Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas, at sa lahat ng ating mga kababayan saanmang panig ng mundo. Muli po ang aming pagbati ng Manigong Bagong Taon sa ating lahat.

Ngayong unang Lunes ng taong 2022, atin pong iisa-isahin ang mga pagbabago sa patakaran sa National Capital Region ngayong simula muli ng pagpapatupad ng Alert Level 3 sa buong rehiyon. Alamin din po natin ang mahahalagang detalye sa pagbibigay ng booster shots dito po sa Pilipinas, at mamaya po ang bagong ahensiya ng pamahalaan na tututok naman sa karapatan ng mga Overseas Filipino Workers. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa gitna ng muling paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa at kasabay ng patuloy na banta ng Omicron variant, muling nagpaalala ang Senate Committee Chair on Health na si Senator Bong Go na magpabakuna na at panatilihin pa rin ang pagsunod sa health protocols. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: At para alamin ang iba pang detalye tungkol diyan, makakausap po natin si DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya. Good morning po, Usec.

DILG USEC. MALAYA: Magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky. At magandang umaga po at Happy New Year sa lahat ng ating tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Opo, Happy New Year din. Usec., magkakaroon po ba ng hiwalay at mas detalyadong guidelines at restrictions sa Metro Manila LGUs tungkol po sa intrazonal at interzonal movement?

DILG USEC. MALAYA: Base po sa naging anunsiyo ng Metro Manila Council kanina ay wala naman pong pagbabago sa intrazonal and interzonal movement sa National Capital Region dahil nga po under the IATF guidelines on the alert level system, ito pong intrazonal and interzonal travel is allowed under Alert Level 3 subject of course to reasonable LGU restrictions. At para naman po sa mga below 18, okay naman po silang gumalaw; kailangan lang po ay kasama po nila ang kanilang magulang o kaya naman guardian.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., paano raw po mas paiigtingin ng atin namang pulis iyong pagbabantay po sa loob ng halos dalawang linggong Alert Level 3?

DILG USEC. MALAYA: Well, mayroon na pong direktiba si Secretary Eduardo Año na tulungan ang mga local government units na mag-implementa nitong mga pamantayan ng alert level system dahil nga po, unang-una, under the Alert Level 3, 30% lamang po ang ating indoor venue capacity and ito po ay para lamang sa mga fully vaccinated individuals; at 50% naman po iyong ating outdoor capacity; and all workers must be fully vaccinated.

So nagbigay po ng direktiba si Secretary Eduardo Año na magkaroon ng random visit ang ating kapulisan sa iba’t ibang mga business establishments para po siguruhing nasusunod itong IATF regulations na ito. And nagbigay rin po ng direktiba si Secretary Año sa PNP to enforce strictly iyong granular lockdowns na parte po ng alert level system natin. At siya po ay nagbigay din ng direktiba na bisitahin o magkaroon ng random visit sa iba’t ibang mga quarantine hotels sa buong bansa ang PNP. Mayroon po tayong mga six to eight hotels dito sa Metro Manila para sa mga positive na returning Overseas Filipinos and OFWs, and mayroon naman pong around 150 na DOT accredited hotels. At gusto po ni Secretary Año na ito ay bisitahin ng ating kapulisan at itsek kung nandoon ba talaga iyong mga taong nasa listahan na still under quarantine at hindi pa lumalabas ang kanilang resulta ng RT-PCR para po masiguro na wala na pong—para mapigilan iyong sinasabing modus na absentee quarantine.

USEC. IGNACIO: Opo. Magtutungo po tayo kasi may mga tanong po iyong media, ating kasamahan sa media tungkol diyan. Pero unahin ko na muna iyong tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror para sa inyo: Ilan daw po ang current areas in NCR under lockdown? May mga additional LGUs po kaya ang nag-announce na mag-i-impose na ng lockdowns starting this week? At makakakuha po kaya ng ayuda iyong affected residents?

DILG USEC. MALAYA: Okay, makakasiguro po tayo na mabibigyan ng ayuda dahil nakahanda naman po ang DSWD at ang mga local government units sa granular lockdown. Ipinakuha na po iyong datos ng granular lockdown, nagkaroon lang po kasi ng delay sa reporting sa amin dahil holiday po nung mga nakaraang araw. But as soon as we have that information, Usec. Rocky, ay ilalabas po natin iyan sa media.

But definitely po, sigurado po tayong makakatulong ang national government through the DSWD ng tulong sa ating mga kababayan na ilalagay natin under granular lockdown.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod naman pong tanong ni Sam Medenilla [garbled] sa probe on vaccines wastage at underperformance ng LGU sa pag-meet po ng kanilang vaccine targets? May mga nakasuhan na kaya na LGUs because of the said reasons?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Since it is the first working day of the year, babalikan po natin, Usec., iyong mga datos natin from last year. Naglabas na po ng warning ang DILG sa mga local government units particular po doon sa mga LGUs na hindi pa nakakapag-upload ng datos ng kanilang mga constituents sa VaxCert Philippines portal. We called their attention; naglabas po tayo ng warning. Kung wala pa rin pong improvement sa kanilang uploading ng datos ng vaccinated individuals sa VaxCert portal, mapipilitan na po ang DILG na maglabas ng show-cause order laban sa mga local government units na ito ngayong buwan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Maricel Halili ng TV5, pareho po sila ng tanong ni Cleizl Pardilla ng PTV at ni Bea Bernardo ng PTV: What do you think of Metro Manila Mayor’s policy that unvaccinated individuals should remain at home except for essential trip? Should they be banned in public places like malls?

DILG USEC. MALAYA: Well, we fully support the decision of the Metro Manila Council na ipagbawal po ang mga unvaccinated individuals in public places. Alam naman po natin na iyong mga unvaccinated individuals pose a threat to the community, therefore maganda po iyong naging desisyon nila na dapat ay nasa mga kabahayan lamang sila and they should not be allowed in restaurants, leisure, establishments, to go on social trips, malls, public transportation.

At sinusuportahan din po ng DILG iyong polisiya na iyong mga nagtatrabaho hanggang ngayon na hindi pa rin nababakunahan, they should undergo RT-PCR test every two weeks and they should have a negative result at their own expense.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Bea Bernardo ng PTV News: Secretary Berna says may nahuli na naman silang nag-skip ng quarantine protocols, babae, from abroad dumiretso raw po sa condo niya pero naka-declare na quarantine hotel siya. May information na po ba? Nabanggit ninyo nga po kanina na maghihigpit po kayo tungkol dito, USec.

DILG USEC. MALAYA: Yes. USec., wala pa po kaming datos tungkol diyan, but definitely we will investigate para po maging proactive na ang ating pamahalaan. Tutulong na po ang DILG at ang Philippine National Police sa DOT at sa Bureau of Quarantine para po malaman na natin kung may mga nag-ii-skip nga or nagkakaroon ng absentee quarantine.

Kaya nga po kanina ibinalita ko na po that Secretary Año directed the Philippine National Police to do random checks. Mangyayari po, pagdating po ng ating mga pulis sa quarantine hotel, hihingin po nila iyong listahan from the Bureau of Quarantine kung sino iyong supposedly na nandoon. At kung wala po iyong tao doon ay kaagad-agad pong inimbestigahan at sasampahan po ng kaso iyong hotel at iyong individual na skipped quarantine at lahat po ng mga tao na may kinalaman sa ganoong modus operandi.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Bea Bernardo, pareho po sila ng tanong ni Maricel Halili ng TV5: Kung mayroon daw pong update na doon sa kay Gwyneth Chua? Ang tanong po ni Maricel Halili: In relation daw po to Poblacion Girl, how do you monitor quarantined individuals? Do you have enough personnel to strictly impose quarantine rules?

DILG USEC. MALAYA: Okay. So, sagutin ko po muna iyong unang tanong na kung may update na po, ano.

Una po, hindi pa po natin alam kung ano iyong variant ni Poblacion Girl ‘no, kung ano iyong variant ng COVID niya kasi wala pa pong lumalabas na datos mula sa Genome Center. But I was told baka po lumabas ngayong araw.

Ngayon, doon po sa kaniyang close contacts na 15, seven na po ang nagpositibo ng COVID-19 while doon naman po sa 19 secondary contacts niya ay isa na po ang nagpositibo. So, talaga pong naging superspreader event iyong paglabas-pasok nitong si Poblacion Girl sa kaniyang quarantine hotel.

