Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPh hosted by Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

BENDIJO: Magandang umaga Pilipinas. Unti-unti nang nagluluwag ang mga guidelines na ipinatutupad [garbled] pababa ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas at kaakibat naman nito ang mahigpit na pagbabantay ng ating mga awtoridad at ang patuloy na paghikayat po ng pamahalaan sa ating mga kababayan na magpabakuna na; iyan po ang laman ng ating talakayan ngayong araw ng Sabado.

Sa ngalan po nila Secretary Martin Andanar at Undersecretary Rocky Ignacio, ang inyong lingkod Aljo Bendijo. Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At sa ating unang balita: Kasabay nang patuloy na pagdating ng supply ng bakuna ay ang pag-arangkada na naman nang mas pinabibilis na bakunahan sa bansa para makamit ang target population protection. At itong Huwebes nga ay nakamit na ng pamahalaan ang 1.1 million doses na naibigay sa loob lamang ng isang araw. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

BENDIJO: At ngayong mas maraming tao na ang pinapayagang lumabas, dumarami rin ba ang lumalabag sa health protocols? Kamustahin natin ang pagtutok ng Philippine National Police sa kilos ng mga tao sa mas pinagaan na mga quarantine restrictions. At makakasama natin muli ngayong umaga si PNP Chief General Guillermo Eleazar. Magandang umaga po, General Eleazar!

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Yes. Magandang umaga sa iyo Aljo at magandang umaga rin sa mga nakikinig at nanunood sa iyong programa.

BENDIJO: Opo. General, eh kahapon sinimulan nang ipatupad ang Alert Level 2 sa Kalakhang Maynila, kamusta po ang implementation nito, General?

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Well gaya ng inaasahan natin ay talagang marami tayong mga kababayan na lumabas dahil nga mas marami na ngayong establisyimentong open at iyong kapasidad – itong seating and venue capacity ay tinaasan na rin. So sa atin ang pinagbasehan natin iyong ating enforcement nitong mga health protocols na ito at kahapon, isang araw nga, sa buong maghapon nagkapagtala tayo ng 9,451 na mga violators. Kung ikukumpara natin ‘to, Aljo, doon sa nakaraang 20 days na nasa Alert Level 3 tayo sa Metro Manila from October 16 to November 4 eh ang average daily noon is 9,746. So we can say na bahagyang bumaba siya.

Pero gusto ko ring iulat na ito kahapon nga, itong 10% lang dito na ang violation ay curfew compared sa 24% dati noong nasa Alert Level 3 tayo ang average na curfew. Kasi naman eh talagang tinanggal na basically itong mga curfew natin in general. Ang natitira na lamang curfew ay iyong para sa mga minors doon sa mga LGUs natin na mayroong mga existing ordinance na curfew para sa minors.

So—well kagaya ng napag-uusapan nga natin, nagluwag sa movement restriction ang ating mga kababayan pero ang pulis naman natin ay hindi tayo nagluluwag. In fact naghihigpit tayo in so far as implementation nitong mga health protocols kapag sila ay nasa labas.

BENDIJO: Uhum. General, anong strategy ng PNP ngayon ang ginagawa para matiyak na eh talagang natututukan natin ang pagsunod ng mga tao sa mga protocols? Ito kasing mga nakaraan, General, parang may mga crowded areas na hinahanapan ng taumbayan nang mahigpit na pagbabantay. Halimbawa lang po itong isang street food park diyan sa Tondo sa Maynila at maging diyan sa Divisoria, maging sa Greenhills mayroon din, opo.

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Aljo, tama iyon. Kaya nga ang direktiba natin sa ating mga Chief of Police ay dapat alam nila iyong mga lugar kung saan ang ating mga kababayan para makapagplano at mapaghandaan. So kasi ang ginagawa diyan is siyempre maximize iyong ating personnel na ma-deploy doon but in coordination with LGU and establishments.

Alam mo hindi natin kayang bantayan lahat iyan. Kahit naman doon sa normal situation, iyong ating pagbabantay sa iba’t ibang lugar, tayo po ay tinutulungan ng ating mga force multipliers, mga security guards noong mga establisyimento or agencies na nandiyan; so bottom line ay siyempre laging sinasabi natin kooperasyon ng lahat, ng ating mga kababayan. Pero alam mo talagang kailangan minsan eh mayroong nagbabatay at kung hindi mabantayan ng ating mga pulis ‘yan, mayroon tayong mga force multiplier na puwedeng mag-coordinate sa atin.

