Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayan sa buong mundo. Ngayon po ay December 29, ang huling Miyerkules ng taong 2021, atin pong alamin ang maiinit na isyu sa bansa at rehabilitasyon sa mga lugar po na tinamaan ng Bagyong Odette at ang posibleng epekto ng pagpasok ng Omicron variant sa ating ekonomiya. Iyan at iba pang usapin [garbled] ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Ngayon [garbled] Comelec [garbled] upang mapaghandaan ang mangyayaring botohan sa Mayo ng susunod na taon. [Garbled] ang takbo ng aktibidad na ito. Karen, may nakita na bang aberya ang Comelec sa ganitong oras pa lamang?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: [Garbled] report, Karen Villanda.

Samantala, dahil po [garbled] ng marami sa ating mga kababayan dulot po ng Bagyong Odette, muling nanawagan si Senator Bong Go na ipasa na sa Senado ang pinanukala niyang batas tungkol sa pagkakaroon ng mandatory evacuation centers, ang detalye sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Pinirmahan na ni Environment Secretary Roy Cimatu ang Administrative Order 2021-40 na nag-aalis sa nationwide ban sa open pit mining sa bansa. Alamin natin ang iba pang detalye niyan, makakausap po natin si DENR Undersecretary Jonas Leones. Good morning po, Usec.

DENR USEC. LEONES: [Garbled] mga tagapakinig sa buong Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., basahin ko po muna itong tanong ni April Rafales ng ABS-CBN: May we know the reason why Secretary Cimatu has signed the DAO lifting the ban on open pit mining?

DENR USEC. LEONES: Pinag-aralan na natin kasi iyan, Usec. Rocky. Tiningnan natin iyong mga argumento; tiningnan natin kung ano ang mga konting kailangang ma-improve natin sa mining operations, sa method ‘no. Ang mga issues dati noon ay mga environmental compliance at sabi nila destructive, at sa ngayon ay nakita natin we have already put in place mga policies that protect our environment and then, talagang naka-monitor na iyong compliance ng ating mga nagma-mining activity.

So kung talagang magba-violate pa rin sila, talagang iistriktuhan natin, talagang ipapatigil natin ang operasyon. So minarapat ng ating Kalihim na naka-put in place iyong mga policies at para makatulong naman sa ating ekonomiya so ini-lift na niya iyong open pit mining natin, open pit ban natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., mula pa rin po kay April Rafales: Netizens and environmental groups have been citing the possible impact on the environment, ano raw po reaksiyon dito?

DENR USEC. LEONES: Sa amin, nakita namin iyong mga argumento nila na sabi nila nakakasira kaya nga ang ginawa natin, may isang policy kami na in-implement na natin, iyong tinatawag nating “progressive rehabilitation”. So hindi natin sila papayagan na mag-expand ng kanilang operation kung hindi nila iri-rehabilitate iyong na-disturb na area nila; tapos ang lahat ng ano, very strict tayo. Nagkaroon nga—doon sa DAO na pinirmahan ng ating Kalihim, nakalagay doon talagang nag-create kami ng technical working group na mag-a-asses ‘no, kasama ang EMB, kasama ang MGB, ang ating mga BMB, lahat ng ahensiya natin sa DENR para to regularly monitor iyong compliance ng ating mga nagma-mining.

So gagawin natin iyan, kapag nahuli natin sila na they are not complying strictly with our policy, environmental laws and sa mga bago nating polisiya sa mining, so talagang hindi tayo mangingimi na ipasarado natin iyan. Iyan ang in-emphasize ng ating Kalihim diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni April Rafales: Does the [garbled] there are more projects ready to proceed now that the ban has been lifted? Give us more details daw po about these projects.

DENR USEC. LEONES: Oo, mayroon tayong tatlo diyan, iyong Silangan Mines, tapos iyong isa iyong Tampakan, iyong King-King. Pero ganito iyan, although naka-ready na sila, iyong ating DAO (DENR Administrative Order), Usec. Rocky, hindi siya talaga iyong strictly na open pit mining. May mga alternatibo kaming inilagay diyan sa DAO natin, kung ano lang iyong mga appropriate na methods na puwede nilang pagpilian.

So, iyong destructive na sinasabi natin talagang nakakasira, medyo binigyan lang sila ng alternatibo doon base roon sa ating DAO. So, hindi naman talaga iyong dati natin talagang napapabayaan natin iyong mga mining companies na magmina na nasisira iyong ating kapaligiran. Pero dito sa ating DAO, talagang masusi naming pinag-aralan kung ano iyong dapat na gawin nila at ano iyong mga compliance na dapat nilang sundin para masiguro natin na hindi nila masisira iyong ating kapaligiran.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., noong 2017 din na mismong si Pangulong Duterte po ang nag-turndown sa proposal ng Mining Industry Coordinating Council na i-lift iyong ban na ito dahil aniya, “It is destroying the soil at walang corrective measures kaagad.” Ano po ang naging pag-uusap between Secretary Cimatu at President Duterte tungkol dito?

