USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Ngayong araw ng Huwebes, tayo’y makikibalita sa kasalukuyang estado ng Marawi rehabilitation, housing outlook para sa taong 2022 at iba pang tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette. Atin din pong aalamin ang mga usaping concerning OFWs at ano po iyong aasahan natin ngayong taon sa labor and employment ng bansa.
Kaya mga kababayan, manatiling nakatutok sa mga impormasyong ihahatid namin sa inyo. Simulan na po natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Inihain ni Senator Bong Go ang Senate Bill No. 2158 sa kagustuhang magtatag ng Philippine Center for Disease Control and Prevention na maaaring makatulong sa pagtugon sa nararanasan nating pandemya. Panoorin po natin ito:
[VTR]
USEC. IGNACIO: At upang alamin ang mga proyekto at plano ng Department of Human Settlements and Urban Development ngayong 2022, makakasama po natin si Secretary Eduardo Del Rosario. Magandang umaga po, Secretary!
DHSUD SEC. DEL ROSARIO: Magandang umaga, Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kamakailan bumisita kayo sa ilang mga lugar talagang naapektuhan ng Bagyong Odette ano po. Mayroon po ba kayong datos sa bilang ng residential damage na dulot ng Bagyong Odette at ano po ‘yung inyong naging initial assessment dito?
DHSUD SEC. DEL ROSARIO: Sa nakuha nating datos ano, as of January 5 of 2022:
- Ang total nating partially damaged ay 406,521.
- Ang totally damaged naman ay 181,258.
- For a total of 587,779 partially and totally damaged houses.
At ito ay mga damages sa Region IV-B, Region VI, VII, VIII, IX, X, XI, XII, Caraga and BARMM. So iyon ang datos na nakuha natin as of January 5 of the year.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mayroon pong inilaan ang inyong ahensiya na 100 million worth of assistance para po sa mga nasalanta ng Bagyong Odette, paano po ba ito makukuha ng mga apektadong residente?
DHSUD SEC. DEL ROSARIO: Actually ang naibigay na natin ay 487 million; ito ay naibigay ng National Housing Authority. Ang 487 million ay naibigay natin sa lahat ng lugar na nasalanta at ang nakatanggap nito ay 97,500 families. Ito ay immediate cash assistance na ni-release ng National Housing Authority sunod sa utos ng ating mahal na Pangulo.
Sa ngayon ang mga naibigay na natin in coordination with US AID and the International Organization for Migration ay 5,598 shelter-grade tarpaulin sheets sa Cebu, Bohol, Southern Leyte and Caraga Region and we teamed up with the Philippine Coast Guard in distributing 14,000 more shelter-grade tarpaulin sheets, 250 modular tents for evacuation centers and 1,310 solar lamps in typhoon-hit areas.
And likewise, 700 shelter repair kits which contained GI sheets, lumber, plywood, tarps, nails and carpentry tools were sent to the Caraga Region while 300 more such kits have been distributed in Southern Leyte.
In addition, the International Organization for Migration will be procuring 8,000 more shelter repair kits for Southern Leyte, Surigao del Norte and Dinagat Province.
So ang ginawa naman natin para doon sa mga may kakayahan na mag-loan, naglaan tayo ng 5 billion from Pag-IBIG Fund para sa ating mga miyembro na puwede silang maka-avail ng 80% of their savings. At instead of short term lang ang period of payment, ginawa natin na 3 years ang payment period. So for example kung P20,000 ang ni-loan nag isang miyembro ng Pag-IBIG Calamity Loan because of Odette naapektuhan sila, ang monthly amortization nila or installment ay 615 pesos lamang.
So malaking tulong ito para sa ating… sa formal sector, iyong mga empleyado sa gobyerno o empleyado sa mga private sector na miyembro ng Pag-IBIG so they can immediately apply for Calamity Loan and they can get 80% of their savings with a very low interest rate of 5.9% only.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa ibang usapin naman po ano. Sa kabila nitong Odette at pandemyang ating nararanasan, apat na taon na po mula po nang maganap itong Marawi Siege ano po. Ano na po iyong estado ng Marawi rehabilitation program sa kasalukuyan?
DHSUD SEC. DEL ROSARIO: Well as of the first week of December last year, we estimated the overall completion rate of the Marawi rehabilitation in about 85% and we will finish at least 95% of all the infrastructure projects by June 30 of 2022. So you will notice na ang ating infrastructure na ginagawa ay matatapos natin sigurado dahil iyong mga pondo natin naibigay sa mga implementing agencies or different departments na nag-i-implement ng different projects. So we expect that by June 30, within the administration of the President, 95% na ang matatapos natin. Iyong remaining 5% itutuloy na lamang dahil ang pondo naman ay nakapaloob sa mga implementing agencies.
