CABSEC NOGRALES: Magandang tanghali po sa ating mga kababayan at sa Malacañang Press Corps.
Mapapansin po ninyo na we are conducting this briefing via Zoom instead of in person. Paumahin po but we believe that this is necessary so that we can reduce the risks of infecting our fellow government workers involved in the production of our briefings.
Sa gitna ng mabilis na pagtaas ng bilang ng mga bagong aktibong kaso sa bansa, nakatutok ang lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 at ang bagong variant nito na Omicron.
Kaugnay nito, nagpulong kahapon ang Inter-Agency Task Force para pagdesisyunan ang mga bagong hakbang para tugunan ang pagdami ng bagong kaso ng COVID. Pagkatapos nito, pinulong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang piling miyembro ng kaniyang Gabinete para magbigay ng karagdagang direktiba sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.
Habang nagpupulong ang Gabinete, kumalat kahapon ang isang voice clip ng isang babae na nagsasabing magkakaroon ng total lockdown at martial law – fake news po ito. Huwag po tayong magpapaniwala sa mga ganitong uri ng balita. Please get your news and information from credible sources only. Kaya naman po binabalita agad natin ang mga bagong hakbang laban sa COVID para alam kaagad ito ng taumbayan.
Sa mga walang magawa na gumagawa at nagpapakalat nito, tigilan ninyo na po ito please; hindi ito biro. We are dealing with the real threat that understandably concerns our people, and spreading baseless and malicious rumors contributes to unnecessary anxiety and to needless panic. Hindi po ito nakakatulong.
Umpisahan po natin ang briefing sa isinagawang Talk to the People kagabi. Ito po ang ilan sa mga salient points: Inatasan ng Pangulo ang mga barangay kapitan na i-restrain ang galaw ng mga hindi bakunado. Bilang Pangulo, giniit ng Punong Ehekutibo na siya ang responsable sa kaligtasan ng bawat Pilipino.
Sa ating mga kababayan na [garbled] na sumunod ang lahat sa mga persons in authority tulad ng ating mga barangay captains. As the President stressed yesterday, these measures covering the unvaccinated are being done to protect our people as the unvaccinated put everybody in jeopardy.
Inanunsiyo rin sa Talk to the People na nagsimula na ang Food and Drug Administration or FDA na tumanggap ng mga applications para sa special certification for COVID-19 self-administered or home test kits habang inaasahan ang Department of Health na maglabas ng guidelines sa January 17 on the use of home test kits and reporting system.
Samantala, pinag-utos din ni Pangulong Duterte sa mga kapulisan na arestuhin ang mga nagbibenta ng COVID-19 treatment drugs sa black market.
Binanggit din ni Pangulo ang paglimita sa galaw ng mga hindi pa nababakunahan sa Metro Manila. Kung inyong matatandaan, una ko nang binanggit ang Regional Inter-Agency Task Force CALABARZON ay hinikayat ang lahat ng kanilang local task forces na i-adopt ang mga hakbang ng MMDA. Ito naman po ay sinundan naman ng Regional Inter-Agency Task Force ng Central Luzon na naglabas din ng isang resolution na naghihikayat sa mga lokal na pamahalaan ng Central Luzon na gumawa ng mga ordinansa para ma-regulate ang mobility ng mga unvaccinated sa kanilang regions. Inuulit po namin: Ito po ay para sa kapakanan at kaligtasan ng publiko.
Samantala, tulad ng una kong binanggit, nagpulong ang IATF kahapon at ito ang ilan sa mga naging resolusyon. Epektibo sa Linggo, a-nuebe ng Enero, na tatagal hanggang a-kinse ng Enero nasa Alert Level 3 po ang mga sumusunod na lugar: Baguio City in the Cordillera Administrative Region; Dagupan City in Region I; City of Santiago and Cagayan in Region II; Angeles City, Bataan, Olongapo City, Pampanga and Zambales in Region III; Batangas and Lucena City in Region IV-A; Naga City in Region V; Iloilo City in Region VI; Lapu-Lapu City in Region VII.
Kaugnay nito, ang Special Technical Working Group for Data Analytics ay maglalabas ng bagong metrics kung saan ang datos ukol sa healthcare workers ay isasama bilang indicator for alert level classifications.
Inaprubahan din ng IATF ang recommended policy shift sa quarantine at isolation ng Department of Health. First, hospital infection, prevention and control committees shall be authorized to implement shortened quarantine protocols of five days for their fully vaccinated healthcare workers consistent with healthcare capacity needs and individualized risk assessment.
Furthermore, in extreme circumstances and upon weighing the risks and benefits, hospital infection, prevention and control committees are also authorized to implement shortened isolation protocols for their COVID-19 confirmed fully vaccinated healthcare workers. The forgoing shall be subject to the more specific protocols as may be issued by the Department of Health.
Mamaya ay makakasama natin si Undersecretary si Maria Rosario Vergeire para pag-usapan ito.
Inaprubahan din ng IATF ang home isolation ng COVID-19 confirmed individuals with asymptomatic, mild or moderate disease, at pinayagan ang home quarantine naman ng close contacts ng suspect, probable or confirmed COVID-19 cases subject to the more specific protocols as may be issued by the Department of Health. Kasama rin ito sa tatalakayin ni Undersecretary Vergeire, itong COVID-19 homecare.
Sa usaping bakuna, nasa almost 112 million ang doses of COVID-19 vaccine administered as of January 6, 2022 according to the National COVID-19 Vaccination Dashboard. Samantala, 61.5 million ng ating mga kababayan ang nakatanggap na ng first dose habang nasa 51.6 million ang fully vaccinated as of January 6, 2022.
Inuulit namin: Tara na at magpabakuna. Huwag mag-procrastinate, ika nga ng Pangulo. Huwag nang ipagpaliban at magpatumpik-tumpik. Napatunayan na na lahat ng bakuna ay ligtas at epektibo. Libre po ito at walang isisingil sa inyo. Magpa-schedule lamang po sa inyong lugar at magpalista. Sa ibang lugar, puwede na rin nga mag walk-in.
Sa mga fully vaccinated na, magpa-schedule na po kayo para inyong booster shots. Dagdag proteksyon din po ito. Marami na po tayong suplay, mga kababayan.
Pumunta naman po tayo sa COVID-19 updates as of January 6. Ayon sa January 6, 2022 COVID-19 Case Bulletin ng DOH, nasa 17,220 ang bagong kaso ng COVID sa bansa habang nasa 36.9% ang ating positivity rate. At habang patuloy ang pagtaas ng mga kaso dapat doble po ang gawing pag-iingat. Ingat-buhay para sa hanapbuhay pa rin po.
Sa mga pumapasok onsite, ilang paalala sa mga employer sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19: Una, mag-assign po tayo ng health safety officer sa inyong workplace para ipaalala sa mga empleyado ang pagsunod sa minimum public health standards at mag-monitor at mag-track po tayo ng mga sintomas.
Pangalawa, tiyakin ang proper ventilation at iwasan ang closed spaces.
Pangatlo, facilitate isolation para sa mga may sintomas o quarantine para sa close contacts at testing sa mga empleyadong may sintomas.
Pang-apat, magbigay ng sapat na tulong sa mga nasa quarantine at sa mga nasa isolation. Ang suporta ay maaaring gamot, pagkain at iba pa.
Panlima, i-promote ang paggamit ng bisikleta o paglalakad papuntang opisina kung malapit lamang ito para makaiwas ng exposure sa mga masisikip na lugar.
At panghuli, mahigpit na ipatupad ang pag-i-inspect ng proof of vaccination sa mga premises or business operations na niri-require ng IATF.
Now, for other data: Nasa 96.3% ang porsiyento ng mga gumaling at nasa mahigit 2.78 million ang naka-recover. Malungkot naman naming ibinabalita inyo na kahapon ay mayroong 81 ang naidagdag sa bilang ng mga pumanaw dahil sa coronavirus. Nasa 1.79% ang ating fatality rate at ito ay nananatiling mas mababa sa 2% global average.
As for other data: Tumaas po ang ating hospital care utilization rate: Nasa 43% ang utilized ICU beds sa Metro Manila, habang nasa 31% naman sa buong bansa; 42% ang utilized isolation beds sa Metro Manila, habang nasa 34% sa buong bansa; 50% po ang utilized ward beds sa Metro Manila, habang 27% sa buong bansa. 18% ang utilized ventilators sa Metro Manila, 14% naman po sa buong bansa.
In other developments, the Philippine Statistics Authority today released the results of the November 2021 Labor Force Survey which revealed that the country’s unemployment was 6.5% in November 2021. Ito na po ang pinakamababa mula Enero 2021.
In terms of raw numbers, the total numbers of unemployed persons in November 2021 were 3.16 million, lower by 345,000 from the total 3.5 million unemployed persons reported in October of 2021.
Ito ay dahil sa ginawa nating pag-ingat buhay sa hanapbuhay kung saan binabalanse po natin ang kalusugan, kaligtasan at ekonomiya.
