USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao. Magandang umaga rin sa ating mga kababayan saanman pong panig ng mundo. Ako po si Usec. Rocky Ignacio. Pag-uusapan pa rin natin ngayong araw ng Martes ang mga napapanahong balita tungkol sa lagay ng ating bansa sa gitna ng pandemya. Alamin din natin ang mga aktibidad ng National Bureau of Investigation sa kanilang ika-85 taong anibersaryo, at mamaya ay ihahatid sa atin ng GSIS ang isa pang programa na kapakipakinabang para sa mga miyembro ng ahensiya. Iyan po ang ating tututukan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Para sa ating unang balita: Inaprubahan ng pamahalaan ang pagkakaroon ng National Vaccination Day na naglalayong mabakunahan ang nasa limang milyong individuals sa loob ng tatlong araw. Para sa buong detalye, panoorin natin ito:
[VTR]
Nakikiisa ang PTV sa pagdiriwang ng National Bureau of Investigation ng kanilang 85th founding anniversary. At para alamin ang mga dapat asahan sa pagdiriwang na ito, makakausap po natin mula sa NBI Forensic Investigation Service at kasalukuyang tagapagsalita ng ahensiya na si Deputy Director Ferdinand Lavin. Magandang umaga po sa inyo.
NBI SPOKESPERON DEP. DIR. LAVIN: Magandang umaga rin po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Kumusta na po iyong NBI sa kasalukuyan?
NBI SPOKESPERON DEP. DIR. LAVIN: Unang-una, on behalf of Director Eric Distor and the men and women of the NBI, nagpapasalamat kami sa PTV 4 dito sa ibinigay ninyong espasyo at oras sa NBI as the NBI celebrates its 85th founding anniversary. On November 13 of this year, ang NBI will be turning 85 years.
Ang NBI – para sa kaalaman ng ating tagapanood at tagapakinig – was established, was first established on November 13, 1936, ito ay dating Department of Investigation. Ang unang agents nito ay 45 lamang. Out of the more than 3,000 that applied for positions of agents, 35 lamang po ang binigyan ng appointment. At ang aming support staff noon ay doctors, we have chemists, photographers, ang aming stenographers at ballisticians – ito po iyong unang NBI.
As time went on, ang NBI po ay naging Bureau of Investigation especially during the Japanese occupation and on June 19, 1947, Republic Act 157 was enacted, establishing what is now known as the National Bureau of Investigation.
At June 23, 2016 ang Republic Act 10867 was enacted into modernizing the NBI, the present NBI. So mayroon na po kaming tinatawag na modernization law.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, tama po ba na lilipat na iyong NBI sa bagong building ninyo sa Quezon City? Kasi po naging landmark na po iyong opisina ninyo sa Maynila, so ano po ng mangyayari sa building na iyon?
NBI SPOKESPERON DEP. DIR. LAVIN: Tama po iyon, ang NBI sa kasalukuyan, ang main offices ng NBI ay narito sa Quezon City at V Tech Tower at the corner of Araneta Avenue and Maria Clara St. Pansamantala lamang ito, temporary lamang ito dahil we were already advised by the City Engineering Office of the LGU Manila, as well as the DPWH, that the building we have been occupying for almost 50 years at Taft Avenue – ito iyong landmark building ng NBI – is no longer fit for occupancy.
Ang series of earthquakes that hit Metro Manila has weakened the structural integrity of the building. And for the safety of not only the employees of NBI but especially its clients, we have to temporarily leave that building. And hopefully, Congress will favor us with the funding, and maybe in five years’ time, we will go back to Taft Avenue with a new edifice or new building.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, bukod dito sa building, mahalaga rin po talagang makasabay iyong mga equipment at pasilidad ng NBI sa mga nagbabagong panahon, ano po, lalo’t nag-i-evolve din iyong mga krimen sa ngayon. Paano po kayo nakikisabay sa pagbabagong ito?
NBI SPOKESPERON DEP. DIR. LAVIN: Tama po iyon. Ang aming butihing direktor, Director Eric Distor, ay aggressive on the modernization of the NBI. Binigyan na kami ng batas, at ang gagawin ng NBI ay isakatuparan itong modernization namin.
Ang modernization ng NBI ay hindi lamang in terms of the modern equipment, kung hindi kasama na rin dito iyong aming systems and procedures. At kasama rin po rito iyong professionalization ng aming organization; may re-organization dito.
Ang NBI kahit na sabihin nating matagal na itong … 85 years na ay patuloy kaming nag-i-evolve ‘no ayon sa pag-evolve na rin ng krimen especially in the area of computerization, in the area of cybercrime.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, I’m sure nakaapekto rin po itong pandemya sa paraan ng paghawak at pag-imbestiga ninyo ng mga kaso, ano po. Pero paano po kayo nag-cope with dito? Ano pong mga measures ang na-implement ng NBI?
NBI SPOKESPERON DEP. DIR. LAVIN: As with the other offices and with the other governments, ito iyong biggest challenge lalo na itong panahon ni Director Eric Distor ‘no. Barely two weeks into office, andito na kaagad itong pandemic, around middle of March 2020. Nguni’t ang NBI ay tumugon dito head on. The Director made sure that all the senior officials of the NBI will have to report to office every day; no let-up.
Wala kami ditong holiday at patuloy ang NBI na tumugon dito. Prinotektahan namin iyong aming employees, iyong clients, ang aming doctors, ang aming medico legal officers, ang aming other health workers ay tumugon din dito, ang aming agents especially the agents in the field at our employees tumugon din dito ‘no.