At hindi natin masasabi na sabay-sabay na matatapos dahil ang pondo po natin every year ang allocation – 5 billion in 2020, 5 billion in 2021 at ngayong 2022 may allocation pa tayong 1 billion para mapuno natin iyong pangangailangan. So everything will be completed within 2022 and by June 30 within the administration, we are confident that 95% will be completed.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pero ano po itong mga major projects o infrastructure na inaasahan nating makukumpleto bago po matapos ang termino ng Duterte administration?
DHSUD SEC. DEL ROSARIO: Well, among the completed projects are the 20 kilometers of Transcentral roads which are now fully operational along with 3 bridges, a PNP Community Police Station Center, the Marawi Fire Sub-Station and a Maritime Outpost, the fully equipped Rorogagus Barangay Health Station, the Marawi Central Police Station, a solar-powered irrigation system.
And inside the most affected area, we have turned over six barangay complexes, each with health center and a madrasa. Six mosques, including the iconic Grand Mosque, were also completed. And a four-storey school building out of the ten programs under the master development plan was completed already while the nine others are now in the different stages of completion.
Several infrastructures such as the Rizal Park, traffic command center, the mall-like Grand Padian Market with ice plant, Marawi Museum, the School of Living Traditions, the Marawi City Jail, and the Marawi Command Center are now in final stages of completion. While the construction of the Sarimanok Sports Stadium, like Lake Lanao Promenade and Marawi City Convention Center are also inside the most affected area, are now in full blast of construction.
In regards to transitory shelters, 5,000 have been completed while more than 700 permanent shelters have been finished with nearly 9oo more undergoing completion. Most families of the IDPs from the MAA (most affected area) are likely to start the New Year rebuilding or refurbishing their homes because the requirement for them to go inside the most affected area in order for them to rebuild or repair their houses is a building permit. So the local government unit is now fast-tracking the release of the building permits, and in my coordination with Mayor Gandamra of Marawi City, 1,500 will be released within December. So we expect that by first the quarter of this year, more IDPs will be coming in to repair or reconstruct their respective houses.
Likewise, the Local Water Utilities Administration already broke ground early December last year for the five million liter a day bulk water treatment plant that will supply potable water to the most affected area. The project is expected to be completed by May of 2022.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, gaano karami – ulitin lang po natin – iyong residente na nakabalik na sa mga residential areas dito sa Marawi? At ano po ba iyong mga kinakailangan ding iproseso para po muling makapagtayo ng kanilang mga bahay?
DHSUD SEC. DEL ROSARIO: Ang Marawi City is composed of 96 barangays – 24 barangays iyong most affected area and then 72 barangays iyong outside the most affected area. Iyong 72 barangays ay nakabalik na ang lahat; iyong sa 24 barangays, hinati namin iyan into nine sectors. Iyong sectors 1 to 3, since last year, July, nakabalik na iyong mga IDPs na naka-secure ng building permit. Iyong sectors 4 to 9, they have started this October and eventually, 1,500 more will be allowed by the first quarter of 2022.
So dito kasi, ang issue sa most affected area, hindi nakabalik kaagad dahil walang kuryente, walang tubig at full blast iyong road network construction and different public infrastructure. Now, matatapos na iyong road networks at ginagawa na iyong electric and water facilities in the most affected area, open na since October iyong sectors 1 to 9. Ang hinihintay lang ng ating mga residente, IDPs, ay iyong release ng kanilang building permits. At nakuha natin ang commitment ng local government unit that it will be released this December kasi they’ll have to check all the houses na iri-repair to ensure na iyong mga bahay na iri-repair ay structurally-sound. Kasi kung hindi structurally-sound at in-allow nila at nagkaroon ng aksidente, the city government will be blamed for the accident.
So very meticulous iyong ginagawang proseso at ini-ensure rin ng local government unit na iyong gustong magpatayo ng bahay ay nakakasiguro tayo na siya talaga ang may-ari ng lupa kung saan magtatayo ng bahay. Kasi we have experienced so much problems already na iyon pa lang may-ari ng lupa at iyong nagpatayo ng bahay ay hindi the same person. So ang nangyayari, we require na iyong nag-apply ng building permit, kailangan ng consent ng lot owner. Kasi different personalities iyong magpapagawa ng bahay at saka iyong nasa title na may-ari ng lupa, so nagkakaroon ng conflict. Kasi before, iyong mga lupa ay pinapa-rent ng may-ari ng lupa at ang nagpapagawa ng bahay ay iyong nagri-rent mismo. Now, iyong may-ari ng lupa, ayaw na nila na iparenta at magpatayo ng bahay iyong nagrirenta sa kanila.
