila iyong targets nila, dahil kaunti na lang iyong kailangan nilang i-accomplish. We will be mobilizing them as well to serve the other regions, the nearby regions.

So, the other regions will have these targets for the five million and then fifty million 3-day target. Ang projected natin na i-mobilize natin na vaccination teams will be around 33,000. Iyong mga health workers natin na i-mobilize is around 170,000 and iyong ii-establish natin na vaccination sites for this three-day campaign will be around 11,000.

So, iyong strategies na gagawin is really to expand and activate iyong mga vaccination sites natin. Mayroon tayong currently ngayon 8,000 na mga active vaccination sites as of November. So, iyong iri-request natin is for all of these sites to be utilized on those days talaga. Kasi ngayon, minsan hindi sabay-sabay nag-o-operate itong lahat ng vaccination sites for the three-day campaign. Gagawin po ito na sabay-sabay po i-activate lahat.

And of course, gagamitin din lahat natin iyong mga schools from DepEd and CHED, iyong mga universities, mga gyms and iyong mga hospital vaccination sites. Tutulong din iyong ating mga private sector for us to utilize iyong Jollibee, McDo food chains, iyong malls, and then iyong mga workplaces.

On the other hand, i-mobilize din natin lahat ng agencies, iyong stakeholders and we’ll issue moratoriums for the other agencies also to participate. So, nakausap na natin iyong mga agencies, na-mobilize na rin natin iyong mga societies, iyong PMA, iyong PNA, iyong [unclear], iyong pharmacists association, iyong PDA, iyong private sector, iyong Red Cross, sila po ay sasama sa activity na ito. Kasama din po iyong mga religious sectors, iyong mga health workers din kinakausap na po natin.

For the logistics, tutulungan po tayo ng ating AFP, PNP, OCD, iyong DOTr, iyong PSG, iyong mga assets ng private sector as well iyong ating mga local 3PL (third-party logistics) providers for us to deliver the vaccines and ancillaries for that day.

And of course, iyong social preparation, pinaghahandaan na din natin down the line. Iyong mga communities natin na puwede silang ma-mobilize on that day and maging willing po sila to participate for the three-day campaign.

So, mag-e-establish din tayo ng emergency control system, iyong governance system para iyong coordination during the three-day campaign will be very effective at saka ma-address iyong tugon nila for more vaccines or iyong mga needs nila for them to operate on the three-day campaign.

So, ipapakita lang namin iyong operations, iyong committees na naghahanda po ngayon sa mga operations na kailangan. So, we have four committees.

The first committee is the operations committee. This will be led by Undersecretary Myrna and these are the following agencies that are involved ‘no. So, hindi lang siya DOH and all the government agencies, kasama na rin po iyong mga asosasyon natin as well as iyong mga private sector.

On the operations, tinututukan natin iyong pag-mobilize ng health workers, iyong volunteers, iyong pag-add ng vaccination sites, iyong pag-train ng mga tao and of course, pag-establish ng ating mga policies.

On the logistics naman ‘no, it po ay nili-lead ni Undersecretary Carol Taiño ng DOH but then these are also participated by all of the agencies whether private like iyong Zuellig Pharma natin and there are also private sector ADB – our development partner – UNICEF, and all the assets of the government, iyong AFP, PNP, OCD and PSG.

Ito iyong roles and responsibilities ng ating logistics to ensure na mapadala iyong logistics sa mga vaccination sites natin.

Sa data management naman, ito po ay iha-handle ng ating DICT Undersecretary Manny Caintic and all of the government sectors including po iyong mga partners natin, including iyong communication partners natin like Globe and Smart, kasama din iyong World Bank at saka iyong private sector. So, titingnan nila kung handa iyong sistema, iyong human resources like encoders, iyong training and capacity building for the new encoders, iyong equipment and connectivity.

So, iyong demand-generation, ito po ay nili-lead ng ating PCOO by Director Duque and all the rest of the agencies na sama-samang magli-lead sa ating demand-generation and communications. Included po dito iyong private sector, iyong ating religious sectors, iyong CBCP, iyong ating mga government agencies like DepEd, DILG, development partners like UNICEF and all the government agencies din po. So, ito iyong mga responsibilities din nila para po ma-mobilize lahat ng mga tao for that activity.

So, these are our updates po for the National COVID-19 vaccination days that would be on November 29, 30, and December 1.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Doktora. So, pumunta na po tayo sa ating open forum. Go ahead Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Good afternoon, Dr. Kezia.