In terms of operation, ang NBI ay nagkaroon ng various operations and in the first quarter of the pandemic, between the March and June of 2020, the NBI was able to seize approximately, an estimated value of mga 50 million – itong mga fake, itong mga substandard na mga equipment para sa COVID.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director, sa ngayon po ba ay gaano katalamak, kalawak iyong mga kasong hinahawakan ng NBI na may kaugnayan po naman dito sa cybercrimes? Ayon nga po sa datos ay talagang napalala po ng pandemya ang cybercrimes kagaya po ng online sexual exploitation at iba pa.
NBI DEPUTY DIRECTOR LAVIN: Yes, we experienced a surge of itong mga online sexual exploitation cases in the almost two years especially during the pandemic mainly because people stayed at home at iyong mga keyboard warriors natin ‘no, ito, they took advantage of the situation. Others were out of the job, they resorted to this.
At during the pandemic, ang NBI is no exception also to the casualties of the pandemic ‘no, we have also our share of the agents and our employees na medyo pumanaw na during the time of the pandemic and as a matter of fact, the Director will be unveiling a marker in honor of those who died during the pandemic due to the COVID.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, bilang ngayon nga po ay founding anniversary ng NBI, sa mga nakalipas na panahon, ano pong mga significant cases ang inyo pong nahawakan so far?
NBI DEPUTY DIRECTOR LAVIN: We were practically on top of itong mga significant big cases so to speak. Recently, we’re still investigating the Bree Jonson case; we investigated iyong Jolo, Sulu bombing; we investigated the Jolo, Sulu incident involving PNP and the military; we investigated the PNP-PDEA incident along Commonwealth Avenue. Marami pa po, ang aming regional offices, they also investigated the death of a Spaniard in Caraga Region. Ang PhilHealth cases, marami rin kaming nai-file dito.
So, in the area of corruption, nandiyan ang NBI; in the area of terrorism, nariyan din ang NBI; in the area of human trafficking especially. As matter-of-fact, ang DOJ report is that tumaas na iyong ating kalagayan in terms of the leveling, iyong tier 1, 2 or 3. We have contributed so much; may mga conviction. Ang aming digital forensic was able to secure conviction doon sa ating mga terrorists.
Maraming cases ang inimbestigahan ng NBI at during the pandemic, we were very much in the investigation of itong mga online scams. Marami dito, ang aming Cybercrime agents, ang aming computer crime division ay halos ito na lang ang ginawa – fake news and the rest.
USEC. IGNACIO: Opo. Pagdating naman po sa mga serbisyo ng NBI halimbawa po sa pagkuha ng clearance ano po, may mga pagbabago po ba kayong ipinatupad dito para po masigurong ligtas pero efficient pa rin po iyong proseso, Director?
NBI DEPUTY DIRECTOR LAVIN: Thank you, Usec. Rocky. It’s good to tell the public that the NBI is keeping up with the changing times alinsunod na rin sa kagustuhan ng ating Presidente to simplify matters especially in the issuance of clearances, permits, or licenses, ang NBI ngayon is isa na lang iyong aming clearance ‘no. Multi-purpose clearance na tinatawag natin, hindi kagaya dati mayroon tayong tinatawag “travel abroad”, “local employment,” para permit ng PTC, ngayon, isa na lang po.
At alinsunod sa kung anong umiiral na IATF protocol or restrictions in the area, ang application ngayon ay maaari nang online. Ang payment ay online na rin. Kung ito ay renewal, maaari na itong i-renew online ngunit kung ito ay first-time clearance applicant kailangan pang pumunta sa pinakamalapit na NBI clearance center. We have more than 300 already including our regional, district and satellite offices to cater to the needs of our clearance applicants.
Ito ay aggressively increasing at ito ang gusto ni Director Distor na kailangan ang NBI ay malapit sa tao lalo na itong clearance applications. Ang pagkuha ng NBI clearance may choice na rin sa website ng NBI ang ating clearance applicant. Kung gusto nila itong ipa-deliver at wala ditong monopoly ang isang courier system ‘no, may mga choices dito kung anong gusto mong courier or delivery system ang gusto mong mag-deliver ng clearance mo or gusto mong i-pick-up ito sa pinakamalapit na NBI clearance center.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director, kumusta naman po iyong kalusugan ng ating mga agents at personnel ng NBI sa ngayon? Mayroon din po bang mga tauhan sa inyo na talagang naapektuhan nitong COVID-19, Director?
NBI DEPUTY DIRECTOR LAVIN: Yes, mayroon. And this is a humble representation – kahit ako ay na-COVID ako dalawang beses last year ‘no, July and August, noong wala pang vaccine.
We have our share of deaths ‘no. Mayroon kaming mga agents, employees and other officials who succumb to COVID, na namatay at patuloy na nakikipag-ugnayan kami sa DOH at ibang COVID facilities upang ang aming mga employees, ang aming agents kung magkaroon ng COVID ay madaliang mai-refer natin.
Director Distor would like to thank the regional directors as well as the agents in charge considering na on their own initiative nagkaroon na rin, pati iyong aming regional and district offices ng vaccination. Nagkaroon kami ng vaccination at the NCR or Metro Manila courtesy of the City of Manila and the MMDA, and the Director would like to thank the City of Manila and the MMDA [garbled] DOH involving our officials for isolation and quarantine.
