Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas.

Maiinit na isyu kabilang na ang napipintong pagpapatupad ng “no vax, no ride” policy sa Metro Manila, suspensiyon ng ilang klase sa gitna ng banta ng Omicron variant at estado ng mga negosyo sa bansa, iyan po ang ating hihimayin sa loob ng isang oras na talakayan ngayong araw ng Biyernes, January 14, 2022; ako po ang inyong lingkod, Usec. R0cky Ignacio simulan na natin Public Briefing #LagingHandaPH.

Muli na naman pong nakapagtala ng record-high COVID-19 cases ang DOH kahapon kaya muling pinaalalahanan ang publiko kaugnay sa mahigpit na pagsunod sa minimum health protocols at pagbabakuna. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, para alamin ang sitwasyon ng pagninegosyo sa bansa at bakunahan sa private sector, muli po nating makakasama si Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion. Sir Joey, good morning po.

SEC. JOEY CONCEPCION: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, kumusta po iyong sitwasyon ng pagninegosyo sa unang dalawang linggo po ng taon at ano po iyong obserbasyon ninyo dito po sa naging epekto simula po nang maipatupad itong Alert Level 3?

SEC. JOEY CONCEPCION: Well, mabuti na rin na hindi natuloy ang Alert Level 4 kasi ang sinasabi ko medyo matumal ang negosyo ngayon; kasi dahil first quarter, talagang normal iyan. Pagkatapos ng Christmas, ubos na ang mga pera ng mga consumers, mabagal ang benta.

So pati iyong… dito, nakikita ng mga citizens natin na talagang mabisa itong Omicron at sobrang mabilis ang paghahawa. So takot sila na lumabas ‘no at nakikita natin iyan sa mismong opisina namin, maraming nag-a-absent ngayon kasi may mga sakit ang mga anak nila, sila rin at iyong mga magulang nila. So halos kalat-kalat na itong infection dito sa NCR. Pero at least, ang medyo maganda diyan ay mild lang at gumagaling naman sila sa bahay.

So iyon ang nagbibigay ng … iyong takot ang nagbibigay ng resistance to go out at talagang bumagsak na rin ang mobility. At ang sinasabi ko noong una, nang they we’re proposing Alert Level 4, you don’t need to kasi the mere fact that people will stay home is a voluntary lockdown. In other words, parang Alert Level 4 na rin siya ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Sir Joey, nadagdagan naman po iyong ilang mga lugar na inilagay po sa Alert Level 3. Posible po bang makaapekto ito doon sa momentum sana ng ating economic recovery ngayong first quarter ng 2022?

SEC. JOEY CONCEPCION: Well, siyempre maa-affect iyan kasi maski tinaas sa Alert Level 3 or itataas sa Alert Level 4, mismo iyong mga consumers ayaw lumabas ‘no, ayaw kumain sa labas. Talagang matumal ang negosyo, iyong mga malls nagsasarado nang mas maaga ngayon. And siyempre kung hindi sila kikita, hindi magbubukas kasi magbabayad pa sila ng rental, mga electricity, mga tao nila so they’re closing down.

Pero ang tingin ko dito, marami ang nagsasabi, at ang partner namin si Octa Research, palagay ko darating tayo ng point na babagsak din ang mga kaso na ito. Nakikita natin sa ibang lugar na nagpi-peak iyan and then eventually, it stabilizes and starts to go down; and we’ve seen that. And we’ve seen that even with Delta noong before the fourth quarter.

So I’m optimistic, siguro by maybe the end of the month or February period, the month, talagang I think in February, we should hopefully see in NCR, eventually this moving lower now. In the other areas, baka mag-surge pa diyan kasi maraming hindi bakunado dito sa mga probinsiya natin, sa Visayas at Mindanao ‘no at ibang parte ng Luzon; so kailangan i-focus natin iyong mga bakuna natin dito ngayon, iyong implementation on the ground. At iyong mga citizens natin dito sa mga ibang lugar, they have to get vaccinated para protektado sila. At nakita natin, 85% of those being hospitalized are the unvaccinated.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Sir Joey, kumusta naman po iyong … o update dito po sa bakunahan at iyong pamamahagi po ng booster dose sa private sector ngayon?

SEC. JOEY CONCEPCION: So ngayon, sa private sector, tapos na kami sa first and second dose. Talagang itong mga 450 plus companies, they are already starting to boost their employees katulad ng our company, today may … almost every week may inoculation kami para sa mga empleyado namin. At halos lahat ng mga kumpaniya are implement it right now kasi nandito ang mga AstraZeneca vaccines at nakita natin sa mga diyaryo ngayon, magandang balita sa booster shots ng AstraZeneca, talagang mas mabisa, tumataas talaga ang antibodies ng mga kumuha ng AstraZeneca.

