USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas, samahan ninyo kami sa isang oras na talakayan kaugnay sa mga napapanahong usapin sa ating bayan na dapat ninyong maintindihan at malaman. Makakasama natin ang mga panauhin mula sa mga tanggapan ng pamahalaan na handang magbigay-linaw sa inyong mga agam-agam.
Mula sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!
Sa ating unang balita: Nilinaw ni Senator Bong Go na wala pang napipili si Pangulong Duterte na iendorsong presidential candidate sa darating na halalan matapos niyang iatras ang kandidatura. Hindi rin aniya nagmamadali ang mambabatas na bawiin ang kaniyang COC sa Comelec. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Isa na naman pong kasamahan natin sa media na naiulat na napaslang kamakailan. Kumusta na ba ang takbo ng imbestigasyon ukol diyan at paano nga ba pinangangalagaan ang seguridad ng mga mamamahayag ngayong panahon ng eleksiyon na maraming banta sa kanilang kaligtasan, para pag-usapan ‘yan makakasama po natin si Undersecretary Joel Sy Egco, ang Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security. Good morning po, Usec.
PTFOMS USEC. EGCO: Yes. Good morning Usec. Rocky and good morning po sa ating mga kababayang sumusubaybay sa atin pong programa.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., para po sa kaalaman ng mga manunood, ano po ba ang mandato ng Presidential Task Force on Media Security?
PTFOMS USEC. EGCO: Well unang-una, ito pong Presidential Task Force on Media Security ay ang produkto ng kauna-unahang administrative order ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016. So ang pangunahin po nating mandato is to protect the life, liberty and security of media workers ‘no in the county at tayo po ay nakatutok hindi lamang po doon sa mga kaso ng mga pinaslang ‘no or mga tinakot kundi iyong mga kaso ng mga nakaraan pang taon; so mula 1986 up to present po iyong ating mga kasong hinalukay, binabantayan, minu-monitor at sinu-solve ‘no.
And kung matatandaan po ninyo, noong 2019 finally ay nagkaroon ng conviction sa Ampatuan Massacre. Malaki po ang naging role natin diyan ‘no kasama po ang DOJ dahil ang DOJ ang Chairman po ng task force at ang PCOO naman sa ilalim po ni Secretary Martin Andanar ang Co-Chair. So after that conviction, mayroon na po tayong 51 convictions – total ha, total – na mga media killing cases at mayroon po tayong mga 68 na na mga convicted na mga tao na kaugnay po dito sa mga convictions na ito.
So hindi po nababalita ‘yan madalas or hindi po napapansin but ito po ang aming niri-report sa inyo. At ang atin pong mga kapatid sa hanapbuhay naman ay halos umabot na sa isandaan iyong atin pong mga natulungan ano na nailigtas – real time po ang ating protection. When you feel threatened just call us ‘no. Kasama na po dito iyong—mai-segue ko na, Usec. Rocky ano, itong huling kaso, iyong kay Jess Malabanan, kaibigan po natin ‘yan eh – si Jess Malabanan ng Manila Standard.
Si Jess po ay tinulungan natin noong 2018 noong siya po ay nakaramdam ng threat, in fact he was very thankful, gusto po niyang magkaroon ng—mag-record ng pasasalamat sana na video. Sabi nga niya, “Usec., tutulungan ko ‘yung PTFOMS kasi na-experience ko kung paano ninyo ako naprotektahan that time na kailangang-kailangan ko kayo.” However it was so sad and very unfortunate that he was killed in Samar – in his own hometown, home city of Calbayog nito lang pong nakaraang mga araw.
At ito po ay tinututukan natin ‘no, I’m sure people are asking ano ba ang motibo? Pinatay ba siya dahil siya ay media man ‘no? Katulad nito, nabanggit pa nga noong isang awardee ng Nobel Peace Prize iyong kaso ni Malabanan – parang pinagmamalaki pa na… ‘di ba, na dito ay pinapatay – aba’y hindi po ganoon ang sitwasyon ‘no. Nililinaw po natin, alam ninyo po kahit ako, marami akong death threats; na kahit ako, marami akong libel cases noon ‘no noong very active po ako sa private media.
Ngayon ito pong karamihan sa mga biktima po nang pagpaslang ay mayroon din pong mga ibang dealings ‘no – may personal, may personal na away, mayroong negosyo at samu’t sari pa pong mga dahilan kung bakit sila ay nalagay sa kapahamakan. Halimbawa po itong kay Jess Malabanan, masabi ko na… ako po’y taga-Manila Standard dati, labindalawang taon po ako diyan at si Jess ay correspondent po ng Manila Standard noong siya ay napaslang. So tinanong ko ang aming mga kasama doon sa Standard: Sino ba binabanatan? Sino ba ang tinitira? Wala naman po dahil puro ‘feel good’ stories ang kaniyang sinusulat ‘no, puro ‘feel good’ articles ang kaniyang naipa-publish.
And in fact gusto na niyang—para mag-retire dito at umuwi sa Samar dahil gusto na po niyang mag-farming. So isa po ‘yun sa tinitingnan natin, itong kaniyang panibagong career wika nga ‘no. Sinisilip po natin ‘yan – iyong mga usaping lupa – baka may nakaaway siya roon at doon po tayo nakasentro ngayon, doon sa lugar kung saan siya pinaslang. Dahil dito po sa Luzon kung saan siya nagtatrabaho, nakabase po siya sa Pampanga, wala po kaming makitang kaaway niya rito dahil napakabait po niyan, napakamapagkaibigan kaya tumututok po tayo sa Samar.
