USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ating pag-uusapan ang mga issue tungkol sa pagkakaroon ng natural immunity from breakthrough infections at vaccine brands, estado ng mga ospital at health care facility sa bansa, gayun din ang patuloy pa rin na pagtaas ng mga nagpupositibo sa COVID at alamin ang updates sa unang araw ng ‘Resbakunahan sa Botika’.
Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH!
Itinaas na ng COVID-19 Task Force ang alert levels ng ilang mga lugar sa bansa. Kabilang sa Alert Level 4 ang mga probinsiya ng: Kalinga, Ifugao, Mountain Province at Northern Samar.
Habang nasa Alert Level 3 naman ang Apayao, Puerto Princesa City, Masbate, Siquijor, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Lanao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental, North Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, Surigao del Norte, Maguindanao at Basilan.
Ipapatupad ang naturang alert levels simula ngayong araw hanggang sa katapusan ng buwan ng Enero.
Issue sa ‘no vaccination, no ride’ policy patuloy pa ring pinag-uusapan. Ani Senator Bong Go, kinakailangang ipaintinding mabuti ng gobyerno sa publiko ang naturang polisiya. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Halos isang taon mula nang magkaroon ng COVID-19 vaccine ang Pilipinas, patuloy na dumarami ang mga Pilipinong nagpapabakuna laban sa nakamamatay na virus. Sa katunayan batay sa survey ng Social Weather Station nitong Disyembre, wala nang sampung porsiyento ang nag-aalinlangan na magpabakuna. Narito ang ulat ni Mela Lesmoras:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Upang tayo’y bigyang-impormasyon tungkol naman po sa sinasabing natural immunity mula sa breakthrough infections at mga concern ng publiko sa mga vaccine brands, muli po nating makakasama sa programa si Dr. Nina Gloriani, Vaccine Development Expert Panel Head. Good morning po, Doc. Welcome back po sa Laging Handa.
DR. GLORIANI: Yes. Good morning, Usec. Rocky at sa lahat ng ating viewers. Balik na naman tayo sa mga tanong…
USEC. IGNACIO: Opo. Totoo po ba na breakthrough infections can be a natural boost sa ating immune system?
DR. GLORIANI: Well technically ‘pag nagkaroon ng impeksiyon, magkakaroon tayo talaga ng natural immunity ‘no. So lahat noong—kunyari na-infect before, na-re-infect ulit… tataas ulit iyong immunity natin na natural. Pero iyong nabakunahan at nahawa ay tinatawag na breakthrough, iyon ang talagang breakthrough. So magkakaroon iyon ng bukod sa vaccine-induced immunity, magkakaroon siya ng immunity doon sa breakthrough infection, iyong natural infection na iyon.
Pero ano ang sasabihin ko diyan? Mabuti kung ang breakthrough infection ninyo ay mild hanggang moderate siguro pero mild pero magkakaroon kayo ng boosting ng immunity –pero kung maging severe iyon, hindi iyon maganda. So hindi natin titingnan na ang pagpapa—magpapa-infect na lang tayo, hindi po ganoon iyon [unclear]…
USEC. IGNACIO: Opo. Some doctors and immunologists agree daw po to natural immunity. So, ano naman po ‘yung masasabi ninyo dito base po sa inyong mga pag-aaral?
DR. GLORIANI: Palagay ko iyong mga doktor na iyon ay hindi sinasabing mag-natural immunity tayo by exposing ourselves. That natural immunity will happen naturally, hindi tayo magpapa-expose ‘no. So talaga, like in the case of Omicron ngayon, talagang mabilis ang pag-spread niya, bago mo pa halos malaman na mayroon iyong isa, iyong isang may kaso na may COVID, ay nakapanghawa na siya kasi may asymptomatic, mayroong mabilis 1 to 2 days mayroon akong naririnig na ganoon ‘no.
So base sa pag-aaral—well totoo na ang natural immunity plus vaccine immunity, iyong tinatawag nating hybrid immunity ay mas mataas ang level ng mga let us say neutralizing antibodies. Pero hindi—I don’t think the doctors will say na, “Yes, magpa-expose kayo para magkaroon kayo ng natural immunity.” Hindi po ganoon. Kung mai-expose kayo eh dahil nangyari lamang pero hindi dahil nag-expose kayo talaga; hindi iyong sasadyain mo.