At pati iyong aming PDL, they will be vaccinated. We have already started vaccination doon sa aming Persons Deprived of Liberty (PDL), iyong mga nakakulong sa NBI. Nagkaroon na kami ng vaccination sa flu at pneumonia.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, may tanong lang po sa inyo si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: The Department of Justice made public a copy of the memorandum of agreement signed by the Philippine National Police and the National Bureau of Investigation to operationalize probes of incidence of police abuses in anti-drug operations. Why is there a need for such a memorandum?
NBI DEPUTY DIRECTOR LAVIN: Yes, thank you for that question.
Last week, we met with the Secretary, Director Distor and three other assistant directors and the top officials of the PNP, led by Chief PNP General Eleazar and no less than the Secretary himself and Undersecretary Sugay of the Department of Justice to operationalize things regarding collaboration and cooperation in the matter of the investigation of 52 cases referred by the DOJ to the NBI for case build up. Ito iyong cases dito sa EJK at nai-file na ito ng PNP sa DOJ. Ngunit DOJ reviewed it, mayroon silang review panel and they thought that it would be best if this is reviewed and magkaroon ng case build up ang NBI. Dito nag-usap ang NBI at PNP na the PNP will make available the records of cases at the NBI on its part has already created teams. So mayroon kaming—itong mga kaso, kung saan-saan ito, this is across the country.
Now, marami dito sa NCR area, mayroon din dito sa Southern Tagalog area, Laguna and Quezon. So, ang tingin namin dito, kung saan ito iimbestigahan, iyon region na nakakasakop, ito ang magi-imbestiga, for expediency and familiarity of the area. Ngunit mayroon kaming ginawa, Director Distor and Deputy Director Antonio Pagatpat, iyong nakaka-cover ng aming regional operation services – mayroong ginawang teams that will lead the regional offices concerned, that will supervise the regional office concerned including the district offices of the NBI. So, gumugulong na ito, umiikot na ito, we started with 52 cases referred by DOJ.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagsama sa amin ngayong araw, NBI Spokesperson Deputy Director Ferdinand Lavin. Again, happy 85th founding anniversary po sa NBI. Mabuhay po kayo!
DEP. DIRECTOR LAVIN: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, silipin naman po natin ang pinakahuling balita sa bakunahan na nagaganap sa Marikina. Magbabalita si Patrick De Jesus:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa ito, Patrick De Jesus. Samantala dumako naman tayo sa huling tala ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. As of 4:00 PM kahapon, umabot na sa kabuuang bilang na 2,805,294 ang mga nagkaka-COVID-19 sa bansa kung saan nadagdagan ng 2,087 cases kahapon; 3,510 naman ang bilang ng mga naitalang gumaling, kaya umabot na ito sa 2,728,696 total recoveries. Habang mababa naman sa bilang na 91 ang mga bagong nasawi kaya umabot na ito sa 44,521 total deaths; 32,077 o 1.1% ng kabuuang kaso ang aktibo at kasalukuyan pang nagpapagaling.
Patuloy naman pong nagluluwag ang mga ipinatutupad na protocol sa bawat lugar dahil din sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, para bigyan tayo ng latest update tungkol diyan, makakasama natin ngayong umaga si Health Secretary Francisco Duque III. Magandang umaga po, Secretary.
DOH SEC. DUQUE: Magandang umaga sa iyo, USec. Rocky, at lahat ng inyo pong mga tagasubaybay.
USEC. IGNACIO: Secretary, nito lamang pong nakaraang linggo ay isinailalim na sa Alert Level 2 ang Metro Manila. At ayon po kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito raw po ay isang hindi isang sudden decision. So ano po ang masasabi ninyo dito? Marami po kasi sa ating mga kababayan ang nagsasabing para daw pong minadali ang pagluluwag ng restrictions dito sa Metro Manila, Secretary.
DOH SEC. DUQUE: Depende kung sino ang kausap mo eh. May mga ibang magsasabi minadali; may mga iba nagsasabi ang tagal-tagal. So tayo ay ginagabayan ng mga eksperto, mga scientist, lahat ng mga espesyalista, mga 54 na mga nagpakadalubhasa sa larangan ng COVID response natin. So iyan ay batay sa ating metrics kung tawagin. Ito iyong Average Daily Attack Rate per 100,000 population, iyong ating tinatawag na two-week growth rate, at iyong ating healthcare utilization rate, kasama din ang ating vaccination coverage. So hindi po tama na sabihin minadali sapagka’t ito po ay naaayon sa mga objective ng mga panukatan o metrics na akin pong nabanggit.
USEC. IGNACIO: Opo, Secretary Duque, hindi po ba daw kayo nababahala dito sa mga litrato sa social media kung saan daw po kumpulan ang mga tao at mga bata at senior na dumagsa rin po sa mga pampublikong lugar matapos po ibaba ang alert level status ang NCR?
DOH SEC. DUQUE: Siyempre nakaka-alarma ito, nangangamba ako dahil nga kapag iyong nagkukumpul-kumpulan ang mga tao ay posibleng makakita na naman tayo ng pagsipa ng mga kaso. At dapat po ito maiwasan natin sa pamamaraan na atin nang naitatag at napatunayan effective: Ito po iyong pagsunod sa minimum public health standard; iyong pagsuot po ng face mask, ang face shield lalo na po sa mga 3Cs setting – ito iyong closed places, crowded areas at sa atin pong close contact settings ‘no.