So right now, we are rolling it out as fast as we can and we are encouraging our employees to move fast. Pero siyempre may mga nagkasakit, and if you are sick, you cannot take the … especially with COVID, you cannot take the vaccine.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Sir Joey, kung kayo po iyong tatanungin, tingin ninyo ay malaki po ang inaasahan namang maging impact nitong paglimita po sa paggalaw ng mga unvaccinated individuals para po ma-encourage iyong ating mga kababayan na magpabakuna na?

SEC. JOEY CONCEPCION: Well, dalawa iyan ‘no. One is that we will protect them from hospitalization eh. Kasi kung lumalabas sila, sa panahon na ngayon, talagang tumataas itong infection at mahawa sila, delikado. At nakita natin, 85% of those hospitalized ay unvaccinated. So we will protect the hospitals from being overrun by more patients. So that’s one objective.

Now, of course, nakikita natin iyong mga unvaccinated, they will be restricted ‘no even in public transportation, even in entering malls. So halos the movement will be confined lang sa bahay nila, and it’s for their own good. It’s not that they are being deprived of their right to freedom to move, but they are being protected from getting this Omicron and possibly filling up the hospitals.

So hopefully, iyong move ng Metro Manila mayors and it’s already snowballing to the rest of the different LGUs sa buong bansa natin, I think we will have more of them taking the vaccines or marami rin diyan gustong gumawa ng bakuna pero medyo mabagal lang ang pagkilos nila. So, with all of these, hopefully they can get vaccinated as soon as possible kasi marami ng bakuna natin dito, close to 100 million vaccines are in the country as we speak ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Sec. Joey, mayroon din kayong initiative na tulungan po itong mga MSMEs ano po, na makapag-purchase ng antiviral drug na Molnupiravir. So, paano daw po iyong magiging sistema para matulungang makapag-avail po ng Molnupiravir itong maliliit na negosyo?

SEC. CONCEPCION: So, kinausap namin iyong mga distributor dito. They have, basically ang iba diyan may compassionate use, moving towards emergency use authority (EUA). So iyong Faberco, iyong Lloyd’s Lab at Qualimed, sila ang nagdadala dito ng Molnupiravir. We are telling the companies who bought the vaccines, I know medyo tight ang supply, medyo mataas iyong presyo. Pero dito sa pinag-usapan namin ng mga distributors, now their price is as low as 1,991, parang ganiyan, one of them. The rest are about 3,500 t0 5,200.

So, we were able to bring it down. Pero dito sa mga bibili iyong private sector, dahil kailangan sundin iyong EUA ‘no, katulad sa bakuna, so importante dito iyong mga company doctors ng mga private sectors ay dapat ma-involved dito kasi kailangan i-prescribe ito sa mga empleyado na who got sick. May mga priority sector iyan, iyong dapat mga senior muna ang tumanggap nito and they should have basically qualify ‘no kasi bawal dito below 18 years old, siyempre and then may mga ibang restrictions iyan. So, importante dito mga company doctors.

At ang mangyayari dito, the companies, we are suggesting to them that to give it free to their employees, those who get sick. So, hindi naman lahat ng kompanya kaya, they can’t afford it ano, iyong iba kaya nila. So we’re just proposing them this idea and we have showed them where to go, to buy these drugs and we have also negotiated with these drug companies to bring down the price which they have brought down the price. That’s the most important – accessibility and affordability.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, bagama’t pinag-aaralan pa rin po ng FDA ito pong pag-approve sa special certification ng ilang self-administered test kits, kung sakali po kinukonsidera ninyo pa rin ba na ma-subsidize ito para po sa mga MSMEs?

SEC. CONCEPCION: Well first of all, dito sa mga big corporations that have bought the vaccines siyempre mas may kaya iyan kaisa iyong mga micro and small, iyong medium-size corporations kaya nila iyan. And iyan ang ginagawa na namin eh, iyong antigen test kits ‘no. Talagang at this point in time punong-puno ang RT-PCR capacity natin ngayon, antigen is also good and we can do it more frequent ‘no at mabilis iyong result. The moment you find out the person is positive then you can isolate kasi kung positive ka sa antigen sigurado kang positive ‘no.

So, we’ve been doing antigen testing for a long time now and the private sector has always been buying the antigen, we are not relying on the government to buy the antigen test kits for us. We’ve been doing that from two years ago, the start of the pandemic, the antibody test kits, then the antigen test kits and then in fact we bought PCR machines to donate to government hospitals.

