USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw ng Huwebes, siksik na naman po sa mainit na balita’t impormasyon ang ihahatid namin sa inyo sa loob ng isang oras. Makakasama natin sa makabuluhang talakayan ang ating mga panauhin na laging handang sumagot sa tanong nga taumbayan. Kaya manatiling nakatutok mapa-telebisyon man o sa ating live streams.
Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Dalawampu’t walong lungsod at probinsya ang idinagdag ng IATF sa listahan ng mga lugar na mapapabilang na sa ilalim ng Alert Level 3 simula bukas, January 14. Kabilang dito ang Benguet, Kalinga, Abra, La Union, Ilocos Norte, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Isabela, Quirino, Nueva Ecija, Tarlac, Quezon Province, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Camarines Sur at Albay sa Luzon.
Sa Visayas naman po, kasama dito ang Bacolod City, Aklan, Capiz, Antique, Cebu City, Mandaue City at Tacloban City; habang sa Mindanao mapapabilang dito ang Cagayan de Oro City, Davao City, Butuan City, Agusan del Sur at Cotabato City.
Para sa iba pang lugar na hindi nabanggit tulad ng Metro Manila, magpupulong pa ang IATF ngayong araw para sa alert level system na ipatutupad simula sa January 16.
Dalawang manufacturers ng self-administered COVID-19 test kits ang nag-apply na para sa Special Certification ng Food and Drug Administration kasunod nang mataas na demand dito dahil sa punuang testing center sa bansa. Makibalita tayo tungkol diyan mula po kay FDA Officer-In-Charge Director Oscar Gutierrez, Jr. Magandang umaga po, Director. Welcome po sa Laging Handa.
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ, JR.: Magandang umaga, Usec. Rocky. Dalawa na po ang nag-apply po ng ating self-administered test kit – ito po ‘yung Clearbridge Medical Philippines, Inc. at MOHS Analytics, Inc. – so dalawa lang po sa ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director, kailan po inasahan iyong mari-release po ‘yung resulta ng kanilang pag-apply, kung kailan po maaaprubahan?
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ, JR.: Na-endorse na po kasi natin ‘yan sa RITM noong Lunes so inaasahan po natin na ‘yung RITM may sarili siyang requirements eh so hindi ko po kayang i-predict kung gaano kabilis sila gagawin. Pero once na natanggap ng FDA iyong tinatawag na Validation Performance Report, within 48 hours po mabibigyan po ng Special Certification iyong applicant.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, isingit ko na lang po ‘yung tanong ng ating kasamahan sa media ano. May tanong po sa inyo si Red Mendoza ng Manila Times: Ano po ang mga batayan na tinitingnan ng FDA para maging approved for use ang mga self-administered rapid antigen test kit? Sila po ba ay iisyuhan ng EUA or ng CPR?
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ, JR.: Ang i-issue po natin ay Special Certification at mayroon tayong standard na sinusunod. Ang kaniyang pong tinatawag na specificity ay ang standard po natin ay 97%, ang kaniya namang sensitivity ay 80%. ‘Pag ang produkto po ay pumasok sa standard na ito batay po sa Performance Validation Report ng RITM, iyon po ang ini-evaluate ng FDA doon sa report na iyon. So ‘pag pumasok po siya doon sa standard na iyon, mabibigyan po ‘yan ng Special Certification.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, ano daw po ang nilalaman nitong self-test kits na iba sa mga test kits na dati na pong inaprubahan ng FDA at paano ito magiging user-friendly ‘ika nga na hindi daw po nasa-sacrifice iyong accuracy?
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ, JR.: Iyong mga naaprubahan ng FDA dati, ito po ‘yung mga test kit na wala pong nakalagay na label na ‘self-test kit’ o ‘self-administered kit’ or ‘home test kit’. Kung bubuksan ninyo po ‘yun, marami pong test ang puwedeng magawa doon sa isang kahon na iyon. For example po ‘yung buffer na iyon ay para po sa lahat ng test na puwedeng magawa noong kit na iyon.
Pangalawa po, mayroon po siyang positive and negative control na hindi po ‘yan—na puwede pong gawin lang ito ng health care worker at nangangailangan po ito ng training lalo na po iyong pag-swab po ng nasal, oropharyngeal saka nasopharyngeal. Iyong self-test kit naman po kung ating titingnan, iyong buffer na iyon ay nakabukod na po iyon – kasama na po iyong pang-swab, kasama na rin po ‘yung pinaka-kit, iyong parang pregnancy test. Hindi na po kailangan—meaning simple lang po iyong paggamit nito kasi iyong instruction po na nakapaloob doon ay laymanized na po at ang intention po natin dito ay kahit sino po, puwede po itong magamit sa bahay.
Importante rin pong malaman natin na maglalabas po ang DOH ng guidelines para po hindi lang po magawa iyong test nang tama kundi masubaybayan po iyong ating mga mamamayan na gagamit nito at para ma-interpret po ang result nang tama at makapaglabas po sila ng guideline ayon po sa timing, iyong mga population na puwedeng gumamit nito at siyempre po kung anong sitwasyon lang po puwede itong gamitin.
Importante rin pong malaman dito na kailangan po may reporting system na magaganap kasi mayroon pong aksiyon na dapat gawin ang isang mamamayan na gumamit nito lalo na kung may lumabas na positive or negative, lalo na para sa mga pasyente na may sintomas. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, ang tanong pa po: Gaano daw po ka-accurate iyong datos na inilalabas ng mga self-test kits base na rin po sa usage nito sa ibang bansa? Kung reliable ba ito para tukuyin kung COVID positive nga po iyong mga taong gagamit? Kasi, papaano daw po kung nagnegatibo ang resultang lumabas? Kailangan pa rin po bang sumailalim dito sa confirmatory RT-PCR test?
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ, JR.: Kailangan po nating malaman na ang gold standard pa rin ay iyong RT-PCR – iyon po ang gold standard. So sa mga taong may sintomas, kapag mayroon pong lumabas na positive, sinisiguro po namin na—I mean talking about the product po ano, iyong home test kit ay na-evaluate po ‘yan ng—iyong performance ayon sa standard po ng FDA – ang gumagawa po niyan ay RITM.
Iyong sinabi kong standard kanina na 80% saka 97%, pagkatapos pong maaprubahan ng FDA na produkto, patuloy po ang pag-i-evaluate ng RITM – post approval ng FDA ng produkto. So magkakaroon po talaga ng pagsusuri pa kung iyong produkto sa merkado ay nagpi-perform po ayon sa inaprubahan ng FDA.
Pero kailangan maintindihan po natin talagang may mga pagkakataon na may tinatawag na false negative/false positive kaya po importante po iyong guidelines ng DOH ay masunod natin. Kasi kapag false negative po, false sense of security po ang mangyayari – akala mo ikaw ay walang—hindi ka puwedeng makahawa. ‘Pag naman false positive naman, unnecessary panic naman po on the part of the patient. Kaya po importante po na sundin po natin ang ilalabas na guidelines ng DOH. Salamat po!
