Press Briefing

Press Briefing of Cabinet Secretary and Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles


Event Press Briefing
Location New Executive Bldg., Malacañang

CABSEC KARLO NOGRALES: Magandang tanghali po sa ating mga kababayan at sa Malacañang Press Corps.

Since the Omicron variant was detected in the country, the government has been closely monitoring COVID-19 cases as we recognize that this variant, given its characteristics, would most likely lead to a rise in the number of COVID cases, just as it has in other countries.

Malinaw po sa numero na ang variant na ito ay mas nakakahawa. Malinaw din po na dahil sa ating vaccination program at dahil sa kooperasyon ng ating mga kababayan, mas kaunti po ang nakakaranas ng malubhang sintomas dahil sa COVID.

The government nonetheless remains focused on doing everything it can to prevent the spread of the disease and to manage its impact on our lives. Tuluy-tuloy po ang pag-aaral at diskusyon ng IATF sa mga eksperto para mas akma ang ating mga polisiya at guidelines sa evolving situation na ito.

Having said that, nagpulong po kagabi ang inyong Inter-Agency Task Force (IATF) kahapon, January 13, 2022, at ito ang ilan sa mga napagkasunduan at naaprubahan na resolusyon. Epektibo sa Linggo, January 16, 2022 hanggang January 31, 2022, ipapatupad ang Alert Level 3 sa mga sumusunod na mga lugar:

  • Cordillera Administrative Region: Baguio City, Ifugao at Mountain Province
  • Region 1: Dagupan City at Ilocos Sur
  • Region 2: City of Santiago at Cagayan
  • Region3: Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Olongapo City, Pampanga, at Zambales
  • Region 4-A: Rizal, Batangas, Cavite, Laguna, at Lucena City
  • Region 4-B: Marinduque at Romblon
  • Region 5: Camarines Norte, Catanduanes, Naga City at Sorsogon
  • Region 6: Iloilo City, Iloilo, Negros Occidental, at Guimaras
  • Region 7: Lapu-Lapu City, Bohol, Cebu, at Negros Oriental
  • Region 8: Ormoc City, Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Southern Leyte, at Western Samar
  • Region 9: City of Isabela, Zamboanga City at Zamboanga del Sur
  • Region 10: Bukidnon, Iligan City, Misamis Occidental, at Misamis Oriental
  • Region 11: Davao del Sur at Davao del Norte
  • Region 12: General Santos City at South Cotabato
  • CARAGA: Surigao del Sur at Agusan del Norte
  • Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: Lanao del Sur

Nananatiling nasa Alert Level 3 ang Metro Manila.

Samantala, nasa Alert Level 2 naman ang mga sumusunod:

  • Cordillera Administrative Region: Apayao
  • Region 2: Batanes
  • Region 4-B: Palawan at Puerto Princesa City
  • Region 5: Masbate
  • Region 7: Siquijor
  • Region 9: Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay
  • Region 10: Camiguin at Lanao del Norte
  • Region 11: Davao de Oro, Davao Occidental, at Davao Oriental
  • Region 12: North Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat
  • CARAGA: Dinagat Islands at Surigao del Norte
  • BARMM: Basilan, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi

Kung inyong matatandaan, may dalawampu’t walong (28) lugar ang una nang napasailalim sa Alert Level 3, epektibo ngayong araw, January 14, 2022 hanggang January 31, 2022. Sa Luzon, ito po ang CAR: Benguet, Kalinga at Abra; ang La Union, Ilocos Norte and Pangasinan; Nueva Vizcaya, Isabela and Quirino; Nueva Ecija and Tarlac; ang Quezon Province; ang Occidental Mindoro and Oriental Mindoro; Camarines Sur at ang province of Albay.

Sa Visayas naman po: Bacolod City, Aklan, Capiz and Antique; Cebu City and Mandaue City; Tacloban City.

Sa Mindanao naman po: Cagayan de Oro City; Davao City; Butuan City at Agusan del Sur.

At sa BARMM region ang Cotabato City.

Naaprubahan din ng IATF ang bagong country risk classification na mag-te-take effect simula sa Linggo, January 16, 2022 hanggang January 31, 2022. Ang mag sumusunod na bansa, teritoryo, o jurisdiction ay nasa ilalim ng Red List: Antigua and Barbuda, ang Aruba, Canada, Curacao, French Guiana, Iceland, Malta, Mayotte, Mozambique, Puerto Rico, Saudi Arabia, Somalia, Spain, at US Virgin Islands.

Nasa Green List naman ang mga sumusunod: Bangladesh, Benin, Bhutan, British Virgin Islands, China (Mainland), Cote d’Ivoire (Ivory Coast), Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands (Malvinas), The Gambia, Ghana, Guinea, Hong Kong (Chinese Special Administrative Region), India, Indonesia, Japan, Kosovo, Kyrgyzstan, Montserrat, Morocco, Niger, Oman, Pakistan, Paraguay, Saba (Special Municipality of the Kingdom of the Netherlands), Saint Barthelemy, Senegal, Sierra Leone, Sint Eustatius, Taiwan, Timor-Leste (East Timor) and Uganda.

Ang mga bansa, teritoryo at jurisdiction na hindi ko nabanggit ay nasa ilalim po ng Yellow List.

Kaugnay nito, inamyendahan ng IATF ang bagong testing at quarantine protocols para sa international arriving passengers sa Pilipinas.

Pumunta muna po tayo sa “Green” List countries/ jurisdictions/territories. Ito po, fully vaccinated international arriving passengers shall be required to present a negative RT-PCR test taken within 48 hours prior to departure from the country of origin. Inuulit ko po, 48 hours na po prior to departure from country-of-origin ang negative RT-PCR test. Pagdating ng Pilipinas, hindi na sila kailangan mag-mandatory facility-based quarantine. Again, ito po ay para sa mga mula sa Green List countries/ jurisdictions/territories. Pero kailangan nilang mag-self-monitor ng sintomas sa loob ng pitong (7) araw with the first day being the date of arrival.

Para naman sa unvaccinated, partially vaccinated, or individuals whose vaccination status cannot be independently validated, mula sa Green List, kailangan nilang magpresenta ng negatibong RT-PCR test result taken within 48 hours prior to departure from the country of origin. Dagdag pa rito, kailangan nilang mag-facility-based quarantine hanggang lumabas ang kanilang negatibong RT-PCR test result taken on the 5th day. Pagkatapos nito, kailangan nilang mag-self-monitor ng labing-apat (14) na araw with the first day being the date of arrival.

Samantala, ito naman ang protocols for “Yellow” List countries/jurisdictions/territories. Para sa fully vaccinated, kailangan nilang magpresenta ng negatibong RT-PCR test result taken within 48 hours prior to departure from the country of origin. Pagdating ng Pilipinas, kailangan nilang mag-facility-based quarantine with an RT-PCR test taken on the 5th day, with date of arrival being the first day. Kung magnegatibo ang resulta, maaari na silang ma-release for completion of home quarantine up to the 7th day from the date of arrival.

Para naman po sa mga unvaccinated, partially vaccinated, or whose vaccination status cannot be independently validated, mula sa Yellow List, kailangan nilang magpakita ng negatibong RT-PCR test result taken within 48 hours prior to departure from the country of origin. Pagdating ng Pilipinas, kailangan nilang mag-facility-based quarantine with an RT-PCR test done on the seventh (7th) day with the date of arrival being the first day. Kung magnegatibo, maaari na silang ma-release for completion of home quarantine up to the 14th day from the date of arrival.

Ito naman ang protocols for “Red” List. Pinapayagan na po ang inbound international travel ng lahat ng sa “Red List” within the last 14 days prior to arrival to any port of the Philippines.

I repeat, the inbound international travel of all persons coming from or who have been to “Red List” countries/jurisdictions/territories within the last 14 days prior to arrival to any port of the Philippines shall now be allowed.