Sa ngayon, kanina kausap ko lang ang atin District Director ng Manila Police District, si Police Brigadier General Leo Francisco at siya nga mismong mag-i-inspect doon sa Divisoria area at inaasahan natin na ibang mga commanders ganoon din ang gagawin. So iyon po ‘yung atin strategy – i-deploy ang ating mga pulis sa lugar na marami tayong mga kababayan na nandoon para magsilbi silang deterrence doon sa mga violations.

Basically ang violation sinasabi natin dito non-wearing of face mask at saka pati iyong nagkukumpul-kumpulan.

Well alam mo ‘yung kumpul-kumpulan actually kung talagang hindi maiiwasan dahil sa sitwasyon pero pinakamaganda na hindi gawin iyon, nandoon pa rin iyong face mask na hindi tatanggalin at kung pupuwede eh sinasabi nga na iyong face shield, maganda pa rin na mayroon tayo noon.

BENDIJO: Nau-overwhelm ba ang ating mga pulis, General, sa dami ng mga taong binabantayan hindi lamang sa health protocols kung hindi maging sa kanilang seguridad lalo’t magpa-Pasko na?

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Inaasahan na natin ‘yan, Aljo. Well dahil nga sa may pandemya tayo, iyong dami ng tao ang ating tinitingnan is—okay lang maraming tao, authorized naman sila eh pero magsuot sila ng face mask. So iyon ang ating binabantayan ngayon at kailangan natin ng kooperasyon ng lahat, alam mo inuobserbahan ko kahit ako nasaan nga – ako, Cebu nga ako actually ngayon eh nag-attend ng turnover kahapon – pero nakita ko naman dito ay iyong mga tao talagang nakasuot ng face mask. Nasa labas na, naroon na at nagpupunta sa iba’t ibang establishment pero as long as nagsusuot sila ng face mask, iyon ang naging tried and tested formula natin.

So iyon na ‘yung ating binabantayan pero ang pagbabantay nga natin ay dapat porke ba walang pulis hindi na tayo magsusuot? No, tatandaan na natin ‘yan. Isipin natin namatayan na tayo ng kamag-anak, ng kaibigan, hahayaan pa ba nating maulit iyan? So gawin lang natin itong nararapat without that sanction na iniisip natin kung tayo’y mahuhuli.

BENDIJO: Opo. Sa usapin ng bakunahan, General, anong hakbang ng Philippine National Police para mas mapabilis ang paghahatid natin ng mga bakuna sa mga probinsya, sa labas ng Metro Manila? May mga directives na po ba kayo sa mga regional offices ng PNP para ma-assist ang mga local government units sa vaccination rollout?

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Yes, Aljo. Base sa direktiba ng ating Pangulo at mismong aming SILG, Secretary Año ay talagang through the IATF ay mineet lahat iyang mga ‘yan. At sa ating mga pulis, may direktiba na sila – lagi naman na mag-coordinate ang mga LGU nila. In fact nag-u-organize na by region kung paano makakatulong ang mga pulis at lahat ng ating available resources ay nakalaan para sa kanila.

Ginagawa na naman natin ‘yan eh pati na rin distribution, transportation ng mga bakuna pero nga iyong more than that, kung kinakailangan ng atin air asset, mayroon kaming ilang pirasong helicopter, ang aming mga watercraft, pati na ating mga patrol vehicles puwede nating gamitin siya – pati na rin ang ating mga medical reserve force na puwedeng magsilbing vaccinator kung kinakailangan.

Kaya nga po sa atin, sa pulis, na-foresee na natin iyan kaya nga sinabi noon ni SILG, dapat ang mga pulis natin ay bakunado para tumulong dito. Gusto ko lang iulat na almost 99% — 98.6% — of our personnel have been vaccinated at least one, 90.4% fully vaccinated while the remaining 8.2% are waiting for their second vaccine. So practically, kami po is walang problema in so far as [vaccination is concerned], binakunahan na dahil kami ay gagamitin para po lalong mapabilis ang pagbabakuna ng ating mga kababayan. In fact, we are volunteering our camp, our offices kung kinakailangan, kung iyan po ay aaprubahan ng DOH, na maging vaccination site at pati ang mga personnel namin na mayroong medical background, itong miyembro ng ating medical reserve force na maging bahagi ng mga vaccination team natin.

BENDIJO: Opo. General, babasahin ko lang itong tanong ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror sa inyo. Ang tanong niya: The recent abduction of six vacationers in Laurel, Batangas last October 29 is indicative of the brazen criminality on the rise. What is the PNP’s latest findings in its investigation of the said incident? How about the reported abduction naman diyan daw sa Lemery, sa Batangas, General?