So, dapat po ay sumusunod tayo sa minimum public health standard or non-pharmaceutical interventions at ito po ay may taglay na proteksiyon. Mahigit pa sa 95% ang protection rate ng face mask, face shield, social distancing at siyempre pati iyong paggamit ng mga hand sanitizers, alcohol at iba pang mga disinfectants at saka iyong cough etiquette.
So lahat po ito, mga practical na mga panuntunan ay huwag po nating babalewalain dahil matagal na po nating napatunayan na ito ay tunay na effective, after 20 months of non-stop COVID-19 pandemic response. So, ipagpatuloy po natin ito, pati ang pagbabakuna.
Sa mga tao po na mayroon pang agam-agam o nagdadalawang-isip, tanggalin na po natin iyang agam-agam na iyan o pagdududa. Dahil ito pong mga bakuna na ito ay napatunayan ng epektibo laban po sa mga severe to critical, iyon pong mga malubhang mga kumplikasyon na nakamamatay dulot ng COVID-19 infection at ito po ay makakapag-iwas na kayo ay ma-ospital at higit sa lahat ay kayo makakaiwas na pumanaw ang atin pong mga pasyente lalo na ang mga senior citizens na sila po ang talagang malubha ang kumplikasyon nakakamit o nararanasan bunsod ng COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary pero paano po mamo-monitor ng DOH ang sitwasyon ngayong nasa Alert Level 2 na ang Metro Manila at marami pong mga aktibidades ang pinapayagan lalo na sa ibang bansa daw po ay nakikitaan na naman po ng pagtaas ng kaso ang mga nagluwag po ng kanilang restrictions?
DOH SEC. DUQUE: Tama ka. Kaya nga binabantayan ng Department of Health ang ating Epidemiology Bureau, weekly monitoring ang ginagawa natin patungkol sa tumaas ba ang ating two-week growth rate from 49, nagpupositibo na ba. So iyan ang mga hudyat o mga senyales na talagang tumataas na ang mga kaso.
Ang average daily attack rate, halimbawa, ito ba ay lampas na ng 7 cases per day/per hundred thousand population? Kung lampas na iyan, diyan ibig sabihin high risk na naman tayo. Tapos ang health care utilization rate natin kapag ito ay lumampas na ng moderate risk, ibig sabihin ay nag-umpisa na from 71 to 84% ang porsiyento na ginagamit ng ating kapasidad; ibig sabihin ay nandudoon na naman tayo sa red line. Iyon ang ayaw nating mangyari. Kaya nga tuluy-tuloy dapat ang ating pagmo-monitor. Ganoon din ang ICU utilization rate natin.
So, tayo ay nagagabayan ng mga panukatan na ito, objective hindi ito parang subjective o type ko lang ipagawa ito o gusto lang ng IATF ito. Hindi, hindi po ganoon iyan! Mayroon po tayong malinaw na batayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, inaasahan po ba natin na mananatili sa Alert Level 2 ang Metro Manila hanggang sa darating na holiday o mas paluluwagin pa po ito?
DOH SEC. DUQUE: Depende iyan, Usec. Rocky. Titingnan nga natin ang numero, ang datos. Kung ang datos ay patuloy naman na bumaba, halimbawa, kahapon ay nasa 2,000 a little over 2,000 lang tayo. So, posible na kapag below 1,000 tayo or 500 per day ay baka puwede natin ibaba pa hanggang Alert Level 1.
Sino ba naman ang may ayaw na mas mababa ang ating alert level eh mas malaking bahagi ng ekonomiya naman ang mabubuksan at mas marami rin tayong mababawing mga trabahong nawala at ang sigla ng ekonomiya ay manumbalik at ang normal ay bumalik din sa buhay ng bawat Pilipino.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, dapat po bang ikabahala itong nakita sa isang individual mula po sa Pampanga na B1.617.1 o dating pinangalanan na Kappa variant? Ano po ba iyong characteristic ng variant na ito?
DOH SEC. DUQUE: Well, so far, sa ngayon, batay sa advisory ng WHO at saka ng US Center for Disease Control, ito ay variant under monitoring. So, wala pa siyang naitatatag na clinical significance o wala pang sapat na kaalaman na ito ay mas matindi doon sa Delta variant natin. Kasama naman ito sa lineage ng Delta variant.
So, ito iyong B1.617.1, samantalang ang Delta bandang huli lamang ang diperensiya – .2, B1.617.2 iyong Delta variant. So, okay naman sa ngayon. Iyong nakitaan lang sa Floridablanca (Pampanga), isang 32-year-old na lalake at ito ay batay sa specimen na nakuha sa kaniya noong June 2 ngayong taon. So, matagal na iyan gumaling na po itong pasyenteng ito. So far, ito ay categorized or kinikilala as a variant under monitoring. So, hindi pa siya variant of concern.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, dumako naman tayo sa usapin ng bakunahan. Naglabas po ng pahayag ang DOH na kayo po ay open sa mandatory vaccination bilang last resort. Pero, marami po sa mga mambabatas, ano po, iyong tumuligsa sa planong ito lalo na sa implementasyon ng 4Ps beneficiaries. So, ano po ang masasabi ninyo dito Secretary?