At para sa kanilang quarantine protocols, mula sa Red List, ito para sa mga fully vaccinated coming from Red List countries/jurisdictions/territories: Kailangan nilang magpakita ng negative RT-PCR test result taken within 48 hours prior to departure from the country of origin. Pagdating ng Pilipinas, kailangan nilang mag-facility-based quarantine with an RT-PCR test taken on the 7th day, with the date of arrival being the first day. Kung magnegatibo, maaari silang ma-release sa facility quarantine, provided na kumpletuhin po nila ang home quarantine up to the 14th day from the date of arrival.

Para naman sa unvaccinated, partially vaccinated, or whose vaccination status cannot be independently validated, mula sa Red List, kailangan nilang magpresenta ng negatibong RT-PCR test result taken within 48 hours, prior to departure from the country of origin. Pagdating po ng Pilipinas, kailangan nilang mag-undergo sa facility-based quarantine with an RT-PCR test done on the 7th day, with the date of arrival being the first day. Maaari silang ma-discharge matapos makumpleto ang 10-day facility-based quarantine, regardless of a negative RT-PCR result, kailangan nilang kumpletuhin ang 10-day facility-based quarantine. Pagkatapos po, they shall observe home quarantine until the 14th day, with the date of arrival being the first day.

Samantala, itong negative pre-departure RT-PCR tests taken 72 hours prior to departure, which was our previous protocol, shall be honored until January 19, 2022, 12:01 A.M. lamang. Again, iyong negative pre-departure RT-PCR tests taken 72 hours prior to departure shall be honored until 0001H of 19 January 2022.

Kasama rin sa inaprubahan ng IATF ang isolation at quarantine protocols para naman po sa aviation sector. Kabilang po dito ang airline personnel, ground handlers, maintenance providers, airport security, air traffic controllers, airport workers, at iba pang aviation-related personnel: Una, isolation for up to five days para sa mild and asymptomatic confirmed COVID-19 cases who are fully vaccinated and boosted.

Pangalawa, hindi po required at hindi na kailangan mag quarantine ang mga asymptomatic close contacts ng confirmed COVID-19 cases – again, for close contacts po ito – na nakatanggap na po ng primary series vaccine doses at booster, at ganun din po ang mga close contacts na wala namang pinapakitang symptoms who recovered from COVID-19 within the last 90 days.

Sa parte ng DOTr at kanilang attached agencies, kailangan nilang tukuyin ang appropriate accountable group para mag-desisyon sa pagpapaikli ng isolation or quarantine na naka-base sa ebidensya, kaparehas ng Hospital Infection Prevention and Control Committee kung saan infectious disease specialists, safety officers, at management ang nag-uusap, tumitingin, at umaaksyon sa lahat ng infection-related concerns.

Ipapatupad din sa lahat ng mga aircraft na kailangan mayroon appropriate ventilation, habang lahat ng aviation staff ay nakasuot ng tamang personal protective equipment sa lahat ng oras.

The DOTr shall monitor and evaluate the implementation of the aviation industry, and copy furnish reports to the Department of Health Epidemiology Bureau for assessment of COVID-19 cases, clusters, vaccination status, and the like. While the IATF, on the other hand, will retain our authority to revoke or modify the guidelines for the aviation industry vis-à-vis shortened quarantine and isolation.

Meanwhile, foreign nationals allowed to enter into the country shall be subject to the following additional protocols: Beginning February 16, 2022, proof of full vaccination shall be made a requirement for entry of all foreign nationals allowed to enter the Philippines. Exceptions to the requirement that all passengers be fully vaccinated and that they provide proof of vaccination status prior to boarding an airplane/vessel to the Philippines are absolutely limited to the following groups – ito lang po ang exception to the general rule: Una, children below 18 years of age; pangalawa, people medically unable to receive the vaccine, as certified by a competent public health authority in the country/port of origin; at pangatlo, foreign diplomats and their qualified dependents/9(e) visa holders.

In connection with this, the DOTr, through the Civil Aeronautics Board, is instructed to mandate airlines to require foreign nationals traveling to the Philippines to present proof of full vaccination prior to boarding flights to any points in the Philippines.

The IATF likewise accepted and recognized for purposes of arrival quarantine protocols, as well as for interzonal/intrazonal movement, the national COVID-19 vaccination certificates of Colombia, Iraq, Monaco, Italy, Tunisia, and Vietnam. This is in addition to other countries/territories/jurisdictions whose proofs of vaccination the IATF has already approved for recognition in the Philippines.

Related to this, the Bureau of Quarantine, the Department of Transportation – One-Stop-Shop, and the Bureau of Immigration are directed to recognize only the proofs of vaccination thus approved by the IATF.

Inaprubahan din ng IATF ang rekomendasyon ng Department of Tourism na ang mga hotel na ginagamit na quarantine facilities ay pupuwede ring magamit bilang isolation facilities, subject to specific protocols ng Bureau of Quarantine – Department of Health.

Samantala, nagpahayag ng buong suporta ang IATF sa mga programa ng Technical Education and Skills Development Authority or TESDA para mapaganda ang pagpapatupad ng COVID-19 Strategies down to the barangay level.

Pumunta naman tayo sa usaping bakuna. May nilabas na preliminary data ang AstraZeneca na nagpapakita na ang kanilang booster ay nagdyi-generate ng higher antibodies laban sa Omicron. Ano pong ibig sabihin nito? Lahat ng bakuna ay gumagana. Inuulit po namin: Lahat ng bakuna ay libre, ligtas at epektibo. Para po sa inyo at sa mga mahal ninyo sa buhay, magpabakuna po kayo.

Mas pinadali na ang proseso ng pagbabakuna. Puwede na po ang walk-in. Hindi na rin po kailangan bilang health screening ang pag-monitor sa blood pressure, unless ang babakunahan ay may history ng hypertension, or may sintomas ng hypertension, at iba pang konsiderasyon na naka-base sa clinical judgment ng doktor sa vaccination site.

Hindi na rin kayo hihingan ng medical clearance at certification para mabakunahan. Requirement lamang ito kung ang babakunahan ay may autoimmune disease, HIV, cancer/malignancy, o ‘di kaya transplant patients, or patients na sumasailalim sa steroid treatment at patients with poor prognosis or mga bedridden patients. Dito lang po hihingan ng medical clearance at certification.

Kaya mga kababayan, may mga bakuna. Mas maluwag na po ang mga requirements para dito, kaya huwag na po tayong magdalawang-isip, magpabakuna na po tayo.

Sa COVID-19 update, ayon sa January 13, 2022, COVID-19 case bulletin ng Department of Health, nasa 34,021 ang mga bagong kaso ng COVID sa bansa. Sa bilang na ito, 98% po ang mild at asymptomatic, nasa 47.9% naman po ang ating positivity rate habang nasa 90.6% naman nag porsiyento ng gumaling. Kaya nasa mahigit 2.8 million na po ang naka-recover. Malungkot naman naming ibinabalita sa inyo na kahapon ay mayroong 82 ang naidagdag sa bilang ng mga pumanaw dahil sa coronavirus. Nasa 1.71% ang ating fatality rate, mas mababa po ito sa 2% global average.

Samantala, patuloy po ang pagtaas ng ating hospital care utilization rate. Nasa 58% ang utilized ICU beds sa Metro Manila, habang nasa 45% naman sa buong bansa; 54% po ang utilized isolation beds sa Metro Manila, habang nasa 46% ito sa buong bansa; at 66% ang utilized ward beds sa Metro Manila, habang 45% sa buong bansa. Ang utilized ventilators ay 26% sa Metro Manila, 19% naman sa buong bansa.