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Well, unang-una po ay nalulungkot tayo sa pangyayaring iyan. Pero alam mo po, gusto natin talaga na lahat ng krimen is hindi mangyari. Pero ang reality, kaya nga ang major function ng ating pulis is crime prevention and crime solution kasi kahit sa buong mundo man, kahit sa napaka-modern na police force ay laging mayroon pa ring nangyayaring krimen. Pero gusto kong banggitin na even though mayroon ganiyan, ang pinagbabasehan naman ay iyong bang pagbaba ng krimen.

I-update ko lang po iyong sa crime statistics natin, kasi natapos na po iyong October, kaya itong 64 months na ito mula noong July of 2016 until October of 2021 – 64 months po iyan – ay iyon pong sinasabi nating barometer ng peace and order na index crime ay bumaba ng 68%. Dati sinasabi ko, 64%. Ito po 68% compared doon sa 64 months noong mga nakaraang administrasyon, at iyan po ay ang crimes against person diyan ay bumaba ng 65% while iyong ating crimes against property ay bumaba ng 70%. Kung titingnan natin, comparison-wise, nag-i-improve tayo. Pero siyempre itong mga kaganapang ito, mga nangyayari ay talagang hindi pa rin siyempre natin katanggap-tanggap.

Sa crime solution efficiency naman, gusto ko ring banggitin na dati ang crime solution efficiency ay nag-a-average sa limang taon na iyon ng 26%. Meaning to say, sa bawat apat na krimen na nangyayari, may isang nasu-solve. During this past five years, ang ating crime solution efficiency is 49%. Meaning to say, sa bawat dalawang krimen, may isang nasu-solve. Ibig sabihin, hindi man napakagaling iyong 49% but still, improvement na napakalaki po iyon from 26% to 49%.

So nakatutok po ang ating mga kapulisan kapag may mga kasong ganiyan at gagawin natin ang lahat para po maresolba siya. In fact, on that particular abduction of six victims ay inatasan ko na ang anti-kidnapping group na mag-coordinate at tulungan itong ating territorial police pati na rin ang CIDG para po sa agarang pagresolba ng kasong ito.

BENDIJO: Opo. General Eleazar, isang linggo na lang ang natitira bago kayo magretiro bilang hepe ng Philippine National Police. Pero sa loob ng maikling panahon, ano po ang masasabi ninyong ipinagmamalaki nitong accomplishment or repormang nagawa po sa hanay ng atin pong Philippine National Police, General?

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Alam ninyo po, ang puwede kong masabi sa aking maikling panunungkulan ay iyong patuloy na pagtaas ng tiwala at kumpiyansa ng ating mga kababayan sa ating kapulisan. Alam ninyo, iyan lang po ang solusyon diyan eh kasi ang ating programa, mula noon hanggang ngayon, nakalatag na po iyan. Ang ating policies, ang ating programs, ang ating doktrina, nandiyan na po iyan eh. Lahat ng ating mga naging Chief PNP before ay talagang nag-ambag ng kaniyang galing, tulung-tulong po.

Pero we can only be more effective sa aming pagtatrabaho kung nandiyan ang tulong, kooperasyon ng ating mga kababayan, mga stakeholders. At para ibigay nila ang kanilang kusang-loob, whole-hearted support ay kailangan ng mataas na kumpiyansa at respeto at iyan po ang nakita natin sa nakaraang buwan. At iyan naman po ay hindi po nanggaling sa amin; iyan po ay galing din sa survey. At naniniwala ako na iyon po ang aking masasabi na ang aking maliit na kontribusyon bilang ama ng ating kapulisan, pero ito po ay dahil sa tulong ng lahat, bawat isang miyembro ng 220,000 members of the PNP, both uniformed and non-uniformed personnel.

BENDIJO: Opo. General, nagbigay rin ba kayo ng suhestiyon o suggestion kay DILG Secretary Ed Año doon po sa mga shortlisted na papalit po sa inyo? Siyempre marami pang nakabinbin na kailangang trabahuhin sa PNP katulad nang patuloy na review sa war on drugs, itong mga kaso ng war on drugs na inyo pong nasimulan, General?

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Well, Aljo, kagaya ng sinasabi natin, lahat naman po ng mga senior officers natin ay lahat po ay qualified na mag-occupy ng highest position. Iyan po ay nasa Presidente para po sa kaniyang discretion at sa kaniyang choice.

Pero, ang atin pong SILG, Secretary Año, ay ako naman po ay kinukonsulta rin pero iyon po ay aming pinag-uusapan din lang. Pero kagaya ng sinabi ko nga po, wala naman akong specific na sinasabing niri-recommend na papalit sa akin, pero napag-uusapan at ako ay tinatanong tungkol sa performance ng lahat. But I can say that whoever will be selected by our President from the shortlist na iyon po iyong ibinigay ng ating SILG ay siguradong lahat kami o lahat ng ating PNP will rally behind the leader of the PNP para po sa patuloy ng atin pong pagsusulong ng mga reporma sa ating organisasyon.

