USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa lahat ng ating mga tagapanood at tagapakinig saan mang panig ng mundo; ngayon po ay November 8, araw ng Lunes, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio.
Ngayong umaga ay makikibalita tayo sa mas pinaigting na pagbabakuna ng pamahalaan at ang epekto naman ng pagbaba sa Alert Level 2 ng Metro Manila sa sektor ng empleyo sa Pilipinas at mamaya po isa namang programa ng GSIS ang ilalahad ng ahensiya para sa ating mga kababayan. Tutukan ninyo po iyan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Samantala, sa kabila po nang pagluluwag ng restrictions dito sa Metro Manila na ngayon po’y nakailalim sa Alert Level 2, nagpaalala naman ang Senate Committee Chair on Health na si Senator Bong Go na panatilihin ang pagiging maingat at sumunod pa rin sa health protocols. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: As of November 6, umabot na po sa 63.4 million doses ng mga bakuna ang naiturok sa buong bansa kung saan 29.2 milyong mga Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19. At para makibalita po sa mga pinakahuling development sa vaccination rollout ng pamahalaan, makakausap po natin si Vaccine Czar at NTF Against COVID-19 Chief Implementer, Secretary Carlito Galvez, Jr. Good morning, Secretary.
SEC. GALVEZ: Good morning po sa inyong lahat na nakikinig po sa ating programa sa Laging Handa. Good morning, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nabanggit ninyo po na pinaplanong magkaroon ng national vaccination day by November 20 at 30. Ano po ba exactly ang mangyayari sa mga araw na ito; ito po ba ay proposal pa lang o tuloy na?
SEC. GALVEZ: Ito po’y pinu-propose po namin na magkaroon ng 3-day national vaccination day tayo. Ito po ay magsisimula sa November 29, 30 at saka December 1 kasi tinataon po natin na talagang iyong National Heroes Day iyong November 30 kasi parang mini-messaging natin na ang lahat ng tao na magpabakuna ay isang bayani.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, noong isang linggo po we hit the 1 million jabs per day pero malaki-laki pa rin daw po iyong hamon na ma-sustain itong target na 1.5 million doses na ma-administer kada araw; so, ano po ba ang mga bagong strategies ang gagawin natin para po maabot ito?
SEC. GALVEZ: Nagbigay po ng direktiba ang ating mahal na Pangulo at sinabi nga niya na iyong lahat ng mga ahensiya – ang DepEd, ang military, ang Police, ang Coast Guard – ang lahat po ng mga agency magtulung-tulong na para mapabilis iyong suporta natin sa LGU para ang administration at saka deployment ay maging mabilis.
So iyong ginawa po namin, nagkaroon po kami ng meeting lately – ang League of Governors at saka League of Mayors at the same time kami nila Sec. Duque, Sec. Año, Sec. Vince at saka ang National Vaccination Operations Center at si Sec. Duque – ay nag-meeting po para po tugunan iyong tinatawag na pangangailangan para mapabilis po ang deployment natin from the DOH regional CHD sa mga probinsya hanggang doon sa ating mga munisipalidad.
At nakita po natin na nag-react po ang mga ano, ang ating mga ano positively, ang mga governors – si Governor Dax at saka si Governor Presbi – na tutulong po sila sa national vaccination natin na talagang paigtingin po nila at ira-ramp up nila ang kanilang vaccination sa lahat ng mga lugar at iyu-utilize na nila ang lahat ng mga vaccination centers. At the same time ang DepEd at saka iyong CHEd ay tutulong na po sa atin para maging agresibo ang ating vaccination.
At ang ginagawa rin natin, pinapalakas po natin ang mga vaccine acceptance, tumutulong na rin ang private sector para magbigay ng tinatawag na impormasyon para mapalakas natin ang vaccine acceptance lalo na dito sa mga liblib na mga lugar.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, basahin ko na po itong tanong ni Ian Cruz ng GMA News: There are 47 million doses of vaccine in storage daw po that had not been administered. We understand na iba dito ay for second dose but for the first dose, ano po ang nagiging problema to distribute and administer it?
SEC. GALVEZ: Nakita natin hindi naman tayo nagkaroon ng problema. Nakita lang natin na talaga nitong dumaan na October, talagang napakalakas ng delivery natin. So ibig sabihin talaga iyong sa delivery na almost 1.5 everyday so nagkaroon ng tinatawag natin na massing up of our stockpile which is ang ginagawa po natin ngayon maganda iyan, ibig sabihin steady na iyong ating supply.
Ngayon ang ginawa natin, dineploy natin ito sa mga ibang lugar – sa CHD, sa mga regions, sa probinsya. Nakikita natin kasi ang medyo problema natin dito ay itong mga dumating na mga bakuna lalo na iyong Pfizer, 19 million ang dumating at saka iyong Moderna and also Sputnik, itong mga sensitive na mga bakuna. So ang nakikita natin ay gusto natin iyong mga bakuna na iyon ay hindi mapanis so ang nangyayari iyong ating mga different municipalities parang ang ginagawa nila, gusto nilang delivery iyong just in time para at least—kasi limited lang iyong capacity nila.
So ngayon nagka-capacitate tayo, maganda at nagbigay ng donation ang US ng 40 cold chain refrigerators. So ito dini-distribute na natin sa mga different far-flung areas and hopefully by this week and next week tataas na iyong ating capacity and at the same time tataas na rin ang ating administration this coming two weeks na darating.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Lei Alviz ng GMA News: While almost 90% daw po ang vaccination coverage sa target population sa NCR, sa ibang probinsya raw po ay wala pa raw po sa 50% base sa mapping ng Go Negosyo; sa BARMM daw po ay 10% pa lang. Ano daw po iyong factors nang mababang coverage sa mga probinsiya at ano po ang gagawin para daw po makahabol sila?