Kaugnay nito, tulungan po nating protektahan ang ating healthcare system. Simple lamang po ang kailangang gawin: Magpabakuna. Ayon sa datos, 73% ng pasyenteng may COVID sa mga hospital natin ang hindi fully vaccinated; 85% naman po sa mga nakaratay sa ICU ay hindi bakunado. Luluwag ang ating mga ospital at dadami ang mga bakanteng kama kung marami ang protektado sa malubhang sakit dala ng COVID-19. So let’s help our frontliners and let’s help ourselves by getting vaccinated.

On other issues, the Philippines is expected to be among the growth leaders in Asia and the Pacific in 2022 with growth projection for the economy at 5.9% in 2022 and 5.7% in 2023, this is according to the World Bank’s Global Economic Prospect Report.

At sa iba pang mga bagay, magandang balita: Pinirmahan ni President Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act number 11643 na nagbibigay ng survivorship benefits para sa lehitimong asawa at dependent children ng mga namayapang retiradong miyembro ng National Prosecution Service.

Bilang dating Prosecutor, naiintindihan po ng ating Pangulo ang mahalagang papel ng ating mga prosecutors sa pag-usad ng gulong ng hustisya sa gitna ng panganib na maaari nilang harapin. Patunay ito sa tapang at malasakit na liderato ng ating Punong Ehekutibo.

Dito po nagtatapos ang ating opening statement. Guest po natin ngayong Biyernes si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire para pag-usapan ang pinakabagong protocol sa quarantine at isolation.

USec. Vergeire, ang tanong po ng marami: Bakit po tayo nagpalit ng quarantine at isolation protocol sa gitna ng banta ng Omicron? The floor is yours, USec. Rosette.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, magandang tanghali po, Cabinet Secretary Nograles. Magandang tanghali po sa inyong lahat. Ako po ngayon ay magbibigay ng maikling presentation just to explain our updated protocols.

So bago po natin pag-usapan ang ating mga bagong guidelines, gusto ko po muna ipakita sa inyo ang mga naoobserbahan natin na sitwasyon ngayon dito sa National Capital Region dulot ng Omicron. Noong huling mga ilang linggo, nakita po natin ang pagtaas ng kaso at ang ating epidemic curve ay nagpakita ng transmission pattern na expected sa Omicron variant. Pero maliban sa Omicron, nakikita pa rin natin sa whole Genome sequencing ang patuloy na transmission ng Delta variant.

Sa nakikita po natin ngayon sa ating bansa, we have our vaccines now as an additional tool with our Prevent, Detect, Isolate, Treat and Reintegrate strategies. Pagbati po sa mga mamamayang nakilahok sa National Vaccination Days noong November 29 hanggang December 1, at December 15 to December 22; at pagbati rin po sa ating mga healthcare workers at mga lokal na opisyal na nakatulong sa pagpapabilis ng pamamahagi at pagtuturok ng ating mga bakuna. Inaanyayahan pa rin po natin ang iilang hindi pa bakunado na magpabakuna na po kayo kaagad, magpa-booster kung eligible na para sa karagdagang proteksiyon laban sa COVID-19.

Sa pamamagitan ng mga activity na ito, nakikita natin na patuloy ang pagtaas ng vaccination rates dito po sa ating bansa, lalo na po ang pagtaas sa NCR kung ikukumpara natin sa ibang lalawigan o areas sa ating bansa.

Posibleng dahil sa mas maraming pagbabakuna, ang posibilidad na maospital ang mga tao lalo na dito po sa National Capital Regi0n ay mas maliit kumpara sa sitwasyon natin noong mayroon po tayong pagtaas ng kaso dahil sa Delta variant.

Nakikita rin po natin ang pangyayari na tinatawag na decoupling sa National Capital Region. Ang decoupling ay ang pagtaas ng kaso na hindi nagtutugma ng pagtaas ng mga naoospital na severe at kritikal na mga kaso. Katulad po sa sitwasyon sa ibang bansa na may Omicron, ito po ay nagpapakita na ang ating pagbabakuna at ng ating mga public health standards ay nakakatulong protektahan ang ating kababayan laban sa malubhang sakit at pagkakamatay.

Nakikita din po natin na kahit tumataas ang kaso ng mga COVID-19, ang proportion ng severe at critical na mga kaso ay bumababa. Ang mas dumadami na proportion ay para sa mga mild o iyong mga taong walang sintomas, ngunit hindi po ito indikasyon na dapat mapanatag ang karamihan. Importante pa rin na ugaliin pa rin nating sumunod sa minimum public health standards para maiwasan po natin ang transmission at mutation ng virus.

Kasama sa pag-monitor ng mga datos sa bansa ang mga nakikita din natin sa mga bagong ebidensiya. Para po sa mga bakuna, lahat po ng bakuna ay patuloy na nagbibigay ng proteksiyon laban sa severe disease and death. Ayon sa evidence review ng ating living CPG experts, nakikita natin na ang kadalasang tagal ng impeksiyon at paghawa sa ibang tao ay mas mababa para sa mga bakunado kung ikukumpara sa mga hindi bakunado.

Para naman po sa Omicron variant, pinapakita ng mga kasalukuyang ebidensiya na mas mataas ang pagkakataon na makahawa ang Omicron kung ikukumpara sa Delta variant; mas mataas din ang posibilidad na maimpeksiyon muli ang mga taong nagkaroon na ng COVID-19 dati ‘no sa ibang strain ng variant or virus na ito. Nguni’t nakikita rin sa pag-aaral na ito na less severe disease, less hospitalizations, less in hospital deaths, less ICU admissions at mas bawas ang tagal sa ospital kung ikukumpara ito sa Delta variant.

Ang Department of Health at ang ating mga expert groups ay patuloy na nag-a-update alinsunod sa mga bagong ebidensiya na lumalabas.

Base sa datos at siyensiya, ang DOH, kasama ang ating mga eksperto sa COVID-19 response ay nag-propose ng specific actions para sa kasalukuyang konteksto ng Omicron variant. Tuloy pa rin po ang pagsunod sa ating Prevent, Detect, Isolate and Quarantine, Test, Treat and Reintegrate framework kung saan ang focus po natin ay nasa prevention kasama ang mask, hugas, iwas, airflow strategy. Gawing available ang mga treatment at pabilisin ang pagbabakuna lalung-lalo na po sa ating mga vulnerable sa ating populasyon.

Ang pag-uusapan po natin ngayon ay ang mga updates sa polisiya at quarantine, isolation at testing. Ang pag-update ng ating mga rekomendasyon ay kinakailangan dahil sa mga sumusunod: Ang mga pagkakaiba-iba ng ating mga guidelines para sa quarantine and isolation ng ating mga travelers, ng ating general public at ang mga specific na sektor tulad ng health care workers ay ikinakalito ng ilan. Pinapakita rin kanina na ayon sa ebidensiya, napupuna natin ang patuloy na pagtaas ng kaso at karamihan sa mga ito ay mild at asymptomatic kung saan nakikita na po natin ang proteksiyon na dala ng ating mga bakuna laban sa malubhang sakit at pagkakamatay.

Karamihan sa mga ebidensiya sa Omicron variant ay nagpapakita na ang presentasyon nito ay milder than the Delta variant. Ang mahahabang quarantine at isolation ay nagbibigay ng karagdagang paghihirap sa ating healthcare system at ekonomiya. At ayon sa ating mga eksperto, naniniwala sila na para sa Omicron variant, ang benepisyo ng pagpapaiksi ng quarantine ay mas matimbang kung ikukumpara ito sa mga risk na puwedeng mangyari. Consistent din sa global practices ang pag-a-update ng ating mga quarantine and isolation protocols.

