SEC. ROQUE: Magandang tanghali Pilipinas!
Usaping bakuna muna tayo ngayong araw ng Lunes ‘no. Inaasahan natin darating mamayang gabi at sasalubong po ang ating Presidente ‘no, ang mahigit 2.8 million doses na Sputnik V na binili ng pamahalaan. Inaasahan din natin na sasalubungin nga po ito ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte. Dumating naman po noong Sabado, November 6, ang 866,970 doses ng Pfizer na binili ng pamahalaan habang nasa ganitong bilang din – 866,970 doses ng government-procured Pfizer vaccine na dumating noong Biyernes, November 5.
Good news! Isang vaccination milestone po ha! Nasa halos kalahating milyon or 462,160 ang ating nabakunahan noong nakaraang linggo, November 7. Ito po ang pinakamataas na bilang sa ating nabakunahan for a weekend. Alam naman natin na araw ng pahinga kasama ang pamilya ang weekend pero marami pa rin po ang pumunta sa vaccination sites at nagpabakuna. Maraming salamat po sa ating mga kababayan at sa ating mga dedicated na vaccinators.
Samantala, mahigit 64.1 million na po ang total vaccines administered sa buong Pilipinas as of November 7, 2021 ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Sa bilang na ito, nasa 38.21—or 29,477,961 ang fully vaccinated. Sa Metro Manila po, nasa 98.94% na po o mahigit nine million ang nakatanggap ng first dose habang 89.95% po ang fully vaccinated o katumbas ng mahigit 8.7 million.
Kaugnay nito, target natin ngayong buwan ng Nobyembre na maglunsad ng National Vaccination Day. Isang three-day event na bahagi ng ating agresibong efforts na magkaroon ng population protection. Tiwala kaming makakamit natin ito.
Tumaas na po ang vaccine willingness ng ating mga kababayan sa bakuna. Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Station na isinagawa nitong Setyembre, mahigit anim sa sampung Filipino or 64% ang willing na magpabakuna. Tumaas ito ng siyam na punto mula 55% noong Hunyo at doble mula 32% noong Mayo. Good job everyone! At kung totoo nga po na 64% ay magpapabakuna aba eh population protection na po iyan dahil ang population protection ay fifty to seventy percent.
Sa COVID-19 updates naman po:
- Nasa 2,605 ang mga bagong kaso ayon sa November 4, 2021 datos ng DOH.
- Samantala, patuloy din pong bumababa ang ating positivity rate na ngayon po ay nasa 5.2%, ang ating target po ay 5%.
- Patuloy din po ang pagtaas ng ating recovery rate, nasa 97.2 na po ito.
- Nasa 2,725,257 na po ang mga gumaling
- Samantala nasa 44,430 ang binawian ng buhay dahil po sa coronavirus. Nakikiramay po kami.
- Nasa 1.58% po ang ating fatality rate.
Ito naman po ang kalagayan ng ating mga ospital:
- Sa buong Pilipinas 42% ang utilized ICU beds; sa Metro Manila, ito po ay 38% lamang.
- Sa buong Pilipinas, 31% ang utilized isolation beds; sa Metro Manila, nasa 28% lamang.
- Sa buong Pilipinas, 25% po ang utilized na ward beds; sa Metro Manila, ito po ay 26%.
- Sa ventilators naman po, 25% ang nagagamit sa buong Pilipinas at 24% po ang nagagamit sa Metro Manila.
Makakasama naman po natin ngayon si DTI Secretary Mon Lopez para kumustahin ang unang tatlong araw ng Alert Level 2 sa Metro Manila at kung mayroon pang mga bagong mga negosyante o mga establisyimento na pupuwedeng buksan ngayon Alert Level 2 na tayo.
Good afternoon, Secretary Lopez!
DTI SEC. LOPEZ: Hi! Good afternoon, Spox Harry! Good afternoon po sa ating mga kababayan! Thank you for this opportunity to report sa ating mga kababayan.