DENR USEC. LEONES: Ang sa amin pinag-usapan natin iyan, unang-una kasi talagang hindi natin akalain na magkakaroon tayo ng problema sa ekonomiya dahil sa pandemic natin. So, talagang hirap tayo, hirap iyong ating bansa diyan.

Nakita natin ang problema lang natin talaga ay iyong compliance ng ating mga mining companies, so kung gagawin natin na talagang istrikto. Alam mo, Usec. Rocky, itong ating mining resources, mineral resources dito sa Pilipinas, wala pa, mga less than 3% pa lang ang nakukuha natin diyan eh.

So, ibig sabihin, wala naman tayong pagkukunan. Kung ma-utilize natin, maha-harness natin iyong resources natin, malaking bagay para sa ating ekonomiya. Pero kasama niyan na payagan natin sila na magmina sa ating bansa pero kailangan din nila iyong responsibility na maprotektahan ang ating kapaligiran at saka dapat mag-comply sila sa ating mga environmental laws.

Iyon lang naman ang naging issue doon eh, kasi may mga mining companies daw na sinasabi nila for profit lang, disregarding iyong ating environmental laws. Pero ngayon, sa time ni Secretary Cimatu, tiningnan natin lahat iyon. So, double purpose na ito – we will be strictly enforcing our environmental laws and at the same time, this can pump up our economy kapag napayagan natin iyong mga responsible mining companies dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Ihabol ko lang po iyong tanong ni Sam Medenilla sa inyo ng Business Mirror, Usec. Leones: Ilang jobs at government revenue po ang expected na maki-create with the resumption of open mining pits?

DENR USEC. LEONES: Sa ngayon, wala akong figure dito, Usec. Rocky, diyan kasi nga apat na mining companies, hindi pa naman sila nagsisimula eh. Basta mayroon [kung] tayo, ang makukuha natin diyan, ang projected natin kung magsimula na iyong apat na iyan siguro mga nasa 120 billion ang makukuha nating additional income. Pero iyong sa jobs, hindi pa, wala akong figure ngayon but of course the MGB can later on provide kung ilan ang expected na jobs na ma-create ng ating mining companies/mining operation.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., paano daw po masisiguro na hindi muling maabuso ang ating kalikasan kapag daw po nag-resume na ng open pit mining sa ilalim ng bagong Administrative Order na ito?

DENR USEC. LEONES: Ngayon, iyon ang aming priority. Sa Administrative Order na ito nakalagay diyan ay marami na kaming mga groups na pupuwedeng mag-monitor ng performance ng ating mining companies.

Unang-una, iyong MITC, they will be conducting regular audit dito sa performance ng ating mga mining companies. Itong mga expert ang titingin para kung talagang nagko-comply sila sa ating environmental laws at nag-ii-implement sila talaga ng mga methods na environmentally acceptable.

And then second, sa DENR, within the DENR, sa DAO na iyan makikita ninyo na mayroon kaming regular monitoring ng mga ahensiya natin na nag-e-enforce ng environmental laws like EMB, MGB and BMB (Biodiversity Management Bureau) para kung talagang they are really following ang ating mga procedures at iyong kanilang commitment to protect the environment.

Ngayon, makakaasa po ang ating mga kababayan na kapag may mga violations kaagad iyang mga mining companies na iyan, talagang hindi na po natin papayagan silang mag-operate pa. So, ito naman ang usapan ng ating mga kasama sa mining sector na dapat puwede silang mag-extract ng ating mineral resources but at the same time they should be responsible also in protecting it.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tungkol naman po sa Typhoon Odette ano. Sa ngayon ay natukoy na po ba ng DENR ang mga No Build Zones sa mga lalawigang sinalanta ng bagyo? At paano po ang koordinasyon ninyo sa mga LGU tungkol dito?

DENR USEC. LEONES: Alam mo, Usec. Rocky, matagal na kaming nag-ano diyan, matagal na naming naimapa iyan sa ating MGB. Gumawa na kami ng tinatawag na geohazard mapping diyan. So, alam na natin sa buong Pilipinas kung ano iyong mga areas na talagang landslide prone, flood prone areas.

So, ibinigay na namin sa local government units iyan para matingnan nila kung saan iyong mga safe na lugar na ma-resettle iyong ating mga communities. It’s just a matter of really updating and really reminding our local government units that they should use that map as their basis to determine iyong mga areas na kung saan nila puwedeng i-relocate ang ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tungkol naman po dito sa dolomite beach, kumusta po ang naging reopening nito simula kahapon hanggang ngayon araw? Ano pong mga pagbabago ang ipatutupad ng DENR para hindi na po maulit ang naging pagdagsa dito ng napakaraming tao kagaya po noong nakaraan, Usec.?