Tanong po mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online: Regarding po daw sa 3-day national vaccination drive, may pasok sa November 29 and December 1st kasi po ‘yung November 30, Bonifacio Day which is a regular? Similar question po ‘yan with MJ Blancaflor ng Daily Tribune.

SEC. ROQUE: Ah, inaasikaso po kung ano magiging desisyon ng Office of the President tungkol diyan; mag-aanunsiyo po tayo.

USEC. IGNACIO: Second question naman po mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: What will Malacañang do about reports that the former information officer of Mayor Duterte was given a preferential treatment and allowed to leave after a drug raid?

SEC. ROQUE: Well correction lang po ‘no, nagkumpirma po ang PDEA na iyong dating information officer ni Mayor Sara ay hindi po kasama doon sa search warrant or kaya doon sa arrest warrant na in-issue para po dito sa buy bust operation na ito. So hindi po talaga siya identified as a key personality dito sa ginawang raid.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po ni Leila: How does it respond to statements that these close to people in power are treated differently from the poor who were killed in drug operations?

SEC. ROQUE: No basis po kasi hindi nga po kasama talaga si Mr. Tupas doon sa raid na ‘yan.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. Ang susunod pong magtatanong via Zoom si Mela Lesmoras ng PTV.

SEC. ROQUE: Go ahead, please.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Roque, at kay Dr. Rosario. Sir, follow up lang din po sa national vaccination day, linawin lang po natin. For Secretary Roque, so ngayon po ba hinihintay sa EO kung ito’y magiging special non-working holidays at kailan kaya malalabas iyong EO na ito?

At kay Dr. Rosario lang po. Para sa mga kababayan nating gustong makilahok, puwede po ba dito iyong walk-in or as early as now may registration process kung gustong ngang makilahok dito sa particular event po na ito, kung gusto nilang magpabakuna?

SEC. ROQUE: Gaya ng aking sinabi, Mela ‘no, ‘antayin na lang po natin ang anunsiyo galing sa Palasyo pero piyesta opisyal po talaga iyong November 30. Doc Rosario?

DR. ROSARIO: Thank you, ma’am, for that question. Sa ating registration po ng ating mga kababayan na gustong magpabakuna on that day, we utilize pa din iyong mga registration ng ating mga local government units. Puwede sila pumunta agad-agad ngayon ‘no to have themselves registered. But then ang—since this activity is malakihan talaga, we encourage walk-ins ‘no na dapat hindi sila ma-deny on those days para magpabakuna. If they are willing po on those days, dapat freely po silang maka-receive ng vaccination at mahikayat natin sila even anywhere they are on that day ‘no na mabakunahan talaga sila.

We also limit iyong mga ini-impose ng ating mga LGUs na requirements on that day ‘no. So as simple as a valid ID will do ‘no, hindi na tayo magri-require nang marami pang requirements except those iyong may mga kailangan talaga ng medical certificate. Other than that po, madali lang po tayong maka-access ng serbisyo on that day—on those days.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay po. Thank you, Doc. Kay Secretary Roque po ulit. Sa mga activities lang po today, I understand may IATF meeting. Ano po iyong ini-expect nating mga agenda? At any time today or tomorrow may inaasahan po ba tayong announcement on face shield or capacity sa mga … bigger capacity sa transportation? Ano po iyong dapat asahan ng ating mga kababayan?

SEC. ROQUE: Pag-uusapan po mamaya iyong klasipikasyon ng iba’t ibang bansa para malaman kung gaanong katagal iyong quarantine ng mga manggaling sa mga lugar na ito – iyong green, yellow and red. At pag-uusapan din po mamaya iyong face shield.

So ang aking polisiya po, talagang gusto ko na mag-antay ng isang araw – kinabukasan ianunsiyo kung ano naging desisyon kasi unang-una ibabase ko po iyan doon sa printed at written resolution. Hindi po ako nag-aanunsiyo na walang printed resolution.

Pangalawa, mayroon kasing mga last minute na mga pahabol na komento. Kaya kung mapapansin ninyo, it has been may habit na talagang inaantay ko, the following day ko siya ina-announce.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. At panghuli na lamang, Secretary Roque. Malapit na po kasi iyong November 15 substitution deadline. May desisyon na po ba kayo at si Pangulong Duterte tungkol nga sa eleksiyon kung kayo po ay kakandidato? At ano pong masasabi ninyo sa pananaw ng ilan na tatakbo si Mayor Sara Duterte for national position na isa sa mga binabanggit ninyo sa inyong konsiderasyon kung kayo’y kakandidato bilang senador?

