Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao; isa pong makabuluhang umaga muli ang ating pagsasaluhan ngayong December 28, araw ng Martes, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

Hatid namin sa inyo ang mga napapanahong impormasyon tungkol po sa pagbangon ng mga lugar ng lubhang apektado ng Bagyong Odette, ganoon din po iyong paghahandang ginagawa ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ngayong nalalapit na po ang Bagong Taon. Simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Magandang balita po: Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hanggang sa sampung libong pisong insentibo para sa mga civilian government employees at uniformed personnel dahil sa kanilang hindi matatawarang serbisyo. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dahil po sa pasakit na idinulot ng Bagyong Odette sa Kabisayaan at Mindanao, nakakalungkot dahil nauwi po sa looting o pagnanakaw ang ilan nating kababayan, alamin po natin ang detalye tungkol dito mula kay PNP Spokesperson Col. Roderick Augustus Alba. Magandang umaga po, Col.!

PNP SPOKESPERSON COL. ALBA: Good morning, Usec. Rocky at sa ating tagapakinig. Magandang umaga po sa lahat. And Merry Christmas, ma’am!

USEC. IGNACIO: Opo. Merry Christmas din po sa inyo and a Happy New Year. Col., naglabas po ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahang mabuti ito pong reported looting incident sa mga lugar po na sinalanta ng Bagyong Odette. Ilan na po ba sa kasalukuyan ang napatunayan na nagkaroon nga po ng looting incidents at saan pong mga lugar ito?

PNP SPOKESPERSON COL. ALBA: Usec. Rocky, actually nakarating sa amin iyong information na iyan regarding looting. But unfortunately, until today ay wala tayong na-receive officially ‘no na dumulog sa ating mga police stations particularly sa area ng Bohol and parts [unclear] in Siargao.

Ngayon po, sa instruction ng ating Pangulo, kami naman po ay alam namin na maging positive ang epekto ng ayuda na binibigay ng ating national government that could address itong sinasabi nating looting incidents.

But of course, Ma’am Rocky, kami naman po ay we are vigilant. Kung mayroon mang nangangailangan ng tulong namin regarding kung mayroong mga who will resort to criminality ay naka-antabay lang po ang ating kapulisan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Col., sakali lang pong mapatunayan, ano po, at may ma-apprehend kayong nagnakaw dala ng pangangailangan, kagutuman na nararanasan ngayon sa mga lugar na sinalanta, sila po ba ay papatawan ng parusa o for humanitarian reason ay bibigyan lamang ng warning?

PNP SPOKESPERSON COL. ALBA: Well, titingnan po natin ang sitwasyon, Usec. Rocky. Kasi ang alam natin naman is we declared iyong … or we pushed for preemptive evacuation or even forced evacuation doon sa mga communities natin na talagang masasabi nating under threat ‘no noong kasagsagan ng Typhoon Odette.

Now, if they remained doon sa mga areas na iyon ay probably we could give some due consideration. But of course, after this time na dumating na iyong ayuda ng ating gobyerno at talagang patuloy pa ring mag-take advantage iyong ibang kababayan natin, they will resort to criminality, then of course, Usec. R0cky, there will be no excuses for it kasi apektado po—it should be fair ‘no iyong distribution ng ating mga ayuda at kung may mag-take advantage, they will be dealt with properly according to our … under our procedure, under our laws.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, isa po sa nakitang dahilan talaga ng looting incidents na ito partikular na sa bayan po ng Ubay sa Bohol ay iyon pong kakulangan sa pagkain. So ano po iyong solusyon na ginagawa ng pamahalaan at siyempre po ng PNP tungkol dito?

PNP SPOKESPERSON COL. ALBA: Well, kami naman po ay we just limit iyong aming trabaho o mandato sa pag-secure and to ensure safety ng ating mga nagbibigay ng ayuda o tulong, regardless kung galing sa gobyerno or coming from private entities, nandiyan lang iyong PNP.

On the part naman ng PNP, we also take care of our own. Mayroong mga reported kami, in fact, libo, Usec. Rocky, iyong naapektuhan din na kasamahan namin sa PNP – nasira iyong kabuhayan, iyong kanilang mga bahay, and even the structures ‘no ng ating kapulisan sa areas ng Region VII and kasama na iyong Region XIII. So kami naman po ay boluntaryong nagbibigay ng tulong doon sa kasamahan namin sa PNP na nangangailangan ng aming tulong.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, ayon po kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, ito pong looting incidents ay naganap lamang po during the early days daw po ng aftermaths ng Bagyong Odette, bago pa man po i-deploy ang ating mga pulis sa mga affected areas. Ibig sabihin po ba ay payapa na ang lagay ng mga affected areas ng bagyo sa ngayon?