DENR USEC. LEONES: Sa ngayon, okay, maganda naman iyong turnout kahapon. Medyo kaunti lang ang pumupunta kasi nga naka-online booking kasi ang ini-implement natin para ma-ensure natin iyong dating crowd. So, ginawa natin ito para wala na tayong mga pilahan diyan sa labas at iniiwasan din natin iyong transmission ng Omicron, ng COVID-19.

So, sa ngayon, okay pa naman kasi ni-limit na lang natin per oras ang pagpunta ng mga tao doon, Usec. Rocky, eh. So, at a given time, say for example, 6:30 – 7:30 ang kaya lang natin papasukin doon ay 300 katao and then they will be given the chance to see the area for one hour, mag-picture-picture sila doon and then after one hour palalabasin na sila and then aayusin natin to prepare the dolomite for the next batch.

So, every hour mayroon lang kaming tinatanggap na 300 para maiwasan natin iyong naging lesson natin last time na talagang nagdagsaan at maraming pumunta doon. So, ngayon ang ginagawa natin, nili-limit na natin iyong mga visitors, ‘no, nagbo-book sila.

Napakadali lang naman eh, pumunta lang sila sa aming website and then o kaya nasa-gate sila, scan lang nila iyong QR code doon, so puwede na silang mag-register at mako-confirm kaagad iyong kanilang pagpasok doon sa dolomite area.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., January 4 daw ay permanente na po bang magbubukas ito sa publiko? At ano po ang proseso ng pagpunta dito at sinu-sino lang ulit iyong papayagang makapasok? Ang sinabi ninyo nga po mga hanggang 300 lang per day po ba iyon?

DENR USEC. LEONES: Oo. Sa ngayon, itong 28-29, last day namin ngayon, tinest (test) lang namin iyong sistema. We want to perfect iyong system para sa January medyo maayos na. So ganoon, iyong papasukin lang natin dapat fully vaccinated and then dapat 12-years and above. Iyong eleven pababa hindi natin papayagan. So, ito lang iyong talagang mahigpit tayo para naman maging compliance with the health protocols ng IATF.

And then, bawal pa rin iyong ipinagbabawal nating mag-swimming dahil nga [unclear] iyong water quality niyan. And then bawal din magdala ng mga pets. So, iyon lang. Bawal magkalat at bawal kumuha ng mga dolomite sand doon para hindi naman masira iyong ating project doon.

So, basically, iyon iyong aming mga requirements doon, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., dagdag mensahe na lang po para sa ating mga kababayan. Siyempre, iyong mga pupunta diyan sa dolomite beach na iyan, alam naman po natin na talagang mahigpit iyong programa ng pamahalaan dahil may Omicron variant. Go ahead, Usec.

USEC. JONAS LEONES:  So, ito in-open—talagang pinayagan na po ng ating Kalihim Roy Cimatu ang pagbubukas ng Dolomite [Beach] para mabigyan din ng alternatibo ang ating mga kababayan na may puntahan hindi lang Luneta, hindi lang Manila Zoo, pero itong Bay Walk in-open natin. Libre po ito para sa kanilang lahat.

Ito po iyong magandang proyekto ng ating pamahalaan sa ilalim po ng ating Pangulong Duterte at ang ating Kalihim at lahat po ng ano, tulong-tulong po dito ang inter agency lahat ng NCR agency ng pamahalaan pati na ang local government. So, ingatan po natin at tangkilikin po natin iyong magandang proyekto na ginawa ng ating pamahalaan diyan sa Bay Walk at sa Manila Zoo.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon at mga impormasyon, DENR Undersecretary Jonas Leones.

USEC. JONAS LEONES: Salamat po. Salamat po, USec. Rocky, at Happy New Year po.

USEC. IGNACIO: Happy New Year din po.

Samantala, base po sa ulat ng Department of Health kahapon: Nadagdagan ng 421 ang mga bagong nahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas kaya sa kabuuan umabot na ito sa 2,839,111 cases; 2,778,148 naman po ang lahat ng mga gumaling matapos madagdagan ng 248 new recoveries kahapon.

Nakapagtala din ang DOH ng [garbled] bagong nasawi dahil sa COVID kaya bahagyang umakyat sa 51,213 ang total deaths. Sa kasalukuyan nasa 9,750 ang total active cases sa Pilipinas katumbas po iyan ng 0.3% ng total cases.

Samantala, naglabas naman ng paalala ang Department of Health para mapigilan ang pagkakaroon ng community transmission ng Omicron variant sa Pilipinas. Sa inilabas na bagong Department Circular ng Kagawaran, pinaalalahanan ng mga nagmamay-ari at namamahala ng mga establishment, mga pampublikong lugar at maging mga pampublikong transportasyon na siguruhin fully vaccinated at may booster shots na ang 100 porsiyento ng mga empleyado nito.