In fact on Monday, Usec. Rocky, we’re going to have a case conference ‘no with the special investigation Task Group Malabanan na nandoon po sa Calbayog ‘no, doon sa probinsya ng Samar. At nang malaman na natin iyong mga positive developments – there are but I cannot divulge them. In fact we’re still following up some leads ‘no so ako po’y umaasa na sooner or later, hopefully by next week magkaroon po ng breakthrough dito ‘no. Naniniwala po ako personally na nandoon lang po iyon sa paligid, ang kaniyang kaaway.
At ang kaniya pong mga labi, I was planning to go to Samar, to fly to Samar ‘no to personal condole with the family and meet with the officials ‘no— our investigators there. However ngayon po ay kung hindi po ako nagkakamali, kaninang alas otso ay biniyahe na po ang kaniyang mga labi, ni Jess Malabanan, papunta po ng Pampanga. So anytime this week po ay papasyal po kami doon kasama ang mga kapatid po natin sa media – ang National Press Club, sila Paul Gutierrez – dadalaw po kami doon sa wake at kahit papaano po ay makapagbigay din ng kaunting tulong para doon sa ating kaibigan. Close po kami niyan, ni Jess Malabanan ‘no.
And just like in so many other cases ‘no of killings, marami po ang dahilan ay talagang personal, negosyo minsan. Iyong isa pa nga ay kinasuhan namin iyong asawa dahil akala namin ay pinatay niya iyong victim na asawa niya na babae na reporter sa local – it turned out nagpatiwakal pala ‘yung media ano at na-acquit iyong kaniyang asawa. Mayroon pa pong mga kaso na hinold-up, mayroon pang pinasok sa bahay, nakipagbarilan ‘no… mayroon pa—iba’t iba po, samu’t sari po.
Kaya doon po sa mga nagsasabi na, ‘Wow, parang ang mga media sa Pilipinas ay pinapatay,’ huwag po kayo basta-basta maniwala. In most cases, incidental po talaga na sila ay media at may iba silang nasagasaan o personal na nakagalit. Ganoon po iyon. It’s like no exception kung ikaw po ay engineer, kung ikaw ay iba ang propesyon mo tapos may personal dealings. Ganoon po iyon ‘no. So don’t believe in the propaganda that journalists are really being directly targeted here for being journalists. There are so many, there’s an ocean of reasons po.
But regardless of motive—Yes, Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Usec. Joel, pero kaugnay niyan ay naging kontrobersyal din po iyong pagkakapatay nga kay Jesus Malabanan na sinasabing ikadalawampu’t dalawa na journalists na pinatay magmula noong 2016, at ikalabing-apat po na unsolved case about media killing sa bansa. Ano po iyong masasabi ninyo, kasi sinasabi po dito sa New York City based Committee to Protect Journalists, pampito ang Pilipinas sa mga bansang hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga journalists. Ano po ang masasabi ninyo rito?
USEC. EGCO: Iyan, thank you for asking that. Magandang ma-clarify po natin iyan. Noon pong araw ay Number 2 tayo kung matatandaan ninyo; naging Number 3, naging Number 4. Nag-stagnate po tayo sa Number 4 noong time ni late President PNoy, Noynoy Aquino. Noong tayo po ay pumasok noong 2016, naging Number 5 po tayo – that’s an improvement. In fact, ang CPJ, ang Committee to Protect Journalists, ay binalita noon iyong with the creation of this task force, may mekanismo na tayo. Ang mahalaga po diyan—kasi kapag sinabing culture of impunity, kapag may pinatay, tumalikod ka, hinayaan mo. But this time around, may mechanism tayo na gumagalaw to solve those cases.
Ngayon, huwag po kayong malito kung bakit hanggang ngayon ay Number 7. This involves cases that happened ten years ago. So kung 2021 po ang report, iyong mga kaso pong sakop niya ay from 2011 up to 2021. So iyon pong sinasabing 13 na cases, karamihan po doon ay nasa korte na. So alam ninyo naman ang ating justice system dito, medyo mabagal po. Katulad nga doon sa Maguindanao massacre, inabot nang sampung taon iyong kaso. So ito po ay tinututukan natin at iyon po ang mahalaga.
Now, from Number 5, kung matatandaan po ninyo, matagal tayong Number 5 but expected po iyon dahil nabibilang nga po namin, na kaya naming kompyutin base sa formula ng CPJ. Kaya sabi ko, five pa rin tayo, five pa rin tayo, five pa rin tayo. But sa 2020, last year, tayo po ay tinanghal na biggest mover – pinakamalaking improvement sa buong mundo na from Number 5, we jumped to Number 7. So slowly but surely, we’re going out of that list.
So ganoon po ang formula niyan. At napakalaking bahagi po noon, ng improvement na iyon noong 2020 iyong conviction ng mga respondents, mga akusado sa Maguindanao massacre. Iyon po ay ni-report, ni-report ng CPJ mismo at hindi po tayo puwedeng magkamali diyan dahil tinutugaygayan po natin nang mabuti.
Ngayon, ngayon pong taon na ito, expected din po namin Number 7 dahil nga po iyong formula nila na ten years. But ang pinakamahalaga dito, Usec. Rocky, kasi every year noong nandoon tayo sa listahan na iyan, mayroong tinatawag na country specific report ang CPJ. Sinasabi may sinking space, journalists are being attacked under President Duterte. But this time, this year, wala pong country specific report. Nag-neutral po ang CPJ when it comes to the Philippines because, I presume, they knew that we have this mechanism, this task force, the first and only around the world ‘no, the first and only task force of such kind, of its kind in the world – na-realize po nila iyan. And we continue to engage with them. We tell them when some people or some groups are lying; some groups are lying to their teeth. They just want to project our country as a, you know—alam mo, sinasabi pa nga war zone, war zone. Come on, we covered war. Ako, na-cover ko iyong mga war zone – hindi po ganoon.
