Press Briefing

Press Briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Usaping bakuna po muna tayo: Dumating kagabi ang 2,000,805,000 doses na Sputnik V vaccine. Sinalubong po ito ni Presidente Rodrigo Roa Duterte, at ang deliveries na ito ayon sa Pangulo ay nagpapakita ng commitment ng bansang Russia para makamit ang global vaccine equity at pag-improve ng vaccine accessibility ng mga bansa kabilang na po ang ating bansang Pilipinas.

Inaasahan naman darating mamayang hapon, November 9, ang 793,900 doses ng AstraZeneca na donasyon po ng German government via COVAX. Maraming salamat po sa mga kaibigan natin sa bansang Alemanya.

Samantala, halos 65 million na po or 64,947,366 ang total vaccines administered sa buong Pilipinas as of November 8, 2021, ito po ay ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Sa bilang na ito, nasa 38.64 na po or halos 30 million, to be exact, 29,809,085 ang fully vaccinated – malapit na pong mag-forty percent ang buong Pilipinas.

Samantala, binabati po natin ang Metro Manila ha, good job dahil halos 100% na po ‘no or 99.4% o mahigit 9.7 million ang nakatanggap ng first dose habang 90.35% na po ang fully vaccinated o katumbas nang mahigit 8.8 million.

Sa COVID-19 update: Bumababa pa po ang mga bagong kaso kahapon ‘no. Ito ngayon po ay nasa 2,087 cases ayon sa November 8, 2021 datos ng DOH. Samantala, nasa 5.2% na rin po ang ating positivity rate – ang target po natin ay five percent. Patuloy din ang pagtaas ng ating recovery rate ‘no, nasa 97.3% na po ito, nasa 2,728,696 na po ang mga gumagaling. Samantala, nasa 44,521 ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami. Nasa 1.59% po ang ating fatality rate.

Kumustahin naman po natin ang mga ospital. Sa buong Pilipinas, forty-three percent po ang utilized ICU beds; sa Metro Manila, mas mababa po ito at 40%. Sa buong Pilipinas, 31% po ang utilized isolation beds; sa Metro Manila, ito po ay nasa 28%. Sa buong Pilipinas, 24% ang utilized ward beds; sa Metro Manila nasa 25% lang po ito. Sa buong Pilipinas, 25% ang nagagamit na mechanical ventilators; sa Metro Manila, ito po ay 26%.

Sa ibang mga bagay: Nagtala po ang Pilipinas ng growth of 7.1% sa third quarter ng taong 2021. Bagama’t mas mababa ito sa 12% growth noong second quarter, mabuting balita pa rin po ito dahil ang paglago ay nangyari sa gitna nang mahigpit na quarantine na ating ipinairal sa gitna ng Delta variant. According to our economic team, our third quarter growth of 7.1% is among the highest third quarter growth in ASEAN and in the East Asian region.

Kasama sa major economic sectors ayon sa Philippine Statistics Authority na nagtala ng positibong paglago ay ang industry na nasa 7.9% at services na nasa 8.2%.

Inaasahan natin na lalago pa po ang mga ito at ibang mga sektor dahil sa ating ginagawang pagbubukas ng negosyo at pagluluwag ng ekonomiya sa ilalim ng Alert Level 2 sa Metro Manila.

Pero alam ninyo po ha, kapag tayo ay nagpabaya, baka mamaya mag-lockdown na naman; kapag nag-lockdown, bawas hanapbuhay na naman. Kaya po ang ating hinihiling: MASK, HUGAS, IWAS at BAKUNA.

Kumpiyansa ang ating economic team at ang buong administrasyon na babalik tayo sa daan tungo sa rapid and more inclusive growth. Mangyayari po ito, magtiwala lamang po at mag-ingat – ingat-buhay para sa pagbabalik po ng ating buhay.

At sa iba pang mga bagay: Lumabas sa balita na mayroon daw pong 152 na mga abogado na nagpahayag ng kanilang pagtutol sa aking candidacy sa UN International Law Commission. Ang ugat po nito, ang sinasabi po nila eh huwag daw akong dapat iboto dahil ako po ay pumayag na maging spokesperson ng Pangulo.

