Press Briefing

Press Briefing of Cabinet Secretary and Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

CABSEC NOGRALES: Magandang tanghali po sa ating mga kababayan at sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps. Thank you for joining us in today’s briefing.

I’d like to begin by providing a recap of the President’s regular Talk to the People Address. Humarap kagabi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa taumbayan at ito po ang mensahe niya:

One of the actions taken by the government is the provision of cash aid for the families affected by Typhoon Odette. Ito ang inanunsiyo kagabi ni Pangulong Duterte, at kaugnay nito, inatasan niya ang militar at pulis na mag-supervise ng distribution ng financial assistance kasama ang DSWD. Mamaya ay makakasama natin si NDRRMC Executive Director at OCD Administrator Usec. Ricardo Jalad para bigyan detalye ang naging aksiyon ng pamahalaan sa Bagyong Odette.

Samantala, muling bibisita ang Pangulo sa mga lugar na nasalanta ng bagyo to see how things are progressing. Kung inyong matatandaan, una na niyang pinuntahan ang Siargao, ang siyudad ng Maasin sa Southern Leyte, ang Dinagat Islands, Cebu, Bohol, at Palawan.

Nagbabala rin kagabi sa Talk to the People ang Pangulo sa mga mapagsamantala at hoarders. Kaugnay nito, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na kasalukuyang pinapatupad ang price freeze sa mga lugar na nasa state of calamity. Nagpadala na rin sila ng mga sulat sa mga business establishments para ipaliwanag kung bakit sila nagtaas ng presyo ng bilihin.

Allow us to stress that under Section 5 of Republic Act No. 7581 or the Price Act, hoarding and profiteering are considered “illegal acts of price manipulation.”

Hoarding is defined as “the undue accumulation by a person or combination of persons of any basic commodity beyond his or their normal inventory levels or the unreasonable limitation or refusal to dispose of, sell, or distribute the stocks of any basic necessity of prime commodity to the general public or the unjustified taking out of any basic necessity or prime commodity from the channels of reproduction, trade, commerce and industry.”

Profiteering, on the other hand, is defined as “the sale or offering for sale of any basic necessity or prime commodity at a price grossly in excess of its true worth.”

Under Section 15 of the Price Act, the penalties for acts of illegal price manipulation are “imprisonment for a period of not less than five (5) years nor more than fifteen (15) years” and fines “of not less than five thousand pesos (P5,000) nor more than two million pesos (P2,000,000).”

Inanunsiyo rin ng Pangulo ang magandang balita sa ating mga government workers, kasama ang mga guro sa pampublikong paaralan. Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Administrative Order No. 45 na nagbibigay awtoridad na mag-grant ng one-time Service Recognition Incentive (SRI) at uniform rate sa mga personnel na nasa Executive Department na hindi lalampas sa sampung libong piso.  Kasama rito ang mga civilian personnel na nasa regular, contractual o casual positions, at mga uniformed personnel.  Kinakailangan lamang ay nasa government service with at least four months of satisfactory service as of November 30, 2021. Sa mga wala pang apat na buwan na serbisyo, mabibigyan pa rin sila ng pro-rated incentive.

Iniulat din sa Talk to the People na mayroon 110,000 prepositioned food packs ang nai-release ng DWSD sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Odette.

Sa usaping bakuna naman: Dumating kagabi, December 27, ang 1,187,550 doses ng Pfizer vaccine na binili ng pamahalaan. Nasa 587,800 doses naman ng Moderna vaccine na donasyon ng bansang Alemanya ang atin din natanggap kahapon, December 27. Sa pagdating ng Moderna at Pfizer kahapon, nasa 202,660,355 doses of vaccine ang na-deliver sa bansa as of December 27.

Dumating naman noong Linggo, December 26, ang 1,957,000 doses ng AstraZeneca vaccine na binili ng private sector. Noong Huwebes, December 23, dumating naman ang 1,187,550 doses ng Pfizer vaccine.

Samantala, noong Huwebes din, December 23, dumating ang 1,531,000 doses ng Moderna vaccine na donasyon ng pamahalaan ng Alemanya. To the people and government of Germany, maraming, maraming salamat po.

Samantala, nasa mahigit 106 million naman ang total doses administered as of December 27, 2021 ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard. Ang naka-first dose ay nasa 78.83% ng target population o mahigit 60,811,000 katao, habang nasa 62.05% ng ating target population ang fully vaccinated na, nasa mahigit 47.8 million itong katao.