SEC. ROQUE: Well, ako naman po sa mula’t mula, iisa ang aking salita – tatakbo po ako kung tatakbo si Mayor Sara ‘no. At kung magbabago po ang isip niya na tatakbo po siya, kung tatanggapin niya po ako eh nais kong tumakbo kasama niya. Pero sa ngayon po, wala pa pong hinahain na certificate of candidacy si Mayor Sara. Ang aking advise eh ‘antayin na lang po natin kung anong pinal na desisyon ni Mayor Sara and I cannot speak for her ‘no because she has a spokesperson po, si Mayor Garcia ‘no.

Pagdating naman po kay Presidente ay nagkausap na po kami ‘no. So isa sa dalawang taong kakausapin ko sa aking kandidatura ay nakausap ko na. Si Mayor Sara po, I will reach out to her siguro po maya-maya lang and over the weekend.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, sir, iyong kay Pangulong Duterte lang po kasi alam naman natin nagkaroon sila ng pulong ni Senator Manny Pacquiao. Since renewal of friendship po iyon, ibig sabihin po ba magiging united as one na ulit ang PDP Laban?

SEC. ROQUE: Unang-una, hindi po ako nakasama doon sa meeting na iyon ‘no. Pangalawa po, what I know is what was relayed to me by both Senator Bong Go at saka Mr. Eric Pineda ‘no. So sa ngayon po it was a friendly meeting, it was a reunion of sorts between two leaders from Mindanao. Iwan na lang po natin doon iyon sa ngayon.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Maraming salamat po Secretary Roque, kay Dr. Rosario at Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, tanong mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: What does the Palace say about the report that the Philippines failed to qualify for a grant from the Millennium Challenge Corporation because it received failing marks in several indicators including control of corruption? What does this say about the administration’s anti-corruption program?

SEC. ROQUE: Ang krusada po natin sa kampanya ay nilunsad ng Presidente sa mula’t mula ng kaniyang administrasyon at patuloy na binibigyan ng prayoridad ng ating Presidente. Kung iyan po ay kulang sa tingin ng mga dayuhan, so be it. Pero ang ating ginagawa pong mga polisiya dito sa Pilipinas independent of what other countries will say. Seryoso po tayo sa kampanya laban sa korapsiyon at nakita ninyo naman po ang track record ng ating Presidente ‘no, hindi po talaga nagkukunsinti ng korapsiyon.

Dito po sa issue ng Pharmally eh kung mayroon nga pong ebidensiya ng overprice na wala naman, kung mayroong ebidensiya ng paglabag sa bidding rules ay wala naman – eh siyempre po eh wala namang puwedeng gawin ang Presidente kung wala namang ebidensiya at ginagawa lamang in aid of re-election ng ilang mga senador.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni MJ Blancaflor naman ng Daily Tribune for Dr. Kezia: Ahead of the national vaccination drive, may we request data daw po on vaccination rates across all provinces for us to have an idea which LGUs need to improve their vaccination efforts? Sa ngayon po kasi the only data available is vaccination rates per region.

DR. ROSARIO: Thank you po sa tanong na iyon, Usec. ‘no, and those who asked the question. Yes, ngayon po naghahanda po iyong DOH na talagang ma-publicly available iyong provinces, HUCs and ICC na data. Handa na po iyong datos na iyon on a daily basis, nakukuha natin iyon ‘no. Ang hinahanda na lang natin si maging ready po ang ating mga LCEs na ma-inform sila that we will be making it publicly available na po and also for our principals to give the go signal. In the next few days po, we assure you magiging publicly available na po siya.

USEC. IGNACIO: Opo. From MJ Blancaflor pa rin po ng Daily Tribune for Dr. Kezia: What are the preparations for the 3-day vaccination drive?

Ang follow up question naman po ni Kyle Atienza ng Business World: How many vaccinators will be deployed during the 3-day campaign?

DR. ROSARIO: Thank you po. Malakihan nga po iyong kailangan na ipaghanda natin na capacities ‘no across—from the national level at saka sa regional at saka sa local level. Iyong mga LGUs ay sinasabihan natin na susuportahan ng national government, bigyan natin sila ng additional resources.