Well, para po sa kaalaman ng ating mga kababayan, unang-una, mayroon po tayong mahigit na 78,000 na mga abogado sa Pilipinas. Kung 152 po ang kumontra sa aking nominasyon, ito po ay katumbas ng 0.001%. Maingay lang po sila dahil kabilang sa mga pumirma ay mga kilalang personalidad na talunan sa Otso Diretso at grupo ng kaliwa na walang nasabing maganda naman po sa mula’t mula tungkol sa administrasyon ni Presidente Duterte since Day 1. Sila rin po iyong mga nanggulo na mga raliyista sa New York na tumawag sa akin na war criminal, ay isang bituka nga po sabi nila.

Pero ngayon po, papaalalahanan ko lang po ang lahat: Tinututulan po nila tayo dahil ang pagiging spokesperson daw natin ay mayroon tayong guilt by association kay Presidente. Unang-una, wala pong ganoon; there is no such thing as guilt by association. Pangalawa po, wala pa pong napatunayang krimen laban sa Presidente. Ang preliminary investigation po ay laban sa drug war sa Pilipinas, ni hindi po ito laban kay Presidente Duterte ‘no, at ito po ay nasa preliminary investigation pa lang po ‘no. At lahat po ng mga paratang ay paratang pa lamang; dadaan pa po iyan sa butas ng karayom dahil mayroon po tayong tinatawag na complementarity. Sabihin nating totoong mayroong mga [garbled] pero hindi po pupuwede na aksyunan ito ng ICC hanggang hindi mapapatunayan na ang ating mga lokal na hukuman at mga piskalya ay hindi pupuwedeng maglitis at magparusa sa mga pumapatay – kung mayroon nga pong mga iligal na patayan na nangyari; wala pa po tayong napapatunayan.

Mayroon po tayong tinatawag na due process at presumption of innocence, at nakakaabala naman na mayroon tayong 152 na mga abogado na para bagang binalewala ang right to due process ng Presidente, at ng presumption of innocence. Eh paano po, sino po ngayon ang magri-reinvent ng mga basic legal principles and concepts ‘no? Well, anyway, kasama po talaga ito sa ingay sa pulitika at asahan ninyo na lalo pang lalakas ang political noise. Maghahanda na lamang po tayo ng bulak para takpan ang ating mga tenga. Buo naman po ang aking kumpiyansa sa mga estado na bubusisiin nila ang kuwalipikasyon ng lahat ng mga kandidato. Ang kailangan lang pong kuwalipikasyon para sa International Law Commission ay napatunayang kakayahan bilang eksperto sa larangan ng international law. Tatanggapin ko po ang husga ng mga iba’t ibang estado ng buong mundo pagdating po ng Biyernes.

Makakasama rin po natin ngayon si SSS President Aurora Ignacio para ibahagi ang pandemic relief at loan penalty condonation program ng SSS.

Madam President Aurora Ignacio, ano ba ho ang mga tulong na maibibigay ngayon ng ating SSS sa lahat po ng ating mga miyembro sa gitna ng pandemyang nangyayaring ito?

SSS PRES. AURORA IGNACIO: Magandang tanghali po, Spox Harry. And maraming salamat sa opportunity na ibinigay ninyo sa amin ngayon para maibahagi sa ating mga SSS members kung ano ang mga pandemic [unclear] programs natin.

Dahil ho sa nangyaring pandemic nitong nakaraang 2020 at saka itong panahon na ito ng 2021, mayroon po tayong ni-launch na limang programa para makatulong po sa mga miyembro natin na makapagpatuloy ng bayad o mabayaran ang kanilang previous loans or existing loans na hindi nababayaran dahil sa kakulangan po ng pambayad brought about by difficulties in this pandemic.

Lima pong programa natin na ni-launch ‘no. Iyong isa po, ang tawag po namin sa mga programa namin ay PRRP. And iyong PRRP 1 po natin ay nagawa na po natin sometime in September, ito po iyong in-extend natin ang pagbayad nila ng kontribusyon dahil noong nag-lockdown ho tayo ay hindi tayo nakakatanggap or hindi sila nakakalabas ng bahay kung hindi man sila nagbabayad through online. So in-extend ho natin siya hanggang September at natapos po natin iyon dahil marami ho tayong mahigpit na lockdown in the previous months, in July and August. So iyon po iyong PRRP 1.