Kung inyong matatandaan, inaprubahan last week ng Philippine Food and Drug Administration ang Emergency Use Authorization (EUA) ng Pfizer vaccine para sa mga batang may edad lima hanggang onse anyos. Kaugnay nito, naglabas ng advisory ang DOH na hindi pa po nagsisimula ang bakunahan ng mga batang na nasa ganitong edad.  Mangyaring hintayin na lamang po ang pag-anunsiyo ng eksaktong petsa habang patuloy ang ginagawang paghahanda sa pag-rollout ng COVID-19 vaccines sa nasabing age group.

Sa dami ng mga bakunang dumating, mahigit 200 million doses, sapat na ang ating supply para mabakunahan ang at least 100 million na Pilipino sa buong bansa, at puwede na po tayong magbigay pati booster shots.

Kaya naman hinihikayat namin ang lahat ng eligible na magpa-booster shots para sa kanilang proteksyon, lalo na may banta ng Omicron variant. As the Department of Health earlier reported, mayroon na tayong na-detect na apat na kaso ng Omicron variant sa bansa. Kung inyong matatandaan, inamyendahan ng FDA ang EUA ng lahat ng approved vaccines. Those who have completed the primary dose series for the majority of the two-dose vaccines are now eligible for booster shots three months after their second dose.  Sa mga nakatanggap naman ng Janssen vaccine, puwede na silang makakuha ng booster shots at least two months pagkaraan makakuha ng single dose.

Pumunta naman po tayo sa COVID-19 update. Ayon sa December 27, 2021 COVID-19 Case Bulletin ng DOH, nasa 318 ang bagong kaso ng COVID sa bansa. Bagama’t mababa pa rin ito, hindi po tayo dapat magpakampante dahil unti-unting tumataas ang mga kaso. Kung mapansin po ninyo there were 168 new cases on December 21, naging 261 new cases iyan noong December 22; 288 new cases on December 23; 310 new cases on December 24; and 433 new cases on December 26.

Bukod sa bilang ng bagong kaso, tumaas din ang ating positivity rate.  Nasa 2.2% ito, bagama’t pasok pa rin ito sa less than 5% indicator ng World Health Organization na nagsasabing under control ang COVID-19 sa bansa. Nasa 97.9% naman ang porsiyento ng gumaling, nasa mahigit 2.78 million ang naka-recover.

Malungkot naman naming ibinabalita sa inyo na kahapon ay labing-isa (11) ang naidagdag sa bilang ng mga pumanaw dahil sa coronavirus. Nasa 1.80% ang ating fatality rate, at ito ay nanatiling mas mababa sa 2% global average. Nasa below 25% naman ang ating hospital utilization rate.

Sa ibang mga bagay, congratulations sa bumubuo ng Digong8888hotline na pinangungunahan ni Asec Kris Roman, at ang kanyang co-host Trixie Jafaar Tiu.  Ginawaran ang programang ito ng “Best Public Service Program” sa katatapos na 43rd Catholic Mass Media Awards.  Keep up the good work!

Dito po nagtatapos ang ating opening statement for the press briefing. Makakasama natin ngayon tanghali si Undersecretary Jalad. Usec. Jalad.

OCD USEC. JALAD: Magandang umaga, CabSec Karlo Nograles at Usec. Rocky, ganoon din sa ating mga kababayan. Iuulat ko ngayon ang pinakahuli tungkol sa epekto at damages na likha ni Bagyong Odette at ang disaster response operations na kasalukuyang ginagawa ng ating gobyerno.

Ang epekto sa populasyon ay inyong makikita: Nasa 1,082,910 ang affected families, iyan ay katumbas ng 4,235,400 individuals. Iyan ay nanggaling sa 6,000 plus na barangays or 483 cities and municipalities or 38 provinces in 11 regions. Ang mga pinakamabigat na tama ay sa probinsiya ng Palawan, Negros Occidental, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Southern Leyte, Leyte, Dinagat Islands at Surigao del Norte. Sa ngayon ay nasa 561,459 displaced persons ang nasa loob ng evacuation centers at ang iba naman ay nasa mga bahay ng kanilang kaibigan o kamag-anak.