As we all know, nag-lower na po tayo sa Alert Level 2 at ito po ay isang senyales na papaigi uli ang ating ekonomiya. Nakita po natin ito dahil sa pagbaba rin ng mga risk factors that we saw especially in Metro Manila. Bumaba ang COVID cases natin; growth rate nagni-negative; ang ADAR, iyong attack rates po natin, average daily attack rate ay nag-below 7; at ang HLUR, iyong health care utilization rate ay as reported nga po ay in the range of 30-40%.
So, talagang mga low risk na po ang ating kalagayan kaya po immediately ay nag-act po ang IATF para as early as possible mabuksan po ang ating ekonomiya at makabalik po ang mas maraming trabaho tulad ng ina-announce ninyo, Spox Harry, noong mga nakaraang araw.
Napaka-importante po talaga as early as possible maibalik ang trabaho dahil ito po iyong talagang matagal na nating inaasam.
Subalit sa pagbabalik ng trabaho, we all remember—we should always remember na ang virus nandito po sa paligid pa rin natin kaya po iyong paalala natin sa mga minimum public health standard is always there. Nag-lower ang risk lang po natin because tumaas na po ang vaccinated rate – 89% as reported, lalo na dito sa Metro Manila, and of course may mga bagong pag-asa tayo dito sa mga gamot na mga nadi-develop din. Kaya ho risk are lower, kaya po nagbaba tayo ng alert level para nga maging masigla uli ang mga negosyo.
Doon naman sa katanungan ninyo over the weekend, kumusta ba ang naging takbo ng negosyo? Of course, marami pong natuwa lalo na itong mga SMEs na matagal nang sarado. At least ang range po ng mga bumalik as high as 80% versus pre-pandemic. Nasasabing iyong kanilang transaction ay… iyong revenues po nila ay unti-unti nang nakakabalik; iyong iba naman sinasabi at least nangangalahati na, 50% of pre-pandemic iyon iyong nari-report nila na pagbabalik ng negosyo nila.
And of course kasabay ng pagbalik ng revenues na iyan ay iyong paghikayat uli sa kanilang mga dating trabahador, mga workers, mag-report ulit. So, again, more jobs, more income para sa ating mga kababayan.
Iyong ini-report po natin noong Biyernes kung kailan po in-announce itong pagbaba sa Alert Level 2 ay mayroon pong mga nabukas na panibagong businesses pero ang importante doon sa mga bukas na, iyong tulad ng mga dine-in; iyong mga personal care services – salon, barber shops at iba pangs serbisyo tulad gym, lahat po ito bukas na sila pero lumaki ang kanilang operating capacity.
Iyong indoor, from 30% ngayon ay 50% indoor, again, fully vaccinated at ang outdoor ay 70% na. So, malaking bagay po ito sa pag-increase ng capacity at of course iyong pagdami po ng mga customers, pag-allow nito ‘no. So, para po makabalik po talaga tayo kaagad sa pre-pandemic level at ang maganda po nito iyong timing. As we enter the Christmas season ay unti-unting makabalik po itong businesses lalo na sa ating mga SMEs at sa ating mga workers.
Thank you, Spox.
SEC. ROQUE: Thank you very much Secretary Lopez.
Napakabuting balita po ‘no dahil sa Alert Level 2 ay mas marami po talaga ang nakapaghahanap-buhay na ngayon.
So, pumunta na po tayo sa ating open forum. Go ahead, USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon Secretary Roque and Secretary Lopez, good afternoon po.
Una pong tanong mula po kay Maricel Halili ng TV-5: What do you think of the proposal to impose a “no-vax, no-subsidy” policy for 4Ps beneficiaries? Similar question with Ivan Mayrina ng GMA, Leila Salaverria ng Inquirer.
Ang follow up po ni Leila diyan ay: Does the Palace think there is a basis daw po to impose this now that the country has a stable vaccine supply and if this will be imposed, which particular sectors does the Palace think should be covered?
