Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Audrey Gorriceta


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

GORRICETA: Magandang umaga Pilipinas. Pansamantala pong humahalili kina PCOO Secretary Martin Andanar at Undersecretary Rocky Ignacio; ako po ang inyong lingkod, Audrey Gorriceta mula sa People’s Television.

Ngayong araw ng Sabado, muli tayong makikibalita sa kalagayan ng ating mga kababayan na sinalanta ng Bagyong Odette at nandiyan din ang patuloy nating pagtutok sa mga balitang COVID-19.

Kaya’t atin nang simulan ang isang oras na talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa ating unang balita: Kalayaan Group of Islands sa Palawan ang puntirya ng Bagyong Odette ngayon. Sa huling weather bulletin ng PAGASA, nakataas ang Signal No. 3 sa nasabing lugar habang Signal No. 1 at 2 sa iba pang bahagi ng Palawan, pero mararamdaman pa rin ang moderate to heavy rains maging sa Aurora at sa hilagang bahagi ng Quezon kasama na diyan ang Polilio Islands. Inaasahan namang lalabas na ng bansa ang bagyo ngayong araw.

Nakapagtala rin muli ng isang magnitude 4.8 na lindol ang PHIVOLCS kagabi, ito’y sa may Donsol, Sorsogon. Bandang alas diyes y media ng gabi naramdaman ang pagyanig na sinundan pa ng mas maliliit na lindol.

Matapos daanan ng Bagyong Odette, maraming lugar sa Kabisayaan at Mindanao ang talaga namang pinadapa ng malalakas na hangin at ulan na dulot ng sama ng panahon. Sa punto pong ito ating kamustahin ang sitwasyon sa Southern Leyte, kasama po natin si Governor Damian Mercado. Magandang umaga po, Governor!

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Magandang umaga, Audrey. Magandang umaga [garbled]

GORRICETA: Yes. Governor, kamusta po ang sitwasyon diyan sa Southern Leyte lalo na’t dalawang beses nag-landfall ang Bagyong Odette sa inyong lugar? Maari ninyo po bang ilarawan kung paano dumaan ang Bagyong Odette sa probinsya?

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Iyong Bagyong Odette dumaan Thursday, Thursday 4 P.M. Then first landfall in Municipality of Limasawa and then second is Padre Burgos and then Maasin. Talagang badly hit, sobra ang damage dito ngayon sa Southern Leyte. Hindi ko masyadong masabi kung ano talaga ang situation ngayon because closed ang kalsada, walang communication, walang kuryente – iyan ang situation last Thursday natin, sa Southern Leyte.

But ngayon, medyo maganda na ang weather but so far hindi pa natin—wala pa tayong communication dito ngayon; talagang badly ang Southern Leyte, sobra… sobra.

GORRICETA: Bagama’t putol po ang komunikasyon, may mga nakakarating po ba sa inyong report? May mga bayan pa ba na lubog sa tubig baha hanggang sa ngayon?

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Parang medyo walang lubog na bayan but ang problema namin, kasi most of our—all of our towns in Southern Leyte are along the shore kaya iyon ang medyo malaking damage sa Southern Leyte, iyong mga bahay na tabi ng dagat. At saka—oo nga, ngayon nga because of the loss of communication, bogged down lahat ng mga towers and the road is hindi madaanan because of the… iyong mga linya ng mga kuryente, mga puno bagsak kaya medyo nahirapan kami.

Ang ano namin ngayon sa—sabihin natin sa pagbigay ng supply or to communicate, by ano kami, by sea. Ngayon nagbiyahe ngayon iyong member natin sa provincial risk reduction management, nagpunta sa mga towns to collect the data kung anong mga problema o ilan ang casualty.

But so far because of our… talagang information natin sa mga tao sa coming of the Typhoon Odette, medyo iyong casualty natin hindi masyadong marami. As of now iyong report na casualty ay isa sa Municipality of Macrohon, isa sa Limasawa, isa sa San Francisco – iyan pa ang na-receive namin na report kasi wala talagang communication. Maybe by—siguro by Sunday or Monday mayroon na tayong data kung ano talaga ang situation sa ibang bayan dito sa Southern Leyte.

GORRICETA: Okay. Governor, nakabalik na rin ba sa kani-kanilang mga tahanan iyong mga residenteng lumikas o may mga nananatili pa rin sa mga evacuation center?

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Ngayon bumalik na silang lahat because ang weather dito maganda na talaga. Wala na talaga, okay na ang weather dito – bumalik na sila lahat. But of course wala silang… sabihin natin mabili na mga pagkain because iyong mga ibang mga stores dito closed as of now; kaya iyong pinakaimportante namin ngayon so far iyong mga pagkain, water at saka konting mga medicine.

GORRICETA: Governor, tuluy-tuloy po ba iyong pamamahagi ng relief goods sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo o kinakapos na po kayo sa ngayon pa lamang ng supply?

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Eh ang ano dito, kasi medyo maganda kasi… kasi iyong Office of the Civil Defense before sa typhoon and the Social Welfare, DSWD, naka—parang before the typhoon nabigyan tayo ng food packs kaya ngayon mayroon pa tayong sabihin natin mabigay. Pero siguradong ma-short na ito because iyong food packs na na-prepare natin sa probinsya even iyong tulong galing sa DSWD at saka sa Civil Defense, iyon ang binigay na natin. But because of marami talaga ang taong kailangang tulungan, sigurado ma-short tayo – baka bukas or following days ma-short na tayo sa mga food supplies.