From a high of 6,000 evacuation centers na binuksan, mayroon na lamang ngayon na 1,201 evacuation centers ang bukas dahil karamihan sa mga nagsilikas ay nagsiuwian na sa kani-kanilang mga bahay. Mayroon tayo ngayon na recorded na 397 na patay, 3 ang missing at 1,147 injured. Karaniwan na circumstances ng pagkamatay ay iyong mga nalunod, may mga insidente na nangyari sa dagat lalo na iyong mga parating pa lang si Bagyong Odette ano, may mga tinamaan na mga bumagsak na puno at mga tinamaan ng mga debris ng kanilang nag-collapse na mga bahay or structures at mayroon din sa landslides.

Ito ang epekto sa ating lifelines: Mayroong 225 road sections at 25 bridge sections na naapektuhan pero base sa huling ulat ng DPWH ay dalawa na lamang ang apektado pa or hindi pa nabubuksan. Mayroong 7 na airports at 128 seaports na naapektuhan. And mayroon ding malawakang power interruptions, 284 areas; although mayroon nang restoration na nagawa, 161. Disruption din sa supply ng tubig, 18 areas at mayroon na ring na-restore na isang area. At disruption din sa telco services at 371 areas ang apektado pero mayroon na rin ngayong restoration na covering 115 areas.

Ito naman ang damage sa kabahayan: 508,785 damaged houses – 341,000 diyan ay partially damaged at 167,000 ay totally damaged at ang initial estimate or cost of damage diyan ay nasa 28 million. Mayroong 325 na damaged infrastructure with the total estimated cost of about 16.7 billion. At damage to agriculture, current estimate is at 5.3 billion mula sa pagkasira ng 79,452 hectares of crops, 1 million plus na livestock and poultry at 2,950 agricultural infrastructures at equipment.

So ito iyong summary ng response ng ating gobyerno sa pamamagitan ng pag-orchestrate ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. Mayroon tayong Logistics Cluster na nagsagawa ng movement of supplies and relief goods gamit ang 300 land transportation assets, 16 sea crafts and 27 air assets – galing iyan sa Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, DSWD, DPWH at OCD dahil mayroon tayong chartered na cargo airplane. Ang DSWD naman na namumuno sa Camp Coordination and Camp Management at saka Food and Non-Food Item Cluster ng Response Cluster ng NDRRMC ay nag-deliver ng mga food items, non-food items at potable water na makikita diyan.

Ang DOH naman ay nag-augment ng mga health logistics at nag-deploy ng 32 teams doon sa mga apektadong lugar katulad ng Siargao, Dinagat at iba pang apektadong lugar.

Ang Department of Education ay naghanda ng paggamit ng mga schools at classrooms bilang evacuation centers at sa kabuuan mayroong 1,403 schools na ginamit na evacuation centers.

Ang Search and Rescue and Retrieval Cluster na pinangungunahan ng Armed Forces of the Philippines ay nag-deploy ng 746 teams at iyan ay ginamit sa pag-rescue ng ating mga naapektuhang kababayan.

Ang DICT ay nanguna sa pag-deploy ng mga emergency communications equipment like Very Small Aperture Terminal at satellite phones at radio at iyan ay nagbigay ng backup communications. Kaya doon sa Siargao on day 1 pa lang ay nagkaroon na sila doon sa select area ng Wi-Fi signal at satellite communications.

Ang DPWH ay nanguna sa road clearing at iyon nga, karamihan sa naapektuhan na road sections and bridges ay bukas na ngayon.

Ang Department of Transportation ay nag-monitor at nag-inspect ngayon ng mga airports at saka seaports.

At karamihan din sa ahensiya ng gobyerno ay nag-expand or lumabas sa kanilang mandated functions. Nagsagawa rin ng mga relief operations.

Ito ang summary ng ating logistic services: Gumagamit tayo ng air, land and sea assets and a total of 240,000 kilograms of relief goods ay ating naipadala sa mga apektadong lugar. Mayroon ding 104,340 liters of bottled drinking water na ating pinadala – kinuha natin iyan sa labas, sa labas ng apektadong lugar ano, kasi hindi dapat tayo mag-compete for the market ng mga natitirang functioning water filtration business doon sa apektadong lugar. Kinuha natin ang supply ng tubig sa Ormoc City na hindi naman apektado at saka sa Laguna, at iyan ay pinadala natin sa Palawan, sa Central Visayas, Western Visayas, Eastern Visayas at CARAGA Region.