Lumalabas po sa inisyal na imbestigasyon ng PNP-CIDG na may kinalaman po ang hotel sa kaniyang paglabas at pagpasok dahil noong December 22, dumating po siya 11:23 from the airport, dumating po siya sa Berjaya at that time ngunit hindi po siya nagtagal doon, USec. ‘no, she was just there for less than thirty minutes and at 11:42 ay kaagad-agad siyang umalis at umuwi sa kaniyang bahay.

So, it is quite impossible na wala pong kinalaman ang hotel sa insidenteng ito

USEC. IGNACIO: Opo. Ganiyan din po iyong naging tanong ni Ivan Mayrina ng GMA News. Pero, USec., paano naman daw po iyong paghihigpit ng PNP sa pagbabantay naman sa mga quarantine hotels para masigurong all accounted for iyong mga naka-quarantine na talagang nasusunod ang protocols?

DILG USEC. MALAYA: Yes. Dati po kasi ang nakabantay lamang sa mga hotels is under the Bureau of Quarantine and the Department of Tourism. And hindi naman po ganoon kadami ang personnel ng DOT at ng BOQ para magbantay sa mga hotels na ito dahil tungkulin po talaga ng hotel iyan. Sila po ang may security guards, sila po ang may mga tao, mga staff na kailangang masiguro na hindi tumatakas ang kanilang mga quarantined individuals.

Pero lumalabas nga po na mismong hotel na ngayon ay in conspiracy with these individuals, nag-utos na po si Secretary Año sa ating kapulisan to do random visits sa lahat ng quarantine hotels sa buong bansa.

USEC. IGNACIO: Okay. USec., kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon. Maraming salamat po. Happy New Year, DILG Undersecretary Jonathan Malaya!

DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat din po at Happy New Year po sa inyo.

USEC. IGNACIO: Samantala, base naman po sa huling ulat ng Department of Health, nakapagtala pa ng dagdag na sampung detected Omicron variant sa Pilipinas kung saan tatlo rito ay local cases. Kaya naman ayon mismo kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi malabong mayroon nang local transmission ng natirang variant dito sa Pilipinas.

Alamin natin ang mga dagdag na paghahandang ginagawa po ng pamahalaan tungkol diyan. Makakausap po natin si Presidential Adviser for COVID-19 Response, Secretary Vince Dizon.

Good morning po, Secretary. Happy New Year!

SEC. DIZON: Happy New Year! Magandang umaga, USec. Rocky. Happy New Year sa lahat ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito iyong paulit-ulit na binabanggit ninyo lagi sa amin kapag kayo ay nagi-guest dito sa Laging Handa: Mag-ingat, posibleng tumaas ang kaso.

Secretary, nakita natin na mabilis nga daw pong dumodoble iyong COVID-19 cases sa ngayon. Ito po ba ay within expectations at napaghandaan na rin ng ating pamahalaan at ito po ba ay tinitingnan lang natin bilang holiday surge o dahil na rin po sa Omicron?

SEC. DIZON: Alam mo, USec. Rocky, nakita naman natin na itong Omicron variant na nagsimula sa South Africa ay talagang kumalat na sa buong mundo. Nakikita natin ang matinding pagtataas ng kaso sa iba’t-ibang parte ng mundo, sa Amerika lalo na, sa Europa, pati sa Asya.

At alam nating lahat na hindi naman makakaiwas na tatamaan din ang Pilipinas dito kaya last year pa lang kung maaalala ninyo, paulit-ulit nang sinasabi ng ating mahal na Pangulo, ng ating Secretary of Health, at lahat ng ating leaders sa IATF, na maghanda tayo at huwag tayong magiging kampante at huwag tayong susuway sa paulit-ulit nating sinasabi na kailangan tuluy-tuloy ang pagma-mask, paghuhugas, at pag-iiwas at kasama diyan lahat tayo ay dapat magpabakuna. Paulit-ulit po iyan, hindi po natin tinigilan ang pagpapaalala sa ating mga kababayan.

So, ngayon nga po, ito na, nandito na. Nagsabi na po ang DOH na malamang ito na nga iyong Omicron surge na kinakatakot natin at napakabilis po ng pagtaas ng kaso. Pero kailangan nating matandaan din na dinaanan na natin ito. Pang-apat na surge na ito simula noong 2020. Dinaanan natin noong nakaraang ilan buwan lang, iyong Delta surge na napakahirap lalung-lalo na nasa kalagitnaan pa lang tayo ng ating pagbabakuna.

Pero lahat tayo, alam natin na ang paraan lang para mapigilan natin ito at magawa natin iyong nagawa na natin noong nakaraan at napababa natin ang mga kaso lalo na iyong Delta na napababa natin nang mabilis, kung tayong lahat ay magtutulungan at simple lang po, lahat tayo ay dapat magpabakuna.

Kaya po sinusuportahan namin nang taos-puso at napakalaki po ng pasasalamat natin kay Chairman Benhur Abalos at sa lahat ng mayors ng Metro Manila dahil sa kanilang napakabilis na aksiyon dito sa Omicron surge at sa kanilang matapang na ginawang desisyon ngayon na mag-impose ng mga istriktong restrictions sa mga hindi bakunado.

Alam mo, USec. Rocky, kung titingnan natin ang nangyayari sa ibang bansa sa Omicron surge, 85-90% ng mga naoospital ay hindi bakunado. Ganoon kasimple ang datos, 85-90% ng mga nagkakasakit nang malubha at naoospital ay hindi bakunado.

So, tama po at napakamatapang na ginawa ng ating mga mayor sa NCR, ni Chairman Abalos, na talagang magdesisyon na ang mga hindi bakunado ay dapat i-restrict natin ang kanilang mobility kasi sila po ang unang-unang tatamaan nito. Kung maaalala ninyo po, si Father Nic Austriaco noong Nobyembre nag-guest kay Presidente, sinabi niya, kapag tumama ang Omicron sa ating bansa, ang hahanapin ng Omicron ay iyong hindi bakunado. Kaya iyan na nga po ang nangyayari sa atin ngayon.

Kaya po uulitin ko, magpabakuna tayong lahat, magpa-booster iyong three months and above na, pagkatapos ng kanilang second dose. Tuluy-tuloy tayong mag-mask, maghuhugas lagi tayo ng kamay at sana iiwas na po muna tayo sa mga matataong lugar. At kung tayo man ay magpupulung-pulong, siguraduhin naman nating mag-mask naman tayo.

Marami po tayong nakitang mga ehemplo na hindi masyadong magaganda ‘no nitong nakaraang Pasko at New Year ‘no na nagpulong, hindi pa rin nagma-mask, hindi umiiwas. Talagang nakita na natin dito sa mga naging party nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon. Iyan po talaga ay kailangang iwasan natin lalo na sa kapanahunan na tumataas ang kaso, dahil iyan po ay nagiging mga spreader events.

So iyon lang po, sana po alam na natin ang gagawin natin at makakaasa po ang ating mga kababayan na kung ano po ang ginawa ng ating gobyerno para mapababa ang Delta ng mabilis, ganundin po ang gagawin natin dito sa Omicron.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano naman daw po ang masasabi ninyo na muling bumalik na sa high risk and Metro Manila base po sa pag-aaral ng OCTA Research? May dagdag na mga countermeasures na po bang gagawin ang pamahalaan dito, bukod po sa pagpapatupad ng Alert Level 3?

May kaugnay pong tanong diyan si Ivan Mayrina ng GMA News para sa inyo: Are we going to ramp up testing following the sky rocketing positivity rate possibly driven by the Omicron variant?

SEC. DIZON: Unang-una po, iyong pagdideklara ng high risk at ng pagtataas ng alert level, automatic po iyan base sa mga criteria na sine-set ng ating mga eksperto. Kapag tumaas ang kaso ng masyadong mabilis sa loob ng dalawang linggo, kapag dumadami ang mga naoospital may automatic pong pagtataas ng mga alert level.

Ang unang-una pong ginawa nga na hindi natin ginawa noong nakaraan ay itong ginawa ng MMDA at NCR Mayors. Napakaimportante po nito, dahil alam natin na ang Omicron at ang COVID-19, ang tatamaan talaga ng malubha iyong mga hindi bakunado. Kaya imbes na nagla-lockdown tayo ng lahat ng ating mga kababayan, ngayon magiging istrikto tayo sa mga hindi bakunado dahil sila po ang tatamaan ng malubha nitong Omicron at ng COVID-19.