DOH SEC. DUQUE: Alam ninyo, iyong mandatory vaccination, ano ba iyong pakay? Ano ba iyong layunin nito? Ang layunin lang nito simple – gusto natin maabot ang sapat na protection para sa ating population. So, ano ba iyon, mga 70% no. So, mayroon at mayroon talaga na hindi rin mababakunahan pero depende rin kung mas marami tayong bakuna, mas maganda ay maisakatuparan iyong kagustuhan ni Pangulong Duterte, na hanggang sa maaari lahat ay mabakunahan.
Pero, dahil sa mayroon pa ring kaunting limitasyon sa supply, although of course, sa ngayon ay wala na tayong supply problem dahil stabilized na iyong ating vaccine supplies lalo na noong nag-umpisa ang Oktubre tumatanggap tayo ng about a million, a million plus daily vaccines.
So, iyong usapin ng mandatory vaccination, alam po ninyo ang mga LGUs, mayroon na po silang kapangyarihan sa ilalim ng Local Government Autonomy Act of 1992, at doon puwede na sila magpasa ng kani-kanilang mga ordinansa. Kung ang tingin nila ang polisiya ng mandatory vaccination ay katanggap-tanggap sa kanilang mga constituents ay ‘di puwede nilang gawin iyon. Nasa kapangyarihan po nila iyan habang wala naman po tayong national law on mandatory vaccination.
Pero, huwag po natin kalimutan ang pakiusap natin ay kahit na magpasa ng ordinansa ang mga pamahalaang lokal, mayroon pa ring mga ibang pamamaraan para makumbinsi natin ang mga ayaw magpabakuna na magpabakuna. Ano ba itong pamamaraan na ito? Number iyong persuasion, okay? Ito iyong more information education campaign materials. Ito iyong pagpapaliwanag sa taumbayan lalo na sa mga hindi pa naintindihan kung ano ba talaga ang epekto ng bakuna.
In layman’s term, hindi iyong mga scientific na mga termino ang ginagamit na hindi maintindihan, useless iyan, waste of time. So, pangalawa, of course iyong sinasabi ko na ganoon, mayroon tayong Resbakuna, Ingat Angat, Resbakuna campaigns. So, IEC (Information, Education and Communication) materials natin sa TV, sa radio patuloy iyan para mahikayat ang mga kababayan natin na magpabakuna dahil nga protective naman ito.
So, mayroon din tayong persuasions na sinasabi. Kaunting pakiusapan na lang, gusto naman magpabakuna, pero siguro kaunting pagkumbinsi na lamang papayag na iyan. So, how will you do that? So, gawin natin mas madali iyong kanilang registration, kailangan mas madaling ma-access iyong vaccination centers. Lahat ito ay puwedeng gawin iyan at ginagawa ng mga ating local government units.
So, pangatlo naman iyong incentivized no, bigyan mo ng mga premyo iyong mga taong gustong magpabakuna. Lumikha kayo ng programa, Resbakuna panalo o Resbakuna pa-raffle. So, ginagawa din iyan ng ating mga ilang government units.
Tapos iyong mga private sector naman na kasama natin dito sa ating tugon sa pandemyang ito sa aspeto ng bakunahan, hindi nila pinapapasok iyong mga mamamayan na hindi bakunado, di ba? So, that is already in place, it is going exercised or being implemented by the private sector largely.
So, iyan po. Hanggang sa maaari ayaw natin iyong sapilitan o iyong isasabatas pa, wala na tayong panahon para diyan. So, iyon na lang mga pamamaraan na aking nabanggit na iyan ay makakatulong lalo na ngayon ay nasa 64% naman na, batay sa SWS survey sa ating mga kababayan ay gusto nang magpabakuna.
So, iyon lang ang masasabi natin, maganda ang magpabakuna, may taglay na protection pero huwag nating kalilimutan ang face mask, face shield in the 3‘C’s context no, iyong closed spaces, crowded areas and closed contact settings. Lalo na kung hindi kayo makaiwas diyan sa tatlong ‘C’s na iyan, mag-face shield kayo, may taglay na protection iyan.
By the way, ang WHO ay mukhang pinag-aaralan na rin kung ano pa ba ang naging advantage ng ating face shield policy ‘no. So, tingnan natin dahil kung titignan natin iyong ibang karatig bansa, Vietnam, Indonesia, Malaysia, iyong mga iyan ay umabot ng mga 40,000 cases per day sa kasagsagan ng kanilang pandemya.
Samantalang tayo hindi man tayo umabot ng 30, 40,000. Pinakamataas natin mga 20,000 seven day moving average natin daily! Mga 20, 21,000. So, bakit? Baka posible – posible lang hindi ko sinasabi na ito ay tumpak ano – na nakakatulong talaga ang ating layer of protection provided by the face shield. So, iyon lang.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong naman po si Red Mendoza sa inyo ng Manila Times: Secretary, payag po ba ang Kagawaran na imandato daw iyong pagbabakuna sa mga healthcare workers at mga trabaho kung saan high risk ang pakikisalamuha sa mga taong may COVID-19?
DOH SEC. DUQUE: Oo naman. Iyon naman talaga iyong policy natin. Iyong mga healthcare workers, in fact, ang direction nga natin diyan is papunta na ng booster dose eh. Hinihintay lang natin iyong advisory ng SAGE WHO. Iyong SAGE, ibig sabihin niyan Strategic Advisory Group of Experts.