PNP SPOKESPERSON COL. ALBA: You know what, for us, kung—tingnan natin sa perspektibo ‘no kasi lahat tayo ay affected lalo na iyong may mga typhoon-stricken regions na immediately iyong communication, iyong water system even iyong food supply were immediately affected. So posible pong nangyari ang mga ito just for our kababayan to survive ‘no; masasabi natin na unahin nila iyong sarili nila to survive.

But of course, we have to check on this ‘no with NDRRMC but as far as our regional offices, Usec. Rocky, are concerned, wala pong nai-report sa amin. But nevertheless, sabi ko nga, kung kinakailangan ninyo ang tulong ng inyong PNP ay nakahanda po kami at nakaantabay, at napagplanuhan na rin po iyong aming deployment sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, bukod po sa pagbabantay sa aid distribution, ano pa po daw iyong mga tulong o hakbang na ginagawa ng ating mga pulis sa mga lugar na apektado ng Bagyong Odette?

PNP SPOKESPERSON COL. ALBA: Magandang tanong, Usec. Rocky. In fact, despite sa naapektuhan iyong mga kasamahan namin doon ‘no partikular dito sa areas ng Mindanao and Visayas, despite of that our national headquarters ay nag-extend ng land, water and air assets ‘no. Even our Chief PNP led the Christmas drop off doon sa areas ng Southern Leyte, hindi niya na-spend iyong Christmas sa kaniyang mahal sa buhay but he rather spent it doon sa ating mga kababayan na kailangan ng tulong last December 25.

Of course, kasama dito, Usec. Rocky, iyong other logistics, pati manpower ‘no, pinapa-augment natin sa mga lugar ng bagyo. At kami naman – uulitin ko – kami sa PNP ay napadala ng tulong with PNP Chief Carlos. So of course, kami, ito pa, itong abiso at mandato ng ating mahal na Presidente na iyong ating PNP will be part of the contingent na tutulong sa pag-distribute ng cash aid. So as instructed by the President, we are ready. At ngayon po ay nag-aantay na lang kami ng guidelines coming from DILG as to how to do this, itong pag-distribute natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Sabi ninyo nga po, marami rin sa ating mga pulis ang naapektuhan ng Bagyong Odette. Pero nasolusyunan na po ba iyong pag-deploy sa ating mga pulis, iyon pong pahirapang pagbibigay naman ng aid distribution dahil sa kakulangan umano sa personnel?

PNP SPOKESPERSON COL. ALBA: Yes, actually, responsive iyong ating karatig na mga regions at alam mo ito, Usec. Rocky, it is on the quick judgment ng ating mga commanders on the ground. They were given freedom ng ating Chief PNP whether to request more personnel.

But ang instruction ng ating Chief PNP is for neighboring regions ‘no lalo na iyong mga napapagod nating kasamahan dito sa areas ng Region VII, Region XIII, Region VIII. So iyong karatig na mga regions are ready to augment ‘no. But as of now, wala po tayong sizeable number na malakihang deployment to augment these regions. But report ng ating mga regional directors ay they are managing the situation. Kung mayroon man, ready po ang ating national headquarters to reinforce.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, naglabas na po ng listahan naman ang PNP ng mga paputok na maaari pong gamitin dito naman sa pagsalubong ng sa Bagong Taon ano po. Ano naman daw pong pagbabantay ang inyong ipatutupad para po matiyak na wala talagang lalabag dito?

PNP SPOKESPERSON COL. ALBA: Yes. Actually, Ma’am Rocky, ito ay whole-of-government approach; it is an interagency effort at of course dapat suportahan ito ng ating mga stakeholders lalo na itong mga binigyan na ng permit ‘no, Ma’am Rocky, and our communities that they should abide with the permits given to them by the local government units.

Kami naman sa PNP, we’ll ensure na iyong Executive Order 28 in relation sa Republic Act 7183, sa pagtutulungan with the Bureau of Fire Protection, kasama iyong Department of Health to ensure that the minimum public health standards will be ensured, lalo na sa maka-attract ng maraming tao during sa pagpaputok.

So ito, Ma’am Rocky, they should limit dito sa firecracker zones duly designated by the local government units at kung ano iyong mga bawal ay talagang huwag po nilang ipilit ‘no, i-distribute or ibenta because it will be subjected for confiscation even to the arrest nang mga possessor ng mga iligal na firecrackers and pyrotechnics.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, Divisoria raw po iyong sinasabing umano’y talamak pa rin ang iligal na bentahan ng mga paputok. Paano ninyo po sinusuyod ito o minu-monitor?

PNP SPOKESPERSON COL. ALBA: Yes. Actually, ang ating MPD Director naman ay probably aware na rin sa situation. Tama iyon, kaya nga po kami ay we are adjustable ‘no, naging flexible iyong ating PNP kung saan kinakailangan marami iyong latag dapat doon. So anyway, we’ll remind iyong ating mga Directors na to enhance further ‘no iyong kanilang police presence kasi ang inaalagaan natin dito is iyong safety and security.

