Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas, at sa lahat ng ating mga kababayan sa buong mundo. Ngayong araw ng Martes, atin pong kumustahin ang paghahandang ginagawa ng pamahalaan para po sa ikalawang round ng Bayanihan Bakunahan na nakatakdang simulan bukas. Iyan at iba pang maiinit na usapin ang ating tatalakayin ngayong umaga, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Expanded Solo Parents Bill pasado na; Senator Bong Go tinukoy ang kaniyang mga aksyon para mapalaganap ang kapakanan ng mga solo parents, mga bata at iba pang pinakaapektado na sektor. Narito ang report:

[VTR

USEC. IGNACIO: Simula naman bukas, December 15 hanggang December 17, ay nakatakda ulit gawin ang Bayanihan Bakunahan ng pamahalaan na layuning pabilisin ang pagbabakuna sa bansa laban sa COVID-19, kaugnay niyan ay alamin natin ang mga paghahandang ginagawa para dito kasama si Presidential Adviser for COVID-19 Response Secretary Vince Dizon. Good morning po, Secretary.

SEC. DIZON: Good morning, Usec. Rocky. Good morning sa lahat ng ating tagapanood.

USEC. IGNACIO: Secretary, tama po ba na selected areas na lang po iyong isinali dito sa Bayanihan Bakunahan Round 2 na magsisimula bukas? Bakit po?

SEC. DIZON: Hindi po. Unang-una po, alam naman natin na may padating tayong medyo malakas-lakas na bagyo, iyong Bagyong Odette, na tatama base sa forecast ng PAGASA, tatama ito sa mga parte ng Mindanao at Visayas pati na rin ang southern parts of Luzon kasama na ang ating mga isla sa MIMAROPA area. Kaya po minarapat ng ating NTF, na inaprubahan na rin ng ating mahal na Pangulo, na i-postpone ang Bayanihan Bakunahan sa Region V, sa Bicol Region; sa MIMAROPA Region, Region IV-B; at sa buong Visayas at buong Mindanao para makapag-focus po ang ating mga national government agencies, ang ating mga LGU, provincial governments sa paghahanda para sa bagyo. At ito po ay minove sa mga area na ito sa December 20, Monday, hanggang December 22, Wednesday.

Pero po iyon pong CALABARZON [garbled] papuntang Region [garbled] Bayanihan Bakunahan bukas hanggang Biyernes.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ulitin lang natin, medyo nag-choppy kayo. Ang CALABARZON, NCR ay tuloy pa rin po ang bakunahan sa 15 hanggang 17?

SEC. DIZON: Opo. Ang Region I, Cordillera Autonomous Region, Region II, Region III, NCR at Region IV-A ay matutuloy po ang Bayanihan Bakunahan bukas hanggang Biyernes.

Ang Region IV-B, Region V at buong Visayas at buong Mindanao ay matutuloy po sa darating na Lunes, December 20, hanggang Miyerkules, December 22.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ilan po iyong target na mababakunahan natin dito po sa second round ng National Vaccination Days?

SEC. DIZON: Ang priority po natin ay sa loob ng buwan ng Disyembre, unang-una, ay maabot po natin iyong target na 54 million na fully vaccinated Filipinos. Dito po sa mga ating bakunahan days, ang target po natin ay seven million – marami po dito ay mga second doses para po ma-fully vaccinate natin ang ating mga …marami sa ating mga kababayan ngayong buwan ng Disyembre.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may mga pag-iigting pong gagawin para maabot iyong target jab rate na iyan lalo sa mga lugar na may mababang turnout noong unang Bayanihan Bakunahan. Kayo po ba ay—ano po ang gagawin ninyo? Kayo po ba ay pupunta dito sa mga lugar na kung saan ay sinasabing medyo mababa po iyong nagpapabakuna?

SEC. DIZON: Opo. Ang priority po natin ngayon ay iyong mga probinsiya at mga LGU na below 50% pa ang fully vaccinated. Kaya po bukas kami po ay pupunta sa Nueva Ecija, sa Zambales sa Region III; at pupunta rin po kami sa mga ibang lugar sa Region IV-A tulad ng Quezon para po talagang matulungan natin sila, mabigyan natin ng suporta ang mga area na ito na wala pang 50%. Kasi iyon po ang target natin talaga, ang lahat ng areas sa buong Pilipinas ay maabot natin ang 50% fully vaccinated by the end of 2021.