So, within this month, hopefully by third or fourth week of November ay posibleng lumabas na iyang advisory na iyan at puwede na nating gawin iyong guidelines for booster doses for our healthcare workers. At iyan ang dahilan, iyong sinabi noong nagtatanong, iyan ang pinakadahilan kung bakit talaga kinakailangan ng proteksiyong kaagaran at sustained protection for our healthcare workers, especially those in high-risk areas.
USEC. IGNACIO: Opo. sunod pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Nasabi po ninyo na ang Pilipinas ay handa sa posibilidad na maging endemic o pangmatagalan ang COVID-19. Ano daw po ang hakbang na ginagawa ng DOH para maging handa ang Pilipinas dito?
SEC. FRANCISCO DUQUE III: Well, alam ninyo hindi naman malayo iyong paghahandang ginagawa natin sa pandemic, halos pareho din sa endemic status. So, paigtingin pa rin natin, pagka sinabi natin endemic—tinatanggap natin na ang COVID will be here to stay.
So, hindi natin na masi-zero ito given the current data and available information. So, we have to live with it. Then how do we live with it? So gagawin natin ang dalawang bagay: Number one, siguraduhin natin hindi na tayo aabot sa red line ng health care system capacity. Ibig sabihin, huwag tayong aabot sa 71% and above sa utilization ng health care system. So, ito iyong mga ward, isolation, ICU beds capacity. Number 2 ay kailangang ay maprotektahan, may kasiguraduhan ang mga vulnerable population – ito iyong mga senior citizens, iyong mga individuals and children with comorbidities. So, iyan ang atin pa rin talagang puprotektahan dahil sila po ang pinanggagalingan ng pinakamalaking bilang ng pumapanaw.
So, para po ito maiwasan ay siguraduhin natin na lahat ng aksiyon natin ay patungo para avoid reaching the red line or crossing the red line in terms of health system capacity and then number 2 continuing protection of the vulnerable population, okay.
So, papaano mo gagawin iyan? May limang bagay: Number 1, iyong ating vaccination trajectory, kailangan tuloy-tuloy ang ating bakunahan. So, iyan naman ang ginagawa ng ating gobyerno at pinangungunahan ni Vaccine Czar Secretary Charlie Galvez and Secretary Vince Dizon, at kasama kami ng buong Department of Health ano na tumutulong para mapataas ang ating vaccination rate.
Pangalawa naman iyong ating pagsasakatuparan, iyong disiplinadong pagsunod sa minimum public health standard – face shield, face mask, social distancing, use of disinfectants, cough etiquette at ang pangangalaga sa sarili. Siguraduhin na hindi po tayo nag-aabuso ng ating katawan at para naman ng sa ganoon ay hindi bumaba ang ating resistensiya.
Tapos improving the health system capacity, napakaimportante po nito. So, pinapalawig natin iyong kapasidad ng ating mga hospital, ating mga temporary treatment monitoring facilities, isolation quarantine facilities.
So, lahat ito ay [garbled] ang kanyang kakayahan, ng mga doktor natin no, na talagang marami ng naging dalubhasa o eksperto sa paggamot ng serious severe critical COVID cases. Kaya ang ating case fatality rate ay nanatiling mababa, nasa 1.5% lang tayo, isa na nga tayo sa may pinakamababa na case fatality rate.
So, iyong ating iba pang targeted response, iyong early detection, halimbawa, napaka-importante nito. Iyong lagi nating sinasabi na dapat ang mga local government units paiksiin ang panahon mula sa detection to isolation parang ng sa ganoon maputol natin ang kadena ng hawaan. Kasi kung hindi mo gagawin iyan, ibig sabihin kung lalong matagal ang pagitan mula sa detection o sa testing results at iyong isolation or quarantine, ibig sabihin iyong mga tao nasa labas, infected sila so nakakapanghawa sila, eh iyon ang ayaw nating mangyari.
So panlima, ang ginagawa natin, tuluy-tuloy iyong ating international border control measures. So, iyan ay mayroon tayong alert log in system, iyong green country, yellow country, red country list, listing ano, kung tawagin at ina-upgrade natin ito every two weeks.
So, sino ba iyong pumunta sa green country dahil alam naman natin iba ang panuntunan, iba ang ating quarantine protocols diyan at siyempre ganoon din sa ating mga border control measures.
So, itong mga ito ang mga intervention na ginagawa natin. So, tuluy-tuloy ito, pinaiigting natin. Hindi tayo puwedeng bumitaw ‘no sa mga ginagawa natin bagkus kailangan pa natin paigtingin, paunlarin dahil napatunayan na natin na itong mga patakaran na ito ay tunay na mabisa.
So, iyon panghuli na lamang na gusto kong bigyan-diin ay iyong surveillance, importante iyan. Tuluy-tuloy din iyong ating surveillance, both international, local surveillance systems dapat ay pinaiigting natin ito, tapos iyong communications natin. So, patuloy itong mga pamamaraan. Bukas ang line o linya ng komunikasyon para ang mga pinakabagong datos o impormasyon ay nalalaman ng taumbayan at nakakatulong sa kanilang paghahanda.
At siyempre panghuli, iyong tinatawag natin contact tracing and monitoring, importante rin itong mga interventions na ito para sa pangkalahatan natin na mapaigting, mapaunlad, mapahusay ang ating endemic COVID response. So, from pandemic to endemic COVID response, endemic kasi mabuti na iyong asahan natin hindi aalis itong COVID pandemic. It is wrong to think at this stage that COVID will disappear. It is best to assume it will stay with us and therefore we must learn to co-exist with this. But we must be able to contain it so as not to overwhelm our health care system and to continue to protect the vulnerable population, iyon lang.