GORRICETA: Okay. Dahil nga po, Governor ‘no sa bagyo, ipinagpaliban muna ng national government iyong Bayanihan, Bakunahan round 2 sa mga apektadong lugar, pero sa tingin ninyo po, Gov., kaya ninyo na ba sa December 20 to 22 iyong bagong schedule para dito?

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: I-check muna namin. Siguro unahin muna namin itong ano ng mga ano… kailangang tulungan na ano sa Typhoon Odette, siguro unahin muna namin. But so far ang Southern Leyte ngayon is more than 80% na vaccinated. Medyo kumpiyansa na kami dito in terms sa COVID-19 kasi more than 80% na ang Southern Leyte. Kaya siguro—iyong mga bakuna din natin na-safe natin, nalagay sa mga freezer, hindi nasira kasi prinayority din natin ‘yan. But ang problema talaga namin ngayon so far, siguro iyong mga tao na kailangan ng tulong ngayon.

GORRICETA: Okay. Governor, mayroon pa po ba kayong mensaheng nais ipaabot sa national government sa sitwasyon ninyo diyan ngayon at mensahe ninyo rin po sa mga kababayan ninyo sa Southern Leyte? Please go ahead po, Gov. Mercado.

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Yeah. To all the—iyong mga taga-Southern Leyte na nagtira sa ibang bansa o ibang bayan o whatever… of course kung mayroong itulong, tatanggapin namin dito. In terms sa national line government lalo na kay Presidente Rodrigo Roa Duterte, nag-ano na siya sa amin, nagtawag na at saka nagbigay ng instruction sa mga national line agency na tulungan ang Southern Leyte. Even Senator Bong Go nag—sabihin natin nag-instruct na sa DSWD na bigyan ng ayuda ang mga taong sabihin nating ano sa—sa mga tao.

Ang ano ko lang dito if possible, iyong Smart at saka Globe kailangan talaga kasi bogged down ang communication dito – iyan ang pinakaimportante na kung puwede Globe and Smart, ma-rehab agad iyong ano natin dito, iyong power. Mas maganda talaga kung mayroong communication. Iyan ang problema namin dito, communication. Mobile communication iyong Smart at saka Globe, makapadala dito ng mobile cell site para maka-communicate na makaano sila sa atin kung ano ang kailangan every municipality.

GORRICETA: Okay. Governor, susubukan po nating iparating sa dalawang private communications company iyong inyong mga kahilingan. Maraming salamat po sa inyong panahon, Southern Leyte Governor Damian Mercado. Stay safe po at dalangin namin ang mabilis na pagbangon ng inyong lalawigan.

SOUTHERN LEYTE GOV. MERCADO: Thank you po.

GORRICETA: Mga kababayan, sa tuwing may bagyo, isa sa pinakatinatamaang sector ay ang agrikultura. At sa paghagupit ng Bagyong Odette, gaano kalaking pinsala naman ang dulot nito sa mga kababayan nating magbubukid at mangingisda? Alamin natin iyan mula sa Department of Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista. ASec., magandang umaga po.

DA ASEC. EVANGELISTA: Magandang umaga, Sir at magandang umaga po sa lahat ng inyong tagasubaybay.

GORRICETA: Para po sa initial estimation, ASec., gaano na po kalawak ang pinsalang naidulot ng Bagyong Odette para sa agrikultura sa mga apektadong lugar?

DA ASEC. EVANGELISTA: Sir, right now po, kinu-consolidate pa po natin ang ating mga data at kagaya nga po ng sinabi ni Governor Mercado, medyo challenging po ngayon ang communications with our regional offices din po. So, as of right now po, wala pa po tayong exact figure ng laki ng pinsala pagdating po sa agrikultura, pero ito po ay tinatrabaho ng ating Regional office, kasama din po ang BFAR, which is our attached agency, dahil po maraming mga coastal communities ang naapektuhan po ng nasabing bagyo, Sir.

GORRICETA: ASec, aling mga lugar po ang may naitalang pinakamalaking danyos?

DA ASEC. EVANGELISTA: So far Sir, we don’t have an exact figure. But as far as BFAR is concerned, sa Bureau of Fisheries, dahil nakipag-usap po ako kahapon kay Governor Mercado, napag-usapan po namin ang mga areas katulad ng Limasawa, ang San Pablo at San Pedro po. Iyan po ang mga initial na areas as per the LGU po na kailangan ng tulong. So dito po ay nagmu-mobilize na po kami, nakipag-ugnayan na po kami sa aming mga attached agency. Hopefully, within the day, we will have an estimate kung gaano kalaki ang damage at siyempre po habang tumatagal, mas makakakuha kami ng datos pagdating din po sa larangan ng pagsasaka. Pero right now, our focus mainly are the coastal communities na badly hit po. So, hindi lamang po iyong rehabilitation, but also iyong tulong po pagdating sa pagpapadala ng mga pagkain. Iyon po ngayon ang inaasikaso ng Department of Agriculture together with other government agencies din po. And we are closely coordinating with government units, specifically po kay Governor Mercado po, Sir.