So maraming problema on the ground and we would like to ensure na in the end of the day, we will not be blamed for allowing some personalities na magtayo ng bahay, hindi naman pala sila ang may-ari ng lupa.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa pagpasok ng taong ito, mayroon po kayong inaprubahang tatlong department orders. Maaari ninyo po bang ibahagi muli sa amin kung ano po ang inyong layunin sa bawat department order na ito?
DHSUD SEC. DEL ROSARIO: Okay. Ang department order natin kasi iyan ang trabaho ng Department of Human Settlements and Urban Development under the National Shelter Program, we are responsible and mandated sa regulatory, sa finance at saka production aspect of housing. Ito pong tatlong major shelter components ang pinakaimportante sa ating National Shelter Program. Iyong paggawa ng regulasyon para smooth sailing iyong ating mga utos o polisiya with regard to housing regulations. And also sa financial aspect naman is availability of money para matulungan natin iyong mga private sector na makakuha ng pondo para makapag-implement ng kanilang mga projects through the Pag-IBIG Fund specifically. And sa production naman, ang National Housing Authority ang in-charge sa ating pagpapagawa ng bahay lalo na sa mga government projects’ socialized housing.
Now, ngayon pong December, nag-issue tayo ng tatlong department orders. Ang isa po dito ay Department Order 2021-008. Ito po iyong Department Order that authorizes the issuance of temporary license to sell to housing developers to sell lots and units even with pending issuance of permits and clearances from local and national government agencies.
Ang nangyayari po kasi ngayon, kapag hindi nakakakuha ng mga permits ang ating mga developers at hindi makuha kaagad from the local government units and the national agencies, hindi sila makapagbenta dahil requirement iyon bago sila mabigyan din ng building permit. So nagkakaroon ng delay one to two years before the actual construction of the housing unit in a particular project can start. So with the issuance of the temporary license to sell, ma-offset na natin ngayon iyong one year delay. Because with the issuance of the temporary license to sell, the developers now can start the construction and start selling lots and house and lots to home buyers para sa ganoon iyong mga ibinabayad naman ng mga home buyers ay magamit din ng developer to plow back at makapag-continue iyong kaniyang production.
Iyan ang isang reklamo ng ating mga developers kasi kapag hindi sila nakapagbibenta kaagad, ang nangyayari, uutang sila sa bangko. At masyadong malaki ang nakakaltas sa kanilang investment dahil sa interest rate. But kung magkakaroon ng pre-selling before the issuance of license to sell because of the temporary license to sell, magkakaroon sila ng pondo to ensure the immediate completion of their projects at less cost ang mangyayari sa kanila dahil wala na silang babayarang interest rate. Kapag ganoon ang situation, ang presyo rin ng bahay na ibibenta ng ating mga housing developers ay bababa. While at the same time, ang paggawa kasi ng isang bahay ay isang pump primer in our economy, dahil there are 80 aligned industries in the construction of a single house.
So, imagine mo iyong allied industries connected to one house ay walumpu; eighty (80) related industries are involved in one house. So, it would trigger economic activities – iyong sa semento, sa pako, sa kahoy, sa pintura, everything. There 80 allied industries involved in the construction of a house. So, this will trigger tremendous economic activities.
Now, sa ginawa nating temporary license to sell, natulungan na natin ang developers, napabilis pa ang production. Pero mayroon tayong safeguards, in-ensure natin na kapag hindi natapos ng isang developer within one year, iyong kaniyang surety bond na ni-require natin ay gagamitin niya para ibalik iyong pondo na ibinayad sa kaniya ng mga homebuyers at ibalik natin sa home buyers para hindi natunaw yong pera na ibinayad ng mga home buyers.
So, very strict iyong ating regulations and before we implemented this and I signed an order, nagkaroon tayo ng direct consultation with four major developers association in the Philippines at ito ay napagkayarian namin. We protected their interest while we protected the interest of the home buyers.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary may pahabol lang po na tanong sa inyo ang ating kasamahan sa media, si Miguel Aguana po ng GMA News Ang tanong po niya: Alam naman po natin na talagang tumataas iyong kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Kung may mga insidente po ba na nag-positive sa COVID sa inyong mga tanggapan, ilan po sila at ano po ang epekto sa operasyon at serbisyo?
DHSUD SEC. DEL ROSARIO: Actually, mayroon tayo as of now I think it’s about four or five na personnel natin na kung hindi nag-positive ay nagkaroon ng contact sa positive. So, ang start naman natin ngayon because of Alert Number 3 is 30%, we have advised our personnel na for Thursday and Friday kung hindi naman kinakailangan at nag-positive sa kanilang opisina, the heads of the different offices under the Department can authorize work from home arrangement while at the same time magkakaroon tayo ng pag-aayos, paglilinis, pag-disinfect ng mga opisina para pagbalik sa Monday ng 30% of our employees ay more or less masabi nating safe.