Habang ang US CDC ang pinaka-agresibo sa pagbabago ng kanilang isolation at quarantine periods ng limang araw na lamang, nakikita po natin sa ibang bansa ang pagbabago rin mula sa 14 days, naibaba sa seven to ten days. Ang updated policy ng Pilipinas ay sinusubukang hanapin ang katanggap-tanggap na standards ayon din sa ating konteksto upang mas maging flexible sa iba’t ibang grupo at sektor kung saan mapapanatili po natin ang pag-implement nang wastong infection prevention and control procedures.

Ayon sa mga konsiderasyon na aming naipresinta, ito po ang magiging updated policies natin: Ang isolation period para sa mga indibidwal na may sintomas, asymptomatic at mild cases ay magiging pitong araw mula sa pagsimula ng sintomas para sa lahat ng fully vaccinated individuals. Ang sampung araw ay pananatilihin para sa mga partially or unvaccinated at para sa may mga moderate symptoms regardless of their vaccination status.

Ang hospital infection prevention and control committees o ang mga provincial health offices o mga municipal health offices at city health offices ay maaaring paiksiin ang isolation ng fully vaccinated individuals or healthcare workers na may boosters hanggang limang araw habang kinukonsidera ang maingat na assessment ng benepisyo nito. Isinasama rin po natin ang ibang sektor kung saan dapat panatilihin ang strict industry standards on infection prevention and control subject po sa approval ng IATF.

Ang isolation po ay pananatilihin nating 21 days para sa mga may severe at critical disease at para sa mga immunocompromised individuals ayon sa ating living COVID-19 CPG panel na pinapakita po natin ngayon sa slide na ito. Pinapaalalahanan po natin ang lahat na kailangan may dalawampu’t apat na oras na wala na kayong lagnat na hindi po kayo gumagamit ng kahit na anumang gamot at dapat gumaling na rin po ang inyong sintomas bago lumabas sa isolation kahit na mas matagal ito sa nakatakdang bilang ng araw sa polisiya.

Para naman po sa quarantine ng mga asymptomatic close contacts, iyong mga walang sintomas: Ang updates po natin ay mula pitong araw, limang araw po para sa fully vaccinated ang quarantine; labing-apat na araw pa rin para sa mga unvaccinated o hindi pa kumpleto ang kanilang mga bakuna. Lahat po ay pinapaalalahanan na patuloy na mag-monitor ng kanilang sintomas, magsuot ng mask at sumunod sa ating minimum public health standards hanggang sa labing apat na araw.

Para sa ating close contacts na nasa quarantine, kumonsulta po tayo sa doktor, magpa-test lamang kung nag-develop na ng sintomas habang kayo ay nasa quarantine.

Para naman sa quarantine ng ating mga health care workers na kabilang sa ating asymptomatic close contacts, atin na pong pinag-iisa ang polisiya ng quarantine para sa general public at health care workers – limang araw para sa fully vaccinated asymptomatic close contacts. Ngunit ang ating mga hospital infection prevention and control committees ay binigyan ng authorization na iksian ang quarantine para sa mga health care workers na may boosters batay sa kanilang risk at benefits.

Para naman po sa update sa ating testing protocols: Para sa mga A1 or health care workers, A2 o senior citizens at A3 para sa mga taong may comorbidities, ang ating testing ay inirirekomenda na i-prioritize sa mga sitwasyon na ang testing ay makakaapekto sa ibibigay na medical management. Ang mga bagong gamot para sa COVID ay binibigay sa mga taong may matataas na posibilidad na maging severe ang sintomas at maospital – ito ay ang ating mga senior citizens at ibang kapwa Pilipino na may sakit o comorbidities.

Prayoridad din po natin ang ating health care workers na nagbibigay nang angkop na medical management habang nasisiguro natin na sapat ang capacity ng ating health care system sa pamamagitan po ng ating pagsasagawa ng surveillance through testing.

Para naman sa komunidad o hindi kabilang sa priority groups na aking nabanggit, pinapaalala po natin na pareho po ang aksiyon at management sa taong may exposure at may sintomas o tawag natin ngayon sa kanila “probable COVID” po. Kapag hindi po kayo na-test ngunit mayroon kayong sintomas, we now classify you as a probable COVID-19 kumpara po dito sa na-test. Lahat sila po ay dapat na mag-quarantine at mag-isolate agad may test man o wala.

So inuulit po natin, management for both those with symptoms at iyong may mga may sintomas na nakapag-test at walang test ay pareho lamang po. Regardless sa test result, pareho rin po ang gagawin natin – we will isolate them or we will quarantine them if they had been exposed.

Para naman po sa mga walang sintomas pero na-expose sa taong may sintomas, tested man o hindi, kailangan limitahan po natin ang movement at mag-quarantine at patuloy na mag-monitor ng sintomas hanggang labing apat na araw.

Para naman po sa mga may sintomas, agarang mag-isolate para po hindi kayo makapanghawa. Maaring gawin sa bahay kapag mayroon po kayong kuwarto at CR o espasyo sa bahay at magkonsulta gamit ng ating teleconsultation para mabigyan po kayo nang tamang payo ng ating mga health care professionals.

Sa kabuuan, ang ating polisiya at guidelines sa testing, quarantine at isolation ay ina-update sa kasalukuyang estado ng impormasyon ukol sa COVID-19 at mga bakuna dahil ang ating mass vaccination program ay higit na nakapagbigay ng proteksiyon laban sa risk na magkaroon ng malubhang COVID at pagkamatay.

Sa mabilis na transmission at pagkakahawa-hawa dulot ng Omicron variant, ating isinasabay ang ating mga polisiya upang patuloy na makapagbigay-serbisyo ang ating health care system at ibang essential services.

Ngayon po may dagdag proteksiyon tayo kontra COVID – ang mga bakuna na nagbibigay-proteksiyon sa malubhang sakit at ang mga bagong gamot para sa mga at risk at hindi pa bakunado.

Sa harap ng tumataas ng kaso ng COVID, ang kasalukuyang siyensya ng benefits ng pagbabakuna sa harap ng Omicron variant, tayo po ay kumpiyansa na sabihin na iklian ang isolation at quarantine period para sa fully vaccinated, i-prioritize ang testing base sa payo ng ating doktor para sa angkop na medical management.

Bagama’t nagdudulot nang mas maikling infectivity at milder disease para sa fully vaccinated at boosted, atin pong pinapaalala sa ating mga kababayan ang pagsunod sa ating minimum public health standards – mask, iwas, hugas, airflow – upang maiwasan ang pagkakahawa-hawa na nagdudulot pa rin ng mga bagong variants.

Maraming salamat po and over to you, CabSec.

CABSEC NOGRALES: Maraming salamat, Usec. Vergeire. At tumungo naman po tayo kay Usec. Rocky para sa mga katanungan mula sa Malacañang Press Corps.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Sec. Karlo, and kay Usec. Vergeire at sa MPC.

Sir, unahin ko na ang question ni Leila Salaverria ng Inquirer: Bakit po ni-lift ang travel ban? What was the reason for the decision to allow entry of travellers from red list countries?

CABSEC NOGRALES: From red list countries, remember noong nilagay natin iyong travel ban na iyon ay binabantayan natin, again with the 4-door policy natin ‘no, 4-door protection policy natin, binabantayan natin iyong pagpasok noong Omicron ‘no, that’s number one.

And number two, dahil nga po mayroon na po tayong cases ng Omicron at marami po tayong mga kababayan, halimbawa na nasa red list countries na gusto nang umuwi, at base sa dati nating protocols kailangan po ng bayanihan flights para sila ay makauwi.

And knowing the reality on the ground na marami sa kanila ang naghihintay ano iyong magiging desisyon natin from January 16 onwards, taking all of these into consideration plus the fact na ‘pag sila naman po ay mula sa red list countries, ‘pag umuwi po sila dito sa atin at sumunod strictly doon sa ating quarantine protocols para sa red list, then we are assured naman na mas mababantayan natin na kung positive man sila ‘no if ever, then we can make sure na before we let them out of isolation or quarantine, then we’re sure na wala na silang dala na COVID—magiging negative na sila sa COVID. Plus mayroon pa tayong 48-hour ‘no from 72 hours ginawa nating 48-hour RT-PCR test result na negative before boarding.