GORRICETA: Okay. Bukod po sa coordination at pagpapadala ng mga pagkain para sa mga nasalanta, ano po ang plano ng inyong ahensiya upang matulungan iyong ating mga kababayang magsasaka at mangingisdang makabangon mula sa sitwasyong ito?

DA ASEC. EVANGELISTA: Normally, Sir, once we have the report, then we have a clear cut direction on what we are going to do. But definitely pagdating po sa ating mangingisda nandiyan po ang ating tulong sa pagbibigay ng mga bangka, whether iyong bangka ang ibibigay or repair materials, dahil kailangan po na makapaghanapbuhay sila muli.

Pagdating naman po sa ating mga magsasaka, nandiyan naman po ang ating mga binhi at mga fertilizer, para sila po ay makapagtanim muli. Mayroon din po tayong mga tulong na ibinibigay sa ating mga livestock raisers, nagbibigay po tayo ng mga gamot para sa kanilang mga hayop and of course we always have a QRF.

So ito pong lahat, this will all be implemented as soon as we have a concrete report para sa pag-manage po ng resources at ang timetables po ng pagbigay ng mga tulong. Kasi ang ayuda po ng Department of Agriculture comes not through cash, but basically bangka ang ibinibigay po natin, binhi ang ating ibinibigay. Pero definitely, mayroon po tayong mga naka-ready na mga tulong sa ating mga kasamahan sa larangan po ng agrikultura.

GORRICETA: ASec., patapos na iyong taon at alam natin na iyong inyong pondo sa DA ay marami ng napaggamitan. Magkano po kaya iyong pondong nakalaan para sa assistance ng mga apektadong magsasaka at mangingisda?

DA ASEC. EVANGELISTA: If we are talking about the QRF, Sir, I will have to coordinate to the regional office, if we still have. Because if I remember right, pagdating po doon sa Taal Volcano, we specifically asked and requested from the Office of the President para madagdagan po iyong aming pondo noong sumabog po ang Taal Volcano at recently lang po naganap ang pagbibigay ng ayuda doon sa ating mga kababayan sa Batangas.

So, we will be looking at the same direction pagdating po sa ating mga kababayan na nasalanta ng Bagyong Odette. Pero we are very confident dahil ang ating Office of the President at si Senator Bong Go po ay patuloy na tumutulong po sa agrikultura. Iyong mga niri-request po namin, iyong ASF indemnification nga po, tumulong na ang Office of the President para pondohan iyan. Kaya kung kulang man po ang aming pondo sa kasalukuyan, we are very confident that our President knows the importance of agriculture, and through Senator Bong Go, makakakuha po tayo ng karagdagang pondo para makatulong po tayo sa ating mga kababayang mangingisda at mga magsasaka po.

GORRICETA: Opo. ASec., iyong mga binanggit mo kanina na ayuda, paano po ito maa-avail ng mga magsasaka at mga mangingisda at kailan sila puwedeng kumuha?

DA ASEC. EVANGELISTA: Normally, Sir, we will have a report from the regions in coordination with the local government unit. And every local government unit, mayroon po iyang provincial agriculturist or municipal agriculturist na siyang nakikipag-ugnayan po sa amin para nakikita po natin ilang ektarya po ng lupa ang natamaan ng pagsalanta ng bagyo, ilang mangingisda ang apektado, ilang magsasaka ang apektado at from there, lahat po ng mga ibibigay na ayuda ay dadaan din po iyan sa lokal na pamahalaan for distribution kasama po ang Department of Agriculture.

At ngayon po kasama din po ang AHON, ito po iyong Executive Order 137 na nilagdaan ng ating mahal na Pangulo na ang mga government agencies, kasama po ang Department of Agriculture diyan para magbigay ng kaniya-kaniyang ayuda. Ang AHON po ay Aid and Humanitarian Operations by the National government. So kami po ngayon ay naghahanda na. As a matter of fact, ang mga members po ng AHON convergence team kagabi ay nag-uusap na kung ano ang mga tulong na aming ipararating sa iba’t ibang areas po sa Mindanao, sa Visayas at mga specific areas and islands po na nangangailangan ng tulong.

GORRICETA: Okay. ASec., magkakaroon din po ba ng price freeze sa mga agricultural products sa mga lugar na naapektuhan nang matindi ng Bagyong Odette?

DA ASEC. EVANGELISTA: That is something that we will definitely look into, because siyempre tinamaan po sila ng kalamidad, more often than not kasunod po niyan ay price freeze. But we will also look into the supply, we will look into the needs. Food security is very important.

So, ang lahat po ng ito ay bibigyan namin ng solusyon at karampatang sagot this coming week. Regions are now checking the prices and availability of food is very important. Food security is part of the role of Department of Agriculture as far as sa pagtutulungan po ng mga inter-agencies. Kaya definitely, within the week, we will give you a feedback kung magkakaroon po ng price freeze. But first and foremost, we have to secure na may pagkain po sa bawat lugar lalo na doon sa mga nasalanta po ng bagyo.

GORRICETA: Ma’am, sa usapin pa rin po ng agricultural products, paano naman po makakaapekto sa supply ng agricultural products, kagaya rito sa may Luzon, itong nangyaring bagyo? Inaasahan po ba na tataas ang presyo ng bilihin bago mag Pasko?