At ginamit din natin iyong tulong ng AHA Center ng ASEAN ng mga relief goods na naka-stock diyan sa Camp Aguinaldo. At gamit-gamit nga natin ang halos lahat ng transportation assets ng Armed Forces of the Philippines, PNP, Philippine Coast Guard and other agencies.

So nakapag-activate tayo ng mga emergency operations centers or government command and control centers sa pitong lugar. Ang main emergency operations centers natin ay sa NDRRMC building here in Camp Aguinaldo at iyan ay replicated sa mga regions na apektado: Sa Batangas City for MIMAROPA, Iloilo City for Region VI, Mactan Airbase for Region VII, Tacloban City for Region VIII, Cagayan De Oro for Region X at saka Butuan City in Caraga.

At mayroon tayong tatlong emergency logistic hubs na na-activate. Ang main logistics hub natin ay dito sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Iyong DELSA [Disaster Emergency Logistics System for ASEAN] warehouse ng mine-maintain ng AHA Center ng ASEAN dahil natanggal na iyong mga naka-stock nilang relief goods, binigay sa atin. So na-free na iyon, iyong space niya, so ginagamit natin na drop off point at saka staging area for relief goods. At mayroon din sa Mactan Air Base at Surigao City in Caraga.

And kung sakaling magkakaroon man tayo ng marami pang international assistance, tayo ay nagrekomenda na on a need basis, mag-set up ng one stop shop for the processing for the reception and staging of international humanitarian assistance dito sa Mactan International Airport, iyan ang primary natin; at alternate ay NAIA in Pasay City at saka Davao International Airport in Davao City.

Sa ating monitoring ng mga donasyon, mayroong 403 government agencies at 79 private organizations na nagpadala ng tulong at iyan ay pinadala rin natin sa Bohol Cebu, Negros, Palawan, Surigao at saka Siargao. At ang mga supplies na iyan, inyong makikita – food, water, temporary shelter, shelter kits, construction materials, health supplies, hygiene kits, mayroon ding learners and teacher’s kits, temporary learning spaces, generator sets at saka fuel and sa services ay as shown ano.

Mayroon din sa ating monitoring na 16 na bansa na nag-express ng kanilang tulong at 15 international organizations. Natanggap na natin ang tulong ng Japan through the JICA and on process—or natanggap na rin natin pala iyong sa Israel, Taiwan, China at saka AHA Center at iyon naman ay pinadala na natin sa mga apektadong lugar.

So, mabanggit ko rin na tuluy-tuloy iyong ating pagpapadala ng mga bottled water. Sa kasalukuyan about 1 million bottles of water na 500 liters each ay pinadala sa Port of Manila ay dadalhin sa Visayas, via air naman ang para sa Palawan ngayong araw na ito and via land transportation manggagaling diyan sa Ormoc para doon sa mga lugar na apektado diyan sa Region VIII. Iyan ay sinimulan natin ilang araw na at tuloy-tuloy ang ating pag-deliver ng potable water diyan sa mga apektadong lugar.

Aside from that ay marami namang tumulong din, nagpadala ng kanilang mga water filtration equipment both from private at saka national government agencies.

And mabanggit ko rin na dahil sa utos ng ating mahal na Pangulo, nadagdagan na iyong pondo ng mga local government units na apektado, sila ay nabigyan ng pondo para sa augmentation ng kanilang Quick Response Funds para sa kanilang Disaster Response Operations na ginagawa. Mayroon ding inaayos na financial assistance or cash assistance para sa mga apektadong pamilya o indibidwal. Iyan ay pangungunahan, ang pondo ay ibibigay sa local government units under the supervision of the DILG. In fact, kanina ay nagsagawa ng meeting ng NDRRMC sa pangunguna ng DILG. And iyon lang po ang update mula sa OCD at saka NDRRMC operation center. At makakaasa ang ating mga kababayan ang patuloy na tulong na isasagawa ng ating gobyerno. Maraming salamat po at magandang umaga.

CABSEC. NOGRALES: Maraming salamat sa iyo, USec. Jalad, at sa tuloy-tuloy na trabaho at serbisyo para sa ating kababayan. Please stay on board, USec. Jalad, kung may mga katanungan ang mga kaibigan natin mula sa media, baka maaari pong sagutin.