SEC. GALVEZ: Unang-una ang nakita natin iyong accessibility. Nakita natin iyong mga areas na iyan, iyong BARMM, iyong access na nakita natin na karamihan sa kanila mga geographically isolated areas – iyong Basilan, Sulu and Tawi-Tawi, iyong mga island provinces nito. And then ang limitation talaga ng cold chain facility. So ang magandang ginagawa namin ngayon, nagtutulung-tulong na tayo at saka kulang iyong—nakita natin iyong isang nakita natin na medyo isang problema ng mga LGU ay kulang iyong mga vaccinators.
So ngayon nagmu-mobilize na tayo at nagpapasalamat po kami dahil kasi iyong Philippine Medical Association, iyong Pediatric Association of the Philippines at saka iyong Philippine College of Surgeons at other allied medical professionals like dentists and also pharmacists ay tutulong na po sila para mag-volunteer na mag-vaccinate doon sa kanilang mga tinatawag natin na mga lugar.
So ang nakita natin itong mga problema na ito ay—mga challenges na ‘to ay unti-unti nating nalulunasan at the same time kaya nga gagawin natin iyong national vaccination day para makita natin iyong—ma-capacitate natin iyong mga lugar lalo na iyong mga lugar ma-reinforce natin, mga lugar na medyo mahina ang kanilang vaccination ay ma-reinforce po natin at mabigyan po natin ng tinatawag na support in terms of numbers of vaccinators and also iyong mga personnel na puwedeng mag-encode.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, basahin ko pa rin po iyong mga tanong ng ating kasamahan sa media ano po. Tanong pa rin po ni Ian Cruz: Ano pa pong mga provinces/regions ang mabagal ang inoculation and not hitting the required target jabs per day?
SEC. GALVEZ: Nakikita natin iyong region lang talaga ng BARMM, isa iyan sa mga talagang nakita nating medyo mababa ang kaniyang vaccination at saka iyong Region V. Iyong Region V kasi lagi pong binabagyo at the same time nadi-disrupt iyong kanilang vaccination activities.
At nakikita din natin iyong ibang mga regions, ang pinakamataas, i-ano ko lang sa iyo ngayon, babasahin ko ngayon ang matataas na mga region na talagang sumusunod sa National Capital Region. Ito iyong CAR, Region XI, Region IV-A, Region III, Region X, Region I and Region VII. So, ang ginagawa po natin, tinutulungan po natin iyong talagang medyo mayroong mga challenges – iyong Region V, Region XII, MIMAROPA at saka Region IX.
Sa ngayon po, patuloy po ang mga deliveries natin ng mga vaccines sa mga areas na ito at talagang tinutulungan na rin ng AFP at saka ng PNP ang mga lugar na ito. At saka kinausap na po natin si Secretary Lorenzana at Secretary Año na tulungan ng mga pulis at saka ng military at ng other uniformed personnel itong mga area po na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Ian Cruz: Mataas pa rin po iyong vaccine hesitancy sa kanayunan, anu-ano daw pong strategy ang ginagawa ng pamahalaan para po makumbinse ang mga tao na magpabakuna?
SEC. GALVEZ: Nakikita naman natin sa latest survey ng SWS tumaas ang ating tinatawag na acceptance from 46% to 64%. Ang nakikita lang natin talaga, ang importante magkaroon ng massive information drive dahil kasi based doon sa survey, ang karamihan ng mga kababayan natin na hindi nagpapabakuna ay misinformation kung saan marami talagang sa social media na nakikita natin na talagang maraming disinformation regarding sa safety and efficacy ng ating mga bakuna.
So, ngayon ang ating mga vaccine experts, ang ating mga medical associations, kasama ang mga private sector natin, bumuo sila ng tinatawag natin na isang avenue para at least magkaroon ng massive information pertaining the efficacy and safety ng ating mga bakuna.
So, kaya po nananawagan po kami sa lahat ng ating mga kababayan na ang ating mga bakunang ginagamit po ngayon, ang walong portfolio po na ginagamit po natin ngayon ay talagang epektibo po sa real world data, napaka-effective at saka very efficacious.
So, iyan po ang inaano po namin na sana huwag kayong maniwala sa mga fake news at the same time iyong mga ginagawa ng mga anti-vaxxers; na talagang kailangang-kailangan nating magpabakuna. Nakita natin na bumagsak ang ating cases dahil napakataas ng ating pagbabakuna dito sa Metro Manila.
USEC. IGNACIO: Opo. Huling tanong po ni Ian Cruz: Ano daw po iyong update sa expiring 400 doses ng Moderna ngayong November? Nai-distribute po ba ito? At may expiring vaccines din po ba sa Nueve Ecija? Iyan naman po ay tanong ni Lei Alviz ng GMA News.
SEC. GALVEZ: Sa ngayon, ang ginawa natin, Usec. Rocky, lahat ng mga vaccines na dumadating, naka-catalogue na sa amin iyan kung ilan ang mga vaccine ngayon na mag-e-expire ngayong November, December at saka iyong first quarter ng 2022.