Iminungkahi rin ang pagkakaroon ng work from home option sa mga trabaho hangga’t maaari at siguruhin mahigpit na nasusunod ang minimum health protocols. Pinaalalahanan din ng DOH ang mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang pagpapatupad ng PDITR plus strategy gayundin ang mga public at private hospitals na maging handa at siguruhing kumpleto ang mga PPEs ng mga health care providers.

Ang mga paalala naman po ng DOH sa publiko kumpletuhin ang pagbabakuna kabilang ang booster shot para proteksiyon sa anumang variant ng COVID-19 at manatiling magsuot ng face mask, maghugas ng kamay at dumistansiya sa matataong lugar.

Hanggang ngayon po ay nananatili ring problema ang… iyong kumpirmadong kaso ng Omicron variant na nakapasok na sa Pilipinas at sa patuloy pang pagkalat niyan sa ibang bansa.

Pinangangambahan po ang posibleng epekto nito sa global economic projection sa susunod na taon. Ano nga ba ang ibig sabihin niyan para sa business sector sa Pilipinas, kaugnay po niyan makakasama po natin si Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion. Magandang umaga po, Sir Joey.

SEC. JOEY CONCEPCION: Magandang umaga, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, ano pong posibleng maging impact nitong pagpasok ng Omicron variant sa Pilipinas, sa ekonomiya natin? Hindi pa tayo fully recovered pero ito naman po ang bagong banta ng bagong variant Sir Joey.

SEC. JOEY CONCEPCION: Well, USec, you know ang ginawa ng private sector last year noong nag-lockdown tayo ng August 8 ay malaking bagay iyan kasi iyong last quarter naligtas natin at iyong mga negosyante ay kumita dito sa Christmas season, talagang mataas ang benta nila halos 80% of pre-pandemic.

So—at ang mga kaso natin kahit tumataas, bumababa dahil iyong mobility sa fourth quarter siyempre tumaas. Now, pagdating ng first quarter nitong taon na 2022 siyempre hihina iyong mobility sa first quarter kasi ubos na iyong mga pera nila sa gastos sa mga regalo mga family gatherings and that’s the normal pattern.

So, I expect in the first quarter iyong level of infection baka humina rin. Now, dito sa ginawa ng government and the private sector na talagang ang baba ng mga kaso is an advantage hindi katulad sa ibang bansa halos they were battling with Delta then pumasok ang Omicron kaya nahirapan sila.

Pero, sa Pilipinas our cases on Delta are very low and moving forward ang ginawa natin—ang dami ng bakunang dumating, iyong Astra Zeneca katatapos lang mag-deliver ng mga bakuna ngayon. So, were finished and of course Moderna will complete also this month and we have close to 200 million dosage that has arrived and are continuing to arriving.

So, would be have the ammunition to really ensure that we will be protected. Number two, iyong booster shots dati six months siya ngayon three months, so from your last dose, your second dose of your vaccine, three, after that you can have your booster.

So, right now iyong private sector kasi tinapos namin iyong AstraZeneca noong bandang September, October, by January we were already implementing the booster shots which will further enhance the immunity of our employees. So preparado tayo, we are prepared because our cases are low; while it’s moving a little higher its part of the greater mobility.

We have to continue to max the vax. Iyong programa natin sa private sector max to the vax, dito nakikita natin talagang—itong mga vaccination programs natin dito sa mga probinsiya natin na talaga mababa pa ang uptake ng vaccines tumataas na rin. Although, medyo mabagal pa rin but si Sec. Vince, si Sec. Charlie, talagang they’re pushing as hard as they can to get everybody vaccinated.

So, the private sector will now come back, again because of the booster shots in the coming months ‘no, hopefully by March we should have completed all these booster shots ‘no. So, ang mangyayari dito palagay ko every three months magbo-booster shot tayo. So, that would be about three to four vaccines to be given annually.

In the private sector we’re already preparing for the order of AstraZeneca in the second sem of 2022. So lahat iyan hinahanda na namin iyong mga bakuna natin because that is the weapon that we will use against… even Omicron. Now nakita natin sa South Africa [garbled] sabi ni Father Nic [Austriaco] na iyong Omicron while highly infectious and talagang ang bilis niya its much milder.

So, what is the strategy there? Is that we should not get scared, kung tumaas man iyong infection natin tignan natin kung napunuan ba ang hospital, kung hindi napunuan ang hospital that means many people are getting well at home. So let’s not panic. Now do we move are alert level 2 to alert level 1? My suggestion is no, let’s stay where we are because everybody during the last quarter this Christmas season did extremely well and 80% of pre-pandemic sales ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, sa palagay ninyo ay hindi po ito magdudulot ng malaking adjustment na gagawin ng ekonomiya natin ito pong pagpasok ng Omicron variant mula po sa little industries hanggang po sa manufacturing companies kahit po na alam natin na naka-survive po naman tayo sa Delta, Sir Joey.