So kinukorek na po natin sa pamamagitan po ng ating task force through the Department of Foreign Affairs. Nakikipag-coordinate po tayo sa Reporters Without Borders. We engage also with CPJ. We engage with UNESCO. And of course, we engage with the United Nations sa Human Rights Office. So, we engage with everybody – nalilinawan na po iyan. So iyong Number 7 po, huwag po kayong malungkot bagama’t masakit pa rin sa akin na nandoon pa rin tayo, pero malaking improvement po iyon. And as we go on, through the years, I’m sure mawawala po tayo diyan sa listahan na iyan. In fact, ang nakakahiya noon, nasa Top 5 tayo dati. But this time around na wala na po tayo diyan sa Top 5 Most Dangerous Countries na iyan ‘no. And wala rin po tayo sa mga iba pang mga lists, magu-Google ninyo naman po.
USEC. IGNACIO: Usec. Joel, ngayong mag-ieleksiyon, kasabay nang umiinit na isyu sa pulitika, hindi rin maikakaila na tumitindi rin ang banta sa kaligtasan ng mga mamamayan. May mga hakbang po ba tayo para maprotektahan at matiyak ang kanilang propesyon ngayong election period?
USEC. EGCO: Yes, unang-una, Usec. Rocky, thank you for raising that up because every election season, tandaan po ninyo ito, six months before and six months after, iyon pong naitatala naming patayan. Ibig sabihin, ito pong problema ng media killing sa Pilipinas is directly related to the geopolitical environment kung saan gumagalaw iyong mga media na biktima.
Example, Maguindanao massacre. Ang Mindanao region po ang most vulnerable region sa ating bansa. Hindi po namin sinasabing most dangerous, baka walang pumunta roon eh. Most vulnerable in terms of harassment, attacks and killings kasi doon po pinakamarami. Alam po ng mga kasama natin iyan. Now, realizing that na delikado tuwing mag-ieleksiyon, ano po ang ginagawa natin? In fact, Usec. Rocky, we started as early as March this year, we went around through webinars ‘no, regional webinars on how to cover the pandemic safely and in preparation for the upcoming 2022 elections. Katatapos lang po ng aming last region nitong November. Ang mga guests po natin diyan, sina Dr. Freddie Gomez at sila Jo Torres ng National Press Club, sila po ay nagbibigay—and of course, the late Melo Acuña ‘no. Binibigay po nila iyong kanilang karanasan on how to safely cover the elections ‘no dahil alam nga po natin na tuwing papalapit at patapos ha – in fact, iyong iba ay ginagantihan after election ‘no – ay tumataas nga iyong kaso.
So pinapaalalahanan po natin lahat ng kapatid natin sa hanapbuhay, unang-una, didiretsuhin ko na: Huwag po kayong magpapagamit kahit kanino dahil once na nagamit po kayo, katulad ng mga inimbestigahan namin, masakit man sabihin pero umamin iyong kanilang mga padrino, kanilang mga benefactor na sila talaga ay nagbabayad, na block time, sila ang nagpupondo ng kanilang mga diyaryo para lang banatan iyong kabila. Iyan po ang pinakamatindi kong warning when it comes to election issues ‘no para po maging safe tayo. Maging patas po tayo, truth, accuracy and objectivity po ang kailangan. Maging professional po tayong lahat sa ating pagganap ng ating tungkulin.
USEC. IGNACIO: Okay. Usec. Joel, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin, Undersecretary Joel Sy Egco, ang Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security. Ingat po kayo.
USEC. EGCO: Thank you.
USEC. IGNACIO: Isa po sa puntahan ng mga bakasyunista lalo na ang mga taga-Metro Manila ang Tagaytay City. At ngayong magpa-Pasko, alamin natin ang sitwasyon ng turismo doon, maging ang COVID-19 cases management ng lungsod. Makakasama natin sa programa sina Tagaytay City Health Officer Dr. Liza Capuspus at Tagaytay Tourism Officer Jarryd Bello. Good morning po sa inyo.
TAGAYTAY CITY TOURISM OFCR BELLO: Magandang umaga po.
DR. CAPUSPUS: Good morning, Ma’am. Good morning, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Liza, kumusta po ngayon ang sitwasyon ng COVID cases diyan sa Tagaytay?
DR. CAPUSPUS: Ang aming kaso po ngayon ay lima na lang ang active cases. Most often ay wala na pong kaso na nari-report every day.
USEC. IGNACIO: Pero, Doktora, iyong mga ospital po naman ay masasabi natin na maluwag na po from COVID patients?
DR. CAPUSPUS: Opo. Ang aming pong ospital sa Tagaytay ay dalawa – isa pong run by the city government, ang Ospital ng Tagaytay; at ang isa po ay private na owned hospital, Tagaytay Medical Center. And they have reported to us na wala na po silang admitted kaso ng COVID.
USEC. IGNACIO: So, Doctor, ini-expect ninyo na mag-zero case na rin po ang lungsod kagaya po ng ibang LGU sa bansa o malabo itong mangyari bilang isa po kayong major tourist destination? Dr. Liza…
DR. CAPUSPUS: Yes po, Opo.
USEC. IGNACIO: Ulitin ko na lang po iyong tanong ko Doc. Liza. So, inaasahan ninyong zero case kayo sa lungsod gaya po ng ibang LGU at tingin ninyo puwedeng mangyari ito kahit kayo ay isang major tourist destination?