USEC. IGNACIO: Opo. Linawin lang po natin, hindi pa rin po considered absent ito pong  mga empleyadong liliban sa trabaho para magpabakuna sa ilalim ng Bayanihan Bakunahan 2, tama po ba ito, Secretary?

SEC. DIZON: Tama po iyon. Basta po ang rason ay nagpabakuna ay hindi po sila ima-mark na absent at hindi po sila dapat na ma-mark na absent at mabawasan ang kanilang mga benepisyo dahil nagpabakuna sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong lang po si JP Soriano ng GMA News, although sinagot ninyo na po ito, baka may idadagdag lang po kayo. Ang tanong niya: Minove na po ba ang Bayanihan Bakunahan to December 20 – 22? Ano po ang contingency plan?

SEC. DIZON: Opo. Uulitin ko po, para sa mga areas na tatamaan ng Bagyong Odette para po makapaghanda ang ating mga ahensiya at ang ating mga kababayan at makapag-focus sa pagresponde sa bagyo ang Region V, Region IV-B – ang MIMAROPA – at buong Visayas at Mindanao ay imu-move po natin ang Bayanihan Bakunahan sa darating na Lunes, December 20 hanggang Miyerkules, December 22. Pero tuloy po tayo Region I, CAR, Region II, Region III, NCR at Region IV-A bukas hanggang Biyernes.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon po, ilang doses na bakuna iyong available, Secretary, para dito sa Bayanihan Bakunahan 2? Naipamahagi po ba ang mga ito sa LGU na talaga pong nangangailangan?

SEC. DIZON: Napakarami pong mga doses na available, sobra-sobra po sa ating target na maabot ang 54 million fully vaccinated by the end of the year, sobra-sobra po. In fact, this week po ay in-announce ni Secretary Galvez sa Talk to the People ng ating mahal na Pangulo na ngayong linggo lang na ito ay 24 million doses ang matatanggap ng Pilipinas na iba’t ibang klaseng bakuna. Kaya po more than enough po ang ating mga bakuna. Ito po ay na-deploy na sa lahat ng ating mga lugar.

Hinihikayat na lang po natin ang ating mga kababayan kagaya ng sinabi ng ating mahal na Pangulo kagabi, matakot po kayo sa COVID-19 lalo na sa mga bagong variant dahil po ang hindi bakunado ang tatamaan nitong mga bagong variant na ito. At kung ayaw po nating maospital lalo na ngayong Pasko at Bagong Taon ay sana po, lalung-lalo na sa mga kababayan natin na wala ni isang bakuna, ay magpabakuna na po sa mga darating na araw bago po mag-Pasko para talagang Merry Christmas tayong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong lang si Maricel Halili ng TV5, although nasagot ninyo na, kung inaprubahan daw po ni President Duterte iyong proposal ni Secretary Galvez to reschedule the three-day vaccination drive to those areas that may be affected by Tropical Storm Odette?

SEC. DIZON: Opo, inaprubahan na po ito ni Presidente dahil nga po kailangan mag-ingat tayong lahat at maghanda dito sa bagyong parating kaya po kailangan naka-focus ang effort ng mga area na tatamaan dito sa bagyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kumusta naman po iyong ancillary supplies kagaya po ng syringe?  Masisiguro po ba na hindi ito mauubusan?

SEC. DIZON: Opo. Para po sa 2021, supisiyente po ang ating mga syringes at ang ating mga supplies sa bakuna. In fact, lahat po ito ay na-distribute na sa iba’t ibang mga lugar. Ready na po ang ating mga LGUs, ang ating mga probinsiya para sa final push natin ng bakunahan ngayong 2021 para maabot po natin iyong target na 54 million fully vaccinated by the end of the year. At tuluy-tuloy naman po ang procurement ng DOH para po sa susunod na taon ay mayroon din tayong mga ancillary services at supplies para sa ating tuluy-tuloy na pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kunin na rin daw po namin iyon reaksyon ninyo dito sa naging “drop the ball” statement ni DFA Secretary Locsin tungkol naman sa umano’y 50 million syringe deal sana sa Estados Unidos?