DA ASEC. EVANGELISTA: Well, as far as Odette is concerned, dahil hindi naman po iyong mga areas, iyong mga regions na pinagkukunan po natin ng agricultural commodities para sa NCR ang natamaan, ang titingnan po natin is the supply in CDO, the supply in Siargao, the supply in Leyte, iyon po titingnan natin. But definitely dito po sa Metro Manila, kung bagyo po ang pag-uusapan, hindi po tayo affected masyado ng supply problem because of the past typhoon ‘no.

So we are always looking into other sources. Aside from Region IV-A, mayroon po tayong Region I, Region II, Region III even Region IV-B, iyan po ang mga pinanggagalingan po ng mga agricultural commodities dito sa Metro Manila. Sabi nga po ng ating Regional Director for NCR, we will bring in all these sources para po ma-stabilize po ang presyo ng gulay natin sa Metro Manila. Sa ating mga rehiyon naman po, mayroon din po tayo doong Price Coordinating Council at doon po ay titingnan din natin ang supply – kung mayroon pong kakulangan, saan po manggagaling ang karagdagang supply – to ensure food security and price stability po sa bawat rehiyon.

GORRICETA: Maraming salamat po sa inyong impormasyong, Asec. Kristine Evangelista ng Department of Agriculture. Ingat po kayo at mabuhay po kayo!

DA ASEC. EVANGELISTA: Magandang, magandang umaga, sir. At magandang umaga po sa inyong lahat.

GORRICETA: Samantala, mga kababayan, bago pa man hagupitin ng bagyo ang Eastern Visayas, nauna nang nagtungo ang outreach team ni Senator Christopher “Bong” Go at mga ahensiya ng pamahalaan sa probinsiya ng Leyte para mamahagi ng tulong doon. Panoorin po natin ito:

[VTR]

GORRICETA: Patuloy lamang po kayong tumutok sa ating programa para sa iba pang mga balita. Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH!

[COMMERCIAL BREAK]

GORRICETA: Nagbabalik ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa Pilipinas. Base po sa datos ng Department of Health as of December 17, 2021:

  • Two million eight hundred thirty-seven thousand four hundred sixty-four (2,837,464) na ang kabuuang bilang ng mga nagka-COVID-19 sa bansa matapos itong madagdagan ng 582 kahapon.
  • Pitumpu’t apat (74) naman ang naitalang pumanaw kaya umakyat na sa 50,570 ang total deaths tally.
  • Samantala, 2,767,127 na sa ngayon ang lahat ng mga gumaling sa sakit matapos madagdagan ng halos limandaang katao kahapon.
  • Ang active cases naman sa kasalukuyan ay 10,167 o katumbas ng 0.4% sa kabuuang bilang ng mga nahawaan ng virus.

Samantala, para naman po sa pinakahuling balita sa ginanap na Bayanihan Bakunahan Round 2, muli nating makakasama si Usec. Myrna Cabotaje ng Department of Health. Magandang umaga po, Usec. Cabotaje, at welcome back po sa Laging Handa.

DOH USEC. CABOTAJE: Magandang umaga sa inyo, sa lahat ng nanunood sa ating programa ngayong umaga.

GORRICETA: Okay, Usec., unahin ko na po muna na kamustahin ang assessment ng DOH sa naging second round ng vaccination drive. Gaano po karami ang total dose na naibigay sa tatlong araw na malawakang bakunahan?

DOH USEC. CABOTAJE: Alam naman natin na iyong tatlong araw ay naapektuhan ng ating bagyo; but in some regions, maganda iyong kanilang turnout. We have a total of 2.3 million doses, mga 31% iyan ng ating total target na seven million.

GORRICETA: Ma’am, matindi po ba ang naging pinsala ng Bagyong Odette sa ilang mga lugar? Tanong po ng kasamahan natin sa media na si MJ Blancaflor ng Daily Tribune.

May mga naapektuhan po bang cold-chain management for storage facilities sa mga bakuna considering na may areas pong nawalan ng kuryente at kung may vaccine wastage din daw po bang naitala? Tanong naman iyan ni Jane Balaro(?) ng GMA News.

DOH USEC. CABOTAJE: In terms of the accomplishment, kahapon, 39% ang sa ating mga lokal na pamahalaan ay hindi nag-submit ng report. Sa Central Visayas, walang naganap na bakunahan because they were greatly affected ‘no; 637 out of 1,634 did not have any report. So itutuloy nila iyan.

In terms of the wastage, we are trying to get more reports. Mayroon tayong binabantayan sa Region VI na wala pang kumpletong report. Tapos mayroon tayo sa IV-A na binabantayang wastage, may vehicular accident – nadulas kasi iyong nagta-transport ng Moderna. So bini-verify natin iyong report. Sa Region VII at saka sa Region VIII, wala pang report. The comms are down. We are coordinating with the OCD, even our military para makita natin kung ano iyong ating mga kalagayan ng ating mga vaccines.

We may have some vaccines that have been compromised because of power outages. While we have been prepared, baka sa katagalan tapos iyong problema ng fuel, etc.

Sa Region VI, may possible wastage; ina-assess pa nila. Ang BARRM, hinihintay pa natin iyong report. Iyong ibang region as of now, wala naman pang niri-report; ang kanilang status ay no wastage, no [unclear] so far based on the preliminary reports that they received.