USEC. IGNACIO: Opo. Director, ano daw po iyong mga posibleng mangyari sakaling hindi maging tama itong paggamit ng self-test kits o kung hindi sila rehistrado at peke po ‘yung self-test kits na gagamitin ng isang tao?
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ, JR.: Oo. Hindi po lahat ng produkto sa merkado na hindi po dumaan sa FDA ay masisiguro po natin na accurate and reliable. Kaya po kailangan po natin ipadaan sa FDA evaluation, sa RITM validation system tapos kung mayroon pong mga produktong sa merkado na hindi naman dumaan sa FDA, hindi po natin masisiguro ‘yan, ang performance niyan – baka maraming false negative ‘yan, maraming false positive.
Kasi po kagaya nang sinabi ko, kung mayroong false negative at positive naman talaga iyong tao, ang mangyayari po ay mayroong false sense of security; lalabas po siya, akala niya negative siya. Kapag false positive naman po, magkakaroon po ng unnecessary panic at malamang-lamang pa ay pupunta po sila sa ospital o sa isang health care worker na hindi naman po kailangan.
So importante po talaga na gumamit po tayo ng home test kits, self-administered kit na dumaan po sa pagsusuri po ng FDA at napag-aralan po ng RITM. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Direktor, kapag daw po ba naaprubahan ang mga ito at naging widely available na sa merkado, sa palagay ninyo po ba ay talagang makakatulong ito para po maibsan itong high demand for swab testing sa ngayon sa bansa?
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ, JR.: Opo naman. Lalo na po kung magkakaroon po tayo ng guidelines sa DOH. Kasi importante pong malaman na iyong DOH, malalaman po nila, ayon sa datos, kung ano pong community or population ang mangangailangan nito. At kapag ito po ay na-identify natin na tama po ang paggamit ng home test kit, makakatulong po ito kasi iyong mga indibidwal na may sintomas, malalaman niya kung iyong sintomas niya ay COVID ba talaga or ordinary flu. At hindi na po sila pupunta sa mga testing center kung hindi naman kailangan, ayon sa guideline, hindi na rin sila pupunta sa mga ospital at ma-overwhelm po iyong mga health care worker natin.
So ang importante po dito, iyong produkto po ay aprubado po ng FDA; pangalawa po, gamitin po natin ayon po sa instruction po na nakapaloob sa produkto at sundin po natin ang magiging guidelines ng DOH. Kasama po kasi doon sa guideline na iyon ang reporting system. At mayroon pong konsultasyon po na maaaring maganap na kapag gumamit po tayo sa mga identified communities na kailangan pong mag-home test kit ang mga pasyente, kasama po nila ang DOH, magkakaroon po ng consultations; maaari pong maging teleconsultation. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Tungkol pa rin po diyan, may pahabol pong tanong si Sam Medenilla ng Business Mirror: Magiging over-the-counter o kailangan po may medical prescription bago makabili ng self-administered test kits?
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ, JR.: Ang pagkakaintindi ko po, ang special certification po ay puwede po siyang maging available po doon sa mga outlets po ng mga produkto na medical devices po. Doon po ito maa-access.
USEC. IGNACIO: Opo. Ibig sabihin, pati iyong publiko ay makaka-access po, makakabili over-the-counter po?
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ, JR.: Opo. Magkakaroon po nitong tinatawag na prescription po ang doktor. Kasi po hindi ko po kayo masagot nang diretso kasi may guidelines po ang DOH na ilalabas, Usec. Rocky. Hintayin po natin ang guidelines. Hindi po kasi FDA, hindi po kasama sa amin iyon. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Opo. Direktor, tungkol naman daw po dito sa anti-COVID pill na Bexovid, ang generic version ng Paxlovid ng Pfizer na nabigyan na nga po ng Compassionate Special Permit ng FDA. Sino lang po ang mga advisable na mag-take ng gamot na ito? At paano po ang magiging administration nito?
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ, JR.: Unang-una po, itong Bexovid po ay prescription drug po ito, so kailangan po ito ng prescription ng isang doktor. Kaya po ito pong gamot na ito ay maa-access po natin ito sa Department of Health. So, makipag-ugnayan po sila sa DOH at sa mga doktor para mai-prescribe ito.
Pero itong gamot na ito ay intended po ito sa mga mild and moderate COVID infection. At mga 12 years old pataas lang po ang indication nito at may prescribed period po ito na dapat mainom po ng pasyente. Kaya importante po dito na makipag-ugnayan po sila sa DOH at saka sa mga physician. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Direktor, balik lang po tayo sa antigen test, may habol na tanong lang po si Mariz Umali ng GMA News: May mga self-test antigen kits na nakaka-detect po ng other viruses, similar daw po to COVID but not necessarily COVID. Hindi po ba magbibigay ito ng false positive?
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ, JR.: Kaya nga po may tinatawag na specificity po tayo na 97%. Ang home test kit po na aaprubahan ng FDA ay madi-detect lang niya po ay iyong COVID-19 virus, wala na pong iba. Ganoon po iyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na rin po iyong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano raw po ang naging basehan para raw po aprubahan ang generic version ng Paxlovid ng Pfizer na Bexovid? May plano po ba ang Pfizer na mag-apply daw po ng CSP or EUA para sa kanila mismong dinevelop na version na Paxlovid?
Isabay ko na rin po, Direktor, iyong tanong ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Ano raw po iyong status ng ating negosasyon with Pfizer para po dito sa nasabing Paxlovid?
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ, JR.: Okay. Mayroon pong intensiyon ang Pfizer na magrehistro po ng produkto nila under an EUA application. Kahapon po ay nakatanggap kami ng e-mail, mayroon po silang update data. Hindi pa po nakapag-file ang Pfizer ng kanilang application pero nagkakaroon na po kami ng preliminary discussion on how they can comply with the requirements of the FDA for EUA. Kasi kung matatandaan po, itong Paxlovid, December 22, 2021 lang po ito na-approve, talagang expected naman po mayroong mga requirements ang FDA under an EUA na hindi pa po maaaring mai-submit.
Ngayon, iyong ating approval po sa Bexovid ay mayroon pong nag-apply, ang DOH, ng application under a CSP. Mayroon po isang bansa, isang manufacturer na nag-produce po ng generic equivalent. It so happened po na itong manufacturer na ito ay may foreign GMP clearance sa atin at in-evaluate po iyong produkto ng ating Center for Drug Regulation and Research, at mukhang under a CSP, ito po ay compliant naman po sa requirements ng FDA kaya po natin na-approve iyan.
At puwede rin po nating sabihin na itong mga produkto na ito, isu-supply po ito ng importer/distributor sa DOH lang po at maaari po sa IATF, at sila po ang bahala sa pagkalap po ng mga adverse reaction kung mayroon man o iyong tinatawag nating post-monitoring or post-market surveillance at isa-submit po ito sa DOH. So habang ang produkto po ay nasa market, ito po ay mag-a-undergo po ng continuous evaluation for safety efficacy and quality.