Hindi natin gustong mangyari ‘yan kasi hindi pa natin alam kung ano magiging resulta sa inyo. Puwedeng sa isang bata na maganda ang kaniyang immunity, general health status, magri-recover siya, mild ‘no. Pero ‘pag iyong natamaan ay ang medyo elderly o may immunocompromised condition, may comorbidity, baka hindi po iyan mild at maospital, mag-critical care o mas masahol pa, baka mamatay. So hindi po natin gugustuhing magpa-expose para lang magkaroon ng natural immunity.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, ano kaya daw po iyong magiging epekto ng ganitong kaalaman o idea sa mga tao? Hindi ho kaya sadyang magpapa-infect nga iyong mga tao kung mayroong ganitong immunity matapos ma-inject? So, paano po natin mapi-prevent iyong ganitong sitwasyon?
DR. GLORIANI: I-explain po nating mabuti sa mga tao na sa kaso ng COVID-19 ay ibang-iba po itong sakit na ito. Kunwari, mahawa ka sa flu or common colds, gagaling ka kaagad, pero sa COVID-19 hindi tayo sigurado ano ang magiging natural course ng ating infection.
So, kailangang i-explain nating mabuti sa mga tao na iyong mga kampante at mag-expose, “O sige na, bahala na tutal mild naman.” Hindi. Maaaring hindi maging mild sa inyo and you will end up in the hospital or sa ICU at iyon pa, ang iba baka masawi pa.
Siguro mas ano na paliwanag, huwag nating pabayaan iyong complacency ‘no, kasi sabi niya, “O, bakunado naman ako.” Eh, kahit [na]. Sinabi naman natin na ang mga bakuna ay hindi 100% nagbibigay ng proteksiyon. Ang proteksyon nito ay mas malamang for severe infections.
So, magkakaroon pa rin kayo kapag hindi kayo mag-iingat pero, okay, magkaka-natural immunity kayo pero huwag kayong magpapa-expose nang sadya. Hindi po iyon dapat. Explain nating mabuti iyon kung sino pa iyong parang gustong malaman. Kailangan mas malawak pa ang ating pag-explain sa mga tao na hindi tama iyong exposure na pinilit para magkaroon ng natural immunity. It will not work po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, mayroon pa rin pong ilang hesitations and preferences ang atin pong mga kababayan pagdating dito sa vaccine brands? May mga kaso pa rin po kung saan iyong isang individual po hindi pa rin po nagpapabakuna dahil hindi daw po available iyong brand na gusto.
DR. GLORIANI: Oo. Paulit-ulit po nating sinasabi na ang mga vaccines na ito ay nakakabigay ng proteksiyon sa atin. Maybe to different extent, pero ng lahat ng ito ay nakakapag-protect especially against the severe form of COVID. So iyon po ang ating tandaan, wala tayo dapat preferences. Kung ano iyong nandiyan, kaysa naghihintay tayong dumating iyong gusto nating brand, magpabakuna na tayo para umaandar na po iyong araw, iyong panahon na nabibigyan na tayo agad ng proteksiyon.
Actually for many na medyo nahuli, iyan, humahabol sila ngayon kasi we need at least two weeks para gumana ang immunity sa after one does. So, kapag nabigyan ka pa ng another dose, another two weeks/months, tapos tataas pa iyan lalo kapag nag-booster ka. So, that takes time. Kailangan nating mauna o magdesisyon na agad kasi kung hindi, umaandar iyong panahon then mai-expose tayo. Hindi natin masasabi baka mayroon ulit ibang variants, hindi pa natin alam. So, magbigay na tayo ng layer of protection ng bakuna sa mga ito, bukod sa ating minimum public health standards.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may tanong lang po ang ating kasamahan sa media. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Maraming mga nag-aagam-agam sa bakuna na nagsasabi na mas hihintayin daw po nila itong protein-based na bakuna para sila ay mabakunahan. So, ano po ba ang [mga advantage nitong] tinatawag na protein-based na bakuna at bakit ito po iyong ipinupunto ng ibang mga anti-vax na ito po iyong kukuhanin nilang bakuna?
DR. GLORIANI: Oo. Kasi hindi ba mayroon tayong old technology at saka iyong new technology. Iyong nasa old technology, iyong mga dati ng paraan ng pag-develop ng vaccines, nandiyan iyong buong virus, pinapatay or puwedeng i-weaken lang itong sub-unit at iyong parang Hepatitis B vaccine, kung naaalala ninyo, na ilang taon na noong simula nating ibigay. Siguro 30-40 years ago na ano.
So, iyong sub-unit means iyong mismong protina, kunwari, iyong spike ng virus ang laman noong bakuna versus iyong sinasabing spike-based vaccines na ang ibinibigay ay iyong mga DNA or RNA. So, hindi siya iyong protina, gagawin pa lang sa katawan iyong protina. Pero ito diretsong protina, iyong sub-unit [inaudible].