USEC. IGNACIO: Secretary, balikan lang po natin iyong usapin sa face shield ano po. Ang tanong po ni Red Mendoza diyan: Ano po iyong personal stand ninyo sa pagtatanggal ng face shield? Sinabi po ni Mayor Isko Moreno na gusto daw po niyang makakita ng ebidensiya na nagpapatunay na nakakaprotekta ang face shield o goggles sa mata. Hindi po ba dangerous ang precedent na ito ni Mayor Isko na hahayaan niyang mawala ang proteksiyon sa mata na posibleng makapanghawa sa COVID-19?
At tanong naman po ni Lei Alvis ng GMA News: Ano po iyong guidance ng DOH sa paggamit ng face shield? May mga LGU kasi na talagang ipinatigil na po ang paggamit nito maliban dito sa medical facilities at pampublikong sasakyan?
DOH SEC. DUQUE: Well, antayin natin iyong recommendation ng technical advisory groups of experts. Kasi hindi puwedeng tayu-tayo lang ang magdidesisyon ng mga ganito na hindi naman tayo experts. So, antabayanan natin, hindi na magtatagal na baka sa Huwebes magkaroon na ng formal or official recommendation ang technical advisory group of experts.
Pero kung ako ang tatanungin – ito personal, I’ll have to qualify – puwedeng gawin voluntary under certain circumstances, siguro Alert Level 2. Pero iyong mga 3Cs, kinakailangan pa rin tayong mag-face shield diyan. So, closed places, kung nasa lugar ka na ang ventilation ay hindi naman sapat at maraming tao at hindi mo ma-maintain ang 1-meter social distancing, eh hindi ba maganda iyong karagdagang protection taglay ng face shield. Hindi ba mas maganda iyan. Pero siguro voluntary, by and large, pagka sa Alert Level 2 and strictly using this in the 3C context, 3Cs context; at pagka Alert Level 3, gawin mandatory ulit. So, risk-based, ang tawag dito risk-based use of face shield. Pagka nagtaasan na naman ang kaso, okay. So, puwede natin gawin mandatory sa Alert Level 3 and 4 ‘no. So, may mga ganoon na flexibility dapat, hindi na ang usapin eh gagamit ba o hindi? Hindi naman ganoon kasimple iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong na po ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: DOH has urged PhilHealth to immediately settle the unpaid claims of various hospital. What is slowing down the process of validating claims? Does PhilHealth have enough funds?
DOH SEC. FRANCISCO DUQUE III: Oo, unang-una, sapat ang pondo ng PhilHealth. So, hindi puwedeng maging diyan ang sanhi ng problema kung bakit nagkakaroon ng mga delayed reimbursements. Nagkakaroon ng delayed disbursement, one of the common reasons is iyong IT system ng PhilHealth medyo kinakailangan pang paunlarin. Kailangan mag-invest pa sa IT capacity or capability ng PhilHealth dahil alam ninyo ang membership base ng PhilHealth 100 million na mga Pilipino or more or less okay. Siya ang may pinakamalaking database requirement by the sheer volume of its membership. Wala ng ibang ahensiya ng pamahalaan na may ganoon kalaking requirement for a database system that will accommodate 100 million more or less Filipinos.
So, iyan ang patuloy na tinutugunan po ng inyong PhilHealth batay sa aking pag-uusap with President Dante Gierran, at siya naman ay patuloy na nakikipagdiyalogo sa Private Hospital Association of the Philippine Incorporated. Diyan po ang pinagmumulan ng marami din complaints or reklamo tungkol sa mabagal na reimbursement.
Pero ginagawa po ng PhilHealth ang lahat ng kanyang makakaya na makapagbayad po ng malaki-laki kung kumpleto po ang mga dokumento at may malinaw na batayan, legal basis for releasing such funds which by the way itong pondo na ito ay galing ito sa contribution ng atin pong mamamayan, ang mga health care workers at ang kaakibat na subsidiya mula naman po sa national government. So nag-iingat din po ang PhilHealth, at the same time, tinutugunan ang kakulangan pagdating sa IT system para mas mapabilis ang reimbursement.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagpapaunlak sa amin ngayong umaga, Health Secretary Francisco Duque III. Mabuhay po kayo, Secretary.
SEC. DUQUE: Maraming salamat din sa iyo, Usec. Rocky, at sa lahat po ng inyong mga tagasubaybay. Sana po lagi tayong ligtas at huwag po nating kalimutan ang kahalagahan ng bakuna at ng atin pong minimum public health standards. Simple lang po ang ating layunin sa administrasyon ni Pangulong Duterte: Pababain ang kaso ng COVID cases hangga’t sa hindi mabilaukan o ma-overwhelm ang healthcare system, at pataasin ang ating vaccination rate. Dalawa lang po ang hinihiling ng atin pong Pangulo. Iyon po, maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Salamat po, Health Secretary Duque.
Isang magandang balita ang hatid muli ng Government Service Insurance System o GSIS sa ating mga kababayan dahil sa kanilang programang maghahatid ng ginhawa para sa kanilang miyembro partikular na sa mga nagigipit sa budget ngayong may pandemya. Iyan po ang ipapaliwanag sa atin ngayong umaga ni GSIS Executive Vice President for Core Business Sector Nora Malubay. Magandang umaga po, Ma’am.