Pero meantime po, lifesaving drug po itong Bexovid kaya po welcome po ito as one of the arsenals of the Philippines against our fight sa COVID-19 infection po.
USEC. IGNACIO: Opo. Direktor, ngayon po na bukod Omicron ay mayroon na naman tayong minu-monitor na IHU variant, Deltacron at ito pang Flurona. Masisiguro po ba ng FDA na epektibo raw po iyong mga bakunang mayroon tayo ngayon para raw po labanan ang mga ito anumang brand at saan bansa man po ginawa, Direktor?
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ, JR.: Kung anuman iyong naaprubahan na bakuna ng FDA, patuloy naman po ang mga innovators nito na pag-aralan kung epektibo po sila sa mga bagong variant. Pero puwede po natin ibalita na marami pong innovator company na tumitingin po at nagdidiskubre po ng newer generation of COVID-19 vaccine.
Puwede po nating sabihin dito na pinakamainam pa rin po na obserbahin po natin iyong minimum safety protocol. Patuloy po tayo sa paggamit ng safety mask, social distancing, washing of hands, at iwasan po natin iyong matataong lugar. Salamat po!
USEC. IGNACIO: Opo. Director, tanong naman po mula kay Kat Domingo ng ABS-CBN News, although iyong iba po mayroon na kayong nasagot pero basahin ko na rin po, baka may maidagdag pa kayo: What is the FDA doing about reports of fake kits? How can labs, clinics, and the general public check the legitimacy of the kits they are using?
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ JR.: Mayroon po tayong opisina na tinatawag na Field Regulatory Operations Office (FROO), iyan po ang dati kong – hindi dati – iyan po iyong opisina ko bago ako naging OIC.
Ngayon po, mayroon po kaming saturation drive po para malaman po kung mayroon pong mga hoarding ng mga important COVID na gamot tapos isinama na po nila itong mga unauthorized antigen kits po. I mean, mga — kung mayroon pong nagbebenta ng mga unauthorized diagnostic kit for COVID-19 infection.
So, mayroon naman po, hindi lang po talaga puwede itong—kung kailangan po mag-submit kami ng report at ako naman eh mayroon po kaming report na nakahanda, puwede po iyan ibigay po sa kung mayroon pong magri-request — kung ano po iyong nagawa namin noong 2021 at kung ano po iyong ginagawa po ng FDA sa ngayon para maiwasan o ma-control po natin kung magkaroon man po ng proliferation ng counterfeit medicines.
Salamat po!
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Jason Rubrico ng SMNI News: May side effects po ba o masama sa katawan ang labis-labis na pag-inom ng Vitamin C? Ano daw po ang recommended intake nito?
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ JR.: Siguro po, hindi ako iyong tamang tao para tanungin nito kasi itong vitamins po kasi ay kuwan po ito, depende po ito sa pangangailangan ng tao. So, mabuti po na matanong ninyo ang doktor ninyo kung ano po ang tamang gamit ng Vitamin C para sa inyong kondisyon.
Salamat po!
USEC. IGNACIO: Opo. Director, tanong po ulit ni Red Mendoza ng Manila Times: Kumusta po ang monitoring sa mga gamot sa merkado at gaano rin po ka-istrikto ang surveillance ng FDA sa mga naglipanang mga pekeng gamot na nagsasamantala daw po sa shortage ng paracetamol lalo na ang mga nagbebenta online?
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ JR.: Pagdating po kasi sa—Alam ninyo naman po ang counterfeiting ay isang tagong activity, it’s a covert activity, it’s a clandestine activity, so, nagri-rely po talaga heavily ang FDA sa report.
Ang masisiguro ko po, kapag nag-report po kayo sa FDA within 48 hours po, within 24 hours, inaaksiyunan po iyan ng Field Regulatory Operations Office. So, nananawagan nga po ako sa taumbayan na kung mayroon po kayong alam na dapat ipaalam sa FDA ay inimbestigahan po namin iyan.
At gusto ko pong malaman ninyo ang Field Regulatory Operations Office, mayroon po kaming tinatawag na inspectorate, mayroon din kaming tinatawag na regulatory enforcement unit.
So, dalawa po ang sangay na under sa FROO, at present po kami sa buong Pilipinas. Mayroon po kaming limang cluster at under each cluster may tatlo or apat or dalawa na regulatory field office na under a supervisor po iyan. Iyong aming cluster naman ay under ng Director II po.
Salamat po!
USEC. IGNACIO: Director, tanong naman po ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN: May we get an update daw po on the EUA para po sa COVID booster shot para sa 12-17 years old? Are there other COVID vaccines being reviewed for emergency use on minors?
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ JR.: Ang masasabi ko lang po ay sinulatan po namin ang Sinovac at saka Sinopharm para makapag-submit na po sila ng mga requirements po for approval for pediatric vaccination po. So, iyong mga detalye po hindi ko po kabisado pero pipilitin po natin na madagdagan po ang bakuna for pediatric vaccination.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong lang po si Miguel Aguana ng GMA News: Ano daw po ang update naman sa vaccination ng four years old and below? Baka iyong sa vaccine po ito, Director?
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ JR.: Baka kuwan iyan ho, iyong datos po na iyan ay baka wala po kaming datos kung ilan na po ang nabakunahan pero mayroon pong bakuna na para po sa mga ganiyang tinatawag na age range po, mga bata po.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, maraming salamat po sa inyong panahon at pagsama sa amin, FDA officer-in-charge Director Oscar Gutierrez Jr. Salamat po, Director.
OIC-FDA DIR. GUTIERREZ JR.: Salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa Pilipinas. As of January 12, 2022:
- Nakapagtala po ang DOH ng 32,246 na mga bagong kaso kahapon kaya sumampa na sa 3,058,634 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.
- 144 [TECHNICAL PROBLEM] ang ating total number of deaths.
- Samantala, umakyat na sa 2,797,816 ang dami naman ng mga gumaling sa sakit matapos makapagtala ng 5,063 new recoveries kahapon.
- Dahil sa mataas na bilang ng mga bagong kaso, ang active cases natin ay umabot na po sa 208,164 o katumbas ng 6.8% ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit.
Naglabas po ng updated guidelines ang Department of Health para po sa isolation at quarantine period ng COVID-19 patients at close contacts:
- Mula sampung araw, pitong araw na lang mula nang makaramdam ng sintomas ang isolation period para po sa mga fully vaccinated COVID-19 cases, mild man o asymptomatic.
- Para naman po sa fully vaccinated close contact na asymptomatic, pinaiksi rin ng DOH ang quarantine sa limang araw mula sa dating pitong araw.
- Optional na lang din ang RT-PCR test sa mga asymptomatic na close contact ng confirmed cases at may mild symptoms.
Sa ngayon, inirirekomenda na lang ng DOH ang RT-PCR testing sa health care workers, senior citizens, at may comorbidities.