DR. CAPUSPUS: Yes po, dahil po ang amin pong mga establishments, we assure na lahat po ng mga empleyado ay 100% na bakunado.
USEC. IGNACIO: Pero, Doc., naabot na po ba ng Tagaytay City ang target na population protection ng lungsod?
DR. CAPUSPUS: Sa palagay ko po ang Tagaytay ang pinakauna sa buong Pilipinas na naka-achieve ng herd immunity. Matagal na po kami naka-achieve ng herd immunity, noon pa pong October 1.
Noon pong narinig namin na ang target po sana ng national government for herd immunity ay November 28 ng taong ito, ang ginawa po namin, imbes na po ang target namin every day ay 600, ginawa po naming 1,500 to 2,000 upang maka-reach kami ng herd immunity by the end of September. Subalit mayroon pong mga kaso na hindi po agad nabakunahan dahil may sakit, nagka-COVID. So, ang amin pong achieve ang herd immunity na 58,000 ay noon pong October 1, 2021.
USEC. IGNACIO: Opo. Punta naman po ako kay Sir Jarryd. Sir, pagdating naman sa turismo, 100% na rin po ba ang tourism workers natin na fully vaccinated na? At maraming mga establisyimento na nagsara dati ay operational na po ngayon, Sir Jarryd?
Okay. Balikan na lang po natin si Dr. Liza. Dr. Liza, kunin ko na lamang po iyong mga paalala ninyo sa mga kababayan nating tutungo sa Tagaytay ngayong Christmas season dahil iyong iba talagang gustong pumunta diyan dahil malamig po ang panahon diyan, ang klima.
DR. CAPUSPUS: Opo. So, amin pong ipinagbibilin pa rin sa mga turista na bibisita sa Tagaytay, patuloy nating obserbahan ang minimum public health standard. So, patuloy tayong magsuot nang tamang pagsusuot ng face mask at magkaroon pa rin tayo ng physical distancing, palaging mag-alcohol ng kamay at siguraduhin po natin na tayo ay ligtas sa ating mga pupuntahan. Mas mabuti po sana na kung kakain ay sa al fresco at hindi po doon sa mga lugar na mga kulong upang mas maganda po ang flow ng hangin.
USEC. IGNACIO: Doc. Liza, sa obserbasyon ninyo ay nadagdagan po ang mga bumibisita ngayon sa Tagaytay ngayon po tayo ay nasa Alert Level 2 po?
DR. CAPUSPUS: Alert Level 2 ma’am. So, sa tingin po namin nadagdagan dahil dati po ay napupuno ang Tagaytay at nagta-traffic tuwing holidays lang po at saka po weekends, ngayon po halos araw-araw. Mukhang sa palagay namin nasabik talaga ang mga tao na lumabas so malimit po ay puno ang aming mga—iyong kapasidad na niri-require po ng IATF at ng local government, iyon po ang naa-achieve ng mga establisyimento ng Tagaytay.
USEC. IGNACIO: Opo. Balikan po natin si Sir Jarryd Bello. Sir, pagdating naman sa turismo 100% na rin po ba ang tourism workers natin na fully vaccinated na at marami na po bang mga establishment na nagsara dati ay muling nagbukas o operational na ngayon, Sir Jarryd?
TAGAYTAY CITY TOURISM OFCR BELLO: USec. Rocky, tama po iyon ‘no. Karamihan na po if not, 100% na po ang mga vaccination po ng ating mga tourist workers – kasama na po diyan iyong ating mga nasa hotel and accommodation, kasama na rin po diyan iyong ating mga nasa restaurant industry.
So, medyo panatag na po ang aming kalooban pero of course nandiyan pa rin po ang banta, kailangan pa rin pong patuloy na maging mapagmatyag at kumbaga maging mapagbantay pa rin po dahil nandito pa rin tayo. Pero, maganda na tuloy-tuloy na po ang pag-usbong ulit ng komersiyo, ng turismo dito po sa bayan po ng Tagaytay.
USEC. IGNACIO: Opo. Talagang dinarayo po talaga ng mga taga-Metro Manila itong Tagaytay ano po kahit anong season. Pero ngayong December kung saan lalong malamig ang klima diyan, so far ay talagang ramdam ninyo po ba iyong pagdagsa ng mga tao? Kayo po ba ay may datos kung ilan kada araw ang pumapasok ng Tagaytay?
TAGAYTAY CITY TOURISM OFCR BELLO: Sa personal po namin na pagmamatyag po, sa mga parke po natin, nag-increase po ng numero natin mula po noong nakaraang buwan nang nasa 44% – iyan po ay sa Picnic Grove; at sa People’s Park naman po mula noong nakaraang buwan, sa ngayon po sa araw na ito, nag-increase naman ng dami na 35%. So, nakikita po natin na talagang nakatulong din po siguro na malamig na ang panahon at alam naman po natin ang Tagaytay isa sa mga best place na puntahan para po dito sa—ma-enjoy natin itong ganitong klaseng klima.
Tapos po kitang-kita din nga po natin, maliban po doon sa parke natin, nasasabi rin po ng ating mga nasa hotel – actually po iyong bookings po nila for—iyong tinatawag po na Christmas booking at New Year booking, sila po ay nasa 98 to 99 percent na po – iyan po ang nag-a-average ngayon sa mga hotel. Ito po iyong mga nag-book noong nakaraang buwan pa, talagang pinaghandaan po nila para sila po ay makapunta po dito talaga sa Tagaytay.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Jarryd, para sa ilang mga nagpaplanong umakyat ng Tagaytay, may available hotels pa raw po kaya silang maaring ma-book by this time at ano po ang maipapayo ninyo sa mga nagbabalak na mag-staycation diyan?