Itong nangyayari ngayon ay talaga namang kailangan nating gumawa ng nararapat na hakbang to ensure the safety of our employees.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahong inilaan para sa aming programa, Secretary Eduardo del Rosario ng Department of Human Settlements and Urban Development. Salamat po, Sec!
DHSUD SEC. DEL ROSARIO: Maraming salamat, USec. Rocky at mabuhay kayo!
USEC. IGNACIO: Sa harap ng paghihigpit sa mga hindi bakunado, tuluy-tuloy naman po ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pagbibigay ng primary series ng COVID-19 vaccine at booster shot a mga residente nito, sa katunayan, may malawakan itong bakunahan ngayon para sa mga manggagawa. Ang detalye niyan mula kay Patrick de Jesus:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Patrick de Jesus.
Narito ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa Pilipinas:
- Naitala po ang 10,775 na mga bagong kaso ng COVID-19 kahapon kaya umabot na ito sa kabuuang bilang na 2,871,745.
- Mayroon naman pong 58 na katao ang naitalang pumanaw sa sakit kaya umakyat na sa 51,662 ang total death tally.
- Samantala, nasa 2,780,109 ang lahat ng mga gumaling na sa virus matapos madagdagan ng 605 na katao kahapon.
- Umakyat naman ang active cases natin na ngayon ay nasa 39,974 o 1.4% ng kabuuang bilang.
Samantala, itataas na sa Alert Level 3 ang probinsiya ng Laguna simula bukas, January 7 hanggang January 15, ito po ay dahil na rin sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa naturang lugar.
Makibalita naman tayo sa estado ng deployment at demand ng OFWs sa ibang bansa, atin pong makakausap si Atty. Hans Leo Cacdac, Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration.
Magandang umaga po, Attorney!
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Magandang umaga, USec. Rocky at sa inyong mga tagapakinig at tagapanood. Magandang umaga po!
USEC. IGNACIO: Atty. Hans, base po sa inyong datos, ano po ang antas ng deployment level ng mga Overseas Filipino Workers natin last year; ano pong mga sector ang naging in demand at saang mga bansa po sila pinakakailangan?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, ito ay base na rin sa impormasyon na nakalap natin sa POEA at ayon sa POEA ay mayroong… iyong sa deployment ay mayroon pa rin talagang effect itong pandemya sa ating land-based workers, talagang masama pa rin ang sitwasyon in terms of deployment ng land-based workers, bumagsak pa rin ang deployment.
However sa sea-based ay halos pumapantay sa pre-COVID levels iyong deployment ng sea-based workers kaya’t nakikita natin talaga na nanunumbalik sa usual demand ‘no. Nandiyan pa rin iyong demand talaga sa ating mga seafarers ng mga foreign ship owners. So, ito ay magandang balita para sa mga seafarers at kani-kanilang mga pamilya.
Ngayon, iyong mga sektor na nakikita nating mayroon pa ring mataas na demand, nakikita natin siyempre iyong health care workers; seafarers; iyong mga logistical workers or transport of essential goods; and manufacturing; engineering and architecture, mga ganiyang klase; IT-based work, mga web talents and computer engineers, mga online gig workers na tinatawag ay tila mayroong demand para sa kanila.
Pero siyempre kailangan ko lang paalalahanan, USec., na kailangan siguraduhin lang po na dumaan sa lisensyadong recruitment agency na nakatala sa POEA at mismong iyong foreign employer ay dapat accredited din under POEA records.
USEC. IGNACIO: Attorney, sa pagpasok pa lamang ng taong 2022 dumami po ang kaso sa mga nagpupositibo sa COVID-19 dito sa ating bansa ano po, ano po ang epekto nito sa deployment ng ating mga OFWs?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, sa tingin ko iyong deployment situation ay nakadepende na rin sa kung ano man ang kanilang skills set, so, that’s first and foremost. Iyong mga employers will always rely on the skills set – the reliability, the quality, the loyalty of our Filipino workers.
Ngayon, dito sa pandemya nagiging factor din iyong kalusugan kaya’t nakikita natin dito ay siyempre titingnan din iyong health conditions or situation dito sa ating bansa pero sa tingin ko, kasi pandaigdig ngayon itong pagkalat ng Omicron variant ‘no, so sa tingin ko magkakaroon din ng pag-uunawa ng mga foreign host country, governments, and foreign employers patungkol sa mga workers natin.
Sa tingin ko, kung mayroon mang epekto ay magiging pansamantala lang ito. Sa panahon lamang na madadama natin iyong surge, pero hindi ito magiging pangkaraniwan o matagalan.
