Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas, at sa buong mundo. Makakasama ninyo kaming muli ngayong umaga upang pag-usapan ang mga napapanahong isyu sa bansa. Ating kukumustahin ang pagtanggap ng mga kababayan nating pasahero sa pinatutupad na “no vax, no ride” policy ng pamahalaan; sisilipin din natin ang lagay ng ating ekonomiya at sektor ng agrikultura sa halos dalawang taon nating pakikipaglaban sa gitna ng pandemya.

Simulan na po natin ang talakayan, ako po si Usec. R0cky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Ngayon pong nasa critical risk pa rin ang COVID-19 situation ng bansa, patuloy po ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpabakuna na. Giit pa ng Pangulo, ang hakbang ng pamahalaan sa mga hindi bakunado ay para sa rin sa kanilang kaligtasan. Ngayon po ay mas ilalapit pa ang vaccination sa publiko dahil malapit nang makapagbakuna sa mga botika. Ang detalye niyan mula kay Mela Lesmoras:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para mas maabot pa ang inaasahan na herd immunity, pinasimple na ng pamahalaan ang proseso ng pagbabakuna sa bansa. Isa itong hakbang para mas madali ang pagbabakuna ng isang individual. Alamin natin ang buong detalye sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Kahapon nga ay sinimulan nang ipatupad sa mga pampublikong sasakyan ang “no vax, no ride” policy ng pamahalaan kabilang na riyan ang sa aviation industry. Alamin natin kung paano pinatutupad iyan ng Civil Aviation Authority of the Philippines, makakausap po natin si CAAP Chief of Staff Atty. Danjun Lucas. Magandang umaga po, Attorney!

CAAP CHIEF OF STAFF ATTY. LUCAS: Magandang umaga po, Usec. Magandang umaga po sa lahat ng ating mga tagapakinig sa inyong programa. Magandang, magandang umaga po!

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kumusta po iyong naging pagtanggap ng mga air passengers dito po sa pagpapatupad ninyo ng “no vax, no ride” policy simula kahapon at paano ninyo po siniguro na mahigpit itong naipatutupad?

CAAP CHIEF OF STAFF ATTY. LUCAS: Salamat po, Usec. Maganda naman po ang naging pagtanggap ng ating mga mananakay sa unang araw ng implementasyon ng no vaccination, no ride policy sa ating paliparan. Naging maganda po iyong ginawa natin over the weekend na nagkaroon tayo ng soft implementation ‘no. Noong Sabado at Linggo po, nagkaroon na po tayo ng malawakang information drive kaya hindi na rin po nagulat ang ating mananakay kaya po nagkaroon ng magandang implementasyon. Hanggang ngayong araw po ay mangilan-ngilan na lamang po ang ating nasabihan na hindi sila maaaring makasakay, naipaliwanag rin naman po natin ang ating mga implementasyon.

Sa hanay naman po ng pagpapatupad, nagkaroon po tayo ng two-pronged implementation. Maipaliwanag ko lamang po, sa pagpasok pa lang po ng ating mga air passengers sa ating mga paliparan at mga facilities ng Civil Aviation Authority of the Philippines, pati na rin po ng Ninoy Aquino International Airport, nagkakaroon na po ang ating security ng paghingi ng mga katibayan na sila ay fully vaccinated kung hindi man po na sila ay kasama mga exemption na nasasaad sa department order ng Kagawaran ng Transportasyon.

At ang pangalawang aspeto po ng pagpapatupad, bago po nila makuha ang kanilang nga boarding pass at ang kanilang mga ticket, magkakaroon po uli ng pagsisiyasat ang ating mga colleague from the airline sector para masiguro na ang mga makakasakay lang po, kung hindi po exempted, ay ang mga fully vaccinated ating mananakay.

USEC. IGNACIO: Opo. So, Attorney, papaano po iyong partially vaccinated individuals, sila po ba ay hindi talaga maaaring bumiyahe sa inyong terminals? Kasi karamihan po sa sinasabi nila, hindi naman daw po nila kasalanan kung sila ay partially … first dose pa lang ang nakukuha dahil naghihintay po sila ng kanilang schedule, papaano po ang inyong proseso dito?

CAAP CHIEF OF STAFF ATTY. LUCAS: Tama po iyon ‘no. In general po, talagang sa department order na sinusunod po ng ating paliparan, talaga po iyong mga fully vaccinated individuals lamang po ang ating tinatanggap. Pero marami naman po doon sa mga partially vaccinated, pumapasok din po doon sa mga exemption na sinasabi natin. Halimbawa, kung sila po ay makakapagpakita ng medical certificate na sila po ay mayroong medical condition na prevented them from getting the full vaccination on time, tinatanggap na rin po natin iyan. Kasama rin po iyong mga essential travels, kahit po sila ay mga partially vaccinated pa lamang po, tinatanggap po ng ating mga paliparan at pinapasakay naman po sila sa ating mga eroplano at sa mga biyaheng papunta at palabas ng Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, para malinaw lang: Kapag po itong partially vaccinated nakapagpakita ng date ng kaniyang magiging second dose, okay na po sa inyo, papayagan ninyong makabiyahe, ganoon po ba?