SEC. ROQUE: Well tingin ko po ‘no ay pupuwede naman pong i-require iyan sa 4Ps pero baka kinakailangan po amyendahan iyong batas kasi iyong batas po ay nagsasabi kung sino iyong entitled sa 4Ps ‘no. Hindi lang po ito isang executive program, ito po’y naisabatas ng Kongreso sa pamamagitan ng RA 11310. So mayroon naman pong probisyon doon kung paano magkakaroon ng pag-amyenda ang batas at sa tingin ko naman po ay isang balidong dahilan na i-require ang vaccination kapalit ng pagtatanggap po ng 4Ps benefits.
Pero iyon lang po ang aking tingin dito, baka kinakailangan po magkaroon ng amendment sa ating batas, sa 11310. Habang hindi pa po naa-amend, that is a suggestion na dapat pong pag-aralan pa ng DSWD dahil ang DSWD naman po ay sang-ayon sa batas, ang implementing agency ng 4Ps.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong niya, Secretary Roque: Former cop Eduardo Acierto challenged the government to act on his 2018 intel report linking Michael Yang to illegal drugs. Will you heed to the challenge? What’s the directive of the President on this?
SEC. ROQUE: Naku sinabi na po ni Presidente sa isang Talk to the People – sinungaling po iyang si Acierto at hindi dapat paniwalaan. Iyan po ay nanggaling na sa bibig mismo ng Presidente, iyan po ang pananaw ng ating Presidente.
USEC. IGNACIO: From Rosalie Coz ng UNTV: Ano po ang tugon ng IATF sa panawagan daw po ni Presidential Adviser Concepcion na luwagan na ang quarantine restrictions sa fully vaccinated international passengers galing po sa USA at Canada? Ano po ang mensahe ng pamahalaan sa mga nais makauwi ng bansa pero napipigilan nga po ng umiiral nating quarantine protocols? Kailan inaasahang maglalabas ng bagong panuntunan sa green, yellow at red countries?
SEC. ROQUE: Alam ninyo naman po itong mga green, yellow and red countries ay regular pong ina-update iyan every two weeks. At noong huling update nga po natin eh minungkahi ko nga po kay Usec. Vergeire dahil DOH naman po ang nagbibigay ng classification ‘no, na kung pupuwede gawing estado per estado ang Estados Unidos.
Kasi iyong aking pinanggalingan na New York at saka iyong Estado ng California napakataas ng vaccination rate ‘no so dapat siguro tingnan natin kung ano talaga iyong vaccination rate, ano ‘yung kaso sa Estados Unidos o ng state per state basis ‘no dahil napakalaki po ng Estados Unidos. At saka federal government naman po ‘yan ‘no at talaga naman pong sovereign state ang mga 50 states comprising the United States ‘no. So tingnan po natin kung ano magiging katugunan ng ating IATF pero regular pong niri-review ang classifications.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque; ang susunod pong magtatanong via Zoom, si Mela Lesmoras ng PTV.
SEC. ROQUE: Go ahead, Mela.
MELA LESMORAS/PTV4: Hi. Good afternoon Secretary Roque at kay Secretary Lopez. Thank you, Usec. Rocky. Secretary Roque, Secretary Lopez unahin ko lang iyong issue nang pagdagsa ng ating mga kababayan maging ng mga bata sa mga pampublikong lugar tulad ng mga malls. Pagsama-samahin ko na po, Secretary Roque, ano pong masasabi ng Malacañang dito at tiwala po ba tayong mapapanatili ang mababang COVID-19 cases sa NCR at nationwide sa kabila nito?
At for Secretary Lopez naman: Sa sitwasyong ito, sino po ba ‘yung mananagot kapag may paglabag sa minimum public health standards katulad nga sa mga establisyimento tulad ng mall?
SEC. ROQUE: Well, Mela, nananawagan po kami sa publiko, sa mga mall owners: Binuksan po natin ang ating mga malls sa mga kabataan dahil unang-una para sa public health benefits nito sa kabataan at para rin sa ekonomiya ‘no na iyong mga pamilya ay makapunta na sama-sama sa malls; hindi po dahilan ito para maging super spreaders iyong ating malling. Pupuwede naman pong maiwasan iyan sa pamamagitan po ng MASK, HUGAS, IWAS – at ang pinakaimportante iyong iwas ‘no – dahil alam naman natin kapag hindi tayo umiiwas eh mas madali po talagang mahawa ng COVID-19.