SEC. JOEY CONCEPCION: Well, it is all about preparation and I think we are best prepared right now, may mga lugar na hindi gaanong as prepared kasi mababa iyong vaccination levels natin kaya hinihiling ko sa DOH na importante rin na matuloy iyong mga data na lumalabas dito sa vaccination levels dito sa iba pang lugar ng LGU kasi iyong Go Negosyo pina-publish namin iyan sa mga lahat ng diyaryo, iyong mapa ng Pilipinas at nakikita natin dito ang mga lugar na talagang mataas ang vaccination at iyong mga lugar na hindi pa mataas ang vaccination.

So, we have to put pressure on our LGUs to push harder ‘no but not only the vaccines but even the booster shots. So, that is the best way to prepare and while our cases are low and it is low, I mean as slight uptick is normal when we have mobility we should not stop, we should continue ‘no and the private sector as I said will come in and support. So, I am optimistic ‘no even with Omicron there might be a possibility that Omicron might be a blessing in disguise na it might milder as we can see in South Africa, milder cases and people will get well at home katulad ng flu hindi ba we have to take the flu shots.

Where do we go, we don’t go to the hospital for a flu unless talagang malubha na and if it shall severe cold then we get in to the hospital baka mangyari iyan dito sa Omicron rin eh, tignan natin kasi iyong mga iba diyan, in US are sharing their experience na it is mild, highly infectious talagang ang bilis ng pagtaas ng infections level. Pero, the hospitals are not you know being overwhelmed.

So, tignan natin kung mangyayari din dito sa Pilipinas, in the next two or three months makikita rin natin iyan. But I optimistic that 2022 will be a much better year, we’re much more prepared, we have the vaccines, we have the whole structure we know what to do the two, private sector and the government are working very well together. So, let’s just continue and accelerate and vax to the max.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Joey, may tanong lang po iyong kasama natin sa media ano po. Tanong sa inyo ni Red Mendoza ng Manila Times: With a possibility of a case increase over the next few weeks, is the business sector bracing for the worst-case scenario of decreasing their capacity or worst an Alert Level 5/lockdown due to the Omicron variant?

SEC. CONCEPCION: Well, tingnan natin. Ang approach naman dito sa lockdown natin, granular approach, nasa Alert Level 2. If we have to slide to alert level 3, what can we do?  But I think on the first quarter parang magiging Alert Level 3 na iyan, kasi hihina iyong mobility eh. Normally first quarter is the weaker quarter of the year, kasi inubos na ng mga tao iyong mga pera nila, so there will be less mobility. Makikita natin iyan sa fourth quarter talagang bumulusok ang mga tao, lumabas sila, nag-party, lahat iyan. So kasama iyan sa festivities ng Christmas.

Pero sa first quarter, normal hihina na rin iyan. And with regards to face-to-face classes, sinabi ko kay Sec. Galvez na unless the children are fully vaccinated, we should not open face-to-face classes. All students must be fully vaccinated for face-to-face classes. We should not allow unvaccinated children to go to face-to-face classes, because that might add in to our problems. So, I think sang-ayon naman iyan, pati iyong may-ari ng eskuwela that everybody including teachers, students have to be fully vaccinated if face-to-face classes would be allowed.

USEC. IGNACIO: Sir Joey, tanong naman po ni Ivan Mayrina ng GMA News: With the current trend daw po in COVID-19 numbers, are businesses still pushing for a shift to Alert Level 1? Although may binanggit na po kayo kanina niyan, baka may dagdag lang po kayo, Sir Joey?

SEC. CONCEPCION: No, hindi na, kasi I think we have to be conservative. Nakikita natin na talagang the Omicron is really coming in slowly, pero ang tingin ko naman the business sector is best prepared. Now, moving to Alert Level 1 does not really help. Kasi sa first quarter naman, hihina naman ang benta natin.

So, hintayin na lang natin, kasi mobility is the one that creates an uptick also in cases. So, with lesser mobility, I’m sure our cases will not accelerate as fast. If the Omicron does come in, huwag tayong matakot, tingnan muna natin kung ano ang mangyayari dito. Kung nai-infect ay mild cases at gumagaling naman sa bahay nila, mas tumaas iyan ng 1,000, 2,000. Pero kung hindi napupuno ang hospital at wala namang namamatay, kasi halos lahat fully vaccinated, then let’s not worry. That’s the start of learning to live with COVID-19.

And hopefully this pandemic in the year 2022 will towards being endemic and that is what we want to achieve. And I think this is the best time that we are best prepared. And of course, gamitin natin iyong mga facemask natin. I think that is the most important thing that a country can do. Kasi ang nangyari sa Amerika at Europa noong bumagsak ang mga kaso, tinanggal nila ang mga facemask kaya bumalik.