Doon po sa ating detection, isolation, treatment, lahat po iyan ay automatic na paiigtingin kapag tumataas ang kaso at kapag tumataas ang alert level. Kaya makakaasa po ang ating mga kababayan na talagang paiigtingin po natin lahat ng mga measures natin – ang testing, ang contact tracing, ang isolation at ang treatment.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: May plano na po kaya ang IATF na i-raise din ang alert level sa ibang regions bukod po sa NCR? If yes, ano pong mga regions na ito at ano po ang reason sa pagpalit ng alert level sa mga nasabing rehiyon?

SEC. DIZON: Nakahanda po tayo lagi, sabi ko nga pang-apat na nating surge ito ‘no. At kahit papaano nakikita naman natin na tumataas ang kaso kagaya ng nangyayari ibang bansa, pero dahil sa pagtutulungan nating lahat, napapababa natin ito at gagawin natin iyan base sa mga criteria na sine-set ng ating mga eksperto. Kasama na diyan ang pagtataas ng mabilis ng mga kaso sa loob ng dalawang linggo, iyong pagtataas ng attack rate at iyong pagtataas ng level of occupancy ng ating mga ospital. Kapag iyan po tumaas sa mga level para dapat itaas na ang alert levels natin, gagawin po natin ng mabilis iyan tulad ng ginawa natin sa NCR ngayon; tulad ng ginawa natin sa iba’t ibang area noong nakaraang surge natin ng Delta noong Agosto at Setyembre.

USEC. IGNACIO: Opo. Paano po paiigtingin ang PDITR strategy ngayong Alert Level 3 sa NCR? Crucial na naman po ang testing at tracing sa nararanasan nating surge ngayon?

SEC. DIZON: Uulitin ko, kagaya po noong ginawa natin noong nakaraang mga surge na kapag mayroon tayong nakikitang pagtataas ng kaso, lahat po iyan ay pinaiigting, pinapadami po, nagpe-preposition na po ang DOH ng ating mga kits, ng ating mga supplies sa ating mga laboratoryo.

Ang DILG po ay ire-renew po ang lahat ng contact tracers, nasabi na po iyan ni Secretary Año, lalung-lalo at napasa na at napirmahan na ng ating mahal na Pangulo ang ating budget. Pati po ang hiring ng ating mga health care workers para po ihanda natin sila sa pagtataas ng mga kaso sa ating mga ospital. Lahat po iyan ay ginagawa na po iyan ngayon sa pamumuno ni Undersecretary Bong Vega na head ng ating response cluster.

USEC. IGNACIO: Opo, tanong po ni Dano Tingcungco ng GMA News: Ano po ang posisyon ng

SEC. DIZON: Nawala po kayo, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Ulitin ko lang po iyong tanong ni Dano Tingcungco ng GMA News: Ano daw po ang posisyon ng NTF sa self-test antigen kits ngayong may pagtaas ng kaso ng COVID? Susuportahan ba ang paggamit ng mga self-test kit para po maiwasan ang pila sa mga testing facility at kumusta daw po iyong sitwasyon ngayon sa mga testing facility?

SEC. DIZON: Pinag-aaralan po ng ating mga eksperto iyan. Kailangan po umasa tayo sa ating mga eksperto. Although iyon pong pagbibigay ng personal na responsibilidad sa ating mga kababayan, tingin ko sa halos dalawang taon na nating pinagdadaanan, tingin ko importante din po na i-consider natin ng maigi iyan, kagaya ng ginagawa nila sa ibang bansa, pero pinag-aaralan po iyan ng ating mga eksperto ngayon.

Kagaya ng sinabi ko po, tayo ay nagpi-preposition na po ng mga supplies sa ating mga laboratoryo at dahil nga po sa ginawa ng pamahalaan na pinadami nang pinadami ang ating mga laboratoryo sa buong bansa, eh tingin ko po kakayanin naman natin itong mga dagdag na nagpapa-test lalo na ngayon. Pero ang importante lang po ay talagang handa tayo sa kahit anong pagtaas ng mga kaso.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Maricel Halili ng TV5: Congressman Zarate po is asking the government to provide free RT-PCR test. Sabi niya dapat may mass testing na kasunod ng surge. Is the government considering this?

SEC. DIZON: Alam ninyo libre naman po ang PCR para doon po sa mga kababayan natin na napapaloob doon sa risk classification na ginawa ng ating mga eksperto. Pero paulit-ulit po naming sinasabi, limitado po ang ating resources, imagine-in naman po ninyo ‘no at 100,000 test a day at P2,000 na lang per test at 100,000 test per day. Dalawandaang milyon po iyon na kailangang ilabas ng gobyerno kada araw kung ganoon kadami ang ite-test natin. So, hindi po unlimited ang ating resources.

So, ginagamit natin ang ating mga resources sa pinaka-episyenteng paraan pero importante po sumunod po tayo sa advice ng ating mga eksperto at ngayon ang kanilang advise na patuloy nilang sinasabi na kailangan po ang ating RT-PCR ay risk-based at iyon po ay libre kapag ikaw ay napapaloob doon sa risk classification base sa advice ng ating mga eksperto.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Ian Cruz ng GMA News: Secretary Vince, higit daw po 51,000 deaths ang naitala sa Pilipinas. Ilan po doon ang unvaccinated, 80% daw po ang mga nasa ospital ngayon ay pawang mga unvaccinated.

SEC. DIZON: Totoo po iyan.

 SEC. IGNACIO: At hindi po naabot ang target na 54 million na Pinoy na full dose ng COVID-19 vaccine sa katapusan ng 2021. Ano po ang bagong target na vaccination ngayong 2022?

SEC. DIZON: Tayo po ay umabot ng humigit-kumulang mga 50 million, end of 2021. Ngayon, tinutulak natin ngayon at kampante tayo na iyong 54 million maaabot natin ngayong first week of January. So, alam naman natin iyong hirap na dinaanan natin sa iba’t ibang rehiyon lalo na sa Region 7, Region 8 at ibang parte ng Mindanao dahil sa Bagyong Odette. So kailangan habulin natin iyan.

So, ang target natin, nandoon pa rin, 70 million, at least one dose by end of January, tapos end of February, beginning of March hopefully umabot na rin tayo ng 70 million fully vaccinated So iyon ang ating target sa ngayon. Pero more than iyong fully vaccinated, kailangan din i-prioritize natin iyong mga kailangang tumanggap ng booster shots ‘no. Lalo na iyong ating mga senior citizens at iyong ating mga may karamdaman, may comorbidity, pati na rin iyong pagpapadami ng mga binabakunahan nating mga kabataan. At hopefully, pati iyong five to eleven pagkakuha natin ng supply natin galing sa Pfizer ngayon buwan ng January eh masimulan na rin natin. So, iyan ang pina-follow-up namin ngayon sa ating mga suppliers, sa Pfizer International, para makapag-deliver na sila ng ating mga bakuna para sa ating five to eleven dahil nakita natin ngayon pati mga kabataan natin lalo na iyong mga exposed sa mga densely populated areas ay tinatamaan ng COVID-19 kaya dapat i-prioritize natin ang pagpapabilis ng pagpapabakuna sa ating mga kabataan.

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbabahagi sa amin ng impormasyon at siyempre sa ating programa. Muli, nakausap po natin si Secretary Vince Dizon, ang Presidential Adviser for COVID-19 Response.

Mabuhay po! Ingat po, Secretary.

SEC. DIZON: Maraming salamat po. Ingat po tayong lahat. Tandaan po natin, bakuna – kailangang-kailangan, at mask, hugas, iwas. Disiplina lang po. Thank you very much. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Opo. Salamat po.

Simula ngayong araw ay ipinatutupad na po ang Alert Level 3 sa National Capital Region na magtatagal hanggang sa January 15, 2022.

Sa ilalim nito, pinapayagan pa rin ang intrazonal/interzonal travel maging sa vulnerable population kabilang ang mga 18 anyos pababa kung ang pakay ay bumili o mag-avail ng essential goods and services.

Ibinalik naman sa 30% indoor capacity para sa fully vaccinated at 50% outdoor capacity ang mga lugar para sa meetings, incentives, conferences at exhibitions venue para sa social gatherings gaya po ng mga kasalanan at birthday parties, tourist attractions kagaya ng mga library, museum, mga parke at plaza, amusement parks/theme parks at recreational venues kagaya ng mga internet cafes, arcades, swimming pools, atbp.

