USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Muli ninyo kaming samahan para po talakayin ang mga napapanahong usapin na dapat ninyong malaman at maintindihan. Makakasama natin ang mga panauhin mula sa mga tanggapan ng pamahalaan na handa pong magbigay-linaw at sumagot sa mga tanong at agam-agam ng taumbayan, kaya tutok lang po.
Mula sa PCOO ako po ang inyong lingkod, USec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!
Magandang balita naman po para sa mga healthcare workers: Inaprubahan na po ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa mahigit isang bilyong pisong pondo para sa Special Risk Allowance ng medical frontliners na direktang humarapan po at nag-aalaga sa mga COVID patients. Apila naman ni Senator Go na kung may sapat naman po anyang pondo, gawing fixed amount ang SRA ng mga qualified medical healthcare workers, kaysa bilangin daw po ang kanilang duty kada araw. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Alamin naman po natin ang pulso ng Metro Manila Mayors matapos pong aprubahan ng IATF ang extended alert level sa National Capital Region at kumustahin din po natin ang implementasyon ng ilang mga programa ng pamahalaan bilang bahagi po ng pagsugpo sa patuloy na hawaan ng COVID-19, makakasama po natin ngayong umaga si MMDA Chairman Benhur Abalos, Welcome back po sa Public Briefing, Chair.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Yeah, magandang umaga po, USec. Rocky at sa lahat po ng nanunuod at nakikinig, magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito ang unang tanong po, Chair, Pabor naman po ba ang lahat daw po ng mga alkalde dito sa naging desisyon ng IATF na i-extend ang Alert Level 3 sa Metro Manila? Kailan din po ninyo nakikita na possibleng maitaas sa Alert Level 4 ang NCR dahil po sa patuloy ng pagtaas pa rin ng kaso ng COVID-19?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: noong nag-meeting po kami mga three days ago. iyon pong mga sitwasyon na iyon ay tama lamang sa Alert Level 3. Unang-una iyong metrics, 51% lang ang HCUR. Pangalawa, talagang halos walang makikitang tao sa kalye noon, halos kakaunti. In fact, USec. Rocky mayroon akong mga pinadalang mga ano ngayon… kinunan lang namin kahapon para makita ng ating mga kababayan kung ano ang nangyayari ngayon sa kalakhang Maynila. Talagang alas-singko ng hapon kahapon ay halos kakaunti ang mga sasakyan at ang mga mall halos walang tao.
Tandaan po natin na ang alert levels ay ginagawa upang ma-control—ang primary purpose ay upang makontrol ang daloy ng tao. Tingnan po ninyo sa Robinson’s Ermita, halos walang, halos—mamaya ipapakita ng camera namin iyong iba’t-ibang lugar, para makita nila iyong naging basehan ng Mayor kung bakit ganoon ang naging desisyon po nila.
Ito sa MOA – kahapon lang ito, USec. Rocky – by the Bay, kita ninyo halos walang tao. IIsa ang ibig sabihin, USec. Rocky, marunong mag-self regulate ang ating kababayan ngayon. Kaya iyong sinasabing intensiyon na mataas ng alert levels ay hindi ka pa man nagtataas, ang ating mga kababayan ay nagkakaroon ng self-discipline na sila na mismo ang nagse-self regulate sa sarili nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, kaugnay naman po dito sa implementasyon ng ordinansa na nalilimita sa galaw ng mga unvaccinated sa Metro Manila. Kumusta po iyong update dito, may datos po ba kung ilan na iyong natikitan so far; may mga nahuli na rin po bang namemeke ng vaccination card?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: So far, wala naman, USec. Rocky pa sa pagkakaalam ko ‘no. Dahil alam mo kaya naman natin ginawa ito dahil iyong proteksiyon sa mga unvaccinated, dahil 85% ng nasa ospital ngayon ay dahil sa unvaccinated and 93% ng fatality cases ay dahil sa unvaccinated. Iyan ang sources ng DOH ‘no. At gusto ko lang i-emphasize USec. Rocky sa ginawang ordinansa ng mga Mayors at lahat po ng LGUs ng Metro Manila ay naipasa na po ito. Once bumaba tayo ng Alert Level 2 or 1, automatically lifted na po itong prohibition na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero kaugnay pa rin po diyan, Chair, naglabas din po ng kautusan ang DILG na mag-provide ang mga barangay ng listahan po ng mga residenteng hindi pa bakunado, paano po iyong magiging strategy ng Metro Manila Mayors dito?
Idagdag ko na rin po iyong tanong ni Patrick De Jesus ng PTV: May datos na po kaya kung ilang porsiyento pa ang hindi daw po bakunado sa National Capital Region?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, unang-una, iyon pong utos ng DILG ay of course nagko-cooperate ang ating LGUs kasama ang barangay.
Iyong datos tungkol naman po sa mga unvaccinated, in-approximate po namin ito nila Sec Vince. More or less 200,000 po ito. Pero kami ngayon ay gusto ko lang i-emphasize at this point na ang talagang binibigyang pansin po namin, ang booster shots na. Kaya sa ating mga kababayan, maski na tayo ay dalawa na ang ating bakuna, sabihin na natin, talagang kayo protektado kayo dahil dalawa. Pero mas maganda na kung panahon na ng booster ninyo ay magpabakuna na kayo para talagang fully protected po tayo. Nananawagan po ako: Iyong mga booster shots natin, nandiyan po at marami po tayong bakuna!