Bago po tayo mag-wrap-up: Sa ngalan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng sambayanang Pilipino, nakikiramay po kami sa pagpanaw kagabi ni F. Sionil Jose, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan.
Sa kaniyang maybahay na si Ma’am Tessie at ng kaniyang buong pamilya, mga kasamahan, at mga mahal sa buhay, ang aming panalangin. Hindi lamang isang alamat na manunulat at storyteller, si F. Sionil Jose ay isang tunay na makabayang Pilipino.
Maraming salamat po. Dito po nagtatapos ang ating opening statement. Makakasama naman po natin ngayon si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Kasama rin po natin si Dr. Edsel Salvaña at kasama rin po natin si Dr. Anna Lisa Ong-Lim.
Let’s first go to USec. Vergeire for her presentation. USec. Vergeire?
DOH USEC. VERGEIRE: Magandang tanghali po, CabSec. Nograles. Magandang tanghali po sa ating mga ekspertong kasama, Dr. Edsel Salvaña, Dr. Anna Ong-Lim, and magandang tanghali po sa inyong lahat.
With the recent spike in the cases in the country due to the holiday season, we assure everyone that the Department of Health and the whole of government continues to monitor the new variant of concern which is the Omicron as well as the other variants.
Kinikilala po ng Kagawaran ng Kalusugan ang kahalagahan ng PDITR or the Prevent, Detect, Isolate, Test, Treat and Reintegrate na mga istratehiya para sa mas madaling pagsugpo ng COVID-19. With that, the DOH will provide you today policy updates on self-administered antigen test, quarantine and isolation.
Para po sa mga nagnanais kumuha ng antigen test, narito po ang ilang impormasyon na kailangan ninyong malaman para sa mas tiyak at accurate na resulta. Bago po tayo magtungo sa mga detalye, nais lamang pong ipaalala ng Kagawaran ng Kalusugan na, no test is perfect. Ngunit ang mga test natin kapag ginamit sa tamang pagkakataon at oras ay mas nakakapagbigay ng tamang impormasyon ukol sa aksiyon na kailangan nating gawin.
If in doubt, hindi po kailangang maghintay ng pag-test, isolate – isolate – isolate.
Para po sa mga indibidwal na nakakaranas ng sintomas, mataas ang posibilidad na kayo ay magkakaroon ng positive na resulta. Paalala lamang po na kayo ay dapat mag-isolate immediately para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Para naman po sa mga nag-negatibo sa antigen test ngunit nakakaranas ng sintomas, agaran po tayong magpa-RT-PCR test upang makakuha ng mas accurate na result pero mag-isolate na rin po tayo.
Kung kayo naman po ay isang walang sintomas at na-expose kayo sa COVID-19 positive individual at nakakuha po kayo ng positibong resulta sa antigen, dapat pa rin po kayong mag-isolate agad. Sa sitwasyong ito, kayo ay likely positive with COVID-19.
Kung kayo naman po ay makakakuha ng negative na result sa antigen test, kayo ay dapat munang sumailalim sa quarantine at kumuha po ng RT-PCR test sa ikalimang araw mula noong kayo po ay ma-expose. Kung kayo naman po ay hindi na-expose at hindi rin po nakakaranas ng sintomas at nag-positive sa inyong antigen test, mag-isolate po kayo immediately, magpakonsulta po sa isang health care professional.
Kapag naman negatibo ang nakuhang resulta sa antigen test, ugaliin lamang po na susunod po tayo sa safety protocols or mask, hugas, iwas, at airflow.
We also want to remind that not all antigen tests are created equal. Iba ang antigen test na ginagamit ng mga trained health care workers. Makikita po sa larawan na ito na na iba ang direksyon at mas malalim ang pagkakatusok sa ilong. On the right side, makikita po ang brand ng antigen test kits na ginagamit ng ating mga health care workers.
Paalala lamang po na hindi po ito advertisement, kung hindi nagsisilbi lamang po ng pagbibigay ng halimbawa at guidance para sa ating mga kababayan. Meanwhile, the illustration below shows how to use self-test kits. Kitang-kita po na mas madali itong gamitin dahil hindi kinakailangang malalim ang maging pagtusok sa ating mga ilong.
At present, no antigen test kit that are self-administered has been registered by the Food and Drug Administration yet.
Ang mga available na FDA-approved antigen test kits are recommended to be used and administered by trained health care workers. Kapag wala pong karagdagan at tamang training ang nag-a-administer nito, maaaring hindi po maging tama or inaccurate ang sample na makukuha na maaaring makapagresulta sa maling resulta.
Kapag mali po ang pagkuha ng swab, malamang magiging mali rin ang resulta ninyo at ito ay puwedeng magbigay ng false sense of security. Maaari pong lumabas na negatibo kayo ngunit ang totoo positibo po pala kayo; nakalabas na kayo at nakapanghawa ng ibang tao.
Gusto rin po naming ipaalala na ang home quarantine or isolation ay pinapayagan po basta mayroon po kayong sariling kuwarto at sariling banyo sa inyong bahay at mababantayan po kayo ng inyong local government unit o ng inyong health care provider. Kung kayo po ay positive at wala po kayong sariling kuwarto at banyo sa inyong bahay, kayo po ay dapat dalhin sa isang accredited isolation facility upang maiwasan pang makapanghawa sa loob ng inyong tahanan. Kung kayo naman po ay positibo o may sintomas ngunit mayroon po kayong sariling kuwarto at banyo sa inyong tahanan, sasapat na po ang home quarantine and isolation.
Paalala na ang lahat ng kasama sa bahay ay maituturing na exposed ay kinu-consider na close contacts. Kapag lahat po sa bahay ang exposed at matuturing na close contact, ang mga ito ay maaari na pong mag-home quarantine particular kung walang sintomas, kung hindi senior citizens o walang comorbidity ang kasama at hindi po makakahalubilo ang ibang mga positibo. So maaari na po na isang buong bahay ay makapag-quarantine kayong magkakasama kung wala po kayong senior citizen, kung walang taong may comorbidity o kung wala pong positibo na makakahalubilo ninyo sa loob ng inyong pamamahay.
Pinapayong mahigpit pa rin ang sundin ang minimum public health standards nang pagsusuot po ng face mask kahit po tayo nasa loob ng ating tahanan, gumawa ng physical distancing, mag-disinfect at ang paninigurong maayos po ang bentilasyon sa loob ng inyong tahanan.
Narito naman po ang pamantayan kung sino ang puwedeng i-prioritize para sa ating mga quarantine at isolation facilities: Unang-una sa lahat, kailangan po nating i-prioritize ang ating mga vulnerable – ang ating priority group A2 o mga senior citizens at saka ang ating priority group A3 o iyong mga taong may comorbidities na walang capacity mag-home quarantine or mag-isolate. Pangalawa sa ating priorities ay iyong iba tao na wala ring kapasidad para mag-home quarantine or mag-isolate – ibig sabihin walang sariling kuwarto o walang sariling palikuran sa kanilang pamamahay. Pangatlo, ang mga A2 at A3 na may kakayanang mag-home quarantine or mag-isolate. At ang panghuli, ang ibang tao na may capacity mag-home quarantine or mag-isolate.
So pinapaalala po natin sa ating mga local government units kung saka-sakali let us prioritize our senior citizens and those with comorbidities for our isolation and quarantine facilities.
Paalala po para sa lahat tungkol sa isolation and quarantine for the general population: Ang mga taong infected at positibo sa COVID-19, may sintomas man o wala, ay kinakailangang magsagawa ng isolation mapabakunado man o hindi. Kung positibo ngunit walang sintomas o mayroon lamang mild or moderate symptoms, kinakailangan ninyo pong mag-isolate nang sampung araw mapabakunado man or hindi. Ibig sabihin, irrespective of your vaccination status, kailangan sampung araw mag-a-isolate. Sa ibang pagkakataon, nakadepende pa rin ito sa magiging payo ng inyong doktor.
Kung positibo at malala or critical ang naging kalagayan, kinakailangan na ang isolation period ay dalawampu’t isang araw irrespective of vaccination status pero depende pa rin po sa advice ng inyong doktor lalung-lalo na kung kayo naman po ay gagaling ‘no at mari-recover before the 21st day.
Para naman po sa lahat ng exposed at posibleng magkaimpeksiyon, quarantine is needed. For fully vaccinated close contacts, 7-day quarantine period is advised and for those incompletely vaccinated or partially vaccinated – iyong isang dose pa lang po ang kanilang natatanggap o iyong hindi pa talaga bakunado – kailangan ninyo pong magsagawa ng labing apat na araw na quarantine kung kayo po ay exposed sa isang positibong individual.
Para naman po sa ating mga health care workers, binibigyan na po ng authorization ang ating mga Hospital Infection Prevention and Control Committee at ang ating mga Provincial Health Offices na paikliin ang isolation or quarantine period ng mga fully vaccinated na health care workers: Para sa mga positibong kaso, asymptomatic or mild or moderate, maari na pong ibaba hanggang limang araw lamang ang maging isolation period ng mga fully vaccinated. Para naman po sa mga close contacts, maari na pong hindi na sumailalim sa quarantine ang mga fully vaccinated na close contacts.