SEC. DIZON: Tingin ko naman po very clear naman po na wala naman pong nag-drop ng ball. Siguro nagkaroon lang po ng miscommunication pero I think na-clarify na po ito ng DOH na in touch po sila sa lahat ng mga gustong sumali sa procurement ng syringes para po masiguro natin na tuluy-tuloy po ang supply ng syringes natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Basahin ko lang po itong tanong naman ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Magtutuluy-tuloy pa din po ba ang vaccination initiatives during the election campaign period? If yes, may measures po kaya na ipatutupad ang NTF para po hindi ito ma-politicize?

SEC. DIZON: Hindi po tayo puwedeng huminto sa ating pagbabakuna ‘no. Tuluy-tuloy po iyan kahit nasa kampanya, kahit sa eleksiyon tuluy-tuloy po tayo at sisiguraduhin po natin na hindi magagamit ang pagbabakuna sa pamumulitika. Neutral po ito at diretso po tayo sa taumbayan at hinihikayat po natin ang lahat na talagang magpabakuna na kasi ito lang talaga ang proteksiyon natin laban sa COVID-19 lalung-lalo na, matakot po tayo dito sa Omicron variant na kumakalat na sa buong mundo.

Awa ng Diyos eh hindi pa natin nadi-detect sa Pilipinas pero sigurado ding darating iyan dito, wala tayong magagawa diyan kahit ano pang pagpipigil natin kagaya ng nakita natin sa Delta variant. Papasok at papasok iyan pero ang panlaban lang talaga natin ay bakuna. Kung hindi kayo bakunado at dumating ang Omicron dito, kayo po ang tatamaan at kayo po ang magkakasakit nang malubha. Kaya matakot po tayo dito sa Omicron. Dapat po talaga eh magpabakuna na tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: Ano po ang magiging impact ng extended shelf life for Pfizer and Sinovac vaccine? Mas ipa-prioritize po kaya ang paggamit ng other brands ng COVID-19 vaccine with shorter shelf life?

SEC. DIZON: Iyon naman po talaga ang rule ng ating National Vaccine Operations Center. Ang unang mag-e-expire iyon ang unang dapat na ibakuna. Iyon din po ang ibinaba natin na rules sa ating mga LGUs, sa ating mga probinsiya, na dapat uunahin iyong mga mauunang mag-expire.

USEC. IGNACIO: Opo. Huling tanong po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Magiging one-time lang po kaya ang pag-administer ng booster shot sa mga fully vaccinated individuals or may plano na po ang government to administer even more booster shots?

SEC. DIZON: Ang una pong priority natin ngayon ay ma-boost natin ang lahat ng six months at mas mahaba nang nakatanggap ng kanilang second dose ‘no. Hihintayin po natin ang advice ng ating mga eksperto pero po ano iyan tuloy-tuloy po ang pagbabakuna natin hanggang ma-boost natin lahat ng mga lumampas na ng anim na buwan at tuluy-tuloy din po iyan sa susunod na taon.

Ngayon po, kung kailan iyong susunod na mga shot, hintayin na lang po natin ang advise ng ating mga eksperto tungkol dito ay iga-guide tayo ng ating mga doktor para talagang masigurado na tuluy-tuloy ang proteksiyon natin hindi lang sa COVID-19 kung hindi pati sa lahat ng mga variant nito sa mga susunod na buwan, susunod na taon.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kuhanin ko na lamang ang inyong paalala lalo na doon sa mga hind pa bakunado. Go ahead po, Secretary Vince.

SEC. DIZON: Sa atin pong mga kababayan, kagaya po ng sinabi ng ating mahal na Pangulo kagabi, sana po ang best Christmas gift natin sa ating mga sarili at sa ating mga mahal sa buhay ay magpabakuna dahil ito ang magsisigurado na mapuprotektahan tayo lalo na dito sa mga bagong variant at kasama na rin po ang paalala namin na itong Omicron variant na ito delikado po ito, hindi po biro ito.

Nakita naman po natin ang nangyari sa Delta variant, ang dami po sa ating mga kababayan na nagkasakit at malubhang nagkasakit dahil po hindi sila bakunado. Sana po natuto na tayo dito sa dinaanan nating Delta variant at lalo na ngayong Pasko, bago po mag-Pasko magpabakuna na po kayo.