TAGAYTAY CITY TOURISM OFCR BELLO: Sa ngayon po iyong sa petsa po ng December, ito po: Mayroon pa pong nasa, tinatayang 12% pa po – nasa 88% pa po ang booking ng ating mga hotel accommodation. So mayroon pa pong mga sampu hanggang 12% ang mga hotels dito. Tapos paalala lang po ‘no since nandiyan din po si [signal fade]…
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Jarryd, hindi po maganda iyong ating linya ng komunikasyon. Can you hear me Sir Jarryd?
TAGAYTAY CITY TOURISM OFCR BELLO: [Garbled] ma’am, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo ‘yan. Sige, pakiulit lang po iyong unang bahagi ng sinabi ninyo. Kayo po ay nag-choppy, Sir Jarryd.
TAGAYTAY CITY TOURISM OFCR BELLO: Doon po sa numero po ng dami. Sa mga accommodations po natin ngayon Disyembre [signal fade] remaining booking sa [garbled] sa mga accommodation dito sa Tagaytay. So, medyo [garbled] kung gusto talaga nilang makapunta, talagang kailangan na po nilang mag-book para po hindi sila maunahan.
Tapos po iyong paalala lang po namin na sa mga magbu-book ng hotel, kailangan po sana mayroon po silang ipi-present dahil ito po ay pagsunod sa IATF guidelines po natin na magpi-present po sila ng vaccination card – at kung hindi man po vaccination card, kung hindi pa sila bakunado, na sana magpabakuna na sila, ay magpapa-RT-PCR po sila na negative po. So, iyon po ang ating requirement sa pagpunta po sa ating mga hotel.
USEC. IGNACIO: Sir Jarryd, paano naman po tinitiyak na sa dami ng tao ay nasusunod pa rin po iyong protocols? May mga ordinance po ba sa lungsod na ipinatutupad para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng health protocols lalo na po sa tourism establishments?
TAGAYTAY CITY TOURISM OFCR BELLO: Opo. Maganda pong tanong iyan. Actually po bilang miyembro po kami nila Doc, sa aming task force, patuloy po at parati po kaming umiikot sa mga establishments, nagpapaalala. At kung kailangan po nila ng tulong, kami ay po ay nag-o-augment ng ating suporta sa kanila para ma-enforce ang minimum public health standard na tinatawag. Ito po ay pagsusuot ng face mask, physical distancing.
So, nakikipagtulungan po kami sa bawat establishments dito [garbled] sa mga hotels at maganda naman ang aming pagtutulungan sa isa’t isa. Ngunit of course minsan mayroong hindi maiiwasan, eh nandiyan po ang aming—sa tulong po ang aming kapulisan din na nag-o-augment po ng kanilang puwersa para po pagpapaalala na mayroon rin po tayong dapat ipag-alala kumbaga.
USEC. IGNACIO: Sir, Jarryd, may ilang nasampolan ba kayo na tourism establishment na nahuling hindi sumusunod sa protocols at ano po iyong karaniwang violations?
TAGAYTAY CITY TOURISM OFCR BELLO: Lately po wala na pong [garble] dahil na rin po ay nari-realize nila na kailangan naman po talaga iimplementa ito. Pero noong mga nakakaraang linggo po, may mga nahuhuli [signal fade] …
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Jarryd, medyo hindi po gumaganda iyong ating linya ng komunikasyon. Si Jarryd, okay na? Naririnig ninyo po ba kami?
Hingan na lang po natin ng mensahe si Dr. Capuspus. Doctor, ulitin lang po natin iyon inyong paalala sa mga nais pumunta diyan lalo’t alam natin dadagsain po rin ang Tagaytay.
DR. CAPUSPUS: Opo. So maraming salamat po, Usec. Rocky. Kasi nakita na natin na ang kaso ng COVID cases hindi lang sa Tagaytay subalit sa buong Pilipinas ay bumababa. Eksperiyensya din ito sa NCR at sa lahat ng lugar. Subalit dahil tayo ay mayroon pa ring threat ng COVID virus, so dapat patuloy natin na alagaan ang ating mga sarili at proteksiyunan sa pamamagitan nang pagsunod sa minimum public health standards. Patuloy tayong magsuot nang tama ng face mask, patuloy tayong dumistansiya sa mga tao at tayo ay patuloy na maghugas na malimit ng kamay at gumamit ng alcohol to sanitize our hands.
So ang hinihiling din namin ay magpabakuna ang lahat. Nakita natin ang epekto ng bakuna sa pagbaba ng kaso. Sa Tagaytay pinag-aralan namin ito at nakita namin na after we have achieved herd immunity by the first day of October, nakita namin na umpisang bumaba ang kaso at bumaba ito patuloy hanggang sa base level ng ating graph ng isang buwan, pagkalipas ng isang buwan.
Sa kasalukuyan po ngayon, dahil na-achieve na ng Tagaytay ang herd immunity, ang ginagawa po namin sa bakuna, tumutulong po kami sa ibang mga lugar na nakapaligid sa Tagaytay upang magbakuna ng kanilang residents. So sila po ay pumupunta dito sa Tagaytay at dito po sila nagpapabakuna sa araw ng aming mga bakunahan.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Dr. Liza Capuspus at kay Sir Jarryd Bello. Maraming salamat po sa inyo.
DR. CAPUSPUS: Salamat din po.