Makikitang mas maikli ito kaysa sa protocol sa general public kaya’t kailangan pag-aralan at suriin po ito nang mabuti ng mga Infection Prevention and Control Committees ng ating ospital depende sa pangangailangan ng ating mga ospital and weighing the risks and benefits.
At para naman po sa nga indibidwal na nag-a-isolate at nakakaranas ng mga mild to moderate symptoms, i-maximize po natin ang paggamit ng telemedicine services ng ating mga health care providers upang maiwasang mapuno ang ating mga health facilities at ospital. Mangyaring abutin sila sa mga contact details na nasa itaas. Muli, isang pamamaraan ng pagtulong ang pag-maximize sa telemedicine services upang hindi muna tayo tumungo sa ating mga ospital. Iwas transmission at iwas na rin ito sa pagpuno ng ating mga ospital.
Naririto po tayo ngayon upang harapin ang bagong mukha ng COVID-19, ang Omicron. Gayun pa man, makakasiguro po tayo na lahat ng ginagawa ng Kagawaran ay upang maiwasan ang pagkalat at ang pagtaas ng bilang ng mga magiging kritikal at iyong babawian ng buhay dahil sa COVID-19. Walang hamon na hindi kayang lampasan ang Pilipino lalung-lalo na kung sama-sama tayong kikilos at papairalin natin ang ating disiplina. Ang pag-iingat sa sarili ay maituturing na kabayanihan para sa mga nakakarami.
Muli, ating mahigpit na sundin ang ating minimum public health standards, agarang ibukod ang sarili kung makakaramdam ng maski na isa mula sa maraming sintomas na buhat sa COVID-19. Paalala rin po na agaran po tayong magpa-test. Kung hindi naman po tayo makaka-access ng pagti-test, mag-isolate po tayo agad – iyon po ang pinakaimportante para sa ating lahat ngayon. Lagi rin na tatandaan, huwag po tayong magpapakalat ng maling impormasyon dahil misinformation can mean life or death. Accurate, timely information saves lives.
So iyon lamang po at maraming salamat. Over to you, CabSec.
CABSEC NOGRALES: Maraming, maraming salamat Usec. Rosette at please stay on-board. At nandito rin po kasama natin, again, si Dr. Edsel Salvaña, si Dr. Anna Ong-Lim and of course Undersecretary Rosette to answer questions from the media. Kaya tumungo na po tayo kay Usec. Rocky for the questions.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Sec. Karlo, kay Usec. Vergeire at kay Doc Ong and kay Doc Salvaña and sa MPC.
Ang una pong tanong, mula po kay Maricel Halili ng TV-5 – similar question po sila ni Lei Alviz at saka ni Red Mendoza ng Manila Times – para po ito kay Usec. Vergeire, kay Doc Anna and Doc Edsel: Request daw po sa statement sa sinabi ni Father Nic Austriaco ng OCTA Research, I quote, “We have to realize that Omicron is the beginning of an end of the pandemic because Omicron is going to provide the kind of population immunity that should stabilize our societies and should allow us to reopen after Omicron has begun. This is the hope and prayer, Omicron is actually a blessing, it will be hard for one month but afterwards, it should be a blessing because it should provide the population protection that we need everywhere.”
DOH USEC. VERGEIRE: Sige po, I’ll start and then I’ll give it to our experts, CabSec.
So unang-una po, gusto lang ho namin iparating ‘no sa ating mga kababayan na dapat naiintindihan po natin ang sitwasyon natin ngayon – mas maraming infections, mas marami pong tiyansa ang virus na magkaroon ng replication which is their cycle ano at nakakapag-reproduce po sila at ang pinakaimportante, mas nagkakaroon ng tsansa ang virus na mag-mutate. So kailangan pigilan po natin ang ganitong kadaming impeksiyon para po hindi tayo magkaroon ng further mutations nitong virus na ito which can lead to more fatal outcomes.
Gusto lang ho naming ipaalam sa ating mga kababayan, mag-advise kami – huwag ho tayong maging complacent, huwag ho tayong magpapahawa dahil po sa statements na ganito. Hindi po ganiyan ang direksiyon ng ating response dito, kailangan pa rin po natin mag-ingat, kailangan nating pigilang dumami pa ang impeksiyon para mapigilan po natin ang pag-produce nang mas maraming variants nitong virus na ito.
I’ll pass it on to Dr. Edsel and Dra. Anna for further answers po.
DR. ALVAÑA: Yes. Siguro iyong statement ko lang rin diyan is ang Omicron po ay virus, hindi po siya bakuna at hindi katulad noong mga bakuna natin na very safe and hindi naman nakakahawa ng ibang tao, itong Omicron po, puwede pa rin pong magdulot nang malaking pinsala.
Sabi nga po ng WHO, hindi po dapat tayo nagkakamali na tawagin itong Omicron na ‘mild’ bagama’t kung fully vaccinated, mababa ang tsansa na mamatay at magkaroon ng severe, alam naman natin na mayroon pa rin tayong mga kababayan na hindi bakunado or kung bakunado man, nasa vulnerable population. Ang risk po ay hindi zero, puwede pa rin po talaga silang tamaan although it is less than somebody who is unvaccinated.
And of course, nakita naman natin tuluy-tuloy na ginugulat po talaga tayo nitong COVID, mahirap ho talagang magsabi na ‘beginning of the end’. If there is one thing constant about COVID-19 and the SARS CoV-2 virus is that it has surprised us time and again. Lahat po ng dalubhasa, mahirap ho talagang i-predict so huwag po tayong magiging complacent at bakuna lang po tayo and continue to use our minimum health standards po.
DR. ONG-LIM: If I can add… siguro iyong pinagmulan po ng statement ni Father Austriaco is iyong study na nagpapakita na iyong mga taong nagkaroon ng Omicron, iyong kanilang antibodies ay may bisa laban doon sa Delta viruses in the laboratory. Pero walang definite proof na pati doon sa ibang klaseng variants of concern ay ganoon din ang inaasahan nating makita. And ang problema kasi natin, medyo… itong COVID maya’t maya na lang ginugulat tayo.
So although—siyempre gusto natin na ito na ‘yung pinakahuli, na wala nang susunod pang ibang variant. Unfortunately, hindi pa natin masasabi ‘no with certainty na ito na nga ang katapusan ng COVID. Sana ‘no, sana totoo, sana magdilang-anghel si Father pero siguro mas maganda pa ring maging maingat, huwag sadyaing magpahawa on the assumption na hindi na mahahawaan ulit ng iba pa at ipagpatuloy ang pag-iingat.
USEC. IGNACIO: Thank you po. Question from Carolyn Bonquin ng CNN Philippines for USEC. VERGEIRE: Na-identify na ba kung kasama si Gwyneth Chua sa latest Omicron cases? Ilan sa close contact niya ang may Omicron din?
DOH USEC. VERGEIRE: Lumabas na po kahapon ang ating genome sequencing results and we’re still trying to verify. Kailangan lang pong maintindihan ng ating mga kababayan na ang mga datos na ganito po ay nasasaloob sa ating batas, ng RA 11332 at saka sa Data Privacy Act so we cannot disclose the results of our genome sequencing to the public.
USEC. IGNACIO: Opo. Second question po ni Carolyn Bonquin ng CNN Philippines for USEC. VERGEIRE: Is the DOH still able to see a connection between the local cases? At this point, can the DOH officially say there is a local community transmission?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, our whole genome sequencing results cannot provide us with that kind of detail ‘no to say if there are links or if there are a lot of Omicron already in the community. Pero simula’t simula, last week pa lang po nagsasabi na tayo na ang Kagawaran ng Kalusugan. pati ang ating mga eksperto nagsasabi high likelihood na po na ang Omicron ay nasa ating mga komunidad na.
Maybe Dr. Edsel can supplement my answer, Usec. Rocky.
DR. SALVAÑA: Yeah. So iyong ano kasi, if we’re going to prove na mayroon talagang community transmission, na sustained community transmission, as has been mentioned dapat hindi muna siya mati-trace back to clusters or imported cases. And usually this is really after the fact kasi ngayon nagdadagdag pa tayo ng sequencing pero klaro naman dumadami talaga as a proportion of our sequencing, iyong Omicron.
And so, it’s going—ang next step diyan is ita-try i-trace back mo kung saan nanggaling iyong mga ‘yun kasi substantial number of them were still from returning overseas workers so iyon, hindi ‘yun community transmission. Pero dumadami rin iyong nakukuha natin na sequences sa komunidad at iyon ang kailangan nating pag-aralan.
Pero again this is all retrospective eh kasi we’ll get that back 2, 3, 4 weeks from now pero nakikita naman natin iyong behaviour sa community, hindi naman natin kailangan iyong definitive proof para mag-act tayo. Ang action talaga is assume that it’s here then prepare for it accordingly.