CAAP CHIEF OF STAFF ATTY. LUCAS: Hindi po ganoon, Usec. Ang papayagan lamang po ay kapag makapagpakita sila kahit sila ay partially vaccinated na ang kanila pong travel ay makukonsidera na essential travel; at kung sila po ay returning resident papunta ng NCR, pabalik sa kanilang mga residence sa Metro Manila o pabalik naman po sa kanilang mga probinsiya at kung sila ay nanggaling sa Metro Manila, kung sila po ay partially vaccinated, kasama po sila sa mga exemption kaya sila po ay papayagan.

Pero in general po, ang implementasyon po natin, kung hindi po kayo vaccinated, ang depenisyon po ng IATF ang ginamit natin, two weeks after po ng second dose/ng two-dose series at two weeks after po ng one-dose series kagaya po ng Janssen. Ganoon po ang ating implementasyon, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, para po sa mga hindi bakunado ano po, maaari po ba silang makasakay kung magpapakita sila ng negative result ng kanilang RT-PCR test? Mayroon po ba kayong konsiderasyon para dito?

CAAP CHIEF OF STAFF ATTY. LUCAS: Ngayon po, ang ipinatutupad po nating implementation ay no vax no ride policy. Hindi po kasama doon talaga kahit magpakita po sila ng negative RT-PCR. Sa Department Order, hindi po nasasaad doon. Ang exemption lang po sa ngayon na tinatanggap ho natin, sa ngayon po ay iyong mga essential travel. Kung kayo po ay pasok sa essential travel, hindi ninyo na po kailangang magpakita ng negative RT-PCR o Antigen kung hindi naman po niri-require ng ating mga local government units.

USEC. IGNACIO: Opo. Kanina, nabanggit ninyo na iyong mga prosesong pagdaraanan ng mga pasahero para po sa pagsakay. Kailan po ba daw sila hahanapan ng vax card?

CAAP CHIEF OF STAFF ATTY. LUCAS: Ang una po, Usec., pagpasok po nila sa ating mga facilities o paliparan, ang ating mga security officers hahanapan na po sila. Una po, hahanapan sila ng vax card pagkatapos ng isang government-issue ID para po ating ma-ascertain na sila nga po ang totoong nabakunahan.

Pangalawa po, kapag mayroon pong mga mangilan-ngilan na nakalusot doon sa ating first screening, bago po sila maisyuhan ng kanilang mga boarding pass at mga ticket bago po sila sumakay ng ating mga eroplano, hahanapan uli sila ng ating mga ticketing agent at officers ng ating mga airlines ng vaccination card at ng kanilang government-issued ID.

Ganoon po ang proseso na pagdadaanan ng ating mga mananakay habang ipinapatupad po ang Department Order sa Alert Level 3 situation o mas mataas sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Attorney, ito po bang polisiya na ito ay pansamantala lamang o posibleng maging permanenteng policy hanggang may pandemya o posible pong mabago kapag po nabago iyong ating Alert Level 3?

CAAP CHIEF OF STAFF ATTY. LUCAS: Maraming salamat po sa tanong. Magandang tanong po iyan. Napag-usapan po iyan kahapon sa aming briefing with Sec. Art Tugade po.

So, ang mangyayari po, nandoon naman po sa coverage ng Department Order na ito po ay ipatutupad habang po umiiral ang Alert Level 3 o mas mataas. Ito po ay temporary lang, kapag po bumaba na tayo sa Alert Level 2, magkakaroon po tayo uli ng assessment at maaari po na ito eh magkaroon ng suspension ang implementation dahil ngayon po umiiral lamang po ito sa Alert Level 3 o mas mataas pa sa Metro Manila.

Maaari rin pong magkaroon ng isa pang assessment kapag nagkaroon na po tayo ng mas mataas pa po na vaccination rate.

Ngayon naman po, batay po sa mga nasasabing ulat at na-publish na ulat, 91% na po ng mga nasa Metro Manila ay bakunado na po. So, ito naman po eh tuloy-tuloy na ina-assess ng inyong Kagawaran ng Transportasyon.

Ngayon, ito po ang aming implementasyon, doon sa tulong namin sa Metro Manila Council – MMDA Resolution para rin po makatulong sa pagbawas ng mga COVID-19 cases sa Metro Manila at sa buong bansa na rin po.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, samantala, tama po ba na nasa 117 officials at employees ng CAAP, iyon pong nagpositibo sa COVID-19? Ano pong aksiyon ang inyong ginagawa para po sila matulungan?

CAAP CHIEF OF STAFF ATTY. LUCAS: Sa totoo po, Usec, mas mataas na po doon ngayon ang rate [of infection sa employees] ng Civil Aviation Authority of the Philippines. Noon mag-umpisa pong magbalik after ng break ang Civil Aviation Authority of the Philippines sa tagubilin po ni Sec. Art at ng aming director General, nagkaroon po tayo ng mass testing.

Halos 20% po ng empleyado ng Civil Aviation Authority of the Philippines kasama na po ang mga technical personnel, sa kasamaang palad po ay nagpositibo sa mass testing na ginawa. So, ang ginagawa po natin ngayon, sinusunod po natin ang polisiya ng national government na kung puwedeng mag-work from home, 40% po naka-work from home; 60% po eh ang ating onsite reporting muna habang inaayos natin iyan.