In the meantime, let’s go to USec. Rocky for questions from our friends from the media at sa MPC.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Karlo. And good afternoon kay Usec. Jalad.

Ang una pong tanong mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Why did Malacañang postpone the ceremonial signing of the 2022 national budget originally scheduled today, December 28? Which items are still up for review that delayed the budget signing?

CABSEC NOGRALES: Tuluy-tuloy pa po iyong review process. Hindi pa po natatapos iyong review process at pagsusuri noong budget. Alam ninyo medyo—hindi medyo, makapal ang budget book ‘no, napakakapal ng budget book, ilang libro po iyan na kailangan isa-isahin. May prosesong dinadaanan ‘yan dito sa Executive Department after na ma-ratify ‘yan ng both the House of Representatives at ng Senado at ‘pag sinubmit po ‘yan dito sa Executive Branch, sa Malacañang ay dumadaan po ‘yan sa vetting at review process. So ilang araw na lamang po at matatapos na rin iyong review process and the President will immediately sign the budget.

We would want to assure and we assure the public that the budget will be signed. Pipirmahan po ni Pangulong Duterte ang budget for 2022 bago pa man sumapit ang December 31.

USEC. IGNACIO: Second question po MJ Blancaflor: How will the government fund the proposed 5 trillion budget? Ano po ang inaasahang tax reforms or measures na dapat maipasa para mapagkukunan ng pondo?

CABSEC NOGRALES: Even before the budget is submitted to Congress ‘no, mayroon pong proseso ‘yan ‘no – dumadaan pa ‘yan sa DBCC at doon pa lamang ay sinusuri na nila, pinag-aaralan na nila kung ano iyong ceiling, magkano ba iyong kayang gastusin ng ating pamahalaan, ng inyong gobyerno sa darating na taong 2022 at saan pagkukunan ang pera para dito sa mga projects, activities and programs of government for 2022.

So doon pa lamang at even during the defense in Congress ay nag-identity na po sila ng revenue or sources of revenue, kung saan kukunin iyong kinakailangan na pondo to sustain and to implement the budget. So as I know it, iyong revenue as they defended in Congress, ang revenue po na madyi-generate natin in 2022 is around… about 3.3 trillion pesos.

The rest will be through borrowings which we have always done even in previous budgets ‘no. Pero iyong sa borrowings naman po natin, a big percentage – mga 77% ay domestic borrowings po ‘yan. So naka-programa na po ang lahat ng revenue streams na kinakailangan natin to implement fully the budget for 2022.

USEC. IGNACIO: Opo. Third question po mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: Approximately how many families affected by Odette will get P5,000 each? Is the cash assistance the President referring to the same as the P5,000 shelter assistance that Housing Chief Del Rosario said will be given to 97,500 families? What are the criteria for determining the beneficiaries? Similar question with Llanesca Panti ng GMA News Online

CABSEC NOGRALES: Yes. As reported by Usec. Jalad a while ago, they are conducting iyong meetings with the OCD, DND, DILG, DSWD and DBM to determine ‘no kung sinu-sino iyong mga families that will benefit from the cash assistance to be given from the national government ‘no.

Ang pagbibigay po ng nasabing cash assistance ay sa pamamagitan ng tulong ng mga LGUs to be monitored by DILG and to be monitored also by DSWD. Katulad ng ginagawa natin nitong panahon noong—nitong COVID na nagkaroon po tayo ng cash assistance na ginagawa natin through the LGUs.

So the same setup, iyong parang nasabing ‘SAP’ setup po natin noon, iyon po ‘yung naiisip nating gawin para naman dito sa mga biktima ng Bagyong Odette ‘no. So it will be downloaded to the LGUs, the same way as we did iyong assistance natin sa COVID then per family tulad noong SAP assistance na ginawa natin during the time ng COVID to be monitored by DSWD and DILG.

Ngayon sa mga meetings na ginagawa today and even the past days, ang pagda-download po niyan will be through the LGUs at iyong sourcing po niyan, iyan ang hinahanapan ngayon ng paraan ng DBM. But ang promise po is that by tomorrow mada-download na po ang funds. So within the day importante na ma-identify na po iyong mga families na mabibigyan ng cash assistance – these are the most affected families, severely affected families. Sinasagawa na po ng DSWD through the LGUs din at ng DILG—sa tulong na ng DILG iyong pag-identify ng mga families na mabibigyan ng cash assistance.