USEC. IGNACIO: Thank you Doc Edsel and Usec. Vergeire.
Secretary Karlo, ang susunod na magtatanong via Zoom, si Mela Lesmoras ng PTV.
MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Nograles at sa ating mga panauhin. Secretary Nograles—[TECHNICAL PROBLEM]
CABSEC NOGRALES: Again—[TECHNICAL PROBLEM/NO AUDIO] … At i-consider din iyong healthcare workers or availability ng ating healthcare workers sa pagdi-determine din po natin ng alert levels, at ito ay pinag-aaralan pa ng IATF. That being said, again kapag kinakailangan i-escalate ang isang lugar o iilang lugar, ang isang siyudad or ilang siyudad o probinsiya ay agad-agad naman po nating gagawin. And we have already announced the new alert level system for the several cities and provinces for Alert Level 3. NCR continues to be Alert Level 3 and again kailangang mag-escalate, mag-i-escalate po agad kami, basta tumama po sa mga parameters.
MELA LESMORAS/PTV: Okay, thank you po, Secretary Nograles. Dalawang katanungan lang po for USec. Vergeire. USec. Vergeire, from Mark Fetalco, my colleague po sa PTV. Tanong lang po niya: Bakit po natatagalan ngayon iyong paglabas ng resulta ng swab test at dahil po ba ito sa pagdami ng mga nagpapa-test at ano po iyong epekto ng matagal na paglabas ng resulta?
USEC. VERGEIRE: Yes, thank you. Unang-una po, talaga po naman na tumatagal ngayon ang paglabas ng mga laboratory test [result] natin dahil doon sa biglang demand for laboratory, dahil ang dami po nagkakasakit. Pangalawa po, iyong mga healthcare workers natin manning our laboratories are getting sick also, so medyo bumaba po ang kapasidad ng ating health human resources sa ating laboratories and that is the reason why nagkakaroon po ng delays ng pag-release ng laboratory test [result]. Ang consequence po na tinatanong kung madi-delay ang ating laboratory test, siyempre nadi-delay po iyong pag-report natin ang mga kaso. Pero kailangan po nating bigyan ng focus, ano ang dapat nating gawin ngayon. Kahit hindi pa po ninyo nari-receive ang inyong laboratory test at kayo po ay may sintomas o di kaya kayo po ay na-expose, kailangan po talaga ngayon ang pinakaimportante, mag-isolate po tayo, para hindi na po tayo makapanghawa pa sa iba and we can cut the transmission in our communities.
MELA LESMORAS/PTV: Opo at isa pang katanungan from Mark Fetalco, Usec. Vergeire regarding lang po doon sa paggamit ng mga self-administered home test kits: Paano po kaya iyong mga nauna na o matagal ng nagsi-self test since kalat din po ito sa online market place? How is the DOH handling this in terms of COVID detection data collection po?
USEC. VERGEIRE: Yes po. Kaya nga po nagbibigay kami ng pang-araw-araw na babala sa ating mga kababayan ano. Ito pong existing na antigen test ngayon sa merkado, kailangan po guided kayo ng healthcare workers kapag ginamit ninyo ito. And there is possibility of maling resulta, kapag mali po ang proseso ng pagkolekta natin ng specimens, kaya ang sinasabi natin, iyong self-administered test kits po, wala pang rehistrado ngayon sa FDA. So maybe what our citizens are using are the existing or the current antigen test that are supposedly done or performed by healthcare workers.
So, ang epekto naman po nito dito po sa ating mga tinatalagang mga datos para sa resulta ay nagkakaroon po tayo ng gap. And we have long been asking our local governments to help us, para po doon sa mga taong nagti-test sa doon sa kani-kanilang bahay. Please report it to the local government so that we can include this in our case tallies, para po maidagdag sa mga reported cases natin because up until now, kulang pa rin po ang datos natin in terms of this antigen test results na ginagawa po sa kabahayan ng ating mga kababayan.
MELA LESMORAS/PTV: Okay. Maraming salamat po, USec. Vergeire at kay Secretary Nograles at sa ating mga panauhin, kay USec. Rocky din po.
USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Mela. Secretary Karlo, ulitin ko lang po iyong tanong ni Mela kasi po kanina ay nawalan po ng audio tayo kanina. So iyong answer po ninyo. Ulitin ko lang po iyong tanong niya. Kung itataas ba, may tiyansa na mag-alert level 4 at kung out of the picture pa ba iyong local lockdown?
CABSEC NOGRALES: Yes. Kagaya ng sinabi ko kanina, kapag kinakailangan itaas ang alert level ng isang lugar saanman dito sa ating bansa, kapag tumama sa parameters ng ating alert level system ay ginagawa naman po agad natin. Regardless kung nag-announce na kami ng alert level system for the first of the month hanggang sa a-kinse ay ganito, mayroon naman po tayong nasa guidelines ng IATF na kapag kailangang i-escalate agad dahil tumama sa parameters ay ina-announce naman natin agad. Kaya nga po, nagkaroon tayo ng bagong announcement ng alert level 3 sa iilang mga lugar dito sa ating bansa, kahit na hindi pa tayo nakarating sa a-kinse ng January.
So, ganoon din po, basta tumama sa mga parameters at kailangang i-escalate dahil tumama na nga po sa mga parameters, based on our decision metrics ay i-escalate. Again, ginagawa natin iyan to restrict the movements, para po ma-restrict ang transmission at pigilan ang pagkalat ng COVID sa mga lugar na may nakikita po tayong mataas na bilang and that includes iyong two-week growth rate, that includes iyong average daily attack rate and that includes iyong hospital care utilization rate po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sec. Karlo, ang susunod na tanong mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: Does the President’s order for barangay officials to restrain the movement of unvaccinated apply nationwide? Will this directive be in effect regardless the alert level in an area?
CABSEC NOGRALES: It appears kagabi sa declaration, pronouncements at direktiba ni Pangulo, it appears na regardless at nationwide po iyan. At kung pakikinggan natin ang salita ng ating Pangulo, ang kaniyang instructions ay iyong mga barangay kapitan ay makikiusap sa ating mga residente. Kapag unvaccinated at hindi essential at hindi naman dahil sa trabaho ay huwag munang lumabas dahil ito po ay para sa kaligtasan at proteksiyon ng ating mga unvaccinated at ng buong komunidad at ng ating buong bansa.
So, for the public’s safety, health and well-being ay iyong mga barangay kapitan, saan man naroroon ay mayroon pong direktiba si Pangulo na makiusap sa ating mga residente, sa mga barangay, na kapag unvaccinated, hindi pa kumpleto ang vaccination ay huwag munang lumabas para mapigilan po ang pagkalat ng virus na ito, maprotektahan po natin sila, dahil nakikita po natin sa datos na iyong mga unvaccinated po, kapag nahawa po ng COVID ay napupunta sa malubhang kalagayan, nagiging severe at critical. So nationwide po iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Susunod pong tanong mula pa rin kay Leila Salaverria ng Inquirer, for USEC. VERGEIRE: Since the government daw po is calling on manufacturers to register their self-administered COVID testing kits, how does the government plan to ensure that positive result from these home test kits will be counted, so that we can get an accurate picture of the COVID situation?
USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky ‘no. So katulad po noong pinalabas ng FDA na ang DOH po will draft the guidelines, then we will issue on January 17, kasama po iyan sa pinag-uusapan natin ngayon to really monitor itong pagati ng mga antigen test kits sa bahay para makuha po natin ang datos. So we will work with the local governments and our Epidemiology and Surveillance Units in our local units, so that makuha po natin ang datos ng gagamit nitong mga antigen self- test kits.
USEC. IGNACIO: Sec. Karlo question from Einjhel Ronquillo ng DZXL-RMN: Nakatanggap na ba ng booster shot ang Pangulo? Kung oo, kailan at anong brand? At kung hindi pa, kailan daw po kukuha ng booster si Pangulo?
CABSEC NOGRALES: Sa declaration niya kagabi sa Talk to the People, it appears na nakapag-booster na si Pangulo at Sinopharm ang nagamit. Doon iyon sa sinabi niya kagabi, sa Talk to the People.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, CabSec. Ang susunod na magtatanong via Zoom ay si Triciah Terada ng CNN Philippines.
TRICIAH TERRADA/CNN PHILS: Hi! Good afternoon, Secretary Karlo and to our guests and USec. Rocky. Sir, since natanong na po iyong sa Alert Level 4 kanina, do you think that it’s still necessary, kailangan pa po kaya na mag-akyat ng alert level considering that we’re really expecting for the number of cases to increase in the coming days?
CABSEC NOGRALES: Iyong what we are using right now is the alert level system ‘no, that is distinct and separate from iyong dati nating ginagawang classification which was ECQ, MECQ, etc. So ngayon, nag-shift na tayo from the ECQ noong unang umpisa ng COVID-19; ngayon nasa alert level po tayo.