USEC. IGNACIO: Opo. Chair kumustahin ko na rin po iyong sitwasyon sa mga quarantine facilities, marami po bang kinakailangan na buksan na pasilidad sa ibang mga lungsod, since sunud-sunod po iyong matataas na bilang ng mga naitatalang kaso nitong mga nakaraang araw?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, yes, talagang ang nakikita naman natin. USec. Rocky ‘no, ang kaso ay talagang tumataas [garbled] ng ating USec. Vergeire, napakagaling ng ating mga eksperto rito. Ito ay isang character ng Omicron virus, talagang malakas siyang makahawa at ito ay phenomenon sa buong mundo. Pero maski papaano naman at awa ng Diyos, iyong ating karamihan ay mild at asymptomatic, kung kaya’t talagang madadagsa ang ating mga isolation center at natural po ito.
Kaya nga mayroon tayong bagong programa, iyong tinatawag nating ‘home care,’ ibig sabihin ng home care, kung ang bahay mo naman ay may sarili kang kuwarto, may banyo ka, itse-check ka ng barangay mo, ng BHERT mo, ng Barangay Health Emergency Response Team, bibigyan ka ng mga kaukulang mga kuwalipikasyon, puwede ka ng doon ka na lang sa bahay mo ‘no, doon ka na mag-self-isolate. Dahil nga ina-address natin ang problemang ito sa tamang pamamaraan.
Nagiging flexible lamang tayo kaya nagiging flexible ang tinatawag nating polisiya o guideline ng gobyerno lalo na ng IATF at ang DOH. So, ito iyong unang isang sagot namin na tinatawag nating home care.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, kumusta po iyong mga hospital bed capacity ito pong dito sa NCR kasi nasa Alert Level 3 tayo, kumusta po iyong hospital bed capacity ng NCR?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, ang alam ko ho nang ay nag-meeting, ito ay within the Alert Level 3 ‘no, ang Alert Level 4 kasi is 71% pataas. Although tumataas, noong huling nag-meeting kami ito ay 51%. If it’s increasing, I think it’s increasing by 1 or 2, I’m not sure right now for the last two days kung ano po ang naging ano po nito ‘no. Pero ang sa akin lang is that when we decided on this, nag-ano po ang mga mayor, iyon po iyong mga kondisyon noong nangyari iyon – ito iyong bed capacity ng mga ospital, ito iyong mobility ng tao, ito iyong mga kaso, etc. At ayon po dito, kaya po ang mga mayors ay nagsabing baka Alert Level 3 muna.
USEC. IGNACIO: Opo. Simula po sa Lunes, Chair, ipatutupad na po itong ‘No Vax No Ride’ policy sa Metro Manila. Ano daw po ang magiging bahagi ng MMDA at ng mga lokal na pamahalaan para po magiging maayos po iyong full implementation nito sa Lunes?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, actually, Usec. Rocky, sumusulat nga si Secretary Tugade para matulungan namin sila dahil may mga enforcers din sila rito. Tutulong po kami, hangga’t maaari ay makatulong rin tungkol dito. At ako ay nananawagan na this is more of a protection sa mga unvaccinated po natin dahil nakita naman natin sa dami talaga po ng kaso ngayon. At gusto ko lang i-emphasize, Usec. Rocky, na kung ikaw naman ay bibili ng essential goods, ikaw naman ay exempted dito, nasa ordinansa po iyan ng MMC.
USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit din po ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na iyon daw pong house-to-house vaccination sa mga vulnerable and senior citizens by local government units ay makakatulong daw po para po mas mapalakas pa iyong pagbabakuna. So, ano po iyong aksiyon na puwedeng maibigay ng MMC para dito?
MMDA CHAIR ABALOS: Well, talagang on the ground kasi, Usec. Rocky, sa totoo lang, marami tayong nagkakasakit na mga kababayan ngayon at hindi mo rin maiiwasan nagkakasakit ang ating mga medical frontliners. Hindi lamang iyon, iyong mga kasama natin sa local government units, iyong ultimo mga nagbabakuna, mga encoder, dahil ganoon nga ang ano ng Omicron.
So, wala hong problema kung iha-house-to-house natin pero medyo sa ngayon po talaga ay matrabaho po iyon at saka kaunti lang ang mabakunahan mo. Iyon talaga ang ideal at iyon ang puwede naming gawin kung puno ang ating complement na manpower. Pero sa ngayon po, sa ibang sites na talagang nagkakasakit po ang aming mismong mga nagbabakuna kung kaya kung anong mayroon kami noon na pagbabakuna ay ganoon muna ang ginagawa namin.