GORRICETA: Usec., kagaya ng nabanggit ninyo, may mga rehiyon na naapektuhan ang linya ng kuryente. Kung hindi pa po maibabalik ang linya ng kuryente sa mga sinalantang lugar, ano po ang mga hakbang na ginagawa para hindi maapektuhan ang temperature ng mga bakuna na nasa mga apektadong mga lugar? Tanong naman po iyan ni Red Mendoza ng Manila Times.

DOH USEC. CABOTAJE: Depende Iyan sa klase ng ating bakuna. Kung sa frozen at nandoon naman sila sa freezer kagaya ng ating Pfizer, Moderna at Sputnik basta hindi mo binubuksan Iyan, good for 2 to 3 days. Iyong mga +2 to +8 kailangan may mga extra ice na nilalagay para ma-keep iyong temperature. Alam naman ng ating mga cold chain managers iyong ating mga bakuna center kung ano ang gagawin.

But just in case pag-monitor nila 4 times a day eh nagpa-fluctuate na hindi ma-maintain iyong temperature, ang aming directive sa kanila ibakuna na kung puwedeng ibakuna ang mga Iyan. But always, safety ang effectiveness ang ating basehan. So if they are sure na safe iyong vaccine, ibakuna nila; kung hindi itago na lang, i-quarantine para i-assess natin.

GORRICETA: Usec., paano rin po nakakaapekto sa logistics ng vaccine delivery itong ilang araw na sunud-sunod na mga pag-ulan?

DOH USEC. CABOTAJE: Sa Region V hindi nagpa-deliver ng bakuna, gusto nila after the vaccine. Nag-cancel ng mga flight so hindi tayo maka-deliver ng bakuna pati iyong mga hiringgilya. Also, habang nandoon na iyong mga bakuna sa ating mga hubs, iyong ating mga regional offices, iyong pag-transport naman sa maalon na mga lugar kagaya ng IV-B, Region VI so hindi nai-deliver iyong ibang bakuna na kailangan at saka logistic ancillaries na kailangan ibakuna. Although sa mga areas may naka-preposition na kaunting bakuna na puwede nilang gamitin.

GORRICETA: Usec., tanong pa rin po mula kay MJ Blancaflor: Kung magiging priority po ng LGUs ang relief and recovery efforts after ng typhoon, matutuloy pa rin po ba ang mass vaccination day sa kanilang mga lugar? At kung postponed po ito, kailan kaya posibleng gawin na lang ito?

DOH USEC. CABOTAJE: May direktiba na ang ating apat na secretaries – Secretary Duque, Secretary Año, Secretary Galvez at saka Secretary Dizon – na ituluy-tuloy ang ating bakunahan hanggang December 22. Nasa assessment po, tama kayo, ng ating lokal na pamahalaan kung ano iyong uunahin na – iyong relief o bibigyan ng pagbabakuna. We will leave ito to the judgment of the local government unit. Puwede na silang magbakuna even after December 22 kung sa assessment nila ay hindi pa nila kayang magbakuna.

GORRICETA: Usec., pinatatanong lang din po ni MJ kung kamusta po ang ating mga hospitals and health centers na tinamaan o naapektuhan ng Typhoon Odette? Ano po ang assessment sa damage ng ating mga facilities?

DOH USEC. CABOTAJE: I don’t have any report now but we will have to see kung ano iyong na-damage na facilities. Ang alam natin badly hit ang Surigao, Region VII, Region VIII and Region VI, so hintayin na lang natin iyong assessment. Wala pa tayong kumpleto, halos wala pa ngang report sa Region VII and Region VIII. So magbabalita na lang tayo kapag we have the reports from the ground.

GORRICETA: Usec., sa usapin po ng Omicron variant. Sa isang artikulo ng Reuters, may ilang pasyente raw sa South Africa na tinamaan pa rin ng Omicron variant kahit may booster shots na sila. Ano magiging impact ng ganitong development sa inaasahan sana nating proteksiyon ng bakuna sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng additional dose?

DOH USEC. CABOTAJE: Iyan ang tinatawag nating breakthrough infections. Alam naman natin maraming developments sa disease at saka sa vaccine, pero it does not mean na wala ng proteksiyon ang ating bakuna even with the booster kasi napapangalagaan pa rin iyong ating kalusugan. It is a one layer of protection para less na ma-transmit ‘no. Alam natin ang Omicron base sa trend ay mas nakakahawa nga pero less deadly at kapag nabakunahan iyong mga tao while there may be breakthrough infections, we will have to check – marami bang nauospital, marami ba ang namamatay. It offers some form of protection.

GORRICETA: Usec., tanong naman po ni Weng Hidalgo ng ABS-CBN News: How is the recommendation to shorten the interval between second shot and booster? Will there be fourth shot?

DOH USEC. CABOTAJE: Wala pa tayong nasa horizon na fourth shot pero hindi malayo iyan kasi alam naman natin na maraming pag-aaral. Titingnan natin sa ibang bansa kung ano na ‘yung nangyari. So as of now, booster pa lang, so it’s a third dose or an additional dose to a two-dose series or doon sa Janssen ay second shot of a one-dose series.

GORRICETA: Okay. Usec., makiki-update lang din po si Weng Hidalgo on the vaccination for 11 years old and below.