Ang aking panawagan po, ang panawagan ng ating Pangulong Duterte para po makabalik-buhay tayo importante po sumunod po tayo sa minimum health standards. At nananawagan po kami sa mga mall owners, katungkulan ninyo po na ipatupad ang mga minimum health standards. At kapag hindi po kayo tumupad eh tataas na naman ang mga kaso, isasarado na naman ang mga malls, marami na namang mawawalan ng hanapbuhay. So hinihingi po natin ang kooperasyon ng lahat nang patuloy pong magbukas ang ating ekonomiya.
Secretary Lopez…
DTI SEC. LOPEZ: Yes, Spox Harry. Actually I agree with what you said. Tama po iyon, nasa mga malls/commercial establishments, iyong may-ari noong mga lugar ang pag-instill or pagsigurado na sumusunod lahat sa minimum public health standards. Actually ho kasama sa mga guidelines natin bawat establisyimento magtatalaga sila, maglalagay sila ng mga health and safety protocol officers – katungkulan po nila ‘yan. Kaya ho para masigurado at all times makasunod sa public health protocol ang ating mga kababayan – iyong pag-iwas, iyong lahat sigurado naka-mask at dahil kung indoor ito ay kailangan naka-face shield pa rin sa ngayon hanggang mabago po iyong polisiya sa face shield.
At saka importante rin po aside from mask, hugas iwas – iyong pinapaalala po rin ng ating pamahalaan ay iyong ventilation lalo na dito sa mga malls at lalo na itong mga bagong bukas na mga cinema and all that – iyong klase ng ventilation ay mas maganda, mabilis ang palit ng hangin para talagang wala hong kumalat na mga COVID diyan po.
Ang atin pong obserbasyon, tama ho, dumami ho ang tao nitong weekend pero below pre-pandemic pa rin po ito. Pero masaya tayo nakakita na tayo ng mga kabataan, mga bata kasama ang kanilang mga magulang or mga kuya at ate. Ang maganda ho dito naobserbahan naman natin na lahat sumusunod sa protocol – iyong pagsuot ng mask, iyong face shield at iyong mga distancing nila.
At ang importante eh nakita rin natin pati sa parking level halos mapupuno na ‘no, dati ‘yan talagang walang laman ‘no pero hindi pa rin siya kasing puno noong tulad noong pre-pandemic. So umaasa tayo na unti-unti pang makabalik at kasabay niyan pagsunod pa rin sa minimum protocol standards po.
MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Thank you, Secretary Lopez. And Secretary Roque, para lang din malinaw on safety protocols pa rin po. Sa face shield po ba, kailan kaya magkakaroon ng desisyon ang IATF kasi I understand even Metro Manila Mayors ay may recommendation na at sa Manila niluwagan na rin iyong pagsuot ng face shield. Pero when it comes to nationwide at talagang national government decision, kailan po kaya magkakaroon ng desisyon dito sa face shield? At kayo po ba ni Secretary Lopez ay kasama doon sa mga IATF members na agree na alisin na iyong face shield?
SEC. ROQUE: Well sasagutin ko muna po ‘yan ‘no, iyong tanong kung sang-ayon ba kami personally ‘no. Ako po personally dahil galing nga po ako sa New York at nag-stop pa ako sa Dubai, nakita ko na wala naman pong face shield at mukhang balik na sila sa normal. Pero ang aking pakiusap po sa mga local government units natin, sa ating mga mayor – lahat po ng mayor ay under po the control and supervision of the President in the executive branch of government. At ang desisyon naman po ng IATF ay desisyon din ng ating Presidente.