Ang mangyari po, hindi po natin hininto ang serbisyo dahil kailangan pong, sabi nga ng ating Pangulo, hindi mahinto ang operasyon at napaka-importante po ng air transportation. Ang naging problema po ng Civil Aviation Authority of the Philippines, dahil marami po doon sa mga nagpositibo at kasama na rin po doon ang mga na-expose sa kanila, iyong atin pong mga tinatawag na air traffic controllers.

Alam naman po natin sa aviation kung wala po ang ating mga air traffic controllers, magkakaroon po talaga ng malaking epekto iyan sa operasyon ng ating mga airlines. So, ganoon po ang nangyari kaya ang ginawa po ng Civil Aviation Authority of the Philippines, nagkaroon po tayo ng bubble.

So, tinest po natin lahat noong mga natitirang air traffic controllers. Ang ginawa po natin, hinouse (housed) po natin sila sa isang staff facility, prinovide natin lahat ng necessary facilities and requirement na kailangan nila para hindi na po nila kailangan munang lumabas at masiguro po natin na ligtas sila health-wise at maituloy po natin ang operasyon.

Noong nangyari po kasi iyan, noong unang beses po na nangyari, nagkaroon po ng pagbawas ang ating mga flights mula po 18, nagkaroon po ng 16 per hour ang ating mga arrival. So, may mga flights po na naapektuhan, hindi naman po tuluyang nahinto pero nagkaroon po ng delay. Iyon po ang iniiwasan natin dahil napakaimportante po ng ating mga air traffic controllers para panatilihin na ligtas ang operasyon ng ating mga paliparan at ng ating mga mananakay na lumilipad in and out of the country and within our airspace jurisdiction sa Pilipinas.

Iyan po ang ating mga steps na ginawa, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, nabanggit ninyo mukhang mas mataas na sa 117, ilan na po iyong update ngayon? Ilan na po ang kaso ng COVID-19 sa CAAP at naniniwala ba kayo na wala naman pong kailangang flight na dapat na makansela?

CAAP CHIEF OF STAFF ATTY. LUCAS: Yes, Usec. Rocky. Hindi ko lamang po hawak ang eksaktong figure pero ang huli po nating balita sa ating medical service, umabot na po nang halos nasa 250 to 300 po ang naging positibo sa ating mga empleyado ng Civil Aviation Authority of the Philippines magmula po nang nag-umpisa ang ating mass testing noong pong January 3. Pero ngayon po, marami na po sa kanila ang naka-recover na, marami na rin po ang nakalabas sa kanilang quarantine ang isolation protocol.

Ngayon po, balik na po sa normal ang operasyon. Unfortunately po, ang magiging epekto po ngayon kaya nagkakaroon po ng mga kanselasyon at ng mga delay, nandoon naman po sa hanay ng ating mga airlines dahil ang kanila pong mga piloto, ang kanila pong mga cabin crew at pati na rin po ang mga ground handler, unfortunately po nagkaroon din po ng hawaan at mas naging epekto po actually iyong mga close contact. Kahit po hindi nag-positive, base po sa protocol na ipinalabas ng ating Department of Health, kailangan na rin po nilang mag-quarantine.

So, nagkaroon po talaga ng pagbaba ng manpower at ang mga nagsiserbisyo sa ating mga airlines. Kaya kung inyo pong nabalitaan at alam naman po natin noong mga nakaraang linggo po, marami po talagang flights, kung hindi man po na-suspend, marami po ang na-delay at marami po ang cancelled. Ang kadahilanan po noon ay ang kakulangan po ngayon ng mga nagsiserbisyong piloto, cabin crew, ground handlers at pati na rin po ang mga security personnel sa ating mga paliparan.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, inaprubahan po ng ating IATF itong pagpapaikli ng quarantine period para sa mild at asymptomatic confirmed COVID-19 cases para sa fully vaccinated at ang boosted aviation workers. Ano po ang masasabi ninyo dito?

CAAP CHIEF OF STAFF ATTY. LUCAS: This is actually, Usec., a very welcome development. Nagpapasalamat po kami sa pagkakataong ibinigay ng IATF na mapakinggan po ang hinaing ng aviation sector lalung-lalo na po ng ating mga colleagues sa airline industry.

Nabanggit ko nga po kanina, isa po sa nagiging problema nila more than doon sa mga nagpositibo sa COVID-19 na kanilang mga crew ay iyong mga nagkaroon ng close contact kasi isipin po natin iyong exponential effect doon. Kung mayroon pong limang nag-positive, mas marami po ang close contact kahit naman po sila ay hindi confirmed na COVID-19 positive.

So, halos lahat po ng isolated at quarantined dahil na-expose po sila sa positive case, kahit sila po ay asymptomatic or mild and kahit sila po ay fully vaccinated and boosted, kailangan po nilang sumunod sa quarantine protocol. Kaya po talagang nagkaroon po ng pagbaba ng bilang ng mga nagsiserbisyo sa ating mga airlines sa PAL, Cebu Pacific at Air Asia.