[AVP]
Samantala, sa pagsipa sa bilang ng COVID cases kada araw, umaaray na po ang ilang mga ospital dahil sa dami ng mga health care workers na nagpupositibo sa COVID-19. Apektado na rin kasi ang kanilang operasyon, para po makibalita sa on the ground situation ng mga ospital at posibleng epekto ng sinasabi pong long COVID sa kalusugan ng mga tinatamaan virus, makakasama po natin si Undersecretary Leopoldo Vega ng Department of Health.
DOH USEC. VEGA: Good morning, USec. Rocky at good morning sa lahat ng nakikinig ngayon sa Laging Handa. Magandang tanghali po sa inyong lahat!
USEC. IGNACIO: Opo. USec., unahin ko na po kumustahin ito pong sitwasyon ng ating bed capacity at ICU utilization ng mga ospital at quarantine facilities partikular po sa Metro Manila at karatig probinsiya. Kumusta na daw po ang estado nito so far; manageable ba ang situation, USec.?
DOH USEC. VEGA: Alam mo, USec. Rocky, kakaiba talaga itong pagtaas ng mga bagong bilang ng kaso itong January compared mo noong September last year kasi nakikita natin iyong September of last year tumaas talaga iyong kaso, iyong bilang ng—mga 26,000. Sumabay din iyong pagtaas ng hospitalization at saka sumabay din iyong pagtaas ng intensive care unit utilization.
Pero itong pagtaas ngayon nitong January na ito, nakita namin na hindi na pareho ang trajectory ng pagtaas ng bilang ng kaso. So, ang bilang ng kaso natin kahapon 32,000 at saka the other daw mga 28 and 33,000, nakikita natin na iyong hospitalization ay nasa low risk category pa rin ang buong bansa. At saka iyong dito naman sa Metro Manila nasa border line ng low risk at saka moderate risk at 60%. Kaya very manageable at this time at saka kakaiba talaga compared with the last wave na nakita natin with the Delta variant.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, nadagdagan din ba daw iyong bilang ng mga nakakaranas nitong breakthrough infection sa ating mga health care workers nitong nakaraang araw. At kumusta na rin po iyong updates sa posibleng deployment naman ng uniformed medical personnel na tutulong daw po dito sa kakapusan ng health care workers dahil nga po sa dami ng nagkaka-breakthrough infections?
DOH USEC. VEGA: Unang-una Usec. Rocky, tama iyon ano, nagkaroon talaga ng reinfections itong mga health care workers natin or iyong mga breakthrough, kasi sila iyong nauuna talaga. Sila iyong first line, nasa hospital na nakapagharap ng mga COVID-19 patients, iyong mga bagong active cases.
So, dito sa Metro Manila, ang aming count – kasi nagri-report naman ang Department of Health, lalung-lalo na itong mga government hospitals – so mayroon kaming nakita kahapon na data na mga 3,114 ang bilang ng mga health care workers na naka-isolate, ito ay mga 11% ng total ng health care workers na nasa government institution na 26,000. So, manageable pa rin, pero iyon nga, nagsta-strategized na rin ang ibang hospitals na magku-close ng ilang services nila like OPD, special services at saka iyong mga elective surgeries nila, pinu-postpone muna, kasi alam nila na kailangan ma-cover nila iyong deployment for the health care workers doon sa COVID allocated areas nila.
And doon naman sa tanong ng uniformed personnel, gumagawa na kami ngayon ng parang memorandum of agreement, together para sa AFP, Bureau of Fire and sa pulis ano, para magkaroon tayo ng deployment ng uniformed personnel across. Kasi iyong unang ginawa namin na memorandum of agreement was between regions, iyong between regions and the uniformed personnel at saka DOH. So ngayon, pangkalahatan na talaga para magkaroon kami ng easier mobilization at makatulong kaagad iyong uniformed personnel kung saan man nangangailangan talaga iyong mga regions for deployment.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may ilan daw pong hindi pabor dito sa shortened quarantine days ng mga health care workers, dahil posible lamang daw itong mag-lead sa burnout, stress o iba pang mas malalang sakit. Panawagan din po ng ilan na mag-alert level 4 na para hindi na lumala pa ang sitwasyon dahil sa Omicron. Ano po masasabi ninyo dito?
DOH USEC. VEGA: Unang-una, talagang naka-base naman ito sa department order ng Department of Health at dumaan din iyan sa expert panel at saka sa technical advisory group ng Department of Health at sinabi po nila, ni-recommend po nila, dahil ang health care workers naman ay 93 or 95% bakunado na iyan, first and second doses, fully vaccinated at saka karamihan na po niyan nagbu-booster shot. So, iyong protection or immunity level nila, mas mataas, kaya napansin po and even sa internationally na kailangan na talaga i-update ang protocols ng COVID-19 based ito sa vaccinations natin at saka, of course, sa behavior ng Omicron, kasi nakita nila iyong Omicron eh ang incubation period nito lesser na, two to three days compared doon sa, noong original Wuhan virus ng COVID-19 na talagang mga 5 to 7 days. So, definitely, ito ay naka-base sa mga scientific data na ginawa rin ng international institutions, pag-ikli ng isolation sa asymptomatic, mild at sa mga health care workers from 7 to 5 days.
USEC. IGNACIO: Opo. Isunod ko na po iyong tanong ni Mela Lesmoras ng PTV: Para daw po sa National Capital Region na may pinakamaraming cases ng COVID-19 sa bansa, sa inyo pong pakikipag-ugnayan sa mga ospital, kinakailangan na ba ng health work force ng mga mas istriktong Alert Level 4 o nako-control ang sitwasyon sa ilalim ng Alert Level 3?
DOH USEC. VEGA: Alam mo itong Alert Level 3, nakakatulong talaga, kasi kung mapapansin ninyo kahit na sa traffic, sa mga establishments o sa mga outdoors, nakikita mo talagang mas ano na ngayon, hindi na lumalabas ang tao, natatakot na rin ano, kaya medyo nag-lessen ang mobility. At saka kapag i-escalate mo kasi sa Alert Level 4, ang ibig sabihin niyan, talagang 71% na iyong ating healthcare utilization rate. Ang mataas nga lang ngayon ay iyong epidemic growth na talagang more than 200% sa NCR at saka iyong Average Daily Attack Rate na talagang tinitingnan nito ang risk of infection.
So ito iyong high risk category, pero pinakaimportante iyong HCUR o iyong Health Care Utilization at mababa pa naman dito sa NCR, nasa border lang ng low risk at saka moderate at 60%. Kung itaas natin iyan sa Alert Level 4, dapat nasa 71% siya or high risk position na. So, hindi pa, kaya pa ho very manageable, in spite of the rise of number of cases, ang hinahanap po ngayon ay iyong mga isolation and isolation areas, facilities para sa kanilang mild and moderate situations.
USEC. IGNACIO: Usec, basahin ko lang iyong tanong ni Mariz Umali ng GMA News kasi may kinalaman po sa sinasabi na nga po ninyo. Pero ang tanong niya dito: Some hospitals have reached 80% utilization rate and some doctors are already requesting the alert status to be raised to alert level 4. Do you see the need to heed to this request of doctors soon?