So, malaking bagay ang tulong dito ng private sector in testing. We are not relying on the government to do the testing. Of course, iyong sigurong they can take care of iyong mga micro at small entrepreneurs, iyong mga LGUs ‘no, that’s maybe where they can help and really help kasi dito naman sila nagbabayad sa mga LGUs, sa mga buwis nila, iyong mga maliit na negosyante.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, ngayong tuluy-tuloy na po iyong bakunahan at pagdating po ng supply ng bakuna sa bansa, ano po iyong mga dapat i-look forward ng mga business owners ngayong 2022?

SEC. CONCEPCION: Well, tuloy dapat ang pagbu-boost natin ng mga empleyado natin, iyong booster shots, iyan ang mandatory. At kinakampanya ngayon ng Go Negosyo, kasama namin iyong private sector na discipline on let’s get ‘vax to the max’, iyon ang importante. We know that vaccines are very important. We have now treatments whether it’s Molnupiravir or Paxlovid na parating na rin iyan. So, may mga antiviral medicines tayo na dumarating, so malaking bagay rin iyan ‘no.

So, dito naman sa private sector, we should still encourage our employees to maintain the proper minimum basic protocols na wearing of face masks, social distancing, pero ngayon nakikita natin wala ng taong lumalabas na talagang may social distancing na rin iyan ‘no.

But let’s remain optimistic ‘no. I believed that we were able to save the fourth quarter last year na, nakamit natin iyong objective na iyan dahil sa ginawa ng private sector ng early lockdown.

Dito naman mag-consistent tayo, let’s accelerate the vaccination and eventually itong wave, the surge that’s happening eventually will taper off. And in some ways, Omicron is quite mild for those who are vaccinated, so who knows baka this might be the beginning of the end and we can move from a point of pandemic to endemic but we have to have that mindset change that we have to learn to live with COVID ‘no.

And I think we’re starting to see that because we brought down the quarantine number of days ‘no, I think from, what, fourteen days, naging seven days for the health [sector]—may five days, may seven says. So even the airlines is requesting for five days quarantine time. So, we’re shortening now the quarantine time, we’ve shorten also the time of giving the boosters. Dati six months iyan na ngayon ay three months – even the quarantine time.

So, I think we’re learning to adapt on how to live with this Delta or Omicron. That’s the most important – learning to live with it!

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong walang sawang pagpapaunlak sa aming imbitasyon, Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion. Salamat po.

SEC. CONCEPCION: Salamat! Salamat din.

USEC. IGNACIO: Ikinalugod ng Malacañang ang resulta ng isang survey na nagsasabing karamihan ng mga Pilipino ay naniniwalang nalampasan na ng bansa ang pinakamalalang epekto ng COVID-19 pandemic. Sa naturang survey ng Social Weather Stations nitong Disyembre, lumabas na kumpiyansa ang 80% o walo sa sampu nating kababayan na nakaraos na ang Pilipinas sa worst phase ng pandemic.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, kahit pa patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa ngayon, ganito rin ang kanilang paniniwala dahil sa proteksiyon na hatid sa mga Pilipino ng pinaigting na vaccination program ng pamahalaan.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na rin aniya ang nagsabi kamakailan na kayang-kayang masugpo ng mga Pilipino ang COVID-19 basta magpabakuna na ang lahat ng kuwalipikado para dito.

At para kumustahin naman po natin ang sitwasyon ng mga guro at estudyante ngayong patuloy po ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19, ano nga ba ang mga hakbang ng DepEd para matiyak ang kaligtasan ng mga teaching personnel ngayong may banta ng mas nakakahawang Omicron variant?

Makakausap po natin si Department of Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan. Good morning po, Usec., welcome back po sa Laging Handa.

DEPED USEC. MALALUAN: Yes. Magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky at sa lahat ng ating mga tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, nitong linggo ang po nagpalabas ng memo ang DepEd na ie-exercise na po ng mga regional at school division offices, ito pong discretion sa pag-suspend ng klase. Bakit po effective lamang po itong pagpapatupad ng suspension within this month? Ano po iyong guidelines ng DepEd sa mga paaralan na magdedeklara ng class suspension?

DEPED USEC. MALALUAN: Well, unang-una ay very fluid ang situation at ang ating overall framework, Usec. Rocky, ay learning continuity pa rin subalit kinikilala natin itong sitwasyon ngayon, at kahit nga kami sa central office ay nararanasan natin iyan.

So, for health considerations and not just health pero pati doon sa nangyari sa Odette na kung ang pagtatasa ng ating local officials, regional director level or division or even at the school level ay kailangan magsuspinde ng klase or if not the full class ay learning activities, then we are authorized for a maximum of two weeks at that time subject to reporting at kung mas mahaba pa doon ay kailangang ikonsulta sa amin kung maaaring pahintulutan ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Ibig sabihin din po ba, kung magpapatupad ang eskuwelahan ng suspension o class suspension eh iri-require din po sila na magkaroon ng make-up classes para mabuo pa rin itong number of school days?