Pinapayagan din po ang pag-o-operate ng mga sinehan, gayundin ang face-to-face classes sa kolehiyo kabilang ang mga technical vocational trainings. 30 hanggang 50% lang din ang puwede para sa religious gatherings at necrological services, licensure exams at entrance o qualifying exams, dine-in services sa mga restaurants, personal care establishments kagaya ng mga salon at barber shops, fitness studios, gyms at mga lugar para sa mga non-contact sports at ang film, music at TV productions.

Samantala, pansamantala namang ititigil ang pilot run ng face-to-face classes sa NCR base sa anunsiyo ng MMDA kahapon. Hindi na rin muna papayagan ang anumang uri ng contact sports maliban kung naka-bubble set-up. Bawal din ang pagbubukas sa mga peryahan at anumang kid amusement industries. Maging ang mga karaoke bars, clubs, concert halls at teatro.

Ipinagbabawal din ang mga casino, sabong at iba pang gaming establishments maliban sa mga una nang pinahintulutan ng pamahalaan, at ang pagtitipon-tipon ng mga taong hindi magkakasama sa iisang bahay.

Mananatili naman sa Alert Level 2 ang iba pang lugar sa Pilipinas hanggang sa January 15.

Mas maghihigpit po ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa mga residenteng hindi pa rin bakunado hanggang sa ngayon. Ito po ay habang umiiral ang Alert Level 3 sa National Capital Region.

Ayon kay MMDA Chair Benhur Abalos, nagkasundo ang mga alkalde sa NCR na hindi papayagang lumabas ng bahay ang mga hindi pa bakunado maliban na lamang sa essential activities. Hindi rin papayagan ang unvaccinated sa domestic travel, indoor at kahit outdoor dining. Napagkasunduan ito ng Metro Manila mayors sa harap ng banta ng Omicron variant. Siniguro naman ng Metro Manila Council ang kahandaan ng NCR sa mass testing, isolation facilities at contact tracing efforts.

[AVP]

Sa bahagya pong paghihigpit na gagawin sa ilalim ng Alert Level 3, maraming mga negosyo ang nangangamba na naman sa posible pong magiging epekto nito sa kanilang kabuhayan. Kaugnay niyan ay makakausap naman po natin si DTI Secretary Ramon Lopez.

Good morning po, Secretary. Happy New Year po, Secretary.

DTI SEC. LOPEZ: Good morning, USec. Rocky. Happy New Year po sa lahat! Magandang araw po.

USEC. IGNACIO: Secretary, balik nga po sa 30% to 50% itong papayagan sa dine-in services sa mga restaurants, cafes at iba pa, sa palagay ninyo po ba ay magkakaroon ng malaking epekto sa negosyo itong pagpapatupad na naman po ng Alert Level 3 sa Metro Manila ng almost two weeks po?

DTI SEC. LOPEZ: Okay. Sa tingin po natin, hindi po masyadong malaki ang epekto nito dahil kung maalala ninyo, noong tayo rin ay gumalaw mula Alert Level 3 noong bandang, I think November last year papunta sa Alert Level 2, nabanggit din natin na may kaunting pag-improve lamang dahil ang difference in terms of sectors opened ay minimal na lamang.

Ang malaking ikinaiba lang nito ay iyong mga operating capacity as mentioned ninyo kanina ay of course ibinaba by mga 20% points. So, iyong dating 70% outdoor naging 50%; tapos iyong dating 50% indoor naging 30%. So, we’re now talking of 30 and 50. Pero maalala ninyo na since this is NCR at over 70% ay bakunado na dito sa NCR, may additional 20% points sa mga operating capacity. So, ang total sa indoor can be 50%, kung may safety seal, 60%, may additional ten. So, sa 60%, I think magandang allowance na ito sa operating capacity.

At I think itong maganda sa alert level system natin ngayon, it allows all businesses to continue to operate ‘no, maliban lang doon sa ini-exclude natin na binanggit ninyo kanina ‘no na iilan lamang iyon. Iyong mga sa funfair, peryas, gaming establishments at mga indoor entertainment – karaoke bars. So, kaunti lang itong mga nabawas or naisara uli na sectors. But practically all the other MSMEs and service-oriented businesses including the gyms, the cinemas, etc., ay allowed pa rin naman sila ngayon.  Of course, lower operating capacity.

So, dahil diyan, masabi natin na hindi po ganoon kalaki ang impact nito.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kaugnay niyan ay basahin ko lamang po iyong tanong ni Cleizl Pardilla mula sa PTV News: Anu-ano raw pong mga negosyo ang bawal under Alert Level 3 at gaano karaming trabaho ang mababawas?

[COMMERCIAL BREAK]

USC. IGNACIO: Balikan po natin si DTI Secretary Ramon Lopez. Secretary, paumanhin po, nagkaroon lang po tayo ng technical problem. Basahin ko na po itong tanong ni Cleizl Pardilla: May apela po ba o hirit daw po ba ang mga nasa theater at gym industry sa DTI since sila po iyong kabubukas pa lang na negosyo at paano po ito tinutugunan ng DTI?

DTI SEC. LOPEZ: Sa ngayon, wala ho dahil if you will remember, presented kanina, ay allowed naman po sila ‘no. Of course, lower capacity lang as discussed earlier. So walang pagbabago – cinema, gyms, they are allowed under Alert Level 3.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mayroon po kaninang tinanong din si Cleizl, basahin ko na lamang po ano: Dahil under Alert Level 3, gaano raw po karaming trabaho iyong mababawas na naman kung mayroon po kayong datos?

DTI SEC. LOPEZ: Naalala ko, iyong kaninang bago tayo naputol, noong nag-move tayo from Alert Level 3 noong November into Alert Level 2, nabanggit namin noon na ang babalik na trabaho noon ay iyong natitirang mga 100,000 to 200,000 estimate natin na mga naiwan pa na sarado. So ito ngayon ang basically ang maapektuhan. But this is, again, hopefully temporary dahil ito iyong mga konting sektor na nagsara. But I think, as presented, maraming sektor naman sa atin ngayon ay bukas na; binawasan lang ang operating capacity.

Pero napaka-importante, Usec. Rocky, iyong panibagong desisyon ng MMDA, mabanggit ko lang, iyong pag-limit ng movement ng unvaccinated at bigyan ng privilege iyong vaccinated. We definitely support iyang move na iyan. I-limit na muna iyong mga unvaccinated for their own safety. We’d like to thank sila MMDA Chairman Abalos at saka mga mayors, at i-limit natin sa essential activities muna ang galaw ng mga unvaccinated at bigyan natin ng privilege na lang iyong vaccinated, again, maiwasan iyong unvaccinated, sila po ang tatamaan ng Omicron.

At ito ay puwedeng magawa ngayon dahil masasabi natin dito, especially in Metro Manila, marami na tayong supply ng vaccine. Dati hindi natin magawa ito dahil limited ang supply. Ngayon abundant ang supply natin and therefore, we can support this move, this recommendation ng MMDA.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Cleizl Pardilla: May mga negosyo po bang nakita ang DTI na lumalabag sa health protocols? Gaano karami at ano raw po iyong usual violation na possible na naka-contribute sa surge of cases?

DTI SEC. LOPEZ: Actually, iyong pagdating sa pagsunod sa protocol, iyong feedback sa atin, if ever mayroon man like recently lang, itong mga sinasabing iyong pag-require ng vaccinated kapag indoor. Iyong iba will rely on iyong statement ng mga customers. Ang pinaalala natin, kailangan i-require iyong proof ng vaccination.

At kung mayroong hindi sumusunod na mga establisyemento tulad nang niri-require natin, iyong mga may indoor dine-in, i-report po sa amin para mapuntahan po sila at maaksyunan iyong hindi nila pagsunod. Ito po ay napakaimportante para talagang mahuli natin iyong mga hindi sumusunod dito sa patakaran na ito; kailangan ipakita iyong proof ng vaccination.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong tanong ni Cleizl Pardilla, nasagot ninyo na about doon sa MMDA decision sa unvaccinated. Tanong naman po ni Sam Medenilla mula sa Business Mirror: How much economic losses are estimated with the shift to Alert Level 3? Which sectors are likely to contribute the most of said losses? How much in terms of percentage and why?