So all of these taken into consideration, nagkaroon po ng desisyon ang IATF na itong mga kababayan natin na mula sa red list countries ay payagan na nating umuwi, bumalik dito without the need for bayanihan flight.

USEC. IGNACIO: Thank you, Sec. Karlo. Susunod pong tanong mula kay Haydee Sampang ng FEBC: May sagot na ba daw ang Palace sa open letter ni Dr. Leachon addressed to President Duterte?

CABSEC NOGRALES: May I refer the question to Usec. Vergeire?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, CabSec. and Usec. Rocky ‘no. So as to the letter of Dr. Tony Leachon to our President, unang-una po katulad po ni Dr. Leachon, kami po sa national government bina-value po namin ang health care workers – katulad ninyo rin po, ganoon din po kami. Kung ano po ang pagtingin ninyo sa health care workers, ang national government doble pa ho – binibigay po natin lahat ng benepisyo at lahat ng paraan para maproteksiyunan po natin sila.

With these updated protocols, we are not issuing a policy to give more harm or to give harm to our health care workers or to our patients. Ito po ay base sa siyensya, ito po ay para sa ating mga kababayan at para po sa ating mga pasyente to preserve our health care system based on science. And also, this is also to protect our resources para po tayo ay makapagtuluy-tuloy na makapagbigay ng serbisyo para sa ating mga kababayan.

As to iyong mga benepisyo po ng ating health care workers, the national government has been providing the benefits. We have released funds already at lahat ng ito po para sa proteksiyon at benepisyo ng ating mga health care workers.

USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire. From Maricel Halili ng TV-5: Professor Jimenez of the University of Colorado said that the Philippines should let go of face shields and flexi glass barriers because these are useless and waste of money. He said health workers should wear laboratory goggles because COVID is nearly airborne. Is this something that you have already discussed in the IATF? Will you let go of face shields and barriers? To Usec. Vergeire.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So hindi naman po natin talaga kahit kailan binago ang ating PPE protocols ng ating mga healthcare workers na nagtatrabaho sa ospital; kung ano po ‘yung goggles na kanila pong sinusuot simula’t simula pa to protect them, iyon pa rin po ang kanilang sinusuot. Ito pong face shields, noong atin pong naipatupad, ito po ay para sa general public at sa mga health care workers na nagtatrabaho sa komunidad.

Ngayon ito pong face shields ay napag-usapan na po’t naresolba na sa IATF na gagamitin lamang kapag Alert Level 4. This will be based on the discretion of establishments and local governments. And kapag Alert Level 5, it’s going to be mandatory.

Now as to barriers in the different schools and different establishments, nakapagbigay-abiso na rin po tayo na kailangan iyon pong appropriate na barrier ang ginagamit – hindi po ‘yung sinasabi natin, nag-cite na tayo ng instances where it will cause more harm than good.

So ito po ay minu-monitor natin sa ngayon but definitely ito pong mga solusyon o kaya rekomendasyon ay of course we’re taking note of that. But I just like to reiterate, mayroon na ho tayong polisiya sa face shields at iyong mga barriers po, mayroon na rin po tayong monitoring and advisories to all of our sectors.

USEC. IGNACIO: Thank you, Usec. Vergeire. Secretary Karlo, from Alvin Elchico—and to Usec. Vergeire na rin po, Alvin Elchico ng ABS-CBN: Ano po ang reaksiyon ninyo sa reklamo ng returning Filipinos at OFW na sobrang bagal daw po aksiyon ng BOQ sa proseso ng paglilipat sa quarantine; kumusta ang test ng mga ito since may pagbagal din ng pagkuha ng resulta? Similar question po with Ian Cruz ng GMA News.

CABSEC NOGRALES: In-announce na po natin kanina sa opening statement natin na pinapayagan na po natin iyong recommendation ng Department of Tourism na for quarantine hotels to also function as isolation facility ‘no. Kasi iyong dati nating protocols naka-quarantine ‘no following the protocols for quarantining of international arriving passengers pero ‘pag nag-positive, nililipat natin mula quarantine to a separate isolation facility.

So with the meeting and the approval of the IATF, mayroon na po tayong panibagong resolution that allows quarantine hotels to also have isolation floors para sa ganoon hindi na po palipat-lipat iyong naka-quarantine na ROF or ‘di kaya OFW from one quarantine facility to an isolation facility.

The same kung papayagan ng DOT, kung papayagan ng ating BOQ, some quarantine hotel facilities can have isolation floors exclusive para sa mga nagpa-positive so hindi na siya palipat-lipat from one building to a different building.

Then doon sa ano, ang ginagawa rin po natin sa mga RT-PCR tests for ROFs at OFWs is we continue to increase the number of labs na ia-accredit at we continue to manage also iyong speed and efficiency ng ating mga laboratoryo sa paglalabas nila ng mga test results ng RT-PCR.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Sec. Karlo. May follow up lang po si Ian Cruz ng GMA News: Malaki na rin daw po iyong babayaran nila sa hotel – siguro ito po ‘yung returning Filipinos – dahil sa extended stay, ano po ang policy dito?

CABSEC NOGRALES: Well, wala tayong choice kung positive at kung positive, we have protocols. Siyempre we have to manage ‘no at depende nga po ‘yan sa protocols on how to manage iyong sa positive. Mayroon po tayong—tsini-check of course natin at hindi natin iri-release until may assessment na po na negative na siya or cleared na siya ‘no for release. Siyempre nauunawaan siguro ng ating mga kababayan na habang naka-positive pa sa RT-PCR ay hindi naman po talaga natin puwedeng i-release iyong mga ‘yan.

Now we’ve also updated the protocols for the green list countries. Kung nakikita ninyo po as announced kanina sa ating opening statement, kung galing pong green list at fully vaccinated – 48 hours na lang po… negative RT-PCR 48 hours prior to boarding, prior to departure and then no longer iyong mandatory facility-based quarantine for fully vaccinated mula sa green list ‘no. And we’ve also updated the protocols also for the yellow and red list. So ginagawa natin ito para rin po responsibly ma-manage din po natin ang ating mga quarantine facilities.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Sec. Karlo. Ang susunod pong magtatanong via Zoom, si Mela Lesmoras ng PTV.

MELA LESMORAS/PTV4: Hi! Good afternoon, Secretary Nograles, Usec. Vergeire at Usec. Rocky. Secretary Nograles, unahin ko lang po iyong info mula sa IATF meeting ninyo kahapon. Napag-usapan din po ba itong shorter quarantine period at aprubado na rin po ba ito ng IATF? And then, pagdating po sa alert level system, bakit po pinanatili ng IATF sa Alert Level 3 ang NCR?

CABSEC NOGRALES: Iyong sa shorter quarantine facility, iyan po iyong presentation kanina ni Usec. Vergeire ‘no. Again, iyong sa shortened quarantine period it is limited to health care workers. And again, I’d like to emphasize na dumadaan pa iyan sa committee, iyong shortened quarantine. In the same manner, sa aviation sector, napagdesisyunan din po namin na ganoon din po na maaaring magkaroon ng shortened quarantine period based on several metrics or several conditions. At kapag na-fulfill lamang iyong several conditions na iyan, doon lamang po natin papayagan but, again, mayroong committee that will make that assessment and if kinakailangan ba talaga.

So, again, hindi iyan basta-basta. For the health care workers, dadaan pa iyan sa isang committee sa ospital; for the aviation sector, may bubuuin ang DOTr na committee na siyang magdidesisyon based on need and based obviously on the safety ‘no. And again, iyong committee na iyan should be composed of infectious disease specialists, so it will always be based on science and data and evidence – health evidence.