We have PRRP 2, 3, 4 and 5. Para ho sa introduction lang po, ang pangalawang PRRP natin ay iyong contribution penalty condonation program. Iyong pangatlong PRRP natin ay iyong enhanced installment payment program. Ang PRRP 4 naman po iyong housing loan restricting penalty condonation program. At iyong PRRP 5 ho natin ay para naman po sa mga nagkaroon ng short-term member loans, ito po ay penalty condonation program.

So puwede ho bang magpakita ako ng short video to give a brief background on the penalty condonations?

SEC. ROQUE: Go ahead, ma’am. Go ahead po.

SSS PRES. AURORA IGNACIO: Thank you. Thank you po.

[VIDEO PRESENTATION]

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Madam President Ignacio. At ito po ay napakalaking tulong sa ating mga kababayan na umaaray mga po ‘no dahil sa mga lockdown na ginawa natin dahil nga po dito sa pandemyang ito. I’m sure makakatulong po ito sa marami sa ating mga kababayan para makabangon muli. Please join us po for our open forum, I’m sure marami pong katanungan din ang ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Simulan na po natin ang ating open forum. Usec. Rocky, go ahead please.

USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary, at kay Ma’am Aurora.

Ang unang tanong po, mula kay Kris Jose ng Remate/Remate Online. Iyong first question po niya ay nasagot na ninyo, Secretary, about the International Law Commission.

Iyong second question po niya, iyong follow up niya: Hindi ba daw po kayo nasasaktan o naiinsulto na kapwa ninyo abogado o kapwa Pilipino ang gumawa ng ganitong hakbang?

SEC. ROQUE: Well, tanggap ko na po na mayroon talagang ilang mga Pilipinong hindi matatanggal ang utak-talangka. Siguro po talagang kinakailangan tanggalin natin iyan sa ating mga pagkatao ‘no. Pero ganoon pa man ay inaasahan ko na po iyan dahil talaga naman pong sa mula’t-mula itong mga taong ito ay walang mabuting nasabi sa administrasyon ni Presidente Duterte. At dahil ako nga po ay tagapagsalita ni Presidente Duterte, siyempre po ito iyong tinatawag nilang shoot the messenger.

Pero kabahagi po talaga iyan ng pulitika. At ako naman, I take it in good stride, confident po ako that the states will evaluate the individual credentials of all the candidates for ILC because this is an expert body po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question po niya: Ano daw po ang mensahe ninyo sa kanila?

SEC. ROQUE: Well, ang mensahe ko po, unang-una po ay pag-aralan nilang mabuti iyong konsepto ng due process at iyong presumption of innocence, at saka wala pong guilt by association.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque. Ang susunod pong magtatanong via Zoom si Mela Lesmoras ng PTV.

SEC. ROQUE: Go ahead, Mela.

MELA LESMORAS/PTV: Hi! Good afternoon, Secretary Roque, at kay Ma’am Aurora. Secretary Roque, unahin ko lang po: May mga public events po ba si Pangulong Duterte na dapat abangan ng ating mga kababayan? May Talk to the People po ba mamaya?

SEC. ROQUE:  Mayroon pong Talk to the People mamaya.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. And, Secretary Roque, kasi iyon nga nabanggit ninyo kanina iyon nga sa vaccination program. Itatanong ko lang po sana kung paano pa iyong mga ways na gagawin ng pamahalaan lalo na at malapit na ring mag-December? Paano po mapapaigting iyong pagbabakuna sa ating mga kababayan ngayong kumpleto naman iyong supply? Are there any plans na isinusulong pa sa IATF?

SEC. ROQUE: Well, marami pa pong communications plans na isinusulong ‘no. Pero ang sa akin po, iyong huling survey ng SWS ay 64% naman po ay willing na magpabakuna at kapag nakamit naman po natin ang 64%, iyan po ay population protection na rin ‘no dahil 50 to 70% naman po talaga ang population protection.

So sa akin po, patuloy lang tayo dahil habang nakikita ng ating mga kapitbahay na napakadaming nagpapabakuna ay naiengganyo rin po sila.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. And, sir, sa booster shots po ba, may update na po kung kailan talaga ito masisimulan?