And because it is a relatively older technology, siguro ang ano, mas parang kilala natin, alam natin ang mga safety profile nito. Pero ang sinasabi nga natin, lahat naman ng mga bakuna that we are deploying can protect especially against the severe form of COVID at lalo na kapag nabigyan ng third dose.
Siguro ang magiging parang basehan na lang or magiging decision point ay kung mayroon kayong mga contraindications doon sa mga ibang vaccines, then you may opt for the older technologies. Kunwari, sa messenger RNA vaccine, ano ba ang mayroon diyan? Likely, iyong severe allergy or anaphylactic shock pero although iyong ibang vaccines mayroon ding ganiyan, kunwari, myocarditis/pericarditis; doon sa iba iyong Guillain-Barre Syndrome; blood clots; [inaudible] bleeding.
So, kung may mga contraindications kayo doon, puwede talaga na pumili ng iba and that includes maybe Sinovac, iyong mga older technologies. Pero iyong sub-unit actually marami pong dadating niyan na iba-ibang brands din, so, titingnan natin. Pero magaganda naman lahat ng bakuna that we have deployed.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, napabalita nga po na mayroon daw pong isang rare spinal condition na na-experience ang ilan sa mga nagpabakuna ng AstraZeneca. May naitalang kaso na po na ba ganitong side effect sa atin dito sa Pilipinas?
DR. GLORIANI: I don’t think so, wala pa po sa atin ito. It is a very rare condition, ang tawag nila diyan ay Transverse Myelitis, so, iyon pong nerve cells natin mayroon iyang parang ballot. Kumbaga iyong linya ng kuryente may insulation siya. So, iyong insulation doon sa nerve cell ay inflamed, namamaga.
So, iyon po ang nagku-cause ng mga symptoms na puwedeng may pain sa back, contusions sa arms, sa legs, puwedeng mahirapang lumakad o may tingling sensations. At mayroon pong ibang nakaka-experience iyong sa pag-ihi, naiiba iyong pag-ihi nila or iyong pagdami nila. So, lahat po iyon naka-ano doon sa nerve cells na naapektuhan.
Mahaba po iyong ating spinal cord, mayroon iyan sa part dito sa may leeg, doon sa thoracic cavity and then sa baba, sa may lumbar area. So, depende po kung saan na-inflamed, sa anong part, iyon po iyong magiging signs and symptoms.
But this is a very rare event. Kaya lang, inilagay po ng EMA (European Medical Agency), ipinalagay doon sa product insert ng AstraZeneca kung saan ito na-report at sa J&J din na it is a rare event pero kailangan maintindihan na posibleng mangyari, but it’s very rare po. The benefits of these vaccines still far outweigh the risks of these side effects.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, dito po sa Pilipinas, gaano po tayo kahanda sa pag-address ng mga severe side effects ng mga bakuna? May mga pag-aaral na po ba kung paano po madi-detect kung sinu-sino iyong maaaring makaranas ng mga ganitong side effects?
DR. GLORIANI: Actually po, ang ating mga professional societies ay gumawa ng mga position statements, ng mga posters or iyong explanation or risk assessment para po matulungan iyong ating mga vaccinators or kung sino man ang involved sa vaccination na mas maka-identify at ma-treat, magkaroon ng intervention agad doon sa mga ganitong kaso. Number one siguro sasabihin natin iyong mga severe allergy o iyong anaphylactic shock.
Ang atin pong mga vaccination sites ay ready kung sakaling magkaroon ng ganito. Rare event din po ang anaphylaxis ‘no, may mga tao na talagang malakas iyong kanilang allergies pero anaphylactic shock ang presentation. Ready po ang ating mga vaccination sites diyan at alam na alam po ng mga vaccinators ano ang gagawin.
Now, for other na iyong mga may adverse events of special interest, ito nga po iyong mga myocarditis, mga bleeding tendencies, blood clots, even Guillain-Barre Syndrome, and now ngayon ilalagay natin iyong Transverse Myelitis, ay nandoon naman po iyan na dapat ini-explain nang mabuti sa mga nababakunahan ano ang posibleng mga side effects.
Pero kailangan [inaudible] posibleng mangyari at kung sakaling mangyari, kailangan po maintindihan ng mga nabakunahan ang level of referral. Puwede silang mag-umpisa na i-report iyong kanilang naramdaman doon sa LGU. So, dapat mayroon silang mga numbers doon, na contact numbers then after that mayroon pa tayong iyong tinatawag na Regional Adverse Effect Following Immunization Committee, RAFICs regional; so, tataas po iyan doon para po ma-imbestigahan for causality.