DOH USEC. VEGA: Tama iyan, Usec. Rocky ‘no. Alam mo dito sa Metro Manila, kasi although the average healthcare utilization is 60%. May mga areas talaga like San Juan, Taguig, Quezon City at saka Marikina ito iyong mga areas na medyo mataas na sa high risk position, mga 71% na sila. Pero sa kabuuang o sa Metro Manila, nasa 60% pa rin ang ating HCUR. So, kailangan lang talaga ang coordination for transfer nitong mga pasyente na nangangailangan talaga ng admissions sa mga hospitals na puwede pa, may capacity pa to accept ano.
Kaya importante talaga ang well-coordinated and well-referred patients, kasi sa kabuuan naman mayroon pang vacancy na at least 60% ng usage. Pero alam namin na certain areas talaga dito sa Metro Manila, because of the population and the number of beds that are available there ay medyo kaunti, kaya medyo nasa high risk sila. But what is needed actually is a very good coordination and referral para po ma-transfer itong mga pasyenteng nangangailangan.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Maricel Halili ng TV 5. Clarification daw po sa bagong protocol: Is there a need to under RT-PCR test after a COVID positive individual completed the isolation period?
DOH USEC. VEGA: No more. This time, if you have isolated yourself for 7 to 10 days for being positive in COVID, hindi ka na iti-test. Parang you have recovered, unless mayroon kang symptoms. Now, kung mayroon kang symptoms talagang kailangan magpa-RT-PCR ka after 10 days of isolation.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kumustahin ko na rin po itong operasyon ng One Hospital Command Center, kasi last year nasa 100 to 200 na lang po iyong tumatawag. Pero, ngayon bigla pong tumaas kasi ang mga cases, so ramdam na rin po iyong epekto nito sa operasyon ng—[COVERAGE CUT]
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing, balikan po natin si USec. Vega ng DOH.
USec., kumusta daw po ang operasyon ng One Hospital Command dahil daw po dito sa pagsipa ng kaso ng COVID?
DOH USEC. VEGA: Thank you USec. Rocky, alam mo nag-increase talaga ang number of calls namin sa One Hospital Command. In fact, iyong first week of December nasa mga 98 or mga 112 calls per day; pero, pag last week of December hanggang January tumataas, ngayon ang current po namin nakakatanggap na kami ng more than 1,120 calls ano and kakaiba talaga ito dahil iyong September calls natin on last wave ay umabot na kami sa mga 780 to mga 800 calls.
Pero, ito dahil sa mga bagong bilang na ngayon mataas na masyado ay talagang gumagrabe iyong number of calls at napansin din namin na itong calls na… karamihan ng mga calls na ito mga 60% ng mga calls ay naghahanap ng quarantine or isolation facilities or kung nagpapa-assist sa home isolation.
So, batay pa rin ito sa last year kaya’t iyong September of last year ang number of calls namin ay talagang referrals sa mga hospital for intensive care units especially iyong mga nagkaka-problema din in terms of the distribution of oxygen supply at that time; so, ito ang ating nakita noong September.
Ito ngayong January, nakita natin iyong mga tawag mostly on the isolation facilities, home isolation at saka kukonti na iyong referrals namin, nasa mga 15% iyong referrals namin for the hospital and for the intensive care unit services.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Kumusta na daw po iyong kapasidad ng ating Temporary Treatment and Monitoring Facility sa ngayon nag-reactivate po ba ang ating TTMF na nauna pong nagsara dahil sa pagbaba po ng mga kaso?
DOH USEC. VEGA: Tama iyon USec. Rocky, alam mo iyong December kasi nasa 15% lang yata or mga less than 10% ng usage ng ating temporary treatment facilities. So, ang iba ho nito talagang nag-aano na, nag-defunctionalize at saka iyong problema ho dati iyong ibang hotels at saka mga isolation facilities na contracted out ay nag-end iyong kanilang contract by December 31.
So, ito iyong ginawa natin noong January, nag-increase po tayo ng ating number of contracted hotels again para sa isolation at na-reactivate na talaga ng local government units iyong mga TTMFs to be functional again. Kasi ang utilization ng TTMFs ay nasa almost 78% na po. So, gradually itinataas din namin ang number of isolation and facilities para ho sa mga health care workers at saka sa general public.
So, itong pag-contract out ng mga hotels na ito ay nasa iba’t ibang agencies – sa Department of Health at contract out kami ng mga hotels for isolation ang Office of the Civilian Defense ganoon din po nagku-contract out din together with the MMDA, sila din naghahanap din sila ng mga hotels for the isolation. So, ini-increase talaga natin ang number of beds ngayon.
USEC. IGNACIO: Opo. USec. Kanina po nakausap namin si Director Gutierrez ng FDA kaugnay nga po dito sa pagsusuri sa self-administered test kits. Sa oras po na maaprubahan ito ng FDA inaasahan pong maglalabas ng guidelines ang DOH para po sa tamang paggamit nitong test kits. Kailan po ito inaasahang mailalabas, USec.?
DOH USEC. VEGA: Ilalabas po iyan kasi alam ko na mayroon na talagang nag-apply ng mga home test kit sa FDA; so, talagang maglalabas ng guidelines ang Department of Health on how to use to the public.
USEC. IGNACIO: Opo. Para lang din po malinaw, USec., may mga self-administered test kit po ba na sensitive o kayang makapag-detect pa ng variant. Halimbawa itong Omicron, kung mayroon man po gaano po ito ka-accurate?
DOH USEC. VEGA: Alam mo kung home test kit ay tumataas iyong kanilang sensitivity or specificity tapos validated pa ng RITM. Ang accuracy niyan kung tataas talaga kung talagang may 90% pa sila or 80% pero ang kanilang makuha ay iyung COVID-19 virus presence ng kanila ano, hindi iyong Omicron because the Omicron will have to be processed doon sa UP Genome Center or iyong bio-surveillance namin. So, kung positive ka talaga sa antigen test na asymptomatic ka ibig sabihin noon positive ka for COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., pinangangambahan din itong masamang epekto ng long COVID. Ano po iyong indicators ng long COVID na posible pong nararanasan ng isang individual at ano-ano daw po iyong mga risk sakaling ito po ay tumama sa kanila? May paraan po ba kung paano ito maiiwasan?
DOH USEC. VEGA: Alam mo itong long COVID nakita nila ito sa mga COVID patients, 10 to 15% ng mga ito since last year and napansin nila na after COVID and hindi gumaling po nagkaroon pa rin ng shortness of breath. Ibig sabihin, may tama na iyong baga at mayroon din nagkaroon sa iyong heart lalo na nagkaroon ng parang inflammation, mga [unclear] at saka mayroon din problem sa kidney at saka mental, nagkakaroon ng mental puffiness.