But sa part po ng PNP, I’d like to take this opportunity, Usec. Rocky, na kami sa PNP kung puwede nga we discourage iyong paggamit ng firecrackers during the celebration ng New Year. Kasi we have so many ways ‘no in celebrating this peacefully, without hurting somebody using firecrackers.

USEC. IGNACIO: Opo. Limang araw pa lamang po bago iyong Bagong Taon, Colonel, ay nakapagtala po ng 19 firecracker-related injuries ang Health Department. So, ano po ang aksiyon na ginagawa ninyo patungkol dito lalo na po at posible pong madagdagan pa ito habang papalapit po iyong Bagong Taon?

PNP SPOKESPERSON COL. ALBA: Yes. Patuloy po, hindi lamang sa pagpapatrolya iyong gagawin ng ating PNP – on foot, mobile man o pagsagawa ng Oplan Bandillo – ito ‘yung pag-inform ‘no in a wider—iyong lahat ng platforms – social media, pakipag-usap. So iyon po, palawigin natin iyong ating kampanya by using all media available. And of course we’ll enhance iyong ating operation ‘no lalo na kung may makita tayong violation ay immediately po ay kumpiskahin at arestuhin kung kinakailangan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ano po iyong karampatang parusang nag-aabang naman sa mga lalabag sa inilabas ng Pangulo na regulasyon dito po sa paggamit ng firecracker, Colonel?

PNP SPOKESPERSON COL. ALBA: Yes. Actually I’m not very privy sa specific provisions of the law. But what I can tell you is mayroon pong [kapangyarihan] ng pag-destroy ‘no, iyong pagsira nitong mga paputok na ito at kasama din iyong pag-fine or pag-file natin ng kaso in relation sa ating executive order or any existing ordinances ng ating local government units.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, paano po mangyayari naman o ang ginagawang paghahanda po ng PNP dito po sa pagsalubong sa Bagong Taon? Mag-iikot po ba kayo para matiyak ito pong sinasabi natin na nai-implement po nang maayos itong community fireworks display?

PNP SPOKESPERSON COL. ALBA: Yes, tama iyon. Kami po ay makipag-ugnayan sa ating DILG through our local government units kung saan iyong mga firecracker zones, we will render security ‘no to ensure. Ang dalawa kasing tinitingnan natin, Usec. Rocky, iyong criminality concern – iyong mga snatching ‘no, kung ano pang mga crimes na mangyari diyan dapat po ay visible iyong ating kasamahan sa Philippine National Police and to continuously remind ang ating kababayan kasi hindi lang criminality, but to ensure iyong minimum public health standard. At of course to ensure na sa kasamahan natin sa Bureau of Fire Protection, makipag-ugnayan kami, na wala pong sunog ‘no na mangyari during the selling and distribution of these firecrackers.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, lagi na lang pong nagiging usapin kapag pumapasok itong bagong taon ito pong sinasabing pagsiselyo ng baril sa PNP. Ano po ang gagawin ninyo ngayon dito, Colonel?

PNP SPOKESPERSON COL. ALBA: Yeah. As I speak, wala pa tayong specific guidelines regarding iyong nasabi natin nakasanayan na nakikita natin na nilalagyan ng tape iyong muzzle noong firearm ng ating kapulisan. So wala pang instruction iyong ating Chief PNP but the Chief PNP is very strict ‘no sa pag-remind ‘no lalo na sa ating mga Chiefs of Police to inform all personnel on the ground na never na never pong gamitin iyong firearm na not inline po sa aming duty to serve and protect.

This also include sa reminders sa lahat ng mga gun owners na to be responsible na ito, Usec. Rocky, gagamitin iyong firearm only to protect yourself, your loved ones or stranger. So never pong gamitin ito for illegal discharge na maka-hurt o malagay sa alanganin iyong security and safety ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Colonel, ngayon pong papasok pa rin ang Bagong Taon, karamihan din sa ating mga residente pumupunta rin po sa mga probinsiya. Iyon po bang kanilang mga bahay, ano pong mensahe ninyo sa kanila, na iniiwan po nila para po laban naman dito sa mga sinasabing mga magnanakaw pa rin dahil kukunin iyong oportunidad na walang tao iyong bahay?

PNP SPOKESPERSON COL. ALBA: Yes. Usec. Rocky, paulit-ulit ito sa ating interview na sabi nga namin sa PNP – crime prevention is everybody’s business – hindi lang po business po ng inyong gobyerno o ng inyong Philippine National Police. Marami pong mga kolatilya ‘no regarding iyong pag-uwi ng ating kababayan. Usec. Rocky, ngayon iyong ating restriction level ay masyadong mababa na kaya iyong mga inumin ‘no, iyong nakakalasing ay talagang available na rin.