Although may ibang LGUs na may talagang sobra pa silang tao, kaya ponilang gawin ang pagbabakuna. Pero may iilan na talagang tinatamaan din ng Omicron iyong kanilang mga kababayan. Pero ganoon pa man, ang aking panawagan sa ating kababayan, makipag-coordinate po tayo sa ating mga local government units, mayroon po silang mga telephone number, alamin po natin ang schedule po natin bago po tayo magpabakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, pagdating po sa ipinatutupad na curfew sa minors, ilan na po iyong mga nahuling lumabag? Hindi po ba napag-uusapan ng Metro Manila mayors na palawigin na rin ito in general lalo’t kahapon po ay muli na naman tayong nakapagtala ng all time high COVID cases?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, ganito kasi, Usec. Rocky. Noong kami ay nag-usap noong nakaraan, nakita namin sa larawan na halos siguro alas otso ng gabi, halos sarado na ang mga restaurants sa mall, ang mga tao ay halos kakaunti na rin ang mga nasa kalye ‘no. Tandaan po natin, ang purpose po ulit ng alert level is to control mobility.
Pero kung nakikita naman natin ang mga tao ay nasa bahay lang at sila mismo disiplinado nagre-regulate sa sarili, isa ito sa mga basehan tungkol dito sa mga alert level bukod sa mga metrics na nakalagay, dapat sundin pa rin natin iyong metrics. Ibig sabihin mga kababayan ng metrics, iyong batayan ng alert level, sinusunod po natin iyan.
Ngunit sa ngayon noong huli po naming pagpupulong, sa nakita namin dahil nga halos kumaunti ang tao sa kalye, kumaunti ang tao sa mall. Halos sa gabi wala ka ng makita, alas nuwebe/alas otso, napag-isipan namin for the meantime there’s no need for a curfew.
Alam mo talaga maski papaano, Usec. Rocky, in a way ang ating mga kababayan after all of these variants – UK variant, Delta variant, tapos ang African variant, ngayon Omicron – siguro on our own as a people, natuto na tayo when to self-regulate na hindi mo na kailangan pagsabihan, “Huwag kang lumabas.” On their own, ang kababayan natin talaga hindi na lumalabas dahil alam nila nakakahawa nga ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, maiba naman po ako ano. Sarado na po simula ngayong araw iyong isang bahagi daw po ng Roxas Boulevard at magtatagal po ito ng dalawang buwan. Ano po iyong inilatag na hakbang ng MMDA para po sa inaasahang mabigat na trapiko sa lugar?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, may mga larawan po ako ngayon. So far, light pa naman. [Iyan po ngayon ang ginagawa ngayon sa Roxas Boulevard]. Gumawa kami ng mga zipper lanes na tinatawag tapos tyumempo naman tayo, ayan mga may ruta, ipinapaalam namin sa aming website, kinakalat po namin ito.
Ang malaking problema lang natin dito iyong mga trailers, iyong mga trucks na malalaki, kulang-kulang 1,000 ang dumadaan po sa southbound. Kaya nga ang plano namin sana, iba-barge muna iyong at least man lang iyong sa Cavite. From Manila port, imbes na mag-trailer pa doon, iba-ibarge sa Cavite at sana doon na lamang sila susunduin ng mga container. Ang naging problema lang namin ay iyong port sa Cavite ay may right of way problems. So, inaayos pa po iyan ng Department of Public Works para gawin ang kalye para isang entrance, isang exit sa Cavite.
But for the meantime, delikado kasi, Usec. Rocky, baka mag-collapse itong kalye. Sa mga nakikinig po, mayroon pong culvert. Ano iyong culvert? Ang culvert ay isang daanan ng tubig. Parang ito po iyong kalye, ang culvert nasa ilalim, so diyan dumadaan ang tubig galing Pasay papuntang Manila Bay.
Ito ngayong Culvert na ito – 50 years, since 1970 – nagko-collapse na, so itong kalye bumabagsak. So ang nakakatakot, once bumagsak ito at ang dumadaan ditong sasakyan 53,000 a day, baka magkadisgrasya po tayo. Kung kaya ipinasya na po namin habang ngayon po ay wala man lang tao, siguro for the next one week or two weeks, at least mapaspasan po ito ng Department of Public Works.
Nagkaroon po kami ng mga zipper lanes at ang mga trailers ay amin na pong ni-reroute sa iba’t-ibang direksyon. From time to time ibabahagi po namin ito at ifa-flash po natin ito para magabayan po ang ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, mayroon po ba kayong mensahe o nais pang i-anunsiyo sa publiko? Go ahead po.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well sa ating mga kababayan, malaking hamon at parating may hamon tayo – mapa-pandemya o kami nga sa MMDA, may traffic, kung anu-ano – pero as a country, as a people, lahat po ito ay kinaya natin dahil sa isang bagay: Hindi lang ang gobyerno, si Juan dela Cruz at pribado ay nagkakaisa. At maski ano pang ilagay naming alert level, maski ano pang i-announce naming mga guidelines kung bandang huli ay hindi susunod ang tao ay balewala.
Pero ngayon pambihira ang nangyayari. Hindi pa man nag-a-alert level parang Alert Level 4 na tayo sa nangyayari. Anong ibig sabihin? May disiplina ang bawat isa, may self-regulation ang bawat isa, alam nila ang nangyayari at ginagawa nila ang dapat gawin.