May tiyansa po tayo ngayong mga susunod na araw hanggang sa susunod na linggo, take advantage na po tayo dito sa ating Bayanihan, Bakunahan. Pumunta po tayo sa ating pinakamalapit na Bakunahan Center at magpabakuna na po tayo. At para sa mga kababayan natin na naka-anim na buwan nang mahigit na nakuha ang kanilang second dose, magpa-booster shot na po tayo.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Secretary Vince Dizon. Mabuhay po kayo.

SEC. DIZON: Usec. Rocky, puwede ba akong mag-plug lang?

USEC. IGNACIO: Sige po. Go ahead, Secretary.

SEC. DIZON: Oo. Iyong ating Bayanihan Bakunahan raffle, last day na po bukas ng ating entry. Sana po ay sumali po ang ating mga kababayang nabakunahan. May tiyansa po kayong manalo ng mga iba’t-ibang premyo up to P100,-000. May tiyansa po kayong manalo at kailangan ninyo lang pong i-text sa 8933 ang inyong name, age, address. I-text lang po sa 8933 para po magkaroon kayo ng chance na manalo sa ating Bayanihan Bakunahan Raffle.

Sampu po ang mananalo ng P100,000; mayroon pong isang mananalo ng P500,000; at iyong ating grand prize po ay P1,000,000. Last day na po bukas at sana po mag-enter po kayo. Pero kung hindi pa kayo bakunado hindi kayo makaka-enter kaya pabakuna na kayo ngayon.

USEC. IGNACIO: Okay.

SEC. DIZON: Maraming salamat, Usec. Rocky. Merry Christmas po at pabakuna na po tayong lahat. Thank you.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Secretary Vince Dizon and Merry Christmas po.

Samantala, base po sa huling tala ng COVID-19 sa Pilipinas, nadagdagan ng 360 new cases ang mga nahawaan ng virus sa bansa kaya umabot ang kabuuang bilang niyan sa 2,836,803 total cases. 590 naman ang mga dagdag na gumaling o sumatotal na 2,775,379 total recoveries habang 50,341 naman ang lahat ng nasawi dahil sa sakit matapos itong madagdagan ng 61 new deaths. Sa ngayon po ay nananatili sa 0.4% ng total cases ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa o katumbas ng 11,083 na mga individual na nagpapagaling pa rin mula sa sakit.

Ngayong araw inaasahang papasok na sa Philippine Area of Responsibility si Bagyong Odette na may international name na Tropical Storm Rai. Iyan na po ang ika-15 bagyo sa Pilipinas ngayong taon.

Alamin natin ang paghahanda ng pamahalaan tungkol diyan. Makakausap po natin ang tagapagsalita ng NDRRMC na si Ginoong Mark Timbal. Magandang umaga po, Sir Mark!

NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Usec. Rocky, good morning po at sa lahat po ng mga kasama po natin diyan sa station at mga kababayan natin na abot ng ating broadcast. Good morning po sa lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Kahapon lang po ay naranasan na iyong mga pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar sa Cebu at sa Eastern Visayas. So, kumusta po ba ang naging lagay doon base po sa assessment ng NDRRMC?

NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Opo, tama po kayo diyan, Ma’am Rocky. Noong Sunday nga po kahit wala pa po sa Philippine Area of Responsibility itong si Bagyong Odette ay nagsimula na po ng pagpupulong para sa kahandaan dito sa NDRRMC.

Tinukoy na po ang lampas na 10,000 na mga barangay na located doon sa mga areas na posibleng tamaan po nitong bagyo diyan sa Kabisayaan at Mindanao and some areas also of Southern Luzon.

Nagpalabas din po tayo ng warning and reminders doon sa local governments in the Northern Luzon area kasi baka makaranas po sila ng pag-uulan din dulot naman po ng shear line na maaapektuhan po ni Bagyong Odette.

Iyong preparations po natin ay tuluy-tuloy kasama na din po iyong pagpupulong natin ngayong umaga dito sa NDRRMC kung saan kinoordinate na po natin iyong kahandaan ng LGUs for the prepositioning of the relief items, teams ng search and rescue and road clearing teams natin, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, basahin ko lang ‘tong tanong ni JP Soriano ng GMA News: Kumusta daw po ang sitwasyon sa paghahanda sa mga probinsya para sa Bagyong Odette? Kung magkakaroon daw po ng preemptive evacuations?