DOH USEC. CABOTAJE: Ah. Pinag-aaralan pa iyan, wala pang EUA. Importante may Emergency Use Authorization na pinag-aaralan iyan ng mga experts sa 5 to 11, although sa Department of Health we have considered planning it for next year in the likelihood na pabigyan na rin ng bakuna iyong 5 to 11. May mga nababalitaan natin sa ibang bansa na nagbigay na ng 5 to 11, aaralin mabuti iyan. So it’s either the manufacturer na mag-request ng approval ng Emergency Use Authorization para ibigay sa 5 to 11 o mismong DOH na rin base sa kanilang diskusyon kung iri-request na magbigay din ng EUA for certain vaccines na puwede sa 5 to 11 years old.

GORRICETA: Usec., sinasabi ng WHO na very likely ay papalitan ng Omicron ang Delta bilang dominant variant sa ating bansa. Tingin ninyo po ba ay sapat na ang bilang ng mga nabakunahang Pilipino ngayon para hindi na natin maranasang muli iyong hirap na dala ng Delta surge na naranasan natin noong kalagitnaan ng taon?

DOH USEC. CABOTAJE: Ang ating fully vaccinated as of now is 43 million. We are targeting 54 million by the end of the year. Isa ito sa isang proteksiyon natin for the Omicron pero mas importante maka-first dose, maka-second dose at saka maka-booster. Ang isa pang importante po, iyong ating mga priority group – iyong ating mga health care worker maka-first dose, maka-second dose, maka-booster; tapos iyong ating mga senior citizen at saka iyong mga comorbidities – so importanteng mabakunahan sila.

Medyo mababa at hindi pa rin natin sapat na nahihikayat lahat ng ating mga senior citizen, nasa 74%. Kailangan pa rin nating itaas iyong pagbabakuna ng ating mga senior citizens considering na those 65 years and above are the most likely to be hospitalized, to get serious disease and to die from the COVID-19 disease.

GORRICETA: Usec., paano naman makakatulong itong pagsisimula ng WHO solidarity trial sa bakunahan natin dito sa Pilipinas?

DOH USEC. CABOTAJE: Alam naman natin sa iba’t ibang panig ng mundo may iba-ibang mga pag-aaral and this solidarity trial will help us localize/customize. Ano ba iyong mga epekto ng bakuna sa mga mismong Pilipino subjects? So iba-iba itong mga pag-aaral sa bisa ng bakuna, sa mix-and-match, sa pag-booster – maraming matutunan tayo kung ano ang puwede, ano ang trends naman dito sa Pilipinas.

GORRICETA: Ma’am, kahapon din po sa isinagawang pag-aanunsiyo ng solidarity trial, sinabi ng isang eksperto na magsasagawa nito na alisin na natin ang notion na magkakaroon ng herd immunity dahil sa COVID vaccines dahil pinapababa lang naman talaga nito, ng bakuna, ang tiyansa sa pagkakasakit ng severe at hindi ibig sabihin ay hindi na tatablan ang tao ng virus. Paano po ninyo ito ipapaintindi pa sa publiko lalo na’t iyong ibang nabakunahan ay parang dini-disregard na iyong minimum health protocols kagaya ng pagsusuot ng face masks?

DOH USEC. CABOTAJE: Sir Audrey, matagal na, mga 2 or 3 months ago we were talking about population protection. Ibig sabihin maproteksiyunan iyong ating most at risk at most vulnerable na tumatak kasi iyong herd immunity na notion noong umpisa ng ating bakunahan. Pero with the emergence of our variants, tama naman na huwag ng herd immunity ang naisipan.

At saka kung makikita ninyo, hindi natin sini-single out na bakuna lang ang ating armas para sa proteksiyon, nandiyan pa rin palagi ang minimum public health protocols – mask, iwas, hugas, bakuna, tapos may isang dinagdag tayo, open air flow iyong ventilation para maganda ang daloy ng hangin, mas maganda ang circulation.

GORRICETA: USec, padalang tanong naman po ni Madz Recio ng GMA News: Ngayong magpapasko, may pahabol pa po bang reminders and DOH. Ini-encourage po ba nila ang pamamasko ng kabataan lalo na kung hindi maiwasan iyong mga family gatherings?

DOH USEC. CABOTAJE: Alam naman natin, mahigit isang taon kulong na kulong so, we were very happy when we eased the restrictions. But with the variant, iiwasan po sana iyong mga crowded gatherings. Kung may mga family reunion, i-limit iyan, tapos iyong mga open air, mag mask, mag hugas, tapos iyong mag-sanitize, importante po iyan.

If hindi naman importanteng-importante, iwasan iyong mga gathering. Pero ‘pag form of our solidarity rin, kasi family Christmas, mag-observe ng minimum public health protocols; kahit na magkakakilala kayo kung ngayon lang tayo nagkita, mag-mask, tapos importante iyong maghugas, distancing pa rin tapos maganda sana iyong open air, maganda ang daloy ng hangin sa mga place of gathering.

GORRICETA: USec, karagdagang katanungan mula kay Madz Recio: According to a study by Imperial College London, five times higher ang reinfection risk ng Omicron variant than Delta. Hindi rin daw ito masasabing mild kumpara sa Delta. Given this, may magiging pagbabago po ba sa protocols and restrictions ng Pilipinas?