So, itong long COVID hindi naman lahat ang nagkakaroon nito, siguro iyong nga sinabi ko mga 10 to 15% ng mga COVID patients may posible na magkaroon ng long COVID at ito’y tinatamaan talaga. Pag tinamaan ka nito talaga ay kailangan ng ano na… walang gamot nito kung hindi rehabilitation and hoping na mag-improve uli iyong paghinga mo, iyong muscles mo mawawala na iyong fatigue at saka iyong heart. So, iyon nga after 30 days kung post COVID kung mayroon ka nito ito na iyong sinasabing long COVID.
USEC. IGNACIO: Okay po. Tanong po mula kay Miguel Aguana ng GMA News: Ano na daw po ang updates sa vaccination ng 4 years old and below?
DOH USEC. VEGA: Four years old and below wala pa, ano pa iyan, pinag-aaralan pa ng technical experts panel. Wala pang nag-apply niyan for the EUA for the vaccines. So, we are just readying ourselves ngayon for the 5 to 11 waiting na magkakaroon na tayo ng vaccines preparation for the 5 to 11. Kasi pediatric age po ito at hindi ho, iba iyong syringe at iba iyong preparation. So, I think by the end of January or February as the vaccine cluster would say baka we will start off with the 5 to 11.
USEC. IGNACIO: Okay. USec., kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras at impormasyon, COVID-19 treatment Czar at One Hospital Command Center Head Undersecretary Leopoldo Vega ng Department of Health. Mabuhay po kayo and stay safe po.
DOH USEC. VEGA: Thank you USec. Rocky, mabuhay din kayo salamat po!
USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita Pangulong Rodrigo Roa Duterte, isinusulong ang pag-amyenda sa ilang probisyon ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010. Sinusuportahan naman ni Senator Bong Go, ang naturang hakbang. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Halu-halo po ang naging reaksiyon ng ating mga kababayan kaugnay sa inaasahang pagsisimula ng second phase ng face-to-face classes sa kolehiyo sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3. Para po magbigay-linaw sa usaping iyan, makakasama po natin si Commission on Higher Education Chairperson Prospero De Vera III. Good morning po, Sir.
CHED CHAIRPERSON DE VERA III: Good morning, Usec. Rocky at good morning sa lahat ng nanunood at nakikinig sa inyong programa.
USEC. IGNACIO: Chair, unahin ko na pong kumustahin ang estado ng kalusugan ninyo. Tama po ba na kasalukuyan pa kayong naka-quarantine, Chair?
CHED CHAIRPERSON DE VERA III: Oo. Ako ay naka-quarantine sa bahay, ang aking buong pamilya ay infected. Pero dahil sa mga tumutulong sa aking mga doktor kasama ang pag-telemed, ako ay unti-unting gumagaling kaya medyo pagpasensiyahan ninyo na at medyo paos pa ang aking boses.
USEC. IGNACIO: Opo. Alalay lang tayo, Chair, ano po. Chair Popoy, nasimulan po natin itong unang phase ng face-to-face classes sa ilang mga lugar last year. Ano daw po ang initial assessment ng CHEd dito? May mga pagbabago po ba o strategies na gagawin for this year?
CHED CHAIRPERSON DE VERA III: Iyong ating pagbubukas ng second semester ay tuloy naman, iyong mode lang ang medyo nagbago sa ibang lugar dahil matatandaan natin noong November ay nag-issue tayo ng direktiba na iyong mga schools sa Alert Level 2 ay puwede nang magbukas ng December at iyong sa Alert Level3 ay puwede nang mag-limited face-to-face ng January.
Ngayon biglang tumaas itong incidence ng COVID kaya nag-issue tayo ng guidelines last week na ang pinakamaagang puwedeng mag-limited face-to-face sa Alert Level 3 ay sa January 31. Pero ito ay reference point lang, ibig sabihin depende iyan doon sa kalagayan on the ground ng mga pamantasan, ang kanilang konsultasyon sa local governments, ang kondisyon ng kanilang facilities, konsultasyon sa mga faculty at students at mag-adjust sila depende doon sa kalagayan.
Kaya’t natapos ko nang i-meet ang lagpas dalawandaang mga pamantasan nitong nakaraang linggo at ang marami sa kanila na nasa Alert Level 3 ay nag-decide na February sila magbubukas kung sakali ng limited face-to-face. Iyong mga iba naman ay magbubukas ng online tapos magshi-shift sa limited face-to-face kapag okay na ang kalagayan ng kanilang lugar.
Iyong mga iba din na universities lalo na sa Region VIII, Region VII at Caraga ay hindi kaagad nagbukas ng semestre kasi nag-aayos pa sila ng kanilang facilities dahil sa Bagyong Odette. Iyong iba eh iyong kuryente hindi pa stable so iyong kanilang pag-shift ay hindi lamang dahil sa COVID kundi dahil sa sakunang dulot ng bagyo ‘no.
Ang isa ding napag-usapan namin sa mga presidente ng mga university ay gagawa kami ng regular Zoom session kung saan ang mga health experts ay kakausapin o magbi-brief sa kanila para ma-anticipate iyong trend – kung saan papunta ang pag-expand ng COVID-19 infection, ano iyong mga natatala kung kailan bababa para mas madali silang makadesisyon – hindi lamang ngayong January kundi sa buwan ng Pebrero. So iyan ay aming ginagawa ngayon.
Pero ang marami sa kanila ay hindi na kailangang utusan ng pamahalaan dahil alam na nila iyong kanilang gagawin ‘no – either adjustments doon sa pag-delay ng limited face-to-face at saka iyong paggawa ng mga academic break. Doon sa aking panayam sa mga pamantasan, 126 na mga universities ang nag-declare na ng academic break start of January pa lang. Noong nakitang aakyat ang COVID kahit na hindi pa nga nasa Alert Level 3 iyong ibang lugar ay nag-declare sila ng academic break – 126 – ang pinakamarami dito ay nasa NCR, nasa Region IV-A. At mayroon pang 123 universities doon sa aking meeting noong isang araw na mag-a-academic break din ngayong towards the end of January ‘no.
So iyong panawagan nang academic break at iyong panawagan na mag-declare ng nationwide academic break ang CHEd, hindi na po kailangan iyan dahil kayang-kaya na ng ating mga pamantasan na gawin iyan on their own.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, tama po ba na nagkaroon din kayo ng pagpupulong sa atin pong mga health expert? Kailan po ito at ano po ang inaasahang mapag-uusapan? At ang CHEd po ba daw ay magpapalabas din ng guidelines kasi nagkaroon nga po ng halu-halong mga opinyon dahil lumabas kasi dati na kung kailan pa daw po tumaas ang kaso at saka tayo magkakaroon ng face-to-face?