USEC. IGNACIO: Agad na sumaklolo si Senator Bong Go at mga ahensiya ng pamahalaan sa halos dalawandaang nasunugan sa San Andres, Maynila nitong nakaraang araw. Panoorin po natin ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. Base sa report ng DOH as of December 10, 2021:
Nadagdagan ng 379 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID kaya umabot na sa 2,836,200 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
Nakapagtala rin ng 631 new recoveries ang Kagawaran para maging 2,774,354 ang kabuuang bilang nito.
Dalawampu’t lima lamang ang naitalang nasawi kaya umakyat na sa 49,961 ang ating total death tally.
Samantala 11,905 naman po ang nananatiling active cases.
Sa balitang IATF naman, matapos isama ang France sa red list countries, inanunsiyo ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na mapapabilang na rin sa listahan ang Portugal simula alas dose ng hatinggabi ng December 12. Pinayagan din ng Task Force ang pagdaraos ng Comelec na nationwide mock election exercises sa darating na December 29, 2021.
Bakuna, Omicron at iba pang isyu sa laban natin kontra COVID – iyan po ang ating pag-uusapan. Sa puntong ito, muli nating makakasama si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Good morning, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Good morning po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may update na po ba sa mga samples na isinailalim sa genome sequencing ng mga individual na umuwi kamakailan mula po sa South Africa? At kung napasama na rin po ba daw diyan iyong sa limang nahanap na pasahero mula sa nasabing bansa?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. As of December 9, mayroon po tayong lumabas na resulta ng whole genome sequencing and unang-una gusto nating ipaalam sa ating mga kababayan there was no sample positive for the Omicron variant. Naisama po natin dito iyong isang arrival from South Africa kung saan lumabas po iyong sequencing result na ito po ay isang variant na B.1.1.203 – hindi po siya Omicron, hindi rin po siya iyong mga variants na binabantayan natin dito sa ating bansa. Ito po ay hindi variant of concern or variant of interest.
Iyon pong mga lima po na na-locate na po natin na mga kababayan natin, iyong kanila naman pong mga tests noong una ay negatibo kaya hindi pa ho natin sila maisasama although we have done retesting again.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ano po iyong update naman doon sa pagtunton doon po sa natitirang dalawang pasahero mula sa South Africa? May feedback na po ba ang mga LGU nila?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. Patuloy po tayong nakikipag-ugnayan ano doon sa mga concerned local government units natin. These two unlocated passengers are sea-based OFWs, may individual addresses sila po ng Region IV-B at saka Region X. Pareho silang may negatibong resulta naman noong sila ay dumating dito – dumating po sila pareho ng November 22. So hanggang sa ngayon po, our local governments are still locating these two passengers.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., lumalapit na sa ating bansa iyong presensiya ng Omicron. Ang Thailand at Singapore po ay nakapagtala ng kanilang local cases. Idagdag pa natin iyong naunang pagkakaroon ng nasabing variant sa Hong Kong ano po. Itong proximity ng mga teritoryong ito sa bansa ay masasabi ba nating tumataas lalo ang tiyansa o banta na magkaroon din tayo ng kaso ng Omicron, Usec.?
DOH USEC. VERGEIRE: Well unang-una, Usec. Rocky, alam naman po natin na from the start sinabi na natin hindi naman po natin masasabi, hindi natin sasabihin definitely na hindi makakapasok. Ang pinag-uusapan natin diyan ay kung kailan ‘no, as to when it can enter the country. Kaya ngayon po talagang pinag-iigting natin ang response natin sa borders natin na minu-monitor po natin ang mga bansa na kapag nag-qualify sila doon sa metrics natin for a red list country, agad-agad po nating pinapatupad ang ating red listing country kung saan hindi natin pinapapasok ang travelers from there except for those included in the repatriation.
So the chances are there, malakas po ang tiyansa na maaring makapasok dito sa atin at tayo naman po ay nagpi-prepare. So gusto lang ho natin ipaalala sa ating mga kababayan, kung kahit ano pang variant ang pumasok, iyon pong ginagawa po nating mga compliance sa safety protocols – pagma-mask, pag-iiwas sa matataong lugar, palagiang paghuhugas ng kamay at pagbabakuna ay effective pa rin po laban sa mga variants na iyan.
USEC. IGNACIO: Pero, Usec., kumusta iyong assessment ng DOH dito po sa posibleng sanhi ng ‘di umano’y pagpanaw ng tatlong minors na iniugnay sa pagtanggap nila ng bakuna para sa COVID-19? May ilang taon po ba ang mga bata at ano po iyong underlying health conditions nila?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So gusto ho nating ipaliwanag ito sa ating mga kababayan. Unang-una, hindi po Department of Health ang mag-a-assess or mag-i-evaluate as to the cause of death of these kids ‘no, ito pong mga namatay na mga kabataan. Ito po ay isinasailalim natin doon po sa causality assessment ng ating mga experts from our Regional Adverse Events Following Immunization Committee.
Sa ngayon nakasalang pa po at pinuproseso ang evaluation na iyan. Pero may initial po tayo na na-receive na reports coming from our Regional Epidemiology and Surveillance Unit, ito pong mga batang ito, iyong isa po ang kinamatay base sa kanilang death certificate at sa initial ‘no evaluation is from pneumonia, cause ng pneumonia po. This is a child na [garbled] pneumonia.
Pangalawa, iyong isa naman po, namatay dahil sa Dengue; pangatlo naman po, iyong bata ay mayroon pulmonary tuberculosis, at ito po ang naging sanhi ng pagkamatay.