DOH USEC. CABOTAJE: As of now, iyong quarantine protocol ang ating inayos, naging istrikto tayo. So, imbes na three days iyong quarantine, naging five days bago mag-testing. Tuluy-tuloy pa rin iyong mga dati nating protocol, bakuna habang pinag-aaralan iyong iba-iba pang puwedeng pangkontra sa Omicron variant.

GORRICETA: Again, USec, kanina marami ka na ring nabanggit ano, pero isang linggo po bago mag-Pasko baka may karagdagan ka pang panawagan o ang DOH para sa mga Pilipino?

DOH USEC. CABOTAJE: Opo. Magkakaroon tayo ng ligtas na Christmas, a healthy Pilipinas. Magpabakuna po, tuluy-tuloy po ang ating bakuna hanggang December 23, mag-pause lang nang kaunti sa Christmas, ituloy natin ng December 27 hanggang December 30.

Number two, iyong ating open air flow, avoid crowded places and closed spaces and then iyong walang kamatayan nating kailangang isadiwa, isapuso, isagawa: Mag-mask, maghugas, mag-sanitize at distansya!

GORRICETA: USec, panghuli na tanong po mula kay Mark Fetalco ng PTV News: May vaccines po ba na pinaubos na po agad ng NVOC para sa booster shot dahil sa shelf life ng mga ito?

DOH USEC. CABOTAJE: Ang ating priority ay iyong mga second doses at saka iyong mga booster. Apat lang po ang puwedeng i-booster Pfizer, Moderna at saka AstraZeneca, heterologous at homologous, iyong Sinovac po ay pang homologous, Sinovac-Sinovac. Siyempre po kahit sa anong establishment, iyong first expiry, first out; iyong shortest shelf life, iyon po ang dapat unang ibakuna natin.

GORRICETA: Muli po maraming salamat po sa inyong oras at sa lahat ng impormasyon na ibinahagi ninyo sa atin ngayong umagang ito, again DOH Undersecretary Myrna B Cabotaje. Mabuhay po kayo!

DOH USEC. CABOTAJE: Thank you, good morning.

GORRICETA: Samantala, subaybayan ang iba pang reports sa pagbabalik ng Public Briefing LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

GORRICETA: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Para sa mga pinakahuling assessments sa Bagyong Odette, makakausap po natin via phone patch si NDRRMC Spokesperson Mark Timbal. Sir, magandang umaga po.

NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Sir, magandang umaga po at sa lahat po ng mga kasama natin diyan at ang ating mga kababayang nakikinig/nanunood. Magandang umaga po sa lahat.

GORRICETA: Okay. Sir Mark, maaari ninyo po ba kaming bigyan ng update patungkol sa naging epekto nitong Bagyong Odette?

NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Opo. As of this morning po in our reporting dito sa NDRRMC, nakapagkumpirma na po tayo ng apat na kababayan natin na nasawi dahil po dito kay Bagyong Odette. Kung matatandaan ninyo po kagabi, nagbigay po ng possible projections of casualty count doon sa pagpupulong with President Duterte. At ito pong mga numerong ito ay hinihintay pa po natin ang mga official reports patungkol po diyan. But on our end po at the operations center, at the NDRRMC level, apat pa lang po ang ating nakukumpirma sa mga fatalities po natin.

As of this morning din po, nakatanggap po tayo ng ulat na umabot na po ng 334,470 katao ang nagsi-evacuate po preemptively para po kay Bagyong Odette mula po sa region ng MIMAROPA, Regions VI, VII, VIII, IX and Caraga. Iyon pong ating damage assessment po, ongoing po ang ating pagsusuri. Our team, disaster manager teams are doing ground inspections po sa Eastern Visayas, Central Visayas and Caraga Region and Northern Mindanao – iyong mga areas po na unang nahagip po nitong bagyo.

The initial observations po na natanggap po natin is naging malakas po iyong bagyo. At doon sa mga areas na iyon, nakapagpatumba po ng mga bahay made of light materials, nakapagpalipad po ng mga bubong, nakapagpatumba po ng mga puno at naka-damage ng mga powerlines and telco towers. Kasalukuyan pong may mga areas po na walang kuryente at problematic po ang cellphone signals. Pero sa pag-uulat po kagabi sa ating Pangulo, may commitment po ang ating mga communication and power sectors na maibalik po as soon as possible itong mga serbisyo na ito dahil ongoing po ang inspection, assessment at pagkukumpuni ng mga powerlines and communication towers po natin.

Ngayong umaga po, Sir, I’m happy to report na iyong ating emergency telecommunications duo – dalawang tao po ito – from the NDRRMC level ay dumating na sa Siargao to establish satellite communication doon sa area para po ma-re-establish po iyong ating direktang pakikipag-usap sa mga disaster managers sa ground. May digital conferencing capability po kasama iyan kaya mamaya po ay magpupulung-pulong muli tayo dito sa Operations Center-NDRRMC para makibalita po doon sa ongoing operations po diyan sa ground, lalo na diyan sa Siargao.

So far po, iyong ating stranded from the suspension ng mga biyahe po, umabot na po tayo ng 5,564 passengers across po iyan sa mga puerto natin sa CALABARZON, MIMAROPA, Region V, VI, VIII, IX and Caraga. Kung maalala ninyo po, hindi naman nagkaroon ng storm signal sa CALABARZON pero nagsuspinde pa rin po ang mga puerto natin diyan dahil ang destinations po ng mga sea travels ay doon sa mga probinsiya na under storm signal.