Siguro may idadagdag si Usec. Vergeire doon.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes po ‘no. So tama po iyong sinabi ni CabSec, napag-usapan naman po sa IATF. Actually, the objective of presenting to IATF yesterday was for us to align ‘no sa lahat po ng ahensiya ng gobyerno kung anuman po itong updated protocols natin, maipatupad po natin uniformly at wala po tayong mga contradictions doon po sa iba’t ibang polisiya na mayroon.

So isa po iyan sa isang malawakang pag-uusap kahapon sa IATF. At napagkasunduan naman po na base sa siyensiya at ebidensiya, ito po ay kailangan ng ating bansa.

MELA LESMORAS/PTV4: So ito po ay approved na, tama po ba?

DOH USEC. VERGEIRE: It was adopted by IATF. But the policy will be issued by the Department of Health, ma’am.

CABSEC NOGRALES: Okay. Then sa tanong ni Mela about Alert Level 3 for Metro Manila – yes! Again, binabantayan namin ang Metro Manila in terms of iyong bed utilization. At kagaya ng lagi naming sinasabi, kapag tumama po iyan sa 71%, then that’s when it would be right to elevate Metro Manila to Alert Level 4. But obviously, that’s something that we must be able to manage na sana nga po ay hindi tayo pupunta doon sa Alert Level 4. Iniiwasan natin ang Alert Level 4 because that would mean na ang healthcare utilization rate natin ay mataas.

So we are now managing our bed utilization rate by ensuring na iyong nandoon lamang sa hospitals are those who are in critical need, who are severe COVID cases; those with comorbidities; those who are vulnerable; those who are elderly. Iyong mga mild lalo na iyong asymptomatic na puwedeng mag-isolate at home at ma-manage natin through telemedicine, we have to manage it there. Kapag hindi naman angkop iyong bahay, we have to bring them to TTMFs ‘no, temporary treatment and monitoring facilities or itong mga isolation facilities natin, dito natin sila ima-manage para iyong ating hospitals beds should be reserved only to those who need it most which are severe, critical cases and iyong vulnerable – those with comorbidities and the elderly.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And, Usec. Vergeire, tanong lang po ni Mark Fetalco, my colleague in PTV: Sabi po ng OCTA, maaaring nasa peak na raw ng surge ng COVID-19 sa NCR. At may mga lugar din daw po na nasa early stage ng surge habang may mga highly urbanized cities po ang accelerating on, matured ang surge. Do we share the same observation daw po sa DOH? At ano na po ang mga hakbang ng DOH para nga mapigilan na iyong pagtaas ng mga kaso ng COVID-19?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. So unang-una, hindi po namin nari-recognize ‘no itong mga terms na matured surge and the other terms that had been used. Ang alam po natin at gusto nating iparating sa ating publiko, patuloy pong tumataas ang ating mga kaso not just in NCR. Nakakapansin na po tayo ng pagtaas sa ibang lugar katulad po nang naipresinta kanina ni Cabinet Secretary Nograles, mayroon na ho tayong mga ibang areas that we have escalated to Alert Level 3 dahil tumataas po ang mga kaso sa kanilang lugar. And similar to the trends when NCR started to have this increase in cases, ganoon din po iyong nangyayari sa kanila. Mayroon pong doubling time na mabilis at iyon pong pagtaas talaga ay biglaan.

So we are seeing na minu-monitor po nating maigi iyan, iyang mga lugar na iyan at tama naman po na talagang kailangan po ‘no na makita po natin ang ibang mga areas na talagang mayroon nang angking pagtaas ng kaso.

Ngayon, ito pong sinasabing peak ng mga kaso, base po sa projections na ginagawa ng ating mga eksperto, ang peak po ng mga kaso, katulad ng aming sinasabi, it’s not going to happen soon. Sa atin pong projections na naipakita sa amin kahapon sa IATF ng ating experts, it’s going to happen towards the end of January or even as late as second week of February. So ito pong mga kaso, patuloy pa rin hong tataas kaya po lahat tayo ay mag-iingat; lahat po tayo ay magpabakuna na kung eligible na para po makatulong tayo na hindi natin maabot iyong mga projections na ipinapakita sa atin ngayon ng mga numero at ng ating mga eksperto.

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. At panghuli na lamang, Usec. Vergeire, tanong pa rin ni Mark Fetalco: Ano raw po ang reaksiyon ng Department of Health sa hiling na health break sa mga eskuwelahan at ang ilang LGUs nga ay nagdideklara na rin ng health break kung saan sinususpinde ang klase even online classes?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, prerogative naman po iyan ng mga local governments ‘no because they are mandated to protect the health of their constituents. Kung nakikita po nilang mataas po ang kaso sa kanilang mga lugar, nakikita po nila na pati po ang mga kabataan na kasama po doon sa nag-aaral ng mga online ay naapektuhan nito pong pagtaas ng kaso sa ating bansa, they have that authority to do that. Maybe si CabSec must better to answer that, Ma’am.

MELA LESMORAS/PTV4: Yes po.

CABSEC NOGRALES: Yes, I agree with Usec. Rosette, at siyempre ina-asses iyan ng mga LGUs at it really depends on their assessment of the LGUs sa kani-kanilang mga localities. Kahit iyong mga online classes naman po, hindi naman po ibig sabihin na hindi sila apektado ‘no because even those who need to do online maaari pong mayroon sa kanila na who have tested positive. Those are the realities on the ground which have to be assessed particularly ng mga LGUs sa kani-kanilang mga lugar.

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Salamat po, Secretary Nograles, Usec. Vergeire at Usec. Rocky.

CABSEC NOGRALES: Thank you, Mela. Back to you, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Sec. Karlo, mayroon lang pong follow up para kay Usec. Vergeire si Sandro Ochona ng ABS-CBN: A lot of government hospitals daw po are reporting incidental COVID. Meaning, patients being brought to hospitals for other sickness but when tested would turn out to be COVID positive as well. How is the DOH addressing this?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, unang-una, kasama naman po iyan sa niri-report natin. Gusto po nating ipaalam sa ating mga kababayan na kinukumpara natin ang sitwasyon natin ngayon at iyong sitwasyon natin noong mayroon po tayong Delta na sitwasyon na tumaas ang mga kaso noong July hanggang October of 2021. Ngayon po napapansin natin na mas madami po ang incidental COVID-19 cases. Ibig sabihin, mga individuals o pasyente na pupunta sa ospital dahil sa ibang kundisyon. Halimbawa, acute appendicitis; halimbawa po naaksidente o kaya ay inatake sa puso nguni’t kapag ini-screen sila ng ospital, nagpa-positive sila sa COVID-19.

Sa atin po ngayon na gustong ipaalam sa ating mga kababayan na during the Delta experience, mas maraming pumupunta sa ospital really because of COVID and pneumonia. Kaya nakikita ho natin iyong less severe manifestations nito pong variant ng Omicron and of course, mataas kasi ang bakunahan. Paano po natin ina-address ito? Siyempre kasama po sila sa ating mga case counts natin sa ospital at mina-manage po natin sila. Iyon pong ating pagpasok na mga admissions natin for non-COVID related ay ayon pa rin naman po doon sa trends na mayroon tayo na papasok sa ospital because of non-COVID cases. So nakahanda naman po ang ating mga hospital both COVID-related; and incidental COVID are all being managed.

USEC. IGNACIO: Thank you, USec. Vergeire. Sec. Karlo from Jo Montemayor ng Malaya: May we ask for the Palace comment daw po on Comelec’s decision denying PDP-Laban Cusi factions petition to reopen the filing of COCs?