That being said, iyong tungkol naman sa shelter assistance, alam ninyo as reported kahapon sa Talk to the People, we are now in the phase na magkakaroon na tayo ng post-disaster needs assessment at ang gumagawa po ng post disaster needs assessment ay ang NEDA together with OCD. In that post disaster needs assessment, may iba’t ibang sub-committees po ‘yan – isa na sa mga sub-committees iyong sa shelter assistance. So hintayin na lang po natin kung ano iyong magiging kinalabasan ng post disaster needs assessment in terms of the shelter assistance na kinakailangan nating gawin.

But right now, ang pinakaimportante for the President is to immediately give the cash assistance ‘no doon sa mga naapektuhan talaga, malubhang naapektuhan nitong Bagyong Odette na ito. And that’s the reason why minamadali na po natin na ma-download na po within tomorrow but within the day we will already be identifying sino iyong mga families that will benefit from the cash assistance.

USEC. IGNACIO: Thank you, Sec. Karlo.

CABSEC NOGRALES: Let’s now go to our birthday girl, Happy Birthday Mela Lesmoras ng PTV.

MELA LESMORAS/PTV4: Thank you po, CabSec Nograles. Sir, unahin ko lang po. Follow up question about doon sa P5,000 cash assistance doon nga sa mga biktima ng bagyo para lang din alam noong ating mga kababayan kasi may mga technical terms tayo. Pero kailan po kaya target ng gobyerno na matatanggap na nila, nasa kamay na mismo nila iyong assistance na ito kapag qualified sila?

CABSEC NOGRALES: Well kaya nga po, number one, first step is the identification which they are currently doing right now. DSWD, DILG, LGUs are doing the identification right now para mayroon na po tayong listahan, indicative list kumbaga ng mga beneficiaries. Tomorrow po iyong downloading na po to the LGUs based on the list of families na na-identify po.

Then ‘pag na-download iyon sa LGUs just like what happened sa SAP ‘no, iyong pamamahagi natin ng SAP noong time noong mga community quarantines, may ECQ time noong COVID [technical problem] ganoon din po, we will be relying on the speed and the efficiency of our LGUs kaya nandoon iyong DSWD, nandoon din iyong DILG to help ‘no and assist. Nandiyan din ang ating PNP, nandiyan din iyong AFP natin to also assist na maging… kumbaga very efficient ang distribution natin ng cash assistance na ito.

MELA LESMORAS/PTV4: [Off mic] tulong pinansiyal lang ng gobyerno, CabSec. Kasi iyon nga, nabanggit ni Pangulong Duterte sa Talk to the People na iyong Service Recognition Incentive target na before New Year. Pero mayroon kaya tayong specific date na target para matanggap iyon ng ating mga kababayan? At para naman doon sa mga hindi regular na manggagawa ng pamahalaan, may chance rin po bang maglabas din ng separate order si Pangulong Duterte tungkol naman sa gratuity pay?

CABSEC. NOGRALES: Ayaw kong pangunahan ‘no si Pangulong Duterte doon sa gratuity pay; hintayin na lang po natin. But doon sa na-announce natin na Service Recognition Incentive, hopefully this can be done as soon as possible. Kaya naglabas na kaagad ng admin order si Pangulo para mabilisan na rin pong maibigay sa ating fellow workers in government.  Sa gratuity pay, hintayin natin. Huwag nating pangunahan but let’s wait for it, na announcement.

MELA LESMORAS/PTV: At panghuli na lamang, CabSec Nograles, tungkol lang po sa alert level system kasi magtatapos na naman ang Disyembre. Ano po iyong i-expect ng ating mga kababayan? Kailan kaya magkakaroon ng bagong alert level system sa ating bansa? At may tiyansa kayang mas gumaan pa iyong ating alert level kahit na may banta ng Omicron?

CABSEC. NOGRALES: Well, alam naman natin na iyong next announcement natin ng alert level will be for January 1 to January 15, hindi po ba. So presumably, maybe or perhaps tomorrow, late tomorrow, we will be able to make the announcements. But hintayin na lang po natin, but that announcement will be for January 1 to January 15. So presumably, mga tomorrow probably we will make the announcement, if not, the next day.

MELA LESMORAS/PTV: Salamat po, Secretary Nograles, Usec. Rocky and kay Sir Jalad.