DEPED USEC. MALALUAN: Yes, dahil nasa batas iyan. Ang ating minimum, may allowance tayong binibigay diyan pero as much as possible is there is a minimum period of time na may learning na nangyayari sa ating… between the teachers and the students. So ibig sabihin, ma-ensure natin na iyong pangangailangan para sila mag-advance to the next grade level ay magawa. And so mayroon naman tayong palugit diyan, hindi ibig sabihin one-is-to-one ‘yan na kung may absents ay lalampas, that will also be the subject of determination kung kailangang i-extend iyong school days ng mga paaralan.

USEC. IGNACIO: Opo. Bagama’t may ilang lungsod at eskuwelahan na po iyong nag-anunsiyo ng suspension, na mga nagsusulong na magkaroon ng academic health break nationwide, ano po ang masasabi ninyo rito, posible nga ba itong maipatupad nationwide, Usec.?

DEPED USEC. MALALUAN: Not nationwide. Base doon sa aming naging pagpupulong noong executive committee at management committee with the regional directors noong Miyerkules at kaya nga noong Huwebes lumabas iyong ating—or Miyerkules din yata lumabas iyong memo na binabanggit mo na may dalawang aspeto – iyong isa ay iyong pag-uulit noong ating nailabas na noong as early as October 2020 na policy on academic ease, mga pamamaraan kung paano mapagaan ang burden ng mga guro at saka mag-aaral sa panahon ng COVID pandemic; at ito ngang pag-authorize ng class suspension for maximum a of two weeks at the local level.

So ito na ‘yung ating tugon diyan, ang isa pang naapektuhan ay iyong ating timetable ng expansion phase nitong face-to-face classes batay doon sa naging liham sa atin ng Department of Health na sana ay not earlier than January 15. So may nakatakda kaming pagpupulong with our counterparts with the Department of Health sa Lunes para mabigyan ng Department of Education nang mas detalyado na outlook in relation dito sa ating face-to-face classes initiative, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may tanong po si Kenneth Paciente ng PTV News: Ilang lugar na daw po ang nagdeklara ng academic health break? Anu-ano po ang siste sa mga private schools? Kung sakop din po ba sila ng [garbled] mayor ng isang city [garbled]?

DEPED USEC. MALALUAN: Well, tatlong bagay: With respect to the… kung ilan ang nag-declare na ng health break, as I mentioned kaka-issue lang namin kamakalawa noong ating memorandum mula sa ating Undersecretary for Curriculum and Instruction and may reporting requirement diyan pero hindi pa natin naku-consolidate. So [garbled]—at alam ko mayroong mga nag-declare na ng suspensions in certain places, we will be receiving those reports and consolidating them. Pero wala pa po kami ngayong consolidated na datos tungkol sa kung ilan ang nagkaroon ng suspension.

Pangalawa, with respect to the private schools – yes, they may [garbled] upon [garbled] subject to their condition but [garbled]. Ibig sabihin [garbled] alam ito sa ating mga divisions na nakakasakop doon sa kanilang private schools, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa datos ng DepEd nasa ilang mga guro at admin staff na po ‘yung nagkaroon ng COVID at nitong mga nakaraang linggo? At so far, ilang porsiyento na po ‘yung bakunado sa kanila?

DEPED USEC. MALALUAN: Well una doon sa vaccination, mataas na iyong ating level of vaccination. I don’t have the latest figures but if we are going to go by… hindi naman tayo nagkaroon ng espesyal na pagbabakuna. It reflects the general [garbled] levels dito sa [garbled] na naging pilot [garbled] usually ang ating level of vaccination and even in the remote areas ay mataas iyong vaccination level among our teachers.

With respect to the infection ay medyo mahirap ngayon ang monitoring dahil, una, iyong testing ngayon ay hindi naman lahat ay sumasailalim sa RT-PCR unlike before na mayroon tayong mga lugar na nag-a-undergo ng rapid testing kagaya sa Central Office for example at we have experienced na—what you can say is a surge then in relation to the previous experience. At kagaya ng nabanggit ni Secretary Concepcion ang napansin natin… naobserbahan natin ay ang symptoms ay manageable at ang marami sa aming mga kawani for example, I presume that will be the same for our teachers, are undergoing home-based quarantine.

At unlike noong mga previous cases na nagmu-monitor tayo nang masusi at nabibilang natin iyong confirmed cases under RT-PCR tests at kaakibat noon ay mayroong hospitalization at saka not very mild symptoms. Ngayon naman ay ang karamihan even in the central office are manageable even on home quarantine basis.

USEC. IGNACIO: Opo. [Garbled] last year nang muling ipinatupad itong face-to-face classes sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kumusta po ‘yung initial assessment ng DepEd dito, may mga adjustment po ba na kailangang gawin para sa expansion ng in-person classes?