So sa alert level, mayroon po tayong tinitingnan na tatlong indicators. Ito nga po iyong sinasabi natin na two-week growth rate at iyong ADAR (average daily attack rate), and then iyong pangatlo, iyong hospital care utilization rate.
So nakikita natin, napapansin po natin na bagama’t mataas iyong two-week growth rate at mataas din po iyong average daily attack rate sa Metro Manila, halimbawa, iyong hospital care utilization rate ay hindi pa tumatama sa ating parameters. That being said, isang indicator na pinag-aaralan din po natin ay iyong healthcare workers natin. Kasi understandably so, marami sa healthcare workers natin ang nai-expose so kailangan mag-quarantine; at mayroon din po tayong mga healthcare workers na nagkakaroon din ng breakthrough infections.
So this is one indicator na pinag-aaralan natin if it should be a fourth indicator in our alert level system because this is something na we are seeing on the ground na marami sa healthcare workers natin ang forced to quarantine or forced—and then, of course, those who have to isolate kasi nagka-breakthrough infection. So pinag-aaralan pa ito ng ating IATF.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, iyon vaccines for minors, for kids 5 to 11 years old, I understand sinabi po ni Secretary Galvez, ginagawaan ng paraan para mapabilis. When exactly do we see this arriving? And ito pong vaccines for kids and even home testing, bakit, sir, parang it appears na medyo late po siya napag-uusapan or late iyong orders natin and itong sa home testing kits late napag-usapan? Is there a problem in terms of foresight, sir?
CABSEC NOGRALES: No, the home testing kit, unfortunately, wala pang manufacturer or supplier that applied for FDA. So that’s why there’s a call now ‘no, in fact a public call using the Talk to the People kagabi ni Pangulo na kami po ay nananawagan sa mga manufacturers and suppliers to already pass through the FDA and they get the home test kits accredited ng ating FDA – so that’s number one.
Number two, iyong sa vaccines ng for children, that’s already being sped up and processed. I don’t know if Usec. Rosette has any updates on that. Usec.?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, CabSec, so nagkaroon po kami ng pagpupulong with the Pfizer group noong isang araw po kasama si Sec. Charlie Galvez and Secretary Vince Dizon kung saan nag-request po ang ating country ‘no through our vaccine cluster if they can make their deliveries earlier. Kasi po ang kanilang kinu-commit sa atin would be the first quarter for these vaccines for children five to eleven years old. And they said that they are going to study the matter.
Mukhang positibo naman po ang kanilang reply, ang pangako lang ay it will be in tranches kasi iyong buong bulk po ng hinihingi natin or binili natin –actually may pera na tayo – will be delivered for the first of the year. Pero nakapag-request tayo na baka kahit in tranches para makapag-umpisa lang tayo.
We have to understand, there is global shortage of this 5 to 11 years old na bakuna coming from this manufacturer kaya ang nagkakaroon ng allocation per country sila ngayon and hopefully, iyong commitment nila that they will provide us by the end of January until first week of February with the initial tranche for our vaccines.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you very much, Usec. Vergeire.
Sec. Karlo, tonight po ba ay mayroon po bang Talk to the People? And sorry, sir, I have to bring this up na rin in our briefing because we’re having a hard time reaching po off the air ‘no: May bagong protocol po ba tayo in terms of announcement or policy kung paano ia-announce, sir, iyong ating mga Talk to the People or iyong mga emergency meeting? Because it turns out, sir, recently medyo nahihirapan po kami to figure out kung kailan magkakaroon ng appearance si President. And we think it’s really important that we let the public know also and that this has to be timely.
CABSEC NOGRALES: Yes, for Talk to the People, well, regularly, it’s once—well, the regular schedule is once a week ‘di ba. So regularly, it’s on a Monday. But things happen on the ground and so sometimes it gets moved to a Tuesday. And then, again, because of certain circumstances again on the ground, things na nangyayari as we go along, nagpapatawag ng meeting si Pangulo katulad nung nangyari kagabi because he was concerned about Omicron and then this new variant na pinag-uusapan doon sa France.
So, it happens, you know, quickly and fast. I mean, we have to be agile. The President has to be agile and has to be able to, you know, call the Cabinet meeting no matter how sudden, and lahat naman kami we’re prepared ‘no for any sudden calls or sudden meetings from the President. We know that things are shifting, things are moving very fast so we are always on the call.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: So, sir, may Talk to the People po ba mamaya? And can you also please a commitment from the side of the Palace in terms of announcement lang, for example, to MPC, to let us know, sir, to give us leeway, a heads up, in terms of the schedule of the President, sir?
CABSEC NOGRALES: Yeah, as much as possible, we give naman the schedule ‘no, as much as possible, as early as possible. We also have certain limitations also and certain protocols that we have to follow so pasensiya na lang po. But if it’s any consolation, pati rin naman kami, we are always on the call anytime na kailangan magpatawag ng meeting ay agad-agad naman pumupunta tayo.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Pero, sir, mamaya, wala pong Talk to the People or mayroon?
CABSEC NOGRALES: No word yet, no word yet. Again, let’s all be ready and on the go. So anytime magpatawag si Pangulo, we just always have to be ready, lahat po tayo.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right. Thank you very much, Sec. Karlo, and to Usec. Vergeire and to all our guests.
CABSEC NOGRALES: Thank you. Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: [Garbled] ng DZXL [garbled] po ng Pangulo kagabi sa kaniyang Talk to the People na hindi kaagad huhulihin at pagsasabihan muna ang mga lalabag [garbled] labas policy. Hanggang ilang warning po ito bago sila pagmultahin o arestuhin?
CABSEC NOGRALES: [Garbled] kung may kasama rin pong ano iyon, imprisonment ‘no, will really depend on the ordinance to be passed by the local government unit. Gaya ng sinabi ko po, iyong Metro Manila Council ay mayroon na pong naipasang resolution calling on the member LGUs to pass their respective ordinances.
Pagkatapos po niyan, iyong CALABARZON region naman po ay mayroon din pong resolution na iyong mga kaniyang mga LGUs ng CALABARZON ay gagawa na at magpapasa na ng kanilang mga ordinansa.
Iyong pinakabago, itong Central Luzon, so Region III ganoon rin po, mayroong resolution na iyong mga LGUs po nila ay gagawa, nagpapasa na po ng mga ordinansa din po nila. At sana nga po, iyong ibang mga regions ay ganoon din po ang mangyayari. Pero ito na nga rin po iyong trend, darating po na iyong lahat ng mga LGUs ay may kaniya-kaniyang ordinansa na.
So susundan natin kung ano iyong ordinansa pagdating sa pagpataw ng fines at kung may imprisonment ba na kasama dito sa ordinance. At iyon po iyong magiging basis, iyon po iyong magiging basis.
USEC. IGNACIO: Opo. Susunod pong tanong mula kay Joel Pelenio ng DWIZ: Secretary Karlo, anu-ano po ang mga inilatag na paghahanda ng pamahalaan upang hindi maging super spreader event ang Sinulog at Dinagyang Festival, kabilang na po iyong Chinese New Year?
CABSEC. NOGRALES: Tuluy-tuloy iyong pakikipag-ugnayan po ng IATF at ng DILG sa mga involved na mga local government units. Pero siguro sa mga LGUs kung saan gaganapin itong mga malalaking mga festivals na ito at sa mga susunod pang mga festivals at maging sa iba’t-ibang mga LGUs, maaari pong sundin na lang po natin iyong template na ginagamit natin dito para sa restrictions natin sa Feast of the Black Nazarene.
Kasi ito na nga rin po iyong directive ni Pangulo na kami po ay nagpapasalamat una sa lahat sa Simbahang Katoliko/Catholic Church for being very cooperative. Nagpapasalamat kami sa mga LGU lalung-lalo na po sa City of Manila at sa ating iba’t-ibang mga barangay. So, let’s please use that as the template ‘no, iyong restrictions na pinakiusap po natin dito sa Feast of the Black Nazarene. So, ganoon din po ang pakiusap natin doon sa Sinulog, sa Dinagyang, at sa iba pang mga Festivals. Iyan na lang po ang gagamitin nating template for the safety and protection of everybody.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong sunod pong tanong ni Jopel Pelenio ng DWIZ, I think para po ito sa DOH, kay USec. Vergeire or Doc Edsel: With these new restrictions being imposed, nakikita ba natin na by mid-January maaari nang ma-contain o kahit papaano magkaroon na ng pagbaba ang COVID-19 cases sa Metro Manila at sa nearby provinces?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, unang-una po, hindi po certain that we can be able to stop the transmission all at once nang ganoon kabilis. Tandaan po natin, the virus has this incubation period of two week, so, iyon pong mga darating pang mga kaso natin, mga na-infect po sila the previous week or this week pa lang.
So, kung tayo pong lahat ay magtutulong-tulong aside from the restrictions that we are imposing, nandiyan naman po iyong posibilidad that we can stop further the increase in cases in the coming weeks pero hindi po din ganoon kabilis iyan. So, maybe Dr. Edsel can further explain po, and Dra. Anna.