USEC. IGNACIO: Papaano daw po ia-address ng agency iyong additional restriction implemented by other countries pagdating naman po sa pagtanggap sa ating mga OFWs at maging sa travelers po galing sa bansa?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, sa tingin ko ito ay sa larangan na sa DOLE, sa POEA at sa DFA ‘no, engagement na ng host country government patungkol sa pagsasaayos nang smooth deployment and entry ng Filipino workers. Again, wala akong nakikitang malaking problema dito, other than iyong mga posibleng health protocols or health requirements or restrictions na ipataw at magiging pansamantala lamang. So, nakadepende ito sa ating koordinasyon with the host country governments at kung gaano natin, as much as possible magiging hindi ganoon katindi ang epekto ng mga health restrictions sa employer-employee relations, iyong pag-perform ng OFWs ng kanilang functions abroad para rin sa kapakanan ng mga foreign employers abroad.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, bigyang-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media, ano po. Mula po kay Karen Villanda ng PTV: Nasa ilang OFW po ang maaaring maapektuhan ng flight ban ng Hong Kong sa Pilipinas at ano po ang tulong ng government para sa kanila?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, binabantayan natin ngayon sa airport iyong mga posibleng maapektuhan. Kasi noong mga nakaraang karanasan, nakikita na natin na nai-stranded sila, although in general, ang mga recruitment agencies are very cooperative at have the resources to help iyong mga magiging stranded sa airport, hindi matutuloy iyong flight, etcetera.
Pero mayroon kasi tayo iyong mga balik-manggagawa, iyong wala na sa recruitment agency arrangements, kusang-loob na lang nanunumbalik sa kanilang employers, sila iyong malamang na tutulungan natin kung wala silang matutuluyan dito sa Maynila, kung taga-probinsya sila, tiga-ibang regions ay tutulungan natin silang magkaroon ng shelter. Of course food and accommodations iyan na ibibigay natin sa kanila at assistance na rin ng transport from the airport at kung saan man nila gustong magpahatid. So, nakahanda tayo ngayon na tulungan iyong mga posibleng ma-stranded gawa nitong restrictions sa Hong Kong.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kasi madami talaga iyong nagpupositibo sa COVID-19 ano. Ito pong sa mga OFWs, iyong pagbibigay po natin ng [garbled] sa mga facility na pagbalik nila tuluy-tuloy pa rin po ito? Dumami po ba ang mga kailangan nating bigyan ng hotel facility?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Sa ngayon, mga 9,000 OFWs tayo in around 240 hotel quarantine facilities. Manageable ang sitwasyon sa ngayon, although medyo red flag or red alert levels na iyan for us. So, binabantayan nating maigi ang sitwasyon, nakadepende kasi ito sa bilis ng pag-swab test at bilis ng paglabas ng swab test result.
So, inaasahan natin na magkakaroon ng pagmamanman sa mga darating na araw. Binabantayan natin nang maigi, pati iyong sitwasyon na rin dito sa ating bayan eh, di ba. Medyo nadama natin ang surge, kaya’t pinagmamasdan natin at sinusuportahan, kinu-coordinate naman natin sa ating mga partner government agencies iyong mga swab test results, pati na rin iyong conduct of the swab test on the fifth or 7th day as the case maybe, on the 3rd, 5th, 7th day as the case maybe.
So, patuloy lang iyong ating koordinasyon. Sa ngayon mayroon tayong nararamdamang kaunting delays ng release ng swab test results, pero naiibsan naman ito, mayroong one-stop shop, sanib-puwersa ang DOTr, DOH, DOLE at iba pang mga ahensiya kung saan nagtutulungan tayo para lalong maging mapabilis at maging smooth ang pag-uwi ng ating mga kababayan sa kani-kanilang home regions.
USEC. IGNACIO: Attorney, paki-[paliwanag] lang, kapag sinabi nating red flag na iyong situation sa mga hotel facility. Ano daw po ang ibig sabihin nito?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, binabantayan natin ng maigi, kasi kapag mga 9,000 na ang OFWs sa hotels, ibig sabihin mas marami sila obviously sa hotels at mas marami ang likelihood ng day-to-day complaints, mga operational complaints – kulang ng pagkain or health issues, kailangang magpabili ng gamot. So, we have more people on the ground, we have more people on a group chats, coordinative efforts, responsibilities, so mas marami tayong ganoong teams on the ground samakatuwid, dahil nga mas marami tayong binabantayan na OFWs. Siguro ganoon lang kasimple ang ibig sabihin noong red flag.