Magkatulungan po tayong lahat. Kaya po natin itong Omicron na ito.
Salamat po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami rin po ay nagpapasalamat sa inyong oras, MMDA Chairperson Benhur Abalos. Mabuhay po kayo and stay safe po, Chair.
Mga residenteng nabiktima ng sunog sa Barangay Tetuan, Zamboang City ang sinadya ng outreach team ni Senator Go kamakailan. Namahagi rin ang kaniyang team ng tulong sa iba pang bayan sa Dipolog City, Zamboanga del Norte, Zamboanga-Sibugay at Pagadian City para po sa mga residenteng naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemya.
Narito ang report.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Magbabalik po ang Public Briefing #Laging HandaPH.
[AVP]
USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #Laging HandaPH. Muling nadagdagan ang mga lugar na isina-ilalim sa Alert Level 3, ilang mga probinsiya na rin po kasi ang nakitaan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID.
Ano nga ba ang mga pag-iingat na ginagawa ng mga probinsiya para po maagapan ang mga hawaan. Pag-usapan natin iyan kasama po natin si League of Provinces of The Philippines President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. Good morning po Governor, welcome back po sa Public Briefing!
GOV. VELASCO: Good morning po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, pasensiya na alam namin abalang abala kayo ano po. Pero, ramdam na rin po ba Governor iyong pagsipa ng kaso sa mga ilang probinsiya; ito po ba ay in-expect ninyo rin at nakapaghanda rin po ba kayo para dito?
GOV. VELASCO: Nakakita po kami nitong mga huling araw na pagtaas at medyo alarmed po kami sa mabilis na pagtaas ng hawaan sa iba’t-ibang lalawigan at naihayag na nga po na nagtaas na nga po o naglagay na ng Alert Level 3 sa maraming lalawigan. So, nandiyan na po talaga ang peligro ng mabilis na transmission, opo.
USEC. IGNACIO: Opo. Since dumami na nga po ang mga probinsiya na itinaas sa Alert Level 3, tingin ninyo po ba posibleng epekto ito ng Omicron variant Governor?
GOV. VELASCO: Malamang po, ngayon lang namin nakita iyong ganyang kabilis na hawaan. So, we can safely assume na Omicron variant na po iyan; hindi po ganyan iyong naranasan natin noong Delta variant noong last year. Pero ito pong hawaan ngayon ay napakabilis; so, malamang po ay Omicron variant na po iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, sa kasalukuyan, puwede po ba nating mabanggit kung ano po iyong probinsiya ngayon ang mayroong mataas na kaso ng COVID?
GOV. VELASCO: Iyong narinig ko po sa news report at sa mga nakalap po namin na mga information ay marami na po ang tumataas ang hawaan. So, iilan na lang pong probinsiya ang natitira. So, talaga pong medyo hindi na maganda ang sitwasyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero diyan po sa Marinduque, Governor, kumusta po ang bilang diyan, datos?
GOV. VELASCO: Nagkaroon po kami bigla na 62 na active cases, positive po sa RT-PCR. Eh dati po ay zero na kami noong Pasko, tapos naging 11, tapos bigla pong sumipa ng 62 positive sa RT-PCR. At mayroon po kaming 120 na antigen test positive. At marami pa pong mga hinihintay na test results. So nakita po namin na talagang tumataas po ang hawaan.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Governor, kumusta po iyong lagay nila, sila po ba ay mayroon lamang mild symptoms o ano po ang lagay nila?
GOV. VELASCO: Tama po iyong sinabi ninyo na mild naman po iyong karamihan nitong mga infected ano po. Kaya naman po tinututukan ngayon ng ating mga Rural Health Units at ng ating provincial doctors, itong kanilang kondisyon. Tama po kayo at medyo mild lang po ang halos karamihan po sa kanila.
USEC. IGNACIO: Opo. Dahil po diyan, Governor, ano po iyong mga preventive measures ang ginagawa ng ating mga governors, para po talagang masiguro na hindi po lumala iyong sitwasyon sa mga probinsiya?
GOV. VELASCO: Well, sa umpisa po ay medyo naghigpit po tayo sa entry ng mga non-residents, ano po. At lalo na po iyong galing sa mga areas under alert level 3. So, nagri-require na rin po tayo ng RT-PCR or antigen test bago pumasok ano po. At iyon na nga po, kahit ganoon po na may hawak na certificate that should be issued within three days prior to entry ay sina-subject pa rin po natin sa medical examination kung may symptoms. At kung may symptoms po ay atin pong pinapa-isolate na rin po itong mga papasok.
So, ganiyan po ang sitwasyon. At iyong dito naman sa loob at talaga pong inaayos nating mabuti ulit iyong ating TTMFs at iyong mga barangay officials naman po ay mino-monitor po iyong mga naka-home quarantine na sila lamang po ang mga nasa loob ng bahay ano po na siguradong hindi lalabas. At sila po ay inatasan din na mag-inspection ng mga may sintomas pa at alam naman ninyo iyong ibang kababayan ay hindi po nagsasabi kung mayroong sakit o may sintomas at ito rin po ay baka akala nila ay ordinary flu lang kaya po hindi sila talaga nagpapa-test. So talaga pong monitoring at sinasabi po namin talagang mag-inspect na rin po doon sa mga bahay-bahay na nasa kanilang teritoryo.