So ang desisyon po ngayon ay kinakailangan ipatupad muna ang face shields habang pinag-aaralan naman po. Hindi naman po natin sinasabi na hindi tatanggalin ‘yan pero ‘antayin naman po natin ang desisyon ng IATF dahil meanwhile po until hindi nababago ang desisyon ng IATF, the order of the President through the IATF is ipatupad pa rin ang pagsusuot ng ating mga face shields. Pero huwag po kayong mag-alala, pinag-aaralan naman po iyan at baka naman po ma-lift na ‘yan. Konting pasensiya lang po pero kinakailangan sundin po naman natin iyong chain of command ‘no sa executive branch of government.
DTI SEC. LOPEZ: Yes. If I may follow iyong kasagutan doon, again, sang-ayon po ako doon sa polisiya sa ngayon. Pinag-aaralan po at hintayin natin kapag nagkataon ay mawawala iyan at nakikita rin naman po naman natin na baka with low risk levels, iyong face mask will do. But you know, lahat tayo nanggaling dito sa sitwasyon na iyong nagkaroon ng surge and all that, para po sa akin, sabi nga ninyo on personal basis, ako po ay magsusuot pa rin ng any eye protection. Kung mawala man ang requirement sa face shield, kahit salamin na walang grado, magsusuot pa rin ako, para lang talagang mapatuluy-tuloy iyong hindi tayo mahawa talaga. Iyong may enough protection tayo. Habang wala po iyon, face shield is still the best complement po sa ating face mask. Iba na po iyong safe, para sa atin po iyon.
MELA LESMORAS/PTV: Opo. Thank you so much po, Secretary Roque, Secretary Lopez and Usec. Rocky.
SEC. ROQUE: Thank you very much, Mela.
Balik tayo kay Usec. Rocky please.
USEC. IGNACIO: Yes, thank you Secretary Roque, thank you, Mela. Tanong po mula kay Rosalie Coz ng UNTV, para po kay Secretary Lopez. Gaano daw po kataas ang inaasahang paggalaw sa presyo ng mga bilihin sa holiday season? Magkakaroon ba ng fixed price para naman maiwasan iyong pananamantala?
DTI SEC. LOPEZ: Ah okay. So, dito po pagdating, again hindi po ako nagku-cover ng agriculture products, dahil ang agriculture products naman po natin, talagang nakasalalay iyan sa dami ng supply versus iyong demand for the season. Pero nakita na po natin iyong maghupa o pagbaba ng presyo diyan sa agriculture products noong dumami na iyong supply ng mga basic agri-products.
Pero dito po sa manufactured products thankfully, ang mga naging paggalaw po diyan ay napaka-minimal. Nakita po natin doon sa mga ibang produkto na nagtaas, grocery products, ay 3% lamang. Halos hindi mo nararamdaman kung itong mga paggalaw, dahil iyong iba po dito ay frankly more than one-half po noong ating nasa listahan ng basic necessity and prime commodities wala pong pag-increase at iyong mga may nag-increase man, ito po ay nasa mga 3% lamang. So, para po sa ating mga kababayan, hindi po kailangan sila mag-alala.
In fact, ang gagawin po ng DTI, ang ipu-promote po natin sa Kapaskuhan – iyong mga noche buena products, dahil mas marami iyong mga hindi nagtaas ng mga produkto nila, let say nag-abiso na po sila na hindi magtataas, iyong mga ham, mga quezo de bola at fruit cocktails, etcetera, mga pasta and sauce – iyong mga hindi nagtaas, iyan po ang ating ipu-promote at iyan po ang aming ipa-publish sa bawat produkto, anong brand, anong SKU (stock keeping unit), anong size ang hindi nagtaas. Kaya po masuwerte po iyong mga hindi magtataas ipu-promote po sila ng gobyerno.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question niya, Secretary Lopez: Ano daw po iyong paalala ng pamahalaan sa mga consumer at sa mga sector ng negosyo?