DTI SEC. LOPEZ: Again, as reported in terms of jobs, mga 100 to 200 thousand. And if I remember right, mga 200 million din iyong estimate natin na possible losses, this was the gain also when we moved from Alert Level 3 to 2. So in effect, ito rin iyong numero na pinagbabasehan natin na maaaring bumalik lamang tayo dito sa pag-atras na ito dahil sa paggalaw moving to Alert level 3, back to Alert Level 3. But again, nakikita natin ito mga two weeks, oobserbahan natin ang numero.

Alam ninyo po, ang pinakaimportante dito ay iyong mailayo na natin iyong ating bansa sa posibleng biglang pagdami ng Omicron cases dahil nakita natin ito talagang lumalala sa bansa tulad ng US, ng United Kingdom at iba pang European countries, at maiwasan natin iyong pag-overwhelm sa ating ospital.

Pero, ang magandang balita naman, base nga roon sa experience sa ibang bansa, ang Omicron ay three times less or mga one-third lamang ng tulad ng severity ng Delta cases. Kaya napakaimportante ngayon maobserbahan natin muna dito sa dumadaming cases na ito, ilan kaya ang maoospital dito; ilan ang magiging ma-ICU case dito. At babantayan natin ngayon dapat iyong ICU utilization, kung dadami ba ito or hindi. Bantayan natin iyong daily healthcare utilization rate, daily ICU utilization para kung hindi gumagalaw itong ICU at walang lumalala naman, it will give us the confidence to again go back to Alert Level 2 kung kinakailangan at para, again, maibalik natin iyong Alert Level 2 at iyong dami ng SME businesses na puwede uling magbukas at dami ng trabaho na puwede uli; bantayan natin iyan.

Isa pang pinapaaral natin, pinu-push din po natin ito together with NEDA, iyong itong mga …iyong nasa Alert Level 2 tayo, nakita naman natin at least bago itong Omicron issue na ito, bago mag-New Year, nakita natin iyong—or bago mag-Pasko—nakita natin na kahit open ito, iyong ating market sa mga minors ay tuluy-tuloy bumababa iyong cases natin up to the 200 level, kung inyong maalala ‘no. So it’s a big possibility na hindi connected sa pagbukas sa minors itong pagdami ng cases; ibig sabihin, puwedeng bumababa iyong cases.

So it is important to review again the protocols pagdating naman sa allowing minors, iyong below 18 years old lalo na kung vaccinated. Baka puwedeng i-adjust iyong protocol para ma-allow din iyong minors kasi malaking tulong din sila sa paggulong ng ekonomiya natin, iyong kapag vaccinated sila at puwede rin silang mapayagang lumabas. Hindi tulad ngayon na, again, essential purpose lang iyong kanilang puwedeng dahilan paglabas. So iyon iyong isang pag-aaralan din. Again, in all these, as we learn to manage the virus, kailangan talaga niri-review din natin iyong protocols natin, napa-fine tune natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Maricel Halili ng TV 5: Do we still have enough supply of paracetamol, may reports po kasi na nagkakaubusan na? If there is really a shortage, where can we attribute that?

DTI SEC. LOPEZ: Wala po kaming natatanggap na report on the shortage. Lalo na iyong mga paracetamol, wala po. Ang dami ho niyan at saka ang dami pang generics niyan, so hindi po concern iyon. At saka, I think at this point, I would like to also mention na naalala ninyo na noong nag-surge sa Delta, nangailangan tayo ng maraming oxygen. At again, with God’s grace, hindi naman po tayo kinulang din ng oxygen kahit noong dumami iyong daily cases. And hopefully itong cases ng Omicron would be cases na hindi aabot sa severity, hindi magiging malala that will require oxygen.

Nevertheless, ngayon pasalamatan ko lang din iyong oxygen group, iyong industry na tumulong sa atin, in particular sila Nippon Sanso of Ingasco, sila Mr. Raymund Chu. Talagang hindi niya pinabayaan iyong limitadong supply noon sa Visayas at Mindanao, nagpadala mula Luzon or mula Visayas at talagang tuluy-tuloy iyong naging supply natin, wala tayong kinapos na oxygen lalo na noong kasagsagan ng Delta cases noong araw. So, hopefully, nandiyan ang ating supply ng oxygen, pinadami pa iyong mga tangke, bumili pa sila ng maraming tangke again, just in case dumami ang pangangailangan dito, nakahanda po ang oxygen group natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Sam Medenilla: DTI daw po recently issued a show cause orders and letters of inquiry to 69 retailers in typhoon-affected region found to be selling overpriced goods despite the price freeze. Kindly asking for an update on this. From Sam Medenilla po ng Business Mirror.

DTI SEC. LOPEZ: So, tuluy-tuloy iyong ating enforcement nito, katuwang natin ang PNP-CIDG. So, lahat po noong may report pa sa amin, aside from our enforcement team going out, i-report lang sa amin, isumbong sa atin kung may mga occasions or may mga nagsasamantala na mga retailers. Iisyuhan natin ng show cause orders at kakasuhan natin iyong hindi makapag-explain ng maayos sa atin. Tayo ay naghahanap talaga ng violators dito para talagang wala nang tumulad sa kanila, para talagang makasuhan iyong dapat kasuhan.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang po, Secretary. Tanong po ni Raffy Ayeng ng Daily Tribune: What is the implications sa hindi pa rin nara-ratify na Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP. Nag-start na po ang ibang bansa January 1, kabilang ang ASEAN, naiwan po tayo. Ano po kaya sa tingin ninyo ang dahilan ng mga senator kung bakit nakabinbin ang ratipikasyon sa kabila ng pagsusulong ng Philippine government, DTI at BOI?

DTI SEC. LOPEZ: Wala po tayong nakitang malaking dahilan dito. I think lack of material time, dahil noong mga huling araw ng sessions nila noong December, tayo po ay nakatutok, pati rin po ang mga senators, gusto rin po talaga nilang i-tackle ito. In fact, natapos natin iyong committee level, subalit pagdating sa plenary, ang daming inuuna doon, number na doon iyong budget at saka iyong mga diskusyon sa mga economic reforms na kailangang matapos din nila at iyon po ay natapos, nandiyan iyong Public Service Act, Retail Trade Law, pati iyong Foreign Investment Act.

So talagang lahat po tinapos ng senado, nagpapasalamat po tayo sa ating senado sa pagtapos nitong mga major reforms plus the budget. Talagang kinulang lang tayo ng araw at oras dito sa RCEP. Subalit kung ito ay ma-discuss naman nitong January, I think hindi naman ganoon kalaki ang impact sa pagka-delay sa atin. Pero kapag humaba pa ito, iyon ang sinasabi nating may impact ito kapag tumagal iyong delay.

Kasi imagine-in natin, may impact ito siyempre sa investment na papasok dito, mga investors, mawawalan nang tiwala na sa atin kung tayo ay hindi kaparte, hindi kasama dito sa RCEP. Ang ating mga market access sa export countries natin na mga trade partners ay hindi natin ma-maximize, dahil hindi tayo kasama dito, hindi tayo mag-benefit sa mga lowering of tariff sa mga iba’t ibang bansa. At iyong investors hindi na pupunta dito, mawawalan ng trabaho o mababawasan pa ng trabaho ang ating mga kababayan dito. Kaya napakaimportanteng ma-ratify ito.

Again, iyong concerns na nakikita natin sa ibang pahayagan, iyong niri-raise ng agri-sector, hindi po apektado iyong agri-sector dito dahil nandiyan pa rin po sila sa exclusion list. In other words, hindi po ginalaw iyong mga agri-sector, kaya wala dapat pangamba ang agri-sector. Ang importante dito magtuluy-tuloy iyong serbisyo, iyong budget support sa ating mga agriculture sector with or without RCEP.

So, iyon po ang kailangang matugunan ng ating pamahalaan, iyong support sa sector na ito na binigyan naman ng mas malaking budget ngayon ng DA para matugunan at masuportahan ang agriculture sector. Pero sayang maraming mawawalang opportunities sa atin in terms of trade investment kung tayo ay made-delay pa ng matagal ito. Kaya umaasa tayo, itong mga first two weeks or three weeks ng January, ay ma-ratify na po sa senado.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, always keep safe, DTI Secretary Ramon Lopez. Mabuhay po kayo, Secretary.

DTI SEC. LOPEZ: Mabuhay po, keep safe.