Kasi, hindi lahat ng mararamdaman ng mga bakunahan ay dahil sa [signal cut] kailangan pong ma-determine kung ito nga ba ay related sa bakuna or coincidental at may iba pang causes. So, after po noong regional mayroon pa tayong national kung talagang medyo kailangan mas malawak na imbestigasyon nandoon po iyong National Adverse Events Following Immunization Committee.
So, mayroon po silang proseso, procedures na sinusunod pero iyong referral system po siguro ang dapat paigtingin natin kasi minsan ang ating mga nabakunahan ang ating mga kababayan ay hindi rin alam kung paano magri-report doon sa kanilang naramdaman. So, siguro paigtingin na lang po iyong information na iyon para alam nila what to do kung mangyari.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, Nina, makakaapekto daw po ba sa resulta ng antigen or RT-PCR test kung isang tao daw po recently have this booster shot?
DR. GLORIANI: Iyon pong mga boosters shots, ito iyong mga bakuna ‘no, wala po tayong bakunang dini-deploy na life attenuated. Ibig sabihin buhay although weakened iyong ano, lahat po either in-activated or iyon nga sub units spike-based vaccines. So, hindi po ito makaka-cause ng COVID at hindi po makaka-cause ng positive reaction doon sa RT-PCR or even sa antigen test.
Remember po, ang RT-PCR saan ninyo kinukuha ang sample? Sa nose or sa mouth ‘no, nasopharyngeal or oropharyngeal swab or antigen test ganoon din po ano. So, ano pa ang binibigay na vaccine? Ini-inject po natin, ano ang magpa-positive kung tayo ay nabakunahan. Iyon pong antigen, hindi po iyon virus kung hindi iyon ay anti-body. Iyon po iyong gusto nating ma-develop. Ito iyong mga neutralizing anti-bodies at kasama na rin iyong mga [unclear] gusto nating—matagal na natin sinasabi na importante din para sa atin ito. So, hindi po. Ang sagot ay hindi, hindi siya magpa-positive.
USEC. IGNACIO: Doc. Nina, may dagdag na tanong po ang ating kasamahan sa media si Red Mendoza pa rin po ng Manila Times: May nakita na po ba daw na datos ang Vaccine Expert Panel para mapagdesisyunan ang pagbabakuna dito daw po sa edad na 2 hanggang 5 taon gulang?
DR. GLORIANI: Well, actually mayroon kaming ini-evaluate pero kulang pa ang data. So, mayroon parang rolling submission in a way ‘no, may konting data na pumasok pero hindi pa po iyon enough. Kasi, alam ninyo bago tayo makakapagbigay ng EUA for instance kailangan mayroong phase three trial.
Kunwari, doon sa phase three, ito po iyong efficacy trial; kahit bata kailangan ng efficacy trial. Ibig sabihin niyan kung sinabi natin na dito sa trial ng 0 to 5 or 5 to 10 sabihin na natin no, mayroon silang number of participant na mga bata na isasali. Kunwari doon sa sinabi nila na mga 5,000 iyan dapat mayroon na silang data doon sa kalahati noong 5,000.
So, 2500 na children doon sa age group na iyon na may data na sila to support the efficacy bago natin po titingnan for possible EUA approval. Without that maghihintay tayo, hindi po basta-basta ang ating pag-evaluate at lalo na at mga bata ito kasama ang safety diyan, iyong immunicity ang doktor at of course iyong efficacy. So, iyon po hintayin natin iyon but mayroon may konting data naman pero hindi pa po enough.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Nina, maraming salamat po sa inyong oras at impormasyon. Dr. Nina Gloriani, ang Vaccine Development Expert Panel head. Stay safe po Doc. Nina.
DR. GLORIANI: Thank you po USec. Rocky, and everyone. Stay safe din po.
USEC. IGNACIO: Samantala, ilan pang botika sa Metro Manila ang magsisimula na rin ngayon sa pagbibigay ng libreng bakuna kontra COVID-19. Ang isa rito ay nasa lungsod ng Makati at naroon ngayon ang kasama natin si Rod Lagusad, Rod.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report Rod Lagusad.
Kumustahin naman natin ang sitwasyon sa mga ospital at facilities habang patuloy po ang pagtaas ng mga kaso na nagpupositibo sa COVID-19, makakausap po natin si Dr. Marylaine Padlan ng One Hospital Command Center. Good morning po and welcome back sa ating programa. Good morning po Doc. Marylaine…?
Okay. Babalikan po natin si Doc. Marylaine Padlan maya-maya lamang po.
Samantala, mga residenteng nasunugan sa Parañaque, Pasig at Taguig hinatiran po ng tulong ni Senator Bong Go, matatandaang isinulong ng senador ang BFP Modernization Act of 2021 upang mapalakas at mapabilis ang pagresponde ng ating mga bumbero. Ang ibang detalye, narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Dr. Marylaine Padlan ng One Hospital Command Center. Good morning po, welcome back sa ating programa.