DEPED USEC. MALALUAN: Alam mo, Usec. Rocky, hinihintay na lang natin iyong ating pagpupulong with DOH on the COVID outlook. But overall, iyong ating kinonsolidate na report that we are set to submit to the Office of the President ay naging matagumpay iyong ating pilot face-to-face.

Nagkaroon tayo ng mga survey among learners, teachers, parents and on the various evaluation parameters ay very favorable ang naging report at feedback ng mga lumahok dito:

  • We assessed for overall attendance ng mga bata na lumahok dito, as much as 83% on overall. Iyong feeling of safety noong mga bata at saka mga magulang, ang mga guro ay mataas din ang kanilang feedback;
  • In the 90s level of the respondents said that they felt safe during the conduct of the pilot face-to-face;
  • Iyong satisfaction with the implementation of the health and safety protocols, mataas din;
  • Iyong teaching and learning and satisfaction doon sa naging contribution ng face-to-face classes sa mas mabuting pagkatuto, very positive din;
  • And, the confidence to continue the implementation and to expand ay very high din.

So there will be some refinements on certain aspects ‘no kagaya noong paglalagay ng mga physical barriers and so on… and addressing some challenges; but overall, Usec. Rocky, subject lang doon sa aming pagpupulong with DOH on Monday ay the Department of Education maybe we can recommend and really strongly push for the progressive and expansion of the face-to-face classes.

Just one last comment ay itong alert level system ay maari din nating i-institutionalize na as a… parang typhoon warnings na may SOP na ng with conduct of face-to-face in the future. For example, when an area is re-categorized as Alert Level 3 ay automatic na nagsu-suspend ng face-to-face activity. So… but as I mentioned, may nakatakda kaming pagpupulong sa DOH because we want to be able to submit the report to the Office of the President with the full concurrence of the Department of Health of all our findings including the health and COVID aspect of the pilot, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Use, dito naman sa Bagyong Odette, hihingi lang po kami ng update sa learning situation dito sa mga lugar naman na hinagupit ng Bagyong Odette. Kumusta na ito so far? Nakabalik naman po ba iyong mga estudyante sa pag-aaral?

DEPED USEC. MALALUAN: Well, malaki ang ating—ibig sabihin, what confronted us particularly in Caraga, in our last meeting with the Regional Directors, in fact the adjustment that we made, madami tayo na mga [garbled] between [garbled] including private funds na nakalap to help those that were in need. And in addition to that kahit doon sa aming allocation ng mga adjustments for the learning resources ay mayroon tayong mga rehiyon na nagbigay o nagpaluwal, para doon sa mga nangangailangan ng immediate remedial measures doon sa areas, kagaya nga ng Caraga, dito sa Region VII and Region VIII and VI, I think, are among the more affected. So, ibig sabihin, may mga lugar din na hampered pa ang communication at saka siyempre, because of the damages that happened.

So, may ibang places tayo, like some island provinces that were severely affected, so iyong mga iyon. Kaya kasama sila, Usec. Rocky, hindi lamang because of the COVID surge dito sa ating Omicron, but also because of Odette, applicable din sa kanila itong issuance natin on reiteration of academic ease and authorization to suspend classes. So the reports there will be consolidated along with those that had to do suspensions similar to the case of Omicron, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Usec, ano na lang iyong paalala mo o paalala ng DepEd at panawagan sa mga mag-aaral?

DEPED USEC. MALALUAN: Well, una ang atin pa rin pong framework ay as I mentioned, learning continuity pero kinikilala natin iyong challenging times, kaya binigyan natin ng greater leeway ang ating mga Regional Directors. Ibayong ingat po at saka paalala sa mga magulang, kasama sa bahay ang ating mga mag-aaral na magpabakuna at iyan po, this will allow us to cope with the situation and be able to resume our operations better at ngayon po, bagama’t hindi pa pinal na pinal ay base sa resulta ng ating final face-to-face classes ay—the results [garbled] we will strongly recommend [garbled] face-to-face classes even under the present situation, but subject to the alert levels and developments in COVID. And we also want to assure finally that kami po sa Department of Education ay katuwang ang ating Department of Health para aming mga desisyon ay informed from the health side, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may pahabol lang pong tanong si Ina Hernando ng Manila Bulletin: In areas where classes will be suspended, what are the activities that they will suggest for students who are not sick and well enough to study?