DTI SEC. LOPEZ: Well kanina iyong nabanggit natin, iyong paalala dito sa kahit sa pag-move sa alert level 2, iyong lahat siguradong sumusunod dito sa minimum public health standard. Kasi ito po ang magdi-determine talaga sa patuloy na pagbukas natin, dahil kapag sumunod tayo diyan, iyong kaso, iyong COVID cases, tuluyang bababa at siguradong tuluy-tuloy iyong ating reopening or at least mapanatili itong alert level 2 up to next year, beyond Christmas and up to next year. At kung talagang susuwertehin tayo, mag-below 100 pa iyong cases tulad sa ibang country. Para talagang baka mag-alert level 1 na tayo, kapag naabot natin iyan.
So kailangan talaga sumunod pa rin tayo dito sa minimum public health standard. At banggitin ko rin po sa alert level 2, nakita nga natin na observation, dumami na ang mga kabataan, ang mga bata, napakahalaga po iyan sa mental health ng ating mga kabataan at maganda rin iyan sa negosyo, dahil alam po ninyo iyong mga benta, mga revenues po ng mga let say ng mga restaurants at mga SME retail shops ay around 40% ay accounted for by iyong parents with kids. Ibig sabihin, iyong mga binibili nila para sa mga anak nila or let say sabay-sabay silang kumakain, nakakadagdag po iyan. And they account for 40% ng typical revenues nila. So malaking bagay po na ito po iyong sinasabi natin noong umpisa pa ng taon, malaking bagay na ma-allow ang mga kabataan, ang mga anak natin or apo natin na makasama ng ating mga adults para po gumanda rin ang pagbabalik natin, iyong sa fast recovery ng ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. From, Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror, nasagot na po ninyo, Secretary Roque at ni Secretary Lopez about iyong proposal po sa paggamit ng face shields.
Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror for Secretary Roque: The National Task Force against COVID-19, NTF together with the regional task forces and regional IATFs are directed to provide weekly feedback on the progress and implementation on all areas identified for alert level system rollout to the IATF. AT present, what is the current trend based on the said reports?
SEC. ROQUE: Hindi ko pa po nakikita ang reports ‘no. At sa tingin ko naman po ay ang hinihingi natin ay para magbigay nga po ng mga report na ito na mapag-aralan, dahil base sa mga report pong ito ang [magiging] desisyon po ng DOH, kung itataas o ibaba ang alert levels. Pero sa ngayon po, hindi ko pa nakikita personal ang mga reports na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. From Einjhel Ronquillo ng DZXL: Nilagdaan ni Mayor Isko an isang EO sa Lungsod ng Maynila para sa non-mandatory use of face shield maliban sa mga ospital. May basbas po ba ito ng IATF? Hindi po ba ito ipatutupad sa buong bansa? Similar question po iyan ni Ivan Mayrina at ni Raffy Ayeng.
Ang follow-up po ni Ivan: Can Local Chief Executive issue orders individually and does this not undermine the authority of the IATF to issue uniformed policies on pandemic response?
SEC. ROQUE: Uulitin ko lang po ‘no. ang IATF exercises derivative authorities from the President, because it was created through an executive order. Now, halos lahat naman po ng desisyon ng IATF is either ratified or binigyan ng Presidente ng kapangyarihan ang IATF na magdesisyon. At dahil lahat po ng mga mayor ay nasa control and supervision pa rin po ng ating Presidente, kinakailangan po lahat ng mga mayor ay sumunod pa rin po sa mga polisiya ng IATF hanggang hindi po ito nababago. Ang aking pangako naman po, pinag-aaralan naman po ng IATF kung kinakailangan o pupuwede ng tanggalin ang paggamit po ng face shields. Hintayin na lang po natin ang desisyon ng IATF.
USEC. IGNACIO: Opo, from Einjhel Ronquillo ng DZXL-RMN for Secretary Lopez: Ngayong nasa alert level 2 na ang Metro Manila. Ilan pong manggagawa ang nakabalik sa hanapbuhay na? Ilang negosyo ang muling binuksan at magkano ang inaasahang revenue ng bansa dito? Same question po iyan ni Sam Medenilla ng Business Mirror.