CABSEC NOGRALES: Well, we’ll leave it up to PDP-Laban as a party to decide their next course of action. As I know it, it was a question of law presented by PDP-Laban to Comelec at may kasagutan na nga po ang Comelec sa kanila. So it has answered a question of law at nasa partido na po ng PDP-Laban, if any kung ano ang magiging next step nila pagkatapos po niyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Jo Montemayor: Palace comment daw po on the US Department, Bureau of Oceans and International Environmental and Scientific Affairs report that said that China had no basis under International Law for its claims in the South China Sea?

CABSEC NOGRALES: Well, the Philippines continue and we will continue to assert our sovereignty, our sovereign rights and our jurisdiction over our territories and you have to remember, na mayroon na tayong pinanghahawakan din na Arbitral Ruling ‘no.

So, patuloy po ay iyong pag-a-assert natin ng ating sovereignty, sovereign rights and jurisdiction sa lahat ng ating territories.

USEC. IGNACIO: Third question po ni Jo Montemayor: Comment daw po ng Palace on reports that government has yet to respond to the request of the UN Special Rapporteurs for information on killings of five human rights defenders in March 2021?

CABSEC NOGRALES: Nagpalabas na po ng statement ang ating Department of Justice ‘no and DOJ statement—by the way, the DOJ is the chair agency ng Admin Order Number 35, Series of 2012, ito po iyong ating inter-agency committee on extra-legal killings, enforced disappearances, torture and other grave violations of the right to life, liberty and security of persons.

So, iyong updates po ng DOJ tungkol diyan, relative to the case of Mr. Asuncion, ito po si Emmanuel ‘Manny’ Asuncion. Ang special investigation team ng AO35 has already filed a complaint against erring police officers and personnel before the City Prosecutor or Dasmariñas City, Cavite. Relative to the case of Mr. [Mark] Bacasno and [Melvin] Dasigao Iyong special investigation team has been directed ‘no since last month pa to undertake the filing of appropriate complaint relative to the death of Mr. Dasigao while case build up relative to the death of Mr. Bacasno is continuing until all relevant and necessary evidence has been gathered.

Doon naman po relative to the case of spouses of Evangelista, the same special investigation team has concluded a final report with the recommendations for the filing of a complaint for murder against 17 PNP offices and personnel. The DOJ would also like to thank the NBI, ang National Bureau of Investigation for their assistance and diligence sa investigation at case build up para sa mga kaso na ito and the assurance of the DOJ that our internal accountability mechanisms are working.

USEC. IGNACIO: Thank you, Sec. Karlo. Ang susunod pong magtatanong ay si Trish Terada ng CNN Philippines via Zoom.

TRICIAH TERADA/CNN PHIL: Good afternoon, Secretary Karlo, USec. Rocky and Usec. Vergeire.

Sir, first question lang po tungkol po doon sa travel ban, i-clarify ko lang, iyong travel ban was lifted for Filipino passengers returning to the Philippines or kasama na rin po dito international travelers. Ibig sabihin, puwede na rin po iyong people travelling for tourism purposes. Is that correct?

CABSEC NOGRALES: Ay no po. Ang tourism purposes natin is not yet—we have not yet allowed that. If you would remember noong December sana, papayagan na po sana natin iyong tourism related travel into the Philippines by international tourists coming from green list countries. At that was suspended. There was a previous resolution ng IATF dapat beginning December last year 2021, December 2021, but that was suspended and so, iyon pa rin po ang status po natin.

Iyong ni-lift lang po natin iyong dating resolution natin na prohibiting the entry of international passengers coming from red list, except if Filipinos via Bayanihan flights, ito iyong mga government and non-government repatriation flights. But because the IATF met about it and discussed about it lengthily yesterday, napagdesisyunan na kahit sa mga red list countries na mga Filipinos we will now allow them to come in as long as they comply with the red list protocols. So, hindi na kailangang maghintay ng Bayanihan flights ang ating mga kababayan mula sa red list countries.

TRICIAH TERADA/CNN PHIL: So, technically, sir, mayroon pa rin pong travel ban on foreign tourists. Tama po?

CABSEC NOGRALES: Tama po, hindi pa po natin binubuksan ang ating bansa to international tourists.

TRICIAH TERADA/CNN PHIL: Sir, second question na lang po. How is the government making sure that the infection won’t spread out doon po sa mga probinsya considering iyong low vaccination rates and considering po for example in typhoon-stricken areas na magkakasama sila in evacuation center because in the past, sir, iyong data natin would show that kapag halimbawa iyong cases nagdie-down na in Metro Manila, it tends to increase in other provinces. Ano po iyong ginagawa natin to make sure na hindi mag-i-spread iyong infection or kung hindi po maiiwasan, paano po hinahanda iyong healthcare system especially in communities na mahirap po iyong access to healthcare resources?

CABSEC NOGRALES: Well, we continue to ramp up iyong PDITR strategies natin sa mga areas outside of NCR, that is to say also that we are ramping up naman our PDITR also in NCR Plus areas. But specially doon sa labas ng NCR, nira-ramp up natin iyong PDITR natin ‘no, plus iyong vaccination, iyon iyong ating strategies diyan. So, again PDITR stands for prevention. So you will have certain LGUs that now are implementing a… dapat mayroon silang RT-PCR testing, negative test ‘no. Some LGUs have already implemented that ‘no.

Then of course iyong detection natin, we are pushing for more laboratories outside of NCR Plus areas to increase more laboratories, to increase also our testing capabilities doon sa mga different regions ‘no. Binabantayan din natin iyong mga isolation facilities natin. We keep on reminding our LGUs to continue operationalizing and keeping functional iyong kanilang mga TTMFs while we also encourage also the hospitals in the regions to increase and be ready for any surge and increase their allocated ICU beds for COVID as well as mga isolation and ward beds for COVID ‘no, and then of course iyong treatment and reintegration strategies plus again the vaccination.

So we are now concentrating vaccination doon sa other areas as well so that we can protect them again severe COVID. Tapos doon naman sa mga sa mga evacuation centers nakabantay rin naman ang ating mga LGUs na … that they also continue to exercise iyong mask, hugas, iwas. And then the NVOC is also pushing for more vaccinations doon sa mga nandoon sa mga evacuation sites, if possible, also to conduct vaccinations also in evacuation sites.

TRICIAH TERADA/CNN PHIL: But, sir, at the rate, is the government confident that our healthcare capacity systems outside of Metro Manila can handle a possible surge in areas outside of Metro Manila?

CABSEC NOGRALES: Well, two things ‘no. Number one, we really have to ramp-up. We really have to ramp-up ang vaccination rates natin, NCR+ and outside NCR+.

And number two, we have new weapons right now in our arsenal and that is the anti-viral medicines which is why ang magandang balita, ang FDA has already approved iyong Bexovid and then of course iyong Molnupiravir has already been approved by the FDA and there are other anti-viral drugs also in our arsenal that would help decrease the probability of mild and moderate cases of COVID going into severe and critical.

So, those are new elements in this fight against COVID, plus the fact that the data nga shows that if you’re fully vaccinated and then boosted pa, then mas maliit ang chances ‘no na you will go to severe and critical case especially with Omicron.

Usec. Rosette, you want to add anything?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, CabSec. Actually, I just like to make mention na we cannot prevent the spread, iyong ma-confine lang siya sa NCR as with our situation during the Delta experience noong tumaas po sa NCR ang mga kaso, after two to three weeks, we saw the increase in cases in the other regions of the country.

So, what have we done, katulad po ng lahat ng sinabi po ni CabSec na ginagawa na po iyan, ang isa pa hong pinaka-importante, iyong guidance po galing doon sa projections na nagawa po ng ating mga eksperto. Nakapag-project po iyong ating mga eksperto base po doon sa assumptions na ginamit nila, ilan iyong magiging severe and critical in the coming days and this is what we are going to instruct now all of our hospitals in all of the regions in the country kung ilan ang dapat na prepared nila na ICU beds.