DR. PADLAN: Good morning po, Usec. Rocky. Good morning po sa lahat ng nanunood.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ano na po ang latest data tungkol dito sa positivity rate ng ating bansa?
DR. PADLAN: Para naman po sa positivity rate natin base naman po doon sa report na nilabas po kahapon ng DOH, ang positivity report po natin ay nasa 43.3% po.
USEC. IGNACIO: Opo. So sa inyo pong palagay, Doc, kailan kaya mag-uumpisa [garbled] o bababa ang mga positive cases sa bansa?
DR. PADLAN: Mahirap po masabi iyan, Usec. ‘no, kasi as what we are seeing right now ‘no, nagkakaroon ng increasing cases po sa ating mga ibang area so that will contribute po sa total positive cases po na nakukuha natin nationwide po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero kumusta na po ang sitwasyon sa mga ospital? Ilang ospital at facilities na po ba ang nag-declare na sila ay full capacity na?
DR. PADLAN: So in terms po sa hospital care utilization rate natin, Usec. ‘no, may nakita tayong pagtaas sa mga ibang regions. Sa high risk ngayon which is iyong Region VIII and then iyong mga moderate risk po natin medyo madami po ngayon ‘no. Ang NCR ay nasa moderate risk po, pero kumpara last week mas mababa iyong utilization rate nila. Then iyong mga other regions po tumaas and nasa under moderate risk po such as CAR, Region I, II, V, VI, VII, XI and XIII po—sorry, let me correct myself – V, VI, VII, XI and XIII.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, mga ilang tawag po ang nari-receive ng One Hospital Command Center per day? Kasi may mga lugar din po na itinaas na rin sa Alert Level 4 at nadagdagan po ang Alert Level 3. So, papaano po natutugunan iyong mga tawag at pupuwedeng mga ospital na puwedeng pagdalhan sa kanila?
DR. PADLAN: Since nang nagkaroon po tayo ng surge ngayong January, ang mga natatala naming tawag halos umaabot po iyan na 1,000 mahigit. So iyong ating mga calls nagri-range po iyan ng mga 900 plus to 1,000 these days po. This past week ang ating mga calls ay nagri-range po around 900, ang average po niyan 900 or 900 plus po ang mga average natin na nari-receive na call.
So ang ginagawa po natin, ganoon pa rin naman po ‘no, patuloy naming sinasagot iyong mga tawag. Nag-adjust kami ng work sched para mas maraming taong puwedeng sumagot ng mga calls, tapos mayroon na rin kaming augmentation from other units para mas matugunan namin nga iyong pagtaas noong bilang ng tawag na nari-receive namin.
Tapos in terms naman po sa mga hospital referrals, ngayong surge ang napansin namin ‘no kumpara sa iba, mas marami ang ating isolation request kasi mas marami nga pong mild. Mas natutuunan namin ng pansin iyong ating mga hospitalization request. So ganoon pa rin po, tinitingnan namin kung iyong mga kailangan na kaagad ay madala sa hospital, nari-refer naman po namin.
USEC. IGNACIO: Opo. So, ano po ang nagiging tugon ninyo para may mapuntahan o ma-accommodate ang mga nagpupositibo sa virus? Ang sinasabi ninyo nga po ay mas marami po ba ang nagri-request ng isolation kaysa po dalhin sa ospital?
DR. PADLAN: Ah yes po, Usec. Rocky. So kagaya pa rin po ng dati ‘no, kapag naka-receive kami ng request, titingnan namin ano ba ang mga sintomas niya; kailangan ba niyang maospital or hindi. Since majority nga po ng aming nari-receive simula nang nagbagong taon ay mild cases, so lahat po iyan ay for isolation request. So niri-refer po namin iyan sa mga hotel or isolation facility or iyong mga quarantine facilities natin, doon sa ating mga TTMF.
Tapos ginagawa rin namin ‘no, siyempre hindi naman mabilisan iyong turnaround ng ating mga patients sa isolation facilities kasi we have to wait for number of days ‘no bago sila ma-discharge, so kapag kailangan ng assistance, nanghihingi kami ng tulong sa LGU, may sari-sarili din silang mga TTMF, mga isolation facility. And then nagri-refer din kami sa LGU for monitoring po ng ating mga naka-home isolate na patients po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, paano naman po ang lagay ng ating mga health care workers? Gaano po karami ang naitalang nagpositibo ngayong linggo? Maski po kayo sa One Hospital Command Center, kumusta po kayo diyan ngayon?