USEC. IGNACIO: Opo, iyon nga po. Pero Governor, suportado po ba ng mga punong lalawigan itong kautusan na limitahan po ang paggalaw ng mga unvaccinated at ano po ang reaksiyon ng mga probinsiya tungkol dito?
GOV. VELASCO: Ano po ang sinasabi ninyo, iyong ‘no vax, no labas” po iyon?
USEC. IGNACIO: Opo, iyong pag-limita po sa galaw nila.
GOV. VELASCO: Well, ang sabi po namin ay maggawa po ng mga ordinansa at kailangan po iyang ating mga ordinance at may delegated legislative power naman po diyan sa mga bagay na iyan ng mga local government units. Alam naman po ninyo iyong ating movements or mobility ng mga tao ay nakapaloob po iyan diyan sa ating constitutional right to travel or freedom of movement, pero may mga exceptions naman po iyon at iyon nga po iyong public health or public safety. Eh mabuti po talaga mag-isyu ng ordinansa at kailangan po iyan para po may legal basis iyong ating mga sangguniang bayan at municipal mayors sa pagpapalabas po ng ganiyang mga restriction at minsan po ay napapatawan din po ng fine iyan ano po. So iyan po ang ating atas sa kanila.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media. Tanong po ni Patrick De Jesus ng PTV News: Pabor daw po ba kayo sa directive ng DILG sa mga barangay na magsagawa ng inventory po sa mga hindi pa bakunadong residente at paano daw po ito maipatutupad sa mga probinsya?
GOV. VELASCO: Tama naman po iyon at kailangan po talagang ma-identify iyong hindi pa bakunado para po talagang matapos po iyong mga hindi pa nababakunahan. Pero alam naman po ninyo iyan ay gumawa na po tayo ng master list po nitong ating mga dapat bakunahan according to their categories. So, nakikita ko naman po na madali naman po nilang magawa iyon, madali po nilang makita kung sino pa po iyong dapat bakunahan, dahil nga po doon sa master list.
USEC. IGNACIO: Hingi na lang din po kami, Governor, ng update po sa status ng bakunahan sa probinsiya. Nabanggit nga po ninyo na nasa inyo na rin po iyong listahan ano po. So, paano po nakaka-apekto itong tumataas na COVID cases sa vaccination rollout? Hindi naman po ba nagkakaproblema pagdating po sa supply ng mga bakuna?
GOV. VELASCO: Hindi naman po, napakagaling po ng serbisyo at tulong ng ating Secretary Duque ng Department of Health at ni Secretary Galvez ng NTF at pati po iyong National Vaccination Center. Marami naman po, sapat naman po iyong mga bakuna na binibigay nila. Sa katunayan nga ay nakatanggap po kami ng mga 17, 000 na Pfizer at 10,000 na Moderna.
Ang kailangan na lang pong gawin dito ay talaga pong damihan lang iyong vaccinators at alam po ninyo iyong mga lower- rank LGUs or provinces, iyan po iyong kakaunti lang iyong doctor at nurses ano po. Pero pinagpipilitan po natin iyan at humihingi po tayo ng tulong doon sa mga pribadong sector, medical societies, iyong atin pong ating civic organizations. Sa kagandahan naman po nito, nakikita na po ng ating mga kababayan na ayaw pa pong magpabakuna na talaga pong ang daming restrictions ng hindi bakunado at nakikita na rin po nila na grabe po iyong pagtaas. So talagang napipilitan na rin po iyong iba na magpabakuna na rin. Iton nga lang [kailangan pong] pagpupursigihan po ng mga LGUs, mga local chief executives na ipaliwanag pong mabuti iyong kabutihan po ng bakunahan.
USEC. IGNACIO: So, Governor, puwede po nating masabi na mas marami po ngayon ang gusto nang magpabakuna sa mga lalawigan?
GOV. VELASCO: Opo, opo. At nakita po nila iyong mga advantages ng nababakunahan. So, nakikita po nila na mabigat po iyong epekto noong mga restrictions sa kanilang galaw. Kaya po sila ay naeengganyo na ring magpabakuna. So, nakikita po natin na mare-reach po iyong herd immunity, sa loob ng ilang linggo, pero tumaas na nga po iyong target, nagiging 90%. So marami pa rin pong babakunahan. So, ito lang ang masasabi po natin, full support po ang mga LGUs sa bakunahan program po ng gobyerno.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor sa ibang usapin naman po, halos isang buwan mula po noong tumama iyong Bagyong Odette. So far, kumusta na po iyong pagbangon ng mga apektadong probinsiya?