Kaya po sa pangunguna po ng Departamento ng Transportasyon, tayo po ay dumulog sa IATF na kung maaari po, kung kanila pong mamarapatin ay pagbigyan po iyong request ng airline na paikliin ang isolation at quarantine protocols ng ating mga airline industry. Ang argumento naman po ng ating mga kaibigan sa airlines, sila naman po ay sumusunod sa lahat ng health protocols kagaya po ng ating mga colleagues sa health industry, sa kanila pong pagsiserbisyo at implementasyon ng mga health protocols, sila po ay fully compliant.

At actually mas mataas pa nga po sa niri-require dahil nakasuot po sila ng full [garbled] po sila sa lahat ng regulasyon na ibinibigay hindi lamang po ng Civil Aviation Authority of the Philippines pati po ng DOH at pati po ng mga local government units. Sa loob naman po ng cabin, mayroon po tayong tinatawag na hepa filter; ang hangin po sa loob ng ating cabin sa eroplano ay kagaya po ng nasa operating room.

So pinaniniwalaan po natin na sapat po ang mga protocols na ipinapatupad sa ating mga paliparan, sa ating cabin sa loob ng eroplano at pati sa ating mga empleyado hindi lamang po sa gobyerno, sa aviation sector at sa ating mga airline industry. Kaya nagpapasalamat po tayo sa pagkakataong binigay ng IATF at sa pakikinig at sa pag-apruba po ng request ng aviation sector sa pangunguna ng Kagawaran ng Transportasyon at pakikipag-ugnayan po sa ating mga kaibigan sa airline industry.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, CAAP Chief of Staff, Atty. Danjun Lucas. Mabuhay po kayo at stay safe po!

CAAP CHIEF OF STAFF ATTY. LUCAS: Maraming salamat po, Usec. Maraming salamat po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Sa harap ng pinaigting na pagpapatupad ng ‘no vax, no ride’ policy, nakikita na rin po ang pagdami ng mga humahabol sa pagpapabakuna ngayon. Sa isang vaccination site sa Quezon City kahapon lang po ay nakapagbakuna ito nang higit isanlibong first dose ng COVID-19 vaccine. Narito ang ulat ni Rod Lagusad:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Rod Lagusad.

Isang buwan matapos po ang naging pananalasa ng Bagyong Odette, muli nating kumustahin ang lagay ng sektor ng agrikultura sa Pilipinas at ang ambag din nito sa economic growth ng ating bansa, makakausap po natin si Agriculture Secretary William Dar. Magandang umaga po, Secretary. Welcome back po sa Laging Handa!

DA SEC. DAR: Magandang umaga po naman Usec. Rocky at sa lahat po na viewers ng Laging Handa. Good morning.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kumusta na po ang pamamahagi ng assistance ng Department of Agriculture sa mga magsasaka at kooperatibang naapektuhan po ng Bagyong Odette?

DA SEC. DAR: Opo. Ang premise po natin diyan, talagang very significant iyong damage sa agrikultura as a result of Typhoon Odette. Let me give you the data:

  • Ang number one na apektado po ay ang fisheries sector, 3.97 billion pesos;
  • ang pangalawa ‘yung rice subsector, 2.56 billion pesos;
  • pangatlo po ‘yung coconut industry, 1.32 billion pesos;
  • pang-apat ay ang high value crops at 1.5 billion pesos;
  • at ang panlima, ‘yung sugarcane crops at 1.15 billion pesos;
  • and others kagaya ng infrastructure, corn, livestock ay nasa 2.46 billion pesos.

So now the question is: What are we doing? For this last two weeks now of January, mayroon tayong nilaan na almost 3 billion pesos na DA interventions – ito na ‘yung pinapamudmod—I mean, binibigay sa ating mga apektado na farmers at fisherfolk in the various regions.

Alam ninyo, dito dumaan sa almost 10 regions ang apektado na agrikultura. But let me mention, ang pinakaapektado na region, Usec. Rocky, ay ang Region VI followed by Region III, Region VII – so these are mostly Visayas – then Region Caraga, XIII and MIMAROPA that’s IV-B and the rest would be Region X and Region IX, XI so ganoon.

Ano po ba ‘yung mga binibigay po natin ngayon na interventions:

  • Number one, mayroon kaming minobilize na 1 billion peso na quick response fund for the rehabilitation of the affected areas. So ito ikumpara mo doon sa damages ay hindi sapat, so that’s just a good start.
  • Now on top of this 1 billion, Usec. Rocky, mayroon tayong ready – palagi ‘yan – at these are certified rice seeds, certified corn seeds and assorted vegetable seeds worth 500 million. So strategically distributed in those affected regions or provinces as a result of Typhoon Odette.
  • Then mayroon ding mga seed nuts, seedlings and fertilizers from PCA, 40.2 million pesos.
  • From BFAR, ang interventions ng BFAR ay umabot na ng 35 million pesos – dadagdagan pa po nila ‘yan.
  • Mayroon ding mga additional stocks, drugs and biologics for livestock and poultry 6.6 million pesos.
  • At isa pa ‘yung mayroong inilaan ang Philippine Crop Insurance Corporation para doon sa indemnification for insured farmers and fishers, 828 million pesos.
  • And doon sa ACPC [Agricultural Credit Policy Council], mayroon ding inilaan na sure calamity loan assistance program.