BENDIJO: Opo. Bilang panghuli na lang po, General, ano ang mensahe ninyo sa taumbayan, sa publiko at sa ating mga pulis ilang araw bago po kayo magriretiro sa pagsiserbisyo, General?

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Yes, Aljo, eksakto isang linggo ngayon, next Saturday, will be my birthday and I will be retired at that time. So ako po ay nagpapasalamat sa lahat, sa ating publiko, sa inyong unti-unting pagbabalik ng tiwala sa amin. Sa aking maikling programa, iyong basis, ang ginawa ko po, based on our reforms that we have ay sinummarize [summarized] ko po iyan doon sa intensified cleanliness policy which is anchored on the broken windows theory na ito po ngayon ay tungkol sa disiplina. This is a moral compass.

Sinasabi natin iyong ating paglilinis ng ating komunidad sa krimen, paglilinis ng ating hanay sa mga nagmamalabis sa amin lahat diyan, puwede naming magawa ng maganda at epektibo iyan sa tulong ng ating mga kababayan. Kaya nga in-establish natin iyong pagbabalik ng disiplina, ang kredibilidad, ang integrity ng ating pulis na magsisimula sa kalinisan ng ating mga pasilidad partikular ang mga police stations kung saan doon pumupunta ang ating mga kababayan. Binabalik natin iyong kumpiyansa, ang dignity pati na rin po iyong sense of belongingness, proud to be part of an organization na talagang tumutulong sa atin bayan.

So, ang amin pong pakiusap sa ating mga kababayan, patuloy ninyo po na pagkatiwalaan ang ating mga pulis dahil through our collaboration ay diyan po natin maa-attain at masu-sustain ang katahimikan ng ating lugar na makakatulong po sa economic development ng ating komunidad at ng ating bansa.

BENDIJO: Maraming salamat po sa inyong panahon at serbisyo sa ating mga kababayan, PNP Chief Guillermo Eleazar. Stay safe at mabuhay po kayo, General.

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Maraming salamat po. Mag-ingat po tayong lahat. Magandang umaga po.

BENDIJO: Samantala, bukod po sa pagbubukas naman ng bagong Malasakit Center sa Palawan, libu-libong mga residente ng Puerto Princesa sa Palawan ang hinatiran ng tulong ng team ni Senator Bong Go. Ang DSWD, namahagi rin ng hiwalay na ayuda para po sa ating mga piling benepisyaryo. Narito ang report:

[VTR]

BENDIJO: At nitong Huwebes itinaas na sa 70% ang kapasidad ng maaring isakay ng mga pampublikong transportasyon. Isang buwan naman po iyan pag-aaralan ng Department of Transportation kung walang masamang epekto sa ating COVID-19 response. Ang tanong: so far, so good ba ang implementation nito, iyan po ang ating aalamin kay Brig. General Manuel Gonzales, Assistant Secretary for Special Concerns ng DOTR at Chief po ng i-ACT. Magandang umaga po General!

DOTR ASEC. GONZALES: Magandang umaga po sir at magandang umaga po sa tagapakinig sa inyo pong programa.

BENDIJO: Opo. General Gonzales, this is Aljo Bendijo, ng Laging Handa sa PTV sa ngalan po ni Secretary Andanar and USec. Rocky. Ignacio. General, kumusta po ang assessment ninyo sa ipinatutupad na 70% capacity sa mga PUVs nitong mga nakaraang po?

DOTR ASEC. GONZALES: Sir, una sa lahat po ang ginagawa namin ay tuloy-tuloy ng mga motorista ang mga itinakdang health protocols at batas trapiko.

Sa unang araw po sir, sa unang araw pa lamang ng pilot implementation ng 70% seating capacity rule ay nakapagtala ang I-ACT ng higit 200 na mga PUVs na napara. Ito po napara, especially sa Commonwealth po kasi diyan kadalasang maraming PUV. Karamihan dito punuan po talaga, iba pa nga ang may mga nakatayo na nasita ng mga enforcer natin na mahigpit nating ipinagbabawal simula noong pinayagan ang public transport sa lansangan.

Ito po iyong ano—medyo kasi [garbled] pa iyong iba kaniya po biglang pag-ano po iyon, lumabas na utos iyong sabi ng mga iba. Kaya naman po ganoon rin ang ano—sa unang araw naman po ay pinagsasabihan namin sila at binibigyan ng warning na hindi dapat gawin iyong overloading. I-maintain natin iyong 70%. So medyo maayos naman po iyong iba na napagsasabihan natin sir, sa unang araw po.