GSIS EVP MALUBAY: Magandang umaga po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Ma’am, ano po ba itong GSIS Multi-Purpose Loan or MPL?
GSIS EVP MALUBAY: Ang GSIS Multi-Purpose Loan po or MPL ay nilunsad po ng GSIS para makatulong po tayo sa ating mga active members ano po na may mga due and demandable loan accounts o may mga arrearages po sa kanilang mga loans. At sa pamamagitan po nito ay iku-consolidate po natin ang lahat ng existing service loans po nila at magkakaroon po tayo ng one time condonation sa lahat po ng penalties. Ang hindi lang po natin isasama dito ay ang housing loan po at policy loan.
USEC. IGNACIO: Pero anu-ano po iyong service loans na iku-consolidate dito sa GSIS MPL, ma’am?
GSIS EVP MALUBAY: Opo, ito po iyong mga matatagal na at mga existing na mga bagong service loans po natin, may mga arrearages sila tulad po ng salary loan.
Ang salary loan po natin, mayroon po tayong regular salary loan, restructured salary loan, enhanced salary loan at iyon din pong mga emergency loans assistance natin noong araw. Iyon pong mga summer one-month salary loan at mayroon po tayong conso loan plus and mayroon din tayong enhanced conso loan at iyong mga cash advances po na ating grinant noong araw at mayroon din po tayong home emergency loan program noong araw pa. Mayroon din po tayong educational assistance loan at iyon pong matatagal ng service loan like “fly now, pay later”, “study now, pay later” at iyon pong aming stock purchase loan. Iyan po kasi ay may mga arrearages po iyong ating mga members. Eh madadagdagan po iyan ng mga penalty. So amin pong nilunsad ang Multi-Purpose Loan para i-consolidate po lahat ng kanilang mga loans at mayroong one time condonation po ng penalties.
USEC. IGNACIO: Pero ano naman po ang maximum amount na puwedeng ma-avail dito sa GSIS MPL?
GSIS EVP MALUBAY: Ang maximum amount po na puwede nilang ma-avail ay 14 times po ng kanilang basic monthly salary. Pero ang maximum po natin, may max po tayo diyan 3 million po.
USEC. IGNACIO: Ito po ang maaaring maging tanong ng marami ano po, ma’am, iyong interest rate po ng GSIS MPL?
GSIS EVP MALUBAY: Ang interest rate po natin, kapag po ang ating member borrower ay mayroon ng tatlong taon na nagbabayad o higit pa na nagbabayad po ng kaniyang premiums, ang atin pong interest ay 7%. Kung less than 3 years pa po ang kaniyang pagbabayad ng kaniyang premium ibig sabihin less than three years po iyong kayang premium payments, so nasa 8% po per annum.
USEC. IGNACIO: Opo. Ilang taon daw po puwedeng bayaran ang GSIS MPL?
GSIS EVP MALUBAY: Ang atin pong term dito ay 7 years. Pero gusto ko po sanang i-announce din, I would like to take this opportunity na amin pong in-enhance ang MPL natin, from 7 years ay magiging 10 years po iyan. Hintayin po ninyo iyan para po mas marami pong maka-avail.
USEC. IGNACIO: Sino po ang mga puwedeng mag-avail nitong GSIS MPL?
GSIS EVP MALUBAY: Ang qualified po na mag-avail ng ating MPL: Kailangan po ang ating mga members ay mayroon pong at least 6 months na nababayarang premium; wala po silang leave of absence o iyon pong tinatawag nating leave without pay; at dapat po wala siyang pending administrative or criminal case.
USEC. IGNACIO: Okay. Nawala sa ating linya ng komunikasyon si Ma’am Nora, babalikan po natin siya. Pero kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbabahagi dito sa ating Laging Handa. Si Ms. Nora Malubay ang Executive Vice President for Core Business Sector ng GSIS. Ma’am, mabuhay po kayo.
Samantala, problemado ngayon ang ating mga kababayan sa General Santos City dahil sa nangyaring sunog sa Purok Saeg, Barangay Calumpang. Ang suliraning ito ay agad namang sinolusyunan ni Senator Bong Go, kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service kasama si Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas. Ria?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.
Balikan po natin si Ma’am Nora Malubay ng GSIS. Ma’am, good morning po ulit. Paano po ba makapag-apply ng GSIS MPL? At kung may katanungan po ba o nais na karagdagang impormasyon, ano daw po ang puwedeng gawin?
GSIS EVP MALUBAY: Ganito po, puwede pong mag-apply over the counter o kaya po may mga drop boxes kami sa mga lahat po ng GSIS offices nationwide. So puwede pong ang application ay ihulog sa mga drop boxes. Puwede rin pong online using eGSISMO o kaya po mag-email siya sa mga GSIS branch at mas mabilis po sana kung through the GW@PS kiosk po nationwide. Mayroon po tayo niyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am Nora, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pamamahagi ng impormasyon. Ms. Nora Malubay, ang Executive Vice President for Core Business Sector ng GSIS. Salamat po sa inyong panahon.
GSIS EVP MALUBAY: Thank you.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Maraming salamat po sa pagsama sa amin, at tayo po ay manatili o patuloy na mag-ingat at ligtas lalo na at 46 days na lamang po Pasko na.
Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita tayo muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Kasunod na po si Presidential Spokesperson Harry Roque.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center