GOV. VELASCO: In the process of [inaudible] marami po sa aming mga lalawigan ang talagang mabigat po ang pinsala na natanggap at talaga hong medyo mahaba at medyo malalim po ang galaw na gagawin para po maibalik sa kanilang dating kondisyon. Marami pong nasalanta doon sa ilang lalawigan na napuruhan, so tulung-tulong lang po naman tayo. Iyong mga LGUs po ay nagpapahatid naman po ng tulong, whether financial or in kind ano po. So, talagang tulung-tulong lang po ito, talagang kailangan maghanda na rin po iyong mga LGUs dito sa mga adverse effect ng climate change and it is the thing of the present at lalala pa po ito. So, naghahanda-handa na rin po kami at pinag-aaralan na po namin iyong mga ibang istratihiya para po at least ma-prevent iyong grabe pong damage na maaari pong ma-experience ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, sa ngayon, aling mga lugar pa po iyong pinaka-kailangan ng tulong dahil sa Bagyong Odette at anong klaseng assistance po ito sakali?
GOV. VELASCO: Well, according po doon sa mga reports natin, iyong mga—sa pagkakaalam ko po iyong mga Bohol, Surigao, at iyong ilang lalawigan pa po ay medyo mabigat po pinsala talaga. At iyan naman po ay alam ko tinutulungan naman po ng national government naman, so patuloy lang po ang rehabilitation ng ating mga lugar na ganiyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, impormasyon, alam po namin abala po kayo, League of Provinces of the Philippines President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. Ingat po kayo, Governor!
GOV. VELASCO: Maraming salamat. Ingat din po tayong lahat.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa:
Base po sa report ng DOH kahapon, January 14, 2022:
- Nadagdagan po ng 37,207 ang bilang ng mga bagong kaso. Ito na po ang bagong record-high COVID-19 cases na naitala sa isang araw matapos malampasan ang higit 34,000 cases nito lamang Huwebes, kaya naman po umabot na sa 3,129,512 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
- Nakapagtala rin ng 9,027 new recoveries ang Kagawaran para maging 2,811,188 po ang kabuuang bilang nito.
- 81 naman ang naitalang nasawi kaya umakyat na sa 52,815 ang ating total death tally.
- Samantala, nasa 265,509 ang nananatiling active cases.
Para po talakayan ang hakbang ng pamahalaan at paglilinaw sa mga bagong guidelines ng Department of Health at IATF kaugnay sa laban natin kontra COVID, makakasama natin si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Good morning, USec.!
DOH USEC. VERGEIRE: [TECHNICAL PROBLEM]
USEC. IGNACIO: Good morning, USec. Vergeire! Okay, babalikan po natin si USec. Vergeire.
Samantala, dumako naman po tayo sa Davao City, may report ang aming kasamang si Regine Lanuza:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Balikan po natin sa linya ng telepono si Undersecretary Vergeire.
USec., good morning po.
DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, USec. Rocky at good morning po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: USec., ano daw po ba iyong rationale dito sa pag-shift natin sa strategy ma less tracing at targeted testing?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky. So, this strategy ngayon ay para tayo po ay mas maging efficient sa ating resources. Unang-una, ang atin pong very high transmission rate and high infection rate here in the National Capital Region warrants na hindi na po masyadong kailangan ng contact tracing dahil mas nauuna pa po ang impeksyon kaysa ma-trace po natin lahat ng contacts.
So, ang sinabi ho natin sa mga areas na mayroon ho tayong matataas na infection rate na at transmission rate, contact tracing po ay hindi na priority intervention; pero hindi ho natin sinasabi na hindi na siya importante especially doon sa mga areas natin sa ating bansa na hindi naman ho mataas pa ang infection rate at talagang kailangan pa hong mag-contact trace para malaman natin kung sino ang may sakit at kung sino ang wala.
Ang ginagawa ho natin ngayon, we will expand the roles of our contact tracers to help in other community interventions katulad po ng pagbabakuna, pagmo-monitor po ng may sakit sa komunidad at doon po sa mga ibang non-COVID-related works.
Now, we also have partnered this strategy with our targeted testing kung saan pina-prioritize na ho natin ngayon iyong ating mga vulnerable para sa testing – mga nakakatanda, may comorbidities, our health care workers, and of course those with symptoms po.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., base po sa projection ng DOH, ito na ba daw po iyong peak ng mga cases? Hanggang ilang cases daw po ang inaasahang aabutin? Ganiyan din po ang tanong ni Athena Imperial ng GMA News: Kumusta daw po ang NCR daily growth rate? May projection na po ba o number of traces in NCR today and the next few days?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky. Ito pong nangyayari sa atin ngayon at nakikita nating sitwasyon, base po doon sa mga trends na ating nakikita, ang National Capital Region po now averages 17,124 cases per day. This is comparing to about one week ago na 6,500 lang po ang ating average number of cases.
As we see our cases, the initial case doubling time po ng National Capital Region and even the whole Philippines, 2.2 days. Ibig sabihin, sa bawat araw po nagdodoble ang numero ng kaso, every two days nagdodoble po siya. Pero ngayon, humaba naman po ang doubling time, naging apat na araw naman po ngunit mataas pa rin ang pagpasok ng mga kaso.