SEC. ROQUE: Wala pa po dahil sa Amerika ay nagsimula lang sila ng booster shots para sa mga may immunocompromised at sa seniors. So, antayin na lang po natin ang magiging desisyon ng ating mga expert panel group sa pagbabakuna at ng IATF.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. Sir, isang update lang po. Sa US po kasi ay tinanggal na iyong travel restrictions para sa mga non-citizens, and alam naman natin sa Pilipinas isa rin ito sa inaabangan lalo pa at marami din tayong mga kababayan na may iba ring mga mahal sa buhay sa abroad. Sa Pilipinas po ba, kailan po kaya nakikita itong ganitong scenario? May chance po kaya bago mag-Pasko?

SEC. ROQUE: Unang-una, ni hindi po natin kahit kailan pinigilan ang pag-uwi ng mga kapwa Pilipino natin, iyan po ang standing order ng ating Presidente. So kakaiba po tayo sa Amerika dahil ang Pilipino hindi po pupuwedeng ipagkait iyong karapatan na bumalik sa kanyang sariling bayan. So napakalaking pagkakaiba po iyon.

Ang hindi lang po natin pinapayagan ngayon ay iyong mga dayuhang mga turista na makapasok. Pero alam naman po natin na napakaraming mga Pilipino nakasalalay din sa turismo para sa hanapbuhay. So iyan po ay maigting na pinag-aaralan na dahil marami na rin pong mga bansa ang nagbubukas ng kanilang mga teritoryo para sa turismo.

So antay na lang po tayo dahil encouraging nga po na mahigit 90% na ang bakunado sa Metro Manila, at inaantay lang po natin na makahabol iyong ating mga karatig-probinsiya. At tingin ko naman po, hindi naman po para ipagkait iyong ganda ng ating bayan sa mga turista kung mayroon nang sapat na protection ang ating mga kababayan.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. Panghuli na lamang, Secretary Roque. May napili na po kaya si Pangulong Duterte na bagong itatalagang PNP Chief? At if ever, ano po ba iyong hinahanap ni Pangulong Duterte sa isang PNP Chief? Ano iyong talagang kinu-consider niya lalo pa at iyon ay magsisilbing huling PNP Chief bago siya magtapos ng termino?

SEC. ROQUE:  Well, napakataas po ng standard ng Presidente para sa PNP Chief, at nakikita naman ninyo kung paano ang naging serbisyo ni PNP Chief Eleazar. Kinakailangan po mayroong katapatan, napatunayan ang kakayahan para ipatupad ang mga batas ng ating bansa lalung-lalo na sa taon na tayo po ay magkakaroon ng eleksiyon.

MELA LESMORAS/PTV: Pero wala pa, sir, napipili as of now po ba?

SEC. ROQUE: Wala pa po. Ako naman po ang tagapag-anunsiyo kung mayroon na; sa akin po manggaling iyang impormasyon na iyan.

MELA LESMORAS/PTV: Okay. Thank you so much po, Secretary Roque, at kay Ma’am Aurora, kay USec. Rocky.

SEC. ROQUE:  Salamat, Mela. Balik tayo kay USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, tanong mula kay Jayson Rubrico ng SMNI News: Any comment sa sinabi ni MMDA Chairperson Benhur Abalos na may nangyaring miscoordination sa Manila City government sa pag-iisyu ng executive ordinance sa pag-alis ng face shield?

SEC. ROQUE: Ang alam ko lang po ay nagpulong po ang mga Metro Manila mayors. At ang sa akin naman po, idaan lang sa tamang proseso. Ako po, ang personal na paninindigan ko, dapat talaga tanggalin na ang face shield. Pero idaan natin sa proseso; antayin natin iyong desisyon ng IATF. Dahil kapag tayo ay hindi nag-antay na dumaan sa proseso, baka wala nang sumunod doon sa mga polisiya ng IATF.

So, ang pagkakaalam ko lang po, parang hindi yata nakadalo si Mayor Yorme doon sa pagpupulong ng MMDA. Bagama’t rekomendasyon din po ng mga mayors sa Metro Manila sa IATF na tanggalin na nga po ang face shield.