Ang isang tinitingnan namin is iyong road accidents. So dapat ngayon talagang mag-ingat po iyong ating mga kababayan ‘no lalo na limitahan natin iyong pag-intake ng liquor ‘no as we go home. Pangalawa po, halimbawang iwanan po natin iyong ating property, iyong ating kabahayan, we should not report real time or mag-post I mean, real time sa social media kung saan po kayo pupunta at naiwanan iyong bahay ninyo. Because that only gives opportunity ‘no or motive iyong mga kababayan natin na pagtangkaan po, nakawan or even kunin iyong buhay mo.

And of course huwag pong magdala ng napakaraming personal property – mga alahas, pera when you travel. You travel light ‘no, iyon lang po. And of course you should report, may mga hotline iyong ating Philippine National Police, sa ating e-SUMBONG platform na kailangan pong i-report kapag may nakita, maging vigilant tayo along the way, i-report kaagad so that it will not evolve into a serious crime, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Regarding naman sa sinabi ninyo nga po sa ating publiko na maging vigilant, Colonel. Sa usapin naman po ng peace order, kayo po ba sa PNP ay may nakikitang direktang banta sa peace and order ng bansa mula po sa mga teroristang grupo o sa New People’s Army?

PNP SPOKESPERSON COL. ALBA: Alam ninyo, ito ay continuous validation pa rin. Of course iyong nag-hihintay lang naman po ng opportunity iyong sinabi nating mga enemies of the state. Kami po sa PNP, along with the AFP and other uniformed service of the government are always vigilant ‘no looking after our kababayan to ensure po na maproteksiyunan tayo hindi lamang po sa banta ng terorismo o criminality but to also ensure na iyong minimum public health standard ay ma-ensure natin. We are always on our toes ‘no, Usec. Rocky, in terms of being vigilant sa part po ng PNP.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Maraming salamat po pati sa mga impormasyon, PNP Spokesperson Colonel Roderick Augustus Alba. Mabuhay po kayo, Colonel.

PNP SPOKESPERSON COL. ALBA: Usec. Rocky, maraming salamat and Happy New Year in advance.

USEC. IGNACIO: Happy New Year din po.

Samantala, magbabalik pa po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH!

Lubos po ang sakripisyo ng mga tagapagbantay sa ospital dahil malaking bahagi ng kanilang oras ang kanilang ginugugol dito, bukod pa riyan ang exposure sa sakit at para suklian ang kanilang binibigay na serbisyo namahagi ng pang Noche Buena at ilang kagamitan si Senator Bong Go sa mga hospital watchers at vendors sa Balay Pahulayan ng Southern Philippines Medical Center noong Pasko. Panuorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Nagpaplanong magsagawa ng PhilHealth holiday ang ilang mga pribadong ospital sa bansa bilang pagsuporta sa mga ospital na mayroon pang hindi nababayarang claims mula sa PhilHealth at para po pag-usapan ang magiging aksiyon ng PhilHealth tungkol diyan ay makakausap ay makakausap po natin si Dr. Shirley Domingo, ang Spokesperson ng ahensiya. Magandang umaga po, Doc. Shirley!

PHILHEALTH SPOX DR. DOMINGO: Magandang umaga po, USec. Rocky at magandang umaga rin po sa lahat po ng nakikinig sa programang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano po ang reaksiyon ninyo dito sa pinaplanong PhilHealth holiday simula January 1 hanggang 5 ng ilang private hospitals sa bansa kung saan pansamantala umanong hindi madi-deduct ang mga ospital ng PhilHealth benefits?

PHILHEALTH SPOX DR. DOMINGO: Sana po hindi po maituloy ito ng Private Hospital Association po. Sana ma-rethink nila itong call na ito kasi in the end, iyong magsa-suffer nito ay iyong ating mga members po. So ginagawa naman po lahat ng PhilHealth para makipag-usap sa kanila po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay po niyan, ito po iyong tanong ni Joseph Morong, pareho po sila ng tanong ni Miguel Aguana rin ng GMA News: Have you reached out to the Private Hospitals Association of the Philippines regarding their plan to hold a PhilHealth holiday?

PHILHEALTH SPOX DR. DOMINGO: Yes po, recently po ay nag-meeting na tayo with Dr. de Grano himself and some of the officers ‘no and also, our President rin po si Atty. Dante Gierran ay pumunta sa Iloilo para makipag-usap sa mga hospitals doon na may isyu po sa amin.

USEC. IGNACIO: Opo. So kumusta po iyong resulta ng pakikipag-usap ninyo sa kanila, Doc. Shirley?