DEPED USEC. MALALUAN: Well, siyempre they can do their own self-study in those places. They can also get in touch with their teachers if they are ready to continue learning in spite of the suspension. Of course, ang mahirap lamang diyan ay kung iyong mga guro mismo ay apektado themselves and they will not be able to [garbled] ay kung ang pangkalahatan na assessment ay hindi kailangan ay hindi naman kailangang mag-suspend. So, in other words, in areas where suspension has been done, it is because there are health or other compelling basis kung bakit kailangang isuspinde and that’s exactly the reason why hindi kami nag-declare ng pangkalahatan na suspension. It is need-based and pagsasaalang-alang pa din doon sa overall framework ng learning continuity even in this time of pandemic, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat sa inyong panahon at impormasyon, DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan. Mabuhay po kayo, Usec.

DEPED USEC. MALALUAN: Yes, thank you very much, Usec. Rocky. Magandang araw sa iyo at sa lahat ng tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Sarado po muli hanggang January 26 ang Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala nilang Quiapo Church. Ayon kay Monsignor Hernando Coronel, Rector at Parish Priest ng Quiapo Church, bahagi ito ng hakbang para labanan ang pagkalat ng COVID-19. Dahil dito ang mga organizational work at iba pang church related activities ay suspendido, pero patuloy ang daily [garbled]. Habang nakasara, magsasagawa po ng disinfection at sanitation sa simbahan at sa mga tanggapan po nito.

Simula sa Lunes, inaasahang ipapatupad na ang ‘no vax, no ride policy” sa Metro Manila. Ibig sabihin, kinakailangang magpakita ng vaccination cards para po makasakay sa mga pampublikong transportasyon. Subalit marami ang hindi pabor sa bagong polisiyang ito ng DOTr. Kaya naman para alamin ang iba pang guidelines kaugnay diyan, makakausap po natin si Department of Transportation, Under Secretary Artemio Tuazon Jr. Good morning po, Usec.

DOTR USEC. TUAZON, JR.: Magandang umaga, USec. Rocky. Magandang umaga rin po sa lahat na nanunood sa inyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, paano daw po ang magiging strategy ng DOTr para masiguro na talagang mai-implement itong ‘no vax, no ride policy’?

DOTR USEC. TUAZON, JR.: Salamat, Usec. Rocky. Usec. Rocky para sa implementasyon ng ating

‘no vax, no ride policy’ ay ang ating mga enforcers ng LTO, LTFRB at ang ating HPG at lalung-lalo na nag ating I-ACT ay siyang magpapatupad nitong polisiya na ito. Humingi na rin po tayo ng tulong sa ating PNP para tulungan tayo sa pagpapatupad nito. Ngayon, iyon po ay para sa ating road sector.

Ngayon po sa ating mga riles at sa ating maritime at aviation sector, bago po kayo makapasok sa mga terminal nila o sa mga istasyon nila ay itsi-check na po nila kung mayroon kayong vaccination card at ID.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, nababahala din po ang Commission on Human Rights at kailangan pa daw po ng constant review dito sa policy para legal at wala pong maba-violate na karapatang pantao ang nasabing polisiya. Ano po ang masasabi ng DOTr dito?

DOTR USEC. TUAZON, JR.: Salamat, Usec. Rocky. Alam ninyo, Usec. Rocky, ang atin pong pinagbabawalan ay ang paggamit po ng ating pampublikong sasakyan, hindi po namin pinagbabawalan ang right to travel ng bawat mamamayan natin. Ang hindi lang po puwede ay ang hindi mga bakunado na gumamit ng pampublikong sasakyan. Ngayon po ito ay naglabas na po ang ating DOJ—[NO AUDIO]

USEC. IGNACIO: Opo. USec., hindi naman po ba posibleng makadagdag lang ito sa cause of traffic dahil siyempre alam naman po natin iyong commuting system dito sa atin malimit iyong maya’t maya may sasakay talaga. Ano po iyong sentimyento ng mga drivers tungkol dito?

DOTR USEC. TUAZON, JR.: Maari po, maari pong makadagdag ng konti ito sa trapiko at saka sa pagbagal po ng pagbiyahe ng ating mga tao at ating mga pampublikong sasakyan. Pero, kung iisipin po natin USec. Rocky, itong inconvenience na magagawa nito ay napakaliit compared po doon sa kaligtasan ng ating mga mananakay sa ating pampublikong sasakyan.

Ginagawa po natin ito, ang tangi po nating layunin dito ayon kay Sec. Tugade, ay para mapanatili pong ligtas ang ating pampublikong sasakyan. Kasi po ‘pag hindi natin ginawa ito at nagkaroon ng outbreak o transmission sa ating pampublikong sasakyan, mapipilitan na naman tayong isara ito katulad po noong nangyari noon sa MRT, noong tumaas po iyong kaso ng kanilang COVID positive doon.