Sa ngayon ang naka-catalogue sa amin is dalawang vaccine – iyong Moderna at saka iyong AstraZeneca. Sa ngayon, na-deploy na po natin iyong Moderna na nakuha ng ating private sector ay nailipat na po sa government sector. Nai-loan po namin iyon at papalitan lang po iyon kapag mayroong dumating na mga matataas na shelf life na Moderna.
Sa ngayon ang AstaZeneca dini-deploy po natin, kasalukuyan po nating dini-deploy sa Region IV-A at other regions at kumpiyansa po kami na kaya po nating maturok po iyong mga bakuna na ito bago po mag-expire. At mayroon pa po tayong more or less 22 days to exhaust all our means na mabakuna po ito sa lahat ng mga taong nangangailangan.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano po ang palagay ninyo dito sa isinusulong na “No vaccine, no subsidy” sa mga 4Ps beneficiaries ng DILG? Tingin ninyo po ba ay panahon nang gawing mandatory ang pagbabakuna? Iyan din po ang tanong ni Mariz Umali ng GMA News at ni Jo Montemayor ng Malaya.
SEC. GALVEZ: Sa akin pong palagay, personal kong palagay at saka palagay po namin ng DILG, napapanahon na po na talagang kailangang i-mandate po natin ang vaccination. Unang-una, hindi po tayo makakalampas dito sa pandemyang ito hanggang hindi po lahat ay nababakunahan.
Kung mayroon po tayong hesitancy na more or less 34%, napakalaking sizeable amount po iyon, 34 million ang nagro-roam around na para time bomb na nakikita natin na sila ang maghahasik ng lagim sa ating tinatawag na mga mamamayan.
Nakikita namin iyong mandated vaccination is necessary, parang katulad din po ito noong sinasabi ko nga po na minandate natin na no smoking sa public areas. At nakikita po natin na mas mahirap pa po iyong ating dinadanas po ngayon na napakalaki ng epekto po nito sa ating ekonomiya, sa ating kalusugan.
So, sa amin po, nakikita po natin, parang iyong sa isang lugar na magkakaroon po ng isang typhoon. Nagkakaroon po tayo ng tinatawag na forced evacuation kasi alam po natin mamamatay po sila kapag hindi po sila nag-evacuate. Ganoon din po ang ating mandato kasi we have a constitutional mandate. The state has a constitutional mandate to protect the people and look for their welfare.
At kung nakita natin iyong isang bakunado, sure na sure po tayo na kapag tinamaan po ito ng COVID, [hindi] ospital po or sementaryo ang aabutin ninyo po. Kaya po ang inampon natin na gusto po natin mabakunahan ang lahat ng [populasyon] para maligtas po sila at maligtas po ang kanilang pamilya at maligtas ang ating pamayanan sa mga tinatawag nating serious at saka fatal death na puwedeng mangyari.
At mahirap po ang mangyayari na hindi natin maso-solve, na lagi po tayong magsu-surge, lagi po tayong maglo-lockdown at babagsak po ating ekonomiya at nakikita po natin marami rin pong mamamatay.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may pahabol lang pong tanong diyan si Mariz Umali: Some say this anti-poor? Ano daw po ang palagay ninyo rito? Is this feasible since we don’t have any law that says vaccination is obligatory?
SEC. GALVEZ: Ang nakikita po natin iyong sana sa 4Ps po puwede naman nating i-delay iyan, hindi naman natin ipo-forfeit. Hanggang once na mabakunahan na siya ibibigay po natin sa kaniya iyan. Ang nakikita lang po natin kasi iyong tinatawag na mga pribilehiyo, iyong tinatawag na incentivize at saka disincentivize iyong unvaccinated.
Mas maganda pong ano iyon eh—Nakita po natin sa Israel at saka sa US, napakataas ng hesitancy nila, more or less 50% to 60% ang kanilang hesitancy. Ngayon, tumaas ang kanilang vaccination because talagang minandato po nila ang lahat ng mga sundalo, ang lahat ng mga tinatawag nating government workers, dapat mandato po talaga na kailangan bakunado po.
At sinasabi po ng ating mahal na Presidente talaga na hindi po tayo ligtas hanggang ang isang tao ay hindi ligtas.
USEC. IGNACIO: Opo. Target po na makapagbigay ng booster shot at third dose by November 15. Kumusta po iyong preparations natin dito? May update na po ba kaya kung kailan mailalabas iyong guidelines para po sa administration ng booster shots?
SEC. GALVEZ: Hinihintay po natin ang tatlong bagay.
Una, iyong tinatawag nating iyong WHO SAGE guidelines na kung ano ang gagamitin natin, kung homologous or heterologous.
Pangalawa po iyong FDA EUA amendments. Ibig sabihin po, iyong lahat ng mga bakuna, kasi two doses lang po ang authority niya at saka one dose, ngayon magti-third dose pa tayo at saka boosters, kailangan po ng amendment. Sa ngayon po, nag-usap po kami ng mga experts, tatapusin po nila iyong deliberation ngayong araw at baka i-submit na po nila sa FDA iyong kanilang findings. At nakita po namin na more or less na siguro ngayong linggo baka lumabas na po iyong tinatawag na EUA amendment.
At we are still awaiting iyong tinatawag natin na, later kapag dumating na po ang EUA at mayroon na po tayong WHO SAGE, ang pangatlo po iyong tinatawag nating DOH protocols and guidelines in the administration of booster and third dose.