CABSEC. NOGRALES: Thank you, birthday girl. Let’s now go back to Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. And happy birthday po kay Mela Lesmoras ng PTV. Ang susunod pong tanong ay mula kay Tuesday Niu ng DZBB pero halos pareho po sila ng tanong ng Mela Lesmoras. Basahin ko na lang, Sec. Karlo, baka may maidagdag ka ano po: Inanunsiyo ni Pangulong Duterte na pinirmahan na niya iyong Special Recognition Incentives o SRI para sa mga kawani ng gobyerno. Iba pa po ba ito sa sinasabi niyang ipalalabas niyang gratuity pay o ito na po iyon?

CABSEC. NOGRALES: Again, huwag nating pangunahan si Pangulong Duterte. Let’s just wait for the announcement and we will make the announcement as soon as we received word from the President himself.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Ace Romero ng Philippine Star: DepEd is seeking 3.37 billion to repair classrooms damage by the typhoon. When can the government release it and what will be its funding source?

CABSEC. NOGRALES: Opo, kasama iyan sa Post-Disaster Needs Assessment na ginagawa ngayon ng OCD with the help of NEDA. And part of the sub-committees diyan would be on infrastructure, sub-committee on infrastructure and also sub-committee on social services. That being said, kapag nagawa na po iyong Post-Disaster Needs Assessment po natin, kabilang na diyan iyong mga classrooms, halimbawa. That document will also identify ano iyong mga sources na pagkukunan natin to implement these projects and programs.

For instance, iyong sa classroom na kinakailangan. So part of the funds needed for the construction of classrooms that were totally damaged or partially damaged will be a mix. Some will come from the regular budget for 2022 under DepEd, sa school building program nila. Another portion, kung hindi po masasali lahat doon, a portion of that will also be financed through the NDRRM fund and then kung may kulang pa, dito na po natin hahanapan ng iba pang ways and means to finance the needs for the rebuilding of those classrooms.

So, three ways of financing or funding the needed infrastructure. That goes not just goes for DepEd, for the school buildings but also for the physical infrastructure – roads, bridges at kung ano pang mga kinakailangan nating gawin sa mga ports, health facilities halimbawa. So lahat po iyan will all be encompassed and form part of the Post-Disaster Needs Assessment and the identification of the funds needed to complete and do all the projects needed in rebuilding itong mga na-devastate nga ng Typhoon Odette.

USEC. IGNACIO: Thank you Sec. Karlo.

CABSEC. NOGRALES: Let’s now go to Triciah Terada of CNN Philippines.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi! Good afternoon, CabSec, Spox. Sir, first question: Kasi the Health department says it will stop releasing case bulletins starting next year, what was the IATF think about this? And actually, many expressed apprehension tungkol po dito. Will the IATF urge the DOH to continue releasing bulletins or at least delegate this to another office?

CABSEC. NOGRALES: Let me just clarify that the case bulletins are actually like social cards na pinapalabas ng Department of Health. But that being said, you can still find the case numbers in the COVID tracker, in the Department of Health website. So from the get go, from the start hanggang ngayon, patuloy pa rin naman po iyong ating COVID tracker. Ang hindi na lang po ipapalabas na social card kumbaga ay iyong nakasanayan na natin na case bulletin.

The reason behind that is right now, we are really ramping up our vaccinations and the focus right now is on the vaccination. We have a target na by first quarter of next year aabot na tayo ng 77 million Filipinos fully vaccinated. So, we will focus on the vaccination and by focusing on the vaccination, we may have, we may see that cases ng COVID will be mild and asymptomatic na lamang. Because remember with so many Filipinos already fully vaccinated, it does not prevent it well. The transmission might still be there, but what vaccination does really is prevent severe and critical cases and hospitalization and deaths.