DR. SALVAÑA: Thank you, USec. Iyong pag-akyat at pagbaba medyo mahirap i-predict. Kung titingnan natin iyong experience sa South Africa na mas mababa actually ang vaccination rate nila sa atin, 30%, it went up very, very fast, parang nakikita natin ngayon, and it took about four weeks for it to go down.
But very clear na iyong number of hospitalizations especially among the vaccinated, mababa talaga. Hindi siya sumunod katulad noong sa Delta. Nakita naman natin marami talagang nagkasakit at severe iyong mga pasyente ko. At that time sunog talaga iyong baga, as in hirap na hirap huminga, maraming kung uuwi kailangan talaga ng oxygen.
Ngayon, ang mga nakikita namin sa ospital, iyong lungs are not as severely affected and actually the reason there in the hospital is because may iba silang kapansanan. Ito iyong mga bakunado talaga.
Mayroon pa ring mga severe lalo na doon sa mga hindi vaccinated. But in general, as long as we are able to maintain our health care workers component and though we keep our health care workforce healthy and everyone cooperates, iyong four weeks na iyon baka naman we can minimize the deaths and we can minimize the hospitalizations, hopefully.
Dahil mataas ang vaccination rate ng Metro Manila, may laban po tayo dito.
DR. ONG-LIM: If I can add, USec. Rocky?
Siguro, isipin din natin, although nakatuon iyong pansin natin sa Omicron ngayon, hindi naman nawala pa ang Delta. So, isang dagdag na dahilan iyon kung bakit hindi pa rin tayo dapat magpakakampante. Kasi papaano na lang, hindi naman natin alam kung ang kakapit sa ating virus eh Delta or Omicron o iba pa iyon. So the best thing to do is really to continue to be careful and continue practicing minimum public health standards para hindi naman tayo mahawaan.
USEC. IGNACIO: Thank you. For CabSec, Secretary Karlo, tanong po ni Jopel Pelenio ng DWIZ: Ayon daw po sa PSA, bumaba ang unemployment rate ng bansa sa 6.5% noong November kung ikukumpara daw po sa 7.4% na unemployment rate noong buwan ng Oktubre. With this new development, ngayong 2022 na muli na namang sumipa ang COVID cases at muling naghigpit ang mga restrictions, do you think may posibilidad na muling magkaroon ng pagtaas ng unemployment rate sa bansa?
CABSEC. NOGRALES: Well, una sa lahat, it’s really a balance of health and economy. Binabalanse natin iyan and that’s one of the reasons bakit nag-shift tayo to Alert Level Systems.
And the shift to Alert Level Systems identifies kung ano iyong mga industries na may close contact, medyo closed at masisikip. So, clearly identified iyong 3Cs ‘no – closed at close contact na 3Cs na mga industries at iyon ang binibigyan natin ng restrictions in terms of 10%, 30%, 50% na capacities.
Doing that, somehow allows other industries na hindi naman ganoon ang kalagayan to continue to operate more industries to operate but iyong mga industries na kabilang sa 3Cs, doon lang tayo nagkakaroon ng restrictions.
Plus, marami na rin pong mga bakunado. Tingnan mo iyong restrictions ‘no, kapag kasama sa 3Cs, kapag vaccinated naman, puwede naman pong papasukin depende nga sa capacities, which is why kailangan i-ramp-up natin iyong vaccination natin – number one – and then number two, iyong Alert Level Systems na susundin natin follows the 3Cs nga. Iyon lang iyung lalagyan natin ng kaunting restrictions, iyong hindi naman kasama doon, hindi naman masyadong madidistorbo.
So, by doing that, hopefully hindi ganoon kalaki ang magiging effect sa unemployment natin. But again, it’s really balancing health and the economy here which is why, para sa amin sa IATF, kapag kinakailangan i-escalate, kailangan we really have to escalate. Again, to protect everybody and bring down the transmissions so that we can lower the alert levels kapag nakikita natin na may downward trend muli.
USec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Opo. Susunod pong tanong, CabSec, mula po kay MJ Blancaflor ng Tribune: When Health Secretary Duque said we need to prepare for the worst-case scenario, ano daw po ang scenario na nakikita ng pamahalaan? Does he refer to an infection surge worst than Delta last September or a healthcare system that is overwhelmed? Ano po ang numero ang tinitingnan para masabing the worst-case scenario is here?
CABSEC. NOGRALES: Opo. Sa IATF po natin at sa mga TWGs at sub-TWGs din po natin, may mga tinitingnan po tayong mga scenarios, “Scenario A; Scenario B; Scenario C;” and these scenarios are based on projections, kasi mayroon din po tayong FASSSTER group that does the projections depending on the different factors/set of factors.
So, dahil sa mga projections na iyan, makikita namin ano iyong Scenario A; Scenario B, Scenario C, Scenario D. So, iyong worst case scenario ay kabilang po diyan and that allows us to responsively determine kung ano iyong mga hospital beds na kinakailangan natin; ilan ang mga [mechanical] beds na kinakailangan natin na worst case5 scenario; how many ICU beds additional ang kinakailangan natin; how many health care workers ang kinakailangan natin. So, para hindi tayo maba-blindside.
Maybe USec. Rosette would like to add to that.
USEC. IGNACIO: Opo. Susunod pong tanong for—
CABSEC. NOGRALES: Si USec. Rosette, USec. Rocky, bigyan natin ng pagkakataon.
USEC. IGNACIO: Okay. Go ahead.
DOH USEC. VERGEIRE: Sige po. Yes, Sir, actually what Secretary Duque meant siguro is in anticipation of this worst-case scenario because government has been preparing ‘no even two weeks prior to the initial increase of the number of cases due to this mobility and Omicron, naghahanda po tayo. But of course, lagi nating titingnan iyong worst case para handa po tayo lahat katulad ng sinabi ni CabSec.
Doon po sa initial projections na pinapakita sa ngayon, although hindi pa ho ito kumpleto ‘no, these are initial estimates. Naipakita po doon sa projections na iyon na maaaring five to six times more transmissible ito pong Omicron variant na ito ito kung saan nakikita po natin ang case doubling time natin ngayon is 2.2 days. Ibig sabihin every two days, nakikita po natin nagdudoble ang mga numero ng kaso.
Pero ang kagandahan naman po sa nakikita natin ngayon, katulad ng sinabi rin po ni Dr. Edsel, during the Delta increase in the number of cases, we had about 2.8% hospitalizations. Ngayon po sa Omicron, nakikita natin ang trend nasa less than one, .6 to .8% lang po. So mababa po iyan kumpara doon, because we know that Omicron maybe milder. Kaya lang ang lagi nga nating sinasabi kapag sumobrang taas sa mga kaso it may also overwhelm our system, kaya dapat lagi tayong handa. That is why the Secretary of Health is saying we should prepare for the worst-case scenario.
USEC. IGNACIO: Ang susunod pong tanong ni MJ Blancaflor for USEC. VERGEIRE: Apart from tapping post graduate medical interns in the Armed Forces, ano po ang magagawa to augment our health work force?
USEC. VERGEIRE: Yes, thank you. Ito po iyong pinapaliwanag kanina po ni CabSec Nograles and kasama po sa presentation ko, pinag-usapan po sa Inter-Agency Task Force kahapon ito pong isyu na ito about healthcare workers. So, first to augment na nakapag-utos na po, nakapaghingi na ng tulong ang ating mga secretaries from PNP and uniformed personnel para makapag-augment ng resources natin for health care. Iyon pong mga personnel nila na medical, ide-deploy po sa mga nangangailangang mga ospital.
Pangalawa po, that is the very reason why we have updated our policies on isolation and quarantine for our health care workers so that we can be able manage rationally ito pong mga healthcare workers na nagkakasakit, pero fully vaccinated naman o di kaya ay nae-expose at fully vaccinated, because in other countries, even in CDC, they even have protocols na kapag fully vaccinated ka, you can shorten your quarantine and your isolation and that is what we have adopted para hindi naman po masyadong mabawasan ang ating mga health care workers sa ating mga ospital.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, USec. Vergeire. Ang susunod pong tanong CabSec, on the invitation of President Duterte to rebel nurses, kanino po puwede lumapit ang grupong ito to assist our pandemic response?
CABSEC NOGRALES: Actually, government has always been welcoming rebel surrenderees ‘no, so mayroon po tayong mekanismo diyan. In fact, down to the regional level, in fact, mayroon na rin tayong Regional Task Force diyan. At in fact, iyong mga rebel surrenderees natin, binibigyan pa nga natin ng –kabilang sila doon sa E-CLIP at sa ating incentives na binibigay for rebel surrenderees and rebel returnees, those nagbabalik-loob kaya mayroon po tayong tinatawag na Task Force Balik-Loob. So makipag-ugnayan lang po sa Task Force Balik-Loob.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong tanong po ni Kristel Guangco ng SMNI for USec. Vergeire ay nasagot po niya sa kanyang presentation about doon sa health care utilization at saka kung mayroong local transmission na nag Omicron and how many LGUs in Metro Manila and nationwide daw po ang nakaabot na sa kanilang vaccination target, USec. Vergeire?