DTI SEC. LOPEZ: Okay, noong minu-monitor natin iyong impact dito sa employment – lalo na noong nagtaas, nag-ECQ, MECQ, alert level 4 at bumaba sa 3, ngayon 2 – ang total ng lahat na naapektuhan diyan ay mga 1.8 million, iyong talaan po natin noon. At dahil sa mga movement, pababa ng mga alert level cases, ang mga natira po sa estimate namin bago nag-alert level 2 ay mga 100,000, around 100,000 – more or less. So ito po iyong inaasahan namin na makabalik ngayong alert level 2.
At base naman sa studies ng NEDA ay mga 3.6 billion pesos na revenues ang aasahan per week na makakabalik because of alert level 2. Ang bottom line po dito ay ito na nga po iyong hinihintay natin na mga pagbabalik po sa economic activities. In fact, kinukumusta ko rin po iyong mga iba-ibang sector simula po noong weekend at saka po ngayon. Sila po ay masayang-masaya na parang nape-feel na nila iyong pagdating ng mas masaganang Kapaskuhan kumpara po last year. So sana nga po hindi lumala uli, wala tayong surge. Kaya po napakaimportante ho talaga, even to the establishments na siguraduhin nila iyong sumunod iyong kanilang mga customers, dito po sa minimum public health protocol. Sa ngayon po, when we talk of sa mga restaurants, they follow the 50% seating capacity. So talagang every other seat ang kanilang sinusunod pa rin, kasi nga bawal pa rin iyong pagkatapatan. So by default ay talagang nagiging 50% seating capacity sila.
USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Roque, pasensiya na po may follow up lang po si Trish Terada sa face shields: So ibig sabihin po ba hindi pupuwedeng mag-take effect muna ang order ni Mayor Isko on face shields in Manila. So required pa rin po technically? Trish Terada ng CNN Philippines?
SEC. ROQUE: Well, that is one way of looking at it. Another way of looking at it, null and void po siya for being in violation of an existing executive policy decreed by the President himself in the exercise of police powers.
USEC. IGNACIO: Opo. From Llanesca Panti ng GMA News online: May stop gap measures po ba to address crowding in public places amid its alert level?
SEC. ROQUE: Well, unang-una, ang panawagan po natin sa ating mga kababayan: Nasa kamay po natin ang muling pagsipa ng kaso ng COVID-19; nasa kamay natin ang patuloy na pagbubukas ng mga negosyo para maging dahilan na tayo po ay magkaroon ng mas maraming hanapbuhay. Huwag po nating sayangin iyong pagtitiyaga natin nang halos dalawang taon na, nakatiis naman po tayo ng dalawang taon, ngayong mas marami ng sektor ng ekonomiya ang bukas eh paigtingin pa rin po natin ang MASK, HUGAS, IWAS at siyempre po, BAKUNA.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong mula kay—
DTI SEC. LOPEZ: USec. Rocky, on that one—
USEC. IGNACIO: Go ahead po, sir.
DTI SEC. LOPEZ: Paalala lang natin kasi sa ibang bansa – I’m sure nakita ni Spox ito – sa ibang bansa noong nagluwag sa face mask, wala ng nagsusuot ng face mask, nagtaasan, nagkaroon uli sila ng surge, so, ayaw nating mangyari ito. Sa UK, sa US nakita natin iyong pagtaas kahit highly vaccinated na iyong mga lugar ay nagtaasan pa din kaya ho talagang ngayon unti-unti silang nagbabalik uli ng requirement na iyon. Kaya paalala sa atin, importante pa rin talaga iyang face mask hanggang totally mawala po ang COVID.
SEC. ROQUE: Tama po iyan. Huwag na huwag ninyong tatanggalin ang face mask. Iyong mga ekonomiyang nakita kong bukas na po, ang New York, ang Dubai, lahat po sila naka-face mask pa rin pero iyong mga nagtanggal ng face mask sa Europa, sumipa muli ang mga kaso. So, huwag po tayong papayag na masasarado na naman ang ekonomiya dahil mataas po ang kaso ng COVID. Mask, HUGAS, IWAS.