Ulitin ko po ha, kahapon, malinaw naman po ang sinabi ko sa ating press briefing: Hindi rin po tayo sang-ayon sa pagpapatuloy ng face shield policy. Pero kinakailangan idaan sa proseso dahil kung hindi natin idadaan sa proseso, baka magkaniya-kaniya na lang ang ating mga kababayan; mababalewala iyong mga polisiyang iniisyu ng IATF na dapat sana ay ipatupad ng mga lokal na pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyon second question po niya: May final na po bang desisyon with regard sa pagsusuot ng face shield?

SEC. ROQUE: Sa Huwebes naman po iyan pag-uusapan. Dalawang tulog na lang po iyan, puwede na po tayong makaantay.

USEC. IGNACIO: Opo. From Maricel Halili ng TV 5: In Singapore daw po, people who are unvaccinated by choice and come down with COVID-19 will have to foot their own medical bills from December 8. Will the government also consider imposing the same policy in the Philippines to fight vaccine hesitancy?

SEC. ROQUE: Well, ako po kasi iyong author ng Universal Health Care noong ako po ay kongresista. Sa Universal Health Care po, ke ikaw ay bakunado o hindi, eh mayroon po tayong package para sa mga COVID. Pero ang pakiusap ko po, kung hindi kayo magpapabakuna, sayang po iyong resources; sayang iyong salapi na ibabayad natin sa inyo para sa COVID package samantalang puwede naman pong maiwasan iyan ng maibigay na karagdagang benepisyo sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from MJ Blancaflor ng Daily Tribune: May we get your reaction to Mayor Isko’s statement that the City of Manila will proceed with its implementation of EO 42 on face shield use despite your appeal to LGU to enforce the existing IATF policy. Does the Palace find his move offensive?

SEC. ROQUE: Well, gaya ng aking sinabi, pinauubaya na po natin iyan sa DILG.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: Mayor Isko is arguing that mayors have the powers to exercise their powers necessary, appropriate or incidental for efficient and effective governance and those which are essential to the promotion of the general welfare under the Local Government Code. In this case, sino po ang dapat sundin ng mga Manileño, ang national government o ang Manila LGU?

SEC. ROQUE: Iyan nga po ang aking sinasabi, kapag nagkaniya-kaniya tayo eh mawawala po iyong ating tinatawag na kumbaga iyong ultimate executive power na ini-exercise po ng Presidente.

Lahat naman po ng lokal ng pamahalaan ay kabahagi po ng executive branch of government. So sa akin po, kung ayaw niya talagang sumunod, siguro pagpapakita lang ng respeto sa proseso dahil pinakikinggan naman po ang boses ng lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong pangatlo pong tanong ni MJ ay: Mayor Isko also dared the national government to file a case against a certain mayor who had signed a similar issuance, easing rules on face shields. How do you wish to respond to this?

SEC. ROQUE: Ipinaubaya na po namin sa DILG. Sa mula’t-mula po hurisdiksiyon po iyan ng DILG.

USEC. IGNACIO: Opo. From Sam Medenilla ng Business Mirror for SSS President Ignacio: How much is the existing fund of SSS? Based from the latest actuarial study, ano po ang expected fund life ng SSS?

SSS PRESIDENT IGNACIO: Maraming salamat, Usec. Rocky, kay Sir Sammy.

Ngayon po, ang ating reserve fund po ngayon ay nasa 625 billion. Iyon po ang ating pondo ng SSS ngayon na ginagamit para sa mga benepisyo ng ating mga members ‘no. Ang fund life naman po natin ay base sa last actuarial valuation which is in 2019, ang fund life po natin ay year 2054. Kaya lang po, hindi ho kasama sa pinag-aralan ng gumawa ng actuarial valuation ang COVID pandemic dahil noong ginawa po ito ay wala pa iyong pandemya. Ang susunod po nating pag-aaral or actuarial valuation ay gagawin sa 2023 pero ang gagamitin pong numbers doon ay iyong nakaraang taon na 2020. Iyon po ang nakasaad sa ating batas na kailangang gawin ang valuation every three years.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong second question po niya sa inyo, ma’am: How did the pandemic affect the fund life of SSS?

SSS PRESIDENT IGNACIO: Salamat po, Usec. Rocky.

Actually po noong 2019, tayo po ay nakakuha ng 223 billion in contribution collection. Noon pong 2020, bumaba po ito ng malaki, 7.8%. So, around 206 billion lang po ang nakolekta natin nang 2020 gawa po ng maraming negosyo ang nagsara or nag-lay off ng mga empleyado.