Ngayon ‘pag sinara po ito, sino po ba ang maapektuhan nito? Ang maapektuhan po nito ay iyong mamamayan natin na sinasabi natin na nasa mga lower income bracket na siyang kailangan pong pumasok araw-araw at kailangan pong magtrabaho araw-araw. ‘Pag hindi po sila nakagamit ng pampublikong sasakyan hindi po sila makakapagtrabaho, hindi lang po sila ang mapiperhuwisyo pati po iyong kanilang pamilya na nakasalalay ang pang-araw-araw na buhay sa kanila.

So, kami po ang tingin po namin maari nga po na may inconvenience na konti, nagpapaumanhin po kami roon pero sa tingin po namin ito ay maliit na kapalit ng seguridad at ng kaligtasan ng ating pampublikong sasakyan.

USEC. IGNACIO: Opo. USec. Sinu-sino naman daw po iyong exempted sa nasabing policy? Ano po iyong requirement na kailangan nilang ipakita, paano po iyong hindi puwede talagang magpabakuna dahil sa religious belief kasama na rin po iyong dahil sa kanilang kalusugan?

DOTR USEC. TUAZON, JR.: USec. Rocky, 2 po ang exempted dito sa “No Vax No Ride Policy” po ng DOTr: Ang una po ay iyong mga may mga medically incapable of being vaccinated. Mayroon tayong kasama, na mamamayan na hindi po puwedeng bakunahan dahil na rin po sa medical reasons. Para dito sa mga ito kailangan lang po nilang ipakita iyong medical certificate nila na may pangalan at numero noong kanilang doctor para po sila ay pasakayin.

Ang pangalawa po, ang mga tao na lumalabas po para kumuha ng mga basic necessities natin, ng mga essential goods and services na katumbas na rin po ng exemption na inilabas po ng IATF. Ito ho kailangan lang nilang magpakita ng pruweba na ang gagawin po nila ay kunwari ay bibili po ng pagkain or magpupunta sa dentista o magtatrabaho.

Kasi po, ito naman po ay puwede ninyo ng ipakita iyong kanilang… kung sabay man lumalabas ma’am mayroon po tayo dati po iyong barangay health card puwede po iyon or maski ano pong pruweba na mapapakita nila na kasama po sila dito sa mga tao na lumalabas para to access po iyong essential goods and services natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Sakali pong may mahuling PUV drivers na nagsakay ng unvaccinated individuals, sino po ang mananagot at ano po ang sanctions na posibleng maipataw sa kanila? Pero, sa mga iba sinasabi po ng mga PUV drivers papaano naman daw po nila malalaman o madi-determine or iyong card vaccination na ipinapakita sa kanila ay fake and then sasabihin daw po ng government na iyon talaga iyong ID, iyong vaccination card?

DOTR USEC. TUAZON, JR.: Opo. Tama, kung babasahin natin USec. Rocky, iyong DO, ang obligasyon na mag-check po niyan ay nasa operator at driver bago pasakayin po iyong pasahero. Kung may violation po iyan ang mananagot po nga ay iyong operator at ang driver.

Ngayon tungkol po naman doon sa tanong ninyo kung paano nila masisigurado, sa totoo lang po tayo po ay nakikiusap sa lahat po ng ating mga mananakay, sumunod na lang po tayo dito ng maayos, huwag na po tayong magdala na mga peke or mga hindi totoong mga vaccination card para sa kaligtasan po natin ito.

Bakit po natin gagawan pa ng paraan para hindi natin masunod ito ng maayos, kailangan po tayong magtulungan ng ganito lahat. Ngayon doon naman po sa ating mga mananakay na hindi po susunod or gagawa ng paraan para sa pagsa-submit po ng pekeng vaccination card, kung titingnan natin mabuti kung wala man sa DO namin na parusa para sa mga mananakay ay puwede natin puntahan po iyong mga ordinansa na nilabas ng 17 LGU dito sa Metro Manila na kung saan may nakasaad po na mga parusa para sa mga tao na nagba-violate po ng kanilang ordinansa. Kasama na po dito iyong “No Vax No Ride Policy natin.

Siguro po banggitin ko na rin po na kapag gumawa sila nitong mga fake vaccination cards ay puwede po silang habulin under sa revised penal code for falsification of public documents po. Kaya huwag na lang po nating gawin iyon, huwag na lang nating isipin na lulusot pa po dito, magtulungan na lang po tayong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ibang usapin naman USec., kumustahin po namin itong ginagawang voluntary antigen testing sa mga pasahero ng train. So far, nasa ilang commuters na po ang sumailalim sa test, may sapat po bang pondo ang DOTR para daw po ma-sustain itong libreng antigen test?

DOTR USEC. TUAZON, JR.: Mayroon naman kaming pondo po together po ng PNR at saka ng MRT ay sa tingin po namin ay maitutuloy naman po namin ito. Wala lang po ako ngayon USec. Rocky, ng eksaktong numero kung ilan na po iyong na-test. Pero, ang lumalabas po sa ating mga datos na natanggap namin ay mga nasa ano na po tayo, nasa 25 to 30% po ng nara-random test natin ay nakikita pong positive using the antigen test.