So, iyong tatlo po na iyon ang hinihintay po natin and hopefully dumating po iyon before November 20. Mayroon na po tayong naka-prepare na na more or less five million to six million doses para po sa ating mga healthcare workers. 1.5 million sa healthcare workers at 4.5 million naman po sa mga immunocompromised.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po naman ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Ilan na po kaya ang total vaccine wastage na na-record po ng NTF? How will this affect the vaccine drive of the government?
SEC. GALVEZ: Nakita po natin kahit po iyong isang aberya po, very unfortunate po iyong nasunog po. Hindi na po natin kagustuhan na nasunog po iyong Provincial Health Office ng Zamboanga del Sur at nakita po natin nasunog po iyong 148,000.
And then mayroon po tayong 12,000 na nagkaroon ng wastage. Ang nakita po natin, napakaliit po na porsiyento po iyon. Dahil kasi kung titingnan po natin, kahit na wastage ay talagang mayroon po tayong tinatawag na mga sakuna at saka mga bagay na hindi natin mapigilan.
Ang alam po namin sa global experiences, ang mga wastage po na karamihan po is 1% to 2-3%. Sa atin po ang wastage po natin napakaliit. Kasi po kung tutuusin po natin, ang 1% po ng 110 million is more or less 1,100.000 wastage na parang tinatawag nating puwede pong authorized or tinatawag na allowable.
Pero sa atin po ngayon, nakikita po natin napakaliit na porsiyento, dahil more or less 162,000 ang ating wastage. At iyon pong mga wastage po na iyon ay may mga tinatawag natin na mga breakage, iyong mga tinatawag natin na nawalan ng kuryente at nasira po. Iyong iba po, hindi po nagkaroon ng continuity iyong tinatawag nating cold chain solution. And then, mayroon din po, mga tinatawag nating mga defects, iyong mga broken vials at the same time. Iyong tinatawag natin sa packaging, nakita natin na mayroong hindi maganda iyong temperature na na-ano po natin.
So iyong ibang mga ano po, nakita natin sa wastages – we would like to congratulate, USec. Myrna at saka National Vaccine Operation Center – kung makikita po natin, very minimal po iyon at saka po talagang hindi po natin kagustuhan. Gustuhin man po natin na wala pong ma-waste, talaga pong kalamidad po ang nangyari.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon po ay kumusta naman ang pagbabakuna sa pediatric population at ano daw po iyong masasabi ninyo, Secretary, sa naging pagdagsa ng mga tao, kasama ang mga bata sa mga lugar pasyalan nitong nagdaang Alert Level 2 nitong weekend?
SEC. GALVEZ: Nakita po natin na sa tagal ng ating lockdown, sabik na sabik na po ang mga kabataan at saka ang ating mga mamamayan na talagang lumabas. Nakita natin iyong nangyari sa dolomite, nangyari po dito sa mga malls and even galing po ako sa Baguio, talagang punung-puno po iyong mga hotel at nakita po natin na talagang iyong ekonomiya po natin ay nagbubukas na.
Iyon po talaga nakita po natin na talagang iyong sa pagbabakuna ng mga bata, nakita po namin tuluy-tuloy po ngayon, kasi iyon po ang kagustuhan po ngayon ng ating mahal na Pangulo na at least makapag-face to face na po tayo at mahayaan na po natin ang mga bata na makapaglaro.
So sa ngayon ang ano po natin, talagang massive ang ating vaccination. Tumutulong po ang Secretary ng CHEd, si Secretary Popoy De Vera, talagang very aggressive po siya, mayroon siyang vaccination day every Friday, and umiikot po siya sa buong Pilipinas. Ganundin po ang DepEd tumutulong din po at tumutulong na rin po ang ating Philippine Medical Association at nakikita po namin, maganda po iyon at maganda po ang nagiging turn out ng vaccination ng mga bata.
In fact, very commendable iyong si Mayor Magalong, nakita namin na very efficient iyong kanyang vaccination ng mga bata at nagpapasalamat po kami sa SM Megamall at saka sa SM Malls na talagang tumutulong po sa pagbabakuna. Nakapagbakuna po ang Baguio ng isang araw ng more or less 5,000 at 3,000 po doon ang kabataan. Ang bilis po 1 and half hour natapos na po kaagad iyong bakunahan sa Baguio, nakita ko po mismo na nagsimula po kami 2:00 o’clock, 4:00 o’clock po tapos na po lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary pagdating naman po sa paggamit sa face shield, tanong po ng marami, kailan daw po inaasahang makapaglalabas ang IATF ng final guidelines sa paggamit nito? Base po rin dito sa mga news feeds ay sinabi po ni MMDA Chair na irirekomenda daw po ng Metro Manila Council sa IATF iyong pag-scrap ng paggamit ng face shield dito po National Capital Region maliban daw po sa mga high risk areas?
SEC. GALVEZ: Iyon din po ang parang recommendation po na karamihan po ng mga members ng IATF na magiging voluntary na siya at magiging required lang siya sa ospital at saka doon sa mga risk areas, high risk areas. So iyon po ang aming rekomendasyon at hopefully within this week or as soon as possible magkaroon po tayo ng tinatawag na resolution parang gawin ng voluntary ang face shield po.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong pong isa si Sam Medenilla from Business Mirror para sa inyo. Recently daw po may resurgence ng COVID infection sa China and other country sa Europe. May plano po kayang i-update ng IATF and NTF na to place the said countries under the red list to prevent the possible entry daw po ng new infection po sa bansa?