So ang sumatotal 3 billion pesos is being distributed now in many kinds of interventions. And on top of that, Usec. Rocky, gusto ko ring banggitin na we are in the last month of distributing itong 2021 RCEP [Rice Competitiveness Enhancement Fund] Rice Farmers Financial Assistance [RFFA], and as of today we are almost halfway out of the 7.5 billion pesos that we are distributing to almost 1.5 million farmers all over the country.

So kung titingnan mo, 3 billion plus the RFFA na tuluy-tuloy, another 3 billion this January—3.5 billion this January ay mataas-taas na po ‘yung tulong na galing po sa Kagawaran ng Agrikultura, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pero kumusta po ang lagay ng food security sa ating bansa ganitong taun-taon po ay halos ay nakakaranas tayo ng ganitong kalalakas na bagyo, isabay pa po ‘yung nagpapatuloy na pandemya?

DA SEC. DAR: Okay. Maganda pong katanungan ‘yan kasi alam ninyo dumating ang Typhoon Odette almost middle of December so ang ganda sana iyong performance ng agrikultura kasi nakikita po natin na kahit maliit ‘yung pag-angat sana ay at least we are nearing the positive growth trajectory.

Now, in terms of inventory natin sa iba’t ibang commodities. Sa bigas po, by the end of 2021, mayroon tayong good for 115 days. So, sapat na sapat po iyong ating imbentaryo sa bigas at alam naman ninyo na tuluy-tuloy iyong rice production. Now, another thing to mention, Usec. Rocky na because of this very sustained introduction of modern technologies or innovation at saka capacity building ng ating mga rice farmers. In rice production, in spite of Typhoon Odette in 2021, that’s last year, we will get a new record harvest surpassing 2020 record harvest of 19.4 million metric tons. So we are seeing a breach of 20 million metric tons, this will now be a new record harvest in rice production in the country. Kung sana wala lang itong African swine fever ay ang ganda sana iyong paglago na ng sector ng agrikultura. So, very impressive iyong growth ng rice, we have enough rice.

Now, for poultry, we are more than sufficient. Going back to pork, so mayroon tayong kombinasyon ng supply ng local producers at saka iyong frozen pork. So we have more than   enough inventory this quarter. And I will discuss later kung ano iyong strategies pa natin to sustain itong pork inventory natin this year. Now, sa fisheries naman, we have a close fishing season, so more or less mayroon kang tightness in the supply of fish this quarter. But we are enhancing our aquaculture sub-sector to come forward and other sectors of the fisheries. So that at the end of the day ay we will elevate our fish catch. At the same time kung ano po iyong pagkukulang ay pupunuan po natin.

Again, this is a balancing act being done by the department to ensure food security in the whole country. So suma total po, in spite of all these challenges and other concerns, USec. Rocky, the Philippines, this time around, with all combination of enhancing local production and supply augmentation from other countries ay sapat po ang pagkain ng ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano daw po ang reaksiyon ninyo dito po sa recent statement ni Representative Joey Salceda na dapat daw pong mas tutukan pa ang agricultural growth and investment ngayong taon lalo na daw po iyong food prices?

DA SEC. DAR: Alam ninyo, we have a good champion for agriculture in the person of Congressman Joey Salceda. I like his way of thinking, lamang lang, okay the budget for agriculture this year ay hindi po lumago, hindi po tumaas. From 91 billion na nandoon sa NEP, iyong National Expenditure Program na ibinigay ng DBM ay at the end of the day ay ang binigay lang ng Kongreso, both Houses, House of Representatives and the Senate, we only have about  just more  than 85 billion pesos. So, sana nga madagdagan pa ang suporta ng ating gobyerno dito sa paglago ng agrikultura.

I believed in all respect, iyong sinasabi natin na being an agricultural country, this is one sector that is underinvested, underfunded. And the case of rice is at showcase to mention with proper budgetary support sa rice production ay ang taas po iyong outcomes. And I hope that will happen for the other commodities. The other commodities, we are not getting so much. So, iyon po ang katotohanan, we are just telling exactly what we now have received for the 2022 budget support for the Department of Agriculture.  We could be better if there is a higher budgetary support from government and plus the investments coming from the private sector.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media. May tanong po sa inyo April Rafales ng ABS-CBN News: Ano daw po ang dahilan ng tumataas na presyo ng local at imported na galunggong at ano daw po iyong updates sa imported galunggong? Gaano karami po ang dumating at darating pa? Hindi po kaya ito nakakatulong para mapababa pa ang presyo?

DA SEC. DAR: Mayroon po tayong tinitingnan na mga strategies para mapabilis po natin itong paglabas ng mga imported na galunggong galing sa mga cold storages. Ganoon po ang problema natin, halos nandoon po sa cold storage at hindi masyado nakakarating sa merkado. So, I have directed the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources with the PFDA to see to it that you know, this imported galunggong, mush reach the wet  markets as is the case, because that is the very reason, why  we are bringing additional supply augmentation. So, the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources has the power to open up these cold warehouses and see to it that this have to be brought to the wet markets.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Shyla Francisco ng TV 5: Ano na po ang update sa pag-c0nvene ng NFARMC to discuss additional fish imports po sa bansa?