DR. PADLAN: So on the side of OHCC po ‘no, since nag-start ng surge kumpara po last year, mas dumami po iyong ating received na request for health care workers pero mostly nga isolation facilities nga po ang request nila and continues pa rin po ang pagkuha namin ng data ‘no regarding dito sa ating mga health care workers.
Sa OHCC ano po, hindi rin maiiwasan na mayroon ding mga nagpa-positive pero nakakayanan naman po ng aming workforce ngayon, iyong aming operations po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may mga hospital and laboratories po bang lumapit sa inyo, sa OHCC upang humingi ng assistance dahil sila po ay understaffed na? In case lang po, ano po ‘yung naging aksiyon para matulungan sila?
DR. PADLAN: So iyong mga health facilities po na nagri-request ng assistance and understaffed, diretso na po ‘yun, sa central office na nagri-request. Tinutulungan lang namin kung dumaan sa amin, pinapaabot din namin iyan diretso sa DOH din. Tapos ngayon po para matugunan iyong kanilang mga request, ang ginawa po ng DOH is nag-u-augment po tayo sa kanilang mga health facilities. Mayroon na po silang mga dini-deploy na mga personnel, katulad po sa AFP, dito sa mga hospitals po na nagri-request ng additional manpower po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may tanong lang po ang kasamahan natin sa media. Tanong po ni sa inyo ni Red Mendoza ng Manila Times: Sa tingin po ba ng OHCC ay nagshi-shift na ngayon ang mga tawag sa inyo mula po sa pag-refer ng mga pasyente sa ospital tungo dito sa telemedicine at home quarantine?
DR. PADLAN: Sa ngayon pong surge na ito ‘no, kumpara sa Delta surge noong last August/September, mas marami kami definitely na nari-receive po na mga request for home isolation, kung paano mag-home isolate, ano dapat gagawin sa home isolation. So natutugunan naman namin iyon, gina-guide namin sila kung sino iyong tatawagan. Then iyong mga telemedicine na nagri-request, ginagabayan din po namin sila on how to process, saan sila makaka-telemed po. Mayroong mga doktor rin po dito na puwede nilang kausapin din po.
USEC. IGNACIO: Okay. Doc Marylaine, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon. Dr. Marylaine Padlan mula po sa One Hospital Command Center. Doc, mabuhay po kayo.
DR. PADLAN: Thank you po, Usec. Thank you po sa lahat ng nanunood. Ingat po lagi.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, para naman makibalita sa naging unang araw ng ‘Resbakuna sa Botika’ kahapon at ang update sa mga pekeng vaccination exemption cards, makakausap po natin si Department of Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño. Usec., magandang araw po.
DILG USEC. DIÑO: Yes. Hi, Usec. Rocky, at sa lahat ng nanunood at nakikinig sa atin ngayon especially to the 42,047 barangays sa buong Pilipinas. Good morning.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kumusta itong ‘Resbakuna sa Botika’ na inumpisahan kahapon? Ano po ang naging assessment dito sa unang araw ng inisyatibong ito?
DILG USEC. DIÑO: Alam mo, hindi kami masyadong naka-monitor, ang barangay ano, dahil iyan ay project ng ating DOH at saka iyong mga participating agency. Kaya lang ang partikular kasi na tinututukan ng barangay ngayon ay iyong dineklara ni Secretary Año na there are 16 cities at 1 municipality na naglabas na ng ating ordinansa at saka executive order regarding iyong ‘no vax, no labas’.
Pagkatapos tinututukan din natin ngayon iyong listahan ng mga vaccinated na at saka unvaccinated. Ito, maganda naman iyong naging resulta dahil naintindihan na ng ating taumbayan lalung-lalo na iyong mga – alam mo naman iyong mga kumukontra – na ano bang dahilan niyan.
Kamukha ako, bakunado ako ng DILG, so walang listahan ako sa barangay. Pero may allocated ako na dalawang bakuna sa barangay. So, ngayon kung halimbawa maku-consolidate natin lahat ng mga nabakunahan na na hindi dumaan ng barangay ngayon makikita na natin ang tunay na datos at kung sobra pa ang bakuna dito sa Metro Manila puwede na nating ipalabas at dalhin sa probinsiya.
Kung natatandaan mo last year, umangal nga iyong mga probinsiya dahil halos lahat ng bakuna ay nakatutok nga dito sa Metro Manila. Pero ngayon, dahil mataas na ang herd immunity natin ito iyong dahilan. Isa sa mga pinakadahilan kung bakit tsini-check natin kung sino pa ang bakunado at kung sino pa ang hindi bakunado.