So we should be always vigilant and continue to do that. Let’s continue to follow the protocols. Dito sa mga high risk business establishments, mga restaurants and spa and salon, hingin natin iyong bakuna card ‘no. The are some restaurants and spas and salons na nakakalimutan nilang hingin ang bakuna card. Sa Amerika, istrikto sila sa mga bakuna card upon entry. No vaccine card, no entry dapat at ituloy natin iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey may tanong lang din iyong kasamahan natin mula naman po kay Celerina Monte ng NHK Manila: You said that there could be three to four booster shots per year. Who will shoulder the booster shots next year and the coming years?

SEC. CONCEPCION: Well, at this point in time may mga dumarating kaming mga bakuna, nandito na, AstraZeneca, ang dami noon, kasi iyong donation ng government binalik sa amin, so magagamit namin iyan pang-booster sa mga empleyado namin. And then, we are on the second half. We are also looking at the private sector securing our booster shots. Pero hindi naman lahat ng companies na may kaya na bayaran nila ang booster shots, kasi iyong mga MSMEs, they will rely on the LGUs. Iyong mga malalaking corporations may continue to buy these vaccines ‘no.

And as I said, we are already preparing for the second half of next year. But I think the government will still pay for bulk of the cost of [unclear] initiatives. So mahirap po na isarado natin ang economy. Paano iyong ready ng government, halos walang magbabayad ng tax, kasi sarado ang economy, walang income. So, it will affect the national government and to sustain this war against COVID. We need the resources to be able to fund all these purchase of vaccines, itong mga bagong pills na darating to help fight the COVID, this new drug done by Pfizer, etcetera, meaning other drug companies. This will cost a lot of money.

USEC. IGNACIO: Sir Joey, may tanong po ulit si Sam Medenilla ng Business Mirror, ito po ang tanong niya: Nabanggit daw po ng DOH na medyo bumababa na iyong efficacy ng current generation of COVID-19 vaccines sa new variants. May attempt na po kaya nag private sector to procure new kinds of vaccines against COVID-19?

SEC. CONCEPCION: Yes, so dito sa AstraZeneca, kinausap ko ang CEO ng AstraZeneca, si Lotis Ramin, iyong mga bagong reformulated para sa mga bagong variants will come towards the second semester next year, mga July onwards. So iyon ang hinanda namin, we are planning to get the private sector to place this order hopefully by February and that is what we are working on at tuloy pa rin eh, papayag naman si Sec. Galvez dito sa pagbili ng mga private sector. Pero, even the national government will be buying the vaccines and they will be looking at these reformulated vaccines that can protect us from the new variants. So, we are preparing for it.

USEC. IGNACIO: Second question po niya, Sir Joey: Kakayanin po kaya ng business sector to continue giving booster shots every quarter or will it need support from the government to implement this?

SEC. CONCEPCION: Well, sa ibang corporations na may kaya, they will continue, pero marami din diyan nahihirapan rin sa sa tuluy-tuloy na pagbili ng mga bakuna especially the small and medium enterprises. So kailangan natin diyan ang tulong ng government. If we continue to shut down the economy, siyempre more companies will not be able to afford all of these pati iyong national government. Kaya we have to find a way na talagang ikumbinsi natin lahat ng mga kasama natin dito, mga citizens natin na kunin talaga ang bakuna with the sense of urgency. Huwag tayong magbagal-bagal. We have to make sure that our level of immunity continues to be at the highest level, kaya binaba nila sa three months. Now move with a sense of urgency, kasi nakasalalay dito iyong mga buhay at kabuhayan ng mga tao natin. So if we want 2022 to be a much better year, we have to do our part.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion. Happy New Year, sir.

SEC. CONCEPCION: Salamat, Usec. Rocky, and Happy New Year.

USEC. IGNACIO: Samantala, patuloy po ang pagtulong ng pamahalaan sa mga nangangailangan nating kababayan sa pamamagitan ng mga Malasakit Center na itinatayo sa bansa. Mensahe ni Senator Go huwag mag-atubiling lumapit sa mga ito para maproseso ang libreng serbisyong medical. Panoorin po natin ito.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Hanggang ngayon po ay nanatili pa ring problema ang kawalan ng supply ng kuryente sa mga lalawigan tinamaan ng Typhoon Odette. Bagama’t naibalik na ang power line sa maraming lugar may ilan pa rin po ang posibleng umabot pa sa Pebrero ang pagbabalik ng supply ng kuryente. Bakit kaya? Alamin po natin iyan mula kay Attorney Cynthia Alabanza, ang tagapagsalita ng National Grid Corporation of the Philippines.

Good morning po Attorney. Attorney can you hear me? Good morning po. Okay, babalikan po natin si Attorney.

Samantala, matagumpay po ang ika-limang taong selebrasyon ng Diwin Festival sa Barangay Bila, Mountain Province na [garbled] making. Isang hakbang ito tungo sa pagbangon sa tourism village mula sa epekto ng kasalukuyang pandemya. May report si Hannah Sungduan:

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Attorney Cynthia Alabanza, ang tagapagsalita ng National Grid Corporation of the Philippines. Good morning po Attorney.