CHED CHAIRPERSON DE VERA III: Ang aming priority ay dalhin iyong mga health experts na mayroong datos para i-brief iyong mga presidente ng mga universities hindi lang doon sa current condition but iyong projected – saan bang mga lugar ang mukhang tataas ang incidence ng COVID infection, gaano ang projected na pagtaas – iyan kasi ay naku-compute ng mga health experts lalo na iyong mga tumutulong sa IATF. Para ang critical para sa ating mga pamantasan all over the country ay dapat hawak-hawak nila ang tamang impormasyon nang maaga para sila ay makapagplano kasi kinakausap na nila ang kanilang local governments, tuluy-tuloy ang konsultasyon nila sa kanilang mga estudyante at faculty.
Lahat itong pagpaplano ay maganda ang resulta kung ang ginagamit na datos ay tama. Iyon ang critical, iyong correct information is made available. How they use that information dahil nakapag-practice na ang ating mga pamantasan ng dalawang taon, kaya na nila iyan. In fact ang maraming mga pamantasan na-anticipate na nila iyan. Halimbawa ang Polytechnic University of the Philippines, sinabi sa akin ni President Muhi noong isang araw, ang kanilang paggamit ng option ng limited face-to-face ay next school year na nila gagawin, hindi this school year.
Sa School Year 2022-2023 na sila magli-limited face-to-face dahil ang kanilang pinagtutuunan ng panahon ay palakasin at pagandahin iyong kanilang online and offline delivery ng education. Kasi alam mo naman ang PUP ay nasa isang urban area, madaming estudyante, very compact at saka very dense iyong kanilang campus kaya para sa kanila mas efficient na pagandahin iyong flexible learning through online and offline option kaysa problemahin iyong pangangailangan ng limited face-to-face. So diyan mo makikita iyong mga universities natin ay alam nila ang kanilang dapat gawin.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, nasa ilang porsiyento na po ng mga estudyante at admin staff ang bakunado na; wala naman din pong facilities na isinara muna para gawing vaccination site or quarantine facility?
CHED CHAIRPERSON DE VERA III: Iyan ang magandang balita: Ang ating vaccination rate sa higher ed ay mas mataas kaysa national average:
- Ang ating vaccination ng mga faculty by early January 11 ay lagpas 85% na ang nabakunahang mga empleyado at faculty; ang ginagawa na nila ngayon ay mag-booster.
- At iyong ating mga estudyante ay nasa 60% na tayo, lagpas 60% na so konting push na lang ay aabot na tayo sa pangangailangang level.
Tuluy-tuloy ang ating school-based vaccination system, pero ang pinagtutuunan sa marami ay siguruhin na iyong booster at tutukan iyong mga lugar na medyo malayo, distance-wise ‘no. Pero tuluy-tuloy tayo sa pag-monitor nito at mayroon tayong mga eskuwelahan na ang vaccination rate ng mga magpi-face to face ay nasa 95% na.
So handa na actually ang mga universities na marami, nakapag-retrofit na, bakunado na ang estudyante. Hinihintay lang natin na humupa itong surge ng COVID para matingnan kung puwede na iyong option ng limited face-to-face.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair Popoy, alam naman po natin talagang napakabilis nga pong makahawa nitong Omicron. May magiging changes ba sa guidelines daw po o protocol ang CHED sa mga universities na magsasagawa ng face-to-face classes, kung mayroon po ha, sa January 31st o maging dito po sa pagpasok ng Pebrero?
CHED CHAIRPERSON DE VERA III: Sigurado iyan kasi tayo’y tuluy-tuloy ang meeting natin ‘no. We decide as the data becomes available. Ang ating decision-making ay laging nakabase sa siyensya; nakabase sa datos dahil mga academic institution tayo eh. Ang training natin sa academe ay evidence-based decision making.
So tuluy-tuloy iyong ating meeting; at as the data becomes available, we will make the necessary adjustments. Ganiyan naman lagi ang ating ginagawa sa higher ed ‘no. Medyo nakakapagod lang lalo na kung may COVID ka at magmi-meeting ka sa lagpas dalawandaang mga pamantasan, mauubos ang boses mo dahil mahaba ang meeting. But otherwise, the regional offices of CHED are also in constant touch with the universities kaya any development on the ground na kailangan ng adjustment ay tutulong ang Commission.
Kasi hindi talaga realistic na hindi tayo mag-adjust kasi alam mo naman sa bilis nang pagkalat ng COVID, ang ating guidelines ay kung may nararamdaman ka, kung may symptoms ka, kailangan mag-quarantine ka; hindi ka puwedeng pumasok. At therefore, ang dapat nating gawin ay i-anticipate iyong epekto nito sa mga faculties, sa mga estudyante, at i-adjust ‘no.
Puwede naman kasing mag-flexible learning using online option or offline option muna and then during the semester, kapag ligtas na, saka ipasok iyong portion nung subject na magpi-face to face.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair Popoy, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, ano po, at inyong pagbibigay impormasyon, Chairperson Prospero De Vera III ng Commission on Higher Education. Get well soon po sa iyo at sa buong pamilya, Chair Popoy!
CHED CHAIRPERSON DE VERA III: Maraming salamat, Usec. Rocky, at sa lahat ng mga stakeholders sa higher education. Kapit lang tayo. Magpabakuna tayong lahat! Tuluy-tuloy ang ating pag-monitor ng situation, ang ating consultation with local government, ang ating consultation sa mga estudyante at mga guro, at ang paggamit ng lahat ng available option sa flexible learning. Magandang umaga sa inyo, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Salamat po, Chair Popoy.
Samantala, sa pagkakatatag ng bagong departamento na tututok sa pangangailangan ng mga Overseas Filipino Workers, inaasahang mas maraming programa at kababayan natin ang mabilis na makakapag-avail ng mga benepisyo sa ilalim ng Department of Migrant Workers. Pag-uusapan po natin iyan kasama si Attorney Bernard Olalia, administrator ng Philippine Overseas Employment Administration. Magandang araw po, Attorney! Welcome back po sa Public Briefing.
POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Magandang araw din po, Usec. Rocky. At magandang araw po sa lahat po ng nanunood sa inyong programa.
USEC. IGNACIO: Attorney, bago po matapos ang taong 2021, naisabatas na nga po itong RA 11641 na siya pong nagtatag nito sa Department of Migrant Workers. So ano po ba iyong pangunahing layunin nito at paano ito makakatulong sa ating mga Overseas Filipino Workers?
POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Tama po kayo, Usec. Rocky. Alam ninyo po, iyong labor migration natin na sinimulan natin noong 1970s na kung saan mahigit 30,000 lamang iyong mga ating dini-deploy na mga workers noon. Ngayon po ay umabot na sila nang napakalaki ‘no. Iyon pong tinatawag nating regular migrants, mga permanent migrant at saka iyong mga irregular migrants po natin ay umaabot na po ng milyon. Kaya minabuti po ng ating pamahalaan ngayon na magtatag na ng isang departamento para sa mga OFWs po natin – ang tinatawag po nating mga bagong bayani.
Layunin po ng departamento na ito na:
- Paigtingin iyong proteksiyon na ibinibigay natin sa ating OFWs;
- Palawakin iyong tulong na dapat po nilang matanggap at pabilisin po iyong pagbibigay o delivery of services sa kanila.