So, ang kanila pong kontribusyon either naputol at the time of the pandemic at hindi na po nakapagpatuloy hanggang sa matapos na ang 2020 natin. So, bumaba po ang collection natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong third question po ni Sam Medenilla: Is SSS now considering a premium hike? If yes, when will it be implemented?

SSS PRESIDENT IGNACIO: Usec. Rocky, iyong atin pong batas, iyong SSS Act of 2018 or iyong Republic Act 11199 ay nagtala po ng contribution hike schedule. At ang susunod po nating pagtaas ng kontribusyon na nakasaad sa batas ay sa taong 2025.

So, iyon po. Hindi ho tayo basta-basta makapaggawa ng increase nang sa atin lang pong management or commission, kailangan po iyon nasa batas.

USEC. IGNACIO: Thank you, ma’am.

SSS PRESIDENT IGNACIO: Salamat.

USEC. IGNACIO: From Ivan Mayrina ng GMA for Secretary Roque: Your reaction daw po sa NUPL formally opposing your candidacy to the UN Law Commission. What action will you take on this?

SEC. ROQUE: Lumang balita na po iyan. Dati na pong nag-issue ang NUPL. Alam ninyo naman ang NUPL, Bayan group of party-list iyan, talaga pong kalaban po iyan ng gobyerno. Bagama’t ironically, itong Bayan group ay sumuporta po kay Presidente Duterte noong 2016 elections. Kaya nga po ako ay nagtataka, binabatikos nila ng walang tigil ang Pangulong Duterte pero noong eleksiyon, ikinampanya nila si Presidente Duterte.

USEC. IGNACIO: Opo. From Ivan Mayrina pa rin po ng GMA News: DILG Secretary Año disagreed with your position that the executive orders issued by local chief executives are null and void citing a provision of the Local Government Code upholding their powers to issue ordinances and executive orders. Any development on the face shield policy? And what actions, if any, will the IATF undertake to ensure uniformity in policy and compliance among local chief executives? Similar question po with Maricel Halili ng TV5.

SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan. Hindi pupuwede kasing nagkakaniya-kaniya sa panahon ng pandemya. Siguro po, kung hindi batas ang pinag-uusapan, respeto na lang po sa ating Presidente dahil lahat naman po ng desisyon ng IATF ay desisyon ng Presidente.

Ang sa akin po, idaan sa proseso. Uulitin ko po, paulit-ulit na ako, naku, napakadaming pagkakataon ako mismo sumasang-ayon sa polisiya ng IATF ‘no, pero bilang spokesperson kinakailangang pong magsalita para sa IATF at dinadaan po sa proseso. Lahat po iyan ay pinag-uusapan sa IATF.

Ang aking pakiusap po, kapag hindi kasi natin sinunod ang IATF resolutions, baka isipin ng lahat ng ating mga mamamayan eh pupuwede nang balewalain ang mga IATF policies. Paano ngayon susunod ang mga mamamayan kung ang mga mayor mismo ay hindi sumusunod ‘no.

So, sa akin po, idaan sa tamang proseso at maghintay naman po dahil lahat naman po iyan ay kinukonsidera ng ating IATF.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong third question po ni Ivan Mayrina, similar question with Maricel Halili: Sa Cebu City ginawang kondisyon para makuha ng mga empleyado ang kanilang P20,000 na Christmas bonus kung lahat ng empleyado ay fully vaccinated na. Is this proper?

SEC. ROQUE: Wala po akong nakikitang pagkakamali diyan kasi Christmas bonus po ang pinag-uusapan. Hindi naman po requirement ng batas na magbigay ng Christmas bonus. Ang requirement po para sa mga taong gobyerno ay 13th and 14th month pay. Dahil discretionary po ang Christmas bonus, pupuwedeng gamitin po iyan kabahagi ng incentive para makapagbakuna ang mas marami sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang follow-up po ni Ivan: Are LGUs encouraged to come up with ways to get more people to get vaccinated but at what point does government draw the line between pushing for vaccination and discrimination or holding benefits contingent on getting jab?