USEC. IGNACIO: Opo. From Jason Gutierrez reaksiyon daw po: Is President Duterte expected to attend the summit for democracy to be hosted by US leader Biden next month? The Philippine leader is listed as among the probable attendees.
SEC. ROQUE: Wala pa po akong impormasyon diyan. Hayaan ko na po ang Department o Foreign Affairs na magbigay ng kasagutan diyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Alvin Baltazar ng PBS-Radyo Pilipinas—
SEC. ROQUE: Okay. Hayaan ko na po muna ang Department of Foreign Affairs na magbigay ng kasagutan diyan.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque. Secretary, may mga tanong din—
SEC. ROQUE: Okay. Mukhang mahina ang internet.
USEC. IGNACIO: Opo. May mga nag—pero malinaw po ang dating ninyo sa amin, Secretary.
SEC. ROQUE: Go ahead.
USEC. IGNACIO: Opo. Basahin ko lang po iyong mga dagdag na tanong ano po. May tanong si Alvin Baltazar ng PBS-Radyo Pilipinas: General Eleazar will be retiring this Wednesday. May napili na ba si Pangulong Duterte? Any possibility na mai-announce later sa kaniyang Talk to the People?
SEC. ROQUE: Wala pa pong napipili, mayroon lang pong shortlist; pero siyempre po kinakailangang ianunsiyo naman iyan bago magretiro si General Eleazar.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po ni Alvin Baltazar: One week from now matatapos na iyong substitution para sa mga tatakbo for next year’s election ang mga hahabol para kumandidato. In your case, Spox, kumusta na po ang pakikipag-usap ninyo kay Pangulong Duterte at Mayor Sara regarding sa pagtakbo ninyo? Will you file your candidacy before or on November 15?
SEC. ROQUE: Well, patapos na po ang aking facility quarantine. So inaasahan ko pong makakausap nang personal si Presidente at si Mayor Sara Duterte.
USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang si Haydee Sampang ng DZAS for Secretary Roque: If magmamatigas po si Mayors Isko sa issue ng face shield, ano po ang mangyayari sa kaniya? May parusa po ba?
SEC. ROQUE: Well, hahayaan ko na po iyan sa DILG. Iyan po ay katungkulan at hurisdiksyon ng DILG.
USEC. IGNACIO: Opo. From Kris Jose ng Remate/Remate Online: Ramdam na po iyong papalapit na Kapaskuhan. Sa panahon pong ito naglipana na daw po iyong mga batang hamog. Ano po ang plano ng gobyerno sa mga batang hamog na umaakyat po sa jeep para po mangaroling? At ang mga batang hamog daw po ay natutulog sa mga lansangan, walang tirahan. May mga ina pa po na bitbit ang kanilang anak at nangangatok sa sasakyan para po mamalimos, baka sila po ang maging spreader ng virus?
SEC. ROQUE: Tama po iyan. So, nananawagan po kami sa DSWD. Kinakailangan po talaga ay bigyan natin ng atensiyon itong mga batang hamog dahil bukod doon sa well-being ng mga kabataan na iyan ay importante rin po na masigurado ang kanilang kalusugan dahil nandiyan pa rin po ang pandemya.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque, Secretary Lopez.
SEC. ROQUE: So, maraming salamat Secretary Lopez for joining us today. Salamat, USec. Rocky, maraming salamat sa mga miyembro ng Press Corps.
Natapos na naman po ang ating Presidential Press Briefing, sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi: Pilipinas talaga naman pong malapit nang matapos ang pandemya dahil sa ating MASK, HUGAS, IWAS at PAGBABAKUNA.
Pero huwag naman pong maubos ang pasensiya dahil kapag tayo ay atat na atat at hindi sumunod sa tinatawag na minimum health protocols, eh baka lalo pang mapahaba ang ating paghihinagpis sa pandemyang ito. Kaunting tiis na lang po matatapos din po ang lahat na ito.
Magandang hapon Pilipinas!
DTI SEC. LOPEZ: Magandang hapon. Thank you, Spox.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)