USEC. IGNACIO: Attorney, mula naman po kay Miguel Aguana ng GMA News: Kung may mga insidente po ba na nag-positive sa COVID sa inyong mga tanggapan, ilan po sila at ano daw po ang epekto nito sa operasyon at serbisyo ninyo?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes, nakakaramdam tayo ng surge ngayon. Isang dahilan kaya nandidito ako sa bahay, although paalis ako right after this interview for a meeting with Sec. Bello ay may disinfection kami today, ang aming office. At mayroon tayong mga nagka-COVID positive na rin sa mga hanay natin. Of course we are ready ‘no, sanay na tayo for the last 22 months na nating ginagawa ito. Kaya mayroon na tayong mga reliever, mga emergency hired workers to take their place. Yes, the answer is yes, mayroon nang nagpupositibo sa hanay natin, ramdam naman din yata natin ito sa buong metropolis at buong lungsod. Kaya patuloy lang ang ating serbisyo, huwag po tayong mag-aalala, patuloy lang. Mamaya mismo ay nandudoon ako sa airport para mag-check ng sitwasyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang po: Bago nga daw po magtapos ang 2021, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ito pong Republic 11641, iyon pong pagbuo ng Department of Migrant Workers? Ano po ang mga benepisyong hatid nito para sa ating mga OFWs?
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes, of course this is a welcome development. Simple lang ang layunin ng Department of Migrant Workers, ang magkaroon ng iisang ahensiya para tutok at malinaw at mas mapaigting pa ang paglilingkod sa mga OFWs and of course with the Department of Migrant Workers, ang OWWA ay magiging attached agency at lalo pa nating mapapagtibay ang ating mga welfare programs and services. So, mas coordinated, iisa lang ang pupuntahan, isa lang malinaw na puwedeng takbuhan ng mga OFWs and OFW families, hindi na sila mag-iisip pa kung sa DFA o sa DOLE o sa OWWA or POEA sila pupunta. Ito na, mayroon ng kagawaran para sa kanila, para sa ating mga bagong bayani, para lalo pang mapaigting ang paglilingkod sa kanila.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong at laging pagsama sa amin, OWWA Administrator Atty. Hans Leo Cacdac. Ingat po kayo, Attorney.
OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Salamat USec, at ipagdasal po natin ang isa’t isa.
USEC. IGNACIO: Samantala prayoridad ng Republic Act no 11641, ang ating mga Overseas Filipino Workers. Kaya naman para kay Senator Bong Go. Isa itong regalong handog ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tinaguriang ‘modern day heroes’. And detalye sa report na ito.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Muli pong iri-require ang negative RT-PCR test result sa lahat ng mga turistang pupunta ng Boracay simula sa ika-9 ng Enero, alinsunod ito sa ibinabang Executive Order No. 001 ng Aklan government kahapon.
Sa direktiba ng Local Government, kinakailangan pong makapagpakita ng negative RT-PCR result ang turista na kinuha 72 oras bago bumiyahe bakunado man o hindi. Pero, para sa nakatira sa Aklan at planong magtungo ng Boracay, hindi na po kakailanganin ang RT-PCR pero hahanapan sila ng vaccination certification mula sa VaxCertPH.
Sa muling pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa ano kaya ang magiging epekto nito sa ating mga manggagawa at employment sa bansa? Iyan po at iba pang mga katanungan ay sasagutin ng ating panauhin mula po sa Employment and General Administration Cluster ng Department Of Employment, Assistant Secretary Dominique Tutay. Magandang araw po, Asec!
DOLE ASEC. TUTAY: Magandang umaga po USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: ASec. Dominique, sa pinakahuling resulta ng Labor Force Survey na inilabas ng PSA para po sa buwan ng Oktubre noong nakaraang taon naitala po iyong muling pagtaas ng employment level sa bansa. Sa inyo pong datos gaano po karaming manggagawa iyong nakabalik na muli sa kanilang trabaho since last year?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. USec. Rocky, kung pagbabasehan po natin iyong October 2021 Labor Force Survey, ang ekonomiya po natin ay nakapagtala ng close to 4 million employment year-on-year. Ibig sabihin po, kinukumpara po natin iyong October 2021 at saka po iyong October 2020 na Labor Force Surveys. So, almost 4 million po iyong nalikha po natin na trabaho.
Malaking bagay po iyong pagbabakuna, iyong shift po sa alert levels at saka iyong mga granular lockdown in the reopening of the economy and also po iyong mobility ng ating mga vaccinated workers. Kaya lang po, kailangan makita pa rin natin iyong resulta ng November and December 2021 Labor Force Survey para po mas makita natin iyong kabuuan noong 2021 na employment performance.
Pero, it’s worth to note po na based on the Labor Force Survey po ng October 2021 ikumpara po natin sa 2019 na pre-COVID years po natin may mga sector na po na actually nakabawi na – kagaya po ng agriculture, construction, wholesale and retail, information and communications, financial and insurance activities, administrative and support service activities and human health and social work activities.