Kaya iyong mga hindi bakunado ay nagkakaroon ng proyekto ang ating local government. Kamukha noong Quezon City si Mayor Joy, ang ginawa niya noong nalaman niya na maraming pang mga vendor ang hindi bakunado so binigyan niya ng P2,000 bawat isang vendor at ngayon nagpabakuna na halos lahat ng mga vendor dito sa Quezon City at saka ang importante diyan ngayon napupuno ang ating mga vaccination center dahil talagang nakita nila na ang advantage pagka bakunado ka na. Dahil kamukha niyan hindi ka makalabas ng bahay, hindi ka makapunta sa mall or restaurant.
So, ito iyong isa sa mga—tapos ngayon ang isa pang nakita natin na pagka ikaw ay bakunado pag tinamaan ka nitong Omicron ay talagang botika ang punta mo hindi hospital o ICU at karamihan ngayon ng mga nasa ICU ay iyong hindi bakunado.
Kaya USec. Rocky, ito ang tutok namin ngayon sa barangay. Pero siyempre, aalalayan din namin ang mga bakunahan sa mga botika at mayroon naman tayong mga naka-augment na mga tanod diyan at saka siyempre ang ating kapulisan. So, iyan ang aking masasabi USec. Rocky, ngayon sa takbo ng barangay sa ating Metro Manila most especially buong Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero USec., ano po ang tugon naman at action ninyo dito sa mga kumakalat na fake at vax exemption cards at may mga nakatulong po ba o katuwang kayo ng ibang ahensiya ng gobyerno dito po sa pag-action sa usaping ito? Ano po iyong plano para mahuli at matigil itong pagkalat nitong mga fake vax exemption cards na ito?
DILG USEC. DIÑO: Actually, sabi ko ang isda nahuhuli sa bibig. Diyan na rin sa kanila iyong—kamukha niyan in Quezon City, mayroon… inilabas pa sa Facebook tapos binibenta niya ng P100, mayroon pang seal ng ano… eh ngayon ‘ayan na, nahuli na siya at saka iyong inisyuhan niya. Tapos sa Caloocan mayroon din iyan at dito nga I think in Mindanao mayroong lumabas iyong exemption para dito sa vaccination, may logo pa ng DILG.
Kaya ito, warning na dito sa mga mamamayan natin ano, pagka nahuli po kayo mas mabigat ang penalty lalung-lalo na pag pineke ninyo itong vaccination card; tapos doon naman sa mga gumagawa niyan mas malupit ang aabutin ninyo na kaso.
So, kami sa barangay, nakatimbre na sa amin kung anu-ano iyong hitsura kasi alam sa barangay kung ano eh kung sino iyong mga bakunado pagkatapos alam din sa barangay—kasi pag labas mo pa lang ng bahay, USec. Rocky, tinitingnan na iyan, mayroon na tayong mga barangay at saka pulis at saka siyempre nagkakakilalanan tayo at sabi nga hindi lang natin alam sa barangay iyong kamukha namin na nasa gobyerno na nagpabakuna doon sa aming kaniya-kaniyang departamento at kaniya-kaniyang ahensiya.
Kaya ito iyong kinu-consolidate natin pero iyong mga magpapalusot sa barangay pa lang eh makikita na at siyempre kapag gumawa ka ng kalokohan parang apoy iyan at uusok at uusok iyan at mahuhuli at mahuhuli kayo. Kaya huwag na ninyong isipin na gumawa pa ng ganiyang mga kalokohan dahil tatamaan kayo at alam natin sa barangay iyan.
USEC. IGNACIO: Iyan nga po, hindi rin kasi maiwasang ma-criticize po itong direktiba na ito ng DILG dito sa listahan ng mga unvaccinated, ito pong pagsusumite ng mga barangay ng mga listahan ano po. How did you address the concerns of the people especially po sa usapin ng privacy?
DILG USEC. DIÑO: Alam mo ano eh, sanay na tayo dito. Iyon na nga siyempre nandiyan na iyong mga sawsawero tapos siyempre ang ating human rights nandiyan palagi. Kung natatandaan mo Rocky, napakarami na natin na mga ganitong ano… noong unang-una ako sa DILG pinakuha ko iyong listahan ng mga pusher at saka ng mga user. Eh nabatikos na naman tayo against human rights daw iyan, pagkatapos itong kinukuha natin na datos para sa mga nabakunahan at hindi nabakunahan, nasa batas iyan kaya lang siyempre may media mileage iyong mga gagawa ng kontra at saka ano.