So, nakikita po natin na medyo mataas po at sa tingin po namin importante po itong ginagawa namin at itutuloy po namin ito kasi nga po gusto namin mapanatili na ligtas po ang ating pampublikong sasakyan.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., sakaling may mag-positive nga sa antigen test, siyempre hindi na ninyo papayagang sumakay ano po? Ano po iyong susunod na hakbang ninyo para sa kanila? Sila po ba ay isinasailalim ninyo sa RTP-PCR test? Ano po ang ginagawa ninyo na assist o tulong para sa kanila?

DOTR USEC. TUAZON, JR.: ‘Pag nakita po ang pasahero o mananakay ay nagpositibo sa antigen test ay ina-isolate na namin agad ito at hinihiwalay po namin doon sa ibang pasahero. Dadalhin po siya sa isolation room tapos itatawag po siya sa LGU o kaya doon sa ating mga health clinic po natin doon sa mga ating transport load offices para po sila ay kunin at para po sila ay ma-test na rin po using the RT-PCR.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po ba, USec., iyong RT-PCR test?

DOTR USEC. TUAZON, JR.: Yes po ma’am.

USEC. IGNACIO: USec. kunin ko na lamang po iyong inyong mga paalala o panawagan ninyo sa publiko ilang araw po bago maipatupad itong bagong polisiya ng DOTr.

DOTR USEC. TUAZON, JR.: Okay, salamat po. Nanawagan po si Secretary Tugade, at lahat po kami sa DOTR sa ating mga mamamayan at sa ating mga mananakay at ipinapaalala po namin na umpisa po sa Lunes ay ipatutupad na po itong “No Vax, No Ride Policy” po ng DOTr. Ngayon po para na rin po huwag tayong ma-inconvenience o huwag tayong mahirapan ay kung hindi tayo bakunado ay huwag na lang po nating subukan pa na sumakay sa pampublikong sasakyan.

Kasi po ‘pag kayo ay nahuli pababain kayo mahihirapan lang po kayo. Ngayon naman po sa ating mga mamamayan na bakunado na po hinihiling po namin na sana po ihanda ninyo na iyong mga vaccination cards ninyo, iyong iba nga po nakita namin nilalagay po nila na parang ID na lang po rito sa harap nila para mabilis na po ang takbo natin at ng hindi na sila naabala sa kanilang pagbiyahe.

Ang sabi pa nga po ni Secretary Tugade ay kailangan talaga po magtulungan tayo dito, ito po ay para sa proteksiyon ng hindi lang po ng mga bakunado pati na rin po sa hindi bakunado kasi po makikita natin po sa datos na ang karamihan po ng naoospital for severe and critical ngayon po mahigit 85% po yata ay mga hindi bakunado.

Ito po ay delikado para sa lahat at delikado rin po para sa hindi lang po para sa kapwa mananakay ninyo pati na rin po doon sa mga driver at mga operator po ng ating pampublikong sasakyan. Magtulungan po tayo para maipatupad natin itong polisiyang ito, para sa ating lahat ito. Maraming salamat po USec. Rocky!

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa inyong oras at impormasyon Undersecretary Artemio Tuazon Jr. ng Department of Transportation, stay safe po.

DOTR USEC. TUAZON, JR.: Salamat din po, kayo rin po.

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa Pilipinas, base po sa report ng DOH kahapon January 13, 2022:

  • Muling naitala ang record high new cases na umabot sa 34,021.
  • Umakyat na sa 3,092,409 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.
  • 82 katao naman po ang nasawi kaya nasa 52,736 na ang ating total number of deaths.
  • Samantala, umabot na sa 2,802,286 ang dami ng mga gumaling sa sakit matapos pong madagdagan ng 4,694 recoveries kahapon.
  • Dahil po sa mataas na bilang ng bagong kaso, ang active cases natin ay umakyat na sa 2.7% ng total case o katumbas ng 237,387 na katao.

Mga residente ng Catarman ang sinadya ng outreach team ni Senator Go nitong Miyerkules para mamahagi ng tulong sa ating mga kababayan. Ang mga ahensiya ng pamahalaan nakibahagi sa pagpapaabot ng assistance sa mga piling benepisyaryo. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Kasabay ng pagpapatupad ng Alert Level 3 sa Davao city, naglabas ng kautusan ang pamahalaang lungsod ng extended modified liquor ban sa buong siyudad na tatagal hanggang sa buwan ng Hunyo, ang detalye sa report ni Julius Pacot:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Muli ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita tayo muli bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center