PHILHEALTH SPOX DR. DOMINGO: Dalawa po iyon, iyong sa Region VI at saka sa [unclear], iyong sa Region VI ay mayroon silang napag-usapan na itutuloy po iyong meeting to reconcile the figures. Natanggap lang po namin recently iyong figures, so we are hoping na makapag-usap pa ulit iyong President namin doon sa hospitals sa Iloilo po.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po nila Joseph Morong at ni Miguel Aguana: How much does PhilHealth owe the private hospital at the moment and can you tell us the number of hospitals you have paid and how much?

PHILHEALTH SPOX DR. DOMINGO: Hindi ko hawak ang exact figures ngayon po but mahirap magsabi ng exact figures din because every day nagtsi-change ang figures natin. So, far po nakapagbayad tayo ng around more than P165 billion during this pandemic year and sa DCPM naman ay nakapagbayad tayo ng 11.6 billion.

Alam ninyo po everyday kasi mayroon tayong natatanggap ng average of around 39,000 claims at nakakabayad rin tayo ng weekly around 2.5 billion, so nag-iiba po iyon. Lahat ng claims na nasa amin, in process po iyon, some are still within the 60 days at some ay lampas ng 60 days, iyon po ang sasagutin ng DCPM III.

USEC. IGNACIO: Opo. Nito daw pong December 20 ay nagkaroon daw po kayo ng pagpupulong sa mga private hospitals na ito pero anila ay wala ring magandang kinalabasan itong meeting na ito, tama po ba ito? At ano po ba itong DCPM or Debit Credit Payment Method na inilapit daw po ng PhilHealth sa mga Hospital?

PHILHEALTH SPOX DR. DOMINGO: Opo. Iyong December 20 meeting ay iyon po iyong pagpunta ni President Dante Gierran doon sa Iloilo para makipag-meet sa mga hospitals, iyong six (6) hospitals po na nagsasabi mag-disengage sila.

So, iyong usapan po doon ay magbibigay sa amin ng report ang region on the actual amount kasi nag-iiba po tayo ng amount with the hospitals. Kasi, para sa kanila iyong payables namin ay kasama na iyong RTH or return to hospital at saka denied. Iyong sa amin naman, unless ma-refile sa amin ang nabalik na namin sa hospital na claim ay hindi ho natin payables iyon.

Ngayon iyon po ang DCPM, iyong Debit-Credit Payment Method is a strategy po na maibigay na sa kanila ang funds, computed funds of claims that are with us, iyong mga pending claims po habang nagpa-process po kami. So, 80% of that ay ibibigay sa kanila minus the 2% tax.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Shirley, may pahabol lang po si Joseph Morong ng GMA news: Kumusta daw po iyong naging meeting ninyo sa FEU meeting?

PHILHEALTH SPOX DR. DOMINGO: Opo. Ang sa FEU naman po ay maganda ang nangyari naman po doon ay nag-agree po sila na magtuluy-tuloy ang reconciliation meeting po. Reconciliation, ibig sabihin po noon, niri-reconcile na natin iyong amount na payable ng PhilHealth sa kanila. Kasi, iyon nga po ang sinasabi namin, iyong RTH and denied kailangan ma-account po iyon.

So, pumayag po sila na ituluy-tuloy pa ang meeting and in fact I think our regions are meeting with them if not today, then they will meet with them soon to discuss nga the amount, and then they may be amenable to availing of DCPM III.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Shirley, may pahabol pa rin pong tanong si Joseph Morong: Ano ba talaga ang problema ng PhilHealth why is there a difference in the claims and the payables of hospitals?

PHILHEALTH SPOX DR. DOMINGO: Iyon po iyong in-explain ko na earlier no, na there are some claims that are still being processed within our offices dahil hindi rin po lahat iyon ay utang na sinasabi, because some of them are still within the 60-day period. Ngayon ano ang cause ng difference is the return to hospital and the denied, because from the point of view of the hospitals, ito ay payables pa ng PhilHealth.

From the point of view naman of PhilHealth ang return to hospitals ay hindi na po payable iyan unless i-refile nila sa amin. And the denied iba po ang proseso noon, puwede pong i-appeal iyong denied na iyon but habang hindi pa settled ang denied claims na iyon ay hindi rin namin payable iyon kasi denied na nga eh. So, doon po nagkakaiba tayo in amounts with the hospitals.

USEC. IGNACIO: Doc Shirley, nasa ikatlong wave na nga po ng Debit-Credit Payment Method o DCPM. Lahat po ba ng hospital ang makaka-avail nito?