So, ito iyon pero ang pinakamatinding kontrobersiyal sa akin ngayon iyong sinabi ko na iyong mga barangay official na hindi bakunado at saka iyong halimbawa lahat ng barangay officials kung ayaw ninyo talaga ay mag-leave kayo no. Unang-una kasi, papaano natin ipatutupad ang isang batas na tayo mismo ang medyo may violation. Halimbawa, sasabihin mo ‘no vax no labas’ tapos sasabihin ni Kapitan ‘O hindi ka puwedeng lumabas dahil wala ka pang vaccines.’ Ang sasabihin kay Kapitan, ‘Kap, manalamin ka muna eh mukha yatang ikaw ang hindi pa bakunado pagkatapos ang lakas ng loob mo na manita.’
So, nakakahiya kaya nga iyan ang pinapakiusap natin na siguro eh papaano iyan? Paano mo mai-implement ang batas kung ikaw mismo ay hindi makakalabas ng bahay mo; ni sa barangay hall hindi ka makakapunta eh dahil unang-una sabi nga natin ang batas para sa lahat walang pinipili iyan. Kapitan ka, Mayor ka, Senador ka, Congressman ka.
O hindi ba si Senator Pimentel, may imbitasyon na ngayon sa NBI dahil nga doon sa may nalabag siyang batas. So, itong batas na ito ay para sa lahat. Kaming mga barangay officials ay siyempre kami ang magpapatupad, kami dapat ang unang sumunod sa polisiya ng gobyerno. Pagka hindi mo kayang sundin ang polisiya ng gobyerno ay mag-leave ka muna o kaya kung talagang ayaw mo ay umalis ka sa gobyerno hindi ba. So, iyon lang iyon USec. Rocky.
USEC. IGNACIO: USec., may tanong lang po iyong ating kasamahan sa media. Tanong po ni Jun Veneracion ng GMA News: May mga nagsi-self quarantine ngayon after nilang mag-positive sa self-administered antigen test. Kaya lang mayroon pong hindi nagri-report sa barangay. Anong problema po ang puwede nilang kaharapin pag hindi sila nag-report sa barangay? Baka mayroon po kayong reminder sa publiko kaugnay dito?
DILG USEC. DIÑO: Hindi kamukha niyan ano. Halimbawa, nag-positive kayo i-report ninyo sa barangay dahil unang-una aalagaan kayo ng barangay. Hindi ba mayroon tayong tinatawag na granular lockdown. Bibisitahin kayo araw-araw ng ating mga contact tracers pagkatapos kung halimbawang may kailangan kayong ayuda papaano kayong tutulungan at aayudahan ng ating local at saka national government kung itatago ninyo iyan at saka hindi na ngayon buong pamilya na ang tinatamaan eh.
Anyway, iyan naman ay madaling malaman din ng barangay dahil unang-una sa ngayon kasi USec. Rocky, talagang… sabi ko nga iyong iba nga walang sakit pero basta’t mayroon tinamaan sa pamilya nila sila ang nagri-report, bakit? Eh mayroong tulong na nanggagaling sa ating barangay, sa ating siyudad, sa ating pamahalaang national.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kami po ay nagpapasalamat sa pagpapaunlak ninyo sa aming programa, DILG Undersecretary Martin Diño. Mag-ingat po kayo, Usec.
DILG USEC. DIÑO: Maraming-maraming salamat, Usec. Rocky, stay safe at support the ‘2,000 Barangay: Matino, mahusay, maaasahan, may malasakit at tapang na paglilingkod.’ Mabuhay po kayo.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Sa puntong ito makibalita naman tayo sa mga kaganapan sa ilang bahagi pa ng bansa. Puntahan natin si Merry Ann Bastasa ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Merry Ann Bastasa ng PBS-Radyo Pilipinas.
Tiniyak ng mga eksperto na ligtas ang COVID-19 vaccines sa mga buntis at kahit sa breast feeding moms. Ayon sa isang samahan ng mga doctor, ang higit na delikado para sa mga buntis ay ang tamaan ng COVID-19 at ng mga sintomas nito. Ang report na iyan mula kay Mark Fetalco.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa Pilipinas:
- Base po sa report ng DOH na inilabas alas 4:00 kahapon, January 20, 2022, naitala ang new cases na umabot sa 31,173 kaya umakyat na sa 3,324,478 ang kabuuang bilang nga mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.
- 110 katao naman po ang mga nasawi, kaya nasa 53,153 na ang ating total number of deaths.
- Samantala, umabot na sa 2,995,961 ang dami ng mga gumaling sa sakit matapos madagdagan ng 26,298 recoveries kahapon.
- Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng bagong kaso, ang active cases natin ay nasa 8.3% ng total case o katumbas ng 275,364 na katao.
At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita tayo bukas dito sa Public briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center