But of course, these are initial diagnosis at ito po ay pinag-aaralang maigi ngayon ng ating mga eksperto para makapagbigay po ng kaliwanagan kung ito po ay dahil sa bakuna o hindi. Pero sa initial na sinasabi, nakikita natin, may ibang sakit iyong mga bata kaya po sila ay namatay.
USEC. IGNACIO: Usec., may tanong po iyong ating mga kasamahan, ano po. Galing po kay Analou de Vera ng Manila Bulletin, ang tanong na ito ay: Since the COVID-19 vaccination program started last March, mayroon po bang naitala ang FDA na namatay na vaccinee mainly because of COVID-19 vaccine?
DOH USEC. VERGEIRE: Hanggang sa ngayon, Usec. Rocky, wala pa hong naitatala na base sa evaluation ay nagkaroon ng direct link o talagang nakita doon sa causality assessment na iyong mga pagkamatay ay dahil sa bakuna. Wala pa ho tayong naitatalang ganiyan based on the experts’ evaluation po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Analou de Vera: May paalala po ba tayo sa mga kababayan natin na hesitant pa rin magpabakuna hanggang sa ngayon?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, iyon po ang lagi nating pinapaalala sa ating mga kababayan ‘no, unang-una na ipakita na po ang real world effectiveness studies ‘no. Ibig sabihin, iyon talagang mga taong nabakunahan ay napag-aralan na rin ng mga eksperto na lumalabas po na, unang-una, ligtas po ang mga bakunang ito. Mayroon lang hong mga napakaliit, less than one percent, na mga nagkakaroon ng adverse reaction.
Pangalawa, wala pa hong napapatunayan base sa experts’ evaluation dito sa ating bansa na ito pong severe reactions o ‘di kaya ay mga pagkakamatay ay dahil sa bakuna; may mga ibang sakit po iyong mga tao kaya po sila nagkakaroon ng ganitong mga bad outcomes.
Pangatlo, lahat po ng bakuna na mayroon tayo ngayon dito sa ating bansa, napatunayan na na it’s safe and epektibo especially against severe infections and death. Makikita ho natin sa mga areas na matataas po ang vaccine coverage natin, madali po nating napababa ang mga sakit ng COVID-19 at nabawasan po ang mga naka-admit sa ospital.
So hinihikayat po natin lahat, lalung-lalo na may mga threat na mga bagong variants ngayon sa buong mundo, ito pong pagbabakuna kasabay ng ating pagpapatupad ng safety protocols ang makakapagprotekta po sa ating lahat.
USEC. IGNACIO: Usec., ito naman pong pagpapaikli ng interval for booster administration, ano po ang maidudulot nito kung sakaling mapatunayang effective?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, unang-una po, ang sinasabi po ng mga initial articles [garbled] lumalabas itong mga kuwestiyon na ito, sinasabi na kapag pinaikli ang pagbibigay nitong doses ng booster, sinasabi na baka mas tumaas ang proteksiyon ng isang tao. Nguni’t kailangan balikan po natin, ang Emergency Use Authority po natin, nakasaad diyan dapat six months after the primary series or your second dose, o ‘di kaya kung naka-receive ka ng Janssen o J&J, three months after that.
Ito pong EUA natin ay pinag-aaralang maigi iyan ng Food and Drug Administration, together with our vaccine experts. So ibig sabihin, iyan po iyong may ebidensiya tayo ngayon; iyan po iyong nagsasabi na ito ang magiging epektibo para sa mga kababayan natin or for the population for now.
So sundin muna po natin iyan because there are also studies pointing na kapag binigay mo ng less than six months pa ay iyong accentuation ng reaksiyon ng mga bakunang ito ay maaaring maranasan ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: May ilang mga Pilipino pa rin po ang hindi na-inform tungkol sa kung gaano dapat katagal ang interval sa second dose at booster shots. May iba rin po na pinipilit na dapat ma-booster sila ng ilang araw kulang sa 100-day recommendation. Ano po ang gagawing hakbang ng DOH para raw po mas mapaintindi sa mga Pilipino ang kahalagahan ng interval sa booster shots?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, napapansin po natin iyan na marami po sa ating mga kababayan dahil siguro sabik po sila ‘no na magkaroon na po sila ng booster, iyong iba ay nag-panic dahil po doon sa mga haka-haka at iba pang mga false information na kumakalat. Lagi po nating tatandaan, ang booster shots po ay kasama na sa ating programa for vaccine deployment. Pero mayroon hong sinaad doon sa ating Emergency Use Authority na kailangan ay anim na buwan ang pagitan ng inyong primary series or iyong second dose ninyo at saka iyong booster shots ninyo.
Sinabi rin po diyan sa Emergency Use Authority at saka sa guidelines ng DOH natin, bagama’t pinapayagan na ho natin ang booster shots for our population, kailangan i-prioritize pa rin po natin iyong mga hindi pa nababakunahan dahil ito po ang makakapagbigay nang mas maraming proteksiyon sa ating population.
So we just want to advise all of our public or citizens na ito pong pagbu-booster po natin, sundin natin ang EUA para wala po tayong maranasan na iba pang reaksiyon dito po sa mga bakunang mayroon po tayo sa ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: Sinabi po ng WHO SAGE Group na maaari nang gamitin as double dose ang Janssen vaccine pero mas nirirekomenda pa rin po ng EUL ng WHO ang isang dose; ano po ang susundin ng DOH dito, ang one dose or two dose daw po?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, kailangan maglabas ang WHO ng kanilang revised na recommendations kung ganiyan kasi ang lagi nating sinusundan, Usec. Rocky, would be the Emergency Use List. Iyong Emergency Use Authority [garbled] dito sa ating bansa dahil sinusundan po natin iyan, that’s a regulatory process kung saan napatunayan base sa pag-aaral na iyong one dose is enough already and it’s going to provide protection to the specific individual.