Nagkaroon din po tayo o nakatala rin po tayo ng mga insidente po ng pagbaha, eight incidents of major flooding sa Region VI at sa Bangsamoro at nagkaroon din po ng landslide incidents diyan po sa ating Region VIII and Region XI, Sir.

GORRICETA: Sir Mark, kanina po ay nakapanayam namin si Southern Leyte Governor Mercado at sinabi niya na maaaring kapusin na sila ng supply na maipantutulong sa mga apektadong residente. Paano po tutulong ang national government sa relief operations?

NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Opo. Lahat po ng mga request po ng ating mga local government chief executives ay atin pong inaasikaso na dito sa NDRRMC. Kung matatandaan ninyo po, nag-preposition po ang NDRRMC ng iba’t ibang family food packs, non-food items and standby funds along with search and rescue teams sa iba’t iba pong mga locations dito po sa ating bansa, nearest to those areas na maaapektuhan po ng bagyo.

Currently po, with these requests for assistance, ang gagawin po ni NDRRMC ay tutukuyin po ang mga specific requirements ng ating local government units at iyon po ang ating ipapadala sa kanila sa lalong madaling panahon.

Iyon atin naman pong pag-transfer ng mga family food packs ay wala po tayong puproblemahin diyan dahil kasado na po iyong ating logistical support coming from our uniformed services – the air, sea and land assets po ng ating Armed Forces of the Philippine – at mayroon din po tayong mga private sector partners and organizations na atin pong kakampi diyan na mayroong air freighters. So this is land freighter and sea freighter services.

GORRICETA: Sir Mark, according sa PAGASA, lalabas na po ngayong araw itong Bagyong Odette. Maaari na po bang payagang bumiyahe iyong mga RoRo o maging iyong mga maliliit na bangka?

NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Kapag na-lift na po ang storm warning signals in those areas ay puwede na pong mag-start po talaga ng pagbibiyahe. However po, we have to wait doon sa official na go signal coming from the Philippine Ports Authority and our Coast Guard. May instances po kasi lalo na dito sa may Mindanao areas that a number of seaports have been tagged as un-operational, meaning to say po, naka-sustain po ng damage itong mga seaports na ito. Seventy-three ports po ang reported as non-operational or suspended and zero pa po ang nag-resume ng operations.

What we are seeing po is it’s possible that our port managers are still inspecting po iyong mga na-sustain na damage or kung may napinsala po doon sa mga puerto po natin bago po magbigay ng go signal para sa pagbiyahe.

GORRICETA: Sir Mark, bilang panghuli, ang inyo pong mensahe sa mga LGU at mga residente na sinalanta ng Bagyong Odette.

NDRRMC SPOKESPERSON TIMBAL: Opo. Palipas na po ang bagyo na si Odette at iyong mga kababayan po natin sa areas po na still under the storm signal ay ibayong pag-iingat pa rin po ang ating pinapayo sa kanila; observe physical distancing pa rin po kung kayo po ay nasa evacuation center at mag-mask pa rin po tayo palagi.

Iyong mga kababayan naman po natin na nasalanta, huwag po kayong mag-alala dahil ang national government po ay hindi po kayo pababayaan; ang atin pong mga supplies ng relief ay nakahanda po na ibigay sa ating mga local government bilang dagdag sa kanilang mga supply na naunang pinamigay na po sa inyo.

Mabilis na pong kumikilos ang buong pamahalaan upang, una, mai-restore po iyong komunikasyon sa civilian population natin kasi nakadepende po ang ating mga kababayan sa mobile telecommunication. Ito po ay kinukumpuni na ng ating mga kasamahan sa telecommunications sector.

Iyong atin naman pong power sector ay nag-commit na round the clock po nilang aasikasuhin po itong pagsasaayos ng mga linya ng kuryente katulad ng Department of Energy, the NGCP at ang mga local power cooperatives natin.

Ipagpatuloy po natin ang pagtutulungan po natin para makatawid po tayo dito sa hamon ni Bagyong Odette. Ang national government po through the NDRRMC ay lagi pong nakaantabay at tutulong sa ating mga kababayan sa bawat yugto po ng ating operation.

Thank you very much po, sir.

GORRICETA: Maraming salamat din po sa lahat ng impormasyon na inyong binahagi sa umagang ito, nakapanayam po natin si NDRRMC Spokesperson Mark Timbal. Ingat po kayo, sir!

Samantala para sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan na natin si Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas:

[NEWS REPORT]

GORRICETA: Maraming salamat, Aaron Bayato.

Bagama’t may ilang mga kandidato ang nagpapahiwatig na magtutuloy umano ng mga programa ng administrasyong Duterte, muling sinabi ni Senator Christopher ‘Bong’ Go na wala pa ring napipisil na kandidatong ieendorso sa pagka-presidente si Pangulong Rodrigo Duterte. Narito ang report:

[VTR]

GORRICETA: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid po sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Mga kababayan, pitong araw na lamang po at Pasko na!

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar at Usec. Rocky Ignacio, ako po si Audrey Gorriceta. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH!

##


News and Information Bureau-Data Processing Center