ATTORNEY CYNTHIA ALABANZA: Magandang umaga po, pasensiya na po at naka-mute pala ako kanina. Pasensiya na, good morning po.

USEC. IGNACIO: Opo, wala pong problema. Attorney, sa ngayon po ay ilang power lines na po itong na-restore ng NGCP sa mga affected areas ng Typhoon Odette at ilan pa po iyon kasalukuyang inaayos?

ATTORNEY CYNTHIA ALABANZA: Well, kung sa bilang po ng facility o linya na apektado ng Odette, 95 po iyong bumagsak noong kasagsagan ng bagyo. Pero, right now po nasa 83 or 87% na po ang restored. So, marami-rami na rin po ang ating naayos mula noong bumagsak iyong Typhoon Odette two weeks ago, 13 days ago po. Sa kasalukuyan po ang natitira na lang na walang transmission service ay ang NORECO sa Negros Oriental, ang Southern Leyte po at ang Bohol, hindi pa po kumpleto ang kanilang transmission services.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyon nga po ang ating susunod na tanong. Bakit po ganito, na may mga unavailable transmission lines pa rin sa ilang lugar at ano po ang ginagawa ng NGCP para po ma-restore ito kaagad-agad?

ATTORNEY CYNTHIA ALABANZA: Actually po, iyong damaged na dala ni Odette, napakalaki po 12 tore at 820 na transmission poles, ito lang po iyong damage na tinamo ng mga pasilidad ng NGCP, hindi pa po dito kasama ang bilang ng mga poste na tumumba doon sa lugar po ng mga kooperatiba’t distribution utility o iyong nagdadala po ng kuryente diretso sa mga household.

So, kung sa NGCP po na backbone ay ganoon na po kalaki ang tinamong pinsala, mas marami pa rin pong pinsala nadulot ng bagyo dito sa mga kooperatiba bukod po diyan iyong ating challenge dito sa Visayas area, malaki rin po. Noong mga unang araw mahirap ang komunikasyon, marami rin hong mga kalye na dinadaanan ng mga restoration teams na hindi po madaanan pati na rin po iyong kakulangan ng fuel o gasolina, krudo na ginagamit rin ho ng mga vehicles for restoration.

Pero, ngayon po ay pilit po natin tatapusin ang restoration bago po magtapos ang 2021 pero gusto ko lang pong linawin na iyan po ay sa transmission side lamang hindi pa po diyan kasama iyong sa distribution at ang hirap din po ng kanilang hinaharap na trabaho. 

USEC. IGNACIO: Attorney, sa mga na-restore po na power lines ibig sabihin o nangangahulugan po ba ito na steady na iyong supply ng kuryente o hindi pa rin. In case hindi, bakit po?

ATTORNEY CYNTHIA ALABANZA: Doon sa mga lugar na 100% na po ang transmission services na na-restore natin, ang ibig sabihin po niyan paghanda na ang mga kooperatiba at distribution utility at mayroon naman pong supply ng kuryente na manggagaling dito sa mga power generators maita-transmit na ho natin sa iba’t-ibang lugar ng isang isla.

Kagaya po sa isla ng Cebu, bandang bago po mag-Pasko na-restore na natin iyong transmission services sa lahat po ng kooperatiba sa Cebu. Pero po ang nomo-monitor lang natin na gamit ay nasa 30%, ibig sabihin po only 30% ng mga konsumante or consumers household level, commercial level sa Cebu ang nakakuha ng kuryente dahil nga po talaga napakalaki rin ng damage ng mga kooperatiba sa kanilang sistema.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa ngayon saan pong mga lugar na nag-install po ng emergency restoration system ang NGCP?

ATTORNEY CYNTHIA ALABANZA: Right now po ‘no, sa mga lugar na mino-monitor natin ang buong Mindanao po, lahat po na apektado ng Mindanao na restore na natin. Dito po sa Visayas, ang natitira na lang na partial o bahagya pa lang na serbisyong pang transmisyon ay ang Negros Oriental, ang Bohol at ang Southern Leyte. Iyang mga lugar na po iyan ang target natin for restoration ng transmission services ay 31 December. 

Kahapon lang ho natin nailawan ang Surigao Del Norte at Surigao Del Sur, ahead of schedule po iyan. So, ako po ay nagpapasalamat sa aming mga linemen na nag-Pasko na po at mukhang magba-Bagong Taon pa on the field kasi talaga po ang kanilang challenges, iyong mga hadlang na kanilang hinaharap at ang trabahong hinaharap nila ay napakalaki po. 

USEC. IGNACIO: Attorney, sa Bohol ay tama po ba na tinatayang aabot pa hanggang February 2022 bago po tuluyang ma-restore ang power supply doon? 