NDRRMC SPOX TIMBAL: Opo. Na-identify nga po natin iyong mga areas na at risk kaya po pinaalalahanan po iyong mga LGUs na bago pa po dapat dumating itong sama ng panahon at nakikita po iyong inclement risk doon sa area, maaari pong magsagawa na ng preemptive evacuation itong ating mga local government units.

Part of the preparations din, Usec. Rocky, is magkakaroon ng travel suspension sa inter-island sea travels diyan sa Bicol Region, sa Eastern Visayas and in CARAGA para po maiwasan po natin na may maabutan ng sigwa sa karagatan at magkaroon din ng mga stranded na mga biyaheros diyan sa mga ports po natin.

Iyong suspension of travels po diyan sa Region V, Region VIII and CARAGA ay tatagal po until such time na ma-lift na iyong mga storm warning signals doon sa area.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni JP Soriano ng GMA News: Ano po ang recommendation ng NDRRMC sa mga simbahan po since start na rin po ng simbang gabi pagdating po ng Bagyong Odette?

NDRRMC SPOX TIMBAL: Opo. Ang ano po natin diyan sa kanila is kapag katindihan po talaga ng pag-uulan, pinapayo po natin sa mga kababayan na sundin ang mga inaabiso ng ating local governments; ‘pag evacuation po, sundin po natin ito; ‘pag sinabing stay indoors, huwag po tayong lalabas. Kasi ang delikado po dito, ang nadidisgrasya ay iyong mga taong nasa labas na nababagsakan ng mga falling debris, mga nililipad na yero, mga sanga ng puno; ang ating payo po lagi ay ibayong pag-iingat.

The church activities po can continue but iyong ating mga kababayan na magsisi-attend, siguraduhin po nila ang kanilang kaligtasan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Mark, gaano po daw kalawak at katindi ang nakikitang pinsalang maaaring hatid nitong Bagyong Odette sa ating bansa?

NDRRMC SPOX TIMBAL: Ang projection po ni PAGASA kasi ay habang—pagpasok po nito sa Philippine Area of Responsibility, severe tropical storm na po at habang lumalapit ito sa kalupaan ng Pilipinas, puwede pong maging typhoon grade itong bagyo up to 150 kilometers per hour. So medyo malakas po ang dalang hangin nito at matinding pag-uulan din ang idudulot sa kalupaan lalo na’t ‘pag tumawid na ito. Ang area of coverage po nito ay ang ating mga Visayan Islands, Mindanao and southern portions of Luzon kaya ito pong mga areas na ito, tuluy-tuloy po ang preparations na ginagawa ng mga LGUs natin and regional disaster councils.

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod po dito sa bagyo, kahapon naman po ay naranasan din iyong 5.5 magnitude na lindol na nakasentro sa Batangas. Wala naman po bang damage na naitala ang NDRRMC kaugnay nito?

NDRRMC SPOX TIMBAL: So far, Usec. Rocky, wala naman po tayong na-encounter na reports of major untoward incidents na bunga po nitong paglindol na ito. Ang ating paalala lang po sa mga kababayan natin ay kapag nakaramdam po talaga sila ng pagyanig ng lupa, huwag pong kalimutan mag-dock, cover and hold at kung kailangan ay lumabas sa kanilang mga building or mga kabahayan for the time being para maiwasan po natin iyong may madidisgrasya.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong impormasyon, Mr. Mark Timbal mula po sa NDDRMC.

NDRRMC SPOX TIMBAL: Thank you, ma’am. Ingat po palagi. Good morning.

USEC. IGNACIO: Samantala, naghatid naman ng tulong si Senator Bong Go sa ilang cancer patients sa Southern Philippines Medical Center. Kasama ring naghatid ng ayuda ang ilang ahensiya ng pamahalaan gaya ng DSWD, TESDA at DTI. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang Executive Order 156 na naglalayong paigtingin pa ang electrification project ng pamahalaan sa mga liblib na lugar sa bansa. Kaugnay niyan makakasama natin sa linya ng telepono si Energy Assistant Secretary, Asec. Gerardo Erguiza, Jr. Magandang umaga po, Asec.