SEC. GALVEZ: Titingnan po natin at ipapa-present po natin sa ating mga eksperto, iyong mga global experts natin, tingnan po natin kung paano po ang gagawin natin and we are closely monitoring what’s happening around the globe. At the same time ang ano po natin, ang atin pong sinasabi sa ating mamamayan na talagang kailangan magkaroon po tayo ng vigilance at talagang strict observance ng minimum health standard. So, titingnan po namin at iyon pong tinatawag nating mga categorization ng different countries, talagang very dynamic po iyan at very volatile, titingnan po namin kung ano po ang mga mangyayari sa IATF resolution this coming…
USEC. IGNACIO: Secretary, maraming salamat po sa inyong panahon, Secretary Carlito Galvez Jr. Mabuhay po kayo and stay safe.
SEC. GALVEZ: Maraming salamat po, USec. Rocky at magpabakuna na po tayo. Lahat po ng ating mga mamamayan, let’s get vaccinated.
USEC. IGNACIO: Yes, salamat po. Silipin naman natin ang pinakahuling tala ng COVID-19 sa bansa kahapon ng alas-kuwatro ay nakapagtala ang Department of Health ng:
- Karagdagang 2,605 sa bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Kaya kung susumahin, umabot na sa total cases natin sa 2,803,213.
- Samantala nasa 2,725,257 naman po ang bilang ng lahat ng gumaling, matapos itong madagdagan ng 3,901 new recoveries kahapon,
- 191 naman po ang naiulat na mga bagong nasawi mula sa sakit, kaya pumalo sa bilang na 44,430 ang total deaths sa bansa,
- 1.2% naman po ng total case ang kasalukuyan pang aktibo. Katumbas po ito ng 33,526 na mga pasyente na nagpapagaling pa mula po sa COVID-19.
Samantala, isang kilalang pasyalan naman po sa Nueva Ecija ang muling binuksan sa publiko kaninang umaga, ang detalye niyan ihahatid ni Cleizel Pardilla:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay maraming salamat sa iyong report, Cleizel Pardilla. Samantala, alamin naman natin kung ano ang magiging epekto ng pagpapatupad ng Alert Level 2 dito sa Metro Manila sa mga negosyo at trabaho sa rehiyon, makakausap po natin ang Pangulo ng Employers Confederation of the Philippines, Sergio Ortiz-Luis Jr.
Magandang umaga po, sir.
ECP PRESIDENT ORTIZ-LUIS, JR.: Magandang umaga po sa iyo at sa ating mga tagapanood, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ano po ang reaksiyon ninyo sa pagpapatupad nang mas lenient na Alert Level 2 dito sa Metro Manila?
ECP PRESIDENT ORTIZ-LUIS, JR.: Well siyempre natutuwa kami kasi kami naman ang nagsasabi dapat noong Setyembre pa ginawa Iyan eh para sana hindi biglang-bigla. Ngayon nabigla, na ahead of time eh hindi nakahanda iyong iba. Pero siyempre welcome iyan dahil talagang iyan ang matagal na naming sinasabi noon pa mang nag-ano tayo noong Agosto, sabi namin sa Setyembre sana unti-unti nang buksan Iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, may tanong po para sa inyo si Sam Medenilla mula po sa Business Mirror: How many workers daw po are expected to return to work following the easing to Alert Level 2 in Metro Manila?
ECP PRESIDENT ORTIZ-LUIS, JR.: Basta ang alam namin doon sa mga non-essential sector na noong una eh kaunti lang ang pinapayagan, 30% – ngayon ay mayroon nang 50%, mayroon nang 70% – eh tens of thousands din iyan ‘no. Ang ini-expect sana namin kung talagang luluwagan na rito sa Metro Manila, daang libo pa rin iyan. So malaking tulong iyan dahil alam naman natin iyang mga ‘yan eh magmula noong umpisahan iyong granular lockdown, ang may mga ayuda lang iyong nandoon sa granular lockdown. Eh itong mga ibang hindi makapagtrabaho eh wala namang ayuda so talagang hirap na hirap sila. So malaking bagay iyan na binubuksan na natin iyong ating ekonomiya.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, pero sasapat po ba iyong panahon simula ngayong November hanggang December para po raw makabawi ang ating mga employers sa pagkalugi dala po nang almost 2 years na lockdown sa mga negosyo?
ECP PRESIDENT ORTIZ-LUIS, JR.: Totoo iyon at talagang, lalo sanang maganda—Alam mo may mga problema pa rin tayo sa supply chain para sa mga supplies sa Christmas season. Pero inspite of that marami naman sa atin iyong mga local na goods, siya naman sana maano at makapagtrabaho na iyong mga tao natin lalo na sa turismo, sa hotel, sa mga restaurant lalo na iyong libu-libo nating mga nagtatrabaho sa karinderya na hindi naman basta-basta makapagbubukas kung hindi talaga maluwag na ang mga customers. So iyon sana at ang gusto sana naming mangyari eh ma-solve sana iyong problema natin sa transportation at parang hindi handa ang ating transportation sa pagtanggap ng mga pasahero. Eh para sa amin, masyadong simple iyong sinasabi na i-increase-an lang iyong number of passengers pero dapat sana napag-isipang mabuti ano pa ba para matulungan iyong mga drivers at mga bus operators at jeepney operators para sila ay kumita except that mamadaliin natin iyong pagbubukas ng iyong ano, babawasan iyong spacing.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa tingin ninyo, Sir, kailan po makakabawi ang ating industriya o ang ating ekonomiya?