DA SEC. DAR: Okay po, nag-convene na po ang NFARMC, last week and they have given  their own thinking and let me  announce before  all of you that, you know, we consider about six reasons why we are deciding for a new certificate for the need to import small pelagic fish for this quarter of 2022. NFARMC said, we have more than enough supply, maybe that’s their thinking. But accordingly, based from the data of the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, we have a potential deficit this quarter of about 119 thousand metric tons. So that is one to consider.

Number two, to consider that there was Typhoon Odette. So we cannot just say that the fishing sector continues to be normal, they are the number one in the sub-sector of agriculture badly hit during the Typhoon Odette. So, the capacity of our fishers to catch will be in question. You have to enhance their capacities. To catch really iyong question, you have to enhance their capacities.

Number 3, you continue to see the inflation, you know high prices in most of the market for fish, pangalawa iyan sa pork na nagbibigay ng higher contribution sa food inflation. Pang-apat, there are this logistic problem of course that we need to properly manage at… ako by the end of the day being the Secretary of Agriculture having considered everything, you NFARMC [National Fisheries and Aquatic Resources Management Council] is a body that has the recommendatory responsibility.

So, that hears the recommendatory responsibility but at the end of the day we take responsibility in terms of the ensuring food security in this case fish supply of small pelagic fishers. So I just signed yesterday a certificate of the need to import for this first quarter the amount of 60000 metric tons of small pelagic fishes to be imported for this quarter of the year.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagsama ngayong umaga. Department of Agriculture Secretary William Dar, mabuhay po kayo at stay safe Secretary Dar.

DA SEC. DAR: Maraming salamat po USec. Rocky. Again I think with all the efforts of our farmers, fishers, agri-business people and the support of government we continue to give hope and inspirations to them so that they elevate their gain using modern technologies and we are there always to help them grow and develop. Aahon din ang sector ng agrikultura, aahon din ang ating ekonomiya. Maraming salamat po!

USEC. IGNACIO: Salamat po, Secretary William Dar. Samantala, patuloy po ang pamamahagi ng pamahalaan ng tulong at ayuda sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng pandemya at isa nga sa kanila na naabutan ng tulong ang mga residente sa San Juan City. Lubos na pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga ito, panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Mula po sa public transportation sa lupa at sa panghimpapawid, maging ang mga transportasyon na pandagat ay nagpapatupad na rin po ng ‘No Vax, No Ride’ Policy, kumustahin natin ang naging implementasyon nito kasama po natin si Philippine Ports Authority General Manager Jay Daniel Santiago. Magandang umaga po, GM!

PPA GEN. MGR. SANTIAGO: Magandang umaga USec. Rocky, at magandang umaga din sa lahat ng nakikinig at nanunuod ngayong araw na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, kumusta po itong pagpapatupad ninyo ng ‘No Vax, No Ride’ policy so far?

PPA GEN. MGR. SANTIAGO: USec. Rocky, nagsimula po tayong magpatupad noong January 13 pa po kung kailan naging epektibo po ang PPA Memorandum Circular No. 2022-001, in-implement po ng Department of Transportation Department Order 2022-001 also.

Nag-soft implementation po tayo simula January 13, pero simula po kahapon ay naging istrikto na po ang implementasyon natin sa mga terminal po natin na nasasaklaw po ng PPA Memorandum Circular. Generally speaking po, USec. Rocky, maayos naman po ang naging pagpapa-implement po natin, naintindihan naman po ng mga kababayan natin ang rason para sa pag-i-implement po ng ‘no vaccination card, no entry, no boarding’ policy po sa ating mga terminal.

Mayroon lamang po tayo na insidente kahapon sa North Harbor Terminal 4 natin na may mga pasahero pong dumating na wala po kahit anong kaukulang dokumentasyon maging ticket. Naayos po natin iyong kanilang kalagayan, subalit hindi na po sila pinasakay. Nasa mga 100 pong mga kababayan po natin ito na patungo po ng Zamboanga USec. Rocky, at sila po ay inaruga na po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Medyo marami-rami po iyan Attorney. Paano naman ninyo nasisiguro na mahigpit na nababantayan ito pong pagpapatupad ng No Vax, No Ride Policy sa inyong mga pantalan o ports?

PPA GEN. MGR. SANTIAGO: Ayon po sa ating Memorandum Circular USec. Rocky, at sa atin pong standard operating procedure, sa gate pa lamang po ng terminal ay tinatanong na po iyong mga kababayan natin papasok kung saan po sila papunta at ano po ang transaction po nila sa loob ng terminal. Kung sila po ay sasakay ng barko, hinahanapan na po sila ng kanila pong ticket kung hindi naman po ay boarding pass at hinahanap na rin po iyong kanilang vaccination card.

So, ang nangyayari po imbes po pumasok pa sila sa terminal at magkaroon pa po ng confusion doon po sa loob ng terminal sa gate pa lamang po ay inaabisuhan na po sila kung ano po iyong kakulangan sa mga dokumento nila lalung-lalo na po kung wala silang vaccination card.

USEC. IGNACIO: Opo. Para malinaw lang po Attorney, sa pagpasok pa lang po hahanapin na iyong vaccination card. Pero, pag paalis na nitong sa port of exit ay hindi na o hahanapan pa rin po sila?

PPA GEN. MGR. SANTIAGO: Sa disembarkation po, USec. Rocky, hindi na po sila hinahanapan dahil umaasa po tayo na doon po sa port of embarkation nila ay naproseso na po sila. Pagdating po nila sa mga destinasyon po nila hindi na po sila hinahanapan at pinapabayaan na po silang libreng makalabas po sa ating mga terminal.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, para po doon sa may mga may medical conditions, ano na lamang po iyong kanilang kinakailangan ipakita para makapasok sa inyong ports?

PPA GEN. MGR. SANTIAGO: Ayon po sa atin pong Memorandum Circular mayroon po tayong exemptions doon. Isa po sa mga exemption katulad po ng nasabi ninyo na may mga medical conditions na hindi po sila maaaring bakunahan ano ayon po sa kanilang mga doctor.

So, ipakita lamang nila ang kanilang medical certificate na pirmado po ng kanilang doctor, palagay po doon iyong pangalan at contact details po noong Doctor na pumirma o nag-issue po ng medical certificate para kung kinakailangan pong maberipika ay maberipika po. Iyon lamang po ang kailangan USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Attorney, ano naman daw po iyong masasabi ninyo dito sa pag-deploy umano ng DOTr ng mystery passengers para daw po tingnan kung maayos bang naipatutupad ang No Vax, No Ride Policy sa mga pampublikong transportasyon?

PPA GEN. MGR. SANTIAGO: Well, maganda po iyan USec. Rocky, I think iyan po ay mas nagagamit po iyong mga mystery passenger or mystery riders po natin sa road sector po ano. Pero, gaya nga po ng nasabi ko po sa isa pong panayam kasama po ang mga kasama natin sa DOTr na kung mga kababayan po natin ay susunod na lamang po doon sa mga regulasyon at sa mga patakaran hindi na po kailangan pa na magkaroon po ng mystery passenger o mystery rider para isa-isahin po sila.

Tayo na po sa sarili natin iayos na po natin ang pagsunod natin sa patakaran dahil iyan naman po ay pinapatupad po ng pamahalaan natin lalung-lalo na po ng Department of Transportation para po sa kapakanan din po natin hindi lamang po sa mga bakunado kung hindi lalung-lalo na po doon sa hindi pa bakunado para masigurado po silang maililigtas.

So ang hinihingi po namin, sundin na lamang po natin kung ano ang patakaran at let us not unduly further burden po ang ating pamahalaan para magkaroon pa po ng intervention sa bawat regulasyon na ipapatupad po na kailangan pang tutukan ang bawat isa sa ating mga mamamayan kung sila ba ay sumusunod.

Tayong lahat po, sumunod na po at ng hindi na kailangan pang magsayang po o mag-exert pa ng additional na resources ang ating pamahalaan para lamang po masunod or makita kung talagang nasusunod po ang mga alituntunin.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta naman po ang workforce sa inyong hanay? Kumusta po sa inyong tanggapan, may mga nagpositibo po bang empleyado at may active cases pa rin po ba sa ngayon?

PPA GEN. MGR. SANTIAGO: Naku, Usec. Rocky, sa ngayon po nasa 131 pa rin po ang ating active COVID cases dito po sa head office po ng Philippine Ports Authority sa Manila at tayo po ay naka-skeletal workforce po dito po sa head office. Pero, ina-assure po natin na ang mga kababayan po natin, lalo na po iyong nagta-transaction dito sa port of Manila, regular po ang operasyon at iyon pong mga operations personnel po natin sa kabutihang palad naman ay wala  pong apektado at lahat naman po ay nabakunahan na.

Nasa 91% po buong Pilipinas bakunado na po ang mga kawani natin sa PPA. Mabuti na lamang po at iyong ating 131 na nag-positive po sa COVID kung hindi man po asymptomatic ay very mild po ang sitwasyon nila at sila ay naka-isolate lamang po.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, may tanong lamang po ang ating kasamahan sa media. May tanong po sa inyo si Jayson Rubrico po ng SMNI news: Bakit hindi daw po pinasakay ang mga passengers na kahit fully vaccinated sa North Port Passenger Terminal? No Vax, No Ride po ba ang policy sa terminal or no RT-PCR test no ride?

PPA GEN. MGR. SANTIAGO: Usec. Rocky, siguro po ang binabanggit po nila ay iyong katulad ng nabanggit ko iyong insidente po natin kahapon na mayroon po tayong mga kababayan po na fully vaccinated at sila po patungo, I think, sa Zamboanga po. Ang naging problema lang po natin kasi pagdating po sa Zamboanga bagama’t mayroon na pong vaccination card, ang niri-require po ng LGU na ang mga dumadating po sa Zamboanga ay kailangan mayroong negative RT-PCR result at iyong mga dumating po sa atin na mga sasakay ay wala pong negative  RT-PCR result na mga patungo po ng Zamboanga.

So, hindi po sila pinasakay bago dumating po ng barko ano, ang namamahala po diyan sa pag-boarding po niyan ay ang Philippine Coast Guard at ang Maritime Industry Authority. Pero po iyong ibang mga sasakay din po sa barko ngayon na kasi po multiple routes po iyang barko, Usec. Rocky, may mga papunta po ng Dumaguete diyan. Sila naman po ay pinasakay sa pagpresenta po ng vaccination card nila dahil hindi po nagri-require ang Dumaguete ng negative RT-PCR result.

So, katulad po ng nasabi na namin sa mga nakaraan, bago po tayo bumiyahe siguraduhin lamang po natin na alam po natin iyong mga regulasyon po ng mga LGU na pupuntahan natin dahil may kaniya-kaniya pa rin po silang requirement at makipag-ugnayan po tayo sa mga LGU hindi lamang po doon sa social media page nila kung hindi po magtawag po siguro tayo para sigurado po tayong hindi magkakaroon po ng aberya sa biyahe natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pong tanong ni Jason Rubrico: Kahit po ba ang mga bata na kahit may RT-PCR negative test result ay hindi pa rin pasasakayin sa North Port Passenger terminal at iri-refund po ba ang mga ticket ng mga hindi nakasakay o naiwan ng barko?

PPA GEN. MGR. SANTIAGO: Mabanggit ko lang, Usec. Rocky, ano nasa alert level 3 po tayo dito sa NCR at iyan po ang basis kung bakit nag-isyu po ng Department Order ang DOTr at ang Memorandum Circular ng PPA. Ayon po sa Alert Level 3, iyon pong individuals below 11 po ay hindi pa pupuwedeng, una hindi pa po bakunado iyan kaya hindi magkakaroon ng vaccination card iyan.

Pangalawa po ay hindi po pinapayagang lumabas ng bahay iyan. Ang mga exemption lang po, katulad po ng napag-usapan po namin ng mga kasama natin sa DOTr kapag ang magulang po kasama ang kanilang anak ay pauwi sa kani-kanilang mga tahanan sa probinsiya at hindi lamang po vacation travel or luxury travel, sila po ay papayagan kasama po ang kanilang mga anak provided po sila ay may pruweba na sila ay pauwi po talaga sa kanilang mga kaniya-kaniyang residences sa mga probinsiya.

Of course, without saying na dapat bakunado po, fully vaccinated iyong mga guardian or iyong mga magulang nila. Papayagan po iyong bata sa mga ganoong sitwasyon po. Pero sa totoo lamang po dahil nasa Alert Level 3 tayo, iyon pong bata wala dapat sa labas iyan.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, PPA General Manager Jay Daniel Santiago, mabuhay po kayo Attorney.

PPA GEN. MGR. SANTIAGO: Maraming, maraming salamat po, Usec. Rocky at mag-ingat po tayong lahat. Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Samantala, silipin na natin ang mga huling tala ng COVID-19 sa bansa:

  • As of 4:00PM kahapon, nakapagtala ang Department of Health ng total COVID cases count na 3,242,374 iyan po ay matapos itong muling madagdagan ng 37,017 new cases.
  • Sa kabilang banda 33,940 ang mga bagong gumaling mula sa virus. Sa kabuuan umabot na ito sa 2,898,507 total recoveries.
  • 23 naman po ang mga nadagdag sa mga nasawi kung kaya umabot na sa 52,929 ang total deaths.
  • 290,938 o 9% ng kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa ang nananatiling aktibo hanggang ngayon.

Samantala, mariin pong pinabulaanan ng Department of Health ang kumakalat na umano’y DOH advisory tungkol sa Omicron variant. Sa naturang advisory, tumatagal lamang umano ang Omicron infection rate ng 20 segundo bago makapanghawa ng bata at matanda. Pero, paliwanag ng DOH mas mabilis ang transmission kapag ang mga tao ay walang mask, nasa kulob at mataong lugar at walang maayos na bentilasyon.

Karaniwan din umano ang re-infection pero walang pag-aaral na nagsasabing ito ay nakapagdudulot ng mas malalang sakit o mas nakakamatay. Giit pa ng DOH mas protektado ang mga fully vaccinated at boosted individuals ilang beses man sila na-re-infect.

Binigyan diin din ng DOH ang kahalagahan ng ‘Mask, Hugas, Iwas’ at air flow lalo’t parehong nakapagta-transmit ng virus ang symptomatic at asymptomatic individuals.

At panghuli, ayon sa DOH, optional lamang ang pagsusuot ng mask sa loob ng bahay pero kanilang inirirekomenda sa mga may kasamang immunocompromised sa bahay o nakatapos na ng kanilang quarantine ngunit kailangang ipagpatuloy ang pagsusuot ng mask habang minu-monitor ang kanilang sintomas.

Alamin naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service kasama si Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

Okay. Babalikan po natin si Ria Arevalo.

Narito naman po si Jay Lagang para sa ulat sa PTV-Davao o sa mga napapanahong kaganapan sa Davao Region.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jay Lagang ng PTV Davao.

May ulat naman mula sa Cordillera si Phoebe Kate Valdez ng PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Phoebe Kate Valdez ng PTV-Cordillera.

Maraming salamat sa ating mga partner agency para po sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Maraming salamat din po inyong pagtutok sa ating programa ngayong araw. Hanggang bukas pong muli, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center