DOE ASEC. ERGUIZA, JR.: Magandang umaga po at sa lahat po ng ating tagapakinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., ilang porsiyento na po ba ng total electrification ng bansa iyong naabot natin at bakit po mahalaga ang executive order na ito para makamit ito?

DOE ASEC. ERGUIZA, JR.: Well kasi ang objective natin dito ay sana maging zero ang ating electrification sa buong bansa kasi marami pang areas po na hindi naaabot at mga almost mga 98/99 na po sa Luzon pero ang mababa po sa Mindanao [garbled] iyon pati ang nasa kalagitnaan, ang Visayas po. At ang problema po dito, normally po ay ang ating sa distribution companies, ito po ‘yung mga linya po – hindi ho nakakaabot dito sa mga [garbled] ho. Kaya itong EO 156 po, ito’y isang pamamaraan para maabot po ang ating mga lugar na hindi dinaanan ng kuryente – sa bundok, sa isla kasi magastos pa ang pagkabit ng mga linya. Kaya may mga [garbled] ho, kaparaanan na binibigyan po itong ating executive order para maabot ho natin itong mga areas na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., pero ngayon ba ay may natukoy na ang DOE na mga lugar sa bansa na talagang poorly served areas na mga distribution utilities?

DOE ASEC. ERGUIZA, JR.: Well marami po, may nakikita pero to be scientific ho ang [garbled] doon sa ating [unclear] ho, magsa-submit po ang mga distribution companies ng comprehensive electrification plan po at dito [garbled] ang mga [garbled] served areas po. Kung DOE nga po, siyempre hindi niya alam ito, mismo itong mga distribution companies, kooperatiba po… ginagawa nila itong plano at nilalagay din nila ang action plan nila with timelines at budget. At siyempre dito maa-identify po iyong mga areas na unserved, underserved or inadequately served po.

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod dito, ano po ‘yung magiging papel ng DOE para ipatupad ang executive order na ito, Asec.?

DOE ASEC. ERGUIZA, JR.: Well unang-una, siyempre iyong planning ho at saka implementation, itong mga identification, iyong mga pagkuha ng mga timeline na titingnan nila iyong masusunod ng mga kooperatiba at the DOE will take appropriate steps to ensure na itong inadequately served areas na pong ito, according to the timeline na binigay mo ay masusunod po.

At ito siyempre sa binigay nilang listahan, idi-declare ng DOE ang remote and [garbled] areas at kaya’t [garbled] ng [garbled] na respective ng [garbled] po ay [garbled] ng mga areas po ‘to sa pagbibigay ng mga alternative service providers sa mga qualified third party na nagbibigay po ng energy. At magpu-formulate po ng mechanisms, procedures po… makikipag-coordinate po sa mga local government units, government agencies and electric power industry participants at iri-review po ang performance ng mga [garbled].

At siyempre iyong magandang aspeto po dito, ang pagkakaroon po ng rules and regulations upon entry [garbled] ng mga distributed energy resources po. Itong mga maliliit may sarili silang linya, may sarili silang power generation, ilalagay ito doon sa mga areas. At iyong mga rules and regulations and guidelines po dito ay gagawin po ng DOE.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec, kailan daw po inaasahang ipa-finalize ang IRR ng Executive Order na ito?

DOE ASEC. ERGUIZA: Well, kung tutuusin po, wala na hong IRR po dito. Dahil it is going to be immediately effective po after the publication in [a newspaper of] general circulation.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa darating naman pong eleksiyon, masisiguro po kaya na stable at tuluy-tuloy ang supply ng kuryente lalo na sa mga liblib na lugar?

DOE ASEC. ERGUIZA: Opo. We are really trying to see that. Alam naman ninyo ang eleksiyon ay napakaimportante, mayroong special program po diyan, to see to it that itong eleksiyon natin ay magiging stable ang kuryente.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., ngayong dalawang linggo na lamang ay Pasko na ay muli naman pong nagkaroon ng oil price hike. Kung noong nakaraang ilang beses na bumaba ito ng around P2. Ngayon po ay tumaas ulit ng mahigit piso ano po. Bakit po nagkakaroon na naman ng ganitong malaking paggalaw sa presyo ng petrolyo. At tingin po ba ninyo, magtuluy-tuloy ito hanggang sa Enero ng susunod na taon?