The National Capital Region now has 149,000 active cases. Nakikita po natin base sa mga projections po ng ating mga eksperto at saka iyong FASSSTER team natin, na patuloy pong tataas ang ating mga kaso. We are not seeing the peak of the cases yet, we are still yet to see the peak ‘no na baka po mangyari sa dulo po ng buwan na ito or even later, about second week of February at nakikita ho natin na maaari pang magdoble ang numero ng active cases natin compared to today by that time of February 15 po.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., paano daw po mailalarawan ng Department of Health ang sitwasyon ngayon sa lawak nga ng hawaan ng Omicron variant sa mga rehiyon? Kumusta rin po iyong update sa bilang ng mga na-detect na Omicron variant? Posible po ba talagang kalat na rin sa mga rehiyon ang Omicron variant?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky, ‘no. So, unang-una, dito po sa National Capital Region, we are seeing community transmission dito po sa NCR nitong Omicron variant. Bagama’t hindi ho nakakahabol ang ating whole genome sequencing, we already have determined that there are local case already. At sa nakikita nating trend ngayon, ito po iyong characteristic talaga ng Omicron variant, iyong mabilis na pagkalat, iyong very steep rise in the number of cases as they passes, iyong doubling time po as every 2 days na napakabilis, ito po ay lahat characteristics ng Omicron variant.
As to the other regions naman po, nakikita na po natin paunti-unti tumataas na rin iyong ibang kaso sa ibang rehiyon at iyon pong mga regions na ito ay nakikita na rin ang parehong characteristic na nangyayari sa NCR noong nag-umpisa po tayo. So, kapag tiningnan po natin ito mukhang talagang dadating ang panahon na madi-displace na po at magiging Omicron variant ang dominant variant dito po sa ating bansa kung magtutuloy-tuloy po ang ganitong klaseng transmision.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ilang mga returning OFW ang dumadaing dahil sa mga delayed release ng kanilang swab result at umano’y mabagal na admission para sa kanilang quarantine. May ilan po ba iyong malaki na iyong nailalabas, lalo na iyong mga sarili pong gastos ang kanilang quarantine hotel? Ano daw po iyong hakbang na ginagawa ng DOH tungkol dito Usec?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, napag-usapan po ito sa IATF noong Huwebes together with our principals, kung saan ang unang-una po nating ginawa ay ang Department of Tourism ay nakapagrekomenda na po at naaprubahan naman na iyong pong ating quarantine hotels ngayon can also be converted to isolation hotels para wala na ho tayong delays kung magpa-positive po ang ating mga kababayan. While in quarantine they just transfer rooms doon po sa isolation hotel at the same time quarantine hotel.
Pangalawa, we have already revised our protocols for the red, yellow and green countries. Kung saan na-shorten na rin po iyong duration of their quarantine and isolation and actually pinapayagan na rin po natin na pumasok ang ating mga kababayan galing sa red listed countries.
And of course pangatlo po, mayroon po tayo ngayong isinasagawang pakikipag-usap that our OFWs will have this green lanes or special lanes sa laboratories natin para agad-agad po lumalabas ang kanilang mga resulta.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kaugnay naman po sa natuklasan ng mga eksperto sa ibang bansa kaugnay sa gene or genetic factor na maaaring most at risk sa COVID-19. Ano daw po ang latest development tungkol dito?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, hanggang sa ngayon evolving evidence ito, Usec. Rocky. Ito pong mga ganitong ebidensiya patuloy na pinag-aaralan pati ng ating mga eksperto.
Pero, sa ngayon nakikita naman po natin that among our individuals here in the country mukhang talagang iyong tinatamaan ng husto ay iyong mga hindi bakunado at saka iyon pong partially vaccinated and of course mas binabantayan din natin iyong mga vulnerable nating mga kababayan katulad ng mga nakakatanda at saka iyong mga may comorbidities.
As to this evidence evolving, na mayroon daw pong mga specific gene na factor na maaaring most at risk for COVID-19, patuloy po ang pag-aaral at titignan ho natin hanggang makumpleto ang ebidensiya na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may mga tanong lang po ang ating mga kasamahan sa media. Tanong po muna ni Michael Delizo ng ABS-CBN: Saan pong mga rehiyon ang may significant na pagtaas ng kaso?
USE. MARIA ROSARIO VERGEIRE: Sa ngayon po nakikita natin siyempre iyong mga karatig na bahagi ng National Capital Region katulad po ng Region IV-A, ng Region III, ang CAR din po ay may pagtaas, ang Region IV-A[sic], Region VI, Region VIII, Region V. Halos lahat po talaga ay may pagtaas sa ngayon ng kanilang 2 week growth rate and also their average daily attack rate.
Lahat po ng ating region sa country ngayon ay may ‘high risk’ risk classification. Mayroon ho tayong 5 areas sa bansa na critical po ang case risk classification. Ito po ang NCR, Region IV-A, Region II, CAR and Region III. So, ito po ang estado ng ating mga rehiyon sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ng ating kasamahan sa media from TV-5: In an interview Friday evening, OCTA Research daw po, [fellow] Guido David says that DOH daily reporting of new COVID-19 cases maybe 3 to 5 higher given na sa 47% daw po iyong positivity rate kahapon. Masasabi po ba natin na plausible itong teoryang ito? Do we still have the clear picture of COVID-19 cases and transmission in the country especially in high spread areas?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky no. So, sa ngayon naman po we still are guided by the numbers that we get from our laboratories, those testing positive. Although katulad nga po ng sinasabi natin, mayroon pong mga talagang ibang porsiyento ng mga nagkakasakit na hindi na natin naitatala dahil, first, they opt not to have their test anymore and just isolate. Iyong iba naman, mayroon hong delays sa turn-around time po ng ating mga laboratories ngayon.