BENDIJO: Opo. Bukod sa sobrang pasahero po, General, eh ano pa ang kadalasang traffic violations nila at ano ang parusang ibinibigay sa mga nahuhuling mga driver?

DOTR ASEC. GONZALES: Ang kadalasan po bukod sa overloading ang nahuli po natin during Thursday at saka second day ay iyong violation, common violation sa seat belt. Sa seat belt po na paggamit nito, ito po ay may kaparusahan ‘no, ng itina-tag na… especially sa hindi paggamit ay may kaparusahan. Sa, over excess passenger naman po P2,000 po iyan sa public transport. So, iyong iba po napapabigyan ng penalty sa pag-excess ng passengers. Sa seat belt naman po mayroon din pong kaparusahan po iyon, penalty.

BENDIJO: Opo. Tama ba na pinapadalhan muna ng show cause order iyong mga transport companies for violations or ticket na agad? So, far General, simula Huwebes ilan na ang natikitan ninyo?

DOTR ASEC. GONZALES: Sa mga natikitan po noong unang araw dahil sa penalty, mayroon po kaming natikitan dito sa Macapagal Avenue, 10 po ito. Doon naman po sa show cause order, ang LTFRB po ang nagbibigay diyan doon sa talagang tinatawag nating mga pasaway no, marami rin po kaming mga naanong pasaway diyan at ito po ay niri-refer namin sa LTFRB para sila po ang mag-issue ng show cause order.

BENDIJO: Kasama rin ba sa mga sinisita ng I-Act, General, iyong mga PUVs na nagsasakay ng mga bata, paano po kung may kasama naman silang mga magulang o mga guardian?

DOTR ASEC. GONZALES: Sa ngayon po sir, for the past two days, pinagbabawal po ng I-ACT, ng mga enforcer natin na magdala sila ng bata na magsakay kasi po wala pa naman talagang guidelines dito ang ating pamunuan sa transportasyon po ano. So, iyong mga senior o kaya iyong mga may dalang bata po hindi pinasasakay dahil bawal pa nga po iyong mga bata for the past two days na in-implement namin itong 70% po.

BENDIJO: Sir, pasadahan ko lang po itong tanong sa inyo mula kay Evelyn Quiroz, ng Pilipino Mirror, ang kaniyang tanong narito po: The DOTR increased public transport passenger capacity to 70% recently. Was there a [garbled] that there is no danger of a spike in COVID cases because of this move, sino po ang mga nakonsulta rito?

DOTR ASEC. GONZALES: Sa ngayon po, sinisiguro po ng I-Act from the enforcement sides iyong pag-enforce noong tinatawag nating 7 commandments no, iyong ito po iyong pinatutupad sa public transport ng mga pasahero that includes iyong mga driver/conductor.

Ito po iyong importante:

  • Continuous wearing of face shield and face mask,
  • Bawal ang magsalita o kumain sa loob ng public transport.
  • Bawal iyong tinatawag nating gumamit ng cellphone, mag-dis-infect
  • at ang isa po dito dapat i-maintain ang social distancing sa loob ng public transport para po maiwasan talaga ang transmission.

With this po na implementation, pag-implement ng 7 commandment on health protocol sa public transport, sigurado pong makakaiwas ang pagkalat ng virus na COVID virus o paghawaan ng ating mga pasahero sa loob ng public transport po.

BENDIJO: Opo. Ngayong ibinaba na sa Alert Level 2 ang Kalakhang Maynila, dagdagan pa ba natin ang pagtanggap sa curfew hours. Gagalaw rin po ba tayo, ang I-ACT po na para sa bugso ng motorista sa lansangan? Magdagdag po ba kayo ng puwersa para sa monitoring, General?

DOTR ASEC. GONZALES: Totoo po iyan sir. In fact, iyong maximum number ng I-Act enforcer na ginagamit—nag-e-enforce na po kami ngayon, 24/7 po ang deployment ng I-ACT ‘no. Aside from this po ay mayroon kaming mga ka-partner agencies personnel from LTO, LTFRB at 20 Highway Patrol Group, MMDA at saka iyong mga LGUs traffic enforcers. With this number po, kami po’y nagtutulungan para lalong mapaigting ang pag-i-enforce ng minimum and health protocol para sa ating mga public transport system; mayroon pong mga force multiplier din po ang I-ACT.

BENDIJO: Opo. So, usapin naman ng colorum, tumaas ba ang kaso nito, General, mula ng magluwag ang alert system lalo na nitong nagdaang Undas?