So ang ginagawa ng national is really to mobilize all the resources whether it be from the private sector, from the other government agencies ‘no, na dalhin natin siya into a single forum, para ma-distribute din natin sa mga LGUs na nangangailangan ng additional capacity. So, for the vaccinators, kailangan tayo na mag-mobilize ng around 170,000. We are also expecting to be as high as 200,000. That is why, talagang in-involved natin lahat ng mga doctors, nurses, iyong mga dentists natin, pharmacist, mga medical technologists natin na ma-mobilize iyong societies nila, para ma-mobilize din lahat ng mg members ng mga societies to join this activity ‘no and to volunteer, to be part of this activity as we are invoking iyong Bayanihan spirit na ito naman ay ginagawa natin, not only sa pagbabakuna, ganoon din sa pag-address ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Thank you, Dr. Kezia.

Secretary Roque, from Daphnie Galvez ng Inquirer.net: Senator Risa Hontiveros said, President Duterte is now shifting towards a damage control stance on the Pharmally issue because his feeling the heat and he himself is getting is getting his fingers sink and the issue is already damaging his administration and his political capital. Your thoughts on this? Similar question with Llanesca Panti ng GMA News Online.

SEC. ROQUE: Eh, usaping pulitika lang po iyan, galing sa isang re-electionist. Wala pong napatunayang overprice, wala pong napatunayang paglabag sa kahit anong bidding rules. So wala pong dapat ikabahala ang Presidente tungkol sa Pharmally. Kung mayroong mga isyu na dapat habulin ang Pharmally, sabi ni Presidente, habulin ng habulin, wala siyang pakialam. Pero sa ngayon po, walang napatunayang paglabag sa batas, pagdating po sa corruption at sa paglabag ng mga bidding rules.

USEC. IGNACIO: From Ivan Mayrina ng GMA News: Palace’ reaction on the statement of Risa Hontiveros on the President’s warning Pharmally officials to pay their taxes. “It’s great that the President has finally stopped protecting Pharmally. The next step is to also stop protecting his own officials and cronies who may have assisted Pharmally or benefited from its irregularities. Hindi lalakas ang loob nila kung walang kasabwat sa kusina”?

SEC. ROQUE: Wala na pong reaksiyon diyan dahil hindi naman po nagsasalita ang Presidente sa reaksiyon lang ng mga opposition senators, malinaw po ang track record ng Presidente. Kung talagang kinakailangang habulin para sa hindi pagbayad ng buwis, hahabulin po iyan dahil kinakailangan natin ng pera para sa COVID.

USEC. IGNACIO: Opo. From Ivan Mayrina pa rin po: Senator Lacson said that the BIR is investigating 45 medical suppliers and that the Bureau of Customs discovered that there are no records of two luxury cars owned by Pharmally executives. Senator Lacson adds, that whatever comes out of the subsequent criminal and administrative investigations being undertaken by BIR and the Prosecutors, what is clear that is that contrary to the President’s earlier assertions, Senate inquiries definitely served the purpose of making those abusing public funds accountable and liable for their misdeeds, not to mention the laws that maybe that maybe crafter thereafter. That said, it remains to be seen how the executive department will act on the findings of the investigation?

SEC. ROQUE: Eh, kasi ang orihinal na usapin daw po ay overpriced at paglabag sa bidding rules, eh wala naman po. Kung ang pinag-uusapan ang buwis, unang-una po talaga ang Ehekutibo na maghahabol sa hindi nagbabayad ng buwis, kasi kinakailangan natin ng pondo. Hindi na po natin kinakailangan siguro ang tulong ng kahit sino man, bagama’t mayroon ngang probisyon sa batas na mayroon pang reward ang mga magsusumbong ng mga hindi nagbabayad ng buwis. So, we encourage everyone po to become whistleblowers sa mga hindi nagbabayad ng buwis dahil kinakailangan po ng gobyerno ng pondo.

USEC. IGNACIO: Opo. From Ivan Mayrina pa rin po, iyong kanyang last question, nasagot na po ninyo, Secretary about kung tatakbo kayo sa Senate.

Kay Raffy Ayeng ng Daily Tribune: Allowed na po ba ang mga bata sa mga malls as long as kasama nila ang kanilang mga magulang, pero bawal pa rin sila sa public transport? Is there a way na mawawala na ang ganitong guidelines na ipinag-uutos po ng DOTr?

SEC. ROQUE: For Chairman Abalos sa Metro Manila, allowed po sila pareho sa malls at sa public transportation. This is from Chairman Abalos po.

USEC. IGNACIO: Opo. From Maricel Halili of TV 5: What does renewal of friendship mean? Does it mean that Senator Pacquiao and the President are allies again? Should we expect Senator Pacquiao to give way to admin candidates following his meeting with the President last night?