ATTORNEY CYNTHIA ALABANZA: Sa Bohol po maraming challenges ang sistema ng Bohol dahil po siya ay nakasalalay sa koneksiyon niya sa Leyte para sa bulk supply. Ibig sabihin po bagama’t may mga planta sa loob ng isla ng Bohol, hindi po sapat ang ginagawang kuryente nitong mga plantang ito para tugunan iyong kabuuang pangangailangan ng Bohol para sa kuryente.

So, mayroon pong inter-connection mula Bohol papunta sa Leyte at doon po ang pinanggagalingan nitong bulk power. Sa kasamang-palad mayroon pong 2 napakataas na tore, special structures po na hindi po pangkaraniwan ang taas na pinabagsak nitong Odette at iyan po iyong 2 tore na iyan na nagkukonekta po sa Lapinig island at ang Bohol mainland. 

So, iyan po medyo matatagalan ang restoration niyan but in the meantime ang gagawin po ni NGCP susubukan po natin buuin iyong sistema sa loob ng Bohol na hindi pa po konektado sa Leyte para po iyong mga power plant na handang magbigay ng kuryente sa loob ng Bohol mapapaikot po natin. Iyan ho ang tinatawag namin islanding operation o iyong sistema na nasa isla lamang at hindi pa siya konektado sa main transmission grid.

So, ang target  po natin iyang islanding na iyan ay bago magkatapusan ng buwan, bago mag-December 31, iyong pag-restore po ng connection dito sa Leyte para po makakuha siya ng bulk power.

Pinag-uusapan ho namin sa mga kooperatiba rin para magsabay ho kami na bago ho, mai-ready namin ang connection na iyan pag sila po ay handa na ring tumanggap ng kuryente. Pero, ginagawan na ho ng NGCP ng paraan iyang mga special structures na iyan para maikabit na ang Bohol dito po sa Leyte.

USEC. IGNACIO: Attorney, since lagi pong dinadaanan ng bagyo ang mga apektado lugar ngayon ng Bagyong Odette, may gagawin po bang changes ang NGCP para matiyak na typhoon resistant na ang mga linya ng kuryente natin?

ATTORNEY CYNTHIA ALABANZA: Magandang tanong po iyan ano. Kung mapapansin po natin dahilan na rin po iyan siguro sa climate change noong mga nakaraang 10 to 15 years dumadami na ho at halos kada taon ang pagdaan nitong mga super typhoon o iyong mga signal number 4 pataas. So, unti-unti na rin ho nating ina-upgrade itong wind rating o iyong lakas o iyong kakayahan ng isang instraktura na tumagal sa harap ng napakalakas na hangin.

So, iyong mga dinatnan ho namin, mayroon ho silang mga wind rating na minsan 180, minsan 240 po pero iyong itatayo ni NGCP na permanent restored towers iyan po iaakyat na natin ang wind rating hanggang 300 kilometers per hour po para mas tumibay siya at mas tumatag siya sa mga darating pang super typhoon.

USEC. IGNACIO: Okay. Attorney, kunin ko na lamang iyong mensahe mo sa ating mga kababayan na naghihintay na maibalik ang kuryente, ang supply ng kuryente sa kanilang mga lugar. Go ahead Attorney.

ATTORNEY CYNTHIA ALABANZA: Opo. Ang NGCP po gusto ko lang iparating sa lahat ng mga apektado ng Bagyong Odette, wala hong tigil ang pagtatrabaho ng aming mga tao, mga linemen na nasa field ngayon. Nasa 1,100 line personnel na po ang nakakalat sa buong Visayas at Mindanao no, natapos na po iyong sa Mindanao na wala pong tigil. Sa field na po sila nag-Pasko at karamihan po sa kanila sa field na rin po magbabagong taon.

Ginagawa ho namin ang lahat ng aming makakaya para maibalik ang serbisyo sa inyong mga kooperatiba at alam ko ho katulad ng NGCP na nagtutulungan na ho iyong aming iba’t-ibang region. Mayroon ho tayong mga linemen sa South Luzon na bumaba na rin po sa Visayas at Mindanao para tumulong.

Ganundin po ang mga ginagawa ng mga kooperatiba, sila po ay natutulungan iyong mga kooperatiba na hindi masyadong apektado o hindi apektado nagpapadala na rin po sila ng tao dito sa Visayas para magtulungan po sila at mapabilis ang restoration. Sana po ay—humihingi po ang NGCP ng konti pa hong pasensiya, ginagawa po namin lahat ang kaya namin para mabalik ang serbisyo ng kuryente sa inyo. 

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon. Attorney Cynthia Alabanza, mula po sa NGCP. Ingat po and Happy New Year Attorney 

ATTORNEY CYNTHIA ALABANZA: Thank you po and Happy New Year also, stay safe ma’am. 

USEC. IGNACIO: Salamat po. Samantala, alamin naman natin ang report sa Davao, may report si Julius Pacot:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito hanggang bukas pong muli, ako po si USec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)