But we look at trends also, we just don’t look at the specific numbers per day. So, tinitingnan ho natin iyong trends noong mga kaso para guided pa rin tayo kung ano po ang mag intervention sa gagawin natin. It goes the same with the other regions. And in the other regions naman po hindi po ganoon ang ating challenge when it comes to laboratories. Because in the other regions hindi pa rin naman po ganoon kataas ang mga demand for laboratory services.
So, we are still seeing the true picture, we are still at par doon po sa ating mga nakikita base sa laboratory results but of course ang atin pong caveat ngayon, iyon pong mga taong hindi natin naitatala because they’re using Antigen test or maybe they’re not opting to get themselves tested because they just isolate themselves.
USEC. IGNACIO: Opo. Follow up question po ng taga TV-5: Based daw po on our observation, hindi pa po naglalabas ng new data sa DOH Data Drop since January 10 kaya po medyo nahihirapan na ang independent research firms like OCTA to get definite case of breakdown of cases. May isyu po ba ulit sa ating database? Is this the longest instance of not having the said data? Kailan po ba ulit maa-upload ng DOH iyong new numbers?
DOH USEC. VERGEIRE: Actually Ma’am, ito pong Data Drop natin wala ho tayo isyu sa ating sistema at saka sa ating mga proseso. Ang aming challenge ngayon marami rin pong nagkaroon ng sakit sa Department of Health that’s why our systems, katulad niyang Data Drop ay hindi po maisagawa ng timely ngayon. Pero, kapag tinignan natin iyon naman pong aming COVID-19 situation report na nilalabas gabi-gabi ay nandoon po lahat ng kailangan datos.
Ito pong Data Drop kasi, ang nakalagay dito line list, at ito naman po ay maaari namang makuha iyong ating aggregate figures sa COVID-19 situation report. So, we will give information to the public kung kinakailangan, kung kailan natin maibabalik itong sistemang ito, pero sa ngayon talaga pong challenged ang Department of Health because of our manpower na nagkakaroon din ng sakit katulad po ng ating populasyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi po ng OCTA Research na nagsisimula na iyong mabagal na decline ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR bagama’t sinabi ninyo na ito ay maaga pa para malaman kung bumababa iyong kaso. Ano po ang masasabi ninyo sa obserbasyon ng OCTA?
DOH USEC. VERGEIRE: Well, katulad po ng sabi ko kanina no, we started off with a 2.2 case doubling time. Ibig sabihin, every 2 days po dumadami ang kaso. Ngayon po bumaba na po ito sa 4 days itong case doubling time natin. Ibig sabihin nagdo-doble ang numero every 4 days. So, nakikita ho natin ang pagbagal pero kailangan po natin maintindihan din na sa pagbagal na ito, patuloy pa rin ang pagtaas ng numero ng kaso.
So, hindi lang po iyong pagbagal ang tinitignan natin ngunit gaano kadami ang idinadagdag nitong mga number ng kaso na ito. So, kailangan ho bantayan nating maigi. But as I’ve said, the peak and the projection state na baka tuluy-tuloy pa rin na tataas ang mga kaso natin hanggang sa dulo ng buwan na ito.
USEC. IGNACIO: Opo, dagdag pong tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Nagdi-develop na po ba ang Department of Health ng isang sistema kung paano daw po magiging self-reporting mechanism ng mga self-administered or home test kit? Maisasama daw po ba sila sa case bulletin soon?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes. Actually, Usec. Rocky, we’ve started with this system long before. Ang problema natin dito kasi talaga is compliance. So, we expect local government to submit to us the reports of this Antigen testing.
We have reported that we have around 1.1 million submitted report from this Antigen test na ginagawa sa komunidad. Ngunit unfortunately, nakita natin na out of this, mayroon pong lumabas na around 30% na positibo and with this 30% positive noong binalidate po natin 30% lang po dito sa 30% na nag-positive ang talagang masasabi nating accurate ang resulta na iyan.
So, kailangan po makuha pa rin natin ang kumpletong datos para mas ma-analyze natin and we are already exploring the use of this Kira Chat Box para po kahit iyong mga kababayan nating gumagamit nitong Antigen test sa bahay, they can just input into this chat box para po makuha natin iyong numero nito pong ating mga antigen test.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Aiko Miguel ng UNTV: May guidelines po ba tayo kung kailan dapat magpa-booster shot ang isang pasyente after recovering po sa COVID-19? Ilang days po ang pagitan from the time na naka-recover at saka pupuwedeng magpa-booster?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. So, we had been advising our general public already as soon as you do not have symptoms anymore and you have completed your isolation period, maaari na po kayong maka-receive ng inyong booster shots.
USEC. IGNACIO: Okay. Usec. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, impormasyon. Under Secretary Maria Rosario Vergeire. Mabuhay po kayo, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center