USEC. VERGEIRE: Ah, yes po, USec. Rocky. In the National Capital Region, they have this data of 116% for the first doses and 107% for fully vaccinated individuals. All cities and municipalities, almost all of them have achieved already the targets for vaccination, kaya nga po ginagawa na po ng ating mga cities and municipality dito sa NCR iyong iba pa hong regions ay tinutulungan na po nila para mabakunahan, like the nearby provinces katulad sa Region III at sa Region IV-A tumutulong na po ang ating NCR cities.
Dito naman po, across the country, mayroon na po tayong nakaabot ng achieve—or the targets for vaccination, iyong CAR po saka National Capital Region have been able to achieve the targets for vaccination already. While for the others, there are some na kaunti na lang, they can achieve already; and for some, kailangan pa ho ng kaunting tulong galing po sa national government.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, USec. Vergeire. CabSec, tanong mula kay Kristel Guangco ng SMNI News. Iyong first question po niya, nasabi na po ninyo sa inyong presentation about total delivered vaccine.
Ang second question po niya: A published study said that the lack of pandemic preparedness had left the Philippines poorly defended against the new virus and its devastating effects. Investing diligently and consistently in pandemic preparedness, surveillance and testing capacity in particular is a lesson that the Philippines and other low-middle income should learn from COVID-19. Any comment from the Palace, CabSec?
CABSEC NOGRALES: Well, kung titingnan natin sa buong mundo, we are all somewhat in the same boat – developing countries, developed countries, lahat tinamaan ng COVID. And when I say we are all in the same boat, lahat tinamaan ng COVID. Even the more developed ones, even the more advanced countries are grappling with this virus ‘no.
But that being said, sa ating bansa, kaya nga po talagang ang nakikita talaga nating way out here, in this pandemic, is vaccination. And we have secured enough vaccinations doses, enough vaccine doses para sa lahat ng ating mga kababayan. Nandiyan po iyan, that is for our protection. We have secured it, nandito na po sa ating bansa, for deployment, for administration sa lahat ng mga unvaccinated, partially vaccinated at kung gusto ng booster. Nandito na po ang vaccines, that’s the way out of this pandemic.
Kaya tuluy-tuloy po iyong panawagan namin sa lahat ng hindi pa bakunado magpabakuna na; sa mga partially vaccinated, complete your second dose; sa mga naka-two dose na at kailangang mag-booster, mag-booster na po tayo – that is the way out of this pandemic. Iyan po ay para sa kaligtasan nating lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. CabSec, tanong mula kay Kristel Guangco pa rin ng SMNI News: Ilan na po iyong total delivered COVID-19 vaccines sa bansa, since March 2021 up to the present? How many po each brand?
CABSEC NOGRALES: We have a slide for that and if I can ask the tech team to flash the slides. So iyan po, if makikita po ng ating mga kababayan ang ating vaccines, totally delivered 210,633,110 at mayroon po tayo diyan—ito mga as of December 26, so mas marami po siguro iyong sa iba diyan. So we have AstraZeneca, Pfizer, Moderna, so lahat po iyan mga latest deliveries po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Susunod pong tanong, CabSec, mula kay Red Mendoza ng Manila Times sa inyo pong dalawa ni USec. Vergeire po: Marami ang nagsasabi na mukhang na-blind side na naman ang gobyerno dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 nitong nakaraang mga araw. Ano ang inyong masasabi sa mga komento na mukhang hindi napigilan ang pagpasok ng Omicron variant dahil sa hindi raw mahigpit na border control sa ating bansa?
CABSEC NOGRALES: Well, una sa lahat before I give it to USec. Vergeire, we have been very transparent from the get-go. Sa umpisa pa lamang sinabi natin, sinabi ni Sec. Duque, sinabi ng IATF po ninyo, it is a matter of time na papasok iyong Omicron dito sa ating bansa because hindi naman tayo sarado sa ibang bansa. We are not closed to other countries. In fact, kung sinumang Pilipino ang gustong umuwi sa atin, pinapayagan nating umuwi. That being said, in-implement agad natin ang four-door policy natin, apat na pinto para mapigilan, ma-delay ang pagpasok ng Omicron which we were able to do.
Iyong apat na doors, ulitin ko lang po: One is iyong restrictions natin from other countries ‘no; pangalawa po, pagdating po dito ay iyong quarantine protocols natin para sa international travellers; pangatlo po, iyong ating PDITR strategies natin; and then iyong last, iyong lockdowns kabilang ang localized at granular lockdown.
We were successful in delaying the entry ng Omicron. Although again, from the get-go, sa umpisa pa lamang sinabi namin we can only delay this, enough to give us time to ramp up our vaccination para maprotektahan natin ang population, number one; and number two, to prepare our healthcare capacities and facilities.
So ngayon nandito na po ang laban, Omicron has come. While we were able to delay it, Omicron has come. Marami na po tayong nabakunahan pero we need now to vaccinate those in the regions. Sa NCR mataas na po, 100% na po but iyong nasa regions po, iyon na po ang kailangan nating habulin. Again, we need to ramp that up for the protection of our kababayans in the regions.
Usec. Rosette…
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, sir, ‘no. So to respond, first wala naman pong bansa na nakapigil ng pagpasok nitong Omicron. This variant of concern or variant under investigation, katulad po ng sinasabi po ni CabSec, it is not a matter of ‘it doesn’t enter our country but it’s a matter of when’. And tama po na talagang na-delay naman po kahit papaano because we were able to implement the controls in our borders.
Ang atin lang pong dapat na focus ngayon would be for us to properly respond well. Lahat po ng bansa na apektado ng Omicron are having this kind of increase in the number of cases. What would be most important right now would be most of the cases are mild, marami na po sa atin ang bakunado at hindi po natin kailangang mangamba na mayroon pong maraming magkakaroon ng severe infections like that of Delta. Handa po ang ating health systems para sa ngayon para mag-admit ng ating severe infections o iyon pong mga maglulubha at magiging kritikal.
Kailangan lang ho magtulung-tulong tayong lahat para po ma-stop natin ang transmission ano. Ang isa pang naging driver kasi iyong holidays po natin ano. Nataon tayo na noong dumating po iyong Omicron sa ating bansa, tayo po ay nagkakaroon nitong holiday rush ‘no. So it became a driver for this more transmission in the community, lalong tumaas ang kaso. So kailangan lang pong magtulung-tulong to cut the transmission in the community so that we can stop further increases in the number of our cases.
I think, Usec. Rocky, maybe Dr. Edsel and Dr. Anna would like to add to this question.
DR. SALVAÑA: Yes po. Katulad nga noong sinabi ni CabSec Karlo and ni Usec. Vergeire, lahat ng bansa po naghihirap po talaga ngayon with the onslaught of Omicron. Iyong sa US lampas 500,000 cases a day. Ito po talaga iyong pinaghahandaan natin kaya po iyong paghahanda diyan, ang major paghahanda talaga sa COVID is vaccination. Kaya iyon po talaga iyong naging thrust and at this point na laganap nga iyong pagkakahawahan, we really need to trust that the vaccines will protect us dahil kung bakunado po tayo and in a way at least itong Omicron is milder than Delta, kapag bakunado ka, lalong mas nagiging mild siya in that sense.
So hindi naman po tayo nagkakaroon ng problema sa mga seasonal influenza, sa mga ubo, sipon kapag lumalabas iyan kasi kung may sakit po tayo, nagpapagaling lang po tayo sa bahay at bumabalik na po tayo sa trabaho. Dati bago noon bakuna, iyong COVID nakamamatay talaga. Pero kung bakunado po kayo ngayon, magmimistulang parang flu na lang iyan at kailangan lang po natin talaga alalayan iyong mga mas mahina, mga vulnerable population. So ibang-iba po ang pinapakita ng 2022 versus noong 2020 or 2021 na wala pa tayong masyadong bakuna. Ibang-iba po talaga itong next wave na ito and we are very hopeful that the vaccines would protect us.
USEC. IGNACIO: Dr. Ong…
DR. ONG-LIM: Siguro just to add ‘no. When we say blindsided, sinasabi ba natin na nagulat pa ba tayo dito? I think unfortunately hindi eh, kasi ang dami na natin nakitang ibang mga bansa na ito rin ang naging problema. And I think hindi naman tayo nagkulang sa pagpapaalala sa lahat, sa isa’t isa na dapat mag-ingat tayo sa pagkakahawa kaya ganoon na lang din ang reminders regarding get-togethers during the holidays ‘no. but I have to say, I’m sure sabik na sabik tayong makita ang ating mga kaibigan at kamag-anak and maraming pagkakataon na nagkaroon siguro nang kaunting pagri-relax doon sa ating MPHS.