DOE ASEC. ERGUIZA: Well, kasi po, alam ninyo, kagaya ng sinabi namin noon eh talagang iyong ating COVID eh talagang naku-control na, ang economic activity po natin ay talagang nagiging active. Kaya basically, ito po iyong main reason kaya talagang iyong demand po natin lumalaki na naman po. Hindi po domestic ang problema dito, but this is a global. Ang supply po dito nagku-compete po tayo lahat, ang mga countries po dito. And hopefully this is being attended po ng mga suppliers natin ng kuryente on how they can response, so that the supply will be increased.

But as of now, ito naman iyong pagpalo po bigla ng ekonomiya natin. Nakita ninyo pati dito sa Pilipinas kakaunti na iyong COVID, naging alert 2 na tayo, halos buong bansa gumagalaw na, lahat ng mga areas ang daming tao, ang daming sasakyan, so demand is really greater po this time. Iyon ang rason kung bakit talagang ang pangangailangan natin at demand natin ay lumalaki

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa paglilinaw, Asec. Gerardo Erguiza Jr. ng Department of Energy. Keep safe po. 

DOE ASEC. ERGUIZA: Maraming salamat po, Usec., at sa lahat po ng ating tagapakinig at tagapanood. Thank you po.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Natapos na nga ang sunud-sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo nitong nakaraang linggo dahil kaninang umaga malakihang dagdag presyo na naman kada litro ng gasoline at diesel at sumalubong sa ating mga kababayan. Alamin natin ang reaksiyon ng mga motorist sa balitang iyan mula kay Louisa Erispe. Louisa…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Louisa Erispe.

Ngayong nalalapit na ang Pasko, hindi lang po sa mga mandurukot kailangang mag-ingat ang mga tao kung hindi maging sa mga bank hacker. Kasunod iyan ng malawakang bank fraud na naranasan ng ilang account holders ng isang bangko. Alamin po natin ang latest development sa isyung ito, makakausap natin si Director Melchor Plabasan, mula po sa Technology Risk and Innovation Supervision Department ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Magandang umaga po, Director?

BSP-TRISD DIR. PLABASAN: Magandang umaga, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta po ang imbestigasyon na ginagawa ng ating mga otoridad at ng BSP dito po sa naging ‘ika nga ay sophisticated fraud technique na ito ng mga kawatan, Director?

BSP-TRISD DIR. PLABASAN: Yes. So una nga, sinabi na mayroong claim na nga ang bangko dito na it’s a sophisticated fraud technique. May nabanggit na Webster disk na involved. So, Rocky, nag-start na kami ng investigation yesterday and hopefully matapos agad itong investigation. So we can get to the bottom of the issue. So, ang kailangan kasi, immediately to stop the bleeding, to identify iyong mga vulnerabilities kung mayroon man and immediately maremedyuhan. Kailangan din iyong mga innocent clients na ma-restitute din at iyong tao sa likod ng mark na goyo ay mapanagot din.

USEC. IGNACIO:  Opo. In total po ay may estimate amount na po ba kung magkano iyong mga nakuha nitong mga bank hackers at dito po sa mga biktima sa BDO accounts na nabiktima, Director?

BSP-TRISD DIR. PLABASAN: So far wala pa, Rocky, kasi alam mo naman kapag ganitong klaseng incident, it would require, medyo complex iyong investigation. So normally, it will take time bago natin makita talaga iyong extent o kung gaano karaming tao iyong nabiktima at iyong actual amount of losses.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director, sino po iyong sasagot sa reimbursement, sa mga nawalan po ng pera at paano po tutulong o a-assist ang BSP dito?

BSP-TRISD DIR. PLABASAN: So una, Rocky, nagpasabi na ang bangko na iyong mga apektado ay mababayaran naman, magkakaroon ng reimbursement and part of our investigation is to ensure also na magagawa iyong pagbabayad nang mabilisan.  Of course subject to the conduct of investigation. 

USEC. IGNACIO: Opo. Director, ayon sa Presidente umano ng BDO apektado umano dito iyong aniya’y 10 year old web service that is for phase out at may ilan din hong account holders ang nagsasabing November pa lang po ay may mga kaso na diumano ng hacking. Posible po bang may kaso ring kaharapin iyong mga naturang bangko dahil dito? 