If you remember, during the experience with Delta, we implemented the accordion policy kung saan ang mga ospital nakakapag-convert sila ng mga isolation beds nila into ICU beds. So, iyon po iyong instruction ngayon ng ating Secretary of Health, nina Secretary Nograles and Secretary Galvez, sa ating mga ospital para makapag-prepare properly kung saka-sakali talagang tumaas na rin po ang mga kaso sa ibang lugar sa bansa.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, Usec. Vergeire. One last po, may Talk to the People po ba tonight?

CABSEC NOGRALES: No word yet. No word yet from the Palace.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you very much, Sec. Karlo, Usec. Vergeire, and Usec. Rocky.

CABSEC NOGRALES: Thank you, Trish. Back to, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Sec. Karlo, tanong po mula kay Joel Ramirez of Regional News Group: Five areas lang in Mindanao ang declared under Alert Level 3 pero nag-declare daw po si Governor Edwin Jubahib kahapon placing the Province of Davao del Norte under Alert Level 3 starting today until January 31st citing proactive measures due to the province’s close proximity to the City of Davao which is experiencing rising COVID cases. In-encourage ba ng IATF ang other areas to elevate their own alert status if they deem it necessary lalo na ang mga katabi ng Davao?

CABSEC NOGRALES: Well, ang protocols po natin, number one, kailangan po may pahintulot at coordination with the Regional IATF ‘no, that’s the first condition.

The second condition, puwede naman pong mag-granular lockdown ang isang province but by the word itself when you say granular, it has to be a number or series of municipalities halimbawa ‘no.

So, kung governor siya, puwede po siyang mag-granular lockdown doon sa mga munisipyo na under sa probinsiya, but again, there has to be coordination with the Regional IATF. Perhaps we will relay this information to our DILG for the DILG to communicate with Governor of Davao del Norte with regard to this pronouncement ni Gov. Jubahib.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you. Iyon pong susunod na tanong mula kay Llanesca Panti ng GMA News Online, pareho po sila ng tanong ni Red Mendoza ng Manila Times and MJ Blancaflor ng Daily Tribune about doon sa concern daw po ng Philippine College of Physicians asking IATF to reconsider [the policy on] shorter isolation period for the general public since they don’t have access to tight-fitting mask and a COVID-19 affected person can still transmit the virus.

CABSEC NOGRALES: Wala naman po kaming—Iyong general public po na [unclear] ni Usec. Rosette Vergeire, that is the rule ‘no, so, what is the – I think the concern is gusto niyang—

USEC. IGNACIO: IATF to reconsider.

CABSEC NOGRALES: Reconsider?

USEC. IGNACIO: Opo, reconsider shorter isolation period for general public since they don’t have access to a tight-fitting mask and a COVID-19 infected person can still transmit the virus six to ten days from onset of symptoms. Would the IATF daw po heed its call?

CABSEC NOGRALES: Let’s ask Usec. Rosette Vergeire ‘no kasi I think iyong worry nila iyong palabasin tapos nakaka-infect pa. But you know, this was vetted by our health experts. Usec. Rosette?

DOH USEC. VERGEIRE: Ah, yes po ‘no, sir. So, Usec. Rocky, base po doon sa—iyon pong article na pinagbabasehan po niyan ano ay napagdiskusyunan na rin po with our health experts kaninang umaga kung saan may lumabas nga na article na sinasabi just that ‘no.

Ang sinasabi po ng ating mga experts, hindi naman ho natin tinatanggal sa ating mga local government implementors iyong authority to assess ‘no iyon pong kanilang mga individuals na isolated.

Halimbawa iyong mga tao are still showing symptoms on those numbers of days na sinabi natin, pitong araw, that’s the assessment of the doctor in the local government and then we extend a little more the isolation.

We said in our policy, it’s the minimum of days. So maybe 7 to 10 days depende sa sintomas ng mga tao, depende sa sitwasyon sa lugar maari naman po ‘yan. Pero ang sinasabi lang natin for uniformity and as a general principle, we are shortening the duration of isolation.

Let us all remember that aside from that article that they are citing, there are also more articles citing na ang isang tao po infected right now specifically ‘no, especially if you are having the Omicron variant, it takes 3 to 6 days po and then the virus load goes down. So iyan po ang isang malaking pinagbabasehan ng ating mga polisiya.

And let me just remind everybody, even though we shortened our isolation, nakalagay po sa ating polisiya at inaabiso natin sa lahat, you still need to continue to practice your minimum public health standards – and that includes wearing of your mask all the time and it should be appropriately fitted especially in the community.

So iyon lang po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyon pong tanong ni Carolyn Bonquin ng CNN Philippines nasagot ninyo na, Usec. Vergeire, sa presentation ninyo. Iyong second and third ganoon din po.

From Leila Salaverria na lang po: May we get an update on the plan to include antigen test result in the official case count? Will this be done and why are they still not included in the official tally even if antigen tests are already widely used? Similar question po ‘yan ni Red Mendoza ng Manila Times.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, ‘no. So simula’t sapul naman po, tayo po ay nakapag bigay na ng abiso at instructions sa ating local governments to submit reports to the Department of Health. We started issuing out the policy and the template during the time that there was this Delta experience. At alam natin pinagamit na po natin ang antigen para sa active case finding sa ating komunidad. Unfortunately, the compliance to these submissions had been low.

Sa ngayon po, we have gathered our data from the start of April of 2021 hanggang January 8, ang atin pong total submissions pa lang ng gumagamit ng antigen is 1,168,801. Out of these, more than 1 million use of antigen, about 30% were positive. It’s about 117,000 and out of these 117,000 upon further review of our team, only 30% was qualified as really confirmed positive because most of this use were used among asymptomatic and they were using it for screening individuals.

So sa ngayon po, gusto lang natin ipaalam sa lahat, let’s use the test appropriate time and appropriate use so that we can be able to have accurate results and we can include it doon po sa reported cases natin. So kasama po ‘yan sa gusto nating gawin in the coming days. Mayroon na ho tayong sini-setup na sistema kung saan kahit po ‘yung mga nasa bahay maaari na pong mag-log in; ipapasok lang ho nila iyong gamit nila ng test at kung ano po ‘yung kanilang resulta. And this will be anonymised so that we can just get the numbers ‘no of those using antigen tests.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Usec. Vergeire. Sec. Karlo, magla-last question na po ako: Palace reaction daw po about sa 1.7 million government workers to receive pay hike. From Trish Terada ng CNN Philippines.

CABSEC NOGRALES: Pay hike? We’ll ask DBM about that.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Sec. Karlo. Thank you, Usec. Vergeire. Salamat po sa MPC.

CABSEC NOGRALES: Thank you Usec. Rocky at maraming salamat, Usec. Rosette Vergeire.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po.

CABSEC NOGRALES: Mga kababayan, ang sabi is dangerous especially for the unvaccinated, mapanganib lalo na sa mga hindi bakunado – ganito po inilarawan ng World Health Organization ang Omicron, “Dangerous especially for the unvaccinated,” kaya huwag po tayong magpakakampante.

Ang obserbasyon na hindi malala ang sintomas o iyong sinasabi iyong sakit na dulot ng Omicron kung ikukumpara sa Delta variant ay applicable lamang po sa mga fully vaccinated.

Kaya ang aming paalala lagi: Patuloy tayong mag-mask nang tama, maghugas ng kamay, umiwas sa mararaming tao o iyong mga matataong lugar, at magpabakuna na po at magpa-booster shots na po. Ang mga simpleng bagay na ito ang sasagip sa atin at sa ating bansa at sa sitwasyong kinakaharap po natin ngayon. Panghuli, patuloy po tayong magtulungan.

Maraming salamat po and God bless us all!

###


News and Information Bureau-Data Processing Center