ECP PRESIDENT ORTIZ-LUIS, JR.: Eh ako, may mga sektor na easily – iyong mga transportation natin at saka iyong mga hotels and ano, dalawang taon easily bago sila makabawi. Pero tama naman iyong binubuksan, unti-unti kahit paano nakakapasok na iyong mga tao at sila ay unti-unti namang kumikita na.
USEC. IGNACIO: Opo. Ano po ba iyong mga pagbabagong ipatutupad ngayon ng mga negosyo sa kanilang mga empleyado under Alert Level 2? Posible po raw na ibalik na rin sila sa on-site work, iyon pong kanilang mga empleyado, Sir?
ECP PRESIDENT ORTIZ-LUIS, JR.: Hindi naman kasi lahat ng mga empleyado ay work-from-home eh sumunod doon ano, dahil hindi naman mga BPOs karamihan diyan. So iyong iba riyan talagang may mga kumpanya na hindi sila tinatanggal – para huwag lang silang matanggal, pinabayaan silang work-from-home. Pero you have to remember, mayroon pa ring spacing na kailangan sa opisina, iyong istraktura ng opisina. Tapos ang problema pa ring malaki, iyon ngang transportasyon dahil ang tingin ng mga kumpanya eh iyan ang isang pinakamalaking super spreader kung hindi masu-solve iyang transportasyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kumusta po ba iyong pagbabakuna sa ngayon ng business sector?
ECP PRESIDENT ORTIZ-LUIS, JR.: Well maganda dahil dito sa Manila siyempre iyong LGUs nagku-cooperate naman – kahit na hindi taga-doon sa kanila like iyong Pasay, Makati, QC, I think eh basta nagtatrabaho doon eh pinasok nila sa [vaccination list], pero mayroon pa rin iyong hindi. At napakaliit naman ng hesitancy eh kaya nga sinasabi namin maganda at na-improve na ng gobyerno iyong stockpile natin ng mga bakuna at sana madagdagan naman iyong mga nagbabakuna dahil ang balita namin lalo na sa mga regions, ang problema hindi lang naman iyong bakuna – iyong nagbabakuna eh, dapat siguro maayos iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, alam naman po natin na malapit na po iyong Pasko ano po at ito po ‘yung bigayan ng 13th month at 14th month pay. Ito po kaya ay makakayang i-provide ng mga negosyo sa mga empleyado?
ECP PRESIDENT ORTIZ-LUIS, JR.: Well alam mo maganda nangyari diyan eh dahil lumapit nga kami kay Secretary Bello noon at kay Secretary Mon Lopez at Secretary Dominguez na iyong mga maliliit na micro especially at saka iyong small eh marami naman ay gustong magbayad ng 13th month pay kaya lang alam mo naman ang cash flow nila kung minsan iyong suweldo pa lang noong mga tao eh hindi nila ma-meet ano. So nakapag-provide naman ng facility, doon sa SB Corporation, sa DTI na walang interest – may kaunting service charge lang saka mabilis ang processing dahil dedicated sa kanila iyon.
Noong una 200 million lang, in-increase na ngayon sa 500 million para iyong mga kumpanya na talagang gustong magbayad at kailangan magbayad, alam mo naman deadline niyan December 24. So iyon, madali silang makakalapit doon at makakakuha ng pang-13th month pay.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Sir, ini-encourage ninyo po ba iyong mga negosyo lalo na itong MSMEs na i-apply po ng loan ang pagbibigay ng bonus sa kanilang mga empleyado?
ECP PRESIDENT ORTIZ-LUIS, JR.: Well hindi namin i-encourage dahil lalo na iyong mga malalaki, mayroon namang malalaki doon sa small at saka iyong sa medium saka iyong large, eh iyan naman ay hindi naman kailangang humingi ng ayuda. Ang ini-encourage namin iyong talagang gustong magbayad na walang pambayad.
Kagaya noong isang taon ang nangyari eh nakiusap sila sa mga tao nila na 2 gives, 3 gives ganoon, hindi rin acceptable iyon pero at least better na hindi sila mabayaran. So ngayon iyong talagang para walang rason para hindi sila makapagbayad eh mayroong facility binigay ang ating pamahalaan, iyan sana they can take advantage of.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, may isa pa pong tanong para sa inyo si Sam Medenilla ng Business Mirror: Ano daw po iyong update on your partnership with the National Employment Recovery Strategy o NERS Task Force which aims to generate 1 million jobs this year? How many jobs have you generated so far? Is 1 million achievable this year? Why or why not daw po?
ECP PRESIDENT ORTIZ-LUIS, JR.: Ah iyon, sana ang original deadline noon 1 million sa December. Dahil nagkaroon tayo ng lockdown noong Agosto medyo tingin namin na-delay siguro ng mga one month ‘no. Noong huling report na nakita ko, mga two weeks ago, mayroon ng 250,000 iyong naano eh – mostly sa sector ng BPO, sa electronics at saka sa construction at iyong mga hotels. Tingin namin iyong 1 million jobs maa-attain iyon, kung ma-delay man mga isang buwan siguro, sa January.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin ngayong umaga. Nakausap po natin ang Presidente ng Employers’ Confederation of the Philippines Sergio Ortiz-Luis, Jr. Maraming salamat po, sir.
ECP PRESIDENT ORTIZ-LUIS, JR.: Maraming salamat din sa inyo sa pagkakataong binigay ninyo.