BSP-TRISD DIR. PLABASAN: Rocky, kagaya nga ng unang nasabi ko kung parte nga ng investigation namin aside from identifying kung mayroon mang vulnerability, i-check din kung may serious lapses na nagawa iyong mga bangkong involved. Kung mayroon man, mayroon naman kaming regulasyon tungkol sa pagpapataw ng penalty whether monetary man siya o non-monetary and other enforcement actions.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Director, sang-ayon po ba kayo sa resolusyong inihain ngayon sa Kamara na magkaroon po ng congressional investigation sa nangyaring fraud na ito?

BSP-TRISD DIR. PLABASAN: I think prerogative ng Kamara iyon pero kasi ang investigation kasi ginagawa na ni BSP. Mayroon kaming onsite and offsite examination apart from that mayroon din kaming iyon nga iyong, ang tawag namin sa investigation namin is overseeing and examination. Ginagawa na namin siya ngayon at ang pangako nga ni Governor Diokno ay matapos siya in 30 days.

USEC. IGNACIO: Opo. Paano po kaya na-bypass daw itong one time password na supposedly ay siya pong mabisang pamprotekta sa online banking transactions natin Director? 

BSP-TRISD DIR. PLABASAN: So, una nga ini-implement nga natin, ni-require nga natin iyong one time pin kasi nga sa tingin natin iyong mas secure na way para maprotektahan iyong online transaction. So, kung papaano—especially ang gusto nating malaman iyong root cause. So, again ang objective ng forensic investigation na gagawin is ma-identify iyong root cause immediately at para maayos na rin agad at maremedyuhan. 

USEC. IGNACIO: Opo. Director, ito po ay nakakabahala ano po dahil noong nakaraang lang ay personal information gaya ng phone numbers natin iyong na-compromise po sa mga spam messages. Ngayon naman po itong bank account na naa-access ng mga kawatan. Ano po ang hakbang na ginagawa ng BSP para hindi na po ito maulit at ano pong dagdag na security control ang dapat maipatupad? 

BSP-TRISD DIR. PLABASAN: Unang-una Rocky, siyempre kailangan iyong regulatory framework, kailangan iyong policy framework kailangan para detailed kasi nga iyong mga security measures na ina-adopt noong bangko kailangan para safe. Ini-ensure ni BSP na pro-active iyong mga bangko when it comes adopting iyong mga latest or iyong mga security standards ‘no.

So, aside from that kasi nga Rocky, ang online security is a shared responsibility. May responsibilidad din ang kliyente na pangalagaan iyong kanyang information so hindi ipapadala sa mga fake emails or MSM messages na nagpapanggap na galing sa bangko. So, kailangan din regularly minu-monitor natin iyong mga accounts natin para kung mayroong mga kaduda-dudang transaksiyon mai-report natin kaagad sa bangko. 

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon Director Melchor Plabasan, mula po sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Mabuhay po kayo Director. 

BSP-TRISD DIR. PLABASAN: Salamat Rocky, magandang umaga. 

USEC. IGNACIO: Samantala, nagpaabot naman ng tulong ang tanggapan ni Senador Bong Go, sa mga residente sa Cebu na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad kamakailan. Kasama rin niyang namahagi ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Panoorin po natin ito: 

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t ibang lalawigan sa bansa hatid ni Ria Arevalo mula sa PBS Radyo Pilipinas:

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

Pinag-aaralan naman ngayon sa Baguio City LGU ang posibleng pagdagdag ng mga turistang pinapayagang makapasok sa lungsod. Iyan po ay kasabay ng tuluy-tuloy na pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ang report mula kay Debbie Casingan:

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Herd immunity sa Davao City, malapit nang makamit matapos mabigyan ng 2 dose ang higit 80% ng eligible population ng lungsod. Ang report mula kay Hannah Salcedo, ng PTV Davao:

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ipagpatuloy po natin ang pagsunod sa health protocols at magpabakuna po tayo lalo na at labing-isang araw na lamang ay Pasko na.

Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Hanggang bukas pong muli dito pa rin sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

 

News and Information Bureau-Data Processing Center