DOTR ASEC. GONZALES: Ah, tungkol naman po sa colorum, Sir, for the past days [kasi], kami po muna ay nag-focus dito sa health protocol ‘no ng enforcement but tuluy-tuloy pa rin po ang aming colorum operation. In fact for the past two weeks po, Sir, mayroon kaming 89 vehicles na na-impound ‘no, nahuli at [nadala] na po namin sa LTFRB impounding area. So maski po kami ay nag-enforce po ng health and safety protocol, tuluy-tuloy pa rin po ang aming anti-colorum operation.

BENDIJO: Opo. Mula nang magluwag sa kapasidad, General, talagang mas ramdam na nga ang traffic. Masasabi ba natin nagbabalik na sa pre-pandemic iyong sitwasyon sa mga kalsada?

DOTR ASEC. GONZALES: Para sa ganoon pong observation, nakikita po ng I-ACT ‘yan. In fact in some areas tumutulong po kami sa traffic management, especially dito sa Pasay, Macapagal. Kasi po ang volume ng traffic ngayon, MMDA po kasi ang nag-a-assess po niyan. Pero per observation din ng I-ACT dahil lagi din kaming nasa kalsada, talaga pong tumaas iyong volume ng ating mga sasakyan, especially dito po sa EDSA. So nagki-create po talaga siya ng traffic dahil nadagdagan nang maraming sasakyan ang ating mga lansangan.

BENDIJO: May mga plano ba para maiwasan din iyong congestion o siksikan sa ilang mga pangunahing ruta sa Metro Manila, General?

DOTR ASEC. GONZALES: Ah, opo. In fact ang I-ACT rin po ay nakikipagtulungan sa MMDA. Tumutulong din po kami ng decongestion, ito po ‘yung tumutulong kami sa pag-alis ng mga obstruction sa mga major thoroughfare and tumutulong din kami sa MMDA para clear po ‘yung tinatawag nating alternate route aside from EDSA. Ang advice nga po rin sa ating mga kababayan na puwede rin po silang gumagamit ng mga alternate route na in-establish ng MMDA ito para makaiwas dito sa EDSA o kaya mabawasan man lang iyong volume ng sasakyan dito sa EDSA by availing iyong tinatawag nating 19 alternate route po dito sa Metro Manila.

BENDIJO: Opo. Maraming salamat sa inyong impormasyon, I-ACT Chief, Brigadier General Manuel Gonzales. Mabuhay po kayo. Ingat, General!

DOTR ASEC. GONZALES: Maraming salamat din po at mabuhay din po kayo at sa ating mga tagapakinig. Magandang umaga po sa ating lahat. Mabuhay po.

BENDIJO: Opo.

Para sa pinakahuling pangyayari naman sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan na natin si Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas. Aaron…

[NEWS REPORT]

BENDIJO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato.

Narito naman ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong kapuluan. As of 4 P.M. kahapon, November 5, 2021 umakyat na nang bahagya sa 2,376 ang mga bagong kaso kaya umabot na ang kabuuang bilang nito sa 2,797,986; 260 ang nadagdag sa mga pumanaw, sumatotal mayroon na ngayong 44,085 total COVID-19 deaths; 2,109 naman ang bilang ng mga gumaling kahapon kaya umakyat na sa 2,716,524 ang ating total recoveries. Ang active cases naman natin ay nasa 37,377 o 1.3% pa rin ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa bansa.

Para po makibalita sa takbo naman ng laban natin, laban ng Pilipinas kontra COVID-19, muli nating makakasama si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang tanghali po, Usec. Vergeire, this is Aljo Bendijo.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Sir. Good morning po Sir at magandang umaga po sa inyong lahat.

BENDIJO: Opo. Usec., bakit biglaan ang pagbabago ng alert level sa Metro Manila? Ano po ang pinagbasehan nang sudden downgrade, Usec.?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Sir ‘no. So hindi naman po siya naging biglaan. We were still able to monitor ito pong sitwasyon sa Metro Manila or the NCR. Nagkaroon lang po ng ibang timeline kasi ang pagdeklara natin ng [garbled]] para po dito sa NCR. But nevertheless we have based this on the different metrics that we used. Kita ho natin na since last week pa ho or two weeks ago bumaba na po ‘yung kanilang healthcare utilization at sa ngayon po less than 50% ang kanilang mga beds occupied in their hospitals and then ‘yung two-week growth rate po nila ay negatibo.