Samantala, umabot naman sa halos isang libong manggagawa at magsasaka mula sa bayan ng Tantangan sa South Cotabato ang kamakailan ay binisita ni Senator Bong Go. Namahagi rin ang Senador ng ayuda kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Ang mga serbisyo ng GSIS, puwede na ring ma-access sa inyong mobile phones. Iyan po ay sa pamamagitan ng kanilang mobile application na GSIS Touch. At para maipaliwanag na mabuti ang tungkol diyan, makakausap natin ngayong umaga ang Executive Vice President ng GSIS Support Services Sector, Mr. Dionisio Ebdane Jr. Good morning po sa inyo.
GSIS SUPPORT SERVICES SECTOR EVP MR. EBDANE: Magandang umaga, USec. Rocky at sa milyung-milyon tagapanuod at tagapakinig sa inyong programa po. Isang karangalan mapasama po sa inyong programa po ngayong umaga.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po! Pakipaliwanag lang po ninyo sa ating manunuod kung ano po itong GSIS Touch, sir Dionisio?
GSIS SUPPORT SERVICES SECTOR EVP MR. EBDANE: Ito po ng GSIS Touch, this is a home grown system ano, dinevelop ito ng ating Information Services Technology Group. So mga tauhan lang natin ang gumawa, ito po ay isang mobile application system ng GSIS.
Usung-uso ngayon, USec. Rocky iyong sa mga bangko, hindi na tayo pumupunta kapag nagbabayad tayo through our mobile phone na lang, ganundin po ang functionality nito.
Gamit ang smart phone na may internet, siyempre, puwede na pong tingnan, kahit anong oras po ng ating mga miyembro ng pensiyonado ang impormasyon tungkol sa mga products and services ng GSIS at lalung-lalo na po ang records ng ating members and pensioners at ito po ay ating lalong i-enhance this year at naging interactive na ito, kasi pupuwede na po silang mag-file ng kanilang application sa loans.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, anu-anong impormasyon at serbisyo po iyong makikita sa GSIS Touch?
GSIS SUPPORT SERVICES SECTOR EVP MR. EBDANE: Unang-una, iyong member’s record, ang ating mga kasamahan sa gobyerno nagtatatanong: Ano ba ang records ko sa GSIS? Dito po sa pamamagitan po ng ating GSIS Touch, makikita na po nila, ang service records nila, kailan sila nagsimula, ilang taon na silang naninilbihan sa gobyerno, magkanong halaga po ng kanilang insurance policy. Napakahalaga po ito, USec. Rocky, kasi bago nila ma-avail ang kanilang benepisyo at saka services po sa GSIS na we offer to them, dapat po maayos iyong kanilang record. So, dito pa lang sa kanilang telepono, kitang-kita na nila kung updated ba ang records nila.
At pangalawa po iyong favorite ng ating kasamahan sa gobyerno iyong loans. Lahat po ng ating active loan account sa GSIS puwede po nating silipin dito sa GSIS Touch, kung ano po ang status ng ating loan applications na sinabmit natin at kung gusto nating malaman, magkano ba ang ating tentative loanable amount puwede na po nating makuha dito sa GSIS Touch.
Ang pangatlo po, pinaka-major po na ating benepisyo for all the claims benefits, puwede po nating makita dito lahat ng claims sa benefits na binayad po sa atin. Iba-iba kasi ang produkto natin over the years, kahit po iyong tinatawag natin na educational loan dati at saka iyong lahat ng benepisyo bago tayong tuluyang mag-retiro at age 60 0r 65 nakaimbak po ito sa ating GSIS Touch at puwede nating tingnan.
Ngayon, isa sa pinakamahalaga din, USec. Rocky is iyong tinatawag natin na tentative computation ng ating retirement benefits. May mga nagtatanong: Kung ako ngayon ay aalis sa gobyerno, magkano ba ang aking benepisyo na makukuha? Ipapakita din po natin dito sa GSIS Touch para nalalaman ng ating miyembro kung magkano ang kanilang benepisyong tatanggapin. Pension records, mahalaga rin po, lahat ng pensiyonado natin, if they have their GSIS Touch sa kanilang mobile phone, puwede ng makita po iyong data ng ibinayad nating pension, kasi iyong iba kasi medyo nakakalimot na. Dito ipapakita natin, lahat ng listahan na nai-credit namin sa kanilang bank account, pati po iyong personal data po ng kanilang beneficiaries, nakikita po dito.
Ang pinakabago nito, USec. Rocky is iyong tinatawag natin na pagse-set ng schedule para sa ating APIR. Kasi ang ating mga pensiyonado, required po sila every year to visit GSIS physically to determine kung nandiyan pa ba sila, para tuluy-tuloy po ang ating pagbabayad ng pension. Dahil nga po nag-pandemic, minabuti po namin na sa mobile phone na lang po ang pag-e-schedule ng kanilang appointment sa GSIS at puwede na po itong gawin dito sa ating mobile phone.
Nandiyan po ang tinatawag nating GSIS motor vehicle claim processing system. May gabay po diyan kung paano po ida-download, doon po sa nag-i-insure ng kanilang motor vehicles sa GSIS, kung ito po ay halimbawa, nagkaroon ng aksidente sa daan at covered siya ng ating insurance sa GSIS, puwede po nilang i-upload na lang po diyan sa system natin through the mobile phone kung paano po natin maki-claim iyong ating benepisyo sa GSIS motor vehicle insurance.