USEC. IGNACIO: Samantala, kasabay ng pag-iral ng Alert Level 3 sa Metro Manila ay ang pagbabalik trabaho din ng ating mga kababayan. Kaya naman alamin natin ang sitwasyon sa mga pampublikong transportasyon tulad na lamang sa MRT 3 at sa EDSA bus way. Ihahatid sa atin iyan ni Rod Lagusad. Rod?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Rod Lagusad.

Samantala, muling tumaas ang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa bansa kahapon, January 2. 4,600 new cases ang naitala ng Department of Health, kaya pumalo ang total cases sa 2,851,931.

535 naman po ang mga nadagdag sa mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2,778,943 naman ang total recoveries, habang 51,570 ang lahat ng mga nasawi dahil sa COVID-19 nadagdagan ng 25 new deaths.

Tumaas na rin sa 0.8% or 21,418 na mga individual ang may active cases sa ngayon.

Samantala, nagpapatuloy pa rin po ang outreach program ng tanggapan ni Senator Bong Go ngayong bagong taon. Kamakailan po ay mga persons with disability naman ang tumanggap ng ayuda mula sa senador at sa ilang ahensiya ng pamahalaan tulad ng DSWD. Ang detalye sa report na ito.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sakto sa araw ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal nang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magbubuo sa Department of Migrant Workers bilang pagkilala sa ating mga bagong bayani na overseas Filipino workers.

Alamin po natin ang mahahalagang detalye tungkol diyan, kasama po natin ang kilalang OFW advocate Aniceto “John” Bertiz. Good afternoon and Happy New Year po.

OFW ADVOCATE BERTIZ: Good afternoon po, USec. Rocky! Happy New Year sa lahat po ng nanonood sa inyong programa po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, bakit po mahalaga itong pagbuo ng bukod na government agency na dedicated po sa ating mga migrant workers?

OFW ADVOCATE BERTIZ: Unang-una po siyempre, ito ay mismong itinaon sa araw po ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal dahil po ay matatawag natin that this is the day of our modern-day heroes, iyong pagpirma po mismo ng ating mahal na Presidente sa pagtatayo po ng Department of Migrant Workers under Republic Act 11641.

Ito po ay hindi lamang po sa isa sa mga campaign promise ng ating President pero matagal na pong hinihiling at pinapangarap ng milyung-milyong OFW na magkaroon ng isang sariling tahanan para tutugon at ito po ang… that will answer all the needs and concerns ng lahat po ng ating OFWs.

Siyempre po, talagang super pasalamat po ang milyung-milyong OFW kay Senator Bong Go dahil very consistent din po siya sa pagpursige po ng batas na ito sa Senado. At ngayon po, hindi na po tayo pagpapasa-pasahan pa, magkakaroon na po ng isang dedicated department that will be going to take care of all the concerns and policies ng ating mga migrant workers pati na po ang overseas Filipinos natin.

At napakahalaga po ng batas na ito dahil po iyong pinaka-importanteng mga ahensiya, ito po ay in-absorb pati ang functions and power po nila. Unang-una po, USec. Rocky, of course, iyong POEA will be the backbone of this Department of Migrant Workers kasi naka-establish na naman po ang mga batas, polisiya, para proteksyunan ang mga pangangalaga sa ating mga OFW.

Nandiyan din po iyong Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affair na siya naman pong nangangalaga sa ating mga undocumented at iyong mga may kaso which is ito po iyong napaka-importante. Of course, iyong assistance to nationals and legal assistance fund na nandiyan din po sa OUMWA.

And of course, isa po sa pinaka-importanteng na-absorb po diyan is iyong National Reintegration Center for Migrant Workers, kasi tulad po ng nangyari ngayong pandemya, dapat po iyong mga umuuwi, nawalan ng trabaho, mahigit isang milyon po iyan which is kaya naman po palang serbisyuhan ng ating pamahalaan under our Duterte government’s administration, iyong pagkakaroon po ng bagong kaalaman, kakayahan hanggang kabuhayan.

It is the whole-of-government approach na serbisyuhan po natin iyong mga OFW po natin na umuwi. Iyon ILAB naman po, iyong International Labor Attaché Bureau na under po ng DOLE ay maa-absorb na rin, iyong function niya dito sa bagong department, ganoon na rin po iyong mga Philippine Overseas Labor Office natin, iyong mga POLO offices natin which is napaka-importante po iyong ginagampanan nila kasi nga dahil nga po sila po iyong mga nasa ibang bansa na nangangalaga po ng karapatan ng ating OFW.

Siyempre po, [TECHNICAL PROBLEM]

—ating mga marino kaya nga po iyong Philippine Maritime Polytechnic ay kasama rin po iyan under ng Department of Labor, ganoon na rin po iyong mga welfare attaché natin na galing naman po ng DSWD.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir John, siyempre, ang inaasahan kaagad dito iyong magiging tulong nito pagdating sa ekonomiya ng ating bansa lalo’t alam po natin na malaki po iyong ambag ng mga OFWs sa ating ekonomiya. At paano po nito mapoprotektahan lalo iyong mga bansa po na maraming reports ng abuse sa ating mga OFW?

OFW ADVOCATE BERTIZ: Totoo po iyon, USec. Rocky. Alam ninyo po, taun-taon kahit po kalagitnaan ng pandemya taun-taon po tumataas po ang mga remittances ng ating mga kababayan, kaya nga po ang ahensya na ito ay hindi lamang po binuo para sa proteksyon ng ating mga kababayan, siyempre dapat po magkaroon tayo ng matibay na reintegration program. Ito po iyong pagbabalik lalo na po ngayon na pandemya at adopting the new normal.

Marami po tayong mga programa dito sa bansa natin na nakatulong po sa mahigit 600,000 out of one million plus na umuwi na ating mga kababayan – andiyan po ang TESDA, DTI, Department of Agriculture, na gumawa po tayo ng mga programa. Ito nga po iyong tulad po sa TESDA, TESDA Abot Lahat, mayroon po tayong mga livelihood and training program na libreng ibinibigay sa kanila. Since na nagkaroon na po ng department dapat po i-strengthen din ito.

Siyempre, ang pinaka-importante, iyong imbentaryo noong ating mga displaced workers lalung-lalo na po sa Middle East, USec. Rocky. At marami po tayong mga undocumented workers na despite of the pandemic nandiyan pa rin po iyong mga sindikato ng mga human trafficking. Ito po, sa pakikipagtulungan po ng iba’t-ibang ahensya na nakasaad po sa batas na iyan ng Republic Act 11641 ay mapapagtulungan po tulad po ng DOJ.

At isang kasagutan na rin po ito sa matagal na rin po nating inilalaban, iyong Kafala System sa Middle East kasi ang pagkakaroon po ng isang departamento, it will actually coordinate and restudy iyong paano maiiwasan po iyong Kafala System which is the direct sponsorship. Puwede naman po ito kasi may mga in place na po na mga batas at mga polisiya doon sa Middle East country. So, para po maiwasan na rin natin iyong ating mga tinatawag po na mga naabuso lalung-lalo na po doon sa mga vulnerable sectors.

Kasi nga po ang mga kababaihan tulad po niyan hindi naman po dahil kapag naghanap ang isang employer sa Pilipinas domestic welfare lang o domestic worker lang ang nasa isipin. Marami pong programa ang ating gobyerno, sa TESDA po nagbibigay tayo ng mga pagsasanay para maging skilled workers sila at they will not just end up as domestic worker.

So, ito po iyong panahon na kapag nagsama-sama na po itong mga ahensya na ito, magkakaroon na po ng magandang oportunidad hindi lang po pagdating sa mga protection and policies para sa ating mga migrant workers, we can even harness all those talents and knowledge that they have gained overseas para maging part po sila ng nation-building. Kasi po sa ngayon po nababawasan na rin po iyongmga deployment but because of this online business at iba pa pong mga outsourcing business, puwede po tayong maka-create ng mga opportunity para sa ating mga overseas Filipino at the same time makakatulong din po, USec. Rocky, iyong kanilang bilyon na remittances po para sa ating bansa po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir John, saan naman daw po kaya manggagaling iyong pondo para dito ngayong taon lalo at pirmado na rin po iyong 2022 National Budget ng bansa?

OFW ADVOCATE BERTIZ: Opo. Mayroon pong initial siyang fund according to the Republic Act 11641 po na one billion plus po. Iyong mga existing agency naman po na ia-absorb, Usec. Rocky, may mga existing budget din po sila.