Ang atin pong binantayan for this past week would be their average daily attack rate o ‘yung mga numero ng mga bagong kaso na nakakaapekto sa area ng NCR – dati po nasa 10 po sila, ngayon bumaba na po to just 5. So this is less than 7 that’s why they had been classified as low risk already and had been deescalated to Alert Level 2.

BENDIJO: Opo. Usec., sa ilalim ng Alert Level 2 ay pinapayagan na nga ang paglabas ng mga kabataan. Hindi naman ito nakakabahala lalo’t nagsisimula pa lang tayo ng vaccination rollout para sa kanila at marami-rami na rin ang target na mabakunahan?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, sir. So actually, hindi naman po natin papayagan kung hindi naman natin na-discuss with our experts. Unang-una po, ang ating mga kabataan, they have the least risk of getting infected and getting hospitalized because of COVUID-19. Kaya po iyong pagbabakuna sa kanila, noong atin pong nagpa-prioritize tayo, hindi po sila masyadong nauna doon sa prioritization.

Pangalawa, dito po sa pagbubukas po natin ng ating ekonomiya dito sa Alert Level 2, may mga safeguards in place naman po tayo. Katulad po ng 50% capacity lang for indoor and 70% outside; and of course, iyon atin pong minimum public health standards ay kailangan sinusunod pa rin.

So nanawagan tayo sa ating mga parents, sa mga guardians ng ating kabataan, kapag ho nakikita natin na hindi po pabor para sa ating mga kabataan ang pagpunta sa isang lugar katulad ng matataong lugar o ‘di kaya mayroong probability of being close contact ‘no, interaction with people, huwag na po nating isama ang ating mga kabataan.

BENDIJO: Tanong po mula kay Red Mendoza, Usec., ng Manila Times. Ang kaniyang tanong: Marami ang nag-aalala sa pag-lift ng National Capital Region sa Alert Level 2 ay baka mawala raw ang pagiging vigilant ng mga tao na baka humantong ulit sa pagtaas ng kaso diyan po sa Metro Manila. Ano ang inyong masasabi diyan, Usec.?

DOH USEC. VERGEIRE: Iyan po ang patuloy naming panawagan at araw-araw po kami ay nagpapaalala sa ating mga kababayan: Ang tuluy-tuloy na pagbaba ng kaso dito po sa ating bansa specifically to NCR, nakasalalay po iyan sa ating lahat. So kung tayo po ay patuloy na susunod doon sa ating mga safety protocols, kung ang ating mga local governments ay patuloy din pong gagandahan at ii-intensify ang kanilang pagresponde katulad po ng kanilang contact tracing, testing, isolation, tayo po ay makakapagtuluy-tuloy at makapagbukas pa ng ibang sektor.

So it will all depend on how all of us will try to cooperate so that we can be able to sustain ito pong ating pagbaba ng kaso dito sa NCR and even in the whole country.

BENDIJO: Sunod pang tanong ni Red Mendoza: Usec., marami rin ang nag-aalala sa patuloy na pagdami ng mga naitatalang namatay sa case bulletin. Ilan ang mga deaths na nangyari nitong buwan na ito; at majority ba sa mga naitatalang deaths ay mga galing pa sa mga previous months?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, sir ‘no. So sa ngayon po, as of yesterday, November 5 kahapon, we have already reported 49 deaths and we are averaging ten deaths per day, kung iyan po ang titingnan. Pero kapag kinumpara po natin sa ibang mga buwan, ang atin pong peak number of deaths happened in September when we had 193 deaths per day, average po iyan.

Makikita ho natin sa bawat report natin sa pang-araw-araw, hindi po lahat ng niri-report natin sa bawat araw ay nangyayari for specific months. Mayroon pong mga porsiyento na nangyari noong Oktubre, noong Setyembre, noong Agosto dahil bina-validate pa ho natin iyan.

So yesterday’s number of deaths, iyong 200 plus, hindi po lahat iyan ay nangyari nang Nobyembre, nangyari iyong iba last month; nangyari iyong iba September or August. So because we are still validating whatever the local governments are providing us as data.

BENDIJO: Tanong naman kay Michael Delizo ng ABS-CBN News. Usec., ang kaniyang tanong: Makukumpirma ninyo po ba kung nagri-reverse na ang trend sa mga ospital kung saan dumarami naman ngayon ang non-COVID-19 cases? Ano ang kadalasang kaso ngayon sa ospital?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, sir. So kapag tiningnan ho natin, we are also monitoring non-COVID cases of course. So if we try to look at the occupancy in our hospitals right now, nakita po natin na patuloy na bumababa ang admissions for COVID cases. And nakikita naman ho natin, stable naman po at hindi po ganoon kataasan ang occupancy naman natin sa non-COVID beds. Ibig sabihin, binabase natin doon po sa pagkukumpara ng mga admissions for the same time period last year or even in the previous months.