PHILHEALTH SPOX DR. DOMINGO: In the first two release of DCPM kasi at inu-offer lang ito doon sa areas na identified ng IATF as surge areas. So, there was 261 hospitals in the first place, second wave mga 127 hospital ang nakapag-avail and ngayon around 42 hospitals na ang nabayaran na sa DCPM III, but around 180 hospitals ang nag-submit sa amin ng letter of intent. So, total po ay nakapagbayad na tayo ng P11.64 billion in claims through the DCPM payment method.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Shirley, bakit po ba daw kailangan mag-reconcile ng claims data ang PhilHealth at mga hospital?

PHILHEALTH SPOX DR. DOMINGO: Kailangan po iyon para mag-agree po tayo sa amount ng magkano ba talaga ang payable ng PhilHealth. Kasi, as I said kung magkaiba nga tayo ng data—iyon rin po ang basis ng pagbigay ng DCPM.

So, kailangan mag-reconcile kasi kung sasabihin nilang this much amount pero iyon iba naman diyan ay nabalik na namin or na-deny na namin, then hindi po iyon payables from PhilHealth. So, kailangan maintindihan po ng hospital iyon, kaya tuluy-tuloy ang pag-uusap ng ating mga regional offices doon sa hospitals sa areas po nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ano po ba ang mga dahilan ng return to hospital claims at itong denied claims? May mga paraan pa ba para mabayaran ito pong isang denied claim?

PHILHEALTH SPOX DR. DOMINGO: Opo. Mayroon pong paraan po iyon. ang return to hospital mostly iyan mga deficiencies in either attachment or hindi na fill-up ng tama ang claims form or hindi nalagyan or hindi na fill-up ng buo ang claims form. Kaya nga ang sinasabi namin sa mga hospitals, sana po bago nila i-forward sa amin ang claims ay busisiin po at siguraduhin na naka-fill-up po lahat ng mga blanks po doon sa claims form namin at iyong attachment na kailangan namin para hindi na mabalik sa hospital.

Ang RTH namin, as long as ma-refile sa amin, puwede silang mag-refile naman niyan eh, iyong return to hospital. Kung kumpleto na ang mga requirements then iri-refile sa amin iyon, so puwede pang bayaran iyon.

Iyong denied claims naman puwede hong i-appeal ang denied claims. So, may paraan pa rin po iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa kaso naman po ng good claims, ano naman daw po ang ginagawa ng PhilHealth para matiyak o masigurado na ang mga ito po ay nababayaran on time?

PHILHEALTH SPOX DR. DOMINGO: Ang good claims po usually nababayaran natin on time iyon, within 60 days nababayaran po natin iyon. Ang sabi ko pa nga sa inyo na as of now we have paid already P165 billion. So, it’s not iyong entire claims ay hindi po natin nababayaran. Nakapagbayad na po tayo since itong pandemic year na ito, since January 2020 to date, more than 165 billion na ang nabayaran natin.

Iyong nadi-delay po ay iyong ating COVID claims, although pinag-uusapan na namin iyon, binayad na namin lahat ng issues related to that kaya hopefully mapabilis na rin ang pag-process ng ating mga COVID claims.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Shirley, alam naman po natin na pinakamaapektuhan dito ay iyong mga pasyenteng PhilHealth members, ano po. So, ano po ang mangyayari sa kanila sakaling ituloy po ng mga hospital na ito ang PhilHealth holiday at ang tuluyan pong pagkalas sa accreditation sa inyo?

PHILHEALTH SPOX DR. DOMINGO: Doon po sa accreditation, mayroon po tayong advisory ngayon that the accreditation of our hospitals, because of several issues ay na-extend po, automatic extended po iyon up to January 31. So, accredited pa iyong lahat ng hospitals natin because of issues like iyong licensing, iyon license ng iba wala pa kaya nag-extend po tayo ng accreditation. Ngayon kung accredited pa naman ang mga hospital then we still recognize the claims of our members.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin kay Joseph Morong at Kay Miguel Aguana ng GMA news: If patients are going to be the ones to reimburse PhilHealth, would it be more difficult for PhilHealth or better?

PHILHEALTH SPOX DR. DOMINGO: It would be more difficult for PhilHealth and for the members din actually, because for one thing po kailangan maglabas ng pera itong mga members na ito and paano na lang iyong walang mailalabas na pera at kailangan maospital. So, sinasabi po natin na we are trying to do everything na hindi maituloy itong disengagement na ito kasi sa huli ay iyong mga members natin ang magsa-suffer.

Ngayon sa atin naman, tuluy-tuloy pa rin if members submit then we will process it, we will process the claims po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero may alternatibong paraan pa ba na puwede daw pong gawin ang mga PhilHealth members para hindi naman daw po sa kanila mapasa iyong hirap sa pagproseso ng mga benepisyo nila?