So there will be transitions at sa bagong departamento at pati po iyong mga budget ng existing na pitong ahensiya na po iyan, puwede rin pong magamit sa bagong departamento. And of course, kapag nagkaroon po ng full transition na iyan, it will be requested naman po sa ating Kamara o sa Kongreso na magkaroon po siya ng sariling budget. But for the meantime po, in place naman po ang budget lalung-lalo na po under ng OUMWA, POEA. And ang OWWA naman po ay attached agency, so hindi naman po magagalaw iyong mga contributions ng ating mga OFW and they have their own charter at sariling budget na rin po.

Ang dapat lang po nating rebisahin, iyong mga naka-assign po sa iba’t ibang post at iba’t ibang bansa and at the same time magkaroon po ng performance inventory kung bakit po ba sila natatambakan ng ating mga workers na nandiyan po na stranded po sa kanilang mga post. So, napakaimportante po na magkaroon muna ng mga inventory of assets and their existing budget. And at the same time, kapag in place na po iyan, the new department can request for additional budget.

Mayroon din po tayong mga nasa treasury na mga pondo, ito nga po iyong tinatawag nating documentary stamps na kinolekta po sa mga remittances ng ating mga kababayan na puwede rin siguro pong i-legislate or maging part siya na dito na po ilagay sa Department of Migrant Workers. Ang pinakaimportante po sa lahat, iyong shared government information system for migrations na nasa DFA po ngayon iyan, may sarili di pong budget, nang sa ganoon po, USec. Rocky, malalaman po natin, hindi lang iyong mga Overseas Filipino Workers na lumalabas na documented at the same time, pati po iyong mga bumabalik na mga nire-repatriate because of the pandemic. We have to know kung sinu-sino po sila, mekaniko po ba iyan, engineer, nurse, doctor po ba iyan na puwede po nating magamit sa ating bansa at ma-rebisa rin po ang mga existing labor bilateral agreement natin sa ibang bansa, baka po paso na at hindi na rin po angkop dahil sa sitwasyon ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon at sa inyong panahon para sa amin. Mabuhay po kayo, Mr. Aniceto John Bertiz. Happy New Year po, Sir.

ANICETO BERTIZ: Salamat po, USec. Rocky. Happy New Year and God bless you all po.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol, mula po sa PBS-Radyo Pilipinas.

Puntahan naman po natin ang pinakahuling balita mula sa Cordillera. Magbabalita si Phoebe Kate Valdez.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Bukod po sa pagsunod sa minimum health standards, mahalaga rin ang tuluy-tuloy na bakunahan para po malabanan ang mas pagkalat pa ng Omicron variant sa ating bansa. Alamin po natin ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga bakuna. Kasama po natin si Dr. Nina Gloriani mula po sa Vaccine Experts Panel. Magandang tanghali po. Happy New Year po, Doc.

DR. NINA GLORIANI: Magandang hapon, USec.  Rocky. Happy and safer New Year po sa lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ano po ang reaksiyon ninyo dito sa pag-aaral na nagsasabing mababa raw po iyong efficacy ng Pfizer booster shot laban sa Omicron variant, kung Sinovac daw po iyong primary series ng bakuna ng isang tao.

DR. NINA GLORIANI: Actually, USec. Rocky, hindi lang Sinovac, lahat halos ng bakuna na mayroon tayo ngayon, bumaba talaga iyong proteksiyon against the Omicron variant. So iyong iba siguro 40%, 30%, versus doon sa dati, sa Delta. Pero ang ating masasabi ay mayroon naman tayong, well, dito sa mga bakuna na ito, ang importante ay makapagpabakuna at least primary dose then iyong booster. Ganito ‘no, kapag nakapagpabakuna kayo ng at least isa man lang, mayroon kayong protection na hanggang mga 52% against hospitalization, hindi natin sinasabi against infection, kasi napakabilis ng transmission sa ating Omicron. So, napakalaki noong probability na makakakuha kayo kapag nakasalamuha ninyo ang isang may (unclear). Pero iyong pangalawang bakuna, kung iyong second dose kung dalawa ang kailangan ano, ay  magtataas pa ng protection at about 72% against hospitalization at ang maganda ring balita ay ang booster, iyong  third dose ay nakakapagbigay ng up to 90% na protection against the Omicron variant.

So importante po na nakapagpabakuna ang lahat. Iyong hindi pa kahit nakakaisa, kailangan pong makaisa na kayo, tapos sundan ninyo, siguruhin iyong susunod ay maibibigay sa inyo   at after three months iyong third dose na po, iyong booster actually. So iyon po importante na magpabakuna ang lahat.

USEC. IGNACIO: Pero, Doc, possible po kayang tumulad din tayo sa Israel na ngayon ay inaprubahan iyong fourth booster shot para po vulnerable population, para daw po mapigilan ang pagkalat ng Omicron variant? At kung pinag-uusapan na rin daw po ito ng pamahalaan? Iyan din iyong tanong ni Jena Balaoro mula sa GMA News?

DR. NINA GLORIANI: Sa totoo lang, hindi pa namin pinag-uusapan sa all experts group iyong fourth dose ‘no, but of course kailangan na nasa radar natin iyan. Pero ganito po ang neutralizing antibodies kasi ang nagiging basehan ng maraming mga vaccine companies, iyong proteksiyon.   Pero nakakalimutan natin na mayroon tayo iyong mga T cells na matagal na nating ini-explain iyon, iyong cellular mediated immunity na siyang magpu-protect sa atin against the severe form of COVID and for a longer period of time. Iyon po iyong hindi masyado yatang nai-explain at parati tayong nakatutok doon sa neutralizing antibodies. Totoo na bumaba talaga iyong neutralizing antibodies against the Omicron, pero mayroon pa tayong second defense na tinatawag.

Ang first defense kasi natin, itong mga antibodies pero mayroong second defense ang ating immunity, ang ating immune system na mga cell mediated. So in fact, iyon po ang nagbibigay ng proteksyon sa severe form, against hospitalization, iyang mga critical case and maybe even sa death. So iyon po.

So hindi muna natin siguro pag-uusapan kasi too soon, although mayroon silang sinasabi na after mga three, four months, bumababa. But we’re talking about the neutralizing antibodies. So iyon pong T cells, ang nakita nating mga datos diyan before pa ‘no, after one dose, second dose, third dose, tumataas po iyan at nasu-sustain, sustained ang T cell response po. At ito po ay importante para sa proteksyon against the [unclear]. So siguro sasabihin natin [technical problem]

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong sunod pong tanong ni Jena Balaoro ay para po sa mga nakapag-booster na, may data na ba kung hanggang kailangan ito tatagal? Magpapabakuna ba kada tatlong buwan?

DR. NINA GLORIANI:  Hindi natin masasabi pa, Usec. Rocky, iyang every three months. Masyado iyang soon para sabihin natin na boost tayo nang boost every three months. Iyon nga, iyong pagkaka-explain ko, ang basehan nung sa ibang countries na nagwi-wane iyong antibody response, iyong neutralizing antibody response after about three to four months. Pero mayroon tayo nung T cells, iyong cell mediated immunity and doon tayo manghahawak muna until we get more data. Titingnan po natin kasi hindi po rin maganda na kapag medyo mataas pa rin iyong level ng immunity ninyo—I’m talking about the general population ‘no; iba po kapag immunocompromised. Kapag medyo mataas pa ang level ng inyong antibody ay wala pong silbi na magbigay ng dose ng boost; sayang lang po; siyempre medyo mahal din naman iyan at ang gobyerno natin ang bumibili niyan, ano.

So titingnan po natin, imu-monitor natin what’s going on. Pero sa ngayon, ang data po ay dumadami tungkol sa epekto ng T cell response. Maganda po iyong datos galing doon sa South Africa’s Cape Town na ini-explain nilang mabuti anong nangyayari doon sa mga T cells. Napakaganda po ng analysis doon sa mga T cell response, at even iyong [unclear] cell memory ng mga taong nabakunahan at even iyong nagkaroon ng natural infection po; imu-monitor po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok, nauna na rin pong naging concern ng ilang health experts sa Israel ito pong tinatawag na immune system fatigue, kapag nasobrahan daw po sa pagbabakuna. Posible po ba talaga ito; at ano po ang masasabi ninyo rito?