In any case, nandidiyan na iyan at nandidito na tayo sa sitwasyon ngayon. So I think a reminder that we have to keep on emphasizing now is ano na ba puwede nating gawin? Kung may nararamdaman, huwag nang magdalawang-isip – mag-isolate na kaagad – I think that should be the message now. Kasi sa bilis nang pagkalat nitong virus na ito, dalawang araw lang halos magkakasunud-sunod na iyong mga magkakahawaan sa isang birthplace or sa isang tahanan, walang panahon para pag-isipan pa kung iyong nararamdaman natin ay COVID ba o hindi.
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you. Question, pareho lang po ng tanong si Red Mendoza at si Llanesca Panti ng GMA News: Are you getting reports daw po that COVID-19 testing sites are being overwhelmed amid the increasing number of COVID-19 cases? How is the government addressing this?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, ‘no. We’ve been getting reports that there are queues ‘no, long queues in our laboratories now. And our laboratories actually have instituted a maximum number ‘no, iyong capacity nila, may limit na sila per day. Ang ginagawa po natin ngayon, pinapakalap po natin na maaari pong gamitin ang antigen test lalo na po kung kayo po ay symptomatic for the first five days of your illness at saka po doon po sa mga close contacts o iyong directly exposed to the disease, maaari po tayong gumamit ng alternative methods of testing.
Ngayon po dahil nga po sa kadamihan ng mga nagkakasakit, ang amin pong abiso ngayon, what would be most important kung hindi man po tayo maka-access noong mga testing centers natin sa ngayon, tayo po agad-agad ay mag-isolate kung tayo po ay nakakaranas na ng sintomas. At kung kayo naman po ay exposed, please quarantine yourselves so that we can cut the transmission in the community.
USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire. Tanong po mula kay Maricel Halili ng TV-5: Base po sa datos ng DOH, gaano karami ang mild cases ngayon na may Omicron variant na kumpara sa peak ng Delta o surge noong September? Paano po ikukumpara pagdating sa severe cases?
DOH USEC. VERGEIRE: Ah, wala po tayong datos pa because we only have 43 Omicron cases today ‘no, base po sa whole genome sequencing results natin. Pero nakikita ho natin base po doon sa balangkas or iyong pagkaka-classify ng ating mga status ng mga pasyente na may sakit sa ngayon na ang mild cases po natin ay mataas. Ang atin pong severe and critical ay bumababa, dati po nandoon po tayo sa 3,000 plus na severe and critical maybe about 3 weeks ago. Ngayon po, we have 1,700 critical and severe cases pero hindi natin sinasabi na hindi magbabago ang itsura nito o classifications natin ano. Maaaring in the coming days ay mabago pa ho ito kaya minu-monitor po natin closely at pinuproteksiyunan natin maigi ang ating mga senior citizens, iyon pong may mga comorbidities at lalung-lalo na iyong mga hindi pa po bakunado dahil sila po ang vulnerable na magkasakit – kahit severe, even if this is just Omicron.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong mula kay Pia Gutierrez ng ABS-CBN for USEC. VERGEIRE: Nag-react po ang Alliance of Health Workers sa sinabi ni Secretary Duque na mahirap gawin ang mass testing dahil daang bilyong piso kakailanganin para magsagawa ng mass testing. Ayon sa grupo, “Such a statement reflects the government’s apathy and criminal neglect to the well-being of the Filipino people.” It’s been 2 years of pandemic but the DOH and this government keep on using the lack of resources as an excuse for dereliction of their duties and responsibilities. They added that, “The DOH keeps on bragging that our public healthcare system is already prepared to handle the new surge of Omicron variant but in reality, the DOH and Duterte administration is not prepared at all for any health emergency as this government does not prioritize the health and safety of health workers and the people.”
DOH USEC. VERGEIRE: Yes. Actually, kahit kailan, simula’t sapul, we never advocated for mass testing. Kahit gaano na kadami ang kaso natin sa bansa, ang mass testing po ay hindi inirirekomenda ng ating mga eksperto, and even science would say mass testing is not rational. It’s not a rational strategy in any country at all.
Kapag gumawa ka ng mass testing, i-test namin kayo lahat ngayon, bukas po kapag lumabas kayo, may exposure po kayo ulit, magti-test po ba tayo uli? Kaya po ang atin pong in-adopt na strategy ay risk-based approach – kung sino po iyong may mga exposures, kung sino po iyong may mga sintomas, sila po ang tinitest natin.
Ngayon, understandably, sa dami po talaga na nagkakaroon ng sakit ngayon, we need to prioritize; it’s because of resources. Yes, recognized fact po iyan sa Pilipinas ‘no na iyong resources po talaga ay medyo limitado, kaya pina-prioritize. But we prioritize healthcare workers, senior citizens and those with comorbidities kung saka-sakaling dadating tayo na kailangan na mag-prioritize for testing.
So again, mass testing is not a strategy that the government will adopt because it is not rational base sa siyensiya at base po sa ating mga eksperto. So, Usec. Rocky, maybe Dr. Edsel and Dr. Anna again can supplement my response.
DR. EDSEL SALVAÑA: Yeah, I think iyong nagkakaroon ng confusion po dito is iyong definition ng mass testing or what is adequate testing. Kung titingnan po natin noong December, we hit the WHO benchmarks – hindi lang below five percent, below one percent pa nga. And it’s really a natural consequence of how high community transmission is ongoing on that time. Kung gusto nating i-hit iyong benchmarks na iyon, the best way to reach that is really to control community transmission na we use our PDITR at iyong ating pagbabakuna, those are very, very important.
Bukod pa doon, the fact na ang dami-dami nang nabakuna, hindi na ganoon kahalaga iyong impact ng testing when people, even if they get sick, will only have mild disease. Hindi naman natin tini-test lahat ng nagkakatrangkaso eh; hindi naman natin tini-test lahat ng nagkakasipon.
Ang importante is, ma-test natin iyong delikado na puwedeng magkasakit nang malubha at i-treat natin with the tools that we have. Ang dami na nating gamut ngayon na para sa COVID, at iyon dapat ang hahanapin natin na puwede nating bigyan ng gamot.
As more and more people get vaccinated and COVID turns into the flu or the common cold, the most important strategy will be to prevent death in the highest risk. And also, to ensure that high levels of vaccination are in place so that COVID does not kill anyone like it did before everybody was vaccinated.
And so again, targeted testing, risk-based testing, ito po ang pinakaimportante aside from the fact na we maintain a high level of vaccination po.
DR. ANNA ONG-LIM: Opo. Usec. Rocky, siguro from my end, I think very important nga na maintindihan ng ating mga kababayan iyong value na idinadagdag ng testing doon sa ating pagku-control ng sakit.
Siguro from the current perspective na nabanggit ko nga kanina na ang bilis-bilis ng pagkalat nitong sakit na ito, kung gagamitin natin iyong testing as a means to control the spread ay feel like medyo mahuhuli nga tayo. Kaya kung napapansin ninyo kanina iyong paalala natin, hindi magpa-test muna eh; ang sinasabi natin, mag-isolate ka muna tapos kung may paraan saka ka magpa-test. So medyo iba ang paglaban natin sa particular VOC na ito.
So understandably ‘no, upset ang healthcare workers kasi they feel like, perhaps they feel like ipinapain sila na wala mang kalaban-laban. Pero the point here is that, karamihan naman sa atin kapag nasa workplace at tayo ay gumagamit ng ating PPE nang maayos, the exposures are very controlled. In fact, karamihan nga sa atin, unfortunately nahahawaan in the community and at home ‘no.
So the testing strategy that can be deployed ‘no in the workplace will be again a targeted approach na [garbled] iyong mga tao na maaaring nagkaroon ng high risk occupational exposures – hindi pa rin mass testing. So siguro [unclear] iyong mga istratehiyang gagamitin natin para kalabanin itong [garbled].
USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Dr. Ong. Thank you, Dr. Edsel, Usec. Vergeire and CabSec Nograles. Salamat po. Salamat, MPC.
CABSEC NOGRALES: Maraming, maraming salamat sa iyo, USec. Rocky. And muli, thank you to Usec. Rosario Vergeire, Dr. Edsel Salvaña and Dr. Anna Lisa Ong-Lim.
Mga kababayan, mataas na ang mga kaso. Malinaw po na lahat tayo kailangan kumilos nang may buong pag-iingat. Sabi nga ng ating Department of Health, let us not be agents of transmissions – mask, hugas, iwas, plus ventilation, plus bakuna. Huwag po tayong lumabas kung hindi kinakailangan. Let us limit going out to reporting for work and for getting essential, essential goods. Sa mga empleyadong may sintomas, manatili po tayo sa bahay. Stay at home, isolate, i-maximize natin ang telemedicine services ng ating healthcare providers. Magtulungan po tayo, at sama-sama we can help stop the transmission and beat COVID.
Now, more than ever, kailangan natin ang isa’t-isa; kailangan natin magtulungan. Maraming salamat po.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center