SEC. ROQUE: Well, kagaya ng aking nasabi na po diyan, pagdating naman po sa pag-eempleyo, hindi po pupuwedeng magsisante palibhasa hindi bakunado lalo na kung empleyado na ang isang tao dahil ito po ay protektado ng security of tenure clause ng ating Saligang Batas.

Pero kapag mayroon pong requirement na hindi pupuwede magtrabaho ang hindi bakunado, hindi lang po sila masisisante, hindi rin sila makakapagtrabaho ‘no at alam naman po natin “no work and no pay”. Pero pupuwede naman po silang manatiling empleyado bagama’t pupuwede silang hindi makasuweldo.

So, ganoon po ang pagbabalanse na ginagawa ng batas ‘no, niri-recognize natin ang security of tenure pero niri-recognize din natin iyong police power ng estado para pangalagaan ang kalusugan ng marami.

Lahat po ito ay magbabago kung magkakaroon ng batas. Ang importante po, magkaroon po ng polisiya galing po sa ating mga mambabatas na ginagawang mandatory ang vaccination. Kapag nagkaroon po ng batas, wala pong pagtutol na pupuwedeng magawa dahil mayroon na pong desisyon ang korte ng Pilipinas, Supreme Court ng Pilipinas at ang Estados Unidos na kinikilala ang validity ng ganitong mga batas.

USEC. IGNACIO: Opo. From Doris Bigornia ng ABS-CBN: Sabi daw po ni DOJ Secretary Guevarra, hindi uusad ang proposal na “no bakuna, no ayuda”. May proposal din ang MMDA/MMC na “no bakuna, no tiangge”. Gagawin daw mandatory ang pagbabakuna sa mga tiangge owners pati tindero/tindera. So, based po sa SOJ position, hindi papayagan ito?

SEC. ROQUE: Hindi po, dalawa po iyong sinasabi ni SOJ and kahapon po ang sinabi ko kinakailangang maamyendahan iyong 4Ps. Kasi nga po dati-rati executive program lang iyan, kung wala pong batas pupuwede pong ma-require na ‘no vaccination, no benefits’ under 4Ps.

Kaso po ang ating 4Ps, ginawan na pong batas at malinaw po doon kung sino iyong qualified na makakuha ng 4Ps subsidy ‘no. At dahil hindi po kabahagi doon iyong hindi nagpapabakuna, kinakailangang maamyendahan po iyong batas. So, pupuwedeng amyendahan po iyong batas.

Pagdating naman po sa tiangge, iba pong bagay iyan ‘no, kasi ito naman po ay kabahagi ng general welfare clause na tanging ang mga bakunado ang papayagan magbenta sa mga tiangge. Sa tingin ko po, iyan ay valid exercise of police power.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Fil Sionil: Why did you go to New York and how long did you stay? Was the trip related to your candidacy to the UN International Law Commission?

SEC. ROQUE: It was an internal law week of the UN po; mahigit isang linggo; inevitably, yes, it was related to my candidacy kasi ito po iyong taon na nagri-report ang International Law Commission sa mga miyembro ng United Nations kung ano man ang ginagawa ng International Law Commission.

USEC. IGNACIO: Opo. From Tuesday Niu: Ano daw po ang magiging agenda or topic ng Talk to the People ni Presidente?

SEC. ROQUE: Hindi ko pa po nakikita ang talking points, pero maya-maya po ibibigay po sa akin iyan, mga hapon na po iyan.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Secretary Roque at sa ating bisita, Ma’am Aurora Ignacio.

SEC. ROQUE: Thank you very much, SSS President Madame Aurora Ignacio. Thank you very much, Usec. Rocky at maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corp.

So, natapos na naman po ang ating Presidential Press Briefing. Maraming salamat sa buong Pilipinas sa inyong patuloy na pagtangkilik hindi lang po sa press briefing, sa inyong patuloy na tiwala at suporta kay Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Natanong po ako, nasaktan ba ho ako doon sa mga sinasabi ng mga abogado? Well, alam ninyo naman po ako, matagal ko ng sinasabi na importante ang karapatan ng malayang pananalita, we have to walk the talk. Hinahayaan ko pong kayo na mga taumbayan ang maghusga at darating po ang panahon hihingi ako ng inyong paghusga. Tingnan na lang po natin kung ano ang iyong magiging desisyon.

Maraming salamat po. Magandang hapon, Pilipinas.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)