PHILHEALTH SPOX DOMINGO: Opo. In an area naman may ibang hospitals doon, hopefully will not be disengaging with PhilHealth – we have government hospitals pa rin. Kung sa Iloilo mayroon tayong government hospitals doon na dalawang malalaki ‘no, so iyon po iyon ang i-advice namin sa mga members. But as of now wala pa naman po iyong ganoon, so hopefully ay maawat pa natin iyong ganitong sitwasyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Shirley, ano na lang po ang mensahe at panawagan ninyo sa gitna ng nagpapatuloy na isyu na ito?

PHILHEALTH SPOX DOMINGO: Iyon po ang gusto naming sabihin sa ating mga hospitals po, tuluy-tuloy naman po ang ating pag-uusap on the issues na niri-raise. In fact, marami na rin po tayong napagbigyan sa mga issues na niri-raise nila katulad noong undertaking sa DCPM – minodify namin iyon kasi sabi nila it was not very accessible to them.

Doon naman sa Region VI, nagma-manual claims processing na kami para lang mapabilis na iyong mga claims lalo na sa mga affected hospitals. So, pinapakinggan po natin ang side ng hospitals at ginagawan naman natin ng paraan and na-release na nga natin itong DCPM para iyong funds ay mapunta kaagad sa mga hospitals dahil alam namin na kailangan na kailangan nila ng mga funds ngayon, so, ito pong DCPM. So, panawagan po namin sa kanila sana mag-avail sila nitong DCPM na ito para maibigay na natin iyong funds sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pasensiya na Doc. Shirley, pahabol lang po ni Joseph Morong: Ilan daw po ang nagsabi sa PhilHealth na kakalas na sila? Ilang hospital daw po ito?

PHILHEALTH SPOX DOMINGO: As of now po, wala pa kaming natatanggap na any official documents informing us that they will disengage.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon. Muli po ay nakausap natin si Dr. Shirley Domingo, ang Spokesperson ng PhilHealth. Maraming salamat po at Happy New Year, Doc. Shirley!

PHILHEALTH SPOX DOMINGO: Salamat po, USec. Rocky. Salamat po!

USEC. IGNACIO: Opo. Samantala, narito naman po ang mga huling tala ng COVID-19 sa bansa:

  • As of 4:00 pm kahapon may 2,838,792 total COVID-19 cases na ang Pilipinas kung saan 318 ang mga bagong nadagdag.
  • Kahapon naman po ay inanunsiyo rin ng DOH ang ikaapat na kaso ng Omicron variant sa bansa ngunit sinasabi po nakapag-isolate na ang pasyente at nakatakda rin mag-re-swab.
  • Nakapagtala din ang kagawaran ng 255 new recoveries kaya naman umabot na 2,778,002 ang total recoveries.
  • Sa kabilang banda mababa pa rin po sa bilang na 11 ang dagdag sa bilang ng mga nasawi kung kaya umabot na sa 51,211 ang total deaths.
  • 9,579 or 0.3% mula sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases naman po ang nananatiling aktibo sa ngayon.

Apat na araw na lang po at magpapalit na ang taon kaya naman todo ang pag-inspection ngayon ng DTI sa presyo ng mga bilihin gaya ng produktong pang media noche at mga paputok para tiyaking hindi butas ang bulsa ng mga Pilipino sa pagpasok ng 2022. Si Karen Villanda, para sa detalye. Karen…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Karen Villanda.

Sa laki po ng pinsalang idinulot ng Bagyong Odette sa mga lugar ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao, napagdesisyunan ng lokal na pamahalaan ng Baguio City na magbigay ng financial assistance para sa pagbangon ng mga kababayan natin doon. Narito ang report ni Phoebe Kate Valdez ng PTV Cordillera:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Huwag po kayong mawawala dahil magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito pag-usapan naman natin ang ipinangakong P5,000 ayuda ni Pangulong Duterte sa mga kababayan nating biktima ni Bagyong Odette. Makakasama natin ngayong umaga si DILG Undersecretary Epimaco Densing. Good morning, USec.

DILG USEC. DENSING: Magandang umaga USec. Rocky at sa lahat ng sumusubaybay. Magandang umaga po!

USEC. IGNACIO: Opo. USec., paano po iyong kalakaran dito sa pagbibigay ng cash assistance na ito sa mga nasalanta? Per individual po ba ito or per family?

DILG USEC. DENSING: Opo. Nabanggit nga po ni Pangulo kagabi na magbibigay siya ng P5,000 kung hindi ako nagkakamali bawat pamilya po ito dahil temporary shelter assistance po ito. Iyong mga nasiraan at nawalan ng bahay gustong bigyan ni Pangulo ng pera or assistance para magkaroon sila ng temporaryong kabahayan para matakpan naman… baka umuulan-ulan pa at may darating pang ulan ay mayroon silang pagsisilungan. So ito po ay gagawin ito per family po siguro po ang pamamaraan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang tanong po ng marami, USec., ay kung kailan ito ipamamahagi at manggagaling ba ang budget na ito doon po sa mga ini-release na ng DBM na pondo?