DR. NINA GLORIANI: Iyon nga iyong sinasabi ko, Usec. Rocky, may saturation point kasi ang immune system. Kapag nandoon ka pa sa level na medyo mataas, balewala iyong binibigay mong boost. Well, of course, hindi naman…wala naman tayong datos na talagang nakakasama pero sayang po iyon, na parang useless, it’s a wastage para sa atin na magbigay nang magbigay nang hindi naman kinakailangan.

But I agree with the immunocompromised. Actually po, nabanggit na rin ito before, iyong mga defined as moderately to severely immunocompromised ay actually third dose po sila; hindi sila booster. So imbes na dalawa ang primary series nila ng vaccines, kailangan ay tatlo sila. So sila po ang puwedeng mag-fourth dose sa ngayon. Iyon po ang malinaw sa mga datos, even abroad. Pero iyong general population na tingin natin ay maganda naman ang immunity ay hindi po natin muna irirekomenda iyon.

Ang kailangan po siguro sabihin sa mga tao ay maging healthy kayo, i-maintain ninyo iyong health ninyo para makakalaban kayo sa kahit anong impeksyon; so iyon po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, basahin ko na lang iyong tanong ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN, although iyong first part po ay nasagot ninyo na about doon sa Sinovac at saka Pfizer. Pero ang tanong po niya dito: Irirekomenda ba ng Vaccine Expert Panel para sa mga binakunahan na ng Sinovac sa bansa na maturukan ng dalawang booster shot; at kung ano raw po ay anong booster brand daw po ang pupuwede?

DR. NINA GLORIANI: Ang ating rekomendasyon maski noong una pa po ay puwedeng the same brand kung iyon ang kanilang preference o iyong heterologous. Kasi doon sa heterologous na boosting, nakita natin sa mga datos, hindi dito sa Pilipinas ‘no, abroad, na mas mataas iyong boosting effect kapag ibang brand ang ibinigay. So kung okay lang sa inyo kasi mayroon ding mga contraindications iyong ibang mga brands ay mas mabuti iyong heterologous [garbled]. Pero kung mayroon ngang mga contraindication ay doon na lang tayo sa homologous; so iyon ang ating rekomendasyon maski noong una pa man.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Karamihan ng mga naitalang bagong kaso ng COVID sa bansa ay sa Metro Manila kahit pinakamarami raw po iyong fully vaccinated dito kumpara sa ibang rehiyon. How do we make sense of this in terms of assessing the efficacy of COVID vaccines?

DR. NINA GLORIANI: Ipinapakita lang niyan na, well—expected natin na ang mahahawa sa Omicron lalo na siya ang laganap ngayon ay ang vaccinated kasi mas marami ang vaccinated. Pero kung titingnan ninyo iyong sino ang maha-hospitalize ay ang mga more ang unvaccinated as we have heard before dito sa ating programa; so expected po iyon. Pero ang sabi nga natin, iyong na-explain na rin natin ito even before, iyong mga bakuna na mayroon tayo ngayon ay bumaba nang hanggang 40, 50%. In fact, mayroong ibang mga reports na iyong mga nabakunahan after two doses ay halos wala nang detectable antibodies – fully vaccinated, iyan po iyon ‘no.

So iyong mga third dose, mayroon din namang mga bumaba na rin iyong immunity and especially kung sila ay mga comorbidities or somehow immunocompromised sila or elderly, talaga pong mai-expect natin iyan. So ang importante po ay hindi sila ganoon ka-severe, hindi sila critical, at iyon po sana ng mangyari. Pero as far as I know, iyan po ang nakikita ngayon, hindi siya gaanong severe kagaya kung ikukumpara natin noong nangyari sa Delta surge natin noong mga September.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni JP Nuñez UNTV: Ano po ang payo o mensahe ng vaccine expert panel sa mga magulang na hesitant o hindi pa nakakapag-decide kung papaturukan ang kanilang mga anak na five to eleven years old?

DR. NINA GLORIANI: Okay. Narinig po natin kanina na ang hinahanap ng Omicron o maybe even other variants ay iyong unvaccinated. Nakita po natin sa ibang bansa na matapos makapakuna ang mga elderly, mga may comorbidities at lahat pa ng iba ay ang nagkaroon ng COVID ay iyong mga bata. Siyempre nagkaroon din iyong iba na hindi vaccinated na adults pero iyong mga bata kasi iyon po talaga ang sini-seek. Kaya nga ang sabi ko kanina ‘no, na ang virus, ang talagang pupuntahan niyan ay iyong walang proteksyon. Sino ang walang proteksyon? Iyong hindi po bakunado.

So we’re looking also at immunizing our children kasi sila ay puwede ring magkaroon ng COVID. At siyempre although hindi naman ganoon ka-serious iyong most of them, pero mayroon ding magiging serious. So kung mayroon pong darating, actually naayos na ng ating gobyerno iyong five to eleven na bigyan na po natin ito ng EUA ng FDA, so basta mayroon pong ng inyong mga … lalo sa mga batang may mga sakit o may mga iba pang comorbidities, kailangan po lang [garbled]

USEC. IGNACIO: May pahabol lang na tanong si Sam Medenilla ng Business Mirror: May nire-recommend na po ba ang Vaccine Expert Panel na next generation ng COVID-19 vaccine na puwede daw pong bilhin ng government to be used as a booster amid threat of Omicron variant? If yes, anong vaccine po kaya ang mga ito?

VACCINE EXPERT PANEL CHAIR DR. GLORIANI: Wala pa po, kasi halos lahat ng mga vaccine companies ay ginagawa, nasa pipeline nila, ginagawa nila iyong Omicron variant specific vaccine. Pero ang tingin nga natin baka hindi naman din kakailanganin ng very specific na variant vaccine kasi nga mayroon naman tayong nakikitang may mga cross re-activity dito sa mga measles, tapos mayroon tayong mga cases, memory, lahat ng mga iyan na baka makaprotekta din kasi napakahirap po na every time magkaroon po tayo ng variant-specific.

But of course, titingnan natin ano magiging resulta kasi ang sabi nila by March 2022 baka mai-ano na sa clinical trial itong kanilang mga bakuna. I’m talking about the messenger RNA vaccines na mas madaling i-tweak, madaling palitan iyong laman dahil nga sini-synthesize lang nila iyon. Pero I think iyong iyong ibang mga vaccine companies ay tinitingnan din na magkaroon ng updated version whether that’s is variant-specific or a combination.

Puwede rin pong magkaroon ng tinatawag na multivalent na vaccine kagaya ng ginagamit natin sa flu na apat na klase na mayroong iba-ibang serotypes or strains ano, puwede rin pong ganoon. Nandoon iyong dati, nandoon siguro iyong Delta, nandoon iyong Beta, but who knows ano, pinag-aaralan po nila.

Ang isa po kasing maganda, ito ay relatively new din, mayroong mga bakuna na bukod doon sa spike – hindi ba spike ang basis ng maraming bakuna bukod doon sa buong virus ‘no, doon sa spike – mayroon silang idinagdag na what we call T-cell epitopes. So, nalaman na nila ano iyong mga parts ng spike or even ng virus na mag-ii-stimulate ng T-cell response kasi kita na natin na ang T-cells ang nakakatulong against the severe form more than the antibodies, it’s the T-cell response.

So, mayroon pong tinatawag na T-cell epitope na vaccines na tina-try ngayon. So, titingnan natin how all these pan out kasi lahat naman ng possible na pag-aaral nila base of course sa siyensya ay ginagawa ng ating mga vaccine experts. Titingnan po natin or we continue to monitor what’s going on and siyempre hindi naman po dapat tayo magpahuli kung kakailanganin natin na tingnan itong bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, kami po ay nagpapasalamat sa inyong mga paliwanag at pagbibigay impormasyon sa amin. Dr. Nina Gloriani, salamat po sa inyong panahon. Happy New Year po ulit.

VACCINE EXPERT PANEL CHAIR: DR. GLORIANI: Happy New Year po! Basta keep safe po ang lahat. Ang Omicron ay nandiyan, huwag na lang pong pasaway. Stay at home. Thank you, USec. Rocky. Happy New Year.

USEC. IGNACIO: Salamat po, doc.

Samantala, kasunod sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa higit P5 trillion budget para sa taong 2022, nagpaalala naman si Senator Bong Go na gamitin nang tama ang kaban ng bayan lalo’t para sa patuloy na COVID-19 response ng pamahalaan at sa pagbangon ng mga sinalanta ng Bagyong Odette. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito, hanggang bukas pong muli. Ako po si USec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)