So with a ramp up vaccination, we may see COVID cases that are mild and asymptomatic. So, ang magiging focus na lang natin ngayon really would be the vaccination rate and looking at hospital utilization rate, looking at critical and severe and even moderate cases. So iyon ang ating babantayan. But that being said, nandiyan pa rin naman iyong COVID tracker. And anyone can continue to track the numbers through the COVID tracker ng DOH.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Yes, we understand. But be that as it may, isn’t it important for the public to have an information that’s timely and sabay-sabay, sir, para hindi magulo, especially now that we are fearing about the threat of Omicron variant. Hindi ba, sir, high time na ibalik o mas kailangan natin ito ngayong updated tayo with the information. Kasi, sir, with the COVID-19 tracker, it means na, yes, it is available but it’s not like before na [signal cut]

CABSEC. NOGRALES: Yes. I think we lost Triciah. But again, iyong COVID tracker will suffice for now in providing the regular updates to our kababayans and the IATF will continue to monitor that. We will continue to monitor all of these indicators that we have been looking at from the very start up to now. Patuloy po namin ang pagmo-monitor ng lahat ng numerong iyan, patuloy rin naman po naming ire-report sa public although in a different format na.

Iyong format lang naman ang nagbago, iyong format which is COVID tracker na po, doon na po natin puwedeng hanapin by using the DOH website. Pero lahat ng numero na iyan, hindi naman namin sinasabi na hindi na namin tinitingnan iyan. So patuloy pa rin iyong pagtingin namin noong active cases, iyong new cases, lahat po iyan ay tinitingnan natin. Iyong format lang po ng pag-reporting ang nagbago, pero hindi naman namin sinasabi na hindi na namin imo-monitor ang lahat ng iyan.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, with the threat of the Omicron variant and nabanggit na nga po ng DOH that the transmission is really inevitable and we’ve seen that in other countries, how soon do we see it spreading here in the country and estimate lang, sir? And with the detected or additional Omicron cases detected, how confident are we with the protocols that we have in place especially, sir, iyong arrival protocols? Because there is this viral video in Parañaque na a passenger who recently arrived apparently did not go into quarantine. Noong hinanap po siya ng BOQ representative or ng barangay representative nila, hindi siya talaga nag-quarantine. So itong isang case na ito, what are the chances, sir, na maraming gumagawa pala nito, maraming nakakalusot sa ating quarantine protocols?

CABSEC NOGRALES: Well, we will deal with the violators very strictly and very severely. So kung may mga nagba-violate niyan, then we have the necessary laws and the prosecution services needed in order for us to prosecute and go against itong mga violators.  So please, don’t even try it.

Number two, so far, ang Omicron cases po natin na na-detect are all imported cases; imported po. So number four na po, mayroon na pong apat na na-detect. And as announced a while ago, or was that yesterday, na iyong husband was also positive so that will undergo genome sequencing again to see. Nevertheless, we are also taking a close look at areas kung saan may nakikita kaming pagtaas. If we see clustering of increased cases in any area, then we can already do genomic sequencing in those areas.

So, nakatutok talaga tayo diyan, nakatutok tayo sa lahat ng mga, kumbaga, warnings or signal indicators for us to see and determine responsibly ‘no kung ano iyong dapat naming i-genomic sequencing to see and catch kung mayroon na bang Omicron dito sa bansa. So far, wala pa tayong nakikita; so far, it has been just imported cases.

But again, that’s why I said in my opening statement, bagama’t mababa ang kaso ngayon, we can see na for the past few days, tumataas po siya ‘no slowly. And that is probably caused by itong mga violation of protocols, health protocols, baka people are becoming more complacent as they gather which is why we need to ramp up more vaccination, more of this vaccination. And we need to remind, constantly remind the people na it’s vaccination plus mask, hugas, iwas especially during this holiday season.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you very much, Sec. Karlo.

CABSEC NOGRALES: Salamat, Trish. So let’s go to Usec. Rocky. If there are no more questions from members of the MPC, maraming, maraming salamat, Usec. Rocky and Usec. Jalad of NDRRMC.

USEC. IGNACIO: Yes, thank you [garbled]

CABSEC NOGRALES: Thank you, Usec. Rocky. Thank you, Usec. Jalad sa tuluy-tuloy na trabaho rin at serbisyo, at sa inyo rin, Usec. Rocky.

Mga kababayan, ang inyong pamahalaan ay hindi nagsasawang nagtatrabaho para ibalik sa normal ang buhay ng mga taong nasalanta ng bagyo, at ang buhay natin na apektado ng COVID.

In both cases, normalcy and recovery will be achieved sooner with the cooperation and the help of everyone. Napatunayan na po natin na kaya natin magtulungan para sa kapakanan ng ating bayan. Let us remain thoughtful and vigilant, and let us continue to show compassion and concern for our kababayans.

Maraming salamat po.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource