Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayan saan mang panig ng mundo. Ngayong araw, alamin po natin ang pinakahuling programa ng pamahalaan para mas ilapit pa ang bakunahan sa mga Pilipino. Kumustahin din po natin ang implementasyon ng ‘No Vax, No Ride’ policy sa mga pampublikong transportasyon at ang industriya ng turismo sa ating bansa.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!

Inaasahang mas makikita ang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa dahil tumataas ang ating testing capacity at lumuluwag na ang mga laboratoryo. Sa harap niyan, inihahanda ng pamahalaan ang ibibigay na home care kits sa mga nagpupositibo na may mild symptoms. Ang detalye mula kay Mark Fetalco:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, hinimok naman ni Senator Bong Go ang PhilHealth na palawigin pa ang benefit package ng ahensiya [garbled] mental health services, aniya mahalaga ring pangalagaan ang mental health ng isang taong tinamaan ng COVID-19. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Para naman po mas ilapit sa mga Pilipino ang bakuna panlaban po sa COVID-19, nakatakda na ring ilunsad ng pamahalaan ang ‘Resbakuna sa Botika’ program sa pangunguna po ito ng National Vaccination Operations Center at ng National Task Force Against COVID-19. Para po alamin ang iba pang detalye sa programang ‘yan, makakausap po natin si NTF Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon. Good morning, Secretary. Welcome back po sa Laging Handa Public Briefing.

SEC. DIZON: Good morning, Usec. Rocky. Good morning sa lahat ng tagapanood.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano po ba ‘yung dapat asahan ng ating mga kababayan dito po sa paglulunsad nitong ‘Resbakuna sa Botika’ at saan-saan pong mga botika ito at kailan daw po ito magsisimula?

SEC. DIZON: Opo, Usec. Rocky. So gaya ng ni-report natin sa ating mahal na Pangulo noong Lunes, bukas po Huwebes, January 20 at sa Biyernes January 21, magsisimula na po ‘yung ating ‘Resbakuna sa Botika’ at mga iba’t ibang clinics simula muna dito sa NCR pero mabilis nating ie-expand ‘yan sa iba’t ibang mga lugar lalung-lalo na sa mga malalaking siyudad sa buong bansa – Luzon, Visayas at Mindanao.

Nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga partner natin na mga botika, mga pharmacy mga clinics. Nandiyan na, naka-flash sa screen nakikita natin ang: The Generics Pharmacy, ang Generika, ang Healthway Clinic, ang Mercury Drug, ang Watsons, QualiMed, Southstar at iba pang mga clinics ‘no na dadating pa, kasama na rin ang Rose Pharmacy sa Visayas at Mindanao.

Bukas magbubukas tayo sa apat na botika sa Metro Manila at sa Biyernes magbubukas tayo sa tatlo kasama na ang dalawang clinic at sa mga susunod na linggo papalawakin pa natin ‘yan. Ang layunin nito ay talagang mailapit pa natin lalo ang ating pagbabakuna sa ating mga kababayan para mas mapabilis pa natin at mas madami tayong mabakunahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, para malinaw lang po. Ito po ba ay para lang sa kailangan ng booster shot? Papaano daw po ang magiging proseso nito at puwede ba silang basta lamang walk-in sa mga botika? Ano po ‘yung magiging role pati ng LGU; isabay ko na rin po ‘yung tanong ni Cresilyn Catarong ng SMNI News: Kung libre daw po ba ito at kung may figures po ba kung ilan ‘yung nakapag-register na for vaccination sa mga pharmacies and clinics?

SEC. DIZON: Unang-una po, gaya ng sinabi po natin ‘no na ang utos ng atin Pangulo eh padaliin pa lalo ang pagbabakuna para mas mabilis at marami tayong mabakunahan. Kaya po sa pilot natin boosters muna sa ating mga botika; sa mga clinic puwede ‘yung primary dose at second dose pati ang booster sa mga susunod na araw. Pero papalawakin naman natin ‘to ‘no, kailangan lang siyempre may kasamang pag-iingat at susubukan muna natin ang sistema natin sa mga botika dahil unang beses natin gagawin ito. Pero makakaasa ang mga kababayan natin na papalawakin natin ‘to pati mga primary dose at mga second dose, hindi lamang mga booster ang puwede nating gawin sa mga botika.

Ikalawa, libre po ito; walang bayad ito, kagaya na rin ng mga bakunahan natin na mga LGU natin kaya wala pong problema ang ating mga kababayan dito at mas mapapadali pa sana sa kanila.

Puwede rin pong mag-walk-in pero pagdating nila sa botika kailangan nilang mag-register online doon sa mga botika mismo. May sistema nang inaayos ang ating DICT at ang ating DOH in partnerships sa ating mga botika kaya puwede silang mag-register onsite. Pero mayroon ding sistema na magri-register sila online para mapadali. Wala pa tayong mga numero kung ilan ang nag-register pero tingin namin, dadami nang dadami ito habang nagru-rollout tayo dahil nga mas madali ito para sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sinu-sino lang daw po iyong puwedeng mag-walk-in sa mga botika para magpabakuna?

SEC. DIZON: Eighteen and above po, Usec. Rocky. Ang hindi lang muna natin pinapayagan pa iyong mga menor de edad dahil kailangan may kasama itong mga magulang or mga guardian, pero 18 pataas puwedeng magpabakuna. Initially, sa mga botika ay booster lang muna. Pero sa mga darating na araw, darating na linggo, papalawakin na natin ito. Ginagamit nating ehemplo dito, Usec. Rocky, para alam ng ating mga kababayan iyong ginagawa nila ngayon sa Amerika. Dahil sa Amerika, ginawa na nila iyan last year, na binuksan nila ang pagbabakuna sa mga iba’t ibang mga botika sa Amerika. Kaya ginagaya natin iyan kasi nakita natin na epektibo at lalong napapalawak ang mga pagbabakuna para sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ngayon puro sa Metro Manila branches lang po iyong mayroon ‘no, iyong gagawing pilot? Pero kailan po kaya, mas mapapalawig ba ito beyond NCR? At papaano ninyo po pipiliin iyong mga lugar para magkaroon ng ganitong programa? Kasama na po ba rito sa ikinukonsidera ninyo iyong mga lugar na mayroong mababa po iyong turnout ng kanilang pagbabakuna o mas mataas na kaso?

SEC. DIZON: Opo. Mabilis lang po itong pilot natin; siguro mga isang linggo lang ito. At sa mga susunod na linggo, susunod na araw, papalawakin na natin ito sa mga iba’t ibang siyudad. Uumpisahan muna natin sa mga siyudad and later on, pati sa mga iba’t ibang probinsiya ay ii-expand na natin itong programang ito. Mabilis po ito, siguro mga ilang linggo lang ang bibilangin natin, mapapalawak na natin ito s buong bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero may sapat po ba raw na pasilidad itong mga pharmacy branches na maaaring magsagawa ng vaccination? Nakita na po ba ito ng NTF? At papaano pong masisigurong ligtas at hindi po magiging crowded ito raw pong mga botika lalo’t may mga nagpupunta rin doon para po bumili ng gamot? Ganito rin po iyong dagdag na tanong ni Cresilyn Catarong ng SMNI News: Gaano raw po kahanda ang mga natukoy na pharmacies sa gagawing bakunahan?

SEC. DIZON: Kaya nga po tayo nagpa-pilot para nga ma-assess natin iyong capacity at capability ng mga pharmacies para gawin ito. Hindi lahat ng mga botika ay magagamit natin dahil kagaya nga ng sinabi mo, Usec. Rocky, iyong iba dito ay masyadong maliliit. So mamimili po tayo ‘no, depende po sa kalalabasan ng ating pilot. Pipiliin po natin iyong mga karampatang mga botika na puwedeng gamitin para sa pagbabakuna.

So ano na ho, hintayin lang ho natin itong pilot na ito, ia-assess natin after one week, pagkatapos noon, titingnan natin kung saan na natin ito puwedeng i-expand sa iba’t ibang mga siyudad sa buong bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, naibaba na rin po ba raw sa mga botikang ito iyong vaccine doses? Lahat po ba ng brands ng bakuna ay magiging available sa mga botika? Puwede rin po bang mamili ng brand iyong mga magpapabakuna?

SEC. DIZON: Opo. So ibababa na po ngayong araw na ito ‘no, simula ngayon, padating na po doon sa initial na pitong mga pilot sites natin dito sa NCR ang mga bakuna, at iba-iba pong brand iyan. Ia-announce po ng mga botika kung ano ang mga brand na mayroon sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po ba ay magiging every day na magiging available sa mga botika or may target dates lang po ang programa?

SEC. DIZON: Ang amin pong plano ay araw-araw po ‘no. Once na magsimula ang isang botika ay tuluy-tuloy na iyan, araw-araw at tuluy-tuloy po ang pag-supply ng gobyerno ng mga bakuna para sa kanila para tuluy-tuloy.

Aalamin lang natin ‘no, titingnan natin sa mga susunod na araw kung makakailan sa bawat botika para malalaman natin kung ilan na iyong mga ipapadala nating bakuna sa kanila araw-araw.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mayroon lang gustong pahabol na tanong si Tuesday Niu ng DZBB: Iyon po ba raw gustong magpa-booster shot sa mga binanggit ninyong botika, puwede na agad pumunta roon o mag-walk-in o kailangan mag-pre-register muna? Ito raw po iyong magpapa-booster.

SEC. DIZON: Mayroon pong magiging sistema na pre-registration, pero puwede rin pong mag-walk-in pero kailangan nilang mag-register doon sa botika. So hintayin po natin sa mga susunod na araw, mag-a-adjust naman po tayo ‘no kapag mayroon tayong mga nakikitang mga pagkukumpulan, so medyo mag-a-adjust po tayo. Pero ang importante po is mabilis pong tumutugon ang gobyerno sa mga pangangailangan natin ngayon lalung-lalo na marami po ang mga nagkakasakit na vaccinator ang ating mga LGU. Kaya po minadali po natin na mag-rollout na rin sa ating mga botika para madagdagan po ang mga lugar at mga paraan para magpabakuna ang ating mga [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong lang po si Patrick de Jesus ng PTV News: Saan daw po manggagaling ang personnel or vaccinator na idi-deploy sa mga pharmacies para po sa ilulunsad na Resbakuna sa Botika? At kung available din daw po ba ito for first and second doses aside dito sa booster shots?

SEC. DIZON: Una po, nasagot ko na iyong sa initial rollout natin, booster po muna sa ating mga botika. Doon naman sa mga clinic puwede iyong mga primary at second dose.

Ngayon, iyong mga vaccinator po ay manggagaling sa mga botika. Iyong mga pharmacist po natin ay iyan po ay mga qualified naman. Sila po ay dumaan na sa kailangang training kaya po sila ay importanteng dagdag sa ating vaccination program, lalung-lalo na sa mga kapanahunan ngayon na marami po sa ating mga vaccinators sa LGUs ay nagkakasakit.

USEC. IGNACIO: Opo. Dahil po dinagdagan ang mga lugar na puwedeng pagbakunahan ng mga tao, magkakaroon po ba ulit ng ‘Bayanihan Bakunahan’ ngayong unang quarter ng taon, Secretary?

SEC. DIZON: Opo, in fact, hinihintay lang po natin na medyo humupa-hupa nang kaunti itong Omicron surge natin dahil alam naman po natin hirap na hirap po ang ating mga health workers, ang ating mga LGU ngayon. So papahupain lang po natin nang kaunti at magkakaroon din po tayo sa mga susunod na linggo ng bagong ‘Bayanihan Bakunahan’ o National Vaccination Days natin sa buong bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong lang po si Mark Fetalco ng PTV: Kumusta na raw po iyong operations ngayon ng testing laboratories lalo na sa NCR? At papaano pa po natin pinabibilis ang testing sa gitna po ng pagtaas ng kaso na nakikita na rin po sa ibang lugar sa bansa?

SEC. DIZON: Iyon pong pagbagal ng testing natin ay dala na rin po ng pagkakahawa ng ating mga health care workers. Kaya po mabilis na umaksiyon ang IATF at ang ating DOH para gawing mas flexible iyong quarantine at isolation protocols lalo na sa ating mga health care workers.

At dahil po diyan, ngayon ay na-report nga po ni Usec. Vergeire noong nakaraang report na bumibilis na ang ating turnaround time ‘no. Noong mga nakaraang linggo ay umaabot ng tatlo/apat na araw ang paglabas ng resulta. Ngayon, isa’t kalahating araw na lang ay lumalabas na on average at minsan sa loob ng 24 hours ay lumalabas na ang resulta. Ito po ay dala ng pagtutulungan na rin ng mga private labs at ng government labs para mapabilis ang turnaround time natin.

Kaya ngayon, napapansin po natin, pataas na nang pataas ang ating testing output. Umaabot na tayo ng mahigit [garbled] a day at tataas pa iyan in the coming days. So nakikipagtulungan lang po tayo sa lahat ng ating mga laboratoryo para po mapabilis natin pero gumaganda na naman po at bumibilis na ang paglabas ng resulta.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong second question po ni Mark Fetalco: Ilan na lang daw po iyong testing backlogs?

SEC. DIZON: Aalamin ko po ‘no. Alam ko po, lumiit na nang lumiit iyan at sa tingin ko po mauubos na po iyong backlog ngayong linggong ito. Hindi ko lang ho alam eksakto ang number ngayon, tatanungin po natin sa DOH at kay USec. Vergeire para ma-report po agad-agad ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Jo Montemayor ng Malaya: May matatanggap po bang allowance o honorarium ang mga vaccinators sa botika?

SEC. DIZON: Ngayon po, iyan ay pinag-uusapan po natin ngayon pero nag-volunteer po ay mga botika din sa kanilang serbisyo at nagpapasalamat tayo sa kanila. Pero pag-uusapan po natin with DOH kung ano ang puwede nating insentibo sa kanila lalo na sa ating mga pharmacists sa mga botika.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ngayon pong na-hit na natin iyong target na 54 million fully vaxxed individuals, ano na daw po iyong next target natin na bilang na mababakunahan lalo’t malapit na rin pong magsimula iyong vaccination sa five to eleven years old?

SEC. DIZON: Opo. Ngayon po ay lampas na tayo ng fifty million as of yesterday, so ang next target po natin ay iyong 77 million na fully vaccinated individuals by the end of the first quarter; so, iyon po ang next target natin.

So, importante lang po is talagang paigtingin pa natin ito lalo na sa mga area na medyo marami pang mga kababayan tayo na ni isang dose ay hindi pa natatanggap. Kaya po mabilisan nating niro-rollout ang mga bakuna at naghahanap tayo ng iba’t ibang paraan para maabot natin ang ating mga kababayan lalung-lalo na iyong mga kababayan nating wala pa ni isang jab o isang dose.

So, ang hinihiling na lang po natin sa ating mga kababayan eh sana po eh magtungo na tayo sa mga vaccination site at lalo na kapag nag-rollout na tayo sa mga botika sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, mas mapapadali pa po ito lalo. Kaya sana po isipin na po natin ang responsibilidad natin bilang mga Pilipino ang pagpapabakuna dahil ito lamang po talaga ang paraan para talagang tuluyan na nating matapos itong problema natin sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Vivienne Gulla ng ABS-CBN News: Based on the numbers presented to the President last Monday night of the country’s region, only BARMM was unable to fully vaccinate at least half of its target. May we know po daw what remains to be the challenge here; what else needs to be done to ramp-up COVID vaccination sa rehiyon?

SEC. DIZON: Alam ninyo, sa BARMM ho kasi ano, kamukha din noong ibang mga areas na rin na hindi katulad ng Metro Manila, ng Region III, Region IV-A, Cebu, Davao, na madaling abutin ng ating mga kababayan, mas mahirap pong abutin ang ating mga kababayan dito sa mga rehiyon tulad ng BARMM.

Kaya po ngayon ang ginagawa po natin sa tulong ng ating LGUs, ng ating provincial government, sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng PNP, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection at iba pang mga ahensya ng DILG ay tayo ay pumupunta na bayan-bayan at barangay-barangay na o ang ating ginagawa sa mga area na iyon.

Pero siyempre, hindi ganoon kabilis ito tulad ng mga mega vaccination sites natin sa malalaking siyudad. Kailangan po iyan pupuntahan natin ang mga kababayan natin sa mga malalayong lugar at medyo mas mabagal po iyan. Pero iyan na po ang gating ginagawa ngayon sa mga regions tulad ng BARMM.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pahabol lang po na tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror, baka may maidagdag lang po kayo although iyong iba nasagot ninyo na po: May areas na po kay na kinu-consider na ma-include dito sa ‘Resbakuna sa Botika’ program beyond NCR? If yes daw po, ilan da w po iyong additional areas na isasama dito at saan po ito gagawin?

SEC. DIZON: Ang susunod po pagkatapos nitong pilot sa NCR ay ang mga malalaking siyudad sa Luzon, Visayas, at sa Mindanao. So, magbibigay po tayo ng report niyan sa susunod na linggo kapag nasimulan na natin ang pilot sa NCR. Pero immediate ho iyan, baka sa loob lamang ng isa o dalawang linggo eh mag-i-expand na tayo sa mga major cities – Luzon, Visayas, and Mindanao. Abangan na lang po natin ang listahan ng mga iba’t ibang botika.

USEC. IGNACIO: Opo. Pasensiya na naputol po yata kita doon, Secretary. Ano po iyong nabanggit na listahan na tinitingnan ninyo, Secretary?

SEC. DIZON: Mga next week po ia-announce, USec. Rocky, hindi ko pa masasabi ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may pahabol lang pong tanong si Aileen Taliping ng Abante: Saang mga lugar sa bansa daw po ang hindi pa nabibigyan ng bakuna? Ano po ang dahilan bakit hindi pa nabigyan kung mayroon man daw po?

SEC. DIZON: Lahat po ng areas sa Pilipinas ay mayroong supply ng bakuna. Wala pong area ngayon na walang supply, lahat po ay mayroon. Kaya nga po hinihikayat natin ang ating mga kababayan, nandiyan na po ang bakuna, kaya sana po eh magtungo na po tayo sa mga vaccination site para magpabakuna na po tayong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mensahe po o paanyaya ninyo sa atin pong mga kababayan na makiisa po sa ‘Resbakuna sa Botika’ program ng pamahalaan. Go ahead, Secretary.

SEC. DIZON: Opo. Bago po iyon, USec. Rocky, gusto ko lang pong i-ano iyong ating sinusuportahan po ng National Task Force ang polisiya ng ating mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno na base na rin sa direktiba ng ating Pangulo na ilimita natin muna para sa sarili nilang proteksyon at para sa proteksyon ng nakararami nating mga kababayan sa mga area na Alert Level 3 pataas iyong movement ng ating mga unvaccinated kasama na po diyan iyong policy ng DOTr.

Pero kailangan po maintindihan din ng ating mga kababayan na ginagawa po ng ating gobyerno ito at ng ating mahal na Pangulo para po sa benepisyo ng mas nakararami dahil nga po lalo na ang area na naka-Alert Level 3 talaga pong napakatindi ng pagkalat ng COVID-19 at kailangan po gawin natin itong mga desisyon na ganito at itong mga polisiyang ganito para na rin sa kapakanan ng nakararami.

Para naman po sa ating mga kababayang hindi pa bakunado, sana po maintindihan nila at sana po magpabakuna na silang lahat ‘no. Maganda rin pong maintindihan na hindi naman po lahat ay hindi rin halimbawa gumamit ng public transport. Iyon pong magpapabakuna ay puwede pong gumamit ng public transport para po makadating sa mga vaccination centers natin at nagpapasalamat tayo sa ating mga kababayan na magdedesisyon ng magpabakuna.

Ikalawa po, iyong ating mga employees, iyong mga trabahante po natin na puwedeng magtrabaho under Alert Level 3, kayo po ay kailangan lang magpakita ng inyong mga company ID or work ID o mga certificate of employment kung ang trabaho ninyo ay isa puwedeng magtrabaho under Alert Level 3 ay maaari po kayong makasakay sa public transportation.

So, sana po – humihingi po tayo ng pag-iintindi sa ating mga kababayan, para na rin po sa ating lahat – sa proteksyon ng higit nakararami at proteksiyon din sa mga kababayan nating hindi pa nagpapabakuna.

So, with that po sana po antabayanan lang po natin sa ating mga botika, magsisimula na po ito bukas at sa makalawa at dadami at dadami po ito sa mga susunod na araw at susunod na linggo hindi lamang sa NCR kung hindi sa buong Pilipinas kaya po mas mapapadali po ang ating pagpapabakuna.

Kaya po hinihikayat muna nating muli ang ating mga kababayan, sana po magpabakuna na po tayong lahat para sa proteksiyon natin at sa proteksiyon ng ating mga mahal sa buhay at sa proteksiyon ng ating mga community at sa buong bansa.

Maraming salamat po, USec. Rocky; ingat po tayong lahat!

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po at ingat po kayo, NTF Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon.

Samantala, alamin naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service kasama po si John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, bahagya pong bumaba ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 kahapon sa Pilipinas, 28,741 new cases po iyan, kung ikukumpara sa higit 37,000 cases noong Lunes. Ganoon pa man, umakyat na rin po sa bilang na 3,270,758 total cases ang naitala sa bansa.  Mas mataas naman po ang bilang ng mga bagong gumaling mula sa sakit na nasa 34,892 new recoveries kaya 2,933,338 na ang kabuuang bilang ng mga naka-recover, samantalang 52,962 naman po ang lahat ng mga nasawi na kahapon po ay nadagdagan ng 34 deaths. Dahil po sa mas marami ang naitalang bagong recoveries, bahagya ring bumaba sa 8.7% o 284,458 total active cases ang mga nagpapagaling pa rin hanggang ngayon.

Dahil po sa biglang paglobo ng COVID-19 cases sa bansa sa pagpasok ng taong 2022, pansamantala namang naapektuhan ang turismo dahil sa mga bahagyang paghihigpit na muling ipinatupad ng pamahalaan.

Kumustahin natin ang lagay ng industriyang ito kasama po natin si Undersecretary Woodrow C. Maquiling Jr., mula po sa Department of Tourism. Good morning po, Usec.

DOT USEC. MAQUILING: Usec. Rocky, good morning.    

USEC. IGNACIO: Good morning po.  Usec., ilan na ba iyong tinatayang bakunado at boosted sa mga tourism workers sa ngayon? 

DOT USEC. MAQUILING: Thank you for that. Usec. Rocky ‘no. This is really a priority program of the Secretary, in fact, kasama niya dito si Secretary Vince Dizon, kausap mo lang kanina. Batay sa data natin reported by the regional offices as of January 14, Usec. Rocky, 288,577 na or 89% of our target 329,000 tourism workers are bakunado already.

In fact, ang pinakamataas nito ay ang Cordillera Administrative Region followed by NCR, na more or less 99% or 100%.  Dito lang sa NCR, around 44,186 tourism workers, Usec. Rocky, have been fully vaccinated. But the thing is, with Omicron right now, we are really pushing with the booster shots for our tourism workers, especially so, Usec. Rocky iyong mga hotel workers natin are being used as quarantine facilities and isolation facilities for positive ROFs. So, 55% as of today, Usec. Rocky, na mga hotel workers nation or roughly around 13,500 have already been given with their booster shot and the campaign is sustained naman to all our regional offices and especially here in NCR and in areas na tumataas talaga iyong Omicron natin. At madami tayong major ports, Davao among others, para lahat ng hotel workers and frontliners natin are given with their booster shots already, Usec. Rocky.      

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, sa ngayon ba ay nakikita na rin po ba iyong epekto sa tourism industry nito pong pag-akyat sa alert level 3 ng maraming lugar sa bansa?

DOT USEC. MAQUILING: Oh yes, Usec. Rocky, kasi nakikita natin na iyong mga tourist destinations natin in the provinces, nag-Alert Level 3 na rin eh. Well, ang nag-change right now is iyong entry restrictions natin na binibigay at ginagawad ng local government units upang mas ligtas ang mga ating mga turista and of course iyong mga communities natin in tourist destinations. More than anything else, we have to really protect our communities from this variant.   

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, sa palagay ninyo applicable at maaari pang mangyari iyong sinasabing ‘revenge tourism’ pagkatapos po ng panibagong mga paghihigpit ngayon sa restrictions dahil sa COVID-19 surge?

DOT USEC. MAQUILING: Alam ninyo, Usec. Rocky iyong ‘revenge travel” na iyan nangyayari iyan eh. Especially during the holidays. I am sure, you are quite familiar na ang daming lumabas, especially so sa ating mga premier destinations like in Boracay, in Baguio, in Palawan. Ngayon lang medyo nag-stop tayo because of the Omicron variant. But eventually itong ‘revenge travel’ is really nasa utak na ng mga Pilipino ito.

For instance lang, iyong Boracay alone, from January 1 or for two weeks lang, nag-28,000 agad, eh iyong mga turista natin doon. But previously ang dami, last year. So, talagang nasa bucket list na iyan ng mga Pilipino.

Medyo nag-park lang tayo, Usec. Rocky. But eventually people will really go out and visit all out destinations. We have calibrated our circuits at mas madami tayong mas magagandang mga destinasyon ngayon. So, talagang I am looking forward—Ako, myself, will take on the ‘revenge travel’, Usec. Rocky.     

USEC. IGNACIO: Opo. Kasi pagkatapos nitong surge na ito, marami sigurado sa ating mga kababayan, kapag napababa ulit itong mga kaso, talagang magpupuntahan. Gaano po kahanda ang ating tourism industry?

DOT USEC. MAQUILING: Well, Usec. Rocky, ang directive ng ating Secretary to our Regional Directors is to ensure that you know, there is a strict coordination talaga with our local government units and our destinations and our properties and our hotels. So, talagang pinaghandaan ito and ensuring there is compliance to the minimum health public standard. And you know, we are always doing our spot checks, etcetera also. So, to ensure that talagang mas maganda ang ating mga destinasyon at mas ready sa ating mga turista, our fellow Filipinos.    

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, hanggang kailan po kaya magpapatupad ng mga paghihigpit ang ilang sikat na destinations sa mga local tourist na gusto talagang pumunta sa mga ito. Halimbawa po sa Boracay na kailangan na naman po ulit ng RT-PCR test?

DOT USEC. MAQUILING: Usec, you know personally, hindi natin matiyak kung kailan talaga luluwag pa muli ang ating mga travel restrictions or requirements eh. Because the mere fact that, you know, LGUs are trying to really protect their communities also and they are the ones who decide what entry protocols or restrictions are in place based of course on the guidance and the alert levels that has been cascaded by the IATF. So, hopefully, you know, it depends on us, talaga. The more that we will be more compliant to the minimum health public standard, faster we can end this surge and we can limit the spread of COVID and Omicron variant. So tayo din kailangan din, tayo lahat ng mamamayang Pilipino to really help fight this pandemic also.

USEC. IGNACIO: Opo. USec. Bakit daw po sinuspinde pansamantala itong free RT-PCR test ng Tourism Promotions Board para sa mga local tourists at kailan daw po ito magre-resume? 

DOT USEC. MAQUILING: Tama, tama Usec. Rocky, kasi alam mo naman dito sa NCR the past few weeks ang daming na-infect sa atin dito, talagang kahit kami dito sa DOT din. Iyong partner hospital natin which is PCMC or the Philippine Children’s Medical Center ay pansamantalang they stopped processing all this… iyong mga endorsement namin for free RT-PCR test ‘no.

Kasi, medyo na infect din sila at they have to… iyong mga encoders nila at iyong mga personnel nila kailangan din mag-ano… mag-isolate muna. But we will resume this USec. Rocky, by January 28 for the start of the travel ng mga turista on January 31 and onwards.

So, hopefully you know gagaling iyong mga tauhan natin then iyong mga partner establishments natin especially PCMC and hopefully we can go back to our testing para sa libreng PCR test cost ‘no. 

USEC. IGNACIO: Opo. USec., sa ngayon kumusta naman daw po iyong pagbabantay na ginagawa ng DOT sa mga quarantine hotels para masiguro na hindi na po mauulit itong quarantine violations ng mga returning Filipinos?

DOT USEC. MAQUILING: Ah USec., alam mo naman bago tayo naging Undersecretary for tourism development dati akong regional director ng National Capital Region. So, last time nag-usap tayo ako pa iyong RD ng NCR until December 17 ‘no. So, talagang ang ginagawa naman natin sa regional office nag-i-spot check tayo, nagra-random inspections tayo because iyan ang directive ng Secretary to make sure there’s really compliance sa ating mga hotels in terms of their quarantine on guest ‘no para sa ganiyan. 

So, ako din—iyong mga hotels naman talaga natin USec. Rocky, from the very start very helpful during this pandemic kasi imagine over 1 million already returning overseas Filipinos ang bumalik at iyan lahat nag-stay sa ating mga hotels and they have really recalibrated the whole operations para to welcome… you know open their doors para sa ating mga kababayan. Mayroon lang talagang may mga ibang Pilipino diyan USec. Rocky, na medyo privileged ‘no parang talagang they really want to circumvent and you know na parang to violate the quarantine protocols ng Pilipinas. Hindi ba USec. Rocky, pag pumupunta tayo sa ibang bansa talagang sumusunod tayo.

So, iyon panawagan din natin sa ating mag kababayan kapag umuuwi dito sa Pilipinas ay let’s follow the quarantine protocols and you know let’s comply because this is a government effort and you know no one is safe until everybody safe ika nga USec. Rocky.

So, talagang dapat kailangan talaga na you know more all the hotels complying also those returning Overseas Filipinos to really you know comply talaga. If they need to stay until the 5th day they have to stay, until the 7th day then they have to stay talaga but we continually coordinate with our hotels the different associations, the [unclear] and the [unclear] to ensure that there’s really a strengthened compliance to all of this BOQ protocols and DOH protocols and know with our department protocols, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., ano daw po iyong tourism outlook ng Department of Tourism ngayong 2022? Ano bang mga programa ang palalakasin ng kagawaran para daw po sa recovery ng industriyang ito ngayong bagong taon? 

DOT USEC. MAQUILING: Thank you USec. Rocky, mabuti iyan at napag-usapan natin iyan. In fact right now Sec. Berna is attending a forum and you know nasa point na tayo na kahit papaano nagiging manageable na ang ating pandemic dito sa bansa making way para sa ating mga tours and destination and establishments na magbukas na talaga and thankfully nakitaan natin ang mga pagtaas ng domestic tourism traffic ang ating mga tourist destination gaya ng Boracay, Baguio and of course Siargao and Palawan ‘no.

Talagang sinasabi ko nga kanina USec. Rocky, na during the holiday season sobrang taas and nagpi-peak talaga. So, we remain very hopeful na sa mga darating na mga buwan ay magpapatuloy ang pagtaas ng mga travel traffic lalo na sa majority of our major destinations so that talagang makaka-recover din tayo after this.

Sa gitna ng pandemya, the DOT ay may planong mga responsive at sustainable measures USec., para matulungan maka-recover ang ating mga tourism stakeholders natin dito sa ating bansa. Sa kasalukuyan, naka-focus ang DOT sa pag-pursue ng mga sunud-sunod na strategies and mga thrust natin ‘no to ensure that there responsive and timely formulation of policies and support a safe and fun travel, Kaya iyon talaga ang pinu-push natin USec. Rocky, ‘no, we can still travel because we still enjoy all of these but that’s always be safe in terms of being responsible tourist.

Secondly, will be cultivating convergence to develop and promote sustainable domestic tourism with all of our partners in both government and of course iyong public and private and of course in the enhancing of our capacity with our tourism workers, ensuring employability and productivity talagang ang daming trainings na ginawa natin USec. Rocky.

In fact, 30,000 workers have already attended all of these and received these trainings. Prayoridad ng Department of Tourism ang pagsulong ng domestic tourism dito sa ating bansa USec. Rocky, kaya talagang nag-push tayo. In fact, 44 tourism circuits, new tourism circuits have been develop and validated already. Whether it’s inter regional trips, food trips, it’s culture and the arts, whether it’s for faith or farm tourism nandoon lahat ginawa natin iyon even the dire moments natin sa issue USec. Rocky.

Iyong DOT Regional Directors natin and their teams together with our office here Tourism Development, iyong Office of Product and Market Development talagang sinuyod natin iyan. In fact, we still have 71 new circuits being developed and validated as we discuss this right now.

So, itong domestic tourism ay naglalayong talagang you know maengganyo iyong ating local tourist, to visit to really we enjoy the Philippines USec. Rocky, and there’s so much, so much we can offer and hopefully when the time is right and when our borders of different provinces are already you know relaxed and let’s continue to travel and be safe and ensure that we help this communities sustained by tourism, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras impormasyon Undersecretary Woodrow C. Maquiling Jr., mula po sa Department of Tourism. Mabuhay po kayo and stay safe USec.

DOT USEC. MAQUILING: Mabuhay po kay USec. Rocky, maraming salamat!

USEC. IGNACIO: Samantala, nasa higit 200 na mga manggagawa naman mula sa Nasugbu, Batangas ang tumanggap kamakailan ng ayuda mula po sa ilang ahensiya ng pamahalaan at sa tanggapan ni Senator Bong Go. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po si Julius Pacot para iulat sa atin ang mga napapanahong kaganapan sa Davao Region:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot ng PTV-Davao.

Huwag po kayong aalis, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Tuluy-tuloy pa rin po ang pagpapatupad ng ‘no vax, no ride’ policy ng Department of Transportation at isa ang Philippine National Police sa mahigpit na nagpapatupad niyan. Kumustahin po natin ang implementasyon mula kay Police Colonel Roderick Augustus Alba, ang tagapagsalita ng PNP. Good morning po, Colonel.

PNP SPOX PCOL. ALBA: Good morning, Usec. Rocky, sa ating tagapakinig. I’m supposed to have a Zoom platform nang makita ninyo ako kaya lang po nagpi-preside pa rin ako ng meeting, so we’ll do with the phone patch if that’s okay, Usec. Rocky. And good morning sa lahat ng ating viewers po.

USEC. IGNACIO: Opo, maraming salamat din po sa panahon na binigay ninyo. Colonel, kumusta po ang pagbabantay ng PNP sa ‘no vax, no ride’ policy? Marami-rami na po bang nasita sa third day ng implementation ngayong araw?

PNP SPOX PCOL. ALBA: Yes. Actually ang day 1 natin ay noong 17 ay maganda naman iyong turnout ‘no, wala tayong nai-report na mga incidents ‘no na related doon sa pag-implement as far as the PNP is concerned in coordination with the DOTr. But however, on the coming days, iyong day 2, mayroon tayong mga information – kanina mayroon akong interview na seemingly mayroong incident somewhere in Taguig ‘no nagkakaroon ng parang conflict between the passengers and the implementors of this policy.

Now, Usec. Rocky, iyong sa part po ng PNP, wala pa tayong concrete figures kung ilan iyong nahuli because we understand naman na this is the first phase ‘no. According to DOTr, we are on warning phase – ibig sabihin i-remind muna ‘no, pagsabihan muna iyong mga hindi authorized, hindi essential iyong kanilang galaw lalo na iyong mga unvaccinated na individuals na kababayan natin to just go back, to go home muna kung hindi naman essential.

Now if it essential, like for example siya ay nang-i-empleyo o nagtatrabaho, wala namang sinabi iyong ating DOTr na hindi puwedeng sumakay. Ang niri-require doon is the proof na talagang kayo ay nagtatrabaho. And pangalawa, for example unvaccinated pa rin, iyong halimbawang may comorbidity or medical condition na kailangan niyang pumunta ng kaniyang doktor o ospital o magpagamot or bibili ng gamot for that matter, other things like bibili ng pagkain para sa kaniyang pamilya – and these are things na necessary sa mga kababayan natin, so these are considered, Usec. Rocky.

Ang pinagbabawal lang natin sa ‘no vax, no ride’ policy sa pag-uusap natin with DOTr are those individuals who are unvaccinated. Take note, Usec. Rocky, iyong pinu-protect dito is hindi actually basically iyong protektado na eh, iyong vaccinated ones, iyong fully vaccinated, may naka-booster. But iyong talagang ang concern is iyong hindi nabakunahan na sumasakay, gumagamit [ng public transportation] – they are really prone for transmission ng virus. Kaya po we support, Usec. Rocky, iyong efforts ng ating DOTr as of this day.

USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin ko lang po ano. Colonel, magkakaroon po ba ng pagbabago sa pagbabantay ninyo matapos nga po iyong naging pahayag ni DOLE Secretary Bello na exempted po itong mga manggagawa dito sa ‘no vax, no ride’ policy? Ano po iyong dapat lang nilang maipakita para malinaw lamang po?

PNP SPOX PCOL. ALBA: Yes. Alam ninyo we always work with the local government units, Usec. Rocky, through their ordinance at saka policy and I believe may pag-uusap na rin sila ng DOTr. Tama po iyon, like for example – ulitin ko lang iyong sinabi ko – dalawa lamang bagay na i-emphasize ng ating PNP as the ones helping the DOTr and the LGU implementing this.

So halimbawa, for example dalawa – essential and non-essential activities – bigyan ako example ng essential. Iyong sinabi ko na po kanina, you want to avail of the transportation, public utility vehicle na papasok ka po. So kailangan hanapan ka ng pulis ng basic docs, ‘yung inyong employee ID, probably ang tinitingnan is iyong health pass galing sa barangay na authorized pass because you will be doing essential activity and part doon is magtatrabaho ka, pupunta ka sa pagtatrabahuhan mo.

Ang pangalawa, for example is may medical condition ka at kailangan mong bumili ng gamot at needs mo. So we allowed it, Usec. Rocky, among other things na sinabi ko. And if you’re doing it for non-essential matters, iyon na ‘yung papasok ang policy ng ‘no vax, no ride’ dahil talagang istriktuhan ka ng PNP although no arrest. Ang emphasize namin dito, no arrest will be made except kung mayroong specific violations of law na beyond sa pagwa-warning ng ating kapulisan ay hinarass mo or sinaktan mo ‘yung nag-implement, then that’s another story, Usec. Rocky.

But as far as possible ay we do iyong pag-convince lang po kasi itong pagpabakuna alam natin, na wala namang batas ‘no na naipasa pa na specifically stating. So what we can do is just that we convince people na mag-cooperate po sila sa ating authorities. Kaya po, Usec. Rocky, doon talaga isang factor na nagiging mainit iyong pag-uusap noong ating mga passengers with the police dahil kulang po sa pagkaintindi sa polisiya ng ‘no vaccine, no ride’ policy.

USEC. IGNACIO: Opo. Col., hanggang kailan po itong warning phase ninyo? At kailan po inaasahan na magpapataw ng multa sa mga lumalabag sa “no vax, no ride” policy?

PNP SPOKESPERON COL. ALBA: Usec. Rocky, we’ll just ‘no, antayin natin iyong cue ng transportation department kasi this is a mandate. So ang instruction po sa initial implementation is to give warning para ample time probably, perhaps, iyong makapag-adjust iyong ating riding public sa ating guidelines. So we’ll just wait sa cue ng DOTr, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Col., nagsimula na rin po ba kayong mag-deploy nitong undercover cops bilang mystery passenger para po matiyak kung nasusunod itong “no vax, no ride”? At ano po iyong mangyayari dito?

PNP SPOKESPERON COL. ALBA: Iyong DOTr, I believe, mayroon na silang dineploy as far as I’m concerned, na-ano ko na information, nakuha. On the part of the PNP, we are still planning it kasi titingnan po natin iyong level of discipline ‘no. Ang sinasabi natin na as far as our PUV drivers, conductors na kung sila ba ay sumusunod, sumusunod na sumasang-ayon, sumusunod sa mga polisiya ng ating DOTr, ng ating PNP; kung pinapatupad ba nila iyong minimum public health standard at ina-allow nila, baka walang … may areas kasi na hindi fully check ng ating mga pulis, ng DOTr at pinapasakay nila iyong mga walang vaccination cards. Ito po ang tinitingnan natin because this is a public health issue, we’ll report. If we will deploy man, Usec. Rocky, we will monitor and we will report iyong mga pasaway na mga drivers and conductors na hindi sumusunod sa patakaran ng ating DOTr, ng ating IATF. And we will report this to specific transportation authorities para mapatawan po ng disiplina iyong hindi nagku-cooperate ng mga drivers natin at saka mga conductors.

USEC. IGNACIO: Opo. Col., ngayong mayroon na ngang nahuli kayong namimeke ng vaccination card, ano pa po iyong ginagawa ng PNP para palakasin pa iyong crackdown dito sa mga pekeng vaccination card? At paano rin po nasisigurong totoo po iyong ipiniprisentang vax card sa public places?

PNP SPOKESPERON COL. ALBA: Yes, actually it’s a challenge to some of us. Although this will not hamper iyong aming pag-i-implement ‘no to really find out kung iyong piniprisenta ng publiko ay fake or hindi. So sa amin, Usec. Rocky, we train our people ‘no at saka we enhance our coordination. Kasi dito po sa NCR ay maganda po iyong sistema nila ‘no, as far as I’m concerned. Mayroon silang security features doon sa vaccination card as explained by PIO NCRPO, at may mga QR code, so napakadali po.

Ang challenge po kasi, kapag lampas po ng NCR ay iba na po ang mukha ng ating vaccination card. So ang ginagawa natin is, we just coordinate with the neighboring regions to—kasi mayroon pong database iyong ating LGU who were given the vaccination cards. If we are in doubt, we call immediately iyong concerned regional offices malapit po sa NCR.

Kagaya nga, Usec. Rocky, hindi natin mapi-perfect ito. It’s just a matter of discipline at cooperation ng ating publiko. At alam ninyo naman, marami na mga reports na nakakarating na mayroong hinuhuli na mga kababayan natin using fake vaccination cards. So ano po ang penalty ang puwede pong ipataw po sa inyo? Well, this is a public document issued by the government, by the DOH, at kapag pineke po ninyo ito, you will be charged for falsification of public documents; number two, if you are hiding your health condition, kayo po halimbawa ay positive tapos gumamit pa kayo ng peke na vaccination card at na-find out kayo, you will be charged in violation of Republic Act 11332 – iyong hindi ninyo pag-notify ng inyong disease ‘no, iyong law na iyon, Usec. Rocky. So we’re just giving this fair warning sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Col., kumusta po ang PNP ngayon? Ilan po iyong total COVID cases sa hanay ng ating mga pulis at ilan po iyong nananatiling active cases?

PNP SPOKESPERON COL. ALBA:  Medyo may pagbaba nang konti, Usec. Rocky. But this is not masabi nating malaking pagbabago because kukonti lang nga. From out of the 4,000 plus ay mayroon na po tayong 3,615. Ito po ay out of the 46,291 na total cases ng PNP, but we have more than 45,000 plus na recoveries.

Ang nakakalungkot lang po, Usec. Rocky, is because nalagasan po kami ng isa. Iyong aming 125 na prior namatay ‘no sa COVID ay naging 126 na po. Kaya po pinapaimbestigahan po natin ito through our health service kasi vaccinated iyong tao, we’ll check kung siya ba ay may comorbidities that caused his untimely death. So iyon po tsini-check natin.

But on the part of the PNP, karamihan po naman ay nasa isolation facilities at most of us are asymptomatic. Kung symptomatic man, Usec. Rocky, ang recovery usually nakita namin on the average is five to seven days recovered na rin po iyong kasamahan ninyo sa PNP. And some asymptomatic are all home quarantined.

USEC. IGNACIO: Opo. Col., kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Alam po naming abalang-abala po kayo, PCol. Roderick Augustus Alba, ang tagapagsalita po ng PNP. Mabuhay po kayo and stay safe, Col.

PNP SPOKESPERON COL. ALBA: Likewise, Usec. Rocky. Thank you so much and God bless us all.

USEC. IGNACIO: Salamat din po, Col.

Samantala, maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Maraming salamat din po sa inyong pagtutok sa ating programa ngayong araw. Hanggang bukas pong muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)