- Layunin din po ng departamento na ito na pag-isahin lahat po ng mga agencies, iyong mga inter-agencies natin na may mandate para po sa protection and promotion ng ating mga OFWs.
So ang bottom line nito, para po mapakinabangan natin nang mabuti iyong ating mga resources both human and fixed resources para po sa ikabubuti ng ating mga minamahal na OFWs.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, so ano po iyong mga tanggapan ng gobyerno na mapapasama raw po sa komposisyon ng bagong tayong ahensiya at wala rin po bang dapat ipangamba ito pong mga empleyado na maaapektuhan nito?
POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Alam ninyo po, Usec. Rocky, napakarami po kasing ahensiya ng ating pamahalaan ang tumututok sa OFWs ‘no, at kalat-kalat po sila, nasa iba’t ibang department po sila. Pero dahil po sa bagong batas na ito, iyong Republic Act 11641 na kung saan mayroon na tayong sariling department para sa OFWs, pag-iisahin na itong mga tinatawag na mga agencies na ito:
- Nangunguna po dito ang POEA na isang attached agency ng Department of Labor.
- Kasama po dito iyon pong tinatawag na Usec. for Migrant Workers’ Affairs o iyong UMWA na galing naman po sa DFA o Department of Foreign Affairs.
- Nandiyan din po iyong POLO natin, iyong Philippine Overseas Labor Office na isa rin pong attached agency ng DOLE.
- ILAB, of course, kasama rin diyan, iyong International Labor Affairs Bureau na magmumula rin po sa DOLE.
- Isama na rin po natin ang OWWA; nandiyan po ang National Maritime Polytechnic, ang NMP na galing din sa DOLE.
- At of course, ang National Social Welfare Attaché na galing naman po sa DSWD.
Lahat po ng mga personnel, lahat po ng mga resources, iyong budget appropriation nito ay pagsasama-samahin. At huwag pong mag-alala iyon pong mga empleyado o staff ng mga nasabing ahensiya dahil sila po ay ia-assume at iyong tinatawag na consolidation at merger ng lahat ng ahensiya na ito ay kukunin po lahat sa mga staffs and employees ng mga nasabing ahensiya.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero pagdating naman po sa pondo, mayroon na po bang inisyal na alokasyon para dito po sa pagtatatag ng Department of Migrant Workers; kung mayroon po, ano pong programa o serbisyo iyong pagtutuunan daw po nitong initial funding ng bagong tayong ahensiya?
POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Usec. Rocky, alam ninyo, maliwanag po sa mga probisyon nang na-approve na batas na lahat po ng appropriations at budget ng mga nabanggit ko kaninang ahensiya ay siya pong magiging budget ng bagong departamento. At ang pangunahing budget po na pinakaimportante rito ay iyong tinatawag na ‘action fund’ na kung saan kapag naaprubahan na ito doon sa 2023 appropriations budget, ito pong pondo na ito ay tutulong at pagkukunan ng assistance ng ating mga OFWs.
Iyon pong may mga problema doon sa post ‘no, iyong tinatawag po natin na mga distressed OFWs, iyong issue po sa repatriation lalo ngayon panahon ng pandemya, iyong kanilang mga assistance, iyong kanilang mga financial and livelihood assistance na kung tawagin natin na nagmumula sa OWWA ay tutulong din po ngayon iyong bagong action fund na magmumula naman sa Department of Migrant Workers.
Maliban po dito siyempre, nandiyan din ang pondo ng DFA, iyong ATN [Assistance to Nationals] funds na puwede rin pong magamit. Nandiyan din po iyong pondo ng OFW na isa pong trust fund. So, sama-sama po ito. Napakalaking pondo na po ang ilalaan natin para po sa ating mga minamahal na OFWs.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kaugnay nito ano naman daw iyong paghahanda ang gagawin ng DOLE at ng POEA para po masiguro ang maayos at mabilis na transaction sa bagong tayong ahensiya na ito?
POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Mayroon po silang tinatawag na transition period, Usec, at dalawang taon po ang ibinigay sa batas para mag-transition iyong mga nasabing ahensiya para po doon sa bagong Department of Migrant Workers. At during this transition period, may bubuuin pong tinatawag na transition committee. Kasama po sa transition committee iyong lahat ng ahensiyang nabanggit ko kanina tulad ng POEA, iyong OUMWA, iyong POLO, iyong NRCO, iyong NMP at saka iyong OSWA ng DSWD. Ito pong transition committee na ito ang gagawa ng tinatawag na implementing rules and regulations ng department. Sila din po ang gagawa ng organizational structure at staffing pattern. Sila din po ang magpapasa o gagawa ng budget para po sa approval nito sa 2023.
USEC. IGNACIO: Okay. Kailan po natin inaasahan na mabubuksan itong Department of Migrant Workers, Attorney?
POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Doon po sa probisyon na nabanggit ko, kinakailangan po kasi, iyong departamento shall only be constituted after the approval of each budget in the 2023 GAA at kapag mayroon na po siyang tinatawag na IRR at saka staffing pattern, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Admin, nasa inyo po ang pagkakataon na magbigay ng mensahe, lalo po sa ating mga OFWs na lubos na makikinabang po sa pagkakatatag ng Migrant Workers?
POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Unang-una nagpapasalamat po tayo sa ating administrasyon, dahil po sa naisabatas na itong napakaimportanteng departamento para po sa mga OFWs natin ano at habang hinihintay po natin iyong transition, kami po sa DOLE at POEA at OWWA ay tutulong doon sa mga OFWs po natin na nais magtrabaho sa abroad. Sa ngayon po tinitingnan na po natin ang pagbubukas ng ilang merkado tulad po ng bansang Taiwan. Kapit lamang po mga OFWs at tuluy-tuloy po iyong ating serbisyo.
USEC. IGNACIO: Attorney, may pahabol lang pong tanong si Sam Medenilla – pasensiya na po – ng Business Mirror: May na-appoint na po kaya na head ng transition committee si President Duterte?
POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Sa ngayon wala pa po, pero iyong mga heads po ng mga binanggit kong agencies kanina, katulad ng administrator ng POEA, iyong Director po ng ILAB (International Labor Affairs Bureau), iyon pong head ng OUMWA, sila po iyong bubuo sa transition committee.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon at pagbibigay impormasyon, Atty. Bernard Olalia, Administrator ng Philippine Overseas Employment Administration. Stay safe po.
POEA ADMINISTRATOR ATTY. OLALIA: Salamat din po. Ingat po tayong lahat.
USEC. IGNACIO: Samantala, mga biktima naman po ng sunog sa Payatas, Quezon City at Barangka, Marikina City ang nakatanggap ng tulong mula po sa tanggapan ni Senator Bong Go. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Pabahay program para sa mga kapus-palad na pamilya handog ng Benguet PNP. Ang detalye sa report ni Eddie Carta ng PTV-Cordillera:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang public briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita tayo ulit bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center