They were able to bounce back to the pre-pandemic levels at even mas mataas po iyong employment levels ng ibang sector and ito po we hope na ma-sustain po natin in the November 2021 Labor Force Survey which will be released hopefully by the PSA tomorrow.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney—I mean ASec., dahil sa muling pagtaas nga ng bilang ng COVID-19 cases sa pagpasok ng bagong taon. Itong first quarter pa lang ng taon gayundin po iyong kalamidad na pumasok sa bansa, ano po iyong outlook ng DOLE ngayong 2022?
DOLE ASEC. TUTAY: Ang atin lang pong panalangin ay ma-sustain natin iyong gains ng 2021 employment USec. Rocky. Kasi, tama po kayo malaking dagok po iyong ginawa ng Typhoon Odette sa larangan po ng employment at mayroon po kaming pag-aaral, rapid assessment lamang po ito ng International Labor Organization at ng Department of Labor and Employment at ang epekto po nito ay nasa 2.2 million ang impact pagdating po sa employment.
Magku-conduct po kami ng validation in the coming weeks para po makita kung ano talaga iyong magnitude ng employment impact of Typhoon Odette. Tapos ito nga pong Alert Level 3 dito sa NCR at sa mga karatig probinsiya po, malaking bagay po ito na makakapagpabagal ng ating progreso in terms of employment and inaasahan po natin na kahit January 15 po iyong initial Alert Level 3 baka, baka lang lumawig pa beyond January 15. So, sana naman po huwag mangyari ito dahil nakakabawi na ho tayo tapos bigla na lang tayong uurong.
Sana tuluy-tuloy lang po iyong sustained and full economic and employment recovery po ng ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec., iyong 2022 anong trabaho iyong inaasahang natin magbubukas ng mas maraming oportunidad sa ating mga kababayan o iyong magiging in-demand para sa ating mga kababayan kasama na po dito iyong mga repatriated OFWs, dito po ba maiiwasan iyong sinasabi nating job mismatch?
DOLE ASEC. TUTAY: USec. Rocky, ang atin pong nakikitang sector na makakapag-generate po ng employment unang-una po diyan iyong information technology and business process outsourcing lalo na po ngayon gumagawa na po sila ng kanilang midterm road map at inaasahan po natin na patuloy po ang paglago ng sector na ito. In the fourth industrial revolution and in the gig economy, na mamaya ay itatanong rin po, then makikita po natin iyong mga IT enabled services in demand po iyan including computer and software development.
Sa larangan naman po ng health care services may demand po tayo for health care workers because we are still in a pandemic situation and iyong manufacturing and construction related works po will also still be in demand.
USEC. IGNACIO: Opo. So, nabanggit na ninyo iyong gig economy, tingin ninyo po ilang trabaho iyong mage-generate natin dito sa platform na ito, online platforms?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Unofficially po nasa 2 to 3 million po iyong statistics for gig economy and E-Commerce. Ito po nagku-contribute po iyan to employment generated by wholesale and retail trade, administrative and support services and information and communication services. Iyon pong mga occupation such as digital marketer, graphic designer, social media manager and many more are highly demanded in our labor market.
Pero, importante po that we will capture more information about the sector kasi iyong kanina estimates lang po iyong 2 to 3 million wala ho tayong hard data na pinanghahawakan tungkol dito. So, mas mainam po na mayroon tayong information na reliable so that we can also put in place iyong policy that would provide social protection for the workers in the gig economy.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa ibang usapin naman po. Kumusta naman po iyong initial na pagru-roll-out ng 1 million jobs program gayundin po iyong vaccination programs sa iba’t-ibang industriya ng NERS task force? Ano po iyong mga aktibidad o programa na inyong isasagawa ngayong NERS task force para po patuloy na makatulong sa muling pagbangon ng ekonomiya mula po sa pandemya?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. USec. Rocky, iyon pong NERS 8-Point Employment Recovery Agenda po. We were able to monitor close to 870,000 jobs generated under the various programs po of the NERS task force member agencies. Biggest contributor po natin of course is the Build, Build, Build Program; but other contributors would include iyong employment bridging and internship program and emergency employment programs po ng Department of Labor and Employment, iyon pong service contracting program po ng DOTr, support to National Convergence Initiative for Sustainable Rural Development po ng DENR, iyon pong Service Contracting Program po ng DOTr support to National Convergence and Initiatives for Sustainable Rural Development Program po ng DENR and iyong Small Enterprise Technology Upgrading Program po of DOST. Nakapagtala rin po tayo ng 2.8 million individuals who have been assisted by the NERS Task Force in the form of training, employment facilitation, livelihood and cash subsidies at mayroon din pong 257,000 establishments that have been assisted po.