Now, if the WHO SAGE has these revised recommendations, they should be able to include that in their Emergency Use List. So hanggang sa hindi po nila binabago iyan ay hindi pa rin ho natin mababago iyong Emergency Use Authority natin, unless there are added evidence that will show na kailangan two doses na po ang Johnson & Johnson.
So sa ngayon po ay pinapayagan natin one dose lang po, fully protected na kayo. And then for the booster dose ng Janssen, after three months, so this is your second dose kung saka-sakali it’s going to be classified as a booster dose.
USEC. IGNACIO: Pero, Usec., masasabi po nating nakakasabay o gumaganda ang turnout ng mga nababakunahan sa mga probinsiya; at alin pong mga rehiyon din ang binabantayan natin dahil sa mababang turnout?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky, actually noong last vaccination days natin ano, iyong November 29 to December 1 nakita natin na talagang naipataas talaga ng lahat ng ating regions ang kanilang vaccination coverage and we hope to have this kind of coverage again pagdating ng December 15 to 17.
Pero, mayroon pa rin ho tayong binabantayan na mga rehiyon kung saan medyo mababa pa rin ho ang ating coverage and this includes Region IV-A, Region III, Region VII. Ito pong tatlong regions kaya lang din po talagang mababa pa rin ang coverage dahil napakalaking mga rehiyon po nito at malaki ang population. Mayroon din ho tayo sa BARMM at saka Region VI na medyo mababa pa rin ang coverage.
So, this coming December 15 top 17 ito po iyong mga areas na talagang we are focusing on at pupuntahan talaga ng ating mga volunteers, mga partners ng private sector and non-government organization para matulungan po natin sila na maitaas iyong antas ng pagbabakuna among those unvaccinated in the regions.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Mark Fetalco, ng PTV: Sa datos po ng DOH, ilan po ang nag-expire at mag-e-expire na bakuna at ano po ang planong gawin sa mga bakunang ito? Posible po bang ma-extend ang shelf life ng mga bakuna para magamit pa?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, ‘no. Alam naman po at hindi naman po nagkaroon ng pagtatago ng impormasyon kung saan mayroon po talaga tayo iyong expiring na vaccines at nag-expire na vaccines dahil ito pong mga donasyon na ibinigay sa atin ay maiikli po iyong shelf life nang natanggap natin.
Sa ngayon po ito pong mga bakuna na na-expire at to expire ay naka-quarantine po iyan because we are coordinating with the vaccine manufacturers as to their additional evaluation kung puwedeng ma-extend ang shelf life ng mga ito katulad noong ginawa natin at the outset ‘no, iyong sa Pfizer nagkaroon tayo ng ganiyang evaluation last June at sila po ay nakapa-revise ng kanilang emergency authority para ma-extend ang shelf life.
So, ito pong mga to expire vaccines at nag-expire na bakuna, ganiyan din po ang ginagawa natin ngayon, patuloy tayong nakikipag-ugnayan doon sa manufacturers so that they can tell us base sa kanilang reevaluation if we can extend the shelf life of these vaccines.
USEC. IGNACIO: Ilang araw bago itong second round ng vaccination drive? Kumusta po iyong paghahanda ng DOH? Nasa ilang volunteers po ang target natin para naman po dito sa second round?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, dito po sa second round we will have the same target after the number of volunteers. Ang atin pong target ngayon na mabakunahan ay 7 milyon pero siyempre tinitingnan pa rin ho natin iyong ating mga operational issues para po ma-determine natin kung definite na talagang 7 milyon ang gusto nating i-target.
But regardless of the target number na gusto nating bakunahan, kami po ay humihingi uli ng tulong sa ating mga kababayan na baka po puwede tayo uli mag-volunteer at samahan ninyo kami dito sa tatlong araw na ito lalung-lalo na po ngayon na kailangan nating mag-focus doon sa mga rehiyon na mabababa ang vaccines coverage.
So, we are asking again for volunteers coming from all sectors, samahan ninyo po kami para po natin maipataas pa ang antas ng pagbabakuna dito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Usec., pinirmahan na po ni Pangulong Duterte, itong mas mababang price cap para sa ilang gamot. Kailan po ito epektibo at ano po ang sanction na maaaring ipataw sa mga hindi susunod dito sa price cap?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky, Executive Order No.155 was already signed by our President. Dinagdagan po nito iyong mga drug molecules iyong mga listahan ng gamot natin na mayroon nang mandatory price cap. This will provide benefit to the population especially na kailangan mas maging affordable ang ating mga gamot lalung-lalo na in this time of the pandemic.
So, ito po ay binigyan ng 90 days para po magkaroon ng effectivity, so ang kaniyang full effect will be on March 22, 2022. Ito po ay nagbigay tayo ng 90 days para sa ating mga drug establishments to consolidate their existing inventory.
So, this will take effect on March 22, 2022 at iyon pong mga mamu-monitor ng Department of Health at Food and Drug Administration na lalabag dito sa ating price regulation ay magkakaroon po ng fines and administrative sanctions under the Cheaper Medicines Act na mag-i-include po ng penalties ranging from 50,000 to 5,000,000 for every violations na kanilang ma-i-incur.
USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Usec. Maria Rosario Vergeire. Mabuhay po kayo!
DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.
USEC. IGNACIO: Para sa pinakahuling pangyayari sa mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo, Aaron Bayato.
At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayon araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Mga kababayan, 2 linggo o 14 days na lamang po at Pasko na!
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po ulit tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center