Mayroon din po tayo diyan isinama na in compliance with the government for… iyong tinatawag nating Citizen’s Charter, dapat ang opisina, nandoon naka-post po sa kanilang pamahalaan, sa opisina, sa lobby kung ano po ang mga proseso ng kanilang serbisyong ibinibigay sa kanilang member, nilagay din po natin dito sa ating GSIS Touch na ang tawag namin is transaction plus guide to transaction processes or GTAP. Step by step po, napapaliwanag po diyan, isinama rin po natin ang GSIS branch directory plus telephone, of course kapag gusto nilang mag-search kung saan ang pinakamalapit na GSIS branch office at ang pinakamahalaga po, USec. Rocky, ano ba ang nangyayari sa GSIS ngayon. So nandiyan din po ang mga latest news about GSIS sa ating GSIS Touch, so punung-puno ng impormasyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir paano ko maa-access itong GSIS Touch at papaano po kung halimbawang ang isang miyembro ay may tanong, dahil mayroon silang gustong i-clarify doon sa nakita nila sa kanilang binuksan… sa mobile phone po na app?
GSIS SUPPORT SERVICES SECTOR EVP MR. EBDANE: Okay. So unang-una, ang ating, lahat ng members kasi natin, USec. Rocky sa GSIS ay naka-imbak sa amin. Iyong email addresses, dapat unang-una registered iyong email address nila para po sila makapag-download ng application sa kanilang smart phone at dapat po updated iyong kanilang email address. Ida-download lang nila iyan, kung iyan ba ay android, kung ang gamit po nila ay android o kaya IOS iyong sa Apple o kaya sa Samsung, pupuwede po nilang i-download sa kanilang smart phone at simple lang, parang nagrerehistro lang, hihingan po sila ng kanilang password at sila lang po ang makaka-access nito at iyon anytime pupuwede na po nilang i-access ito at doon naman sa katanungan ninyo na how about kung habang nagda-download sila o kaya nagre-register sila may mga katanungan naman sila, pupuwede po silang mag-dial sa ating contact center, it’s 24/7, kahit nationwide puwedeng tumawag at mabigyan po sila ng guidance kung paano sila mag-rehistro.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Dionisio, so ano po ang gagawin ko, kung halimbawa hindi ko po mabuksan o hindi ako makapag-log in sa GSIS Touch?
GSIS SUPPORT SERVICES SECTOR EVP MR. EBDANE: Puwede po sila tumawag sa ating contact center, GSIS 847-47-47. Ito po ang ating contact center, matagal na po natin itong ine-offer sa ating members at sigurado po na may sasagot sa kanila kahit anong oras, kasi 24/7 po ito. Mayroon din po kaming ginagawa ngayon na parang tutorial video na pupuwede po nilang tingnan sa You Tube, para po magabayan kung paano po sila maka-rehistro sa ating GSIS Touch aside sa contact center.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Sir, anu-ano daw po iyng mga minimum requirements para daw po ma-install ang GSIS Touch?
GSIS SUPPORT SERVICES SECTOR EVP MR. EBDANE: Unang-una, dapat may smart phone iyong member or pensioner. Tapos dapat updated po iyong kanilang email account. May mga member tayo na naga-attempt silang mag-rehistro, kasi may mga validation process po iyan, wala silang natatangap na information to validate po, kasi hindi updated iyong cell number at saka hindi updated iyong email address. Napakahalaga po updated po iyan at saka dapat alam nila ang business partner number or BP number. Ito po ay parang membership number natin sa GSIS at kung nakalimutan nila puwede po nilang tanungin sa kanilang Human Resource Office or sa kanilang AAO or Liaison officer, I am sure they can provide iyong kanilang business partner number.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ulitin lang natin ano. Kung may katanungan o nais ng karagdagang impormasyon. Ano po ang kanilang puwedeng gawin?
GSIS SUPPORT SERVICES SECTOR EVP MR. EBDANE: Okay. So puwede po silang tumawag sa contact center kung mayroon po silang o pupuwede namang pong lumapit sila sa pinakamalapit na GSIS Branch office, pero iyon po ay iniiwasan natin sa ngayon, sa contact center na lang po tayo tumawag para po matulungan ang proseso para makarehistro. Nandiyan lang naman po kami para po sagutin iyong mga katanungan nila. Usually po, sabi ko nga, ang problema talaga iyong kanilang email address ay hindi updated, pero ang basic requirement po nandito po sa screen natin ngayon is iyong birthdate at saka BP number nila, kung nakalimutan nila ang BP number, kailangan lang po sumangguni sa kanilang opisina at ibibigay sa kanila ang kanilang business partner number.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at more power po sa programa ng GSIS para sa ating mga kababayan. Muli po nating nakausap si Ginoong Dionisio Ebdane Jr., ang Executive Vice President ng GSIS Support Services Sector. Maraming salamat, Sir.
GSIS SUPPORT SERVICES SECTOR EVP MR. EBDANE: Maraming salamat, Usec. Rocky sa pagbibigay sa amin ng chance para mai-promote itong ating bagong programa sa GSIS.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa hatid ni John Mogol mula sa ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.
Ang latest naman mula sa Cordillera Region, hatid ni Debbie Gasingan.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw ito. Lagi po kayong tumutok dito at laging tandaan: Ngayong pinapayagan na po tayong lumabas ng bahay at mamasyal sa lahat ng oras ay palagi po nating sundin ang minimum health protocols lalo na at 47 days na lamang po at Pasko na.
Ako pong muli si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita ulit tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)