Doon po sa 1 million jobs project ng NERS Task Force at ng Employers’ Confederation of the Philippines, we were able to record around 600,000 jobs mainly from construction, manufacturing and Business Process Outsourcing. Tungkol naman po doon sa vaccination program, we are happy to have the 3-day national vaccination program po because this facilitated actually the speedy inoculation of our workers. Mayroon na pong mga 16 million workers who have been fully vaccinated and around 18 million po got their first dose na po at base po ito sa tala ng DOH.
Moving forward po sa taon na ito and probably beyond in the medium term, the NERS Task Force will continue to work on the remaining commitments po and we look forward for the signing or approval po noong mga priority legislations that would really strengthen economic and employment recovery – kabilang po diyan iyong Public Service Bill, Retail Trade Liberalization Bill, Foreign Investment Bill and the Pandemic Protection Bill.
Iyong task force po natin will also continue its partnership with the private sector particularly po sa ECOP and we will recalibrate our goals and targets to focus on saving, creating and transforming jobs this 2022. Mayroon din po tayong mga nakikitang prospects ng mga bagong initiatives with our development partners, kagaya po ng Asian Development Bank at ng International Labor Organization. We will be working on upscaling and digital transformation po of small and informal businesses, so we can really bring back jobs safely and digitally.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec., ngayon pong nasa Alert Level 3 muli ang NCR ganoon din po iyong mga karatig probinsiya na Bulacan, Rizal, Cavite kasama na po ‘yung Laguna ngayon, gaano karami ang mga manggagawa iyong inaasahang maaapektuhan nito? Mayroon din po bang programa ang DOLE para tulungan ang mga manggagawang maaapektuhan nang muling paglalagay nga po sa Alert Level 3 nito ngang nabanggit na lugar?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Usec. Rocky, nagpahayag po ang DTI na nasa mga isandaan hanggang dalawandaang libo ang maapektuhan po under Alert Level 3 dito po sa NCR. Pero nag-expand na nga po iyong Alert Level 3 in some provinces, so mas maaari po na tumaas pa iyong numero ng mga affected po na manggagawa po natin. Nagpahayag din po kamakailan ang ating Kalihim Bebot Bello ng emergency employment assistance under TUPAD para po matugunan iyong pangangailangan ng ating mga manggagawa.
In extreme cases po that would warrant financial assistance under the COVID-19 Adjustment Measures Program or CAMP, maglalaan po ang Department of Labor and Employment ng isang bilyon para po sa programa natin. And mayroon din po tayong mga livelihood assistance po para doon sa mga gustong magsimula po ng sarili po nilang negosyo.
USEC. IGNACIO: Opo. ASec., may tanong lang po si Miguel Aguana rin ng GMA News Online: Kasi dumadami raw po ngayon iyong kaso na nagpupositibo sa COVID-19. Sa inyo pong tanggapan o sa DOLE, mayroon po bang na-report na nag-positive? At kung mayroon man po, ilan po at ano daw pong tulong o assistance ang ibinibigay sa kanila?
DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Usec. Rocky, nakakalungkot po talaga iyong sitwasyon kasi noong Lunes ang naitala lang po namin ay tatlo pero hanggang kahapon po ay mayroon na kaming 27 at may mga nagpapa-test pa rin po hanggang ngayon; may mga nag-positive na rin po. So una po, iyong disinfection ginawa po natin noong Lunes mismo. Tapos magdi-disinfect po ulit kami if not tomorrow, over the weekend po. Iyong atin pong work arrangement po ay nasa 30% capacity but lahat naman po ng ating mga manggagawa ay naka-work-from-home at puwede pong gawin iyong kanilang mga tungkulin.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo sa aming programa, Assistant Secretary Dominique Tutay ng DOLE Employment and General Administration Cluster. Mabuhay po kayo, Asec. Ingat po lagi.
DOLE ASEC. TUTAY: Salamat po and God bless.
USEC. IGNACIO: Matapos ang sunud-sunod na pagbisita at paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette, mga nakakatanda at may kapansanan naman sa Laguna ang hinatiran ng tulong ng outreach team ni Senator Bong Go. Tuloy rin sa paalala ang Chairperson ng Senate Committee on Health na huwag gala nang gala lalo na ang mga senior citizen ngayong may kumakalat na Omicron variant ng COVID-19. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Isa sa mga pangunahing tinututukan at prayoridad ng Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU)-Cordillera ang pagpapaigting ng kampanya kontra online scam para maiwasan ang iba pang mabibiktima. Ang detalye sa balita mula kay Eddie Carta ng PTV Cordillera:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, DENR XI nag-donate ng ilang mga nakumpiskang kahoy sa mga naging biktima ng Bagyong Odette sa Surigao del Norte upang magamit sa muling pagpapatayo ng bahay. Ang detalye mula kay Julius Pacot:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po ulit tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center