DILG USEC. DENSING: Ang DBM po kung hindi ako nagkakamali, magpapa-release ng apat na bilyon na na-identify, pangbigay ayuda or release sa ating mga kababayan na tinamaan ng Bagyong Odette. Kung hindi ako nagkakamali, baka ho ito manggaling sa budget ng Department of Human Settlement and Urban Development dahil temporary shelter assistance nga ito at ito’y nabanggit ni Secretary Del Rosario kagabi kay Pangulo. So, most probably baka doon ho manggagaling po iyong pondo.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano daw po ang sistema nito? Pareho po ba ng ginawa sa distribution ng tulong?

DILG USEC. DENSING: Siguro po ia-adopt natin dahil pera po iyong pamimigay at mga materyales, baka po i-adopt natin iyong sistema na ginagawa ng DSWD na naging maayos naman po. Pero ngayon sisiguraduhin na rin ho natin kasi mayroon kaming narinig na report kahapon na pagbagsak ng ayuda biglang nagtakbuhan iyong mga tao. So, gusto natin maiwasan iyong ganoong klaseng pangyayari na hindi na muli maulit.

USEC. IGNACIO: Opo. So, ano naman po ang gagawin ng DILG dito po sa mga LGUs tungkol sa naging direktiba ni Pangulong Duterte tungkol sa mga no-build zones kasi wala pa naman daw pong paglilipatan sa kanila ang pamahalaan?

DILG USEC. DENSING: Well, una sa lahat po kailangan nandiyan po onboard po iyong ating mga local chief executives po ‘no – Governors and Mayors – kung saan temporaryong puwedeng paglagyan iyong ating mga kababayang biktima ng Bagyong Odette.

Pero sa kabuuan po nito, mga temporaryo lang naman ito at kung kailangan gamitin iyong mga areas na hindi pinaggagamitan ng tao, puwede munang ilagay doon. Pero, iyong no-build zones definitely hindi po natin papayagan kaya po may kautusan iyong ating Pangulo sa ating mga kapulisan at kasundaluhan na siguraduhin huwag makabalik iyong ating mga kababayan doon sa mga area na delikado po kung saka-sakaling may bumalik po na bagyo sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Pero kung long term na po iyong balak ng mga LGUs sa no-build zones?

DILG USEC. DENSING: Ngayon po nakikipag-usap na po iyong ating Department of Human Settlements ‘no kasama iyong ating mga lokal na gobyerno para mag-identify ng lugar kung saan po puwedeng pagtayuan na muli ng bahay at hindi po delikado.

Isa po sa panuntunan ng ating gobyerno sa pagtatayo ng mga bahay o kabahayan ay kailangan iyong area ay certified po na hindi po hazardous, basic po iyan. So, ipapatupad po natin iyan kasama po iyong ating mga lokal na gobyerno.

USEC. IGNACIO: Opo. May patanong lang po si Sam Medenilla, ng Business Mirror: Magkano po ang cash aid na ipamimigay ng government per typhoon victim? Naka-start na din po ba kayo ng distribution ng LGUs? If yes, ilan na po ang nabigyan na beneficiaries?

DILG USEC. DENSING: Ako po ay nakikinig lang, nagmu-monitor po sa ating DBM. Sa aking pagkakaalam 1 billion na po ang nari-release mula sa contingency fund and another 1 billion sa ating calamities fund na ginawang quick response funds ‘no.

Base ho sa sinabi ng DBM, nandiyan na po iyong pera. Iyong sistema ng pagdi-distribute kailangan lang po nating pagbantayan at ang kautusan ng ating Pangulo, ‘pag highly urbanized city na tinamaan ng Bagyong Odette, ang magbabantay po diyan iyong ating Philippine National Police at ‘pag sa labas po ng highly urbanized city ang ating kasundaluhan po ang magbabantay ng ating distribution.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ilan po iyong initial na beneficiaries dito po sa ayuda na ito?

DILG USEC. DENSING: Wala pa ho kaming exact figure no mula sa DBM. Ang DSWD po ang nagpa-finalize po ng figures base sa isa-submit sa kanila ng mga lokal na gobyerno. Siguro po anytime soon mayroon na tayong official figure na ilalabas.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa pagtanggap ng aming imbitasyon, DILG Undersecretary Epimaco Densing. Salamat po, sir, Happy New Year!

DILG USEC. DENSING: Salamat po, at magandang tanghali po at Happy New Year din po!

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Maraming salamat din po sa inyong pagsama sa amin ngayong araw, bukas pong muli ay sama-sama natin pag-usapan ang mga isyu sa bansa.

Ako po si USec. Rocky Ignacio, mula sa PCOO at ito ang Public Briefing #Laging Handa PH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center