SEC. ROQUE: Ang alam ko lang po eh, nagkaroon ng renewal ng pagkakaibigan ang Presidente at saka si Senator Manny Pacquiao. Hindi ko po alam kung ano ang magiging epekto nitong bagong pagkakaibigan sa kandidatura ni Senator Manny Pacquiao.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Maricel Halili ng TV 5: What are the chances of Pacman-Go tandem?

SEC. ROQUE: Hindi ko pa po alam iyan and that is beyond the scope of a Presidential Spokesperson. Pakitanong na lang po silang dalawa.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Kyle Atienza ng Business World: At least eight business groups are calling on the government to pursue an investigation daw po into the sale of shares in the Malampaya Deep Water Gas to power project and look at the financial and technical capabilities and interest of Dennis Uy-led Odena Corporation as they question the government as to why it allowed the sale of a critical energy asset to a buyer with no track record in gas exploration. They also urged the government to block transactions disadvantageous to the Filipino people. Dennis Uy is a friend and a campaign donor of the President. May we know the President’s sentiment on the Malampaya buyout controversy? Will he support the private sectors’ call for an investigation into the issue? Columnist and Business Management Professor Dean Dela Paz has said that if the takeover of Chevron Malampaya LSC’s service contract is a consummated act, then it must have had the President’s prior approval. May we get your comment?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung ano iyong tanong, napakahaba, parang lecture. Siguro po next time for purposes of question and answer, there must really be a question so I could answer it ‘no rather than preaching ‘no. Pero masasabi ko lang po diyan eh, nagsampa na ng kaso sa Ombudsman. So, ang Ombudsman na po ang mag-iimbestiga diyan. Iyan naman po talaga ang katungkulan ng Ombudsman.

USEC. IGNACIO: Opo. From Ace Romero ng Philippine Star, I think kay Dr. Kezia po ito: Iyong 100% po sa NCR, eligible population po ba iyon? Ano po ang kasama, ano po ang sector na hindi covered sa 100%?

DR. ROSARIO: So iyong coverage po ng National Capital Region is based po ito sa kanilang target, na ang initial target natin na binigay sa kanila is they should cover 70% sa kanilang total population. So, sa ngayon po na-reach na po nila iyong 70% na target. So, that is why iyong nakalagay po sa kanilang first doses is nabakunahan nila iyong number na ni-require sa kanila for them to cover iyong 70% of the population.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: Now that 100% has been reached, ano po ang dapat na susunod na hakbang para sa NCR?

DR. ROSARIO: Ang tinitingnan ng ating National Capital Region is nagku-conduct sila ng assessment, rapid assessments sa kanilang mga areas kung talaga bang na-cover na nila iyong mga population groups na kailangan nilang i-cover or nabakunahan nila iyong eligible population na 12 years and above. So ginagawa nila ito ngayon, para ma-ensure talaga iyong National Capital Region ay protektado against sa COVID-19.

Samantala naman po, sa National Vaccination Operations Center, binibigyan pa rin namin sila ng bakuna, para kung may makita pa silang mga individuals na kailangan pang mabakunahan ay mabibigyan pa rin nila ng bakuna. So, hindi naman po mag-i-stop iyong operations ng NCR, kasi alam natin may nabakunahan din silang mga individuals na outside resident ng National Capital Region. So magtutuluy-tuloy pa rin po.

SEC. ROQUE: Opo. Pahabol lang po ni Ace Romero: Iyong 100%, hindi po ba kasama ang minors, Dr. Kezia?

DR. ROSARIO: Sa kanilang 70% na target po, may porsiyento na po doon na kasama na po iyong minors sa targets nila. So may kasama na rin po doon iyong mga accomplishments nila sa kanilang pagbabakuna sa minors since nagsimula sila ng October 15.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Dr. Kezia.

Secretary Roque. Tanong po ni Jo Montemayor ng Malaya: Baka daw po puwedeng malaman na kung may AFP Chief of Staff na po?

SEC. ROQUE: Wala pa rin po. Tayo naman po nag-aanunsiyo niyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Prince Golez: Kailan daw po ang susunod na Talk to the People ng Pangulo?

SEC. ROQUE: Baka sa Lunes na po dahil busy po si Presidente sa APEC.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Secretary Roque at kay Dr. Kezia.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Dr. Kezia Rosario. Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat sa lahat ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Sa ngalan po ng inyong Presidente, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagsasabi: Pilipinas, madami na pong bakuna, wala nang dahilan para hindi magpabakuna. At pagdating po ng National Vaccination Day, tara na po, magpabakuna tayo para mabigyan ng proteksiyon ang ating sarili at ang ating mga mahal sa buhay.

Magandang hapon Pilipinas.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center