So sa ngayon po, wala naman tayong dapat ikabahala. Tayo po ay dapat magtuluy-tuloy pa rin ano, of course, to expand the number of beds both for COVID and non-COVID cases.

BENDIJO: May projection ba, Usec., ang Department of Health ng cases by the end of November and December? Kailan natin nakikita ang three digits – iyon po ang inaasahan natin – three digits new cases na lamang?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, sir. So mayroon hong projections ang ating FASSSTER team which are our experts in our projecting the number cases. So ang sabi nga po, mayroon ho tayong assumptions na ginagamit dito po sa ating projection – iyon pong mobility, iyon pong compliance ng tao sa minimum public health standards, iyong health system capacity which are represented by the detection to isolation time/period, at iyong vaccination rate.

So sabi po dito sa kanilang mga projections, kapag na-maintain natin iyong current na mobility na sa ngayon ‘no which is about 82% at na-maintain po natin iyong compliance natin to minimum public health standards at iyong detection to isolation natin ay nasa limang araw or less, tayo po ay magkakaroon ng active cases na 22,000 by November 15. And then, kapag po nawala po o tumaas iyong mobility natin, ang atin pong active cases sa buong Pilipinas may reach up to 52,393.

So kailangan maintindihan ng ating kababayan, currently our active cases is at 53,642 here in the whole Philippines. Kung tayo po ay magluluwag nang husto sa ating mga ginagawa ‘no, hindi tayo maggagawa ng city protocols [garbled] mababa ang detection to isolation sa komunidad at saka iyong ating mobility ay tataas pa rin, maaaring ito pong ganitong klaseng numero na mayroon tayo ngayon ay ganoon pa rin hanggang sa end of December.

Pero, kung tayo po ay makakapag-improve ng ating sitwasyon, we go as low as 22,000 active cases for the whole Philippines by the end of November 15 po.

So iyon po ang ating panawagan sa ating mga kababayan na sana tuluy-tuloy po nating gawin ito para mabawasan po natin ang mga nagkakasakit at hindi po tayo magkaroon ng pagtaas ng kaso pagdating po ng Kapaskuhan.

BENDIJO: Opo. Usec., hingi lang kami ng update sa paghahanda para sa posibleng rollout ng booster shots sa November 15.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, sir. So hanggang sa ngayon po, we are still waiting for the revised Emergency Use Authority that the Food and Drug Administration will issue. Ang huli pong update po sa atin ng FDA, hanggang sa ngayon po ay nag-i-evaluate pa rin ang ating mga vaccine experts with the Food and Drug Administration.

The public has to understand na marami po tayong vaccine platforms o bakuna na klase na ginagamit sa atin dito sa Pilipinas. So it will take time for us to evaluate lahat ng kombinasyon na puwede kapag nagbigay tayo ng third doses or booster. And also, we are still waiting for the completed stage recommendations, this is WHO recommendations which will be issued also this November. So once lumabas po iyang mga dokumentong iyan, iyang evaluation, we will now finalize the guidelines for giving third doses and booster doses.

BENDIJO: Maraming salamat sa inyong oras, Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng Department of Health. Stay safe, Usec. Thank you so much.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.

BENDIJO: Ilang mga kababayan nating biktima naman ng sunog sa Barangay Calumpang sa General Santos City ang inaasahang mabibigyan ng ayuda. Kaugnay diyan, may report ang ating kasamang si Rodirey Salas mula sa PTV Davao:

[NEWS REPORT]

BENDIJO: Daghang salamat sa imohang (Maraming salamat sa iyong) report, Rodirey Salas.

Sa mga nakapagbakuna na, hindi lang proteksiyon ang dala niyan sa inyo, aba’y puwede pa kayong magkamit ng instant pa-premyo dahil po sa loob ng 3 buwan magpapa-raffle ang pamahalaan ng cash prizes. Para sumali, panoorin natin ito.

[VTR]

BENDIJO: At bago tayo magtapos, nais naming batiin ng advance happy birthday ang ating executive producer na si Gerald Oro. Bukas po ang kaniyang kaarawan. Nais din namin magpasalamat sa PTV-Davao sa kanilang mainit na pagtanggap sa akin dito po, sa pangunguna ng kanilang station manager na si Miss Rhoda Hernandez. Daghan kaayong salamat, Ma’am Rhoda.

At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw.

Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Mga kababayan, 49 days na lamang at Pasko na.

Ito po si Aljo Bendijo at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Daghang salamat!

##


News and Information Bureau-Data Processing Center